Bahagya pa akong napaatras at saka tumingin kay Daniel na gulat din sa nakita niya. Tumingin ako kay Hans na malaki ang ngiti sa labi.
"Hoy! Bakit nakatanga lang kayong tatlo diyan? Tulungan niyo na si Crenz sa pag aayos ng-"
Napahinto rin si Nina sa pag sasalita nang makita ang tinitingnan namin. Gulat na tumingin din siya doon saka tumingin kay Daniel at kay Chelsea na malapit na sa pwesto namin.
Tumingin ako kay Nina na nag tatanong. Nag kibit balikat lang siya saka tumingin kay Daniel.
"Oh anong eksena 'yan? Anong mero-"-Nemi
Sabay sabay silang dumating at pare parehong natigilan sa likuran namin.
"Annyeong"
Bati sa'min ni Raffy.
Nalintikan na.
"Raffy? Bakit nandito ka?" Tanong ko
"Ganiyan niyo ba ako I wewelcome? Apat na taon niyo rin ako hindi nakita. 15 pa ako no'ng panahong 'yon, ngayon mawawala na ako sa teenage years.. hays"
Lungkot lungkutan niya.
'Ang pangit ng timing mo Raffy. Kaka break lang ni Daniel at Chelsea, bakit naman bumalik ka sa ganitong pag kakataon?'
Gustong gusto ko siyang sabihan ng ganiyan.
"Yah, guemanhae. Kakadrama mo diyan masusunog na 'tong iniihaw mo"
Untag sa kaniya ni Yara.
Doon lang namin napansin si Yara na nakalapit na pala sa pwesto namin.
"Aigoo! Jeosonghamnida"
Matapos tingnan ni Yara si Raffy, sa'min naman siya tumingin.
"Woooow Master! Babaeng babae ka ngayon ah!"-Migs
Tiningnan lang siya ni Yara
"She never failed to amaze me"-Hans
Kahit ako ay nagandahan sa itsura ni Yara.
Short shorts, fitted t-shirt and messy bun.
Napaka simple niya pero ang lakas ng dating.
"Titingnan niyo lang kami? Hindi kayo tutulong?"
May katarayang aniya.
"Tutulong, tutulong kami"
Muntik pang mautal si Daniel doon.
Nag kaniya kaniya kami ng tulong sa kanila.
Kaming mga lalaki ay inayos ang mga tent at picnic cloth habang ang mga babae naman ay tumulong sa pag luluto at pag iihaw.
"Huwag muna natin isipin ang mga bagay na naiisip niyo. Nandito tayo dahil bumalik na si Crenz at dagdag na rin ang pag babalik ni Raffy after 4 yrs. Ang mga personal na bagay, huwag niyong dalhin dito. Mag enjoy tayo ngayong gabi."
Babala sa'min ni Hans habang nag tatali siya ng tent.
"I'm totally fine about it, I'm sure Daniel is fine with that, right Danny?"
Paninigurado ko.
Parang bumalik si Daniel sa kasalukuyan nang sabihin ko 'yon
"H-ha? O-oo naman.. I mean, wala na kami ni Chelsea.. I mean- a-ah-"
Inakbayan ko siya.
"Lika doon pre, samahan mo akong manghingi ng kahoy para sa bonfire"
Hindi ko na rin matagalan ang awkward aura na nakapaligid sa'min.
Hindi ako sigurado kung alam ni Crenz ang bagay na 'to.
Wala rin namang alam si Raffy sa bagay na 'to kaya masaya siyang makita muli ang mga dati niyang kaibigan.
Napaka dami kong tanong na ngayon na tanging si Yara lang ang makakasagot.
"SANDRA! KUKUHA LANG KAMI NG KAHOY!"
paalam ko sa kanila
"Ok!"
Sagot niya saka bumalik sa ginagawa niya.
"Halika na!"
NATHALIE'S POV
Ayokong maipit sa sitwasyon nila kaya inalis ko nalang sa isip ko ang mga hindi dapat isipin pa.
"Kelan ka pa bumalik ate Raffy? Nag sawa ka na ba sa Korea? Tsaka paano mo nakilala si Crenz?"
Tanong ni Sandra.
Lahat kami naging interesado sa sasabihin niya.
"Ah, kararating ko lang dito 1 month ago. May nabalitaan kasi ako kaya bumalik ako agad. Si Crenz naman nakilala ko siya no'ng mga bata pa kami. Sabihin na nating best friend ko siya"
Nakangiting sabi ni Raffy
"Best friend your ass."
Bulong ni Crenzy na ikinatawa ko naman.
"Tsk Crenz, parte siya ng organization kaya mag bigay ka ng konting galang-"
"Hindi na ako si Crenz Yara Vilarde kung marespeto ako"
Pag susungit naman ni Crenzy.
"Let her be. Sanay na ako sa ganiyang ugali niya. Aware naman siguro kayo na mas worst 'yong ugali niya noong mga bata pa kami- *PAK*"
Binato siya sa mukha ni Crenzy ng crumpled paper
"Ah! Micheoso?!"
(Are you crazy?!)
Kunot noong tanong ni Raffy. Sinalubong naman siya ng tingin ni Crenz
"Aish gaesaekki, wae?! Jugeullae?!"
(Son of the bitch, why?! You want to die?!)
Sigaw naman sa kaniya ni Crenz na kaagad kinabahag ng buntot niya
"Ani, SARANGHAEYO!"
Iling iling ni Raffy saka pina kurba ang dalawa niyang kamay sa tuktok ng ulo niya upang makagawa ng hugis puso, saka tumingin ng diretso sa mata ni Crenzy.
"Wow! Marunong ka mag salita ng Korean language Crenz?"
Manghang tanong ni Nemi
"Tinuruan ko siya no'ng mga bata pa kami. Kaso ang mga naalala niya lang puro masasamang salita- WAAAAAAAAAH!"
Tumakbo ng mabilis si Raffy dahil hinabol siya ng kutsilyo ni Crenzy.
"HAHAHAHAHAHAHA"
Tawa kami nang tawa habang tinitingnan silang mag habulan.
"AHHH! CHE ITAGO MO 'KO!"
Mabilis na nag tago si Raffy sa likod ni Chelsea.
Nakangiting nakatingin si Chelsea palikod dahil nasa likod nga niya si Raffy
Hawak lang ni Crenz ang kutsilyo habang nasa harap ni Chelsea.
"Yah, bikyeo"
(Hey, step aside)
Utos ni Crenz kay Chelsea.
"She's holding my shoulder"
Natatawang sagot naman ni Chelsea
"Huwag kang makinig sa kaniya Che, makakapatay siya kapag ganiyan ang tono niya"
Hingal na sabi ni Raffy
"Ayos lang. Sa inyo lang naman ni Tyro nagiging ganiyan si Crenz eh"
Natatawang ani ko
"Wait I don't get it"-Sandra
Bigla akong natauhan sa sinabi ko. Hindi nga pala nila pwedeng malamang may koneksyon kami. Gaya nga ng sabi namin dati, ayaw ni Crenz na maisip nila na kaya lang siya nakapasok ay dahil may kapit siya, which is kami.
"Hindi mo kasi nakita no'ng nasa barko eh. Binalibag ni Crenz si Tyro dahil sa pinainom ni Tyro kay Attienza"
Simpleng ani ko. Sa tono ko bihira nalang may mag hinala sa'kin.
Nakangiting umiling iling nalang si Sandra sa nalaman.
"Tsk.. huwag mong ungkatin ang kabataan natin. Kung maibabalik ko lang ang panahon, mas pipiliin kong hindi ka nakilala-"
"Ouch! You're hurting my feelings babe! Mag karugtong ang kaluluwa natin. Hindi man tayo mag kakilala noon, paniguradong ngayon makilala mo pa rin ako. Destiny tayo eh"
Proud na sabi niya.
"Sabing tumigil ka na Rafflesia. 'sing baho mo ang pangalan mo"
Walang emosyong sabi ni Crenzy sa kaniya
"Pfft.." kaniya kaniya kaming bungisngis ng mga babae dahil sa sinabi ni Crenz.
"Hey, that's foul"-Raffy
Bumalik na kami sa mga ginagawa namin. Lumapit ako kay Crenz habang nag hihiwa ako ng karne ng baboy.
"Sa'n ka nanggaling? Alalang alala sayo si Kuya Mil"
Bulong na tanong ko sa kaniya.
"May biglaang assignment ang binigay sa'kin ni Mr. Tan."
Ahhh.. si Mr. Tan pala nag bigay
"Bakit hindi ka man lang tumawag? Bakit hindi ka umuwi?"
Seryoso lang siyang nag marinate ng manok.
"Seryosong assignment 'yon. Hindi basta bastang assignment. Hindi mo talaga ako makikitang umuwi sa bahay kapag ang binigay sa'king assignment ay mabigat"
Nakakuha agad ako ng hint sa sinabi niya.
"Pero wala ka namang sugat 'no? Nagalusan ka ba?"
Sinubukan kong suriin ng palihim ang itsura niya.
"Kitang kita mo na halos lahat ng balat ko. Hindi pa ba sapat 'yan?"
Nakahinga ako ng maluwag.
"What's with Raffy? Why are you with her?"
Bigla bigla nalang kasing nag paramdam si Raffy eh. Gaya ni Crenzy, ayaw din ni Raffy na madawit sa organization. Hanggat kaya ni Raffy, lalayo talaga siya para hindi masangkot sa kahit ano na meron ang R.O., ang kaso lang gaya namin mahalaga at espesyal si Crenzy para sa'min kaya siguradong isang tawag lang darating na siya.
"I need her help"
Wow! She needs help!
"Bakit hindi sa mga lalaki natin?"
Seryosong seryoso siya sa ginagawa niya
"At bakit naman hindi kay Raffy?"
Napa buga nalang ako ng hangin. Bihira ka lang talaga maka kuha ng matinong sagot sa kaniya.
"Alam mo namang kaka break lang ni Daniel at Chelsea-"
"Wala akong pakealam sa personal feelings nila. Tumawag ako kay Raffy dahil kailangan ko siya at hindi para alamin o i survey ang relasyon nilang tatlo."
May bahid ng pagkairita na aniya.
Tama nga naman siya. Ayaw na ayaw niyang nababahiran ng personal na nararamdaman niya ang trabaho niya, isa ata 'yon sa ipinaintindi sa kaniya ng pamilya niya.
"Pero alam mo 'yong sa kanilang tatlo? Paano?"
Nangyari ang mga bagay na 'yon apat na taon na ang nakalipas.
"Wala akong alam sa kanila pero dahil sinabi mong kaka break lang nila, naisip ko na agad na personal nila 'yon. At mas lalong walang alam si Raffy sa kung anong dahilan kung bakit nadadamay ang pangalan niya sa mag nobyong 'yon. Hindi ko rin alam kung alam nga niyang damay siya."
Sabay kaming tumingin kina Raffy na nagtatawanan habang gumagawa silang apat.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Ok-"
"Si Pula?"
Natigilan ako sa pag hiwa sa tanong niya.
"Ha?"
"Anong balita sa kaniya?"
Tanong niya habang nag mamarinate pa rin.
"Sa bagay na 'yan, si Sandra ang makakasagot niyan. Naging busy din ako lately dahil sa thesis namin. Huwag kang mag alala, hindi pababayaan nila JM ang isang 'yon"
Nag patuloy ako sa pag hiwa.
"Anong meron sa kanilang tatlo?"
Natigilan na naman ako dahil napa isip ako sa kung sino ang tinutukoy niya.
"Ah sila? Mas magandang mag masid ka nalang. Hindi rin kasi ako sigurado kung tama pa rin ang nasa isip namin eh"
"Ah.. ba't nag aalala ka?"
Inaiwan niya akong nakanganga dahil sa tanong niya.
Sa isang tanong niya, kaya ka niyang palabasing tanga o walang alam, kaya dapat kapag kaharap mo siya o kausap mo siya, huwag kang tatanga tanga kundi susupalpalin ka ng sasabihin niya.
Oo nga naman, hindi naman ako sigurado kung tama ba ang hinala namin sa kung bakit si Chelsea nakipag break, ba't ako nag aalala? Buhay na nila 'yon. Wala ka namang magagawa kundi mag forgive, forget and accept, 'yon lang ang choices mo.
"Anong itsura 'yan? Prinangka ka ba niya?"
Nag papalit palit ang tingin ni Nemi sa'kin at kay Crenz na kinakausap ang kambal.
"Hindi pero parang gano'n"
Napakamot siya sa ulo niya.
"Ate Nina?"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"What the heck? Ate? Gusto mo bang kutusan kita? Mas matanda ka pa nga sa'kin ng isang taon eh"
Masama pa rin ang tingin ko sa kaniya at tinawanan niya lang ako.
TANGING ang bonfire nalang ang nag silbi naming ilaw nang mag gabi na.
Nakapaligid kami doon matapos naming kumain nang hapunan.
Ang mga natirang inihaw ay ginawa nilang pulutan. Ang mga lalaki, si Crenz at Raffy lang ang umiinom.
"Crenz? Saan ka ba talaga galing? Tatlong linggo ka nawala, kala ko di ka na babalik."-JM
Walang buwan pero maganda pa rin ang kalangitan dahil sa mga bituin.
"May pinagawa sa'kin ang org. niyo."
Simpleng aniya.
Katabi ni Crenz sa kanan niya si Raffy at sa kaliwa naman niya ay si Sandra. Sa tabi ni Sandra si Hans, Daniel, kambal, JM, Nemi, Tyro, ako at Chelsea.
"Anong klaseng assignment?"-Migs
"'yong limang rapist no'ng bata. Kasama ko si Raffy hanapin 'yong mga satanistang 'yon."
Nagulat kaming lahat.
"Ibig sabihin, no'ng gabing umalis siya doon siya pumunta?"
Bulong ko kay Chelsea
"Malamang gano'n na nga"
Sagot niya sa'kin.
"Naaawa ako kay Hans. Siguro naman matatahimik na siya"
Sabi ko sa kaniya pero hindi siya sumagot kaya tiningnan ko siya.
Siniko ko siya nang makita ko siyang nakangiti habang nakatunganga.
"Hoy, anong ginagawa mo?"
Tumingin siya sa'kin nang naka ngiti saka yumakap sa braso ko habang kinikilig.
"Hoy"
Inalis ni Tyro ang ulo ni Chelsea sa balikat ko
"Ano ba?!"
Masamang tingin na aniya.
"Huwag ka ngang yumakap sa babe ko. Ayon oh, nandoon si Raffy, kapitan mo 'yon"
Napanguso siya.
"Gusto mo na bang mamatay?"
Naiinis na reklamo niya.
Pinisil ko ang pisngi niya dahil ang cute niya.
"Aw!"
"Makinig ka nalang sa surpresa ni Crenzy"
Natatawang nakinig kami sa usapan nila.
Umorder sila Hans kanina ng maraming bottled juice kaya lahat kami may inumin ngayon.
"Paano mo nalaman? Ilang years na kaming walang lead sa mga hayop na 'yon"
Nag kibit balikat siya saka uminom.
"Nako po.. tinamad nanaman siyang mag kwento. Tinatamad nga rin ako mag salita eh"
Reklamo ni Raffy
"Edi hayaan mo silang mag tanong nang mag tanong. Wala naman akong sinabing sagutin mo sila"-Crenz
Napapikit nalang ako habang nag kakamot ng sentido.
"Hoy, kayong dalawa. Ano bang problema niyo sa isa't isa? Bakit ba lagi kayong nag tatalo?"
Uminom lang si Crenz habang nakatingin sa kaniya si Raffy.
"Wag mo 'kong tingnan. Ayoko sa itsura mo"-Crenz
"Pfft!.."- mga lalaki
"Grabe.. ganiyan ba talaga 'pag miss na miss mo 'yong isang tao? Lagi mong aawayin?"
Pag iinarte ni Raffy. Nandidiring tumingin si Crenzy kay Raffy.
"Mag tigil ka baka tapyasan kita ng buhay. Nakakadiri ka"
Iiling iling na sabi ni Crenzy saka inubos ang iniinom niya.
"Crenzy, dahan dahan.. bakit ba inom ka nang inom ngayon?"
Hindi ko na napigilan ang pag aalala. Hindi naman kasi siya ganiyan kung uminom.
"Gusto ko silang patayin"
Natahimik kaming lahat sa sinabi niya. Hindi ang ganitong awra ni Crenz ang dapat mong biruin.
Nag katinginan kaming lahat. Kapwang nag hahanap ng tamang timing para sagutin siya.
Kumuha siya ng panibagong bottled beer.
Gusto ko siyang pigilan pero pinigilan din ako ni Tyro mag salita.
"Hayaan mo siya, di mo rin naman siya mapipigilan."
Nanatiling tahimik ang lahat habang nakatingin sa kaniyang maubos ang beer na kakakuha niya lang.
Matapos niya 'yon maubos kumuha siya muli ng isa pa. Tinanggalan niya na ng takip ang bote.
"A-ah hehehe.. Crenz?"-Nemi
Hindi siya pinansin ni Crenzy, nag patuloy pa rin siya sa pag inom niya.
"Nathalie, pahintuin mo na siya."-Chelsea
Naguguluhan na rin ako kung paano siya pahihintuin dahil baka sa'kin naman siya magalit.
"Nakakailang bote na siya"
Paalala niya sa'kin.
This time tumingin na ako sa linya nila Daniel para mang hingi ng tulong. Mga nag sesenyasan kami kung sino ang gagawa pero patuloy lang sa pag bato sa isa't isa ng utos ang nangyari sa'min. Nag tuturuan kung sino ang gagawa.
Tumingin na rin ako kay Sandra at Hans pero wala rin akong napala sa kanila.
"Pang limang bote na niya"
Sabi sa'kin na Tyro.
"Ikaw nalang kaya-"
"Ano?! Gusto ko pang anakan ka- aw!"
Mariing bulong niya sa'kin.
Tahimik lang ang lahat hanggang sa maka pang anim na bote siya. Binuksan niya lang bote saka tumingin sa kawalan. Makikita na ang pamumula ng pisngi niya.
Bigla siyang napa tingin sa bote ng alak at akma na sanang iinumin nang..
"WHOOPS! WOOH! May inuman pala dito, di niyo agad sinabi di sana kanina pa ako pumunta."
Nakangiting sabi ni Attienza na kararating lang.
Inagaw niya ang dapat iinumin na ni Crenzy na beer.
Nakahinga ako ng maluwag. May taga awat na. May kung anong hiwaga si Liphyo na nakakapag pasunod kay Crenz eh.
"Pula? Anong ginagawa mo dito?"
Kunot noong tanong ni Crenzy habang nakatingin sa beer na iniinom ngayon ni Liphyo.
"Ah? Parte ako ng organization niyo diba? Dapat lang na nandito ako atsaka pinapunta mo kami kanina diba? Nandito na ako."
Nakangiting sabi niya habang pahinto hinto sa pag inom ng beer.
"Thank you Attienza, minsan talaga hulog ka ng langit"-JM
Tinaas niya lang ang beer na hawak niya para batiin kaming lahat. Gano'n din ang ginawa namin bilang pag bati rin sa pag dating niya.
"Anong kabaklaan nanaman ang ginagawa mo? Tsk.. 'lika kumain ka muna."-Crenz
Tumayo si Crenz samantalang busy sa pag inom si Liphyo.
"Lintek halika na sabi eh!"
Hinala niya ang damit ni Liphyo para kaladkarin ito.
"H-hoy! Teka naman- hoy baka mapunit damit ko- oo na sasama na 'ko, bitaw na-"
"Bitiwan mo na 'yang hawak mo"
"Raya! Uy! Tatayo na nga ako eh-uy!"
Reklamo ni Liphyo habang kinakaladkad siya palayo ni Crenz.
Nang makalayo na sila saka kami nakahinga ng maluwag.
"Wow! She's damn hot while drinking!"
Binato ko si Jigs ng panyong hawak ko dahil sa sinabi niya. Sumakto ito sa mukha niya.
"Gusto mo bang bumalik sa hospital?"
Bantang tanong ko sa kaniya.
"Eh? Hindi mo ba nakita-"
"Huwag mo ngang manyakin si Crenz!"-Sandra
"Hoy! Hindi ko siya minamanyak 'no, gusto ko pa kayang mabuhay. Share ko lang naman 'yong nakita ko HAHAHA.. ang pa plastik niyo, imposible namang ako lang ang nakapansin"
Natawa kami. Wala namang papalag doon eh. Ang sexy niya kaya uminom.
"Siya pala 'yong nirarant niyang kailangan niyang ingatan."
Turo ni Raffy patalikod kung nasa'n sila Crenzy.
"Yeah, siya nga. Kailangan niyang mag hintay hanggang January para makaalis sa pangangalaga niya si Attienza."
Sabi ko sa kanila. Hindi ko pa nga pala natatanong ang tungkol sa kapatid ni Nemi.
"Bakit January pa? Pa November palang tayo."-Daniel
Tinitigan ko muna si Nemi. Dahil nakatingin silang lahat sa'kin, tumingin din sila sa tinitingnan ko.
"Bakit nakatingin kayo sa'kin?"
Inosenteng tanong ni Nemi
"May kapatid ka palang lalaki Nemi?"
Interesanteng tanong ko
"MAY KAPATID KA?!"
Tanong nila
Nabibigla namang tumingin siya sa'min
"A-ano naman? Ano ba kayo hehehe"
Napa paypay siya sa sarili niya dahil parang may kaba sa kaniya.
"Bakit hindi namin alam?"-Migs
"Bonak! Kasi hindi naman kayo nag tanong"-Jigs
Hinayaan lang naming mag talo ang kambal
"Nina, stop staring at me-"
"Ano bang itsura niya? May picture ka ba?"
Tanong ko. Na curious talaga ako dahil maganda si Nemi kaya hindi na ako mag tataka kung gwapo ang kapatid niya.
"A-ah kung alam niyo 'yong Quiz show tuwing sabado sa TV, siya 'yong nag champion doon"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"'yong batang 'yon kapatid mo?!"
Nag tanong ang iba kung sino 'yon kaya sinabi ko sa kanila ang pangalan no'n.
Akala ko nag kataon lang.
"Wow! Ang talino niya Nemi. Hindi ko ni minsan narinig sayo na may kapatid ka."-Tyro
"Hindi ko naman kasi trip I share sa inyo. Nakakahiya kayang maging kapatid niyan. Matalino, gwapo, matangkad, mayaman at successor pa."
Nginisian siya ni JM
"Kapag ako kasagutan mo halos purihin mo na ang sarili mo tapos nagiging insecure ka sa kapatid mo? Nasa'n kakapalan ng mukha mo?"
Sinamaan siya ng tingin ni Nemi.
"Syempre maganda naman ako at may utak naman kahit papaano, pero 'yong level no'ng kaniya, malayong malayo sa'kin"
Natawa na lang kami.
"Alam mo bang sikat na sikat siya ngayon sa social media? Top searched kaya siya these past few weeks"-ako
Tumango siya
"Tsk, kung alam niyo lang kung gaano ka bwiset 'yan pag nasa bahay namin. Hindi siya lalayas sa kwarto ko hanggat hindi niya ako na bubwiset."
Napahagikhik lang si Chelsea
"Sana kapatid ko nalang siya"
Kinikilig na aniya habang nakatingin sa phone niya.
"Patingin nga- wow! Reto mo naman ako Nemi"-Raffy
Inagaw agad ni Chelsea ang cellphone niya.
"Ha?! Tsk.. asa ka naman. Ano nalang mangyayari sa mundo pag nag sama ang dalawang mahilig mambwiset?"
Asar ni Chelsea na ikina busangot ni Raffy.
"Bakit kapag sa'kin napaka sungit mo? Dinudugo ka ba kapag ako kaharap mo?"
Inosenteng tanong ni Raffy
"Ano?!"
"HAHAHAHAHA"
Nag tawanan na kami dahil sa mga itsura nila.
"Cute mo talaga"
Ginulo ni Raffy ang buhok ni Chelsea. Inalis niya 'yon saka inayos ang buhok niya.
"Stop messing around Rafflesia"
"Ambaho"-Raffy
Bwiset HAHAHA nabahuan sa sariling pangalan.
"Tama na 'yan. Ikwento mo sa'min kung paano niyo napakulong ang mga hayop na 'yon?"-Sandra
Napukaw ang atensyon namin na ikinaseryoso namin.
"Binalikan namin ang mga leads before. Tapos doon sa talahiban na pinag dalhan sa bata, malayo talaga at hindi sakop ng mga CCTV kaya ang ginawa namin inalam namin kung sino sino ang mga nakapasok doon sa malapit sa matagal ng bakanteng lote. Inalam namin ang mga sasakyan nila pero hindi namin nakita ang kotse na kaparehong pumasok doon sa sa lugar na 'yon kaya nag hanap kami ng panibagong pwedeng daanan ng mga sasakyan. Pag katapos no'n may nahanap kaming lugar at doon nga namin nakita 'yong sasakyan pero hindi namin nakita ang mga lalaki. Nag imbestiga na rin kami sa mga sasakyan. Inabot ata kami ng almost 1 week para maka kuha ng lead kung sino ang mga 'yon"
Nakatutok kaming lahat sa kwento niya.
"Tapos?"-Nemi
"Tapos nakakita kami ng sasakyang may dash cam malapit sa pinangyarihan ng krimen. Kinausap namin ang may ari non kasi ang sabi niya nabura na raw niya ang mga laman no'n. No choice kami kundi ang I restore ang camera niya. Nakita namin doon ang itsura no'ng mga hayop na 'yon.
Nalaman din namin na may pulis na palang nakaalam tungkol sa totoong suspect pero natapalan ng pera ang bibig."
"Anong ginawa niyo sa pulis?"-Sandra
"Tatlo silang nasa hospital ngayon at pare parehong nawalan ng chapa dahil sa ginawa nila. Palihim silang inupakan ni Crenz dahil sa gigil niya sa mga 'yon"
Nag tiim ang bagang ko dahil kung ako ang nandoon baka napatay ko na sila.
"Kaya pala hindi sinumbong dahil sa pamilya. Reputation ng magulang kaya pinatahimik at binaon ang kaso pati na rin dahil sa pera. Muntik nang makapatay si Crenz noong nakaraan. Matapos naming malaman kung sino 'yong mga garapal ang mukha na mga 'yon, kinidnap muna namin. Mga binata pa pala ang mga hayop at tigang sa laman. Nasa 23-25 sila ngayon at ang hayop na leader nila, siya pang pinaka bata sa kanila."
Huminto siya para uminom ng beer niya atsaka nag patuloy
"No'ng una, kinausap namin sila na sumuko na sa pulis habang napipigilan ko pa si Crenz. Ilang beses niya kasing muntik bugbugin sila nang sabay sabay pero sinubukan ko talaga siyang pakalmahin. Pero no'ng mukhang hindi naman silang lahat nag sisi sa ginawa nila sa bata at mukhang tuwang tuwa pa nga ang mga animal, ako na mismo ang tumalikod at nag yosi para antayin si Crenz matapos sa pambubugbog sa kanila. *CHUCKLES* Ending nila napunta sila sa hospital at sinabihan sila ni Crenz na kapag hindi pa sila sumuko 'pag tapos nilang ma discharge, tatapusin niya ang buhay nila at hindi nag bibiro si Crenz sa sinabi niya. Sa labas ng hospital nag hintay kami para itumba sila kung tatakas sila. Swerte nila dahil naunang bumunot ng baril ang mga pulis sa labas ng hospital no'ng discharge na sila, kung nagkataong nakabunot si Crenz, mag he hello sila sa tatay nila sa impyerno"
Paliwanag niya.
Natawa ang iba sa paraan kung paano niya ikwento ang mga kaganapan sa kanila.
"Pag uwi mo last month, dumiretso ka agad sa assignment?"-Sandra
Dahan dahang tumango si Raffy
"Paano ang pag aaral mo?"-Daniel
Naging seryoso kami. Hindi rin kasi pwedeng mag pabaya siya sa pag aaral niya.
Special si Raffy at ang tungkulin niya. Magaling siyang lumaban at halos mapantayan niya ang husay ni Crenzy sa larangan ng martial arts kaya lang medyo mahina siya sa usapang nararamdaman dahil ang pinaka gusto niyang gawin ay bumuntot lang kay Crenzy palagi na alam naming hindi hahayaan ni Crenzy.
"Ha? A-ah hindi ko naman na kailangang pag tuunan ng pansin ang pag cocollege"
"Ha?"
Tanong naming lahat
"Trip ko nalang mag aral ngayon. Tapos na ako mag college last last year. Accelerated ako sa Medicine course. Actually dapat bumalik na ako last year ang kaso lang nag special training kami sa hospital. Sa impluwensya ng R.O. licensed doctor na ako. Heart surgeon to be exact."
Wala man lang bahid ng kahambugan ang tono niya.
Pa isa isa ang naging palakpak ni Jigs
"Wow! Doctor ka na sa mura mong edad?"
Mag tu twenty palang si Raffy.
"Huwag kayong humanga sa'kin dahil may isa pa akong kilala na sa edad ng 17 General surgeon na. Nakapag perform na siya ng tatlong mahihirap na surgery."
Kwento niya habang naka tanaw lang sa buhangin.
Parang naaantig ang puso ko sa narinig ko. Ang galing, paanong gano'ng edad tapos na at doctor na?
Gusto kong makilala ang taong 'yon.
"Wow! As in? Sino siya?!"-JM
Nag kibit balikat si Raffy.
"Isang taon na rin mahigit no'ng hindi siya nag pakita sa'min. Mukhang nag pahinga ang batang 'yon. Ang balita ko nga sa kaniya nag tayo siya ng isang kilalang kilalang shop dito sa Pinas at talagang gustong gusto ng mga negosyanteng makipag partner sa kaniya pero wala siyang pinahintulutan ni isa sa kanila. Sinubukan ding suyuin ng Royal Corporation ang shop na 'yon pero hindi rin pumasa. Grabe 'yong success niya"
Nakangiting aniya habang kinukwento ang mga nalalaman niya.
"Nasa organization ba 'yong tinutukoy mo?"-Sandra
Tumingin sa kaniya si Raffy
"Nope. Tingin ko hindi niyo siya kilala. Kapag nakita ko ulit ang pangalan niya, ipapakilala ko siya sa inyo."
Pfft.. anong klase 'yon? Nababaliw na nga si Raffy.
Matapos niyang sabihin 'yon nag kaniya kaniya kami ng kwnetuhan.
"Weird niya 'no?"
Sabi ko kay Tyro
"Anong weird?"
"Hindi ko alam pero ang weird lang"
Humilig siya sa balikat ko.
"Babe?"
"Hm?"
"Magiging ayos lang ba ang lahat? Sobrang dami nating umalis at lumayo tapos nag sasama sama tayo ngayon. Baka mamaya may mangyaring hindi maganda sa pag babalik ng iba nating mga kasamahan. Natatakot ako sa kaligtasan ng lahat."
Bigla akong napaisip. Oo nga puro sila nag sibalik. Ibig sabihin mas mapapadalas ang mga pag laban namin. Kailangan protektahan ang mga successor at nag sasama sama sila ngayon. Nakakatakot nga. Ito ang bagay na talagang dapat ikabahala ng lahat. Hindi ganito si Tyro kung naiisip pa niyang kaya niya I handle ang lahat.
Higit kaninoman, buhay ni Crenz at Sandra ang importante sa'min.
Si Sandra, dahil sa organization at si Crenz namin dahil sa iniingatan namin siya. Marami silang sacrifices pareho na kailangan naming pahalagahan at pag bayaran.
Sa lagay ni Raffy, alam na naming si Crenz ang poprotektahan niya kung sakaling may mangyaring masama sa'min at si Hans naman kay Sandra.
Hindi na kami kailangang mamili sa dalawa kung sino ang dapat sagipin.
Walang kurap na sasabihin sa'min ni Crenzy na si Sandra ang dapat unahin dahil siya ang mataas na successor. Kahit pinsan ko pa siya, babalian niya ako ng buto kapag nalaman niyang pinabayaan namin si Sandra.
Ayaw ni Crenz sa organization na 'to bata palang siya. Nakikita niya kasi ang pag papahirap sa'min noon pero dahil kailangan niyang mabuhay na hindi dumidipende sa magulang niya, wala siyang choice kundi ang yakapin ang bagay na ayaw niya para mabuhay.
Bumalik si Crenzy at Liphyo sa pwesto nila.
"Anong pinag uusapan niyo?"-Crenz
May dalang juice si Crenz sa kanang kamay niya habang kumakain naman si Liphyo.
"Iyong doctor na 17 years old. Ang galing surgeon na agad siya. Nabalitaan mo ba siya?"-Jigs
Nag taka si Crenz.
"May gano'n ba? Akala ko 25 above ang edad ng nagiging surgeon?"
May ngiti na sa labi ni Crenz.
"Patay, lasing na 'yan"
Sabi ni Hans. Tinawanan namin si Crenz dahil sa itsura niyang mapungay na ang mata.
LIPHYO'S POV
Habang kinakaladkad ako ni Raya papunta sa kung saan nag patianod ako kahit reklamo ako nang reklamo.
Binitawan niya lang ako nang medyo mahilo siya.
"H-hoy"
Sa pag tayo niyang 'yon, muntik na siyang matumba kaya agad kong nalalayan ang katawan niya.
"Ano ba kasing trip mo? Bakit tungga ka nang tungga di mo naman pala kayang ihandle"
Sermon ko sa kaniya saka siya inalalayan papunta sa mga tent, medyo may kalayuan sa tinatambayan nila.
"Bakit kasi pumunta ka pa dito ng ganitong oras?!"
Singhal niya rin habang hawak ko siya sa bewang niya para alalayan.
"Eh sa gusto ko eh. Dapat nga hindi ako pupunta dahil may imimeet akong blind date kanina."
"Oh? May nag tangkang makipag blind date sayo? HAHAHA napaka malas niya"
Bad trip naman 'tong babaeng 'to. Sinasabi ba niyang pangit ako?
"Manahimik ka na nga lang. Ayusin mo lakad mo, hindi ka magaan."
Nang makarating kami sa lagayan ng mga pagkain nila kumuha na agad ako ng pagkain. Pinaupo ko naman siya sa bukas na tent.
"Wow, ang dami niyong hinanda ah. Anong meron?"
"Sama ng loob"
Tiningnan ko siya pagka sabi niya no'n
"Pinag hahandaan ba 'yon?"
"Hindi ako normal kaya huwag ka nang mag taka. Kumain ka nalang ang dami mong tanong"
Nag kibit balikat nalang ako habang pumipili ng kakainin.
"May tanong ako"
Sabi niya pero nag patuloy pa rin ako sa pag handa ng pagkain ko
"Ano 'yon?"
"Anong hayop ang madalas na uuntog?"
Dahil busy ako sa pag kusa hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya pero dahil tanong 'yon edi tinanong ko rin siya.
"Ano?"
"Dog"
Napatigil ako sa pag kuha ng ulam nang marealize ko ang sinabi niya.
"Lasing ka na nga. Matulog ka nalang kaya kesa bumalik pa do-"
"Anong hayop ang gustong maging director?"
Napailing nalang ako, mukhang hindi siya mag papapigil
"Ano?"
Wala na akong choice kundi ang sagutin nalang siya at mag patuloy sa ginagawa ko.
"Cat! HAHAHA!"
Nakakadisappoint minsan ang mundo, lalo na sa babaeng 'yan na mukhang matagal nang tinago sa loob ang joke niyang mga korni.
Pero dahil masaya siya diyan na minsan ko lang naman makita na ngumingiti siya, edi sige sasabayan ko siya sa trip niya.
"Eto pa eto pa"
"Sige lang"
Sabi ko habang ngumunguya.
Kumakain na ako pero hindi ko alam kung babalik ako sa mga kasama namin dahil sa lagay ni Raya.
"Anong sabi ng kilay sa isa pang kilay?"
Kelan pa nag salita ang kilay?
"Ano?"
"Hi brow! HAHAHAHA"
Teka, nawawalan ako ng gana kumain. Hindi pwedeng ako lang ang makarinig ng mga sinasabi niya, parang sasabog utak ko sa kaniya.
"Lika na, bumalik na tayo doon."
Kumuha ako ng juice at pinahawak sa kaniya nang pinatayo ko siya.
"Teka naman, marami pa akong-"
"Bukas mo na sabihin 'yan kapag matino na ang utak mo. Halika na"
Hinila ko na siya pero kumawala siya.
"Bitawan mo ko! Tyansing ka ah!"
Natigilan ako sa sinabi niya at ilang segundo bago ko makuha ang sinabi niya. Nakatingin lang ako sa kaniya, naka pikit siya habang may ngiti sa labi niya na parang nanaginip lang.
"Haish! Ano bang akala mo sa sarili mo, na papatulan kita? Tyansing sinasabi mo diyan. Mandiri ka uy, di ako papatol sa siraulong gaya mo. Kanina masungit ka tapos ngingiti ka tapos mag papatawa ng korni tapos naiinis ka naman pag tapos non, ngayon nababaliw ka na kakangiti diyan. Sabihin mo nga sa'kin. Nag dodroga ka ba?"
*PAK*
"AW!"
Bigla niya kasi akong binatukan, muntik pang mahulog ang pagkain ko.
"Pinipilit kong bumalik sa wisyo pero hihihi-"
Napangiwi nalang ako habang tinitingnan siya.
Hays, bakit kasi hindi nila pinigilan 'to.
"Kung may hiya ka pa, umayos ka. Huwag kang haharap sa kanila na parang baliw."
Nag lakad na ako, alam ko namang naka sunod lang siya.
Pag balik namin sa circle ng bonfire umupo ako sa tabi ni Sandra, umupo naman sa tabi ko si Raya. Nag patuloy nalang ako sa pagkain.
"Anong pinag uusapan niyo?"-Crenz
Usisa niya sa kanila.
"Iyong doctor na 17 years old. Ang galing surgeon na agad siya. Nabalitaan mo ba siya?"-Jigs
Nag taka siya.
"May gano'n ba? Akala ko 25 above ang edad ng nagiging surgeon?"
Na fifeel kong nakangiti siya habang sinasabi niya 'yon
"Patay, lasing na 'yan"-Hans
Hindi ko na sila pinansin at nag patuloy lang sa pag kain.
"May tanong ako"
Nakangiting sabi ni Raya sa kanila
"Hoy, sabi ko sa'yong manahimik ka na"
Sermon ko sa kaniya kahit may laman pa ang bibig ko.
"Huwag mo nga akong pakelaman Pula. Kumain ka nalang diyan, sana mabilaukan ka"
Masungit na sabi niya sa'kin
Nag kibit balikat nalang ako.
Bahala silang pakinggan ang kabaliwan ng kaibigan nila.
Nag patuloy nalang ako sa pagkain ko, tutal pa ubos ko naman na.
"Akina 'yan, mahawaan mo pa ko ng kabaliwan mo"
Kinuha ko sa kamay niya ang juice ko.
Nakatingin lang sila sa'min
"Ano bang itatanong mo master?"
Tanong ng isa sa kambal
"Pag sisisihan mong nag tanong ka pa"
Parinig ko sa kanila
Bahagya akong sinipa ni Raya
"Ano ba?"
"Narinig kita"
Matapang na aniya
"Congrats, di ka bingi"
Tinapik ko ang balikat niya.
Nakarinig kami ng mahihinang tawa.
"Huwag na kayong mag talo diyan-"
"Anong sabi ng marker sa ballpen?"
Nag simulang ngumiti ang mga kasamahan namin.
"Ano?"
Kaniya kaniya nilang tanong.
Haluh! May mga topak pala 'tong tropa nila.
"Ang kapal mo! HAHAHAHA!"
Natawa sila sa itsura ng kaibigan nilang nababaliw na.
"Wow!"
Bulaslas ko nalang habang hindi makapaniwala sa mga trip nila sa buhay.
"Hayaan mo na Attienza, kesa naman mambugbog siya kapag lasing siya mas maganda nang ganiyan siya"
Nag tatawanan lang sila sa pagatong gatong na joke.
"Jonmar!"-Raya
"Bakit?"-JM
"Anong hayop ang pinaka pangit?"
Ano na naman ba 'yan?
Uminom nalang ako ng juice sa sobrang disappointment.
"Ano?"
"COW! HAHAHAHAHA"
*Hik*
Kamuntik ko nang mabuga ang iniinom ko, mabuti nalang nalunok ko ang kaso lang inubo ako ng sobra.
Hinimas ni Sandra ang likod ko habang ang iba ay tawa nang tawa dahil parang hindi pa gets ni JM ang joke sa kaniya. Nangunguna na sa malakas na tawa si Nemi.
"Ayos ka lang?"
Tanong ni Hans sa'kin
Halos maiyak ako sa kakaubo.
"Ayos lang *COUGH*"
Kumuha ako ng panyo para punasan ang sarili ko.
Nang matapos na ang pag ubo ko ay may kaunting tawanan at asaran pa rin sila.
"Inaantok na ako"
Sabi ni Raya.
Mag tatanggal na sana ako ng coat nang mapahinto ako ginawa din kasi 'yon ni Hans, Daniel at Tyro. Pare pareho kaming mag tatanggal na ng coat.
Natigilan ang lahat. Pare pareho kaming naka act nang patanggal na.
Nang matapos namin mag katinginan, sabay sabay na naming tinanggal ang mga coat namin saka sila lumapit kay Raya
Ang coat ni Hans gagawing pang unan ni Raya, ang kay Tyro gagawing pang sapin sa likod niya.
"Humiga ka na"-Tyro
Utos ni Tyro sa kaniya habang tinitingnan siyang hindi na mabalanse ang pag upo niya.
Dumilat siya saka tiningnan kaming apat.
Ngumiti siya sa'min.
"Tabi"
Sabi niya sa'kin
"Ha?"
"Tumabi ka, hinaharangan mo ang unan ko"
Naguguluhan man ay tumayo ako. Kinuha niya ang coat ni Tyro at Hans saka isinapin sa gilid ni Sandra.
Humiga siya sa lap ni Sandra na ikina tawa ng iba.
Pumikit si Raya nang makahiga siya.
"Baka kasi tumaba ka Sandra kaya sayo umunan."-Migs
"Shut up, namiss ako ni Crenz kaya sa'kin niya gusto mag pahinga"
Napangisi nalang kami.
Nilagay ni Daniel ang coat niya sa katawan ni Raya at nilagay ko naman ang coat ko sa binti ni Raya.
"Wow! Gentlemen!"-JM
Bumalik na sila sa mga pwesto nila.
Nag adjust naman ako sa pwesto ko, nasa likod ko ang paa ni Raya.
"Ikaw lang naman ang hindi gentleman dito"-Nemi
"Sus! Sabihin mo kung gusto mong ibigay ko sayo 'tong coat ko-"
"May coat din kami kaya huwag ka ngang feeling diyan."
Pag susungit sa kaniya ni Nemi
Di na nag bago, away bati pa rin.
Bigla akong nainggit sa samahan nila. Halos kilala ko na silang lahat dahil sa binigay sa'king guide book ni Hans dati.
Ang pinaka mataas sa kanila, si Sandra at ang pinaka mababa ngayon dito ay ang kambal. Ang katabi ko hindi ko siya nakita sa guide book pero mukhang kasama siya sa organization, bakit gano'n?
Tinawag nilang Raffy ang babaeng katabi ko pero hindi ko nakita ang pangalan niya sa guide book.
Hindi kaya nasa mataas na posisyon siya o di kaya special na posisyon?
Sabi sa'kin ni Hans, lahat ng makilala ko na wala sa libro pero kasali sa organization, baka may special mission o 'di kaya may mabigat na katungkulan na hindi pwedeng ipag sabi nalang basta basta.
"Mukhang malalim ang iniisip mo?"
Gulat akong napatingin sa kaniya dahil sa pag pansin niya sa'kin.
"Ha?"
"Ang cute mo"
Naiilang na ngumiti ako sa kaniya. I can read her action, she's bold and prank.
"Marami nang nag sabi niyan"
Sinubukan ko talagang hindi mailang sa kaniya.
"Jowahae"
Sabi niya sa'kin
Ano raw? Hindi ko sila maintindihan. Halos lahat sila gumagamit ng ibang language kapag kinakausap ako.
"Je saeng-gag-eneun gwiyeowo naega neoleul joahae"
(I think you're cute, I like you)
Napangiti nalang ako sa sinabi niya kahit wala akong maintindihan.
"Guemanhae"
(Stop it)
Singit ni Chelsea.
Sa kaniya naman kami tumingin habang ang iba ay kaniya kaniya na ng kwentuhan lalo na't ang iba sa lalaki namin ay may tama na.
"Wae?"
"Guenyang.. gueman"
(Just.. stop it)
Nginitian siya ni Raffy.
"Wae, jiltuhae?"
(Why, jealous?)
Nag iwas siya ng tingin.
"Arasseo-"-Raffy
"Jalja"
(Goodnight)
Tumayo si Chelsea at nag lakad paalis.
Anong problema no'n?
"Gusto ka ba ni Chelsea?"
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya
"Hindi ah, hindi 'no"
Nag hand gesture pa ako ng hindi
Nakausap ko lang si Chelsea sa barko pero hindi sumagi sa isip ko ang bagay na 'yon.
"Jinjja? Geunyeoege museun il-i il-eo nassni?"
(Really? What happened to her?)
Takang tanong niya saka tumingin sa kawalan.
"Uy, Sa'n pupunta 'yon?"
Tanong sa'min ni Nina
Nag kibit balikat ako
"Sabi niya goodnight na raw. Baka matutulog na?"-Raffy
Tumango si Nina
"Follow her"
Utos niya kay Raffy
"Ha? Wae?"
Nakangiti lang si Nina sa kaniya
"Tanga 'yon, naliligaw 'yon sa ibang tent kapag nakatulog na. Sundan mo nalang baka mamaya katabi na 'yon ng mga lalaki"
Natatawang sabi ni Nina
"Pfft! Jinjja? Wooow daebak, she's cool!"
Napa nganga ako sa sinabi niya.
'wow! Mababaliw ka talaga kapag sila ang kasama mo. Anong cool doon sa bagay na 'yon?'
"Sundan mo na, puro ka side comment eh"
Nakangiting tumayo si Raffy at pinagpag ang short niya.
"Iiwan ko na muna sa inyo 'yang girlfriend ko ah. Ingatan niyo 'yan, iniwan ko 'yang walang galos Kaya huwag niyong ibabalik sa'king may galos 'yan."
Patukoy niya kay Raya.
"Kami bahala, wala ngang galos 'yan no'ng bumalik sa'yo eh, ngayon pa kaya?"
'yan nanaman sa mga tonong yabangan nila. Sa organization nila, hindi talaga pwedeng hindi sila mag yayabangan kapag nag kita kita sila.
"Ok! Jalja!"
Sabi niya sa lahat
"Maaga pa Raffy"-Jigs
"Pagod na rin ako. Tagal niyo kaninang dumating, marami na kaming nagawa ni Crenz kanina, nakakapagod."
Nag inat pa siya sa harap namin.
"Sleep well Raffy"
Malamyang sabi ni Daniel
Nginitian siya ng malaki ni Raffy
"Thank you! Jalja!"
Kumaway siya sa'min saka nag lakad palayo.
Ano ngayon ang gagawin ko dito?
Tulog si Raya, tapos busy naman sila sa pakikipag kwentuhan.
"Liphyo"
"Ah-huh?"
Naguluhan tuloy ako sa isasagot ko.
"Sabi mo kanina papunta ka na, bakit ang tagal mo"-Jm
Si JM Kasi ang kumontak sa'kin na pumunta dito. Dapat nga diba hindi ako makakapunta, kaso pinilit ako ni Pilsamor.
"Inasikaso ko pa 'yong asawa ng kapatid ko, nasa hospital pa kasi"
Inabutan ako ni Hans ng beer.
"Oh, sabayan mo kami uminom"
Kinuha ko ang iniabot niya
"Salamat"
Tinaas ko bote bilang pasasalamat saka uminom.
Bigla akong may naalala.
"'yong nabaril ko no'ng nasa assignment tayo, nasa'n na siya? Hindi naman siya natuluyan diba?"
Nag katinginan naman sila
"Sa bagay na 'yan, si Crenz ang tanungin mo kasi siya ang nag dala sa lalaki do'n sa mga nag bigay sa'tin ng assignment"-Nemi
Tiningnan ko si Crenz na malalim na ang paghinga, tanda na malalim na ang pag kakatulog.
Hanga talaga 'ko sa husay nitong matulog kahit saan basta abutan siya ng antok niya, kahit anong pwesto matutulog siya.
"Don't worry, buhay pa 'yon panigurado. Hindi naman papayag si Master na may mapahamak kahit kalaban pa natin 'yon, gano'n siya kabait."-Migs
Napangiti nalang ako. Mukha namang hindi makakapatay si Crenz eh.
Hindi ko pa nga siya nakitang makipag laban eh, pati nga no'ng nag pa putok siya ng baril, hindi ko rin siya nakita no'n.
"May gusto ka na ba kay Crenz?"
Nagulat ako sa tanong na 'yon.
Tumingin ako kay Nina na nag tanong no'n.
"Ako? Wala 'no."
Napangisi ako 'pag tapos ko sabihin 'yon
"Tinatanong ko lang naman"
Aniya saka uminom ng inumin niya.
"Yiiieeeh" asar ng kambal
"Tigilan niyo nga ako. Nasa tamang pag iisip pa naman ako"
Natawa sila
"Sabagay, kahit ako mapapasabi ng ganiyan kasi kapag nagustuhan mo siya, mababaliw ka muna bago siya maintindihan. 'yong trip niya? Sobrang kakaiba."-Migs
Oo gano'n nga. Kaya hindi ako mag kakagusto sa kaniya 'no.
"At hindi pa sira tuktok ko para gawing 50/50 ang buhay ko. Hindi natin alam kung selosa si Master, baka mamaya bigla niyang banatan ang makausap mong babae"
"Uuyyy! Hindi naman gano'n si Crenz 'no, baka nga kahit ibalandra mo pa sa harap niya ang babae mo, wala lang siyang magiging reaksyon at lalampasan langkayo."-Nemi
"Ay bongga! Accurate!"-Nina
"HAHAHAHAHA"
Nag tawanan kami dahil sa mga iniimagine namin
"Hoy, respeto naman sa tulog na pinag uusapan niyo. 'Sasama talaga ng mga ugali niyo"-Sandra
Sita sa'min ni Sandra pero nakangiti naman, halatang pampalubag loob lang ang gusto eh.
"Ano ba kayo? Gusto siya ni Mike, trip na ata mag suicide ni Mike eh- wooooy!"
Sinipa kasi ako ni Raya kaya muntik na akong masusubsob sa lupa
"Ano ba?!"
Asik ko kay Raya pero tulog pa rin naman siya
"HAHAHAHA narinig ka ata sa panaginip pre"-JM
Nag tawanan sila habang ako nag papagpag.
"Oo nga pala 'no? Ilang beses din sa'king lumapit si Vizarro para itanong kung nakabalik na si Crenz"-Sandra
Natigilan ako sa pag pagpag
"Si Mike?"
Haneeep! Akala ko sa'min lang siya mag gagagano'n.
"Oo, dalawa kaya silang pabalik balik sa'kin para itanong 'yon, sila ni Jerick."
Napakunot ang noo ko.
"Pati si Jerick?"
"Baka makiki love square sa inyo"-Migs
Anong kailangan ni Jerick kay Raya?
Tumingin ako kay Raya, umaasang may makita akong sagot sa mukha niya pero kahit anong isip ko, wala akong makitang rason para mag kita sila o mag kausap sila.
"Huwag ka ngang painosente diyan. Ilang beses ka rin naman bumalik sa'kin para itanong kung bumalik na si Crenz."-Sandra
Kinabahan ako sa sinabi niya
"Yiiieeeh.. wala raw gusto-"
"Eh syempre wala siya sa tabi niyo kaya hahanapin ko talaga siya. Hindi naman masama hanapin 'yong poprotekta sa'kin 'no"
Dahilan ko
"Hahaha bakla ka nga, tama si Master"-Jigs
"Ahhhh.. kaya pala Pula ang tawag sa'yo"-Nina
"Hoy pinapahiya niyo si Attienza... Pero pre? Bakla ka ba talaga?"-Tyro
Nagtawanan sila
"Hindi 'no"
"Eh bakit naman si Crenz ang dapat mag tanggol sa'yo? Diba dapat babae ang ipag tatanggol mo?"-Daniel
Parang mali ang dahilan ko ah, ako ang nadidiin. Lintek!
"Biro lang 'yon"
Sabi ko ng nag aalangan
"Eh kung biro lang 'yon, bakit mo hinahanap si Crenz?"-Nina
Potek! Saan ako pupunta sa dalawang 'yon? Iniipit ako ng dalawang sitwasyon.
"A-ah-"
"Huwag niyo na siyang pag tripan. Asikasuhin niyo 'tong si Crenz dahil namamanhid na ang binti ko"-Sandra
Nag katinginan sila
Edi ako tumingin din sa kanila, inaalam kung bakit sila nag titinginan.
"Daniel, ikaw na"
"Ano? Ayoko, gusto ko pang mabuhay. Si Hans nalang"
"Anong ako? Wala akong energy ngayon dahil sa nangyari kanina"
Ano bang pinag uusapan nila?
"Galing mo mag palusot Zimmer, wala kaming palag 'don"-Tyro
Itinaas ni Hans ang boteng hawak niya at umarteng may ka toast.
Tumingin naman sila ngayon kay JM
"Pre kahit mag 60 pa ang bigat ni Nemi, ayos lang sa'king buhatin siya araw araw. Feeling ko kapag binuhat ko si Crenz, nasa 70 kilos na siya. Tsaka kakagaling ko lang sa sakit, ayokong mabinat."
Hindi ko sila maintindihan. Ano ba 'yon? Si Raya ba? Bubuhatin ba si Raya?
"Ikaw na JM"-Daniel
"Ayoko talaga-*PAK!* AW!"
Napa himas si Pilsamor sa ulo niya ng batukan siya ni Nemi
"Bakit mo dinamay pangalan ko sa trip niyo? Gusto mo bang ako ang pumatay sa'yo?!"
Maangas na sabi ni Nemi
"Patay under!"-Tyro
Tinawanan namin si JM
"Huwag kasi ako- uh? Si Jigs nalang. Diba galing ka naman sa hospital at babalik ka pa? Dagdagan mo lang ng mga ilang pasa lang sa katawan para sulit ang ibabayad niyo sa doctor"
"HAHAHAHAHAHAHA"-ALL
"GAGO!"-Jigs
Tumingin si Jigs kay Migs
"Ikaw Migs? Trip mo bang pasaan mamaya?"
"What? Hell, no way. May date ako bukas ng gabi kaya hindi ako pwedeng magalusan"
Maangas na sabi niya
"Ha? Sino naman? Babae o lalaki?"-Jigs
"Pakyu!"
"HAHAHAHA"-ALL
Hindi ko ni minsan nakitang may kasamang babae si Migs, baka di lang trip makipag mabutihan sa babae sa ngayon.
Hindi naman siya mukhang bakla eh, pero habulin naman sila ng mga babae. Babaero nga lang silang magkambal or baka super friendly lang.
Tumahimik ang lahat, siguro pagod na silang mag turuan.
Tinungga ko ang alak na nasa kamay ko. Pag baba ko ng tingin, nagulat ako sa mga titig nila.
"Ano 'yon? May ginawa ba akong mali?"
Lahat sila nakatingin sa'kin
"Pinasanan ka ni Crenz last time diba? At buhay ka pa kasi kaharap ka pa namin. Mabuti pa, ikaw na ang bumuhat sa kaniya"
Napalunok ako
"Ako?"
Bigla kong naalala 'yong pambabalibag ni Raya kay Jigs at doon sa gwardiya.
"Ikaw-"
"Si Raya? Bubuhatin ko? Mukha ngang hindi nag papahawak sa inyo 'to eh, sa'kin pa kaya? Ayoko, baka ibalibag niya rin ako gaya no'ng kay Jigs-"
Pinigilan ako ni Jigs
"Pre, don't mention some name it's rude. Naalala ko palang parang bumabalik 'yong sakit"
Nag pigil sila ng tawa
"Sige na Liphyo, ikaw nalang. Mabubuhay ka pa naman bukas pag gising mo. Tandaan mong hindi ka niya pwedeng patayin kasi under ka niya -"
Bigla nanaman akong may naalala na nakapag pahawak sa'kin sa tiyan ko
"Sinikmurahan niya 'ko-"
"Ayos lang 'yan pre, ang pinaka mahalaga dito eh 'yong magigising ka pa kinabukasan"-Tyro
Gano'n na ba talaga ang takot nila kay Raya? Grabe naman pala.
"Ok, sige ako na. Saan ko ba siya ilalagay?"
Wala naman kaming ibang choice.
Sigurado namang bukas, buhay pa ako at magigising pa.
"Sa pinaka gitnang tent, mag tatabi kami ni Crenz"-Sandra
Binaba ko na ang bote ng alak na iniinom ko saka binuhat si Raya.
Medyo mabigat siya pero kaya ko naman.
"Hindi pa ba kayo matutulog?"
Tanong ko sa kanila.
Tumayo rin si Nina para lumapit sa'min
"Maya maya.."-Daniel
"Tara, sasamahan ko na kayo"
Presinta ni Nina
"Ingat ka Nina, nangangagat 'yang si Crenz."-Nemi
"Ayos lang, kung ganito naman kaganda ang kakagat baka mag presinta pa akong mag pakagat"-Nina
Tumawa sila ng mahina
"Sige na, goodnight!"
Paalam namin. Pagod na rin kasi ako, malayo 'yong biyenahe ko mula sa'min hanggang dito. Sakit sa balikat.
Nilapag ko na si Crenz sa hihigaan niya.
Inasikaso na siya ni Nina.
"Para kayong mag kapatid. Grabe mo siya kung asikasuhin"
Tumingin lang si Nina kay Raya
"Gano'n kami sa org. Bukas may sasabihin kami kaya mag pahinga ka na ngayon para bukas ma absorb mo ang sasabihin namin."
Ano 'yon?
Kahit magulo ay minabuti ko nalang na ngitian siya ay mag paalam para nakatulog na.
Makakatabi ko si JM mamaya, kaya doon na ako humiga sa pwesto namin.
Pag lapat palang ng likod ko sa camping foam mattress ay naka hinga agad ako ng maluwag dahil sa sobrang komportable non sa likod.
Agad akong hinila ng antok ko pag lapat ng likod ko doon. Napagod ako nitong mga nakaraang araw dahil sa pag babantay kay Kath.
Simula no'ng umuwi ang magulang ko galing sa ibang bansa, hindi ko pa sila nakikita dahil sa pag ka busy ko sa maraming bagay.
Sana maging ayos na si Kathy para hindi na kami mag alala sa kaniya.
Naging successful naman ang surgery pero hindi pa rin maiwasang hindi mag alala.
Gusto ko na mag pahinga. Napapagod ako sa lahat ng mga ginagawa ko.