Nagising ako sa sobrang lamig.
Tumingin ako sa paligid ko. Tulog na sila pwera kay Hans na nasa malapit sa dalampasigan.
Tumayo ako para kumuha ng dalawang beer na mukhang inorder nila.
Lumapit ako sa kaniya saka inabot ang can beer na agad naman niyang tinanggap.
Umupo ako sa kaliwang bahagi ng pwesto niya.
"Bakit nagising ka?"
Tanong niya sa'kin matapos niyang buksan ang can beer.
"Malamig"
Simpleng tugon ko saka uminom at tumingin sa buwan na malapit nang maging buo.
"Ah"
Tango niya.
Mukha siyang may problema. Hindi ko maintindihan ang mga kilos niya. Hindi ako 'yong tipo ng taong nag tatanong kung may problema ba lalo na kung halata naman nang meron. Mas gusto kong kusa silang nag kukwento, at least sa lagay na 'yon ay hindi sila napipilitang ilabas ang nasa loob nila.
"Tatlong taon na nakalipas 'nang mag kagulo ang organization namin."
Huminto siya saglit para lumunok at uminom.
"Nawala ang Ace deck at halos isa nalang ang natira sa kanila. Aware ka naman na hindi na nakapag pakasal ang mga dapat ikasal dahil wala nga sila. Sila ang parang pari sa organization, kapag wala sila wala ring kasalang mangyayari. Nag simula rin ang maraming kaguluhan sa organization dahil maraming na miss ang mga members na dapat nilang magawa dahil nga naging busy sila sa maraming bagay na naiwan ng mga Ace successors."
Natawa siya ng pagak na halatang hindi naman totoo.
Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
"Dahil sa problema na 'yon may nakalimutan kaming gawin sa mga members ng organization."
Tumingin ako sa kaniya. Nagiging garalgal din kasi ang pag kukwento niya.
Ito ang unang pagkakataong narinig ko siyang ganito.
Kadalasan kapag ako ang kausap niya, masaya siya o di kaya nangungulit.
Tumingin siya sa taas.
Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mata niya na mistulang kumislap dahil sa pag tama ng liwanag ng buwan dito.
Sinikap niyang huwag patuluin ang luha sa mata niya.
Parang nadudurog ang puso ko sa itsura niya.
Pag kurap niya ay saka tumulo ang luha na iniiwasan niyang patuluin.
Kitang kitang kung paano nag isang linya ang labi niya sa pag pigil niya sa pag hikbi.
Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa'kin nang hilain ko ang kanang braso niya para mapaharap siya sa'kin at saka ko siya niyakap. Marahan kong hinaplos ang likod niya.
Hindi ako marunong mag comfort pero ito kasi ang nakikita ko kapag umiiyak si Nina sa harap ni Tyro. Niyayakap siya ni Tyro para patahanin.
"Na- nakalimutan naming higpitan ang pag babantay sa isang bata"
Kahit garalgal at iyak nang iyak siya, natapos niya ang mga pangungusap na 'yon.
'Sinong bata?'
Wala akong nabasang ganitong kwento sa mga nangyari sa organization nila.
"Sinong bata?"
Tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot, humagulgol lang siya ng iyak kaya hinayaan ko muna siyang umiyak sa balikat ko.
Ito ang pangalawang pagkakataong nakakita ako ng lalaking umiiyak ng sobra dahil sa mga nangyayari o sa mga nangyari.
Ilang minuto rin ata kami sa ganoong posisyon nang mapansin ko ang lahat ng kasama namin ay nakatingin sa'min na may awa sa mata nila.
Wala ni isa sa kanila ang nag tangkang lumapit sa'min. Mga nakatingin lang sila na parang hindi alam ang gagawin.
"S-sorry"
Aniya saka humiwalay sa'kin.
Bumalik siya sa pag tanaw sa katahimikan ng dagat.
"3 years ago, sumama ang pinsan kong 7 years old sa hindi niya kilala. *Sniff* a-ako ang dapat mag susundo sa kaniya pero pag dating sa school, wala na siya. Hinanap ko siya pero nilibot ko na ang buong school, hindi ko pa rin siya makita."
Kinuha niya muli ang beer niya saka nilagok hanggang sa maubos.
"Chineck namin ang CCTV at nakita naming kusa siyang pumasok sa isang kotseng itim. Hinanap namin 'yon pero wala pa rin kaming naging lead."
Naging isang linya nanaman ang labi niya para pigilan ulit ang luha niya.
"Mag iisang linggo na no'ng makita namin siya. Nakita siya ng isang residente na wala nang buhay sa isang talahiban. Tinakasan na siya ng dugo at itsurang ilang araw nang walang buhay."
May galit na humalo sa emosyon niya kaya pinirat niya ang can beer na hawak niya.
Kumunot ang noo niya saka malakas na binato ang lata sa kanang bahagi ng posisyon niya.
Dinig na dinig na ang hikbi niya. Alam mo talagang sobra siyang nasasaktan dahil sa hikbi niya.
"S-sana hindi nalang ako nag pa check up no'n! Sana buhay pa siya ngayon! AAAAHHHHH!!!"
Pinag susuntok niya ang buhangin.
"Tama na 'yan"
Pag awat ko sa kaniya dahil baka masugatan siya.
Hinawakan ko siya pero malakas niya lang akong natulak sa buhanginan.
"YARA!/CRENZY!"
Doon na lumapit silang lahat sa'min.
Lumapit ang mga lalaki sa kaniya habang sila Nina at Chelsea naman ay tinulungan akong makatayo.
"PRE! WALA KANG KASALANAN DOON! MAKINIG KA SA'MIN!"
Pinipilit ni Tyro patinginin si Hans sa kaniya para salubungin ang mata nito.
"H-hindi kasi- ako nalang sana namatay"
Iyak nang iyak na aniya. Halos hindi na rin namin siya maintindihan dahil sa tindi ng pag hikbi niya.
Nag simula na ring maging emosyonal si Chelsea at Daniel.
"Ano bang nangyayari?"
Gulong gulong tanong ko.
Hindi ko alam 'tong bagay na 'to kaya hindi ko alam ang gagawin ko.
Tumakbo palayo si Chelsea.
"CHELSEA!"
Sigaw namin ni Nina.
Nang makita naman ng mga lalaki 'yon ay agad siyang sinundan ni Daniel.
"Tumigil ka na pre! 'Yong mga gagong 'yon ang may kasalanan kaya tama na. Tatlong taon na ang nakalipas. Ilabas mo na 'yan sa loob mo"
Kinukuha ni Tyro ang simpatya ni Hans para tumahan 'to. Nag mistulang bata si Hans sa pag iyak niya ngayon na labis na ikinadurog ng puso ko.
"Tyro b-bkit nila ginawa 'yon? B-bakit si Phalyn pa? Ang bata pa niya Tyro. Bakit nila ginahasa 'yong bata? PRE! PARA AKONG DINUDUROG, ANG SAKIT SAKIT. Tulungan mo 'ko."
Para itong batang nag susumbong kay Tyro.
Hindi ko na napigilan pa ang luhang kanina pa namumuo sa mata ko.
Sa panghihingi pa lang niya ng tulong kay Tyro alam ko nang matagal niya na iyong tinatago sa sarili niya.
Tumalikod ako sa kanila dahil hindi ko na kinakaya ang mga nasasaksihan ko.
"Crenzy?"
Hinaplos ni Nina ang likod ko para pagaanin ang loob ko.
"Pakiramdam ko may kasalanan ako kahit wala naman akong ginawa"
Pag amin ko sa kaniya
"Natural lang 'yan dahil nararamdaman mo ang nararamdaman niya."
Pag papagaan niya sa loob ko.
Nginitian ko siya ng mapait saka humarap sa dalawa.
Pareho silang naka luhod habang yakap ni Tyro si Handriko.
Nakalupaypay lang ang parehong kamay ni Hans sa buhanginan habang paulit ulit na nanghihingi ng tulong kay Tyro.
Nakahawak naman si Tyro sa nasal bridge niya na mukhang nilalabanan din ang pag tulo ng luha niya.
"Nasan ang gumawa sa bata nang gano'n?"
Hindi ko tiningnan ang itsura ni Nina pero mukhang nag pipigil din siya ng emosyon.
"Hindi pa sila nahahanap."
Nag init ang buo kong katawan sa narinig ko.
"Hindi pa sila nahanap? Anong klaseng organization ang meron kayo kung hindi pa nahahanap ang mga hayop na 'yon?"
Natigilan ako saka humarap sa kaniya nang may narealize sa sinabi niya.
"S-sila?"
Halos ma crack ang boses ko nang ulitin ko ang sinabi niya.
"Sabi sa autopsy ng bata, limang lalaki raw ang gumahasa sa kaniya"
Para akong tinambol sa narinig ko. Nanlambot ang tuhod ko na dahilan nang pag luhod ko sa buhanginan.
"Yara"
Dinulugan ako ni Nina pero hindi ko talaga kinaya pang maka tayo pa.
"Tatlong taon? Tapos wala pang nahuli sa kanila?"
Bulong ko sa sarili ko.
Pinalipas ko ang ilang minuto na naka upo sa buhanginan saka ko muling tinatagan ang sarili ko para tumayo.
"Crenzy"
Hinawakan ako ni Nina pero inalis ko lang 'yon.
Nag lakad ako palapit kay Tyro at Hans saka sila pinag hiwalay. Tumalsik si Tyro sa buhanginan, kwinelyuhan ko naman si Hans saka
*PUNCH!*
*PUNCH!*
*PUNCH!*
"CRENZ! ANO BANG GINAGAWA MO?!"
Gulat at inis na tanong sa'kinin ni Nina
"GAGO KA BA HANDRIKO?! BAKIT UMIIYAK KA LANG DIYAN SAMANTALANG NAG PAPAKASAYA AT BUHAY PA ANG MGA HAYOP NA GUMAWA NO'N?!"
*PUNCH!*
"Crenz!-"
Dumating na sila Daniel at Chelsea. Pare pareho silang hindi maka lapit sa'min.
Nakaharang lang si Tyro kay Nina na gustong gusto akong patigilin sa ginagawa ko.
Halos wala na sa balanse si Hans dahil sa beer na nainom niya.
Mababa lang talaga ang tolerance ni Hans sa alcohol kaya madali lang siyang tamaan.
Mukhang hindi lang naman ang binigay ko sa kaniya ang nauna niyang ininom.
"Yara-"
Tawag niya sa'kin habang namumuo ang luha niya sa mata. Awang awa na ako sa itsura niya.
"Yara ang sakit. Iniwan niyo akong lahat-"
Natigilan ako.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong mapahikbi sa harap niya. Namuo nalang kasi bigla ang luha ko dahil sa sinabi niya.
"Walang natira sa tabi ko ni isa sa inyo. Bigay ako nang bigay sa inyo ng sarili ko para hindi kayo mapahamak. Bakit kapag inuuna ko na ang sarili ko, may nawawala naman sa'kin?"
Hikbing aniya habang nakatingin ng diretso sa mata ko.
Unti unting natanggal ang kamay ko sa pag kakahawak sa kwelyo niya.
Dahan dahan akong napayuko dahil totoo ang mga sinabi niya at guilty ako doon.
"Natatakot na ako"
Sabi niya kaya tumingin ako sa kaniya ng dahan dahan.
"Baka kapag inuna ko nanaman ang sarili ko, lahat kayo hindi na bumalik."
Lumapit ako sa kaniya saka tumingala upang salubungin ang mapupungay niyang mata.
Binigyan ko siya ng halik sa kanang pisngi niya malapit sa labi niya at saka marahang niyakap ang leeg niya.
Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya.
"Put yourself first from now on Handriko. Pinapangako ko sa'yong hindi na kami mawawala."
Mahigpit ko muna siyang niyakap bago ko siya pinakawalan.
Nag simula akong mag lakad palayo.
Wala pa akong kapal ng mukha para harapin sila.
Hindi ko alam na nahihirapan din pala sila no'ng natutunan kong maging selfish.
Umalis akong hindi nag papaalam sa kanila at no'ng bumalik ako buong puso pa rin nila akong tinanggap.
Hindi ko ginawang tumingin pabalik sa kanila kahit panay sila pag tawag sa'kin.
Nakarating ako sa labas ng resort.
Nang nasa kalsada na ako saka ko nilabas ang cellphone ko para tawagan ang isang tao.
Isang taong hindi ko pa gustong makita ngayon pero dahil sa sitwasyon ay wala akong choice kundi ang ibalik siya sa'kin.
Dinial ko ang number niya.
Sa number na 'to alam niyang ako lang ang tatawag.
"Welcome back"
Pag bungad niya sa'kin.
"*Sniff* mag kita tayo."
Matunog siyang ngumisi
"Syempre mag kikita tayo. Hindi ka naman tatawag dito kung hindi ka makikipag kita o wala kang kailangan."
Grabe talaga common sense nito.
"Sunduin mo na 'ko"
"Pusta hindi mo alam kung nasaan ka? Alam ko na 'yan kaya nga trinack ko na 'tong tawag."
Napangiti ako.
"Paano mo nalaman na hindi ko alam?"
"Ramdam ko sa tono mo. Nag aalangan ka- hopya! Gotcha! Papunta na ako. Mag stay ka lang kung nasa'n ka."
"Bilisan mo"
"Roger that!"
Pinatay ko na ang tawag.
Hindi maganda ang mood ko ngayon.
Gusto ko nalang ulit ngayon matulog.
LIPHYO'S POV
*CANTEEN*
"Nasa'n si Jerick?"-Austin
Nag palinga linga naman kami dahil wala pa si Jerick simula no'ng nag paalam siya na mag c Cr muna siya.
"Baka dinudugo pa rin sa CR."
Natatawang sabi ni Jhom
"Puntahan ko na ba?"-Mike
Tinanaw namin ang labas ng canteen at papasok naman na siya.
"Huwag na, nandiyan na oh"
Sabi ko sa kanila.
Nag order na kami ng makakain namin.
Nang maka upo na kami.
"Ano sabi ng management niyo Mike?"
Tanong ni Jhom patungkol sa issue na kumalat sa may girlfriend na siya.
"Hindi ko na inalam, hinayaan ko nalang na ang manager ko ang umayos at isa pa, dapat labas na sila doon dahil naka leave ako at nasa kontrata namin 'yon. Alam naman nilang studyante pa ako"
Paliwanag niya habang ang atensyon niya ay nasa pagkain.
"Sa'yo Jhonzel? Wala namang issue?"
Nag kibit balikat ako. Wala naman kasing kaso sa'kin ang bagay na 'yon dahil si Raya naman ang sangkot.
For sure kapag nakita 'yon ni Raya, wala lang sa kaniya 'yon. Sing lamig ng snow ang puso niya sa gano'ng mga bagay.
"Trending kaya kayo dito sa university."-Jhom
"Dakilang chismoso ka talaga"-Jerick
Tinawanan namin si Jhom
"Eh sa 'yon ang nakita ko sa top searched list eh"
Dipensa niya.
Hindi naman na bagong top searched kami dito eh kaso nag sunod sunod na linggo na rin mula no'ng mangyari' yon.
Sinipa ako ni Jhom ng mahina saka tinuro si Mike na tulala.
"Hoy anong nangyari sayo?"
Untag ko sa kaniya na nakapag balik sa kaniya sa kasalukuyan.
"Ah- wala"
Iling niya saka kumain ulit
"Ganiyan 'yan kasi ilang araw nang di pumapasok si Crenz"-Austin
Inaasahan na naming aapila si Mike pero hindi siya umimik
"So totoo nga? Wow! Inlove na inlove ka na ba talaga Mike? Kakaiba rin talaga taste mo sa babae ah"
Asar ko sa kaniya.
"Manahimik ka pre, mas madalas mo pa nga raw nakakasama si Crenz kesa sa kaniya eh"
'eh syempre under ako no'n eh'
Gusto ko sana sabihin
"Ah, may pinapagawa kasi sa'min ang principal kaya madalas akong nasa grupo nila"
Nag taka naman sila
"May pinagawa sayo na hindi kami kasama?"
Natawa ako
"Loko, hindi naman sa lahat ng oras dapat mag kakasama tayo diba?"
"Ano ba 'yan? Secret?"-Mike
"Wow Vizarro, iniisip mo bang aagawin ko sa'yo si Raya?" Natatawang tanong ko.
Eh halos aso't pusa kami kapag nag tatabi kami eh. Patibayan nalang kung sino una susuko.
"H-hindi ah"
Naiiling nalang ako
"Kumain ka na pre, kabag lang 'yan sa utak"
"HAHAHAHA"
Tawa nila.
*RING*
Tiningnan ko ang phone ko nang mag ring iyon.
"Allen?"
Takang tanong ko. Bibihira kasi kung tumawag siya sa'kin. Bilang sa kamay ko simula no'ng umuwi ako dito kung ilang beses niya akong tinawagan.
"Wait ah"
Tumalikod lang ako ng upo sa kanila saka sinagot si Allen
"Oh bro?"
Medyo maingay sa lugar niya kaya hindi ko siya gaanong marinig. Dinig ko pa 'yong nag kakagulo sa paligid niya kesa sa kaniya.
"Hindi kita marinig."
Kahit dito sa canteen, maingay din kaya tumingin ako kela Mike para sabihing lalabas muna ako. Tumango lang sila
"Hello?"
"Johnny, pwede bang ikaw muna ang pumunta sa hospital. Naka confine kasi ngayon si Kathy dahil sa sakit ng tiyan niya. Naka out of town ako kaya hindi ko siya mapupuntahan."
Ewan ko ba pero para akong kinabahan
"Sige, aalis na ako ngayon. Saang hospital ba?"
"'yong pinaka malapit sa school niyo"
Napaisip ako. Iyong kina Sandra ba 'yon?
"Ahhh.. ok ok.. I'll be right there"
Pinatay na niya ang tawag. Napatakbo naman ako papunta sa parking lot nang matapos ang tawag na 'yon.
Hindi ko talaga alam pero kinakabahan ako, bagay na hindi ko talaga trip mangyari kapag siya na ang napag uusapan.
Nag madali akong lumabas ng school kahit tinakasan ko lang ang guard na nag babantay doon.
Pag dating ko sa hospital natigilan muna ako dahil ang daming pulis na pumasok sa hospital.
"Anong meron dito?"
Tanong ko
"Sir, bawal po kayo dito-"-Guard
"May warrant of arrest kami."-Pulis
Pinakita ng pulis ang warrant of arrest nila.
"Sige po sir pero baka pwedeng sa anim na pulis lang ang pumasok? Nakakabahala po kasi sa ibang pasyente"
"Sige"
Bigla akong natauhan nang maalala ko kung sino ang pinunta ko dito.
Agad na akong nag tanong sa info. desk
"Sa'n po naka confine si Katherine Attienza po?"
Nag search naman siya agad sa computer.
"Nasa cubicle 23 lang po siya. Diretsuhin niyo lang po 'yang hallway na 'yan tapos po hanapin niyo 'yong cubicle niya"
Turo niya sa kaliwang parte ng hospital
"Salamat po"
Takbo lakad ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa sinabi niya lugar.
Hindi naman siya crowded dahil mag kakalayo ang bawat cubicle at malalawak ang kada isang cubicle.
Agad kong hinanap ang number niya at no'ng mahanap ko na hinawi ko 'yon agad.
Nagising siya nang hawiin ko ang kurtina.
"Johnny?"
Lumapit agad ako
"Anong nararamdaman mo? Ano bang nangyari sa'yo?"
Sinubukan niyang umupo pero tinulak ko lang ang noo niya para hindi siya makabangon.
"Humiga ka nalang. Med. student ka tapos gusto mo lang palang maging pasyente?"
Pag susungit ko sa kaniya saka umupo sa gilid niya.
"Huwag mo na akong pagalitan. Sumakit lang 'yong tagiliran ko kanina pero ayos naman na ako."
Tagiliran?
"Bakit?- Teka nasa'n ba ang doctor dito?"
May inis na tanong ko.
Mula pag pasok ko wala naman akong nakitang doctor dito.
"Pupunta rin sila dito mamaya"
"Kelan? Pag malala ka na?"
Inis na tanong ko.
Tumayo ako para lumabas. Nag tanong na ako sa mga nurse pero sabi nila mag hintay nalang daw kami saglit dahil nag mi meeting pa ang mga Doctor.
"Tangina?! May mapapahamak na dito tapos meeting pa rin inaatupag nila?! Sana naging CEO nalang sila ng kumpanya para mag hapon silang mag meeting"
Inis na sigaw ko sa isang nurse
"Sir kumalma lang po kayo. Patapos na rin po sila mag meeting-"
"Mag mi meeting sila kung kelan maraming pasyente?! Ano bang utak ang meron sila?!"
Pinag titinginan na kami ng ibang pasyente pero wala akong pakealam. May mapapahamak na pasyente pero nag mimeeting pa rin sila?!
"Sir huminahahon lang po kayo-"
"Tumawag na kayo ng doctor!"
"Sir-"
"Tumawag na sabi kayo ng-"
May bigla nalang pumilipit sa kamay papunta sa likod ko kaya napadaing ako sa sakit.
"Ah! Ano ba?! Sino ka ba?! Bitawan mo nga 'ko!"
Sinipa niya ako sa likod ng tuhod ko kaya napa luhod ako.
"Sinabing pakawalan mo ko!"
"Sige na nurse, ako na bahala dito."
Sabi no'ng pumilipit sa'kin sa nurse na kausap ko.
Teka? Familiar ang boses niya.
"Sige po Ma'am"
Pag alis ng nurse ay malakas niya akong tinulak para pakawalan ang kamay ko. Mabuti nalang nakatukod ang Isa kong kamay sa sahig.
"Ah!"
Inis na hinarap ko ang taong 'yon
"Raya?!"
Tumingin siya sa'kin na parang inaantok na.
"Anong ginagawa mo dito? Masakit 'yon ah!"
Umiling iling siya sa harap ko
"Tsk tsk tsk.. eskandaloso. May mapapala ka ba kakasigaw mo sa kaniya? Gaya ng ginagawa ng mga doctor ngayon dito, pareho kayong useless dahil sa mga pinag gagagawa niyo"
Nahiya ako sa sinabi niya, saka tiningnan ang paligid namin na nakatingin ang ibang pasyente sa'min.
"Anong klaseng hospital ba 'to? Bakit nag mimeeting sila kung kelan maraming pasyente-"
"Tama na ang reklamo. Nasa'n ba kasama mo? Titingnan ko"
Napakamot ako sa sa likod ng tenga ko sa narinig ko sa kaniya.
"Alam mo, alam ko namang hambog ka pero-"
"Sabing tama na ang daldal. Nasa'n na nga?"
Tanong niya habang tinutulak ako para sabihin ko sa kaniya kung nasa'n ang pasyente.
"Doctor ang kailangan ko"
"Doctor ako"
"Ha ha ha.. ang galing mong mag patawa"
Sarcastic na sabi ko sa kaniya
"Hindi ba 'yon nakakatawa?"
"Never"
Tinaasan niya lang ako ng gilid ng labi niya saka nag patuloy sa pag tulak sa'kin.
"Ito na. Huwag mo na akong itulak."
Nag lakad na ako papunta sa kinaroroonan ni Kathy
Pag pasok ulit namin, dumilat ulit si Kathy.
"Wow.. chix pala kasama mo. Kaya pala hindi ka mapakali"
"Psh!"
Labas ngiping singhal ko sa kaniya.
"Sino siya? Doctor ba siya?"
Tanong ni Kathy habang nakatingin kay Raya
"Ah hindi-"
Hindi pina tapos ni Raya ang sasabihin ko nang pulsuhan niya si Kathy. Sa sobrang pag ka bigla ni Kathy ay hindi agad siya naka react.
"Hoy! Ano bang ginagawa mo?"
Hindi niya ako sinagot. Tumingin lang siya sa kawalan habang hawak niya si Kathy
"Sandali"
Tinanggal niya ang kumot nito at bahagyang tinaas ang damit niya.
"Sabihin mo sa'kin kung gaano kasakit ah"
May priness siya sa tyan ni Kathy
"Masakit?"
"H-ha? H-hindi naman"
"Dito?"
"AAAHH!!"
"KATHERINE!"
Tinanggal niya na ang pag press niya sa tagiliran ni Kathy.
"Ano bang ginagawa mo Raya?!"
Hindi niya ako pinansin, inayos niya ang damit ni Kath at kinumutan siya.
"Mukhang may alam ka sa medisina. Nadaan mo pa sa gamot ang pamamaga ng appendix mo."
Tumango si Kathy
"Nursing student ako-"
"This time hindi mo na kakayanin ang gano'n. Kailangan mo nang mag undergo ng surgery bago pa lumala ang lahat."
Tahimik lang kaming nakikinig kay Raya.
"Doctor ka ba?"
Tanong ni Kath
"Importante pa ba 'yon? Med. student ka at mas kabisado mo ang katawan mo. Alam mong tama ako, bakit mo pa ako tinatanong?"
Ito nanaman ang salitaang Crenz na parang ewan lang. Nagagawa niya talagang gawing walang alam ang isang tao sa simpleng pambabara niya o di naman ay sa simpleng tanong niya.
Tumalikod na si Crenz para umalis pero napahinto siya sa gilid ko saka tumingin muli kay Kath.
"Oo nga pala, ipa check up mo 'yong bukol mo sa kaliwang dibdib mo. Sumasakit 'yan kapag stress ka or nilalamig ka-"
Gulat na tumingin ako kay Kath
"-mas mabuti nang sure kang hindi cancerous 'yan."
Matapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya.
Gulat namang tumingin ako kay Kath
"Totoo ba 'yon? 'yong sinabi niya?"
Hindi makapaniwalang sabi ko.
Tumango siya nang dahan dahan.
"Hindi rin 'yan alam ni Allen?"
Tumango nanaman siya.
"Wow! Anong trip mo?"
"Wala kasi akong oras mag pa check up, malapit na kasi exam namin-"
"Gusto mo bang gumamot ng may sakit o gusto mong ikaw ang gamutin? Nag aaral ka pa man din ng medisina tapos hindi mo na apply sa sarili mo"
Tahimik lang siyang nakikinig.
"Alam mo ba kung gaano nag aalala so Allen sa'yo no'ng tumawag siya sa'kin. Give consideration Katherine"
Pangaral ko sa kaniya.
Tumalikod na ako saka kinuha ang phone ko.
"Teka san ka pupunta?"
"Tatawagan ko si Allen dahil sa lagay mo. Stay there"
Turo ko sa kaniya.
Lumabas ako para hanapin pa sana si Raya pero hindi ko na siya nakita. Tinawagan ko nalang si Allen para ipaalam ang kalagayan ni Kathy.
Sinabi niya sa'king babalik siya ngayon mismo 'pag tapos ng meeting nila.
Bumalik ako sa pwesto ni Kathy
"Tinawagan ko na si Papa at Mama. Aalis din ako agad kapag dumating na sila, tumakas lang ako sa school ngayon"
Tumingin siya sa'kin na parang may gustong sabihin pero hindi na siya nakapag salita nang pumasok ang isang Doctor.
"Doc. I check niyo po siya- nakipag suntukan po ba kayo?"
Kasi may tumulong dugo sa ilong niya at parang sariwa pa ang pasa sa gilid ng labi niya.
Pinampunas niya sa ilong niya ang kaliwang kamay niya.
"N-no.. wala lang 'to. According sa nurse na nag check kanina kay Ms. Attienza may appendicitis siya at kailangang mag undergo ng surgery. Chineck ko na rin bago ako dito pumunta ang lagay niya. Hindi na nga niya kakayanin pa kaya kailangan na siyang operahan. Sa ngayon- *sniff*"
Pinigilan niyang tumulo ang dugo sa ilong niya kaya napapa nganga ako na parang gustong sabihin sa kaniya na ayusin muna ang nosebleed niya bago siya mag salita.
Panay lang siya singhot pabalik kaya napapangiwi ako. Wala lang, nandidiri kasi ako.
"Kung mag papatuloy sa surgery ang misis mo, bigyan niyo nalang po kami ng consent-"
Napailing ako bigla
"Nako hindi ko po siya asa-"
"Pwede po bang mamaya nalang? Kapag dating po ni Mama?"
Tanong niya
"Ah.. sige ayos lang. Kung kaya mo pa ang sakit hangga't di pa dumarating ang Mama niyo-"
"Pwede po bang paki ayos po muna ng ilong niyo? Kasi po medyo matindi ata ang binungguan niyo"
Hindi ko na mapigilang mag salita. Para kasi siyang binugbog ngayon ngayon lang. Patuloy kasi ang pag dugo ng ilong niya.
Kinapa niya ang ilong niya.
"A-ah excuse me, nurse muna mag aasikaso sa inyo. Pumunta nalang kayo sa information desk kung saan kayo mag babayad. 'aish, lakas niya sumuntok' "
Dinig kong bulong niya sa last na sinabi niya.
Nag paalam siya at umalis na.
"Sige matulog ka na muna. Pag dating nila Mama sila na bahala sayo"
Inayos ko ang pag balot sa katawan niya ng kumot.
"Thank you, Johnny"
Ngiti niya sa'kin habang nakatingin sa mata ko.
"It's nothing, we're family"
Nginitian ko rin siya.
Para silang hindi mag asawa
Iling na sabi ko sa sarili ko kung iisipin ang set up nilang dalawa ni Allen.
Wala naman siguro silang problema diba? Bakit parang may mali sa kanila?
CASSANDRA'S POV
"Anong balita kay Crenz? Bakit hindi pa rin siya bumabalik?"
Tanong ko kay Nemi na kanina pa walang imik.
Dalawa lang kami sa HQ ngayon dahil sinamahan ni Migs si Jigs na mag pa check up at si JM naman hindi makapasok dahil may inutos sa kaniya ang ate niya.
"Bakit gano'n? Hindi naman pala salita si Crenz pero pakiramdam ko ang tahimik simula no'ng umalis si Crenz."
Ganoon din ang nararamdaman ko pero wala naman akong magawa kung paano mapapabalik si Crenz.
Pag gising ko kasi isang araw, 'yong pinahiram kong cellphone sa kaniya nasa lamesa na ng kusina ko at may note pa.
Alagaan ko raw ang sarili ko dahil aalis siya saglit, may aasikasuhin daw siyang importante tungkol sa pamilya niya.
Kung tungkol sa pamilya niya, wala na kaming magagawa doon. Tinawagan namin ang magulang niya pero hindi naman daw nila nakakausap si Crenz.
Halos tatlong linggo na rin siyang wala. Wala kaming makalap na balita sa kaniya. Pati private investigator namin hindi siya ma trace.
"Ang galing niya mag tago. Kapag siya talaga ang gumawa masyadong pulido"
Naiiling na ani ko.
"Paano ang band competition?"-Nemi
Malapit na ang foundation day. May halos isang linggo nalang kami para sa preparation.
"Hindi ko alam"
Umupo ako habang napapaisip kung ano ang mangyayari sa band competition.
Hindi rin naman kasi ako papayag na palitan si Crenz. Hinihiling ko lang ngayon na bumalik na siya para hindi na ako malito pa.
"Nasa'n si Hans?"-Nemi
Isa pa 'yang si Hans nakakapanibago.
Sobrang sigla niya na parang hindi makatotohanan. Parang pilit na sigla. Naging ganiyan siya simula no'ng mawala si Crenz.
"Wala ba talagang relasyon si Crenz at Hans? Ang weird ngayon ni Hans. Halos siya na umaako ng ginagawa natin. Parang hindi niya hinahayaan ang sarili niyang makapag isip ng iba. May pinipilit siyang hindi maalala"
Sabi ko
"Wala silang relationship bukod sa friendship. Bakit parang curious ka? Nabagok na ba ulo mo at natauhan ka na?"
Nginiwian ko siya
"Sinasabi mo diyan?"
Inirapan niya ako.
"Tsk.. manhid"
Napakamot nalang ako sa tenga ko.
"Halika na nga. May gagawin pa tayo"
"Saan tayo?"
"Next month na ang top 50 student exam. Subukan nating kausapin si Mr. Warren kung may kailangan pa sila"
Hinila ko siya pa tayo pero hinila niya rin ako
"Ayoko!"
Gulat na tumingin ako sa kaniya
"Ano bang ginagawa mo?"
Nag iwas siya ng tingin.
Nag process muna utak ko sa inaakto niya saka ko napagtanto ang isang bagay.
"Don't tell me may nagawa kang kasalanan sa kaniya?"
Mas lalo siyang nag iwas ng tingin.
"Tell me"
Nag cross arm ako sa harap niya.
"Wala akong kasalanan sa kaniya. Pero parang gano'n na nga hehehe"
Tinaasan ko siya ng kilay
"Ano 'yon?"
Napakagat siya sa kuko niya
"Stop it"
Pigil ko sa kaniya dahil napaka pangit na habit 'yon.
Inalis naman niya ang kuko niya sa bibig niya
"Ano 'yon?"
"Sinabihan niya kasi akong makipag date sa pamangkin niya."
Nailang ang itsura niya
"Tapos?"
"Hehehe tiningnan ko muna kung anong itsura."
Tinaasan ko ulit siya ng kilay.
Nag ekis sign siya sa pamamagitan ng daliri niya.
"Pfft.. HAHAHAHA"
Bigla akong natawa.
"Oh tapos hindi mo na sinipot?"
"Hehehe"
Matik na kung ano ang sagot niya.
"Mag libot nalang tayo"
Tumango siya.
Lumabas na kami ng HQ at saka nag lakad papunta sa school ground
"Sandra!"
Sabay kaming tumingin sa tumawag sa'kin.
Si Jerick.
"Bakit?"
"Itatanong ko lang kung nakabalik na ba si Crenz."
Hindi ito ang unang beses na may nag tanong patungkol kay Crenz sa kung nakabalik na ba siya galing sa grupo nila.
Tatlo sila ni Liphyo, Mike at Jerick sa salit salitang nag tatanong kung naka balik na ba si Crenz.
"Wala pa rin kaming balita sa kaniya. Bakit?"
Umiling siya
"Wala, sige salamat!"
Aniya saka tumalikod.
Hindi pa siya nakakalayo ay bigla siyang tumingala.
"Dinugo na naman ata ang dalaga nila"
Natatawang pansin ni Nemi.
"Pfft.. Tara na"
Nag simula na naman kaming mag lakad.
*RING*
Agad kong kinuha ang cellphone ko saka sinagot ang tawag kahit hindi pa tinitingnan 'yon.
"Hello?"
"Sandra"
"Nina?"
Kinonfirm ko kung siya ang caller at siya nga.
Lumapit sa'kin si Nemi.
"May meeting tayo ngayon mismo"
Nagulat ako
"Ha? Bakit parang nag mamadali ka naman?"
"May malaking revelation. Nag tipon tipon na lahat ng members sa meeting building. Dalian niyo, urgent 'to"
Pinatay na niya ang tawag.
Tumakbo na ako papunta sa parking lot habang nakasunod sa'kin si Nemi
"Ano bang nangyayari?"
"Tawagan mo silang lahat. Kailangan nating pumunta sa conference building"
"Ha!"
"Dalian mo na!"
Mabilis niyang pinindot ang emergency alert para maabisuhan sila.
"Tapos na Pres!"
Pumasok kami sa Van.
Wala pang tatlong minuto ay natanaw na namin si Hans.
Agad siyang pumasok sa driver seat.
"Anong meron?"
Nag mamadaling aniya habang binubuksan ang makina ng Van.
"Sa conference tayo"
Nag mamadaling sabi ko sa kaniya.
Agad naman siya doong nag drive.
Pag dating namin doon at napakaraming guard ang sumalubong sa'min sa labas palang.
Nakakapag taka. Parang no'ng nakaraan lang walang sumalubong sa'min ni isa at ang dilim ng paligid, pero ngayon marami sila at maliwanag na ang paligid.
"Ano 'to? Ano bang nangyayari?"
Tanong ni Hans
Pag baba palang namin ay yumuko na ang mga gwardiya namin at saka kami pinalibutan para protektahan.
"Can somebody tell us what's happening?"
Inis na tanong ko.
"Ma'am malalaman niyo rin po sa loob"
Sa kilos kasi nila kinakabahan at naiinis ako.
In escort nila kami hanggang sa makapasok kami sa conference area.
Noong nakaraang meeting ay puno ang conference building na 'to, ngayon ay halos mapanganga kami dahil punong puno ito at halos wala nang maupuan ang ibang tao.
Nang makapasok kami ay tumayo silang lahat at nag bigay galang sa'min, gano'n din kami sa kanila.
Inalalayan ako ni Hans makababa ng hagdan.
Nag kakagulo sa harapan ang mga announcer at nandoon din si Mr. Harold Tan.
"Dito, Sandra!"
Pukaw ng atensyon namin ni Tyro.
Agad kaming lumapit sa kanila
"Ano bang nangyayari?"
Tanong ko kina Nina.
Sobrang daming tao kaya mukhang seryosong usapan 'to.
"Hindi ko rin alam. Nagulat kami nang tawagan kami ng R.O. (Royal Organization). May mahalaga raw silang ibabalita."
Nag bubulungan ang lahat at mistulang puro bubuyog ang paligid dahil sa bulungan na 'yon.
"Hey! Anong nangyari? Nasaktan ka ba Sandra?"
Humihingal na tanong ng kambal habang chinicheck ang kalagayan ko. Kasama na rin nila si JM.
"No, I'm fine."
Sagot ko sa kanila na ikinahinga naman nila ng maluwag.
"Good afternoon everyone. We're very sorry for interrupting your time for this urgent matter."
Panimula ni Mr. Tan
"3 years ago as what we recall, Phalyn Zaylous has a been victim in gang rape case. For the first time in this case, Phalyn's rapist has been caught. The five suspects admitted their crime and were already sent to prison. They are sentenced to a lifetime imprisonment."
Manghang napanganga at namuo ang luha ko sa mata habang napatakip ako sa bibig ko sa sobrang pagkabigla.
Kaagad kong naalala si Hans. Agad ko siyang tiningnan. Wala akong nabasang reaksyon sa mukha niya.
Para lang siyang nakalutang sa ulap at walang maramdaman.
Sa sobrang tuwa ko ay agad ko siyang niyakap.
"Stop blaming yourself from now on Handriko. Sisiguraduhin nating pahihirapan natin sila hanggang sa sila na mismo ang kusang sumuko sa buhay nila dahil sa kawalan ng pag asa"
Nakita ko kung paano niya sinisi ang sarili niya habang binuburol si Phalyn. Lagi niyang sinasabing sana siya nalang ang namatay dahil hindi deserve ng bata ang gano'ng bagay.
"*Sniff* Buhay pa sana siya kung hindi ako tanga"
Naiiyak na aniya.
Lumayo ako sa kaniya para tingnan siya.
"Tumingin ka sa'kin Zimmer."
Hindi siya tumingin sa'kin kaya wala akong nagawa kundi ang pasunurin ang mata niya papunta sa'kin.
Nang maka tingin na siya...
"Tapos na Hans. Matatahimik na si Phalyn at mapapanatag na si Pheulous. Hindi ba 'yon nalang ang hinihintay mo?"
Lumuluhang ani ko
"Kahit anong gawin ko *tear dropped* 'yong sakit at guilt sa loob ko, hindi ko maalis. Sana buhay pa siya kung maaga akong dumating."
Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya.
"Tama na."
Pag papatigil ko sa kaniya.
Niyakap ko siya nang mahigpit para malaman niyang hindi siya mag isa sa problemang dala niya.
"Be strong Handriko. Sisiguraduhin naming makukuha namin ang limang 'yon at ililipat sa kulungan natin. Hindi na ako mag aaksaya ng panahon."
Sabi ni Tyro na kaagad pinigilan ni Nina.
Umalis ako sa pag kakayakap kay Hans at saka tumingin sa kanila.
"Ipapautos ko 'yon. Ako ang bahalang mag lipat sa kanila ng kulungan. Ipapakita ko sa kanila ang kababuyan nila, may kapalit na karma."
Galit na pahayag ko sa kanila.
"We're counting on you Sandra"
Taas noo akong tumango dahil maling mali sila nang kinalaban. Mahalaga si Phalyn sa RO at ang lakas ng loob nilang galawin ang batang 'yon.
Sobrang ingay ng paligid.
Kami ay na unahan malapit sa stage na nakatayo habang nag uusap samantalang ang iba ay nakaupo at inis at galit ang makikita sa mga reaksyon nila.
Nag kagulo ang paligid nang mag kaniya kaniya silang taas ng kamay para mag tanong.
"Sir! Sino ang nakahuli?"
Bigla akong napatanong sa sarili ko kung sino nga ba ang humuli.
"Hindi na mahalaga ang bagay na 'yon. Panoorin niyo nalang 'tong balita sa mga suspect para masagot ang iba niyo pang katanungan"
Naupo kaming lahat sa mga designated na upuan namin.
Wala ang pamilyang Zaylous, mukhang inasikaso na ang kaso.
Nag play sa malaking screen ang isang balita.
Ipinakita sa screen ang kalunos lunos na sinapit ni Phalyn talahiban na 'yon.
"Nahuli na ang limang lalaking sangkot sa panggagahasa sa pitong taong gulang na grade 1 student sa nakalipas na tatlong taon noong Oktubre 21. Nakonsensya di umano ang mga lalaking nanggahasa bata kaya sila sumuko."
Napansin ko ang pag kuyom ng kamao ni Hans dahil sa narinig.
"Mga hayop. Sisiguraduhin kong dahan dahan ko silang pahihirapan hanggang sa sila mismo ang pumatay sa sarili nila"
Gigil na sabi niya habang masama ang tingin sa stage.
Hinawakan ko ang kamao niya para sana pakalmahin siya. Tiningnan niya ako nang gawin ko 'yon.
"Huwag mo akong pipigilan"
"I chi cheer pa kita"
Nakangiting pag sang ayon ko sa kaniya.
Natapos ang pag babalita saka nag salita muli si Mr. Tan.
"Nabawasan ako ng kaunting tinik sa lalamunan nang mahuli 'tong mga hayop na 'to."
Nagulat kami nang mag mura siya. Bagay na hindi niya madalas ginagawa.
"Kaya pala hindi sila nag karoon ng lead patungkol sa mga hayop na 'to. Matataas pala ang posisyon sa politika ang mga magulang ng mga hayop na 'to. Sisiguraduhin namin na hindi na makakatakbo pa sa politika ang mga 'to. Magulang na kusintidor sa mga anak nilang suwail at kriminal.
Ito ang dahilan kaya kailangan ng organization natin ng mga iba't ibang propesyon ng mga tagapag mana. Walang pulis sa presinto na 'yan na kabilang sa organization natin kaya hindi man lang tayo naka kuha ng hint sa kasong 'yan."
Galit na paliwanag niya.
"Isa itong magandang balita sa hustisya ng bata. Ngayon! Gusto naming ipaintindi sa inyong lahat na kailangan ng matinding seguridad ang bawat successor ng organization. Wala nang problema sa successor ng king's deck dahil ang ibang successor ay nag sama sama para pangalagaan siya. Mula sa malayo ay palaging may nakasunod sa kanila na body guards kaya mapapanatag kami. Ang ibang successor ay mag kakaroon ng dalawang bodyguard. Iyon ang napag pasyahan ng mga elders."
Nag palakpakan silang lahat.
"And for another announcement. Queen's deck comeback and Mr. Roft Acer birthday party will celebrate in the same day.
Thank you for coming here today. I hope to see you all in that party. Have a nice day, thank you, goodbye"
Nag bow siya saglit at saka tumalikod at sumama sa ibang elders.
"San na tayo ngayon?"
Tanong ni JM
*RING*
Tiningnan ko ang caller.
Unknown number.
"Bakit ganiyan ka makatingin?"
Tanong ni Nemi sa'kin saka tiningnan ang phone ko.
"May iba ka bang pinag bigyan ng number?"
Sa pag kakaalala ko ay wala naman.
"Sagutin mo, baka importante"
Sabi ni Nina.
Nag aalangan pa akong sinagot 'yon.
"Hello?"
"Bakit an'tagal mo namang sumagot? Psh!"
Nanlaki ang mata ko sa narinig kong boses
"CRENZ!!"
Masayang bati ko saka tumingin sa kanila.
Na excite rin sila sa narinig nila.
Ni loud speaker ko ang phone ko para marinig naming lahat.
"Bakit kailangan mo pang sumigaw?"
Reklamo niya. Mukhang nakakunot noo na 'yon kung nasa'n siya.
"Crenz! Nasan ka ba?"-JM
"Master, miss na miss na kita- *PAK* aw!"-Migs
"Oa mo"
Ngisi sa kaniya ng kambal niya.
"Nasa Rio Resort ako. Bilisan niyo hihintayin ko kayong lahat dito. Huwag na kayong mag bihis, hayaan niyong si Hans ang manlibre sa inyo ng susuotin niyo-"
Tumingin kaming lahat kay Hans
"O-oh?! Bakit ako?"
Natawa kami sa ekspresyon niya.
"Biro lang. May mga pamalit na dito. Let's celebrate and unwind for awhile. Kung kayang sumama ng grupo nila Pula, yayain niyo na rin. Nakita ko 'yong sarili kong scandal, medyo nahiya naman ako kahit papaano. Naging mainit na usapan din 'yong nangyari. Gusto ko humingi ng proper apology sa kanila."
Nag katinginan kaming lahat.
"Sure master! Papunta na kami!"
Namatay na ang tawag.
"Ano pang hinihintay niyo?! Tara na!"
"WOOOOOOOHH!!!"
Sigaw ng mga lalaki namin habang masayang natatakbuhan pataas ng hagdan.
Wala na gaanong tao dito sa loob dahil nag sibalik na sila sa mga trabaho nila.
Sabay naman kaming nag punta ni Nina sa harap ng mga elders at saka yumuko sa kanila.
"Mauuna na po kami. Salamat po sa information na binigay niyo ngayong hapon. Nagustuhan po talaga namin."
Ngumiti sila sa'min
"Have a safe trip kids. Anyway, give this to Vilarde"
May inabot sa'kin si Mr. Tan na isang supot ng mga candy.
Gusto ko pa sana mag tanong kaso baka mag iba ang mood ni Mr. Tan.
"Thank you Misters. Well go ahead"
Yumuko muli kami sa kanila at saka tumalikod na.
"Crenz is someone who you will never expect"
Sabi ni Nina.
Kumunot naman noo ko sa sinabi niya.
"Why? Paano mo nasabi? Kilala mo na ba si Crenz?"
Nakangiti siyang umiling.
"No, but I can sense"
Napangisi ako sa sinabi niya.
"Crenz? Crenz is Mystery"
Naiiling nalang kaming lumabas sa building at doon naabutan ang mga lalaking nag tatawanan dahil sa kalokohan nila.
"Pasok na sa Van. Baka layasan na tayo ni Crenz dahil sa sobrang tagal natin."
Sabi ko sa kanila.
Natatawa naman silang sumunod.
Binilang ko kaming lahat.
"10, Sakto lang tayo sa Van"
Sabi ko kay Nemi.
Sobra pa nga ng isa eh.
"Tara na"
Pinagitnaan ako ni Hans at Nina.
Si Tyro at JM naman ang nasa unahan.
"KAJAAAA!!"
Sigaw ni Tyro saka pinaandar ang sasakyan.
Nag sigawan naman ang mga siraulong lalaki sa likod.
"Jigs? Ayos ka na ba? Baka bawal pa sayo 'yong ganito?"
"Bawal pa nga ako mapagod pero hindi naman ako mag liligalig doon. Tutulong nalang ako sa pag luluto o mag papahinga."
Mapaklang sagot ni Jigs
"Basta guys, bawal kayong madisgrasya ngayon. Crenz is here and she'll be worried if something happen to all of you"
Paliwanag ko sa kanila.
"Noted Presi."
Sigaw nila sunod sunod saka nag tawanan.
"Na contact ko na sila Attienza. Unfortunately, may shoot sila ngayon"-JM
"Edi mas maganda. Mas malaya tayong makakapag kwentuhan lalo pag patungkol sa organization"-Migs
Sabagay.
"Matulog muna kayo dahil medyo malayo layo pa ang Rio Resort. "-Tyro
Gaya ng sinabi niya, nakatulog nga ako.
TYRO'S POV
Ilang oras din kaming bumyahe bago makarating sa resort.
Nag lalakad na kaming lahat papunta sa naging pwesto namin noong nakaraan dito sa beach.
"Si Yara ba talaga 'to?"
May ngiti sa labing tanong ni Daniel.
Kahit ako ay nag taka sa sinabi niya.
Si Yara? Nanlibre?
Di lang basta bastang libre, nag yaya rin gumala at sa malayo pa ah?
Sinikap naming mag bulung bulungan para hindi marinig ng mga bata.
"Mukhang bumabawi sa'yo Hans ah"
Nakangiting asar ko saka inakbayan si Hans na parang tanga sa ngiti.
Sa totoo lang, hanggang ngayon sariwa pa rin sa'kin 'yong nangyari noong nakaraang mga linggo.
Sa tuwing tumitingin ako kay Hans, naaawa ako at nasasaktan. Wala nga naman kasi ni isa sa'min ang nag tanong kung ayos lang ba siya o kung ayos lang bang iwan namin siya. Mula pagka bata mag kakasama na kami kaya panatag akong wala siyang mararamdaman na gano'n dahil nag kakasawaan na kami sa isa't isa hahaha..
Hanggang ngayon, dinudurog pa rin ako ng mga sinabi niya. Umalis ako, si Nina, si Ryker, si Crenz, naging busy naman sina Chelsea at Daniel para sa future nila sana na hindi na nag work out, samantalang siya naiwan mag isa pasan ang malaking bahagi ng organization dahil siya lang ang nandito sa Pinas.
"Anong bawi sa'kin? Bumabawi 'yan sa lahat dahil umalis siya ng walang paalam. Kilala ko na 'yan si Yara, kahit hindi sweet marunong pa rin naman bumawi."
Matunog kaming ngumiti
"Kilalang kilala mo talaga si Yara"
Nginisian niya kami
"Matagal na panahon din akong nahumaling sa kaniya 'no"
Tatawa tawang aniya.
Mabuti nalang at nauuna ang mga bata kasama sila Nina. Hindi nila maririnig ang pinag uusapan namin.
"At ngayon nahumaling ka ulit?"
Pang aasar ni Daniel
"Ano? Bakit naman?"
"Ayiiieeehhh"
Sabay na asar namin sa kaniya
"Ano ba? Mga bakla!"
Tinulak niya kami.
"Kiniss ka niya sa pisngi noong nakaraan diba? Ano pre, heaven ba?"
Nag kamot siya ng ulo saka ngumiti
"Sa totoo lang, natauhan ako nang gawin niya 'yon. Tapos pakiramdam ko na naman ulit lumilipad na naman ako sa ulap. Alam mo 'yon? Crenz Yara 'yong humalik sayo"
May halong kilig pa na aniya.
Bigla tuloy akong nainggit hahahaha..
Biro lang. Masaya na ako kay Nathalie Martin topakin.
Natutuwa ako dahil bumabalik na ulit ang Hans namin.
Nitong mga nakaraang araw kasi hindi siya nag sasalita gaano. Kapag yayayain namin lumabas ni Daniel, hindi sumasama tapos lagi pang pinapagod ang sarili.
Pakiramdam namin sinisisi niya ang sarili niya sa pag alis ni Yara. Gano'n din kasi ang ginawa niya noong umalis si Yara. Mag aapat na taon na rin pala simula no'ng mangyari 'yon.
"Tama na 'yan HAHAHAHA mas mukha kang bakla Handriko. Alam mo? Kausapin mo na ang sarili mo Hans kung sino ba talaga ang gusto mo sa kanila. Kaya siguro hindi ka binibigyan ng chance sa dalawa dahil dalawa silang gusto mo. Huwag kang timer pre HAHAHA"
Asar ni Daniel
Siniko ko naman siya
"Ahk!"
"Manahimik ka nga. Umaayos na mood nito, huwag mo nang sirain"
Mariing bulong ko kay Daniel.
Tinapik niya lang ako ng dalawang beses sa balikat as sign na mali siya.
"Alam ko naman kung sino talaga ang gusto ko, kaya lang hindi ko maalis si Yara sa dibdib ko."
"Gago, ba't mo kasi aalisin? Kami nga nasa puso pa rin namin si Yara kasi prinsesa natin siya. Ang gawin mo, huwag mong hayaang malamangan ni Yara ang nararamdaman mo para kay Sandra. Special sa'tin si Yara at never mag babago 'yon"
Paliwanag ko sa kanila.
"Wow! Parang nag bago ka pre. Naging matured ka lately. Nasa'n 'yong siraulo naming kaibigan? 'yong pilyong Tyro?"-Hans
Ginulo ko ang buhok niya
"Gago, lika nga dito para mapatay kita"
Hineadlock ko siya.
"Hoy masakit!"
Nag hahabulan kami nila Daniel at Hans hanggang sa malampasan namin sila Nina sa nilalakaran nila.
"Hoy! Huwag nga kayong parang mga bata!"
Sigaw ni Chelsea pero patuloy pa rin kami sa pag takbo hanggang sa makalayo kami sa kanila.
Tatawa tawa kaming nag hahabulan hanggang sa makarating kami sa kinaroroonan ng pwesto ni Yara.
May tabing ang parte ng papunta sa kaniya kaya hindi namin tanaw ang mga ginagawa niya.
Nakangiti kaming tatlong nag tungo sa labas ng tabing at sabay sabay kaming napahinto pag silip namin sa loob ng tabing.