Lampas alas-sais na ng gabi, pero hindi pa rin tumitigil si Kenneth sa pagtatrabaho. Actually, mukhang wala pa siyang balak tumigil as he reads the documents on his office table. It seems he doesn't have any plans to go home just yet.
Napasandal na lamang sa amba ng pintuan ng opisina niya si Ryan. Napahalukipkip ito while looking at Kenneth. There was also a slight upward smile on his lips.
"Akala ko, nagbago ka na."
Napaangat ng tingin si Kenneth. Lumapit naman si Ryan sa kanya at naupo sa upuang nasa harapan ng mesa nito.
"I thought you already had the work-and-life balance after naging kayo ni Sam," Ryan said.
Bumuntong-hininga si Kenneth, at saka nagbalik sa kanyang ginagawa kanina. "Well, she's not here now, so…"
"Hayun..." ang sabi ni Ryan. "Kaya nagmumukmok ka na naman sa opisina kasi umalis ulit siya."
"Tsaka marami kasi akong ginagawa," ang sabi ni Kenneth.
"Ken, please… Marami din akong ginagawa, but look at me. I'm off to a dinner date with Jhing," ani Ryan. "Eh kung sumama ka kaya sa amin?"
"And be a third wheel again?" Kenneth asked sarcastically.
"Come on, Ken! You know, it's hard to argue with Sam, tapos andun pa si Darlene."
Napatingin si Kenneth sa kaibigan. He frowned.
"Sam said that I should not let you be lonely. Tapos, si Darlene nagsumbong sa akin. Nagiging workaholic ka na naman daw," paliwanag ni Ryan. "Alam mo iyon? Ako iyong laging nakakagalitan nung dalawa. I'm not even your mother."
Kenneth chuckled at his joke.
"Ang hirap paliwanagan nung dalawa. Lalo na si Darlene. Ang hirap makipag-compromise sa bata, alam mo iyon? Kaya Ken, please lang. Get your ass out of here at sumama ka na lang sa dinner namin ni Jhing."
Muli namang napabunong-hininga si Kenneth. "Ayoko ngang maging third wheel."
"You won't be a third wheel because it won't be a date. Because you're there," ang sabi ni Ryan.
Napatitig si Kenneth sa kaibigan.
"We would just be three friends hanging out," ang sabi pa ni Ryan. "Kaya sige na. Sumama ka na."
"Walang PDA between you and Jhing?" tanong ni Kenneth.
"Wala," sagot ni Ryan.
"Hindi ka magiging sweet sa kanya?"
"Well, sometimes I can't help it. And, baka magalit siya sa akin kung hindi ako maging sweet sa kanya, so…"
Napangiti si Kenneth sa uncertainty ni Ryan.
"Spare me that one," Ryan said. "But, promise. You won't feel OP."
He never felt out of place when he's with them. He always feels he belongs whenever he's with Ryan and Jenneth, and he's glad. Natutuwa siyang ang dalawa ang naging kaibigan niya dahil laging nakaalalay ang mga ito sa kanya ngayong wala si Sam.
"Sige na," muling pagpilit sa kanya ni Ryan. "Sumama ka na. Tignan mo, nangangayayat ka na naman. Kukutusan ako ni Sam kapag pagbalik niya, nakita niyang haggard ka na ganyan."
"Hindi marunong mangutos iyon," ani Kenneth habang nagliligpit ng gamit niya.
"O, baka injectionan niya ako or something," ang sabi ni Ryan. "Basta! Halika na nga!"
In the end ay napilit din ni Ryan si Kenneth sa sumama sa kanya. At noong nasa parking lot na sila ay hindi niya ito pinayagang sumakay sa sarili nitong kotse.
"Mamaya hindi ka sumunod," ang sabi ni Ryan. "Umuwi ka na lang sa inyo."
"O, at least I stopped working."
"If I know, itutuloy mo lang ang work sa bahay," ang sabi pa ni Ryan. "Come on, ride with me."
Wala nang nagawa si Kenneth kundi ang sumakay sa kotse ni Ryan. At pagkatapos ng halos kalahating oras ay narating na rin nila ang Roberto's sa may downtown Tarlac.
"Basta libre mo ito, ha?" ani Kenneth.
Tumigil sa pagpasok sana sa restaurant si Ryan. "I don't think I would be the one to pay the bill after."
Napakunot ang noo ni Kenneth.
"Someone might be too happy to volunteer paying the bill," ang sabi pa ni Ryan.
Naguguluhang napatingin na lamang si Kenneth sa confident na ngiti ni Ryan. Tumuloy naman na ang huli sa pagpasok sa Roberto's, kaya napasunod na rin lang si Kenneth. They stopped by the door to look for Jenneth.
"There they are!" Ryan said before walking to the table where Jenneth is.
Nasundan ng tingin ni Kenneth ang kaibigan, habang nagtataka sa sinabi nito. They? Unti-unti siyang napasunod dito habang nagtataka kung sino ang kasama ni Jenneth. It is a woman, and she's sitting with her back turned on to him. But Kenneth knows all too well who that woman is. Bigla ay parang napako siya sa kinatatayuan, which is a few feet away from the table.
"Sam…?"
Samantha turned to Kenneth. She smiled at him.
"Hi Kenneth." Tumayo siya at saka lumapit dito.
Hindi makapaniwala si Kenneth. Ang babaeng halos dalawang buwan na niyang hindi nakikita, nami-miss, nandito na ngayon sa harapan niya! Hindi na niya napigilan pa ang yakapin ito.
"You're really here…" Feeling niya ay maiiyak siya sa tuwa.
"I missed you, too," ang sabi naman ni Samantha na napayakap na rin sa kanya.
Kumalas si Kenneth sa kanilang pagyayakapan upang tignan ito. Hindi pa rin siya makapaniwala as he held her face and stared at it lovingly.
"Uy! Bawal maghalikan dito, ha?" ang sabi ni Ryan.
Napatingin si Kenneth kay Ryan, na ngayon ay katabi na ang girlfriend nito. Si Jenneth naman ay ngumiti kay Kenneth, na ginantihan naman ng ngiti ng lalaki.
"Pinagtitinginan na kayo ng mga tao," ang sabi pa ni Ryan.
Kenneth scowled at his friend. Natatawa namang iginiya ni Samantha ang lalaki paupo sa tapat nina Ryan at Jenneth.
"Akala ko ba, walang PDA?" tanong ni Ryan.
"Akala ko ba, tayong tatlo lang nina Jhing?" ganting tanong ni Kenneth.
"Aba! Huwag ako ang sisihin mo. Pakana lahat iyan ni Sam," paliwanag ni Ryan. "Sabi ko nga, sumusunod lang ako sa utos."
Si Samantha naman ang hinarap ni Kenneth. Samantha smiled at him.
"Sorry, but I just wanted to surprise you," ang sabi ni Samantha.
"Kailan ka pa umuwi?" tanong naman ni Kenneth.
"Three days ago," sagot ni Samantha. "May mga inayos lang ako sa bahay kaya ngayon lang ako nagpakita sa iyo. Gusto ko kasi kapag nagkita tayo, okay na lahat. Wala na akong iisipin na kailangan i-unpack, mga pasalubong na kailangan ayusin. Para naman makapag-focus na ako sa iyo at sa wedding natin." She held his face that she missed seeing in person for weeks.
Kenneth smiled at the gesture. They looked lovingly at each other, until Ryan intercepted.
"Aherm!"
Napatingin ang dalawa kay Ryan. Napasimangot si Kenneth, habang si Samantha naman ay nahihiyang napangiti na lamang.
"So, okay na iyong pasalubong ko, ha, Sam?" tanong ni Ryan.
"Iyon talaga iyong importante sa iyo, ano?" ang sabi naman ni Kenneth.
"Aba! I have to be compensated sa ginawa kong pag-convince sa iyo na sumama dito ngayon," ang sabi ni Ryan. "Muntikan na ngang hindi kita ma-convince, eh."
"I wonder how you were able to keep this surprise," ang sabi ni Kenneth kay Ryan. "Ang hirap mo kayang sabihan ng secret."
"He found out just yesterday, actually," ang sabi ni Jenneth. "I just had to tell him para talagang i-convince ka niya na sumama dito ngayon. Kasi kung hindi, baka hayaan ka na lang niyang magmukmok sa office mo at hindi ka niya piliting sumama dito."
"You didn't know?" tanong ni Kenneth kay Ryan. Talagang nagulat siya sa narinig.
"Tinago nilang dalawa sa akin," ang sabi ni Ryan sabay turo kina Samantha at Jenneth.
"Si Jhing talaga ang kinuntsaba ko kasi, sabi mo nga, Ryan can't keep secrets very well," ang sabi ni Samantha. "So noong sigurado na akong makakauwi, a few weeks before, I told Jenneth about my plan. Dapat surprise din kay Ryan, pero hayun na nga. We had to get his help to convince you to come tonight."
"Kitam! Silang dalawa na ang magkakuntsaba. Kaya Ken, dapat tayong mag-team up kasi baka tuluyan na tayong kawawain nitong dalawa," ang sabi ni Ryan.
"Grabe ka naman," ang sabi ni Samantha. "Hindi naman kami ganoon ni Jhing. Di ba?"
"Oo naman," sagot ni Jenneth. "Ganyan lang kasi iyan dahil baka may gawin na namang kalokohan at naghahanap ng magiging kakampi."
"Uy! Hindi kaya," tanggi ni Ryan sabay akbay sa napasimangot na si Jenneth.
"Huwag kang mag-alala, Jhing. Hindi ko kukunsintihin iyan," ang sabi ni Kenneth. "Ako pa ang gugulpi diyan kapag nagloko. Something that I should have done back then."
"O, huwag nang ibalik ang past. Masaya na tayo sa present," ang sabi naman ni Ryan.
Oo nga naman. Kenneth looked back at Samantha and smiled. She smiled back at him.
"Actually dapat, bukas pa ako magpapakita sa iyo, eh," ang sabi ni Samantha kay Kenneth. "Pupunta dapat ako sa inyo, surprising you and Darlene. Kaya lang… hindi na ako makatiis na hindi ka makita." She smiled coyly.
Parang sasabog sa tuwa ang puso ni Kenneth. He held her hand and kissed it. Kung pwede lang halikan niya ito ngayon sa labi, o kahit sa pisngi lang ay kanina pa niya ginawa. But he's not the type who does that in public places.
"O, tama na iyan. Nagugutom na ako," reklamo ni Ryan.
Kenneth scowled at his friend.
"Ikaw magbabayad, ha?" ang sabi naman ni Ryan kay Kenneth. "Ako na nga ang nag-drive, eh."
"Wala kaming dinalang sasakyan, kaya ihahatid mo rin kami mamaya, ha?" ang sabi naman ni Samantha kay Ryan.
"Mag-taxi na lang kaya kayo ni Kenneth? Si Jenneth lang ang ihahatid ko," ang sabi naman ni Ryan.
"Ibibgay ko na nga sana sa iyo iyong pasalubong ko kung idadaan mo ako mamaya sa Moonville…"
"Ihahatid na kita!" biglang wika ni Ryan. "Kahit anong oras pa iyan, ihahatid na kita sa inyo."
Natawa ang tatlong kasama ni Ryan sa sinabi nito.
Pag-uwi nga ay iisang sasakyan lamang ang sinakyan ng apat, at si Ryan ang nagda-drive dahil na rin sa kanya ang sasakyan. Katabi niya sa may passenger seat si Jenneth, at magkatabi naman sa may backseat sina Kenneth at Samantha.
"What is this place, Ry?" tanong ni Samantha habang nakatingin sa may labas ng bintana. Madilim kasi ang lugar maliban na lamang sa mga ilaw sa iilang mga poste. Matalahib din doon at walang ibang dumadaan na sasakyan.
"Shortcut ito papuntang Moonville," ang sabi ni Ryan. "Para kaagad tayong makauwi sa inyo at kaagad kong makuha iyong pasalubong mo sa akin."
"Iyon talaga ang iniisip mo, ha?" ang sabi ni Samantha.
"Tsaka para maiuwi ko na itong mahal ko at nang makapag-Friday night alone naman kaming dalawa." Saka kumindat si Ryan sa katabing si Jenneth.
Napaismid lamang si Jenneth sa ginawa ng boyfriend. Natawa naman ang dalawang nasa likuran nila, lalo na noong napasimangot si Ryan.
"Bukas ko na lang ibibigay iyong sa inyo, ha?" ang sabi ni Samantha kay Kenneth. "Gusto ko kasi i-surprise si Darlene. Pupunta ako bukas sa inyo."
"Sure," ang sabi naman ni Kenneth.
"Tsaka huwag mo munang sabihin sa kanila na kasama mo ako ngayon," ang sabi pa ni Samantha.
Tumango lamang si Kenneth bilang pagsang-ayon.
Habang nakaharap kay Kenneth ay may nahagip ang paningin ni Samantha sa may labas ng bintana.
"Ryan, stop!"
Dahil sa pagkabigla sa biglaang pagsigaw ni Samantha ay napa-hard break si Ryan. Muntikan na silang mapasubsob ni Jenneth sa may dashboard kung hindi lamang sila naka-seatbelt. Si Samantha naman ay napahawak kay Kenneth na napahawak naman sa likuran ng upuan ni Ryan upang hindi rin mahulog at mapasubsob.
"What the hell, Sam?" tanong ni Ryan.
Imbes na sumagot ay dali-daling lumabas ng kotse si Samantha at saka bumalik sa pinanggalingan nila. Napasunod din ang tatlo sa kanya.
"Sam!" tawag ni Kenneth sa fiancée.
Tumigil lamang si Samantha nang malapitan na niya ang walang malay na lalaking nakita niya kanina. She sat beside the guy and examined his vitals. Nakalapit na rin ang tatlong kasama niya at nakita na ang dahilan ng biglang pagkabahala nito.
"I'll call TGH," ang sabi ni Jenneth sabay balik sa kotse upang kunin ang cellphone niya.
"Buhay pa ba?" tanong ni Kenneth na nakaupo na rin sa tabi ng lalaki. He took out his cellphone to give some light to Samantha.
"Oo, pero mahina ang vitals niya," sagot ni Samantha.
The guy is obviously beaten up. Sobrang daming bugbog nito sa mukha at may dugo pa ngang dumadaloy mula sa ulo nito. Samantha searched for something na pwedeng pantakip sa sugat sa may ulo nito. Nang mapansin iyon ay ibinigay ni Kenneth ang panyo sa may bulsa nito.
Nahagip ng paningin ni Kenneth si Ryan na papunta sa isang kotseng naka-park malapit sa kinaroroonan nila.
"What are you doing?" tanong niya nang makitang pumasok si Ryan sa kotse.
"I'm looking for some ID of that guy," sagot ni Ryan. "Para naman masabihan natin ang pamilya niya what happened to him."
Nakabalik na sa kanila si Jenneth, at saka nakiupo na rin sa may tabi ng lalaki. "Papunta na daw ang ambulansiya dito." She opened her cellphone's flashlight to contribute some light.
"They better make it quick," ang sabi ni Samantha. "He's becoming more weak every moment."
"Ken…" Si Ryan, palapit sa tatlong kaibigan.
Tumayo si Kenneth upang salubungin si Ryan.
"Here." Iniabot ni Ryan ang ID kay Kenneth.
Nagtatakang kinuha ni Kenneth ang ID. Nagtataka siya dahil parang worried na natatakot na ewan si Ryan. Tinignan niya ang CPRU ID na ibinigay nito sa kanya at saka binasa iyon. Then, he finally understood why Ryan's reaction is like that.
Inilawan ni Kenneth ang mukha ng lalaki. Confirmed, he really is the guy on the ID. Hinanap niya sa phonebook niya ang numero ng taong makakakilala sa lalaking walang malay na nakahiga sa daan. Si Ryan naman ay nakitabi kay Jenneth.
"Do you know this guy?" tanong ni Jenneth kay Ryan. Nakita niya kasi ang pag-uusap nina Ryan at Kenneth kanina.
Tumango si Ryan. "He's the son of someone we work with."
Ibinigay ni Ryan ang ID kay Samantha. Tinignan nito ang pangalang nakasulat sa ID.
IGNACIO, JOSHUA BAUTISTA
"Hello, Jason… Yeah... Uhm, it's about Joshua, your son..." Kenneth said as the guy from the other end of the line picked up the phone.
𝘛𝘰 𝘣𝘦 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘪𝘯𝘶𝘦𝘥...