HANS'S POV
Nag aalala ako sa lagay ni Yara ngayon. Ilang araw na pero hindi pa rin nawawala ang sakit niya.
"Papunta na dito si coach, nasa'n si Crenz?"
Tanong ni Sandra habang nakatingin sa papel na hawak niya.
"Saglit tatawagan ko"
Tumango lang siya.
Agad kong tinawagan si Yara pero hindi pa ako tapos mag salita ay pinatay na niya.
Tumingin ako sa cellphone ko matapos niyang patayin.
"Hello kids"
Agad kong binulsa ang cellphone ko nang dumating si coach.
Nag discuss kami patungkol sa mangyayari sa foundation day.
"By the way, nang hihingi ng form si Jhonzel Attienza for swimming application. Nabanggit naba ni Sir Warren niyo sa inyo?"
Nag kaniya kaniya kami ng iling.
"Bigyan niyo nalang siya para makaranas naman ulit ang school natin ng championship in terms of water play"
"Sir kailangan pa ba namin ilista sa urgent 'to? Mag cocompete ba siya these coming foundation day?"-Sandra
Napaisip ang coach
"Hindi muna. Titingnan pa namin 'yong capabilities niya. Balita ko nag champion siya sa kabilang school bago siya lumipat dito. Titingnan natin"
Tumango kami.
"Oh siya, mauuna na ako. Update niyo nalang ako kung may changes"
Nag paalam kami sa kaniya at saka siya nag lakad paalis.
"Ito bang day na 'to sure na 'yong band competition?"
Tanong sa'kin ni Sandra at saka pinakita sa'kin ang days and weeks schedule.
"Hindi ko rin sigurado pero baka papuntahin ko nalang si Princess sa organizer natin for confirmation"
Tiningnan namin ang paligid habang ang mga kasama namin ay nag aaway at ang isa pa ay tulala.
"Sa'n ba dapat ilagay 'tong mga awards? Mas magiging maganda ba kung sa baba ng stage or sa taas and which part, sa left or right?"
Tinuro niya ang tinutukoy niya kaya sabay naming tiningnan ang stage.
"Kapag kasi sa taas natin nilagay baka makasagabal lang sa mga mag peperform. Hindi naman magiging crowded ang right side sa baba so baka sa right side nalang natin ilagay sa unahan ng sound system"
Napansin namin ang grupo nila Attienza
"Cute naman siya"
Bulong ni Sandra na agad na ikinatingin ko sa kaniya
"Ha?"
"Si Attienza, ang pogi niya"
Saka siya napa tawa nang mahina na parang kinikilig
"Sa'n pogi diyan? Di hamak naman na lamang ako ng sampung paligo diyan"
Agad niya iyong ikina ngiwi
"Bakit kailangan mong isingit 'yang sarili mo? Hello? Standards ko kaya ang sinasabi ko. Tsk"
"Eh never mo naman akong nasabihan ng pogi eh"
Bulong ko
"Ano?"
"Wala sabi ko ang galing ng standard mo"
Lumapit sa'min sila Attienza pero hindi nila kasama si Mike Vizarro.
"Bakit kayo nandito?"
Tanong ko
"Sabi kasi ni Mr. Warren, kumuha raw ako sa inyo ng form kaya nandito kami."
"Sana pumunta ka nalang sa hq namin, nandoon naman si Princess"
Agad siyang umiling
"No way. Sa sungit ng sekretarya niyo? Pass."
Pahayag niya
Natawa kami ni Sandra.
"Hoy, kayong dalawa nga diyan mamaya na kayo mag away. Kailangan ng form ni Attienza kaya-"
Natigilan si Sandra sa pag saway sa kanila kaya tumingin ako sa kaniya.
"Bakit?"
Natahimik ang buong paligid namin.
Agad kong sinundan ang tinitingnan nila.
"Yara?"
Nakita ko si Yara na nag lalakad nang sobrang tamlay habang nakangiti at papunta sa pwesto ni Mike Vizarro.
"Wow! Ang gandang scene nito"-Migs
Nag labas si Migs ng cellphone at vinideohan sila.
Bawat hakbang ni Yara ay inaabangan naming lahat.
"Ganiyan ba talaga mag kasakit si Raya?"
"Hindi ko alam. Matagal ko ring hindi nakitang nag kasakit siya nang ganiyan"
Nang makalapit siya kay Mike ay kaagad siyang yumakap dito at saka may binabanggit.
Gulat namang tumingin sa'min si Mike.
"You should get her"
Sabi ni Sandra
"Hindi ko kaya. Kapag may sakit siya madalas nag dedelihiryo siya at kapag nangyari 'yon, lahat nang pumipigil sa ginagawa niya pinaparusahan niya."
Kabadong paliwanag ko sa kaniya.
Mahigpit na naka yakap si Crenz kay Mike na parang ayaw na niyang pakawalan pa ang yakap niya.
"Ibig sabihin, ibang tao ang naiisip ni Crenz ngayon at hindi si Mike?"-Jerick
Tumango ako
"Oo."
Mag lalakad na sana papunta kina Crenz si Liphyo nang pigilan ko.
"Anong ginagawa mo?"
Tanong ko habang hawak ko siya sa balikat niya.
"Hindi pwedeng ganiyan lang sila-"
"Baka saktan ka ni Crenz. Dumito ka nalang, hihinto rin siya mamaya"
Mas lalong siniksik ni Crenz ang mukha niya sa dibdib ni Mike.
"No, this is wrong. Stop taking a video"
Saway ni Liphyo kay Migs
"Why? This is hot"
Lumapit si Attienza kay Migs at saka tinakpan ang camera ni Migs.
"Mike has a reputation to take care, so stop it and don't try to share it"
Doon lang namin naalala na artista nga pala si Mike.
"Miguel, put it down"
Si Sandra na ang nag sabi kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod.
Lumapit naman si Liphyo kina Crenz at dahan dahan silang pinag hiwalay.
Lalapit na sana ako kasi baka masaktan si Liphyo pero napatigil ako sa mga pinag gagagawa nila.
"Ano ba?!"
Reklamo ni Crenz
"Don't just hang with someone specially when you're not in sane"
Tiningnan ni Crenz si Liphyo at saka ngumiti ng matamis.
"Akala ko sa lasing lang nangyayari 'yan"
Takang pahayag ni JM
"Ikaw nga hindi lasing pero siraulo pa rin"-Nemi
"Abat-"
"Oh ano, ano?!"
Hamon ni Nemi kay JM
Matapos ngumiti ni Crenz kay Liphyo ay umikot si Crenz sa likod ni Liphyo.
"Hiya!"
Bigla nalang pumasan doon si Crenz.
Nagulat kaming lahat.
Bigla akong nag alangan lumapit muli.
"Hoy! Nababaliw ka na ba?! Bumaba ka nga."
Reklamo ni Liphyo
"No, questo è comodo"
Pahina nang pahina na ani ni Crenz at saka nawalan nag maya.
"Yara!"
Lumapit na ako sa kanila.
Sinubukan ko siyang gisingin pero wala na, mukhang tulog na tulog na siya.
"What the hell is wrong with- she's hot"
Aniya nang maramdaman ang balat ni Yara.
"Mula no'ng assignment hindi na nawala ang sakit niya. Kaya mo ba siyang buhatin hanggang sa kotse ko?"
Tanong ko sa kaniya
"Yeah, can you get my bag first?"
Tukoy niya sa bag niyang hawak niya lang.
Agad ko namang kinuha 'yon.
Inayos niya ang pagkakapasan ni Crenz sa likod niya.
"Mike, paki kuha nalang muna no'ng form ko. Babalik ako mamaya"
Tulala lang si Mike na nakatingin kay Crenz.
"Na star struck ata kaibigan mo"
Nakangangang tumingin sa kaniya si Liphyo
"Hays! Hoy Jhom! Ikaw na kumuha ng form ko"
Aniya saka nag lakad palabas nag gym.
"JM, Migs kayo na muna bahala kay Sandra. Tatawag ako mamaya. Tawagan niyo rin ako pag may hindi magandang nangyari ah"
Nag ok sign sila.
Binigay ko ang bag ni Liphyo kay Jerick.
Saka humabol kina Liphyo.
Naabutan kong nakahinto si Attienza malapit sa gate.
"Crescia *sniff*.. Crescia.."
Dinig ko habang papalapit ako sa kanila.
"What happen?"
Tanong ko nang makalapit na ako sa kanila. Malungkot din na tumingin sa'kin si Liphyo.
"Wala akong ginawa. Bigla nalang siyang umiyak"
Bulong niya kaya napatingin ako kay Yara na iyak pa rin nang iyak. Gusto kong patigilin ang pag hagulgol niya pero wala akong magawa.
"Who's Crescia?"
Tanong ni Liphyo kaya tiningnan ko siya.
"Wala. Halika na sumunod ka na sa'kin"
Mabibigat na yabag ang nagawa ko habang papunta kami sa parking lot.
"Dito"
Sabi ko sa kaniya habang binubuksan ang backseat.
Tinulungan ko siyang ipahiga si Yara sa likod pero ayaw niyang pakawalan si Liphyo.
"Yara, let go."
Sabi ko sa kaniya.
"Non ho intenzione di partire di nuovo. Per favore ritorna"
(I have no intention of leaving again. Please come back)
She murmured.
Huminga nalang ako nang malalim.
"Lascialo andare, non è la persona che vuoi vedere"
(Let him go, he is not the person you want to see)
Pag pipilit ko sa kaniya.
Dahan dahan namang lumuwang ang pag kapit niya kay Liphyo.
"Anong sinabi mo?"
Tinapik ko lang siya sa balikat.
"Salamat sa pag buhat. Pwede ka na bumalik sa loob"
Saka ako umikot papunta sa driver seat.
Iniwan ko siyang may pagtataka sa mukha.
CHELSEA'S POV
Tumingin ako sa mga libro na nasa harap ko. Balak ko na kasi gumawa ng mga activity pero wala pa 'yong energy ng kasipagan sa sistema ko.
Masyadong naguguluhan ako nitong mga nakaraang linggo.
Karamihan sa'ming mag kakaibigan ay college na at tapos na, si Crenz nalang ang napag iiwanan.
Isa rin si Crenz sa mga iniisip ko bukod sa mga dapat kong gawin. Lahat kami nag aalala kay Crenz. Kahit kaya niya na ang sarili niya at lumaki siya sa hirap, hindi pa rin namin maiwasang mangamba sa mga susunod niyang gagawin.
Wala siyang ginawa kundi ang sumunod na mabuti naman sana kung hindi lang sumusobra.
Napilitan siyang aralin ang halos lahat ng language dahil utos ng mga nakatataas. Nasasaktan kami para sa kaniya dahil lahat ng mga bagay na meron siya ngayon lahat 'yon ipinilit lang sa kaniya kaya hindi na rin kami nag takang lumayas siya. Wala nang hihirap pa sa mga pinag daanan niya.
Bata palang siya pinipilit na siyang maging matanda dahil sa mga pinagagawa sa kaniya.
Sa bukid, halos mag hapon siyang bilad sa araw. Na iimagine ko pa lang parang hindi ko na matagalan pa.
Para na rin siyang gumagawa ng sarili niyang kabaong habang nabubuhay siya at hinihintay nalang ang kamatayan niya.
Pero hanga ako kasi dahil sa mga karanasan niya naging sobrang tatag siya na minsan ay hinihiling namin na bawasan niya.
Sobra rin kasing na build ang pride niya kaya lahat kinakaya niya. Halos kayang kaya niya talaga na wala kami, isa sa hinihiling namin na sana hindi nalang niya kaya. Naaawa kami pag alam naming hindi na niya kaya pero dahil nga lumaki siyang kakaiba, hindi niya sini share sa'min ang mga hinanakit niya at tinatago niya nalang sa loob niya.
Kaya pag nag lalabas siya ng hinanakit sa'min parang tinutusok ang puso ko. Sana ilabas pa niya nang ilabas lahat ng hinanakit niya sa loob niya. Na aamaze ang puso ko dahil doon kaya hindi ko mapigilang maiyak minsan at hinihiling na sana tuloy tuloy niyang gawin 'yon.
Baka kasi kapag hindi nanaman niya kinaya, mag paka layo layo nanaman siya.
She's really tough, pero may mga kahinaan pa rin siya at may mga simpleng bagay na hindi niya kayang gawin na sobrang cute ng dating para sa'min.
Basta hindi siya naging bata kaya pakiramdam namin ngayon niya binabawi ang kabataan niya gaya ng pagkain ng paborito niyang Jollibee. Sobrang cute niya kapag pinag dadamot niya ang isang bucket ng fried chicken.
Nasasaktan ako para sa kaniya.
"What are you doing?"
Nagulat ako nang pumasok sa kwarto ko si Lovely. Iyong artista na nakasama namin sa assignment.
"Hey, ba't ka nandito?"
Hindi ko lang sinasabi sa iba pero kaibigan ko talaga si Lovely, matagal tagal na rin.
"Just want you to give this to Ms. Vilarde"
May nilapag siyang isang maliit na plastic bag
"Ano namang laman niyan?"
Tiningnan ko ang loob no'n
"Bakit may ganito?"
Gulat na tanong ko dahil napakaraming necklace and other jewelry.
"'yan pinagawa sa'kin ni Crenz kaya hindi niyo ako nakita sa barko. Busy ako sa mga kwarto, tinulungan ako ni Shin kunin 'yang mga 'yan"
Nilabas ko lahat nang 'yon.
"Mag nanakaw na ba ngayon ang org. natin?"
"Hindi ah, lahat ng nandiyan galing sa nakaw ng mga nasa party. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Crenz 'yang mga 'yan ay galing sa nakaw"
Namamanghang tiningnan ko ang mga 'yon.
"Nandiyan din 'yong listahan ng mga pinapa kuha niya. Kumpleto 'yan"
Kumikinang kinang pa ang mga bato.
"Galing kasi ako sa interview kanina dahil nga doon sa lumubog na barko. Tapos naisipan ko nang idaan sa'yo para ibigay kay Crenz"
Naupo siya sa sofa
"Anong interview? Anong ginawa mo?"
"Ano pa ba? Edi mag iyak iyakan sa harap ng press. Nakakapagod maging artista. Sabog lagi mga social media accounts ko. Hindi ko na alam kung nasa'n 'yong mga importante."
Reklamo niya.
"Uhm? Diba may ginawa kang personal account?"
Napa ngiwi siya.
"Pinag sisisihan ko na. Lagi akong kinukulit doon ni Austin Benzo. The nerve with him"
Binato ko siya ng unan
"'yang katarayan mo talaga hindi na nag bago"
"Nag tambal lang kami sa isang teleserye tapos feeling close na siya."
Natawa ako
"Huwag ka ngang ganiyan. Best friend 'yon ni Liphyo Attienza. Hunk naman siya ah."
Ngumisi siya
"Mas gusto ko pa si Attienza kesa sa kaniya or si Mike Vizarro"
"Pfft.. late ka na. Mukhang walang mapupunta ni isa sa kanila, sayo. Lahat sila may gusto kay Crenz"
Nanlaki ang mata niya
"What?! Really? HAHAHA woooow!"
Proud na tumingin ako sa kaniya
"Pa gano'n gano'n lang yang si Crenz pero maraming nag kakagusto sa kaniya"
"Pwede nga siyang mag artista dahil maganda siya eh"
"Huwag ka nang umasa. Mas gusto niya tahimik ang buhay niya"
Kumbinsido naman siya.
"I'll get going. Call me if she asked something that you don't know about these things"
Tinanguan ko lang siya
"Take care!"
Pahabol ko sa kaniya.
*RING*
"OMO may date nga pala kaming tatlo"
Napag usapan kasi namin na ilalabas namin ngayon si Crenz dahil no'ng nakaraang araw sobrang taas ng lagnat niya.
"Hello?"
"Don't tell me hindi ka pa naka ayos?"-Tyro
Tiningnan ko ang sarili kong wala pang ligo pati na ang mga naka tengga kong activity.
"Warte eine Minute"
(Wait a minute)
Madalas talaga German language ang gamit ko kapag siya ang kausap ko tapos sasagutin niya ako ng
"Sei pazza?! Vuoi ancora vivere?"
(Are you crazy?! Do you still want to live?)
Italian.
Kami lang naman ang siraulong mag kaibigan na nag uusap sa mag kaibang lenggwahe (sa'ming mag kakaibigan) kahit naiintindihan naman namin ang isa't isa.
"Tsh! I still have an half hour to prepare-"
Sabi ko habang naka tingin sa wall clock
"Baliw ka na nga! Nandito na ako sa baba. Dapat talaga hindi na kita sinundo!"
Bigla akong natawa
"May nakakatawa?!"
"Hey, stop making a scene-"
"Shut up. Wala nang tao dito"
Ang saya kaya kapag may nag hihintay sayo.
Lalo na kung si Tyro ang mag hihintay. Ikinagagalak talaga ng buong sistema ko kapag nahihirapan siya.
"Sige na. Maliligo na ako. Antay well"
Natatawang kumilos na ako.
Wala ngayon sila Mom, umalis sila kahapon ni Kenzie at hindi ko alam kung saan sila papunta.
Binilisan ko na ang paglilinis at pag aayos.
Naabutan ko siya na may katawagan sa baba na parang problemado pa.
Nang makita niya ako ay nag paalam na siya sa kausap niya.
"So problematic huh?"
Nag cross arm siya saka tumingin sa'kin
"Alam mo ba kung anong oras na?"
"Oo- ack! Yah! Let go!"
Bigla niya kasi akong hineadlock.
"Kung gusto mong mapatay ni Yara, ako hindi- aw!"
Siniko ko siya.
"Serves you right, punk!"
"Yah!-"
"Kyaaaah!"
At nag habulan na kami palabas ng bahay.
Tumigil lang ako sa labas ng passenger seat niya.
"Hey! Stop it Tyro, you're ruining my make up!"
Lumapit siya sa'kin saka mahinang pinitik ang noo ko.
"That's for your unsettled mind and for made me wait so long"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Wha- what? Unsettled mind?"
Nginisian niya lang ako saka umikot sa driver seat
"Hoy! Hindi mo man lang ba ako pag bubuksan ng pinto? Napaka gentleman mo!"
Patuloy lang siya sa pag pasok sa kotse
"Pazzo!"
Inis na ani ko.
Pumasok na ako sa passenger seat at saka nag seat belt.
"Nasa'n na ba si Crenz?"
Inistart niya na ang kotse
"Nasa'n pa? Edi nasa bahay pa niya. Hindi aalis 'yon hanggat hindi sinusundo lalo na kung labag sa loob niyang sumunod. Alam mo namang kailangan pang isang daang beses kulitin 'yon bago pumayag."
Nag simula na siyang mag drive papunta sa bahay ni Crenz. Aabutin pa ata ng 20 minutes bago kami makarating sa lugar nilang sa kanto palang ay marami nang nag lalasing kahit tirik na tirik pa ang araw.
"Si Nathalie hindi sasama?"
"May ginagawang thesis"
"Si Daniel?"
"May inaasikaso sa business nila"
Napatango nalang ako.
Hindi ko alam pero noong nakipag break ako, doon ko lang naramdaman ang sakit pero no'ng mga ilang araw na, parang ayos na ako.
"Ok lang masaktan Chelsea"
Untag niya sa'kin saka nag papalit palit ng tingin sa kalsada at sa'kin
"How I wish I feel pain right now. I really don't understand myself why I felt nothing."
Naguguluhang tumingin siya sa'kin.
"Sabagay, abnormal ka naman kaya hindi na ako mag tataka"
Proud na aniya
"I'm serious"
Walang emosyong tumingin ako sa kaniya.
"What if may mahanap siyang iba? What if may I date na siya?"
Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung nasasaktan ba ako or kung mag seselos man lang ba ako.
"Why I am like this Tyro? I don't feel pain towards our break up and I'm not jealous if he's with other girl?"
Huminga nalang siya ng malalim
"You loved him right?"
"Of course. Ilang taon din kami"
Totoo naman kasing minahal ko siya. Pero hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi ako nasasaktan instead I got peace of mind kahit hindi naman talaga panggulo sa buhay ko si Daniel.
"Maybe you're moving on while you're still with him"
Gulat akong tumingin sa kaniya
"Was it possible?!"
"In your case we can assume that it's possible"
Wow! May ganoon pala? Sana no'ng una rin ganiyan 'yong nangyari.
"Or maybe because the Queens decks are coming back?"
Halos tumigil ang puso ko sa sinabi niya.
"Nagulat ka? Mukhang iyon nga ang dahilan."
Nag iwas ako ng tingin.
"Whatever your reason is, don't enter into another relationship for now. Let 3 months pass before you consider to enter a new relationship. Daniel is in pain. That's the only way you can help him."
Ayoko ng ganito!
Panakip butas ko lang ba si Daniel? Nababaliw na ba ako?
Daniel is a very good catch.
Why am I like this?
"Wala pa sa isip ko ang pumasok sa panibagong relasyon. Gusto ko munang hanapin ang sarili ko"
Matunog siyang ngumisi
"Tapos mahahanap mo nanaman ang sarili mo sa Queen's deck successor?"
"Grabe.. ang laki talaga ng tulong mo sa buhay ko. Bumalik ka na nga sa Switzerland!"
Bulyaw ko sa kaniya pero natawa lang siya.
Nakarating kami sa labas ng gate ni Crenz.
*KNOCK*
"Ano wala pa ba?"
Tanong ko
"Kung nandito na edi sana nakapasok na tayo"
I gritted my teeth
Pilosopo!
Inambahan ko siya habang nakatalikod siya.
Maya maya ay bumukas na ang gate at bumungad sa'min ang pinaka maganda kong kaibigan.
"Crenz! Long time no see!"
Masiglang bati ko pero tiningnan niya lang ako saka tinalikuran.
"Bleh! Ang pangit mo raw kasi"
Asar ni Tyro kaya hinampas ko siya sa balikat.
Tatawa tawa lang siyang pumasok sa gate. Sumunod na rin ako sa kanila matapos kong isara ang gate.
"Hey, good afternoon Wacko"
Bati ko sa ibon niyang nasa hawla.
Pero sabay kaming napaatras ni Tyro pabalik sa hawla ni Wacko nang may napansin kaming kakaiba.
"Bakit ganiyan?"
Tanong ko.
Sabay naming nilapit ang mukha namin sa hawla
"Kailan pa nagkaroon ng jowa si Wacko?"
Nag kibit balikat ako.
"Hindi ko napansin 'yan no'ng nakaraang dumalaw ako dito"
"Ngayon na lang ulit ako dumalaw dito"
Sabi ko.
"Anong ginagawa niyo?"
Sabay kaming napaayos ng tayo ni Tyro nang sitahin kami ni Crenz
"Dalawa na sila?"
Turo ni Tyro sa mga ibon.
Sinipa ko siya sa binti niya pero mahina lang naman
"Malamang, nakita mo nang dalawa na sila diba?"
I murmured to him
"Pumasok na kayo. Mag bibihis muna ako"
Napangiwi ako pero tinago ko nalang sa sarili ko ang I cocomment ko sa sinabi niya.
"Wala namang pinag bago Yara, itim pa rin naman isusuot mo- aaawww!!"
Malakas na inapakan ko ang paa niya.
Napangiwi rin si Crenz habang nakatingin kay Tyro na hawak ang paa niyang inapakan ko.
"Take your time Crenz"
Nakangiwi pa ring tumango siya dahil sa itsura ni Tyro.
"Baliw ka ba?!"
Gigil na sabi sa'kin ni Tyro
"'yang bibig mo walang preno! Paano kung hindi na sumama satin si Crenz? Panay ka puna"
Inakbay niya sa'kin ang isa niyang braso. Naawa naman ako kaya tinulungan ko nang mag lakad papasok.
"Gagantihan kitang babae ka"
Banta niya sa'kin
"Pipilayin na kita sa susunod"
Pareho naming sinamaan ng tingin ang isa't isa.
"Ay wow! Staring competition. I love it!"
Palakpak sa'min ni Kuya Mil saka nag tungo siya sa kusina.
"Umupo ka na nga. Kukuha ako ng yelo"
Isinalampak ko siya sa sofa ni Crenz at saka nag tungo sa ref
"Kuya Mil, may ice kayo?"
"Oo, nakakabit sa'kin"
(Eyes)
Tiningnan ko naman siya kasi medyo nag loading ako, tapos no'ng ma gets ko na I gave him a slightly disgusted expression.
"Korni ka pa rin hanggang ngayon. I mean yelo"
"Ahhh.. nasa pencil case ko"
Napakamot nalang ako sa mukha ko. Sapakin ko kaya 'to? Magagalit kaya sa'kin ang angkan nito?
"Suntukan nalang?"
Hamon ko sa kaniya.
Natatawang nag taas siya ng kamay.
"HAHAHA.. I don't know if Nina replaced the ice I made last day. Check mo na lang sa ref."
Ano bang meron sa mga lalaki ngayon? Mga nasisiraan na ata silang lahat ng bait.
Mabuti nalang at may iilan pang ice cube na natira.
"Oh!"
Abot ko kay Tyro ng ice pack.
Kinuha naman niya 'yon saka nilagay sa paa niyang naalisan niya na ng medyas.
"Take care of my sister. May kailangan pa akong suyuin"
Sabi ni Kuya Mil
"Ingat!/take care!"
Sabay na sabi namin ni Tyro.
Bumukas at sumara na ang gate, tanda na nakalabas na si Kuya Mil.
"Tingnan mo ginawa mo. Mag dadrive pa naman ako"
Inis na sabi niya
"'yang bibig mo kasi walang preno."
"Kung may preno bibig ko edi sasakyan na ako"
Nag loading nanaman ako pero no'ng na gets ko nanaman.
Oh please mga bathalang nakatunghay sa amin. Nandidilim ang paningin ko sa mga lalaki ngayon, bigyan niyo pa po ako ng kaliwanagan ng utak para makapag timpi.
"He he he.. ang galing galing"
Pumalakpak pa ako para lang suportahan 'yang kakornihan niya.
Nakarinig kami ng yabag pababa ng hagdan kaya sabay kaming tumayo ni Tyro para abangan si Crenz na pababa na.
Bumaba si Crenz na naka jogger at crop top.
Kitang kita ang kurba ng katawan niya.
"Pwede na akong mamatay"-Tyro
"Ganito pala kapag alagang Nathalie Martin"
"Duda ako diyan."
"Oo mag duda ka talaga kasi napaka pangit mo"
Hindi na siya sumagot.
Pareho lang kaming parang tangang nakatingin kay Crenz.
"Hindi kaya kabagan ako dito?"
Tanong ni Crenz na nakapag balik sa'min sa kasalukuyan.
"Anong kabag- Hindi- Ayos- Maganda-"
Tinulak ko si Tyro kasi kanina pa hindi matapos ang sinasabi
"Malalamigin ka ba?"
Tanong ko
"Hindi naman. Sakto lang"
"Ok na 'yan"
Wala namang pinag bago sa kulay ng damit niya. Lagi siyang nakaitim. Hindi ko maalala kung nakita ko ba siyang nag iba ng kulay ng damit. Mag papambahay siya, naka sando na itim.
Sapatos niya lang ang nakukulayan ng iba eh.
Pumunta siya sa sapatusan niya.
Kinuha niya 'yong sapatos na go walk Skechers.
"Wait? You will wear that?"
Turo ko sa hawak niya
"Bakit? Gusto mo bang wala akong sapin sa paa?"
"Pfft.."-Tyro
Napa poker face ako.
"I mean mas bagay sa outfit mo today 'yong may lace"
Tiningnan niya ang sapatos na naka box pa at mukhang hindi pa nagagalaw.
"Don't tell me hanggang ngayon hindi ka pa rin marunong mag tali ng sintas?"
Nag iwas siya ng tingin saka sinuot ang sapatos na hawak niya.
"No.. mas maganda 'yang may lace."
Kinuha ko ang box na 'yon ay hinila siya paupo sa sofa, nag patianod naman siya.
"Who bought you this?"
Tanong ko nang makita ko ang magandang sketchers na bagong bago pa nga.
"Si Nina. Nag so shopping daw siya tas naisipan niya akong bilhan"
Tinanggal ko na ang sapatos niya
"Hassle 'yan. Paano kapag natanggal sa pagkakatali 'yan?"
Natutuwa ako kasi sa maliit na bagay na ganito kinakailangan kami ni Crenz.
"Bagay talaga sayong maging katulong Chelsea- aww"
Sinipa ko ang gilid ng binti niya.
"Wala na talagang matinong salita ang lumabas diyan sa bibig mo"
Inis na singhal ko sa kaniya.
"Du doblehin ko ang pag ribbon para hindi matanggal agad"
Nakita ko sa peripheral ko na inaambahan ako ni Tyro pero hindi ko nalang pinansin.
Natapos ko na ang pag tali ng dalawang sintas
"You're so hot"
Sabi ko sa kaniya habang nag papa cute sa harap niya.
Ang ganda ng hubog ng katawan niya. May abs pa siya.
Tiningnan niya lang ako ng may pag tataka
"Mukha kang bata. Tumayo ka na nga diyan"
Sabay kaming tumayo saka hinarap si Tyro na mukhang nananaginip pa rin.
"Ako mag dadrive. Sa backseat ka, si Crenz sa passenger seat. Let's go!"
"Nakakaiyak Chelsea. May nagawa ka ring maganda ngayong araw Chelsea"
Iyak iyakan niya
"Realmente fazzo"
(Really crazy)
Irap ko sa kaniya.
Nauna nang mag lakad si Tyro sa labas. Malamang para pag buksan ng pinto si Crenz.
Sa dalawang tao lang naman 'yan nagiging gentleman. Sa jowa niya at kay Yara.
"Nakita mo na ba ang itsura mo ngayon? Wow! Nasayo na ang lahat pwera lang sa haba ng pasensya"
Tiningnan niya ako ng walang kwenta look
"Gusto kong matulog."
Tinanguan ko siya
"Matulog ka sa passenger seat pero huwag kang magagalit pag ginising ka namin mamaya"
Nag patuloy lang siya sa pag labas
"Ok. Umikot kayo ng tatlong beses bago tayo bumaba para hindi ako magising agad"
Tumango ako. Sanay na kami sa ganitong scene pag dating kay Crenz. Para humaba ang byahe paiikutin niya kami ng tatlong beses sa pinanggalingan namin. Hindi mo kasi siya pwedeng gisingin agad agad pag nakatulog siya. Nag kaka migraine siya kapag gano'n.
Pero this time hindi ko na kailangan umikot pa ng tatlong ulit mula sa pinanggalingan namin. Balak ko kasing dalhin siya sa malayo para mas masaya at makapag unwind siya kahit saglit.
Tatlong bagay lang ang nakakapag pa relax sa kaniya
Ang tunog ng dagat
Ang tahimik na lugar at
Ang night sky.
Sa tatlong 'yon alam na naming payapa na siya.
Pag dating namin sa labas nakabukas na ang dalawang pinto sa unahan.
"Pasok na Yara"
Nakangiting sabi ni Tyro.
Wow pinag buksan ako ng pinto ah, himala.
Pareho na kaming pumasok ni Crenz sa loob ng kotse.
"Pinilit ka bang mag suot ni Nina ng damit na 'yan?"
Tiningnan niya ang sarili niya
"Uhm. Sabi niya sayang naman daw ang katawan ko kung hindi ko 'yon isusuot"
Sagot niya sa'kin habang nakatingin sa sapatos niya.
Nawala ang ngiti ko dahil sa itsura niya.
Wala siyang emosyon habang nakatingin sa sapatos niya pero parang nababasa ko ang nasa isip niya.
"Oo, tama lang 'yan."
Pumasok na si Tyro sa backseat.
"Let's go!"
Masayang sabi ni Tyro na parang batang excited.
"Ok! Fasten your seatbelts!"
Sabay sabay kaming nag kabit ng seatbelt.
"Bubuksan ko nalang 'tong music para makatulog na kayo"
"Hindi ako matutulog-"-Tyro
"Matulog ka."
"Pero-"
"Matutulog ka!"
Singhal ko sa kaniya at saka masamang tiningnan siya sa backseat.
"Oo, inaantok na 'ko"
Pumikit na siya at saka nag tulog tulugan.
Bumaling naman ako kay Crenz. Naka pikit na siya habang naka cross arm.
"Ibaba ko 'tong sandalan mo Crenz ah, para makahiga ka nang maayos"
Wala siyang imik kaya dahan dahan kong pinahiga ang sandalan niya.
Huminga ako ng malalim saka pinatong sa katawan niya ang dala kong jacket.
Nakaplano na kasi ako kahapon palang kung saan ko sila dadalhin at kung ano ang dadalhin ko, kaya nag handa na talaga ako ng jacket syempre kulay itim kasi kung hindi itim, hindi niya kukunin 'yon.
As expected nag mulat siya ng mata at saka tiningnan ang jacket. No'ng makita niyang itim ang jacket binalot niya ng maayos 'yon sa katawan niya at humiga patagilid.
'Walang nag bago'
Lahat ng inaakto niya ngayon ay gaya pa rin ng dati, ang kaibahan nga lang mas marunong at madalas na siyang tumanggap ngayon. Unlike before, grabe siya sa katarayan at kasungitan.
Bawal sa loob ng sasakyan ang kahit anong ingay o kahit man lang makarinig siya ng paghinga.
Natawa ako ng maalala ang mga bagay na 'yon
"Huwag mo akong titigan at mag drive ka na."
Puna niya.
"Lakas talaga ng pandama"
Naiiling na ani ko
"Well trained eh"
Pag yayabang niya sa'kin.
Binuksan ko nalang ang music at saka nag drive na paalis.
This is gonna be a memorable day.
NATHALIE'S POV
Nasa harap ako ngayon ni Mr. Montilla para pakiusapan siya patungkol sa bagong myembro na pinasok niya.
"Sir, it's about Liphyo Attienza"
Nag angat siya ng tingin at saka bumalik sa pag susulat niya.
"What about him?"
"Gusto sana naming huwag siyang ipa under sa care ni Crenz. She's having a hard time because of him."
Nag tanggal siya ng salamin at seryosong tumingin sa'kin
"You're actually concerning about this matter ah? Is this a big deal? Does Handriko didn't like the idea?"
Napasandal ako dahil sa frustration.
"Bakit kasi sinali niyo pa siya? Walang wala nga 'yong lalaking 'yon sa kalingkingan ng galing ng mga babae natin"
Reklamo ko.
"Then teach him how to fight? That's your purpose anyway."
Hell! No way!
"I'd rather die than to teach him"
"Why?-"
"I'm requesting for incomplete fading"
Gulat na tumingin siya sa'kin
"You're using that precious thing over that person?"
Nag kibit balikat ako. Ako lang naman makakagawa ng bagay na 'yon.
"Because I'm serious Mr. Montilla. Isipin niyo nalang na parang dalawa ang binabantayan ni Crenz dahil sa anak mo at sa pasaway na Attienza. Ayaw naming dumating sa point na kailangan nang mamili ni Crenz kung sino sa dalawa ang ililigtas niya.
Kung ang anak mo na KAILANGAN niya talagang protektahan o si Attienza na KINAKAILANGAN niya ring protektahan? Kahit saan siya mapunta sa dalawa, mananagot pa rin siya."
Explain ko sa kaniya
"Don't use your precious card just because of that guy-"
"I'm not using it because of him, I'm using it because of Sandra and Crenz. They are my priorities"
Mariing pag papaintindi ko sa kaniya.
"What? Crenz is your priority?"
Nagulat ako sa tanong niya. Panandalian akong nablangko pero nakaisip din agad ako ng isasagot.
"Yes! Kapag hindi ligtas is Crenz, hindi rin magiging ligtas si Sandra. Crenz is the top bodyguard among them. Mahalagang ligtas siya para na rin sa anak mo. Pero kung pahihirapan niyo siya-"
Sumenyas siya na tumigil na ako
"I get it now. Isa nalang ang magagawa ko para sa inyo. Gagawin ko siyang isang trainee for now and by the time that he'll improve from fighting, ipapasok ko siya sa knaves deck under Handriko's care"
Trainee? Magiging magandang balita ba 'to?
"And when?"
Maarteng tanong ko
"Nag hihintay pa ng dalawang lalaki ang trainers. Since pasok na si Attienza, isang lalaki nalang ang kailangan nila at ang lalaking 'yon ay si Jeo."
Napaisip ako kung sino si Jeo. Parang bago sa pandinig ko. Pero ayos lang kasi hindi naman lahat ng tao sa organization ay kilala ko.
"Who's Jeo?"
"Jeo, the youngest of Larson"
"LARSON? MAY KAPATID SI NEMI?!"
MAY KAPATID SI NEMI?! HINDI KO ALAM 'YON! ANG ALAM NAMING LAHAT NAG IISANG ANAK SI NEMI.
"Yes? Mag kakaibigan kayo tapos hindi mo alam?"
Napa nganga ako sa sinabi niya. Si Nemi? Woooow! I can't believe this.
Nemi didn't open up about her family status. Hindi ko ni minsan narinig na umamin siyang may kapatid siya or tinangging may kapatid siya.
"Wow, I can't believe it"
Pasuko na sabi ko
"Jeo is turning 18 next year by January. The day after his birthday they're going to leave."
Napaka yaman naman nila. Bakit kailangan pa nilang lumayo.
"Pupunta nanaman ba kayo sa ibang bansa para mai train sila?"
"Yes"
Napahawak ako sa sentido ko.
"Ang yaman niyo talaga"
Bulong ko
"What?"
Ngumiti ako sa kaniya ng painosete.
"Nothing Sir."
Tumango naman siya
"Sabihin mo kay Vilarde na pag tiisan niya muna si Attienza. Pwede naman niyang hindi isama sa mga assignment niyo and sa meetings natin. It's up to them since si Vilarde naman talaga ay bibihirang umattend sa mga meeting. PERO-"
Kinabahan ako sa pero niya.
Ano nanaman bang pakulo 'to?
"Pero?"
"-pero kailangan nilang umattend sa meditation this coming weekend. Kakausapin ko na rin ang matanda na kalahati nalang ang magiging parusa ni Vilarde kapag may nangyaring masama kay Attienza. Alam ko naman kayang kaya ni Vilarde ang gano'n. Nakaya nga niyang protektahan kayo sa barko diba? Ilan pa kayo no'n, ano pa kaya 'yang nag iisang lalaking 'yan?"
Tumingin nalang ako sa malayo.
Ano ba kasing trip niya at sinama niya sa grupo si Attienza?
Gustong gusto kong itanong pero pinipigilan ko lang dahil baka pagalitan niya na ako.
"If that the case Mr. Montilla, I think I should go."
Nag sukbit na ako ng bag
"By the way Nathalie, since Melfier and Ramson will be back. I want you to arrange the welcome party for them."
Oo nga pala. Pabalik na si Yashica at Ryker.
"Why don't we have a double celebration next month on Roft Acer's birthday? I mean para maka tipid?"
Tumingin lang siya sakin na parang pinag aaralan ang itsura ko
"I'll try to discuss it on committee. But for now you need to arrange the things that we need in the party"
Tumango ako
"Kakausapin ko ang mga bata about this Sir"
Tumango siya
"Ok, I'll tell you if they're going to agree on your suggestion"
Knowing them, malamang isasabay nila. Masyado silang busy para mag dalawa ng party sa isang buwan.
"Thank you Sir"
Yumuko ako bilang pag bati sa kaniya at saka lumabas ng office niya.
CRENZ'S POV
Hindi ko alam kung anong oras kami sa byahe pero no'ng tumigil si Chelsea sa pag dadrive ay pa gabi na rin.
Nasa isang restaurant kami malapit sa beach.
Mula sa kinuupuan namin ay tanaw ang kapayapaan ng dagat.
Napa tunganga nalang ako sa ganda ng tanawin.
Parang ayoko muna umuwi. Gusto kong mag palipas ng gabi dito.
"Yara? Anong iniisip mo?"
Puna sa'kin ni Tyro
"Kung paano kita ihahagis mula dito hanggang sa kalagitnaan ng dagat"
Seryosong tugon ko sa kaniya.
"Yara napapadalas na ang pag bibiro mo ah"
Nakangiting pang aasar niya
'kelan ba ako nag biro? Seryoso akong gusto ko siyang itapon'
Napa poker face lang ako at saka bumaling muli sa dagat.
"Oh ano 'yan? Bwiniset mo?"
Tanong ni Chelsea pag balik niya galing sa CR.
"Hindi ah."
Tumabi siya kay Tyro.
Natutuwa ako pag alam na alam na nila ang gagawin nila pag ako ang kasama nila.
"Nasan ba tayo?"
Tanong ko
"Batangas"-Chelsea
Bigla akong napa tingin sa suot ko na nagets naman nila agad.
"Don't worry, Daniel, Hans and Nina is on their way to go here"
Napakunot noo ako
"Ano bang balak niyo?"
"Wala, mag unwind. We deserve it , kagagaling lang natin sa assignment at kagagaling mo lang sa sakit kaya kailangan mong mag pahinga."
Pahinga raw pero pinag travel ako ng ganito kalayo.
Minsan talaga mas masaya buhay ko pag ako lang mag isa.
"C'mon Yara, 1 night lang naman then bukas before sunset uwi na tayo"
Galing! Nabasa nila ang nasa isip ko.
"Ok"
Nag liwanag ang mukha nila.
Dumating na ang inorder namin.
"Nasan na raw si Nina?"-Tyro
"Aba malay ko sayo. Ako ba boyfriend?"
Nag simula nanaman sila.
"Hoy"
Untag ko sa kanila
"Ha?"
"Lumayas kayo sa harap ko kung mag aaway kayo. Nakakasawang makinig sa mga kasama kong laging nag babangayan. Masaya na ako no'ng wala kayong tatlo nila Nina kaso pumalit naman sa inyo si Nemi at JM. Patahimikin niyo naman buhay ko. Kala ko ba unwind? Mas magiging payapa pa ata ako 'pag wala kayo sa paligid ko."
Sermon ko sa kanila.
Susubo na sana ako nang may mag abot sa'kin ng papel at ballpen.
Nakangangang tumingin ako sa taong 'yon. Gano'n din si Tyro at Chelsea
"Anong kailangan mo kuya?"
Tanong ni Chelsea
"Pa autograph po"
Umayos ako ng upo saka tiningnan si Tyro at Chelsea.
"Sorry Kuya pero hindi nag bibigay ng pirma 'tong kaibigan namin at saka hindi siya artista para hingian ng pirma"
Ngumiti ang lalaki na tantya ko ay nasa 11-14 years ago.
"Pero kayo po 'yong girlfriend ni Mike Vizarro diba?"
Mike? Mike Vizarro?!
Sino namang hangal ang nag sabi niyan?
"Ikaw Kuya ah, ang bata bata mo pa napaka chismoso mo na"
Napakamot sa ulo ang bata
"Ang ganda niyo rin po kasi ate."
Nakangiting aniya.
Ngumiti rin ako at saka kinuha ang papel at ballpen niya.
"Yara? Are you serious?"-Tyro
Hindi ko siya sinagot at nag sulat lang doon sa papel.
Matapos kong mag sulat ay binigay ko sa kaniya ang papel at ballpen.
Taka lang na naka tingin sa'min 'yong lalaki.
Sumubo na ako ng pagkain ko.
"Thank you po!"
Masayang umalis ang bata na ikinapag taka naming lahat
"What did you actually write?"
Nag kibit balikat ako. Hindi naman ka inlove inlove ang sinabi ko pero ang ngiti niya abot tenga.
"Kakainin ko siya pag di siya umalis"
Inosenteng tugon ko
"Ay tanga."
Napa hampas sa noo si Chelsea
"It's a double meaning Yara"
Nag taka ako.
"Wala akong pake. Kung ano ang nandoon 'yon mismo ang ibig kong sabihin"
Nag patuloy lang ako sa pagkain habang nag si cellphone naman si Tyro.
"What the hell?"
Kunot noong aniya.
"Bakit?"
Sumilip sa cellphone niya si Chelsea at sabay silang tumingin sa'kin.
"Bakit?"
Kinuha ko ang cellphone niya at saka tiningnan 'yon.
Kunot noo kong tiningnan 'yon
"Sino nag edit nito?"
May inis sa tono ko dahil naging viral ang picture.
"Mukhang hindi edit yan Yara. May kumalat na rin na video at mukhang totoong totoo nga."
Ang daming negative comments. Tinuhog ko raw ang magkaibigan.
Binalik ko sa kaniya ang cellphone at nag patuloy sa pagkain
"Hindi ka man lang maiinis?"
Umiling lang ako.
"Ano namang pakealam ko sa kanila. Ang mahalaga alam nila Pula kung ano ang totoo"
Hindi ko kasi maalala. Wala akong maalala. Ano bang nangyari noong mag kasakit ako? Nagising nalang kasi ako sa sarili kong kwarto at naka pambahay na damit.
"May gano'n ka pa rin palang lagay. 'yong nag dedelihiryo ako sa sobrang taas ng lagnat mo tapos gagawa ka ng weird things"-Chelsea
"Maka weird ka naman. Pakiramdam ko lang may kalaro akong mga elemento kaya nakakagawa ako ng mga bagay na hindi pang karaniwan"
Dipensa ko.
Ganoon kasi nararamdaman ko kapag nag kakasakit ako eh. Pakiramdam ko lahat ng mahahalaga sakin ay nasa paligid ko lang kaya bigla akong nangyayakap kasi namimiss ko 'yong mga taong 'yon.
"Elemento? Sa gwapo ni Mike Vizarro?"
"Gwapo siya? Hindi ko nakita"
Oh well may itsura naman talaga siya gaya ng sinabi ko noon kaso lang kapag inamin kong nagagwapuhan ako sa kaniya, dadami nanaman ang sasabihin nila.
"Bakit? Kasi na kay Attienza lang ang paningin mo?"-Tyro
Tumigil ako sa pagkain saka itunutok sa kaniya ang hawak kong pang hiwa.
"Woy!"
Napa angat siya ng ulo
"Hindi si Pula o si Vizarro ang trip ko sa buhay. Umayos kayo sa mga biro niyo."
Nag patuloy ako sa pagkain
"Wow! That was intense *CLAP*"
Sabay sabay kaming tumingin sa dumating
"Nathalie?"-Chelsea
Tatlo silang dumating gaya ng inaasahan.
"Kumain na agad kayo? Hindi niyo man lang kami hinintay?"-Daniel
"Ano?! Bakit namin kayo aantayin? Hindi naman dapat kayo kasama dahil sabi niyo kanina may mga ginagawa kayo. No'ng narinig niyong kasama si Crenz, para na kayong buntot"-Chelsea
Mataray na aniya.
"Oh dahan dahan, baka mag kabalikan"
Parinig ko sa kanila
"CRENZ/YARA!"
Gulat na puna nilang lahat
"Yeah, ako nga 'yon"
Sabi ko saka ngumiti sa kanila.
Ang cute lang kasi nila. Break na raw sila pero parang sila pa rin kung mag sagutan.
"You look hot"-Hans
"You're drooling bro"-Tyro
"Gano'n ka rin naman kanina Tyro.. tss"-Chelsea
Masayang ngumiti sa kanila si Nina
"Well! That's my sense of fashion. Kahit naman naka t-shirt siya maganda pa rin siya"-Nina
'yan nanaman sila sa mga papuri nila'
"Huwag na kayong gumawa ng eksena. Umupo na kayo"
Tumabi sakin Nina, sa dalawang dulo naman sina Hans at Daniel.
Tyro Chelsea
Hans Daniel
Ako Nina
"You're still sick?"
Tanong sa'kin ni Nina at saka kinapa ang leeg ko.
Ilang araw ko na rin siyang hindi nakakausap dahil busy siya sa thesis niya at iba pang activity sa school at sa org.
Hinahanda niya lang ang lahat ng kailangan ko sa bahay pati na ang susuotin ko pag pasok at ang kakainin ko.
Sobrang maasikaso siya sa'kin kahit sinabi ko na sa kaniya na kaya ko namang ihanda ang mga gamit ko.
Pag gising ko kasi nasa labas na ng aparador ang mga susuotin ko tapos may iniiwan pa siyang note sa gilid no'n patungkol sa mga kakainin ko sa umaga at gabi.
Minsan siya na rin hinahanapan ko ng mga kailangan kong damit dahil siya lang naman ang nag lilinis at nag aayos ng kwarto ko.
Kapag ako lang kasi mag isa sa kwarto ko, huwag ka nang umasang lilinis ang paligid ko. Sa bahay mini maintain ko ang linis doon no'ng ako palang mag isa dahil baka may dumating na uninvited. Pero sa kwarto ko, ibang usapan na 'yon. Wala namang pumapasok sa kwarto ko kaya ayos lang na magulo.
Ayos naman sana kasi wala na akong dapat gawin ang kaso lang ayokong masanay. Baka kapag nasanay ako ay hanap hanapin ko naman.
Inilayo ko ang kamay niya sa leeg ko
"Ayos lang ako"
Simpleng tugon ko
"Hindi muna ako tatanggap ng gagawin sa org. para maasikaso kita sa bahay-"
Matunog kong nilapag ang kubyertos ko
"Hindi na ako bata Nathalie"
Walang emosyong tumingin ako sa kaniya
"C'mon Crenzy, alam mo namang ikaw lang ang pinaka importante sa'kin eh"
Napangiwi ako
"Eh paano ako? Pang ilan ako?"
Tanong ni Tyro
"You're not even important asshole. Stop butting her life"-Chelsea
Sinamaan siya ng tingin ni Tyro
"Kaya ko ang lahat Nina."
Pinaleng pahayag ko.
Nag asaran na sila kaya hinayaan ko nalang sila mag ingay.
Nang matapos kaming kumain ay nag lakad kami sa tabing dagat.
"Hmmm... Haaaaay.."
Samyo ko sa masarap na hanging tumatama sa balat ko.
"Doon Yara, nandoon 'yong pinahanda naming mga upuan at bonfire"-Tyro
Turo niya sa may kalayuang banda ng tabing dagat.
"Saan tayo matutulog?"-Daniel
"Saan pa ba edi sa buhanginan. May pinahanda na rin kaming tent. Wala nang kulang pa. "-Tyro
Lahat sila nag aasaran pwera lang kay Nina na tahimik lang na nakasunod sa'min.
"You crossed the line"
Sabi sa'kin ni Hans na kami lang ang nag kakarinigan.
"Ha?"
"Hindi mo ba talaga alam?"
Napaisip ako kung ano ang sinasabi niya.
Umiling ako.
Nag simula siyang mag paliwanag sa'kin.
~~~
Nang makarating kami sa pupuntahan namin ay kaagad akong humiga sa upuang pahaba at saka pumikit.
"Basang basa na talaga kita Yara"-Tyro
Hindi ko nalang sila kinibo.
Napadilat ako nang maalala ang sinabi ni Hans at saka ako umupo para tingnan si Nina. Nakatulala lang siya habang nasa malayo ang tingin.
May dala silang bag nila Hans kanina. Hindi lang basta bag na ordinary, malaking bag. Ready-ing ready mag overnight. Hindi halatang nag handa sila.
"*Ehem* Nina may jacket ka bang nadala?"
Doon lang bumalik si Nina sa ulirat niya saka nakangiting nag kalkal sa bag niya.
Tiningnan ko si Hans at walang boses na sinabi sakin ang mga salitang
"Sabi ko sayo eh"
Nakangiting lumapit sa'kin si Nina habang ang iba ay nag hahanda ng hihigaan at nag aasaran.
"Here Crenzy"
Sinuot niya talaga sakin ang jacket ko.
Gusto ko sanang sabihing kaya ko na pero ang sabi ni Hans hayaan ko lang daw si Nina na asikasuhin ako dahil mukhang 'yon ang nag papasaya sa kaniya. Sa oras na puro ako nalang ang kikilos sa sarili ko, baka raw naiisip ni Nina na wala na siyang kwenta sa bahay namin, kaya hinayaan ko nalang.
Syempre gusto kong nasa bahay si Nina. Kadugo ko pa rin siya kahit gano'n. Nasanay na rin ako sa presensiya nila ni Chiggy Mil
"Let me put you a lotion"
Malamang off lotion 'yan para hindi ako papakin ng lamok kahit balot na balot na ako.
Kamay, leeg at paa nilagyan niya ng lotion.
Nakangiting tumingin siya sa'kin na parang satisfied na sa ginawa niya.
"Hindi ka naman mukhang masaya 'no?"
Nginitian niya lang ako at saka umalis sa harap ko.
"Huwag niyo akong gising ah. Gusto kong matulog"
Sabi ko sa kanila.
Nag ok sign sila habang nakapalibot na sa bonfire at saka sila nag kantahan dahil nanghiram ng gitara si Tyro.