𝙁𝙡𝙖𝙨𝙝𝙗𝙖𝙘𝙠...
Prom Season na sa CPRU. Dahil kasali si Jenneth sa COCC training, obligado siyang tumulong sa preparation para sa nasabing event. Iyong iba nga sa kanila ay isinasali pa sa kutilyon dance sa prom night. Mabuti na lang at walang gustong makipag-partner sa kanya kaya hindi siya nasali sa audition para sa nasabing sayaw.
Pero hindi rin pala siya makakaligtas. One day habang naghihintay sila sa training ay nagdidiskusyon ang power group nina Sam, Kenneth, Ryan at kasama din si Kristine. Sa dinig ni Jenneth ay tungkol ito sa pagsali ng apat sa kutilyon dance. Parang ayaw sumali ni Sam sa sayaw, pero pilit siyang kinukumbinsi ng tatlo na sumali.
"Hindi nga ako sumasayaw," ani Samantha. "It's enough for me na pumunta sa prom. Pero sa sayaw, hindi na ako sasali."
"Kung hindi ka sasali, sino na ang partner ko?" tanong naman ni Ryan. "Si Kenneth at Tin magkapartner. Eh ako, sino ang partner ko?"
Samantha looked around. Jenneth knew that the moment she had eye contact with her, she will be compromised in doing something she's not comfortable with.
"Taruc!" tawag ni Samantha kay Jenneth.
Kaagad namang lumapit si Jenneth sa kanila. Binati niya ang mga ito at sumaludo bilang paggalang. Kaagad naman iyong pinababa ni Samantha.
"Samahan mo si Ryan. Ikaw na lang ang kapartner niya para sa prom," Samantha said.
"What?! Sam!" Magpoprotesta pa sana si Ryan, pero binara din siya agad ni Samantha.
"Basta! Hindi ako sasayaw. If you wanna join the kutilyon, then there's Jenneth," ani Samantha sabay walk out pagkatapos.
Wala na ngang nagawa si Ryan kundi ang hayaan na lang si Samantha. At that moment, Jenneth realized that that is not a scheme made by Samantha de Vera to get her closer with Ryan. Kita iyon ni Jenneth sa reaksiyon nina Kenneth at Kristine.
"Forget it," ani Ryan. Then he looked at Jenneth. "Taruc, bumalik ka na doon sa ginagawa mo."
"Paano po iyong sinabi ni Ma'am Sam, Sir?" Jenneth asked.
"You don't have to," sagot ni Ryan. "Hindi na lang ako sasali sa sayaw."
"Eh di hindi na rin ako sasali," ani Kenneth. "Hindi rin naman ako mahilig sa ganyan."
"Teka! Sayang naman," Kristine said. "Once in a lifetime lang naman ito. Sumali na tayo."
Kristine looked at Ryan, as if trying to convince him to join. Napabuntong-hininga na lamang ang lalaki.
"Fine! Taruc…" Ryan looked at Jenneth. "You will be my dance partner."
Wala na ngang nagawa si Jenneth kundi ang sumunod sa gusto ng kanyang mga officers. Wala naman siyang magagawa dahil as much as possible ay hindi ka pwedeng kumontra sa gustong ipagawa sa iyo ng mga officers. Maliban na lang kung mag-i-impose ito ng threat sa kalusugan o moralidad mo. Hindi naman ganoon ang gustong ipagawa ng mga ito sa kanya ngayon.
At hindi ba blessing in disguise pa nga iyon? Makakasama niya ng matagal ang crush niyang si Ryan Arcilla. At hindi lang basta-basta makakasama. Makakasayaw pa niya ito. Alam niyang marami na naman ang maiinggit sa kanya. Eh hindi naman niya ginusto iyon in the first place. Kumbaga, hindi naman siya ang may gusto noon. Napilitan lang siya kumbaga.
Pero kasabay ng ligaya na dulot ng pagkakataong makasama ang lalaking gusto niya, nandoon din ang kaba at pag-aalala. Paano ba naman kasi, MAKAKASAMA NGA NIYA ANG LALAKING GUSTO NIYA! Wala pa man ay sobrang kaba na ang nararamdaman ni Jenneth. Paano kung maapakan niya ang paa nito? Aminado si Jenneth na hindi siya marunong sumayaw. Baka mainis pa ito sa kanya kasi hindi siya magandang gumalaw kapag sumasayaw. Matigas ang katawan niya at awkward ang mga actions niya.
Kaya naman hindi niya malaman kung ano ang gagawin noong first day of practice. Nandoon pa naman lahat ang mga nagprisintang sasali sa kutilyon. Tapos itong si Ryan, sa may harapan pa talaga pumuwesto. Kaya doble ang kaba at stress ang naramdaman ni Jenneth ngayon.
Mabuti na nga lang at noong first day ay puro mga steps pa lang ang inaral nila. Hindi pa talaga sila partner-partner. Pero kahit ganoon ay obvious talaga na hindi marunong sumayaw si Jenneth. Kung pwede nga lang siyang mag-disappear na lang basta ay ginawa na niya. Pero wala siyang magawa kundi ang lunukin na lang ang hiya at patuloy na mag-aral ng sayaw.
Hindi nakaligtas sa iba ang mga nangyari sa dance practice nila. Akala siguro ng mga kumukutya sa kanya ay hindi niya maririnig ang mga sinasabi ng mga ito tungkol sa kanya. O baka naman sadya nilang pinaririnig ang mga iyon? Kasi nga, naiinis ang mga ito na siya ang kapareha ni Ryan Arcilla.
"Sobrang nakakatawa! Ang tigas ng katawan."
"Ang lakas kasi ng loob na makipag-partner kay Sir Ryan. Eh ang galing pa namang sumayaw nun."
"Ang gwapo pa kamo. Feeling ba niya, bagay silang dalawa?"
"Akala yata niya, malabo din ang mata ni Sir Ryan kagaya niya."
"Nagpapanggap nga lang yata iyan na malabo ang mata. Eh bakit hindi siya magsalamin?"
"Oo, kunwari lang iyon. Para lagi siyang nasa harapan kapag nagle-lesson para pansin kaagad ng mga teachers tsaka mga officers natin. Para-paraan lang iyan."
For so long ay natutunan nang i-ignore ni Jenneth ang mga iyon. Sanay na siya na binu-bully, dahil bata pa lang siya ay marami na siyang naririnig na masasama tungkol sa kanya. Ikaw ba naman ang maging anak sa labas ng isang kabit? Iyong mga panlalait na iyon ang mas lalong nagpapalakas kay Jenneth. Dahil sa mga iyon ay namo-motivate siya na lalo pang galingan ang kung anumang ginagawa niya upang mag-excel at patunayan sa iba na she's more than just the child of a mistress.
Pero sa pagkakataon yatang iyon ay kailangan na niyang mag-give up. Nang pangalawang araw kasi ng practice ay nagsimula na sila sa mga steps na magkapartner na sila ni Ryan. Hayun, bukod sa awkwardness na dala ng pagkaka-partner niya sa crush niya at dumagdag pa ang stress na dulot ng hindi niya pagiging komportable sa pagsayaw. Tuloy, kandamali-mali ang ginagawa niya.
Mabuti na lang at patient si Ryan na sabihan siya ng tamang gagawin at alalayan siya sa mga steps. Pero dahil doon ay lalo lamang siya napapahiya dito. Kaya noong matapos ang practice nila ay kinausap niya na ito.
"Sir, hindi ko po talaga kayang magsayaw. Sorry po pero kung pwede po sana, humanap na lang kayo ng ibang makaka-partner."
"Bakit ba parang wala ka nang kapag-a-pag-asa sa pagsasayaw kung magsalita ka?" ani Ryan sa kanya. "Ang importante naman ay memorized mo iyong steps. Magaling ka naman mag-memorize, hindi ba?"
"Opo, pero iyong whole body coordination, hindi ko po kaya iyon," ani Jenneth.
"Practice lang ang kailangan," ani Ryan. "Ganito na lang. Ano bang vacant time mo bukas?"
"Po?" Hindi iyon inaasahan ni Jenneth.
"Para makapag-practice tayong dalawa."
Parang biglang nablangko si Jenneth sa sinabing iyon ni Ryan. Nang hindi pa siya sumagot ay ito na ang nagsabi ng kanilang vacant period. Kung free daw siya ay pumunta na lang daw siya doon sa may office nila sa COCC at saka sila hahanap ng lugar na pwedeng pagpraktisan.