𝙁𝙡𝙖𝙨𝙝𝙗𝙖𝙘𝙠...
Mula noong dumalo sa birthday ng tatay ni Ryan si Jenneth ay naging okay na ulit silang dalawa. Mas naging close pa nga sila mula noong party na iyon. Though obvious pa rin ang indifference ni Ryan kay Mark ay hindi na nito dinamay pa si Jenneth.
Minsan ay kinausap siya nito tungkol kay Mark.
"Do you like him?" Ryan asked.
"Well, okay naman si Mark, eh. Tsaka mukhang seryoso naman siya sa panliligaw niya."
"He is," Ryan said, quite annoyed, if Jenneth may add. "He obviously likes you."
Parang medyo naniniwala na si Jenneth kina Kenneth na nagseselos nga si Ryan kay Mark, pero ayaw mag-assume ni Jenneth. Baka kasi umasa siya tapos wala naman pala. Hindi naman pala siya gusto ni Ryan.
Nang malapit na ang Valentine's Day ay niyaya siyang mag-date ni Mark. Pumayag naman siya, dahil wala namang ibang nagyaya sa kanya. But then, nung nalaman ito ni Ryan at nagalit na naman ito sa kanya. Nainis naman siya sa inarte nito, kaya maging siya ay iniwasan na lang ang lalaki.
Isang araw bago ang Valentine's Day ay nagpasama si Kristine sa kanya na bumili ng regalo para kay Kenneth. Dahil doon ay napag-usapan nila si Ryan.
"Hindi pa rin kayo okay, ano?" ani Kristine, na ang tinutukoy ay si Ryan.
"Siya naman kasi, eh," aniya. "Bigla na lang nagsusungit."
"Eh kasi nga nagseselos."
Hayun na naman si Kristine. "Paano naman magseselos iyon? Wala naman siyang gusto sa akin?"
"Kung wala siyang gusto sa iyo, Jhing, eh bakit meron siyang planong surprise para sa iyo for Valentine's Day?"
Napatigil siya sa sinabi nito. Napangiti naman si Kristine.
"Oo. May balak siyang date para sa inyong dalawa ngayong Valentine's Day. Actually, dapat doon siya magtatapat sa iyo. Kaya lang, naunahan siya ni Mark."
Sobrang nagulat si Jenneth sa sinabing iyon ni Kristine. Hindi niya alam kung paano magre-react.
"Gusto ka niya, Jhing. Hindi lang niya alam kung paano aaminin sa iyo. Alam mo naman iyon, napaka-proud. Ang taas-taas ng pride kaya hindi niya alam kung paano magpapakumbaba at magsasabi ng feelings sa iyo."
Saka lamang parang nag-sink in kay Jenneth ang sinabi ni Kristine. Gusto rin siya ng lalaking tinatangi niya! Alam niyang napapaluha na siya sa ligaya at alam niyang nagmumukha na siyang tanga dahil doon, pero wala siyang paki. She's smiling and tearing up at the same time.
"Uy!" Pinakalma naman siya ni Kristine. "Huwag ka namang umiyak."
"Sorry." Pinunasan niya ang kanyang mga luha. "Masaya lang ako."
"Gusto mo rin siya, di ba?"
Nagulat siya sa sinabi nito.
"Obvious naman. Iba ka makatingin sa kanya, eh."
Tumango na lamang si Jenneth.
"Pero… paano si Mark?"
Paano nga ba? Sobrang unfair naman para kay Mark kung itutuloy pa niya ang pakikipagmabutihan dito gayong alam na niya na mutual naman pala ang feelings nila ng taong gusto niya. Isa pa, dahil doon ay hindi na talaga niya magawang i-divert ang damdamin niya sa iba, kagaya ng plano niya sana nung tuluyan na siyang iwas-iwasan ni Ryan.
***************************
It's Valentine's Day! Nasa may Macabulos Park si Ryan, mag-isang nakaupo sa bench sa ilalim ng isang malaking puno. May katabi itong bouquet ng fresh roses at isang pink na teddy bear. Malungkot itong nakatungo na parang ang lalim ng iniisip.
Ganoon ito nadatnan ni Jenneth. Hapon na noon at katatapos lamang ng huling klase nila para sa araw na iyon. Naka-uniform pa nga silang dalawa. Sa paligid ay naglipana ang mga lovers na nagdi-date at sobrang out of place ni Ryan sa eksena.
"Ang lalim naman niyan?"
Nagulat si Ryan sa narinig. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin, at lalo itong natigilan nang makita si Jenneth.
Nilapitan naman ito ni Jenneth at tinabihan sa bench na inuupuan nito.
"Saan na ba napadpad ang isip mo?" tanong ni Jenneth dito.
"What are you doing here?"
"Grabe ka naman!" ani Jenneth. "Para namang bawal akong pumunta dito."
"I thought you're with Mark."
Napangiti si Jenneth. "Sabi ko sa kanya, hindi ko talaga kaya, eh. Magiging unfair lang ako kung ipapatuloy ko pa yung panliligaw niya sa akin, knowing na sa simula pa lang, meron na akong ibang gusto."
She looked at him, and Ryan looked away, too embarrassed to continue staring.
"May sinabi sa akin si Kristine… Sabi niya, may ipagtatapat ka daw sa akin."
Napabuntong-hininga si Ryan.
"Tsismosa talaga yung babaeng iyon." Napasimangot ito.
"Tsismis lang ba talaga?"
Kinakabahan si Jenneth, pero kailangan niyang malaman ang totoo. Para na rin tuluyan nang umusad ang kwento nila. Hindi naman pwedeng manatili na lang sila ng ganito – iyong walang kasiguraduhan ang nararamdaman para sa isa't isa, tapos magagalit kapag may umaaligid na manliligaw o kung sino mang may gusto. Medyo nakakapagod na, medyo napapagod na si Jenneth. Kaya willing siyang harapin ang nakakatakot na sandaling iyon para lamang maging mas maganda ang estado nilang dalawa ni Ryan.
Thankfully, narinig ni Jenneth ang gusto niyang sabihin ni Ryan.
"It was true."
Pakiramdam ni Jenneth ay napuno ng galak ang puso niya. Hayun na naman yung feeling na parang maiiyak sa ligaya. Lalo na noong humarap si Ryan sa kanya at tumingin ng mataman, sabay hawak pa ng kamay niya.
"I like you, Jhing. Sasabihin ko dapat sa iyo doon sa Roberto's. I had reservations for us, kaya lang naunahan ako ni Mark… Sobrang disappointed ko sa sarili ko, and all I can do is to be angry with myself. Sorry kung iyon lang ang kaya kong gawin. Sorry kung hindi ko magawang lumaban kasi, the truth is, until now I still don't have the confidence dahil nga sa…"
Jenneth squeezed his hand, comforting him a little. She smiled at him.
"Gusto din kita."
Napatunganga si Ryan.
"Matagal na. High school pa."
Nahihiya man si Jenneth ay hindi naman niya mapigilan ang sarili. Siguro kasi sobrang saya niya kaya hindi niya mapigilan ang sarili na isiwalat ang kung ano mang nasa loob niya.
"Talaga?" tanong ni Ryan.
Tumango lamang si Jenneth.
"As in?"
Noon na nahiya si Jenneth. Napaiwas siya ng tingin. Parang bigla na siyang nagsisi na sinabi pa niya iyon kay Ryan.
"Thank you."
Napatingin siya dito. Ryan is smiling at her, glad evident in his eyes. Pagkatapos ay binigay nito sa kanya ang bouquet at stuffed toy.
"Happy Valentine's Day."
Jenneth smiled. For the first time, she knows that Ryan is looking at her the way she had always wanted him to look at her. At that moment, she knew that what he told her is all real.
"Happy Valentine's Day," she said as she clung onto the stuffed toy tightly.
***************************
"Hayun… so ganoon nagsimula ang lahat. After noon, pormal na siyang nanligaw sa akin, hanggang sa maging kami na nga."
"Hm… Ganoon po pala ang nangyari. Sabi na nga ba, patay na patay sa inyo si Ninong."
Jenneth giggled. "Hindi naman masyado. Pero kung ganoon man, same lang naman kami. Patay na patay din naman ako sa kanya dati."
"Eh, ano pong nangyari? Bakit po kayo nagkahiwalay?"
Natigilan si Jenneth. Mukhang hindi niya kayang sabihin kay Darlene ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Ryan. Kapag kasi ginawa niya iyon, kailangan din niyang ikuwento dito kung anong ginawa ng paborito nitong ninong. At kahit ano pa ang nangyari noon ay hindi pa rin niya gustong masira ang imahe ni Ryan sa bata.
"Alam mo, ang haba na ng kwentuhan natin. Malapit na mag-lunch. Mabuti pa mag-prepare na tayo ng lunch. Halika na."
Mabuti na lang at hindi na nangulit pa si Darlene. Magkasama na silang pumasok sa rest house at naghanda ng lulutuin para sa tanghalian.