Jenneth stared at those pleading eyes of Ryan. Oh well, maybe she really could tell him the truth. After all, tapos na siya sa chapter na iyon. Kung ano mang hate ang nakuha niya because of that mistake, it feels as if quota na siya.
"I don't wanna ruin Sam's relationship with her boyfriend. From the beginning, my mother was tagged as a home wrecker. Naanakan siya ng tatay ko na kasal sa iba. Kahit naman until mamatay siya ay kasal pa rin yung lalaking iyon sa asawa niya, iyon pa rin ang tingin ng mga tao sa nanay ko. Kasi sa relationship, kahit sabihin mo na naayos n'yo na iyon, hindi pa rin mawawala iyong stigma ng pambabae o panlalalaki ng isa sa mga partners."
Natigilan si Ryan. He understands that all too well. Hanggang ngayon nga ay nagsa-suffer pa rin siya sa pagiging anak sa labas ng tatay niya. Hanggang ngayon ay masamang babae pa rin ang tingin ng mga tao sa nanay niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawala sa isipan ng stepmother niya ang ginawa ng nanay at tatay niya sa pamilya nito. Kahit pa nga mabait sa kanya ang mga kapatid niya sa tatay niya, alam niyang at the back of their minds, siya pa rin ang anak ng taong muntikan nang sumira sa pamilya nila, na kahit hindi natuloy ay nag-iwan pa rin ng peklat sa kanilang pamilya.
Jenneth continued. "And it's not just about my mom… I had a fair share of home wrecking experience, too."
Nagulat si Ryan sa narinig.
Mapait ang ngiting bumalatay sa mga labi ni Jenneth nang muling magsalita. "Well, it didn't totally happen. Tinapos ko na kasi kaagad when I found out about it."
"Anong nangyari?" Ryan asked. Hindi siya makapaniwala na papatol si Jenneth sa may asawa. Alam niyang hindi niya ito gagawin kasi nga iyon ang nangyari sa nanay nito. Jenneth hates that so much. Not her mom, but the thing that she did, the vulnerability that she allowed to take over her.
"I didn't know that he has a partner. Hindi ko alam, may ka-live in na pala siya nang matagal. He was an engineer sa hospital na pinagtatrabahuhan ko. He was this… cool, perfect guy… good looking, kind, smart, confident." Jenneth took a deep breath. "You might say I'm exaggerating, but, yeah… He's perfect."
Hindi naiwasang makaramdam ng selos ni Ryan sa sinabi ni Jenneth. Para kasing sobrang perpekto nga ng lalaking iyon base sa pagkakakwento ni Jenneth. Napaiwas na lamang siya ng tingin.
"And he does all the right things at the right time… He was able to make me forget you…"
Iyon na yata ang pinakamasakit na narinig ni Ryan. He looked at Jenneth, and he did not bother hiding the pain that crossed his eyes. Hindi na niya kayang magtago pa.
Jenneth, on the other hand, was also hurt. She was hurt in realizing that the thing that made her forget something that hurt her so much was also the thing that will hurt her again. Nakarma ba siya? Sobrang saya kasi niya noon sa piling ni Henry na nagpapasalamat siyang dumating ito sa buhay niya upang tuluyan nang burahin si Ryan sa ala-ala niya.
Siguro nga.
"I was so happy… Everything was perfect, and then… this woman… She came to me, and she told me that she is Henry's common law wife… for six years."
Hindi na napigilan pa ni Jenneth ang maiyak. Naalala kasi niya iyong pangyayaring iyon kung saan bigla siyang naging pinakamasamang nilalang sa ospital na iyon without even knowing that she's doing something wrong. Nagulat siya nang bigla na lamang siyang sugurin nung babae at ipamukha sa kanya na masama siyang babae. Kahit pa nga ang totoo niyan, noon lang din niya nalaman ang tungkol sa bagay na iyon.
Awang-awa naman si Ryan dito. If only he could hold her that moment, embrace her, console he. Kaya lang andun si Darlene. What he did was he just held her hand and squeezed it lightly, aiming to give her comfort on that painful recollection.
"Akala ko naging mas matalino na ako that time. When he said na huwag muna naming ipagsabi sa iba ang tungkol sa relasyon namin, pumayag ako, thinking na valid yung reason niya na baka maging problem iyon dahil nga same company kami nagwo-work. Iyon pala, alam ng lahat na may partner na siya."
"He's a jerk!" Hindi na napigilan pa ni Ryan ang sarili. "Anong klaseng lalaki ang manloloko ng asawa niya pati na ng isang babaeng wala namang ginawang masama sa kanya? At kahit meron pa, is that enough reason for him to treat you like that?"
Umiling si Jenneth. "I don't know. Hindi ko alam kung bakit nagawa niya iyon. He seems like a decent man."
"He's insane." Hindi na rin itinago ni Ryan ang nararamdamang galit sa lalaking hindi pa niya nakikilala. Kung pwede nga lang niyang basagin ang bungo ng lalaking iyon ay ginawa na niya.
Oo, aminado siya na nasaktan niya si Jenneth. Niloko niya ito. Pero may malalim itong dahilan at kung may choice lang siya, hindi ganoon ang ginawa niya. Pero kahit anupaman ang ginawa niya ay hindi ito katumbas ng ginawa nung lalaking iyon.
"Gago siya!"
"Ry..." Si Jenneth naman ang pumisil sa palad ng lalaki.
"Eh ginago ka niya, eh! Ang kapal ng mukha niya! Ikaw, gagawin niyang kabit? You don't deserve it. You deserve someone better, someone great. Iyong mamahalin at ipaglalaban ka. Iyong aalagaan ka, iyong itataas ka sa pedestal. Hindi iyong magiging dahilan ng pagkapahiya mo sa mundo. Dahil sa kanya naging masama ang imahe mo sa iba. Anong klaseng lalaki iyon? Not in a million years he deserves you."
Jenneth just looked at Ryan. Hindi niya alam kung bakit, but she felt great with what Ryan said. Was it because of the words he picked? The way he said them na parang si Robin Padilla sa pelikulang "Maging Sino Ka Man" ang datingan? Or was it because it was Ryan who said it?
Whatever it is, Jenneth felt better. Napangiti na siya dahil sa sinabi ni Ryan.
"Gago iyong lalaking iyon," ulit pa ni Ryan.
"Oo na," Jenneth said. "And thank you."
Para namang natauhan si Ryan. Parang bigla itong nahiya sa biglaang pagpe-flare up sa rebelasyon ni Jenneth. Natahimik na lamang ito.
"Pero sana maintindihan mo kung bakit ayoko sanang sumama sa plano mo. Ayoko lang kasi na masisi ulit na sumira ng relasyon ng may relasyon. Kahit pa nga hindi ako ang third party."
"Sorry... hindi ko naman kasi alam," Ryan said, obviously remorseful.
Jenneth smiled. "Hindi ko rin naman sinabi sa iyo. Tsaka, hindi mo naman sinabi so in a way, you saved me. Inosente ako. Though, I figured it out eventually. Ikaw kasi, eh. Hindi ka magaling umarte."
Para namang na-offend si Ryan sa sinabi nito. "Oy, hindi ha! Matalino ka lang talaga kaya nahulaan mo. Magaling kaya akong umarte."
Natawa na si Jenneth. Napatitig naman si Ryan sa kanya. Somehow, he's glad that she's already smiling. Laughing, actually. And admittedly, he loves seeing her laugh. He loves seeing her be happy.
Napansin naman ni Jenneth na nakatitig sa kanya si Ryan. Saka niya naalalang nakahawak pa pala ang kamay nila sa isa't isa. She pulled her hand at kunwari ay pinunasan niya ang mga luha sa pisngi niya.
Pero ang totoo, bigla siyang nakaramdam ng kakaiba sa pagkakadampi ng kanilang mga kamay. Dagdagan pa ng kakaibang titig nito sa kanya.
"Kumusta na kaya iyong dalawa?" ang sabi na lamang ni Jenneth.
"Ewan..." Ryan looked at Darlene. "I think we need to go back now. Masyado nang malamig."
Napatingin si Jenneth kay Darlene. She touched her face at medyo nilalamig na nga ito.
"I guess so."
Tumayo na silang dalawa at saka magkasunod na bumalik kina Kenneth at Samantha.
Iyon nga lang, may nangyari. They saw Samantha rush back to the rest house. Napabilis tuloy ang paglapit nila kay Kenneth.
Tinawag ni Ryan si Kenneth. Napatingin ito sa kanila, and they gave him a questioning look. Hindi naman ito sumagot. Jenneth decided to follow Samantha. Si Ryan naman ay nanatili kay Kenneth upang kausapin ito.
Habang kalong-kalong pa rin ang tulog nang si Darlene, Ryan told Kenneth about what happened during their prom. Na hindi naman talaga dapat pupunta doon si Samantha. Na napilitan lang itong magsinungaling for Kenneth to go to the prom with Kristine. That Samantha also feels the same way for Kenneth. Nagpaubaya lamang ito dahil kay Kristine.
Samantala, si Jenneth naman ang kumausap kay Samantha. It was revealed that Samantha is already engaged to be married with her boyfriend, si Allan. Kung tutuusin, Jenneth has all the reasons to convince Ryan na itigil na ang plano nito.
Pero habang kinakausap nito si Samantha, Jenneth realized that yes, she really is in love with Kenneth. Na sa hinaba-haba ng panahon, hindi nawala ang pagmamahal na nadama nito noong high school pa sila na naging dahilan ng pag-alis at pagpaparaya ni Samantha. Na sa kabila ng distansiya, kahit pa nga mayroon nang Allan na totoo ding nagmamahal kay Samantha, ay si Kenneth pa rin ang mahal nito. Jenneth ended up convincing Samantha that Kenneth might be the one for her.
Nang matapos makausap si Samantha ay iniwan siya ni Jenneth. She decided to sleep sa isa pang kuwarto sa rest house. Kalalabas lamang niya ng silid nang makasalubong niya sina Ryan at Kenneth. Si Darlene ay tulog pa rin at kalong-kalong pa rin ni Ryan.
Nagkatinginan sina Jenneth at Kenneth. Jenneth feels like he has a lot to ask her, pero hindi naman magawang magsalita ni Kenneth. She just smiled at him. Para namang nahihiyang nag-iwas ng tingin si Kenneth at saka na pumasok sa silid nila ni Ryan.
"How is she?" Ryan asked Jenneth, pertaining to Samantha.
"Miserably in love," sagot naman ni Jenneth. "Sabi ko sa kabilang kuwarto na lang muna kami matutulog ni Darlene."
Tumango si Ryan. He then followed Jenneth to the other room. At dahil nga wala namang natutulog doon ay hindi pa nakaayos ang kama. Kumuha muna si Jenneth ng beddings sa cabinet na nandoon at saka inayos ang kama. Pagkatapos ay saka pa lamang ibinaba ni Ryan ang natutulog pa ring si Darlene.
Ryan and Jenneth then watched the kid sleep. They both knew that they want each other to stay for a while, but does not know how to say it, or what to say or do.
Sa huli ay si Jenneth ang unang nagsalita.
"Naniniwala na ako sa iyo."
Ryan looked at Jenneth.
"Maybe… Maybe Samantha really loves Kenneth…" Jenneth said.
"That's… good to hear," Ryan said. "Iyon nga lang… ano nang gagawin natin? When I thought about this plan, I didn't realize this could happen. Akala ko, kapag nagka-aminan sila ng feelings para sa isa't isa, akala ko okay na. Pero parang mas magulo ngayon."
"Maybe… Maybe we just have to wait," Jenneth said.
"Yeah…" Ryan nodded. "Let's just wait for a while…"
Unang araw pa lamang nila sa rest house na iyon ay napakarami nang nangyari. But thinking about it, Jenneth realized that the hardest part has already happened. May three days pa sila to fix everything. Ang importante, the most challenging part already happened. Nalaman na nina Kenneth at Samantha ang feelings ng bawat isa. The easier parts are happening next.
Or, is it really the case? Jenneth pushed the negative thought away from her mind and just focused on what is in front of them. Darlene is sleeping soundly and based on the kid, everything is calm and peaceful, and everything is going to turn out just fine.