CRENZ'S POV
Matapos kong ihatid ang dalawa ay dumiretso agad ako sa Coffee shop na tinext sa'kin ni Nina.
Diba nga sabi niya mag didinner kami sa labas.
Pag dating ko doon ay wala pa siya kaya nag order muna ako ng kape.
"Dasatinib"
Bigla kong naisatinig nang maalala ko iyon
"Here's your order ma'am"
Tinanguan ko lang siya.
Uminom ako ng kape.
"Crenzy sorry I'm late"
Tiningnan ko siya. Nag order siya ng coffee.
"Bakit parang galing sa lukot yang mukha mo?"
Inirapan niya ako
"That crazy Tyro. Argh!"
Napangiti ako sa itsura niya. Alam ko namang sobrang maloko si Tyro. Pinaka gago ata sa'min 'yon.
"Anong meron sa kaniya?"
"Ano pa? Animal talaga 'yong bwiset na 'yon"
"Mukhang namiss mo talaga ah"
"The fudge! Kahit di na siya bumalik!"
Natatawang nginisian ako siya
"Ano ngang meron sa kaniya?"
"Dad's told me to fetch him today in airport"
Tiningnan ko ang paligid namin
"Oh nakabalik na pala siya? Nasan siya?"
Inirapan nanaman niya ako
"Exactly! 'yan ang tanong ko kanina habang nasa airport ako. Where's that freaking Tyro?"
Nangunot ang noo ko.
"Eh nasan na siya ngayon?"
"Edi nakauwi na"
Muntik na akong matawa sa sinabi niya. Mukhang pinahihirapan niya si Nina.
"Bakit hindi mo trinack?"
"I did but that son of demon turned off his phone"
Ngingisi ngising uminom ako ng kape. Bumabalik nanaman ang pilyong Tyro
"And guess what? Kung kelan dalawang oras na akong nasa airport saka niya lang binuksan ang phone niya at nakita ko nalang na malayo na siya sa airport. Dumiretso pa ata kina Hans"
"So? Wala nang comeback niyan?"
"Let's not talk about it, we're here to have a dinner"
"Have a dinner ka diyan? Kape? Dinner?"
"Hindi, ito lang kasi 'yong alam kong meeting place. You know I'm not gala"
"Dami dami mong sinasabi bayaran mo na 'to"
"Wait a minute uubusin ko lang 'to"
Kahit mainit ay nag madali siyang inumin ang kape.
Nang matapos siya ay pumara agad kami ng taxi dahil sabi niya sa pinaka malapit na mall na lang raw kami kumain.
Kanina ko pa nararamdamang may naka sunod sa'min eh, pero bakit pakiramdam ko ay wala siyang threat sa'min.
Pag pasok ko sa taxi ay agad akong tumingin sa side mirror para I check kung may naka sunod nga sa'min.
"Confirm"
Bulong ko sa sarili ko
"Ha?"
"Wala sabi ko kung anong kakainin natin?"
"I craved for steak, how about you?"
"'yon nalang din. Alam mo namang dalhin mo lang ako sa Jollibee, buo na meal time ko"
Tumango siya.
Nang makarating kami sa mall at siya na rin ang nag bayad. Nag lakad na rin kami sa restaurant na gusto niyang kainan.
"Yung motor ko Nina?"
"Ipa kuha mo nalang kay Kuya Chiggy, diba sabi mo may duplicate siya?"
Bigla akong napakunot noo
"May duplicate siya?"
Bigla siyang napa hawak sa bibig niya.
"I didn't say that"
Siraulong Chiggy Mil, kumuha pala ng duplicate ng susi sa motor.
"Tsk. Ikaw kumausap sa kaniya may tatawagan lang ako. Pumasok ka na at mag order"
Utos ko sa kaniya. Nag ok sign lang siya saka ako kinindatan.
Nang nakapasok siya ay umikot ako sa likod ng restaurant. May sumusunod kasi sa'min.
Agad akong nag tago.
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto ay agad kong nakita ang lalaking naka black jacket hood na paliko sa gawi ko kaya agad ko siyang tinuruan ng leksyon.
Inikot ko ang kamay niya sa likod niya saka siya pinaluhod.
"Sino ka?"
"A-argh! Let go of me"
Pakiusap niya.
Naamoy ko siya. Amoy bago, amoy ibang bansa.
"Yara-ah!"
Agad ko siyang pinakawalan.
"Ma'am! Ano pong nangyayari dito? Anong ginawa niya sayo?"
Agad na dumating ang mga guard.
Hindi kaagad naka tayo ang lalaki dahil sa pwinersa ko ang alak-alakan niya
"Wala po manong, nag eexcercise lang po kami"
Para namang nakahinga ng maluwag ang dalawang gwardiyang lumapit sa'min.
"Sa susunod po sa ibang lugar kayo mag exercise dahil nakakaalarma kayo sa ibang costumer"
Kakamot kamot ng ulo na umalis ang mga gwardiya
"Ang sakit no'n Yara"
"Sino ba kasing nag sabi sayong mag ala snatcher ka diyan?"
Na guguilty na tiningnan ko ang braso niya.
"Uh- iyong mata mo"
Seryoso lang akong tumingin sa kaniya.
Maya maya pinakita na niya ang ngiti niyang nakabihag kay Nina.
Inistretch niya ang braso niya saka niya pinangyakap sakin.
"Namiss kita Yara"
Tinulak ko siya
"Lumayo ka sa'kin baka samain ka"
Nginusuan niya lang ako
"Hindi mo ba ako namiss?"
Inilingan ko siya
"Napaka sama mong babae ka"
"Bakla!"
"Tomboy!"
Para kaming tangang nag aasaran. Namiss ko talaga si Tyro. Tatlong taon na rin ang lumipas mula nang huli ko siyang makita.
"Ihanda mo ang sarili mo dahil umuusok ang ilong sayo ni Nina"
Malawak siyang ngumiti.
"She really did it? stupid."
Iiling iling na aniya
"Tatay niya nag utos"
"Si Tito nalang kaya pakasalan ko tutal mas may care pa siya sa'kin"
"Pwede naman. Ganiyan ka talaga ka bading, pati tatay ng jowa mo papatusin mo"
Nangasim ang mukha niya.
"Yuck, ang baho ng mga salita kapag galing sayo"
Nginisian ko lang siya saka nag lakad papunta sa restaurant na pinasukan ni Nina.
"Balita ko may assignment daw?"-Tyro
"Wala pa akong naiisip"
"Nag madali pa naman akong umuwi dahil doon"
"Bumalik ka na sa Switzerland tutal 'di ka naman na kailangan ni Nina dito. Marami na siyang manliligaw"
Inakbayan niya ako kaya siniko ko siya
"Aw- Mas gwapo naman ako doon atsaka hindi na bago sa'kin ang mga manliligaw niya-"
"Inientertain niya"
"That's foul"
May bahid na lungkot na aniya
"Ok lang, sinaktan mo naman ang pinsan ko eh. Balita ko nang babae ka raw? Ano? One on one tayo, pampa pawis lang?"
Hamon ko sa kaniya
"Tsk ayoko nga. Wala akong iba, na misunderstood niya lang tapos di na niya ako hinayaang mag explain. Lumipad na siya papunta dito"
"Bakit hindi mo sinundan? Isang taon na siya dito ah"
"I can't, kailangan kong tapusin ang course ko doon kaya hindi ko siya sinundan agad. Bumalik naman ako dito noong isang buwan na mag hiwalay kami kasi hindi ko talaga kinaya. Kaya lang pinabalik agad ako ni Papa sa ibang bansa kaya hindi ko na siya nakausap"
Naiiling nalang ako sa mga sinasabi niya.
"Huwag mo na sasaktan ang pinsan ko. Sisipain ko yang sikmura mo-"
"Ouch! Salita palang parang nararamdaman ko na"
"Tss.. salita pa lang 'yan, wag mong antaying kumilos ako."
"Yes boss!"
Aniya saka sumaludo.
Pag pasok namin sa restaurant agad na bumaling sa'kin si Nina habang hawak ang phone niya na mukhang may ka chat
"Sit Crenzy nag order na- WHAT ARE YOU DOING HERE"
Bigla akong napaatras sa lakas ng boses niya. Napatingin tuloy ako sa paligid na namin na ngayo'y nasa amin na ang atensyon.
Ano 'to telenovela? Tapos ako ang kontrabida?
Sa tingin ng mga tao parang nahahalata kong naiisip nilang ako ang kabit ni Tyro dahil sa inaasta ni Nina.
Umatras ako dahil para akong nilalamon ng tingin ng mga taong nakapaligid sa'min.
"It's nice to see too, again"
Aniya na pangiti ngiti pa.
Ako talaga ang nahihiya dahil sa eksena nila.
"Umalis ka na dito!"
Bigla akong hinigit ni Nina papunta sa tabi niya.
'Putcha, ngayon lesbian scene naman ang dating'
Nag tataka na ang tingin sa'min ng mga tao.
"I'm here because you missed me"
May halong asar na ani ni Tyro
"Damn you asshole!"
Ngingiti ngiti lang si Tyro
'Tsk! Masyadong pala asar'
"Hindi ba kayo nahihiya? Ako nahihiya ako sa sigawan niyo"
Pinaupo ko silang dalawa.
Nag order kami ng panibago pang pagkain para kay Tyro.
"Hey babe-"
Agad na itinutok ni Nina ang hawak niyang tinidor sa leeg ni Tyro. Halos mapa lunok din ako sa ginawa niya. Napa tingala naman si Tyro.
"Don't call me babe if you still want to live"
Napa himas nalang ako ng noo.
Isang mapang asar at isang amazona. Perfect!
Inayos ni Nina ang pagkain niya.
Maya maya ay dumating na rin ang inorder namin para kay Tyro.
"Bakit napaka sama mo sa'kin?"
Inosenteng tanong ni Tyro na kahit ako ay maiinis dahil sa tanong niya.
Halatang halata na ang sagot sa tanong niya pero para siyang tangang nag tatanong pa.
"Pinag antay mo ako ng dalawang oras sa airport tapos mag tatanong ka sa'kin?!"
Nanggigigil na aniya
"In the first place babe-"
Sinamaan siya ng tingin ni Nina
"-hindi kita sinabihan na sunduin ako sa airport-"
"Ungrateful asshole" bulong ni Nina
"-pangalawa, at least alam kong handa ka pa ring hintayin ako"
"If it wasn't my father's request, I'll never do it"
Nag papalit palit lang ang tingin ko sa kanila habang kumakain.
"Bakit nga ulit kayo nag break?"
Tanong ko sa dalawa.
Bigla silang nag turuan
"Siya/him"
"Bakit ako?/why me?"
Sana pala hindi nalang ako nag tanong. Tumungo nalang ulit ako saka kumain.
"Kitang kita kong may kahalikan ka! Nakakadiri ka!"
Gigil na aniya
"Pero siya ang humalik sa'kin. Kakahalik niya lang sa'kin noong makita mo kami-"
"Enough for those lies"
"I'm true"
Natapos ko na ang kinakain ko pero sila hindi pa rin nag sisimulang kumain. Nag order ako ng dessert. Para akong nanonood sa cine.
"You never gave me a chance to explain"
"A cheater don't have a right to give one"
Sumandal ako saka nag cross legs
"I'm not a cheater"
"You. are. a. CHEATER"
Sumusukong nag taas nalang ng kamay si Tyro.
"So? Where's our house babe?"
"Anong house? Tumira ka sa tabing kalsada kung wala kang mauuwian"
"You're my fiance so kung nasa'n ka dapat nandoon din ako"
Bigla akong napatingin sa kanila
"Tantanan niyo bahay ko ah. Hindi ampunan bahay ko"
Tumingin silang dalawa sa'kin
"You're staying with Yara?"
"The hell you care?"
Iritableng aniya
"Buhay ka pa- Aw!"
Binatukan siya ni Nina
"Pinsan ko 'to-"
"Di ko naman inaangkin ah"
Nakalabing ani ni Tyro
"Shut up"
"So where should I stay?"
Naisip ko agad 'yong unit ni Nina
"May unit naman si Nina, doon ka nalang"
"Desisyon ka Crenzy?"
"Huwag mo akong sabihan ng ganiyan dahil kapag ako nag desisyon sa bahay ko, wala ni isa sa inyo ang makakatulog doon"
"Joke lang hehehe"-Nina
Nginisian ko lang siya
"Then, sa unit mo nalang ako matutulog-"
"Bumili ka ng sayo"
"Pwede ka naman kina Daniel matulog Tyro, nandoon naman si Dana-"
"Oh akala ko ba titira ka sa unit ko?"
Nag iwas ng tingin si Nina. Nag katinginan kami ni Tyro saka niya ako kinindatan. Nag seselos na yang si Nina pag ganiyan.
Matagal nang may gusto si Dana kay Tyro kaya lang may Nina na si Tyro.
Nag simula na silang kumain. Napa thank God nalang ako dahil nag simula na silang galawin ang pagkain nila.
TYRO'S POV
Matapos naming kumain ay sinamahan ako ni Nina sa unit niya.
Umuwi na rin si Yara dahil sa alaga niya.
"Hmmm.. amoy na amoy mo ang unit mo"
Sabi ko sa kaniya habang patuloy pa rin siyang nag lalakad sa kung saan
"Wednesday and Saturday may nag lilinis dito. Dahil dakila kang tamad syempre pabor sayo 'yon"
Napailing nalang ako
"Umuuwi ako dito tuwing Sunday but since nandito ka na hindi na ako uuwi dito"
"Hey, don't be so mean to me Nina. Don't you miss me?"
Seryosong tanong ko sa kaniya kaya tumigil siya sa pag lalakad at humarap sa'kin
"Kahit hindi ka na mag paramdam, kahit hindi ka na bumalik, ayos na ayos ako. Mas masaya ako kapag wala ka dito"
Tinalikuran niya ako ulit at pumasok sa kwarto niya.
*Ring*
~Caller: Dan~
"Dre?!"
"Inamo! Wala ka man lang sinabing ngayon ka lalarga pabalik dito."
"Paano mo nalaman?"
Natatawang tanong ko
"Nag rant sa girlfriend ko 'yang ex mo. Pinag hintay mo raw siya ng 100 years sa airport kaya ayon nag aalburoto sa galit"
Humagikhik ako
"But she still wait for me"
"Alam mo naman 'yan sila, kulang lang yan sa lambing"
"Lambing? Basic naman"
Tumawa siya
"Goodluck Dre. Marami kang oras para suyuin 'yan"
"Sana nga maraming oras. Kailangan ko pang bumalik sa States para sa isang research"
"Akala ko ba tapos ka na sa lahat?"
"Last na 'yon tapos sistay na ako dito"
Naupo ako sa couch. Di pa rin kasi lumalabas si Nina
"Matagal pa naman nuh?"
"Oo matagal tagal pa naman. Siguro 2 weeks lang ako doon tapos uuwi na ako"
"Saglit lang naman pala eh"
"Bakit ka nga pala napatawag?"
Huminga siya ng malalim
"Pinapahanap na si Jared"
Napakunot noo ako
"Jared?"
"Kings deck loss son"
Ahhh.. tagal na no'n ah
"Then?"
"Yara handled the case"
Kumunot ang noo ko
"Bakit siya?"
"To prove her capabilities. Siguro 'yon na rin ang way nila para tingnan kung karapatan dapat ba siyang mapasama sa royal organization"
Bigla akong natawa
"Pumayag siya?"
Di makapaniwalang ani ko
"Yeah, pero hindi mag papatulong 'yon kapag sa assignment na niya"
"I still want to help"
"Pfft.. you know Crenz Yara. Mas matalas pa pandama no'n kaysa sa lamok na papatayin mo eh"
"Daniel! Sino nanaman ka telebabad mo! 'yong mga damit mo ditong pinag hubaran mo, sinong mag liligpit niyan?! Ako?! Ipupulupot ko 'yang mga 'yan sa leeg mo!"
Bigla akong natawa sa sinabi ni Chelsea sa kabilang linya. Pinapagalitan nanaman niya ang nobyo niya.
"Dre, goodluck nalang sa panunuyo ah gigilitan na ako ng jowa ko"
Nag paalam na siya sa'kin. Ganiyan talaga silang mag nobyo, palaging may mapupuna pero solid talaga sa sweetness yang sila.
Kababata ko sina Daniel, infact pito kaming mga lalaki at apat na babae. Mula pag ka bata aso't pusa na kami ng mga nobya namin.
Di ko alam pero trip ko talaga si Nina dati na asarin pero si Yara ang gusto ko noong mga panahong 'yon.
Apat kaming may gusto kay Yara. Si Hans, Daniel, ako at si Ryker.
Lahat kami ay nasa royal deck.
Si Yara naman sobrang walang pakealam sa mundo, kahit mag hinalo ka ata sa harap niya, dadaanan ka lang niya.
Sobrang hirap din kasi ng pinagdadaanan niya kaya siguro ganoon nalang ang pakikitungo niya sa iba.
Wala nang hahanapin pa sa'min si Yara. Lahat kami ay full package at sobrang swerte niya dahil kami ang nag kagusto sa kaniya.
Wala lang, gusto ko lang mag yabang o mag buhat ng bangko HAHAHA..
Naiinip na pumasok rin ako sa pinasukan ni Nina. Wala siya doon, mukhang nasa C.R.
Tiningnan ko ang paligid. Pitch color.
Halos lahat ng kulay ng nasa kwarto niya ay pitch.
Nag tanggal ako ng polo at nag sando nalang pati na ang jeans ko ay tinanggal ko na rin dahil naka boxer naman ako.
Lumabas si Nina na naka bathrobe.
"Hi babe!"
"What are you doing here?! Get out!"
Napakunot noo ako at humalukipkip habang nakatingnin sa kaniya.
"I'm tired"
Hiniga ko ang katawan ko sa kama niya
"Lumabas ka! Mag bibihis ako!"
Tumingin ulit ako sa kaniya saka siya nginitian
"I missed you babe"
"Asshole"
Tumayo ako at lumapit sa kaniya
"Masyado mo na akong pinapagalitan ngayong gabi ah. Wala bang kapalit diyan?"
Nang aasar na tanong ko
"Meron.. halika dito sisikmurahan kita"
Medyo napa atras ako sa sinabi niya.
"Babe.. di mo talaga ako na miss?"
"Sinabi ko na sayong-"
Lumapit ako sa leeg niya para amuyin siya agad niya naman akong tinulak
"I warn you. Stay away from me"
Nag martcha siya pabalik sa C.R. habang dala ang bihisan niya.
Ngingisi ngising sinundan ko siya ng tingin.
Naka halukipkip na sumandal ako sa gilid ng puntong pinasukan niya, hinihintay ko siyang lumabas. Gusto ko matapos ang gabing 'to ay ayos na kami.
Bumukas ang pinto
"Ayputchaka!"
May gulat na napaatras siya.
"What are you doing here?! Diba sinabi ko na sayong lumabas ka-"
Agad kong hinapit ang bewang niya saka siya hinalikan. Nag pipilit siyang kumawala. Sinisipa niya ako at tinutulak pero hindi ko iniinda ang sakit ng ginagawa niya kasi sobrang namiss ko na siya.
Kinagat ko ang ibang labi niya. Hindi ko alam kung anong sumaping anghel sa kaniya na hininto niya ang pag palag at saka ako tinugon.
Agad ko siyang inihiga sa kama. Pumaibabaw ako sa kaniya.
"Stop Tyro"
Inilayo ko ng konti ang mukha ko sa kaniya.
"This is not right"
Akma na siyang tatayo nang pigilan ko siya.
"No. Why?"
Nag iwas lang siya ng tingin
"Nina forgive me, I really don't know that will happen to me. Hindi ko nga kilala 'yong babaeng 'yon"
Nanatili lang siyang tahimik
"Babe, don't make it hard for me. I miss you is not enough to express how much I've longed for you"
"Pero hindi ka nag effort"
Nakabaling pa rin sa iba ang tingin niya.
"Sinundan kita dito after 1 month noong umalis ka, but I can't stay so much longer because of my studies. Pinabalik agad ako ni Papa. Alam mo naman ang sitwasyon ng pamilya namin, kung gaano ka hirap ang mga responsibility na meron kami-"
"But you still cheated"
"Damn Natalie, ano namang mapapala ko kung lolokohin kita. Ikayayaman ko ba 'yon? Ikahahaba ba ng buhay ko 'yon? Ikatatalino ko ba 'yon?
Natalie please-"
Hindi ko alam pero nag sisimula na akong maging emosyonal.
Ayoko na nalilipas pa ang araw o linggo na wala siya sa tabi ko.
Ayoko nang mag tiisan kami.
"I can't promise that I can't hurt you but believe me and trust me again babe, I'll try my best to be a better version of me"
Garalgal na sabi ko. Sinubukan mo namang pigilan ang luha ko eh, kaya lang maiisip ko palang na babalik kami sa dating parang stranger sa isa't isa, natatakot na ako, nang hihina na ako.
"Tyro..."
Agad niyang pinunasan ang luha ko.
Lumuklok ako sa gilid ng leeg niya.
"I love you, I can't afford to lose you again. Comeback babe"
Hinaplos niya ulo ko.
"No comeback"
Simpleng aniya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Babe-"
Hinawakan niya ang mukha ko.
"Hindi naman ako nawala sayo. Next time mag explain ka kahit ayaw kong makinig, nakikinig naman ako sa mga sinasabi mo, wag mo lang aasahang maiintindihan kita agad"
May ngiti sa labing pinaulanan ko siya ng halik.
"I love you"
"I hate you"
Napa bungisngis nalang ako.
Hinalikan ko siya muli
"Stop Tyro, this is not right"
Kunot noong tiningnan ko siya sa mata niya.
"Anong mali?"
"We don't have a protection"
Natatawang tinitigan ko siya
"I'll withdraw"
"Asshole!"
Nang gabi ring 'yon ay nayakap ko muli ang buo niyang katawan. Sobrang tagal ko na ring nag hihintay sa ganito. Ang mayakap siya muli kapag pagod ako, siya lang ang nakakapag pahinga sa'kin. Siya lang ang pahingaan ko.
~~~~
Nagising ako sa sikat ng araw. Patayo na sana ako nang maramdaman kong may mabigat na kung ano sa katawan ko.
Bigla nalang akong napangiti habang tinitingnan ang anghel ko.
Nanatili ako ng saglit para tingnan siya.
Kapag talaga nabubungaran mo sa umaga ang taong mahal mo at maiisip kung bakit nasa tabi mo siya samantalang napaka makasalanan mong tao, mapapausal ka nalang talaga ng dasal ng pasasalamat.
Hindi ko siya deserve, sa tingin ko kasi kulang pa ang "ako" sa prinsesang gaya niya. Kahit nga siguro kawal sa palasyo ay hindi magiging ako kung siya na ang pag uusapan. Sabihin na nating isa lang akong ordinaryong tao samantalang ang pinapantasiya ko ay ang prinsesa ng isang kaharian. Ganoon ko siya tingnan kaya hindi na ako mag tataka kung bakit hindi ako tumingin sa iba sa loob ng isang taong wala siya sa paningin ko.
Tumayo na ako at nag lakad papunta sa kusina.
Nag hanap ako ng makakain namin. Mabuti nalang at may itlog pa.
"Mag luluto pa ba ako?"
Napaka konti kasi kung itlog lang ang agahan.
Nag order nalang ako ng makakain namin.
Wala rin naman kasing laman ang ref niya since hindi nga siya dito nag lalagi.
Bumukas ang pinto ng kwarto.
"Good morning!"
Pupungas pungas na tumingin siya sakin habang nag kakamot ng ulo.
"Walang good sa morning kung ganiyang mukha ang makikita ko"
Nag lakad siya papunta sa C.R
"Why? Gwapo naman ako ah? Bakit diyan pa siya mag c C.R.? May banyo naman sa kwarto niya"
Iiling iling na ani ko
May nag doorbell kaya agad ko na iyong pinuntahan.
Matapos kong makuha ang inorder ko ay inihain ko na agad iyon.
"Babe! Sit."
Pinaupo ko siya sa harap ko. Inirapan niya muna ako bago siya umupo. Nag cross arm siya.
"Di na ako nag luto-"
"Halata nga"
Nahihiwagaang tumingin ako sa kaniya.
"Bakit galit ka nanaman sa'kin?"
Inirapan niya lang ako.
"Akala ko ba ok na tayo?"
"May sinabi ba ako?"
Nag simula siyang kumuha ng pagkain.
"Oh? Ano 'yong nangyari kagabi?"
"Rape"
Natatawang umiiling ako
"It's so fun to have a breakfast with your rapist ah"
"Pinikot mo ko kagabi"
"Hey, you're so ungrateful. I granted your wish for more last night-aw!"
Binato niya ako ng table cloth
"Asshole!"
Humagalpak ako ng tawa dahil sa ekspresyon niya.
"Oo nga pala, babalik pa ako sa States at Switzerland"
Napatigil siya sa pag subo
"Sama ako"
Nangalumbaba ako paharap sa kaniya
"You know that you can't"
Bumusangot siya
"Bakit ka pa ba kasi babalik doon"
Naiinis na aniya
"May tatapusin pa akong research pero last naman na iyon tapos babalik na ako dito-"
"Tapos isang taon nanaman?"
"Hindi ah, mga 2 weeks lang ako doon"
"Kelan ka aalis?"
"Hindi ko pa sure pero matagal tagal pa naman"
"Gaano katagal?"
"My prof will notify me"
"Was it really necessary? Sana di ka muna bumalik at tinapos muna yan"
"Kung di ako bumalik edi hindi ka nabinyagan"
"Look how gross you are"
Pag tataray niya
"Babe?"
"Ano?"
"Isa pang round?"
"Black eye gusto mo?"
Natatawang nag patuloy na kami sa pag kain
CRENZ'S POV
Inutusan ako ni Sandra na ipaskil sa bulletin board ng school ang announcement patungkol sa band competition at sa missing participants ng school for foundation day.
"Nangangamoy basura"
Dining kong may nag sabi sa likuran ko kaya minadali ko nang mag paskil kaysa makipag away pa sa isang isip bata.
"Bunganga mo lang 'yon"
Sabi ko bago siya nilampasan
"Lakas ng loob mong mag matapang dito, eh sipsip ka lang naman sa pamilya nila Sandra"
Huminga ako ng malalim saka siya hinarap
"Oh ano naman sa'yo? Inggit ka?"
"Bitch, bakit naman kita kaiinggitan? Wala ka namang kahit ano"
Nginisian ko siya
"May damit ako"
"Damit? Sa'n galing? Sa basurahan?"
"Oo, sa bunganga mo"
'yong ayaw mo talaga sila patulan pero sila 'tong lumalapit.
"Hampaslupa ka talaga pati mga lumalabas sa bibig mo pang squatter"
"Hahaha magaling ka pinapatawa mo ko sa mga sinasabi mo, bakit? Sino ba sa'tin ang daldal nang daldal tungkol sa estado ko sa buhay? Ikaw diba?
Alam mo? Mag paka tao ka nga"
"Insane bitch tao ako"
"Kung nag aaral ka ng mabuti malalaman mo ang kaibahan ng pagpapakatao sa pagiging tao. Syempre tao ka, tao kang may sayad sa utak"
"Poor you bitch, palibhasa wala kang pera pambili ng uniform"
"Oh ba't nadamay nanaman ang uniform ko?"
"Because you're poor"
"Ayos lang 'yan. Kung wala ka nang ibang masabi bumalik ka na sa room mo bata"
"Bata?!"
"Baka kinse anyos ka pa lang pero kung mag salita ka diyan akala mo nakaramdam ka na ng matinding hirap. Hanapin mo muna ang buhay mo bago ka makealam sa buhay ng iba"
Tinalikuran ko na siya muli.
"Kapal ng mukha-"
Inaasahan ko nang may hihila sa buhok ko pero lumipas ang ilang saglit ay wala akong naramdaman kaya humarap muli ako.
"Kinausap na kita noong nakaraan na tigilan na si Crenz, bakit hindi kita makuha sa pakiusapan?"
Humalukipkip ako habang tinitingnan ang dalawa
"Nemi-"
Hawak ni Nemi ang pala pulsuhan ng babae
"Kung hindi ko pa naagapan baka wala ng buhok 'tong kaibigan ko."
Pawaksi nitong binitawan ang kamay no'ng babae
"Nakakainis kasi siya napaka landi niya"
Kung normal akong babae baka napatanong na ako kung ako ba ang tinutukoy niya, pero dahil common sense na di na kailangan pang itanong.
"Wow! Nakakagulat Crenz ah, marunong ka na palang lumandi ngayon"
Napangisi nalang ako
"Nilalandi niya si Liphyo"
Putcha? Sa dinami rami nga naman ng pagseselosan, sa bakla pa.
"Walang interes sa lalaki si Crenz at hindi na niya kasalanan kung magustuhan man siya nina Attienza"
"Huwag ka nang mag paliwanag sa kaniya. Hindi tanggap ng itim na mundo niya ang liwanag galing sayo"
Sa kalayuan ay natanaw ko ang isang pamilyar na pigura.
"Marami pa akong gagawin, tara na Nemi"
Ani ko sa kaniya
"Mauna ka na, tuturuan ko lang 'to ng leksyon"
Hindi maipaliwanag ang itsura ng babae dahil sa sinabi ni Nemi.
Nag madali na akong umalis at sinundan ang isang lalaking papunta nanaman sa C.R.
Naabutan kong sumusuka nanaman sa sink si Jerick.
Gaya no'ng nakaraan ay mukha nanaman itong kaawa awa.
"Hindi ka na sana pumasok kung hindi ka pa ok"
Gulat na lumingon siya sa'kin
"Crenz"
Nag hilamos siya at sumandal sa sink
"Nag pahinga ka nalang sana"
Nginitian niya ako
"Salamat"
Nag labas siya ng lip balm. Alam ko naman na ang ibig sabihin no'n
"Ba't mo pa kasi pinilit pumasok?"
Mahina siyang natawa.
"Saan ka natatakot?"
Pag iiba niya ng topic. Nangunot ang noo ko dahil sa tanong niya
"Hindi naman tayo sobrang close para mag tanong ka nang mag tanong sa'kin 'no?"
Tumawa lang siya
"Takot ka ba sa ipis?"
Umiling ako
"Nandidiri lang ako sa kanila"
"Eh sa daga?"
"Hindi rin pero nakakadiri rin sila"
"Sa ahas?"
"Hindi, ang cute nila"
Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin.
"Cute?"
"May alaga akong ahas sa bahay ng magulang ko. Para sa'kin cute sila"
Hindi siya makapaniwalang tumingin sa'kin.
"Weird, seryoso ka ba?"
"Sa itsura kong 'to sa tingin mo magaling akong mag biro?"
Nginitian niya ako.
"Cool mo kung gano'n"
"Cool ako at kung gusto mo pang makita ang ka cool an ko wag ka na pumasok"
Natatawang tumingin siya sakin
"Ano?"
"Sabi ko huwag ka nang pumasok"
Simpleng ani ko
"Sino ka para mag decide para sa akin?"
Haaay?! Paano ba kasi mag sabi ng salitang hindi mukhang ako ang masama? Paano makialam sa buhay ng iba na hindi halatang nangingialam ako?
"Payong nakakaintindi lang"
"Nakakaintindi? Saan?"
May nag ring sa phone ko
"Saglit"
Paalam ko sa kaniya saka medyo lumayo sa kaniya
"Crenz bumalik ka na dito sa quarters"
Pinatay ko agad ang tawag matapos iyon sabihin ni Hans.
Lumapit akong muli kay Jerick
"Gusto mo bang mag pahinga?"
"Hindi-"
"Hindi sa clinic ang tinutukoy ko. May tambayan akong pwede mong pag pahingaan. Pwede kang matulog doon"
"Maayos naman ako-"
"Hindi halata sa kulay at itsura mo. Halika na"
Anyaya ko sa kaniya
"Mag ka cut ako?"
"Sa mga oras na ito dapat nga eh nag papahinga ka pa"
Nag patiuna na akong mag lakad habang nakasunod siya sa'kin hanggang sa makarating ako sa tambayan ko.
"Wow! May ganito pala dito"
Tukoy niya sa puno na tulugan ko
"Si Hans ang nag ayos niyan para sa'kin. Mag pahinga ka na sa taas."
Matapos niyang mamangha sa pag kakatingin sa puno ay sumeryoso ang mukha niya sa pag tingin sa'kin.
"Bakit ang bait mo sa'kin?"
Nginitian ko lang siya saka siya tinapik sa balikat.
"Dapat nga nag papasalamat ka hindi ba?"
"Hindi naman tayo close-"
"Sabihin na nating may naaalala ako sa'yo kaya ayaw kong mapahamak ka. Wag ka na puro tanong. Kung matutulog ka diyan, ikaw ang kauna unahang hinayaan kong makatulog diyan sa taas"
Natatakot na tumingin siya sa'kin
"Paano mamaya? Baka hanapin ako"
"Hindi 'yan. Hahanapin ka naman ni Pula panigurado kaya matulog ka lang diyan, papuntahin ko nalang si Pula dito mamaya para sunduin ka"
Tinalikuran ko na siya at nag lakad palayo.
"Salamat!"
Sigaw niya sa'kin. Kumaway nalang ako habang nakatalikod habang nag papatuloy sa pag lakad.
~~~
"Crenz?! Bakit nandito ka pa? May practice na kayo sa band ah"
Puna sa'kin ni Sandra habang nag aayos ako ng ibang papers sa tambayan.
"Nag practice naman na ako kagabi"
"Kagabi-"
"Hayaan mo na siya Sandra"-Hans
"Tsk! Kinukunsinti mo yang girlfriend mo"
Nagkatinginan kami ni Hans saka sabay na nag kibit balikat.
"Wala pa rin tayong player sa foundation day, anong balak ninyong gawin?"
Pumasok na ang apat na pasaway
"Wala pa rin pala nuh?"
"May archer sana na mag aapply, ang kaso lang baguhan pa siya"-Nemi
"Mag iimprove pa naman 'yon. May mahigit isang buwan pa naman bago ang foundation day"-Migs
Nag tipon tipon kami sa pabilog. Madalas akong tinitingnan ni Hans pero hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga tingin niya.
"Crenz, utang na loob mag practice ka kasama ng mga kabanda mo para mag sync kayo"-Sandra
Walang emosyong tiningnan ko siya.
"Nag papractice naman ako ah-"
"Alam mo namang 'yan ang dahilan kung bakit ka nakapasok dito bukod sa pagiging bodyguard ko"
"Oo na. Huwag ka nang mamroblema sa'kin, masyadong sisiw lang yan"
"Umobra nanaman ang yabang ni Vilarde"-JM
"Kaya ko ngang tonohan ang bangayan niyo ni Nemi eh. Ano? Palag?"
Tumawa sila Hans.
"Magkakatono talaga yan, bungangera ba naman 'yang si Nemi eh"-JM
"What the hell Pilsamor?!"
"Oh tama na 'yan"
Sabay sabay na tumunog ang cellphone namin.
Nag katinginan kaming lahat. Wala ni isa sa'min ang humawak ng cellphone.
"Nag sisimula na akong hindi magustuhan ang ringtone ko"-Migs
"Sana ako rin ringtone lang. Nag sisimula na akong hindi magustuhang mag cellphone"-Jigs
Kinakabahan ang mga itsura nila kaya ako nalang ang nag open ng cellphone. Ramdam kong nakatingin silang lahat sa'kin
~ROYAL~
Assignment
Stolen diamond necklace
~~
Basa ko sa tinext sa'min.
"Haaaaaay!"
"Nakahinga ako ng maluwag"
Nag kaniya kaniya silang hinga ng maluwag
"Akala ko may meeting with senior na"-JM
Tumingin ako sa cp ko at sa kanila. Naramdaman naman nila naparang nag aalangan ako
"Meeting with seniors"
Pag papatuloy ko sa binabasa ko saka pinakita sa kanila ang cellphone ko.
"Dilang demonyo ka talaga Pilsamor!" Inis na sabi ni Nemi
"Hoy! Nauna 'yong text bago 'yong sinabi ko. Wag mo nga akong sisihin"
Kinuha na nila ang cellphone nila saka tiningnan ang naka text. "Bakit wala man lang good news?"-Migs
"Hindi ba bukas na yung modeling niyo?"
Napatungo si Migs sa desk niya, sumandal at bumuntong hininga si Hans, nanahimik lang si JM at si Jigs naman na siraulo ay ang laki pa ng ngiti.
*Pak*
Binatukan ni Migs si Jigs
"Anong nginingiti ngiti mo diyan abnoy?!"
Imbes na mainis sa kambal ay mas lalo pa itong ngumiti.
"Marami nang makakakita ng kagwapuhan ko"
"Sipa gusto mo? Kagwapuhan pinag sasasabi mo diyan? Ang pangit pangit mo!"-Migs
Napangiwi si Sandra at Nemi, samantalang ako ay prenteng naka upo lang habang nakatingin sa kambal.
"Hair style lang ang pinagkaiba niyo pero sobrang mag ka look alike kayo. Kung pangit si Jigs edi damay ka do'n Migs"
Nag katinginan ang kambal.
"Jigs napaka gwapo mo!"-Migs
"Kadiri ka talaga, bakla!"-Jigs
May nag text ulit sa'min dahil kaniya kaniya na ulit ng tunog.
"Now"
Iyon lang ang nakasulat kaya nag katinginan kaming lahat.
Sabay sabay kaming nag madaling tumayo saka lumabas sa tambayan.
Naguguluhan pang tumingin sa'min ang mga estudyante dahil lunch time palang naman kaya marami pa ang nasa hallway.
Nag tataka silang tumingin sa'min pero wala kaming pakealam sa kanila.
Nag madali kaming lahat na pumasok sa Van.
"Nag text na ako kay Dad na may meeting kaya i eexcuse na tayo-"
"Fudge Pilsamor! Faster!"
Seryosong sabi ni Migs
Ganiyan sila kapag kabado na, lahat kami ay seryoso na. Bihirang mag pa meeting ang org nila at ito palang ang pangalawang beses na nakasama ako sa meeting na ganito.
"Eto na eto na!"
"Stop yelling-"
"Not now Nemi-"
"Act normal guys!"
Sita sa kanila ni Sandra
"Ano ba JM?!"
"Wait ok?! Si Carla pa!"
Kalmado lang akong nakaupo sa likurang bahagi ng van. Muntik pa naming makalimutan si Carla.
Natanaw namin sa malayo si Carla na halos lakad at takbo ang ginawa para makarating sa'min.
Binuksan ni Hans ang Van.
"Sorry medyo late"
"Pasok na!"
Pumasok siya at umupo sa tabi ng kambal na upuan niya talaga.
Isasara na sana ang pinto nang may sumulpot nanaman.
"Sa'n kayo pupunta? May sasabihin sana ako- uy teka anong ginagawa mo?!"
Dumukwang ako para hilahin siya papasok ng Van at pinatabi sakin dahil mauubusan na kami ng oras.
"Crenz? What are you doing?"-Sandra
"JM go"
Sinara ni Hans ang Van.
Nag simula ng umandar ang Van
"He's not allowed to be with us there"
"Alam ko"
"Pero bakit mo siya pinasok?"
Naguguluhang tumingin sa'min si Pula
"Sabi niya may sasabihin siya"
Tumingin ako kay Pula
"Ah oo, hindi tuloy bukas 'yong modeling, sa susunod na bukas na lang daw"
Nag cross arm lang ako saka pumikit
"Sa'n nga pala tayo pupunta?"
Walang sumagot sa kanila
"Raya?"
"Manahimik ka na muna"
"Pero hinila mo ako papasok dito"
Tsk! Psh! Napaka daldal niya. Dumilat ako para tingnan siya
"Kahit kailan talaga hindi ka marunong makinig"
Sabi sa kaniya ni Carla
"Oh? Ms. Secretary kasama ka rin pala?"
"Halata naman diba?"
Napanguso si Pula. Dami talagang baklang nakapaligid sa'kin.
"Dalawa lang ang gagawin mo sa pupuntahan natin, manahimik at sumangayon" sabi ni Carla
"Kahit hindi ka sang a sang ayon?"
"Tsk! Common sense"
Napakamot ng ulo si Pula
Nakangising umiling iling ako.
"Bakit napasama ako?"
"Kasi mauubusan kami ng oras kapag nakipag usap kami sayo sa labas ng Van. Malapit na tayo kaya wag ka masyadong bakla"
"Ba't ba bakla ka nang bakla?" Inis na tanong niya
"Manahimik ka kasi. Gustong gusto mo talaga yung reklamo ka nang reklamo"
"Oo Attienza manahimik ka na. Pasalamat ka nalang at buhay ka pa habang nasa tabi ka ni master"-Jigs
"Manahimik ka na rin"
Sita ni Sandra
"Nag text sa'kin ang org."
Naintriga kaming lahat
"Anong sabi?"
"Si Mr. Harold ang speaker"
Sabi ni Hans
"Haluh!"
"Wag ka namang mag biro ng ganiyan!"
Nag reklamo silang lahat.
"Crenz, huwag mo siyang sasagut sagutin ah"
Paalala sa'kin ni Sandra kaya nag dilat ako ng mata para salubungin ang tingin niya
'effort pa niyang tumingin patalikod ah'
"Susubukan ko"
"Crenz naman. Kapag tinanong ka, ako nalang ang sasagot"
Tumingin silang lahat sa'kin
Nag tali ako ng buhok. Lahat sila umiwas ng tingin sa'kin pwera kay Pula.
"Anong tinitingin tingin mo?"
"Wala namang nakapaskil sa mukha mong bawal kang tingnan diba?"
Bumungisngis sila.
"Huwag kang tumingin, baka mainlove ka nanaman sa'kin"
Tumingin ako sa labas
"Kapal talaga ng mukha mo 'no?"
"Ganoon talaga kapag maganda"
Tumawa siya ng pasinghal
"Hanep talaga-"
"Manahimik ka na"
Pumikit ulit ako. Naboboring na ako sa byahe na 'to. Sana nag motor nalang ako.
LIPHYO'S POV
Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero kinakabahan ako. Pinipilit ko nalang alisin ang kaba ko sa pamamagitan ng pakikipag asaran kay Raya pero hindi pa rin sapat.
Bakit ba kasi ako napasama dito? Taga balita lang naman nila ako.
"Uhmm? Sa'n ba tayo pupunta"
Kalabit ko kay Raya habang naka pikit siya.
"Sa husgahan"
Kinilabutan ako
"Husgahan? Sa magulang ba ni Sandra?"
Bulong ko sa kaniya
"Mm"
Tango niya
"Bakit mo ba ako sinama?"
"Sinagot na kita kanina"
"So tayo na?"
Napansin kong lumingon sa'kin ang lahat. Dumilat si Raya saka tumingin sakin na parang ang boring boring kong kausap.
"Sige tayo na"
Sarili kong asar 'yon sa kaniya pero hindi ko alam, parang huminto ang mundo ko sa sinabi niya at ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Namumula ka nanaman tss"
Pumikit nanaman siya
"Supalpal nanaman hahaha"
Sabi ng isa sa kambal
"Ok tayo na"
Sabi ko saka sumandal pero hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib ko.
Dumilat nanaman siya at tumingin sa'kin saka pumikit ulit.
"Fudge"
Nag sisisi nanaman akong bumabanat pa ako, lalo na sa kaniya.
Huminto na ang sasakyan.
Bumaba na sila.
Nakatingin lang sa'kin si Raya.
"Anong tinitingin tingin mo? Napopogian ka ba sa boyfriend mo?"
Pagyayabang ko
"Bumaba ka na, huwag ka masyadong makapal. Harang ka sa dadaanan ko"
Napapahiyang bumaba ako ng van saka siya bumaba rin.
"Kinakabahan ako Sandra"
"Tsk! Kumalma nga kayo. Makikinig lang naman tayo eh"
Sabi ni Sandra pero halata mo sa boses ang takot
"At ikaw! Bakit ka ba kasi nakasama?!"
Sigaw niya sa'kin
"Si Raya ang tanungin mo"
"Tsk! Pakelamero ka kasi eh!"
Oh bakit kasalanan ko?
"Tama na yan. Tara na"-Hans
Dumikit ako kay Raya
"Lumayo ka nga sa'kin, bakla"
Naiinis na aniya
"Eh bakit kasi sinama sama mo pa ako eh"
Pumasok kami sa isang madilim na gusali. Feeling ko nga parang parking lot kasi pababa at madilim.
Nag bukas kami ng flashlight. Napasiksik ako lalo kay Raya.
"Putcha Pula, matitisod ako sa ginagawa mo."
"Bakit andilim dito-"
"Manahimik ka nga"
Singhal niya sa'kin"
"Uwi na tayo, ay balik na pala tayo sa school"
Sinisiko niya ako palayo kasi kumapit na ako sa braso niya. Winawaksi niya ang kamay ko
"Ano ba?!"
"Raya naman eh"
"Napaka bakla mo"
Singhal niya
Nauunang mag lakad ang mga kasamahan namin.
"Bwiset ka Attienza, manahimik ka na nga. Natatakot din ako dahil sa ginagawa mo eh"-Pilsamor
"Kalalaki niyong tao para kayong bakla"
Sabi ni Nemi pero nakasiksik din kay Sandra habang naka kapit din sa braso nito.
Halos mahila ko pababa si Raya nang matumba ako noong tumingin ako sa likod.
"W-wooh!"
"Ano ba Pula?!"
Naiirita na talagang sabi ni Raya
Napaturo ako sa likod niya. Napa tayo agad ako saka nag tago sa likod niya.
"Sino sila?"
Bulong ko kay Raya.
Lahat kami nakatingin sa pinanggalingan namin dahil sa tatlong lalaking malaki ang katawan.
"Ms. Sandra nandito na pala kayo"
Halos mag yakapan sila na nasa likod namin dahil sa takot.
"Bakit ba kayo nananakot?!"
Singhal ni Sandra
Kumapit ako sa balikat ni Raya, panay lang siya pag alis sa kamay ko sa balikat niya.
"Pinapasundo po kayo-"
"Oh! Bakit nandiyan kayo?! Diba dapat sa labas kayo nag antay"
"Ngayon lang po kami inutusan"
Nawala ang nerbyos ko dahil kakilala pala nila iyon.
"Bakit ba walang ilaw dito?!"
Singhal ni Sandra
"Napundi po"
"Ang dami daming pera ng boss niyo tapos hindi kayo makabili ng bumbilya?! Nakakainis!"
Nag patuloy mag lakad si Sandra
"Umalis ka nga"
"Bakit kasi pang horror 'tong lugar niyo?"
"Hays! Manahimik ka na"
Hindi ko na talaga mabilang kung ilang beses ako pinatahimik ni Raya pero hindi ko pa rin maitikom ang bibig ko dahil sa takot.
Kumapit pa rin ako braso niya. Pero kahit anong alis niya ay patuloy pa rin ako sa pagkapit.
Bumukas ang pinto at hindi ko inaasahan ang mga nakita ko.
Lalo akong napakapit kay Raya at maging si Raya ay nagulat nalang din sa nakita niya at tumigil sa pag pupumiglas.
Bakit ganito?