Pag galing ko sa kotse ko para kumuha ng pamalit ko bumalik ulit ako sa kanila.
"Nasa'n 'yong mga babae?"
Tanong ko nang makita kong wala sila.
"Nag check in sa loob para maka ligo"
Sagot sa'kin ni Daniel
"Pauwi na rin naman tayo ah?"
Usapan kasi uuwi kami ng maaga
"Nako 'wag kang mag papaniwala sa mga sinasabi ng mga babae. Sasabihin nilang ok lang sila pero ang totoo hindi sila ayos at nag hahanap lang pala ng lambing at suyo."-Tyro
So mamaya pa pala kami uuwi.
"Kasama si Raya?"
Takang tanong ko
"Oo, bakit?"-Daniel
"Ahhh.. babae pala 'yon"
Tatango tanong ani ko
"HAHAHAHA you're dead if she'll hear you"-Tyro
Natawa sila, napangiti nalang ako.
Mula sa malayo ay may nakita akong pamilyar na pigura.
"Si Raya?"
Kala ko ba naliligo sila?
Iniwan ko ang mga lalaking nag lilinis ng mga kalat namin at nag titiklop ng tent.
Lumapit ako kay Raya na may kausap sa cellphone.
"Sige susubukan kong dalawin kayo, pero hindi pa ngayon kasi marami akong hahabuling activities sa school... Oo nga... Uhm."
Aniya saka pinatay ang tawag.
Mag lalakad na sana siya pabalik pero napahinto siya sa pag hakbang nang makita ako.
"Sino kausap mo?"
Mukhang nakitawag lang siya kasi wala naman siyang phone.
"Wala kang pake"
Kumunot ang noo ko sa sagot niya
"Sino nga?"
"Tch.. napaka chismoso mo."
Nakangiwing aniya
"Bawal ko ba malaman?"
Nag simula siyang mag lakad kaya sinundan ko siya
"'yong may ari ng AIS coffee shop"
"Oh? Yung kaibigan mo?"
Nahihiwagaang tanong ko
"Bakit ba? Napaka pakelamero mo"
Naiiritang aniya
"Gusto ko lang malaman kung bakit"
Pero naboboring na kasi ako kaya nangungulit nalang ako
"Basta pinapapunta niya ako doon. Huwag mo na usisain 'yong mga personal na bagay sa buhay ko. Lumayo ka nga sa'kin naiirita ako sa mukha mo"
Napanguso nalang ako
"Teka personal? May boyfriend ka na ba?"
Ang alam ko wala eh.
Paano nalang si Mike kung sakaling may nobyo na talaga si Raya
"Boyfriend? Ni hindi ko nga alam kung anong ibig sabihin no'n! NAKAKAIN BA 'YON?"
Kinagat ko paloob ang labi ko para pigilan ang pag ngiti ko. Bigla kasing nag double meaning 'yong sinabi niya.
Inilapat ko sa ulo niya ang kamay ko saka bahagya ko iyong ginulo
"Minsan nakakain 'yon.. HAHAHAHA"
Pag kasabi ko no'n ay nag lakad ako palayo
"HOY! SABIHIN MO KELA TYRO NA SUMUNOD NA SA HOTEL, NGAYON NA MISMO!"
Nag basic sign ako sa kaniya para sabihin 'ok'
Nakangiting lumapit ulit ako sa mga kasama ko
"Oh? Natuluyan ka na bang tinakasan ng bait mo Liphyo? Ngumingiti ka na mag isa diyan."-Jm
Napangiti lang ako
Totoo ngang may pagka inosente 'yong babaeng 'yon. Mukha ngang walang pumatol sa kaniya na lalaki dahil sa trip niya sa buhay.
"Ah oo nga pala, sabi ni Raya pumunta na raw tayo doon sa hotel, ngayon na raw"
Nagsi tigil sila sa ginagawa nila at nag madaling lumapit sa'kin.
Hinila ako ni Tyro sa t-shirt ko
"Uy- ano ba 'yon?"
Takang tanong ko.
Walang nag salita sa kanila. Mga nag mamadali lang kaming pumunta sa hotel
"Bakit nag ka ganiyan kayo?"
Bigla bigla nalang kasi silang nag mamadaling kumilos no'ng sinabi kong si Raya ang nag sabi
"It's nothing, kailangan lang nating bilisan ang pag kilos kapag ang babae na ang nag sabi, lalo na sa'kin, kapag sinabi ni Nina na bilisan ko, kailangan ko talagang bilisan, kundi dadanak ang dugo"
Napangiwi ako.
"Under ka?"
Mahinang natawa sila JM
"Ayos nang under kaysa mawala pa siya."
Proud na aniya
"Woooh"
Mangha at naiiling na ani ko
Nasa lobby na kaming mga lalaki
"Hoy Migs bakit tinangay mo pa 'yan dito?"
Tanong no Hans habang nakatingin sa pagkaing hawak ni Migs
"Bakit? Natakam ako kanina eh. Huwag nga ako ang pansinin mo, si.. si..-"
Tumingin siya sa'ming lahat para lang makapili ng pwedeng pansinin ni Hans
"- si Daniel, ayan broken 'yan kaya kumustahin niyo."
Tumingin kami kay Daniel na sinabihang 'Gago' si Migs na walang boses.
"Ano pre?"-Tyro
Tinapik ni Tyro ang balikat ni Daniel
"Tantanan niyo 'ko. Pinag titinginan na tayo ng mga tao oh. Umakyat na tayo, nasa restaurant na 'yong mga 'yon panigurado"
Nag lakad palayo si Daniel
"Si Migs kasi pinansin pa" Sisi ni Tyro
"Tuleg, gatong pa"
Natatawang sumunod kami kay Daniel
CRENZ'S POV
Nasa isang kainan na kami at hindi ko alam kung bakit sampung taon sila mag si bihis.
"Gusto mo na ba kumain?" Tanong sa'kin ni Raffy habang nag papakli ng pahina ng book menu
Hindi ko siya sinagot at pumikit lang habang naka cross arms
"Ahh.. inaantok ka nanaman"
Dalawa lang kaming nandito ni Raffy dahil na iinis ako sa kalat ni Chelsea at Nathalie sa kwarto. Akala mo sasali sa contest kung mag make up eh.
Kung ako si Tyro, baka matagal na akong umay na umay sa itsura ni Nina.
"Gusto mo mag Jollibee?"
Napadilat ako sa sinabi niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin
"May Jollibee ba dito?"
Curious na tanong ko. Pangalawang beses palang naman ako pumunta dito, di ko sure kung meron nga.
"Wala akong nakita pero pwede naman akong mag pa order-"
"Dwaesseo"
(Forget it)
Pumikit muli ako.
"Arasseo"
Kahit di ako dumilat, alam Kong bumalik siya sa ginagawa niya.
Umingay ang paligid sign na maraming dumating at nahuhulaan ko na kung sino 'yong mga 'yon. Bunganga palang ni Tyro alam mo na agad na siraulo ang nag sasalita.
Hindi na ako nag abalang dumilat para tingnan sila. Naiirita ako sa ingay nila. Sinasapawan pa kasi ni Jigs at Migs ang ingay ni Tyro.
"Huwag mo na subukang sapawan pa ang ingay nila."
Babala ko kay Raffy
"If you'll promise that we're going to have a date this month"
Tiningnan ko siya
"Date your ass.. tigilan mo kaka aligid sa'kin kapag tapos ng araw na 'to"
Nginisian niya ako
"Pag iisipan ko."
Napailing nalang ako.
Mag cocollege kasi siya kaya kailangan niyang asikasuhin muna ang mga kailangan niyang gawin bago mag aaligid sa'kin.
Kahit ano namang gawin ko hindi siya mawawala sa paningin ko simula ngayon.
"Annyeong koreana!"
Bati ni Tyro kay Raffy
Walang problema kahit mag sigawan pa sila dito dahil isang kwarto ito na may malaking mesang pabilog at sakto lang ang upuan dito sa bawat isa sa'min. Si Raffy ang nag suggest na dito nalang kami kumain. Ayos lang naman sa'kin lalo na pag usapang kahihiyan. Mas maingay pa ang mga lalaki namin kesa sa mga babae.
Umupo na sila
"Mag dasal muna kayo hanggang sa dumating sila Nina"-Raffy
"Ha?"-Daniel
Hindi ko alam ang pinag gagawa nila dahil nga nakapikit ako pero tumahimik naman sila.
Na curious ako kaya tiningnan ko sila
Bukod tanging si Pula lang ang nakaangat ang ulo na tumitingin sa kanila ng may pag tataka.
Napaka tahimik ng paligid, di ako sanay lalo na't alam kong nandiyan naman ang presensya nila.
"Tigilan niyo na yang pag sasanto santuhan niyo, lalo lang kayong nag mumukhang demonyo"
Sabi ko sa kanila. Agad silang nag si pag daldalan.
"Oh, suot mo muna habang wala pa sila Nina"
Pinasok niya ang earphones sa tenga ko at saka nag pa tugtog gamit ang cellphone niya.
*Mistletoe by Justin Bieber*
Ang ganda ng kanta, nakaka relax.
Dumilat ako para tanawin sana kung pa punta na sila Nina dito pero iba ang nakita ko.
Ang mga mata ni Pula na nakatingin sa'kin ng diretso ang nakita ko.
Tiningnan ko rin siya na walang pinapakitang kahit anong emosyon.
Ano ba'ng nasa isip niya? Bakit parang ang seryoso niya.
Tinaasan ko siya ng kilay, doon lang siya nag alis ng tingin.
Anong problema niya? Gusto na ba niyang mamatay?
"Tanong ko lang, anong section mo Crenz?"-Tyro
Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit kailangan pa niyang itanong 'yon?
"She's in the last section"
Natatawang sabi ni JM
Tinanggal ko ang earphones.
"Bakit? Anong basehan ba ng section niyo? By surname ba?"
"Di ah, by grades 'yon HAHAHAHA"
Sinamaan ko rin ng tingin si JM dahil sa pag sagot niya.
"Totoo Crenz? Pfft.. wow! Hindi ka nag bago hahaha"-Raffy
'Sige lang pag tawanan niyo ko, pag kayo nakakita ng may binalibag baka mag si atrasan 'yang mga buntot niyo'
Isip isip ko habang masasama ang tingin ko sa kanila.
"Yah."
Untag ko kay Pula. Nasa harap ko siya kaya madali kong nakikita ang ginagawa niya.
"Pfft.. bakit?"
"Itawa mo 'yan kung tatawa ka, hindi 'yong para kang tangang nag pipigil diyan"
Tiim bagang na sabi ko sa kaniya.
Nang gigigil lang ako sa kanila.
"Ok lang 'yan Raya, strategic ka naman eh. Makakasurvive ka pa rin sa mundong ibabaw"
Halos hindi niya matapos ang sinasabi niya dahil sa pag pigil ng tawa niya.
"Lintek? Masama bang mapunta sa lowest section?"
Ang mahalaga may ganda ako at may napapasukan.
"Uy, wala akong sinabi ah"-Daniel
"Wala ka ngang sinabi pero nauna ka pang tumawa sa kanila"
"Pfft!"-sila
Kinuha ko ang menu saka inigahis sa gitna ng mesa.
"Mag order na kayo"
Kunot noong sabi ko sa kanilang lahat.
"Tantanan niyo na si Crenz, wala namang masama-hmmk ehem- sa lowest - hmmmm.. kumalma ka self- wooh! Ano bang masama sa lowest section- hmpft."
'sige lang Raffy, ililibing kita ng buhay sinasabi ko sayo'
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya.
"Gusto mo bang pag buhulin ko kayo ni Pula? Itawa niyo na lahat, huwag kayong mahiya ang mahalaga masipag ako"
Tiningnan ako ni Raffy
I mouthed to her the word "Jugeullae"
Maangas na tanong ko sa kaniya kahit walang sounds.
"Masipag ka? Saan? Di kami aware"-Jigs
Nag taka rin ako sa sinabi ko. Saan nga ba ako masipag?
"Sa ano- sa pag tulog, oh bakit"
Hindi ko rin kasi kung saan ako masipag eh.
Pag nasa bahay ako, mag babasa lang ako ng konti tapos matutulog na.
Si Nina naman kasi nag lalaba at nag titiklop ng mga damit ko, si Nina rin ang nag lilinis ng bahay, nag luluto at nag huhugas.
Baka bukas nito hindi ko na mapakawalan si Nina dahil sa convenient siya sa bahay.
"All right, let's see if how much the LOWEST price here- UHMHUH"-Tyro
Pinag didiinan pa talaga nitong tukmol na 'to ang lowest.
Napa buga nalang ako ng hangin. Hindi ko ugaling pumatol pero nakakapuno talaga 'tong si Tyro eh.
"Let me see if there's a LOWEST price of dessert here"-Daniel
Aba ang loko nakikisali pa talaga. Mabait nga siya pero kapag sila Tyro na ang kasama magiging kasing ugali niya ang mga balasubas.
"Please check if there's a LOWEST price of chicken dishes"-Hans
ITONG TATLONG TUKMOL NA 'TO!
Nag tatawanan sila habang nakatingin sila pare pareho sa menu.
"Should I-"
"Guemanhae, ne ib-eseo daleun mal-i naomyeon naega kkwemaegessda."
Banta ko sa kaniya
(If another word comes out of your mouth, I will sew it up)
Itinikom naman niya ang bibig niya.
Ngayon ko lang hiniling na sana dumating na sila Sandra para hindi na ako ang makita ng mga siraulong 'to.
"Wait I'm curious, why are at the last sec-"
Kinuha ko ang kutsilyong pang hiwa ng karne at ibinato sa gilid ng tenga ni Tyro, sakto lang para marinig niya ang mabilis na pag daan ng bagay sa tenga niya.
Halos hindi sila naka hinga sa ginawa ko.
Hindi naman siya ang pinapatamaan ko eh, may nakita akong langaw kaya ko 'yon ginawa.
Para silang naestatwa sa ginawa ko.
"Anong nangyari sa inyo?"
Tumusok ang kutsilyo sa pader at talagang bumaon iyon.
"M-master, ka-ka-kakalabas ko lang sa -sa -sa.."-Jigs
Nag cross arm ulit ako para titigan sila
Napailing nalang ako at napangisi sa itsura nila, para silang mga maamong tupa ngayon na takot.
"A-ah parang masarap 'tong American food at French food"
Kabadong sabi ni Tyro
Nakangiting tiningnan ko siya at bahagya pang tumagilid ang ulo ko para silipin siya dahil nag tatago na siya sa likod ng book menu.
Halata namang napa lunok ang iba
"N-nasan na ba sila Sandra? Parang ang init dito 'no?"-Hans
Nag pagpag pa siya ng damit sa bandang dibdib niya para mahanginan ang leeg niya.
Natatawang tumingin ako sa kanila. Mga hindi sila maka tingin sa'kin.
"Psst.. JM"
Tawag ko sa kaniya
"U-uh? Ako?"
"May iba pa bang JM dito?"
Tumingin ako sa paligid dahil baka may kilala pa siyang ibang JM dito sa silid
"B-bakit?"
"Tsk.. tingnan mo nga kung natamaan ko 'yong langaw"
Inginuso ko ang kutsilyong tumusok sa pader
"H-ha?"
Pinag tutulakan na siya nila Migs para tumayo at tingnan ang sinabi ko.
"Wo-wow! Ang galing, paano- ah hehehe tinamaan siya, pirat nga eh"
Aniya ng tingnan niya ako
Tangka niya na 'yong bubunutin nang pigilan ko siya
"Hoy, wag mong bunutin, ebidensiya 'yan. Baka pag bayarin pa ako sa damage niyan."
Kapag nakita nilang may langaw doon, baka malibre pa kami sa pagkain.
Pero hindi pa naman ako gano'n ka kuripot 'isa pa, si Raffy naman mag babayad nitong lahat.
Bumalik na sa pwesto niya si JM
"Hello everyone!"-Nina
"Babe!"
Lumapit sa kaniya si Tyro saka yumakap
"Iww.. so gross"-Sandra
Maarteng nag lakad si Sandra papunta sa tabi ko.
Sinenyasan ako ni Nina kung anong nangyari, nag kibit balikat lang ako.
"Hoy! Respeto sa single!"-Jigs
"Che! Babaero ka"-Nemi
Nag tawanan nanaman sila.
"Raffy? Anong tingin mo kay Daniel?"
Mahinang tanong ko sa kaniya
"Si Danny?"
Palihim siyang sumulyap dito.
Binalik ko sa kaniya ang earphone.
"Cute siya, mabait at may utak naman. Bakit?"
Tumango tango ako.
"Eh ano naman tingin mo sa relasyon nila ni Chelsea?"
Hindi kami maririnig nino man dahil sa ingay nila sa pang aasar kay Tyro.
"Sa tingin ko hindi sila compatible. Ang alam ko, mas gusto ni Chelsea 'yong makulit at sunod sa trip niya. Party girl si Chelsea, halos laman siya ng bar every weekend while Dan busy naman sa o organized ng meeting ng dad niya."
Tama naman.
"Uhm.." sangayon ko
"Bakit pala halos di na sila mag pansinan? Mag ka away ba sila?"
Halos isang buwan na rin simula no'ng assignment namin sa barko
"Break na sila, mag iisang buwan na"
Natigilan siya sa pag soscroll sa cellphone niya at tumingin sa'kin
"Jinjja? Wae?"
Ang akala ko nga mag babalikan pa sila pero parang final na 'yong decision ni Chelsea na tapusin na talaga ang lahat sa kanila.
"Molla"
(I don't know)
Kibit balikat na sagot ko sa kaniya.
Tumingin kami sa dalawa.
Busy makipag tawanan si Dan kina Tyro habang si Chelsea naman ay may ka chat ata.
"Wow, akala ko end up nila sa kasalan na. Matagal na rin sila diba? 3 years na ba?"
Nag kibit balikat ulit ako dahil hindi ko naman trip alamin kung ilang years na sila sa relasyon nila
"Ikaw? May love life ka na?"
Tanong ko sa kaniya
"Naaah.. wala sa isip ko 'yan. Masyado akong naging busy sa loob ng ilang taon. Jowa ko 'yong med books, 'yon lang naman pinag kaabalahan ko sa loob ng ilang taon."
Hindi ko naman siya kinausap sa loob ng 3 linggo naming mag kasama sa assignment dahil busy ako sa pag kulo ng dugo ko doon sa mga maniyak na 'yon.
Tinanguan ko nalang siya.
"Mag si upo na nga kayo. Nagugutom na ko"
Reklamo ko sa kanila
Nag tatawanang nag si upo na sila
"Nabalitaan niyo ba 'yong sa muse ng organization natin?"-Hans
Ha? May gano'n gano'n pa sila?
"Si Rica? Bakit?"-Jm
"Tsk.. that brat" pag susungit ni Sandra
Nag kaniya kaniya naman silang side comment doon sa babae.
Kinuha ko nalang ang menu at saka nag turuan kami ni Raffy kung ano ang mas masarap kainin doon.
"Papupuntahin siya sa palasyo"
Natigilan kami ni Raffy sa pag dedebate ng kakainin at sabay na tumingin sa kanila
"Wae? May kasalanan ba siya? Promotion? Special mission?"-Raffy
Hindi ka naman kasi agad agad makaka punta sa palasyo.
"Not sure if it's true but kuya Nathaniel will be engaged to her-"
"MY BROTHER?!"-Nina
Gulat din kaming lahat
"Wait! Why? Stable naman ang company at-"
"Kuya Nathan wants that brat for a long time."-Sandra
Tumingin sa'kin si Nina
Wala rin naman akong magagawa para sa kaniya eh. Kung gusto talaga ni Nathan 'yong babae, ano pang magagawa namin?
"Wala naman sigurong nangyari sa kanila diba?"-Raffy
"One night stand pero may protection naman daw"
Shit.
"Eh paano kung nag failed 'yong protection? Minsan nakakabuntis pa rin 'yon"-Nemi
Tahimik lang ang iba
"Nangyari raw 'yon 3 months ago na at nag pa check na rin siya sa ob kung may nabuo ba, pero wala naman daw."-Hans
Hindi ko sila maintindihan, kung wala naman palang nabuo bakit kailangan pa nilang mag pakasal?
"Eh sino bang nag insist ng kasal na 'yan?"-Jm
"Si kuya Nathan"-Sandra
Napasandal nalang sa disappointment si Nina
"Diba wala naman sa deck si Rica?"-Migs
Hindi ko sila maintindihan, ano na naman bang pinag uusapan nilang walang sa deck?
"Oo kasi hindi naman siya successor."-Sandra
"Pero ambassador siya ng royal corporation"-Nemi
"Bakit kailangan nilang pumunta sa palasyo?"-Nina
"Nandoon kasi ang court. Mag dedecide ang court kung pwede silang mag pakasal o hindi."-Hans
Napaisip ako ng malalim.
Parang may mali kasi o baka nag ooverthink lang ako.
Pero kasi bibihira lang talaga nag kakamali ang hinala ko.
"Ano sa tingin mo?"
Mahinang tanong sa'kin ni Raffy
"Sa tingin ko hindi pa rin ito ang oras"
Pag wawalang bahala ko pero sa loob loob ko nanghihina ako sa mga nangyayari, nababahala ako.
"Pero paano kung meron?"
Huminga lang ako ng malalim.
Kinapa ko ang bulsa ko.
'nasan 'yong candy case ko?'
"Oh"
Nag labas ng candy si Raffy
Tiningnan ko siya saka kinuha ang candy na inaabot niya. Kabisado niya talaga ako.
"Ipag dasal niyong maikasal sila. Ipag dasal niyong labas ang edad nila sa new generation ng organization. Ang alam ko si Nathan, hindi na siya kasali sa new generation eh, pero 'yong Rica, mag bi bente palang ata 'yon." Sabat ko sa kanila
Nababahala ang mga mukha nila
"Hundred sure bang walang bata?"-Migs
"Mag sisinungaling ba 'yong brat na 'yon?"-Sandra
Possible 'yon lalo na kung ang org ang usapan. Hindi ka pwedeng mabuntis kung hindi ka kasal, kapag nag kataon, pinaka malalang parusa mo na ang kamatayan.
"Sana nga hindi siya nag sisinungaling. Hindi ko gustong pag lamayan ngayon ang kapatid ko-"
"Huy bibig mo Nina"
Sita sa kaniya ni Chelsea
Tumingin ako kay Tyro at Nina
Hindi ko alam kung hanggang saan na sila nakaabot sa tagal ng relasyon nila, pero sana hindi maging ganito ang kahantungan nila.
"Nasa'n ba kasi ang Ace deck?!"
Kunot na kunot na noong tanong ni Sandra
"Sa hospital ko pa sila huling nakita. 4 years ago na 'yon."-Chelsea
Naka cross arm lang akong naka tingin sa kanila.
"Labas muna tayo. Tayo na mag order ng kakainin natin"
Hinila ako ni Raffy
"Teka? Bakit ako-"
Hinila nalang niya ako, hindi naman ako makapalag pa.
"Mag oorder na kami-"
"Sama ako!"-Pula
Tumayo siya para sumama
"Ako rin!"-Chelsea
Hindi na nag salita si Raffy, hinila nalang niya ako palabas ng silid habang kasunod namin 'yong dalawa.
Hawak hawak ko ang menu.
"Bitawan mo na ko, kaya ko mag lakad"
Sabi ko sa kaniya.
Binitawan naman niya ako
"Ano bang oorderin natin?"
Huminto muna kami sa apatang silya sa pa square na mesa para pag usapan ang kakainin namin.
"May tanong ako"
Tumingin kami kay Pula
Kada kanto ng mesa ay may nakaupo
Kaharap ko si Pula at mag kaharap naman si Chelsea at Raffy
"Ano?"-Chelsea
"Kung successor lang ang pwede sa decks na 'yan, bakit nandoon ka Raya?"
Ah para sa'kin pala ang tanong
"Ako rin naman hindi successor. Taga tulong lang kami sa pag papalago ng business nila. Bakit kami nasa decks? Kasi Successor Royal Guard kami. Kailangan naming bantayan ang successor ng deck namin at the same time kailangan naming bantayan ang successor ng King's deck, dahil ang trabaho ng successor ng deck namin ay trabaho rin namin, ang trabaho nila ay ingatan at siguraduhing ligtas si Cassey kaya naging trabaho na rin namin 'yon.
Kaya lang 1 year ago nag karoon ng special bodyguard si Sandra, 'yong masasamahan talaga siya sa lahat ng oras at ang hinahanap ni Mr. Homer ay malapit lang sa age niya at same school. Nag pakitang gilas lahat ng malapit sa age ni Sandra at lahat ng nakapaligid ngayon kay Sandra ang mga nakapasa sa pag pakitang gilas. Ang huling nakapasok ay si JM dahil galing siyang probinsya no'ng mga panahong 'yon"
Paliwanag niya kay Pula
Nakatingin lang kami sa kanilang dalawa
"Nakita niyo rin kung paano lumaban si Raya?"
Oh? Nasa'kin nanaman ang usapan
"Hindi, pangalawa sa huli si Crenz sumali dahil sinabihan lang siya ni Hans, naging under muna ni Hans si Crenz bago siya naka sali kaya late na siya. Hindi rin namin alam kung anong hipnotismo ang binigay niya sa mga guard na kinalaban niya at nakapasok siya sa personal bodyguard ni Cassey. Iilan lang din naman kaming nanood sa kanila, mga 7 lang kaming audience iba pa 'yong mga performer"
Napailing nalang ako sa kadaldalan niya
"Wow.. ang daldal mo"
Hangang ani ko habang naiiling.
"Hindi ko na kayo aasahang dalawa na mag explain sa kaniya. Ikaw tatamarin ka lang at si Raffy, tsk ano bang alam niyan? Wala naman siya dito ng apat na taon"
Pag tataray niya sa'min
"Hello? Nag aral ako ng mabuti sa loob ng apat na taon na 'yon-"
"Oo nga pala, paano mo nalaman ang lagay ni Kathy noong nakaraang linggo? I mean pinulsuhan mo lang siya at alam mo na?"
Tanong sa'kin ni Pula
"Ahh.. 'yon ba? Nasa medical team din si Crenz, isa 'yon sa mga pinag aralan nila. Lahat ng Royal Guard kailangan ng may kaalaman sa pang gagamot lalo na ang mga babae. Mas tinuunan ng pansin ni Mr. Homer ang mga babaeng gwardiya ni Sandra kaya marunong si Crenz kumilatis ng sakit ng tao sa pamamagitan ng pag kapa sa pulso nito.
Sinong pinulsuhan mo Crenz?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya
"Paano mo nalaman ang mga bagay na 'yon? Hindi pa tayo nag kikita ng mga panahong 'yon."
Takang tanong ko sa kaniya
"Duuh.. syempre lahat ng mga ginawa ni Nemi malamang nagawa mo na. Sinabi sa'min ni Mr. Montilla na hindi makakapasa pagiging Special Successor R.G. ang isang bata kung hindi siya marunong manggamot ng may sakit at sugat lalong lalo na ang panggagamot sa may tama ng baril. Huwag ka nang mag taka. Taga salo kaya ng info ang mga Royal Guard. Kada araw ata noon, pinupulong kami para sa mga latest update sa organization. Hindi ko lang maintindihan noon kung bakit hindi ka binanggit sa'min ni Mr. Homer. "
Sinipsip ko lang muna ang candy ko
"Ah, 'yon? Pinakiusapan ko siya na huwag nang ipaalam pa sa iba. Ang kailangan ko lang naman ay pera para sa gamot ni Mama at sa expenses ko araw araw. Wala namang mahalagang dahilan pa para sabihin 'yon sa lahat."
Tumingin ako kay Raffy, nakatingin siya sa book menu habang nakatingin kami ni Chelsea sa kaniya.
"Ano? May nakita ka nang masarap?"-Chelsea
Nag kibit balikat siya saka inilapag ang menu. Lahat kami tumingin doon.
"Bakit?"
Tumingin siya sa kawalan
'ano nanaman kayang iniisip nitong baliw na 'to?'
"Hindi ko nakita ang pangalan ko sa Queen's deck list, anong nangyari?"
Makikita mo talaga ang pag tataka sa itsura niya
"Wala ka?"-Chelsea
Tiningnan namin si Pula
"Nabasa mo ba ang pangalan niya sa manual?"-ako
Tumingin siya kay Raffy
"Wala, nag tataka nga rin ako kung bakit wala siya sa libro, pero since sinabi niyo na hindi lahat ng member ay nasa libro dahil karamihan lang naman do'n ay hindi successor, hindi na ako nag taka."
Impossible
"Pero Royal Guard ako at successor din ako"
Napalalim lang ang pag iisip ko.
"Should I ask Mr. Tan about this?"
May kabang tanong niya
"Hindi naman siguro seryoso. Nawala ka ng ilang taon na walang pasabi kung saan ka pupunta tapos bumalik ka rin ng walang abiso. Wala rin namang nakaalam kung saan ka pupuntahan kaya baka may pinalitan sila."
Or maybe a special mission kaya hindi na siya kasama sa manual.
"Ito nalang orderin natin. May iba't ibang meat at sea foods. Huwag niyo nalang pakainin si JM at Chelsea ng hipon at crabs para walang problema sa mga allergy."
Sabi ko sa kanila
Gusto ko muna talaga mag pahinga sa organization na 'to, dahil kotang kota na ako buong taon sa organization na 'to.
Pero hanggat hindi ako umaalis sa organization na 'to, alam kong hindi rin ako makakawala sa organization na 'to. No choice ako.
"Ok, kami na mag oorder"-Raffy
Inaya niya si Chelsea na agad namang sumama sa kaniya.
*Ring*
Tumunog ang cellphone ni Pula kaya nag paalam muna siya na sasagutin niya ang tawag.
Ako nalang ang natira sa mesa.
Balak kong mag lie low sa organization pag balik namin. Ayoko munang bantayan si Sandra, dahil habang kasama ko si Sandra, makakadikit ko ang organization nila.
Pero may bigla akong naalala, ang band competition at ang pag uwi kela Mama. Hindi rin pala ako makakalayo ng tuluyan kina Sandra. Pero susubukan kong mag pahinga muna tapos babalik nalang ako pag tapos ng buwan, kapag pauwi na kami kina Mama.
Kinapa ko ang bulsa ko, hinahanap ko ang cellphone ko
"Lintek, nawala nga pala"
Paano ko makokontak sila Mama? Hays!
"Oh? Anong nangyari sa'yo?"-Raffy
Nakabalik na ang dalawa
"Yung cellphone"
Napatango agad si Raffy, bilis niya talaga ako makuha
"Bilhan kita?"-Raffy
Tumingin lang ako sa kaniya saka napa buntong hininga.
"Hindi, ako na bibili kapag may pera ako."
Kaya hindi ko trip na nasa paligid ko sila eh, na su spoiled nila ako. Ayoko namang mang taken for granted.
"Balak kong mag part time sa ibang trabaho."
Nag katinginan silang dalawa
"Bakit ba kailangan mo pang mag trabaho?"-Raffy
Inirapan ko siya
"Tsk.. alam mo namang ang lagay namin nila Mama"
Napakuyakoy nalang ako
"Ok.. mag part time tayo, susundan kita-"
"Tigilan mo"
Ayan nanaman kasi siya sa kakasunod sa'kin
"Hindi mo ako mapipigilan-"
"May iba akong ipapa gawa sa'yo kaya 'wag mo akong sundan"
Umupo na sila
"Saan ka mag aapply?"-Chelsea
"Papayagan ka naman ba ni Mr. Homer na iwan mo ang anak niya?"-Raffy
Why not? Nandiyan naman si Hans para protektahan si Sandra.
Wala akong sinagot sa kanila
"Raffy, diba kaya mong maka kuha ng mga info sa mga police stations?"
Napailing siya
"Dai, Doctor ako di ako pulis"
Lintek, nakalimutan ko kung sino ang pwedeng maka kuha ng info sa mga stations.
"I can hack"-Chelsea
'Yeah I know'
Pero ang alam ko hindi nila nilagay ang record doon sa mga data nila eh. Di nila pinasok sa computer ang incident na 'yon.
"Raffy, diba sabi mo susundan mo ko?"
Dahan dahan siyang tumango, 'yong pag tangong may pag aalangan dahil alam niyang may kakaiba nanamang pumapasok sa utak ko.
"Bakit?"
"Mag aaral ka diba?"
Napakunot na ang noo niya
"Parang hindi ko nagugustuhan ang tono mo"
Nginisian ko siya
"Balak kong kumuha ng Criminology kapag nag college na 'ko-"
"Ok! Basta susunod ka ah"
Nakangiting aniya
Nag taka naman ako sa itsura niya
"Ayos lang sa'yo?"
"Balak ko rin namang i take ang Criminology at maging muse ng mga lalaki doon-"
"Guemanhae"-Chelsea
May banta sa tono niya
Nag cross arm si Chelsea at sumandal sa upuan
Nag katinginan naman kami ni Raffy, nag kibit balikat lang siya
"Wae?"
"You're taking a college course as a joke?"
Pfft..
"I am not"
"Whatever"
Bigla siyang nag walk out.
"Geuge mwoya?"
(What was that?)
Nag kibit balikat lang ako
"Nasa'n- oh 'yan na pala"
Naka balik na kasi si Pula kaya tumayo na kami
"Tara na"
Nauna na akong mag lakad pabalik habang naka sunod lang sila sa'kin.
Pag balik namin doon mga nakatingin sila sa'min.
"Tagal niyo?"-Hans
Umupo lang ako saka tiningnan si Chelsea
"Babae rin naman ako pero hindi ko maintindihan kung bakit siya gano'n"
Mahinang bulong ko sa sarili ko
"Yeah.. ang kaso nga lang hindi ka ordinaryong babae, iba trip mo sa buha- AH!!"-Raffy
Inapakan ko ang paa niya.
Alam ko namang hindi ako tipikal na babae kasi di ko trip 'yong mga gusto nila, pero pwede bang sarilihin niya nalang?
"Wae, wae?"-Chelsea
Nakatingin silang lahat sa'min
"Sumakit daw tiyan niya."
Sagot ko
Sinamaan ako ng tingin ni Raffy
'Tcch!'
Singhal ko sa kaniya
"Pwede kitang dalhin sa clinic dito"-Daniel
Nilingon namin si Dan
"N-no (ahck) I'm fine."
Bigla akong natawa sa itsura niya
*Pak*
Mahina niya akong hinampas sa balikat.
Umarte akong nauubo pero natatawa talaga ako sa itsura niya.
Sinamaan niya talaga ako ng tingin.
"May meditation tayo sa linggo so we need to be there"-Nina
"Pass"-ako
"You can't. Dapat no'ng first week 'to ng October pero since nawala ka, naurong 'yon."-Nina
Pwede naman silang pumunta na wala ako, bakit kailangan pa nila akong antayin?
"Sakto, kakausapin ko si Mr. Homer-"-Raffy
"Lalong hindi ako sasama"-ako
"Wae?! Wae geurae?!"
(Why?! What's wrong?!)
Nag hahamong aniya
"Wag ka ngang mag Korean language dito. Nasa pinas ka kaya mag tagalog ka"
Pag susungit ko
"Alam mo bang the more na pinapalayo mo ko, the more na hahabulin kita. Binigyan na kita ng taon para makapag pahinga mula sa'kin-"
"Dakcheo! ssibal-saekki!"
(Shut up! *Cuss*)
Mariing ani ko sa kaniya
Nginisian niya ako
"Sasama ka na?"
Napakamot nalang ako sa noo ko
"Gaessaekki"
Mariing bulong ko sa kaniya
"Sasama na siya"
Masayang pahayag niya sa lahat
Sana pwede ko siyang ibalibag
"Great? Uhm.. may hindi ka ba sinasabi sa'min Crenz?"-Nina
Ito ang ayaw ko eh. Kapag nadulas si Raffy sa mga nangyari noon, mag uusisa na si Nina.
"Non ho nulla da nascondere"
(I have nothing to hide)
"Realmente?"
Sinipa ko ng mahina si Raffy sa ilalim ng mesa
"Teka, hinay hinay naman kayo sa ibang lenggwahe, limited lang ang alam ko sa mga lenggwaheng binanggit niyo, tapos pa palit palit pa kayo lenggwahe"
Reklamo ni JM
"Jinjja fazzo"-Nemi
Seryosong sabi ni Nemi kay JM
(Jinjja- really) Korean
(Fazzo- stupid) Italian
"Pfft!"-kami
"Hoy, naintindihan ko 'yon ah!"
Maktol niya kay Nemi na inirapan lang siya
Ako na naiinis ay natatawa rin sa pinag uusapan nila.
"Basta sa weekend ah. 'yong candy pala na binigay ni Mr. Tan sa'yo Crenz, kunin mo nalang sa Van dahil kahapon pa pinag didiskitahan ng kambal 'yon"-Sandra
Candy?
Hanep! Nag ka premyo pa ako.
Hindi ko nalang siya sinagot.
"Oo nga pala Attienza-"-Nina
Naging seryoso ang tono niya kaya lahat kami tumingin sa kaniya.
"Uh?"
"Sa January after ng birthday ni Jeo, kailangan mong sumama sa organization para mag training."
Naka halukipkip akong tumingin sa kanila
Gagawin na naman pala nila 'yon?
"Training?"
Takang tanong niya
"Oo, umaabot 'yon ng isang taon. Sa ibang bansa gaganapin"
Naguguluhang tumingin siya sa'kin. Tiningnan ko rin siya pero wala akong binigay na ekspresyon.
"B-bakit kailangan kong sumama?"
Dumating ang pagkain namin kaya natahimik muna ang lahat at hinayaan muna mag ayos ang mga waiters.
"Anything else you want to add Ma'am/Sir?"
Tanong nila
Tinaas ko ng bahagya ang kamay ko para kunin ang atensyon nila.
Tinuro ko ang kutsilyong nasa pader
"Ma'am?"
Tanong niya habang lumalapit sa kutsilyo
"There's a fly on the tip of that knife. Should I compensate for damage?"
Singit ni Raffy
Gulat na tumingin ang waitress sa kutsilyo.
"A-ah,"
Tumingin siya sa'min. Mukhang na starstruck ata sa mga lalaki namin kaya di mapakali
"Miss?"-Nemi
"A-ah pwede po bang imbitahan ang isa sa inyo para makausap po ng manager namin?"
May kabang tanong niya
"Why can't your manager come here?"-Sandra
Pag susungit niya
"Sandra!"-Hans
"Why? Costumer is always right"
Napapikit nalang ako sa ugali niya. Minsan talaga may pagka brat siya
"Ako na ang pupunta"-Raffy
Tumayo si Raffy
"Brat"
Parinig ko sa kaniya kaya inirapan niya ko
Lumabas na si Raffy, tumayo naman si Daniel.
"Sa'n ka pupunta?"-Tyro
"Sasamahan si Raffy"
Tugon niya saka lumabas at sumunod sa kanila.
"Isa nalang naman ang hindi legal age dito 'no?"
Tanong ni Nina
"Oo 'yong bratinelang batang 'yan"
Tugon ko sa kaniya
"Stop it Crenz"
Pag tataray niya na ikina ngisi ko.
"Back to you Attienza. Kailangan mong matuto lumaban para protektahan ang pamilya mo dahil hindi sa lahat ng oras nandiyan ang Royal Guard para protektahan ka-"
"Pwede bang umalis sa organization niyo?"
*TAP*
Malakas kong tinap ang mesa. Bahagya pang nagulat si Sandra na katabi ko sa pag iingay ko.
"Hoy! Sabihin mo nga sa'min kung totoo kang lalaki?"
May inis sa tono ko.
Pero ayoko lang talagang sila ang sumagot sa tinatanong ni Pula. Baka magaya dati, 'yong tungkol sa baril.
"Totoo akong lalaki at huwag mong laging kwestyunin 'yon! Nakalimutan mo atang ikaw ang nag dala sa'kin sa organization na 'to?! Kaya ngayon pati buhay ng pamilya ko nadadamay!"
Sigaw niya sa'kin
"NAKALIMUTAN MO ATANG IKAW ANG NAKIALAM SA AWAY NG GRUPO NAMIN KAYA KA NA DAWIT?! KUNG HINDI KA PAKELAMERO 'DI SANA WALA KA DITO SA HARAP NAMIN NGAYON!"
Hindi ko na mapigilang mapasigaw dahil sa pag kainis ko sa kaniya.
Kasalanan niya kung bakit siya nandito pero ako sinisisi niya? Dapat nga mag pasalamat siya sa'min dahil balita ko ilang beses nang inabangan ang pamilya niya ng kaaway naming grupo, mabuti nalang at may nag babantay sa pamilya niya kaya hindi na kakanti.
"EDI SANA HINDI MO NALANG SA KANILA PINAALAM-"
"Kung hindi ko pinaalam, tingin mo buhay ka pa ngayon?"
Seryosong tanong ko sa kaniya habang tinutunaw ko siya ng titig ko.
"Ano?"
Halos pa bulong na tanong niya.
"Huwag mong hintaying may mangyari sa pamilya mo bago ka sumunod sa'min. Sa isang taon lang na 'yon ipapakilala ng mga trainer niyo ang organization namin, matututo ka ng iba't ibang lenggwahe, pag aaralin ka nila at pag uwi mo dito baka maging totoong lalaki ka na-"
"Pag hindi ako pumayag?"
Tumayo ako at tinukod ko ang dalawang kamay ko sa mesa.
"Ako papatay sa pamilya mo"
Seryosong sabi ko sa kaniya
"Crenz!"-Hans, Tyro at Nina
Walang bahid ng kahit anong emosyong tinitigan ko ang mata niyang galit at gustong gusto na akong patayin sa tingin niya.
"Crenz, calm down"
Pinaupo ako ni Sandra
"Kaya kong protektahan ang pamilya ko kahit hindi ako pumunta doon!"
Mariing aniya kaya huminga ako ng sobrang lalim para pakalmahin ang sarili ko
"Makinig ka sa'kin bata-"
"Tigilan mo nga kakasabi ng hindi tama!"
"Then act as a mature!"
"Damn you! Hindi porket mahirap ka at sanay ka sa hirap-"
"WHAT THE FUCK?!!!"
Sigaw ni Tyro at saka tumayo at humarap kay Pula na agad namang pinigilan ni Hans.
"Tyro!"
Saway na ng lahat
"Eh wala namang sense sinasabi niya! Huwag ka sa'king magalit pare-"
Tumayo na rin Pula para harapin si Tyro
"Tigilan niyo na 'yan"
Nag kaniya kaniyang saway na sila dahil nga nag kakagulo na.
"Nemi, do something!"-Sandra
Hindi na nag papaawat ang dalawa at gusto nang kumawala sa mga umaawat sa kanila.
"GAGO KA! HUWAG MONG SABIHANG MAHIRAP LANG SI CRENZ! LAKI SIYA SA HIRAP, EH ANO NAMAN?! IKAW?! ANO NA BANG NAGAWA KO SA BUHAY MONG TARANTADO KA!"
"TANGINA! GAGO KA RIN! BAKIT NAKIKIALAM KA?! PINAG TATANGGOL MO 'YANG BABAENG 'YAN?! BAKIT PARE?! TRIP MO BA 'YANG HAMPASLUPANG 'YAN?!"
Ayos lang, hindi naman masakit.
Pag usapan niyo lang ang antas ko sa buhay. Sabihin niyo na rin na mag sasaka ang magulang ko.
Hindi ko alam pero nasasaktan ako kapag pinag uusapan na ang yaman na meron sila, lalo na kapag pinapamukha sa'kin na mahirap lang ako at kailangan kong maging working student para may maipadala ako kay Mama at may pang gastos ako sa sarili ko.
Nag expect lang siguro ako na hindi na uulitin sabihin ni Liphyo ang mga salitang 'yon since medyo matagal tagal na rin kaming nag kakasama. Akala ko ayos na sa kaniya may mahirap na tulad kong nakapaligid sa kaniya.
Too much expectation will surely break you into pieces.
Isa 'to sa dahilan kaya ayaw kong may makakasanayan akong presensya ng isang tao.
Kaya lumalayo ako sa kanila mula pag ka bata.
Nakatingin lang ako sa kanila habang inaawat sila ng mga lalaki
"ANG KITID NG UTAK MO! INIISIP LANG NIYA 'YONG MAKAKABUTI SA'YO AT SA PAMILYA MO! DAHIL NASA TALAMPAKAN 'YANG UTAK MO! MINAMASAMA MO NA!"
Patuloy na sigaw ni Tyro
"HINDI MAKAKABUTI SA'KIN ANG PAG LAYO SA PAMILYA KO! HUWAG NIYONG PAKEALAMAN ANG BUHAY KO AT ANG MAGIGING DESISYON KO SA BUHAY!"
Nag cross arm lang ako habang pinapanood sila.
Kung hindi napigilan ni Hans si Tyro baka baldado na 'tong si Pula.
"Crenz? What should we do?!"
Tanong sa'kin ni Sandra
Hindi ko rin alam.
Kung nandito si Raffy at narinig ang sinabi niya, wala nang mag tatangkang umawat sa kaniya dahil kapag humarang ka, asahan mong mababalian ka ng buto.
"TUMIGIL NA KAYO, ANO BA-"-Nina
"EH SIRA PALA TALAGA TUKTOK MO EH! NAKIALAM KA SA AWAY NANG MAY AWAY TAPOS AYAW MONG MAY MANGINGIALAM SA'YO KAHIT PINOPROTEKTAHAN KA LANG NAMAN! PULUTIN MO 'YANG UTAK MO!"
Halos nag sasabay sabay na sila sa pag sasalita dahil sa pag awat kaya sobrang ingay na sa loob.
"EH AYOKO NGANG UMALIS-"
"MUNTIK NANG MAMATAY ANG PAMILYA MO!!! GAGO!!"
Nagulat ako sa sinabi ni Tyro. Bakit niya 'yon sinabi!
"TYRO!!"
Hindi ko mapigilang tumayo at lumapit sa kaniya.
Hinawi ko sila Hans na pumipigil sa kaniya at saka binigyan ng isang solid na suntok sa sikmura si Tyro.
"Crenz!/Yara!"
Natigilan ang lahat.
Namaluktot sa sakit si Tyro at napa upo. Dinulugan agad siya ni Nina
"Crenz! What are you doing?!"-Sandra
Hindi ko napigilan ang sarili ko binigyan ko pa ng sapak si Tyro sa mukha niya na ikina bulagta niya sa sahig.
"Crenz! Hindi mo na alam kung anong ginagawa mo! Nasa Queens deck 'yang sinaktan mo"
"WALANG MAKIKIALAM!"
Lumayo na si Nina kay Tyro. Gusto niya akong pigilan pero wala siyang magawa dahil ako na ang humawak kay Tyro.
Marahas kong itinayo si Tyro
Hindi pa siya maka hinga ng maayos
"Crenzy please-"
"WALANG SUSUNOD! SUBUKAN NIYONG HUMAKBANG NG KAHIT ISA LANG, BABALIIN KO MGA BUTO NIYO!"
Pasalamat sila hanggang banta lang ako.
Iniiwasan ko lang talagang hindi sila abutan ni Raffy, kundi mayayari si Pula ng di oras.
Sapilitan ko siyang kinaladkad palabas ng silid na 'yon at nag tungo kami sa Veranda.
Sinalampak ko siya sa railings ng Veranda.
Umubo siya nang umubo hanggang sa makahinga na siya ng maayos.
Naka tukod lang ang braso ko sa railings ng Veranda habang tinatanaw ang kapayapaan ng dagat.
Tumayo siya saka may iniabot sa'kin.
Candy 'yon
Nasanay na akong maging pampakalma ang candy kaya tinanggap ko 'yon.
"Ang sakit no'n, ilang sesgundo rin akong hindi nakahinga"
Pahayag niya at saka tinanaw din ang karagatan.
"Mi dispiace"
(I'm sorry)
Paumanhin ko saka kumain ng candy.
"Ayos lang, hindi ko rin naman dapat ginawa 'yon. Alam ko namang ayaw mong may nakikialam sa mga gulo mo, pero nakialam pa rin ako. Sorry hindi ko lang kasi napigilan no'ng iniinsulto ka na."
Naaantig ang puso ko kapag nag mamalasakit sila sa'kin. Isang hamak na Crenz Yara Vilarde lang ako pero grabe nila ako ipag tanggol at ingatan.
"Bata pa siya kaya dapat hinayaan mo nalang. Hindi niya talaga ako maiintindihan dahil ayaw niyang intindihin ang sinasabi ko. Pero hindi mo pa rin dapat sinabi na muntik nang mapahamak ang pamilya niya. Sinusubukan kong ipa intindi sa kaniya ang sitwasyon pero ikaw 'tong nakikialam kahit alam mong ayaw ko ng pakelamero sa gano'ng bagay. Nakalimutan mo bang under ko pa rin siya?"
Huminga siya ng malalim
"Aalis ako bago mag November for my research. Ikaw muna ang bahala kay Nina. Baka kasi hindi rin kami mag karoon ng communication dahil sa magiging busy ako at mag ka salungat ang araw at buwan namin."
Binigyan pa niya ako ng alalahanin
"Di ko 'yon magagawa"
Pag papaalam ko sa kaniya
"Bakit?"
"Aalis din ako kasama ang mga bata pauwi sa bukid bago mag November. Si Chiggy Mil baka umalis din kaya baka rin pauwiin ko muna si Nina sa bahay nila dahil wala siyang magiging kasama sa bahay"
Gusto kong mag yosi.
Na sistress ako.
Kapag bumalik ako nang hindi pa maayos ang buhay ko, baka mas magkagulo.
"Dapat siya sinapak mo eh"
Maktol niya
"Hayaan mo siyang maguilty dahil ikaw ang masaktan kahit siya ang may kasalanan. Hindi ko kayo pwedeng hayaan nalang na mag away hanggang sa dumating si Raffy. Alam mo naman ang ugali ni Raffy kapag ako na ang naagrabyado, baka mapatay niya si Pula"
Napa buga ng hangin si Tyro.
"Tatawagin ko si Raffy para makapag labas ka ng sama ng loob. Hindi na kinakaya ng candy 'yang pag papakalma sa'yo, mukhang kailangan mo nang mag sunog baga."
Nag apir kami dahil alam na alam niya ang kailangan ko, saka kami nag ngisian.
"Oh? Ayon si Raffy- Raffy!"
Tawag niya kay Raffy na kaagad naman tumingin sa amin.
Lumapit sa'min ang dalawa.
"Anong ginagawa niyo dito? Ano 'yan?"
Tanong ni Raffy saka tinuro ang namumulang pisngi ni Tyro.
"Wala 'to, nasampal lang konti ni Nina"
Biglang Napa ngiwi si Raffy
"Raffy, gusto mag Jollibee ni Yara-"
"Mag oorder na ba-"
"No, gusto niya sa mismong fast food"
Tiningnan ako ni Raffy na parang may kinang pa sa mata
"Sure! Let's have our first date!"
Inirapan ko lang siya saka nag lakad palayo sa kanila, pero alam ko namang nakasunod lang sila.
"Mauuna na kami ni Crenz sa bahay ah, kapag hinanap kami, ikaw na bahalang mag alibi"
Paalam ni Raffy kay Tyro
"Kami na ni Dan ang bahala. Mag iingat kayo sa pag dadrive."
"Huwag mong gagalawin si Pula ah, Tyro."
Bantang ani ko sa kaniya
"Yes ma'am!"
Nag hiwalay na kami ng landas. Nakasunod lang sa'kin si Raffy habang daldal lang nang daldal.
Hindi ko na siya pinansin at saka nag patuloy sa pag lalakad palabas ng hotel.
Sinabihan ko si Raffy na sa bahay nalang kami kumain at mag order nalang ngayon para sabay na datingan nalang. Gusto ko kasing matulog kesa mag yosi.
Kapag bumalik ako sa pag yoyosi, baka hindi na ako mapigilan pa ulit.
Si Raffy lang naman nag pa tigil sa'kin mag yosi eh. No choice naman ako no'n kasi wala naman akong alam sa lugar na pinuntahan namin kaya wala akong nabilhan. Lahat din kasi ng mga binili ko either tinago ni Raffy or tinapon niya.
Kagagaling ko lang sa assignment tapos ganito pa nangyari?
Nakakaloko talaga siya.
Kamuntik na kaya niya akong mabaril last month.
Marami pa rin akong gustong sabihin kay Pula pero ngayon mukhang hindi ko na masasabi at nawalan na ako ng ganang sabihin dahil sa mga ginawa at sinabi niya.
Sana hindi na kami mag kita sa school.
Nasa higher section siya at bukod ang building na 'yon sa building namin.
Hindi ako nag tatanim ng sama ng loob. Ayoko nalang talagang mag cross kami at mag away pa. Dumadagdag lang siya sa isipin ko. Hindi ko naman trip na mag karoon ng gano'ng under 'no. Hindi pa naman sira tuktok ko.