Nagulat pa si Sharon nang mag-video call sa kanya si Jenneth nang gabing iyon. Ang sabi kasi ni Jenneth sa pinsan ay four days sila sa Subic. Hindi niya ito makakausap saglit at kasama niya ang ilang mga high school friends niya.
Akala tuloy ni Sharon ay may masamang nangyari sa kanya nang bigla na lamang niyang tawagan ito. Ikinuwento na lamang niya ang mga nangyari sa Subic at kung bakit napaaga ang uwi nila. Best friend naman niya ang pinsan kaya lahat ay nasasabi niya dito.
Even the fact that Ryan Arcilla was with her at Subic.
"So that's why you came home earlier than planned, huh?" ani Sharon pagkatapos niyang magkwento.
Tumango lamang si Jenneth bilang sagot sa pinsan.
"What a shame. Both plans didn't even succeed. Nothing happened between Sam and Kenneth, and then you and Ryan as well. Sayang naman."
Sharon said that casually, and Jenneth wondered kung ano ba ang opinyon nito kay Ryan. Well, she knows about what happened between the two of them. Best friend nga niya, di ba? But she wondered kung ano ang reaksiyon nito sa muli nilang encounter ni Ryan.
"Will it be okay for you if Ryan and I... started dating again?"
Sharon looked at her, and for a moment, Jenneth felt anxious. Siguro kasi hindi kaagad nakasagot si Sharon? Yung uncertainty ng ibibigay niyang sagot, oo, iyon lang iyon.
"Nasa sa iyo naman iyan, Ate. Ryan was a jerk, alright. But if you still have feelings for him, then who am I to judge? After all, he's still your first love."
Now, that is surprising. Tanda pa ni Jenneth kung paanong kamuhian ni Sharon si Ryan nung malaman niya ang ginawa nitong panloloko sa kanya. Halos isumpa niya ito noon.
Come to think of it. Noong mabanggit niya dito na kasama niya si Ryan sa Subic ay hindi rin ito nagsalita ng masama tungkol sa lalaki. Hindi rin ito nagalit na nagpasya siyang sumama sa Subic trip na iyon. She didn't even warn her na mag-ingat o kung ano pa man. Medyo nagtaka nga siya noon pero pinalampas na lang niya. Inisip na lang niya na baka katulad niya ay naka-get over na rin ito sa nangyari nine years ago.
But not this time. Hindi niya palalampasin ang kakaiba niyang kutob tungkol sa opinyon ni Sharon kay Ryan Arcilla.
"Okay lang sa'yo na magkabalikan kami ng lalaking nanloko sa akin?"
Bahagyang natigilan si Sharon. Doon na kinabahan si Jenneth. Something is not right. It feels like Sharon is hiding something from her, and she needs to unravel that secret of hers.
"Sabi ko nga, baka nagbago na siya. Nine years na rin, di ba, Ate? Baka hindi na siya ganoon."
Jenneth looked at Sharon, and the latter looked away. Meron nga itong hindi sinasabi sa kanya.
"Sana nga lang wala kang tinatago sa akin."
Parang biglang nag-alala si Sharon sa sinabi niya. Siguro dahil na rin sa biglang nanlamig ang boses niya sa pagkakasabi noon. Sinundan pa ng matalim niyang tingin sa pinsan.
Bigla ay bumuntong-hininga si Sharon.
"May sinabi sa akin noon si Tita Emilia," ani Sharon. "It's about why Ryan did that to you."
Jenneth frowned.
"Ang sabi niya noon, Ryan did that scheme because he wanted you to break up with him."
"What?" Lalo yatang gumulo ang lahat.
"You were so in love with him, and even if he tried to break up with you, you wouldn't allow him. So, he made it seem like he cheated on you. At least, that's what Tita Emilia thinks."
Okay... Medyo gets niya iyong gustong makipag-hiwalay ni Ryan sa kanya pero dahil ayaw niya, gumawa ng kalokohan si Ryan for her to hate him. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit alam ng nanay niya ang tungkol doon.
O, mas tamang sabihin na bakit ganoon ang iniisip ng nanay niya considering na siyang anak niya ang nasaktan sa nangyari? Shouldn't she be biased and take her side lalo na at nakita nito how devastated she was during the breakup?
"Why would she think like that? She knows I was crushed when I found out that Ryan is having an affair with another woman. Bakit parang ang dating ay mas pabor pa kay Ryan ang opinyon niya?"
Jenneth could feel the hesitation on Sharon as she looks at her. She wished she doesn't have to beg for her cousin to tell her the truth. Fortunately, she didn't have to.
"She's guilty. She's thinking it was her fault."
Ayun na naman iyong confusion kay Jenneth. Napailing na lamang siya, indicating she's not following what Sharon meant.
"Kinausap kasi niya si Ryan noon. Sabi daw niya, pakiramdam niya, kay Ryan na lang umiikot ang mundo mo. Lahat ng gawin mo may kinalaman kay Ryan Arcilla. Lahat ng nagpapasaya sa iyo dahil sa kanya. Natatakot daw siya that one day, you'll lose your identity and you'll just be the girl who's in love with Ryan Arcilla."
Jenneth went blank. She doesn't know what to think. Naisip iyon ng nanay niya? Ganoon na ba kalala ang obsesyon niya noon kay Ryan at nabahala ng ganoon ang kanyang ina?
"She told me that she's feeling guilty kasi nga sobrang nasaktan ka noon sa nangyari. She actually contemplated on asking Ryan to get back to you. Napigilan lang niya iyong sarili niya kasi baka daw mas makasama pa iyon sa sitwasyon."
Thinking about it, aminado nga si Jenneth na sobrang minahal niya noon si Ryan. Feeling niya dream come true na iyong maging girlfriend siya nito at wala na siyang ibang gusto pa sa buhay niya. Kontento na siya sa buhay niya, wala nang kulang pa. Hindi niya naisip na baka may mas maganda pang kapupuntahan ang career niya kung nag-explore lamang siya gamit ang kakayahan niya.
Which is what happened when she lived in Manila. Na-hire siya sa isang malaking private hospital doon. Napatunayan niya ang kakayahan niya, unti-unti siyang na-promote hanggang naging chief medical technologist siya at a young age of twenty-eight. She's the head of the laboratory operations of a premiere tertiary hospital with a 300-bed capacity.
And Ryan Arcilla was the price she had to pay for that.
"Sorry, Ate, if I kept that secret from you. Hindi ko naman kasi alam if I'm the right person to tell you."
Tumango si Jenneth. "I understand."
"So, you see... I don't know... Siguro hindi naman ganoon kasama talaga si Ryan, though I might say he's not so bright to think of such solution."
"There was no other way."
At iyon ang ikinasasama ng loob ni Jenneth. Nagawa iyon ni Ryan kasi walang ibang paraan para matigil ang obsesyon niya dito. Ang totoo noon, at that time ay naisipan niyang patawarin ito, ayusin nila ang relasyon nila. But her mother told her something that changed her mind.
"๐๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช ๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ, ๐๐ฉ๐ช๐ฏ๐จ, ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฏ๐จ๐ข. ๐๐ข๐ฏ'๐ต ๐บ๐ฐ๐ถ ๐ด๐ฆ๐ฆ? ๐๐ช๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ฐ ๐ฃ๐ข, ๐ฎ๐ข๐จ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ ๐ฑ๐ข ๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐บ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ช๐บ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐จ ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ต๐ข๐ธ๐ข๐ฅ ๐ฎ๐ฐ? ๐๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฌ ๐ข๐ฃ๐ฐ๐ถ๐ต ๐ต๐ฉ๐ช๐ด โ ๐ต๐ฉ๐ข๐ต ๐ช๐ด ๐ธ๐ฉ๐ข๐ต ๐ฉ๐ช๐ด ๐ง๐ข๐ต๐ฉ๐ฆ๐ณ ๐ธ๐ข๐ด ๐ฌ๐ข๐บ๐ข ๐ฏ๐จ๐ข ๐ฏ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ด๐ช๐บ๐ข, ๐ฅ๐ช ๐ฃ๐ข? ๐๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ฐ ๐ฃ๐ข ๐ฏ๐ข๐ช๐ด๐ช๐ฑ ๐ฏ๐ข ๐ฃ๐ข๐ฌ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐บ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ถ๐จ๐ข๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ต๐ข๐บ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข?"
That was what she thought when she found out that Henry, her ex, has a live-in partner already. Namana niya ang kapalaran ng nanay niya.
"Are you mad at me?"
Jenneth looked at Sharon, who is obviously worried at her sudden silence. Iniisip siguro nito na galit siya sa kanya kaya hindi ito nagsasalita.
"I'm not. Maybe, konting tampo pero not really mad mad."
"Are you mad at Auntie?"
Kung tutuusin, may dahilan siya para magalit sa ina, pero hindi niya magawang magalit dahil at the end of the day, the fact still remains that she's her mother and the only thing she wants for her is to be the best she can become and to be the happiest she can be.
"Siguro, sabihin na lang natin na parang nakagalitan niya ako at pinalo dahil sa isang kasalanan na nagawa ko. Masakit, peroโฆ hind mali."
Yes, that's right. Kasalanan naman kasi niya talaga. Kung hindi siya naging obsessed sa love niya for Ryan, hindi naman iyon masasabi ng nanay niya. Hindi rin iyon maiisipang gawin ni Ryan.
Ryan Arcilla. Why does he have to be a jerk?
"Thanks, Sha. Thank you for telling that to me."
"Anong balak mo, Ate?"
She shrugged. "I don't know."
Sharon looked at her, iyong parang tinatantiya siya nito. Hinayaan naman niya itong maisiwalat kung anuman ang iniisip nito.
"I know I'm not... again, I'm not in the position to tell you this; but maybe, you should give Ryan a chance to explain himself."
Muling nablangko si Jenneth. Kaya ba niyang gawin iyon? Kaya ba niyang kausapin ang taong ayaw na nga sana niyang makausap? Lalo na ngayong nalaman niya ang totoo sa nakaraan nilang dalawa.
"I don't know, Sha. I don't know."
"Give it some time, Ate. For sure, darating din ang time na magagawa mong kausapin siya tungkol diyan. For closure."
Closure again. Akala niya nagkaroon na sila ng closure noong mag-usapa sila sa may garden ng rest house ni Dr. de Villa sa Subic. Pero pekeng closure pala iyon.
O, hindi naman peke. Kulang pala. Kasi hindi naman lahat ng kailangang isara ay naisara. Kasi kung ganoon nga, bakit biglang nabagabag na naman ang puso niya sa katotohanang sinabi sa kanya? Bakit parang bigla na namang bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman niya siyam na taon na ang nakakaraan?
Ang masakit pa, bakit parang pakiramdam niya, siya ang talagang may kasalanan sa lahat ng nangyari noon sa kanilang dalawa?