11

CRENZ'S POV

Gaya ng napag usapan naming lahat, nag tipon tipon kaming lahat para sa magaganap mamaya.

Naglatag ng plano si Nemi.

"Una! Kailangan munang mapasok ang security room kaya kailangan muna makapasok ni Migs, Jigs at Jonmar sa loob. Kailangan makapasok kayo habang may araw pa. Naka toka kayong tatlo para linisin ang mga gwardiya. Ikaw na Jigs sa control room."

Tahimik ang lahat habang nakikinig

"Akala ko ba hindi na natin kailangang pumasok sa barko?"-Chelsea

"'Yan din ang akala namin pero sobrang higpit ng security nila kaya mahihirapan tayong mamonitor sila pag nasa malayo tayo"-Sandra

Nakapikit ako habang ngumunguya ng candy ko. Hinayaan ko na talaga silang mag plano dahil ayokong mapagod ang utak ko.

Tumayo nalang ako dahil inaantok ako sa pinag uusapan nila

"Oh sa'n ka pupunta?"-Nina

"Mag babanyo, sama ka?"

Seryosong tanong ko. Nag pigil ng tawa sila Nemi

"Freak."

Sambit nalang ni Nina.

Lumapit ako kay Chelsea

"Nasan 'yong pinapagawa ko?"

"Ah? Kunin mo nalang sa bag - sabi ko nga ako na ang kukuha"

Tinitigan ko siya kaya agad niyang nakuha ang ibig kong sabihin.

Ayaw ko kasing nangingialam ako sa bag ng iba dahil baka kapag may nawala, mapag bintangan pa ako.

Medyo malayo layo ang kinaroroonan ng bag niya.

"Oh"

Abot niya sa'kin sa isang maliit na kahon.

"Magkano?"

Agad na tanong ko

"Hindi ako nag papabayad"

Binuksan ko ang maliit na kahita at saka nakita ang isang simpleng sing sing na may naka ukit na AIS.

Pinasadya ko talaga ang pag lagay ng Ais para kapag nakita niya ang pangalan ay hindi na dadami pa ang tanong niya.

"Magkano nga-"

"Akin nalang ang patent, 'yon nalang ibayad mo sa'kin"

Nginisian ko siya

"Kol. Pero kapag nanghingi pa ako-"

"Walang problema. Bibigyan kita kahit ilan pa gusto mo"

Maangas ko siya tinapik sa balikat

"Salamat dito"

Tinaas ko ng bahagya ang hawak kong kahita at saka lumabas ng boutique shop.

Tiningnan ko ang manual

"Pag red ibig sabihin danger"

Na dedetect din niya ang body temperature.

"Ang galing"

Namangha ako sa mga dinagdag niya.

I kinonnect ko ang GPS sa cellphone ko para madali ko lang siyang mamomonitor.

Sakto namang dumating si Pula sakay ng motor niya.

Nag tanggal agad siya ng helmet.

"Excited ka bang makita ako?"

May pang aasar sa tono niya

"Nababaliw ka na ba?"

"Eh bakit ka nandito sa labas?"

Seryoso lang akong nakatingin sa kaniya

"Aminin mo nang inaabangan mo ko"

"Mangarap ka. Nag paplano sila sa gagawin mamaya. Boring sa loob"

"Exciting 'yon"

Naka ngiting aniya

"Hoy makinig ka sa'kin. Kung ako lang, ayaw kong isama ka sa gagawin namin. Kaya makinig ka sa sasabihin ko. HUWAG NA HUWAG KANG LALABAS NG CONTROL ROOM HANGGAT WALA KAMING SINASABI. NAIINTINDIHAN MO?"

Mariing pag papaintindi ko sa kaniya.

"Ano bang akala mo sa'kin? Bata?"

Kunot noong aniya

"Kung hindi ka makikinig umasa kang hinding hindi kita tutulungan-"

"Kaya ko ang sarili ko. Lalaki ako kaya huwag mo akong maliitin"

May bahid na inis na sabi niya sakin habang ang itsura niya ay parang nag tatampong bata.

"Oh"

Inilapat ko sa dibdib niya ang maliit na kahita

"Ano 'to?"

Kinuha niya 'yon at saka binuksan. Tumingin agad siya sa'kin.

"Anong akala mo sa'kin? Madaling makuha? Pag hirapan mo muna ako bago mo ako angkinin"

Literal na napangiwi talaga ako sa sinabi niya. Ang kapal kapal ng mukha niya sa part na yan.

"An'dami mong sinasabi. Kunin mo nalang"

Di maipinta ang mukha ko dahil sa mga imagination niya. Hays! Sakalin ko nalang kaya siya?

"Ais? Galing sa coffee shop?"

Sinuot niya ang sing sing. Sumakto naman sa size niya.

"Angas ah, sakto. Para saan 'to?"

"Give away- teka? Tanggapin mo na nga lang. Bakit ba an'dami dami mong tinatanong?"

Kalmado lang ang itsura niya

"Bakit ko naman tatanggapin-"

"Kung ayaw mo, itapon mo nalang"

Nauubusan ng pasensiyang ani ko

"Ano 'to stainless? Kuripot naman nila"

Agad nangunot ang noo ko

"Silver gold ho 'yan mister!"

"Silver gold?!"

Alam ko naman ang dahilan kung bakit ang init ng dugo ko sa kaniya pero madalas ko pa ring itanong kung bakit ganito ako sa kaniya.

"Akina nga 'yan!"

Kinuha ko ang kahita sa kaniya

"Hoy! Anong ginagawa mo? Akin 'yan!"

Agad naman niyang hinablot 'yon sa'kin.

"Para saan ba kasi 'to?"

Tanong niya habang tinitingnan ang singsing na nasa palad niya

"Give away nga ng Ais coffee shop"

"Edi meron ka rin?"

"Oo, nasa bulsa ko"

Nakangiti niya akong tiningnan.

"Akina"

Aniya kaya napakunot ang noo ko. Kinuha ko nalang ang sing sing sa likod ng pantalon ko.

Kinuha niya 'yon sa kamay ko.

"Maganda 'tong singsing kaya dapat isuot mo 'to"

Kinuha niya ang kamay ko saka pinasok ang singsing sa daliri ko.

Napapadalas na ang paglapit niya sa'kin ng ganito ah, parang lumalampas na siya sa boundary ko.

"Ano bang ginagawa mo?"

Agad kong binawi  ang kamay ko

"Hanggat under mo ko pwede akong mag dididikit sayo. Diba nga ikaw bahala sakin?"

Pinangunutan ko siya ng noo.

"Sino nag sabi sayo? Wala akong pake kung anong mangyari sayo dahil una palang alam ko nang matigas talaga 'yang ulo mo. Tandaan mo, kapag may nangyaring masama sayo kasalanan mo 'yon"

Nginitian niya ako.

Anong nginingiti ngiti nito? Nahihibang na talaga 'tong batang 'to.

"Suot mo sa'kin Raya"

Inabot niya sa'kin ang singsing niya.

"Anong- suot mo mag isa mo"

Tinalikuran ko na siya matapos kong sabihin 'yon.

"Uy! Suot mo na sa'kin"

Nakasunod lang siya sa likod ko habang nag lalakad ako papalayo sa boutique.

"Maging sweet ka naman Raya"

Anong sweet?! Gusto ba niyang ibalibag ko siya?

"Raya-"

Huminto ako sa pag lalakad at kunot noong bumaling sa kaniya. Bahagyang napa atras naman siya nang lumingon ako sa kaniya.

Sweet tapos ngayon parang batang takot?

"Isusuot ko sa'yo 'yan kapag may nagawa kang matino mamaya. Kapag sumunod ka sa mga utos ko sayo"

"Hirap naman no'n"

Bulong niya

"Ano?!"

Alam ko namang may bulate ang pwet niya pero sana huwag niyang pairalin mamaya. 50/50 ang buhay namin doon at isa pa tubig ang mga nakapaligid sa'min kaya pwede naming ika pahamak kapag may nangyaring masama.

"Wala"

"Isuot mo na 'yan"

"Pero-"

"Huwag ka ngang isip bata Attienza"

Seryosong sabi ko sa kaniya. Iyon ang unang pag kakataong tinawag ko siya sa pangalan niya sa harap niya mismo

"I prefer you to call me Pula than my surname"

Sabi niya saka sinuot ang singsing

"Tatanggalin ko 'to mamaya para isuot mo sa'kin"

"Mangyayari lang 'yon kung may magagawa kang matino"

Tinalikuran ko ulit siya at nag lakad sa pinaka malapit na fast food chain.

TYRO'S POV

"Tyro, ikaw na bahala sa sasakyan natin paalis sa barko"-Sandra

Nakangiting tumango ako sa kanila.

Nakaupo ako sa single sofa habang naka cross na nakikinig sa kanila.

"Pero hindi ako papayag na sumama ka sa loob ng barko Cassandra Montilla"

Nakangiting sabi ko sa kaniya kaya lahat sila ay tiningnan ako.

"Pero-"

"Kasama si Princess, sa daungan lang dapat kayo"

"Ano? Pero-"

Pag tutol niya

"Tandaan mong ikaw ang pinaka importante dito at nangyayari ang mga bagay na 'to dahil sayo. Huwag mong kalimutan ang number 1 rule. Prioritize the supremacy. Walang Ace deck dito so it means ikaw ang pinaka priority namin dito. "

Mababakas mo talaga ang pag tutol sa mukha niya pero wala akong magagawa dahil ayaw kong mapagalitan ako ni Yara dahil sa simpleng bagay lang na 'to.

Kung nandito din si Yara ay malamang ganito rin ang sasabihin niya at isa pa, napaka lawak ng dagat. Mapapatay kami ng organization kapag may nangyaring masama sa kaniya.

"Mas makakatulong ako kapag sumama ako sa inyo"

"Hindi, magiging isipin ka namin kapag sumama ka pa"-Hans

Nakangiti pa rin ako habang nakatingin sa kanila.

"Kailangan ka namin sa dalampasigan Sandra"

Nangungumbinsing  sabi ko sa kaniya

"Ha?"

"Kapag lilikas na kami, kailangan namin ng masasakyan. Ikaw lang ang makakakuha sa'min ng sasakyan pabalik"

"Ano? Ang organization na ang bahala doon diba?"

"Alam mo kasi, para kang gate pass. Makakapasok lang kami kapag nandoon ka, sa madaling salita kapag nalaman nilang ligtas ka, easy na sa'ming makakuha ng masasakyan pabalik"

Tumango tango sila

"Tama. Kapag may nangyaring masama sayo habang nasa barko ka na, sa tingin mo ba bubuhayin pa kami ng organization?"-Daniel

Seryoso lang silang nakatingin sa'kin

"At isa pa, kailangan namin ng look out"

"Look out?"

"Sa tingin niyo ba wala susunod sa barko para patumbahin 'yon? Puno ng tiwaling opisyal ang nasa barko. Baka nga bigla na lang' 'yong pasabu-"

"Shut up Tyro!"-Nina

"Why? Let's be realistic here"

"You're not being realistic. You're threatening them. You're more like a monster"

Inis na sabi sa'kin ni Nina

"I'm just being-"

"Not in that way"

Nag kibit balikat nalang ako.

"Sandra, report mo sa'min lahat ng aalis na barko sa port. Isama na rin ang mga masasagap ng radar. Naka on naman ang earpiece natin palagi kaya wala problema sa communication"

"Don't worry, magiging malaki ang maitutulong mo sa'min sa gagawin mo mamaya. Ang 7 and 8 deck successor sasamahan kayo mamaya kaya magiging maayos ang lahat"-Chelsea

Bata pa sila lalong lalo na si Sandra 16 palang siya kaya ayaw namin siyang mapahamak.

"Pasahan ang mangyayari mamaya kaya maging attentive kayo. Alam niyo na ang mga role niyo- oo nga pala, kambal-"-Nina

Lahat kami ay tumingin sa dalawa

"-pwede bang iwasan niyo muna ang kalokohan-"

"Sinusubukan ko pero-"-Jigs

"Hayaan niyo sila. Mag paparty kami mamaya ng kambal"

Nakakalokong sabi ko

"Sali ako syempre"-JM

Kinindatan ko sila. Napa buga nalang ng hangin ang mga babae.

"Ikaw na bahala sa kanila Tyro- Wag mo subukang mambabae kundi puputulin ko na 'yang kaligayahan mo"-Nina

Agad akong napahawak sa baba ko dahil agad kong na imagine ang sinasabi niya.

"Behave ako"

*DOOR'S OPEN*

"Anong ginagawa niyo?"-Crenz

"Nag paplano pa rin"-Nemi

"Naka kain na ko lahat lahat, hindi pa kayo tapos?"

Nababahiran ng pag ka bagot ang tono niya

"Kumain ka kasama si Attienza?"

Doon ko lang napansin ang kasama niyang lalaki

"Hey! Zup men!"

Pakunwari akong sumaludo sa kaniya gamit ang dalawang daliri ko.

"We meet again"

Tugon niya

"Mukhang mapapadalas ang-"

"Tapusin niyo na 'yan"

Singit ni Yara

Umupo silang dalawa sa tatluhang upuan.

"Lumayo ka nga sa'kin"

Naiiritang sabi ni Yara.

Nag patuloy ang pag paplano nila habang ang dalawa naman ay nag aaway.

"Kung tayo ang tumabi sa kaniya, malamang nasa lapag na tayo pareho"-Hans

"He's a threat for Ryker"

Naiimagine ko na kung anong mangyayari sa kanila pag dating ni Ryker.

"Exciting kapag dumating na siya"

"Kunin niyo na ang mga gamit niyo"

Nag apir muna kami ni Hans atsaka sabay na tumayo bago kunin ang mga gagamitin namin.

"B-baril?"-Attienza

Lahat ng mga naka rinig sa sinabi niya ay tumingin sa kaniya

"Oo at sayo ko 'yan ipuputok kapag hindi ka sumunod sa mga sinabi ko sayo"

Banta sa kaniya no Yara

"Ayoko niyan"

Tinapon niya sa mesa ang baril

"Bakla ba siya?"

Natatawang tanong ni Daniel sa'min

"Goodboy lang talaga ata"-Hans

"Matatawa talaga ako kapag Mama's boy pa 'yan"

Bulong bulungan naming tatlo

"Sino ba kasing nag sabing humawak ka niyan? Ikaw ang dumampot niyan"

Inis na sabi ni Yara sa kaniya. Kumuha nalang ng earpiece si Yara saka marahas na sinuksok sa tenga ni  Attienza.

"Aray! Ano ba?! Ako na!"

Inis na kinuha niya ang earpiece atsaka maayos na nilagay sa tenga niya

"Huwag na huwag niyo pahahawakin ng kung anong nakamamatay na gamit 'tong baklang 'to. May sayad sa utak 'to baka gamitin niya lang sa sarili niya"

"Anong-"-Attienza

"Oh baka naman ayaw mong mapahamak"

Pang aasar ni Jigs

"Kapag napahamak 'yan, magiging kasalanan ko pa."

Seryosong sabi niya sa'min.

"Oo na"-JM

"Nina, ikaw na ang bahala sa kaniya"

"Oo ako bahala"

"Ano bang sinasabi mo diyan? Lalaki ako-"

"50/50 'yon"

Natawa kami ng mahina.

"Bagay sila 'no?"-Daniel

"Hindi ko rin alam kung sinong lamang sa itsura sa pagitan ni Attienza at Ryker. Parehong palaban eh"-Hans

"Paano ba 'yan? Mukhang team Attienza ako"

Sabi ko sa kanila ng may malaking ngiti. Naaamoy ko ang past namin ni Nina sa kanilang dalawa. Hindi na malayong may mamagitan sa kanila dahil tinatanggap ni Yara lahat ng ginagawa ni Attienza sa kaniya.

"Team Ryker pa rin"-Daniel

"Wala akong pipiliin"-Hans

"Walang pipiliin o pinili mo na ang sarili mo para sa kaniya"-Daniel

"Pfft!"-me

"Umayos ka nga pre, di pa naman ako baliw para hindi malaman kung hanggang saan lang ako"

Tinapik ko nalang siya sa likod niya

"Ayos lang 'yan. Mag pagalingan nalang kayo ni Ryker"-Daniel

"Ryker?"

"Kung kay Ryker ay threat si Attienza, sayo naman threat si Ryker. Dalawa silang mag chance kay Ryker. Napag iiwanan ka na"

Nawalan ng emosyon ang mukha niya kaya inakbayan ko siya.

"Ayos lang 'yan. Pipiliin ka rin sa huli"

"Sino?"

"Kung sinong mas matibay"

Pinagtawanan lang naman siya ni Daniel.

Kumuha kami ng baril ata saka tiningnan iyon.

"Huwag ka sanang magamit mamaya"

Nakangiting bulong ko dito

"Anong gagawin mo mamaya?"-Hans

"Sa una kakausapin ko muna ang mag papatakbo ng ship dahil nag appoint na kami ng meeting sa kaniya para sa isang proposal"

Sagot ko habang nililinis ko ang baril ko.

"Tapos? Bakit parang wala akong ganap?"-Daniel

"Back up kayo ng kambal at JM. Tandaan niyong sabay na magaganap ang control room at ang pag papalit ng gwardiya, kaya kailangang may back up sila. May mga tauhan naman tayong tutulong pa sa gagawin natin. Papayag ba naman ang elders na hayaan nalang ang mga successor?"

Natatawang tanong ko.

Mukhang ilang battalion nanaman ang dala nila kaya kailangan naming mag ingat.

"LUMABAS KA NGA!"

Kamuntik ko nang napalipad ang hawak kong baril sa lakas ng sigaw ni Yara.

Napa hawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.

"Bakit ka ba sumisigaw?"

Sa inaakto ni Attienza halatang nahihiya na siya

"Napaka kulit mo! Labas!"

Inis rin na tumalikod si Attienza at binato ang earpiece at saka lumabas.

Lahat kami ay nakatayo habang nakatingin kay Yara na ngayon ay nakahawak na sa sentido habang naka upo.

"Anong nangyari?"

Tanong ni Nemi na narinig ng lahat dahil sa sobrang tahimik ng paligid

"Bakit ba kasi dito kayo nag labasan ng mga baril na 'yan?"

Mababahiran ng inis ang pag tatanong no Yara

"Nag paplano kami kanina-"Nina

"Sana kanina niyo pa ginawa"

Inis na sagot niya

"Ano bang problema?"-Sandra

"Ayokong nakikita niya 'tong ginagawa natin"

Nakaramdam ako ng paghanga sa loob ko dahil sa sinabi niya. Ito talaga ang kauna unahang pag kakataong naging ganito siya sa ibang tao. Wala siyang pakealam noon, pero ngayon nagiging sensitive siya.

"Anong meron?"-Nina

"DAHIL AYOKO SIYANG MATAKOT SA'KIN"

Natahimik kaming lahat. Kung normal lang itong usapan at hindi ganito ang tono ni Yara, malamang inaasar na siya ng kambal. Pero kahit ang kambal ay natatakot mag biro dahil sa pinapakita niyang bagong side sa kanila.

"Ganito ang gawain natin" sabi ni Hans

"Pero hindi siya"

"Under mo siya-"

"Ayon na nga eh under ko siya. Hanggat kaya ko, ayokong iparanas sa kaniya 'yong mga naranasan ko bago ako napunta sa ganitong sitwasyon. Ayokong mamisinderstood niya 'tong ginagawa natin"

Inis na sabi niya

"BARIL?! Kung nag iisip kayo, dapat kanina palang inayos niyo na ang mga dadalhin niyo. Alam niyong may baguhan tapos ganiyan kayo?!"

Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko

"Ehem.. nandito ang king's deck successor"

Parinig ni JM na ikina pikit ko ng mariin saka sinabi sa isip kong dapat wala na siyang sinabi at nanahimik nalang siya.

"Sa tingin mo may pake ako?!"

Bahagya kaming napaatras sa lakas ng pag bulyaw niya sa'min. Mga nakatingin kami sa lapag dahil sa takot kaming salubungin ang mata niyang nag liliyab na ata sa galit.

"Sa tingin niyo maaadapt agad no'ng bwiset na 'yon 'tong ginagawa natin? Huwag niyong ipakita kung gaano ka brutal ang organization niyo sa ibang tao. Itanong niyo sa sarili niyo kung tama ba 'yang ginagawa niyo. Nakita niyo 'yong takot kanina no'ng bwiset na 'yon? MAG ISIP NGA KAYO!"

Napa atras nanaman kami ng bahagya dahil tumayo siya at sinigawan kami. Nag lakad siya papunta sa pinto

"S-san ka pupunta?" Lakas loob na tanong ni Hans

"Mauna na kayo, susunod nalang ako. Huwag niyong pagalusan si Pula. Baka mag wala na ako sa susunod"

Naging mahinahon ang boses niya at naging seryoso.

"Ah Crenz"

May binato si Nemi sa kaniya na maliit na bote na kasing laki lang ng thumb niya.

Sinalo at tinitingnan 'yon ni Crenz na may pag tataka pero hindi na siya nag tanong pa.

Lumabas na siya ng pinto.

"Ako lang ba ang kinakabahan?"-Jigs

"Hindi ko naisip 'yon ah"-JM

"Pasensya na kayo sa kaniya. Mainitin ang ulo niya pero hindi niya ni minsan nagawa ang gano'ng bagay"-Sandra

"Palaban talaga siya ah" nakangiting tugon ko

"Oo pero mabait naman 'yon"-Nemi

'syempre naman alam namin. mula pagka bata alam na namin ang ugali niya eh'

Kung pwede ko lang sanang sabihin sa kaniya 'yon.

Napangiti nalang ako dahil sa mga salitang hindi ko pwedeng banggitin.

"Ayaw niyang ipakita kung gaano tayo ka brutal ang organization natin. It means ayaw niyang madawit sa kahit anong assignment si Liphyo. Ayaw niya rin ipakitang nagiging marahas tayo sa kahit kanino"-Chelsea

"Oh akalain mong may utak ka"

Nangaasar na sabi ko

"Heh! Ikaw lang naman ang hindi gumagamit ng utak!"

Tinawanan nalang namin siya nila Hans

"Bakit pa natin isasama si Liphyo kung gano'n?"-Nina

"Kasi nga assignment 'to at lahat dapat ng kaedad natin ay dapat nang tumulong"-Daniel

"Edi sa daungan siya"-Chelsea

"At sa tingin mo papayag 'yon? Kalahati ng buhay ni Yara ngayon ay nakay Attienza"-Hans

Napailing nalang ako. Wala akong energy mag ligalig dahil sa mga nasaksihan ko kani kanina lang.

Anong ibig sabihin niya sa mag wawala na siya sa susunod?

Lumayo ako sa kanila para punasan ang baril ko.

"Dre, mukhang kailangan nating bantayan talaga si Attienza"-Daniel

"Naisip mo rin?"-Hans

"Sana mali ako ng iniisip"-Daniel

"Oo mali iniisip mo. Under lang ni Yara si Attienza at wala nang iba pang dahilan. Kapag hindi na under ni Yara si Attienza, hindi na magiging ganito si Crenz"-Hans

Pakiusapan ko na kaya si Mr. Montilla?

"Hindi na tayo dapat pang mag tagal. Mag alas tres na, kailangan na nating umalis-"-Nina

Bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang pigura ng isang lalaking iniingatan ni Yara.

Dali daling tinago naming lahat ang hawak naming baril at saka ngumiti sa kaniya.

Nahihiwagaang tumingin siya sa'min.

"A-ah hi? Sa'n? Sa'n pupunta si Raya?"

Takang tanong niya

"Wala siyang sinabi pero kailangan na nating umalis"

"Kailangan ba ako doon? I mean mukha kasing ayaw niya-"

"Gusto niya pre, ayaw niya lang talaga ng makulit"

"Edi ayaw niya nga ako doon"

Napahawak nalang ako sa sentido ko.

"Alam ko na kung bakit madalas silang mag away"

"Bakit?"-Daniel

"Parehong palaban at matabil ang dila"

Nakangiti pero nangungunsuming sabi ko.

"Earpiece mo" inabot sa kaniya ni JM ang bagong earpiece

"K-kailangan ko rin bang humawak ng baril-"

"No!/hind!" Sabay sabay na sabi naming lahat kaya nag mistulang bakante ang silid na 'to dahil sa wala nang iba pang narinig na ingay.

"O-ok?"

Tumingin siya sa lapag at parang iniisip na may mali sa mga nangyayari kaya napailing siya at saka muling lumabas ng silid na 'to.

"Tara na"

Dala naming mga lalaki ang mga kakailanganin namin.

Sumakay kami sa kaniya kaniya naming sasakyan.

Napansin agad namin si Attienza na sumakay sa motor niya.

"Holy cow"

Agad akong bumaba sa kotse ko ata saka nilapitan si Attienza. Napansin kong hindi lang ako ang gumawa no'n.

Apat kami ngayong naka paligid kay Attienza.

Si Daniel, Hans, ako at JM.

Agad nag tanggal ng helmet si Attienza

"Bakit?"

"Hindi ka pwedeng mag motor"-JM

"Ha?"

"Sa'min ka na sumabay"

Sabi ko saka itinuro ang kotse ko. Nasa kotse ko si Nina.

"Mas maganda kung sa'min na siya sasabay dahil nasa sasakyan niyo ang mga gamit"-Daniel

Agad akong sumulyap sa back seat at nandoon nga ang karamihan sa mga gamit namin.

"Sa'min na. Mas familiar siya sa'min"-JM

Para kaming baklang nag aagawan sa isang lalaki.

"Tsk. Maluwang ang kotse ko at familiar siya sa'kin. Hindi ba mas nasa akin ang best option?"

Nakangiti namang sabi ni Hans.

May gamit din siya sa back seat pero ang passenger seat niya ay bakante.

"Ganiyan talaga pag single"

Asar ko sa kaniya kaya pinag tawanan namin siya.

"Ano bang sinasabi niyo? Kaya ko naman mag drive. Susunod lang naman ako sainyo"

Takang tanong niya

"Ang hirap kasing mag explain eh. Pero kung gusto mong maging ligtas, sumunod ka nalang"

Naiiling man ay sumagot naman siya

"Kay Hans na ako"

Bumaba siya ng motor niya at inilapag ang helmet niya sa upuan no'n

"Bahala na ang stuff ditong mag bantay niyan. Buhay pa 'yan pag balik mo, wag kang mag alala"-Hans

Napatango tango nalang ako

"Tara na"

Nag si balik na kami sa sasakyan namin

"Oh? Di mo na convince?"

"Try mo kayang kumbinsihin din 'yang mga nasa back seat"

Inistart ko na ang sasakyan

"Aba! Sinasagot sagot mo na ko?!"

Dahan dahan akong nag slide pa baba ng inuupuan ko. Nakakatakot kasi siya kapag galit siya. Kayang kaya niya akong upakan.

"Pwede naman sa compartment 'yang mga yan ah!"

Oo nga 'no? Di ko na isip 'yon.

"Umayos ka nga ng upo"

Hinampas niya ako sa balikat at nang gigigil na tumingin sa'kin

"Bakit di ka sumasagot?! Sumagot ka!"

Ang hirap talagang spellingin ng mga babae. Nag tatanong tanong siya kung bakit ko siya sinagot kanina tapos ngayon pinapasagot niya ako at galit pa siya.

THIRD PERSON'S POV

Huminto sa isang sira sirang bahay kubo ang grupo nila at saka inilabas nila lahat ng gamit nila. Sa isang beach sila nag punta.

"Sigurado bang dito pupunta ang mga sasakay?"-Migs

"Hindi mo na kikita? Ayan oh, nag hahanda na sila"

Maraming staff sa nasabing beach.

"Kung nandito 'yan? Nasa'n naman ang barko?"-Daniel

*RING*

Tumunog ang cellphone ni Hans.

"Crenz? Nasa'n ka ba? Kanina ka pa namin hinahanap. Tinatawagan kita pe-"

"Nakarating na ba kayo?"

Seryosong tanong ni Crenz habang nakatingin sa malaking barko

"Oo kararating lang namin"

Naintriga ang lahat dahil si Crenz ang nasa kabilang linya

"Nasan daw siya?"

Tanong ni Tyro na hindi mapakaling malaman kung nasa'n ang dalaga

Sumenyas si Hans na mag hintay lang siya.

"Tumingin ka sa kaliwa nang nakaharap sa dagat"

Tumingin agad si Hans sa sinabi ni Crenz

"Oh anong meron?"

"Puro puno diba?"

Hindi malaman ni Hans kung matatawa ba siya o maiinis kay Crenz dahil sa sinabi nito.

"Nag papatawa ka ba Yara?"

Lumapit ang mga lalaki sa kaniya kaya nabubwiset na inambahan niya ng sipa ang mga lalaki dahil sa gusto nilang makinig sa usapan nila.

"May oras ba akong mag patawa? Tawirin mo yang puro puno na 'yan dahil nasa kabilang banda ang barko"

Nagulat siya sa narinig niya.

"Nandito reception, bakit nandiyan ang barko?"

"Kingina Handriko, sumunod ka nalang napaka rami mong tanong"

Seryosong tugon niya at saka pinatay ang tawag

"Oh? Anong sabi ni master?"

"Kingina ko raw?"

Patanong na sabi niya sa kasamahan niya na agad ikinabungisngis ng lahat.

"Ayusin niyo na ang gamit niyo. Check niyo ang earpiece. 'yong mga-" agad na napahinto sa pag sasalita si Nina nang maalalang kasama nila si Liphyo at nakikinig sa kanila.

"Ok na ako. Tara Liphyo sama ka sa'kin"

"Ha? Sa'n?"

Makikita ang pag poprotesta sa mukha nito pero mukhang wala siyang choice

"May kakausapin ako. Medyo masakit kasi 'yong right arm ko kasi may bumugbog sakin kanina sa kotse. Kailangan kong dalhin 'tong dalawang case"

Turo ni Tyro sa itim na case.

"Pero-"

"Pag tapos natin kausapin 'yon taong 'yon ibabalik agad kita-"

"Hindi, ayos lang kahit-"

"Good! Tara na"

Nakangiting sabi ni Tyro at saka kinuha ang case.

"Diba sabi mo masakit 'yong kanan mong-"

"Ah! Awww! Masakit nga pala 'to"

Natatawang minumura na nila Daniel si Tyro.

"Mali ng papakasalan si Nathalie Martin."

"Ngayon palang naaawa na ako sa kaniya"-Hans

"Hindi, amazona si Nina kaya mas kawawa si Tyro"

"I can hear you punks!"-Tyro

Pahabol ni Tyro bago sila umalis ni Liphyo.

Pero alam nilang lahat na pinasama lang talaga ni Tyro si Liphyo para hindi na maging awkward pag usapan ang mga bagay na ayaw nilang marinig nito dahil kay Crenz

"Ayusin niyo na ang gamit niyo"-Nina

Sa kabilang banda naman ng lugar kung nasaan ang barko ay maayos na nakatayo si Crenz habang nakasuot ng pang bahay na damit dahil isa iyon sa plano nila.

Sa di kalayuan ay may mga naka unipormeng lalaking nag lalakad lakad sa buhanginan na tila nag babantay sa kung anong mangyayari sa paligid at sinisigurado ang siguridad ng tabing dagat.

Nag lakad siya na parang walang alam na may magaganap.

"Bata, bawal dito."

Lumapit sa kaniya ang dalawang lalaki

"Po? Pero dito po kasi kami mag kikita ng nobyo ko"

Sagot niya sa mga ito

"Umalis ka na, bawal ka dito dahil may gaganapin dito"

"Pero Kuya bihira lang kasi kaming mag kita ng nobyo ko dahil bawal sa magulang ko. Please po, payagan niyo na po akong mag stay dito. Aalis din po ako agad pag nakita ko siya"

Pag arte niya sa harap ng dalawa.

"Private 'tong lugar na 'to. Impossibleng-"

"Kaya nga dito kami nag kikita dahil walang tao dito. Ngayon ko lang nakita na may mga tao dito kaya nagulat din po ako"

Nag katinginan ang dalawang gwardiya.

"Oo nga 'no. Matagal na ngang walang tao dito"

"Sigurado ka? Baka mamaya niloloko lang tayo ng batang 'to"

Ngumiti ang isang gwardiya

"Sa itsura ng batang 'to talagang pag babawalan 'to ng magulang niya. Tinginan mo oh, kagandang bata"

Nginitian niya ang mga lalaki.

"Sige, pero doon ka lang sa gilid. Bawal talaga ngayon ang ibang tao dito"

"Salamat po, aalis po agad kami kapag dumating na siya"

Tinanguan siya ng dalawang gwardiya atsaka umalis na

Gaya ng sinabi ng gwardiya ay sa gilid nga siya nag hintay. Tamang lugar lang para matanaw niya kung paparating na sina Hans.

"Naka pasok na ko"

Bulong niya sa earpiece

"Good, papunta na kami"-Sandra

"Mag ingat kayo dahil mabilis ang mga mata ng mga bantay"

Umayos ng tayo si Crenz at saka paulit ulit nag tap ng paa  sahig. Sign ng pag ka inip pero parte pa rin ng plano.

"Ineng, upo ka muna habang nag hihintay ka"

Nagulat siya ng lapitan siya ng isang gwardiya

"Nako nag abala pa po kayo. Salamat po"

Nakangiting tinanggap niya ang upuan.

"Parating na ba ang hinihintay mo?"

"Opo, saglit nalang po"

"Sige maiwan na kita. Iwan mo nalang diyan ang upuan"

"Opo"

Umalis na ang gwardiya

"Haneeep Ganda pala ng role mo ngayon master eh. Ang suwail ngunit marespetong anak"

Sabi ni Jigs na kaagad na ikina kunot ng noo ni Crenz pero ikinatawa naman ng lahat

"Dagdagan mo Jigs. Ang suwail ngunit marespetong anak na bayolente"

Seryosong sabi niya. Tumawa naman ang lahat ng nasa linya.

"Joke lang master hehehe"

Mabilis ngunit maingat na nakarating sa mala gubat na lugar ang grupo nila.

Nakarinig sila ng pag tunog sa earpiece nila na tanda na may pumasok sa linya nila.

"Tyro?"

Tanong nila

"Nagawa na namin makausap ang captain in charge"

"Oh? Napapayag mo ba?"

"Nahirapan kami makapasok dahil nga sa may event ngayon pero no'ng narinig niya na pwede siyang ma recruit ng Royal line after namin makita ang ability niya ay agad din siyang pumayag"

Masyadong makapangyarihan ang Royal Corporation kaya tinitingala ito ng maraming tao. Isa rin ang Royal Corporation sa isang corporation na hindi nadadawit sa kahit anong katiwalian. Isa sa samahang may magandang reputasyon at tinitingala ng maraming nasa business industry.

"Ok! Let's do this!"

Halos magagawa na nila ang lahat ang kulang nalang ay makapasok sila sa loob

"Yara, papasok na kami ni Attienza sa loob ng barko"

"At sa tingin mo papayag 'yan?"

Sagot ni Crenz kaya tumingin si Tyro kay Liphyo.

"Why not? Mag kaaway kayo diba?"

"Tsk. Kailangan ko ng boyfriend dito"

Agad na nag salita si Hans dahil sa narinig

"Ako nalang"

Natatawa sa loob loob nila si Tyro at Daniel.

"Papuntahin niyo muna diyan sa inyo si Pula. Nakikita ko na kayo"

Pasimple lang siyang lumingon sa gawi nila.

"Bakit papapuntahin pa siya eh marami naman kaming lalaki dito?"-Hans

"Sa tigas ng ulo ng isang 'yon malamang kapag pumunta ang isa sainyo dito baka mag karoon pa ng hinala ang mga gwardiya dito"

"Ha bakit?"-Sandra

"'pag nakita ako ng kumag na 'yon. Lalapit agad sa'kin 'yon. At isa pa ang sinabi ko ay dalawa lang kami ng boyfriend ko na nakakaalam dito. Paano pag lumapit dito si Pula habang nandito si Hans?"

Napangiwi at tumango nalang sila

"Feeling ko lumulusot lang siya"

Sabi ni JM na may malaking ngiti sa labi

"Sa tingin ko, hindi"

Ani ni Nemi na nakatingin sa malayo na parang may tinatanaw. Doon nga at lumapit si Liphyo sa kanila.

"Nasa'n si Raya?"

Nakangiting tanong nito na wari mo'y hindi na inalala ang mga naganap kanina sa meeting place nila.

"N-nandoon"

Tinuro nila ang natatanaw na nilang si Crenz. Ngumiti si Liphyo at saka nag lakad palapit kay Crenz.

"Kung nag kataon ngang pumunta ako. Mabubulilyaso tayo"

Sabi ni Hans habang nakatingin sa tumatakbong si Liphyo na papalapit kay Crenz.

"Huwag niyo nang isipin 'yan, back to work"-Nina

Hinihingal na lumapit si Liphyo kay Crenz kaya agad na tumayo si Crenz para balaan si Liphyo.

"Umarte ka lang na boyfriend kita at huwag kang gumawa ng kahit anong kahina hinala"

Matapos niyang sabihin 'yon ay bigla siyang niyakap ni Liphyo.

"Anong ginagawa mo?!"

Mariing tanong niya habang bahagyang nag pupumiglas

"Nag papahinga, stay ka muna diyan tutal boyfriend mo ako ngayon"

Lahat sila ay natigilan sa ginawa ni Liphyo

"Hindi na kinakaya ng puso ko ang mga nangyayari sa kanila" hindi makapaniwalang sabi ni Hans

"Ayos lang 'yan. Ganiyan talaga kapag bading"-Tyro

"Parang nag exceed na siya sa normal line"-Daniel

Napansin agad ni Crenz na nakatingin sa kanila ang mga gwardiya kaya marahan niya itong tinapik.

"Pula?"

"Hm?"

"Sorry sa gagawin ko pero kailangan mong maki sabay"

Umalis siya sa pagkakayakap ni Liphyo at saka malakas itong.

*PAK!*

Sinampal

"NAKABUNTIS KA?!!"

Malakas na sigaw niya.

Sign na ito na kailangan nang kumilos ng kambal at ni JM para maka lapit sa barko.

Sa gulat ni Liphyo ay para siyang nawalan ng buto sa tuhod kaya marahan siyang napa luhod sa harap ni Crenz na ngayon ay may namumuong luha sa mata.

"H-hindi ko sinasadya"

Kahit gulat sa nangyari ay umarte na rin siya. Mas komportable siyang gumawa ng mga bagay kapag kasama niya si Crenz dahil alam niyang ligtas siya.

"HINDI MO SINASADYA?!! ALAM MONG PAREHO TAYONG NAHIHIRAPAN SA SITWASYON NATIN NGAYON TAPOS SASABIHIN MONG NAKA BUNTIS KA?!!"

Marahan nang lumapit ang ibang gwardiya para sawayin sila dahil paparating na ang mga guest maya maya.

"Wow! Ang galing umarte ni Crenz"-Nemi

"Kilos na para sa mga papasok"

Utos ni Sandra.

Umikot na si Tyro para maka punta sa private part ng beach kung saan naroon ang barkong sasakyan nila.

Pumosisyon na rin si Daniel para pasabugin ang bombang nasa ilalim ng lupa na ibinaon pa ng mga kasamahan nilang nag papanggap na trabahador sa loob ng private beach resort.

"Hindi ko maintindihan kung bakit may separated venue for reception. Bakit pa nga ba sila nag reception kung sa loob ng barko marami nang pagkain?"-Chelsea

"Nag separate ng venue dahil mamaya kapag bumalik na ang barko ay mahahati ang mga tao. Ang VVIP ay dito sa private beach at ang ibang tao naman ay diyan sa kabila"

Sabi ni Princess habang nag tatype

"Princess??? Kasama ka pala namin?"-Nemi

"Kanina pa"

Hindi na nila napansin ang dalaga dahil sa mas madalas pa 'tong tahimik kaysa sa maimik. Hindi nila alam kung bakit ganito si Princess pero hindi na sila nag tanong pa dahil parang kagaya lang 'to ni Yara na maraming ayaw pag usapan.

"Nandito na pala ang nobyo mo-"

Hinampas ni Crenz si Liphyo habang naka luhod sa harap niya si Liphyo naparang namamanhid sa mga nangyayari sa kaniya. Pero ang totoo ay nanghihina talaga siya pero hindi niya maintindihan kung bakit. Para siyang inaatake ng trangkaso kaya nawala ang lahat ng iniisip niya at para lang siyang dilat na katawan pero walang kaluluwa sa loob.

"BAKIT MO 'YON GINAWA?!"

Paulit ulit siyang hinampas nito kaya pinigilan na siya ng ibang gwardiya.

Nakaramdam ng bahagyang pag kahilo ang katawan niya.

'hindi! Hindi ako pwedeng himatayin habang nasa harap ko siya. Ayoko na ng panibagong kahihiyan'

"S-sorry"

Mahinang aniya dahil nawawala na siya ng lakas.

"Parang may mali"-Sandra

"Update ko pala kayo guys. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ni Attienza ngayon"

Paalam ni Tyro sa lahat habang nag lalakad na siya papasok sa barko.

Napansin ni Crenz ang pamumula niya na parang may mali sa itsura niya.

'Teka? Anong nangyayari?'

Tanong niya sa sarili niya. Napatanong din siya kung malakas ba ang pag kakasampal niya.

"Parang mag cocollapse si Attienza. Humanda na kayo, mapupukaw nila Attienza ang atensyon ng mga gwardiya"

Pag bibigay alam ni Nina sa kanila.

Agad nagimbal ang buong sistema ni Crenz dahil mukhang sinadya nilang mag kaganito si Attienza na wala naman sa usapan nila.

Agad nag puyos sa galit si Crenz. Gusto niyang sapakin ang mga gumawa nito sa binata pero hindi pwede dahil baka mabulilyaso ang lakad nila.

Dumating na nga ang inaasahan nilang pangyayari dahil nawala na ang malay si Liphyo. Karamihan sa mga gwardiya ay tumulong sa kanila habang ang iba ay nasa pwesto pa rin nila pero nasa kanila ang atensyon.

Doon na kumilos sila JM para lumusong sa tubig at lumangoy papalapit sa barko.

"Mag iingat kayo" paalala ni Sandra sa kanila.

Lumangoy na silang tatlo nang hindi napapansin ng mga gwardiya. Nakita nila sa blueprint na may pasukan din sa ilalim ng barko at doon kadalasan inilalagay ang mga sasakyan.

Nang makarating na sa ibabang bahagi ang tatlo ay kaagad na may napansin si Migs sa ilalim.

"Parang may nakita ako"

"Ha?"

Hindi siya sigurado pero mukhang may kakaiba sa ilalim ng barko.

"Umakyat na kayo-"

"Ano bang sinasabi mo?"

Nag tatalo ang kambal

"Hindi ako sigurado pero mukhang may bomba sa ilalim ng barkong 'to"

Nanlaki ang mata nilang lahat na nakakarinig.

"Ok! Ganito, Migs ikaw na ang mag check. Make sure na double check niyo ang oxygen ng tank niyo."-Nemi

"Konti palang ang bawas nitong mga 'to"

"Sige, i sascan namin ang buong barko kung may kakaiba sa loob"-Nemi

Apat silang babaeng naka tingin ngayon sa screen ng laptop nila. Si Sandra ay nasa CCTV habang nag tutulungan ang tatlo sa pag detect kung may mga potential explosive thing sa barko.

"Pumwesto ka na Daniel, papasok na kami"

Pag papaalam ni JM kay Daniel.

"Go signal nalang ang kulang"

Nag tanguan silang tatlo at humanda sa mga susunod na mangyayari.

"Dali! Dalhin niyo muna sa kubo 'to. Mukhang inaapoy ng lagnat 'to"

Nag tulungan ang mga gwardiya para irescue si Liphyo na mukhang lantang gulay na sa itsura nito.

Naiiyak sa awa at galit si Crenz sa mga nakikita niya. Mali 'tong nangyari kay Attienza. Hind niya maintindihan ang nararamdaman niya. Gustong gusto na niyang manakit.

"Paki bilisan po"

Kabadong aniya.

Sa hula niya ay may pinainom na lason kay Attienza.

"Crenz! May antidote ka. Ipainom mo na sa kaniya"

Sigaw sa kaniya ni Nemi.

Gusto niyang sigawan ang kabilang linya pero hindi niya magawa dahil nga sa gagawin nila.

"Ngayon na!"

Bulong ni JM sa earpiece kaya wala pang ilang segundo ay

*BOOM!*

Sumabog na ang kanang bahagi ng beach. Nag likha ito ng alikabok sa paligid dahilan para hindi gaanong makita ng mga nag babantay ang mga nangyayari sa paligid.

Doon na kumilos ang dalawa at binuksan ang ilalim ng barko. Hindi na sila dumaan pa sa mga dadaanan ng sasakyan. Ang pinasukan nila ay gawaan ng mga trabahador na tumutulong sa pag papaandar ng barko.

Pag pasok nila doon ay pinag tinginan sila ng mga tao doon. Marami sila at karamihan ay lalaki.

"Pasensya na 'po. Trabahador din po kami dito"

Pag papalusot nila

"Bakit ngayon lang namin kayo nakita kung gano'n?"

Tanong ng isa sa kanila

"A-ah kasi-"-Jigs

"Kasi ano?"

"K-kasi-"

Nag katinginan silang dalawa ni JM na parang nag iisip kung anong isasagot.

Kumuha na ng kagamitan ang mga nasa ilalim para parusahan sila.

"JM, ayokong magalusan ang mukha ko"

"Pareho lang tayo"

Napaatras sila pareho.

May galit na galit nang sumugod sa kanila na may hawak na patalim.

"AHHHH!!!"