Halos araw araw na akong pinupuntahan ni Raffy simula nang nalaman niya kung saan ako nakatira.
Inaantok lang na tiningnan ko si Raffy na nag lalabas ng mga pagkain sa isang plastic na dala niya dito sa bahay.
Humikab ako habang nag kakalat siya sa bahay ko.
"Eto! Eto 'yong nakalimutan mong iuwi na bigay sa'yo ni Tanda"
Iniabot niya sa'kin ang isang pack ng candy na naka pukaw naman sa atensyon ko.
Umayos ako ng upo at kinuha ang candy na 'yon.
"Tama 'yan, mag candy ka lang at huwag ka na ulit hahawak ng sigarilyo-"
"Dakcheo"
(Shut up)
Mangha lang akong nakatingin sa candy na 'yon. Itong candy na 'to ang isa sa pinaka masarap na candy na natikman ko.
Maganda talaga taste ni Tanda sa mga bagay bagay.
Agad akong nag salin ng candy sa lalagyan ko at kumain ng isa.
"Bakit ang tagal ni Nina?" Tanong ko sa kaniya habang may subong candy
"Nag mi make up pa 'yon"
Kumunot noo ko
"Bakit pa kailangang mag make up kapag lalabas?"
"Bakit ba? She wants to be presentable, that's it"
Aniya habang nag hahalungkat pa rin sa plastic
"Eh bakit tayo? Ikaw? Bakit di ka nag mi make up?"
Tumigil siya kakahukay niya sa plactic bag
"Maganda na kasi ako kahit walang make up"
"Sino?"
Inosenteng tanong ko sa kaniya
"Anong sino?"
"Sino nag sabi sa'yo?"
Naiinis na nginiwian niya ako pero walang emosyon lang akong naka tingin sa kaniya.
Seryoso kaya ako sa tanong ko. Bakit ganiyan itsura niya.
"Bakit? Hindi ba ako maganda?"
Sinuri ko ang buo niyang mukha.
Ang pisngi niya, ilong, mata, bibig lalo na ang hugis ng mukha niya.
Maganda siya at mas lalong nakakapag padagdag ng appeal niya ay ang tangkad niya. Halos kapantayan niya ang mga lalaki namin pero nakaka suya lang ang itsura niya dahil halos araw araw ko siyang nakikita. Matangkad din naman ako, 5'9 siya at ako ay 5'7. Ang pinaka maliit lang naman sa'min ay si Chelsea na 5'4 lang ang height. Si Sandra kasi kahit mag si 17 palang siya 5'6 na ang height niya, at si Nina naman kasing tangkad ko lang din. Si Nemi nasa around 5'5 or 5'6, si Nemi talaga ang masasabi kong almost perfect.
Kung sa patalinuhan lang, boto na ako kay Nemi, magaling siyang lumaban at model material talaga both personality and appearance. Kay JM lang talaga bukod tanging suma sama ang ugali niya, pero hindi 'yon counted. She's almost perfect. Gusto nga siyang kuning ambassador sa school namin pero tinanggihan niya. Isa sa mga hinahangaan ko talaga sa kaniya ang pagiging humble niya, low-key lang siya every time except kay JM. JM is always an exemption.
Si Raffy ang magiging tipo ko sa isang babae kung isinilang akong lalaki. Kaso may mga bagay lang akong kinaiinis sa kaniya, tingnan niyo naman kung gaano siya ka kulit lalo na kapag dating sa'kin. Kung di isasama ang kulit niya sa'kin at ang kasungitan niya sa iba lalo na ang pagiging childish niya minsan, baka makaabot siya sa linya ni Nemi.
Kapag sa ibang tao kasi nag susungit si Raffy. Sa ngayon lang 'yan nakaka ngiti pero kapag nag tagal na 'yan dito, babalik na 'yan sa totoong Raffy, seryoso at masungit.
Ngayon kasi pinapakiramdaman pa niya ang paligid dahil nag aadapt pa siya sa bago niyang surrounding at kakakita palang ulit niya sa mga kababata niya kaya nag liligalig pa siya, pero pag sanay na siya dito, babalik na 'yan sa pagiging tahimik at seryoso. Gaya 'nong tinawagan ko siya 'nong nag pa tulong ako, namiss ko ang boses niya kaya lang no'ng mga panahong 'yon nasasaktan ako para kay Hans. Naaawa pa rin ako kapag naalala ko 'yon.
"Ano?"
Pukaw niya sa'kin no'ng medyo natagalan na ako sa pag tingin sa kaniya.
Umiling ako
"Hindi"
Sagot ko sa kaniya
Lumaylay ang balikat niya
"Sana pwede kitang sunugin ng buhay"
Pag tataray niya
Ngumisi lang ako habang siya bumalik sa pag labas ng pagkain
"Ano ba 'yan? Bag ni doraemon at bulsa ni Dora?"
Seryosong tanong ko sa kaniya
"Stupid, bulsa ni doraemon 'yon at bag ni Dora. Palibhasa walang childhood memory for being a kid"
Singhal niya
Nag taas noo ako
"Oh bakit? Parang meron ka ah, pareho lang naman tayong hindi naging bata"
Maktol ko.
Kay Raffy lang naman ako komportableng ipakita lahat ng side ko dahil siya ang pinaka matagal kong nakasama simula pag ka bata.
Si Hans, komportable rin naman ako kaya lang syempre may mga bagay na babae lang ang pwedeng kausapin at pag tanungan kaya hindi gaano kapag kay Hans, pero kay Raffy open talaga ako kasi kapag dating sa'ming dalawa, pareho kaming walang hiya sa isa't isa.
Ayokong aminin pero siya talaga ang best friend ko. Kung sila Tyro ay handang pumatay para sa'kin, si Raffy naman ay naka hukay na ng paglilibingan at mas handang handa nang mambaon ng tao sa hukay para sa'kin.
Kaya minsan ayaw kong umaaligid sa'kin si Raffy kasi kapag nagalaw lang ako ng konti nag karoon ng madugong labanan, eh ang iniiwasan ko pa naman ay ang makasakit ng mga taong nasa paligid namin lalo na kapag walang laban.
Umiiwas ako sa gulo, pero ang linya ng trabaho ko ay komukontra doon.
"For your information, hinabol ko kaya ang childhood ko para may masabi akong childhood memory. Unlike you"
Inirapan niya ako
"Ssaekki"
Singhal ko sa kaniya.
"Gusto mo ipag bake kita ng cookies?"
Tsk.. alam ko namang nag ooffer siya para makapunta ulit siya dito.
"Kelan ka ba magiging busy?"
Kunot noong tanong ko. Akala ko ba mag aaral siya?
"Inaayos palang ni Jr ang papers ko-"
"Bakit siya inuutusan mo? Ikaw mag aaral tapos siya mag aayos?"
Tinaasan niya ako ng kaliwang kilay niya
"Hiyang hiya naman ako sayong si Hans ang nag asikaso ng lahat lahat sa'yo, kasama na 'tong tinutuluyan mo."
Bigla akong nag iwas ng tingin
"*Ehem* Nasa'n na ba si Nina, parang ang init dito-"
Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako at pinaupo ulit.
"Huwag mo nga akong takasan-"
"Tasakasan? Wooh! Bakit naman kita tatakasan?"
Hindi makapaniwalang ani ko
"Itanong mo sa sarili kung bakit? Haaaaay! Ano ba? Tinatanong kaya kita kung gusto mo akong mag bake ng cookies, kasi kung ayaw mo kay Chelsea ko nalang-"
"Wo-woy, ano-"
Napakamot ako ng batok saka nag iwas ng tingin
"-wala naman akong sinabing ayoko"
Pahina nang pahinang sagot ko
Bahagya niyang ginulo ang buhok ko.
"Cute mo talaga"
Patawa tawa pa siya habang bumalik na naman sa pag hahalungkat.
Napangiwi habang tinitingnan siya.
Naubos nalang ang sinisipsip kong candy, hindi pa siya tapos.
Kumuha ako ng dala niyang chichirya at kumain.
Gaano ba kalalim ang dala niyang plastic? Kinakalat lang naman niya ang laman.
"Yah, Guemanhae.. neo neomu jijeobunhae"
(Stop it, you're messy)
Hindi siya tumigil. Para lang akong nanonood sa T.V dahil sa itsura ko ngayon.
Napaka tagal naman kasi ni Nina jusme!
"Jamkkanman"
(Wait a minute)
Ano ba kasing kinukuha niya?
Gusto ko na siyang sipain since naka harap ako sa tagiliran niya sa dami ng kinakalat niya.
"Puro junk foods lang naman 'yan. Sinong kakain niyang dito?"
Hindi naman masyadong kumakain si Nina niyan at si Mil naman, hindi naman gaanong nag sistay dito sa bahay. Sinusuyo pa ata 'yong Chinese niyang crush hanggang ngayon.
"Ako"
Napalaylay nalang ang balikat ko sa sinabi niya saka gigil na nag pasok ng pagkain sa bibig ko.
"Sa'n ka kaya magandang sipain?"
Inaangguluhan ko na kung saan siya magandang sipain, iyong tipong maaalog utak niya.
"Sa ulo kaya?"
Bulong ko sa sarili ko
"Ay hindi, sayang naman 'yong natitira mong ganda kung doon-"
"Stop it"
Saway niya sa'kin na ikina singhal ko lang.
Maya maya huminto siya
"Tapos ka na? Nahanap mo na?"
Tumingin lang siya sa'kin tapos bumalik ulit sa plastic.
"Lintek na- yah! Tigil mo na 'yan, mas maingay pa 'yang plastic kesa sa pinapatugtog mo eh. Para akong nakakarinig ng sirang t.v sa ginagawa mo"
Hindi niya ako pinansin.
Ano ba kasing hinahanap niya?
Tumayo na ako para tulungan siyang mag hanap.
"Uh? Tatlong plastic 'tong dala mo?"
Hindi ko napansin na tatlo pala 'yon, kaya pala ang tagal niya.
"Ano ba 'yon? Ano hinahanap mo? Bakit di mo nalang ilabas lahat nang matapos ka na kakahalungkat diyan?"
Naiiritang tanong ko
"Huwag mo nang alamin kung anong hinahanap ko, maupo ka nalang doon"
Hindi lang naman junk foods dala niya, may mga keychains at iba't ibang pang display sa bahay.
"Uh? Ganda!"
Tinaas ko ang keychain na hawak ko
"Ayan-"
Kukunin niya na sana nang ilayo ko
"Akina 'to"
Tumayo ako para lumayo sa kaniya. Sa keychain na 'yon may grenade, rifle, injection and stethoscope sa loob kaya natuwa ako sa itsura.
Tumayo rin siya at sinusubukang kunin sa'kin ang keychain.
Nag katinginan kami, parehong titig na titig sa mata ng isa't isa.
Nauna siyang sumipa na agad kong nasalo ang paa niya, iniikot ko 'yon at kasabay ng pag ikot ko sa paa niya ay ang pag sabay ng katawan niya sa pag ikot sa ere na sumubok na masipa ang mukha ko. Nabitawan ko ang paa niya kaya nakatindig siya ng maayos. Ako naman ang sumubok na sipain siya sa hita niya pero napaka bilis niya rin naka talon para iwasan 'yon, nasipa niya ang kamay kong may hawak na keychain kaya tumilapon 'yon sa kung saan. Umikot siya sa ere para masipa ang mukha ko pero nakaatras agad ako, sa sumunod kong pag atake ay hindi niya na iwasan at ikina higa niya sa sahig. Nasipa ko ang likod ng tuhod niya kaya napa higa siya. Mabuti nalang at mabilis akong naka punta sa uluhan niya at sinalang ang paa ko sa pag babagsakan ng ulo niya.
Medyo napangiwi ako sa sakit no'n.
Tinanggal ko ang paa ko sa ulo niya at mabilis akong tumalon sa ibabaw niya at inambahan siya ng suntok.
*CLAP CLAP*
"Oo na, magaling na kayong lumaban kaya tara na, nag hihintay na sa labas si Chelsea"
Sabay kaming lumingon kay Nina.
"Actually kanina pa ako nandito sa pinto, busy kasi sila mag agawan sa bagay na 'to"
Sabay ulit kaming lumingon sa may pinto habang naka sandal doon si Chelsea at hawak ang keychain na pinag aagawan namin.
"Maganda 'to ah, akin nalang"
Mapang asar na ngumiti siya sa'min at lumabas na ulit.
Tumayo na ako at tinayo ko si Raffy.
"The nerve of you two. What's with sudden fight?"
Naiiritang tanong ni Nina
"We're just playing"-Raffy
"Tsk! Dahil sa'yo hindi ko na makuha 'yong keychain."
"Sa'kin kasi 'yon, nasama lang diyan sa bag."
"Nandito sa bahay ko, kaya sa'kin na 'yon"
"Ako ang nag dala-"
"Eh para kanino ba 'yong dinala mo?"
"Para sa-"
Natigilan siya.
Oh ayan makipag talo ka pa sa'kin eh para naman talaga sa'kin 'yong mga dinala niya.
"Tsk.. burn your ass's in fire, bitches"
Nilampasan kami ni Nina at lumabas na.
"Should I?"
Takang tanong ni Raffy sa'kin habang tinuturo ang sarili niya
"You should"
Tango ko.
Lumabas na ako para antayin si Raffy na lumabas sa bahay.
"Ppalli ssaekki!"
Sigaw ko sa kaniya
"Arasseo!"
Lumabas na siya ng bahay na may tangay na mga chichirya at nag patuloy lumabas sa gate. Ni lock ko naman ang pinto. Mukha namang hindi uuwi si Mil eh, kung uuwi naman si Mil, may susi naman siya.
Lumabas na ako at naabutan kong nakaabang sa labas ng pinto ng passenger seat si Raffy.
"Hop in my Princess"
Binuksan niya ang pinto.
Inirapan ko siya at papasok na sana sa loob nang makita ko ang itsura ni Chelsea na may pula sa ilong.
Lumabas ulit ako at hinarap si Raffy, hinila ko siya palayo konti sa kotse para kausapin
"Wae?"
Para kaming mga chismosang nag uusap sa kalsada.
"Mukhang natamaan mo si Chelsea ng keychain sa ilong"
"Ha-"
Lilingon sana siya pero pinigilan ko ang ulo niya
"Siraulo ka talaga 'no? Wag kang tumingin, gusto mo bang sipain tayo no'n?"
Napangiwi ako nang maalala ko kung paano niya sinipa si Daniel dati dahil nasira ni Dan 'yong make up niya.
"Natatakot ka sa kaniya?"
"Oo naman, alam mo namang di ko gagantihan ang mga babae sa'tin-"
"Ako bahala sa'yo kapag kinanti ka niya"
Nag liwanag ang mukha ko
"Talaga? Anong gagawin mo?"
"Ako na bahala sa pang pa hospital-AH!!"
Inapakan ko ang paa niya.
Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa kaniya.
"Pag nag dugo ang ilong niya mamaya, humanda ka"
Bulong ko sa kaniya
"Bakit ako? Ikaw makakatabi niya-"
Tumakbo na ako papunta sa pwesto ni Nina. Pag bukas ko ng backseat, agad kong pina urong si Nina.
"Bakit hindi ka nalang sa kabila dumaan?"
Reklamo ni Nina
"Uurong ka o hindi ako sasama?"
Pa irap na umurong siya sa kabilang side.
"Ako diyan-"-Raffy
Hinawakan niya ako sa balikat, pinaikot ko ang kamay niya at gaya ng ginawa niya kanina, umikot din ang buo niyang katawan kasabay sa kung saan ko iyon pinaikot. It means tumumbling siya para masabayan ang kamay niya. Sisipain ko sana siya pero agad umatras ang katawan niya.
Nag katinginan kami saglit.
1..
2..
3..
Pumasok agad ako sa loob ng kotse at saka sinara ang pinto. Ni lock ko agad
"What's wrong with the both of you?"
Naiinis na tanong ni Nina
Nag kibit balikat lang ako.
"Nag aagawan kayo sa backseat? Wae?"-Nina
Pumasok si Raffy sa passenger seat pero nakasiksik siya sa may pinto.
"What are you doing?"
Sitang tanong ni Chelsea
"Gusto ko kasi maramdaman 'yong lamig ng bintana"
Nilapit pa niya ang mukha niya sa bintana.
"Pfft.."
Pigil ko sa tawa ko
"Tsk.. maging maayos ka nga kapag katabi mo si Chelsea. Gawain ba ng matinong babae 'yan makipag halikan sa bintana?"
Kunwareng seryosong pangaral ko
"Dakcheo.. ahehehehehe"
Mariing sagot niya sa'kin saka siya tumawa sa harap ni Chelsea.
"Alam niyo? Hindi pa ako ready pagsamahin kayong tatlo ni Tyro eh. Mas maligalig ang boyfriend ko tapos nag sama pa kayong dalawang weirdo. Nabuburyong utak ko sa inyo. Kayong dalawa lagi nalang kayo nag lalaban kapag mag kasama kayo-"
"Practice lang 'yon"
Hindi naman talaga kami nag kakasakitan ni Raffy eh. Pareho kaming alalay lang kapag nag lalaban kami.
Pinaandar ni Chelsea ang kotse
"Bakit hanggang sa labas ng bahay kailangan niyong mag practice? Alam mo namang nasa squatters area ang bahay mo, maraming chismosa kaya dapat hindi ka nag kikikilos ng gano'n"
Eto nanaman siya nag sesermon na naman siya.
Nakakarindi kaya
"Gusto mo ba ng candy o gusto mong umalis sa bahay?"
May ngiting tanong ko.
"I much prefer to have a candy-"
"Matutulog ako kaya huwag kang mag iingay"
Binigyan ko siya ng candy
Pumikit na ako.
*PLOK*
May tumama sa'king kung ano kaya napadilat ako
"Oops.. Mian"
Hinagisan ako ng kung ano ni Raffy na kunwareng hindi sinasadya pero naka ngiti pa siyang nag so sorry.
"Ihinto niyo ang kotse"
Biglang naalarma si Raffy
"Huwag mo ihihinto"
Kabadong sabi niya kay Chelsea at sinenyasan pang huwag gawin ang sinasabi ko.
"Ihinto mo"
Seryosong sabi ko
"Ano ba kayong dalawa? Ang tanda niyo na-"
"Huwag kang hihinto"
Nag cross arm ako dahil tinitingnan ako ni Chelsea sa rear mirror. Naguguluhan siya kung sino ang susundin niya.
"Kapag hindi mo hininto pareho ko kayong-"
*SKRETCH*
Muntik pa akong masusubsob dahil sa pag preno niya.
"What the hell?!"-Nina
"Dapat alam mong hindi ka gagalawin ni Crenz. NOW I'M DOOM!!"-Raffy
Mabilis na aniya kay Chelsea at mabilis na nakalabas sa passenger seat.
"Ssibal!"
Nilabas ko rin siya at nag simula kaming mag habulan sa labas ng kotse.
~~~~~~~~
Nang makarating kami sa lugar kung saan kailangan naming mag pakitang tao, nauna na akong lumabas.
"Crenz? Bakit mag kakasabay kayo?"
Napahinto ako sa pag lalakad at nilingon ang nag salita.
"Hi Cassey!"
Nakipag beso sa kaniya si Chelsea. Pero naguguluhan pa ring tumingin siya sa'min
"Pinuntahan kasi ako ni Raffy sa bahay tapos pinilit akong isabay si Crenz kaya mag kakasabay kami."
Nag liwanag ang mukha niya, mukhang nakuha naman niya ang nangyari.
"Hey Sandra"
Nakipag beso rin si Nina sa kaniya habang umaalalay kay Raffy na nakahawak sa bewang niya, mukhang napalakas at ang pagkakasipa ko. Naguilty tuloy ako.
"With Nathalie?"
Takang tanong niya kay Chelsea
"Of course. Mag iingay si Tyro kapag nakita niyang hindi ko kasama si Nina"
Sagot niya.
Tumango naman si Sandra. Halatang alam ang tumatakbo sa isip ng mga nakapaligid sa kaniya.
"Eh ikaw bata? Sino kasama mo dito?"
Tanong sa kaniya ni Raffy
Nakangiwing tinarayan siya ni Sandra
"I'm with Hans, JM, Nemi, Princess, and twins. Nasa taas na sila-"
"Bakit nandito ka mag isa sa baba? Gusto mo na bang mamatay?"
Seryosong tanong ko
Alam naman niyang delikado ang buhay niya kapag mag isa lang siya.
"Naaah.. kasama ko kaya si Hans- oh, ayon oh"
Tinuro niya ang likuran namin kaya lahat kami ay tumingin sa gawin niya, pero may mga kasama siya.
"Don't worry Crenz, alam mo namang napapaligiran tayo dito ng mga guard-"
"May sniper noon na gusto kang patayin, huwag ka ngang magaslaw kumilos Cassandra. Sa susunod kung lalabas ka siguraduhin mong di bababa sa tatlo ang kasama mo"
Pangaral ko sa kaniya
"Ok ok, calm down- eh? Anong nangyari sa'yo?"
Puna niya kay Raffy
Kaagad kong inakbayan si Raffy
"Tumama ang balakang niya sa pinto kanina. Ayos na 'to, diba?"
May kaangasang tanong ko sa kaniya
Kapag nag salita si Raffy sa nangyari sa kaniya, ako naman ang mapuputukan ni Sandra dahil "parte" at "mataas" ang posisyon ni Raffy kuno.
"Stop that Crenz, you look like a bully"
May pandidiring aniya
Medyo mahirap lang daragan si Raffy dahil mas matangkad siya sa'kin.
"Tara na, akyat na Sandra"
Utos ko sa kaniya
Taka pa rin siyang naka tingin kay Raffy
"Bakit di ka nag sasalita diyan?"
Tanong ko kay Raffy habang nag lalakad kami
"Diyan ka lang, gusto ko amoy mo"
Tinulak ko siya dahil sa sinabi niya
"Hanggang ngayon may kamanyakan ka pa ring tinatago?"
Nandidiring tanong ko
"OA mo naman, sa'yo lang naman ako nag tira ng kamanyakan"
Napangiwi ako sa sinabi niya
"Kadiri ka-"
"Hoy tyansing ka kaya-"
"Ano?"
Napailing nalang ako habang nakangiwi sa sinabi niya.
"Tantanan niyo na kakabangayan, jusko. Para kayong mga bata"-Nina
Pumasok na kami sa building.
Dito ang office ni Chairman Montilla, ang Lolo ni Sandra.
Binati agad kami ng mga staff.
"Bakit ba dito pa tayo mag mi meditate? Eh makakita palang ako ng papel nasisira na ulo ko eh"-Tyro
Naabutan na pala kami ng mga lalaki
"Siraulo ka naman talaga"-Nina
Nag talo naman ngayon ang mag jowa
"Kakausapin daw kayong dalawa ni Mr. Montilla sa office niya after meditation, kayong dalawa ni Nemi"
Sabi sa'kin ni Hans nang sumabay siya sa'kin sa pag lalakad
"Bakit?"
"May gagawin ata kayo"
Ano? Gusto ko mag pahinga 'no
"Kakabalik ko lang dito galing sa assignment tapos mag bibigay ulit sila?"
Walang ganang ani ko
"Ewan. Pero mukhang madali lang naman ang ipapagawa niya."
Kapag galing sa mataas ang nag bigay, imposibleng madali lang.
"May kung anong na detect ang hacker natin na nakapasok sa server natin. Mukhang hindi naman sa inyo 'yon ibibigay pero I just want to you to get informed"
Hindi na ako nag bigay pa ng kahit anong komento patungkol sa sinabi niya.
Kaya namang lusutan ng mga hacker 'yong sinasabi niya.
"And they are strong, as if someone's giving them an instruction on how they will do it."
Napakunot ang noo ko habang nag lalakad kami papunta sa elevator.
"Sinasabi mo bang may spy sa organization niyo?"
Nag kibit balikat siya
"I'm not certain"
Sabay kaming huminto sa harap ng naka sarang elevator
"Sino pang nakakaalam niyan?"
Tumingin siya sa likod kung saan naka sunod ang mga kasama namin.
"Just the both of us"
Napaisip ako, pero kasi wala naman sa mga kasama namin ang mag tatangkang gawin 'yon.
Katumbas ng pag kakalat ng transaksyon sa ibang taong hindi kasapi ng organisasyon ay ang parusang kamatayan.
"Hanapin mo kung sino 'yon. Hinding hindi sasantuhin ng kamao ko ang taong 'yon"
Tumango si Hans.
Sigurado naman akong wala sa grupo namin nila Tyro 'yon dahil matagal na kaming mag kakasama at walang mag tatraydor isa sa'min, ang kaso lang hindi ko rin maisip na ang gumawa no'n ay nasa SRG (Special Royal Guard). Naisip ko na baka wala sa'min 'yon.
*Ting*
Bumukas na ang elevator at pumasok kami ni Hans. Inantay pa namin sila na makapasok dahil nag haharutan pa sila habang nag lalakad.
"Tumigil na nga kayo Tyro"
Singhal ni Nina na papasok na sa elevator.
"Uy! Tatabi ako sa girlfriend ko!"-Raffy
Nakipag siksikan pa talaga siya para makapunta sa'kin.
"Girlfriend your ass"
Pairap na parinig ni Chelsea at saka pumasok at humarap sa pinto ng elevator.
Hanga rin ako dito kay Raffy ah, na sasaktan ko na lahat lahat gustong gusto pa rin akong tabihan.
Lumingkis siya sa braso ko
"Para kang ahas, alis nga"
Singhal ko sa kaniya
"Hell no way-"
"Nababakla ka na naman Raffy ah"-Tyro
Pang aasar ni Tyro
"I'm only gay when it comes to my girlfriend"
Napaikot ang mata ko sa sinabi niya.
Hilig niya talagang sabihing girlfriend niya ako pero wala namang kaso sa'kin 'yon as long as nabubugbog ko pa siya.
Nang makapasok ang lahat ay pinindot na ni Chelsea ang penthouse floor.
Company building 'to pero ang kalahati nito ay condominium at ang kalahati ay work place. Iba ang dinadaanan ng mga nag tatrabaho at sa nakatira dito.
"Bakit hindi ka nalang dito tumira Sandra?"-Tyro
"Tsk, lumayo nga ako sa bahay dahil sa mga nakapaligid sa'kin, dito pa kaya na mas marami pa ang bantay"
Singhal ni Sandra
May kalog talaga utak nito eh, para rin naman sa kaniya kung bakit maraming nakapaligid sa kaniya.
"Ano ka nalang kung wala kang guard ngayon? I bet you can't find a friend because you're a brat"-Nina
Napangisi ako
"Nadali mo!"
Bumungisngis sila
"Gustong gusto niyo talaga ako puntiryahin ah, napapansin kong kayong dalawa nalang lagi ang pumupuntirya sa'kin."
Maktol niya sa'min ni Nina
"Because blood is thicker than water"
Bulong ni Raffy na ikinasama ng tingin ko sa kaniya.
Nag iwas siya ng tingin at tumingin sa harapan.
"Hey Cutie!"
Napatakip ako ng tenga ko dahil sa sigaw ni Raffy. Nag echo ng malakas ang boses niya.
Nakipag siksikan siya at pumunta sa likod ni Chelsea. Pabiro niyang inipit ang leeg nito at ginulo ang buhok ni Chelsea.
"Bakit naka busangot ka ha?"
Pang asar pa niya habang inaalis ni Chelsea ang braso niya sa leeg nito.
Paakyat na ang elevator pero ang utak ni Raffy pababa pa rin.
Tumabi sa kabilang gilid ko si Tyro.
Pumikit nalang ako dahil medyo malayo layo pa ang penthouse.
Tatlo kaming nasa likod.
Nasa kanan ko si Tyro at sa kaliwa ko naman si Hans. Sa parehong harap nila ay ang mga partner nila at nasa harap ko naman si Daniel, habang nasa harap naman nila Sandra ang dalawang siraulong nagawa pa talagang mag harutan dito sa elevator.
Naka cross arm lang ako habang naka pikit.
"Stop it Raffy- kyah!"
*BOGSH!*
Bigla nalang huminto ang elevator.
Ang bilis ng mga kilos ng mga lalaki.
Parehong nakaalalay sa'kin si Tyro at Hans pero pareho rin nilang hawak si Nina at Sandra.
Yakap patalikod ni Tyro si Nina at naka alalay sa braso ko para hindi ako tumumba at si Hans naman nakaalalay din sa'kin at kay Sandra na sa bewang naman hinawakan para maalalayan.
"What was that?"-Raffy
Tanong ni Raffy kaya sabay sabay kaming tumingin sa kaniya.
Nakasandal si Chelsea habang naka harap sa kaniya at ang parehong kamay ni Raffy ay nasa handle na kinasasandalan ni Chelsea.
Muntik na akong matawa sa height difference nila.
"Crenz/Yara, ayos ka lang/are you ok?"
Sabay sabay na tanong nila Raffy, Hans, Tyro, Daniel at Nina.
Naguluhan tuloy na tiningnan kami ni Sandra sa inaasta nila.
Lahat sila nakatingin sa'kin.
Inalis ko ang mga kamay nila sa'kin.
"Sandra? Ok ka lang?"
Doon lang umayos ang tingin na parang natauhan sa tanong nila.
"I-im fine"
Parang naguguluhang sagot ni Sandra.
Gusto kong pag sisipain sila Tyro dahil sa inasta nila. Dapat si Sandra ang priority namin at hindi ako ang priority nila.
Hinawi ko sila at pinindot ko ang alert call button sa elevator.
"Guard? Na stock kami dito sa elevator nasa 8th floor na kami."
Hinintay ko silang sumagot
"Copy ma'am, inaayos na po namin ang sira ng elevator."
Sagot sa kabila.
Hindi na ako bumalik sa pwesto ko para maiwasan na rin ang pagtataka ni Sandra.
Nakatayo na sila ng maayos ngayon.
Pumwesto lang ako sa may pinto banda.
"Binabakla mo na rin ngayon si Chelsea? Akala ko ba ako lang?"
Seryosong tanong ko kay Raffy pero sa loob loob ko ay natatawa ako sa kanila pareho.
"I'm gentlewoman, you know?"
Finlip niya ang buhok niya at saka pabirong nag pose. Nag kaniya kaniya naman sila ng bungisngis sa itsura ni Raffy.
Pasok naman talaga si Raffy sa pagiging model eh kaso lang inaayawan niya. Si Chelsea model din siya pero hindi niya magawang mahikayat si Raffy na maging model dahil mas gusto akong samahan ni Raffy kaysa mag pose pose ng kung anu ano.
*RING*
Tumunog ang cellphone ni Hans.
"Hello?"
Hindi na muna kami nag salita dahil sa tawag ni Hans
"Nag loko lang ang elevator pero papunta na kami diyan.. hindi na, diyan nalang kayo palabas na rin kami.. yes baby, we'll be there"
Pinatay niya ang tawag
"What the hell, sino 'yon? Bakit may pa baby?"-Nina
Natawa kami
"Si JM 'yon-"
"Bakla ka? Baby mo si JM?"-Tyro
"Gusto niyo bang pag umpugin ko kayong mag jowa? Si Vanny 'yong last kong nakausap kasi kanina pa raw niya tayo hinihintay"
Tumingin sa'kin si Chelsea at Raffy.
Ano nanaman bang trip nila? Bakit sila nakatingin sa'kin?
Hindi ko nalang sila pinansin
"Ma'am, papaandarin na po namin, sorry po sa abala"
Biglang umandar ang elevator, eh hindi pa naman ako naka kapit kaya kamuntik na akong matumba pero mabilis akong humanap ng makakapitan dahil liban kay Chelsea at Sandra, lahat sila naka abang ang kamay para sana alalayan ako.
Sinamaan ko sila ng tingin kaya agad silang natinag at nag kaniya kaniya kunware ng ginagawa.
Si Raffy nakipag usap kay Chelsea, yung mag jowa naman kunwareng nag aayos ng damit ng isa't isa at si Hans at Daniel naman nag purihan ng suot kahit pareho naman silang dugyutin sa paningin ko.
*Ting*
Nauna na akong lumabas at kumapit sa braso ko si Raffy.
"Tantanan mo nga ako Raffy, ang laki mong tao tas kakapit ka sa mas maliit sa'yo?"
Kunot noong sabi ko sa kaniya
"Eh ano? Gusto mo bang kay Daniel ako kumapit or kay Hans?"
Napakunot noo ako sa tanong niya saka tinanaw sila na nakasunod lang sa'min.
Makakasira pa 'to ng relasyon ng iba eh.
"Hindi, sige na kumapit ka lang ng mahigpit, baka mawala ka bata"
Nag patiuna na kaming makapunta sa penthouse. Hindi pa naman kasi alam ni Raffy ang lugar na 'to.
"Momster!!"
Bigla nalang may sumigaw no'n at saka tumakbo palapit sa'kin.
"Vandro?"
Hindi ko rin kasi alam ang irereact ko.
Tiningnan ko ang pinanggalingan niya at doon ko nakita si Pula na seryoso lang na nakatingin sa'min.
"Hi Momster! Have you been well? I miss you"
Muntik na akong napangiwi sa sinabi niya pero pinigilan ko lang. Hindi naman kasi ako showy at lalong hindi sweet.
"Hey Liphyo! Kanina ka pa?"-Tyro
Tumingin ako sa kanila.
Ayos na sila? Matapos nilang mag murahan no'ng nakaraan?
"Pag baba niyo kanina dumating kami"
May ngiting sagot ni Liphyo sa kaniya at nakipag fist bump sa lahat ng lalaki at kumaway naman sa mga babae.
"Hi cutie!"
Bati ni Raffy kay Vandro.
"Who is she Momster? Is she your girlfriend?"
Napangiwi ako ng tuluyan sa tanong niya. Pinag tawanan naman kami nila Nina
"Yes! I'm her girlfriend, you want a girlfriend too? I can still manage"
Kinindatan niya ang bata kaya tinulak ko siya palayo.
"Don't mind her. Why are you here?"
Lumuhod ako para mapantayan siya. Bahagya ko pang inayos ang buhok niyang may pagka curly at medyo mahaba na, pero ok lang sobrang cute pa rin naman.
"Papilo wants me to come. I'm so happy to see you here"
Energetic niyang sagot na may pataas baba pa ng kilay.
Bigla tuloy akong napangiti ng wala sa oras. Napaka cute niya kasi, mapag hahalataang babaero kapag tanda niya.
"I'm glad to see you again too Vandro-"
"Can we take a ride again?"
Bigla akong natahimik sa sinabi niya pero pinanatili ang ngiti sa labi ko. Hindi ko pa rin pala kasi nadadrive ang motor ko simula no'ng umalis ako.
"Vanny, Momster can't take you to ride. She hurt herself and still healing herself. You can ask her some other time"-Pula
Sabay kaming tumingin kay Pula kaya nawala ng kaunti ang ngiti ko, pero bumalik ulit ang ngiti ko nang harapin ulit ako ni Vandro.
"Where did you get hurt? Are you still in pain?"
Inosenteng tanong niya
Umiling naman ako
"I'm kinda busy right now but I promise you that I'm going to take you on ride some other time. Is it fine?"
Masaya namang tumango ang bata at nag pakarga naman kay Hans.
"Ang cute niya. Pwede bang pahintuin ang edad ko at hintayin ko nalang siyang lumaki?"
Nag papantasyang tanong ni Raffy habang nakatingin sa bata.
"Hihinto lang ang edad mo kapag patay ka na. Hindi mo na siya makikitang lumaki. Ano? Ayos lang? Kasi kung ayos lang, pwede naman kitang gilitan ngayon"
Seryosong tanong ko sa kaniya
"Argh! Hindi ka man lang marunong maki ride."
"Ang pangit mo kasi"
Nag sipasukan na kami sa penthouse at isa lang ang masasabi ko.
"Wow!"-Raffy
Wala na, nasabi na niya.
Pangatlong beses na akong nakapasok dito pero hanggang ngayon humahanga pa rin ako sa ganda ng paligid. Mula sa interior design at ang pagiging pulido sa bawat ka suluksulukan hanggang sa exterior at ang kagamitan sa paligid.
"So classy"-Nina
"Master!"
Lumapit sa'min ang kambal
"Hi Raffy!"-Migs
"Back off boys, hindi ako papatol sa inyo"
Pag tataray ni Raffy
"Huwag kang mag alala, di ko rin naman trip 'yong halos mapapantayan na ako sa height"
Nakangiting sagot ni Jigs
"Pfft.."
Assumera kasi eh.
Inirapan niya ang dalawa
"Sa'n tayo?"-Nina
Ang ganda talaga.
"Let's go upstairs"-Sandra
Kumpleto na kaming lahat +1 pa dahil nandito si Vandro. Nandito na rin pala si Princess na hindi namalayan kanina nila Sandra na nakarating na pala dahil sa sobrang tahimik.
Hindi mo rin naman kasi gugustuhing mag salita siya, para rin siyang gaya ko na puro hindi magagandang salita ang lumalabas sa bibig.
Ang kaibahan lang naman ay nag iiwan ako ng tanong sa tangang kausap ko na pag iisipan nila ng maayos at mapag tatanto nilang para silang tanga sa oras na 'yon.
Umakyat na kami at talagang pinaninindigan ni Raffy ang pag dikit sa'kin ah.
"Pogi naman ng under mo"
Bulong niya sa'kin.
Napangisi ako.
Pogi na, napaka sama naman ng ugali.
Hindi rin naman maalis sa isip ko kung paano ko sinabi noon na baka makalimutan ko ang priorities dahil sa ngiti niya.
Kaso nakaka turn off talaga ang ugali niya. Napaka immature niya.
Kakausapin ko talaga si Mr. Montilla mamaya tungkol sa tukmol na 'yan. Sa totoo lang, ayoko na siya makita.
Wala naman akong pinag sisihan sa padalos dalos kong desisyon noon na isama siya sa organization dahil hanggang ngayon buhay pa siya kahit marami na sa Royal Guard ang napahamak para lang protektahan siya at ang pamilya niya.
"Gusto mo siya? Ligawan mo"
Walang ganang sagot ko.
"Naaah.. he's cute but he's not my type"
Pag tataray niya.
May mga sumunod sa'ming mga guard at may iniabot na box kay Raffy.
"Ano na naman yang kalokohan mo?"
Sa ngiti palang ni Raffy alam ko na may binabalak siya.
"You'll see"
Ngumiti siya na parang kontrabida.
*PAK*
"Wae?!"
Mahina pero may diing aniya.
"Wala lang, hinahanap kasi ng kamay ko ang batok mo"
Nauna na akong mag lakad sa kaniya since hindi naman na siya makaka lingkis sa'kin dahil sa box na dala niya.
Pag pasok namin sa isang malaking silid may naka set up na doon na sound system.
"Meditation tapos ganiyan?"
Takang tanong Tyro
"Wow akala mo kung sinong marunong sumunod sa rules oh"-Chelsea
"Bakit? Nag tatanong lang naman ah"
Ang sarap talaga busalan ang bibig nila.
Lumapit sa'kin si Raffy saka binaba ang box na hawak niya at lumuhod doon para buksan 'yon.
"Alam ko na 'to, déjà vu"
Iling iling ko sa sarili ko.
Lumapit ang kambal sa kaniya at nag usap usap sila sa kalokohan nila kaya lumayo nalang ako.
Nag tatalo ang iba habang si Pula naman ay pinapatulog sa balikat niya si Vandro. Napansin ko ang singsing na binigay ko sa kaniya. Buti hindi pa niya tinapon.
"Hanggang ngayon na uungkat pa rin 'yong issue ng pag yakap mo kay Vizarro, Mike. Anong gagawin mo tungkol doon?"-Sandra
Hindi ko na namalayan ang pag tabi sa'kin ni Sandra dahil sa pag tingin ko kina Vandro.
"Ano bang dapat kong gawin doon? Mamamatay din ang issue na 'yon"
Wala naman akong dapat gawin sa bagay na 'yon dahil wala naman akong pake. Hindi naman related sa pamilya ko o sa mga kaibigan ko kaya bakit ko naman pag tutuunan ng pansin?
"Si Mike ang pinuputakte ng issue kaya dapat makausap mo na si Mike. Mag sorry ka man lang dahil iba ang nasa isip mo no'ng ginawa mo 'yon."
Naalala ko nga ang video. Sa dulo ng video parang may sinabi ako na hindi ko malaman kung ano. Ano ba talaga ang nasa isip ko no'n at sino ba 'yon?
"Pero si Liphyo, bakit si Liphyo hindi mo naman napag kamalang iba that time?"
Bakit gano'n? Ang naalala ko lang ay ang pag tawag sa'kin ni Hans tapos wala nang iba pa pag tapos no'n.
At ang nakakahiya pa doon ay pumasan pa ako- lintek? Ano ba talagang- ayoko na alalahanin. Sumasakit lang ang ulo ko.
"Ako na bahala doon. Matatapos din ang issue na 'yon kaya huwag mo na alalahanin, ang alalahanin mo ay lumipat ka na ng bahay. Porket mag dadalawang buwan na simula no'ng pinasok ang bahay mo, nag papasimple simple ka nalang diyan? Buti sana kung madali ka lang palitan eh"
Kumuha ako ng candy at kinain 'yon.
"Anong madaling palitan?"
Inosenteng tanong niya
"Palitan ng panibagong Cassandra. Kung matitigok ka ba sa tingin mo may magiging Cassandra pa na tulad mo? Kung may mangyaring masama sa'yo madadamay kami-"
"Edi sa condo ko na kayo tumira"
Napabuga ako ng hangin dahil sa immature solution niya.
"Pang ilang beses mo na ba 'yan inoffer?"
"Hundred times"
"Oh? Di ka nag sasawa?"
Umiling siya nang may ngiti sa labi.
"Masaya akong kasama ko kayo kaya bakit ako mag sasawa?"
Kapag galing kay Sandra ang mga gano'ng salita, naaantig talaga ang puso ko. Kaibigan talaga ang turing niya sa'min hindi isang bodyguard niya lang.
Inayos ko ang mga baby bangs niya.
"Kapag nararamdaman mo nang hindi ka safe, tawagan mo lang kami ni Hans."
Paalala ko sa kaniya
"Ikaw lang ang tatawagan ko kasi bakla ang boyfriend mo."
"Pfft.."
Ayan nanaman siya sa pag tawag ng bakla kay Hans.
"Wala ka nga palang phone kaya paano kita matatawagan?"
Ang ganda talaga ni Sandra, napaka swerte ng magiging boyfriend niya.
"Mag tatrabaho ako para mag ka cellphone kaya siguraduhin mong walang mangyayari sa'yo kahit mag ka cellphone ako o wala para hindi ako ma obliga."
Mabigat sa bulsa ang pag bili ng cellphone, pero kailangan ko rin dahil paniguradong tatalakan ako ni Mama pag uwi sa'min dahil wala akong contact sa kanila.
"Ayan ka naman, tinuturing mo nanaman akong bata"
Natawa ako sa pag iinarte niya, para talaga siyang bata.
Naalarma sila nang biglang pumasok si Mr. Tan sa loob nitong silid.
"Good afternoon everyone, let's start"
Bigla nalang nag iba ang awra nitong silid dahil sa takot na nakita ko sa mukha nila Sandra.
"Huwag ka ngang matakot sa kaniya."
Sabi ko kay Sandra
"Ikaw maloloko mo pa siya pero ako hindi. Nakakatakot siya"
Pumunta sa harap si Mr. Tan
"Hi tanders! Nakanang! Parang bumabata ang itsura natin ngayon ah"
Ayan nanaman sa kalokohan si Tyro
Umupo nalang ako sa isang gilid at saka pumikit doon. Balak ko lang naman kasi ang matulog ngayon.
"Lintek kang bata ka. Hoy! Bumalik ka na nga sa ibang bansa. Nag kakalat ka lang ng kalokohan dito."
"Shhhh!"
Saway ko sa kanila.
Hindi ko na kailangang idilat ang mata ko dahil ramdam kong naka tingin silang lahat sa'kin.
"Vilarde? Nandiyan ka pala? Galing mo rin mag pa VIP ah, na adjust talaga ng ilang linggo 'tong medi-"
"Akala ko ba meditation? Bakit ikaw ang nakaka gulo ng utak ko?"
Seryosong tanong ko.
"Crenz"
Saway nila Sandra
"Bakit mo nga ulit naging bodyguard 'yan Sandra?" Tanong ni tanda kay Sandra na no'ng tiningnan ko ay nakayuko na.
"Sinabi ko na sa'yo na kung namimiss mo ako, huwag ka nang mandamay ng iba."
"Hanggang ngayon siraulo ka pa ring bata ka. Ikaw ang umalis at nag sabing gawing assignment ang kaso ng Zaylous-"
Sinamaan ko siya ng tingin.
Napakadaldal niya. Wala akong pinag sabihan ni isa kina Nina ng bagay na 'yon.
"Nag presinta ka?"-Nina
"Bakit? Hindi ko ba pwedeng tapusin ang kasong hindi pa na tatapos?"
Nag iwas ako ng tingin sa kanila.
"Akala namin may consent ka ng-"-Chelsea
"Hindi ako uupo lang habang nakikita ko ang mga kaibigan ko na nasasaktan sa isang krimeng hindi sila pinapatahimik kahit wala silang kasalanan"
Seryosong sabi ko sa kanila.
Napansin kong lumabas si Pula sa pinto. Siguro baka marinig ng bata ang usapang hindi pa para sa edad niya.
"Pwede mo akong tawagan-"-Tyro
"Tama na sa'kin si Raffy"
Ni hindi ako makatingin sa mata nila dahil nag tago ako ng ganitong klaseng sekreto sa kanila.
"Paano kung napahamak kayo?"-Tyro
"Ayos kami, ang mahalaga bumalik kaming buo"
"That's enough!"
Pukaw ni Mr. Tan sa atensyon namin.
Kasalanan niya 'to. Kundi dahil sa kadaldalan niya di na sana lalabas pa 'yon.
"Mag si upo na kayo at mag sisimula na tayo"
Medyo mag kakalayo ang mattress na nakalatag sa sahig. Nag kaniya kaniya na sila ng upo, wala akong choice kundi ang umupo sa pagitan ni Raffy at Nemi.
Hindi ko alam kung anong klaseng meditation ang gagawin namin kaya pumikit nalang ako. Matutulog lang talaga ako.
Nag simulang mag pa tugtog si Mr. Tan ng tunog ng kagubatan. Huni ng ibon at ang pag hampas ng hangin sa mga dahon.
Nakatalikod sa'min si Mr. Tan.
Sa una ay maayos pa ang lahat. Lahat ay naka pikit pati na ang siraulong Tyro at ang kambal.
Kakalinga ko sa paligid ay nakita kong pumasok si Pula na hindi kasama si Vandro.
'Nasan si Vanny?'
Tanong ko sa sarili ko.
Tiningnan niya ako saglit saka pumwesto sa likod na katabi ni Daniel.
May pinag bulungan sila at saka sabay na natawa.
"Hoy, mag pakitang tao ka naman saglit"
Bulong sa'kin ni Raffy.
Hindi ko na siya sinagot hanggang sa maubos nalang ang candy sa bibig ko.
*Crunch*
May mahinang tunog ng pag nguya akong narinig.
"Sabi ko na, may kalokohang hinanda"
Bulong ko sa sarili ko.
May kumalabit sa'kin
"Oh"
Bulong sa'kin ni Raffy habang may inaabot na isang pack ng junk foods.
"Eto ba 'yong nasa box?"
Masaya siyang tumango
"Kapag nahuli kayo-"
"Hindi tayo mahuhuli 'no ka ba"
Pasiguro niya kaya tinanggap ko na ang junk food.
"Tyro"
Mahinang sabi ni Daniel kay Tyro na nasa harap.
Humarap naman ang kulugo.
"Heto na naman po sila"
Disappointed na singhal ni Nemi
Nag sign language sila ng mga kalokohan nila.
Parang sinasabi ni Tyro na hindi siya pwedeng mag hawak ng pack dahil makikita siya agad ni Mr. Tan kaya ang sabi nalang ni Daniel ay I shushoot niya nalang sa bibig ni Tyro.
Para iyong cereal na kayang kaya namang mabato nang medyo malayo.
Nag tatawanan na ng mahina sila JM dahil sa gagawin nila Tyro.
Medyo nag adjust pa ako para lang mag give way sa kalokohan nila.
No'ng una ay hindi na shoot kaya nahulog 'to sa lapag.
Naging matunog ang pagkahulog no'n kaya kinabahan sila.
Mabilis na dinampot ni Tyro ang nahulog na pirasong 'yon at sinubo. Sakto namang humarap si Tanda para tingnan ang tumunog na 'yon. Lahat sila ay nag panggap na naka pikit at tinago ang mga hawak na pagkain.
"Pfft.."
Nag pigil kami sa tawa dahil sa ginawa ni Tyro.
Bumalik na sa pag pikit si Tanda at umayos ng upo.
Pinag patuloy nila Daniel ang paglalaro nila habang si Raffy naman ay sinusubuan si Nina na nasa harap niya dahil nga hindi pwedeng makitang may pack doon ng pagkain.
Boring na inabutan ko si Nemi ng pagkain.
Nginitian niya ako at pakuha na sana ng pagkain nang bigla na namang humarap si Tanda kaya wala akong choice kundi ang ibigay ang pack sa kaniya at nag kunwaring nakapikit. Mabilis naman niya 'yon nakuha at tinago sa pagitan ng hita niya. Hindi naman makikita 'yon dahil ang nasa harap niya ay si JM, natatakpan siya nito.
Umayos na ulit ng upo si Tanda
"Walanya ka Crenz"
Maktol na bulong niya
"Nagulat din ako"
Kumuha na siya doon ng pagkain tsaka binalik sa'kin.
Dahil sa boring ang ginagawa namin, kumain nalang ako tutal hindi rin naman ako makakatulog dahil sa ligalig ng nasa harap at likod ko eh.
~~~~
Nasa sala na kaming lahat at umiinom ng tsaa.
Eto nanaman kami at nag tipon tipon na naman.
*Ring*
Tumunog ang cellphone ni Sandra
"Dad?.. yes dad.. ok dad."
Pinatay na niya ang tawag
"Princess, Crenz and Nemi pumunta raw kayo sa office ni Dad ngayon."
Kala ko kami lang ni Nemi?
"Gusto mo akong sumama?"-Raffy
Nag beautiful eyes pa siya
"Manahimik ka bago kita itape sa kinauupuan mo"
Pag tataray ko sa kaniya kaya napa busangot siya.
Tumayo na kami para lumabas ng penthouse.
Nang makalabas na kami saka nag salita si Nemi
"Princess, nasa assignment ka pa rin ba ngayon?"-Nemi
"Tapos na. Nanakaw ko na 'yong lahat ng pera sa vault ng mga Rodriguez."
Napangiwi si Nemi sa sinabi ni Princess.
"Pangit ng term"
*TING*
Bumukas ang elevator saka kami pumasok
"Katatapos ko lang din naman, may assignment agad?"
Babae ng SRG ang pinapunta anong meron?
Puro gwardiya ni Sandra lang ang pinapunta at puro babaeng gwardiya lang.
"Baka related to kay Sandra?"
Ani ko saka tinginan ang reflection ko sa elevator.
"Let's see"
Pag labas namin sa elevator binati agad kami ng mga guard na naka bantay doon sa pamamagitan ng pag yuko.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang pigilan ako ni Nemi.
"Bakit?"
"Alam kong wala kang galang pero kami meron pa naman, tsk"
Napangisi ako nang katukin niya ang pinto at nag hintay kami hanggang sa papasukin kami ng sekretarya ng Lolo ni Sandra na mukhang kagagaling lang sa mahabang paliwanagan kasama si Mr. Principal. Pag pasok namin may hawak na papel si Mr. Montilla at mukhang seryosong topic ang naka sulat dahil sa pag kakakunot ng noo niya.
"Good afternoon Sir"
Sabay na nag bow ang dalawa na medyo ikinagulat ko.
Tumingin sa'min Mr. Montilla
"Hi?"
Nag aalangang bati ko dahil ako lang naman ang hindi nag ba bow sa kanila. Wala nga kasi akong maraming respeto sa garapon na tinago.
Bumungisngis ang dalawa saka umayos ng tayo.
"You look great Vilarde"
"I always look great"
Pinaleng ani ko at umupo sa isang upuan na apat na silya ang layo sa kaniya.
Sa oras na 'to walang sasaway sa'kin kapag pabalang akong sumagot dahil wala si Hans at Sandra. Bihira lang naman ako sawayin ni Nemi, kapag grabe na talaga, pero kapag mild na ugali ko palang, mas nag eenjoy siyang manood kaya huwag niyong asahang sisitahin niya ako.
Kung si Cess naman ang tatanungin niyo? Matulog na kayo kasi hanggat hindi ka pa makakapatay, hindi ka rin niya sisitahin.
Umupo ako harap ko si Nemi at sa tabi ko naman si Cess.
"This is a rare opportunity to have my daughter's women bodyguard-"
Panimula niya, pero ayoko ng maraming abubot sa buhay eh
"Pwede bang 'yong pinaka point nalang kung bakit kami nandito? Inaantok na kasi ako"
Eh lintek naman kasing meditation 'yon eh, imbes na manahimik sila nag si kainan sila ng mga junk foods na dala ni Raffy.
Nag pigil ng tawa ang dalawa.
"May isang babae na parte ng organization ang buntis ngayon at walang asawa."
Oh tapos? Anong gagawin namin? Mag paanak sa kaniya, marami namang hospital?
"Gusto kong hanapin niyo ang lalaki at ipaalam sa pamilya no'n na naka buntis ang anak nila. Ang balita namin ay kasal na ang lalaki at ayaw ipaalam ng lalaki na may nabuntis siya at patuloy na nabubuhay na parang walang nangyari at wala siyang ginawang gano'ng bagay.
Kailangang hiwalayan ng lalaki ang asawa niya at panagutan ang batang nasa sinapupunan ng babae. Alam niyo ang magiging parusa ng babae kapag nag silang siya ng batang walang Ama."
Tawag ng laman. Hays! Pati ba naman pakikipag gano'n nila kailangan pa naming problemahin? Sino na naman ba 'yang lintek na lalaking 'yan. Gagawa gawa ng milagro tapos tatakbuhan.
"Sino naman po ang lalaki?"-Nemi
Tanong ni Nemi habang nilalaro pa ikot sa daliri niya ang buhok niya.
"Pumunta ka kay Yuna para sa information ng bago niyong assignment."-Mr. Homer
Nag katinginan kaming tatlo
"A-ah pwedeng iba nalang?"-Nemi
"Why?"
"S-si Crenz nalang-"
"Ano? Ayoko"
Halos tumira na kasi si Yuna sa editing room. Hindi siya naliligo tapos sobrang weird niya.. mas weird pa siya sa'kin.
"Really? You're actually disobeying my order in front of me?"
Nag katinginan kami ni Nemi. Sabay kaming umiling dahil nag tuturuan kami kung sino pupunta
"What's the matter?"-Mr. Homer
Kahit ako napapa atras, maisip ko palang.
Hindi ko ata kaya na makasama 'yong babaeng 'yon kahit isang minuto lang.
"She's weird, ni hindi pa siya umuuwi ng ilang araw dahil sa pagiging workaholic niya. Bihira siya maligo at 'yong buhok niya parang pugad na sa sobrang gulo."
Pag lalarawan ni Nemi kay Yuna.
Kahit ako, tiklop ako sa babaeng 'yon dahil sa kaniya lang nagigising ang pagiging maarte ko. Wala akong kaso kung hindi ako maliligo ng dalawang araw dahil sa trabaho, pero siya ata ilang linggo bago makaligo.
"S-si Cess! Si Cess nalang ang kukuha ng info."-Nemi
"Great.. now it's on me"
Walang ganang sagot ni Cess na sarcastic ang dating.
"You're trained as an army and now you're-"
"Baka naman gusto mong ikaw nalang ang kumuha? Po?"
Pinandilatan ako ni Mr. Principal.
"Crenz.. Pfft.. tama na 'yan- 'yon lang po ba sir?"
Tanong ni Nemi
"Bago kayo umalis papunta sa inyo Vilarde, make sure na ayos na ang pinagagawa namin kundi may papatayin ang org."
Parang nag tindigan naman ang balahibo sa sinabi niya. Ganito ba talaga ka lala ang organization nila?
"Kami na po ang bahala Sir"
Tumayo na ako
"I'm not yet done Vilarde"
Edi hindi pa. Umupo ulit ako
"Kayong dalawa, you can leave now"
Nag katinginan pa kaming apat
"Ako 'yong inaantok tapos sila ang pinaalis"
Bulong ko sa sarili ko
"Lagi ka namang inaantok"-Mr. Homer
Bago lumabas ang dalawa, tumawa muna sila ng mahina.
Pumikit ako saka nag cross arms.
Pag labas nila saka ako kinausap ni Mr. Principal
"May dalawa akong assignment sa inyo ng Papa mo"
Napadilat ako sa sinabi niya
"Parang nag kakalimutan ata tayo-"
Ako lang ang kasama sa organization nila kaya dapat ako lang ang may assignment. Ayokong madamay ang pamilya ko sa kaitiman ng budhi ng mismong organization nila.
"Of course I didn't forgot something. It's your Papa who came after us to ask for help."
Nag taka ako sa kaloob looban ko. Ano 'tong bagay na 'to? Hindi ugali ni Papa ang humingi ng tulong sa organization kahit pa may nalalaman siya sa organization.
"Help?"
SANDRA'S POV
"Tanga ka ba? Sabi ko na sayong mag factorial ka"-Nemi
Kanina pa sila diyan ni JM. Monday na monday para silang mauubusan ng bukas kung mag talo.
"Hindi ko ba pwedeng malimutan?!"
"Pwede ba?! Kayong dalawa! Ang lapit niyo lang sa isa't isa huwag na kayong sumigaw. Kayo lang ba ang may quiz?! Mas malakas pa rin 'yang bibig niyo kahit naka max na 'yong volume ng nasa earphone ko."-Princess
Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang mang asar
"Sabong! Sabong! Sabong!"-kambal
Binato niya ng ball pen ang dalawa dahil ginatungan pa ang ingay.
Ngayon ko lang ulit narinig ang pag sigaw ni Cess. Kung hindi siya sumigaw baka ako na ang sumigaw para tumigil na sa kaka away ang dalawa.
"Alam niyo kayong dalawa kung ayaw niyong ikasal sa isa't isa pwede niyo naman i oppose ang sasabihin nila Tito at Tita eh, para hindi kayo laging nag aaway."
Sabi ko sa kanila
"Kung gano'n lang kadali Sandra, matagal ko na sana ginawa"
Hindi rin kasi ako sang ayon sa kalalabasan ng relasyon nila. Potential lover naman sila, pero kung usapang marriage na, hindi ko sila nakikitang good couple in future as husband and wife.
Ang alam ko may nagugustuhan na si Nemi at hindi si JM 'yon. While JM, gusto niya si Nemi pero hindi ako sigurado kung as a wife or as a girlfriend only. Mag kaibang mag kaiba 'yon.
"Bakit kasi hindi ka umapila no'ng pinag kasundo tayo"
Reklamo ni JM
"Hello?! Nag iisip ka ba? Hindi ko ipapahiya ang magulang ko sa harap ng magulang mo 'no and my grandparents are there, you can't actually expect me to make a scene just to oppose that stupid arrangement."
"Tss!"-JM
"Baka ikaw lang ang may ayaw. Tinanong mo ba si JM kung ayaw niya 'yong set up na 'yon?"-Hans
Loko talaga 'tong baklang 'to.
"Bakit Jonmar, gusto mo bang ikasal sa'kin?"
Seryosong tanong ni Nemi
"Pinag sasabi mo?"
Takang tanong ni JM
"Eh 'yon naman pala eh, edi pag tulungan niyo kung paano kakausapin ang mga parents niyo tungkol sa bagay na 'yan"-Hans
'yon naman pala. Akala ko puro walang kwenta sasabihin niya.
"Sinubukan ko nang kumbinsihin si JM tungkol diyan-"
"Oh bakit? Umoo naman ako ah"
Dipensa niya
"Umoo ka nga pero hindi ka nag bibigay ng time na samahan ako para kausapin sila."
Mukha namang walang balak si JM na gawin 'yon. Mukhang gusto ni JM maikasal kay Nemi.
"Make a move guys, kundi ma sa stock kayo sa relationship na hindi niyo gusto."
Sabi ko sa kanila
"Ito naman kung mag advice akala mo marami nang pinag daanan sa love life"-Jigs
Sinamaan ko siya ng tingin
"Gusto mo bang pindutin ko 'yan sugat mo?"
Inambahan ko siya.
"HAHAHAHA ang cute mo talaga mapikon Sandra"-Migs
"Manahimik ka, bakla ka"
"HAHAHAHA"-sila
Hinampas niya ang kapatid niya na mas malakas pa ang tawa sa lahat. Nag reklamo Ito dahil natamaan ang sugat niya na agad namang ikinabahala ni Migs.
Naunang ilabas si Migs. Isa sila sa kambal na mag kaiba ang araw ng kapanganakan. Si Migs daw nilabas ng December 31, 11:58pm tapos nilabas naman si Jigs ng January 1, 12:04 am. Kaya sikat na sikat sala sa organization dahil sa history ng kapanganakan nila.
Kung ano ang ikinababaero ni Jigs, 'yon naman ang ikina tahimik ng buhay ni Migs tungkol sa mga babae. Kaya madalas siyang sabihang bakla ni Jigs dahil parang takot siya sa babae. Bibihira lang din na sumangayon siya sa blind date at wala pa siyang nagiging girlfriend habang ang kapatid niya ay ilang beses nang nasampal dahil maka ilang ulit nang nag kaabutan ang mga babae niya.
Kapag dumating si Yashica mananagot lahat ng babae niya dahil babakuranan na naman siya ni Yashica.
*RING*
Unknown number
Tumingin sa'kin si Hans na parang nag tataka sa itsura ko dahil napa kunot ang noo ko sa unregistered number.
Agad niyang kinuha ang cellphone ko at saka lumabas ng HQ namin.
"Sino 'yon?"-Nemi
"I don't know"
Sagot ko saka sumunod kay Hans sa labas.
Sinenyasan ko siya kung sino ang nasa kabilang linya pero nakakunot noo lang siya at sinabing huwag muna ako makulit.
Inambahan ko siya no'ng tumalikod siya sa gawi ko.
"Bakit ba ang sungit mo?.."-Hans
Bigla akong nag taka sa kausap niya. Kilala niya 'yon dahil nakikipag sungitan siya doon.
"Eh ayaw mo naman pala umuwi bakit ka pa babalik?"
Naiirita ako sa sinasabi niya kaya kinuha ko na ang phone ko saka kinausap ang nasa kabilang linya.
"Hell-"
"ANO BANG PAKE MO?! GUSTO NILA NA BUMALIK NA KAMI."
Bigla kong nalayo ang cellphone sa tenga ko nang sumigaw ang nasa kabilang linya. Sinamaan ko ng tingin si Hans, ako pa tuloy ang nasigawan dahil sa pag susungit niya.
"Who's this?"
Seryosong tanong ko. Medyo narindi ako sa boses niya.
"Cassey, bakit ba kasi si Hans ang pinasagot mo? Saksakan ng kasungitan 'yang bwiset na 'yan."
Halos lumundag ang puso ko excitement nang mabosesan ko ang nasa kabilang linya.
"Yasy?!"
Huminga siya ng malalim.
Wait parang hindi siya 'to? Parang may nag bago sa kaniya. Hindi na siyang sing jolly ng dati.
"I'm still here in airport, can you fetch me after 5 and a half hours. In our airport of course."
Bigla akong na excite.
"Uhm.. balita ko kasama mo Ryker-"
"Kasama ko siya last week kaso lumipad naman siya papunta sa Africa para mag volunteer doon"
Medyo nabawasan ng konti ang excitement ko.
"Can you hand the phone to Hans?"
Napatingin ako kay Hans tsaka inabot sa kaniya ang phone.
"Yeah.. you didn't ask.. oo nga.. huwag mo siyang pupuntahan hanggat hindi pa tapos ang report mo.. gusto mo bang masaktan?"
Sino nanaman kaya ang pinag uusapan nila?
"Naunahan ka na ni Nina, napaka tagal mo kasi umuwi.. "
Ano bang pinag uusapan nila? Bakit nasali si Nina? Tungkol ba 'to kay Tyro? Huwag mo sabihing mag kaagaw sila sa iisang lalaki? Mag pinsan sila kaya paniguradong gulo 'yon.
"Bakit hindi si Jimiel ang guluhin mo?"
Tumingin sa'kin si Hans. Tinanong ko siya kung bakit pero kunot noo lang ang sinukli niya sa'kin.
"Alam mo namang babaero siya diba? Sinabi ko na sa'yo noon na huwag siya pero pinipilit mo pa rin.."
May inis sa boses ni Hans
"Sabihin mo sa'kin.."
Seryosong sabi ni Hans
"Ano?! Tarantado-"
Halos mapa talon ako sa gulat nang sumigaw siya.
Binalik niya sa'kin ang cellphone at nag mamadaling pumasok sa loob ng HQ.
"Hello-"
"AWATIN MO SI HANS!"
Kinabahan ako sa sigaw niya kaya nag madali akong pumasok sa loob, pero nasa pinto palang ako sumigaw na ang mga tao sa loob.
"HANS!"
"Pre ano bang ginagawa mo?!"-Migs
Sinuntok ni Hans si Jigs na nasa sahig na ngayon habang pinupunasan ang dugo sa labi niya.
Lumapit agad ako kay Hans habang sila Nemi naman ay tinulungan si Jigs na makatayo.
"ALAM KONG BABAERO PERO HINDI KO AKALAING MABABASTOS MO SI YASHICA NG GANO'N!"
Naguluhan ako sa kanila.
Ni loud speaker ko ang cellphone dahil hindi ko marinig si Yashica sa kabilang linya.
"Ano bang sinasabi mo Hans!"
Tanong ko sa kaniya saka tinulak sa balikat niya paatras.
"Bakit hindi niyo tanungin si Jigs kung paano niya muntik pag samantalahan si Yashica!"
Natahimik ang lahat
"I TOLD YOU TO KEEP IT BETWEEN US!"
Sumigaw si Yashica mula sa kabilang linya. Dahil tahimik ang lahat narinig ng lahat ang sigaw ni Yasy.
Tumingin silang lahat sa hawak kong cellphone.
"Yasy."
Tumayo si Jigs para sana kunin ang cellphone sa kamay ko, pero mabilis na kinuha ni Hans ang cellphone ko para hindi makuha ni Jigs.
"Wala ka nang karapatang makausap si Yasy simula ngayon. Wala nang namamagitan sa inyo, nakalimutan mo ba?"
Gigil na tanong ni Hans
"Ano? Diba engaged na sila?"-Nemi
"Tinapos na ni Yasy ang kanila no'ng umalis si Yasy. Ngayon alam ko na kung bakit ginusto na ni Yasy ang umalis sa Pilipinas kahit dati nag rerebelde siya para lang hindi ka iwan dito."
Gigil na sabi ni Hans.
Nag karoon ng inis ang loob ko sa nalaman ko ngayon.
"Please let me talk to her-"
Tumulo ang luha ni Jigs na ngayon ko lang nakita sa sobrang tagal na naming mag kakasama.
"GAGO KA TALAGA-"
Susugod na sana si Hans kay Jigs pero pinigilan namin ang pag lapit niya.
"SINABING TUMIGIL KA NA!"
Pag sigaw ni Yasy no'n ay binaba niya agad ang linya.
"Stop Hans!"
Utos ko kay Hans
"Ayaw na bumalik ni Yasy dito dahil sa trauma na binigay mo sa kaniya. Ano bang nasa isip mo?! Kailan ka pa naging rapist?! Ang bata niyo pa no'n pero tinangka mo na 'yon?!"
Limang taon na rin wala si Yasy dito. May pag kakataon na pwede siyang bumalik dito pero hindi niya ginawa.
"Kaya pala, kahit pwede kang kulitin ni Yasy sa social media, hindi na niya ginawa. Akala ko pa naman napaka tino mo"-Nemi
"Tumigil na kayo, pinag sisihan na ni Jigs 'yon"
Tumingin kami kay Migs
"Alam mo? Kinonsinte mo lang ang kambal mo?" Tanong ko
"Hindi ko siya kinonsinte. Sinubukan naming hanapin si Yasy sa ibang bansa kasama si kuya para humingi ng tawad sa nagawa ni Jigs kay Yasy. Isang taon din kami nag hanap, mukhang wala na talagang balak si Yashica na kausapin pa ulit si Jigs-"
"Mas matanda ka pero hindi mo man lang-"
"BINUGBOG KO NA RIN SIYA!
GAYA NG NARARAMDAMAN NIYO NGAYON, GANO'N DIN ANG NARAMDAMAN KO NANG MALAMAN KO 'YON. DUMATING PA SA PUNTONG KADA MAKIKITA KO SIYA, NASASAKTAN KO SIYA DAHIL NAAALALA KO ANG SINABI NIYA. NI HINDI NIYA NAGAWANG GUMANTI NONG SINASAKTAN KO SIYA-"
"Kung kelan tapos na?!"-Hans
"May mga bagay tayong nagagawa na hindi natin inaalam ang kalalabasan! Bakit?! Parang wala kang pinag sisisihan sa buong buhay mo ah. Sa'ting lahat! Ikaw ang may mas alam kung ano ang pag sisisi!"-Migs
"Iba ang kaso niya sa kaso ko!"
"Pero pareho kayong may pinag sisisihan! Nag kamali siya pero sinubukan niya namang itama."
Huminahon ang huli niyang sinabi.
"Wala sana siyang itatama kung naisip niyang mali 'yon! Hindi porket walang kang nararamdaman para kay Yasy, bababuyin mo na siya!"
Halos hindi na namin mapigilan si Hans sa sobrang gusto niyang kumawala
"Bata pa kami no'n.. hindi ko pa pinag iisipan ang ginagawa ko no'n. Natauhan lang ako no'ng umalis na siya, kung kelan huli na-"
"Talagang huli na! Huwag mong susubukang lumapit kay Yasy ngayong pabalik na siya dito. Kapag nalaman kong nilapitan mo siya. PAPATAYIN KITA"
Sinaway namin siya
"Please, huwag niyong sasabihin kay Crenz 'to"-Migs
Nag angat ako ng tingin sa kaniya.
"TANGINA! MAG PASALAMAT KANG KAIBIGAN KITA DAHIL KUNG HINDI, AKO MISMO ANG MAG SASABI KAY CRENZ PARA MAWALAN KA NA NG HININGA."
Napahilamos siya sa mukha niya sa sobrang frustration.
"Bukod saating nandito, wala na kayong dapat pag kwentuhan ng nangyari dito, lalong lalo na kay Crenz. Mag pasalamat ka tinuturing pa kitang kaibigan ngayon. INUULIT KO, HUWAG MO NANG LALAPITAN SI YASY!"
gigil na sabi ni Hans at saka lumabas ng HQ.
Napa tingin ako saglit sa pintong nilabasan ni Hans.
"Mag lie low ka muna Jigs. Sasabihan ko si Dad na-"-ako
"Huwag please"
Pag mamakaawa niya
"We're not yet ready to face you after knowing that you fool us. Hindi ka naman siguro hahanapin ni Crenz kapag nakita niyang wala ka, kung hanapin ka man niya sasabihin kong kailangan mong mag pagaling pa dahil sa sugat mo. We'll inform you if we're going to have you back. For now, reflect yourself from what you did and seek for solution to fix these mess of yours"
Kinuha ko ang bag ko at lumabas na. Gusto kong matulog ng maaga ngayon o di kaya mag shopping.
"Uuwi na tayo Sandra?"-Jm
"Gusto kong mag palamig"
Nakasunod sa'kin si Nemi, Cess at JM.
"Hindi ka makakapag pahinga kung kasama mo 'tong-"-Cess
"Shut up nerd"
Pag susungit sa kaniya ni Nemi
"Maganda naman"-Cess
Napangisi ako.
Maganda nga naman. Maputi siya at maganda ang itsura, mas nag hahighlight ang ganda niya kapag naka salamin siya.
Nakarating kami sa Van. Gusto ko lang humiga at pumikit. Wala akong matinong tulog kagabi kakaisip ng mga imposibleng bagay.
Pumasok kaming lahat sa Van.
Pumwesto ako sa pinaka dulo para humiga doon.
"Haaaay!"
Ani ko nang makahiga ako.
Sa harap ng inuupuan ko ay si Cess at si Nemi naman ay nasa pinto banda, habang nasa driver seat naman si JM.
"Gusto mo bang umalis Sandra?"-Jm
Gusto ko ba?
"Hindi ko alam. Gusto ko lang ng tahimik kaya wag kayong mag uusap ni Nemi para walang away."
Pumikit ako. Maya maya lang ay ramdam ko na ang lamig ng aircon pero ayos lang naman dahil naka long sleeves naman kami. Sa room kasi naka aircon din kaya naka long sleeves lahat.
"Nag pa exam na ba sila para sa mga makaka kuha ng scholarship?"-Nemi
"Wala pa, masyadong naging picky ang board sa magiging scholar. Kailangan 'yong scholar matalino, may alam sa mga sports or nakasali na sa sport at nilaban na sa regional, nationals or international at higit sa lahat makakapasa sa face to face question and answer, screening kung baga."-ako
Ewan ko ba pero ako ang kinakabahan para sa mga mag aapply.
"Si Crenz ba? If ever she's not your personal bodyguard, can she pass the screening?"
Si Crenz? Hindi ko alam. Magaling lumaban si Crenz at maparaan, pero hindi ko alam kung magaling din siya sa acads. Kapag kasama namin siya para mag aral, lagi lang siyang tulog na parang laging puyat. Kung hindi mo siya gigisingin, kaya niyang matulog ng 24 hours straight.
"Ang masasabi ko lang, the best siya sa pag tulog. Kung kasama sa curriculum ang pag tulog, baka lagi siyang A+"-Jm
Pero nakakapag taka?
Sa screening for my bodyguard last year, hindi ka makakapasa kung hindi ka matalino. May q and a din doon at hindi ko alam kung anong magic ang nagawa niya para pumasa siya.
"Pero 'yong screening sa-"
"Ah 'yon? Tinanong ko na rin 'yan dati kay Mr. Homer. Sabi niya dahil napatumba ni Crenz ang lahat ng trainer noon hindi na siya pina sagot sa mga tanong nila dahil pasado na agad siya"-JM
Wow! Nag karoon sila ng exemption.. ngayon ko lang 'to nalaman.
Matapos nilang pumasa, nag undergo sila sa first aid training at iba't iba kind ng pang gagamot sa iba't ibang mga injury.
"Lakas talaga makapa oo ng itsura ni Crenz.. fierce pa lang 'yon, paano kapag tumawa na siya ng totoo o ngumiti ng totoo, baka lumundag ang puso ko."-JM
"Bakla"-Nemi
Napangiti ako.
"May pinagawa sa'yo si Dad last month diba Cess?"-ako
"Oo, inutusan niya akong alamin kung sino sino ang sampung may special mission."
Ano raw?
Para saan?
"What do you mean?"-Nemi
"'yong mga taong hindi na kailangan tumanggap pa ng assignment dahil ang binigay sa kanilang assignment ay pang matagalan na. Hindi ko rin alam na may gano'n pala sa organization natin kaya na excite din akong malaman kung sino sino ang mga 'yon."
Kahit ako, ngayon ko lang din 'yon nalaman. Paanong may gano'n na hindi ko alam?
"Sino ang nakita mo?"-Nemi
"Ang pinaka familiar ako ay si Raffy lang."
"Si Raffy? Anong assignment niya?"
Gusto kong tingnan ang itsura nila dahil na curious talaga ako.
"Wala akong nalaman kung ano ang mga assignment nila pero top secret ang kay Raffy, parang related sa palasyo 'yong kaniya."
Palasyo? Wow! Kung tutuusin mas mataas ako sa kaniya pero since nasa special mission siya, walang mataas o mababa sa'min. Kapag nasa special mission ka, wala kang kikilalaning mataas o mababa dahil para sa'yo dapat lahat sila pantay lang.
"Last time no'ng nasa penthouse tayo, nag tanong si Raffy kung bakit wala siya sa Queens deck list, sinagot siya ni Mr. Montilla, dahil sa special mission kaya wala na siya sa list."
Siraulong babae 'yon, paano kung managot siya dahil kay Crenz siya bumubuntot imbes na sa mission niya? Mapapahamak siya kapag napahamak ang babantayan niya.
"Ang sarap maging common member"-Cess
"Pangarap mo talaga 'yan 'no?"-Nemi
"Kung gusto mo palang maging normal lang, bakit ka sumali dito? Specially sa bodyguard ko."
Ang daming gustong makapasok pero sila ang pinalad.
"Sabi ni Mama pasukin ko raw 'to, edi nandito ako."
Hindi naman successor si Cess, pero ang parents niya tumutulong sa mga successor kaya hindi siya pwedeng mag pabaya dahil sa ayaw ng magulang niyang madungisan ang pangalan nila ng dahil sa kaniya.
"You can say no"-ako
"Hanggat nasa puder ako ng parents ko, wala akong karapatang humindi dahil palamunin pa rin ako-"
"Was your salary is not enough for you to live alone?"
Every week 10k tapos libre pa pagkain. Kung ako sa kaniya nag solo na ako.
"Salary is not the problem, I can live on my own but it will makes my heart empty. I can't just leave them just because I can, I can survive my daily life without them but I'm choosing not do so. It might tear me apart if I'll start missing them."
Awww... Nakakaantig naman sa puso. Kahit pala cold ang personality niya, may tinatago pa rin siyang soft side lalo na sa family niya.
"Bumalik ka muna sa langit kasi gusto kong ikaw ang magiging anak ko"
Biro ni Nemi
"Ano? Ayoko nga siyang maging anak"-JM
Umupo ako saka tinginan si JM. Tatlo na kami ngayong nakatingin sa kaniya.
"That's smooth"-Cess
Napatanga rin ako sa sinabi ni JM.
Tiningnan ko si Nemi na inosente lang na naka tingin kay JM.
"A-ah, check ko lang 'yong makina, baka may sira"
Lumabas si JM ng sasakyan.
"Nemi?"
Tumingin siya sa'kin na parang walang narinig
"Hmm?"
Tumaas pa ang kilay niya sa tanong niya
"May chance ba siya?"
Ngumiti si Nemi saka dahan dahang umiling
"He's a good catch but I love someone else. Pabalik na rin siya, baka kasabay siya ni Ryker umuwi-"
Nagulat ako
"Are you pertaining to Ryan?"
Half brother 'yon ni Ryker
"Hindi ah, ka edad ko lang. Ang tanda na kaya ni Ryan"
Napatango ako.
"Si Drei 'yan. Ipupusta ko ang kaliwang paa ko kung hindi si Drei 'yan"-Cess
Biglang ngumiti si Nemi
"Sabi ko na eh"
Umisang bagsak pa ng palakpak si Cess dahil tama siya.
"Who's Drei?"
"He's Raffy's brother"-Cess
Ha? May kapatid si Raffy?
"Akala ko same age kayo, eh kayo ni Raffy ang same age ah?"
Ngumiti sa'kin si Nemi
"By February mag tu 21 na si Drei. Pareho sila ng year pinanganak-"
"Wait! What?! Wow!"
Hindi makapaniwalang ani ko.
Same year?
"Bunso si Raffy, pangalawa sa bunso si Drei tapos may kapatid pa silang babae at lalaki, panganay yung lalaki"-Nemi
Wow! Hindi nga siya mukhang interested pa sa iba dahil alam na alam niya ang history ng nagugustuhan niya.
"Pero same year?! Wow! Pag tapos iluwal 'yong isa gumawa agad sila?"
Hindi pa rin ako maka move on.
"Sa December naman ang birthday ni Raffy."
"May mga toyo pala ang mga December 'no? December si Migs at Raffy tapos kapag tungtong naman ng January, si Jeo at Jigs naman-"
"Kilala mo 'yong kapatid ni Nemi?"
Gulat na tanong ko kay Cess
"Oo, bestfriend sila ng kapatid ko. Bakit?"
Grabe! Wala man lang sinishare sa'min 'tong mga 'to.
"Hindi ko sure ah pero ang alam ko, Chelsea and Drei have a mutual feelings. Si Drei nga ata ang dahilan kung ba't nakipag break si Chelsea kay Dan eh. I'm not hundred percent sure"-Cess
Tiningnan namin si Nemi na nakangiti pa rin.
"Bakit mo naman naisip 'yon?"-Nemi
"Naging usap usapan kasi dati ang pagiging close ni Drei at Chelsea bago umalis ang Queens deck. Pero nawala rin 'yong usapang 'yon no'ng naging si Dan at Chelsea na. Di ko alam kung ano ba talaga, pero hindi naman lalabas 'yong balitang 'yon kung walang nangyaring kahawig ng senaryo na 'yon diba?"
Tumango ako.
"So babalik na si Ryker at Drei?"
Na eexcite pa rin ako kapag pinapaalala nila 'yon.
Pabalik na si Yasy at bumalik na si Raffy, unti unti nang nabubuo ang Queens deck. Ano kayang mangyayari sa future?
"Bakit nakangiti ka pa, nalaman mo na ngang may karibal ka?"-ako
Para kasing tanga si Nemi na naka ngiti pa eh.
"Wala naman kasi akong pake kung sino ang mag kagusto kay Drei or kung sino ang past niya, ang mahalaga sa'kin iyong makikita ko na siya at makakausap. I don't see Chelsea as a threat, but if the rumor is true, then I'll give Drei to Chelsea."
Kumunot ang noo ko. Gano'n gano'n nalang 'yon?
"As simple as that?"-ako
Tumango siya
"Si Drei kasi bibihirang ngumiti, so kung napangiti siya ni Chelsea at nakita kong masaya sila, then so be it. I just want to see Drei's smile, pero mas maganda kung ako ang makakapag pangiti sa kaniya."
Wow! Sana lahat may ganiyang mindset
"Paano ka?"-Cess
"Maganda, mabait at matalino ako"
In that simple phrase we knew what she's trying to say.
I chuckled
"So do I"
Gatong ko.
"Count me in!"-Cess
Natawa kami pare pareho.
"Wait curious ako, since ako lang naman ang hindi pa nakakaranas na mag solo ng bahay o maiwang mag isa sa bahay, anong pakiramdam kapag gano'n?"
Umupo ako ng maayos.
"Tahimik"-ako
"May peace of mind ka"-Cess
"Pero masakit sa tenga"-ako
"Kasi sobrang tahimik at hindi ka sanay"-Cess
"Comfortable"-ako
"Wala kang makaka agaw"-Cess
"Pero may kulang"
Nakangiting pag papatuloy ko
"Nasa sarili ko akong bahay pero kapag wala ang pamilya ko, na ho home sick ako. Nasa sarili ko akong bubong pero para akong dayuhan."-Cess
Tama, gano'n din nararamdaman ko no'n.
Wala ang parehong parents ko lagi kaya parang may kulang sa'kin.
"Kasi kapag nasubukan mong lumayo sa nakasanayan mong buong pamilya, doon mo mararamdaman ang pagka homesick. Tapos ma re realize mo na hindi literal na bahay mo o ang lugar mo ang tinutukoy ng homesick, kundi ang pamilya mo. Na homesick ka dahil ang totoong home ay ang pamilya at na homesick ka kasi namimiss mo sila."
Ako miss ko sila pero para akong transparent sa mga mata nila. No'ng hindi pa sila nag hihiwalay, hiniling ko na sana mag hiwalay na sila. Ilang beses ko rin 'yon hiniling hanggang sa hindi ko na matagalan pa. Kinausap ko sila no'ng nag didinner kami. Sabi ko sa kanila na kung ako ang iniisip nila kung bakit hindi pa sila nag hihiwalay kahit wala na talagang pag asa ang relasyon nila, mas ayos nang mag hiwalay sila kasi kaya kong umintindi kung bakit may broken family ako, kesa makita at marinig konang halos araw araw nilang sumbatan sa isa't isa na parang wala silang nakikita sa isa't isa kundi ang mga pagkakamali nilang naging dahilan din naman ng pagkakamali ng kabilang panig.
Kung mag kakapamilya ako, sisiguraduhin kong mas mahal niya ako, kasi kaya kong mag adjust para lang mapag tibay kami, ang kailangan niya lang gawin ay mahalin ako at iparamdam sa'king ako lang ang nasa puso niya, in other word "security" na hindi na siya titingin pa sa iba dahil kuntento siya sa'kin.
Walang third party sa relasyon nila Mom, ang kulang sa kanila ay security, time at expressing of love. Si Dad kasi hindi showy kay Mom and it'll creeps me out if I found him acting sweet with her. It's like it'll not him because it's not his style.
I want them back but only if the time of them will be align again. If Dad wants to express himself to her again and if Mom will stop from nagging when dad's really need to do something or tired.
Gusto ko ng kuya na mag tatanggol sa'kin.
Sana may kuya ako, 'yong yayakapin ako kapag malungkot ako at mapag kukwentuhan ko.
I wish I have a brother.