Dumilat si Liphyo nang pumutok na ang baril at may dumaing sa kung saan. Naramdaman niya ang pag alis ng kamay ng kung sino sa kamay niyang naka hawak sa baril na nakatutok sa gawi nina Crenz.
Habol habol hininga ang ginawa ni Nemi nang maialis niya ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ni Liphyo matapos niyang ayusin ang pag kakaasinta ni Liphyo sa target nila.
"Bakit ka pumikit?! Muntik mo nang mapatay si Crenz"
Aniya habang hinihingal. Agad nabitawan ni Liphyo ang hawak niyang baril
"No no no.. d-did I just k-killed someone?"
Tiningnan niya si Nemi na humihingal pa rin.
"Yara!"-Daniel
Agad na lumapit si Daniel kay Crenz nang marinig niya ang pag dating nito.
Tinulungan siyang makatayo ni Daniel dahil nabagsakan siya ng lalaki nang mawalan ito ng malay dahil sa pag kakabaril sa kaniya.
"He's drivin' me crazy"
Patukoy ni Crenz kay Liphyo. Alam na alam ni Crenz na sa kaniya dapat puputok ang baril na nakatutok sa kanila kung hindi lang dumating si Nemi.
"What the hell was wrong with you-" gigil na tanong ni Daniel dahil sobra siyang nag alala. Tinapik lang siya ni Crenz sa balikat saka hinarap ang nakahandusay na katawan ng lalaki.
Tiningnan niya kung may pulso pa ito.
"Buhay pa 'to. Isama niyo siya sa pag likas natin"
"What? But why?"
"Tsk! Pahaharapin natin siya kay Mr. Tan dahil siya ang sumira sa plano natin"
Sabay nilang tiningnan ang lalaki.
Patakbo namang lumapit sa kanila si Liphyo at Nemi.
"Sorry, muntik na kitang-"
Tinapik niya ang balikat ni Liphyo
"Tulungan mo si Daniel na buhatin 'yan. Mag kita tayo sa kabilang barko. Daniel ikaw na bahala sa kaniya"
Tumango lang si Daniel sa kanila.
"Nemi, halika na may gagawin pa tayo"
Ngingisi ngising sumama si Nemi sa kaniya.
"WALANG kupas talaga ang kaastigan niya"
Natatawang sambit ni Sandra habang nakatingin sa screen kung saan pinapanood niya ang kilos nina Crenz.
"Parang kanina lang bwiset na bwiset ka sa kaniya ah"
Puna sa kaniya ni Mika
"Immaturity strike bitch"
Ngisi niya rito
"Kaya pala matunog ang pangalan niya sa org. May binatbat nga naman talaga at strategic pa"
Papuri ni Mika kay Crenz habang tinitingnan ang kilos nila Nina na binubuksan na ng mga gwardiya ang kinalalagyan nila.
"Damn you Hans! Where the hell are you?!"
Sigaw ni Nina sa kabilang linya
"Malapit na kami"
Hinihingal na sabi nito.
"Saan mo ba nakuha yang si Crenz?"-Mika
"Hans recruited her. Unfortunately wala siyang kinikilalang matataas kaya minsan nakakakaba siya kasama. Nakita mo naman kung paano niya sagot sagutin si Mr. Harold diba? She's one of a kind and-"
Ngumiti si Sandra ng matamis
"-crush ko siya hahaha"
Ngingiti ngiting sabi ni Sandra habang may tinitipa sa keyboard niya.
"Open minded ha? Pfft.. well I can't blame you, ang astig niya and pretty formal. Has a tiger eye and Cheetah's move. Kung naging lalaki lang ako hahabulin ko talaga siya"-Mika
Natawa sila pareho sa iniisip nila.
NAKARATING si Hans at Tyro sa palapag kung nasaan ang control room.
"Subukan natin silang pakiusapan" sabi ni Hans na kinukumbinsi si Tyro na huwag na sana gumamit pa ng dahas dahil una sa lahat wala namang kasalanan ang mga gwardiya doon at pangalawa, ayaw ni Hans makita o malaman ni Crenz na gumagamit sila ng dahas sa lahat ng oras.
"I'll try. What's the plan?"
"Ipaalam ko ang lokasyon ni Jigs para may umasikaso sa kaniya na gwardiya. Ikaw na bahala sa matitira kung may matira sa kanila"
Tumango si Tyro
Tumakbo sila palapit sa tatlong gwardiya
"Sir, sir! Tulungan niyo po kami, yung kasama po namin nabaril nung isang lalaki. Wala ba kayong medical team dito sa barko?"
Nag katinginan ang nga gwardiya.
"Meron, sasamahan na namin kayo. Ikaw mag bukas ng pinto na 'yan Castro. Babalik kami agad pag nalagayan na ng medic 'yong nabaril"
"Yes sir!"
"Nasa'n ba 'yong kaibigan niyo?"
"Sunod po kayo sa'kin"
Tumakbo si Hans paalis kasama ang dalawang gwardiya habang si Tyro naman ay nakikipag titigan pa sa naiwang gwardiya.
"Forgive me"
*PUNCH*
Pinangahan ni Tyro ang gwardiya kaya nakatulog ito agad.
"Open the door Nina"
Sabi nito sa earpiece. Nag unlock ang pinto.
"Kumusta? Nasan na si Pheulous? Nag kakagulo na sa baba"
Tarantang tanong niya habang tinitingnan ang ginagawa ni Nina.
"I'm trying to track their location"
Mabilis silang nag tipa hanggang sa makita nila ang kinalalagyan ng barkong papunta sa kanila.
"This is not good"
Natutulalang sabi ni Chelsea
"Why?"
Tinuro niya ang screen na hindi makapaniwala
"WHY?!"
sigaw na ni Nina dahil hindi niya rin makita ang tinitingnan ni Chelsea
"Nina! Dali lumabas na kayo diyan. Konting oras nalang babagsak na 'yang upper deck dahil sa pag sabog!"-Sandra
Gulantang ang lahat sa narinig nila
"FUCK PHEULOUS! WHERE THE HELL YOU ARE?!"
Sigaw na ni Tyro
"20 minutes nalang nandiyan na kami"
"Can you make it more faster? Maraming mamatay dito!"
"This is the maximum speed already. Don't worry, before it collapse, you're all inside here"
Taranta na rin silang lahat
"Umakyat na ang nasa baba kanina na tumutulong sa pag papaandar nitong barko. Dumadami na kami dito sa lobby"-Migs
"Mag tanggal na kayong lahat ng mask and make yourself fixed. Malapit na ang barko. Pakawalan niyo na ang mga kinulong niyong gwardiya and take care of yourself everyone"
Paalala ni Sandra. Napangiti silang lahat.
"Patapos na ang trabaho natin." Sabi ni Shin kay Migs na parehong naka toka sa mga tao na nasa lobby.
"C'mon let's change. Ang pangit na ng mukha ko dahil sa mga mask na 'to"
NAIBIGAY na ni Tyro ang kwintas kay Nina at sabay sabay na silang nag ayos ng sarili nila.
Natigilan si Nina sa pag kilos.
"Bakit nanaman?"
May halong pag mamaktol at kabang tanong ni Chelsea
"'yong assignment ni Nemi"
Nag katinginan sila.
"Bwiset na matanda 'yan. Ano bang kailangang malaman ni Nemi doon?"
Umiling si Nina dahil kahit siya ay hindi alam kung ano ang dapat gawin ni Nemi sa loob ng barko.
"Umalis na kayo diyan Nina!"
Sigaw ni Sandra sa kabilang linya
"Patapos na kami"
Nag madali na silang lumabas. Nang malapit na sila sa hagdan ay saka sila napa tigil dahil kaunti nalang ang kapit ng mga bakal doon at konting maling galaw mo lang ay babagsak na ng tuluyan ang mga bakal.
"This is great. Sino bang lintek ang gumawa nitong barkong 'to. Napaka galing niya"
Reklamo ni Nina
"Wala na tayong oras. Ayan na 'yong barko ni Pheulous kailangan na nating dumaan sa railings"
"WHAT? WITH THIS ATTIRE?"-Nina
Inirapan siya ni Chelsea
"You choose, maiwan ka dito at sabayan lumubog tong barkong sinusumpa mo o sa railings ka bababa at buhay ka."
Nginiwian niya si Nina at saka sumampa sa railings.
"Para namang hindi mo pa 'to ginawa Nathalie"
"Hey don't belittle me. Alam mo namang magaling ako sa action moves"
"Hays.. wag na daldal nang daldal, Tara na kung ayaw mong matalakan ni Sandra"
Naiiling na tinapon niya sa baba ang sandals niya
"Mag kaka copy pa ba sila ng CCTV dito?"-Nina
"Dami mong tanong *HOP*"
Tumalon na si Chelsea sa ibabang kasunod na palapag at kumapit sa railings.
"Mag ingat ka Nat. wala akong pampalit sa'yo"
"Siraulo! *HOP*"
Tumalon na rin siya at saka hinanda ang sarili sa susunod pang pag talon
"Alam mo bang mahal 'yong high heels na 'yon? Hays!"-Nina
"Crazy brat. Alam mo namang nasa misyon tayo tapos nag dala ka pa ng mamahaling high heels?"-Chelsea
Nginusuan siya ni Nina
"Tsk! Nakakainis kasi eh. Party na sana kung hindi lang nag paputok ng baril 'yong Mark na 'yon"
*HOP*
*HOP*
*HOP*
Nakarating sila sa 2nd floor ng barko kaya tumapak na sila muli sa pasilyo ng barko.
"Wala bang mag papaputok sa'tin dito?"
"Dipende kung may makakakita sa'tin"
Tumakbo na sila pababa at saka sinalubong ang mga nag kakagulong mga tao.
"NEMI sigurado ka na bang mag mimeet pa kayo next time? Na confirm mo ba?"-Crenz
"Oo, ang utos lang naman sa'kin, kunin ang loob ng matandang 'yon para malabas ang tinatago niyang baho. Alam mo bang sobrang nakaka kaba ang umaligid sa isang mamamatay tao?"
Nginisian siya ni Crenz
"Mag ayos ka nalang since naka damit ka naman na ng pang party"
Utos ni Crenz kay Nemi
"Oo nga pala Crenz. Salamat pala sa pag salo sa inutos sa'kin na ginawa mo"
"Alin?"
"'yong kay Mark"
Matunog siyang ngumisi
"Tsk, utang ko buhay ko sayo. Minsan talaga lintek ang mga lalaki"
Natawa si Nemi sa sinabi niya.
Pinaalala na naman niya ang pag baril ni Liphyo na muntik nang siya ang matamaan.
"Lapitan mo na 'yong matanda, sabihin mo nadala ka ng mga taong tumatakbo kaya ka nahiwalay sa kaniya"
Bahagya niyang tinulak si Nemi para pumunta sa matandang lalaki.
"I'll see you later *Wink*"
Nginitian niya ito at saka nag ayos ng sarili.
"HINDI na talaga maganda ang posisyon ng mga bakal sa taas. Kailangan niyo nang umalis diyan!"
Sigaw ni Sandra sa linya
"Nag kakagulo! May nga nasugatan at mga naghihingalo dito dahil may sakit sa puso"-Hans
Nagtiim bagang na si Sandra
"WHERE IS PHEULOUS?!"
"I'm here Cassey. Maalon kaya medyo mahihirapan kaming mag likas ng mga tao"
"Damn! Use your logic! Anlaki niyang barko! Hindi ramdam diyan ang pag alon!"
Lahat sila ay inilayo ng bahagya ang earpiece nila
"Aray"-Nemi
Daing ni Nemi. Si Nemi lang ang hindi makapag tanggal dahil nasa loob iyon ng tenga niya.
"Ok ok.."
Pag suko ni Pheulous
"Kumusta na ang mga tao diyan?"
Sinubukan ni Sandra kumalma
"Ok na Pres. Naka life vest na silang lahat"-Migs
"Si Jigs?"
"Pinatingnan na namin siya sa medic at medyo maayos na ang lagay niya. Masamang damo ata yang kapatid ko"-Migs
Sa loob loob ni Migs ay nasasaktan siya sa nangyari sa kapatid niya. Tinatago niya lang sa pag bibiro at pagyayabang.
"Nakahanda na ang barko. Huwag na kayong mag bida bida diyan. Hayaan niyong ang mga guard ang mag likas sa mga tao kung ayaw niyong mahalata"-Pheulous
Nag tipon tipon silang lahat at pumwesto sa dulo ng pila.
"Good job everyone"
Nakangiting sabi ni JM. Nginitian lang din siya ng iba.
"Ang gwapo mo diyan sa suot mo ah"-Chelsea
"Syempre! I'm the best!"
Pag yayabang niya
"Shut up"-Hans
"Huwag kayong masyadong mag dikit dikit at tumawa. Nahahalatang kampon kayo ni satanas eh. Nasa bingit na nga ng kamatayan tumatawa at nag yayabang pa kayo"-Nina
Tanging bungisngis lang ang naisagot nila
Nag patuloy ang pag usad ng pila.
"Bakit uunahin niyo ba yang matandang 'yan?! Unahin niyo na kaming mga bata pa. Mas malayo pa ang lalakbayin namin kesa diyan sa matandang 'yan na bilang na ang oras!"
Sigaw no'ng isang lalaking galit na galit dahil mas inuuna ang matanda
"Aba gago 'yon ah-"-Daniel
"Hep hep! Kumalma ka nga pre."-Tyro
"Eh gago eh.. ihulog ko kaya siya sa dagat"
"Tsk! Manners Dan"-Nina
"Eh wala rin namang modo 'yon eh-"
"Wala na ngang modo dadagdagan mo pa"
Binawi niya ang sarili niya mula sa pagkakakapit ni Tyro
"Bilisan niyo naman! My god! Hindi niyo ba alam na VIP 'tong kasama namin?! Bilisan niyo!"
Sigaw pa ng isang babae
"What the hell-"
"Natalie Natalie.." pigil ni Tyro sa kaniya
"Akala ko ba manners?"
"Eh nakakayamot eh. Ano ngayon kung VIP? Lintek, mamamatay nalang kailangan pa ba ipagyabang ang posisyon?"
Hinapit ni Tyro si Nina sa gilid niya
"Dito ka na nga. Napaka war freak niyo"
Natawa sila.
"Nasa'n si Crenz?"-Hans
"Oo nga? Nasan si Crenz?"-Nina
Nag palinga linga sila sa paligid
"Did we miss something?"-Chelsea
"I don't think so"-Shin
"Diba sabi ni Pres pakawalan ang mga guard na pinatulog niyo?"-Hans
Nag katinginan sila.
"Fuck!"-Tyro
Mabilis na tumakbo si Hans, Daniel at Tyro paakyat
"Delikado na. Bakit pa sila pumunta?"-Shin
"Believe me, kung ikaw ang nasa posisyon ni Crenz, ganiyang ganiyan din ang gagawin nila"
MABILIS na tumakbo silang tatlo paakyat
"Sandra? Nasan si Crenz?"
Naputol naman ang linya ngayon.
"Fuck! Lowbatt na"
Nakarating sila sa 4th floor
"Nasa'n sila?"
"Dito!"
Tumakbo sila sa pangunguna ni Tyro at naabutan nga nila si Crenz na binubuksan ang isang pinto
"Yara!"
Agad napatingin si Crenz sa kanila
"Bakit pa kayo umakyat? Delikado na!"
Sigaw niya sa mga 'to
"Buksan niyo"-Hans
Malakas na sinipa ni Tyro at Daniel ang pinto kaya natumba 'yon at bumungad ang mga taong nag hihintay na mabuksan nila ang pinto.
"Labas na! Dali! Bumaba na kayo!"-Tyro
Nag takbuhan naman sila patungo sa kabilang hagdan upang bumaba
"WHERE THE HELL YOU ARE?! NASA LOOB NA NG BARKO SILA NINA, TYRO!"-Sandra
Sumagot siya sa tanong ni Sandra habang tumatakbo
"We're coming down"
Mahinahong aniya ngutin napatigil siya sa pag takbo nang mapansing hindi nanaman nila kasama si Crenz
"Hans, Dan! Si Yara?!"
Napatigil din ang dalawa.
"Where the hell is she?!"
Bumalik sila paakyat
"ANONG GINAGAWA NIYO?! MAY BUTAS NA ANG BARKO! PALUBOG NA 'YAN ANYTIME!"-Sandra
"We can't leave your bodyguard alone"
Paliwanag niya.
"PAG NAG SAMA SAMA PA KAYO, BAKA WALA NANG MAKALIGTAS-"
Marahas na tinanggal ni Daniel ang earpiece nila dahil sa ingay ni Sandra.
"YARA!!"
Sigaw nila
"YARA!!!"
Paulit ulit silang sumigaw.
"Hans, humanap ka ng life vest. Apat! Dali!"
Utos sa kaniya ni Tyro
Agad na humiwalay sa kanila si Hans
"Yara!"
Narinig nila ang pag tunog sa dulong pasilyo kaya mabilis silang tumakbo papunta doon.
"Yara!"
Pag pasok nila doon ay nasa sahig na si Crenz at mukhang nabalian pa.
"Fudge Yara!"
Kaagad nila itong tinulungan tumayo
"Ano pang ginagawa niyo rito?"
Nanghihina na aniya
"Anong nangyari sayo?!"
Gimbal na tanong ni Tyro. Nilayo niya lang ang sarili niya sa kaibigan niya.
"Ayos lang ako"
Kinapa ni Dan ang noo niya
"Ang taas ng lagnat mo. May kinain ka ba?"
Iwinaksi ni Crenz ang kamay niya
"Ayos lang ako sabi. Umalis na tayo"
Nag pakatatag si Crenz sa sinabi niya.
Bago pa sila maka labas ay sinalubong na sila ni Hans na may dalang life vest.
Binigyan niya agad ang dalawang lalaki ng vest at saka niya sinuotan si Crenz na maputla na ang mukha
"What happened to you?!"
Gigil na tanong niya kay Crenz dahil hindi na niya nagugustuhan ang itsura nito na maputla.
"Ako na"
May tamlay man ang boses nito ay pinanindigan pa rin niya na ayos siya.
Pero hindi siya hinayaan ni Hans na siya ang mag suot mismo ng vest niya.
"Palubog na 'tong barko kaya wala tayong choice kundi ang tumalon. Nasa baba na ang bangka na kukuha sa'tin. You can do it, right?"
Nag aalalang tanong ni Hans kay Crenz.
"Kaya ko!"
Inis na aniya. Ayaw talaga niya na itinuturing siyang hindi kaya gawin ang isang bagay lalo na kung may kinalaman sa mga malalapit sa kaniya.
"You can never win when it comes to that hard headed monkey. Ano na bang lagay nitong barko?"-Daniel
"May pumasok na na tubig sa pinaka babang floor"
"Tangina? Wala tayo sa Titanic, walang ice berg dito at lalong lalo na't walang Jack at Rose dito. Paano nabutasan ang ground floor?"-Tyro
Nag simula na silang tumakbo paalis doon
"May sumabog sa baba na kung ano kaya nabutasan ang baba. Di niyo ba pansin na naka tilt na tayo?"-Hans
*PAK!*
"Gago, ba't ngayon mo lang sinabi?!"
"Siraulo! Wala namang nag tanong sa inyo-sakit"
Reklamo ni Hans
Bumaba sila ng hagdan.
*CRACK*
"Ako lang ba nakakarinig?"-Tyro
"Gago! Kailangan na nating tumalon!"-Hans
Nag madali silang lahat na humanap ng matatalunan.
Nag simula nang gumuho ang itaas na bahagi ng barko.
"Wala na bang ibang paraan?"
Naduduwag na tanong ni Daniel na nag iiyak iyakan pa
"Taena mo! Mamamatay tayo sa kabaklaan mo!"
"Hindi pa ako ready ma-AAAAAHHHHHH!!!"
*SPLASH!*
"Ang daldal mo"
Mahinang sabi ni Crenz habang tinatanaw ang bumagsak na katawan ni Daniel na nasa dagat na.
Agad namang dumistansya ang dalawa sa kaniya.
"Yara, kaya naman naming tumalon-"
"BABAGSAK NA SA'TIN!"
Wala nang dalawang isip na tumalon ang dalawa
*Splash*
"Ayos din pala pag may uto uto kang kaibigan 'no?"
Iiling iling na tumalon na rin siya kahit nararamdaman niyang konti nalang ay hihilain na siya ng antok niya.
'kingina naman kasi. Bakit kasi hindi ako natulog ng maayos kagabi?! Hayop kasing Pula 'yon! Bakit kasi kailangan ko pang isipin kung paano ang gagawin niya ngayon?!'
Isip isip ni Crenz habang pabagsak siya sa tubig.
HINDI na mapakali si Nina sa kakaisip kung nasa'n na ang pinsan niya.
"Calm down Nathalie"
Pag cocomfort sa kaniya ni Chelsea
"How can I? Crenzy is in danger along with our boys."
"Magagalit si Yara sayo kapag nalaman niyang nag kakaganito ka. Kaya kumalma ka na dahil masasamang damo sila. Hindi mo kailangan mag alala. Think positive!"
Pinapanood lang nila kung paano lumubog ang napaka laking barkong sinakyan nila kanina habang nag lalayag na sila pabalik sa pinanggalingan nila.
"Kung ayos sila, bakit wala pa rin sila?!"
"Maparaan si Crenz, alam mo namang marami siyang surpresa sa buhay niya. Maya maya lang makikita na natin sila. Alam mo namang hindi pababayaan ng pinsan mo yang mga lalaki natin diba?"
Huminga ng malalim si Nina. Kahit may kabasa dibdib ay minabuti na niyang ipakita ang pagiging kalmado niya.
"Nina"
Dinig nila sabi sa kabilang linya
"T-tyro?! Tyro! Nasa'n kayo?! Si Crenz?"
"She's with us in rooftop. Mataas ang lagnat niya"
"What?!"
"Biglaan 'to kaya ang hinala ko ay tungkol 'to sa pag tulog niya kagabi or may nakain siyang something. Palitan niyo siya ng damit at bigyan ng kumot at unan."
Paalala ni Tyro
"Are you a nuts?! Bakit hindi mo dalhin sa kwarto?!"
"Hindi ko pa gustong mamatay. Alam mo namang hindi siya nag papa pasok ng lalaki sa lugar na tinutulugan niya. Tsaka sabi niya kanina gusto niya ng natural cool air at hindi artificial, in short dito siya sa labas"
Nabubwiset na tumingin si Nina kay Chelsea
"Ano? Bakit sa'kin ka naiinis?"
Takang tanong ni Chelsea habang hindi matingnan sa mata si Nina
"Paanong hindi rin ako maiinis sa'yo? Best friend mo 'tong tukmol na 'to"
"U-uy huwag niyo akong idamay diyan ah. Kung magagalit ka dapat sa kaniya lang. I'm being nice here"
Aniya na pasimpleng tumingin sa paligid
"Dapat kasi no'ng mga bata palang tayo, pinukpok mo na sana ng martilyo sa ulo. May sayad talaga 'tong kaibigan mo. Malamang dapat nilang dalhin sa kwarto si Crenz dahil bibihisan natin siya. ALANGAN NAMANG BIHISAN NATIN DITO SA LABAS SI CRENZ?!!"
Sa sobrang kaba ni Chelsea halos mapa atras na siya sa bawat salita na bibigkasin ni Nina sa harap niya. Dahil sa kaba niya at inis dahil sa katangahan ni Tyro, hindi na rin niya mapigilan ang sarili niya.
"YAAHH!! TYRO! MAG ISIP KA NGA! IPASOK NIYO NA SA KWARTO SI CRENZ DAHIL BIBIHISAN NAMIN SIYA! BWISET KA! ISA'T KALAHATING BOBO KA BA?! MAG PALIT TAYO NG POSISYON! IKAW SUMALO SA GALIT NG GIRLFRIEND MO! BWISET KA! KALIMUTAN MO NANG KAIBIGAN KITA PARA HINDI AKO NASASABON NG JOWA MO! MALILINTIKAN KA SA'KIN PAG NAKITA KITA! NAIINTINDIHAN MO?!"
Nilayo nilang lahat ang earpiece nila sa tenga nila dahil sa lakas ng sigaw ni Chelsea
"Why did you even bother to court her, Daniel? Nakakaawa ka kung kayo talaga ang mag kakatuluyan"
Mapaklang tumingin si Daniel sa kanila.
"TSK! Ang tanda niyo na para parin kayong bata"-Sandra
"Hoy bata, nakalimutan mo na bang panay ka sigaw kay Crenz kanina?"-Nina
Napanguso si Sandra
"Ok fine, di na mabiro"
Natawa sina Mika at Princess sa itsura ni Sandra
"I'll carry her"-Hans
"Nice, play safe"
Natatawang asar ni Tyro
"Asshole"
Singhal nito sa kaibigan
Pare pareho lang silang basa. Habang nanghihina si Crenz sinabi niya na gusto niya sa rooftop kaya nag madali na silang pumunta doon.
"Let's go"
Maayos na binuhat ni Hans si Crenz pa pasok sa isang kwarto.
"Mag papalit na ako. Hindi ko trip makasalubong 'yong dalawang amazona dito-"
"Di ko rin trip madamay sa galit nila sayo Tyro kaya tara na"-Daniel
Napatingin sila kay Crenz na walang malay
"Magiging ok lang naman siya dito diba?"
Napangiwi sila dahil hindi naman nila pwedeng palitan ang damit ni Crenz kahit nag aalala pa sila. Kung wala na talagang choice ay doon lang sila kikilos. Pero habang may mga babae pa sa mundo, hindi talaga nila pwedeng galawin si Crenz.
"She'll be fine"
Naunang lumabas si Daniel sa kanila saka sumunod ang dalawa. Wala pang tatlong segundo simula ng lumabas sila ay napaatras si Daniel sa kanilang dalawa.
"Bakit?"
"G-gago pre, TAKBO!"
Kumaripas ng takbo si Daniel na ipinagtaka naman nila kaya tumingin silang dalawa sa tiningnan ni Dan, doon lang nila naintindihan.
Walang isang salita na kumaripas sila ng takbo habang nasa isip nila ang itsura ni Nina na may hawak na damit sa kamay niya.
Kung mag kataong maabutin ni Nina ang dalawa ay baka ipulupot ni Nina sa leeg nila ang damit na hawak niya.
"WOW! Ang bilis nila. Iba ka talaga Nina"-Chelsea
"Shut up"
Inis na pumasok siya sa kwartong nilabasan ng mga lalaki.
CRENZ'S POV
Nagising ako na tanaw ang mga bituin sa kalangitan.
Ang tahimik ng paligid at-
"MASTER!"-Migs
Tiningnan ko lang siya, isang minuto ata akong nakatingin sa kaniya dahil pinapatay ko siya sa imagination ko.
"Bwiset"
Tumalikod ako ng higa.
Ayos na sana eh, masarap na ang hangin, tahimik na ang paligid at may mga stars sa kalangitan kaso nakakita pa ako ng shokoy.
"Master naman. Ayos ka na ba? Patingin nga-"
"Huwag mo na subukang hawakan ako"
Matamlay na sagot ko sa kaniya.
"Napaka arte mo talaga"
Aniya kaya napa upo ako para harapin siya.
Agad siyang napa atras ng bahagya
"Ano bang ginagawa mo dito?"
Walang emosyong tanong ko
"Binabantayan ka"
Nakatingin lang ako sa kaniya
"Ano bang ginagawa mo? Nag aalala kaming lahat sayo"
"Ba't hindi mo alalahanin ang kapatid mo at siya ang bantayan mo?"
Napakamot siya ng batok niya
"Ayokong makita si Jigs hehehe"
Para akong winawasak sa itsura ni Migs. Mukhang hindi niya kayang makita ang kalagayan ng kapatid niya.
"Haist! Iwan mo muna ako, gusto ko mapag isa"
Sabi ko saka nag talukbong ng kumot sa mukha ko
"Sa baba lang ako. Kapag may kailangan ka tawagan mo nalang kami"
Napangiwi ako nang maalala ko 'yong nangyari sa cellphone ko.
"Taragis.. wala akong pam palit doon"
Ilang beses akong napapadyak sa inis ko.
Nag alis ako ng talukbong ko.
Halos isang oras din ata akong nakatingin sa mga bituin nang dumating silang lahat.
"Crenz! Gising ka na"-Nemi
May hawak na pagkain si Nina habang hawak naman ni Chelsea ang tubig at gamot.
Pero isa lang ang gustong hanapin ng mata ko.
"Si Pula?"
Nagkatinginan sila
"Master naman. Kami nandito tapos iba hinahanap mo"-Jigs
Na boboring na tiningnan ko lang siya
"Tanga! Ba't ka pa hahanapin kung nakikita ka na. bobo mo talaga"-JM
Sinipa ni Nemi si JM
"Manahimik ka"
"Aray! Bakit ba sadista kayong mga babae?!"
Gigil na inambahan ng mga babae si JM
"Argh!"
Inis na sininghalan siya ng mga babae.
Pero ako patuloy pa rin sa pag hahanap kay Pula
"Pinatulog namin muna kasi mukhang in state of shock pa siya"-Hans
Nilapit sakin nila Hans ang pagkain
"Ayokong kumain"
"Kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot"-Nina
Tinitigan ko sila
"Hindi ba nasabi sa inyo ni Hans na hindi ako umiinom ng gamot?"
Tanong ko sa kanila
"C'mon Crenz, kailangan mo nang gumaling"
"Magaling na ako. Nakatulog na ako kaya huwag niyo akong alalahanin"
Seryoso lang na nakatingin sa'kin si Nina. Para akong nilalamon ng tingin niya.
Nag iwas ako ng tingin dahil kinakabahan talaga ako sa tingin niya.
Si Nina 'yong tipo ng taong masayahin pero aatras ang buntot mo kapag naging seryoso siya.
"Sure ka ba talagang hindi ka kakain-"-Chelsea
"S-sino bang nag sabing hindi ako kakain? Amina"
Kinuha ko lahat ng hawak nila at saka kumain.
"Wow bago"-JM
Manghang sabi niya habang nag tataka kung paanong nangyaring napa payag akong kumain.
"Umalis na kayo. Hindi ko kailangan ng audience habang kumakain ako"
"I'll stay"-Nina
Napatigil ako sa aktong pag kain ko saka binaba ulit 'yon.
Bigla kong naalala ang kasalanan nila sa'kin.
"Ok. Kayong tatlo bumaba na kayo"
Tukoy ko kay Nemi, Migs at JM
"Bakit? Can't we stay?"-Nemi
"Makikipag sparring ako sa lahat ng maiiwan dito, mag sistay ka pa rin?"
Agad na tinangay ni Nemi ang kwelyo ni JM at Migs.
"Master! Galingan mo ah! Puruhan mo 'yong mukha ni Tyro!"-Migs
"Gago!"-Tyro
Tumingin ako sa mukha ni Tyro na may black eye at pasa sa gilid ng labi. Napailing ako.
"Tumalikod kayong Lima, sinabi ko nang hindi ko kailangan ng audience habang kumakain ako"
Dahan dahan naman silang tumalikod
"Planking position"
"Yara namaaaaaan.." reklamo agad ni Daniel
"Kilos"
Seryosong sabi ko kaya wala silang choice kundi ang sundin ako.
"H-hanggang anong oras kaming ganito?"
Nakaka tatlong minuto palang ata sila
"Hanggang sa matapos akong kumain"
"Ah-"-Tyro
"Mukhang nakulangan na ata kayo sa pag eexercise ah" seryosong puna ko sa kanila.
Mukha kasing ini easy easy nalang nila lahat ngayon samantalang sobrang delikado ng organization nila.
"H-hindi ah, nag exercise kaya kami ni Nina-HOY argh!"-Tyro
Matunog siyang tumilapon sa sahig nang sipain siya ni Nina.
Bigla akong napatikom ng bibig para pigilan ang tawa ko.
Mabilis naman na bumalik si Tyro sa planking position.
Bumungisngis naman sila Chelsea.
"Mapapatay kita Tyro"
Gigil na banta sa kaniya ni Nina.
Mabuti nalang talaga at pinaharap ko sila patalikod sa'kin kundi nakikita nila ang biloy ko dahil sa pag pipigil ng ngiti at tawa ko.
"HAHAHAHA taena kayo! Huwag na kayong mag patawa, nawawalan ako ng lakas. Pfft.."-Hans
Napakagat na talaga ako sa ibabang labi ko dahil parang sasabog na sa tuwa ang buong sistema ko.
"Sa tingin niyo nahikkipag biruan- pfft.."
Hindi ko na napigilan pa ang mapapiyok dahil sa sobrang natatawa na talaga ako.
Sabay sabay silang bumagsak dahil sa pag tawa nila.
'aba!'
"Isa!"
Sumeryoso ako kaya mabilis silang bumalik sa posisyon nila.
"Yara, baka pwedeng pali palitan naman?"-Daniel
"Sige"
"Talaga?!-"
"Sparring"
"Masaya na ako dito"-Daniel
Tumawa nanaman sila
"Nagagawa niyo pa talagang tumawa ah?"
Natahimik sila.
Tinapos ko na ang pag kain ko.
"Humarap na kayo dito"
Tumayo sila saka humarap sa'kin
"Mag kalinawan tayo ah. Kayo ang nag turong maging leader ako dito sa grupo niyo. Sino masama ang loob sa inyong binibigyan ko kayo ng parusa?"
Tiningnan nila ang isa't isa
"Wala naman ah"-Tyro
"Nina?"
Tanong ko sa kaniya. Mabilis siyang umiling
"Ayos lang sa'kin"
"Kayong tatlong lalaki?"
Umiling din silang tatlo
"Chelsea?"
"It's fine with me"
Huminga ako ng malalim
"Ok. Luhod"
Mabilis naman silang lumuhod sa harap ko
Tyro-Nina-Chelsea-Hans-Daniel
Ganiyan ang pag kakasunod sunod sila sa harap ko.
"Bakit kailangan mong bigyan ng lason si Pula, Tyro? Kung kaharap lang kita kanina baka napatay na kita"
Bumalik nanaman ang galit sa dibdib ko.
"Kailangang makuha ang atensyon ng mga-"
"At ang pa sabog na nangyari kanina ay hindi pa sapat para kunin ang atensyon ng mga gwardiya?"
Dahan dahan siyang tumango
"Ano?"
Hindi ko kasi maintindihan
"Pag sumabog 'yon magiging alerto silang lahat at pati tubig titingnan nila dahil baka may threat. Pero dahil nandoon kayo ni Liphyo, Isa kayo sa threat na nasa isip nila kaya paniguradong karamihan din sa kanila ay sa inyo mapupukaw ang atensyon"
Napaisip ako ng malalim. Kung nag kataon ngang wala kami doon, mahihirapan kaming makuha ang atensyon ng mga gwardiya dahil lang sa isang pag sabog.
"Next time huwag mong gawin 'yon hanggat nasa ilalim ko pa siya. Ayokong mapahamak dahil sa lalaking 'yon. Nina, do me a favor. Kausapin mo si Mr. Montilla about kay Attienza at ipalipat siya dahil kung hindi, aalis ako bilang bodyguard ni Sandra"
Pinaleng sabi ko.
"Taas mo kamay mo Tyro"
"Pero bakit?"
"Kasi sinabi ko, kaya itaas mo na kung gusto mo pang mabuhay"
Napakamot muna siya sa ulo niya bago niya itinaas ang kamay niya
"Daniel. Bakit kailangan mong kontrahin 'yong mga sinabi ko? Sabihin mo sa'kin kung ayaw mo akong mag desisyon para sa inyo dahil pag may isang umapila sa inyo, believe me or not bibitawan ko kayong lahat. Una sa lahat napilitan lang akong I lead kayo, pangalawa tahimik buhay ko kung hindi ako ma iinvolve sa inyo. Wala akong pakealam sa relasyon ninyo pero nasa trabaho tayo. Marami kayong oras para mag ligawan ni Chelsea pero oras ng trabaho kanina. Ganiyang attitude ba ang gusto mong maadapt ng mga bata? Dapat role model kayo sa kanila dahil ahead kayo, pero sa lagay niyo nag papasimuno pa kayo ni Tyro sa kakulitan. Given na nga na maligalig ang kambal pero kung kukunsintihin niyo sila gagawin niyo lang silang worst."
Pangaral ko sa kanila.
Wala ni isa sa kanilang nag tangkang sumagot.
"Lahat kayo taas kamay"
Seryosong seryoso na sabi ko sa kanila.
"Chelsea at Nina, hinayaan niyong makalabas si Pula kahit kabilin bilinan ko sa inyong huwag siyang palalabasin. Hindi ko ugaling mag labas ng nararamdaman ko sa inyo pero kingina, nahihirapan ako sa inyong lahat. Nag dagdag pa ng isang isipin si Mr. Montilla. Nabuburyong ang utak ko sa kung sino ang uunahin ko sa inyong lahat. Hindi rin ako makampante dahil sa si Sandra malayo sa'kin. Inaasahan kong makakatulong kayo sa'kin pero ano 'tong pinag gagagawa niyo? Mas pinapahirapan niyo ako"
Napasandal ako sa sobrang pag kainis ko.
"An'dami nang nangyari ngayong araw. An'dami nang muntik mamatay. Ikaw! Ikaw! Ikaw! Ikaw! Ikaw! Lahat kayo! Kargo ko kayong lahat!"
Sigaw ko sa kanila.
Mga nakatungo lang sila.
"Ibaba niyo na. Nailabas ko na"
Tukoy ko sa mga reklamo ko
Sabay sabay silang nag baba ng kamay at tumayo.
Bigla nalang lumapit sa'kin si Nina at saka humagulgol ng iyak.
Parang na tunaw ang puso ko sa tono ng iyak niya
"Don't make me feel nervous again Crenzy. Hindi mo alam kung gaano ako nag alala no'ng makita kitang walang malay kanina. Ayos lang sa'king parusahan mo ako ng ilang ulit basta maayos ka at walang iniindang sakit. *Sniff* ok?"
Lumuhod siya sa harap ko para masalubong ang mga mata ko
"Ano bang nangyayari sayo?"
Takang tanong dahil nadadala na rin ako sa mga luhang nag uunahan sa pag takas sa mata niya.
"Just don't get hurt"
Naguguluhan man ako ay napatango na rin ako saka niya ako muling niyakap.
Mga ilang segundo ang lumipas saka siya kinuha ni Tyro.
"She's probably tired"
Tumango ako
"Mag pahinga na kayo."
"Bumalik ka na rin sa kwarto mo Yara"
Umiling lang ako
"Mas gusto ko ang hangin dito kaya pumasok na kayo"
Tumango sila saka umalis na rin.
Nagu guilty din naman ako pag pinapagalitan sila kaya ang ginagawa ko nalang, pinaparusahan ko ang sarili ko sa mga exercise na ginagawa ko. Hindi nila alam 'yon pero kapag pinagalitan ko sila at pinaparusahan, pinaparusahan ko rin ang sarili ko dahil mabilis akong makonsensya.
~~~~
Ilang araw na ang lumipas matapos naming magawa ang assignment namin.
Si Jigs medyo maayos na at nag papagaling sa hospital. Kami naman ay bumalik na sa school na parang walang nangyari.
Nasa tambayan kaming lahat liban kay Jigs na wala nga dito.
"Dalawa ang pinapractice mo Crenz. Hindi ka ba nahihirapan?"-Nemi
"Bakit ako mahihirapan? Isa palang naman ang ginagawa ko"
Nag taka silang tumingin sa'kin
"Wait. You have archery and band competition. Which one-"
"Sa band competition muna ako. Madali nalang 'yang archery. Diba sabi ko naman sa inyo na walang sisihan pag natalo ako. Ayos sa'kin 'yon kasi less pressure"
Lumaylay ang balikat ni Sandra habang may mga hawak siyang papel
"Just make sure that you're fine. Bakit kasi hindi ka natutulog ng maayos? Marami kang dapat gawin kaya dapat lagi kang may energy at dapat din na walang lugar sa katawan mo ang salitang 'sakit'. I'll give vitamins for your-"
Hindi ko alam ang irereact ko dahil tao rin naman ako at minsan talaga tinatablan ng sakit.
"Ayos lang ako"
"Anong ayos? Hanggang ngayon nilalagnat ka pa rin"
Gulat na napatingin sa'kin ang iba
"You're still sick Crenz?"-Hans
Mabilis niyang kinapa ang noo ko
"Ano nanamang ginawa mo this time?"
Umiling lang ako
"Sabihin na nating ilang buwan din akong hindi nag kasakit kaya no'ng nag karoon ako ng sakit ay tumagal sa'kin"
Napaubo ako
"Matulog ka muna kaya sa tambayan mo. Huwag ka munang pumasok ngayon"
Umiling ako.
"May tatapusin akong activity mamaya dahil deadline mamaya. Mag papractice rin ako sa music hall mamaya para alam ko kung ano pa ang ilalagay kong adlib sa gitara."
Kunot noong tumingin sakin si Hans
"An'tigas ng ulo mo. Sabi na naming uminom ka ng gamot para hindi na lumala"
Pangaral niya sa'kin
"Kumain na ako ng dalandan, apple at pineapple. Ayos na 'yon. May mga vitamins naman 'yong mga 'yon"
Katwiran ko
"Kahit na-"
"Huwag ako ang pag tuunan niyo ng pansin. Ayun oh, 'yon ang mas kailangan ng pag aalala"
Tinuro ko si Migs na kanina pa tahimik.
"Miguel? Anong balita kay Jimiel?"-Sandra
Doon lang natauhan si Migs atsaka ngumiti
"Ayos naman na siya. Matatagalan nga lang siya sa hospital"
Sa tono ng boses niya malalaman mo talagang apektadong apektado siya.
"Hindi naman siya pababayaan nila Tita kaya huwag ka nang mag alala"-JM
Bigla siyang ngumisi
"Sinong nag aalala?"
Nakangiting tanong niya.
Hindi na namin siya sinagot pa dahil mas lalo lang siyang masasaktan pag inungkat pa namin ang lagay ni Jigs.
"Mauuna na ako"
Paalam ko sa kanila
"Don't drive later Yara, I'll fetch you"
Kumaway lang ako habang nakatalikod ako.
Ilang oras ang lumipas at nararamdaman ko na talagang hindi kaya ng katawan ko ang ano pang gawain. Napapagod na ang katawan at utak ko.
Lutang na akong nag lalakad sa kung saan man ako dalhin ng paa ko.
Uwian na namin at iilan nalang kaming nandito sa school.
*RING*
Pinahiram muna ako ni Sandra ng extra phone niya habang wala pa akong pinampapalit.
Sinagot ko ang tawag na hindi tinitingnan ang caller
"Low?"
"Yara, punta ka dito sa gym. Nandito kaming lahat dahil kinakausap namin ang coach."
Hindi ko na siya pinatapos pa at binaba na lang ang tawag.
Para na akong zombie sa pag lakad ko.
Alam ko kung saan ako pupunta pero pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ulap.
Pag dating ko sa gym ay may mga tao nga pero hindi ko na tiningnan kung sino dahil nag iinit ang mga gilid ng mata ko.
Alam mo na kapag ganito ang lagay ko. Alam ko nang lalala pa ako.
Nakatayo lang ako sa gitna ng gym at parang naka take ng drugs sa sobrang pag ka high ko. Pakiramdam ko nag dedelihiryo na ako.
May nakita akong tao sa gilid nila Hans. Nakatingin siya sa'kin at kamukhang kamukha niya si Ryker kaya nag lakad ako palapit sa kaniya
"Ryker, my safe place"
Sabi ko habang parang zombing nag lalakad papalapit sa kaniya.
"Ryker"
Nag lakad ako papalapit sa kaniya hanggang sa sampung metro nalang ang naging pagitan namin.
Alam kong imposibleng nandito siya pero wala akong pake kung totoo man siya o hindi.
"Ryker"
Masaya akong ngumiti sa kaniya habang nakatingin sa kaniya na mukhang sabog.
Nag lakad ako papalapit sa kaniya at saka yumakap ako sa taong 'yon. Nararamdaman ko siya. Mukhang totoong tao siya pero hindi ako sigurado kung totoong si Ryker siya.