New POV
Pagkatapos ng hapunan,nauna nang magpahinga sa itaas si Clide.Naiwan kaming dalawa ni Mama sa sala kung saan abala siya sa panonood ng lakorn.
" Mama " simula ko.
" ano iyon New? " takang tanong nito habang hindi inaalis sa TV ang paningin.
" kilala niyo po ba ako? " napalunok ako pagkalabas ng mga salitang iyon.Siguro ito na rin ang tamang pagkakataon upang makilala ko naman ang sarili ko.Pakiramdam ko kasi may lihim na itinatago sila Mama at Papa sa akin.
" h-huh?oo ang nag-iisa at ang pinakamamahal naming anak ng Papa mo,bakit mo naman naitanong? " nagtatakang tanong nito.Umiwas ako ng tingin.
" pakiramdam ko kasi,may kakaiba sa kin,araw-araw may mga tanong na hindi ko mahanap-hanapan ng sagot,mga pangyayaring hindi ko maintindihan " naguguluhan na paliwanag ako.Gusto ko lang naman maging normal ang buhay ko.
" may mga gabing binabalot ako nang kalungkutan at takot,mga tagpong bigla na lamang akong umiiyak ng hindi ko alam ang dahilan,Mama hindi ko na alam ang gagawin ko " tuluyan nang nagsilaglagan ang aking mga luha.Hindi ko na kayang pigilan pa ang aking emosyon.Gulong-gulo na ako.
Lumapit sa akin si Mama at niyakap ako.Ramdam ko ang pag-aalala niya.Alam kong alam ni Mama ang katotohanan.
" anak nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak kaya tahan na,hindi ka man namin kadugo pero lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin,totoo iyon " naiiyak na rin nitong sabi.
" Mama sino ba talaga ako? " tanong ko ulit.Unti-unting kumalas si Mama sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako.
" halika,may ipapakita ako sayo " wika ni Mama at tumayo.
Dinala ako ni Mama sa isang silid na simula pagkabata ay hindi ko napasukan.Nakaselyado ang silid at nasa dulong bahagi ito ng bahay.
" Mama anong gagawin natin dito? " nagtataka kong tanong.Nanatiling tahimik si Mama habang hinahanap ang susi.
" sa tinagal-tagal ng panahon ngayon na lang ulit ako makakapasok dito " malungkot na saad ni Mama.Tiningnan ko lang siya at kahit medyo kulubot na ang kanyang pisngi nababanaag ko pa rin ang kalungkutang namamayani sa kaniya.
" ayos ka lang ba Mama? " nag-aalala kong tanong.
" oo naman may naalala lang ako " tugon nito't pilit na iginuhit ang ngiti sa kaniyang labi.Binuksan na nito ang nakasiradong pinto at bumungad sa amin ang marumi't maalikabok na silid.Ang buong paligid ay punong-puno ng mga agiw,ang dingding ay halatang pinaglipasan na rin ng panahon.
" isang silid? " nagtataka kong tanong habang inililibot ang paningin sa apat na sulok nito.
" oo ito ang silid ng dati naming anak,si New " simula ni Mama.Bigla akong binalot nang katahimikan,hindi ko magawang maibuka ang aking bibig dahil sa pagkagulat sa rebelasyon ni Mama.Bakit hindi ko alam na may anak sila dati.
" subalit siya'y maagang kinuha sa amin noong siya'y anim na taong gulang pa lamang,ng mga panahong iyon parehong gumuho ang mundo namin ni Papa mo,para kaming mga patay.Araw-araw na paghihinagpis ang bumubuhay sa amin " patuloy niya pa.Hinayaan ko lang siyang mag kwento,nagbabakasakaling sa paraang iyon mabawasan ang bigat na dinadala niya.
" pero muling nagkakulay ang mundo namin nang dumating ka " aniya at nakita kong sumilay sa labi niya ang isang napakatamis na ngiti.
" ako? "
" oo,at nakita namin si New sayo,iyong mga mata niyo at ngiti parehong-pareho " aniya habang nagbabaliktanaw.
" saan niyo ako nakita? " kapansin-pansin ang biglang pagkawala ng ngiti sa labi ni Mama.Kasabay nito ang sunod-sunod na paglunok.Bakas ang pag-aalinlangan sa kaniyang mga mata.
Napabuntong-hininga muna ito bago nagsalita.
" hindi ko malimut-limutan ang gabing iyon, ang panahon ay nangangalit,napakalakas ng pagkidlat at pagkulog,mabigat na buhos ng ulan,malakas na ihip ng hangin,hindi ko masasabing may bagyo ng gabing iyon sapagkat ang pangyayaring iyon ay panandalian lamang.Binisita namin ang puntod ni New dahil hindi pa rin namin matanggap ang pagkawala niya.Pauwi na kami ng biglang tinamaan ng malakas na kidlat ang malapit na puno,nakaramdam kami nang takot ng Papa mo sa nasaksikan.Pero mas binalot kami ng higit pa sa takot ng biglang lumitaw ang isang magandang babae.Ang kanyang kasuotan ay parang pangsinauna.Unti-unti itong lumapit sa amin habang kalong-kalong ang isang batang natutulog " huminto si Mama sandali.
" sino ang babaeng iyon?saan siya nanggaling? " sunod-sunod kong tanong.
" siya raw si Miga iyon ang pakilala niya sa amin "
" Miga? " natigilan ako.Sandali parang narinig ko na ang pangalang iyon.
" siya ba ang ina ko?hindi ba sabi mo naaksidente ang mga magulang ko? " nagugulahan kong tanong.
" hindi,hindi naaksidente ang mga magulang mo,pinalabas lang namin iyon upang hindi ka guluhin ng mga tao,hindi namin kilala ang mga magulang mo,si Miga na mismo ang nakiusap sa amin na alagaan ka't ituring na parang amin dahil kailangan mo raw iyon,kailangan mo nang makakasama at gagabay sayo rito " mahabang salaysay ni Mama.
" kahit naguguluhan sa mga nangyayari,wala kaming nagawa kung hindi ang sumunod sa iniutos niya at bago siya naglaho may mga paalala siyang ibinilin " sumpay niya.
" ano iyon? "
" sa pagsapit ng ikalawang kabilugan ng buwan sa edad mong 20,lahat ng mga katanungan mo na gusto mong magkaroon ng kasagutan ay iyong mahahanap " linapitan ni Mama ang malapit na aparador at may kinuha doon na isang maliit na kahon.
" para sayo " sabay lahad nito sakin.
" ano ito? " nagtataka kong tanong.
" hindi ko alam,hindi namin iyan binuksan simula ng makapiling ka namin " lumabas na si Mama sa silid at naiwan akong mag-isa habang nakatingin sa hawak na kahon.Anong gagawin ko,mas lalo pang naging komplikado ang lahat.
Bumalik na lamang ako sa aking silid kung saan nadatnan ko si Clide na mahimbing na natutulog.Itinabi ko muna ang ibinigay na kahon ni Mama at tinabihan si Clide sa kama.Bago ako matulog,napatingin muna ako sa kay Clide.
" salamat at nandito ka " bulong ko rito.Walang namamagitan sa amin ni Clide,malapit lang ang loob ko sa kaniya simula noong magkakilala kami.
Natulog na rin ako dahil bukas maaga pa kaming lilisan.May mga gagawin pa kami ni Wayne para doon sa thesis na ginagawa namin.