"You gave us a big shame Cassandra Montilla! Akala ko maaasahan ka sa simpleng bagay na 'yon! Really?! A sexy pictures for presentation?! Ano bang pinipresent mo?! Katawan mo?!"
Naka yuko silang lahat dahil galit ngayon ang Principal ng school namin na ama ni Sandra.
Nakaramdam nanaman ako ng guilt. Ako kasi ang dahilan kaya may aberyang nangyari sa presentation sana nila.
"Wag mo silang pagalitan kasi ako ang may kasalanan-uhmp"
Sabi ko sa kaniya pero tinakpan ni Hans ang bibig ko.
"A-ah Mr. Montilla gagawan po namin ng paraan para maayos yung gulong 'yon Sir"
Sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin
"Siguraduhin niyo lang-"
"Give us 1 week for preparation-"
"1 WEEK?!"
Nag tindigan ang balahibo namin sa lakas ng sigaw niya. Medyo nanlaki ang mata ko sa baritonong boses niya. Grabe nakakasindak talaga.
"Prepare it in three days! Kailangan ko ng result before this weekend!"
Tinanggal ko ang kamay ni Hans na nasa bibig ko
"Ano bang ginagawa mo?!"
Mariing ani ko sa kaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin
"Yumuko ka nalang, wag ka nang sumabat"
Pinanlakihan ko siya ng mata
"Ako yuyuko-uhmp!"
Pwersahan niya akong pinayuko kaya mapayukod ako nang bahagya
"Gusto mo ba ng latay?!"
Mariing ani ko nanaman
"A-ah-"
"Masyadong maikli ang-uhmp!"
May sasabihin pa sana ako nang sa ikatlong pagkakataon tinakpan ni Hans ang bibig ko
"Mr. Montilla, kami po ang bahala. 3 days makaka pag present na po kami. Mauuna na po kami"
Pinakatitigan kami ng mga kasama na namin na wari mo'y inaalam kung bakit ganoon ang posisyon namin.
Sapilitan nanaman akong pinag bow ni Hans sa harap nila.
Inis na inis akong nag patianod sa pag labas namin.
Kaagad ko siyang sinikmurahan
"Argh!"
"Really? Pinayuko mo ko sa kanila?"
Sapo niya ang sikmura nang sinubukan niyang umayos nang tayo
"Y-you must pay respect. You're under my deck at mas mataas sila sa atin. We're just a knaves"
Inirapan ko siya.
"Anong just? Mataas na ang knave ah"
"Oo nga but still mas mataas sila sa atin. King ang deck nila"
Ano namang pakealam ko sa organization nila? Nakakainis lang na dahil doon sobrang daming napapahamak na myembro nila.
"The hell I care with your organization-"
"Yara"
Bantang tono niya
"Ano? Ayoko pa rin ng organization niyo"
Bumuntong hininga siya
"Pero alam mo naman responsibility mo diba?"
Syempre naman at alam ko. Hindi naman ako nag papabaya sa mga responsibility ko sa buhay ko.
"Kahit di mo na ipaalam. Sa ayaw at sa gusto ko kailangan ko pa ring gawin iyon para mabuhay. Tsk"
Tumingin ako sa kawalan. Huminga siya nang malalim
"Tyro will come back soon"
Pahayag niya. Tumingin ako sa kaniya nang may pagtataka
"Then?"
"Nothing, I just want to inform you"
"Tss.. edi ayos, may gusto rin kasi akong gawin. Matagal na akong walang exercise"
Tiningnan niya ako nang parang hindi nagugustuhan ang lumalabas sa bibig ko
"No Crenz please"
Napangisi ako lalo
"Sabihin mo sa kaniya, bukas dapat nandito na siya dahil pag tapos ng presentation niyo gagawin na natin yung nasa isip ko"
Bumagsak ang balikat niya sa sinabi ko
"Ayoko talaga pag nag dedecide ka minsan"
Nginisian ko siya saka nag lakad papalayo. Nakasunod lang siya sakin
"Bumalik kamo siya dito bukas ng gabi. Sabay na kayong pumunta sa bahay"
Halata sa kilos niya na gusto niyang tumutol pero hindi niya magawa dahil alam niyang kapag nag decide ako, final na iyon.
LIPHYO'S POV
Sinamyo ko ang napaka sarap na hangin sa isang parke kung saan ay madalas akong mag lagi kapag may natitira akong oras. Umupo ako sa isang mahabang pang tatluhang upuan doon sa itaas na mala bundok. Pumikit ako at inihilig ang aking leeg sa sandalan ng inuupuan ko.
"Napaka sariwa ng hangin dito ano?"
Agad akong nag mulat at umayos ng upo nang may marinig ako na boses ng lalaki sa tabi ko. Hindi ko namalayang nakaupo na siya sa tabi. Malamang ay naliliyo ako sa sobrang kasabikan ko sa ganitong lugar kaya hindi ko napansin ang presensiya niya.
"Opo"
Tumanaw siya sa malayo saka huminga ng malalim. Halos kaedaran niya ang Papa ko pero mukhang mas ahead siya ng mga ilang taon.
"Madalas ka ba dito hijo?"
Tanong niya na di man lang ako pinukulan ng kahit isang tingin.
"Medyo lang po kapag maluwag ang schedule sa school at sa part time ko"
Sagot ko sa kaniya na tiningnan siya saglit at tumanaw ulit sa malayo.
Sinabihan ako noon na don't talk to strangers pero hindi ko maapply ngayon dahil bukod sa matanda na ako may karanasan na rin ako sa iba't ibang gulo, pakiramdam ko rin kasi na kailangan niya ng makakausap o kahit presensiya na mag sasabing hindi siya mag isa.
Bumuntong hininga siya at sa unang pagkakataon mula nang umupo siya sa tabi ko ay lumingon siya sakin.
"Masama ba akong tao?"
Nalilito ako sa mga tanong niya. Wala akong mapanghugutan ng sagot. Pinakatitigan ko siya habang siya ay muling tumingin sa kawalan.
"Ahm.. kung sa tindig niyo ang basehan, mukha naman po kayong mabuting tao pero dahil hindi ko naman po kayo kilala at hindi ko alam ang mga nagawa niyo, hindi ko po alam ang sagot sa tanong niyo"
Nakangiting sagot ko sa kaniya.
Natatawang muli siyang bumaling sakin at bumaling nanaman sa kawalang tiningnan niya kanina.
"Napaka talino ng dila mo sa pag sagot hijo"
Nahihiyang ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang hiyang naramdaman ko samantalang sinagot ko lang naman ang tanong niya.
Tanging mahinang tawa ko lang ang naisagot ko sa kaniya.
"Gaano katagal ba dapat natutulog ang mga kasing edad mo?"
Tanong niya. Agad naman akong napangiti dahil gusto ko iyong may nag tatanong sa akin na mapag babahagian ko ng kaalaman ko kahit pa napaka simple lang noon.
"Ang sabi po sa amin ay dapat 7-9 hours ang tulog naming mga teenager para sa height growth namin. Malalayo rin sa kapahamakan kapag natulog ng maayos, sa pangangatawan lang iyon, pero kapag na mundong ito ka maninirahan, lahat ng kilos mo ay kadikit na ng kapahamakan"
Makahulugang ani ko sa kaniya. Napangiti nanaman siya. Palipat lipat ang tingin ko sa kaniya at sa tinitingnan niya.
"Tama, lahat kadikit ng kapahamakan"
Aniya habang mapaklang nakangiti
"7-9 hours? Pero bakit ang anak ko ay mag lilimang taon nang natutulog?"
Napalis lahat ng nararamdaman ko at dahan dahan siyang hinarap. Nakaramdam ako ng sobrang pagkalungkot sa sinabi niya at sobrang awa para sa kaniya. Ang masugatan lang anak mo ay sobrang pag aalala na ang dating sa magulang, ramdam ko iyon dahil ganoon si Mommy sakin. Ano pa kaya ang magulang na may ganoong sitwasyon na anak.
"A-ah sorry po"
Hindi ko rin alam kung para saan ang sorry na iyon dahil una sa lahat ay siya ang nag tanong sa akin ng oras ng pag tulog naming teenager.
"Bakit ka nag sosorry? Ikaw ba ang may dahilan kung bakit tulog pa rin hanggang ngayon ang anak ko?"
Umiling ako kahit hindi siya nakatingin sakin.
Hindi ako makapag salita. Kung ganiyan din ang mangyayari sakin baka hindi lang ganiyan ang itsura ko.
"I'll go ahead Mr.?"
Tumayo siya saka inayos ang suit niya.
"Liphyo Attienza po Sir" tumayo rin ako
Nginitian niya ako saka inilahad niya ang kamay niya
"You can call me Craig"
Tinanggap ko ang kamay niya at nakipag shake hands sa kaniya.
"It's nice to meet you Sir Craig"
"Just Craig, hindi naman nalalayo ang edad natin"
Natatawang aniya kaya napangiti ako saka binawi ang kamay ko
"Ok Craig"
Nakangiting ani ko
"The next time we saw each other, I'll invite you for a coffee"
"I would gladly accept it Craig"
Nag paalam siya muli at umalis na rin. Tinanaw ko siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Lumapit na rin ako sa motor ko.
Tumunog ang cellphone ko
~Unknown number~
Napakunot noo ako atsaka tinanggap iyon.
"Hello?"
"Hoy! Baklang Jhonzel Liphyo, sunduin mo kami dito sa airport!"
Ang kunot kong noo ay biglang nawala nang matunugan kung sino ang caller
"Kingina Austin?! Umuwi na kayo?! Bakit ngayon niyo lang sinabi?"
"Hoy Liphyo dalian mo na!"
Sabi pa ni Jhom sa kabilang linya
"Stop making a scene assholes"
Saway sa kanila ni Mike kaya napatawa ako ng pagak
"I'll be there. Uuwi lang ako at kukunin yung kotse ko"
"Sige na sige na. Kakain muna kami"
"Ok. Text mo nalang sakin yung address"
"Ok!"
Pinatay ko na ang tawag at nag madali nang pumunta sa bahay para mag palit ng sasakyan at agad na rin silang sinundan.
CRENZ'S POV
Nag paalam sa aking aalis na muna si Chigs at mawawala siya sa loob ng dalawang linggo. Nag lalakad ako pauwi sa bahay, hindi ko na pinasabay si Hans dahil gusto kong mapag isa at gusto kong siya mismo ang mag babantay kay Sandra dahil di hamak na mas magaling siya sa pag protekta kaysa sa iba pa naming kasama sa grupo.
Pag pasok ko sa gate nakaamoy agad ako na may ibang tao sa bahay ko. Familiar na amoy pero hindi ko na matandaan kung kanino ko naamoy.
Bukas ang pinto pero walang kahit anong sapin sa paa ang nakita ko sa labas
'Nag pasok ng sapatos tong taong to. Tsk, kapal'
Nag patuloy ako sa pag pasok at mas lalo kong naamoy ang perfume ng isang babae. Hindi naman ako makaramdam ng kahit ano dahil ramdam kong hindi banta ang taong nakapasok sa bahay ko.
Kalat ang gamit sa loob ng bahay ko at may maleta na pink sa lapag habang ang sandalyas niya ay parehong naka higa sa sahig.
Napapikit ako dahil nakaramdam ako ng bahagyang pagkainis. Ayoko sa lahat na may ibang nanggugulo sa bahay ko, gusto ko ay ako lang.
Nahuhulaan ko na kung sino ang pumasok sa bahay ko at mukhang balak din ditong tumira gaya ng kapatid ko.
Inilapag ko ang bag ko sa upuan at saka nag patuloy sa sala. Nagkalat doon ang mga imported na chocolate at iba't ibang klase ng snacks at junk foods.
Kumuha ako ng isang chocolate kisses at uminom ng tubig pagka tapos.
Naririnig ko ang ingay sa taas pero ayokong umakyat sa taas hanggat hindi pa bumababa ang taong pumasok sa bahay ko at nag kalat pa sa iba't ibang sulok nito. Kalat kalat din kasi ang mga damit niya na hinawi ko nalang ng paa ko para makapag patuloy sa kusina ko.
Nag tali ako ng buhok at saka umayos ng upo at humalukipkip. Antagal ng inilagi noong babae sa taas. Paano nalang kaya kung hindi ako dumating ng maaga? Pwede na siyang pasukin dito lalo na at mamahalin ang mga damit niya at mahahalata mo talagang mayaman siya.
'kelan kaya mag babago 'tong babaeng 'to?'
Lumipat ako sa pwesto dahil na susuya ako sa itsura ng mga pagkain sa mesa sa kusina.
Umupo ako sa sala at nag text kay Hans
~To: Hans
Dumating na ba si Tyro? Bakit nandito sa bahay ko ang Fiance niya?
~
Tumayo ako saka nilapitan si Wacko.
"Hey Wacko. Gusto mo bang mag karoon ng kasama diyan?"
Nakangiting turan ko sa kaniya dahil mukha siyang malungkot dahil mag isa siya sa hawla niya
"Ok let me flee you, but you need to comeback before the sunset"
Kinuha ko siya sa loob nang hawla saka siya pinalipad paalis.
*Ting*
Kinuha ko ang cellphone ko nang marinig kong tumunog ito
~From: Hans
Tyro can't come yet. May tinatapos pa siyang paper before siya bumalik dito sa pinas. Pero kung kay Nina ang usapan, hindi ko alam kung bakit. You want me to come?
~
Muntik na akong mapairap. Sino naman ang malakas na loob ang nag sabing naka uwi na ako sa Pinas sa babaeng to?
~To: Hans
No.
~
Ayokong may palaging pumupunta sa teritoryo ko na walang pahintulot ko. Pero kadugo ko 'tong isang ito kaya hindi ko rin gustong palayasin siya.
Umupo muli ako sa sala at hindi pa nag iinit ang pwet ko sa pagkakaupo ay may bumaba na mula sa taas
'Great mukhang tapos na siya mangalikot sa taas'
"Crenzy!!"
Napapikit ako muli sa narinig kong pangalan mula sa kaniya. Oo at Crenzy talaga ang tawag niya sakin simula palang noong bata pa kami.
"Oh my gosh! Totoo ngang nakabalik ka na! I'm so glad to see you again!"
Gusto kong mapa takip ng tenga dahil sa ingay niya. Pero kailangan kong masanay. Nasa lahi na ata namin ang pagiging makulit. Makulit din ako pero sa ibang paraan. Kulit na hindi ka talaga uuwian sa bahay pag gusto ko ang nasusunod.
"Ang ingay ng bunganga mo"
Reklamo ko sa kaniya na hindi man lang siyang kinakikitaan ng anumang interes
"Mygosh Crenzy- eh? Galing ka ba sa lamay? What's with black?"
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Tiningnan ko lang siya.
"Eh? Anyway may pasalubong ako. Wait, kukunin ko lang"
Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa makalapit siya sa bagahe niyang nasa sahig. Muli nanaman akong napapikit sa inis nang ilabas niya lahat ng gamit niya at hinayaan sa sahig nang makuha na niya ang gusto niyang ibigay sa akin.
"Here! This is lipstick"
Pakita niya sakin sa isang maliit na kahon. Tiningnan ko siya ulit.
"Ok let's see if this is good for you"
Lumapit siya sakin.
"Wag kang lalapit"
Bantang tono ko
"Sinasabihan na kita Nathalie Martin"
Mariing ani ko sa kaniya habang dahan dahan siyang lumalapit at binubuksan ang hawak niya.
Hindi ko talaga hilig ang mga ganiyang pang babaeng gamit dahil hindi naman ako totally girly type. Mas gusto ko pa ang away lalaki kesa mag paganda.
Kung sa iba ay ang sexy niyang tingnan, sakin ay para na siyang halimaw dahil sa hawak niyang bagay.
"Isa-uhmp"
Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang isang kamay niya at sapilitang nilagyan ng lipstick ang labi ko.
Hindi ko siya pwedeng itulak dahil hindi ko na control ang pwersa ko pag may ginagawa saking hindi ko gusto.
"Ayan! Perfect! Babaeng babae ka na!"
Pumapalakpak na ani niya
"C'mon Crenzy ikalat mo naman"
Tinuruan niya akong ikalat ang inilagay niya sa labi ko pero napa tikom lang ako.
"Wait! Meron pa akong isa!"
Muli nanaman siyang bumalik sa bagahe niya. Hindi na ako lumingon sa kaniya kasi ayoko na muna mainis dahil sa gulong gamit niya
"Here! Perfume!"
Lumingon ako sa kaniya
"Sinasabi mo bang-"
"No no no.. don't get me wrong Crenzy. I'm not saying that you're 'mabaho' , I just want to give you a gift. And you can use it all if you're fully grown woman na my Crenzy"
Iniisip talaga niya na lalaki ako ah? Lumaki kami pareho na may anim na lalaking nakapaligid sa amin.
"It's been 5 years Crenzy how are you?"
"I don't know. I guess I'm fine"
Lumipad siya papunta sa Switzerland noong nakaraang limang taon dahil kailangan nila tito na asikasuhin ang business na pangangalaga nila.
"Wala ka pa ring pinag bago Crenzy"
"Ganito na ako Nina. Ilang taon na ang lumipas natatandaan mo pa rin ugali ko?"
Inirapan niyan ako saka siya umupo sa harapan ng inuupuan ko
"Masyadong matunong ang pangalan mo sa pamilya natin kaya impossibleng wala akong mabalitaan sayo"
Sino ba namang hindi magiging matunog ang pangalan kung sumunod ako sa yapak ng kapatid kong nag layas din. Pero iba yung dahilan ng pagalis ni Chigs kesa sa pag alis ko. Noong umalis naman ako ay sinigurado kong tapos ako sa mga kailangan kong gawin sa pamilya ko kahit mayroon pa rin saking hindi maintindihan kung bakit hindi ko sila makasundo.
"Anong ginagawa mo rito?"
She flipped her hair.
"Sabi ni kuya Mil mag stay ako dito para may kasama ka"
Pinag taasan ko siya ng isang kilay
"May butas yang sinabi mo. Hindi sasabihin ni Chiggy yan"
Siguradong sigurado akong hindi si Chiggy ang nag imbita sa kaniya dahil paniguradong alam ni Chiggy na ayaw ko munang maka salamuha ang ibang kadugo ko.
"Ok fine, I insist"
See, kung si Chigs ang gumawa no'n, ngayon palang ilalabas ko ang lahat ng gamit niya.
"Tss.."
"I'm going to stay here. Ayaw ko sa bahay laging walang tao, at least dito kahit di pala salita ang kasama ko, mararamdaman kong may presensiyang nasa paligid ko"
Tiningnan ko siya
"At sa tingin mo papayag ako?"
Nginitian niya ako nang napagka tamis tamis
"Papayag ka Crenzy kasi kung hindi kanina pa nasa labas ng bahay mo ang gamit ko"
'tsk! Huli mo ako doon Nina'
Nag de kwatro ako at humalukipkip habang naka sandal
"Anong mapapala ko sayo?"
Oo ganiyan ako, kahit kadugo kita ay aalamin ko kung may mapapala ba ako sa kanila dahil kung hindi ay ako mismo ang mag lalabas ng mga gamit nila o di kaya'y ako mismo ang lalayo sa kanila.
"Stress reliever-"
"Mas ma sitress ako pag nandito ka"
Diretsong sagot ko habang naka tingin sa kaniya. Napangiwi agad siya saka tumayo.
Humawak sa bewang niya at ala beauty queen. Nag tatakang tiningnan ko siya
"I'm Nathalie Martin 20 years old, taking HRM course. I'm good at cooking and cleaning-"
"Tanggap ko pa yung cooking pero sa cleaning tantanan mo na Nina"
"Wag ka ngang epal Crenzy, di pa ako tapos mag pakilala at saka syempre yung ibang bagahe ko muna ang inayos ko sa taas kaya nandito pa yang isang yan"
Hindi ko na siya sinagot, tiningnan ko nalang siya.
"I lived in Philippines, Switzerland and Australia! My mother is half italian and half Filipino while my father is half italian and half australian-"
"Tsk, kaya nag karoon ng anak na sinto sinto sila tita dahil pareho silang half half"
Pag tataray ko sa kaniya
"Hey! Baka nakaka limutan mong may kapatid pa akong isa"
"At least si Nathan hindi 'sing baliw mo"
Inirapan niya ako
"Whatever"
Umupo siya ulit
"Patitirahin kita dito Nina pero una sa lahat-"
Tiningnan ko ang paligid ko
"-ayaw ko ng ganito kagulong bahay at ayusin mo yang gamit mo, baka makita mo nalang yan sa labas mamaya pag di mo pa inayos yan"
Ngumuso siya sa sinabi ko
"Pangalawa, yung pinto pag pumasok ka. Baka gusto mong isara, gusto mo bang manakawan? Hindi subdivision 'tong tinitirahan ko. Maraming siraulo dito, kaya kung gusto mong mag tagal dito sumunod ka sakin"
"Oo na"
"Ok, malinaw naman pala eh. Nasan boyfriend mo?"
Inirapan niya ako
"Wala akong boyfriend"
"Oh edi Fiance"
"Wala akong fiance"
"Edi asawa mo"
"Wala akong asawa"
Napakunot ako ng noo. Ano bang trip niya?
"Kingina! Eh nasan si Tyro?"
Gulat na tumingin siya sakin
"Tsk, malay ko sa kaniya. Wala na akong balita sa kaniya. Matagal na kaming break"
Nakakaubos ng pasensya pag ganito kausap mo. Iisa lang naman tinutumbok ko pero panay ang pag lihis ng usapan.
"Tss.. moved on ka na ba sa lagay na yan?"
"Oo naman!"
"Talaga? Ba't nangangamoy bitterness"
Sinamaan niya ako ng tingin
"I'm not bitter. Bakit mo ba kasi hinahanap yun?"
"Bat interesado ka?"
"Syempre sakin mo hinanap"
"Kahit pa sayo ko hinanap bakit mo inaalam?"
"Cut it Crenzy"
Lukot na lukot na ang mukha niya. Tinaasan ko siya ng isang kilay
"So, aalamin mo pa ba?"
"Hindi na"
"Bakit hindi na? Akala ko ba interesado ka?"
"Sinong interesado?"
"Tss.. naka moved on na pala ah"
Nginisian ko siya
"Mas gusto ko yung nananahimik ka lang Crenzy"
"Sabi nga nila"
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na sinabihan ako ng ganiyan eh. Pag naaasar sila sakin iyan mismo ang sasabihin nila, pero pag tahimik naman ako ay gusto nila akong mag ingay. May saltik din talaga lahat nang nakapaligid sakin.
"Maiba ako Crenzy. Nabasa mo na ba yung bago mong assignment?"
Bigla akong napa tingin sa kawalan saka napa hawak sa labi ko
"Bakit ko nga ba kailangan gawin iyon?"
Tanong ko sa kaniya
"Syempre sumali ka kuno sa royal organization"
Lalong lumalim ang iniisip ko.
"Kailangan ko ba talagang gawin 'yon?"
"Mas magandang gawin mo, exciting iyon pag nalaman nilang nagawa mo 'yon"
Para siyang kinikilig na ewan sa sinasabi niya.
"May karapatan naman siguro akong tumanggi diba?"
"Gaga, paano mo makukuha ang loob ng organization kung hindi ka mag papakitang gilas?"
Huminga ako nang malalim
"If you need the boys naman diba, they can surely help you"
"No. Ayoko ng tulong, ako hahanap sa taong pinapahanap nila"
"How about Raffy?"
"Huwag mo na I mention baka bumuntot nanaman sa'kin 'yon."
Ang pinag tataka ko lang ay bakit nahiwalay ang taong 'yon sa Kings deck. Masyadong mahigpit ang bantay ng bawat myembro nila sa Kings deck pero bakit may nahiwalay silang anak?
"Haaay.. kapatid siya ni Sandra at walang alam si Sandra sa mga nangyayari kaya kailangan mong kumilos ng patago. Kailangan mong bantayan si Sandra at hanapin ang kapatid niya nang sabay"
Napapaisip tuloy ako kung tama bang sumali ako sa organization nila. Inimbitahan lang ako ni Hans na sumali kasi secure na ang pamumuhay ko pag pumasok ako sa kanila. Free na lahat at may 6k ka pa kada linggo at ang pagkain ay libre na rin ang tuition namin. Sobrang daming benefits.
"Anong mangyayari kung hindi ko mahanap?"
Tiningnan niya ako saka nag kibit balikat
"Mahahanap mo 'yon, ikaw pa ba?"
Kailangan ko lang ng documents about sa incident kung bakit nahiwalay sa kanila ang batang iyon.
Hinayaan ko siyang mag salita nang mag salita habang ako ay nag iisip ng mga bagay bagay na kailangan kong gawin. Kailangan kong humanap ng tao, protektahan si Sandra at mag aral at the same time. Kung sa pag aaral ay medyo ok naman na ako pero sa dalawa ko pang gagawin ay medyo tagilid ako, pero nandiyan naman si Hans para kay Sandra pero kahit na nandoon siya hindi pa rin ako napapanatag. Masyadong maraming threats kay Sandra.
Nang matapos kaming mag usap ay umakyat na ako sa kwarto ko at nag linis ng katawan at sandaling nag basa ng libro at natulog na rin.
Kinabukasan ay naabutan kong nag luluto si Nina sa kusina.
"Wala kang pasok?"
"Meron pero mamaya pa naman. Good morning Crenzy"
"Mm.. morning"
Nang matapos siyang mag luto ay nag handa na ako sa pag pasok.
"Mag cocommute ka Crenzy?"
"Oo, wala na yung motor ko"
"I'll give you a ride"
Sabi niya na tangkang kikilos na
"Wag na. Ayokong makaabala"
"You're not abala"
Nag kibit balikat ako saka siya tinapik sa balikat
"I'll see you later"
Nag tungo na ako sa labas ng bahay at sumakay ng tricycle at jeep. Pag dating sa gate ng school ay nakita ko si Hans doon na prenteng naka tayo at nakasandal sa pader.
Gwapo si Hans Zimmer, angat na angat ang itsura niya sa tatlong lalaki sa grupo namin at isa siyang mabuting kaibigan. Masyadong malaki na ang naitulong sakin ni Hans kaya impossibleng isa siya sa makakalimutan ko pag lumipas na ang mahabang panahon.
"Good morning Crenz"
Nakangiting bati niya
"Morning" simpleng tugon ko
"So nasa bahay mo talaga si Nina?"
Tumango ako bilang tugon at nag lakad pa pasok ng school
"Buti't di mo pinalayas"
"Bawas trabaho na rin sa bahay pag nandoon sila ni Chiggy. Di ko na kailangang kumain sa labas sa umaga"
Noong ako lang kasi mag isa sa bahay hindi ako nag luluto ng agahan. Marunong akong mag luto pero tamad ang katawan ko sa umaga na bumangon para mag luto.
"Sabagay. Ay! 'eto na pala yung gusto mong makuhang files noong nawala si Jared"
Kinuha ko ang envelope na brown at tiningnan iyon lahat.
"Sa tingin mo ba sindikato?"
Ipinasok ko sa loob muli ang papers
"Sa susunod na natin 'to pag usapan. Duma dami na ang mga studyante, baka kailangan na tayo sa tambayan"
Sabay kaming nag tungo sa tambayan at naabutan na silang lahat doon na nag titipon tipon.
Naupo lang ako sa isang upuan at nakikinig sa mga sinasabi nila habang si Hans ay dumulog na rin sa kanila.
Sabi nila ay wala raw pasok nang tatlong oras dahil may meeting ang mga teacher kaya for sure doon muna kami sa tambayan sa loob ng tatlong oras.
"Sa foundation day gaganapin ang iba't ibang sports competition"
"Edi makakalaban nanaman ang iba't ibang school?"
"Oo pero isang buwan pa bago ang foundation day kaya mahaba pa ang oras natin. Ang problema ay ang tatlong bagong sports, Archery, track and field and darts. Wala tayong representative sa mga iyon"
"May track and field na before diba? Kunin niyo yung dating manlalaro natin"
"Alam mo JM iyon na nga mismo ang problema. Grumaduate na 'yong mga manlalaro dati"
Napangiwi ako. Paka malas naman ng pag pasok ng sports na yan sa school na 'to.
"Edi mag paskil tayo"
Suhestyon ni Nemi
"Yeah may naka paskil na. Sa arte ba naman ng mga tao dito ewan ko nalang kung may sasali. Yung archery babae ang kailangan at sa dalawa pa ay lalaki ang kailangan. Baka matapos ang buong linggo na hindi tayo nakaka kuha ng sasali"
Laki ng problema nila ah, nahiya yung problema ko sa kanila.
Hindi na ako nag paalam at lumabas na ng tambayan. Pinag titinginan ako ng mga studyante pero hindi dahil sa panget ako o ano man yan, pero dahil ako lang ang naka itim sa buong school.
Napangisi nalang ako.
Nag tungo ako sa field at umupo sa ibaba ng puno. Ako lang ata ang tumatambay dito dahil nga maarte ang mga tao dito sa school na 'to.
Pinag masdan ko ang mga batang nag lalaro sa primary building. Ang school na 'to ay may kindergarten at elementary level pero hanggang highschool lang ito unlike sa ibang school na mula prep at college ay nandoon na sa kanila.
'sana naging bata rin ako'
Never kong naranasan ang makapag laro gaya ng ginagawa nila. Nakakatakbo ako dati gaya nila pero hindi dahil may kalaro akong hahabol sakin pero dahil si kamatayan ang humahabol sakin. Sila may tuwa kapag hinahabol pero ang akin ay may takot na kapag hindi ako tumakbo pa nang mas mabilis ay may papatay na sa'kin
Nakita kong nag kumpulan ang mga babae sa may gate ng school
'hanep.. for the first time natiis nilang mag siksikan diyan'
Hindi ko alam kung anong pinag kukumpulan nila pero ang galing ah. Hindi sila nag iinarte sa part na yan.
"Oh."
Humarap ako sa nag salita. Si Sandra, ramdam ko naman na nakasunod siya sakin kanina.
"Ano 'to?"
"A bribe"
Iniabot niya sakin ang isang supot. Kinuha ko naman iyon.
"I'm really sorry about last week"
Tukoy niya sa pag sampal niya sakin. Mabuti na nga lang at nakapag present na sila nang maayos noong matapos ang palugit nila kay Mr. Principal. Hindi na ako sumama pa sa kanila noong nag present sila dahil baka may magawa nanaman akong mali.
"No need for sorry, ako naman talaga ang may kasalanan"
Ininom at kinain ko ang binigay niya.
"Thank you for understanding Crenz"
Tipid ko siyang nginitian.
"Balita ko dati ay hindi ka talaga pala salita?"
Tumango ako dahil totoong hindi talaga ako pala salita noon. Maximum of 10 words lang ang sinasabi ko noon sa buong araw.
"Buti at nag sasalita ka na ngayon"
"Marami akong kailangang alamin at gawin kaya kailangan kong mag salita. Pero kung hindi naman importante pa, hindi ko na kailangang mag sayang pa ng laway"
Paliwanag ko sa kaniya.
"Kakaiba ka talaga"
Hindi ko man siya tingnan ay alam kong naka ngiti siya
"Sa organization natin-"
"Ninyo lang"
"Pfft.. ok sa organization namin, importante ako dahil next successor ako ng isang malaking kumpanya. Nahiling mo na ba sa sarili mo na sana naging ordinaryong tao ka nalang? Kasi ako ay oo at halos araw araw. Kung wala nga lang kayong lahat nila Nemi baka matagal ko nang tinakasan ang magulo kong buhay"
Oo nga at magulo nga ang buhay niya dahil sa iba't ibang problema na meron siya. Hiwalay pa ang magulang niya at ang lolo niya raw ay hindi pa niya gaanong kasundo dahil sabi niya ay mas mahalaga ang posisyon na makukuha niya at pakiramdam niya hindi man lang niya naramdaman yung pagmamahal ng magulang niya dahil laging tinatatak sa isip niya na kailangan niyang gawin ang inuutos nila para sa posisyon niya sa future.
Nakaka overwhelmed pa rin dahil isa kami sa inspiration niya para mag patuloy sa magulo niyang buhay.
"Bilib din talaga ako sa inyo ni Hans eh nuh? Paano niyo napapanindigan yang cold personality niyo?"
Nag kibit balikat ako
"I used to be like this"
"How about your boyfriend? Don't get me wrong ah, bakla ba yung boyfriend mo?"
Gusto kong matawa sa sinabi niya. Kung nandito lang si Hans paniguradong uusok ilong noon lalo na't yung gusto niya pa ang nag sabi ng gano'ng bagay.
"Hans is not a gay and he's not my boyfriend. Baka magulat ka pag nalaman mo kung sino ang gusto niya"
"Bakit? Lalaki rin ba gusto niya?"
"Pfft.. hindi nga, hindi nga 'yon bakla. Wag mo sasabihan ng bakla 'yon, baka makagawa ng kasalanan 'yon sayo"
Hindi ko man tingnan ay alam kong nahihiwagaan na siya sa mga sinasabi ko.
"Ok, nag ka girlfriend na ba 'yon?"
Nag kibit balikat ako. Sa pag kakaalam ko ay wala pero di ko lang alam dahil dalawa't kalahating taon ko silang hindi nakita. Wala rin akong nabalitaan sa kanila sa nakalipas na taon.
"Hindi ko alam"
"Konti nalang talaga mapag hahalataan na siya. Ang daming nag kakandarapa sa kaniyang mga babae pero ang madalas niya pang kausap ay mga lalaki lalo na sa cellphone niya"
Napangisi ako. Malamang sina Daniel at Tyro lang 'yon.
Narinig kong tumunog ang cellphone niya.
"I'll go ahead, sumunod ka na rin ah nag text sakin si Mr. Warren, may ipapagawa raw. Puntahan ko muna siya"
Tumango lang ako sa kaniya. Tinanaw ko siya hanggang sa makalayo siya at hindi ko na nakita.
Ano nanaman ba ang pinag kakaguluhan ng mga babaeng yan sa may gate? Nasan ba gwardiya? Bakit walang sumisita sa kanila?
Mabuti nalang at may harang ang lugar ng mga bata dito sa secondary. Napailing nalang ako habang tinitingnan sila.
Matapos kong kumain ay nag muni muni muna ako saglit at dumiretso na rin sa tambayan.
"Hey anong nangyari? Oks na kayo?"
Bungad agad na tanong sakin no Hans
"Napaka chismoso mo. Dapat ba lahat alam mo tungkol sakin?"
"Oo, kabisado ko na likaw ng bituka mo kaya may point pa ba para mag tago ka pa sakin?"
Tsk.. ayan nanaman siya na kesyo kababata ko siya at alam niya na ang pasikut sikot ng mga lamang loob ko. Tsk.. wala ka talagang pag babago Hans.
Nag thumbs up lang ako sa kaniya, sign na iyon na ayos na kami ni Sandra.
"Nice! That's good-"
"Wag mo muna ako kausapin Zimmer, nababadtrip ako sa mukha mo"
Napangiwi siya sa sinabi ko.
"Ano nanamang trip mo Yara? Kakaiba talaga mood swings mo ah"
"Sabing wag muna nga ngayon. Antayin mo si Sandra, pinatawag iyon sa faculty na dapat ay nandoon ka rin. Bakit nga ba wala ka doon?"
Tiningnan niya ang phone niya
"Wala namang sinabi sakin si Mr. Warren. Kanina pa si Sandra doon?"
Siguro mga 15 mins. na rin noong pumunta siya.
"15 mins"
Napaisip tuloy siya.
"Himala ito at hindi ako ang pinapunta ni Mr. Warren. Seryosong usapan ata iyon?"
"Bakit? Gago ka ba pag kausap si Sir?"
Pinangunutan niya ako ng noo
"Mga salita mo Yara"
Puna niya
"Nasa rule ng buhay ko iyon. I'll say what I want to say"
Huminga lang siya nang malalim at bumuntong hininga.
Napaka laki ng problema niya ah. Medyo nahiya ang problema ko sa kaniya.
Umupo kami at nag antay kay Sandra.
"Yung top 50 students, before foundation day na gaganapin 'yon"
Pahayag ni Nemi
"'paka bilis naman. Sana nag lagay naman sila ng isang buwan na pagitan-"
"Hoy wag ka ngang mag reklamo, bakit? Athlete ka ba?!"
Nagpa palit ang tingin namin kina Nemi at JM.
"Bakit ba trip na trip mo akong kontrahin ah!"
Nag upong de kwatro ako at sinandal sa desk ang siko ko at hinawakan ko ang labi ko habang curious na naka tingin sa dalawa.
Hindi ata buo ang araw nila 'pag hindi sila nag aaway
"Tanga tanga ka kasi. Masyado kang affected kahit hindi ka naman kasali"
"Bakit?! Hindi lang naman para sakin iyon ah, pang kalahatan kasi iyon!"
"Napaka pakelamero mo!"
"Eh ano bang pakelam mo? Ganiyan ka na ba ka patay na patay sakin?"
Bahagya akong napa pikit at napangiti sa usapan nila. Iiling iling na napakamot nalang ako sa sentido ko.
"Wow?! Lakas mo rin mangarap ng gising ah. Kahit lumuha ka ng dugo sa harap ko, hinding hindi kita magugustuhan!"
Nginisian siya ni Jonmar.
Bakit malakas ang pakiramdam kong may something sila. Something na hindi sa present, something sa past na hindi maganda.
Yung kambal ay tahimik lang din na nakatingin sa kanila habang nag si share sa isang chichirya na animo'y nanunuod ng pelikula.
Pumasok na si Sandra at nalilitong tumingin sa dalawa.
"Akala mo naman talaga maganda ka-"
"Excuse me? Baka nakakalimutan mong ako ang Ms. Royal international dito"
Sumandal si Sandra sa isang table at saka humalukipkip na tumingin sa dalawa.
"Hindi lang puro ganda dapat! Dapat may kabaitan din sa katawan!"
Nakangising turan sa kaniya ni JM
"Ah? Marami ka atang nakakalimutan Jonmar Pilsamor? Coronated of Miss kalikasan ako at every month nasa iba't ibang orphanage ako para tumulong. Alam mo sayo lang ako nagiging demonyo"
Oo tama iyon, sobrang bait ni Nemi. Minsan nga nagugulat nalang kami na lumilihis siya ng daan pag may pupuntahan kami para matulungan yung matatanda at bata na tumawid sa kalsada, minsan pa ay ipapa hinto niya ang van para bilhan ng pagkain yung mga batang palaboy, gano'n siya kabait. Naawa siya sa mga batang inaabandona pati na rin sa mga hayop.
Hindi ko talaga alam kung bakit gigil na gigil siya kay JM.
"Sexy din sana"
Dagdag pa ni JM
"I'm sexy Pilsamor"
Pinag papawisan na si JM dahil mukhang hindi na niya alam ang susunod na sasabihin niya.
"Matalino!"
Sumbat na ni JM
"I'm best in Mathematics, Science, English and Filipino. A quiz bee winner and a regional spelling competition champion"
Mabilis na sabi ni Nemi
"Bakit mo ba kasi sinisiksik yung katangian mo sa standard ni JM?"
Makahulugang sabi ko sa kanila kaya natuon sakin ang atensyon ng lahat.
Isa isa na silang nag ngisian at ang katabi ko ay mahina nang tumatawa.
"Argh Crenz! I'm not-"
"Just tell him if you want him to woo you"
"The hell! Over my dead gorgeous body!"
Napangisi ako sa sinabi niya. Bakit parang contradict yung mga sinasabi niya sa kilos niya?
Ako lang ba? Pero bihira kasi ako mag kamali ng mga kutob ko eh.
"Gorgeous gorgeous, masuka ka nga!"
Napa bunghalat ng tawa ang kambal.
Sinamaan siya ng tingin ni Nemi
"Cut this scene lovers"
Kuha nang atensyon niya sa lahat.
"Anong lovers?!"
Mahina siyang siniko ni JM
"Hoy boss natin yan"
Mahinang ani'to. Siniko naman siya ng malakas ni Nemi
"Aw"
"Umalis ka sa tabi ko baka samain ka sakin"
Banta pa nito.
"Tsk.. listen everyone. Kakukuha ko ng bagong assignment kay Mr. Warren about sa bagong papasok dito sa school. 2 of them is a model and 2 of them an artist"
Napakunot noo ako
"Ah apat lang sila?"
"No. May isa pang anak ng congressman at kailangan nating gawin ay maging safe ang school na 'to for them"
Tumayo ako kaya nakuha ko lahat ng atensyon nila
"Tara na, kanina pa sila nasa gate"
Ngayon ko lang naintindihan kung bakit napaka raming babae doon sa may gate.
Nagulat sila sa sinabi ko pero sumunod lang din sakin palabas.
"Paano mo nalaman?"
Tanong ni Hans
"Common sense"
Napakamot nalang siya ng ulo.
Pag dating namin sa may gate ay agad namin silang hinawi para makarating sa may kotseng pinag kakaguluhan nila.
Tukmol ata 'tong mga to. Wala naman dito ang parking lot bakit nandito ang kotse nila sa gate.
Iba kasi ang pasukan ng kotse sa pasukan ng mga taong nag lalakad lang papasok. Napaka lawak ng parking lot namin kaya hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi sila na sabihan na hindi dito ang parking lot.
Nandoon na ang ibang gwardiya pero wala pa ring nakakapag patigil sa mga babaeng mag siksikan para makita yung mga taong nasa loob ng sasakyan.
Agad namin silang pina atras para hindi sila ganoon kalapit sa sasakyan.
"Crenz ikaw mag escort"
Mabilis na sabi ni Hans na medyo nahihirapan para mapalayo yung mga babaeng nasa likuran niya.
Dapat si Sandra ang mag eescort sa kanila pero dahil mas nakikinig amg mga babae sa kaniya para lumayo ay ako na ang pinalapit nila. Kinatok ko ang bintana, at nang mag baba ito ng bintana ay bumungad sakin ang isang lalaking naka shades at napaka ganda ng ngiti sakin.
"Lumabas na kayo diyan"
"What? Paano kung dumugin kami?"
"Mr. Kaya nga kami nandito para hindi kayo dumugin ng mga taong yan"
Paliwanag ko sa kaniya
"Baka mas lalo kaming dumugin pag lumabas kami"
Malamang! Dudumugin talaga sila, nag build build sila ng fame sa industry tapos mag tatanong tanong siya about sa security nila?
"Mas dudumugin kayo dito pag iniwan namin kayo dito. Labas na"
Wag sana nila ubusin ang pasensya ko dahil baka sipain ko talaga tong kotse nila.
"Miss look, hindi kami pwedeng magalusan-"
'Kingina'
"Kaya nga kami nandito para hindi kayo mapaano"
"We need an assurance"
"All you need to do is trust us Mr."
Mahinahong sabi ko sa kaniya.
Nag kakagulo pa rin sa likod namin dahil sa ingay ng mga babaeng gusto silang malapitan
"Master! An'tagal naman!"
Sigaw na ni Migs na medyo nahihirapan na sa pag pipigil sa mga babae.
"Paano nga kung-"
"Kingina! Bakla ka ba?!"
Mariing ani ko na sa kaniya. Napipikon na ako sa kabaklaan niya. Kung ayaw nila ng ganitong eksena dapat hindi na sila nag artista o model.
Bumungisngis na ang mga kasama niya sa loob
"What?"
"Puro ka daldal. Kung ayaw niyong dumugin kayo dapat hindi na kayo pumasok sa ganiyang industriya"
Nag aalangan ang mukha niya kung anong sasabihin niya.
"Kapag hindi pa kayo bumaba diyan, pati mga kasama ko ay ipapahamak niyo. Bumaba na kayo o iiwan namin kayo dito?"
May halong bantang ani ko
Umayos na ako ng tayo para sana layasan na sila pero
"Teka miss, lalabas na kami"
Bumaba ang nasa passenger seat kaya nag wala ang mga babae. Nahirapan na ngayon sina Hans na patigilin ang mga babae.
Sumunod na rin ang mga lalaking nasa loob ng kotse sa pagbaba. Doon ko namataan ang isang pamilyar na lalaki. Kung hindi ako nag kakamali ay siya 'yong lalaki sa pool and locker area ng kabilang school na pinag presentan nila Sandra at ang savior ko noong nakaraan.
Nginitian niya ako pero hindi ko siya binigyan ng kahit anong interes. Nag patuloy kami sa pag lakad. Halos lahat kami ay naka tagilid at hinaharang ang mga braso namin sa mga babaeng gustong humawak sa kanila.
Nakarating kami sa baba ng principals office. Hinarang na agad ng mga lalaki ang pwedeng daanan ng mga babae kaya sila na ngayon ang pinag papantasyahan ng mga babae.
Pina akyat na namin yung limang lalaki at nag bantay kaming tatlo sa likod ng mga kasama naming lalaki
"KAPAG HINDI PA KAYO UMALIS MAG REREQUEST AKO NG SPECIAL PROJECT SA LAHAT NG NANDITO!"
Sigaw ni Sandra pero wala pa ring effect sa kanila.
"Naisahan ang mga loko"
Sabi ni Nemi habang nakatingin sa mga lalaki namin. Pinababawal kasing lapitan ang mga lalaki namin dahil alam naman ng lahat na maiitsura talaga sila at dumugin talaga ang mga ganiyang itsura. Hindi na sila nilapitan simula no'ng si Mr. Montilla na ang kumausap sa kanila.
"Akyat lang ako pababain ko si Sir"
Sinenyasan lang ako no'ng dalawang na umalis na.
Umakyat na ako at kumatok sa pinto at binuksan iyon kahit wala pang nag sasabing pumasok ako.
"Sir, nag kakagulo na sa baba pinapababa kayo ni Sandra"
Walang emosyong ani ko saka napatingin sa lalaking nag ligtas sakin. Ngumisi siya sakin.
Pero tiningnan ko lang siya.
Mukha siyang tanga.