𝙁𝙡𝙖𝙨𝙝𝙗𝙖𝙘𝙠...
Tuwing vacant period ni Jenneth ay nakikipagkita siya kay Ryan at nagpa-practice sila ng sayaw. Kalaunan ay naging confident na rin siya sa pagsayaw at nawala na rin ang awkwardness niya sa presence ni Ryan.
Dahil na rin doon ay lalo lang lumalim ang nararamdaman niya para dito. Lalo rin siyang binully ng kanyang mga kasamahan.
"Akala naman niya, feeling close na siya kina Sir Ryan tsaka sa mga barkada niya."
"Pati nga kay Kristine, nakikipag-usap siya. Ang kapal!"
"Feeling yata niya part na rin siya ng Power Gang kasi nakasama siya sa sayaw. Eh replacement lang naman siya ni Ma'am Sam."
"Kung hindi lang talaga masyadong busy si Ma'am Sam sa mga gawain sa prom tsaka sa school, hindi naman siya makaka-partner ni Sir Ryan."
Minsan ay nagkaroon ng chance si Jenneth na kausapin si Samantha.
"Bakit po ba ako iyong pinili ninyong makapalit ninyo sa kutilyon? Dahil pa rin po ba iyon doon sa bonfire?"
"No," sagot ni Samantha sa kanya. "Nagkataon lang na ikaw ang nandoon. But whether it be you or anyone, it's about me not wanting to join the dance."
"Bakit naman po?" Tuluyan nang na-curious si Jenneth.
"I wish I could tell you, Jenneth. I really wish I could."
Naramdaman na lamang ni Jenneth ang lungkot kay Samantha nang sabihin nito ang mga bagay na iyon. Hindi naman matanong ni Jenneth ang totoong dahilan dahil kahit na hindi siya trainee nito if ever man, hindi pa rin tama na maging nosy siya sa buhay ng may buhay lalo na at hindi naman talaga sila magkaibigan nito.
At dumating na nga ang kanilang prom night. Excited ang mommy ni Jenneth nang ayusan siya nito at ipasuot ang binili nitong kulay pink na gown. Bagay na bagay daw ito sa kanya. Sa totoo lang naman, okay lang naman kay Jenneth kahit na anong suotin niya o kung maganda man siya o hindi. Kaya nga lang, ngayong gabi ay makakakasama niya ang lalaking gustong-gusto niya. Kaya kahit hindi siya marunong maging maganda ay pinilit pa rin niya na maging maganda sa paningin ni Ryan.
Pagdating niya sa venue ay si Ryan kaagad ang hinanap niya. Nang dumating sina Kenneth ay Kristine, inasahan ni Jenneth na kasama nila si Ryan at Samantha pero wala ang dalawa. Nahihiya naman siyang magtanong dahil kahit pa nga nakakasama niya ang dalawa ay hindi pa rin naman sila ganoon ka-close.
Hanggang sa magsimula na ang prom nila. Wala pa rin si Ryan. Jenneth looked at Kenneth and Kristine at parang hindi naman masyadong naba-bother ang dalawa na wala pa ang dalawa nilang mga kaibigan. Mukha ngang nag-e-enjoy ang mga ito sa company ng isa't isa.
Pinapila na ang mga nagsasayaw ay wala pa rin si Ryan. Noon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makapagtanong kina Kenneth at Kristine.
"Wala pa ba sila?" tanong ni Kenneth na parang noon lang napansin na wala ang mga kaibigan nila.
"Baka nandiyan lang sila," ang sabi naman ni Kristine.
Nag-aalala pa rin si Kenneth pero parang naging kampante na rin siya dahil na rin kay Kristine. Si Jenneth naman ang kinakabahan kasi ano na ang gagawin niya if ever hindi dumating si Ryan? Sasayaw pa ba siya? Masisira naman ang formation nila kapag hindi siya sumayaw, pero paano naman siyang sasayaw nang siya lang mag-isa?
Eksaktong ini-introduce na ng emcee ang kutilyon dance nang dumating si Ryan. Parang pagod na pagod ito nang puntahan niya sila sa may formation.
Ni hindi man lang kinausap ni Ryan si Jenneth. Basta sumayaw lang ito, ginawa ang mga dapat gawin sa kutilyon, at pagkatapos ay wala na. Kaiba ito sa lalaking nakapartner ni Jenneth nitong mga nakaraang araw. Parang hindi nga siya nito pansin. Nandoon nga ito pero iba naman ang iniisip.
Hindi man lang nito napansin ang pag-eeffort niya ngayon na magpaganda. Akala pa naman ni Jenneth ay pupurihin siya nito para ma-boost ang confidence niya at lalong ganahang magsayaw. Ganoon kasi ang ginagawa nito lagi kapag nagpa-practice silang dalawa. Kaya rin mas naging komportable siya kaagad sa company nito at eventually ay natutunan din niya ang sayaw nila.
Natapos ang sayaw nang ganun-ganun lang. Parang lumipas lang. Parang walang nangyari. Taliwas ito sa perfect moment na iniisip ni Jenneth kaninang inaayusan siya ng nanay niya. Pagkatapos na pagkatapos kasi ng sayaw ay kaagad siyang iniwan ni Ryan.
Hindi malaman ni Jenneth kung out of curiosity, o naiinis na lang talaga siya sa pandededma ni Ryan. Sinundan niya ito habang pilit itong nakikisiksik sa mga taong nandoon sa hotel kung saan ginanap ang prom nila. Para itong may hinahanap. Palinga-linga kasi ito sa paligid at kung saan-saan sumisiksik. Pinilit na lamang ni Jenneth na sundan ito.
Natigil lamang si Ryan nang i-announce na ang Prom King and Queen. Napatingin ito sa may harapan. Pero nang in-announce sina Kenneth at Kristine bilang Prom King and Queen ay bigla ulit nataranta si Ryan. Katulad kanina ay naghanap na naman ito ng kung ano o kung sino. At katulad din kanina ay sinundan ito ni Jenneth.
Jenneth saw him stop when he saw Samantha de Vera. Si Sam naman ay nakatingin kina Kristine at Kenneth na nagsasayaw sa may dance floor. And then bigla na lamang itong tumakbo palabas. Sinundan ito ni Ryan.
At that moment, na-conclude ni Jenneth that Ryan likes Samantha. Na hindi lang kaibigan ang turing nito sa kanya. Kaya mula noon ay mas lalo pa niyang ginustong maging katulad ni Samantha de Vera. Nang sa ganoon ay mapansin din siya ng lalaking gustong-gusto niya.
********************************************************************************
"I guess you know that happened next," ani Jenneth kay Darlene.
"Opo. Nag-iba na po yung friendship nilang apat," ani Darlene.
"I wasn't aware of that," ani Jenneth. "Kasi lagi rin naman silang magkakasama that time. Hindi naman namin naisip na may gap na pala between Samantha and Kenneth and Kristine."
Kung iisipin ni Jenneth, si Ryan ang naging dahilan kung bakit nanatiling buo ang samahan nila.
"Ano na po ang nangyari sa inyo noon, Tita Jhing?" tanong naman ni Darlene.
"Well, natapos ang training. Nag-graduate sina Daddy mo at Ninong. Naging officers kami. Ako nga ang pumalit sa posisyon ni Tita Sam mo. I guess all the hard work paid off kasi naging mataas ang rank ko noon."
"Favorite po kayo ni Tita Sam," ani Darlene.
Jenneth smiled. "I guess so…"
"Kailan po kayo ulit nagkita ni Ninong?"
"College," Jenneth answered.
At nagpatuloy na nga ang kuwento ni Jenneth. This time, college days naman nila ang naging sentro ng kanilang kwentuhan.