The Fiance

Nang makarating sa kusina ay kaagad naghanap ng lulutuin si Jenneth. Totoo naman ang sinabi ni Ryan. Wala na nga talagang pancake mix. Hotdog and eggs na lamang ang niluto niya. Mabuti na lamang at may loaf bread.

"I'll just go to the grocery store after," ani Allan.

"It's okay," Jenneth said. "We have plenty of supplies naman."

"Is it really okay if I stay?" tanong ni Allan kay Samantha. "I mean, I could just go straight to Tarlac."

"It's fine," Samantha said.

Allan then looked at Darlene. "Is that true? It's fine if I stay here with you guys?"

"Opo!"

Allan smiled. "Well, thank you, Little Miss."

"Hindi po ba siya marunong mag-Tagalog, Tita Sam?" tanong ni Darlene.

Allan chuckled. "Marunong po."

"Nagta-Tagalog po kayo?" Biglang na-excite si Darlene.

"Yup, pero mas sanay ako sa English. Probably because I work with a lot of people belonging to different races. English is our main language to communicate so I just got used to it. Pero marunong ako ng Tagalog. After all, I'm still a Filipino."

Nakapasok na noon sina Kenneth at Ryan sa kusina. Jenneth looked closely at Ryan. Alam niyang hindi nito basta-basta palalampasin ang nangyari kanina. Jenneth is very sure na gagawa at gagawa ito ng pakulo.

"So Allan, saan ka nagtatrabaho?" tanong ni Ryan.

"Facebook," Allan answered.

"Facebook po ang trabaho ninyo?" tanong ni Darlene.

"I work at Facebook... you know Facebook?" Allan asked.

"Opo. Meron po ako noon," Darlene answered.

"Good! So I work there. I'm one of the people who maintain those accounts," Allan explained.

"So you're an IT?" tanong ni Ryan.

"More like a programmer," Allan said. "But still, an IT guy."

"Ano po yung IT?" tanong ni Darlene.

"Information technology," sagot ni Allan. "It's about dealing with information or data by using computers. I guess that's the simplest definition I could give you."

"Ang cool naman po noon," ani Darlene. "Mga computers."

"You know who's cool? This lady." Allan held Samantha by the waist. "The best doctor in the West Coast."

"That's not true," ani Samantha.

Pakiramdam ni Jenneth ay parang naiilang si Samantha sa sweetness na ipinapakita ni Allan. Maybe because kaharap sila ng mga ito? O baka may ibang dahilan… Jenneth brushed that thought off her mind at nagpatuloy na lamang sa pagluluto.

"And she's the most humble," dagdag pa ni Allan as he stared at Samantha lovingly.

Nagulat si Jenneth nang biglang lumapit si Ryan sa kanya. "Ready na yung breakfast. Kumain ka na," anito kay Allan.

Gustong batukan ni Jenneth si Ryan nang padabog nitong ihain ang pagkain ni Allan. Hindi lamang nito magawa dahil baka ito naman ang mapahiya. Pinigilan na lamang niya ang inis na nararamdaman.

"Let's eat!" yaya ni Allan sa lahat, trying to ignore Ryan's demeanor.

Sumunod na rin naman ang lahat kay Allan. Nagsimula na rin silang kumain. Jenneth felt that the air suddenly became colder. It's January and the air is chilly, pero kakaibang lamig ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. First time did they eat in that rest house na hindi umiimik. Maging ang enthusiastic na si Darlene ay hindi rin nangungulit ngayon. Parang ramdam nito na hindi magandang mangulit sa mga matatanda ngayon.

Pagkatapos kumain ay nagprisinta si Allan na magligpit. Pinigilan naman siya ni Jenneth.

"You should rest. May jet lag ka pa, hindi ba?" Jenneth said.

Ramdam ni Jenneth ang nag-aapoy na tingin ni Ryan. Hindi na lamang niya ito pinansin.

"It's okay," ang sabi naman ni Allan. "I'm used to no sleep at all. Also, you've already prepared my food. It's just right for me to clean up after everything that you've done for me."

Sobrang bait naman ni Allan na parang nakokonsensiya na talaga si Jenneth. Napatingin siya kay Samantha, waring nagpapatulong na kumbinsihin si Allan na tigilan na ang ginagawa.

Mukha namang nabasa iyon ni Samantha.

"Allan…" Samantha said as she held his hand to stop him from working. "Let me take you to your room."

Wala na ngang nagawa pa si Allan kundi ang sundan na lamang si Samantha. Nagpaalam na ito sa lahat at saka umakyat na kasama ang girlfriend.

Nasundan na lamang ng tingin ni Kenneth ang dalawa. To the rescue naman si Ryan sa kaibigan.

"Pare," anito sabay tapik sa balikat. "Doon muna tayo sa may beach. Pahangin muna tayo."

"Sama po ako!" ani Darlene.

"Lene," ani Jenneth sabay hawak sa kamay nito. "Pwede mo ba akong samahang maghugas ng plato?"

Kenneth looked at Jenneth. The latter smiled at him. She knew Kenneth needs time to think. Ryan can help him, but Darlene will only give him a hard time.

"Mabuti pa nga, Ling," gatong ni Ryan kay Jenneth. "Maghugas muna kayo dito ng Tita Jhing mo. Tara na P're."

Lumabas na ng rest house ang dalawa. Si Jenneth naman ay nagsimula nang magligpit. Nakasimangot naman si Darlene habang tinutulungan siya nito. Medyo nakonsensiya naman si Jenneth.

"Lene, gusto mo pagkatapos nito kwentuhan tayo?" she asked the kid.

"Ano pong ikukwento ninyo?" Medyo na-curious naman daw ang bata.

"Ikaw… ano bang gusto mong ikuwento ko?"

Nagliwanag ang mga mata ni Darlene. "Iyon pong kwento ninyo ni Ninong!"

Natigilan si Jenneth. Parang bigla siyang nagsisi sa sarili niyang ideya.

"Ang sabi po ni Daddy, love na love po kayo ni Ninong noon."

"Talaga?" Medyo natuwa siya sa sinabi ni Darlene.

"Opo. Kaya Tita Jhing, pwede po iyon na lang ang kuwento ninyo sa akin?"

"O sige."

Wala na rin namang magagawa si Jenneth. Nagkasubuan na. Kaya pagkatapos maghugas ng plato ay nagpunta sila sa may pool area para doon niya ikuwento ang mga nangyari sa kanila noon ni Ryan.

"Pero Lene, whatever I tell you, promise me na hindi mo ipagsasabi kahit kanino, ha?" bilin pa ni Jenneth sa bata.

"Promise po," ani Darlene sabay taas pa ng kamay na parang nanunumpa. "Iyon nga pong secret ni Mommy hindi ko sinabi kahit kanino. Kay Ninong lang. Tsaka sa inyo po. Di po ba nabasa ninyo iyong sulat?"

Tumango si Jenneth. "Sorry kung hindi ako pumayag sa gusto ng ninong mo."

"Okay lang po," ani Darlene. "Ang importante po, nandito na kayo ngayon kasama namin."

Jenneth smiled. "Ano bang gusto mong malaman tungkol sa amin ni Ryan?"

"Kung paano po kayo nagka-crush sa kanya."

"Ano daw?"

"Iyon po ang sabi ni Ninong, eh. Crush n'yo daw po siya noon."

Natawa si Jenneth sa sinabi ni Darlene.

"Ang kapal talaga ng ninong mo, ano?"

"Sabi ko na nga ba. Si Ninong talaga. Hindi naman talaga kayo nagka-crush sa kanya, di ba po? Siya po yung may crush sa inyo?"

Lalong natawa si Jenneth sa sinabi ni Darlene.

"Actually, that was true. Crush ko nga siya noon. Pero nung una ko siyang nakilala, inis ako sa kanya. Kasi nga alam ko na bully siya. First year ako noon, tapos siya second year. May reputation na kasi siya noon of being a bully. Tapos nakita ko siya in person na binu-bully iyong isang estudyante. Kaya hayun, nainis ako sa kanya."

"Si Ninong talaga…" Napasimangot si Darlene.

Jenneth smiled. She touched Darlene's head and played with her hair.

"Eh paano n'yo po siya naging crush?" tanong ni Darlene sa kanya.

"Paano nga ba?" Jenneth looked away and tried to recall that first time she fell for CPRU's resident bully. "I guess it was that time, sa may gym."

It was January of her first year in high school. Oo, that happened on the same month as they are right now, only eighteen years ago. Jenneth could still recall everything – from the cold January air, to the rough wall of the gymnasium; the heat of the morning sun and the shadow it made on them; and of course, the feeling that Ryan made her feel the first time they locked eyes with each other and almost kiss.