5

Nag tipon tipon kami sa sala.

"Anong balita?"

"Iniimbestigahan na 'yong mga pumasok dito kagabi-"

Humahangos na pumasok so JM sa sala at mukhang galing pa sa baba at tumakbo papunta dito.

"Bakit?"

"Anong nangyari sayo?"

Tanong ng kambal

"Yung- yung mga- "

Hinihingal na aniya. Kaagad siyang binigyan ng tubig ni Nemi.

"Thanks."

Matapos niyang uminom ay umupo siya sa pwesto niya.

"Ano 'yon?"

"Yung mga nanloob dito kagabi, patay na"

"Ha?/Ano?"

Kaniya kaniya silang react sa sinabi ni JM

"Bakit?"

"Sabi no'ng gwardiya sa baba, hinarang daw yung sinasakyan nila at pinaulanan ng bala 'yong kotse ng mga pulis."

"Eh 'yong mga pulis?"

Tanong ko.

"Walang nakaligtas."

Lahat kami napatingin kay Sandra. Dati death threats lang, ngayong parang desidido na silang pumatay.

"Malala na 'tong nangyayari sayo Sandra"

Iiling iling na ani ni Nemi.

"Kinakabahan ako para sa sarili ko pati na rin sa inyo"

Kabadong aniya.

"Wag kang kabahan sa'min dahil trabaho naming mag buwis ng buhay para iligtas ka. Ang gawin mo nalang lagi kang mag iingat at wag kang aalis nang mag isa dahil alam mo nang malalagay ka lang sa panganib."-Hans

Tumango tango sila sa sinabi niya.

May tinatago 'tong mga taong nanloob dito eh. Mukhang hindi na importante sa grupo kaya pinatay nila o di kaya'y takot silang kumanta ang tatlong 'yon.

"Oo nga pala, papunta na si Mr. Homer dito."

"Sinabi niyo kay Dad?"-Sandra

"Kahit di kami mag salita malalaman niya dahil sa mga guard sa baba"-JM

Tumayo ako.

"Sa'n ka pupunta?"

"Babalik nalang ako mamayang hapon kapag wala na dito 'yong mga pulis."

"Pulis?"

"Ineexpect niyo bang hindi kayo kakausapin ng pulis, lalo na't may namatay sa mga kasamahan nila"

Tumayo rin si Hans

"Sasamahan kita-"

"Bantayan mo si Sandra dito. May ipapakiusap lang ako sa kapatid ko."

Tiningnan nila ako

"May kapatid ka dito?"-Jigs

"Kailan pa?"-Migs

"Bago ako pinanganak may kapatid na ako"-ako

Tinawanan siya nila JM

"Tanga amp"-JM

Tiningnan ko si Sandra

"'wag muna kayo aalis dito hanggat walang sinasabi sa inyo si Mr. Homer"

"Aalis ka talaga? Paano kung looban ulit kam-"

"Trust Hans Zimmer, mukha lang yang bakla pero magaling yan lumaban."

"Thanks for compliment Crenz"

Sarkastikong aniya.

Bumungisngis sila.

"Mauuna na ako. Text mo ko Hans kapag may nangyari ditong hindi maganda"

Tinapik ko ang balikat niya saka ako lumabas.

Pag baba ko kinuha ko ang susi ko sa guard.

"Ma'am-"

"Kapag dumating si Mr. Montilla tumawag ka kaagad kay Cassandra Montilla."

"Areglado ma'am"

Dumiretso na ako sa parking lot saka kinuha ang motor ko.

Pinainit ko muna ang makina saka ako umalis doon.

Pag dating mo sa bahay naabutan ko si Chiggy papalabas main door.

"Hoy impakta! Saan ka nanggaling at ngayong ka lang umuwi ah!"

"'wag mo ko sigawan, pagod ako"

Nilampasan ko siya saka kumuha ng maiinom.

"Sa'n ka ba galing? Tinangay mo pa talaga ang motor ko ah"

"Bawal ba?"

Inirapan niya ako

"Hindi naman pero delikado-"

"Edi mas thrilling"

Nakangising ani ko

"Gusto mo talaga 'yong mababasag 'yang bungo mo 'no?"

"Wag mo kong pangaralan Chiggy Mil. May pumasok sa bahay ni Sandra kaya ako umalis kagabi."

Tumayo siya ng tuwid saka lumapit sa'kin.

"Kumusta naman sila?"

"Si Sandra?"

"'yong mga nanloob? Pinatulog mo nanaman ba?"

Umupo ako sa kusina at gano'n din ang ginawa niya.

"No'ng nasa amin pa sila buhay pa naman sila, pero no'ng nasa mga pulis na sila, pinaulanan sila ng bala at wala ni isa sa kanila ang nakaligtas."

Bigla niya akong hinawakan sa braso.

"Tumigil ka na sa ginagawa mo, mapapahamak ka lang."

Binawi ko agad ang braso ko.

"Tigilan mo nga ako Chiggy Mil. Sinabi ko na sayong ayokong may ibang nag dedesisyon para sa'kin-"

"Pero mapapahamak ka-"

"Wala akong pakealam kung anong mangyayari sa'kin. Ang mahalaga ay si Sandra. Alam mo kung gaano siya kaimportante sa lahat-"

"The nerves Crenz! Anong akala mo sa buhay mo? Basura? Walang halaga? Eh buti pa nga sa basura pwedeng mag recycle eh."

"Si Sandra muna bago ang iba"

"Eh paano naman ikaw?"

"Hindi sa kamay ng mga gustong pumatay kay Sandra ako mamamatay. Huwag mo ko masyadong alalahanin. Ang isipin mo, bumalik ka na sa pamilya mo."

Bigla nalang siyang napatingin sa kawalan.

"Pwede bang tumakas?"

Maarteng aniya

"Kung pwede lang eh matagal ko na sanang ginawa."

Natatawang ani ko. Huminga siya nang malalim.

"Kailangan ko ng motor Chiggy Mil"

Bigla siyang tumingin sa'kin.

"No way, busy ako-"

"Hindi ka busy"

Tumayo ako saka umakyat sa hagdan

"Yara-"

"Pag gising ko dapat nasa labas na 'yon ng bahay"

"Yara-"

"'yong maangas ah"

"Yara-"

"Jollibee rin pala Chiggy"

Ngingisi ngising umakyat ako sa kwarto ko.

Nag linis ako ng katawan saka humiga sa kama ko.

Tumunog ang cellphone ko

Unknown number.

Pinatay ko agad, pero wala pang ilang segundo ay tumunog ulit ito. Iyong number na iyon pa rin.

Naiinis na sinagot ko ang tawag

"Siguraduhin mo lang na may mahalaga kang sasabihin dahil kung hindi-"

"KUNG HINDI ANO?! PINAG BABANTAAN MO NA AKO NGAYON CRENZ YARA VILARDE?!"

Napabalikwas ako ng upo. Saka nag clear throat.

"M-ma?"

"ILANG BESES NA AKO TUMATAWAG SAYO PERO HINDI MO SINASAGOT-"

Inilayo ko ang tenga ko sa cellphone.

"Ma-"

"KAILAN KA PA BUMALIK HA?! HINDI KA MAN LANG UMUWI DITO PAG BALIK MO?!"

"Ma-"

"NAG AALALA KAMI NG PAPA MO SAYO!"

Bigla akong napangiti.

"Kumusta kayo-"

"PUMUNTA KA DITO PARA ALAM MO KUNG ANO NA ANG LAGAY NAMIN."

"Opo Ma, pupunta ako diyan kapag nag bakasyon na kami"

"DAPAT LANG!"

"Wag ka na magalit ma. Yung mga gamot na pinabilin ko kay Hans iniinom mo ba?"

"Hmp! Hindi, hindi ko iniinom"

Galit galitang aniya

"Ma, 'wag matigas ang ulo kailangan mong uminom ng gamot at iwas iwasan mo na muna ang pag sama kay papa diyan sa bukid. Lahat kami nag aalala na sayo dahil baka kung mapaano ka, lalo na ngayong at mainit ang panahon"

Humiga ako nang may ngiti sa labi. Namimiss ko na sila.

"Ah basta! Umuwi ka dito Kuring"

Nanlaki ang mata ko sa itinawag niya sa'kin

"Ma! 'wag mo na akong tawagin sa pangalan na yan-"

"At bakit?!"

"Ma, ang baho-"

"Aba! Anong mabaho?! Hindi mo ba alam na pinag isipan ko mabuti-"

Salita lang siya nang salita. Hindi pwedeng ma stress si Mama dahil baka atakehin siya sa puso.

"Ma, kalma ka na ah. Uuwi ako diyan sa bakasyon-"

"Isama mo 'yang mga kaibigan mo pati si Handriko-"

Napadilat ako sa sinabi niya.

"Bakit kailangan ko pa silang isama?"

"At bakit hindi mo sila isasama? May inaway ka nanaman ba sa kanila?!"

"W-wala wala Ma, mabait ako sa kanilang lahat"

"Mabuti naman kung gano'n."

"Anong gusto mong pasalubong Ma?"

"Wala! Basta pumunta ka dito!"

"Opo Ma pupunta ako diyan. Ano muna gusto mong iuwi ko diyan?"

Nag aantay ako sa sasabihin niya dahil mukhang pinag iisipan niya ng maayos.

"Gusto kong dalhin mo na dito ang nobyo mo"

"Nobyo?"

"Kung wala ka pang nobyo diyan papayagan kong ligawan ka ni Anthony-"

"May boyfriend na ako Ma"

Bigla akong napa kagat sa labi ko.

"Mabuti naman. Akala ko wala nanamang nag tatagal diyan sa ugali mo eh"

"Ma, mabait nga ako sa kanila-"

"Si Charrie ma? Kumusta?"

"Aba syempre hinahanap ka na."

Bigla ko siyang na miss..

Lagi ko pala siyang miss.

"Oh siya siya mamamalengke muna ako-"

"Ma, nandiyan naman si Darrin ah bakit kailangan pang ikaw ang mamalengke?"

Reklamo ko

"Nasa eskwela si Dada, mas mamamatay ako ng maaga kung hindi ako kikilos dito"

"Ma 'wag mong sabihing 'yan"

"Hay nako! Hindi na ako bumabata kaya 'wag mo na ako kontrahin"

"Sige po Ma pero mag pasama ka ah"

"Oo na"

"Mag iingat kayo Mama"

"Mag ingat ka rin diyan"

Pinatay na niya ang tawag. Bigla akong napangiti saka muling pumikit at hindi na namalayan ang oras nang makatulog na.

LIPHYO'S POV

~Dalawang pulis kasama ang tatlong akyat bahay ang tinadtad ng bala sa Sipayo street sa loob ng kotse ng mga pulis. Ayon sa mga saksi, huminto ang isang itim na van sa harap ng sasakyan ng mga pulis saka lumabas ang apat na naka itim na lalaki na may bonet at pinaulanan sila ng bala. Kasalukuyang inaalam pa ang motibo ng mga suspek sa krimen-~

Pinatay ko ang TV.

Puro nalang kasi krimen ang balita sa TV, wala man lang good news.

"Welcome back Johnny!"

Napabalikwas ako ng tayo nang marinig ko iyon.

"Putcha, Allen!"

Agad akong lumapit sa kaniya saka nag man to man hug.

"Kumusta?"

"Bakit hindi ka man lang nag sabing uuwi ka na?"

May Isa pang pumasok sa pinto

"Surprise!"

"Katherine."

Nakipag beso ako sa kaniya. Asawa siya ni Allen at kababata rin namin.

"Why you always called him by his name? 'di ka rin talaga marunong mag kuya kay Allen"

Natawa ako

"It doesn't matter as long as alam ko pa ang pangalan niya"

Pabiro niya akong hinampas

"Kumusta ang pag lalakwatsa sa U.S. Johnny. Mahigit dalawang taon kang nawala ah"

Ngumiti ako saka tumango sa kaniya.

"Well, ayos naman lalo na at kasama ko sina Mike."

"Kumusta naman ang pag balik dito? Did you make up everything with Dad?"

Tanong ni Allen saka kami naupo lahat sa sala

"Ok naman na kami ni Dad. Bumabawi na rin naman ako"

Tumango tango sila

"Bakit ka ba kasi umalis? Isang taon kaming walang contact sayo ah"

Tanong ni Kath

"Bigla lang akong na suffocate dito sa Pilipinas-"

"Haneep! Napaka yaman mo talaga"

"Utang lang 'yon"

Biro ko

Palihim akong tumingin kay Kathy.

Sobrang laki na ng pinag bago ko mula nang umuwi ako galing sa U.S. . Kung hindi pa ako umalis baka hindi pa ako matino hanggang ngayon. Dati hindi mo ako makakausap ng matino dahil puro basag ulo lang talaga alam ko.

"Wala ka pa ring pinag bago Johnny, still handsome"

Natatawang ani ni Kathy.

'Malaki na pinag bago ko Kathy, hindi na ikaw ang gusto ko'

Isip isip ko

"Oh well, nasa dugo na ata ng mga Attienza ang ka gwapuhan ko"

"At mayabang pa rin"

Dugtong niya

"Honest lang"

Natatawang ani ko.

Bata palang kami kilala na namin si Katrina. Marami kaming tawag sa kaniya pero Katherine talaga ang tawag namin sa kaniya. Bata palang talaga ako gusto ko na siya.

Maganda siya, matalino, maparaan at higit sa lahat mahaba ang pasensya bagay na sobrang hinahangaan ko sa kaniya.

Nauna ko siyang nakilala kaysa kay Allen. No. 1 taga saway ko talaga yang si Kathy ang kaso lang hindi ko siya masunod sunod dahil kahit gusto kong mag bagong buhay, yung dati kong buhay talaga ang humahanap sa'kin kaya hindi ko magawang mag bago.

Gustong gusto kong sabihin sa kaniyang gusto ko siya pero 'yong kaba ko sa dibdib ang nangunguna sa'kin. Natatakot akong baka masira ang friendship namin o di kaya'y ma busted.

Dumating ang lolo niya at ang lolo ko, doon lang namin nalamang mag kaibigan pala sila at nag kasundong ipapakasal ang isa sa mga apo niya sa apo ng Lolo ni Kathy. Sa una ay hindi ko iyon nalaman dahil busy ako sa buhay kong puro basag ulo. Wala sigurong linggo ang lilipas na wala akong pasa sa mukha.

Isang araw hindi ko na talaga mapigilan ang sarili kong hindi sabihing kay Kathy kung ano talaga siya para sa'kin, mag tatapat na sana ako kaso pag uwi ko bigla nalang nilang inannounce na engaged na sila. Bata palang ako no'n pero halos gumuho ang mundo ko. Sobrang sakit, parang binibiyak 'yong puso mo.

Kinompronta ako ni Allen kung gusto ko pa raw si Kathy dahil alam ni Allen kung ano ang nararamdaman ko kay Kathy. Sinabi ko sa kaniya hindi ko na siya gusto habang tumatawa pa. Sinabi ko ring matagal na 'yong crush na 'yon at wala na 'yon ngayon.

Napanatag ang loob niya, sinabi niya rin sa'kin na matagal na raw talaga niyang gusto si Kath kaya lang baka raw gusto ko pa si Kath kaya hindi na siya nag tapat pa.

Tangina. Kung anong mag papasaya sa kaniya 'yon naman ang ikagugunaw ng mundo ko.

Gusto ko pa sanang tanungin si Kathy kung masaya siya kay Allen dahil kung hindi ay oramismo, kukunin ko siya. Pero hindi ko na tinanong pa dahil kitang kita ko sa kaniya 'yong saya kapag kasama niya si Allen.

Sa ikalawang pagkakataon, naduwag nanaman ako. Ilang beses pa sakin tinanong ni Allen kung meron pa ba raw akong nararamdaman pero kapag nakikita ko si Allen nasasabi ko sa sarili ko na "Kapatid kita, ayokong makita kang nasasaktan sa mga magiging decision ko o sa mga bibitawan kong salita"

Si Allen lang kasi ang nag tatanggol sa'kin kapag ginigisa na ako nila Papa kaya kahit papaano, gusto ko siyang sumaya.

Nag book ako ng flight pa punta sa America. Gusto ko na sanang umalis bago pa dumating ang araw ng kasal nila kaso lang sobrang mapag laro ni tadhana, puro fully booked na ang mga flight at saktong kasal nina Allen lang ako pwedeng umalis. As a 17 years old medyo kaya ko naman na.

Bago ang kasal nila Allen nalaman nila Jerick na aalis ako, dali dali rin silang nag pa book ng flight pero si Jerick lang ang ka same time ko at sina Austin ay kinabukasan pa makakalipad.

Sa isang park ko binuhos lahat ng bigat sa dibdib ko kasama ang mga kaibigan ko. Pinayuhan nila ako pero hindi kinakaya. Gusto kong kalimutan kahit saglit pero hindi maalis sa'kin si Kathy. Nasanay ako.

Wala akong choice kundi ang umattend ng kasal nila. Pinilit kong maging normal. Hindi ko na pinatapos ang seremonyas at agad na akong umalis sa simbahan. Sinundo ako ni Jerick sa labas ng simbahan at nandoon na rin ang gamit ko.

Hindi ko maintindihan pero wala akong pakealam kung mukha na akong bakla sa paningin ng marami. Sinubukan ko rin namang pigilan ang luha ko pero patuloy pa rin eh.

Sumunod nga samin sa ibang bansa ang tatlo at tumira kami sa iisang bahay. Tinawagan ako nila Papa pero hindi ko sinasagot. Ayoko muna ng kahit sinong mag uugnay samin ni Kathy kaya wala akong kinausap sa kanila.

Nag kulong lang ako sa kwarto nang dumating kami doon. Wala akong ganang kumain at madalas tulala, napapabayaan ko na ang sarili ko.

Hindi tumigil sila Dad na kausapin ako sa telepono. Sinabihan ko sina Austin na sabihing hindi ko dala ang cellphone ko at nag gagala ako sa U.S. . Hindi rin ako papasok sa susunod na school year pero sinabi ko naman na babawi ako. Gusto ko lang munang mag pahinga dahil napagod ako sa mga nangyari sa'kin no'ng mga taong iyon. Sinabihan ko rin sila na sabihing kela Dad na wag na akong puntahan dahil hindi rin ako mag papakita sa kanila. Nag dahilan lang akong hahanapin ko muna ang sarili ko bago ako bumalik sa para mag aral at kapag bumalik ako ay mag papaka tino na ako.

Pumayag naman sila dahil pagod na rin daw silang makipag usap sa guidance namin dahil sa mga kalokohan ko at inaasahan nilang tutuparin ko ang pangako kong mag papakatino pag balik ko.

Kalahating taon muna ang lumipas bago 'ko nakausap ng matino sina Mike. Dinala nila ako sa iba't ibang lugar para makalimot at nanghingi ng sorry dahil pati sila ay nadamay sa mga nangyari sa'kin, di tuloy sila nakapag aral.

Isang taon ang lumipas saka ko lang kinausap sina Mommy. Pinagalitan nila ako pero sinabi ko namang malapit na akong tumino kaya hinayaan na rin nila ako. Nag paalam akong hindi ulit papasok sa susunod na school year, wala silang nagawa kundi ang sumangayon nalang dahil hindi talaga nila ako mapipilit na umuwi hanggat hindi ko pa gusto. Sinubukan nga nilang putulin ang savings ko pero no'ng isang linggo mula nang pinutol 'yon ay binalik din nila.

Sa loob ng isang linggong 'yon wala silang narinig sa'kin. Paniguradong si Mom ang nag pabalik no'n. Kahit naman putulin nila 'yon nandiyan naman sila Jhom eh, alam kong hindi nila ako pababayaan.

Napaka swerte ko sa kanila, sobra.

Sinulit nga namin ang pag sistay sa ibang bansa. Isa't kalahating taon pa ang lumipas ay inutusan na ako ni Dad na umuwi na dahil sobra sobra na ang pag sistay ko sa ibang bansa. Umuwi nga ako at inayos ko ang sarili ko. Hindi ko na gaanong naiisip si Kathy, hindi na ako nasasaktan sa past na meron kami, hindi na rin ako bitter na nag pakasal siya kay Allen.

Gaya ng pangako ko sa magulang ko inayos ko ang pag aaral ko. An'dami kong nakuhang award ngayong taon at hindi na ako nasasama pa sa mga gulo. Proud na proud na sa'kin ang magulang ko, pero pag nalaman nilang napa away nanaman ako nitong nakaraang araw paniguradong kukwestyunin nila ang mga pangako ko.

Nauna kaming umuwi ni Jerick sa bansa. Hindi talaga nalalayo sa'kin si Jerick na kahit saan ako mag punta ay susundan niya ako, gano'n siya ka loyal.

Lumipas ang ilang saglit ng pakikipag kwentuhan sa kanila ay nag decide na akong umakyat sa kwarto ko dahil bigla akong inantok.

Hindi na ako nakapag dinner pa dahil nag patuloy ang tulog ko hanggang sa mag umaga.

Lumabas na ako para painitin ang makina ng motor ko, ready na rin akong pumasok

"Johnny!"

Agad akong lumingon sa tumawag sa'kin. Dalawa lang naman tumatawag sa'kin ng gano'n, si Allen lang at Kathy.

"Bakit?"

Tanong ko kay Kathy

"Di ka man lang ba mag bi breakfast?"

"Kumain na ako sa kwarto ko"

"Dito ka ba mag didinner mamaya?"

"Di ko pa alam. Dipende kung magyayaya sila Mike"

Tumango tango siya.

"Sige, ingat sa pag momotor"

Nginitian ko siya saka sumaludo at pinaharurot na paalis ang sasakyan ko.

Pag dating ko sa parking lot biglang nag init ang ulo ko dahil may naka park sa parking space ko.

"Sir dito nalang po kayo mag park"

Agad akong bumaba sa motor ko saka nag tanggal ng helmet.

"Sino nag park dito? Diba sinabi ko nang ako lang ang pwedeng mag park dito?"

"Kuwan kasi Sir-"

"Sinong may ari ng motor na 'yan?"

"Kasi Sir-"

"Paki tawagan naman at pasabing alisin ang motor na 'yan sa parking space ko"

Inis na sabi ko sa kaniya. Kaya pinaka dulo ang parking space na kinuha ko para malayo sa mga makukulit na babae.

"Sir-"

"Paki tawagan nalang manong. Sino bang may ari niyan?!"

"Ako"

Sabay kaming napalingon sa nag salita.

Parang gusto kong umatras nalang ngayon at mag hanap ng ibang parking space.

Sobrang sama ng awra niya, parang isang salita ko pa tatalsik na ako sa kinatatayuan ko.

"'yong motor mo kasi-"

"Bakit? Magkano ba ang binayad mo sa kapirasong lupa na 'to para sabihin mong sa'yo ang space na 'to?"

Sinenyas niya ang parking space na kinalalagyan ng motor niya.

"Wala"

"Wala naman pala eh"

"Pero kasi-"

Hindi ko alam kung bakit pero nakakatakot talaga siya ngayon.

"Huwag mo muna pairalin yang kabadingan mo ngayon pula"

"What?!"

"Ang sabi ko-"

"Alam mo? Alisin mo nalang 'yang motor mo diyan para-"

"Bakit ko naman gagawin yang sinasabi mo?"

"Dahil ako ang nag papark diyan."

Dipensa ko

Nag papalit palit lang ang tingin samin ng gwardiya, parang hindi malamang kung sino kakampihan o kung paano papasok sa usapan namin

"Wala akong panahon sayo"

Kinuha niya ang gamit niya sa motor niya at akmang aalis na

"Teka parking space ko 'to"

Habol na salita ko sa kaniya. Bigla siya humarap sa'kin.

Bakit pakiramdam ko lagi kong pinag sisisihan ang mga sinasabi ko pag humaharap na siya na alam kong medyo foul ako mag salita.

"Ipakita mo ang titulo ng lupa na pag aari mo 'yan"

"Ano bang sinasabi mo?!"

Naiinis na tanong ko

"Putcha-"

Rinig kong bulong niya sa sarili niya

"-Alam mo ba kung bakit walang naka park diyan no'ng dumating ka dito?"

Natigilan ako

"Hindi"

"Pwes alamin mo!"

Mariing aniya saka ako nilayasan.

"Sir free pa naman po ang sa tabi ng motor ni Ma'am Vilarde-"

"Bakit nga ba walang naka park ditong sasakyan dati manong?"

Pansin ko kasing apat na space ang walang nakaparada doon nang dumating ako kaya doon ko pinili.

"Kay Ma'am Vilarde kasi 'yang parking space-"

"Ha?! Bakit di niyo agad sinabi?"

"Eh Sir, sasabihan ko naman na sana kayo kaso hindi niyo ako pinapatapos mag salita"

Bwiset! Ilang beses na ba akong napahiya sa harap niya.

"Hindi ko rin alam pero parang ilag na ilag sila na lumapit sa parking space ni ma'am kaya dito lang maraming bakante. Diyan nalang kayo mag park sa tabi ng motor ni Ma'am Vilarde, wala pang umaangkin diyan"

Muntik pa akong mapapikit sa kahihiyan sa harap ni manong.

"Sige manong salamat po"

Pinark ko sa tabi ng motor ni Raya ang motor ko.

"Mukhang bago"

Bulong ko sa sarili ko dahil ang kintab pa ng itim niyang motor at mukhang hindi pa nagagasgasan.

"Bwiset, kaniya palang parking space 'to"

CRENZ'S POV

"May schedule na tayo sa top 50 students exam at foundation day diba?"-Sandra

"Mm, 3 weeks nalang bago mag foundation day then next month pa ang top 50"-Nemi

Pumasok si Hans sa tambayan namin na may dalang papel

"Ano 'yan?"-Sandra

"Schedule for band competition"

Tumingin ako sa kanila habang nakahawak ang daliri ko sa labi ko. Lumingon silang tatlo sa'kin.

"Bakit?"

Tanong ko sa kanilang tatlo

"Nag papractice naman na kayo diba?"

"Last week ata nag start na sila"

"Eh ikaw?"

Napa sandal ako ng di oras

"O-oh-"

"Crenz? Tinatakasan mo nanaman ba sila?"

Nag aalangan pa akong tumingin sa ibang lugar.

"Crenz?"

"Naiihi ako, punta muna ako sa CR"

"Crenz-"

Nag mamadali akong lumabas ng pinto saka mabilis na nag lakad pa palayo sa tambayan.

Pinilit lang kasi nila akong sumali sa banda na 'yon kasi nakitaan daw nila ako ng potensyal sa pag eelectric guitar.

Wala naman akong balak hindi sumali sa kanila sa practice, medyo ayaw ko muna sumali ngayon.

Tumingin ako sa likod para tingnan kung naka sunod ba sila sakin. Nang makita kong di sila sumunod ay agad akong tumingin sa dinadaanan ko.

*BOGSH/SPLASH*

Napa tingin ako sa damit kong napaliguan ng juice

"What the hell!!"

Malakas na sigaw no'ng naka banggaan ko

Bigla niya akong tinulak sa kanang balikat ko kaya bahagya akong napaatras.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"

Nakatingin lang ako sa kaniya na parang inaalam kung anong karapatan niya para ganoonin ako.

Dumarami ang mga tumitingin sa'min.

"Ah! Ikaw pala? Diba ikaw 'yong feelingerang mayaman na naka pasok lang naman dito dahil kay Sandra?"

Tiningnan ko siya ng may pag tataka. San ba nila nakukuha yang mga information na 'yan?

"Tapos ka na? Naiihi na ako"

Seryosong sabi ko sa kaniya.

Napa bungisngis ang mga nakapaligid sa'min sa sinabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin.

"How dare you!"

Bigla akong inantok. Kingina, bakit ba ang dalas kong antukin? Nalalagkitan na ako sa damit ko, kailangan ko nang mag palit.

Tiningnan ko lang siya saka siya nilampasan

"We're not yet done!"

Mariin niya akong hinawakan sa braso kaya agad akong napatingin sa kaniya. Medyo bumaon ang mahaba niyang kuko sa braso ko pero hindi ako nag pakita ng reaksyon. Mabuti nalang at hindi ko naiisip na kantiin siya.

"Bitaw"

"Mag sorry ka"

Ano raw?

Bigla akong napa ngisi

"Ako na nga natapunan mo ng juice tapos ako pa mag sosorry?"

"Look how stupid you are! Hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo!"

"Eh ikaw? Kung tumitingin ka rin sa dinaraanan mo sa tingin mo ba mabubunggo mo ko?"

Mas dumiin ang pag kakabaon ng kuko niya kaya no choice ako kundi hawakan ang isa niyang daliri at sapilitang ipaabot sa likod ng kamay niya.

"A-ah-"

"Bitaw"

Mahinahong sabi ko sa kaniya kaya napa bitaw siya.

"Bitch! Ang kapal ng mukha mo!"

Akma niya akong sasampalin nang umatras ako para hindi niya maabot kaya napasampal siya sa hangin.

"Woooh!"

Hiyaw ng mga nakapaligid sa'min. Hindi ko na napigilan pa ang hikab ko. Humikab ako sa harap niya.

Kung ako siguro hinikaban nito paniguradong sa isip ko ay ang boring niyang kaaway.

"Angela, ano bang ginagawa mo?"

May lumapit sa kaniyang dalawang babae. Napangisi ako sa pangalan niya

"What's funny bitch?!"

Naiinis na tanong niya

"Angela pangalan mo pero demonyo ka?"

Nakangiting ani ko kaya natawa ang mga naka paligid sa'min. Hindi ko malaman kung kanino ba talaga ang simpatya ng mga 'to eh.

"Look who's saint who don't want to apologize-"

"Ang dami mo nang sinasabi. Pangarap mo bang maging public announcer? Sa palengke?"

Lalong natawa ang mga tao

"Huwag mo akong igagaya sayong walang pera, dukha at hampaslupa. Eh 'diba nga mag sasaka lang ang magulang mo?"

Parang gusto ko siyang pakainin ng papel dahil sa sinabi niya. Nag bulung bulungan ang mga tao sa paligid naming sa narinig nila.

Bwiset san niya nakuha yang mga information na yan?

"At least marangal. Masyado ka naman atang maraming alam sa'kin? Interesado ka ba sa'kin?"

Parang mangangain na ng tao ang tingin niya.

"Makapal talaga mukha mo 'no?"

"Mas makapal naman 'yang sa'yo. Lakas mong idamay ang magulang ko bakit ano bang pinag mamalaki ng magulang mo?"

Bigla siyang ngumisi at nag cross arm saka ako tinaasan ng isang kilay

"Well, my father is a politician at kayang kaya akong pag tapusin sa mamahalin pang university-"

"Ahh.. politiko? Anong klaseng politician? Kurakot?"

"Damn you!"

Susugod na sana siya nang pigilan siya ng mga kasama niya.

"Huwag ka nga pumatol sa basura Angel"

"Tara na sis, 'wag mong I stress ang sarili mo sa walang kwentang tao"

Gatong ng dalawa niyang kaibigan. Napahikab ako muli.

"Aba talaga-"

"Tara na"

Hinila na siya no'ng dalawa niyang kasama palampas sa'kin pero binangga muna no'ng isa ang balikat ko bago makalampas sa'kin.

Nag si alisan na rin ang ibang nanunuod sa'min

"Lagkit"

Tiningnan ko ang damit ko

"Here"

Umangat ang tingin ko sa lumapit sa'kin at nag offer ng baby wipes. Isa siya sa kasama ni Pula sa grupo nila.

Tiningnan ko ang name patch niya 'Mike' ang pangalan niya.

Kinuha ko wipes na inoffer niya saka siya maangas na tinapik sa balikat at nilampasan.

Ayoko na mag salita pa dahil masyado na akong maraming nasabi sa buong maghapon, nanganagwit ang panga ko.

Pumunta ako sa locker area at kumuha ng t-shirt saka pumunta sa CR.

Mabuti nalang sa CR dito ay wala gaanong gumagamit dahil sobra nga nilang arte.

Hindi ko alam kung paano nila napipigilan ang pantog nila sa buong mag hapon.

Pag dating ko doon ay agad akong nag punas ng katawan gamit ang wipes sa natapunan na part at nag bihis.

Pag labas ko doon sa CR ng mga babae ay madadaanan ko ang CR ng mga lalaki.

Nakarinig ako ng sumusuka sa sink malapit sa CR ng mga lalaki.

Nang makalapit na ako doon ay agad kong nakita kung sino 'yon.

"Parang nag papahiwatig nanaman ang panahon na makikita ko na naman si Pula ah"

Si Jerick ang nakita ko. Nakaupo na siya ngayon sa gilid ng bukana ng hallway.

Para siyang lantang gulay dahil sa sobrang putla niya. Nakahawak siya sa braso niya na parang may masakit doon. Tumulo rin ang dugo sa ilong niya.

Huminto ako sa harap niya. Nakaramdam kasi ako ng awa sa itsura niya.

"Oh, punasan mo yang dugo mo sa ilong"

Umangat ang tingin niya sa'kin at parang nag tatanong ang itsura.

Umupo ako sa tabi niya, naka sandal siya sa may pader.

Mabuti nalang at walang dumaraang estudyante kundi pinag pyestahan na siya.

"Ako na nga"

Pinaharap ko siya sa'kin saka ko marahang dinampi ang wipes sa baba ng ilong niya.

Iniiwas niya ang ulo niya.

"Teka hindi pa tapos"

Tinapos ko na ang pag punas ng dugo sa ilong niya.

Umayos ako ng upo sa tabi niya saka nag cross arm at pumikit.

"Anong ginagawa mo? Malilate ka sa klase mo-"

"Tinatamad akong pumasok."

"Ha?"

Hindi ko na siya sinagot.

Matunog siyang ngumisi.

"Ang cool mo talaga"

"Sabi nga nila"

Mahina siyang napa bungisngis.

"Sigurado ka bang-"

"Gisingin mo ko kung kaya mo nang tumayo"

Hindi ko man siya nakikita ay alam kong nakatingin siya sa'kin.

"A-ah nga pala, pag pasensyahan mo na si Liphyo sa sinabi niya no'ng nakaraan."

Palihim akong napangisi. Kung anong kinabait ng mga kaibigan niya, 'yong namang kinasama ng ugali mo Pula.

"Hindi ako mapag tanim ng sama ng loob. Hayaan mo siyang sabihin lahat ng gusto niya. Kay Princess nga hindi siya umobra, sa'kin pa kaya?"

"Pero mabait naman siya-"

"Lahat naman tayo may tinatagong ganda ng ugali, pero yung sa kaniya mukhang gusto niya nalang talagang itago."

Nanghihina na tumawa siya

"May sugat ka"

Puna niya. Napadilat ako saka tiningnan ang braso ko.

"Malayo sa bituka"

Muli akong pumikit.

Hindi na siya nag salita pa at hindi ko na namalayan pa ang oras dahil inaantok talaga ako.

Nagising nalang akong naka hilig sa balikat niya habang siya ay tulog din.

Napaayos ako ng upo saka ko siya tiningnan.

Namumutla pa rin siya pero hindi na tulad ng kanina.

"Hoy"

Bahagya ko siyang inuga.

"Uhmm?"

Dumilat siya.

"Ok ka na ba?"

Dahan dahan siyang tumayo pero nakasandal pa rin siya.

"Ano? Ayos ka na ba?"

Bigla nanaman siyang napa takbo papunta sa sink at sumuka. Napansin ko rin ang mangilan ngilan niyang pasa sa braso niya.

Lumapit ako saka hinimas ang likod niya

"Hindi ko alam na kasama na pala ngayon sa allergy symptoms ang mga pasa mo"

Bigla akong napaisip

"Pumunta ka na sa clinic-"

Sumenyas siyang 'wag na.

"Sa pagkain lang 'to sa canteen. Allergic kasi ako sa shrimp. Nakalimutan nilang palitan 'yong menu-"

"Edi mas dapat lang na pumunta ka sa clinic dahil sa allergy mo"

Umiling siya saka nag hilamos.

Inoffer ko ang pinag hubaran kong damit. Hindi naman madumi 'yon, 3 hours ko palang suot iyon atsaka mabango naman 'yon, alagang Nathalie Martin yata ako.

"Salamat"

Kinuha niya 'yon saka pinamunas sa mukha niya.

Binalik niya rin sa'kin pag tapos niya.

"Sa'n ka ngayon?"

"Uuwi ako"

"Uuwi ka? Makakapag drive ka ba niyan?"

"Kaya ko naman-"

"Diyan ka lang"

"Ha-"

Tinalikuran ko siya saka kinuha ang cellphone ko. Dinial ko ang number ni Hans.

"Crenz? Kanina ka pa namin hinahanap"

"Nasa likod ako, sa CR"

"Anong ginagawa mo diyan? Nabalitaan namin 'yong nangyari sa inyo ni Angela"

"Wala akong panahon sa kaniya. Pumunta ka dito sa CR ng mga lalaki ngayon na"

Pinatay ko ang cellphone

"Pahatid nalang kita kay Hans"

"Kaya ko-"

"Kargo ka ng school kung may mangyaring masama sayo sa labas. Class hour ngayon kaya kung gusto mong makauwi, sundin mo nalang ako"

Sumandal siya sa sink at saka suminghot nang suminghot, minsan pa'y bumabahing at nangangati.

"Crenz"

Sabay kaming lumingon kay Hans

"Jerick?"

"Hans, hatid mo siya sa kanila-"

"Pero class hour"

"Hindi rin naman siya makaka pasok-"

"Edi sa clinic"

"Ayoko sa clinic"

Huminga ng malalim si Hans

"Ok pero kailangan muna nating dumaan sa clinic para iapprove nilang pwede ka nang umuwi"

"A-ayaw kong dumaan sa clinic"

Nag iwas siya ng tingin sa'min.

"Pero hindi ka nila palalabasin"

Katwiran ni Hans

"Hans"

Bantang tawag ko sa kaniya.

Napapikit siya saka huminga nang malalim.

"Ok, let's go"

Inalalayan siya ni Hans papasok sa hallway at nag lakad na sila papalayo.

Ako naman ay nag tungo sa canteen saka hinanap ang head nila doon.

"Bakit?"

Maangas na tanong niya sa'kin.

Bigla akong napangisi. Hindi ata ako kilala nito.

Pinakita ko ang I.D. ko at badge ko as student council.

Napaatras siya ng konti pag ka kita niya.

"May studyanteng nagka allergy sa pagkain niyo dito."

"Sila ang nag oorder, dapat alam nila kung anong bawal sa kanila."

Seryosong tiningnan ko siya.

"Hindi sila ganoon katanga para hindi maisip iyon."

"Oh anong problema?"

"Outdated ang menu niyo."

"Outdated?"

"Hindi mo alam ang outdated-"

"A-ah excuse me"

Sumulpot nalang bigla si Pula sa likod ko

"Ako na kakausap sa kaniya. Masyado kang impulsive mag salita"

Bulong niya sa'kin.

Umatras ako ng konti para pahintulutan siyang makipag usap sa manager ng canteen.

Alam kong magaling siyang makipag usap sa ibang tao, pwera lang sa'kin dahil lagi siyang nag mumukhang tanga sa harap ko.

"'yong menu kasi kanina hindi agad napalitan. Yung soup kanina akala namin ay sinigang since 'yon ang nasa menu niyo. Late na nila pinalitan na shrimp soup 'yon kaya dalawa sa kasamahan namin ang inatake ng allergy"

Paliwanag niya.

"Kung gusto niyo pang manatili dito, ayusin niyo ang trabaho niyo."

Singit ko na dahil na bibiwiset akong may napapahamak.

"Bastos bibig mong bata ka-"

"Maangas ka? Maganda nang maging bastos sa salita kesa maka patay gaya niyo"

"Aba-"

"Baka gusto mo pa 'tong umabot sa Principal? Tingnan natin kung sino ang mas tama sa'tin"

Maangas na ani ko. Kumukulo dugo ko sa kanila.

Gusto kong bangasan ang mukha nila isa isa. Wala na atang nangyaring maganda ngayong araw.

"A-ah, Sir kailangan niyo kasing ayusin ang pag lalagay ng menu niyo araw araw dahil baka may iba pang mapahamak-"

"Wag ka na mag paliwanag diyan. Hayaan mong ang Principal ang kumausap sa kaniya."

"Raya?"

Sinamaan ko siya ng tingin

"Wala akong pakealam kung nakanino ang simpatya mo Pula. Kaibigan mo ang napahamak kaya wag mo akong kontrahin"

"Wala akong pinapanigan-"

"Pwes manahimik ka!"

Napaatras siya sa sigaw ko.

"Mr. Roland."

Napatingin kaming tatlo sa nag salitang si Sandra kasama sina Nemi, JM at ang kambal.

"Ma'am Cassandra."

"You're fired. Pack your things and leave this school. Hindi namin pinangarap na masira ang reputasyon ng school na 'to dahil sa kapabayaan niyo."

Nagulat ang manager

"Pero ma'am-"

"Hindi ka rin marunong makinig. Hindi lang ito ang unang pag kakataon na outdated ang mga menu niyo. Hindi ka rin nakikinig sa mga student council-"

Tinuro ako ni Sandra

"Naka ilang warning ka na. Alam mo ba kung bakit hindi kami dito kumakain? Hindi masarap ang mga niluluto niyo-"

"Cassandra?"

Saway sa kaniya ni Pula

"Ikaw? Ano pang ginagawa mo dito? Nasa hospital ang kaibigan mo dahil sa kapabayaan ng mga 'to-"

"Ha?!"

Nag madali siyang tumakbo palabas ng canteen dahil sa narinig niya.

Nagulat din ako sa narinig ko. Mabuti nalang at si Hans ang pinag hatid ko sa kaniya.

"Ma'am-"

"Buong team niyo ay terminated na. Umalis na kayo"

Nag lakad na sila paalis

"Tara na master"

Inakbayan ako ni Migs kaya siniko ko siya ng bahagya, ayaw kong may umaakbay sa'kin.

"Ayos ka lang master? Bwiniset ka nanaman ba ni Attienza kaya ka sumigaw kanina?"-Jigs

"First time ko narinig na sumigaw si master ng gano'n"-Migs

"Tss.."

"Pilsamor"-Sandra

"Uhm?"

"Sabihin mo sa Royal info. na nag rerequest ako ng chef para dito sa canteen"

"Noted"

Nag patuloy kami sa pag lalakad

"Crenz?"

"Oh?"

"Ano 'yong engkwentro niyo kanina ni Angela?"

"Nabunggo namin ang isa't isa then ako sinisisi niya."

"Hinayaan mong ganoonin ka niya? Muntik na siyang patulan kanina ni Handriko dahil sa nangyari sa inyo"

Napailing ako. Kahit kelan ka talaga Handriko, pati ba naman babae.

"Anong gusto mong gawin ko? Patulugin siya sa harap ng maraming tao? Mahaba ang pasensya ko pag sa sibilyan. Pag pinatulan ko siya-"

"Ok ok.. but next time-"

"Cassey tawag kayo ni Mr. Montilla sa principals office"-Princess

"Hi cess!"-Kambal

Inakma niyang sisipain ang dalawa nang umatras ang kambal.

"Tado kayong dalawa, nabasag 'yong vase sa may bintana ko dahil sa pag bato niyo"

Gigil na sabi niya sa kambal

"Hindi ka namin ma contact sa cellphone eh edi nag padala nalang kami ng sulat sayo"

"At binalot niyo pa sa bato?!"

"Syempre-"

Hinabol niya ang dalawa

"Tumigil na nga kayo"-Nemi

Huminto na si Cess

"Tsk.. tara na sa P.O."

Sabay sabay na kaming nag lakad habang nang aasar pa rin ang kambal.

Kumatok si Sandra sa office

"Come in"

Pumasok kaming lahat sa Principals office.

"Umupo kayong lahat. Nasan si Hans?"

"Nasa hospital"

Iba ang awra ngayon ni Mr. Montilla mukhang galit siya.

"Nasan na 'yong manager ng canteen?"

"Nasa canteen pa rin Sir pero sinabihan ko ng terminated na sila"

Huminga ng malalim ang Principal.

"Napapagod na ako sa engkwentro niyong lahat ah. Lalo ka na Vilarde."

Tiningnan ko lang siya

"Sinabihan mo na kurakot ang tatay ni Corpus? Anong karapatan mong sabihin iyon sa kaniya?"

Napakunot noo ako sa narinig ko.

"Ano rin ang karapatan niyang sabihing mag sasaka lang ang magulang ko?"

Kumunot din ang noo ni Mr. Montilla

"Sinabi niya iyon?"

"Hindi ko ugaling makipag palitan ng masamang salita sa mga taong wala namang pakinabang sa'kin. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang information na magsasaka ang magulang ko, iilan lang naman ang nakakaalam ng pinag mulan ko."

Napasinghap nanaman si Mr. Montilla

"Kaya mo sinabing kurakot ang magulang niya?"

"Hindi ko sinabing kurakot ang magulang niya. Tinanong ko kung anong klaseng politician ang magulang niya, kurakot?"

"Kahit na! Hindi mo pa rin dapat sinabi 'yon!"

"Wala rin siyang karapatang maliitin ang magulang ko. Marangal ang trabaho nila hindi tulad ng mga nasa politiko na karamihan ay nasisilaw sa kaban ng bayan."

"Hindi na ba talaga mababago 'yang ganiyang ugali mo Vilarde?"

"No'ng napatulog ko ang mga tauhan mo noong nakaraang taon, nilinaw ko na sayong marunong akong gumalang pero piling oras at tao lang. Kung aalisin mo ako bilang bodyguard-"

"No, hindi ko naisip na paalisin ka. Vilarde, para ko na kayong anak lahat dito, ayokong dumating sa puntong mapapahamak ka diyan sa ganiyang ugali mo"

"Salamat sa concern Sir pero ako na bahala sa sarili ko kung dadating man ang oras na sinasabi mo"

Nauubusan ng pasensiyang bumuntong hininga siya.

"Kumusta si Lim?"

"Nasa hospital siya kasama ni Hans"

"May ipampapalit na na kayo mag luluto sa canteen"

"Naka usap ko na si JM sa bagay na yan"

"Huwag mo na ulit kakalabanin si Angela, Vilarde"

"Bukod sa wala akong pakealam sa kaniya ay hindi ako natatakot sa kaniya. Pwede niyong tingnan ang CCTV para makita niyong sinubukan ko siyang iwasan pero siya 'tong humahanap ng sakit sa katawan"

Humalukipkip ako saka sumandal

"Tiningnan ko na ang CCTV. Pero muntik mo nang mabali ang daliri niya"

"Mabuti lang sa kaniya 'yon. Pasalamat nga siya isang daliri lang 'yon. Apat na kuko ang bumaon sa braso ko"

Saka ko ipinakita ang braso ko.

Sinenyasan niya si Migs na kumuha ng first aid kit.

Agad namang sumunod si Migs at ginamot ang braso ko.

"Pumunta kayo sa hospital at I explain sa magulang ng studyante ang nangyari dito. Kung gusto nila akong makausap, sabihin niyong aantayin ko sila dito bukas. Unico hijo ng gobernador 'yon, malamang ay sobrang magagalit iyon."

Inantay muna nilang matapos si Migs sa pag lilinis ng sugat ko.

Tumayo na kaming lahat.

"Mauuna na kami Sir"

"Mag iingat kayo sa pag punta doon"

Bahagya silang yumuko para mag paalam. Tinanguan ko lang ang Principal.

"Tara"

Lumabas na kami

"May aasikasuhin pa ako, mauna na ako sa inyo"-Princess

Umalis na siya. Nag tungo kaming lahat sa parking lot.

Sumakay kaming lahat sa Van.

"Sa susunod Crenz bangasan mo na agad ang mananakit sayo"

"Tsk.. igagaya mo pa ako sayong may pagka amazona"

"Syempre ako may karapatan akong magalit dahil napahiya ako. Wala namang karapatan-"

"In terms of rights, pareho kayong walang karapatang manakit kapag galit kayo. Pero 'yong sayo naiintindihan ko, pero 'yong saltik no'ng isang 'yon. Sino ba 'yon?"

Pinaandar na ni JM ang sasakyan

"Senator ang Daddy niya at die hard fan siya ni Liphyo Attienza-"

"May gusto ka ba kay Pula?"

"Pula?"

"Attienza."

Inirapan niya ako

"Kumukulo dugo ko sa kaniya simulan no'ng pumunta tayo sa kabilang school para mag present"

"'yong akala mo nakikialam siya sa pang aaway mo sa'kin?"

"Yeah"

Katabi ko ngayon si Sandra dahil wala si Hans sa tabi niya. Ganito kami lagi para masiguro ang safety ni Sandra.

Tatlo lang naman kaming tumatabi kay Sandra, ako, Nemi at Hans.

"So wala kang gusto sa kaniya?"

"The heck! Syempre wala"

"Loyal 'yang si Sandra sa lalaking hindi naman siya ang gusto"

"Shut up Nemi"

Kunot noong baling ni Sandra kay Nemi

Nag cross arm ako saka muling pumikit.

"Kilala namin 'yan!"-Migs

"Oo nag sisimula sa R-"-Jigs

"Mananahimik kayo o sisipain ko kayo pababa?"

Banta niya

Bahagya akong napangiti.

"Wag kang mag alala Sandra, uuwi na 'yon"

"Ano ba Jigs?!"

Tumawa ang kambal

"Tantanan niyo na si Sandra, namumula na-"

"Crenz! Pati ba naman ikaw?"

"Oy, tinutulugan na nga kita eh"

Ngumiti ako. Hinawakan niya ang sugat ko sa braso

"Aray"

Inirapan niya ako.

"You deserve it"

Umiiling na mahina akong tumawa.

"We're here"-JM

Nauna na akong bumaba since ako ang malapit sa pinto.

"Tara"

Lumapit kami sa guard.

"Bibisita po ba kayo? Hindi po visiting hour-"

"Ah kuya"

May pinakitang card si Sandra

"Sige po ma'am pasok po kayo"

Pumasok na kaming lahat sa hospital.