CHAPTER 5

New POV

    Pagkatapos namin mag-almusal,nagpaalam na kami kay Mama at umalis.Pagkagising ko kanina,medyo gumaan na ang pakiramdam ko.Unti-unti nang nabubuo ang pagkatao ko pero malaking palaisipan pa rin sa akin kung ano ang tinutukoy ni Mama sa pagsapit ng ikalawang kabilugan ng buwan.Ano ang mangyayari sa sandaling iyon?.

    

" kailan ang susunod na full moon? " biglang tanong ko kay Clide na abala sa pagmamaneho.

  

" kailan ka pa nagkaroon ng interes sa astronomy? " pabalang na tugon nito.

      

" tingnan mo ito tinatanong nang maayos tapos isasagot pabalang! " bulyaw ko rito.

  

" hahahaha sorry naman na-curious lang ako sa bigla mong pagtanong tungkol sa susunod na full moon " aniya.

    

" hmmm siguro 10 days after ng kaarawan mo sa mga susunod na araw " wika nito habang hindi inaalis pa rin ang mga mata sa daan.

Bigla akong natigilan,sampung araw pagkatapos ng kaarawan ko.Ibig sabihin...

   

" bakit mo pala naitanong? " nagtataka nitong tanong sakin.

     

" masama ba? " sa pagkakataong ito ako naman ang sumagot nang pabalang.Napabuntong-hininga na lamang ito sa inasta ko.

Makalipas ang ilang oras na biyahe,nakarating na rin kami sa apartment ko.Nagpaalam na ako kay Clide at pumasok na sa loob.Dumiretso ako sa kusina at nagsalin nang malamig na tubig sa isang malinis na baso.Uhaw na uhaw ako kahit hindi naman masyadong mainit ang biyahe namin.Maliban sa may aircon iyong kotse ni Clide,hindi rin naman masyadong mainit ang panahon.

Birthday ko na pala sa susunod na linggo at katulad pa rin ng nakasanayan na mag-isa kong ipagdiriwang dito sa apartment ko.

Pumanhik na ako sa itaas at nagpalit na ng damit.Natigilan ako sa ginagawa ng bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa katawan,parang may kung anong bagay ang umagos mula sa gulugod ko papunta sa iba't-ibang bahagi ng aking katawan na nagbigay ng kakaibang lamig.Nilapitan ko kaagad ang malaking salamin at pinagmasdan ang sariling repleksyon.Wala namang kakaiba sa katawan ko pero bakit ganoon na lamang ang naramdaman ko.

Isinantabi ko na lamang ang iniisip at nagpalit na ng damit.Kinuha ko ang naka-charge kong phone kanina at tinawagan si Wayne.Tatanungin ko lang ito tungkol sa pinapagawa ko sa kanya.Kailangan ko na kasi para sa re-checking.Idinial ko na ang phone number nito at hinihintay na lamang ang pagsagot nito.Ilang saglit pa ay sinagot na nito ang aking tawag.

  

" hello New " bungad ni Wayne sa kabilang linya.

     

" hi Wayne tapos mo na ba iyong pinapagawa ko sayo? " diretsahan kong tanong rito.

 

" kakatapos ko palang,kailangan mo na ba ngayon? "

      

" oo sana para maisama na natin sa mga natapos para isa na lang ang gagawin natin " paliwanag ko rito.

  

" sige ngayon mo na ba kailangan? "

 

" oo e "

     

" pupunta na lang ako diyan " nagpaalam na si Wayne sa akin at ako naman ay ganoon rin ang ginawa.

Nahiga muna ako sa kama habang ang mga mata ay inililibot sa puting kisame.Mamaya pa naman pupunta si Wayne dito.

Ceruz POV

     Mabilis ang mga hakbang ko papunta sa ginagawang pagpupulong kung saan lahat ng mga Dyos o Dyosa ay naririto.

  

" nagsisimula na ba sila? " tanong ko sa kay Lean.

     

" sa tingin ko'y hindi pa " mahinang tugon nito.

Ilang minuto pa,nasa harapan na kami ng malaking pinto.Hindi muna ako pumasok.Napabuntong-hininga muna ako bago itinulak ang pintuan.Lahat ng mga mata'y nakatingin sa akin.Mula sa matataas na uri ng Diyos hanggang sa mga pinakamababang uri.Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad hanggang sa marating ko ang aking nakalaang upuan.

   " sa kauna-unahang pagkakataon nahuli ka ata ng dating " puna ni Yula,ang Dyos ng Hangin.Di ko na lang ito pinansin at nanatiling tahimik.

    Tahimik ang lahat habang hinihintay si Haring Agos ang Dyos ng mga Dyos.Ilang saglit pa'y biglang lumiwanag ang kalangitan at mula rito ilinuwa si Haring Agos suot ang gintong korona.Nagsitayuan kaming lahat bilang paggalang.Kasama nito si Namoneus,ang kanyang mensahero at ang Dyos ng Paglalakbay.

    " lalo pang tumikas ata ang tindig ng ating hari ngayon ah " puna ni Terra,ang Dyos ng Lupa at isa sa mga malapit kong kaibigan.

  " pansin ko nga rin " pagsang-ayon ni Yula.

     Nagsiupo na kami habang hinihintay ang ilan pang mga Dyos.Lahat kami'y napatingin ng bumukas ang malaking pintuan mula roon ay ilinuwal si Ragun,ang Dyos ng Kidlat at Ulan na ama ni Dawi kasama  si Princepe ang Dyos ng Kakisigan na syang nakababatang kapatid ni Dawi.Di ko maalis ang paningin ko sa kay Princepe habang nakatayo,walang kupas pa rin ang kakisigan nito at nakabibighani pa rin ang kanyang mga ngiti,pero biglang sumagi sa isip ko ang maamong mukha ni Dawi.Medyo magkahawig silang dalawa pero mas angat ang kakisigan ni Dawi.Nagbigay galang muna ang mga ito bago naupo sa nakailang upuan.

    Di pa nagsisimula ang pagpupulong,may namumuo ng mga bulong-bulungan laban sa kay Dawi.At alam kong alam yun ni Ragun pero nanatili itong tahimik.Kilala ko si Ragun,bata pa lamang ako tinitingala ko na sya.Mahusay syang makipaglaban at nasa tuwid ang kanyang desisyon kaya karamihan sa mga Dyos ay takot sa kanya.

     " simulan na ang pagpupulong!!! " simula ni Haring Agos.Unang pumunta sa gitna ang may mataas na katungkulan sa konseho at muling binuksan ang kasong kinasasangkutan ni Dawi.

   " Ilang araw na lamang at tuluyan ng magtatapos ang paghihirap ni New sa mundo ng mga mortal at muli syang babalik rito upang muling maging isang Dyos... " simula ng konseho.Napatingin ang lahat ng biglang nagsalita si Satur ang Dyos ng mga Sandata.

      " paano magiging Dyos ang isang mamamatay na yun kung mas maitim pa sa kadiliman ang budhi nito,sabihin nyo nga sakin,paano ba maging isang Dyos?!ang pagiging isang Dyos ay kailangan pumatay ng kapwa nya Dyos?! " umalingawngaw sa paligid ang boses nito.Hindi ako makakilos,gusto kong sumbatan si Satur sa ginawa nyang pag-kwestyon sa pagiging Dyos ni Dawi.

   " si Dawi ay nagkasala at kailangan syang parusahan ng panghabam-buhay " ani pa nya.Nanatiling tahimik  ang lahat.Nakikinig sa mga pinagsasabi nya.

       " ito'y aking saloobin lamang Haring Agos at paumanhin sa biglaan kong pag-singit " paumanhin nito.

   " ipagpatuloy " tugon ni Haring Agos.

       " sa ikasampung araw pagkatapos ng 10 taong pagkakabilanggo sa mundo ng mga tao,si Dawi ay muling aakyat rito at haharap sa iyo Haring Agos upang hatulan " paliwanag nito.

    " anong uri ng paghatol ang iyong tinutukoy konseho? "

  " Hatol Ng Kapalaran Haring Agos...ito'y uri ng paghatol kung saan papipiliin kung anong gusto ng nagkasala sa kanyang kapalaran,tatalikuran ang pagiging Dyos at maging mortal o muling panatilihing maging Dyos " paliwanag ng konseho.Naupo na ito at muling nagkagulo ang mga Dyos.

    " sa  tingin mo,anong pipiliing kapalaran ni Dawi? " bigla tanong sakin ni Terra.Bigla akong kinutuban ng masama.Parang pakiramdam may mali.Napatingin ako sa kay Ragun na kasalukuyang kinakausap si Miga ang Dyosa ng Gitna at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

    " di ko alam " yun na lamang ang naitugon ko at pinuntahan si Ragun.

     " Ragun pwede ka bang makausap " tiningnan muna ako nito mula ulo habang talampakan.Animo'y kinikilatis kung may dala ba akong kapahamakan sa kanya.

        " sumunod ka sakin " aniya at nauna ng lumabas.