10

CRENZ'S POV

Sabado ngayon at bukas na gaganapin ang pinaka hihintay nilang pagkuha sa isang kwintas.

Kasalukuyan akong nag hahanda para sa pag alis dahil ngayon raw gaganapin ang photoshoot.

"Ay sa'n ang gora teh?"-Chiggy

Aniya pag baba ko sa sala.

"Photoshoot nila Hans"

Simpleng tugon ko

"Bongga! Kailangan ba talagang susupport ka sa bebe mo?"

Pinag sasabi ba nila? Ang daming issue nila sa mundo.

"Oo nga pala, sabihin mo kay Mama na hindi ako makakasama sa inyo ah. May out of town ako sa araw na 'yon eh"-Chiggy

Umupo ako para kumain

"Nasan si Nina?"

"Si Nina? I don't know wala siya sa kwarto niya pag bukas ko do'n"

Baka nasa condo niya?

"Ikaw? Wala kang gala?"

"Gala? Kailan ba ako nag gala?"

"Imposibleng puro ka lang trabaho, for sure may kasama ng pambababae yan"

"Yuck! Ano? Babae? Mas angat ang beauty ko sa inyo 'no" maarteng aniya

"Tantanan mo na yang pag babakla baklaan mo Chiggy Mil. Hindi talaga bagay sayo"

Bakla tapos ang laki ng katawan? Pupusta akong suki pa ng gym to.

"Ano bang sinasabi mo?"

Nag iwas siya ng tingin

"Kapag ako kausap mo umayos ka. Halata kita sa boses mo"

"Ano ka ba, ganito na talaga-"

Tinutukan ko siya ng tinidor sa leeg kaya napa angat siya ng ulo.

"Ano bang ginagawa mo?!"

"Kung sila naloloko mo, ako hindi kaya umayos ka"

Nag patuloy na ako sa pagkain

"H-hindi ka bakla?"

Nagkatinginan kami ni Chiggy saka sabay na tumingin sa pinto. Nakita namin doon ang isang babaeng gulat na gulat ang itsura. Sabay naming nabitawan ni Chigs ang hawak naming kutsara. Nag katinginan ulit kami ni Chiggy.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero 'yon talaga ang nararamdaman ko. Bakit siya nasa bahay ko at bakit niya 'yon narinig, I mean bakit ba kasi siya nandito at sino siya?

"Luwei."

Nagugulat na tumingin ako kay Chiggy.

"Siya si Luwei?"

Tumayo na si Chiggy para lapitan 'yong babae pero agad na tumakbo paalis ang baba

"Luwei!"

Hinabol niya sa labas si Luwei.

Sa pagkakaalam ko ay boss niya si Luwei sa isang sikat na boutique clothing. Hilig na talaga noon ni Chiggy na mag design kaya napagkakamalan siyang bakla. Kung tama ang pagkakaintindi ko sa mga nangyayari, nag panggap na bading si Chiggy para makuha niya ang gusto niyang profession. Pinipilit kasi ng Lolo niya ang pag papasok kay Chiggy sa military.

Madalas niyang nababanggit sa'kin si Luwei at mukhang tinamaan talaga siya sa babaeng 'yon. Kaya huwag na siyang mag tatakang alam kong hindi siya tunay na bakla. Pag ngiti palang niya habang kinukwento niya ang babaeng 'yon, alam ko nang may something pero nananatili pa rin akong tahimik.

*RING*

"Um?"

"Susunduin na kita"-Hans

Tumingin ako sa wall clock.

"Maaga pa Handriko. Excited ka ba?"

"Wala akong magawa dito sa bahay"

"Sige dalhan mo ko ng dalawang kilong pagkain ni Wacko"

"Ayaw mo ng isang sako?"

"Wala akong pera Handriko"

"My treat"

"Dalawang kilo lang"

"Ok, may ipapabili ka pa?"

"Wala na pero paki dala na rin ng laptop mo. May gagawin ako."

Pinatay ko na ang tawag saka nag patuloy sa pagkain

"Ano ba?! Bitawan mo ko! Nakakadiri ka! Sinungaling!"

Nag hihilaan pa ang dalawa pag pasok sa pinto.

Ngumunguyang pinag masdan ko sila.

Mukha namang wala na akong dapat alalahanin dahil mukha namang ayos na rin kay Chiggy na nalaman niya 'to.

"May dahilan kung bakit ako nag papanggap."

"Whatever your reason is! I don't care!! Let me go!"

Hinihila niya ang kamay niyang hawak ni Chiggy.

Sa inis ni Chiggy ay binuhat niya ito saka umakyat sa taas.

"Goodluck brother!"

Pag cheer ko sa kaniya

"Ibaba mo ko!!"

Nag sisisigaw ang babae nang iakyat siya ni Chiggy. Ilang beses pang sinabi ni Chiggy na wag siyang makulit dahil baka mahulog sila.

Nang matapos ako kumain ay inayos ko ang mesa saka inantay si Hans na dumating.

*KNOCK*

Nag lakad na ako palabas para buksan ang gate.

"Here"

Agad iniabot sa'kin ni Hans ang pagkain ni Wacko.

"Pasok na"

Kinuha ko yung dala niya saka kami pumasok muli sa loob.

"Anong gagawin mo sa laptop?"

"Gagawa ng kung ano lang"

"Ano? Anong gagawa? Baka oorder?"

"Basta, dami mong tanong"

Nilapag niya ang laptop niya at binuksan.

Sinalpak ko ang cellphone ko para maconnect ko sa laptop niya.

"May maitutulong ba ako?"

"Meron. Kontakin mo si Chelsea mamaya dahil kakailanganin ko ang tulong niya para sa programming"

"Can you at least give me a hint?"

"Gagawa ako ng tracking device"

"A tracking device? For whom?"

"Kay Pula"

"For Attienza? Seriously?"

"Ayokong managot kapag may nangyaring masama sa kaniya. Di lang naman para kay Pula 'to, para na rin kay Sandra at sa pang gagamitan ko pa sa future"

Nag patuloy ako sa pag tatype.

"Ngayon ko lang nakitang nagkaroon ka ng ganiyang concern sa iba"

"Kung hindi lang nakasalalay ang trabaho ko dito, hinding hindi ko 'to gagawin. Alam mo namang dito ako kumukuha ng pang gamot ni Mama"

Napansin kong tumango siya

"Akala ko dahil may nararamdaman ka na kay Attienza"

"Hindi ba sinabi ko na sa inyong hindi pa sira tuktok ko para pumatol sa isang 'yon at isa pa, ayoko ng asungot sa buhay"

Tumango tango nanaman siya.

"Nabalitaan mo na ba?"

"Alin?"

"Pauwi na Yashica"

Napahinto ako sa pag tatype saka tumingin ng masama kay Hans.

"Nag bibiro ka ba? I mean akala ko biro biro lang ng kambal 'yon"

"Hindi, usap usapan na ang pag babalik ng mga Queen's deck"

"Mga?"

Lalong nangunot ang noo ko

"Ryker will be back"

Nakaramdam ako ng kaunting tuwa pero hindi ko nalang pinahalata dahil knowing Hans, dadami nanaman ang magiging mga tanong niya.

"Ah ok, good news yan"

Nag patuloy ako sa pag tatype

"Kasi makikita mo na siya ulit?"

"Kasi mabubuo na kayong F4"

Hindi ko siya nilingon.

"Gusto mo bang mag kape muna tayo sa labas-"

"Wala akong pera"

"Ako bahala"

"Ayoko masanay"

"C'mon makakapag wifi ka sa coffee shop"

Sabagay, magandang idea naman 'yon

"Sige tara na"

"Nasan pala yung dalawa?"

"Si Chigs lang nandito. May bisita siya, nasa kwarto niya"

Nag tatakang napaisip siya

"Tara na, dalhin mo na 'to"

Pinadala ko sa kaniya ang laptop at lumabas na kami. Hindi na ako nag paalam dahil baka maka istorbo lang ako sa the moves ni bakla.

Napangiti nalang ako sa katangahan niya.

LIPHYO'S POV

"Ano bang ginagawa mo Liphyo? Mag sisimula na"

Tanong sa'kin ni Jerick habang naka tanaw ako sa labas ng pinto.

"Sa'n ba pupunta si Raya?"

Lumabas kasi agad si Raya ng pinto noong makarating sila dito sa studio. Kumpleto na kaming lahat dito. Manunuod din sina Sandra at Nemi sa photoshoot pero wala dito ang taga pag bantay nila.

"May tatapusin daw na assignment"

Assignment? Sabado?

"Bakit-"

"Ano ba? Hinahanap na kayo ng photographer Jerick"

Sabi ni Jhom pag lapit niya sa'min.

Tumingin muna ako sa pinag labasan ni Raya saka ako nag padala sa pag tangay no'ng dalawa.

"Ok boys sit down"

May tatlong bar chair sa gitna at doon kami pinaupo ng photographer, kami ni Mike at Hans.

Nasa mag kabilaang gilid namin ang kambal at the rest ay nasa lapag.

"Ok! Let us shake them guys!"

Nag simula kaming kunan ng photographer.

SANDRA'S POV

Nakatingin kami sa mga lalaki habang pinipicture an sila.

"Tingnan mo 'yong ibang stuff. Mukhang nag lalaway sa kanila"-Nemi

"Hindi mo sila masisisi. Ngayon lang din ako nakakita ng mga hunks na pinag sama sama"

Kahit ata blurred ang pag kaka kuha sa kanila ay mapag hahalataan mong mga gwapo talaga.

"Nasan si Crenz?"

"Si Crenz?"-Nemi

Tumingin siya sa gilid niya

"Nandito lang siya kanina eh"

Hindi mo talaga mahuhulaan ang mga gagawin no'ng babaeng 'yon.

"Bakit? May kailangan ka sa kaniya? May ipag uutos ka?"

"Hindi wala, hindi ko lang siya nakita"

Punong puno talaga ng hiwaga 'yong babaeng 'yon.

"Babalik na si Ryker, anong balak mo?"

Bigla nalang akong nakaramdam ng kung ano sa tyan ko nang dahil sa narinig ko. Alam ko naman na babalik na siya pero kahit alam ko na, gustong gusto ko pa ring marinig dahil hindi ako makapaniwala. Limang taon ko na siyang hindi na kikita, siguradong mas umangat na ang kagwapuhan niya ngayon. Ahead siya sakin ng apat na taon. Puppy love ko siya.

Kakaiba pa rin ang epekto niya sa'kin.

"Anong babalakin ko? Edi welcome back sa kaniya"

May ngiti sa labing ani ko

"Hmm.. hindi ka ba natatakot? Alam mo namang may ibang gusto si Ryker"

"May gusto ba akong hindi ko pa nakuha Nemi?"

Nginisian niya ako

"Huwag kang pasiguro. You will never know what will happen in the future. Tingnan mo siya"

Nginuso niya si Hans

"Anong meron?"

"Hindi mo alam? Grabe ang manhid mo"

Iling iling na aniya saka uminom ng tubig.

Nag simula tuloy akong malito sa mga sinabi niya. Anong meron kay Hans?

"Oo nga pala, si Yashica-"

Kumunot ang noo ko.

"- pabalik na rin siya kasama si Ryker"

"Kasama- mag kasama sila?!"

Nagulat ako sa narinig ko. Paanong mag kasama sila eh magkaibang bansa ang tinuluyan nila.

"Balita ko tapos na sila pareho sa pag aaral nila"

Sabi ni Nemi na may pagtataka sa tono

"Ano bang meron? Bakit parang lumiliit na ang mga mundo natin?"

Nag cross arm and legs siya saka ako tiningnan

"Hindi ba magandang balita 'yon? Mabubuo na 8 supremacy"

"Anong 8 supremacy ang sinasabi mo diyan?"

"Isipin mo nga, anong meron sa Ace deck at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ang mga successor?"

Ang Ace deck.

"Ano namang kinalaman nila?"

"Hindi pa ikinakasal ang mga dapat ikasal gaya ni Daniel and Chelsea dahil hindi pa nag papakita ang Ace deck successor"

Naging maugong nga ang balitang iyon sa organization dahil masyadong maraming trabaho ang hindi magawa dahil sa pag kawala ng Ace successor.

"Nasa'n ba si ate Bern?" Takang tanong ko sa kaniya

"Si Bern? Ang balita ko nasa hospital at nag papagaling"

Lalong nangunot ang noo ko

"Nag papagaling? May sakit siya?"

"Walang nakakaalam kung ano ba talagang nangyari sa kaniya pero ang balita ko masyadong pribado ang topic na tungkol sa kaniya."

"Kaya ba hindi ko na siya nakikita?"

"Ilang taon ka ba no'ng huli mo siyang makita?"

"13 or 14 years old ata ako"

"Matagal tagal na nga rin"

Sang ayon niya.

"Wala na rin akong balita sa Ace deck. Ano sa tingin mo ang ginagawa nila?"-ako

"Maybe they're all in Palace"

"Palace?! Makakapunta ka lang doon dahil sa sobrang lalim na dahilan"

"Kahit hindi malalim ang dahilan nila, makakapunta pa rin sila dahil Ace deck sila"

Pinaka makapangyarihan na ata talaga ang deck nila. Daig na daig ng Ace ang King at walang makapag babago doon.

Kung ako ay kaya ko nang mabuhay na hindi nag tatrabaho, ang Ace deck naman kaya nilang mabuhay ang ilan pang mga henerasyon nila kahit hindi na sila mag trabaho o mag aral.

"Si kuya Roft ba nandito sa Pinas?"

"Nandito si Vandro, malamang nandito rin si kuya"

Huminga ako ng malalim

"Ano bang nangyari? Bakit maraming na postpone na mga event?"

"Hindi ko rin alam pero ang alam ko related 'yon sa Ace deck"

"Ayoko na nga pagusapan. Oo nga pala, pupunta tayo kila Crenz sa sem break. Mag handa kayo kasi mag enjoy tayo"

Maisip ko pa lang sobrang na eexcite na ko.

CRENZ'S POV

"Oo, kaya ko na tong algorithm dito. Gawin mong singsing at paki finalize nalang sa pag poprogram"

Kausap ko si Chelsea para sa ginagawa ko.

"So kakailanganin mo pa ba ako sa bahay niyo mamaya?"

"Ikaw? Ano bang trip mo? Isisend ko sayo or pupunta ka?"

"Punta nalang ako. Kailangan pa natin pag usapan yung gagawin buka-"

"May napag usapan na kami no'ng mga bata"

"Pero ang napag usapan niyo lang ay yung mga mangyayari sa pag babantay sa mga lalaki"

Huminga ako ng malalim

"Sige pumunta na kayong lahat sa bahay"

"Ok, see you!"

Pinatay niya na ang tawag.

Nasa isang kwarto ako na ang sabi nila ay kainan daw  ng mga model, pero mukhang exclusive lang 'to para kila Pula

*DOOR'S OPEN*

Hindi ko tiningnan ang pumasok dahil sa ingay palang ay alam ko nang tapos na sila.

"Crenz? Kanina ka pa namin hinahanap, nandito ka lang pala"

Nag kaniya kaniya silang upo sa mga sofa na naka paligid dito sa maliit na mesang babasagin.

"Sana nakita mo kung gaano ka bano mag post si Jigs"-Nemi

"Napaka sama talaga ng ugali mo!"

"Ano yang ginagawa mo?"

Tanong sa'kin ni Sandra.

Kaniya kaniya na silang kwentuhan

"Tiningnan ko lang 'tong pag poprogram"

"Program?"-Pula

Sabay kaming tumingin ni Sandra sa kaniya

"Patingin"-Pula

Umupo siya sa kabilang tabi ko saka kinuha ang laptop.

"Akin na nga 'yan, di mo naman alam ang ginagawa ko"

Kinuha ko ulit sa kaniya ang laptop

"Sabihin mo sakin kung ang gagawin mo, kaya kong gawin 'yon"

Mayabang na aniya

"Ayan nanaman ang kahambugan niya"-Sandra

"Anong- hindi ako nag yayabang 'no"

Ayan nanaman sila. Bakit ba pag nag sasama sila laging may gera?

"Tsk, manahimik nga kayong dalawa. Pinagigitnaan niyo pa ako"

"Ayan kasi eh"

Turo sa kaniya ni Pula

"Hambog ka kasi"-Sandra

Di pa talaga sila titigil

"Oh sige may papasugatan ako sa inyo-" sabi ni Jigs kaya nakuha niya ang atensyon naming lahat

"Oh sige, wag bobohang tanong ah"-Migs

"Kung bobohang tanong malamang masasagutan mo"

Tumawa sila lalo na si Jhom na kakaiba ang tawa na pwede kang mahawa at matawa rin.

"Mayroon akong 540 at bumili ako ng damit na nag kakahalaga ng 250-"

Nag simulang mag isip ang mga nasa paligid namin

"- pag uwi ko ay binigyan ako ng mommy ko ng 650 para sa allowance ko sa isang week. Ngayon nangutang sa'kin si Migs ng 300 sa di malamang dahilan at nanakawan ako ng 640-"

"Antanga mo naman"-JM

Pfft!..

Maging ako ay natawa sa sinabi ni JM

"Manahimik ka nga Pilsamor"-Jigs

"HAHAHAHA"-JM

"Binigyan pa ako ni Dad ng 500. Ang tanong magkano na ang pera ko"

Natahimik ang lahat

"Wala"

Sabi ko.

Tumingin silang lahat sa'kin

"Wala?"

"Kukunin ko na yung 500 dahil utang mo sa'kin 'yon"

Bumunghalat sila ng tawa.

Pero ako seryoso lang na nakatingin sa kanila. Hindi naman kasi ako nag bibiro, di pa ako binabayaran ni Jigs. Ilang linggo na 'yon.

"Grabe ka naman master, palugit pa ng isang linggo"

Nakangusong aniya

"Idadaan mo pa ako sa computation at kwento ng katangahan mo para lang humingi ng palugit? Siraulo."

Napuno ng tawanan ang buong silid.

Nag tali ako dahil pakiramdam ko ay ang init ng paligid.

Natahimik ang paligid kaya tumingin ako sa kanila

"Master babayaran ko naman talaga"

Nangunot ang noo ko dahil sa tono niya na parang may takot.

"Sinasabi mo?"

Nag balik ang paningin ko sa laptop. Tahimik pa rin silang lahat kaya nag angat ulit ako ng tingin

"Bakit ba?"

"Pwede bang maki love square sa inyo ni Liphyo at Mike?"-Jhom

"Sali ako, love pentagon tayo"-Jerick

Nangunot nanaman ang noo ko sa mga sinasabi nila

"Bakit niyo ako sinasali diyan?"-Pula

Naguguluhang tumingin ako sa kanila

"Mukhang trip ka ng squad nila"

Bulong sa'kin ni Sandra

"Ha?"

Naguguluhang tanong ko sa kaniya

"Tantanan niyo na si Crenz at inosente pa 'to sa mga gusto niyong mangyari"

Umiling nalang ako saka nag patuloy sa pag tatype

"Pahiram nga, may susubukan lang ako"

Sinave niya ang ginawa ko saka siya may pinuntahang ibang site.

Type lang siya nang type. Mukhang alam ko na ang gusto niyang pasukin

"Anong ginagawa mo? Bakit gusto mong tingnan 'yan?"

Tanong ko sa kaniya

"Titingnan ko lang"

Nag scan ang laptop at

"Bingo"

Aniya kaya sabay kaming lumapit para tingnan ang pinasok niya.

CCTV ng building na 'to.

"Nice, marunong ka nga talaga"

Hinarap ko sa'kin ang laptop saka pinanood.

"Ano 'yan? Bakit-Paano?"

Naguguluhang tanong ni Sandra

"Ang galing ko diba? Hanga ka na ba sa'kin?"

Kinindatan ni Pula si Sandra

"Baka ma trace kayo, umalis na kayo diyan"

Sabi ni Hans na hindi namin namalayang nasa likod na namin.

"Teka!"

Sabay kaming napasinghap ni Pula nang ma detect na ng system nila na may nakapasok sa server nila.

Lahat sila ay pumunta na sa likod namin

"Labas na"-Hans

"Wag!"-Jigs

"Anong wag? Makikita nilang tayo ang-"

"Pwede naman nating kontrahin eh"-Migs

Kinuha ni Migs ang laptop saka nag type

"Anong ginagawa mo?"tanong ko sa kaniya

"Edi makikipag laro"

Hindi ko maintindihan ang ginagawa niya pero mukhang kinokotra niya ang pag papaalis ng system nila sa server namin.

*Warning Tone*

Biglang nag Wang Wang ang buong building dahil sa emergency

Ang laki ng ngiti ni Migs

"Miguel! Lumabas ka na!"

Sabi ni Hans pero nananatiling nakangiti si Migs

"Masaya 'to"-Jigs

"Mapapahamak tayo pag nalaman nila"-Nemi

"Ano ka ba? Kalma ka lang"-Migs

"Pahiram ng isang laptop"-Jigs

Nag bukas ng isang laptop si Jhom.

Sa tono ng kambal, ako nalang ang makakapag pa hinto sa kanila pero kahit ako ay hindi ko gustong pahintuin ang ginagawa nila. Natutuwa pa nga ako eh.

Sumandal ako saka nag cross arm at legs.

"Anong ginagawa mo? Pigilan mo na sila"-Pula

"Naduduwag ka nanaman?"

"Inaalala ko lang kayo"

"Wag mo kaming alalahanin. Kayang kaya nilang lusutan 'yan"

Tutok kaming lahat sa kambal na nasa harap namin nakaupo sa sahig at may kinakalikot sa laptop.

Biglang bumukas ang CCTV sa bagong bukas na laptop.

"Ok! Mamonitor na natin sila kung papunta na sila dito"

Tiningnan namin ang security room nila na aligaga ang lahat.

"Kasalanan ko 'to"-Pula

"Kumalma ka lang"

Nakangising ani ko

"Mag topless na kayo"

Nauubusan na lakas na sabi ni JM

"Ha?"

Tanong nila Pula

"Kailangan niyong pag pawisan sa oras na 'to"

Seryosong sabi ni JM

Naguguluhan man ay tumayo si Pula at sumama Kila Hans na nag eexcercise na ngayon.

"Napaka tagal niyo naman"

"Masyadong mahigpit ang security"

"Akina"

Kinuha ko kay Migs ang laptop saka nag type doon.

"Marunong ka ba niyan master?"

"Para saan pa ang pag tawag niyo sa'kin ng master kung hindi ko kayo hihigitan"

Nakangiting sabi ko

Lima nalang kaming nandito.

Ang kambal, ako, Nemi at Sandra.

"Access denied"

Inulit ko uli ang pag tatype pero naka ilang access denied.

"Basta ang goal lang ngayon ay makontra sila"

"Tingnan niyo! Paakyat na sila dito"

Nag madali ako sa pag kontra sa kanila

"Dali, nasa 36th floor na sila" nakangiting pahayag ni Jigs

"Anong floor 'to?"

"45th"

Sagot ni Pula na nasa likod ko na

"Ako na"

Bigla akong kinabahan sa posisyon namin.

Nasa likod ko siya habang nag titipa siya sa laptop na nasa legs ko.

Napasandal ako.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Ang bango niya kahit pawisan na siya.

"Dali! Nasa 42nd floor na sila"

*Access denied*

Umulit muli si Pula.

Lumapit ulit sa'min ang lahat.

"Nandito na sila!"

Masayang sabi ni Jigs.

Gusto ko sana siyang pagalitan dahil kinabahan na ako pero ayoko mag salita dahil inaabangan ko rin ang pag

*Access Granted*

"Nandito na sila"

Masayang sabi ni Jigs at nag alis ng pang itaas, nataranta ang lahat.

"Akina yan"

Kinuha ni Pula ang laptop. Doon lang ako medyo nakahinga ng maluwag.

Tumabi sa'kin si Nemi

"Anong nangyari sayo? Ayos ka lang?"

Walang emosyong tiningnan ko siya saka ako kumuha ng candy sa lalagyan ko.

Nag sit-up at push up ang mga lalaki.

Habang kaming tatlong babae ay nakaupo dito sa pang tatluhang upuan.

"Hindi pwedeng mag sama sama ang mga lalaking 'yan"

Pahayag ni Sandra

"Thrilling kamo pag nag sama sama sila"

Nakangiting sabi ni Nemi

Sinulyapan ko si Pula. Naka ngiti siyang nakikipag usap sa kambal.

Bigla nalang bumukas ang pinto kaya lahat kami ay tumingin doon.

Puro security guard at may ibang baka uniform na staff dito.

"Anong ginagawa niyo dito?"

Kunot noong tanong ni Pula. Inosente namang tumingin ang mga lalaki sa kanila

"Ang galing, mga artistahin ang mga lalaki natin"

May galak sa tono ni Nemi na kulang nalang ay pumalakpak dahil sa galing umarte ng mga kasama namin

"May na detect ang system namin na may gustong pumasok na server sa system namin-"

"Wait? Ano? System- server? Ano ba 'yon?" Takang tanong ni Hans

Nagkatinginan ang mga guard

"Pasensya na pero kailangan naming mag halughog"

Sinenyasan niya ang ka team niya at pumasok sa loob nitong silid

Dali daling nag damit ang mga lalaki

"Wait! Ano bang ginagawa niyo? Para lang 'to sa mga model"- Jhom

Nag patuloy sa pag halughog ang mga gwardiya

"I'll make you all pay for what you're doing now"-Jhom

May pumasok pa sa kwarto na 'to.

"Manager Jang, hindi ata kami welcome dito sa agency niyo. Grabeng pang mamaliit ang ginagawa ng staffs niyo dito"

May bahid na inis na sabi ni Hans

"ANO BANG GINAGAWA NIYO?!"

sigaw ng manager nila

"Sir, may na detect ang system namin may gustong pumasok na server sa system natin at dito tinuturo ng system ang pinanggalingan ng-"

"Sige! hanapin niyo! Kapag wala kayong nahanap dito, ipapatanggal ko kayo sa trabaho niyo!"

Seryoso ang pinaka head ng security at pinanindigan nito ang pag halughog.

"Wala na kayong aasahan sa'min sa susunod"

Pinaleng sabi ni Hans

"I'm so sorry for this, please-"

"Ganito rin ba kayo sa ibang nag momodel dito? Bigla niyo nalang papasukin?! Ang sabi niyo ay para lang sa'min 'tong kwartong 'to pero ngayon ay pinag hihinalaan kami?!"

Galit na sabi ni Hans

"Sir, negative"

Sabi no'ng isang kasama nila. Pinindot no'ng head nila ang earpiece niya

"Negative"

Pinakinggan niya ang kausap niya saka tumingin sa'min.

Bigla nalang 'tong nag bow

"Pasensya na, nag kamali ng pag detect ang system namin.  55th floor pala ang-"

"Asahan niyo ang parusang ibibigay sa inyo ng CEO!" Galit na sabi ng manager.

Nag bow ulit ang mga security at saka lumabas silang lahat

"Pasensya na kayo-"

"Aalis na kami"-Hans

"Pero may isa pang-"

"Sa tingin niyo ba mag momodel pa kami pagkatapos ng ginawa ng mga tauhan niyo dito?!"

Sigaw niya sa manager

Huminga ng malalim ang manager

"Pasensya na talaga kayo-"

"Pwede po bang humingi ng mainit na tubig?"-Jigs

"Mainit na tu- oo naman, sandali lang at kukuhanan ko kayo"

"Kung pwede pahingi narin po ng makakain, gutom na kami"-Migs

Napailing nalang ako sa kakapalan ng mukha nila

"Sure! Dadalhin agad namin"

Lumabas na ang manager. Sinilip ni JM ang pinto para tingnan kung nakaalis na ang manager.

Sinara niya ang pinto saka nag ok sign

Nag tawanan ang mga lalaki

"Grabe! Ang galing mo umarte!"-Austin

"Kailangan eh"

Mayabang na sabi ni Hans

Umupo kaming mga babae ulit

"Ang galing! Paanong naging 55th floor?"-Nemi

"Pababayaan ko ba naman ang kambal kong mapahamak?"-Jigs

Napangiti nalang ako. Kahit sakit sa ulo 'tong dalawa, hindi talaga sila papayag na may isang maaagrabiyado sa kanila. 'yon talaga ang pinaka the best sa kambal na 'to.

"Sa 37th floor na ang sunod nila" nakangiting sabi ni Pula

"Nakita mo pa 'yon?"-Jigs

"Ako pa!"

"45, 55, 37, 19, 23 and 8 sa tingin ko mahihirapan talaga sila"

Bulong ko sa sarili ko habang inaalala ko ang mga nakalagay na no. sa screen kanina.

Tahimik silang lahat kaya napa balik ako sa kasalukuyan. Nakatingin nanaman silang lahat sa'kin

"Ang galing! Naka bisado mo"-Jigs

Bigla akong napa tikhim saka pumikit habang naka cross arm at legs.

"Tatlong paboritong number namin ni Jigs 'yon master"-Migs

Nag kunware akong hindi ko sila naririnig at nag kuyakoy lang at saka inihilig ang batok ko sa sandalan.

"Pero ang galing talaga! HAHAHA pwede na kayong maging artista!"-Jerick

Nag simula ang tawanan nila. Kayang kaya talagang ma detect kung nasaan kami kung hindi lang kami maingat.

HANDRIKO'S POV

Hindi ko talaga makalimutan ang nangyari kanina. Halo halo ang mga naging emosyon ko.

Nasa kotse kami ngayon ni Yara. Pinasundo muna namin sa mga bodyguard si Sandra bago kami umalis.

Natutulog ngayon si Yara habang nag dadrive naman ako papunta sa bahay niya.

May pag uusapan pa raw kami nila Tyro

Nag papalit palit ang tingin ko sa kalsada at kay Yara.

Napangiti nalang ako habang tinitingnan ang inosente niyang mukha dahil tulog siya.

Nawala ang ngiti ko nang maalala ang posisyon nila ni Attienza kanina. Gusto kong alisin si Attienza sa likod niya kanina. Naiinis talaga ako.

Napapadalas talaga ang pag tatanong ko sa sarili ko kung sino ba talaga sa dalawa ang gusto ko?

Minura ko ang sarili ko.

'Gumising ka Handriko, si Sandra lang dapat!'

Hindi ko maintindihan pero sa tuwing may panganib, si Yara ang pinaka gusto kong iligtas.

Huminga nalang ako ng malalim

Kailangan ko na talaga itigil 'tong kahibangan ko. Ayokong mawala si Yara sa'kin dahil dito sa nararamdaman ko at ayokong mag sisi naman sa huli kapag nag kamali naman ako sa pag pili.

Yung dalawang babaeng gusto ko, parehong may gusto sa iisang lalaki. Dalawa silang nakatingin kay Ryker habang ako ay nakatingin naman sa kanilang dalawa.

Huminto na ako sa harap ng gate nila Yara

"Hey, wake up"

Madilim na ang paligid pero kita ko pa rin ang pamumula ng mata niya dahil sa pagkakatulog. Nakabukas kasi ang ilaw sa loob ng kotse ko.

Kaagad nangunot ang noo niya.

"Oh, huwag mo akong pagalitan. Sinabihan na kita kanina na wag kang matutulog dahil -"

"Oo na, dami mong sinasabi"

Binuksan niya ang pinto saka lumabas.

Natatawang pinatay ko ang makina ng sasakyan ko at saka lumabas at ni lock ang pinto.

Pumasok na kami. Nandoon na nga sila Tyro

"Oh! Mukhang wala sa mood ang prinsesa natin ah"-Tyro

"Bigyan niyo ko ng ilang oras para mag pahinga"

Umakyat sa kwarto si Crenz

"May ginawa ba 'yon na nakakapagod?"-Daniel

"Wala, umupo lang naman 'yon buong maghapon habang gumagawa ng algorithm sa laptop ko"

Binigay ko kay Chelsea ang flashdrive na pinag save an ng ginawa ni Crenz kanina

"Bakit parang urgent 'tong pinapagawa niya?"-Chelsea

"Si Attienza nga kasi diba, under niya"

Sabi ko habang kumukuha ng tubig

"Nag eeffort siya ng ganito para sa lalaking 'yon?"-Tyro

"Sabi niya, para kay Sandra rin daw"

"Kailan ba 'to kailangan?"-Nina

"Hindi ko alam pero mukhang ASAP yan"

Nagkatinginan na sila.

"Wala naman silang something 'no?"

"Hindi ko alam pero may mga bagay talagang hinahayaan niya kapag si Attienza na ang gumagawa. Diba nga naikwento ko na sa inyo. Kahapon may sugat siya at hinayaan niyang linisin 'yon ni Attienza. Hindi ba nga ayaw niyang may nakikialam sa kaniya lalo na pag may sugat sa kaniya. Usually siya lang talaga ang gumagawa no'n. Tapos kanina, hindi siya umapila na sa likod niya si Liphyo habang nag tatype sa laptop ko na nasa lap niya"

Matapos kong uminom ay umupo na rin ako sa harap nila

"Ano bang iniisip niyo diyan. Alam niyo namang ayaw ni Crenz sa madaldal diba? Malamang kaya siya pumapayag, dahil sa mag iingay lang-"-Chelsea

"Hinahayaan niya rin umangkas sa motor niya si Attienza"

Napahinto sa pag tatype si Chelsea saka tumingin sa'kin

"Huwag niyo na bigyan ng meaning. Alam niyo namang wala pa sa isip ni Crenz 'yang mga iniisip niyo eh. Ang mahalaga ngayon ay mahanap ang Ace deck successor para maikasal na kami ni Chelsea"-Daniel

"Sino namang nag sabing papakasal ako sayo? Napaka balahura mo!"-Chelsea

"Lakas mo mag reklamo akala mo naman talaga ikaw nag liligpit ng mga kalat ko"

"Eh bakit ko naman liligpitin ang kalat mo aber?!"

"Napaka sama mo. Nakalimutan mo na bang ikaw ang nanligaw sa'kin"-Daniel

"Tumigil ako tapos no'ng tumigil ako ikaw naman ang nag habol. Binusted na kita pero patuloy ka pa rin"

Biglang napatikom ang bibig ko dahil nag pigil ako tumawa. Grabe talaga love story ng mga 'to.

Nag patuloy lang si Chelsea sa pag titipa habang panay pa rin ang pag sagot kay Daniel.

Maya maya lang ay bumaba n si Crenz

"Kala ko matutulog ka muna?"

"Nawala ang antok ko"

Umupo siya sa harap ng mesa at saka nangalumbaba

"Anong pinag uusapan niyo?"

"Wala 'yon"

"Ano nga?"

"Kasal namin"

"Anong meron?"

"Hindi matutuloy hanggat wala ang Ace deck successor"

Nangunot ang noo ni Crenz.

"Ehem-"

"Teka, bakit?"

"Ang chairman ng Ace deck ang nag patupad"-Chelsea

"Ano bang trip ng organization niyo?"

"Di rin namin alam"

Napahinga nalang kami ng malalim.

"Nag out na raw sayo si Chiggy?"-ako

"Tsk, alam niyo pala"

Natawa nalang ako

"Ewan ko ba kung bakit ang lamya ng dahilan ni Chigs"

"Kung ano man ang dahilan niya wala na akong pake doon. Basta makabalik siya sa pamilya niya"

"Pamilya niyo"-Daniel

"Alam mo, di ko talaga alam kung bakit pinag tatanggol mo yang pamilya ni Chiggy Mil. Iniipit ka na nga sa maraming sitwasyon tapos pinag tatanggol mo pa"

Sabi ni Yara kay Daniel.

"Eh pamilya mo rin naman sila"

"Ang pamilya ko nasa bukid, alam niyo 'yon"

Kapag ganito ang usapan, it's either matatalo ka o wag nalang pag usapan. Hinding hindi ka mananalo sa isang Crenz Yara Vilarde kaya mas maiging manahimik ka nalang.

"Ano na napag usapan niyo para bukas?"-Nina

"Papasok lahat ng mga lalaki pati na ako at si Nemi"

"Talagang pinanindigan mo yang pag pasok ng mga bata ah"

"Si JM at Migs ang mag papapasok sa inyong mga lalaki. So ang kailangan nalang natin ay makuha ang kwintas"

"Anong Plano?"-Tyro

"Kailangan lang makatyempo tayo na mapapag Isa ang babae tapos makukuha na natin 'yon"

"Malamang hahanapin 'yon"-Tyro

"Hahanapin talaga 'yon kaya ang naisip ko ay mag pagawa ng kwintas na katulad no'n"

Ang galing niya talaga mag Plano.

Mamangha ka talaga sa mga lumalabas na taktika sa isip niya.

"Bakit si Nemi?"-Chelsea

Wala namang kaso kung si Nemi ang ipasok, kaya lang sobrang delikado.

"Mag papanggap na bayarang babae si Nemi"

"Pumayag si Jonmar?!"

Gulat na tanong ni Daniel

"Kapag hindi pumayag si Jonmar, mag aaway lang sila at hindi talaga masusunod si JM, kahit ano pa ang mangyari"-ako

Sa tagal nang kasama ko sila, alam ko na ang kahihinatnan nila.

"Ikaw? Anong gagawin mo doon?"

Tanong ni Nina kay Yara

"Mag papanggap akong security guard or waitress, isa lang sa dalawa"

"Papasok ako"-Chelsea

"Hindi pwede, ikaw ang mag hahandle ng computer"-Nina

"Pero may pag pipilian si Crenz kaya gusto kong pumasok. Kaya mo naman Nina 'yong laptop-"

"Hindi na. Kung may isa pang papasok, yung artistang nakakakilala sa pag kukunan natin ang papasok, malaki ang magiging tulong niya"

"Sino? Si Bianca Cirpino?"

"Oo"

"Ang Ganda no'n 'no?"-Daniel

Lahat kami ay tumango dahil maganda naman talaga ang babaeng 'yon.

"Ang balita ko ay may mutual understanding si Bianca at Austin Benzo"-Chelsea

"'yong artistang kasama nila Attienza?"

Tanong ko

"Oo, 'yong parang f4 pero 5 sila"

Natatawang aniya

"Wow! Kung ako kay Benzo, di ko na pakakawalan 'yon"

Wala sa sariling ani ko

"Sige mag daydream ka lang Zimmer"

Binato ako ng table napkin ni Tyro

"Bahala na kayong patumbahin 'yong mga gwardiya bukas"-Crenz

"Ako pa ba?"-Tyro

"*Pak!* Huwag kang mayabang dahil no'ng last assignment natin nauna kang tumumba"-Nina

"Bata pa ako nun!"

Napangiwi nalang ako dahil sa ala alang naalala ko noon.

"Mas bata pa ako no'n sayo pero hindi ako nakatulog"

Sabi ko

"May tama pa ako no'n ng alak"

Dahilan nanaman yan

"Tigilan niyo na. Basta bukas-"

"Papasok din si Attienza-"

"Hindi!"

Mabilis na sagot ni Yara

"Kailangang nandoon siya"-Tyro

"Magiging sagabal lang siya sa gagawin natin bukas"

Tumingin sa kawalan so Yara.

Kapag si Attienza talaga ang usapan nagiging alert ang buo niyang sistema.

"Edi sa'min nalang siya"-Chelsea

"Oo at huwag na huwag niyong patatakasin. Kiti kiti yata angkan no'n"-Crenz

"Wala pa akong gaanong alam sa lalaking 'yan"-Chelsea

"Huwag niyo nang alamin"

"Bakit naman hindi? Mukha namang interesante ang pagkatao niya"

May bahid na pang aasar sa tono ni Chelsea

"Asikasuhin niyo ang kasal niyo at huwag 'yong Pulang 'yon"

Napangiwi nanaman ako. Paano ikakasal kung ang pinaka dahilan ng pag baban ng kasal ng mga ka age namin ay hindi pa rin nag papakita.

"Si ate Bern"-Chelsea

"Tsk, anong ate? Mas matanda ka pa doon"-Nina

Napanguso si Chelsea

"Wala pa bang balita sa kanila?"-Daniel

"Si Mr. Harold lang ata makakasagot sa'tin"-Tyro

Natahimik kaming lahat dahil biglang naging awkward ang atmosphere namin. Paano kaya matutuloy ang mga nakatakda kung ang parang Pari ng kasal ng mga nakatakda ay wala pa rin?

LIPHYO'S POV

"1,2,3,4-"

*KNOCK*

Agad akong napa hinto sa pag bibilang ng mga nakasalansan na damit nang may kumatok.

"Sino yan?"

"Kathy"

Bahagyang nangunot ang noo ko sa narinig ko kaya agad kong sinara ang closet ko at saka binuksan ang pinto.

"Kath?"

Simpleng pag bati ko

"Naisip ko lang guluhin ka ngayon kasi di tayo nag kikita lately"

Nakangiting aniya saka nag patuloy sa pag pasok sa kwarto ko.

Sa totoo lang, ayoko ng ganito. Na aawkwardan ako sa sarili ko.

"Oo nga eh, ano bang pinag kakaabalahan mo?"

"Nag aaral ako"

Nagulat ako sa sinabi niya

"Nag aaral ka?"

"Oo, nursing"

Nakaramdam ako ng pag kamangha sa sinabi niya

"Wow, pinayagan ka ni Tito?"

"Syempre naman. May kinailangan sila sa'kin kaya dapat pag may kailangan ako ay ibigay din nila"

Natawa ako ng bahagya

"Antapang mo na ngayon ah. May paninindigan ka na"

"Habang tumatanda ka dapat nag mamature ka rin"

Umupo ako sa kama habang siya ay nag tingin tingin sa paligid

"Kaya ba wala pa akong pamangkin ngayon?"

Agad siyang nag baling ng tingin sa'kin

"Ayoko muna isipin"

Ang alam ko ay gusto na mag karoon ng anak ni Allen pero mukhang may problema silang dalawa.

Makikita ang pag ka disgusto sa mukha ni Kath.

"Why? Hindi niyo pa ba napapag usapan ni Allen?"

Naupo siya sa sofa

"Nag aaral pa ako at habang nag aaral pa ako, ayoko muna mag labas ng bata sa mundo lalo na't wala pa akong napapatunayan. Ayokong mag lalabas ako ng baby na wala akong natapos. Gusto ko yung may tutularan siya sa'kin"

Bigla nalang akong napa palakpak dahil sa sinabi niya

"Wow!! Ibang iba ka na talaga. Nakakamangha na talaga yang mga lumalabas sa bibig mo. Di gaya dati, wala ka nang ginawa kundi ang pagalitan ako. Arrrghh! Ansakit sa tenga"

Umakto akong nasasaktan ang tenga ko

"Syempre 'no! Ako kaya ang laging tinatanong nila Tita. Ayoko namang sumagot sa kanila na ok ka sa school samantalang lagi kang may uwing pasa sa mukha"

Nginisian ko nalang siya.

"Gusto nang mag kaanak ni Allen"

Malungkot na aniya.

Kahit ako sa posisyon ni Allen ay gugustuhin nang mag kaanak dahil dalawang taon na silang kasal, mag tatlo na nga eh pero hayan at nag hihintay pa rin sila.

"Huwag niyo na madaliin. Lifetime partner kayo kaya no need to rush the thing"

Nangalumbaba siya saka tumingin sa kawalan.

"Paano kung I fell out of love?"

Gulat na tumingin ako sa sakaniya

"Katherine?"

Takang tanong ko

"Paano kung I really never fall in love with him?"

"Katherine, ano ka ba? Syempre you do"

Bigla nalang siyang tumawa

"Ano ka ba?"

Naiinis na tanong ko

"Sabi ko 'paano kung?'. Huwag ka ngang masyadong seryoso diyan. Hindi na maipinta 'yang mukha mo tapos na mumula ka pa. Para kang kamatis ah"

Asar niya.

"Nakakainis naman yang mga sinasabi mo"

"Don't take it serious Jhonny. Alam mo namang baliw ako at kung ano ano ang pumapasok sa isip ko"

Tumayo siya saka nag lakad papunta sa pinto

"Tanda mo ba yung tanong ko sayo bago kami ikasal?"

Naguguluhan akong tumingin sa kaniya.

"Hindi ko na maalala. Ano ba 'yon?"

Huminga siya ng malalim

"Wala. Matulog ka na. Goodnight"

Paalam niya sa'kin habang palabas siya ng pinto.

Nangunot nalang ang noo ko sa pinakita niya.

"Ano ba 'yon?"

Takang tanong ko sa sarili ko.

Pag higa ko ay bigla nalang sumagi sa isip ko si Sandra

"Sobrang importante talaga niya"

Kung titingnan mo talaga ang mga taong nakapaligid sa kaniya, malamang malalaman mo talagang importante siya dahil may mga taong handang mag buwis ng buhay para sa kaniya.

Naalala ko nanaman ang laban noon na nakisali ako.

Inis na ginulo ko ang buhok ko.

Kung hindi lang sana ako pakelamero, baka hindi na nanganganib ang mga buhay namin.

Pero humahanga ako sa organization nila. Sa dami pa lang ng tao sa meeting place nila malalaman mong marami ang naniniwala sa kanila at mukhang marami na rin silang natulungan.

Bigla ko nalang naisip ang mga mangyayari bukas. Anong gagawin ko? Sinabihan nila akong panoorin ko nalang muna sila pero ayaw kong manood dahil may kaya naman akong gawin at saka lalaki ako.

Si Raya papasok tapos ako ay hindi? Parang nakakabasag ng ego naman 'yon.

Sandali ko lang naisip ang mga iyon dahil Maya maya lang ay dinalaw na ako ng antok. Kailangan mong I handa ang katawan ko para bukas dahil mukhang maganda ang mga bakbakan na mangyayari bukas.