𝙁𝙡𝙖𝙨𝙝𝙗𝙖𝙘𝙠...
Nang mag-third year na si Jenneth ay tuluyan nang nabago ang image niya pati na rin ng kay Ryan. Naging training officer si Ryan ng COCC at si Jenneth naman ay naging top 1 sa klase. Pareho silang tinitingala ng mga ka-batch nila. At dahil din doon ay napilitan si Jenneth na sumali sa COCC training kahit pa nga hindi naman talaga niya gustong sumali doon.
Alam naman kasi niya iyong mga ginagawa sa training na iyon. Very physical ang training, parang sa PMA na rin. Sa initan sila pinapatakbo, pinapagapang sa putikan, at higit sa lahat, kung anu-anong pinapagawa sa kanila ng mga officers. Kaya hindi talaga niya binalak na sumama doon.
Kaya lang, pinilit siya ng mga kaklase niya. Ng mga teachers niya. Pati na rin iyong ibang mga officers kasama na sina Samantha at Kenneth. Eh kasi naman, mas maganda daw kung katulad niyang matalino ang isa sa mga officers. Matalino at responsableng estudyante. At least daw sigurado silang magiging maayos ang takbo ng susunod na administrasyon ng COCC sa kanilang school.
At isa sa mga dahilan kung bakit siya na-convince na sumali ay iyong katotohanang ang Training Officer ay si Ryan Arcilla. Hindi naman sa ito ang direktang magti-train sa kanila. Siyempre, iyong mga captain at first lieutenants na under dito ang direktang magti-train kina Jenneth. Nevertheless, mas may chance na ngayon si Jenneth na mapansin ng kanyang crush. Basta galingan lang niya sa training ay sigurdong magkakaroon siya ng chance na mapansin nito.
Very physical man ang training ay kinaya ni Jenneth. Kagaya lang ito ng improvement sa studies niya. Pinilit niya ang sarili na mag-aral ng mabuti kaya ngayon ay narating niya ang estado ng pagiging first honor sa batch nila. Kaya tiwala siyang makakayanan din niyang lampasan ang mga hamon na ibibigay sa kanila sa training.
Pero siyempre, hindi naman naging madali iyon. Minsan ay naiisip din niyang mag-quit, lalo na kapag pinahihirapan siya ng husto ng mga officers nila. Dahil nga sa matalino siya, siya halos ang gumagawa ng lahat ng assignments, projects at iba pang requirements ng kanilang mga officers. Pero dahil doon naman ay mabait sa kanya ang mga ito. Hindi siya masyadong pinahihirapan sa training. Pero ang masama noon, medyo nagseselos sa kanya ang kanyang kapwa trainees.
Matagal na rin naman siyang nagtitiis sa discrimination kaya hindi na ito bago kay Jenneth. Dahil na rin sa training ay lalong tumibay ang loob niya. Though andoon pa rin iyong sweet and kind Jenneth ay naging stronger and wiser na siya. Kaya naman wala siyang pake kung lahat man ng estudyante ay kinaiinisan siya. Ang importante sa kanya ay magawa niya ng maayos ang mga task na binibigay sa kanya at matapos niya ng matiwasay ang kanilang training.
Isa sa mga events tuwing COCC ay iyong overnight camping ng mga trainees. Bale whole day ang training, tapos ay may bonfire kinagabihan. Magkahiwalay ang mga babae at lalaking trainees, ganoon na rin ang mga officers. At dahil si Samantha de Vera ang Ex-O, siya ang leader nila sa kanilang camp.
Usually ay sa isang resort ginaganap ang training. Magkaibang resort ang sa male and female trainees. At isa sa mga tradition ng COCC ay iyong night swimming kung saan isisigaw ng mga trainees ang mga crushes nila bago mag-dive sa pool. Kahit sinong crush – artista, singer, sport celebrity, o kahit iyong ka-school nila. Kahit na sino, basta crush mo.
Medyo nagdadalawang isip si Jenneth na isigaw ang crush niya. Hindi naman dahil sa nahihiya siya. Well, nahihiya naman talaga siya. Pero lahat naman sila ay ganoon ang ginagawa. Kaso, baka kasi iba na naman ang isipin ng mga kasama niya kapag ang isinigaw niyang pangalan ay ang kanilang Training Officer. Baka mamaya ay sabihan siyang sipsip.
Naisip niya isigaw na lang ang pangalan ng paborito niyang artista. Jericho Rosales. Kaya lang, nang nandoon na siya sa gilid ng pool ay hindi na niya magawang isigaw ang pangalan nung artista. Para kasing nakokonsensiya siya. Kabilin-bilinan kasi ng nanay niya na huwag siyang magsinungaling. Kaya napapikit na lamang siya at isinigaw na lamang ang pangalang pilit nagsusumigaw sa kanyang isipan.
"Ryan Arcilla!"
Tsaka na siya nag-dive sa pool.
At tama nga si Jenneth. Dahil sa pagsigaw niya sa pangalan ni Ryan ay lalo siyang nakatuwaan ng mga officer. At dahil nga doon ay lalo siyang kinainisan ng kanyang kapwa trainees. Kagaya ng dati ay hindi na lamang pinansin in Jenneth ang mga iyon. Lalo na lamang niyang pinagbuti ang lahat ng kanyang ginagawa, sa COCC training man o sa studies niya. Dahil doon ay na-maintain naman niya ang mataas na grades, pero hindi na siya ang rank 1 sa batch nila. Okay na rin naman iyon. Rank 2 pa rin naman siya kahit papaano.
Minsan ay nag-take over si Samantha sa kanila habang naka-fall in silang lahat na trainees. Kinausap sila nito at sinabi ang tungkol sa kanilang foundation day celebration.
"Malapit na ang founding anniversary ng CPRU high school department. Kaming mga officers at siyempre, kayo na rin, ang na-assign sa preparation lalo na sa pag-aayos ng mga events at venues. So expect ninyo na iyong mga officers ninyo magpapatulong iyan sa inyo na mag-organize ng mga events. Tapos… bilang lead ng committee, kailangan ko ng assistant. So mag-aasign ako ng isa sa inyo na maging assistant ko for the event."
Siyempre lahat gustong maging assistant ng Ex-O. Exposure iyon para sa mas mataas na rank kapag sila na ang naging officer. Depende rin kasi iyon kung kilala ka ng mga officers. Voting system din kasi ang mapipili sa mga posisyon.
"Taruc, Jenneth!" Biglang sigaw ni Samantha.
Nagulat man ay kaagad namang nakasagot si Jenneth. "Yes, Ma'am." On impulse na yata ang response na iyon.
"Fall out!"
Humiwalay si Jenneth sa mga kasamang naka-formation at saka ito lumapit kay Samantha.
"I'm choosing you to be my assistant for this event. Okay?"
Nagulat man ay sumagot pa rin si Jenneth. "Ma'am, yes, Ma'am!"
"Halika."
Dinala siya ni Samantha sa isang bahagi ng covered court kung saan sila naka-formation. Nagpatuloy naman sa training ang mga kasama niya. Hindi maiwasang mag-isip ni Jenneth ng dahilan kung bakit ba siya ang napili ni Samantha sa lahat ng mga trainess na naroon. At mukhang alam na niya ang dahilan.
"Permission to ask, Ma'am!" ani Jenneth kay Samantha.
"You don't have to ask like that," ani Samantha. "Just tell me. Tsaka huwag mo nang isigaw. Tayong dalawa lang naman ang nag-uusap, hindi ba?"
"Yes Ma'am," ani Jenneth. Medyo lie low na ang boses niya.
"Ano ba iyong tanong mo?"
"Ma'am, bakit po ba ako ang napili ninyo?" Kinapalan na talaga ni Jenneth ang mukha. Iyon naman ang purpose din ng training nila. Ang magkaroon sila ng self-confidence lalo na kapag sila naman ang officers.
"Because you're responsible, organized, and I think you're competent enough na kahit hindi ka laging nasa training ay mas madali kang makaka-cope up sa lessons ninyo," sagot ni Samantha.
Parang nakahinga si Jenneth sa narining. Pero bigla naman iyong nabawi sa sinabi ni Samantha.
"Iniisip mo ba iyong tungkol sa bonfire?"
Biglang kinabahan si Jenneth. Napangiti naman si Samantha. Siya namang pagdating nina Ryan at Kenneth.
"So…" Tumingin si Samantha sa plakard na nasa may dibdib ni Jenneth. "Jhing… I need you to be there whenever I need you."
"Ano daw?" tanong ni Ryan kay Samantha.
Igi-greet sana ni Jenneth ang dalawa ngunit pinatigil siya ni Kenneth.
Napangiwi si Samantha nang ma-realize ang sinabi niya. "Basta! Dapat lagi kang nandiyan kapag kailangan kita," aniya kay Jenneth.
"Ma'am, yes, Ma'am!" sagot ni Jenneth.
"Tsaka 'Yes, Ma'am' na lang. Huwag mo nang buuin," ani Samantha.
"Yes, Ma'am," ani Jenneth.
Sa totoo lang, hindi na makapag-concentrate si Jenneth. Kasi naman, for the first time ay napakalapit niya kay Ryan Arcilla. Well, napalapit na rin naman siya dito dati. Sobrang lapit pa nga, na magkadikit na ang kanilang mga mukha. Pero mula noon ay sa malayo na lamang niya ito nakikita. Pinakamalapit na iyong sa Casa Rafaela, na once lang at sobrang tagal na rin.
Kaya naman sobrang kaba ni Jenneth nang mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya tatagal na malapit sa crush niya. Ramdam niya ang pagpapawis ng kanyang mga kamay na mabuti na lang at nakatago sa may likuran niya.
"Tsaka nga pala Jhing, hindi lang ako yung member ng committee. Member din itong sina Ryan at Kenneth, so you'll also be working with them," ang sabi pa ni Samantha.
"Yes, Ma'am."
Lalo yatang kinabahan si Jenneth sa narinig, pero meron ba siyang choice? Wala, kundi ang sumagot ng 'Yes, Ma'am.'
"Oh! So pwede rin namin siyang utusan?" tanong naman ni Ryan.
Lalo yatang kumabog ang dibdib ni Jenneth sa narinig.
"Oy, mahiya ka naman!" ani Kenneth.
"Bakit? Iyong mga ibang officers nga pati assignments pinapagawa sa mga trainees," ani Ryan.
"Gusto mo lang niyang magpaturo ng Math, eh," ani Samantha sa kaibigan.
"Ang sama n'yong dalawa talaga," ani Ryan.
Dumating na rin noon si Kristine at sinamahan na ang tatlo. At kasama nina Samantha at Kenneth ay binully din ni Kristine si Ryan.
"Alam mo Jhing, kawawa talaga ako sa tatlong iyan," ani Ryan kay Jenneth.
Napangiti na lamang si Jenneth. Sobrang kilig kasi niya na sa unang pagkakataon, kinausap siya ng lalaking tinatangi.
"Paawa effect lang iyan, Jhing. Huwag kang maniniwala," ang sabi naman ni Samantha.
"Grabe ka talaga sa akin, ano?" ani Ryan.
Sobrang sarap ng pakiramdam ni Jenneth nang mga sandaling iyon. Bukod kasi sa pagkakataong makasama si Ryan ay kasama din niya ang power barkada ng CPRU high school department. Sikat kasi ang apat sa buong school. Sina Samantha at Kenneth, A-student mula first to fourth year. Si Ryan naman, the prodigal son ng CPRU. Mula sa pagiging bully at patapon ay naging maayos itong estudyante at isa pa sa mga tinitingalang officer sa COCC. At si Kristine, though bago pa lang ay nakagawa na rin ng pangalan. Bukod sa magaling din namang estudyante ay sobrang ganda din nito. Papasa nga itong artista kung hindi mo ito kakilala.
Makalapit lang sa apat na ito ay achievement na para kay Jenneth. Tapos makakatrabaho pa niya ang mga ito. Sobrang swerte na talaga niya. She caught sight of Samantha and she secretly winked at her. Ramdam ni Jenneth na nag-blush siya. Nevertheless, she knows Samantha will fulfill her promise to her.
That her secret will be safe with her.
*********************************************************
"Noon pa lang po pala tinutulungan na kayo nina Daddy at Tita Sam," ani Darlene kay Jenneth.
Jenneth smiled. "Oo nga."
"Eh ano pong nangyari after that?" tanong ni Darlene.
"Well, nangyari iyong event. Hayun nga at nakatrabaho ko sila daddy mo tsaka ninong tsaka si Tita Sam mo. Pero saglit lang iyon. Tsaka hindi naman kami madalas na nagkakasama ni Ryan. Though, at least nagkaroon ng chance na mapansin na rin ako ni Ryan."
"Eh paano po kayo naging close?"
Jenneth smiled. "During our prom."
At nagpatuloy nga ang pagkukuwento ni Jenneth kay Darlene tungkol sa mga nangyari noong highschool pa silang dalawa ni Ryan.