Jenneth can't help but be mesmerized by the bonfire in front of her. May ibang feeling talagang ibinibigay ang bonfire. Relaxing and nostalgic. It makes you want to reflect and reminisce. Maybe it's because of the fire? The warmth that it brings goes through your whole body to your soul. That's what's Jenneth is feeling right now.
Medyo malamig ang gabi dahil na rin sa winter breeze na nanggagaling sa Pacific. They are all wearing something to protect them from the cold. Si Darlene nga ay may nakabalot pang blanket sa likuran habang tuwang-tuwa sa pagluluto ng marshmallow sa apoy.
Sina Jenneth, Ryan at Samantha naman ay popcorn ang pinapapak. Si Kenneth ay kababalik lang mula sa pakikipag-usap sa kliyente nila. Kaagad itong tumabi kay Samantha at nakikain ng popcorn.
"Daddy, kwento naman po kayo nung magkaklase pa kayo ni Tita Sam," hiling ni Darlene kay Kenneth.
"Well, you now know that Sam is my best friend," ang sabi ni Kenneth sa anak.
"Opo. Pero, paano po kayo noon? Lagi po ba kayong magkasamang mamasyal? Nagbi-beach din po ba kayo?" dagdag pa ni Darlene.
"Actually, this is the first time that we went together on a beach." Tumingin si Kenneth kay Samantha.
"Eh kasi, puro X-Files yung inaatupag ninyong dalawa," ang sabi ni Ryan.
"Eh kaysa naman sa iyo," ganti ni Samantha. "Puro pambu-bully."
Si Ryan naman ang hinarap ni Darlene. "Bully po ba talaga kayo nun, Ninong? Ang sama po ng mga bully."
Napangiti si Jenneth. She is well aware of Ryan Arcilla's reputation back in high school. Truth is, she does not like him back then. Naiinis nga siya kapag may nababalitaan o nasasaksihang ginawa nitong kalokohan.
But something happened when she was in second year high school that changed her views on him.
"Hindi ko naman ipagkakaila iyon," pag-amin naman ni Ryan. "Aminado ako na bad ako nun pero may dahilan pa rin iyon."
"Still, it's not enough reason for you to bully me," ani Kenneth sa kaibigan.
"Bakit ba Ingles ka ng Ingles diyan?" tanong ni Ryan kay Kenneth. "Nagpapa-impress ka, ano?"
"Me? Impress? No, no, no, no, no!" Kinaway-kaway pa ni Kenneth ang hintuturo to strengthen his argument.
Natawa sina Jenneth at Samantha kay Kenneth.
"Kunwari ka pa. Eh gusto mo lang namang makapunta sa America kaya nagpapa-impress ka diyan kay Sam para isama ka niya," ani Ryan kay Kenneth.
"Ganoon ba?" ani Samantha na nakikisakay din naman sa biro ni Ryan. "Naku, hindi ako madaling ma-impress."
"Really?" Itinaas pa ni Kenneth ang kanang kilay nito.
Natawa ang lahat sa reaksiyon ni Kenneth.
"Ang taray nun, Pare," komento pa ni Ryan.
"Pasensiya na kayo, ha? Ingles kasi ng Ingles yung kausap kong kliyente kanina." Tsaka ito tumingin kay Ryan. "Si Mr. Evans."
"Ano ka ba naman, Pare? Bakasyon ngayon. Huwag munang trabaho ang inaatupag mo," ani Ryan kay Kenneth.
"But, I can't help it, you know. The client is very demanding," ani Kenneth na ginaya pa ang accent ni Mr. Evans. "He wants updates on his orders. Sabi ko nagbabakasyon yung OM namin. Bawal istorbohin. Baka tumandang binata for life."
Ryan gave him an irate look. Natawa na lamang si Samantha sa reaksiyon nito.
"Daddy, huwag po kayong maingay. Baka malaman ni Tita Jhing yung secret natin," ang sabi naman ni Darlene.
Of course, Jenneth is already suspicious. Ngayon nga lang ay tuluyan na itong na-confirm. Hindi na lamang siya nagkomento at kunwari ay wala siyang alam.
"Shh! Ling!" saway ni Ryan kay Darlene.
Ginatungan pa ni Jenneth ang pagpapanggap.
"Secret?" aniya. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa apat.
"Ah... wala iyon," ani Ryan.
Halatang natataranta si Ryan. Pinigilan ni Jenneth ang matawa at kunwari nga ay curious itong nakatingin sa lahat.
"'Di ba, guys?" Tumingin si Ryan kina Samantha at Kenneth. "Ito naman kasing si Darlene, eh. Halika nga at maglakad-lakad tayo sa dalampasigan."
"Ninong, nagluluto pa ako ng marshmallows," tanggi ni Darlene.
"Nagluluto... Nag-iihaw! Ah basta! Nakarami ka nang naihaw. Halika na."
Walang nagawa si Darlene nang kargahin siya ni Ryan, kasama na ang kumot na nakabalot kay Darlene. Bago umalis ay kumuha pa ng isang bowl ng popcorn si Ryan.
"Amin na rin ito," aniya. Pagkatapos ay si Darlene naman ang hinarap niya. "Ikaw bata ka, marami tayong dapat pag-usapan. Kaya halika na at marami akong sasabihin sa'yo."
Tuluyan na ngang binitbit ni Ryan si Darlene palayo sa bonfire. Nasundan na lamang sila ng tingin nina Kenneth at Samantha.
Jenneth thought that maybe, she also could contribute to this scheme that Ryan is doing. After all, nasaksihan naman niya ang kakaibang tinginan nina Samantha at Kenneth kanina mula nung manggaling ang mga ito sa beach. Parang may nangyaring kung anuman sa dalawa. At nagpatuloy pa ito habang nagluluto sila hanggang sa maghapunan na.
Maybe Ryan is right. Maybe they really should have a chance.
"Ano ba iyong secret?" tanong ni Jenneth kina Samantha at Kenneth.
Hindi makasagot ang dalawa. Si Kenneth ay nanatili lamang na nakatunganga kay Jenneth habang si Samantha ay napakibit-balikat lamang dito.
"Ryan!" Tumayo na si Jenneth. "Hey, Ryan! Wait! What's that secret?"
At iniwan na nga rin ni Jenneth ang dalawa. Dumiretso siya sa direksiyong pinuntahan nina Ryan at Darlene. Naabutan naman niya kaagad ang dalawa. Kasalukuyang ibinababa ni Ryan si Darlene sa may tabi ng ilang mga tree logs na nakahiga sa may buhanginan.
"Ikaw talaga! Ang daldal mo rin minsan, ano?" ani Ryan kay Darlene.
"Sorry na Ninong," ani Darlene na naupo sa isa sa mga sanga. Pagkatapos ay nagpangalumbaba ito.
Tinitigan ni Ryan ang bata. "O, anong nangyari sa iyo?"
"Inaantok na po ako, eh…" Saka biglang humikab si Darlene.
"Hay! Ikaw talaga. Halika nga."
Umupo si Ryan sa may sanga at pagkatapos ay kinandong niya si Darlene. Sumandal naman ang bata sa balikat nito.
"Sige, matulog ka na. Mamaya na tayo bumalik doon at nang magkaroon naman ng moment ang daddy at Tita Sam mo." Saka nito tinignan si Darlene. "Huwag tulo-laway, ha?"
Napangiti si Jenneth sa nasaksihan. Hindi pa rin pala nawawala ang sweetness ni Ryan. Kahit kasi para itong loko-loko – o loko-loko talaga ito – ay may sweetness naman itong naitatago. She knows this much dahil ilang taon din naman niya itong naging boyfriend.
Lumapit siya dito, at sigurado si Jenneth na kung wala lang si Darlene sa kandungan ni Ryan ay malamang na tumayo na ito at lumayo. She can see it in his face, the way he looked at her when she suddenly sat down beside him. That made her smile.
"Ang sweet naman ni Ninong Ryan," Jenneth said with a smile.
Napasimangot si Ryan. "Sweet naman talaga ako, ah! Kaya nga naging girlfriend kita, di ba?"
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Jenneth. She looked away.
"So… this is your plan? Kunwari, gusto mong makipagbalikan sa akin."
"Sasabihin ko naman sana sa iyo, eh. Kaya lang hindi mo pa naririnig yung plano, umayaw ka na."
"Wala ka na bang ibang maisip?" ani Jenneth.
"Eh kasi sabi nila gagawin daw nila ang lahat para tulungan ako," sagot ni Ryan. "I just thought it's the simplest way for them to be always together. Kunwari lang naman, eh. Alam ko naman na ayaw mo na talagang makipagbalikan sa akin."
Ganoon ba? Ayaw na nga ba talaga niya? Jenneth is not sure. What she's sure is she was deeply hurt at what happened to them back then. But even so, it was not really all bad. There were happy moments, lots of them. Kung iyon ang pagbabasehan, malamang na gustuhin niyang muling makipagbalikan dito.
Ryan was the best relationship he had. He was also the most painful.
He was not the worst, actually. Maybe because he was his first love? Sobrang minahal niya ito to the point na ito na ang naging buhay niya noon. Well, she was young and naïve and innocent. Iyon lang ang alam niya sa pag-ibig. Unconditional and unselfish. Siguro kasalanan din niya. Being young doesn't mean being stupid. Being naïve doesn't mean losing yourself completely.
"Am I really that bad?"
Napatingin siya kay Ryan. Ryan turned to face her, despite the fact that Darlene is sleeping soundly on his lap.
"Am I really that bad that you don't want to be associated with me anymore?" Ryan asked. "Kahit na fake lang."
"Not really that bad," ani Jenneth. "Like I've said, it's not you… The reason does not involve you."
"Eh ano pala? Hindi mo ba talaga pwedeng sabihin?"
Jenneth looked at him. There was something in those eyes that makes her want to confess the truth, and she's having the hard time to resist it.