Nag tanong kami sa Information desk.
"Miss anong room ni Jerick Lim?"
"Hindi po visiting hour ngayon ma'am"
"Here"
Pinakita niya ang card na pinakita niya rin sa guard kanina.
"A-ah ano po ito?"
Tiningnan siya ni Sandra na parang nag tataka.
"Bago ka lang ba dito?"
Dahan dahan siyang tumango.
"Paki tawag ng nurse dito na matagal na dito nag tatrabaho"
Pakiusap ni Sandra
"Po?"
"Miss please we're in hurry!"-Migs
"W-wait po"
Agad siyang umalis
Naiinip na napa tap tap ang paa ko sa sahig. Ganoon talaga ako pag naiinip.
Tiningnan ako ni Sandra
"Wait lang"
Sabi niya sa'kin.
Nag tatakang tumingin ako sa kaniya.
I mean ok lang naman ako kahit matagalan pa 'yong babae, ang mahalaga lang naman ay ligtas siya(Sandra).
Inaalala niya rin pala ako.
Bigla akong napangiti. Pero naiihi na kasi ako kaya naiinip na ako.
Dumating na 'yong isang nurse
"Alam mo ba 'to?"
Nanlaki ang mata no'ng babae sa ipinakita ni Sandra
"Ma'am ano pong kailangan niyo?"
Ipinasok ni Sandra ang card niya
"Jerick Lim"
Agad itong tumingin sa screen ng computer nila
"Room 35 po ma'am"
"Thanks"
Mabilis na nag lakad na sila Sandra
"CR lang ako, Sandra"
Tumango siya sa'kin.
Hinanap ko agad ang CR. Nang maka ihi na ako ay binaybay ko na ang daan pa punta sa room ni Jerick.
Paliko na ako nang may nabunggo akong lalaki, Doctor siya.
Puro nalang ba bungguan ang maeencounter ko?
Nabitawan niya ang mga papel na hawak niya. Mukhang test results at iba't iba pang examination paper, may reseta pang dala. Mabilis niyang dinampot ang mga papel.
"Sorry" aniya
Tumango lang ako at nag lakad papalapit kina Sandra.
Nakasabay ko pa sa pag lalakad 'yong doctor saka siya pumasok sa kwarto kung saan ay may dalawang gwardiyang nakabantay sa labas.
"Sabi naman po ng Principal namin na kung gusto niyo po siyang makausap ay hihintayin niya po kayo sa-"
"No, hindi na. Ok naman na si Jerick at hindi ba sinabi mo na tinanggal na 'yong mga iresponsableng tauhan niyo sa canteen?"
"Yes po ma'am"
"That's enough for us, but next time kung kukuha kayo ng tauhan para sa mga food ng mga students make sure na hindi na kasing iresponsable no'ng mga nauna"
"Rest assured Ma'am"-Sandra
Ngumiti sa kanila si Mrs. Lim.
Lumabas sa kwartong pinasukan nung doctor sina Pula kasama ang mga kaibigan niya.
"Bakit kayo lumabas?"
"Pinalabas po kami ni Jerick no'ng pumasok yung Doctor. Pasok na raw po kayo Tita"-Pula
"Excuse me kiddos"
"Sige lang po ma'am"-Sandra
Pumasok 'yong babaeng kausap kanina ni Sandra sa kwartong pinasukan no'ng Doctor.
Napakunot noo ako.
LIPHYO'S POV
Nang sabihin ni Cassandra na hospital si Jerick, sobrang kaba and naramdaman ko.
"Jhonzel, nasan ka?"
Tanong sa'kin ni Jhom sa cellphone
"Nasa hospital si Jerick-"
"Ha?!"
"Mauuna na ako do'n. Tinext na sa'kin Hans kung saang hospital"
"T-teka teka san-"
Pinatay ko na ang tawag at agad nag drive papunta sa hospital na pinag dalhan kay Jerick. Ilang beses pang tumawag si Jhom pero hindi ko sinagot dahil nag dadrive ako
"Attienza"
Napalingon ako sa tumawag sa'kin.
"Hans?! Nasan siya?"
"Follow me"
Takbo lakad ang ginawa namin papunta sa kwarto ni Jerick.
"Anong nangyari?"
Pag dating namin doon ay wala pa ring malay si Jerick at inaasikaso ng mga doctor at nurse.
"Nang hihina na siya no'ng makita ko siya kanina, sinabihan ko na rin siyang pumunta muna sa clinic pero ayaw niya. Ihahatid ko na sana siya sa bahay niya kaso bigla siyang nawalan ng malay no'ng nasa daan na kami kaya-"
"Damn those foods"
Inis na sabi ko habang inaalala 'yong pagkain kanina ni Jerick no'ng pagkain na inorder namin.
Agad siyang namantal at gano'n din si Austin. Saka lang namin nakita na shrimp pala ang soup no'ng nag sulat 'yong isang lalaki sa white board.
"We're very sorry"
Naiinis na tiningnan ko siya
"Wala naman kayong kasalanan do'n"
Natahimik siya.
Tumawag muli si Jhom.
"The hell Jhonzel! Nasan kayo?!"
Inis na tanong niya
"'yong pinaka malapit na hospital lang-"
"Why you're not answering your fuckin' phone!"
"Nag mamadali ako atsaka nag dadrive ako"
Mahinahong paliwanag ko.
"We're on our way there."
Pinatay na niya ang tawag
"Tatawagan ko lang si Tita"
Paalam ko kay Hans, tumango lang siya.
Matapos ang limang ring ay sinagot ni tita ang tawag.
"Liphyo, hijo anong meron?"
Masayang bati niya.
"A-ah Tita, naka higop po kasi si Jerick ng shrimp soup-"
"Ha?!"
"Nasa hospital po kami ngayon-"
"Saang hospital?!"
"Sa Royal hospital-"
Biglang namatay ang tawag. Napatingin ako sa cellphone ko
"Sino ang relative ng pasyente?"
Sabay kaming tumingin sa Doctor.
"Papunta palang po 'yong mama niya. Ayos na po ba siya?"
Tumingin sa'kin 'yong Doctor.
"Stable na siya at gising na rin siya, pwede niyo na siyang puntahan sa loob. May ididiscuss ako sa magulang niya 'pag dumating siya."
"Thank you po Doc. Thank you"
Nag lakad na siya paalis.
"Pasok muna tayo-"
"Ikaw nalang"
Tinanguan ko siya
Pumasok ako sa kwarto ni Jerick. Tumingin siya sa'kin. Lumabas naman ang mga nurse na nag aasikaso sa kaniya.
"Hey? Ok ka na bro?"
"Bakit dito niyo ako dinala? Gusto ko nang umuwi"
Umupo ako sa tabi niya.
"Tsk! Kaya ka napapahamak eh, hindi ka kasi nakikinig. Sinabihan ka na raw ni Hans na pumunta sa clinic pero hindi ka nakikinig"
Nag iwas lang siya ng tingin.
Kinamusta ko ang lagay niya nang ilang beses, sinigurado ko talagang ok na ang pakiramdam niya.
Maya maya ay dumating na sina Mike.
"Pre, kumusta ka na? Ano?"
"Sabi ko naman sayo kanina diba na sa clinic ka na mag stay"-Jhom
Pinalibutan namin si Jerick
"Para kayong mga bakla. Ayos lang ako, allergy lang 'yon"
"Putcha? Nahimatay ka nga sa sinasabi mong allergy LANG"
Napanguso siya.
"Hina mo naman pre, buti pa ako puro lang pangangati tapos ikaw bumubulagta na?"
Natawa kaming lahat.
"Pinaalis na 'yong manager pati 'yong team nila na naka assign sa canteen"
"Serves them right"-Austin
"Bakit naman pinaalis nila? Isang beses palang naman ata sila-"
"Marami na raw silang naging warning kasi hindi lang isang beses naging outdated ang menu nila"
Huminga ng malalim si Jerick.
Hirap talagang maging mabait, mapapahamak ka na pero iba pa rin ang iniisip mo.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang Mama ni Jerick kasama ang dalawa niyang bodyguard
"Baby! Anong nararamdaman mo? Ayos ka na ba?"
Palihim kaming natawa, nang tingnan namin si Jerick ay ang sama ng tingin niya sa'min.
"Ma, ok na ako"
"Omy-"
"Ma, ayos nga lang ako"
"Are you sure?"
"Yes ma"
"Ok-"
May kumatok sa pinto
"Ma'am may nag hahanap po sa inyo"
Dumungaw sina Cassandra sa pinto.
"Sino?"
"Ma'am, school officers daw po"
Nagkatinginan kaming lahat.
"Ok, lalabas na ako-"
"Ma"
"Yes baby?"
"Huwag niyo na sila pagalitan. Pinaalis na nila 'yong mga gumawa ng shrimp soup kanina"
Kumunot ang noo ni Tita.
"Hindi ko ito palalampasin-"
"Ma, please"
Pag papaawa niya.
Huminga ng malalim si Tita.
"Ok"
Lumabas na siya saka kinausap ang mga tao sa labas.
"Anong gusto mong kainin Jerick?"
"Steamed shrimp"-Jerick
"Sige para mamaya wala ka nang hininga"
Sarkastikong sabi ni Mike.
"Sayang Dre wala ka kanina, di mo nakita 'yong away ni Corpus at Vilarde"-Jhom
"Napaka chismoso mo talaga"
"O-oh, di lang naman ako ang nandoon"
"Kahit na"
"Pero ang cool niya pre, kung ako 'yon baka ginantihan ko na 'yong babae"-Jhom
"Syempre, bakla ka eh"-Jerick
"Inamo! Hihintayin kong lumabas ka dito para masakal kita sa labas"
"Pero dumadamoves si Mike"-Austin
"Oh? Anong ginawa?"
Naalala ko nanaman ang ginawa ni Mike kanina. Muntik na akong matawa dahil doon.
"Binigyan niya ng wipes si Crenz, 'di nag thank you but instead tinapik lang siya sa balikat HAHAHA.. kung nandoon ka lang maaangasan ka sakaniya"
Bumungisngis si Jerick
"Nababaliw ka na? Ba't ka tumatawa diyan?"
"Sabi mo wipes diba?"
"Oo"
"'yon 'yong pinag punas ni Crenz kanina sa nosebleed ko"
Nagulat kaming lahat sa sinabi niya.
"So kasama mo pala kanina si Crenz?"
"Oo-"
"Siya nag punas?"
"Yep!"
Proud na sabi niya
"Oh wag mong sabihing magiging love square pa kayo nila Mike at Liphyo"-Jhom
Napakunot ang noo ko
"Love square pinag sasasabi mo?"
Dipensa ko. Nag init ang mukha ko.
"Tangina ka pre, kaya ka tinatawag na Pula ng prinsesa mo dahil diyan sa madalas mong pag bablush eh"
Tumingin ako sa paligid kung may pwede akong ibato pero wala akong makita.
"Tantanan niyo ako"
"Bading!"
"Inamo!"
Nag tawanan kaming lahat.
Pumasok ang Doctor sa kwarto.
"Doc"
"Nandito na ang results-"
"Wait Doc. Pre labas muna kayo, kakausapin ko lang 'yong Doctor"
"Pwede naman kami-"
"Ibabalita ko nalang sa inyo"
Nag katinginan kaming lahat.
"Ok, papapasukin nalang namin si Tita"
"Ok, thanks"
Lumabas na kami ng kwarto
"Bakit kayo lumabas?"
Agad dumako ang tingin ko kay Raya na parang malalim ang iniisip.
"Pinalabas po kami ni Jerick no'ng pumasok yung Doctor. Pasok na raw po kayo Tita" sabi ko
"Excuse me kiddos"
Nakipag tanguan sila kay Tita saka pumasok si Tita sa kwarto.
"Ok na ba siya?"-Sandra
"Stable na siya, baka maya maya ay makauwi na rin siya"
Sabi ko. Nakahinga naman siya ng maayos
"Thank God"
Bulong niya
"Dude, salamat sa pag dadala sa kaniya dito"
"Kung ganiyan din naman ang mangyayari sa isa sa mga kaibigan ko at kasama niyo siya, paniguradong ganito rin ang gagawin niyo"
Palihim kong sinusulyapan si Raya.
"Uhm? Sagot na namin ang hospital bills at iba pang kailangan ni-"
"Hindi papayag si Tita niyan for sure"-Jhom
"Kahit hospital bills nalang"
Pag iinsist ni Sandra.
"Tanungin mo si Tita, baka pumayag siya"
Naupo kaming lahat sa waiting area.
"Thank you Doc"
Sabay sabay kaming tumayo nang lumabas sila Tita sa kwarto. Umalis na ang Doctor.
"Excuse me Ma'am, mailalabas na po ba si Jerick ngayong araw?"-Sandra
"Pwede na raw pero mas gusto ko muna siyang iconfine para mamonitor siya dito."
Tumango tango kami
"Kami na po ang bahala sa ibang gastusin Mrs. Lim"
Nginitian siya ni Tita
"We can handle hija"
"I insist Madam, school pa rin po namin ang dahilan nito kaya hayaan niyo po kaming mag ambag ng bayad, kahit po ang hospital bills po ni Jerick kami na po ang sasagot"
Pinakatitigan siya ni Tita saka nginitian.
"Ok, if you insist but only the hospital bills"
"Yes ma'am, again sorry po sa nangyari sa anak niyo. Gagawin po namin ang lahat para hindi na maulit ang ganitong pangyayari."
Magalang na pahayag ni Sandra
"Aasahan ko 'yan"
"Yes ma'am"
"Good, anyway you can enter his room now"
"Thank you ma'am"
Pumasok na ang mga officer namin sa kwarto ni Jerick, sumunod na rin kami.
Kinamusta nila si Jerick habang si Raya ay malalim pa rin ang iniisip.
Nacurious tuloy ako kung ano ang iniisip niya.
"Ano Dre? Anong sabi ng Doctor?"-Austin
"Anemic din daw ako"
Sabi niya habang nakatingin sa'ming lahat.
Tumingin ako kay Raya
"Wag mong titigan, baka mahalata ka"-Jhom
Napatingin ako sa kaniya
"Anong titigan? Nababaliw ka na ba?"
Nag baling ako sa iba ng tingin
"Kanina pa malalim ang iniisip niya-"
"Oo nga ih"
Bigla siyang tumawa ng malakas kaya lahat sila ay napatingin sa'min. Agad kong tinakpan ang bibig niya.
"Nabaliw lang 'to, usap muna kayo diyan"
Sabi ko sa kanila. Hinila ko naman si Jhom sa gilid.
"Eskandaloso ka talaga"
Inis na sabi ko sa kaniya
"Sabi mo di mo tinitigan?"
"Eh iba ang awra niya ngayon eh"
"Edi tinitigan mo nga-"
"Tanga, tiningnan ko lang di ko tinitigan. Wag ka nga maingay baka mag selos si Mike"
Tumatawa siyang kunwaring nag zipper ng bibig
Lumabas si Raya nang tumunog ang cellphone niya.
"Oh 'wag mo sabihing susundan mo siya?"
"Sundan mo ulo mo. Sabi ko sayong tigilan mo ko sa kakaasar kay Raya"
Nang aasar na nag taas baba siya ng kilay.
"Torpe ka nanaman? Inamo, mauunahan ka nanaman tapos mag mumukmok ka ng isang taon?"
Siniko ko siya.
"Ano bang sinasabi mo. Ayusin mo pag aaral mo, 'wag mo alalahanin ang future ko"
"Naks! Future agad"
Hinead lock ko siya dahil sa sobrang daldal niya pero hindi naman sobrang higpit.
"Hoy, tama na nga kayo diyan. Aalis na sila, mag silayas na rin kayong apat"
Sabi sa'min ni Jerick
"Ang sama ng ugali mo"
"Oo nga"
"Heh! Magugulo kayo, kita nalang tayo sa susunod na araw"
"Tsk, wag mo madaliin ang pag pasok sa school. Kung hindi mo pa kaya 'wag mong pilitin"-Mike
"Oo na, sige na mag si balik na kayo sa school"
"Di na, dala na namin mga gamit namin, inabot na rin namin sa bodyguard ni Tita ang gamit mo"-Austin
Tumango siya. Nag paalam na kaming lahat kina Tita at sabay sabay na lumabas.
"Ingat kayo"-Mike
"Ingat kami o ingatan namin si master?"
Nang aasar na tanong no'ng kambal
Natawa naman si Mike
"'wag niyo asarin 'yan, shy type 'yan"-Jhom
Nag tawanan kaming lahat.
"Huwag kang mag alala tol di ka dapat kay Crenz mabahala, mas malakas pa sa'min 'yon eh"-Jonmar
"Pang kalahatan ang sinabi ko-"
"Pre nag eexplain na siya"
Natatawang asar ni Austin
"We'll go ahead na"
Pumasok na sila sa Van. Nandoon na rin pala sa loob si Raya.
Nakipag titigan muna sa'kin si Raya bago nila sinara ang pinto.
Parang may gustong sabihing ang mga tingin niya.
"Weird"
Bulong ko sa sarili ko
"Dre mauuna na rin kami"
Doon lang ako natauhan
"Ok ok, ingat sa byahe"
Nag paalam na kaming lahat sa isa't isa.
CRENZ'S POV
"What's with your long face?"-Nina
Nakangalumbaba akong tumingin sa kaniya habang umuupo siya sa harap ng mesa
"Hinahanap na ata ako ng magulang ni Chiggy Mil"
"Hinahanap? Why?"
Napatingin ako sa kawalan saka kwinento ang nangyari kahapon.
~FLASHBACK~
Pinapainit ko na ang makina ng motor ko nang may mag text sa'kin
~Unknown number~
Miss Yara, pwede ba kitang makausap? -Daniel
~
Daniel? Bigla akong napakunot noo. Paano niya nalaman ang number ko. Sinabi ba ni Hans?
Hindi ko na siya nireplayan. Nag tungo na ako sa school
Tumunog nanaman ang cellphone ko
~Unknown number~
Nasa labas na ako ng school ni'yo.
~
Nag init ang ulo ko. Ano bang kailangan nila?
Inis na pinark ko ang motor ko sa dati kong parking space saka lumabas ng school.
Nakita ko siyang nakatalikod mula sa gate ng school
"Anong kailangan mo?"
Kunot noong tanong ko sa kaniya. Agad siyang lumingon. Pinakatitigan niya ako ng matagal bago siya umiwas ng tingin saka tumikhim.
May inilabas siyang envelope, mukhang invitation.
"Sabi ni Cedric pumunta ka raw sa birthday party niya"
Tiningnan ko lang ang envelope
"Hindi ako interesado"
Tinalikuran ko na siya
"Please? You need to come"
Napahinto ako saka siya muling nilingon
"Binantaan ka ba nila?"
Nag iwas siya ng tingin.
"Bakit hinahayaan mong ganiyanin ka nila?"
Tanong ko na halos hindi ko na alam kung ano pang iba kong mararamdaman bukod sa inis.
"Hindi mo naiintindihan-"
"Matagal ko nang alam ang pasikot sikot ng bituka nila, ako pa ba ang hindi nakakaintindi?"
"Yara-"
Naiinis na tinulak ko siya sa kanang balikat niya
"Hibang ka ba? Nag papatakot ka sa babaeng 'yon?"
Gigil na tanong ko.
Si Daniel, kababata namin siya nila Hans kaya kilala ko siya.
"Huwag mo siyang sabihan ng ganiyan, kadugo mo pa rin siya."
"You knew how much I hate the blood's running through my veins"
Nakitaan ko ng awa ang mata niya kaya agad akong napabaling sa iba.
"Yara please be tired from running away"
Nag susumanong aniya.
"Paano mo nalaman ang number ko?"
"I have my connections"
"Paano mo nalamang nakabalik na ako"
Huminga siya nang malalim.
"Wacko. Tatlo palang kami ni Cedric at Chelsea na nakakaalam na bumalik ka na"
"Hindi ako pupunta"
"Pero pinapahanap ka na nila. Please Yara I really need you this time. May kasalanan kami sa kanila kaya kailangan naming mag bayad at ikaw ang kapalit."
Inis na napapikit ako saka lumanghap ng hangin dahil baka maubusan na ako ng pasensiya.
"Bakit kailangan kong madamay?! Bakit damay ako sa kasalanan niyo?! Kung kasalanan niyo dapat-"
Bigla akong natauhan sa sinasabi ko. Napa padyak nalang ako sa inis ko.
Gusto ko siyang sapakin.
Kinuha ko ang invitation card.
"Pasalamat ka marunong akong tumanaw ng utang na loob"
Gigil na sabi ko sa kaniya saka siya tinalikuran.
"Yara"
Hinila niya ako saka niyakap.
"Natakot ako no'ng umalis ka. Please 'wag ka na ulit aalis"
Hindi ko malaman kung ano ang irereact ko sa mga sinasabi at ikinikilos niya.
"Na miss kita, I still like your eyes and thank you"
Bulong niya saka niya ako pinakawalan at nag lakad palayo habang ako ay nakatayo pa rin sa kinatatayuan ko at tinatanaw siyang mag lakad papalayo.
Si Daniel ang pinaka tahimik sa kanila Hans na mag kakaibigan. Sabihin na nating pinaka seryoso din kaya hindi ko iniexpect ang mga ginawa niya kani kanina lang.
Kung hindi ko lang siya kilala baka bali na ang buto niya sa ginawa niya.
~END OF FLASHBACK~
"Then you'll come?"
Huminga ako nang malalim.
"Kaibigan ko si Daniel. Kahit naman bato ako sa kanila, hindi pa rin maaalis sa'kin na minsan na nila akong pinahalagahan at iningatan kaya malaki rin ang pasasalamat ko kina Hans"
Tumango tango siya
"Sabi mo sa'kin hindi mo sila tinataguan diba?"
"Hindi nga"
"Kailangan mo na ring bumalik. Alam mo bang maraming nag bago?"
"Tss.. alam ko."
"Mag pakita ka na sa kanila"
Mag papakita naman ako eh, hindi ko lang inexpect na mapapaaga pala.
May mahigit tatlong buwan pa ako bago mag pakita sa kanila.
Tumayo na ako at nag sabing mag papahinga na ako.
"Eh? Inumin mo muna 'tong milk-"
"Hindi na ako-"
Kinuha niya ang kamay ko saka inilagay ang gatas. Napatingin tuloy ako sa gatas at sa kaniya
"Drink it, hindi 'yong konting ambon lang nag kakasakit ka na"
"Tsk, si Tyro ang nag kakasakit sa konting ambon lang-"
"Hindi ba sinabi ko rin sayong uminom ka ng vitamins na binili ko"
Dali dali ko nang ininom ang gatas na binigay niya. Nag sisimula nanaman kasi siyang manermon.
"Yung vitamin C-"
"Done, matutulog na ko. Ipahinga mo na rin yang bunganga mo."
Nag madali na akong umakyat ng hagdan
"Eh, Crenzy dinner tayo sa labas bukas ah!"
Sigaw niya sa'kin pero hindi ko na siya sinagot.
Baka tinamad mag luto.
Bigla akong napa isip kung nasan nanaman kaya ang lakwatsero kong kapatid?
~~
Nag park ako sa katabi ng parking space ko. Medyo na guilty ako sa nangyari no'ng nakaraan sa'min ni Pula.
Kaniya na 'yang parking space na 'yan tutal lumalayo naman sa motor ko 'yong mga siraulong studyante dito.
Dahil ata sa mahirap ako kaya akala nila madudumihan ko sila. Tsk, mga sira tuktok.
"Yara!"
Boses palang alam na alam ko na kung sino
"Kain tayo sa tapsilogan diyan sa labas"
Masayang bungad niya. Di ko siya pinansin at nag patuloy sa pag lalakad.
"Crenz, sige na samahan mo na ako di pa 'ko nakapag breakfast"
Tinatamad na akong lumabas eh
"Libre ko"
"Oh tara na, sa'n ba sa labas?"
Pumihit ako pabalik sa pinasukan kong gate para lumabas ng school.
"Tsk! Pag libre talaga bilis ng kilos mo"
"Sino bang may ayaw ng libre?"
Ngisi ko sa kaniya.
Nag lakad kami palabas para kumain. Maaga pa naman kaya walang problema kung medyo matagalan kami. Pag dating namin sa tapsilogan, agad siyang nag order.
"Balita ko nag meet daw kayo ni Daniel?"
Nangalumbaba lang ako sa harap niya
"Anong sabi niya?"
Tumingin ako sa labas
"Iniinvite ako sa birthday party ni Cedric"
Na boboring na ani ko. Dumating na ang inorder namin.
"Tapos?"
"Wala na"
"Ahh.. kala ko may kawirduhan nanamang sinabi sayo eh"
Bigla akong napasandal sa upuan ko. Uminom siya ng tubig. Gawain na talaga niya 'yan, uminom ng tubig bago kumain.
"Wala siyang sinabing weird pero bigla niya akong niyakap"
Bigla niyang tinakpan ang bibig niya saka inubo ang tubig iniinom niya.
Nasamid ata.
Kung di niya tinakpan ang bibig niya paniguradong sakin niya 'yon mabubuga.
Nag cross arm akong tumingin sa kaniya habang mukha siyang tanga sa harap kong inaayos ang inubo niyang tubig.
"Fudge"
Bulaslas niya. Iiling iling na sinimulan kong kumain.
Kumain naman na ako sa bahay dahil hindi talaga ako palalayasin ni Nina na hindi kumakain.
Nang mapunasan niya na ang sarili niya saka siya nag simula na ring kumain.
"Paka baboy mo"
Sabi ko habang seryosong nakatingin sa kaniya
"Ginawa niya 'yon? Anong ginawa mo? Binalian mo?"
Umiling ako
"Nagulat din ako eh kaya hindi ko na siya ginalaw"
Tumingin ako sa labas.
Nakita ko si Pula na bumaba sa sidewalk tsaka lumapit sa isang bata.
"Sabi sa'kin ni Darwin nakausap ka na raw ni Tita?"
Tumango ako habang sa labas pa rin naka tingin
"Anong sabi?"
"As usual pinapauwi ako"
Inabutan niya ng candy ang bata saka lumuhod para mapantayan niya.
"Sama ako"-Hans
Bumaling ako kay Hans
"Sabi ni Mama dalhin ko raw kayo sa bukid pag umuwi ako doon"
"Ayown! Sakto, gusto talagang makilala ni Sandra si Tita eh"
"Si Sandra? Bakit?"
"Hindi ba nga mag sasaka si Tito, gusto ata ni Sandra mag adventure sa bukid at maranasan 'yong trabaho doon"
Sumunod ako
"Hindi pwede"
"Mapipigilan mo ba iyon?"
Tumingin ulit ako sa labas saka tiningnan ang bata.
"Familiar"
Bulong ko sa sarili ko
"Ha?"
Tumingin din siya sa labas
"Shit! Bakit nandito si Van?"
"Van?!"
Sabay kaming napatayo. Nag bayad muna siya at ako naman ay lumabas na saka tumawid kung nasaan si Pula at ang bata.
"Raya?"
"Hey Vandro, anong ginagawa mo dito?"
Tumingin sakin ang bata na parang kinikilala ako. Di ko siya masisisi dahil no'ng huli ko siyang nakita ay sanggol pa lang siya.
"I don't know you"
Naiinis na tiningnan ko siya. Sino bang nag babantay sa batang 'to, bakit siya pinabayaan.
"Vandro! What are you doing here?!"
Galit na tanong ni Hans
"Tito Hans!"
Tumakbo ito at yumakap kay Hans.
"You're not answering my question"
Seryosong sabi niya
Lumuhod si Hans para mapantayan ang bata.
"Him!"
Tinuro niya si Pula
"What's with him?"
"He's my bro"
Masayang sabi ng bata
"Bro?"
Tumingin kami pareho ni Hans kay Pula.
"He's my cousins son. Di ko alam na kilala niyo pala siya?"
Nag tatakang sabi ni Pula
"Bantay sarado 'to ng Papa niya ah, bakit kasama mo 'to?"
May inis sa boses ni Hans.
"Malapit lang dito 'yong bahay namin, dumalaw sa bahay si Ate Vane kasama siya. Basta sumunod siya sakin no'ng papasok na ako"
"Hindi ka nag iingat?! Paano kung hindi mo siya nakitang nakasunod sayo-"
"Hey hey, hindi ko-"
"Tama na"
Awat ko sa kanila
"Uy bata, delikado yang ginawa mo. Nasa'n magulang mo?"
"I can't understand"
"Dove sono i tuoi guardiani? Cosa stai facendo qui?"
(Where's your guardians? What are you doing here?)
Seryosong tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siya sakin.
"Sai parlare la lingua italiana! È così noioso a casa dello zio, quindi sono andato fuori a giocare!"
(You know how to speak Italian language! It's so boring in uncle's house so I went outside to play!)
Naiinis na tiningnan ko siya.
"Questo posto non è un parco giochi"
(This place is not a playground)
Ngumuso siya
"Tito will play with me!"
Masiglang aniya
Tiningnan ko si Pula, may pagtataka sa mukha niya.
"Anong pinag uusapan niyo?"
Kwinelyuhan ko siya.
"Kapag may nangyaring masama sa kaniya dahil sa kapabayaan niyo-"
"Tama na Yara"
Hinila ako palayo ni Hans kay Pula
"Sa school muna siya. Ako na ang mag sasama sa kaniya"-Hans
"Wait? Ano niyo ba si Van?"
"Anak siya ng kaibigan ko"
"We'll in that case ako na ang mag sasama sa kaniya dahil mas malapit niya akong relative"
"Ako na, napabayaan mo nga siya diba-"
"Hayaan mo siyang mag bantay sa pamangkin niya"
"Yara?!"
Maktol ni Hans
"Tsk.. hayaan mo siyang pag pyestahan sa social media"
Sabi ko saka tumingin kay Pula, nag iwas agad siya ng tingin.
*Ring*
Tumunog ang cellphone ni Hans.
"Mauna na kayo sa school may pupuntahan lang ako"
Sabi ni Hans saka lumayo sa'min.
"Sumakay ka na sa'kin"
Sabi ni Pula sa'kin.
"Bakit kita sasakyan?"
Napangiwi siya.
"I mean sa motor"
Tiningnan ko lang siya. May kinuha siya sa ilalim ng upuan saka sumakay sa motor niya. Iniabot niya sa'kin ang isang helmet.
"C'mon, I can't hold alone this naughty boy"
Turo niya kay Vandro.
Binuhat ko na Vandro at sinakay sa likod niya. Nag helmet na rin ako saka umangkas sa motor.
"Ok na?"
"Yiieeeh! We're taking a ride woooh!"
Sigaw ni Vandro
"Vandro, hold on Tito's waist"
Sabi niya kay Vandro. Hindi siya pinansin ni Van.
"Mag drive ka nalang ng maayos, ako na bahala sa kaniya"
Hinawakan ko si Vandro. Nag simula na kaming umandar.
Isa si Vandro sa mga kailangang kailangang bantayan gaya ni Sandra. Kapag may nangyaring masama kay Vandro mananagot si Pula dahil sa kapabayaan nila, lalong lalo na ang magulang ng bata.
Pag dating sa school ay agad kaming pinahinto sa may gate.
"Sir, ma'am-"
Sabay kaming nag tanggal ng helmet.
"Ay- pasok na po kayo"
"Babye!"
Kaway sa kaniya ni Vandro. Agad kong binaba ang kamay ni Vandro na kumakaway sa gwardiya.
Tinanguan ko nalang ang gwardiya.
Pinag titinginan na kami ng mga studyante dahil alam nila na motor 'yon ni Pula.
Bigla siyang napahinto bago mag park. Naguguluhan pa ata kung saan mag papark.
"Dalian mo na"
Sabi ko sa kaniya kaya nag park siya sa dati niyang pinag paparkan.
Bumaba na ako saka ko binaba si Vandro.
"You must behave"
Banta ko sa bata pero nginitian niya lang ako saka tinawanan.
"Dadalhin ko siya sa Principals office"
"What?"
"Ako na bahala sa kaniya-"
"Malinaw na sinabi kong-"
"Kaya mo bang mag aral na may sinasaway na bata?"
Tumingin lang siya sa'kin.
"Kilala ko ang magulang ng batang 'to. Mag tiwala ka lang hindi 'to mapapahamak"
Huminga siya nang malalim.
"Ok, sasamahan ko na kayo"
Binuhat niya ang bata saka kami sabay na nag lakad papasok.
Nag bubulung bulungan na ang mga nakapaligid sa'min kaya dumistansiya ako ng konti, ayoko talaga ng issue.
Pag dating namin sa principals office kumatok lang ako ng tatlong beses saka binuksan ang pinto.
Seryosong naka tingin sa'kin si Mr. Montilla
"How many times do I have to- Vandro?"
Nag pupumilit na bumaba ang bata kaya binaba siya ni Pula.
"Papilo!"
"Baby boy!"
Tumakbo si Vandro kay Mr. Principal, sinalubong naman siya ng yakap ni Mr. Principal.
"Papilo I got a new toy from Mama"
Pag yayabang ng bata
"Really? I got a new toy also for you"
"Wow! Where is it?"
"It's not here, it's in my home"
"We can take a ride there with momster"
"Momster?"
Bumaling sa'min ang bata saka ako tinuro
"She's my momster"
"Pfft!"
Agad akong napa tingin kay Pula na nag pipigil sa tawa niya.
"Do you know her?"
"No, but she know me"
Pag papa cute ng bata.
"Of course she know you."
"Iiwan muna namin siya dito sa office mo Sir. Babalikan nalang namin siya-"
Hindi natapos ang sasabihin ko nang tumakbo siya sakin at itinaas ang dalawa niyang kamay na parang nag papakarga.
"Vanny, momster can't carry you. You're a big boy already right?"-Pula
Bumaba ang kamay niya
"I'll go to momster"
Pa cute na aniya.
"Momster will attend her class-"
"No! I'll go with her"
Bigla niya akong niyakap at binuro ang mukha sa tiyan ko. Tiningnan ko lang siya.
"Vanny-"
"Ako na bahala sa kaniya. Mag ta time na, pumasok ka na sa klase mo"
Utos ko kay Pula. Nag aalangan pa ang itsura niya kung susunod siya.
"Puntahan mo siya mamaya sa headquarters namin"
"Break time?"
"Break time at uwian"
Tumingin siya sa bata saka lumuhod.
"Be nice to her, she'll throw you away if you're naughty."
Paalala niya sa bata.
"Galing, mukha na talaga akong monster"
Bulong ko sa sarili ko. Tumayo na siya, saka humarap sa'kin.
"Take a good care of him. Tatawagan ko na si ate para malaman niyang kasama ko si Vandro"
Tinanguan ko lang siya.
Lumabas na rin siya ng pinto.
"Ipapa excuse nalang kita sa mga subject teacher mo ngayon. 'wag kang malilingat ng saglit pag kasama mo siya-"
"I know what I'm going to do Sir"
"Ok. See you later kiddo"
Paalam niya sa bata.
"See you later Papilo"
Kumaway ang bata kaya lumabas na kami.
"Where are we going?"
"Kukuha ako ng kadena para hindi ka makalayo sa'kin"
Pag labas palang namin ay ang dami na agad ang ngumingiti habang nakatingin kay Vandro.
May mangilan ngilan pang gustong lumapit pero hindi nila nagawa dahil ako ang kasama ng bata.
"What?"
"We'll go to guard house and borrow something"
Hinawakan ko ang kamay niya saka kami bumaba ng hagdan
"What are we going to borrow?"
Usisa niya.
"A chain"
"A chain? What are we going to do with it?"
Seryoso lang ang mukha ko habang kinakausap siya.
"I'll tie you around my waist-"
"Why would you do that?"
"Because you're annoying"
"My Papa's said it's natural to a kid to be like this"
Depensa niya. Daldal lang siya nang daldal hanggang sa makarating kami sa guard house.
"Kuya, meron kayo no'ng sabitan ng bag na may lock diba?"
"Meron ma'am"
"Pahiram ako, dalawang piraso at saka kahit anong mahabang tali."
Binigay niya sa'kin ang hinihingi ko. Kinabit ko sa mag kabilaang dulo ng straw na tali ang hook lock na hiniram ko.
"What are you doing?"
Inutusan ko siyang lumapit sa'kin nang lumuhod ako sa harap niya.
Kinalawit ko ang mag kabilaang hook sa lalagyan ng sinturon namin.
"Ayan, para kahit hindi kita hawak alam kong nasa tabi lang kita"
Nag tataka siyang tumingin sa sinabit ko sa pants niya.
"Come on"
Nag lakad na ako kaya wala siyang choice kundi mag lakad din dahil matatangay ko siya.
"What do you want to do?"
Nag cross arm ako habang nag lalakad kami.
"I want to eat"
Nag tataka akong bumaling sa kaniya.
"You didn't eat before you go outside?"
Umiling siya
"I sneak out"
Proud na sabi niya
"Wow, proud na proud ka pa sa ginawa mo ah"
Ngising ani ko
Nag tungo kami sa canteen. Kaming dalawa lang ang tao doon liban sa mga tindera.
Pinakita ko ang student council card ko. Magiliw naman nila kaming nginitian.
"What do you want to have?"
"I want chocolate drink and cake!"
Napakunot noo lang ako sa sinabi niya.
"2 chocolate milk at 2 spaghetti with fried chicken"
Kinuha niya ang card ko saka iniscan atsaka binalik sakin.
"Ma'am, serve nalang po namin after 5 minutes"
Tinanguan ko siya
"Why do you ask if what I'm going to eat if you just decide for me"
Nag lakad ako papunta sa isang mesa, naka sunod lang siya
"You can't be full if you're just going to order for a piece of cake"
"But I want sweets"
"Spaghetti is sweet"
Ngumuso lang siya.
"Don't you want a fried chicken?"
"I want!"
"Then be quiet"
LIPHYO'S POV
Halos hindi ako makapag concentrate sa klase dahil sa pamangkin kong nasa pangangalaga ni Raya.
Well hindi naman sa wala akong tiwala kay Raya pero hindi pa rin talaga ako mapanatag hanggat hindi ako ang nakakakita na ayos lang ang bata.
Pagka lunch break ay agad kong inayos ang gamit ko saka lumabas ng room.
Pag labas ko ay nandoon na sila Jhom.
"Anong itsura yan?"
"Tara na, doon tayo sa quarters nila Raya kakain"
"Ha?"
Gulat na tanong ni Austin
"Bakit doon?"
"'yong pamangkin ko kasi nasa kaniya"
Nag madali na akong mag lakad
"You mean ate Vanessa's son?"-Mike
"Yeah"
Halos lakad takbo ang ginawa ko para mabilis makarating kay Raya.
Pag dating namin quarters ng mga student council.
"Vanny?"
Agad akong pumasok. Natigilan silang lahat sa pag tawa nila at saka tumingin sa'min.
"Oh Attienza?"-JM
"Tito! Hello!"
Kaway ng bata habang kumakain ng ice cream. Naka hinga naman ako ng maayos nang makitang ayos lang si Vandro
Tiningnan ko ang damit niya, bago na.
"Niliguan namin siya sa CR ni Mr. Principal, sabi niya kagigising niya lang daw no'ng sinundan ka niya"-Hans
Napaka galing talaga ng lahi mong bata ka. Iiling iling na ani ko sa sarili ko.
"Mag oorder lang ako ng-"
"Nag order na kami, huwag ka na mag abala"
Sabi ni Hans
"Hello everyone!"-Jhom
Pumasok si Jhom at saka umupo sa ibang upuan na bakante.
"Kapal talaga ng mukha"
Iiling iling na sabi Austin saka sumunod kay Jhom.
Nagkatinginan pa kami ni Mike.
"Umupo na kayo, parating na 'yong kambal kumuha lang 'yon ng order"
Umupo si Mike sa tabi nung dalawa samantalang ako ay pumunta sa harap ni Van.
"Hey kiddo, have you been nice to them?"
"Yes Tito, I didn't go anywhere far from momster"
"Is that so?"
"Yes, because of this"
May tinuro siya sa tagiliran niya. Pag tingin ko sa bagay na 'yon nag diretso paakyat kay Raya ang tingin ko.
Bigla ako natawa.
Takang tumingin lang sa'kin si Vandro
"Food is here"
Dumating na ang kambal. Naki dumog naman 'yong dalawa kong walang hiyang kaibigan.
"This is for Vandro"-Migs
May inabot siyang box ng pagkain
"I'm full"
"You need to eat or else you can't visit my house"-Raya
Napanguso ang bata.
Wait ano raw? Visit her house?
"Momster-"
Inabot sa'kin ni Raya ang hook na naka kabit sa kaniya.
"Matutulog muna ako, ikaw naman mag bantay sa kaniya"
Tumayo siya saka kinuha ang pagkain niya.
"Sa'n ka pupunta?"-Hans
"Matutulog"
Dala ang pagkain niya ay nag lakad siya palabas
"Susunduin kita doon mamaya"-Hans
Hindi na sumagot si Raya at lumabas na ng room. Nakita kong naka sunod din ang tingin ni Mike sa lumabas na si Raya.
May gusto nga siya doon. Napailing nalang ako.
Pinakain ko si Vandro pero hindi niya naubos dahil busog na raw talaga siya.
Hindi na ako pumasok sa sumunod kong klase dahil hindi rin naman ako makapag concentrate at wala nang bantay kay Vandro.
Noong uwian na.
"I want to take a ride with momster"
"No you can't, we're going home now Vanny"
"Ehhh! I want her!"
Bigla nalang umiyak ang bata.
"Vanny, c'mon be a man. Momster can't go with us"
"But I want momster, she promised me that we'll take a ride with her motorcycle"
He said between sobs
"Maybe next time-"
"I want momster!"
Iyak pa rin niya
Pinag titinginan na kami sa hallway
"Ok ok, we'll wait for her in parking lot. Stop crying"
Nag punas siya ng luha niya saka ngumiti sa'kin.
"Let's go"
Siya na ang humila sa'kin papunta sa parking lot.
Pag dating namin doon.
"Is this hers?"
Turo niya sa katabi kong motor
"Yep"
"Wow! Cool"
Ngayon ko lang nakita ng maayos ang motor niya. Black at parang for girl rider talaga.
"Tito don't court her ah"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya
"Why?"
"Because I'll be her husband someday"
Ngiting ngiti aniya.
Ginulo ko ang buhok niya.
"You're too young to think about that matter"
"Ok, but between us no one else can be with her"
Natatawang pinisil ko ang pisngi niya.
"Your Tito Mike likes her"
Pinaupo ko siya sa motor ko.
"How about you?"
Nginitian ko siya
"I didn't think about that matter. I'm busy to fulfill my promise to your lolo"
"Your Dad?"
"Yep"
Nakita kong palapit na sa'min si Hans at Raya. Dala ni Hans ang bag ni Raya.
"Are they together?"
Tanong ni Van
"Don't meddle in other people's business baby"
"Tito Hans is so sweet to her"
Inayos ko nalang ang buhok ni Van
Hindi ko rin expect na may mga tao palang connected sa'min. I really don't know them at never ko rin nakita noon si Hans pero connected pala sila nila ate Vanessa.
"What's your father's name baby?"
"Daddy Roft-"
Sabay kaming tumingin sa dalawa
"Attienza? Bakit hindi pa kayo umaalis?"-Hans
"Momster! I want to take a ride with you!"
Tiningnan ako ni Raya.
"Umiiyak siya kanina eh, gusto niya raw na sayo siya sasakay"
"Bakit ako ang sasakyan niya"
Ayan nanaman siya sa pambabara niya.
"I mean sa motor mo. Wait? Wala ka bang common sense?"
May iritang tanong ko sa kaniya. Nginisian niya ako.
Binuksan niya ang makina ng motor niya saka inatras ang motor niya.
"Amina"
Sabi niya kay Hans. Binigay naman ni Hans ang bag niya.
"Sakay"
Sabi niya
"Ha?"
"Sakay"
Ulit niya
"Tito carry me!"
Binuhat ko si Vandro
"Sa unahan mo nalang"
Sabi ko sa kaniya
"Sa likod ko"
Sabi niya saka nag suot ng helmet
"Ha? Baka mahulog siya"
Nag tanggal siya ng helmet para lingunin ako.
"Kung nag iisip ka, maiisip mong sasakay ka rin sa likod niya diba? I can't hold alone this naughty boy alone"
Pang gagaya niya sa sinabi ko kanina.
"Paano ang motor ko?"
"Hindi mawawala dito yang motor mo."
"Anong sasakyan ko bukas?"
"Banig sakyan mo para makarating ka dito"
Tinawanan kami ni Hans
"Mauna na ako Crenz. Hey kiddo separate them if they fight ok?"
"Yes Tito"
Nakipag fist bump si Hans kay Van at nag lakad na paalis.
Pumihit na si Raya sa manubela kaya umabante sila ng konti.
"O-oy wait"
"Tito faster"
Agad kong kinuha ang bag ko at ang dalawang helmet ko. Sinuot ko kay Vandro at nag suot na rin ako.
Umangkas na ako sa motor niya.
"Kaya mo ba kami?"
"Hawakan mo nalang si Vandro at manahimik ka"
"Paano ko sasabihin ang direction-"
Lumaylay ang balikat niya.
"Ituro mo- potek, akala ko ba matalino ka? Daig ko pa kumakausap ng kinder ah"
Bakit ba ang init ng ulo niya lagi sakin.
Nag suot na siya ng helmet.
"Hold on my waist Van"
Utos niya kay Vandro
"Can Tito hold in here too?"
"No, hayaan mo siyang mahulog diyan"
Pag tataray niya
"Napaka sama ng ugali mo!"
"Bakit? Gusto mo rin bang kumapit? Sige-"
"Hindi 'no"
"Are you two fighting?"
"No Vanny"
"Tss.."
"Manahimik ka na nga Raya"
Pinaandar na niya ang motor.
Dinaldal lang ako nang dinaldal ni Van sa byahe namin. Tinuro ko naman kay Raya ang papunta sa village namin.
"Dahan dahan naman Raya"
"This is so cool!"
Sobrang bilis kasi ng pag papaandar niya ng motor.
Nabawasan lang ang kaba ko nang nasa guard house na kami.
"Manong"
Nag tanggal ako ng helmet. Nang makita na ako ay pinapasok na kami agad.
Tinuro ko ulit kung saan siya didiretso.
Nang makarating kami ay nakaabang na sa labas si ate Vanessa.
"Mommy!"
"Baby!"
Agad siyang inakay ng Ina papasok, gusto pa sana niya kausapin si Raya pero hindi na niya nagawa.
"Thanks"
Sabi ko sa kaniya, nakatingin lang siya sa mag ina.
"Gusto mo bang pumasok muna?"
"Hindi"
Pinaandar na niya ang makina ng motor niya.
"Bakit di nalang motor ko ang ginamit natin"
"Mahirap lang ako, ikaw may pang taxi ka pa papasok ng school ako wala"
Bigla kong tiningnan ang motor niya
"Pero naka bili ka ng ganiyang motor?"
"Hindi ako bumili nito"
Inayos na niya ang helmet niya
"Eh saan galing 'yan"
Nginisian niya ako
"Utang"
Aniya saka pinasibad ang motor niya.
Kumunot lang ang noo ko.
She's really impossible.