3

LIPHYO'S POV

"Sir, nag kakagulo na sa baba pinapababa kayo ni Sandra"

Lahat kami napatingin sa kumatok at nag bukas ng pinto.

Tiningnan ko siya, nang mahalata niya ata na nakatingin ako sa kaniya nang mataman ay tiningnan niya rin ako sa mata.

Napangisi ako nang di oras dahil malamang pag tapos ko siya ngitian ay kikiligin na 'yan siya.

Pero napalis ang ngisi ko nang tingnan niya lang ako gaya ng pagtingin niya sa'kin no'ng nasa labas kami ng locker area na parang isa ako sa wala kwentang bagay na nakita niya sa mundo.

"You must have waited for me to let you in here"

"Why? Would you open the door for me?"

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang namumuong tawa ko sa loob loob ko samantalang iyong mga kasama ko ay mahinang tumatawa.

Lumabas na iyong babae at sinara ang pinto

"Haaay.. bastos talaga. Ah, sorry about that hindi talaga siya marunong gumalang. Excuse me"

Paalam niya sa amin at lumabas ng pinto ng office niya

"Wow! She's really something"

"Grabe! Hindi ko kayang gano'nin ang Principal ng school namin kahit tarantado ako"

Sabi ni Jhom

"Tuleg, bakla ka nga raw diba sabi niya"

Pang aasar ni Austin

"Masama bang mag worry ako sa balat ko?"

"Gago.. nakakadiri ka. Nakakahiya 'yong ginawa mo kanina"

Nahihiya talaga ako sa pinag sasabi niya kanina. Ako talaga 'yong parang gustong mag palamon sa lupa dahil sa mga sinasabi niya, syempre ako ang mas familiar doon sa babae.

"Walang kahihiyan sa katawan si Jhom guys"

Paalala ni Jerick

"Hoy boy C.R manahimik ka diyan"

Duro sa kaniya ni Jhom

"At least sinalo ko kayong lahat sa kahihiyan kanina diba?"

Oo at siya nga ang nasa passenger seat kanina na bumaba para sumunod doon sa babae.

"Ok, hands up na ako"

Pasukong ani ni Jhom

"Oo nga pala, mag kakaroon ng mens magazine ang agency namin. Pinakiusapan nila akong isama kayo sa pag momodel"

"Kayang kaya niyo na yang apat"

Sabi ni Jerick

Hindi talaga si Jerick sumasali sa mga ganitong bagay. Sikat siya dahil anak siya ng congressman pero hindi niya kailanman ginamit ang pangalan ng magulang niya sa kahit ano mang bagay. Mahiyain siya at parang laging takot sa mundo na makilala siya ng lahat kaya kahit napakaraming gustong kumuha sa kaniya bilang modelo o artista ay lahat 'yon tinanggihan niya.

"We can invite those men"

Turo niya sa labas ng pinto

"Tama. Ako bahala"

Sabi ko saka napangiti

"Sige, pag sumali sila sasali na rin ako"

Sabi ni Jhom

"Sige ah, usapang matino yan Jerick"

"Ayaw niyo? Sige wag na-"

"Gago, wag ka na mag back out. Sayang naman yang gandang lalaki mo kung di mapapakinabanggan"

Sabi ni Austin

Si Mike naman ay nakikinig lang sa usapan namin.

Hindi maipag kakaila ang gandang lalaki ng mga lalaking nag escort samin kanina. Kung nasa modeling industry sila tiyak na pag kakaguluhan sila.

Si Austin at Mike ay parehong artista pero hindi muna tumanggap ng panibagong project dahil gusto nila mag focus muna sa pag aaral. Ako at si Jhom naman ang model samin.

Nag usap usap kami sa mga nangyari kanina nang bumalik ang Principal at nakasunod sa kanila 'yong  nag escort sa'min kanina, mga naka yuko sila.

Umupo si Mr. Montilla sa swivel chair niya at saka tiningnan ang mga alaga niya na nakahilera sa may likod.

"Naturingan kayong mga student council/Peace officer pero hindi niyo kayang patahimikin yung mga babaeng 'yon?!"

Tahimik lang sila.

Tiningnan ko 'yong Sandra. Noong maramdaman niyang nakatingin ako sa kaniya ay tumingin din siya sakin pero an'sama ng tingin niya sakin kaya nginitian ko siya ng sobrang tamis.

"Cassandra!"

"S-sir?"

Nauutal na tugon niya.

Now this is exciting. Mas lalo akong napangiti nang makita ang panginginig ng kamay niya at halatang natatakot sa tono ng boses ng kaniyang ama.

"Kaya mo pa ba panindigan yang posisyon na 'yan ah?!  Puro ka nalang palpak nitong mga nakaraang araw ah!"

Lalo siyang napayuko sa sinabi ng ama.

"Mr. Montilla, magiging ayos sana ang lahat kung mabilis lang silang sumama samin."

Parang hindi ko nagustuhan ang tono no'ng babaeng walang emosyon sa pag sabi niya no'n sa'min.

"So now you're blaming us?"

Nakangiti pero di makapaniwala tanong ko sa kaniya.

"Kung hindi kasi kayo pabebe kanina edi sana may lakas pa ang mga kasama naming tabuyin pa ng mahabang oras 'yong mga babae kanina"

Walang emosyong sabi nanaman niya. Nakatingin siya ng diretso sakin at tumingin kay Jhom.

"Wait that's unfair-"

"Yeah unfair kasi kami na agrabyado. Kita mo 'to?"

Pinatalikod niya ang isa sa kambal na kasama niya at tumambad samin ang duguan niyong batok

"Dahil sa pagiging bakla niyo kaya may nasugatan pa sa amin. Sinabi na naming bumaba na kayo sa kotse niyo pero mas nag papatagal pa kayo"

Nakaramdam ako ng guilt and at the same time ay inis.

"Hindi namin kasalanan na dinumog kami ng mga babae-"

"Ahh.. sige kami na may kasalanan. Kami kasi 'yong artista at model diba? Kami 'yong feeling importante sa loob ng kotse diba? Yeah.. it's not your fault gentlemen, inaako namin ang kasalanan namin"

Sarcastic na sabi niya.

Kahit ano pang palusot ang gawin ko ay wala kaming lusot dahil may naagrabyado nga naman sa kanila.

"Baka gusto niyo pa ng isang proof na mga duwag kayo? Oh 'eto pa-"

Pinatalikod naman niya ang katabi niyang lalaki saka pinakita samin ang sugat nito sa isang tenga na may sariwang dugo pa.

Sa tingin ko ay mga sugat galing sa kuko iyon.

"Mayroon pang sugat ang mga babaeng kasama ko, kaya lang di ko pwedeng ipakita dahil masyado na kayong siswertehin kung gano'n."

Hindi ko malaman kung ano ang i rereact ko.

"Sana hindi nalang kayo tumulong kung isusumbat niyo lang naman"

Sabi ko sa kanila. Tiningnan niya ako ng masama kaya parang gusto ko na bawiin ang sinabi ko.

"'yon na nga 'yong problema eh, tinulungan na nga kayo di pa kayo grateful. Sana nga di na namin kayo tinulungan para kayo ang napahamak imbes na ang mga kasama ko, deserve niyo yang sugat na yan kesa sa kanila."

"Stop it Crenz"

Bulong ng kasama niya na medyo narinig namin.

Halata mo ang inis sa mata niya kahit anong pag wawalang emosyon niya.

"Pwede kayong umalis sa school na 'to kung wala kayong tiwala sa mga officer dito-"

"Ms. Vilarde! Stop it!"

Baritonong boses na ani ni Mr. Montilla

"Dahil sa inyo hindi ko nagawa ang trabaho ko. Sa susunod na mangyari ulit sa mga kasama ko ang ganitong bagay dahil sa kabaklaan niyo, hindi ako nag bibiro at hindi ako marunong mag biro, ako mismo ang babali sa buto niyo at tatapyas sa balat na iniingatan niyo."

Mariing pag papaintindi niya sa'ming lahat kaya medyo napa atras sakin ang katabi kong si Jhom.

"Hindi magagamot ng pananakot mo ang sugat ng mga kasama mo Vilarde"

Maawtoridad na sabi ni Mr. Montilla

"Na wala sanang ganito kung mabilis lang silang sumunod sa'min-"

"Gusto lang naming masiguradong hindi kami malalapitan ng mga babaeng iyon kaya nag hesitate kami"

Dipensa ko dahil sa'ming lahat ay ako ang nag sisilbing spokesman nila.

"The time na nakipag siksikan kami at nakipag hilaan sa mga babae kanina, hindi na dapat  kami pag hinalaan dahil una sa lahat ayaw naming may ibang lumalapit samin-"

"We don't know you all-"

"Pwes! Kilalanin niyo kami! Para kayong mga bandidong sumabak sa giyera na walang dalang sandata."

Pinag kunutan ko siya ng noo.

"It's supposed to be a soldier-"

"Soldier doesn't suit you. Walang duwag na sundalo"

Napakunot na talaga ako ng noo this time. Halo halo na ang nararamdaman ko ngayon. Na guguilty ako kasi may nasaktan pero dahil sa tabas ng dila ng mas lamang ang inis ko ngayon.

"Crenz tama na yan-"

Saway sa kaniya ni Ms. Montilla. Sinamaan niya kami ng tingin. Tingin na pwede na kaming mahulog at mamatay dahil sa sobrang lalim at talim ng mga mata niya.

"Hindi namin intensyon ang nangyari. Aksidente lang lahat 'yon"

"Alam mo manahimik ka nalang, ang bobo mo sumagot"

ANO?!

Kalmado na ang itsura niya kaya mas lalo akong napikon.

"What?!"

Tumayo na ako sa silyang inuupuan ko pag sabi niya no'ng mga salitang binanggit niya.

Naging matunog ang pag galaw ng upuan ko nang tumayo ako.

"Ang sabi ko duwag ka"

Walang emosyong aniya.

"Oh ba't namumula ka? Kinikilig ka ba sakin?"

Seryosong tanong niya

"Kapal naman pala ng mukha mo. Hindi ka kagandahan Miss"

Nginisian niya ako

"Talaga? Eh bakit nakikita ko sa mata nilang tatlo na maganda ako?"

Turo niya sa magkakatabi na sila Mike, Austin at Jerick. Agad na nag iwas ng tingin ang tatlo sa kaniya.

"Assumera ka rin 'no? Taas naman ata ng pangarap mo?"

"Hindi ko kasalanan kung panandaliang pinangarap ako ng mga kaibigan mo"

Ano bang sinasabi niya? Na may gusto sila Mike sa kaniya?

"ENOUGH!!"

Lahat kami ay napatingin kay Mr. Montilla dahil sa boses at pag kalampag niya sa mesa niya.

"AN'DAMI NANG NAG PATIGIL SAYO MS. VILARDE PERO DALDAL KA PA RIN NANG DALDAL-"

"Trabaho kong protektahan ang anak mo Mr. Montilla. Buti nga sana kung ako ang nasugatan pero eto-"

Kinuha niya ang braso ni Cassandra at pinakita sa ama nito. Tumambad samin ang mas malaking sugat na halatang hindi sa kuko nanggaling.

"Crenz please stop it"

Parang hindi na malaman ni Cassandra ang gagawin niya nang ipakita no'ng babae ang sugat na nasa braso niya.

"Kilala mo ako Mr. Montilla, bastos na talaga ako pero mas lalo pa akong nagiging bastos pag may malalapit sa'king napapahamak dahil sa katangahan ng iba. Hindi ako pala salita, pero sinisigurado ko sa inyong kapag nag salita ako itatatak ko 'yan sa mga makikitid niyong utak. Puro sarili niyo lang iniisip niyo"

Alam kong para saamin na ang sinasabi niya noong dulo.

Hindi na talaga ako nakapag salita dahil alam kong wala nang lusot pa ang sasabihin ko at tanggap ko na ring may mali talaga kami. Selfishness nga 'yong ginawa namin.

Nag paka wala ng malalim na hininga si Mr. Montilla at bumaling sa kaniya.

"I get it now Vilarde. Dalhin mo na sila sa clinic and after that mag room to room kayo para sabihin na lahat ng lalapit dito sa lima ay automatic na i kikick out ko"

Umupo ako.

"Yes Mr. Principal"

Lahat sila ay nag bow 'liban sa Vilarde na kasagutan ko kanina.

Lumabas na silang lahat matapos nilang gawin iyon.

"Ayokong may panigan isa sa inyo pero sana ay mag tiwala kayo sa kanila. Student council sila dito at effective talaga sila sa service nila. Sa totoo lang ay iyon ang unang pagkakataon na nakasagutan ko nang gano'n ang batang 'yon"

Lumalim ang pag iisip niya.

"We're very sorry to what happened earlier"

"Naiintindihan ko ang both parties kaya ayos lang sakin, wag nalang sana yung aabot pa na may isang mapapahamak sa isa sa inyo lalo na ang anak ko."

Kinakabahan ako, nagiguilty ako at lalong naiinis ako, lahat yan ay para sa sarili ko.

"I'm sorry Sir."

"Mukhang tinamaan ka talaga sa sinabi ni Vilarde kanina ah"

Bahagya lang akong napakunot ng noo.

"Bihira siyang mag salita pero pag nag salita siya, karamihan doon ay hindi mo talaga magugustuhan"

Napaka bastos ng ugali niya. Marami na akong na encounter na bastos pero ang isang iyon ay ibang level ang kabastusan.

"Dumaan kayo sa registrar bukas at doon niyo kunin ang schedule niyo. You can all leave now"

Tumayo na kami at nakipag kamay sa kaniya at nag paalam na rin.

Pag labas namin ay nandoon iyong babaeng kasagutan ko kanina at ang isa pang babae.

Naka sandal iyong babaeng kasagutan ko kanina habang ngumunguya.

Tiningnan ko yung Vilarde mula ulo hanggang paa.

"Done checking me out?"

Doon lang ako nagising sa parang tangang pag kalutang ko sa pagtingin ko sa kabuuan niya.

"Kapal mo talaga ano? Bakit naman kita-"

"Hindi ikaw, siya"

Naangas na nag angat siya ng ulo at agad ibinaba, parang tinuro niya gamit ang ulo niya ang tao sa likuran ko. Tumingin din ako sa sinenyas niya at si Austin ang tinutukoy niya.

"Kala ko ako-"

"Ikaw rin"

"Ano?!"

Kapag siya kaharap ko nawawala ako sa sarili kong ako, para akong bumabalik sa maangas na Liphyo.

"Tiningnan mo ang kabuo-"

"In your dreams!"

"Psh.. huling huli ka na dami mo pang palusot"

Ano bang sinasabi niya. Masyado niyang kinukuha ang interes ko ah, baka gusto ako neto.

"Wag kasing assuming"

"Hindi ko ugaling mag assume. Wag kang tumingin para hindi ka nahuhuli"

Nginisian ko siya

"Gusto mo ba 'ko-"

"Oo"

Diretso siyang tumingin sa mata ko samantalang ako ay natigilan. Parang nag init ang ulo ko na hindi ko maintindihan.

"Pfft.. you should see your face right now Mr. Tomato"

Nginisian niya ako saka nag lakad pababa ng hagdan

"Hoy pre, naestatwa ka diyan?"

Puna sakin ni Jerick

"First time yan ah, nasabihan ka lang ng gano'n para ka nang tanga diyan"

"Don't tell me naniwala ka-"

"Hindi 'no! Tumigil na nga kayo tsk!"

Nag patiuna na akong mag lakad

"Pero dre namumula ka"

Asar pa ni Jerick

"Tantanan niyo ko mga ungas"

Nag tawanan sila.

Nasa unahan naming nag lakad 'yong Vilarde at sa likod naman namin 'yong isang babae pa, tatlo lang naman silang babae sa grupo.

Sabi no'ng babae sa likod ay i eescort nila kami palabas ng school para kung sakaling may lumapit ay madedepensahan nila kami.

Seriously? Babae talaga ang pina gawa nila ng ganito ah. Ano namang laban nitong mga 'to?

Napangisi ako sa mga iniisip ko.

Nag paalam na sila sa dalawa nang makarating kami sa parking lot. Tanging tango lang ang isinagot no'ng isa samantalang 'yong isa naman ay agad nang tumalikod para iwan kami.

"So san na kayo ngayon?"

"May trabaho pa ako mamaya"

"Mag lunch na muna tayo sa malapit na coffee shop"

Napag desisyonan naming kumain muna sa isang coffee shop at pagka tapos noon ay  umuwi na rin kaming lahat.

CRENZ'S POV

"Could you please stop arguing?!"

Natahimik ang lahat ng nasa van nang mag reklamo na si Sandra sa sobrang ingay ni Nemi at JM. Hindi ko alam kung paano nila natitiis na mag sagutan samantalang ako ay tamad na tamad mag salita di gaya nila.

Ako lang ang nasa pinaka dulong bahagi ng van dahil alam naman nilang ayaw na ayaw kong may nakakatabi pwera nalang kung walang pag pipilian. Pero kahit wala ng pag pipilian sisiguraduhin kong hindi pa rin sila makakatabi sakin.

"My goodness Nemi and Jonmar, hindi na ba mauubos ang pag tatalunan niyo?"

"Grabe kayong dalawa, nahiya na kami mag ingay ni Migs dahil sa sumbatan niyo. Dapat kami ang maingay dito diba?"

Singit ni Jigs kaya nag sisihan pa ang dalawa kung bakit nag iingay sila ngayon.

Nababalisa ako, parang may Hindi tama.

"Tahimik"

Saktong lakas ng boses para marinig ng lahat ng nasa van ang sinabi ko. Nanahimik naman sila

"Hans dahan dahan kang pumreno"

"Ha?"

May naririnig akong hindi tama sa takbo namin.

"Uulitin ko pa ba?"

Nalilito man ay iginilid niya ang sasakyan saka kami nakarinig ng isang malakas na pagkakabitaw ng kung ano man sa ilalim ng sasakyan.

"What's that?"

Agad na tanong ni Nemi habang hindi maipinta ang mukha.

Lalabas na sana si Sandra pero pinigilan siya ni Hans

"Stay here. Ako na ang bababa"

Sabi niya samin pero hindi ko siya pinakinggan at bumaba rin ako.

"Crenz-"

"Break iyon ng van kaya diyan lang kayo sa loob, liblib 'tong lugar na 'to-"

"Master pasok ka na, kami nalang ang lalabas diyan"

Sabi ni Migs

"Bakit? May alam ka ba sa sasakyan?"

Napakamot siya ng sentido

"Tumawag na lang muna kayo ng tauhan niyo Sandra para masundo tayo dito"

Tumango si Sandra at kinuha ang cellphone niya. Isinara ko na ang pinto ng van.

"Tsk tigas talaga ng ulo mo Yara"

Nginisian ko si Hans

"Di hamak na mas may alam ako sa sasakyan kaysa sayo Handriko"

Tumingin ako sa ilalim

"Talikod Hans"

"Bakit?"

"Susuot ako sa ilalim"

Naguguluhang tumingin siya sa'kin

"Tapos?"

"Tutuwad ako kingina, tatalikod ka o babangasan kita?"

Agad siyang napatalikod. Sinilip ko muna ang ilalim para alam ko kung saang bahagi ako pupunta kung sakaling papasok  na ako sa loob.

Nang makita ko ang hinahanap ko ay agad na akong gumapang pa pasok sa ilalim ng sasakyan.

Pinag aralan kong mabuti ang itsura nito.

"Mukhang hindi pa siya tapos pigtalin 'to ah"

Malakas ang pakiramdam ko na may gustong pumigtal nitong break pero naudlot sa di ko malamang dahilan.

Naka rinig ako ng mga yabag. Mukhang galing sa maraming tao.

"Baba!"

"Bitawan niyo ako!"

Kingina si Sandra iyon ah!

"Hoy gago bitawan niyo 'yan!"

Naramdaman ko na nag sisi babaan na ang mga nasa sasakyan at mukhang marami silang sumugod dito sa'min ah.

'Mag karoon lang ng panibagong sugat yang amo ko, kahit mata niyo ay lalatayan ko.'

Hindi ko na muna sila pinansin at tiningnan kung may iba pa bang sira dito sa ilalim ng sasakyan.

HANS'S POV

Nang makapasok si Crenz sa ilalim ng sasakyan ay agad along nag masid sa paligid.

'bakit gano'n? Parang wala gaanong dumadaan dito?'

Tanong ko sa sarili ko dahil sobrang tahimik ng paligid.

"Baba!"

Bigla nalang may sumigaw sa kabilang bahagi ng sasakyan

"Bitawan niyo ako!"

Si Sandra!

"Hoy gago bitawan niyo 'yan!"

Sigaw ni Jonmar sa humihila kay Sandra pababa ng sasakyan.

Bigla akong nalito kung sino ang uunahin ko.

Si Crenz nasa ilalim ng sasakyan at si Sandra hawak na ng mga lalaking lumapit sa'min.

'gago Handriko! Si Sandra!'

"Anong ginagawa niyo!"

Pwersahan nilang hinihila si Sandra palapit sa kanila. Biglang nag init ang ulo ko sa nakikita ko dahil prinsesa ko yang hawak nila at ni minsan ay hindi ko sinaktan yang babaeng yan!

Agad akong sumugod sa kanila at gano'n na rin ang ginawa ng mga kasama ko.

Karamihan sa kanila ay saakin pumunta kaya puro ilag at suntok ang ginawa ko.

Sumugod sa'kin ang tatlo at agad naman akong tumalon sa ere at kumapit sa likod no'ng isa at sinipa ang dalawa pa saka ako tumapak sa lupa at siniko ang lalaki sa batok niya kaya ang ending ay tulog na siya.

"Nemi! Si Sandra!"

Sigaw ni JM. Agad namang tumakbo si Nemi palapit kay Sandra at nakipag laban din sa mga lalaki para protektahan si Sandra.

Nahihirapan kami. Masyadong marami itong mga 'to.

Nakarinig kami ng motor na papalapit na agad huminto sa'min

"Shit! Bakit ka pa huminto!"

Lulan ng motor si Attienza na agad nag tanggal ng helmet at lumapit kina Sandra.

Narinig ko ang pag tatanong nito kung ano ang nangyayari na kaagad binalewala nila Sandra at inutusan siyang umalis na sa lugar na ito pero huli na ang lahat dahil sinugod na sila no'ng mga lalaking naka itim kaya wala silang magawa kundi ang labanan ang mga lalaki.

*Bogsh!*

"Ah"

Daing ko nang matamaan ako sa mukha ko

"Gago ka mukha ko pa talaga!"

Lalong nag init ang ulo kaya malakas na pinag sasapak ko ang mga lumalapit sa'kin.

Pwede naman nila akong suntukin eh, wag nga lang sa mukha ko dahil kapital ko to para mapaamo si Sandra.

*BANG!*

Lahat kami napahinto nang may pumutok na baril.

"Sige, lumaban pa kayo! Papuputukan ko 'to!"

Tumingin kaming lahat sa nag salita at nandoon nga ang isang lalaki na may hawak na baril at bihag niya si Sandra.

Wala kaming nagawa kundi ang mag taas ng kamay para sumuko.

Hawak na nila kaming lahat maging si Attienza na ngayon ay sapilitang kinakaladlad papasok ng van ng kalaban.

Isa lang ang may hawak ng baril sa kanila at iyon ang may hawak kay Sandra.

"Ipasok na yang mga ya-"

"Damn you Pilsamor! Napaka kupad mong kumilos!"

"Wow! Nakakahiya naman sayong inutusang protektahan si Sandra pero walang nagawa!"

"Kung binilisan mo sana! Edi sana may nagawa ka rin para matulungan ako!"

Hindi ko talaga maintindihan itong dalawang ito kung bakit nagagawa pa nilang mag talo sa ganitong sitwasyon na pwede na kaming mamatay. Walang pinipiling oras ang away nila.

Nag patuloy ang pag tatalo nila at tinatawanan lang sila ng mga lalaki. Ilang beses pang nag tangkang sugurin ni Nemi si JM kaya pinag lalayo sila no'ng mga lalaki. Hindi tuloy sila maipasok sa loob dahil sa pag sugod ni Nemi kay JM.

"Bwiset ka! Lumapit ka ditong tanga ka, babangasan talaga kita-"

Tinatawanan sila lalo nang mga lalaki

"Hahaha.. mga kabataan nga naman ngayon"

Nasa tatlong van ngayon ang nandito sa kinatatayuan namin. Marami rin ang lalaking naka itim.

"Tama na yan! Ipasok niyo na yan!"

Utos noong may baril na lalaki.

Nag katinginan kami ni Sandra saka kami nag tanguan, tanguan na nag babadya ng isang malaking pagbabago na pwede mag bunga ng maganda at hindi kaaya ayang pang yayari.

Pag tango ko sa kaniya ay agad na siyang kumilos para matanggal ang baril na nakatutok sa kaniya.

Disarming talaga ang isa sa mga pinag aralan ni Sandra na namaster niya dahil na rin sa mga nag tatangka sa buhay niya.

Mabilis niyang nasikmurahan ang nasa likod niya at kinuha ang kamay nitong may hawak ng baril at pinilipit papunta sa likod noong lalaki kaya mabitawan nito ang hawak niyang baril.

Ipinasok niya ang takong ng sapatos niya sa loob ng trigger guard at pinalipad iyon sa ere.

Hindi ko na nakita kung saan na punta ang baril dahil nag patuloy na muli ang bakbakan.

LIPHYO'S POV

Biyernes ng hapon ngayon at pauwi na ako mula sa rest house namin sa Batangas. Nag paalam ako sa adviser ko na hindi muna ako makakapasok ngayong araw dahil may pinapagawa sakin sila Mom. Inutusan niya akong ipadala ang mga natitirang papers sa rest house sa kanila dahil kailangan nila iyon ASAP.

Nang malapit na akong makauwi sa bahay ko ay nag taka ako kung bakit walang dumadaan ngayon dito sa short cut. Para sa'kin at ayos lang naman dahil hindi na ako mahihirapan makauwi sa bagay lalo na ngayon ay medyo antok na rin ako dahil maaga akong nagising kanina para pumunta sa batangas.

Sa di kalayuan ay nakita kong may nag kakagulo at parang napakarami nila. Kinabahan ako, Hindi ko na sana papansinin pa ang gulo nang nahagip ng mata ko si Cassandra Montilla. Agad akong huminto para daluhan sila.

"Anong nangyari dito?"

Tumingin sila saking na parang may pag tutol

"Anong ginagawa mo dito! Umalis ka na dito-"

Na ilagan ko ang susuntok sa'king lalaki at agad ko siyang sinikmurahan saka sinipa sa mukha kaya natumba siya sa lapag.

'Papa sorry, sabi ko mag babago na ako eh. Pero 'Pa may dahilan naman kaya nakikipag laban ako ngayon'

Ani ng konsenya ko dahil pinangako ko na kay Papa na lalayo na ako sa kahit ano mang gulo.

Nag patuloy kami sa pakikipag laban nang makuha ng isang lalaki si Cassandra at tinutukan nito ng baril. Pinatigil niya kami saka inutusan ang mga kasama niyang ipasok kami sa van. Nauna na nila akong ipasok. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang pumutok kanina ang baril. Ibig sabihin ay ibang klase ng gulo itong pinasok ko. Dati ay puro fist fight lang ako pero ngayon ay iba na ang usapan kapag may baril nang involve.

Ipapasok na sana ang isang babaeng kasama nilang nang makipag talo ito sa isang lalaking sa pagkakatanda ko ay siyang nag karoon ng sugat sa likod ng tenga niya noong nakaraang araw.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Parang sasabog na sa sobrang kaba.

'Ano ba kasing ginagawa nilang dalawa?! Baka mamaya paputukan sila dahil sa pag iingay nilang dalawa! Hays.. ako ang natatakot para sa kalagayan nila'

Natatakot akong napailing habang pinag mamasdan ko sila.

Nasa ibang direksyon ang tingin ni Cassandra. May tinanguan ito na hindi ko alam kung sino dahil hindi ko na tanaw mula sa kinauupuan ko ang tiningnan niya.

Matapos niyang tumango ay malakas na siniko niya ang lalaking nasa likod niya ngunit matapos ang eksenang iyon ay hindi ko na nakita ang kasunod dahil nag kagulo nanaman sa labas.

Lalabas na rin sana ako nang

"Hoy saan ka pupunta!"

Dumungaw ang Isang lalaki sa harap ko kaya mabilis ko siyang sinapak at lumabas ako ng van na pinag lagyan sa'kin.

May tatlong lalaki ang pumaligid sa'kin. Hinintay ko silang sumugod at saka ako umilag at sumuntok. Maka ilang beses nila akong nasapak at napatumba sa sahig dahil na rin sa nanghihina na ako. Parang hindi ko na kayang sabayan pa ang mga lakas nila dahil na rin sa may takot akong nararamdaman.

"SANDRA!!"

*BANG BANG BANG*

Nagulat kaming lahat nang pumutok nanaman ang baril at sa pagkakataong ito ay hindi na isang beses kundi tatlong beses at mukhang may tinamaan dahil sa may dumaing.

Mula sa lapag ay doon ko lang napansin ang isang tao na naka upo sa bubong ng isang van.

"Sorry, hindi kasi ako marunong pumatay eh"

May ngiti sa labing ani niya. Sinundan ko ang tingin niya at saka ko doon narinig at nakita ang lalaki kaninang may hawak ng baril na naka upo na ngayong sa sahig habang sumisigaw dahil sa tama ng baril niya sa paa.

"Mali yang ginagawa mong pumapatol sa babae Mister."

Dagdag niya saka ko nakita doon sa paahan niya ang isang balisong.

Mukhang isang beses lang tumama sa kaniya ang bala kaya hinanap ko ang dalawa pa niyang pinaputok at nakita kong butas na ang gulong ng dalawang van na gamit nila.

Nabahag ang buntot ng mga kasamahan niyang lalaki. Ang kaninang hawak niyang baril ay napunta na ngayon sa Vilarde na naka sagutan ko noong nakaraan. Kung paano nangyaring nasa kaniya na ang baril na kaninang hawak no'ng lalaki kanina ay hindi ko alam kung paano at kailan pa.

Lumapit ang mga kasamahan ni Cassandra sa kaniya at saka siya dinulugan.

"Mabait naman ako eh.."

Prente siyang naka upo sa ibabaw ng van at naka cross legs pa. Aaminin kong humahanga ako sa kinikilos niya ngayon dahil ang dating sa'kin ay ang cool niyang tingnan.

Tumayo ako saka nag pagpag ng damit.

"May limang minuto pa kayo bago dumating 'yong mga sundo namin. Sibat na bago ko kayo ubusin"

Bigla akong napamaang. Paano niya uubusin ang ganito karaming kalaban eh limitado lang ang bala ng baril na hawak niya. Malamang ay may tatlong bala pababa nalang iyon o wala nang laman pa.

*BANG!*

"KILOS!"

Ang iba sa kanila ay nag takbuhan sa isang van at ang iba naman ay hindi natinag.

"Sumama ka samin"

Biglang napa arko ang katawan ko nang maramdaman ko ang matulis na bagay sa likuran ko.

"Lakad"

Bulong nito sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang mag patianod sa marahang pag tulak niya

*BANG!*

Kumalabog nanaman ang puso ko sa takot nang mag paputok nanaman siya ng baril malapit sa paanan namin.

"Psst.. Akin yan"

Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. May parte saaking nag papasalamat at nakita niya ako pero lamang parin ang takot ko at sobra sobra na ang kabang nararamdaman ko na feeling ko ay lalabas na sa dibdib ko ang puso ko.

Agad niya akong hinila ay tinutukan ng balisong sa leeg. Ramdam ko ang talim ng hawak niya.

"Wag kang mayabang! Wala ka ng bala!"

Nakaharap kami sa babaeng nasa bubong ng sasakyan habang ang patalim na hawak niya ay ramdam pa rin ng balat ko kaya napapa tingin ako sa taas para kahit paano ay hindi ko maramdaman ang talim. Sa lagay ko ngayon ay isang sigaw na lang at alam kong hindi ko na kakayanin pa. Isang gulat nalang ay alam kong babagsak na ako.

"Wag mo kong hinahamon. Kapag nasugatan yan ng hawak mo, sinasabi ko sayong hindi na mapapakinabanggan pa yang kanang kamay mo"

'Please Lord, help me on this one please'

Puro ako dasal dahil para na akong bibiyakin dahil sa sobrang kaba ng dibdib ko.

"Puro ka kayabangan! Tyamba lang yang naman nagawa mo sa kasama ko!"

Nginisian siya no'ng babae

"Kaya ko ulit tyumamba sayo"

"Ah gano'n ah!"

Naramdaman ko pag hapdi ng maliit na bahagi ng balat ko sa leeg

*BANG!*

Bigla nalang akong natumba at hindi ko na namalayan pa ang nangyari sa paligid ko.

CRENZ'S POV

Alam kong isang bala na lang ang meron sa baril na hawak ko.

Tinanguan ko si Nemi at JM kanina para libangin ang mga kalaban dahil papasok ako sa loob ng sasakyan namin. Agad namang nag talo ang dalawa at nakuha nga nila ang atensyon ng lahat. Dahan dahan akong pumasok sa loob ng van at kinuha ang baril na baon namin palagi.

"Kingina, bobo mo Handriko. Ba't walang bala 'to"

Wala akong nagawa kundi ang ilabas na rin ang baril kahit wala iyong bala.

Nag tago ako at pinaka titigan si Sandra na sana ay maramdaman niyang naka tingin ako sa kaniya.

Hindi na lumipas ang mahabang sandali ay tumingin sakin si Sandra. Sinenyasan ko siya ibigay sa'kin ang baril na nakatutok sa kaniya. Nag ok sign siya nang hindi mahahalata at saka tumingin kay Hans. Mukha namang naintindihan ni Hans ang pag tango ni Sandra kaya agad nang kumilos si Sandra para ma disarm ang kalaban.

Sa akin sinipa ni Sandra ang baril na pinalipad niya sa ere dahil nasa itaas na ako ng van namin habang pinapanood sila

'Anong ginagawa ng lalaking yan dito'

Napailing ako habang pinag mamasdan siyang makipag buno sa mga naka paligid sa kaniya.

May hawak nang balisong ang lalaking nanutok ng baril kay Sandra at akma na siya nitong sasaksakin sa likod kaya agad ko siyang pinaputukan sa paa.

Hindi pa naman ako ganoon kasama dahil mukha namang wala pang napupuruhan sa mga kasamahan ko liban doon sa dayo sa amin at mukhang wala nang lakas.

Binigyan ko sila ng pag kakataong umalis gamit ang iisang van dahil binutas ko ang dalawang gulong ng mag kaibang van na gamit nila. Kumilos sila para umalis pero ang iba ay hindi man lang natinag.

Napansin ko si pula na tinatangay ng isang lalaki kaya agad kong pinaputukan ang paanan nila para patigilin siya.

"Psst.. akin yan"

Agad itong nag tago sa likod ni Pula at tinutukan ng balisong sa leeg.

'tsh.. yan napapala ng pakelamero'

Makakikitaan talaga ang mukha ni Pula ng takot dahil sa mga nangyayari sa paligid.

'kawawa naman'

Nakipag talo pa sakin ang lalaking may hawak sa kaniya.

"Kaya ko ulit tyumamba sayo"

Mayabang na ani ko. Mukhang hindi naman siya naniniwalang kaya kong patamaan ang kamay niya gamit ang nag iisang bala nitong baril na hawak ko eh.

"Ah gano'n ah!"

Diniinan niya ang balisong niya sa leeg ni Pula

*BANG!*

Pinaputukan ko ang kamay niya kaya agad siyang napabitaw at nag tatatalon sa sakit habang hawak niya ang kamay niya.

Natumba sa sahig si Pula. Bakit natumba iyon? May tinamaan ba sa kaniya?

"Attienza!"

Agad na lumapit si Hans kay Pula at dinulugan agad siya samantalang si Jigs naman ay sinipa ang mukha no'ng lalaking humawak kay pula kaya ang ending ni kuyang tyamba, ayon tulog.

Nag labas ako ng panigabong baril at tinutok sa mga lalaking nasa Van banda.

"Kita niyo 'tong baril na 'to? Pag hindi pa kayo umalis ngayon magiging unlimited ang bala nito para ubusin kayo"

Mabilis na bumukas ang makina ng sasakyan na pinasukan nila at ang iba ay sumampa kahit sobrang sikip na pero dahil hindi talaga kaya ay humabol nalang ang iba sa kanila.

"Ngayon lang ako nakakita ng human sardines"

Iiling iling na ani ko habang tinitingnan sila papalayo.

"Hoy mga gago! Yung masama niyo dito' kunin niyo!!"

Sigaw ni Migs.

Agad akong lumundag pababa para tingnan ang lagay ni Pula.

"Crenz tingnan mo ang lagay niya"

Kinakabahang ani ni Hans

"Sa van na lang"

Natanaw ko na kasi ang sundo namin na pinatawagan ko kay Sandra kanina.

"Miss Cassandra ayos lang po ba kayo?"

Dalawang van ang sumundo sa amin. Sa loob ng isang van at puro tauhan ng ama niya at ang isa ay may driver lang na mukhang iyon ang sasakyan namin.

"Kayo na bahala diyan sa mga nakahandusay. Sumunod nalang kayo samin"

Agad nag bow ang tauhan nang makatanggap ng utos mula sa amo.

"Ipasok niyo na yan sa loob"

Utos ko kina Hans na agad namang sumunod

"Ayos ka lang Sandra?"

Tanong ko kay Sandra na agad namang tumango ngunit may kaba sa kilos. Sinundan ko ang tingin niya. Na kay Pula naka baling ang atensyon niya.

"Pasok na sa loob Sandra"

Pumasok siya at pumwesto sa lugar niya.

"Nasa pwesto mo namin nilagay Crenz"

Tiningnan ko sila, agad naman silang nag baba ng tingin dahil akala ata nila ay magagalit ako dahil pinwesto nila si Pula sa upuan ko.

"Pasok na"

Tugon ko nalang sa kanila saka ako pumasok sa loob ng van. Pumasok silang lahat at pina andar na ang sasakyan na ang tauhan mismo nila Sandra ang nag maneho.

"Ano Crenz? May tama ba?"

Agad kong sinuri ang lagay ni Pula. Bukod sa gasa at sobrang liit na hiwa ay wala namang ibang malala pa sa lagay niya. Chineck ko rin kung may ugat bang tinamaan pero impossible dahil hindi nga gano'n kalalim ang sugat niya sa leeg.

"Ayos siya"

"Ha? Sigurado ka? Bakit nawalan ng malay?. Icheck mo baka natamaan mo ng bala"

"Tss.."

Hindi ko na muli tiningnan si Pula at umayos nalang ng upo. Napaisip ako, kung hindi naman siya napuruhan, bakit naman siya hihimatayin?

"Hoy Crenz, anong ginagawa mo. I check mo baka natamaan mo"

Hindi mapakaling pangungulit sa'kin ni Hans.

"Alam ko na kung bakit nawalan siya ng malay"

Naging mapag usisa ang tingin nilang lahat

"Ano?"

Isa isang tanong nilang lahat

"Nerbyos"

Maikling tugon ko saka tiningnan ang tulog na si Pula.

Nakahinga silang lahat ng maluwag sa narinig na sagot ko.

Tsk, tiwalang tiwala talaga sila sa sagot ko ah.

LIPHYO'S POV

Namataan ko ang sarili ko sa isang hindi pamilyar na lugar nang mag mulat ako ng mata.

Isang maayos na maayos na lugar.

"Tagal mo matulog ah"

Nilingon ko ang pumasok sa kwartong kinalalagyan ko. Doon ko lang naalala ang mga nangyari.

"Shet"

Mahinang bulong ko. Agad kong kinapa ang leeg ko

"Wag kang mag alala, malayo sa bituka yan"

Nakatitig ako sa mga ginagawa niya

'ano ba yang lagi nilang sinasabi na malayo 'to sa bituka. Pati na yung Vilarde ay ganiyan din ang mga sinasabi'

"Salamat"

Ani ko nang iabot niya sa'kin ang tubig na dala niya.

"Sasabay ka ba samin mag dinner or gusto mong padalhan ka nalang namin ng makakain mo dito-"

"Kaninong bahay 'to?"

Agad kong putol sa sinasabi niya

"Bahay ng magulang ko"

Tugon niya. So bahay pala nila ito. Parang mahihiya ang alikabok na lumapit sa mga bagay dito dahil sa sobrang linis nito at sobrang ayos.

"Salamat sa pag papatuloy pero kailangan ko nang umu-"

"Hindi pwede."

Pinakatitigan ko siya

"Hindi ligtas ang daan para sayo ngayong oras na 'to. Pwede kang balikan no'ng mga lalaki kanina kaya dito ka na mag stay for tonight. Ayaw namin ng responsibility sayo kaya sumunod ka nalang. This is for your own good Attienza"

Bigla akong napaisip sa mga sinasabi niya. Ang mga buntong hininga at ang mga malalim na salita niya ang siyang nag papayag sa kabuohan ko. Sarili ko lang din naman ang makikinabang.

Niyaya na niya akong bumaba. Nag lakad na kami pababa ng hagdan at napaka taas no'n.

"Sinong nag akyat sa'kin dito?"

Tiningnan ko ang likuran niya since nauuna siya sa'kin bumaba.

"Ako lang"

Panandalian akong natigilan

"Kinaya mo ko?"

"Bakit? Hindi ka naman gano'n ka taba ah. Para ka lang hangin diyan sa kapayatan mo"

Napangiwi ako

"Di naman ako gano'n ka payat"

Hindi naman ako sobrang payat kasi may laman naman ako at may muscle kahit papaano. Model kaya ako, alam kong may laman naman ako.

Pag dating namin sa kusina ay nandoon silang lahat na kasama sa away kanina. Nakaramdam ako ng matinding hiya.

"Oh gising ka na pala pre. 'lika na upo ka na" yaya no'ng Pilsamor na tinawag kanina no'ng babae habang nag aaway sila.

Mayroong apat na bakanteng upuan. Dalawa ay nasa magkabilaang side ni Vilarde at ang isa ay sa harap ng upuan ni Vilarde at ang isa pa ay nasa tabi ng isa sa kambal.

Umupo ako sa kaliwa ni Vilarde at sa kaliwa ko naman ay si Sandra. Natahimik lang ang paligid, naiilang na nakayuko lang ako.

"A-ah, Liphyo pwedeng dito ka nalang sa tabi ko?"

Tanong nung isa sa kambal.

Naguguluhan man ako ay tumayo ako para lumipat ng pwesto.

"Stay"

Tumingin kaming lahat kay Vilarde na seryoso lang ang mukha at naka tingin sa kawalan.

Naguguluhang tumingin ako sa kanila.

Ang wi weird nila, hindi ko tuloy malaman kung sino ang susundin ko sa kanilang dalawa.

"Crenz?"

Doon lang siya nag angat ng tingin at sinalubong ang tingin ni Hans.

"No big deal"

Maikling pahayag niya

"Sige pre diyan ka nalang"

Nawiwirduhang tiningnan ko silang lahat at saka umupo muli.

Nag simulang i hatid ang mga pagkain.

"Hindi ka dapat nanghihimasok sa gulo ng iba Mr. Attienza"

Basag ni Cassandra sa katahimikan. Napahinto ako sa pag kuha ng isusubo ko.

"Kahit papaano, kilala ko naman kayo tsaka an'dami nila, gusto ko lang tumulong kasi alam ko namang kaya kong lumaban kapag suntukan"

Paliwanag ko sa kaniya

"Ok, salamat sa tulong mo pero di mo ba naisip ang kapakanan mo? Paano kung ikaw ang balikan nila dahil natandaan ka nila? You should think."

Napaisip ako sa sinabi niya.

"Sino ba sila?"

Tanong ko dahil ngayon lang ako naka encounter nang gano'ng senaryo.

Nagkatinginan silang lahat.

"Should we say?"

Tanong ng isa sa kambal.

"We should say"

Sagot no'ng kambal niya. Nag papalit palit lang ako sa kanila ng tingin.

"Sandra is a successor of a big and broad company at 'yong kanina, mga kidnapper 'yon o baka nga killer eh"

Sagot ni Pilsamor

"Mag iingat ka. Sa ngayong ay baka kilala ka na nila"

Takot, pangamba at kaba ang naramdaman ko nang sabihin iyon no'ng babaeng kaaway kanina ni Pilsamor.

"Wag ka ngang manakot Nemi"

Saway sa kaniya ni Pilsamor

"Tss.. ayos na yang may alam siya"

Nag patuloy ulit si Nemi sa pagkain

"See.. tingnan mo ngayon yang pinasok mo-"

"I won't just pass by through that situation. Pag alam kong may magagawa naman ako, tutulong ako."

Karamihan sa kanila ay huminga lang ng malalim.

"Next time wag kang mangingialam. Ugali mo na ba talaga yang mangialam sa away ng iba?"

Parang may laman ang sinasabi niya. Tinutukoy ba niya ay yong sa may locker area?

Napangiti ako.

"I can't help it Ms. Montilla. Once na pamilyar ako sa napapahamak, tutulong ako-"

"Tss! Nahimatay ka nga diba?"-Sandra

Bigla akong nakaramdam ng kainitan sa buong katawan ko. Parang gusto kong mag pa baon sa lupa.

"K-kasi napagod ako"

"Oh ano? Late ka na rin naman sumabak ah? Daig ka pa ni Nemi?"

Tumingin ako kay Nemi. Tahimik lang itong nag papatuloy sa pagkain.

"Eh kasi-"

"Tapusin niyo muna ang pagkain bago kayo magsisihan."

Walang ganang ani ni Vilarde.

Nag patuloy nga kaming lahat sa pagkain.

Nang matapos ang hapunan ay nag stay pa kami sa kusina kung saan kami kumain pero ice cream for dessert nalang ang nasa mesa na kasalukuyang kinakain namin.

Gusto kong mag tanong pero parang ayaw kong manghimasok this time.

"Alam na ba ni Mr. Montilla iyong nangyari satin kanina?"

Tanong ni Pilsamor

"Hindi ko alam kung dapat bang ipaalam pa?"

Tugon ni Hans

"Ang trabaho lang natin ay protektahan si Sandra. Dapat alam niya 'yong mga nangyari kanina"

"Can we not say it to him? Pare pareho tayong malalagot 'pag nalaman niya"

May halong pag papaawa ni Cassandra

"Yeah, nakalimutan niyo bang natutukan ng baril si Sandra kanina? Lagot tayong lahat kapag nalaman ni Tito 'yon"

Sangayon ni Nemi

Tumingin silang lahat kay Vilarde na parang inaantay ang magiging sagot niya. Napatingin tuloy ako sa kaniya dahil sa inaakto ng lahat.

Nang maramdaman niyang nakatingin kami ay tumingin siya sakin.

Wait?! Tumingin siya sakin?! Bakit sakin siya naka tingin?!

Nag iwas agad ako ng tingin at tinutok sa kinakain ko.

"Ikaw?"

Halos mag tindigan ang balahibo ko nang marinig ko ang boses niya.

Nasa loob pa ng bibig ko yung kutsara nang lingunin ko siya, pero naka pataob ang kutsara.

Nag angat ako ng kilay na parang sinasabing mag patuloy siya sa sasabihin niya at nakikinig ako.

"Sasabihin mo ba o itatago mo?"

Napalunok ako saka inalis 'yong kutsara sa bibig ko.

Tumingin ako sa kanilang lahat at sa'kin na rin sila nakatingin.

"*Ehem* ahh.. Sasabihin kasi magulang mo siya at saka kaya ka nga niya binigyan ng tauhan kasi nag aalala siya sa safety mo. So siguro dapat sabihin niyo na"

Pinigilan kong wag mautal dahil sa kaba. Bakit ba kasi ako nito tinatanong.

"Sabihin niyo na para may magawa na ang royal guards sa kanila"

Nakahinga ako ng maluwag nang sangayunan ni Vilarde ang opinion ko.

Teka? Ano raw? Royal Guards?

"Ibig mo bang sabihin yung guard sa school?"

Bumungisngis ang mga nakapaligid samin pwera kay Cassandra, Vilarde at Hans na seryoso lang ang itsura.

'may nakakatawa ba sa tanong ko?'

"Pwede namang sila pero masyado tayong malayo sa school nang pinangyarihan kanina so baka hindi sila"

Seryosong sabi niya. Napapahiyang yumuko ako.

"Hans, ikaw mag paliwanag kay Mr. Montilla. Ayos lang si Sandra sabihin mo sa kaniya at wag mong ipapaalam na nahawakan nila si Sandra. Sabihin mo naagapan niyo"

"Namin lang? Eh ikaw?"

"Edi nag babantay kay Sandra as usual"

Feeling ko napaka walang kwenta niya kausap.

"Ok, may idadagdag ka pa?"

Bumaling nanaman siya sakin.

"B-bakit ba sakin ka nanaman nakatingin?"

Kinakabahan at nahihiyang tanong ko.

"Ipaalam mo rin na may superhero na dumating at nahimatay bago matapos ang laban"

Nanlaki ang mata ko at nakaramdam ako ng init sa mukha ko.

"Kinikilig ka nanaman?"

Nahihiya man ay pinangunutan ko siya ng noo.

"Anong kinikilig ang sinasabi mo diyan? Napaka assumera mo talaga"

Mabuti nalang at wala na sa amin ang atensyon ng lahat at nag aasaran na ang iba kaya nasasapawan na ang boses namin.

"'wag ka kasi laging mamula sa'kin. Ganiyan na ba kalakas ang epekto ko sayo?"

Nababaliw na talaga siya. Ano namang magugustuhan ko sa kaniya?

"Manahimik ka na nga. Wala nang lumabas na maganda diyan sa bibig mo"

Naiiritang ani ko sa kaniya

"Why? 'di ba maganda yung sinabi ko kanina na akin ka?"

Natahimik ang paligid at naramdaman ko nanamang nasa amin ang atensyon nilang lahat.

"Stop it Crenz, don't tease him"

Saway sa kaniya ni Hans.

Kinakabahan na tumingin ako sa ibang lugar.

"Mas lalo kang namula Pula"

Ano raw? Pula?

"Anong Pula?"

"Red"

"San mo ba nakuha yan?"

"Sa mukha mo"

"Nahihiya ako hindi ako kinikilig"

May pagka irita na ani ko sa kaniya. Nginisian niya ako saka siya tumayo.

"O-oh San ka pupunta?"

Tanong ko sa kaniya. Ayokong maiwan kasama nitong mga kasama niya dito.

"Uuwi na, bakit sasama ka?"

Nang aasar na tono niya.

"Sama ako"

Tumayo na rin ako.

Nakangising tiningnan niya ako habang ang nakapaligid sa'min ay nag aantay nanaman sa sasabihin niya.

"You should stay here Attienza"

Sabi ni Hans

"E-eh kasi-"

"Ako na bahala sa kaniya"

Singit ni Vilarde

"Yara?"

"What? We can take a taxi"

"You'll seat beside him?"

"Sino nag sabi? He can seat in the passenger seat, right Pula?"

Pag confirm niya sakin.

"A-ah yeah"

"And the payment for taxi?"

Tanong ulit ni Hans.

"Si Pula na bahala doon"

Pag tatapos niya sa usapan.

Tumayo si Hans para sana ihatid kami palabas.

"Stay here. Bantayan mo nalang yang apat baka mag sabong"

Nag kasisihan pa bago kami lumabas ng bahay. Nag pasalamat muna ako saka kami lumabas.

"Ihahatid na muna kita sa in-"

"Sa bahay niyo na muna"-siya

"Paano ka?"

"Paanong ako?"-siya

"Baka balikan ka nila, binaril mo ang isa sa kanila"

Pag papaalala ko.

"Tss.. nag hahanap lang 'yong mga yun ng sakit sa katawan"

Bahagya akong napa kunot noo

"Ang yabang mo Raya"

Kunot noo rin siyang bumaling sakin

"Anong Raya"

"Pangalan mo 'yon diba?"

"Tss.. makikinig ka nalang tanga ka pa"

Oh! Noong nakaraan sinabihan ako ng bobo ngayon naman tanga?!

"Grabe na talaga yang bibig mo"

"Manahimik ka nalang kasi"

"Eh sagot ka pa nang sagot eh"

"Daldal ka kasi nang daldal"

Inilingan niya lang ako.

"Quits na tayo. Niligtas mo ko, niligtas din kita"

"Ah so kung hindi kita niligtas noon di mo rin ako tutulungan kanina?"

May bahid na inis na tanong ko

"Di naman ako gano'n ka selfish"

Nakaramdam ako ng pagka relief

Pumara na kami ng taxi.

Gaya nga ng sinabi niya ay nauna nga niya akong ihatid. Nag pasalamat muna ako sa kaniya at binigyan ng pera ang driver para ihatid siya sa kanila. Imbes na mag ba bye siya sakin, naka pikit na sinenyasan niya lang ako na umalis na.

Kakaiba talaga 'tong babaeng 'to. Iiling iling na ani ko sa sarili ko saka pumasok sa bahay ko.