Nakapasok na sa loob ng barko si Tyro. Inalala niya agad ang mga nasa ibaba dahil baka kung napaano na sila doon. Inayos niya ang suit niya at saka hinanap ang daan pababa.
"AHHHH!!!"
"WAAAG!"
Agad naman napahinto ang nasa ibaba at lahat sila ay nakatingin kay Tyro na parang hinahapo pa.
"Uhm?-"
"Sino ka naman?"
Kinakabahan siya pero tumayo siya ng tuwid at saka inayos ang suit niya.
"Ako ang may ari ng barko na 'to"
Pag sisinungaling niya.
"Nag papatawa ka ba?"
Nag tawanan silang lahat habang nakatingin sa kaniya
"Maniwala kayo! Kayang kaya niya kayong mawalan ng trabaho habang buhay"-JM
Nakangiti pa rin ang mga tao doon
"Lakas na talaga ng sira sa ulo ng mga tao ngayon"
"Akala niya siguro hindi natin-"
"May bomba ang ilalim ng barko na 'to"
Nag bulungan ang mga tao
"Kung hindi kayo makikipag cooperate sa'min, hahayaan naming mamatay kayong lahat dito. Hindi kayo hahayaang makalabas ng mga gwardiya dito dahil balita ko, lahat kayong nandito sa baba ay may utang sa may ari ng company nitong barko."
"HOY GAGO! HUWAG MO KAMING LOKOHIN! TINATAKOT MO PA KAMI!"
"Kung ayaw niyong maniwala edi good luck sa pag likas. Hindi niyo ba narinig ang pag sabog kanina? Sample pa lang 'yon"
Nakangising sabi niya sa lahat
"Kayong dalawa! Tara na umalis na tayo dito"
Nag madaling nag lakad papalapit sa kaniya ang dalawa
"Tyro parang bibigay ang tuhod ko"-Jigs
"Lakas ng kabog ng dibdib ko"-JM
Nag lakad silang tatlo paakyat.
Samantalang napa inom na ni Crenz ang antidote na nasa maliit na botelya sa walang malay na si Liphyo habang makapal pa ang alikabok sa paligid.
Matapos silang ilapag sa malapit na kubo ay lumabas na rin ang ibang guard para silipin ang pag sabog kanina.
"Sabihin niyo sa'kin kung sino ang nakaisip ng bagay na 'to"
Namuo ang luha niya habang nakatingin sa sobrang putlang mukha ni Liphyo. Sinabi na nga ba niya na mahihirapan lang si Liphyo pag pinasok siya sa organization. Awang awa siya sa itsura nito, para itong tinatakasan ng dugo.
"Crenz, it's natural for us to do sacrifices-"-Sandra
"Pinipigilan ko lang magalit dahil nasa assignment tayo at may respeto pa ako sayo Sandra"
Gigil at seryosong aniya na kinagulat naman ng lahat ng nakakarinig
"Are you threatening me Ms. Vilarde?"
Lumabas ang mataray na ugali ng dalaga dahil sa sinabi ni Crenz.
"Isipin mo nang banta 'yan. Makinig kayong lahat, hanggat walang pahintulot ko walang gagalaw kay Attienza. Sinabi ko nang under ko siya. Ngayon kung ayaw niyo maging ganito ako, kausapin niyo lahat ng mas matataas sa inyo at ilipat niyo siya sa ibang deck at I under sa iba"
Natahimik sila Tyro at nag katinginan silang tatlo.
"Sinabi ko na kasi sayong purong trabaho lang ang ginagawa niya at walang-"-Tyro
"Oo na"-Daniel
"Tigilan niyo na muna 'yang away niyo. Na scan na ang buong ship. Walong bomba lahat ng nandiyan"
Sabi ni Nina na busy sa pag tingin at pag tipa sa laptop niya.
"Walong bomba?!"-Jigs
Agad siyang sinipa ni Tyro sa binti dahil sa ingay niya. Nasa Cr silang tatlo at nag papalit ng damit.
"Oo at kung lalakasan mo pa yang boses mo, mabubulilyaso ang lakad natin. Tandaan niyong hindi lang kwintas ang habol natin dito"-Chelsea
Tatlo ang nasa laptop. Si Chelsea, Nina at Princess habang si Daniel ay nag aabang sa susunod na mangyayari sa lakad nila. Si Nemi naman ay nag hahanda para sa gagawin niya mamaya.
Makakapasok silang lahat kapag nag tagumpay silang mapalitan ang gwardiya.
"Sino ang lumason kay Liphyo?"
Pag uulit ni Crenz
"Crenz hindi oras ngayon-"-Nina
"Sinong! Lumason! Kay Liphyo?!"
Gigil na gigil na tanong niya. Gusto niyang sumigaw pero hindi pwede.
"Ako"-Tyro
Tumingin sa kaniya si JM at Jigs dahil sa sinabi niya
"Bakit mo ginawa 'yon? Hindi mo pa kilala si Crenz, baka kahit ikaw na ang pinaka magaling sa mundo-"
"Ako na bahala sa kaniya"
Alam na alam ni Tyro ang mangyayari sa kaniya mamaya kaya hinahanda na niya ang sarili niya.
"Hindi mo siya kilala"
"Wala naman akong sinabing kilala ko siya"
Nakangiting sabi niya sa dalawa
"Condolence nalang sa pamilya mo pre"-Jigs
Napailing si Tyro. Maiipit kasi sila kung hindi ginawa ni Tyro 'yon. Pinigilan na siya ni Nemi sa gagawin niya kanina pero hindi pa rin siya tumigil.
Nag ngingitngit ang buong kalooban ni Crenz pero kailangan niyang I isang tabi muna ang nararamdaman niyang bwiset kay Tyro na alam niyang may kinalaman si Nemi.
Naiintindihan niya na ngayon kung bakit ginawa ito ni Tyro pero sisiguraduhin niyang 'yon na ang una't huling may gagano'n kay Liphyo.
"Migs? Hindi ka pa ba nakakaahon?"-Sandra
Walang sumagot sa kanila.
Bahagya nang kinabahan si Jigs pero pilit pa rin siyang ngumiti at nag patawa
"Ano ba kayo? Minsan lang kasi maligo si Migs kaya hayaan niyo muna."
Kampante naman si Jigs na may oxygen pa ang tank ni Migs dahil kapiranggot lang ang nabawas nila mula sa tinataguan nila hanggang sa barko.
Tumunog muli ang linya niya. Sinyales na may pumasok doon.
"Nasa beach na kami, nasa'n kayo?"
Napangiti sila Sandra sa narinig na boses.
"Shin! Buti naman nag ka oras kayo"-Sandra
"Na curious ako sa isa sa mga bodyguard mo Sandra. Balitang balita siya sa mga elders"
Napangisi si Crenz sa narinig niya pero wala siyang balak makipag usap sa kanila dahil inaabangan pa niya ang pag gising ni Liphyo. Maayos na ang kulay nito at mukhang ok na rin ang pag hinga.
"Kahit saan mag punta si Crenz nagiging topic siya. Masanay ka na lang Shin"-Nemi
"9:00 Shin"-Sandra
Agad nakuha ng lalaki ang sinabi niya kaya nag lakad ito papunta sa may maraming puno.
Tumunog muli ang linya kaya inabangan nila ang susunod na mag sasalita.
"Balita ko may model kayong kasama ah"
Agad napangisi si Jigs
"Anong ginagawa ng bruhang 'yan dito?"-Jigs
Pag karinig ni Migs sa boses ng dalawa, alam na niya kung sino ang babae. Matapos niyang putulin ang wire sa ilalim ay umahon siya sa gilid ng barko.
"Buhay ka pa pala Mika?"
Natatawang sabi ni Migs
"Uy Migs! Buhay ka pa pala sa ilalim? Anong balita?"
"Ok na, natanggal ko na. Kinabahan ako, baka ako ang sumabog sa ilalim"
Natatawang aniya
"Kung alam ko lang na may bomba, edi sana kanina pa ako nandito"-Shin
"Kayabangan mo"-Nemi
"Hi Nemi, kumusta naman?"-Shin
Agad naalarma si JM. Alam niyang matagal nang may gusto si Shin kay Nemi kaya nababahala siya.
"Back off Shin if you still want to live"-JM
"Woooh!! Jealous!"-Kambal
"Alam niyo kayong dalawa napag hiwalay na kayo lahat lahat ang lakas parin ng energy niyo"-Tyro
"Kambal nga diba? Pero hindi ako bakla"-Jigs
"Gago!"-Migs
Nag tawanan sila
"Oo nga pala Migs, kami na muna bahala dito sa loob. Bumalik ka na muna kila Sandra"-Jigs
Sumangayon nalang sila dahil baka mahalata na sila kapag pumasok pa si Migs
Lumipas ang dalawang oras at pa kabog na nang pakabog ang dibdib nilang lahat. Hindi nila alam kung ilang oras naka set ang timer ng mga bomba at hindi pa nila napapalitan ang tao sa control room.
"JM? Balita?"-Nemi
"Walang gumagalaw sa PC nila, pwede niyo nang I hack"
Nag madali sila sa pag tatype. Nag tulungan silang mga natitira doon para mapadali ang trabaho.
Padilim na.
Nagising si Liphyo sa isang hindi pamilyar na lugar. Pakiramdam niya ay ansakit ng buo niyang katawan na parang katatapos palang sa bugbog.
Agad siyang tumayo at saka inalala ang mga nangyari. Agad siyang napasapo sa ulo niya sa sobrang hiya.
Pag dilat niya ay nakita niyang nakayuko si Crenz, naka cross arm at legs.
"Nakakahiya"
Bulong niya sa sarili niya.
Tinapik niya si Crenz
"Hoy Raya?"
Agad namang napadilat si Crenz. Pulang pula ang mga mata nito, tanda na nakatulog talaga siya habang nakaupo siya.
"Pula?"
Umayos siya ng upo
"Bakit tayo nandito? Mag didilim na"
Napatanaw sila sa papalubog na araw.
"Umalis na tayo."
Tumayo si Crenz at nag madaling lumabas.
"Hoy! Sandali!"
Naramdaman ni Liphyo na parang an'dami dami niyang alikabok sa katawan kaya habang hinahabol niya si Crenz ay nag papagpag siya ng damit.
"Ano bang nangyari? SANDALI!"
Humito si Crenz sa harap ng mga gwardiya at nag pasalamat sa kanila.
"Oh ayos na ba ang nobyo mo?"
"Thank you po. Pasensya na po sa abala"
Sumunod siya kay Crenz na nag lalakad na ulit papalayo
"Salamat po"
Sabi niya sa mga gwardiya
"Nako! Sayang at pinakawalan mo pa ang batang 'yon. Tsk tsk tsk.. mga kabataan nga naman ngayon. An'dami ng batang ama"
Hindi alam ni Liphyo kung anong irereact niya sa mga sinasabi ng mga ito pero hindi na rin siya nag tagal doon at sinundan na si Crenz.
Nakarating sila sa kinaroroonan ng mga kasamahan nila.
"Balita?"-Crenz
"Malapit na pumasok ang mga bisita. Mauunang pumasok ang mga VIP's at saka sila pupunta sa kabilang side."-Nemi
Tumingin siya sa PC atsaka nag turo doon.
"Papasok na ako sa loob-"-Crenz
"Teka? Sa'n ka dadaan?"-Tyro
"Huwag muna master. Hindi pa kami makahanap ng tyempo"-Migs
"Hindi ko kayo aantayin para sa tyempo niyo"
Hindi na nagugustuhan ni Sandra ang mga lumalabas sa bibig ni Crenz. Lahat ng sinasabi niya ay tatagilid sa plano nila.
"Can we just stick to the plan. We still have an hour-"
"May isang oras pa? Ang plano dapat naka pasok na kayo system nila bago pa pumasok ang mga tao. Papasok nalang sila lahat lahat pero wala pa kayong nagagawa"
Seryosong sabi niya sa lahat
"Sino ka ba sa tingin mo?"
Nagulat silang lahat sa nag salita sa likod nila.
Dumating ang isa sa mga makakasama nila.
"Pheulous"-Nina
"Pheulous, this is not a thing that you can meddle"-Mika
Nag titigan si Pheulous at Crenz na parang sila lang ang tao sa paligid.
"Hindi porket iniingatan ka ni Cassandra pwede mo na siyang pag salitaan ng ganiyan"
Kinabahan ang mga nasa paligid nila. Alam nilang walang mag papatalo sa dalawa kapag nag harap sila. Pareho silang may pinanindigan at opinion sa sarili nila na pareho nilang pinaglalaban.
"Tumigil na kayo"-Sandra
"Wala pa akong sinasabi. Huwag niyang antaying may sabihin ako sa kaniya, baka hindi niya magustuhan."-Crenz
Naguguluhan lang si Liphyo na nakatingin sa kanila.
"Hindi sila pwedeng pag samahin"
Sabi ni Tyro kina Jigs at JM. Nababahala na sina Hans at Daniel sa awra ng dalawa.
Si Liphyo na ang unang kumilos dahil para siyang napapaso sa titigan ng dalawa.
Humarang siya sa harap ni Crenz kaya napatingin si Crenz sa kaniya.
"Tumabi ka diyan"-Crenz
Umiling lang si Liphyo na parang batang ayaw pahintulutan ang kalaro na kunin ang laruan niya.
"Tumabi ka kundi sasamain ka"
Banta niya dito
"Di mo gagawin 'yon"
Kampanteng sabi ni Liphyo sa kaniya kaya napa ngisi si Crenz at saka hinampas ng likod ng kamay niya sikmura ng binata. Matapos niyang gawin 'yon ay tumalikod siya habang si Liphyo ay nakahawak sa sikmura niya at nasaktan ng bahagya.
"Sa'n ka pupunta?"-Liphyo
"Papasok na 'ko. Tyro pasukin niyo na ang control room-"
"Sa'n ka ba dadaan"-Tyro
"Saka ko na pag iisipin kung saan ako dadaan pag hawak niyo na ang control room. Kilos na"
Nag tanguan sila sa loob ng barko at saka pasimpleng nag lakad papunta sa control room.
"Crenz-"-Hans
"Matigas talaga bungo nitong isang 'to"-Pheulous
Sa itsura ng binata ay naiinis siya sa kasama nilang babae. Sa isip nito ay ang bago bago nito pero kung mag desisyon sa lahat ay parang marami na siyang napatunayan sa organization.
"Stop it Pheulous!"-Mika
"Bakit hinahayaan niyong kayo ang manipulahin ng isang 'yan?"
Nakangising ani nito pero naiinis na sa mga kasamahan.
Tiningnan lang siya ni Crenz dahil wala siyang balak patulan ang batang 'yon. Kung titingnan ang lalaki ay parang wala itong pakealam sa mundo. Wari mo'y pinag kaitan ng saya sa buhay dahil sa sobrang seryoso at madalas na sarkastiko.
"Wala siyang minamanipula sa amin kaya tumigil ka na"-Nina
"Hindi ko akalaing nauunder kayo ng anak ng magsasaka. Ang tataas pa naman ng tingin ko sa inyo."
Nag init agad ang ulo niya dahil sa narinig na pang mamaliit sa magulang niya.
"Hans"
Sinenyas niya si Liphyo kay Hans.
Kinakabahan man ay pumunta si Hans sa likod ni Liphyo para takpan ang mata nito.
"Teka anong ginagawa mo?"
Tanong ni Liphyo
"Pre, huwag ka munang gumalaw"
Seryosong sabi ni Hans kaya wala siyang nagawa kundi ang sundin nalang pakiusap ni Hans.
Lumapit si Crenz kay Pheulous.
Walang tinag ang binata at diretsong nakatingin sa mata ni Crenz na papalapit sa kaniya.
"Stop it!"-Sandra
Ni hindi rin natinag si Crenz sa sigaw ng pinaka mataas sa kanila pero expected na ni Sandra na hindi susunod sa kaniya si Crenz sa oras na 'to.
"Bakit? Anong gagawin mo? Mananakit ka? Anak ng magsasaka-"
Mabilis na umikot siya sa kinatatayuan niya at saka sinipa ang alak-alakan ng lalaki. Mabilis niya ring sinalo ang kwelyo nito. Agad napahawak sa kaniya ang lalaki sa kamay niyang nakaalalay sa kwelyo nito.
"Anong ginagawa mo?!"
"Tinuturuan ka ng leksyon."
"Nakakatakot ka" nakangising ani nito.
Hinila niya pataas ang binata at saka dinamba ng malakas pa baba ang dibdib nito. Lumagabog sa lupa ang katawan nito
"ARGH!!"
"PHEULOUS!!"
Sigaw nila.
"Susunod na maliitin mo ang pinag mulan ko. Babalian kita ng buto sa harap ng organization niyo"
Nakahawak ang binata sa dibdib niya at saka bahagyang umuubo dahil sa lakas ng pag damba ni Crenz.
Tinanggal ni Liphyo ang kamay ni Hans sa mata niya at saka tiningnan ang mga nangyari pero masyadong malabo pa ang mata niya dahil sa pag kakatakip ni Hans sa mata niya kaya hindi niya makita si Crenz.
Mabilis naman na humarap si Crenz kay Liphyo matapos niyang gawin 'yon kay Pheulous.
"Raya? Ano-"
"Inayos mo na ba ang susuotin mo?"
Tumango ang binata
"Ok, 'yong binilin ko sayong hindi ka pwedeng lumabas sa control room"
"Oo na, naaalala ko naman"
"Kapag sinaktan ka nila, sabihin mo sa'kin"
"Bakit? Igaganti mo ko?"
Tumingin si Crenz sa kaniya ng walang kwenta
"Kalalaki mong tao tapos ako pa gaganti sayo? Lumaban ka sa kanila. Tss.."
Tinalikuran na siya nito.
TATLONG beses nasapak si Jigs at apat na beses namang natumba si JM habang nakikipag laban sila.
Hingal na hingal na umupo sila sa gilid habang nakasandal.
"Tyro-"
Tumingin si Tyro sa kanila
"Pfft.."
Nag pigil matawa ang dalawa nang makita si Tyro
"Anong nangyari sayo?"
Natatawang tanong ni JM
"Na sapak ako ng gagong 'to"
Sinipa niya katawan ng isang lalaking naka bulagta sa harap niya.
Lumubo kasi ang kilay ni Tyro na hula nila ay maya maya lang ay magiging sanhi na ng black eye ni Tyro.
"Master, ok na ang control room"
"Paakyat na 'ko. JM hagisan niyo ako ng lubid. Tatlo kami ni Migs at Shin ang aakyat"
Tumango sila.
"Tyro ikaw muna dito."
Tumango si Tyro.
Mabilis na nag lakad si JM at Jigs para hagisan ng lubid si Crenz sa unahan ng barko.
"Tyro, look out ka ah"-Jigs
"Ako bahala, kita ko ang katangahan mo mula rito sa kinauupuan ko"
"Pakyu!"
Tumawa ang mga nasa kabilang linya
Nasa baba na ng barko ang tatlo. Si Shin ang mag aalis ng bomba. Si JM at Migs naman na ang nakatoka para palitan ang mga gwardiya.
Hirap na hirap silang makaakyat sa lubid pero nagawa nilang tatlo ang makaakyat.
"Tyro, alis na agad diyan pag dating ni Jigs"-Crenz
"Yes ma'am!"
"Move"
Utos niya sa lahat.
"There's no point of stopping her. She can do everything all by herself"-Nina
Seryosong sabi niya habang nakatingin sa monitor. Pinasok niya ang CCTV ng resort
"I'm just worried"-Sandra
Napangisi nalang si Hans.
"Siguradong ang tulad niya ay hindi mo na kailangang bigyan pa ng kahit kaunting pag aalala. Ilaan mo nalang sa sarili mo ang salitang worry kasi mas kailangan mo 'yon lalo na ngayon at balita kong pinatay raw ang mga pumasok sa bahay mo kasama ang dalawang police na escort"
Napatigil si Sandra sa pag tingin sa monitor at bumaling kay Nina
"Hindi ko alam pero mukhang humihina na ang org natin dahil hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ang gumawa no'n sa mga pumasok sa bahay ko"
"C'mon Sandra, you shouldn't be alone in your house at the first place. You're making it hard for your friends to take care of you. Pare pareho silang masasabon dahil sa katigasan ng ulo mo. You're still a minor yet you're living alone?"-Nina
"What's wrong of living alone? Our law don't pay so much attention or intervene about minors living alone, unless they'll found the child get harmed"
"Don't wait to get hurt before you follow us"
Ayaw niyang pinag sasabihan siya pero may point si Nina sa mga sinasabi nito.
"Let's not talk about it"
Tinitingnan lang sila ni Princess, Mika at Chelsea na walang balak na makisali sa usapan nila dahil ayaw nilang maipit sa kahit anong bagay sa pagitan ng matataas na pwesto.
"Oh"
Inabot ni Hans kay Liphyo ang isang maliit na baril.
"Ayoko niyan"
"Dalawa lang ang pag pipilian, babarilin ka o ikaw ang babaril"
Alam ni Hans na ayaw ni Crenz na mangyari 'yon pero wala siyang choice dahil hindi lang si Liphyo ang kailangan niyang tulungan.
"Magagalit sa'kin si Raya"
Nangunot ang noo ni Hans.
"Yara pre hindi Raya, ano ka bungol?"
"Pfft!"-Daniel
Sabay silang tumingin kay Daniel na katabi si Pheulous habang nakikinig sa kanila.
Nahihiya siya kasi mukha talaga siyang bakla kung tatanggihan niya 'yon.
"At saka ok nang magalit si Yara ang mahalaga maipag tanggol mo ang sarili mo kasi hindi lang 'to ang delikadong sitwasyon na pwede mo pang maencounter"
Tumango siya kahit kabado.
"H-hindi kasi ako marunong gumamit niyan"
Kabadong aniya
"Eto safe. Kung di mo kailangang mag paputok huwag mo 'tong ibababa."
Naintindihan na niya agad.
"Mag ala action star ka at wag kang mag dadalawang isip na iputok 'yan dahil mauuna kang mailibing kesa sa kanila kapag pabagal bagal ka"
Palihim siyang napalunok.
"Alam na niya 'yan. Lalaki 'yan 'wag niyong kalimutan"-Pheulous
Inabot ni Hans sa kaniya ang maliit na baril.
Kinakabahan niya 'tong tiningnan.
"Huwag kang mag alala, sisikapin naming hindi mo magamit 'yan para wala ka nang alalahanin"-Daniel
"Pasok!"
Sigaw ni Chelsea habang nakatingnin sa monitor.
"Ayos na Chelsea?"-Crenz
"Oo nakapasok na ko-"
"Ok! I detect mo kung sino ang nag lagay ng bomba"
Natigilan silang lahat.
"Teka? Paano kung sa pinag mulan pa ng barko nilagay ang bomba?"-Nina
"I check niyo sa CCTV kung may lumapit ba sa barko. Nina, nakuha mo na ba ang CCTV nitong barko?"-Crenz
Sabay sabay silang nag type
"Ok na, nakapasok na 'ko"-Nina
"Ayos, I check mo kung sino ang nag lagay ng bomba dito or baka may makita kang kahinahinala"
"Ok"
Hindi maintindihan ni Sandra ang nararamdaman niya dahil parang wala man lang siyang nararamdaman na pag kailang kapag nag uusap sila samantalang kaka meet palang naman nila noong nakaraang araw. Napaka ayos ng communication nila na parang matagal na nilang kilala ang isa't isa.
"Pinapapunta na 'ko ng ka date kong matandang hukluban"-Nemi
"Sige, update mo kami kapag naka pasok ka na"
"No problem, bukas naman ang earpiece"
Ang earpiece ni Nemi ay maliit lang na parang hikaw na naka kabit sa pailalim ng tenga niya para hindi mahalata.
"JM aalis na raw si Nemi"-Jigs
"Bakit kailangan niyo pang sabihin sa tukmol na 'yan."
Sabi ni Nemi dahil wala naman talagang dapat ipag paalam pa sila kay JM tungkol sa mga mangyayari sa kaniya.
"Hoy, sabi mo pinapapunta ka na"
Puna sa kaniya ni Sandra
"Oo nga, ito na"
Pinagpag ang red dress niya at saka nag lakad sa buhanginan.
"Teka"
Lumapit sa kaniya si Liphyo
"Bakit?"
"Madudumihan ang sandals mo kapag nag lakad mula dito hanggang doon sa entrance"
Tumingin siya sa suot niya at totoo niyang madudumihan siya dahil sa buhangin.
Binuhat siya ni Liphyo na walang pasabi.
"Hoy! Anong ginagawa mo?! Baba mo ko!"
"Ang pangit mo kapag namuti ang red mong dress kaya kumapit ka lang. Ito lang ang kaya kong maitulong sa inyo"
Natigilan si Crenz sa pag lalakad habang nakikinig sa kanila.
"Hanep, may utak din pala siya"
Nakangising nag patuloy siya sa pag lalakad papunta sa kitchen kung saan ay busy ang mga tao sa pag hahanda.
Binuhat nga ni Liphyo si Nemi hanggang sa likod ng resort. Ibinaba niya ito sa may tiles.
"Bigat mo"
"Tsk.. ikaw naka isip nito kaya-"
"Joke lang"
Bahagyang ginulo ni Liphyo ang buhok ni Nemi habang naka ngiti ito. Natigilan ang dalaga dahil sa ginawa nito. Tumingin siya kay Liphyo.
Nang matauhan si Nemi ay tinapik niya ang kamay nito ng mahina.
"Huwag mo na guluhin ang buhok ko. Nakaayos na ko"
Pakunwaring inayos niya ang buhok niya.
"Ayos naman ah? Kahit naman hindi ganiyan ang itsura mo just like an ordinary days, maganda ka pa rin"
Hindi na napigilan pa ni Nemi ang pag kabog ng dibdib niya dahil sa mabulaklak na salita ni Liphyo. Sino ba namang hindi mabibighani sa kagwapuhan ni Liphyo.
Mabilis siyang tumalikod para hindi makita ang pamumula ng pisngi niya.
"Sige na, bumalik ka na doon. Salamat"
Hindi na siya hinarap pa ni Nemi at nag lakad na paalis ang dalaga. Hindi rin maiwasang mamangha ni Liphyo sa ganda ngayon ni Nemi kaya hindi niya maiwasang masabihan ang dalaga ng mabubulaklak na salita.
"Jigs? Nasa'n si JM?" Kabadong tanong ni Hans
"Nakikipag suntukan pa sila ni kambal"
Nakahinga sila ng maayos dahil sa narinig.
Baka magka gulo kung narinig ni JM ang mga sinabi ni Liphyo.
"Mukhang tumalsik ang earpiece niya at ngayon niya lang sinusuot"
Nakangiting pahayag ni Jigs
"Ayos 'yan. Grabe talaga ang pumuri si Attienza."
Naiiling na sabi ni Hans.
Natatawa namang tinapik siya ni Daniel.
"You can't blame Liphyo. Ang ganda naman talaga ngayon ni Nemi." Sabi ni Chelsea habang inaalala ang nakita niya sa CCTV ng resort na pinasok niya.
Sa loob ng CCTV room ng resort ay walang tao kaya kampante silang hindi makikita ang ginagawa nila.
Binura rin ni Chelsea ang kuha nila Liphyo sa CCTV ng resort.
"Tapos na namin patumbahin ang ibang gwardiya"-JM
Natahimik ang lahat sa paksa nila dahil nasa linya na muli si Jonmar.
"Ok, humanap kayo ng lugar para ipasok sila. Siguraduhin niyong naka tali at naka busal 'yang mga 'yan ah"-Nina
Agad na kumilos si Migs at JM para ipasok ang mga katawang naka bulagta sa sahig.
"Sakit ng panga ko. An'dami nila"-JM
"Ilang beses kaya akong nasipa"-Migs
"Inamo! Kanina pa kami lumalaban"-Jigs
Natawa si Migs.
Tumulong naman sa kitchen si Crenz para maging familiar sa kaniya ang mga tao doon.
"Pakitapon muna 'to sa basurahan para hindi makalat. Oh ikaw! Ayusin mo ang hiwa, baka mapangitan ang mga guest. Double time everyone! Malapit na mag simula ang party!"
Sigaw ng chef doon.
Kilala niya ang chef dahil nasa linya ng org nila ang chef na 'yon at naka usap na rin nila ito para sa gagawin mamaya.
Nag tanguan lang sila bilang pagbati sa isa't isa.
Mahinang napa yes si Nina habang nakatingin sa monitor niya.
"Nakita ko na"
"Alin?"-Chelsea
"Yung nag tanim ng bomba sa barko. Mukha ngang nilagay nila 'yon doon sa port palang"
Tinitigan nila ang mga gumawa no'n.
"Ipakita niyo sa'kin ang itsura"-Crenz
Agad na sinend nila ang picture ng mga nag lagay ng bomba sa barko.
Natapos na nila Migs ang pag liligpit sa mga katawan at nag hahanda na sa pag papalit naman ng suit and tie bilang taga kuha ng invitation card.
"Ayos na kami. Papasok na ang mga bisita"
Agad na pumwesto sila sa may pinto banda.
Pinakatitigan pa sila ng ibang gwardiya dahil hindi sila pamilyar.
"Teka, sino kayo?"
Tanong ng gwardiya
"Pinalitan kasi ni Mr. Congressman ang nag babantay dito dahil hindi raw makaka punta at kami ang pinalit niya"
Nag hihinalang tumingin ang dalawa sa kanila.
"Pwede mong tawagan si congressman for confirmation. Kaso mukhang busy ngayon 'yon, baka mapagalitan kayo kapag inistorbo niyo pa. Pero ayos lang naman mapagalitan kayo basta ang mahalaga, ma confirm niyo ang sinasabi namin. Pero ulit, kapag totoo ang sinasabi namin, goodluck nalang sa consequence. Tawagan niyo na"
Nakangiting sabi ni JM
Nag katinginan ang dalawang guard
"Siguro naman na sabi na sainyo ang dapat gawin?"
Sabi ng isang gwardiya
"Yes Sir, dapat maging alerto sa mga mangyayari at huwag papasukin kung kahinahinala"
Tumango ang dalawa dahil mukha namang nasabihan na sila.
"Good. Stay on your pose dahil parating na sila"
Tumango ang dalawa.
Nakahinga naman ng maayos ang lahat ng nasa linya nang marinig nila ang mga usapan at pag payag ng mga gwardiya.
"Mag handa na kayong lahat. Mika at Princess, kayo ang bahala kay Sandra. May paparating din na mga bodyguard diyan sa kinaroroonan niyo kaya wala kayong dapat alalahanin sa seguridad.
Sandra, na contact mo na ba sila para sa sasakyan mamaya?"
Seryosong tumango si Sandra kahit hindi siya nakikita ni Crenz.
"Ayos na. Pag dating ng mga bodyguard nasa kabila na 'yong sasakyan natin mamaya"-Sandra
Huminga ng malalim si Crenz
"Sandra, mag iingat ka diyan. Princess, kayo na ang bahala sa kaniya"
"Roger that"-Princess
Nag simula na silang lahat na mag bihis. Nag tulungan ang mga babae sa pag gagayak at nag ayos na rin ang mga lalaki.
"Ok! Ganito ang magiging plano natin. Mauunang pumasok si Chelsea at Pula para sa control room. Huwag niyong kakalimutan ang fake invitation card para hindi mag hinala ang ilang bantay sa inyo"
Sa grupo nga nila ay pinaka head na talaga sa pag iisip ng taktika si Crenz dahil doon siya magaling at nag titiwala sa kaniya ang lahat dahil alam nilang hindi sila ipapahamak ni Crenz sa mga desisyon nito.
"Bakit si Liphyo? Nandito naman akong fiancee-"-Daniel
Kunot noong sabi niya
"Bakit kailangan mo pang kumontra Daniel?"
Seryosong tanong ni Crenz
"W-wala naisip ko lang."
"Kung kokontrahin niyo ang desisyon ko, kayo na mag isip ng magiging plano niyo"
Nawala sa linya si Crenz.
"Tangina mo pre, di ka nakakatulong"-Hans
Inis din na sabi nito.
"Hindi ka nag iisip Daniel. Si Chelsea ang isa sa magaling lumaban sa mga babae kaya ni ipapartner si Attienza kay Chelsea."
Paliwanag ni Nina
Naguguluhan namang tumingin sa kanila si Liphyo na hindi maintindihan kung ano ang pinag uusapan nila dahil wala itong suot na earpiece. Tinago niya muna sa bulsa noong pinag agawan siya kanina no'ng apat kung saan siya sasabay.
"Patagal nang patagal pa kitid nang pakitid 'yang utak mo Daniel.-
Sumeryoso si Chelsea habang nag iisip
"-Mag break na tayo, hanapin mo ang sarili mo kasi nakaka turn off ka. Hindi na ikaw 'yong nagustuhan ko no'n. Hindi mo ba napapansin? Nasasakal ako sa nagiging takbo ng relationship natin lately"
Kumabog ng mabilis ang puso ni Daniel dahil sa sinabi ng nobya. Nasasaktan siya sa sarili niyang kasalanan at wala siyang magawa sa bagay na 'yon.
"Ngayon, gumawa kayo ng paraan para bumalik sa linya si Crenz."-Nina
Nainis sila ngayon sa inasta ni Daniel dahil hindi naman ito gano'n dati. Nakipag break na sa kaniya si Chelsea kaya medyo hindi naging maayos ang nararamdaman niya ngayon, nasasaktan siya sa bagay na 'yon dahil alam niyang totoo ang sinasabi ni Chelsea at hindi lang 'yon basta bastang desisyon, parang noon pa pinag planuhan.
Sa totoo lang ay parang na fe fell out of love na siya kay Daniel. Hindi rin maintindihan ni Chelsea ang nararamdaman niya. Sa isip isip niya ay baka dahil sa sanay na siyang nasa paligid niya si Daniel kaya ayos lang sa kaniya na mawala ito o baka wala na nga siyang nararamdaman dito. Isa iyon sa gusto niyang alamin kaya nakipag break up siya. Kung mapag tanto naman niyang mahal niya pa rin si Daniel, kusa naman siyang manghihingi ng tawad sa naging pasya niya pero kung wala na nga talagang siyang nararamdaman dito, hindi na siya babalik pa para hindi na sila pareho mahirapan.
Nag desisyong tumawag si Liphyo kay Crenz para pakiusapan itong tulungan ulit sila. Inutos din 'to ni Sandra sa kaniya dahil kapag si Liphyo ang mag sasabi, may posibilidad na makinig ang dalaga sa binata.
Sinagot agad ni Crenz ang tawag ni Liphyo.
"Pag pumasok kayo dito, dalhan niyo ko ng isang earpiece. Nahulog ko sa lababo 'yong akin"
Nakahinga naman ng maluwag ang lahat dahil hindi galit si Crenz sa kanila.
"Ok. May kailangan ka pa?"
"Kailangan ko ng katulong ngayon dito dahil hindi kayo nakikinig sakin."
Nag katinginan silang lahat.
"Nakikinig kami. Si Chelsea at Attienza ang mauuna"-Nina
Huminga ng malalim si Crenz
"The rest kayo na ang mag isip at susunod nalang ako. Sabihin niyo sa'kin ang susunod kong gagawin since may naisip naman na kayo kahapon sa magiging lakad natin ngayon. Basta ang kailangan ko lang ay mauna si Pula at Chelsea sa control room tapos susundin na natin ang pinag usapan niyo kahapon"
Tumango sila.
"Pre si Attienza, marunong siya sa computer kaya 'yon ang gusto ni Yara" sabi ni Hans kay Daniel.
Dalawang beses na tinapik niya sa balikat ang binata bilang pag papagaan sa loob nito.
"Ha?"
Nag papalit palit ang tingin ni Jigs sa monitor at sa cellphone niya.
"Guys 'yong tao sa picture, papasok siya sa barko bilang bisita"
Natigilan si Chelsea sa pag hahanda at saka tiningnan ang monitor para sa kumpirmahin ang itsura ng mga bisita.
"There's something wrong. Why would he?"
Kunot noong tanong niya habang tinitingnan ang isang lalaking tahimik na nakatingin sa dagat, malayo layo sa iba pang bisita.
"You need to move Chelsea. I'll take care of it"
Tiningnan ni Chelsea si Sandra at saka tumango
"Ok, first you need to know the identity of that man. Then we'll think for the next step"
Nag ok sign si Sandra
Madilim na ang paligid at tanging ang buwan at ang mga ilaw sa paligid nalang ang nag sisilbing liwanag sa lahat. Nag simula nang mag akyatan ang mga bisita.
Natigilan si Migs nang makita niya ang sumunod na guest.
"Sabihin mong namamalikmata lang ako"
Sabay na napaawang ang bibig nila sa taong nakita nila.
"Miguel? What-"
Hindi na naituloy ng dalaga ang sasabihin nang pasadahan niya ng tingin ang binata.
"I'm sorry ma'am but you can't take this cruise"
Nagulat si JM sa sinabi niya.
"Hoy ano bang ginagawa mo? Gusto mo bang mabuko tayo?"
Hindi naman makayanan ni Migs na pasakayin ang ex girlfriend ng kuya niya dito sa barko lalo na't alam niyang may gusto pa rin ang Kuya niya sa babae. Wala ring kasiguraduhan ang mga mangyayari.
"Excuse me? I have an invitation-"
"Sorry miss but you really can't join this cruise. If you want, we can book a another cruise just for you"
Naguguluhang tiningnan siya ng dalaga.
"I'm not here to have fun. I have a important business here"
Nag dadalawang isip na siya ngayon
"Anong nangyayari dito?"
Dumating nanaman ang naka harap nila kanina.
"Sir, we found this woman suspicious"
Pinasadahan ng tingin ng guard ang babae
"Wala namang kahinahinala sa kaniya-"
"Sir may tinapon siya sa dagat no'ng malapit na siyang I inspect. Papapasukin po ba namin?"-Migs
"Wait! I didn't throw anything"
"Of course you'll deny it"-JM
Gusto pa sanang mag protesta no'ng babae pero hinila na siya paalis no'ng mga gwardiya.
"Teka bitawan niyo ko!"
"Miss huwag kang mag eskandalo dito. Pwede ka naming kasuhan sa ginagawa mo"
Sabi no'ng gwardiya.
"Are you a nuts?"
"Hoy kayo diyan! Ilabas niyo 'to"
Sigaw no'ng head nila sa ibang gwardiya na nasa labas. Agad sumunod ang mga tauhan nila at nilayo nga ang babae. Nag pumiglas pa ang dalaga pero hindi na siya nito pinakinggan.
"Next please"
Nag patuloy ang pag papa pasok nila sa mga tao hanggang sa pumasok na si Liphyo at Chelsea. Nag tanguan sila ng palihim at pinakita ang invitation card. Agad naman silang nakapasok matapos ang inspection.
"Nandito na kami Raya. Saan ka namin pupuntahan?"
Sabi ni Liphyo habang kausap si Crenz sa telepono niya.
"Pumunta na kayo agad sa Control room, doon ko nalang kukunin"
Maayos namang inalalayan ni Liphyo si Chelsea habang nag lalakad sila.
"Nag kita na tayo noon"
"Ha?"
Takang tanong ni Liphyo
"Sa modeling agency. Isa ako sa nag mamanage ng modeling agency kaya nakikita kita doon"
Tiningnan siya ng binata habang ang paningin ng dalaga at nasa nilalakaran lang nila.
"Ahh gano'n ba? May tanong ako"
Huminga ng malalim si Chelsea
"Sige lang"
"Makikipag break ka ba talaga sa boyfriend mo? Di naman sa pagiging chismoso, masyado lang kasing mababaw at wrong timing lahat"
Isa iyon sa bumabagabag kay Chelsea kaya madalas ang pag buntong hininga niya dahil gusto niyang supilin ang sakit na nararamdaman ng dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina.
"Panahon lang ang makakapag sabi. Sa ngayon gusto kong alamin kung hanggang saan na siya sa buhay ko"
Nalulungkot ang boses ng dalaga kaya nag aalangan na si Liphyo kung sasagutin pa ang sinabi nito, pero sa huli ay pinanindigan na niya ang pakikiusisa.
"Hindi mo pa ba alam kung hanggang saan na? Matagal na kayong mag kasama diba? Bakit hindi mo pa alam? Ayaw mo ba siya makasama sa pag tanda mo? Mukha namang ayos kayo ah?"
Napa tawa ng mahina ang dalaga sa sobrang daming sinabi ni Liphyo
"Sa sitwasyon namin, para kaming tanim na laging minamasdan"
Nag taka siya sa sinasabi nito
"Hindi na namin napapansin ang mga pag babago ng isa't isa kasi lagi kaming nag kikita. Sa madaling salita, may mga nag babagong hindi namin namamalayan at malalaman lang namin pag hindi muna kami mag kikita"
Naiintindihan niya ang sinasabi ng dalaga.
"But the love is still there?"
"Of course, it won't fade away easily. Once I felt that I can't live without him by my side, I'll be back right away"
Nalulungkot siya sa nangyayari sa kanila dahil pakiramdam niya ay may ginawa siyang mali para magkasira ang dalawa.
"Paano kung pag balik mo may iba na siya?"
Masayang ngumiti si Chelsea
"I will be glad kasi malalaman kong I'm not enough and he deserves someone better who can make him happy. I'm not confident in that case."
"Paano ka?"
"I'm very responsible for all of my decision. Ito ang desisyon ko ngayon at kung ano man ang kalalabasan nito, tatanggapin ko dahil ito ang ginusto ko. But I'm not a kind of woman that will chase after a guy. The hell? I'm too gorgeous to do that"
"Pfft!"
Mabuti nalang at nakapatay ang earpiece nila kundi may masasaktan sa mga pinag uusapan nila.
"Pagod ka sa relationship niyo?"
Napabuntong hininga ang dalaga
"Maybe, pero wala naman gaanong nangyayari sa relationship namin kahit ilang taon na kami. We study then we'll date if we have a free time. I found it so boring but I still manage to stay because I really love him. But lately I realize those thoughts. Do I really want to be with him or I just being fooled by the years we had. I mean we've been in a relationship in the past 3 years, baka kasi sanay lang ako sa presence niya kaya hindi ako nag lelet go o baka mahal ko talaga siya ng sobra. Hindi ko maintindihan kasi kung mahal ko siya I won't be with these thoughts. If I'm not in love with him anymore, when this happened? I hate my mind for those thoughts that's why I decided to do this. Malilinawan ako kapag nag soul searching ako. Nasa'n nga ba ako? Sino na ba ako ngayon? Ano na ba ang kaya ko?"
Nakangiting paliwanag ng dalaga habang nakatanaw lang sa malayo habang nag lalakad sila.
Naiintindihan niya ang mga sinasabi nito pero may guilt pa rin siya.
"Ginamit mo lang ba ako para makipag break sa kaniya?"
Natawa ng mahina ang dalaga
"It's just a great timing. Kapag pinatagal ko pa ang relasyon namin na hindi na ako sigurado, papahirapan ko lang ang sarili ko at mas pahihirapan ko lang siya at lolokohin. Hindi ako selfish kaya ginagawa ko 'to. Mag eexplain ako sa kaniya kapag nahanap ko na ang sagot. Wag kang mag alala, hindi ikaw o si Crenz ang may kasalanan. Narinig mo naman na ang explanation ko diba?"
Ngumiti sila pareho at parehong napanatag ang kalooban. May nasabihan na si Chelsea sa mga nangyayari sa nararamdaman niya at si Liphyo naman ay hindi na sisihin ang sarili dahil sa nangyari sa dalawa.
"Tutulungan kita sa ibang rules ng organization namin"
Naging interesado siya sa sinabi ng dalaga
"Tatlo ang anak ng Ace deck. Si Kuya Roft, Kuya Draig at ate Bern. Hanggat hindi sila bumabalik ay hindi pwedeng ikasal ang mga nasa generation namin. Bawal mag live in at gumawa ng milagro ang mga hindi pa kasal. Kapag nabuntis ka nang hindi ka kasal may tatlong common ways para parusahan kayo. Una ipalaglag ang bata"
Natigalgal siya sa sinabi nito
"Pangalawa, ikulong kayo"
"Ikulong? Wala namang batas na gano'n"
Dahilan niya.
"Hindi ang batas ninyo ang sinusunod namin, may sarili kaming batas. Kapag nagkasala sa batas ninyo ang myembro ng organization namin, pananagutan nila ang ginawa nila sa pamamagitan ng batas ninyo at pag tapos nilang mag bayad sa batas niyo, batas naman namin ang mag paparusa sa kanila"
Mas lalo siyang kinilabutan sa mga naririnig
"Anong nangyayari kapag batas niyo ang nag parusa?"
"Once kasi na nabahiran mo ng dumi ang pangalan ng organization, pwedeng kamatayan mo ang kapalit no'n. Kaya takot kaming lahat na mag kasala sa batas niyo at mahuli. Pero kapag kami ang nag kasala at nakita ng first responders namin. May ipapagawang bagay tapos dipende pa sa gusto ng mga elders para mag tanda ang taong 'yon"
Tumango siya
"Ahh ok, hirap pala"
"Ang pangatlo, kamatayan"
Kanina pa siya nangingilabot sa mga kwento nito.
"Dahil sa pag kakamaling 'yon? Buhay ang kapalit?"
"Oo, buhay ang dinala mo sa mundo kaya buhay din ang kapalit"
Bigla tuloy siyang inatake ng kuryusidad.
"So it means, yung gano'ng bagay wala kayong gano'n? I mean- argh, wag mo na intindihin 'yong-"
"Hindi kami umabot sa gano'n dahil pareho naming alam ang limitasyon namin. Hindi rin namin gustong mahirapan ang magiging anak namin kung sakali"
Nakahinga siya ng maluwag.
"Tama! Ang galing niyo do'n"
Natawa ang dalaga sa kaniya.
"Hindi namin gustong humarap kay Wuko"
"Wuko?"
Nginitian siya ng dalaga
"Malalaman mo rin"
Nakarating sila sa control room at agad na pinalitan si Jigs.
"Isa nalang ang kailangan kong alisin-"-Shin
"Wag mo na alisin ang isa"-Nina
"Ha? Delikado 'yon"
"Basta sabihin mo sa'min kung saang bahagi ng barko nakalagay 'yon at iiwasan naming lahat"-Nina
Naguguluhan man ay sumunod na rin si Shin.
"Ok"
Alanganing aniya.
Nakapasok na silang lahat at pumunta sa kaniya kaniya nilang pwesto.
"Ok! Good job everyone!"-Sandra
Napangiti sila sa sinabi ni Sandra
"And now we'll just wait for the party"-Sandra
Nakangiti JM at Tyro habang nag bibihis ng suit.
"Napaka daya naman! Hindi kami makakapag party?"
Sabi nang kambal habang lahat silang pumasok maliban kay Crenz ay nasa control room.
"Napansin niyo bang pumasok ang target natin?"
Tanong ni Chelsea habang hinahanap sa monitor ang babaeng target nila.
Natigilan sila at saka tumingin kay JM at Jigs.
"Hindi ko napansin"
Kinabahan na sila dahil ang pinaka pinunta nila sa lugar na 'yon ay wala sa mga guest na pumasok.
Tumunog ang earpiece nila as sign na may pumasok.
Kinabahan na sila dahil si Crenz lang naman ang papasok doon. Na ngangamba silang mainis ang dalaga dahil sa kapabayaan nila.
"Nakita niyo na ang target?"- Crenz
Nagkatinginan na silang lahat.