4

CRENZ'S POV

Nag lalakad ako papunta sa C.R. free ang schedule ngayon dahil pinag announce lang kami ng mga dapat gawin namin bago mag foundation day. 3 weeks nalang at gaganapin na ang iba't ibang school competition.

Hawak ko ang envelope na nag lalaman ng info sa nangyari kay Jared.

Paliko na sana ako papasok sa hallway nang may nakabunggo ako kaya nabitawan ko ang hawak kong envelope. Agad akong tumingin sa nakabunggo ko.

"Raya"

Nice name, Raya tss.. bibigkas na nga lang ng pangalan ko mali pa.

"Tigilan mo kakabanggit ng pangalan ko nang mali"

"I can't help, mas matunong ang pangalan mo Raya. Medyo nakakabulol pag Yara"

Inilingan ko lang siya saka tumingin sa baba ko para sana kunin ang envelope pero-

"Haist! Bwiset!"

Nahulog sa kanal yung envelope

"Bakit?"

Sinamaan ko siya ng tingin

"Ba't ba kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?"

Hindi ko maiwasang mag taas ng boses dahil doon sa file na nahulog.

"Pareho lang naman tayong paliko ah"

Dipensa niya.

"Mahalaga yung file na nasa loob no'n. Isang beses ko pa lang nababasa iyon"

Lumambot ang ekspresyon niya

"Sorry"

Naiinis na nilampasan ko siya.

Badtrip naman. Nag iisang file na lang yun at wala na kaming ibang copy no'n.

"Crenz? Anong nangyari sayo?"

Tanong sakin ni Hans nang makarating ako sa tambayan

"Nahulog yung file sa kanal bago pumasok sa hallway. Wala na akong ibang copy no'n"

Nag tatakang tumingin siya sa'kin

"What's the problem? Nabasa mo na 'yon diba?"

Umupo ako saka nag pandikwatro na upo

"'sakin wala, pero sa hospital na pag bibigyan ko nung file malaki ang problema"

Pumasok ang lima sa tambayan

"Oh love birds? Aga niyo ah"

Tukso ni Migs

"Love birds your ass"

Asar sa kaniya ni Hans.

"Good morning master"

Tiningnan ko lang sila at bahagyang tumango.

"Pupunta raw dito si Mr. Warren mamaya-"

"I'm here"

Bumati silang lahat pwera sakin na nakaupo lang at nakatingin sa kaniya.

"What's the matter Sir?"

Umupo ito sa mesa saka tumingin saming lahat

"We can't persuade the five recent transferee to become a model to our school"

Naalala ko nanaman ang first encounter naming lima

"A model?"

Tanong ni JM

"Yeah. Naniniwala kaming mas dadami ang mag eenroll dito kapag sila ang ginawa nating model, hindi yung itsura lang ng school at logo ang laging makikita sa mini billboard natin pati na sa website."

Naiintindihan ko naman ang pinupoint ni Mr. Warren pero sa kaartehan ba naman no'ng mga yun? Tsk, ewan ko nalang.

"We'll try to persuade them Sir"

Sagot ni Hans

"Ok, thanks for that. Anong nangyari sa sports na wala pang player? May nahanap na ba kayo?"

Nag katinginan silang lahat.

"Well Sir in that matter, wala kasing nag vovolunteer na sumali-"

"What?! Baka kulang ang effort niyo? Try niyong mag room to room para makausap ang mga students dito"

Ayan talaga ang ayaw ko sa lahat, room to room. Tinatamad talaga akong mag salita dahil baka pag walang umagree sa kanila ay maipalibag ko lang ang mesa nila. Puro pa naman sila kaartehan, naiirita ako sa mga spoiled brat dito.

"We'll do it Sir"

"Ok, in that case mauuna na ako sa inyo"

Tumalon siya pa tayo mula sa mesa

"Marami pa akong aasikasuhin"

"By next day Sir we'll inform you for update"

"Ok, fighting!"

Nginitian nila siya bago ito lumabas ng pinto. Tumayo na rin ako at nag paalam na lalabas muna at mag papahangin.

Tumingin ako sa baba at saktong nakita ko si Pula at si Jerick na nag tatawanan. Maya maya lang ay dumugo ang ilong ni Jerick. Dali daling binigyan siya ng panyo ni Pula saka tumingin sa araw. Siguro ay mahina sa init ang katawan niya.

LIPHYO'S POV

"Balita ko marami ng babae ang pumuporma sayo dito ah?"

Natatawang tanong ko kay Jerick.

Siya ang pinaka good boy samin kaya hindi na ako mag tataka kung marami ang mag habol sa kaniya. Si Jerick ang pinaka bunso sa apat na anak ni Governor Lim at nag iisang lalaki kaya spoiled ni Tita.

"Dre hindi ko na kasalanan kung gwapo ako"

"Naks! Kapal ng mukha"

Natawa kami pareho

"Dre, alis ako bukas ah Ikaw na mag sabi sa Prof natin"

'yan diyan siya magaling ang umalis nang umalis tapos ako ang gigisahin ng prof pag nag tanong.

"Alam mo minsan pahamak ka"

"Ok lang yan dre, diba nakaka isip ka ng excuse pag na alanganin ka na"

"Gago, mag bigay ka nalang ng excuse letter para mag sasabi nalang ako na hindi ko alam kung nasan ka"

Tinawanan  niya ako

"Sira! Paano kung itanong kung paano mo nakuha yung papel na yun?"

Bigla akong napa isip

"Oo nga no. Edi sabihin ko nalang na pinakisuyo ng maid niyo sa'kin para tapos ang usapan"

"Grabe talaga utak mo pag palusot na usapan. Masyado ka nang expert sa larangang palusot. Ganiyan din ba sinasabi mo kay Tito noon?"

"Gago, pag si Papa kaharap ko kailangan kong maging matalino kundi matitipid ang allowance ko"

Sobrang basag ulo ko noon. Di natatapos ang buong linggo na wala akong nakakaaway sa dating school ko. I tried public schools pero puro suntukan lang natutunan ko tapos pag uwi ko pagagalitan na ako nila Papa dahil may pasa ako sa mukha, puro nalang daw ako sakit sa ulo.

"Basta ikaw na muna bahala ah"

"Oo na bwiset- o-oh yung ilong mo"

Agad kaming napa hinto sa pag lalakad nang mag nosebleed nanaman siya.

Binigay ko sa kaniya ang panyo saka siya pinatingala.

Tirik na tirik kasi ang araw eh, medyo hindi talaga sila bati ng init kaya madalas siyang mag nosebleed.

Pero numero uno sa galaan kahit summer. Wala siyang pake kung mainit o hindi basta go lang.

"May galit talaga sayo ang init ah"

"Ayaw niya sa'kin kasi gabi ako pinanganak"

"Kingina ka, mas madalas ka pang duguin kesa sa babae ah"

Nag tawanan kami saka nag patuloy sa paglalakad.

Pag dating sa room saktong nag simula na ang klase.

~LUNCH BREAK~

"Bakit ka naman humindi sa sinabi nilang maging model tayo dito sa school Liphyo?"

Nasa canteen na kaming lima and as usual pinag titinginan nanaman kami pero sanay naman na kami, kailangang masanay.

"We'll wait for the officers to approach us about that matter. Kapag kinausap na nila tayo then we'll negotiate about the other modeling, iyong men's magazine"

Curious na tumingin sila sakin

"We've already talked to them last time diba? And they said no" -Austin

"Then let's take their offer down too"

Simpleng tugon ko

"You know what? Nakasalubong mo na ang makakatapat mo kaya ingat ka uso ang karma" -Mike

Nginisian ko lang siya

"Di pa 'yon pinapanganak, believe me"

Inilingan nila ako.

May lumapit sa'ming dalawang babae. Hindi gaya ng iba ay mukha silang normal na naka ngiti samin pero hindi kinikilig.

"Good afternoon gentlemen, I'm Princess the student councils secretary and this is Nikka the Auditor"

"Hi boys, ang popogi niyo pero hindi kami nandito para makipag harutan sa inyo"

Muntik na akong mapangiwi sa sinabi niya.

"We're here to inform you that after class, the president of student council wants to talk to all of you in gym later"

"About what?"

They just shrugged

"If you don't know what we're going to talk about later then we won't waste our time for that talk"

Ngumiti sa'kin ng matamis si Princess saka ako tinaasan ng isang kilay.

"Antipatiko ka nga, tama nga ang sinasabi ng mga nasa council"

Bumungisngis ang mga kasama ko kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Well I just don't want to waste time for unknown reason, besides we're working stude-"

"We are working students too Mr. Attienza pero hindi kami nanghinayang mag aksaya ng oras sa taong tulad mo"

Pinangunutan ko siya ng noo. Iba ang tabas ng dila niya, parehong pareho sila ni Raya.

May sayad ba talaga ang mga student council dito?

"Wait, kayo ang may kailangan tapos ganiyan ka makipag usap?"

"Don't expect me to treat you like saint Mr. Attienza, I'm not your fan. Nasa inyo na kung sisipot kayo mamaya o hindi. Let's go Niks."

Basta nalang nila kami tinalikuran.

"Bars idiot"

Asar sa'kin ni Jhom

'Fcvk you'

I mouthed to him

"Ayusin mo ugali mo pre, pa pangit ka na nang papangit sa mata ng marami"

"Oo nga, may reputation ka pa namang inaalagaan"

"And what did you say? Hindi pa pinapanganak ang makakatapat mo? Doon pa nga lang sa isang 'yon tablado ka na, paano pa kaya doon sa mas matabil pa ang dilang si Crenz Vilarde"

Tiningnan ko silang apat.

"Sino ba talaga kaibigan niyo?"

Nagtawanan sila

"Ikaw, pero malapit ka na namin itakwil dahil sa puro na rin kahihiyan ang nakukuha namin"

"C'mon dre, gandang ganda ka na ba sa kaniya-"-Austin

"Hoy! Diba kayo yung nagandahan sa kaniya no'ng una palang-"

"At least we admitted"-Jhom

"Pati ikaw Jhom?"

Nag kibit balikat siya

"Ako ang nag baba ng bintana no'ng una nating dating dito, malamang mauuna kong mapansin siya kesa sa inyo" Paliwanag niya

"Tsk I've already saw her in my previous school."

"Naks! Destiny!" -Jhom

"Destiny your ass asshole!"

"Wag niyong asarin, namumula na oh"

Gatong pa ni Mike

"Akala ko kakampi kita Mike"

Maktol ko

"Wag ka nang umasa, tahimik lang yang si Mike pero nasa loob kulo niyan."

Nginisian ako ni Mike at inambahan ko naman siya ng kutsarang hawak ko.

"Crazy punks"

Naiiling na ani ko

"Edi mag tapat ka na kay Crenz"

"Na ano? Na ayaw ko sa kaniya?"

Nginisian ako ni Austin saka tinukod ang siko sa mesa  at hinimas ang labi niya na animo'y nag iisip

"Na gusto mo siya"

"The heck with your tastes, Raya's not my type"

Natawa sila ng pagak

"It's Yara not Raya"

"Hayaan mo siya pre palayaw niya 'yon sa prinsesa niya"

Ang sarap pag umpugin nitong apat na 'to.

"Edi may Crenzel na tayo"-Austin

"Crenzel?"-Jerick

"Crenz and Jhonzel"

Nag tawanan nanaman sila. Malapit na talaga akong mapikon sa mga 'to eh.

"Sige mag tawanan kayo. Walang mag babakasyon ulit sa bahay namin sa states ah"

Nag si ayos sila ng upo saka kumain ng parang walang nangyari.

"Crazy punks"

"But you know what Jhonzel, if you don't like her then maybe I can make a move"

Singit ni Mike

Natigilan kaming lahat at tumingin sa kaniya

"Nabingi ata ako" -Jerick

Medyo tinampal pa niya ang tenga niya

"Dre, paki tingnan nga parang may nakaharang na tutuli sa tenga ko" -Jhom

Nag katinginan kami ni Austin saka tumingin kay Mike

"Are you sick Mike?"

"Don't give me those stupid look guys. I like her mysterious look and ways. Kung hindi mo talaga siya gusto-"

"I really don't like her"

"Edi we're settled. I want to woo her"

"Sayo na pre. Goodluck!"

Nakakapanibago. First time gumaniyan si Mike. Iba ka talaga Vilarde.

Anong estado sa buhay mo Vilarde? Mayaman ba siya? Mahirap?

Knowing Tito Michael, ang taas ng standard niya sa mga kapatid ni Mike and halos lahat sila ay arrange marriage.

"Bakit ba kung lumabas yang mga student council eh grupo grupo sila?"

Tanong ko sa kanila

"Sabi nila, 'yong mga nakapaligid kay Sandra ay mga bodyguard niya. Balita ko rin na libre na ang pag pasok nila dito sa school dahil nga binabantayan nila ang anak ng Principal dito."-Jhom

"So, Mahirap lang sila? Gano'n?"

Nag kibit balikat siya

"Pero 1 thing is sure pre, kaya kang pataubin ni Crenz"

Nag tawanan sila.

"Siraulo."

CRENZ'S POV

"You did what Cess?"

Pinagagalitan ngayong ni Sandra si Princess dahil sa engkwentro kanina sa canteen.

"I just can't help it, akala mo kung sino siyang pinaka importante sa mundo"

Dipensa niya

"Ok, nandoon na nga tayo sa hindi nga siya gano'n ka gentleman but may I remind you na we need them. Paano kung hindi sila sumipot mamaya? Pareho lang kayong hindi pinag iisipan ang mga ginagawa niyo"

Nakatingin lang kaming lahat sa kanilang dalawa.

Malakas ang pakiramdam ko na may gustong makuha muna yang limang yan bago kami pag bigyan eh. Mukhang alam ko na ang gusto nila sa'min.

"She did the right thing Sandra"

Singit ni Nemi

"Mas lalong hindi papayag 'yong mga 'yon dahil sa ginawa niya"-Sandra

Turo niya kay Cess

"And we can't tolerate a special child here in our school"-Princess

"Pfft"

Natawa ako nang mahina. Special child amp.

"Funny Crenz Yara?!"

Napangiti ako saka nag kibit balikat.

"Umayos kayo-"

"Walang magagawa yang kakasermon mo sa kanila sa inuutos satin ni Mr. Warren" -Hans

Naupo siya sa upuan niya.

"Mas lalo tayong alanganin-"

"No, we're not"

Sabi ko saka tumayo.

"When will you comeback here Princess?"

Tanong ko.

"Tatapusin ko lang 'tong pinapagawa ni Mr. Principal but before top 50 students exam babalik na ako"

"Oo tama bumalik ka na, para  may mabwiset na kami"-Jigs

"As if naman nag papaapekto ako sa kalokohan niyo"

Pag tataray niya sa kambal

"Pababalikin ko na sa Yashica para makita mo hinahanap mo"

"Psh! Don't say bad words"

Sabi ko sa kaniya kaya natawa ang mga kasamahan namin.

"May allergy ka pa rin kay Yashica?"-Migs

"Balita ko maingay siya, ayoko sa maingay."

Sagot ko.

Natahimik si Jigs

"Uy Jigs, pauwi na raw ang love of your life"

"Naah.. shut up."

"Tumayo na kayo, baka nasa baba na 'yong Lima"

Nag patiuna na akong mag lakad palabas pero sumunod naman na agad silang lahat.

"Balak ni Sandra bumisita sa bahay mo"

Bulong sa'kin ni Hans

"Oh ano naman?"

"Si Nina"

Tiningnan ko siya tapos tumingin ulit sa dinadaanan ko.

"Tell them that Nina and I are close friends"

"Maniniwala naman ba?"

"Maniniwala sila kung magaling kang mag salita"

Pag dating namin sa gym ay nandoon na nga ang lima.

"Good afternoon gentlemen" bati ni Sandra

"Enough for formalities and let's proceed on what you need from us"

Sagot ni Pula

"Well, for sure nabanggit na ng guidance counsel sa inyo ang about sa modeling for school"

Tumango sila

"We're here to convince you all to participate in modeling for school publicity"

"We've already declined that offer"

Nag katinginan ang mga kasama ko.

"Anong makapag papayag sa inyo na maging model?"

Ngumisi si Pula

"All we need is your boys"

'Putcha, ang bakla niya sa part na yan'

"Our boys?"

"Yeah, we've already discussed it last time diba na may mangyayaring mens magazine and gusto namin isali sila Hans para maging model ng magazine na 'yon"

Lumupaypay ang balikat ni Hans

"Sinabi ko na sa inyong ayoko ng modeling diba? I'm not into modeling. Marami kaming inaasikaso at wala kaming oras sa modeling na yan."

Ngumiti si Pula sa kanila.

Alam na alam ko nang iyon ang hihingin nilang kapalit.

Pinanatili ko ang walang ekspresyon kong mukha. Konti nalang kasi ay pipikit na ang mata ko sa sobrang antok.

"Well in that case we can't accept also your offer"

Ngingiti ngiting sagot ni Pula

"Sasali sila"

Hindi ko maiwasang hindi makisali na sa usapan nila kaya napatingin silang lahat sa'kin

"Excuse me?"

Takang tanong ni pula. Nginisian ko siya gaya ng pag ngisi niya sa mga kasamahan ko.

"I said sasali na sila sa sinasabi niyong modeling. Kaninong selfish idea mo nakuha yang mga sinabi mo? Sayo?"

Nangunot ang noo niya

"Nag papatawa ka ba? It's like give and take, you'll need us and we will need your boys, I don't think it is selfish"

Nakangising aniya

"Ahh.. kaya pala humindi kayo sa inoffer ng Principal dahil may gusto rin kayong makuha. Sinabi niyo rin ba kay Mr. Warren na kami ang mag convince sa inyo para makausap niyo kami tungkol sa inooffer niyo?"

Natatawang tumingin siya sa'kin

"Why so affected? Hindi naman ikaw ang kailangan namin"

Ahhh.. gusto pala nito ng bastusan, madali lang naman ako kausap.

"Hobby mo na 'yan noh? Maging selfish-"

"Excuse me?!"

"Sinabi na sa inyong marami kaming kailangang gawin at walang oras diyan sa gusto niyong ipagawa tapos uulitin niyo nanaman ngayon? Nasan ba mga utak niyo? Nasa talampakan o naiwala niyo?"

Nag kuyom siya ng kamao.

This is nice, napipikon na siya.

"Edi sana hindi niyo na kami pinapunta pa ngayon dito-"

"Nandito tayo para sa school purpose. Mukha ngang naiwala mo ang utak mo ngayon Mr. Attienza. Iyang modeling na sinasabi niyo, anong mapapala namin diyan? Mag hectic sa schedule? Mag sayang ng oras-"

"Let me remind you again that we don't need you"

"The feeling is mutual Mr. Attienza, hindi ko rin naman kayo kailangan. Ewan ko ba kung bakit kayo pa ang piniling gawing model dito sa school, hindi naman pala kayo pumapayag na walang kondisyones na nakalatag sa parte niyo."

Halatang halata sa kaniya ang pag pipigil ng inis niya.

"Bakit ka ba kasi nakikialam?!"

"Napipikon ka na ba? Hindi mo kailangang mag taas ng boses. Bakit ako nakikialam? Dahil damay kaming lahat sa magiging galaw ng bawat isa sa'min."

"We don't need your opinion"

Aniya saka bumaling sa ibang lugar.

"Wag ka nang umiyak Attienza, sasali na nga sila diba?"

Pag aasar ko pa

"Who are you to decide?! Hindi nga ikaw ang mag dedecide kung sasali sila o hindi, dahil hindi ka kasali"

"Ay oh paulit ulit tayo noh? Hanapin niyo nga ang utak ng kaibigan niyo-"

"Stop mentioning my brain!"

Lalo akong napangisi

"Minsan lang ako mag desisyon sa grupo ko, pero once na nag decide ako wala sa kanilang kumokontra dahil alam nilang hindi nila iyon ikakapahamak, unlike your shitty decision na puro pang sarili lang. Yang modeling na sinasabi mo na yan, anong mapapala namin diyan? Kayo lang naman ang mag kakaroon ng pakinabang diyan ah. Diba? Pampabango ng pangalan? Pampaganda ng image? Samin ano? Puro negative effect?"

"Shitty your ass-"

"Jhonzel!"

"Liphyo!"

Sita ng mga kaibigan niya.

Lalong nabadtrip ako nang mag pumilit nanamang kumawala ng hikab ko.

'Peste peste! Napaka boring naman kasi ka debate netong Pula na to'

Naiinis na rin ako dahil sa hikab kong pilit talagang kumakawala.

"Sa susunod kung mag dedecide ka para sa grupo mo siguraduhin mong tama. Nilalagay mo sa kahihiyan ang grupo mo"

Tinalikuran ko na sila dahil baka makita na nila ang bwiset na hikab na 'to

"Sino ka ba sa akala mo?! Hampaslupa ka lang naman dito ah-"

Napatigil ako sa paglalakad.

"Diba Principal lang naman ang nag babayad ng tuition mo! Kaya wag kang umastang may kaya ka-"

Sinaway siya ng mga kaibigan niya kaya dahan dahan akong pumihit pa harap muli sa kaniya.

Tinitigan ko siya pero agad siyang nag bawi ng tingin kaya napangisi ako.

Bahag buntot nito ngayon dahil sa sinabi niya. Nahahalata sa kilos niyang nag sisisi siyang sinabi pa niya iyon.

"Kilalanin mo muna ako bago mo ko pag sabihan ng ganiyan. Baka magulat ka nalang, kaya ko nang bilhin ang buong pagkatao mo, sama mo na pamilya mo"

Nakangising ani ko saka nag patuloy sa pag lalakad palayo.

Syempre biro lang 'yon hindi ko kayang bumili ng kahit ano ngayon HAHAHAHA.. mahirap lang ako, kung di nga lang kay Sandra baka nganga na ako ngayon.

LIPHYO'S POV

Kapal ng mukha niyang pag salitaan ako ng mga bagay na 'yon, hindi naman siya ang kailangan namin at wala akong pakealam kung maaapektuhan siya dahil choice niya naman iyon.

"Sino ka ba sa akala mo?! Hampaslupa ka lang naman dito ah-"

Napatigil siya sa paglalakad.

"Diba Principal lang naman ang nag babayad ng tuition mo! Kaya wag kang umastang may kaya ka-"

"Liphyo!"

Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Dahan dahan siyang tumingin sa'kin saka ako nginisian. Nang mga sandaling iyon ay parang gusto kong bawiin ang mga sinabi ko.

"Kilalanin mo muna ako bago mo ko pag sabihan ng ganiyan. Baka magulat ka nalang, kaya ko nang bilhin ang buong pagkatao mo, sama mo na pamilya mo"

Natigalgal ako sa sinabi niya.

Nag lakad na siya muli papalayo.

"Wow I didn't expect na bakla ka pala Attienza"

Sabat ng isa sa kambal

"Kahit sino ay papatulan ang gano'ng ugali"

Dipensa ko

"Kahit sino rin naman kasi magagalit sa ginawa mo. Tama si Crenz wala kaming mapapala diyan sa sinasabi niyong pag momodel"-Hans

"If you don't want, edi wag"

"Too bad she'd already agreed on it"

Natigilan ako sa sinabi niya

"Who is she to decide?"

"Hindi kasi siya makitid gaya mo"

Ngayon lang nag salita si Cassandra.

"And you, you're their boss pero hindi ikaw ang nag dedecide para sa inyo?"

"Hindi mo ba siya narinig kanina? Minsan lang siyang mag decide sa grupo namin. Pero kapag nag decide na siya, final na iyon dahil tama siya, ni minsan hindi namin ikipinahamak  ang mga desisyon niya. Hindi rin ako sing kitid mo."

"This-"

"Enough Liphyo! Dapat alam mo ang magiging consequence ng mga desisyon mo. Hindi ba't ikaw ang nakapag isip ng bagay na 'to?"

Hindi ko mapigilan ang inis na nararamdaman ko.

Ang tatabil kasi ng mag dila nila. Warak na warak ang pagkalalaki ko.

"Ano bang selfishness ang sinasabi niya?! Pareho lang naman nating kailangan ang isa't isa ah."

Pag kay Raya na ang usapan, nawawala ako sa katinuan ko, para akong na uulol. Kakaiba kasi mag salita eh nakakapikon.

"Well, dahil may mga good reputation naman na kayo as an artist, for sure marami kayong mahihikayat na mayayaman na studyante na mag enroll dito sa school. Once na maraming nag enroll dito, dadami rin ang investors ng schools, syempre hindi papayag ang mga magulang ng mga bata na hindi maayos ang school na papasukan ng mga anak nila kaya mag bibigay yan sila. Kapag nag bigay sila, makakabili na ng mga bagong appliances dito, mga bagong computer, mga libro, tablet for simple search at iba pa. Bakit ka niya sinasabihan ng selfish? Kasi isa ka rin naman sa makikinabang ng mga gamit na mabibili eh, lahat tayo dito makikinabang. Aware naman kayo na mayayaman lang ang nakakapasok dito, mga taong angat sa buhay at may pangalan, diba? Makakatulong pa kayo sa mahihirap kapag nangyari 'yon. 'yong pondo na nakalaan sa pagbili ng mga new material gagawin nilang pang scholarship 'yon para sa mga batang may potential sa pagaaral at may pangarap sa buhay. Pero sa offer niyo, wala kaming makitang maganda effect para sa school na 'to. 'wag mo rin sanang pag sasalitaan si Crenz ng ganoon sa susunod dahil baka hindi kita matantya, papatulan talaga kita"

Sabi ni Hans.

Nakaramdam ako matinding pagkapahiya sa lahat ng mga sinabi niya. Tama nga si Raya, nasan ba utak ko ngayon? Bakit laging gusto ko nalang ata na makaaway siya twing mag kaharap kami. Hindi ko napipigilan ang sarili ko.

"We're very sorry pre. We'll take the offer and don't worry I'll ask my manager to put the name of our school us a publicity also"-Jhom

Ngumiti silang lahat kay Jhom

"Thank you Mr. Acosta"

"Jhom nalang"

"Sana nalinawan ka Attienza. Mauuna na kami"

Nag paalam sila sa'min saka umalis na rin.

"Napaka gago mo! Anong hampaslupa?! Umuwi ka na nga sa inyo, nakalimutan mo nga ata ang utak mo"

Inis na sabi sa'kin ni Jerick

"Below the belt ka na Attienza"

"Palamig ka pre"

Tinapik nila akong lahat saka ako nilampasan para umalis na rin.

"Now this is bullshit"

Bulong ko sa sarili ko.

CRENZ'S POV

"Wacko, hey bumalik ka na pala. Ilang araw ka nang wala dito ah. San ka galing?"

Dalawa lang naman ang tatambayan ni Wacko, bahay ko at bahay ni Cedric.

"Anong sabi sayo ni Cedric?"

Para akong tangang kinakausap siya sa loob ng hawla niya.

"Did Cedric ask you if I'm already here?"

"Crenzy!"

Umangat ang balikat ko sa gulat.

"Lakas ng bunganga mo. Ano 'yon?"

Kunot noong tanong ko

"Kuya Mil will be back later and sakto dahil aalis ako for 3 days dahil mag oovernight ako sa bahay ng kaklase ko."

Iiling iling na tumingin akong muli kay Wacko

"Anong oras ka aalis?"

"Mga 7:30"

"Bakit di pa ngayon?"

"Crenzy?!"

Tonong nang tatampong aniya

"I mean delikado sa labas kapag madilim na."

Alam kong naka ngiwi na siya ngayon.

"Someone will fetch me naman"

Lumingon ako sa kaniya

"Alam ba ni Tyro na nag eentertain ka ng iba?"

"Duuh! Bakit pa niya kailangang malaman? Mag iisang taon na kaming tapos. Ayoko sa manloloko noh"

Nag lagay ako ng pagkain sa lagayan ni Wacko

"Are you sure na niloko ka niya? Baka ikaw lang nakakaalam niyan ah"

"Nakita ng two precious eyes ko ang pangangaliwa niya."

"Kinausap mo ba siya tungkol doon? Pinag explain mo ba?"

"No need for explanation. Kung mahalaga ako sa kaniya, hindi na aabot pa ng taon bago niya ako sundan for that explanation."

"Eh sira pala tuktok mo eh. Tatakbo takbo ka tapos pahahabulin mo siya tapos aantayin mo naman pala. Nasan din utak mo? Nawala mo rin?"

Inirapan niya ako.

"Basta-"

"May I remind you that you're TYRO'S property-"

"I'm not a property or something to be owned by others"

"Hindi mo gugustuhing mag explain ako tungkol sa sinasabi ko-"

"Ow please not! I get your point"

"Bilang na lang ang araw mo para makipag kita sa mga lalaki mo. Pauwi na siya dito"

"Nonsense, ano pang gagawin niya dito-"

"I screw hin yang lumuwang mong turnilyo sa utak"

"Crenzy?!"

"Ano?"

"Hilig mo talagang mambara ng kausap mo 'no."

Nginisian ko siya

"Oo naman lalo na kapag tanga kausap ko"

"I'm not tanga"

"Parang gano'n ka na eh"

"How come?"

"Pinapaniwala mo talaga ang sarili mong naka move on ka na sa kaniya? Kampante ka lang na di siya mawawala sayo dahil pinag kasundo na kayo, pero once na nawala yan dahil sa kaka push mo sa kaniya palayo, wish ko lang na wag mong pagsisihan. Alam mong kahit engaged na kayo pwede niyang I turn down 'yon lalo na kapag nakikita niyang hindi ka doon sasaya. Think wisely Nathalie."

Napanguso siya.

"Basta! I don't need him!"

"Tsk"

Pumasok na siya muli sa loob.

Inalala ko ang mga documents na nakalagay sa envelope.

"Bakit ngayon lang nila pinapahanap?"

Ilang taon na ang lumipas, 19 years na ang lumipas.

Ahead ako ng isa't kalahating taon kay Sandra. Di ko expect na sa mataas na deck pa nangyari 'tong bagay na 'to.

Hindi ko 'to gustong gawin pero nahihiwagaan din ako kung anong meron sa organization nila. Tanging alam ko lang ay mayayaman sila at maimpluwensiya. Isa sila sa pinaka mayaman sa Pilipinas.

Nag tataka ako sa sarili ko. Bakit pag problema ng iba ay atat akong ma resolba habang ang sarili kong problema ay tinatakasan ko.

Hindi ko talaga maalis sa isip ko ang isang taong mahalaga sa'kin na hanggang ngayon ay di ko pa rin pwedeng makita. Kumusta na kaya siya? Sana inaalagaan siya ng magulang niya.

Babalik ka pa ba?

Iyan lagi ang tanong ko kapag naaalala ko siya. Gustong gusto ko na siyang makita pero hindi pwede, 'di pwede dahil hindi ko pa kayang harapin siya.

Dumiretso na ako kwarto ko nang mapakain ko na si Wacko. Nag linis ako ng katawan saka nag basa ng libro. Hindi ko naman ugaling aralin ulit sa bahay ang lesson na na discuss na namin, ahead pa ng ilang lesson na ang binabasa ko para hindi ako nahuhuli sa klase.

Nag paalam si Nina na aalis na at inantay ko muna si Chiggy na umuwi.

Hindi rin ako nag tagal sa pag babasa at natulog na rin ako.

Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko.

Sinagot ko agad ang tawag kahit hindi tinitingnan ang caller.

"Sin-"

"Crenz! Crenz.. may pumasok sa unit ko. Pumunta ka na ngayong dito"

Agad akong napabalikwas ng higa.

"Hold on, just hide. Papunta na ako"

Kinuha ko ang motor ni Bakla dahil iyon lang ang alam kong mabilis na sasakyan na makakarating agad sa building ni Sandra.

Pinindot ko agad ang power button ko for SOS kina Hans. Nag earpiece ako.

"Hello, Yara?! What happened?"

"Pumunta na kayo agad kay Sandra. May pumasok daw sa bahay niya."

Pinatay ko na ang tawag at mabilis na nag drive papunta sa building ni Sandra.

"Paki park ng motor ko sa parking lot"

"Ma'am? May problema po ba?"

Hindi pwedeng malaman ni  Mr. Montilla na hindi kami kasama ni Sandra sa bahay niya.

"Wala, gawin mo nalang ang inuutos ko"

Agad na akong tumakbo pa punta sa isang elevator. Emergency elevator na iilan lang ang may access.

Pinindot ko agad ang floor ni Sandra. Kinakabahan ako. Kapag talaga may nangyaring masama kay Sandra sinisigurado kong ibubuhol ko ang buto nilang lahat.

Pag dating ko sa floor ay agad kong nakita ang isang lalaking papalabas ng unit ni Sandra

"Tangina, anlakas ng loob lumabas"

Nanggigigil na ani ko sa sarili ko habang lumalapit sa nakatalikod na pigura.

"Pre."

Pag harap niya ay agad ko siyang sinapak papasok ng unit. Napahawak siya sa panga niya saka ako inambahan ng suntok. Hindi ko alam kung paano ko iyon nasalo ng kamay pero no'ng nasalo ko iyon ay agad akong umikot sa kinatatayuan ko hanggang sa makarating ako papunta sa likod niya. Sinipa ko ang alak alakan niya, dahilan para mapa luhod siya. Daing lang ang narinig ko sa kaniya.

"Tulog ka muna, madaling araw pa lang"

Sinuntok ko siya bandang batok niya at iyon na nga, nag sleeping beauty na siya.

Hinila ko siya papasok dahil nakaharang siya sa pintuan. Sinara ko agad ang pintuan at saka sinanay ang mata ko sa dilim.

Pumikit ako saka ko pinakiramdaman ang paligid.

Naririnig ko ang yabag malapit banda sa kwarto ni Sandra.

Inamoy ko ang paligid. Familiar na ako sa amoy ng bahay ni Sandra, ang hinahanap nalang ng pang amoy ko ay ang bagong amoy.

"Tatlo"

Bulong ko sa sarili ko.

Dahan dahan na akong lumapit sa may kwarto ni Sandra.

Naramdaman ko nang may tao dahil may narinig akong may kumuha ng isang bagay.

Agad niya akong sinugod. Ihahampas na sana niya sakin and hawak niya pero agad din akong umilag kaso medyo nadaplisan ng hawak niya ang batok ko. Medyo naramdaman ko ang hapdi.

"Bwiset."

Sinipa ko siya sa dibdib kaya tumama siya sa cabinet na lalagyan ni Sandra ng mga display na anime figures.

Napadaing siya sa lakad ng kalabog ng likod niya sa cabinet. Sinipa ko siya sa panga kaya mukhang naka tulog na siya.

Pumasok ako sa loob ng kwarto at agad na binuksan ang ilaw.

Nakita kong nakatayo sa gilid ng kama si Sandra habang nasa gitna naman ng kwarto at nakatayo ang isang lalaki. Mukha namang ok si Sandra.

"Medyo nadaplisan ako ng kasama mo sa batok ah"

Panimula ko habang sumasandal ako sa may pinto at nakaharap sa kanila

"Hinahanap niyo ba kamatayan niyo? Subukan mong gasgasan yang amo ko, patutulugin din kita gaya ng ginawa ko sa dalawa mong kasama"

Nag aalangang tumingin siya sakin at mukhang hindi niya talaga alam ang gagawin niya.

"Go Sandra."

Lumingon sakin iyong lalaki na parang nag tataka kung bakit ko 'yon sinabi, pero pag harap niya.

"HIYA!!"Sandra

*BLAG*

"WEW"-ako

Napa palakpak ako sa pagkamangha kay Sandra.

Umikot pa siya sa ere saka niya sinipa ang lalaki.

Kaya ni Sandra lumaban pero nag aalangan siya dahil hindi niya alam kung ilan pa ang kasama ng kalaban niya ngayon.

"Mukha namang ok ka, di ko na itatanong"

Agad siyang lumapit sa likod ko saka parang batang nag tago.

Bumukas ang pinto at pumasok sina Nemi.

"Sandra?!"

Lahat sila ay nag aalala ang tingin sa kaniya.

"Nasugatan ka ba? Anong ginawa nila?"-Migs

"I'm fine"

Hindi man niya sabihin pero bakas sa tono niya ang takot.

Iniwan ko sila sa loob ng kwarto ni Sandra at tumingin sa may sala.

Nadatnan ko si Hans na itinatali ang dalawang lalaking na patulog ko kanina.

"Di mo ba siya kakamustahin?"

Tanong ko sa kaniya habang pinag mamasdan siyang gawin ang ginagawa niya.

"I'm sure she's fine, ikaw ang nag ligtas sa kaniya kaya hindi na ako dapat kabahan pa."

Napailing nalang ako

"Napaka tagal mo namang dumating"

"I called a police. Kinausap ko rin kasi yung guard sa baba na pag pumunta dito si Mr. Montilla mamaya, wag banggitin na dumating tayo ngayong gabi"

Bawal na walang kasama si Sandra, iyon ang bilin samin.

"Ok."

Maya maya ay lumabas na sina Migs kasama ang katawan ng isang lalaki, iyong sinipa ni Sandra kanina.

"Nasan na raw ang mga pulis?"

"Di ko alam pero nasa labas na ang mga guard ng building, kukunin na nila 'tong mga kumag na 'to"

Pinag tipon tipon na namin sila sa may malapit sa main door.

Nang may mag doorbell agad ni Hans iyong binuksan at saka pumasok ang mga security guard at sandaling nag tanong kay Sandra patungkol sa mga nangyari dito.

Kinuha na rin nila ang mga kriminal.

"Paki pa palitan ang passcode nitong unit namin. Mukhang na hack ang system niyo ah."

Ilang beses pang nanghingi ng tawad ang mga guard bago nila ibinaba ang tatlong bwiset.

"Inaantok na'ko. Nemi, Jigs, Migs doon kayo sa kwarto ni Sandra matulog sa lapag kayong mga lalaki, tabihan mo Nemi si Sandra. Kayong dalawang lalaki dito kayo sa sala at ako matutulog na-"

"May sugat ka sa batok"

Napahawak ako sa sugat ko at agad kong naramdaman ang hapdi.

"Malayo sa bituka. Matulog na kayo."

Nauna na akong umalis kanila dahil inaantok na naman ako.

May guest room dito at doon matutulog ang apat  na lalaki.

Si Nemi at Sandra naman ang laging mag kasama sa iisang kwarto at ako naman ay solo dahil gaya nga nang mga sinasabi ko noon na ayaw kong may katabi kahit saan pwera nalang kung kailangang kailangan talaga.

"Yara-"

"I'm tired Hans"

Inaantok na ani ko kay Hans nang pumasok ito sa kwarto ko dito.

"Tumalikod ka lang then I'll clean your wound"

Tinatamad na inurong ko ang sarili ko sa may edge ng kama para maabot ni Hans ang likod ko.

"Bakit ka pa nag pasugat-"

"Aksidente yan no'ng umilag ako"

"Dapat pala sinapak ko muna 'yong gumawa nito sayo"

Napa ngisi nalang ako saka ako hinila ng antok ko.

Hindi ko na namalayan ang mga ginagawa ni Hans sa sugat ko.