Cornered

𝙅𝙖𝙣𝙪𝙖𝙧𝙮 1996

Mahilig magbasa si Jenneth, at iyon ang libangan niya sa bahay man nila o maging sa school. She always brings any book that she and her mother brought from their favorite bookstore. But unlike other students, hindi sa library o sa mga study area around the school siya naglalagi upang magbasa. Kapag nasa school, sa may likuran ng gym siya nagpupunta upang basahin ang kung anumang librong dala niya.

She is a loner, yes. She has been a loner since magkaisip siya. Pakiramdam kasi niya ay hinuhusgahan siya ng kung sino mang makaharap niya. O kung hindi man siya, ang nanay niya. Kaya hindi rin siya naglalagi sa library kasi feeling niya, imbes na magbasa ay ang pagtsitsismis tungkol sa kanya ang inaatupag ng mga estudyanteng naroon.

Bata pa lang siya, ipinaliwanag na ng nanay niya sa kanya ang tungkol sa sitwasyon nila. Her mother fell in love with a guy who's already married with another woman. In short, anak siya sa labas. Siguro nga, special siya. Imbes kasi sa magalit siya ay naintindihan niya ang ina at imbes na magrebelde ay lalo siyang naging mabuting anak dito. Feeling kasi niya ay kung magrerebelde siya, wala nang matitira sa nanay niya. Lahat na lang ng tao masama ang tingin dito. Disgrasyada, kabet, name it all. Iyon ang tawag ng mga tao sa nanay niya.

And somehow, people also see her as a bad kid because her mother did something bad. Andun na iyong stigma na anak siya ng isang kabet. Parang wala na siyang gagawing tama dahil sa pagkakamaling iyon ng nanay niya. Siguro isa rin iyon sa dahilan kung bakit lalo niyang minahal ang nanay niya. At a young age, alam niya kung ano ang nararamdaman nito, kung anong panghuhusga ang pinagdaraaanan nito. Ganoon din kasi siya.

So imbes sa library ay sa may likuran ng gym na lamang siya tumatambay para magbasa tuwing vacant hours niya. Kahit walang upuan doon at magaspang ang pader kung saan siya nakasandal ay tinitiis na lamang niya. Ang importante ay tahimik doon at mag-isa lang siya. Walang ibang taong manghuhusga o mag-iisip ng masama tungkol sa kanya.

Recess nila sa umaga at naisipan niyang pumunta sa favorite place niya upang magbasa ng kaunti. Thirty minutes lang naman ang break nila, pero kailangan niya talagang mabasa iyong next chapter ng librong binabasa niya. Emma by Jane Austen. Malapit na niyang malaman kung ano ba ang totoong feelings ni George Knightley sa bidang si Emma Woodhouse. Actually, favorite novel iyon ng mama niya. Ngayon nga lang niya iyon pinabasa sa kanya kasi nga daw, thirteen na siya. Teenager at first year high school na. Maiintindihan na daw niya ang ganoong mga istorya at Old English naman ang setting kaya wholesome pa naman iyon kahit na love story.

Nasa may kapana-panabik na siyang parte nang bigla na lamang may sumulpot sa likuran niya. Mukhang hindi rin siya nakita ng taong iyon dahil likod nito ang nakaharap sa kanya. Nabitawan ni Jenneth ang libro at muntikan nang sumubsob sa may lupa kung hindi lang siya nahawakan nung bumungo sa kanya.

Laking gulat niya nang malaman kung sino ang lalaking bumunggo sa kanya. Si Ryan Arcilla, ang resident bully ng CPRU. Sa dinami-dami pa naman ng makakabungo, bakit si Ryan pa? Nakita niya ito nung ipahiya nito ang isang estudyante dahil lang sa aksidente nitong mabunggo ito isang araw sa may corridor.

Biglang nakaramdam ng takot si Jenneth. Ano naman kaya ang gagawin nito sa kanya? Hindi naman niya sinadya na mabunggo ito. Ito nga ang bumunggo sa kanya. Siya nga ang tuluyan nang napasubsob kung hindi lang siya nito nahawakan.

At, oo nga pala. Bakit nga pala ito nakahawak sa kanya?

Hindi na nakapagsalita o nakapag-react pa si Jenneth. Paano kasi ay bigla na lamang siyang isinandal sa pader ni Ryan at saka tinakpan ang bibig niya. May narinig siyang ilang mga yabag sa may kanan nila. Ang ginawa ni Ryan ay idinikit nito ang mukha nila sa ayos na nakatalikod sila ng bahagya sa may kanan kung saan naroon iyong mga yabag na papalapit.

Hindi malaman ni Jenneth kung ano ang dahilan ng pagkabog ng dibdib niya. Was it the fear of being with Ryan Arcilla? Was it the excitement from hiding from those who are about to come to them? Or was it the fact that Ryan is too close to her, his face touching hers, his breath on her face and his body pushing her on the wall?

Napalunok si Jenneth. She was just reading about those things a while ago on that book that's now on the ground not too far from them. Tapos ngayon, nararanasan na niya ang mga iyon firsthand. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga… But even so, bakit parang hindi niya magawang itulak si Ryan palayo sa kanya? Was it because of fear? Or, was it because she also likes what is happening?

Ilang sandali pa ay pinakawalan na rin siya ni Ryan. Wala na rin iyong mga palapit na yabag na naririnig niya kanina. Iyong tibok na lamang ng dibdib niya ang naririnig ni Jenneth and she feared Ryan might hear it, too. Hinawakan niya ang dibdib to somehow calm it. Para kasing magwawala na ang puso niya.

Ryan took the book from the ground and gave it to her. Atubiling kinuha iyon ni Jenneth. He looked at her, probably wanting to say something. Sa halip ay umalis na lamang ito. Napasandal na lamang si Jenneth sa pader ng gym at saka hinabol ang kanyang hininga na parang sobrang napagod siya nang wala namang ginawa.

Ryan Arcilla occupied Jenneth's thoughts the whole day. Naiinis nga siya kasi alam naman niyang bully ang lalaki at masama ang ugali nito. Pero bakit parang iyong nararamdaman niya para dito ay iyong mga nararamdaman ng mga babaeng nababasa niya sa mga Jane Austen books para sa mga lalaking gusto ng mga ito? Pakiramdam tuloy niya ay isa siya sa mga karakter sa mga librong ipinahiram ng kanyang ina sa kanya.

Nagpatuloy ang ganoong nararamdaman niya para kay Ryan Arcilla. Iyong pagkainis niya at pagde-deny noong una ay lalong nagpalala sa nararamdaman niyang paghanga para dito. In the end, she just surrendered and accepted the fact that she is really attracted to Ryan the Bully. Natanggap na rin niya na crush na niya ang lalaking dati niyang kinaiinisan. The next time na bumabalik siya sa paborito niyang lugar sa may likuran ng gym, lagi na niyang nahihiling na sana ay magbalik ulit si Ryan doon at makasama niya kahit pansumandali lamang.

Kung dati ay naiinis si Jenneth kapag nababalitaan o nasasaksihan niya mismo na nambubully ito, ngayon ay nalulungkot na lamang siya para dito. Nalulungkot siya kasi hindi nito magawang tigilan ang masamang ginagawa. Hindi naman sa pinagtatanggol niya ito sa iba o jina-justify ang ginagawa nito. Ang sarili nga niya hindi niya magawang ipagtanggol sa iba, si Ryan pa kaya?

Minsan ay nakita niya ito sa may Casa Rafaela. Ang alam niya, ang pamilya nina Ryan ang may-ari ng malaking patahiang iyon. Kinailangan noon ng nanay niya na magpatahi ng damit sa Casa, kaya sinamahan niya ito at tiyempo namang nandoon si Ryan. Siyempre, sobrang tuwa naman niya kahit na nga hindi nito alam ang tungkol sa nararamdaman niya para dito. Nobody knows maging ang nanay niya.

Iba ang ugali ni Ryan sa Casa Rafaela. Nagulat nga si Jenneth dahil for the first time ay kinausap siya ni Ryan. Or, at least iyong nanay niya.

Nang araw na iyon ay kukunin na ng nanay niya ang pinatahi niya. Medyo marami iyon dahil scrub suit iyon for one week. Nurse kasi ang nanay niya sa Tarlac General Hospital. Nagpagawa ito ng bagong uniporme at dinagdagan na talaga nito dahil once a week lang sila nagpapalaba. At dahil medyo may edad na rin iyong mananahi ay tinulungan siya ni Ryan na bitbitin ang pinatahi ni Emilia Taruc, ang nanay ni Jenneth.

"Maraming salamat, Hijo," ani Emilia kay Ryan.

Ngumiti lamang si Ryan.

"Anak n'yo po ba?" tanong ni Emilia sa mananahi.

"Ay! Anak po iyan ng may-ari," anang mananahi. "Tumutulong lang talaga sa amin iyan minsan."

"Ang bait naman."

Nagulat si Jenneth sa narinig. Hindi niya inaasahan na magiging mabait si Ryan sa kahit na sino, lalo na sa mga tauhan nila. Sa CPRU kasi, akala mo kung sino itong umasta. Maging ang mga janitor at iba pang trabahador doon, kung tratuhin nito ay parang pag-aari nito ang mga iyon. Pero dito sa Casa Rafaela, iba ang ugali nito.

Lalo tuloy naging interesado si Jenneth kay Ryan. Para kasi itong isang misteryo na gustong-gusto niyang i-solve. Iba ang image nito sa CPRU at iba naman ang ugali nito sa Casa Rafaela. Jenneth wondered kung ano ba ang totoo nitong ugali – iyon bang sa CPRU, o iyong sa Casa Rafaela?

Nang mag-third year si Ryan at sumali sa COCC ay nag-iba ang ihip ng hangin. Dahil sa kilala nga itong bully ay bigla siyang binawian ng mga officers nila. Laging ito ang inuutusan at laging ito ang pinapahirapan. Ang hindi malaman ni Jenneth, at siguro ay hinahangaan na rin niya dito, ay natitiis iyon ni Ryan. Tinitiis nito ang kung anumang ipagawa sa kanya ng mga officers na ikinatutuwa naman ng mga ito. Imbes na mainis ay lalo silang natuwa kay Ryan, lalo na at dahil sa training ay nabawasan ang pagiging bully nito at medyo umayos na ang ugali nito.

Dahil doon ay unti-unti nang nabago ang image ni Ryan. Though hindi na maaalis ang history nito bilang resident bully ng CPRU, unti-unti naman ay naging matinong estudyante at magaling na trainee na ito ng COCC. Tuloy, marami nang nakakapansin dito at marami na ring nagkaka-crush. Gwapo din naman kasi si Ryan. Mestisuhin ang features nitong matangos ang ilong, defined ang jawline at may katangkaran kumpara sa ibang kaedaran nito. Maputi rin ito pero dahil sa training ng COCC ay medyo nangitim ito dahil laging bilad sa araw. Mas nakadagdag pa ito sa appeal nito dahil lalo itong nagmukhang lalaking-lalaki.

Sa dinami-dami ng nagkakagusto kay Ryan, tuluyan nang nawalan ng pag-asa si Jenneth. Noon na wala pang nagkakagusto kay Ryan, alam niya na wala na siyang pag-asa dahil kahit minsan ay hindi siya nito napansin. Makasalubong man siya nito sa corridor ay hindi siya nito tinitignan. Ngayon pa kaya, ngayong marami nang nakapaligid sa kanya? Mukhang nakalimutan na nga yata nito na may nangyari sa kanila noon sa may likuran ng gym. Wala na talaga siyang pag-asa dito.

Ang ginawa na lamang ni Jenneth ay nag-aral siya ng mabuti. Pinagtuunan na lamang niya ng pansin ang sarili niya. Ginawa niyang inspirasyon si Ryan. Naisip niya na kung ito nga, nagawang baguhin ang sariling image at ang sarili na mismo, alam ni Jenneth na kaya din niya iyong gawin sa sarili niya.

Kaya ang tahimik at mahiyaing Jenneth ay naging aktibo sa mga lessons nito. Kung dati ay natatakot itong mag-recite dahil takot siyang magkamali at makakuha na rin ng atensiyon, ngayon ay nagagawa na niyang lakasan ang loob at sumagot sa anumang katanungan sa recitation nila.

Ang naging resulta? Nag-improve ang grades niya at nakilala siya bilang isa sa mga pinakamagaling sa batch nila. Dahil doon ay naisali siya sa mga competition sa iba't ibang mga subjects at schools. Dahil din doon ay nakasama niya ang ibang mga estudyante sa CPRU katulad nina Kenneth Oliveros at si Samantha de Vera na naging idol niya na rin. Paano ba naman? Sobrang galing ni Samantha de Vera. Wala yata itong hindi alam sagutin na tanong at kahit anong subject ay ito ang nangunguna sa batch nila. Wala ngang kokontra kung ito ang tatanghaling class valedictorian ng kanilang batch.

Mukhang wala na ngang pag-asa si Jenneth kay Ryan. Nakakasalamuha man niya ang mga kabarkada nito na sina Kenneth at Sam, hindi naman ito kasama. Hindi rin naman siya masyadong close sa mga ito. Tsaka, sino ba ang magkakagusto sa isang tulad niyang wala namang ibang maipagmalaki bukod sa 98% niyang grade sa Algebra?