13

"Nakita niyo na ang target?"

Hindi maalis ni Hans at Tyro ang kabog sa dibdib nila nang marinig ang boses ni Crenz.

"Crenz may problema tayo. Hindi sigurado ang mga bantay natin kung nakita ba nilang dumating ang target" kalmadong sabi ni Nina

Nangunot ang noo ni Crenz habang nag aayos sa pag gaganapan ng party. Mabuti nalang at naka face mask nila at hindi nahahalatang nag sasalita siya.

"Anong balak niyo ngayon?"

Pinakalma lang ni Crenz ang sarili niya dahil wala namang mangyayari kung mag aaway sila.

"Hindi pa namin alam."-Nina

"Shin? Nakapag install ka ba ng camera sa bawat VIP room?"-Sandra

"Yes ma'am!"

"Ok! Makinig kayong lahat. Pakinggan at tingnan niyo kung may makukuha kayong information sa bawat VIP room. Tyro, isama niyo si Jigs dahil guard yan diyan at nakita na yan ng security team, baka hanapin kayo ni JM. Sa ngayon 'yon muna ang gagawin natin dahil limitado ang galaw natin, hindi pa sigurado kung nasa'n ang target."-Sandra

Ngumisi si Pheulous habang nakikinig sa usapan nila. Nagiging responsable at maparaan na si Sandra sa mga sinasabi at kinikilos niya. Marunong na siyang mag decide kung paano mamaniobrahin ang mga tao niya.

"Ok, kami na Pres"-Jigs

"Guys"-Nemi

"Nemi!"

"Wag na kayong mag alala, dadating ang target at lalapag sila sa rooftop sakay ng helicopter. 'yon lang, bye"

Mabilis na sabi ng dalaga. Nakahinga ng maluwag ang lahat.

Nakinig pa rin sila sa mga sinasabi ng mga taong nag kakatuwaan sa VIP suite.

"Tuwang tuwa talaga ang mga opisyal kapag successful nilang nakukuha ang mga kabalastugan nila" iling ni Hans

Lumabas na ang tatlong lalaki habang si Migs ay nakikinig din sa ibang suite. Tumulong na rin si Liphyo.

"There's a signal in radar"

Tumunog ang helicopter na papalapit sa kanila

"Ok, nandiyan na ang target"

Tahimik na nag aayos si Crenz nang may lumapit sa kaniyang lalaki.

"Miss sa'n dito ang- teka?"

Nag iwas ng tingin si Crenz nang makita niyang ang lalaking nag tatanong sa kaniya ay isa sa gwardiyang tumulong sa kanila kanina.

"Parang na pamilyar yang mata mo"

Nag tatakang tumingin sa kaniya ang lalaki. "Parang nakita na kita eh, pero-"

"Anong ginagawa mo dito?! Diba sinabi kong bilisan niyo?! Bakit nakikipag kwentuhan ka lang diyan!"

Nakahinga ng maluwag si Crenz nang dumating ang head chef nila.

Nag bow siya at saka umalis.

"Ano bang kailangan mo sa staff ko at inistorbo mo?"

Ngumiti ang lalaki

"Sorry Sir, itanong ko lang sana kung sa'n 'yong Cr dito"

Tumango ang chef at saka tinuro sa kaniya kung nasaan ang palikuran. Nag pasalamat ang lalaki pero habang nag lalakad siya ay inaalala niya talaga kung saan niya nakita ang gano'ng mata na meron ang babae. Nag kibit balikat nalang siya.

"Lumapag na sila"-Migs

"Mag sisimula na tayo"-Hans

Nag simula ang party at kaniya kaniya sila ng batian sa loob ng barko. Hindi maikakaila ang antas sa buhay ng mga taong nasa loob nito.

"Ok! Standby na sa position niyo boys"-Sandra

Sa mga nakatokang posisyon nila sila nag sipag puntahan.

Iilan nalang ang natira sa monitoring room.

"Balita Hans?"-Sandra

"Bantay sarado ang target"

Nag ikot ikot si Hans sa loob ng party bilang ordinaryong bisita.

"Crenz? Update?"-Sandra

"Hindi pa sila nag oorder ng pagkain nila"

Pasimpleng aniya habang aligaga rin sa mga nangyayari sa loob ng kusina.

"Ok, alam niyo na kung anong gagawin"

Alerto na ang lahat sa mga ginagawa nila

"Pwede naman tayong kumain muna diba?"-Jigs

"Tara"-JM

Agad hinila ni Tyro ang mga likod ng suit nila.

"Balik. Mamaya kayo kumain kapag may nangyaring di kaaya aya"

"Pero sabi mo mag sasaya tayo"-Jigs

"May mga matang nakatingin sa'tin kaya umayos kayo. Bisita ako dito at gwardiya kayo. Umayos kayo"

Paalala ni Tyro

"Hindi ba parang delikado ang gagawin ni Raya?"-Liphyo

Si Jigs na ang sumagot sa kaniya

"Kaya niya 'yon."

"Siya ang kukuha ng kwintas. Kinakabahan ako"

"Kumalma ka pre. Hindi babae si Master, halimaw siya HAHAHA"

"Migs, Tyro.. kapag nakalabas tayo ng buhay dito ihanda niyo ang sarili niyo."-Crenz

Napa hawak sa bibig si Migs dahil sa narinig niya. Natawa naman si Chelsea sa sinabi ni Crenz.

Naguguluhan namang tumingin si Liphyo sa kanila saka niya naalalang ipasok ang earpiece sa tenga niya.

Naka shades si Tyro habang nasa loob ng party dahil nag karoon siya ng black eye. Hindi niya maiwasang isumpa ang naka sapak sa kaniya.

"Nag order na ang target"

Paalam ni Crenz

"Ok! Alam na ni chef ang gagawin diyan"-Sandra

"Sana maging smooth lang 'to"-JM

Sinubaybayan ni Princess ang nag lagay ng bomba sa barko.

"Nakuha ko na ang info no'ng nag lagay ng bomba. Mark Santos 26 years old, may isang anak pero hiwalay sa asawa. Tatlong beses na nag commit ng suicide."

'gago' isip isip ni Crenz

"Pero two years ago pa 'yon nangyari. Nag tatrabaho na siya ngayon sa isang company. Trifold Company"-Chelsea

Napabuga si Tyro ng tubig na iniinom niya.

"Lending company 'yon ah"-JM

"Nagkaroon siya ng kalahating milyong utang doon dahil sa sugal at mukhang alam ko kung bakit niya 'to gagawin."

"Bakit?"-Crenz

"Isa sa pinag kakautangan niya ay nandito at balak niyang patayin 'yon"-Chelsea

"Nai serve na ang order nila"-Crenz

"Pero ang tanong, bakit nandito siya?"-Hans

"Baka siguro para siguraduhing mapapatay niya 'yong taong 'yon"-Migs

"Hindi, 'yong pinag kakautangan niya ang nag papasok sa kaniya dito"-Crenz

Napakunot noo silang lahat

"Ano?"

"Subukan niyong alamin kung sino ang kaaway ng pinag kakautangan niya. Kung tama ako eh baka may gustong patayin dito yung pinagkakautangan ng lalaking 'yan at siya ang gagamitin para mapatay 'yon. Kaya walang hirap na nakapasok 'yan"

Nakuha agad nila ang ibig sabihin ni Crenz

"Tama si Master. May kaaway nga 'yong lalaking 'yon, isang congressman. Malapit na ang election at mukhang papatayin niya para wala siyang kalaban pa sa election"- Princess

"Walanjo naman. Next year pa ang election, bakit naman ngayon pa sila nakisali"

Pag iinarte ni Daniel

Natawa naman nang bahagya si Chelsea kaya napatingin sa kaniya sila Nina.

Napangisi nalang sila Liphyo

"Kumakain na sila"

Paalam ni Jigs sa lahat

"Wala sa pagkain ang pampa hilo niya. Nasa kamay ni Nemi"

Naguguluhan si Liphyo sa mga ginagawa nila.

"Bakit hindi nalang nilagay sa pagkain. Mas madali 'yon"

Takang tanong ni Liphyo kina Nina

"Kapag sa pagkain nilagay, kukwestyunin nila ang pagkain na siniserve ng mga kitchen staffs. Pag nangyari 'yon, pati si Crenz mapapahamak"

Tumango siya.

"Standby Nemi"-Sandra

Nag ayos si Nemi ng buhok niya para hindi siya mahalata.

"Ano bang gagawin nila?"-Liphyo

"Uhmm.. makinig ka. Sa pagkain no'ng target may nilagay na pampa boost at ang nasa kamay naman ni Nemi ay pampahilo. Mahilo rin si Nemi pero hindi sobrang hilo, unlike sa target na may pampa boost at pwede niyang Ika hilo at suka ang nakain niya. I che check nila ang pagkain kung may something ba sa pagkain, pag chineck na nila walang something doon dahil wala namang lason doon. Siguro ano lang.. uhmm.. urge to have a sexual intercourse"

Napangiwi si Liphyo

"Kailangan lang maipahid ni Nemi ang powder sa kahit saang parte ng katawan no'ng babae then boom"-Jigs

Umarte pa ang binata na may pinasabog na kung ano para ilarawan kay Liphyo ang mangyayari.

"Pag nahilo siya? Saan na siya dadalhin?"

"Mag papahatid 'yon sa Cr or sa kwarto. Pag sa kwarto madali nalang mapapasok ni Shin 'yon. Kapag sa Cr naman, nandoon na si Crenz no'n"-Chelsea

Tumango siya.

"Possible bang magamit ko 'to?"

Ipinakita niya ang baril na hawak niya. Naalarma bigla si Crenz

"May nag bigay ng baril sayo Pula?"

Inosenteng umoo naman si Liphyo

"Sino?"

"Si Hans"

Nangunot agad ang noo ni Crenz

"C'mon Yara, hindi naman namin kayang bantayan siya all the time. May mga responsibility-"-Hans

"Nag o over react ka Handriko. Alam mong may kasalanan ka kaya ang lakas mo dumipensa"

"Ayokong mabalibag mo 'no. Si Migs at Tyro nalang ang ibalibag mo"

Natatawang sabi ni Hans

"Pakyu Handriko, bakit kailangan mo pang ipaalala?!"-Migs

Napangisi nalang lahat ng nakakarinig dahil sa sinasabi nila.

"Ngayon na Nemi"

Hudyat na iyon ni Sandra.

Nag kunwaring nag popowder siya habang nag lalakad at saka umarteng natapilok sa gilid ng table ng target kaya medyo nakapitan ng powder ang dalagang target.

"Good job Nemi"-Sandra

"Oh no. I'm sorry, I'm sorry"

Tinulungan siyang makatayo no'ng mga guard na nakapalibot sa kanila.

Ngumiti naman ang dalagang target sa kaniya na mahahalata naman talagang peke ang pag kakangiti.

"No worries darling. Are you ok?"

"I'm fine, sorry again"

Tumango siya sa kanila at nag pasalamat.

Kumuha naman ng tissue ang dalagang target para punasan ang powder na kumapit sa balat niya.

"Ok! Kailangan lang nating mag antay ng 10 minutes para ma process ng katawan ng target ang powder. Be ready Shin and Crenz"-Sandra

"Copy"-Shin and Crenz

Nagimbal ang sistema ni Liphyo nang makita niyang nag labas ng baril ang isang lalaki sa VIP suite

"T-teka.. 'yong lalaki-"

Natigilan ang lahat at naging alerto

"SHIN! ROOM 45 VIP SUITE! PAPATAYIN NA NO'NG MARK SANTOS ANG ISANG OPISYAL!"-Migs

Nag madali agad si Shin sa pag punta sa VIP suite. Nag papanggap siyang isang crew doon.

"Anong gagawin ko? Shall I break the door?"

"Fuck!"-Sandra

Nag simula na silang mag alala dahil kapag may nangyaring hindi maganda, mag kakagulo ang mga bisita at malamang masira ang mga Plano nila.

"Kumalma kayo"-Crenz

"Paano mo pa nasasabi 'yang salitang yan samantalang malapit nang masira ang plano natin!"

Inis na sabi ni Sandra sa kaniya

Lumabas ng kitchen si Crenz at nag palit na ng damit bilang isang crew.

"JM pumunta ka sa Power house patayin mo ang ilaw ng 45th room at Shin mag handa ka ng bullet vest dahil kailangan mong mag sacrifice"

Mabilis na sabi niya

"Pag nangyari 'yon masisira ang plano natin!"

Sigaw ni Sandra

"Bakit Cassandra? Wala ka bang inihandang plan B?"

May halong pang aasar na tanong ni Crenz

"Crenz stop it"-Nina

"Kung hindi gagana ang plan A dapat may nakahanda kayong plan B at dapat ang plano niyo ay hindi matatapos hanggat hindi pa tapos ang letter Z-"

Nag lakad siya paakyat sa 45th room. Kinakabahan naman  ang lahat ng nakikinig sa kanila.

Ngingisi ngisi naman si Pheulous habang pinapakinggan ang usapan nila.

'antapang talaga'

"-kung puro plan A ka lang hindi ka pwedeng mag manage ng isang organization-"

"WHO THE HELL ARE YOU?!"

inis na sigaw ni Sandra sa kaniya

"Ako? Ako lang naman ang mag sasalba sa inyo dito"

Maangas na aniya.

Nakangiti na sina Hans, Daniel at Tyro habang nakikinig sa dalawa.

"Bakit ka naka ngiti diyan?"-Jigs

"Your Master is awesome haha"

Pagak na tawa niya

"Kinakabahan ako pag nag harap sila. Baka masampal ulit si Master ni Pres."-JM

Napangisi lang si Tyro.

Nakarating nga si Crenz sa 45th room atsaka sila nag handa.

"Isuot mo 'to"

Inihagis ni Crenz kay Shin ang bullet vest na medyo ikinagulat naman ni Shin

"Saan mo 'to nakuha?"

"Ayoko ng ka chikahan dito. Isuot mo na yan tapos sirain mo yang pinto. Baback up an kita."

Kinakabahan man ay nag tiwala nalang siya sa sinabi ni Crenz

"Master! Nandito na ako sa power house. Papatayin ko na ba?"

Tinanguan ni Shin si Crenz

"Raya, naihi na sa takot 'yong matandang lalaki" kabadong sabi rin ni Liphyo

"Ok! Bumilang ka ng lima JM saka mo patayin"

Sinenyasan niya si Shin na mag handa sa gagawin nila

"Kung mas magiging mabilis ang kilos mo, hindi ka niya mapapatamaan"

Paalala sa kaniya ni Crenz. Tumango lang ang lalaki.

"Simulan mo na JM"

5

4

3

2

1

*BLAG!*

Sabay na nasira ang pinto at ang pag patay ng ilaw sa kwarto.

*BANG!*

Umalingangaw ang malakas na pag putok ng baril nang makapasok sila. Pero gaya nga ng pinaalala ni Crenz kay Shin, mabilis nga siyang kumilos at nakipag agawan na ng baril sa lalaki.

"Mr.! Umalis na po kayo dito!"

Sigaw ni Shin habang nahihirapan sa pag hawak sa kamay ng kalaban.

"Tumakbo ka na!"

Sigaw din ni Crenz sa matanda.

"Crenz! Papunta na ang ibang security diyan!"-Nina

Hindi nag dalawang isip si Crenz na sipain ang ulo no'ng Mark para makatulog 'to.

Nag madaling lumabas ang matandang lalaki sa loob ng kwarto niya. Nanginginig pa siya sa takot at natataranta rin.

"Umalis na kayo!"-Migs

Kinabahan na rin si Crenz sa ginagawa nila kaya mabilis niyang hinila si Shin palabas ng kwartong 'yon

"Saan tayo pupunta?"

Pag labas ng kwarto ay saktong pag tuntong naman ng mga guard sa floor na iyon.

"Takbo!"

Sigaw ni Crenz kay Shin. Nag kasa siya ng baril at humarap patalikod. Binaril niya ang ilaw sa itaas na ikina atras naman ng mga gwardiya saglit dahil sa takot.

Bigla siyang napangisi.

"Kingina, ang hirap tumakbo ng may mask"

"Huwag mong tatanggalin 'yan kundi wanted ka na bukas"-Hans

"Ipaalala mo sa'king barilin ka sa paa mamaya Hans ah"

"Sure, basta siguraduhin mo lang na wala kang galos ni isa sa katawan mo mamaya kundi invalid na 'tong usapan natin"

Ngingiti ngiting sabi ni Hans.

Nag patuloy sila sa pag takbo.

"Nina.. ano na?"

Tanong ni Crenz kay Nina. Agad namang nakuha ni Nina ang ibig sabihin ni Crenz.

Pinagtakhan naman ng iba nilang kasama ang ibig nilang sabihin.

"Ano raw?"-Migs

Nag tipa ng mabilis si Nina at iniscan ulit ang barko.

Hinanap niya ang location ng dalawa.

"Ok! Nakita ko na.. sige tumakbo pa kayo dire diretso. May pasukan kayo pa kanan mga 20 meters away"

Sabi sa kanila ni Nina.

Nag kagulo na ang buong guest sa barko dahil sa dalawang beses na pag putok ng baril.

Lahat ng nadadaanan ni Crenz na pwede niyang itumba ay tinutumba niya para mahirapan maka daan ang mga security guard.

"15 meters!"

Tumakbo pa sila nang tumakbo

"10 meters.. ok! 5, 4, 3, 2, liko!"

Puro container ang napasukan nila kaya umingay ang paligid.

"Hoy Nina ang baho naman dito" reklamo ni Shin

"Edi lumabas ka para bukas makalawa ikaw na ang mabaho"

Pang aasar ni Nina.

"Saan na kami dito?"

Seryosong tanong ni Crenz

"May pinto pa 'yan sa likod, doon na kayo lumabas. Dalian niyo dahil papalapit na diyan ang mga guard"

Nag madali na silang mag lakad paalis doon. Pero bago pa sila maka labas ay

"Nandiyan na sila!"-Nina

"Hoy!!"

Nag paputok sa taas ang guard bilang sinyales na kailangan na nilang tumigil.

"Mag hiwalay tayo"

Mabilis na sabi ni Crenz kay Shin.

Nag dalawang isip pa si Shin kaya hindi niya malaman kung pa kanan ba siya kaliwa. Sa huli ay kaliwa na siya pumunta.

"Sinong uunahin ko sa inyo?"

Nag aalinlangan si Nina kung sino ang uunahin niyang sabihan ng direction sa dalawang tumatakbo.

"Unahin mo siya"-Crenz

"Siya ang unahin mo Nina, babae siya"

Hinihingal na sabi ni Shin

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Migs kanina? Hindi ako babae, halimaw ako"

Pinatay ni Crenz ang earpiece niya para hindi na mag dalawang isip si Nina kung sino ang uunahin niya.

"Nag padala na ako ng barko diyan para sa pag lilikasan ng mga tao diyan. Hans at Tyro pumunta kayo sa target at kunin na ang kwintas. Wala na tayong oras. Back up niyo si JM. Jigs! Ikaw Ang bahala sa Mark Santos na 'yon. Migs! Labas na diyan at antayin niyo ni Daniel ang parating na barko. I guide niyo ang mga tao sa safe place kung saan malayo ang bomba." Pag bibigay alam ni Sandra sa mga gagawin nila.

Walang sinayang na oras ang lahat at mabilis na kumilos.

"Hans? Nasan ka?"-Tyro

"Sa kwarto dinala ang babae at bantay sarado ang target. Mag kita tayo dito sa floor nila."

Mabilis na binagtas ni Tyro ang hagdan pataas.

"Nasan na sila?"

"Tyro, Hans nag susuka ang babae sa Cr doon sa loob.   Kailangan niyo munang mapatumba yang dambuhala diyan sa may pinto."-Nina

Tumango sila at saka nag suot ng mask para hindi sila makilala.

Mabilis namang tumakbo si Crenz sa kung saan dahil tatlong gwardiya pa rin ang humahabol sa kaniya.

"Ayoko pang makasakit ngayon eh. Dapat ko na ba sila patulugin?"

Hanggat kaya pa ng sitwasyon ay ayaw niyang makapanakit ng mga inosente para lang sa ginagawa nila.

Mabilis nalang siyang tumakbo hanggang sa isang kamay ang humila sa kaniya papunta sa kaliwang bahagi ng pinto kung saan ay madilim ang paligid.

Agad na tinakpan ng kung sino man 'yon ang bibig niya para hindi siya makasigaw.

Sinandal siya sa pader ng taong iyon habang nakatakip ang kamay nito sa bibig ni Crenz

Kaagad na humalimuyak ang amoy ng taong iyon sa ilong niya. Hindi siya pwedeng mag kamali.

"Pula? Anong ginagawa mo dito?"

"Shhh.."

Mas lalo niyang idinikit ang katawan niya sa dalaga nang marinig nila ang paglapit ng kalabog ng mga sapatos ng mga humahabol sa kanila.

"I check niyo dito!"

Kinabahan si Liphyo kaya kaagad na sinira niya ang damit ni Crenz at hinubad ang pang itaas ni Crenz.

Mariing napakapit si Crenz sa likod ni Liphyo nang halikan nito ang leeg niya na nag paliyad sa dalaga.

Sobrang kabog ng dibdib ang nararamdaman niya dahil sa aktong iyon ay naka bra nalang siya at hawak ni Liphyo ang likod niya.

Umilaw sa mukha ni Liphyo ang flashlight ng isang gwardiya. Umarte siyang nasisilaw.

"WHAT THE FUCK ARE YOU DOING?!"

Niyakap ni Liphyo si Crenz para itago ang katawan nito sa mga gwardiya.

"Sir baka may napansin kayong babaeng-"

"Umalis na kayo! You're ruining my moment!"

Inis na sabi niya

"Ayun doon! May tumakbo doon!" Sigaw ng isa sa kasamahan ng mga gwardiya.

"Pasensya na kayo Sir, Ma'am. Kung pwede po sana kumuha nalang po kayo ng kwarto sa taas"

Sabi no'ng gwardiya saka sila tumakbo paalis.

Nang masisigurado ni Liphyo na wala na ang mga gwardiya ay tiningnan niya si Crenz pero kaagad siyang napatingin sa taas nang makita ang itsura ni Crenz.

"Uhmm.. sorry"

Mabilis niya inalis ang suit niya at saka ibinalot sa katawan ni Crenz.

"Mag usap tayo mamaya"

Hinila ni Crenz si Liphyo palabas ng pinagtataguan nila at saka binagtas muli ang pinanggalingan niya kanina.

Binuksan niya muli ang earpiece niya

"Nina?"

"Crenz! Oh my gosh! Are you ok?!"

"Ayos lang ako. Nasan si Pula?"

Nag taka si Liphyo kung bakit niya tinanong 'yon. May iba pa bang sinasabihan ng Pula si Raya? Isip isip niya

"Si Liphyo nand- oh my! Chelsea! Nasan si Attienza?!"

Nagulat silang dalawa nang makitang wala na upuan si Liphyo.

"I don't know! Tinitingnan ko ang security nila Tyro- ang bobo mo Hans Zimmer! Sinabi ko na sayong itali mo muna diba?!"

Napailing nalang si Crenz sa mga naririnig niya.

"Hindi ko napansin-"-Nina

Umalingangaw nanaman ang tatlong mag kakasunod na putok ng baril.

"May tama na si Jigs!!" Malakas na sigaw ni Sandra sa lahat.

"Damn!"-Nemi

Wala nang nagawa si Nemi kundi ang iwan ang binabantayan niyang matanda.

"ANONG GINAGAWA MO NEMI?!"

Nagulat ang lahat nang sumigaw si Princess.

"Hindi niyo ako mapapa stay dito habang namamatay na ang mga kasama ko sa pakikipag laban!"

Nag sisigawan na sila pareho

"NEMI! STAY ON YOUR POST!"-Princess

Nag kagulo na sila dahil hindi na nila malaman kung paano pa pasusunurin ang nag mamatigas na si Nemi.

"KAPAG HINDI MO NA FULLFIL ANG TRABAHO MO NEMI, PAPARUSAHAN KA NG MGA MATATANDANG 'YON! NAIINTINDIHAN MO BA?!"

Para rin naman kay Nemi ang sinasabi ni Princess pero ayaw niyang makinig dahil ayaw niyang maging useless sa lakad nilang 'yon.

"NABARIL NA SI JIGS! YOU WON'T EXPECT ME TO SIT BESIDE THIS OLD MAN AND DO NOTHING, AREN'T YOU?!"

Nag madaling nag palit ng damit si Nemi

"Let her be"

Seryosong sabi ni Crenz

"ANO BA VILARDE?! HINDI KA NAKAKATULONG!"-Sandra

"Kung mag he hysterical kayo walang mangyayari sa inyo."

Seryosong sabi ni Crenz habang hila hila pa rin si Liphyo na nakikinig lang sa kanila.

"AT ANONG GUSTO MO? KUMALMA KAMI SAMANTALANG MAY NA BARIL NA ISA SA ATIN?!"

Pinatay saglit ni Liphyo ang earpiece niya

"Makikipag talo ka talaga sa kaniya? Wag ka na pumatol sa kaniya"

"Hindi pwedeng laging ganito siya. Mapapahamak ang buong organization sa ginagawa niya"

Pumasok sila sa isang kwarto. Humanap ng masusuot si Crenz dahil naiilang siya sa itsura niya.

"Kapag kumalma ka Cassandra makakaisip ka ng matinong solusyon sa problema natin. Maiisip mong grupo tayo at hindi natin hahayaang may mapahamak sa'tin dito. Ngayon mag isip ka kung anong dapat gawin."

Paliwanag niya.

Naiinis man siya kay Crenz, nakukuha naman niya ang punto nito.

"Ok *inhale exhale* Crenz, ikaw ang pumunta kay Jigs. Nemi kakayanin mo ba kalabanin si Mark Santos?"

"Kaya ko Pres"

Wala nang sinayang na oras si Nemi at pinahanap na niya kay Princess ang lokasyon ni Mark

"Good job Sandra"-Crenz

Nawala ulit sa linya si Crenz

Nag simula muling mag masid ni Sandra sa monitor

"Mika? 'yong barko?"

"Halfway"

Maikling sagot ni Mika.

"Nasa loob no'n si Pheulous hindi ba?"

"Oo"

"Did you already cut the signal in that ship?"

"Yes ma'am, 10 mins. after they left"

Kumalma siya saglit dahil umaayon na ulit ang lahat sa plano nila. Plan B na ito na kung sakaling mag kagulo ay palilikasin ang mga tao.

"Nakuha na namin"-Hans

"Nina huhuhu mamahalin mo pa rin naman ako diba kahit bangas bangas na ang mukha ko?"

Pag iinarte ni Tyro

"I'll think about it"-Nina

Bumungisngis ang mga nakakarinig sa kanila samantalang nag madaling tumakbo si Crenz palabas ng pinasukan nila at nakalimutan niyang isama si Liphyo na kasalukuyang gumagamit ng palikuran.

Tinuro ni Nina ang location ni Jigs kay Crenz at dali dali namang nag kumuha ng first aid kit si Crenz sa kung saan.

Naabutan niyang namimilipit sa sakit si Jigs na may tama kaliwang braso niya.

"Jigs"

Kalmadong aniya

"Master-ah! Ayos lang-ah!"

Hindi niya pinakinggan si Jigs, madali niya itong dinaluhan sa pag kakahiga nito

"Daplis lang 'to. Tulungan niyo si Nemi, may baril 'yong hayop na 'yon"

Kahit nahihirapan ay pinilit pa rin niyang mag salita.

Kumuha ng damit si Crenz at saka pinasok sa bibig ni Jigs.

"Kagatin mo 'yan kasi masakit 'to"

"Urrrhhhmm!!"

Gusto pang pumalag ni Jigs pero wala siyang nagawa.

Nilagyan ng betadine ang sugat nito.

Tinanggal ni Jigs ang busal niya

"Ahh! Master! Wag!"

Seryoso niya itong tiningnan

"'wag ka ngang bakla. Lahat ng nagamot kong tao, mahaba pa ang buhay ngayon"

Natatakot na tumingin sa kaniya si Jigs

"Masakit master!"

"Kapag hindi ito natanggal ngayon, pwede bumara sa puso mo 'to na pwede mong ikamatay. Makinig ka sa'kin at manahimik ka"

Kinuha ulit ni Crenz ang damit na pinang busal niya dito at saka binusal ulit sa kaniya.

"Nakikita ko 'yong bala. Alam kong masakit pero kailangan mong tiisin. Sumigaw ka habang nakabusal ka o di kaya kagatin mo 'yan. Huwag ka lang sisigaw nang wala kang busal, baka tirahin kita nitong baril ko"

Hindi sila pwedeng marinig ng mga guard sa labas at baka mahuli sila.

"Ok, ready"

Sinungkit niya ang balang nakita niya ng isang pang ipit na bagay na nakuha niya mula sa medicine kit.

Napasigaw sa sakit si Jigs. Gusto nitong kumawala ngunit mahigpit ang hawak sa kaniya ni Crenz.

"Huwag kang malikot makukuha ko na. Kasalanan mo kung bakit may tama ka. Nag iingat ka dapat. Masakit tanggalin ang tama ng baril lalo pag walang anaesthesia. Ayan"

Nakuha niya ang bala sa braso nito.

"Pasalamat ka hindi pa gumalaw ang bala sa sugat mo, kundi mahihirapan akong hanapin sa katawan mo yung balang sumabay sa pag circulate ng dugo mo. Konti nalang 'to, tiisin mo muna. Tatapalan ko na 'tong sugat mo kasi marami nang nawala sayong dugo. Hanggat kaya mo gumising ka lang hanggang sa makaalis tayo dito. Naiintindihan mo?"

Tumango ang binata na ngayon ay pulang pula na ang itsura dahil sa sakit.

Mabilis na tinapos ni Crenz ang pag bebenda niya kay Jigs at saka inalalayang tumayo si Jigs.

"Kailangan ko ng taong mag babantay dito, Nina"

Aniya nang matapos niya ang ginagawa niya.

"Papunta na diyan si JM."-Nina

Pinahiga niya sa kama si Jigs

"Master?! Kumusta si Jigs?"-Migs

"Hindi ko masisigurado kung anong magiging lagay niya. Natanggal ko na ang bala at nalinisan ko na ang sugat niya, kaya lang-"

"Kaya lang ano?"

Nag aalalang tanong ni Migs

"Marami nang nawalang dugo sa kaniya kaya kailangan na natin siyang madala sa hospital"

Naaawa man ang lahat ay minabuti na nilang maging matapang para sa isa't isa.

"Hold on tight dude. Masamang damo ka kaya hindi ka pwedeng mawala"-Hans

Matapos namang makuha nila Hans ang pinaka pakay nila ay sabay na rin silang tumakbo papunta sa control room para ibigay kina Nina ang kwintas.

Nang makarating si JM sa lugar kung nasa'n sina Crenz at Jigs saka siya nito pinaalis.

"Ako na bahala dito Crenz. Please save Nemi"

Mababakas ang pag aalala niya sa tono niya.

Tinanguan niya si JM atsaka lumabas ng kwarto kung nasa'n ang dalawa.

Saka niya naalalang dapat kasama niya ngayon si Liphyo.

"Fuck!" Bulaslas niya nang makalimutan niyang dalhin ang alaga niya.

"What's wrong Crenz?"-Nina

"Hans, alalayan niyo si JM at Jigs doon. Kailangan kong hanapin si Pula. Tyro, ikaw ang tumulong kay Nemi na mahuli 'yang Mark na yan"

Nag mamadaling sambit niya na kamuntik nang hindi maintindihan ng lahat.

Nag madali siyang pumunta sa lugar kung saan niya naiwan ang binata pero hindi niya naituloy dahil may papalapit na gwardiya.

"Pula?!"

Tawag niya sa earpiece

"Crenz, hindi ka niya maririnig, naiwan niya ang earpiece niya dito kamamadali na iligtas ka"

Napa padyak si Crenz sa sobrang inis.

"Kayong mag jowa kayo, patay kayo sa'kin mamaya"

Gigil na sabi ni Crenz.

Napakagat labi naman si Nina habang nakatingin kay Tyro na natatakot.

"Iayon mo ang tapang mo sa posisyon mo Crenz. Mas mataas sayo yang kausap mo at sabit ka lang sa Jack deck"

Paalala ni Sandra kay Crenz

"Kahit supremo ka pa, kung nakitaan kita ng pagkakamali na ikapapahamak ng tauhan mo pag sasabihan kita. Nasa tamang posisyon ako Montilla"

Maangas na sabi niya

"Tigilan niyo na nga 'yan, kanina pa kayo nag aaway ah. Umayos nga kayo, matataas posisyon niyo tapos ganiyan kayo mag si asta? Nasa royal family pa man din kayo"

Pangaral sa kanila ni Hans na hindi na maka tagal pa sa kanina pang pag tatalo ng dalawa.

Huminga ng malalim si Crenz. Kahit matigas si Crenz, marunong pa rin naman siyang tumanggap ng pag kakamali niya.

"Hahanapin ko si Pula. Nasan na 'yong barkong susundo sa mga tao? Hindi na gumagalaw 'tong barko na 'to ah"

Tumanaw sa malayo si Pheulous para alamin kung malapit na sila

"Malapit na kami, tanaw na namin 'yong ilaw ng barko niyo. Hanggat kakayanin niyo, iiwas niyo sa malapit sa bomba ang mga tao diyan. Mag handa na rin kayo, kailangan niyo nang mag suot ng formal attire para makasama kayo sa pag likas."

Paalala ni Pheulous sa kanila habang naka tanaw pa rin sa barkong kinalalagyan nila.

Nagulat si Nina at Chelsea nang makita sila ng mga guard na nasa control room sila. Umalis na kasi si Tyro at Hans para tulungan ang may tamang si Jigs.

"Hoy!"

Sinubukang buksan ng mga guard ang control room pero hindi nila magawa dahil naka lock ito.

"Nandito na sila sa control room"-Nina

"Teka, nasa control room kayo tapos hindi niyo nakitang nandiyan na yang mga 'yan?"-Migs

Kinabahan na silang dalawa sa loob

"Kasi nga busy kami. Princess, Sandra bakit hindi niyo sa'min sinabi?"

Aligagang sabi ni Nina

"Hindi rin namin nakita. Pero ayos na nandiyan sila dahil manganganib sila Jigs kapag sila ang nakita ng mga yan. Pinag hahanap na si Jigs at JM, mabuti nalang talaga nag disguise sila"

Hindi alam ni Nina kung matutuwa siya o hindi dahil kinakabahan naman siya dahil sa mga gwardiya sa labas.

"Nasa safe place na si Jigs. Pupunta na ako diyan sa control room para lituhin ang mga gwardiya"-Hans

Naiwan si JM kay Jigs na nanghihina na pero nakakapang asar pa rin

"Gago, wag mo nga akong tingnan nang ganiyan.. mukha kang bakla"

Nanghihinang aniya

"Nagawa pa talagang mang asar oh"

Pinipilit itago ni JM ang kabang nararamdaman niya para kay Jigs upang ipakita ditong kaya pa niya.

Tinawanan lang siya ni Jigs

Sa kasamaang palad, nag tagpo si Crenz at Mark sa isang hallway. Sabay pa silang natigilan. Mabuti nalang talaga at naka mask siya, kundi makikita ng lalaki ang mukha niya.

"Kahit anong tago mo diyan sa mukha mo, alam kong ikaw ang nag patumba sa'kin kanina"

Ani ng binata

"Eh ano ngayon? Hanga ka na?"

Maangas na tanong niya

"Hindi ko alam kung anong sadya niyo dito pero hayaan niyo nalang akong mapatay 'yong hayop na bumaboy sa asawa ko!"

Makikitaan ng hinanakit ang mata nito at galit na mukhang nag uudyok sa kaniya na gumawa ng hindi mabuti.

"Bakit kita hahayaan? Nag tanim ka ng maraming bomba dito, delikadong tao ka. Makakapatay ka ng maraming tao sa ginawa mo"

Malumanay na aniya habang nakatingin sa lalaki na nag aapoy na ang mata sa galit.

"Wala akong pake! 'yang mayayaman na 'yan! Ginagamit lang ang mga mahihirapan para sa sarili nilang kagustuhan! Kaming mahihirap! Susunod naman dahil sa kapos sa pera! HAYOP NA GOBERNADOR 'YON! PAPATAYIN KO SIYA GAYA NG PAG PATAY NIYA SA SANGGOL NA NASA SINAPUPUNAN NG ASAWA KO BAGO NIYA HALAYIN!!"

Naiyak na sa galit ang lalaki at saka bumunot ng baril at tinutok kay Crenz. Kaagad namang napataas ang kamay ni Crenz.

"Crenz!!"

Narinig niya ang mga kasama niya na nag aalala sa kaniya. Si Sandra naman ay hindi na mapakali dahil sa nakikita niyang nangyayari sa loob ng barko.

"At ito ang magiging solusyon mo sa lahat? Patayin ang lahat ng nandito at ang sarili mo? At sa tingin mo kung papatayin mo sila lahat dito, mawawalan na ng mga masasamang tao sa mundo?"

"MANAHIMIK KA!"

*BANG!*

Pinutok ni Mark ang baril niya paitaas at saka muling tinutok sa kaniya. Hindi man lang natinag si Crenz sa kaharap niya.

"Tulungan niyo si Crenz, Daniel!!"

Malakas na sigaw ni Nina sa linya

"Papunta na kami sakaniya"

Kabadong sabi ni Daniel

"Ang mga mayayamang tulad niyo, dapat di na binubuhay! Puro kayo kayabangan! Puro kayo kaswapangan! Minamaliit niyo kaming mga isang kahig isang tuka!-"

Nagulat si Liphyo sa nadatnan niya sa isang hallway. Nakataas ng kamay si Crenz habang ang lalaki ay may tutok na baril kay Crenz. Kinabahan siyang tumingin sa baril na binigay sa kaniya ni Hans. Bigla siyang nablangko sa mga binigay na instructions sa kaniya ni Hans. Aligagang tumingin siya sa baril habang kunot na kunot ang noo at inaalala kung ano ang sinabi sa kaniya ni Hans.

"Sabi mo sisikapin niyong hindi ko to magamit"

Kabado at naiiyak na aniya.

"Hindi nga ako pwedeng makipag suntukan eh, baril pa kaya?"

Abot abot ang kaba niya sa dibdib habang tinitingnan ang sitwasyon ni Crenz

"Pero hindi ko siya kayang pabayaan"

Tiningnan niya ang sitwasyon nila. Nag labas si Mark ng isang device

"Isang pindot ko lang dito sasabog na 'tong barkong 'to"

Nakakalokong ngiti ang binigay sa kaniya ng lalaki

"Para kang asong ulol sa ngiti mo. Hindi mo kayang pumatay ng inosenteng tao. 'yong target mo nga nangatog ka pa no'ng nakatutok sa kaniya yang baril mo eh."

*BANG!*

Nag paputok ulit ang lalaki sa babang bahagi naman.

Sa ikalawang pag kakataon ay hindi siya muling natinag.

"Eto! Eto ang dapat sa inyo!"

Tinaas niya ang controller at saka pinindot iyon nang walang alinlangan

*BOGSH!*

Sa itaas na bahagi ng barko sumabog ang bomba.

Mas lalong nag panic ang mga tao

"Tyro! Naguguluhan na ako sa gagawin ko! Tutulungan ko ba si Crenz o yung mga tao?!"

Kabadong tanong ni Daniel

"Nandoon si Liphyo at may hawak ng baril! Nakatutok sa likod nung lalaki pero sa tantya ko hindi matatamaan ang lalaki kundi si Crenz! ANO BANG GINAGAWA NIYO?! TULUNGAN NIYO NA SI CRENZ!"

Aburido na si Nina

"Ano?! Pauna palang 'yon! Marami pa akong tinanim ditong bomba-"

"Panay ka daldal para kang bakla. Kung gusto mo akong patayin, kalabitin mo na. Bakit kailangan mo pang ipaalam sa'kin 'yang mga gagawin mo?"

Bwiset ka talaga Raya! Bakit kailangan mo pa siya iprovoke! Kinakabahan na nga ako eh!

Isip isip ni Liphyo habang nakatutok ang baril sa lalaki.

Sabay na kinabahan si Crenz at Liphyo nang ibaba ng lalaki ang safe at tinutok sa katawan ni Crenz. Sa pag kakataong ito ay wala nang ligtas si Crenz.

'Hindi! Hindi!'

Sigaw sa isip ni Liphyo.

*BANG!*

"AH!!"

Gimbal na napatakbo si Daniel nang marinig niya ang putok ng baril.

"Y-yara-"-Daniel