THIRD PERSON'S POV
Pinalibutan ng mga tauhan ni Mr. Corpus sina Tyro nang malaman nilang gising na ang dalawang pina tulog nila.
"Kumusta ang panaginip niyo? Masaya ba? Hayaan niyo last na panaginip niyo na 'yan. Kapag napakawalan na ang anak ko, tapos na kayong apat."
May ngiti sa labing aniya habang isa isang tinitingnan ang itsura ng mga bihag niya.
Ngumisi si Tyro at naisipan na namang mang asar.
Isa sa mga gawain niyang hindi na talaga niya maiiwasang gawin.
Lahat nalang dinadaan niya sa biro pero kapag nag seryoso naman siya talagang madadala ka dahil bibihira niyang gawin.
"You know what? I'm so thankful that you let us sleep earlier. I'm drunk last night and still have a headache earlier before my crazy girlfriend kick my ass and wake me up just to follow her cousin. And she-"
Inginuso niya si Crenz na naghihikab pa.
Nagulat tuloy si Crenz at tumingin kay Tyro, naudlot pa ang pag hihikab niya.
'Siraulong 'to, kapag ako pinag initan nang mga 'yan ililibing kita ng buhay'
Isip isip ni Crenz habang masamang nakatingin kay Tyro.
"Maybe she already has a Hypersomnia because of her sleeping habit. You just help her to sleep better this time, so I'm so grateful"
'Matutuwa ba ako sa sinabi niya o ibabalibag ko siya?'
Hindi nagustuhan ni Corpus ang pang aasar ng binata. Sinenyasan niya ang isa sa tauhan niya para sapakin si Tyro.
*PUNCH*
Napabaling ang mukha ni Tyro sa kanan niya kung saan nandoon si Crenz.
Walang emosyong tiningnan lang siya ni Crenz, ni wala sa mukha nito ang pag aalala.
Siya naman ay nababahala dahil paniguradong dadagdagan ni Nina ang pasa niya sa mukha kapag nakita niyang may sugat siya.
Mahina siyang natawa habang nakabaling pa rin ang ulo sa gawi ni Crenz at saka dahan dahang tumingin sa matanda.
"Ganiyan ba kayo mag sabi ng you're welcome sa nag papasalamat sa inyo?"
Nakangising tanong niya
"Hoy! Huwag nga kayong duwag! Labanan niyo kami ng pata- ARGH!"
Nagulat sila sa pag daing ni Hans kaya tumingin si Tyro sa gawi nila.
Inapakan pala siya ni Yara kaya nasaktan siya.
'Walang pinag bago tong mga bwiset na 'to. Huwag na sila mag hanap ng sakit ng katawan. Nakakapagod kaya.'-Crenz
Natahimik ang lahat sa ginawa nila.
"Bilib din ako sa lakas ng loob niyong mga bata kayo. Nagagawa niyo pang mag matapang kahit mapapahamak na kayo."
Natawa si Tyro sa sinabi niya
"Alam mo bang wala kaming plano na kahit ano ngayon? Usually kasi may naka handa kaming plano sa mga ganitong bagay pero ngayon parang gusto ko nalang din matulog"
Pang aasar pa ni Tyro.
Natutuwa siya sa itsura ng matanda kapag naiinis ito sa pang aasar nila.
"Don't worry, mamaya lang hindi na kayo gigising. It's already 12pm, what do you want for your last meal? May bait pa naman ako"
"Jollibee"-Crenz
"Yara"
Saway ni Hans at Tyro
"Huwag niyong pigilan"
Tatawa tawang sabi ng matanda at saka nilapitan si Crenz at hinaplos ang mukha ni Crenz.
Halos gusto nang kumawala ni Hans at Tyro sa ginagawa ng lalaki kay Crenz.
"Hoy manyak! Tigilan mo 'yang hayop ka!"-Hans
Nginisian siya ng lalaki at saka nakangiti pa ring hinahaplos ang mukha nito hanggang sa leeg.
"Tangina mo! Kapag naka wala ako dito papatayin kita!"
Gigil na gigil na sabi ni Tyro na ikina tuwa naman ni Corpus.
Matalim lang na nakatingin si Crenz sa kaniya na hindi pinapakita ang pandidiri sa ginagawa ng matanda sa kaniya.
"Do you want to see your boyfriend?"
Doon niya lang naalalang hawak nga pala nila si Mike.
"Pakawalan mo siya, wala siyang kinalaman sa galit mo sa'kin"
Seryosong sabi niya sa matanda na sobrang lapit ng mukha sa kaniya.
"Ayoko nga haha.. why would I?"
Inis na tiningnan niya ang matanda at gusto na ring kumawala sa kina uupuan niya para patulan ang matanda.
Lumayo na ang matanda sa kaniya at..
*SLAP*
"Yara!!"-Hans/Tyro
Napangisi lang si Crenz sa ginawa nito. Sobrang lagatok ng pagkakasampal sa kaniya at para siya nitong ginising sa kaantukan niya.
"HAYOP KA! LABANAN MO KAMI NG PATAS!"
"SUSUNUGIN KITA NG BUHAY-"
*BANG!*
Nag paputok paitaas ang matanda at saka tinutok sa kanila ang baril.
"Ang ingay niyo! Kalalaki niyong tao mas marami pa kayong nasabi kaysa sa babaeng kasama niyo.."
'Ba't naman kasi ako mag aaksaya ng laway para sigaw sigawan ka? Kung balak niyo talaga kaming pakawalan, kanina niyo pa dapat ginawa. Common sense'
Sabi ni Crenz sa isip niya.
Nakaisip ng kalokohan si Tyro na alam na alam niyang ikagagalit ni Crenz kapag ginawa nila kay Crenz.
"Bakit hindi nalang tayo mag laro tanda?"-Tyro
Nabuburyong na kumamot ng ulo ang matanda dahil sa trip nanaman ng binata.
"Hindi ako nakikipag laro sa isip bata"
"Hindi naman 'to larong pang bata. Ang boring kasi dito. Maganda magkaroon ng live action dito. Pwede ka namang pumili ng isa sa'min para makalaban ng mga tauhan mo-"
Tinawanan siya ng mga nag babantay sa kanila
"Isa? Isa laban sa dami ng tauhan ko? Nababaliw ka na ba? Nag hahanap ka ba talaga ng sakit ng katawan mo?"
Seryoso lang ang tingin ni Crenz sa kanilang lahat.
"Siya"
Turo niya nguso niya kay Crenz na pahikab na sana pero naudlot na naman dahil nasa kaniya na naman ang atensyon ng lahat.
"Hoy! Nababaliw ka na ba Tyro? Bakit babae pa? Ako nalang! Ako lalaban sa inyo"-Hans
Gulong gulo lang si Migs na nag papalit palit ng tingin sa kanila dahil sa ka wirduhang ginagawa nila habang si Tyro at Hans at nag kukuntyabahan.
"MANAHIMIK KAYO! IKAW!"
Tinuro ni Corpus si Crenz na ikina kunot ng noo ni Crenz
"Ibaba mo 'yang daliri mo."
Nag pipigil ng inis na sabi ni Crenz dahil ayaw na ayaw niyang dinuduro siya ng hindi niya kilala.
"Sino ka para utusan ako?!"
Lumambot ang itsura ni Crenz at nag paawa ang itsura.
"Huwag ako ang palabanin niyo. Ayoko.. ayokong masaktan"
Aniya pero sa loob loob niya at natatakot siyang may mapuruhan siya sa mga ito.
"Marunong kang lumaban kaya gusto kong makita kung paano mo tinakot ang anak ko para umamin."
Tawang tawa sa loob loob nila si Hans at Tyro.
"Gusto mo bang maka bawi? Piringan niyo siya-"
"HUWAG! AYOKO! AYOKO! ANO BA TYRO! TUMIGIL KA NA!"
Sigaw ni Crenz habang naka ngisi lang sa kaniya si Tyro.
"Pakawalan niyo 'yan!"
Utos ng matanda na sobrang tinututulan naman ni Crenz.
Sinuutan siya ng pang piring sa mata kaya mas lalo niyang gustong man laban.
Nag ngisian naman si Hans at Tyro.
"Ano bang ginagawa niyo! Babae talaga ang papatulan niyo?! Ako nalang-"-Migs
"Manahimik ka diyan!"
Sigaw sa kaniya ng isang tauhan doon.
Napanguso si Migs at bumulong
"Edi huwag, bakit kailangan niyong manigaw? Pwede namang sabihing nang dahan dahan."
Pinaupo nila si Crenz habang wala nang gapos ang katawan niya.
"Kapag tinanggal mo ang pag kaka piring sayo-"
Kinasa ng matanda ang baril niya
"-lalabas ang utak ng mga kaibigan mo."
Tawang tawang aniya.
"Galingan mo Yara"
Pag chicheer sa kaniya ni Tyro.
"Makalabas lang tayo dito ng buhay, ikaw ang papatayin ko Tyro."
Tinawanan lang siya ni Tyro.
Alam na alam na ng binata na masasaktan siya pero gusto pa rin niyang makita kung sing tinik pa rin ba ng dating Crenz ang Crenz na nasa tabi niya ngayon.
NASA labas na ng lumang mansion sila Nina at inaaral ang kabuuhan ng bahay pati na ang kilos ng mga gwardiya sa labas.
"Papasok na ako-"-Raffy
Hinila nila si Raffy
"Huminahon ka nga Raffy, lalong mapapahamak sila Crenzy sa ginagawa mo."-Nina
*BANG*
Napayuko sila dahil sa pag putok ng baril
Lalong nag apurang pumasok sa loob si Raffy dahil sa tunog ng baril pero agad siyang hinila ni Daniel.
"Magagalit sa'yo si Yara kapag pumasok ka doon nang walang nakahandang plano"
"Plano kong kunin sa kanila si Crenz, tapos!"
Pinatahimik nila si Raffy dahil baka marinig sila ng mga tauhan ng senator.
"Gumising ka nga Raffy! Hindi lang si Crenz ang nasa loob!"
Gigil ngunit mahinang paalala sa kaniya ni Yasy.
Tumingin sila sa paligid kung saan pwedeng pumwesto ang sniper.
"Pangit naman ng lugar nila, old mansion. Sa movies warehouse ang settings"
Reklamo ni Jigs
"Hoy tukmol. Tantanan mo nga 'yang kalokohan mo. Wala tayo sa pelikula ah, nangangnib ang kapatid mo kaya umayos ka"-Nina
Tumingin si Jigs kay Yasy saglit at saka napa iling.
Sinipa siya ni Yasy kaya kamuntik na siyang sumubsob sa lupa.
"Anong iniiling iling mo diyan?!"
Matapos makatayo ng maayos ni Jigs ay nag pagpag siya at tumingin dito.
"Wala! Bakit ka ba naninipa?!"
Nag sisigawan sila ng pabulong habang umiisip naman ng paraan ang dalawang babae at si tumatawa lang sa kanila si Daniel.
"May kahalayan ka na namang iniisip 'no!"
Nag bago ang nararamdaman ni Jigs. Mula sa pag kainis at bahagyang kaligayahan ay napunta iyon sa pag kailang at pagkapahiya.
Umiwas ng tingin si Jigs sa kaniya at saka lumayo sa tabi niya.
Bilang kaibigan ni Hans, gusto pa rin niyang matupad ang utos ni Hans na huwag lalapit kay Yasy.
Taka lang tumingin sa kaniya ang dalawa at saka pumunta sa tabi ni Nina at Raffy.
"Doon sa taas, baka pwede kayong pumwesto doon?"
Sabi ni Cess sa kabilang linya at saka nila tiningnan ang bahay sa harap ng mansion.
"Pwede pero labas lang ang makikita."
Para sa kaniya ay ayos lang 'yon
"Ayos na 'yon. Ang una naman ninyong papasukin ay 'yong bakuran or pwede rin sa likod. Kahit saan ka naman pumasok diyan may kalaban ka pa rin."
Napag kasunduan nilang tingnan mula sa taas ang ginagawa ng mga kalaban kaya nag door bell sila pero walang sumagot mula sa loob.
"Bubuksan ko"
Sabi ni Daniel at hinawi sila para mag labas ng susi
"What's that?"-Raffy
"A grandmaster key"
Sagot niya at nabuksan nga nila ang gate ng bahay.
"Tara dali"
Nag madali silang pumasok at ni lock ang gate.
Pag pasok nila ay walang tao.
"Bakit parang ang creepy naman nitong bahay?"-Nina
Halos maligo sa pawis si Jigs dahil sa kaba.
Kumapit siya kay Daniel na nawiwirduhan sa ginagawa niya.
"Ano ba?! Kalalaki mong tao para kang tuko!"
Mahinang singhal sa kaniya ni Daniel
"Iharap mo na 'ko sa buhay huwag lang sa multo"
Sumiksik siya kay Daniel.
Napailing lang sa kanila ang mga babae dahil sa ayos nila.
Bitbit ni Daniel ang sniper rifle habang may hawak naman si Jigs na iba't ibang armas sa loob ng isang malaking bag na naka sukbit sa balikat niya.
Nang makapasok sila sa bahay ay walang mga gamit at mukhang walang nakatira.
"Ano ba 'to pauupahan palang nila?"-Nina
"Don't ask us about that thing. We came here at the same time."
Tumingin silang lahat kay Raffy na nag sisimula nang mag taray.
"Ok ok.. I'm just wondering.. easy.."-Nina
Inirapan lang siya ni Raffy na kating kati nang pumatay dahil sa nasa panganib si Crenz.
'Mukhang bumalik na ang katarayan niya'-Nina
"Let's just all go upstairs"-Yasy
Nauna nang umakyat si Yasy habang nahuhuli naman ang dalawang lalaki dahil nag hihilaan pa sila pababa dahil sa takot ni Jigs.
"Isa! Huwag ako ang kapitan mo!"-Daniel
"Eh sino? Si Nina? Baka patayin ako ni Tyro, si Raffy? Baka patayin niya ako dito ngayon?"
Kabadong aniya
"Si Yasy.. diba may gusto sa'yo si Yasy?"
Napabitaw siya kay Daniel at saka tumayo siya ng tuwid.
"Hindi ako takot 'no.. Baka ikaw!"
May halong ngiwi at disappointment ang pinakitang itsura ni Daniel sa kaniya at saka nag lakad paakyat. Sinabayan ni Jigs si Daniel mag lakad at sa dinikit ang balikat niya sa balikat ni Daniel.
"Huwag mo akong dikitan"
May bantang aniya habang nag lalakad sila paakyat. Nahuhuli na sila dahil sa kulit ni Jigs.
"Hindi ka naman nana para masaktan sa pag dikit ko"
"Haist!"
Hinayaan niya nalang na dumikit sa kaniya si Jigs dahil hindi naman talaga siya mananalo sa kakulitan nito.
Agad na inayos nila ang mga gamit at saka nag labas ng binoculars para mag masid sa paligid.
"Nathalie.. huwag niyo nang subukang pumasok sa loob at hayaan niyong pumunta diyan ang mga pulis. Papunta na sila at kasama nila ang limang rapist na pinakulong natin"
Nag init agad ang ulo ni Raffy at sinipa ang pinto ng kwarto kung saan ay makaka labas sila papunta sa veranda.
"Ano?! Pakakawalan nila ang mga hayop na 'yon?"-Nina
"Hindi 'to tungkol sa organization dahil hindi naman nasangkot si Sandra-"-Cess
Napa padyak sa inis si Yasy.
"Tungkol 'to sa organization dahil parte ng organization sila Hans!"
"Tungkol 'to sa batas nila! Makinig nalang kayo dahil kapag may isa pang napahamak sa inyo, damay damay kayong bubugahan ng apoy ni Crenz!"-Chelsea
'At talagang pinag kakaisahan niyo pa kami diyan sa base?!'-Nina
"You want us to do nothing?!"-Raffy
Napaatras na sila ng bahagya dahil sa galit ni Raffy. Bibihirang magalit o sumigaw si Raffy kaya kung nasa ganitong estado na siya, kailangan na nilang umayos at sumunod sa kaniya.
"I didn't say you will do nothing there!"-Chelsea
Nag simulang mag init ang ulo ni Raffy at Chelsea sa isa't isa dahil sa mag kasalungat na plano nila.
"You expect me to just stand here and watch Crenz to die?!"
"I'M SAYING TO CHILL OUT YOUR HEAD AND GO BACK TO YOUR SENSES, COPE UP WITH SOME BETTER PLAN THAT WILL NOT GET YOU HARM!"
Hindi na tinangkang pumagitna nang kahit sino man sa kanila dahil parehong masamang magalit si Raffy at Chelsea. Ayaw nilang maputukan ng galit ng kahit sino sa dalawa. Pati si Sandra ay hindi rin tinangkang pumagitna sa kanila dahil bukod sa walang kinikilalang mataas si Raffy kundi ang pinaka nag uutos sa kanila ay hindi rin gano'n kadaling suyuin ang isang Chelsea Niveda.
Nagulat din si Raffy sa pag sigaw ni Chelsea na parang nakapag pa balik sa kaniya sa reyalidad.
"I'll get Crenz first"-Raffy
Naalarma naman si Sandra sa sinabi ni Raffy
"Ano? Bakit si Crenz ang uunahin mo? Unahin mo si Tyro o Hans. Hindi porket kaibigan mo si Crenz-"
Nag panting ang tenga ni Nina at Raffy sa sinabi ni Sandra.
"Stop being childish Sandra! We're doing a convenient way to save all of them and this is not about the ranking on organization! Even if it's ranking, Crenz will be rescued first!"-Raffy
Gulong gulo na ang mga tao sa paligid ni Sandra dahil sa sinasabi nila kay Crenz.
"What?"
"Dahil marunong siyang lumaban kaya mas uunahin siyang I rescue para makatulong pa! Mag isip ka nga Sandra! Akala ko ba mahalaga ang mga kaibigan mo? Bakit parang gusto mo bang isakripisyo si Crenz? Nakalimutan mo atang dahil sa'yo kaya pumasok sa loob ng school si Crenz."-Raffy
Gustong gusto niyang patulan si Sandra dahil sa sinabi niya. Hinihiling niya na sana hindi nalang siya nag salita dahil mas lalong nag iinit ang katawan niya sa galit.
"It's her job"
Katwiran ni Sandra
"CASSANDRA!"-Nina
"What?!"-Sandra
"Stop ruining everything! Shut your mouth and stay out of our business!"-Raffy
Napabuga ng hangin si Sandra at hindi makapaniwalang tumingin sa mga kasamahan niya.
"I'm helping-"
"You are not! Stop messing with my plan because you knew nothing!"
Pinatay ni Nemi ang connection ng lahat sa isa't isa para hindi na mag ka initan pa.
"What did you do?!"-Sandra
"Nakalimutan mo ba na sa panganib na sitwasyon, kailangang ikaw ang sumunod sa'min para sa kaligtasan mo? Hindi mo naman gustong malaman pa ni Chairman Montilla ang mga pangingialam mo sa diskarte namin diba?"
Gigil na hinarap siya nito.
"Are you threatening me?!"
Kailangang si Nemi ang mag adjust sa kanilang dalawa dahil siya ang mas nakaka handle ng sitwasyon.
"We know that you're scared-"
Hinaplos ni Nemi ang ulo ni Sandra para pakalmahin ito. Sa kabila ng lahat ay mas matanda pa rin sila kay Sandra kaya kailangan nilang pag bigyan ang minsang pagiging childish ni Sandra sa pag dedisisyon.
"-but let us handle this, ok?"
Inis pa ring tinapik ni Sandra ang kamay ni Nemi na nasa ulo niya para alisin 'yon at saka padabog na pumasok sa isang silid upang mag kulong.
Susundan na sana siya ni Princess nang pigilan siya ni Chelsea.
"Let her calm by herself"
Aniya saka bumalik sa pag momonitor ng daan.
ANG pag takip sa mata ni Crenz ang isa sa pag kakamaling ginawa ng mga kalaban nila dahil mas malakas ang pandama ni Crenz kaysa sa ibang tao.
"This will be fun"-Tyro
"I'll burn you alive if Yara will get hurt badly"
Banta ni Hans kay Tyro
"GO MASTER!"
sigaw ni Migs na ikinatingin naman nang dalawa sa kaniya
"Wow.. you're still there"
Nakangiting pansin sa kaniya ni Tyro
"I can't scape.. uhmm.. for now"
Nakangiti ring aniya habang nakakawala na sa pag kakatali sa kaniya.
Kung si Sandra ay well trained for self defense and disarming, si Jigs at Migs naman ay well trained naman sa pag takas sa iba't ibang pag tali sa kanila.
Napansin ni Hans ang pag suporta nalang ng kamay ni Migs sa nakatali sa kaniya kanina para hindi mahulog ang lubid.
"Do nothing Migs"
Paalala sa kaniya ni Hans
"I'm not going to do anything, I want to see how my master will knock those punks"
Nag eenjoy na aniya habang nakatingin sa mga lalaki na naka paligid kay Crenz sa gitna.
"Better"
Nakangiting tumingin sa kanila si Migs.
"What?"-Tyro
"I can see Raffy's burning eyes and my brother's mischievous smile"
Natatawang aniya saka pa simpleng tumingin sa taas kung saan naka silip si Jigs at Raffy nang patago.
"Where?"
Bulong ni Hans
"1 o'clock from your position"
Nanatiling nag tatawanan ang mga nakapaligid kay Crenz habang gustong gusto nang sumugod ni Raffy sa loob kung hindi lang pinipigilan ni Jigs.
"Nakita na tayo ni Migs"
Nakangiting sabi ni Jigs at saka kumaway pa sa kambal niya.
*PAK*
Binatukan siya ni Raffy
"Stop doing crazy things dumbass.."
Napahawak tuloy sa ulo niya dahil sa batok ni Raffy.
"Yasy? Are you in position?"
Tanong ni Raffy kay Yasy na hindi na malaman ngayon kung ano ang gagawin.
"Yes but the police is on their way here. We can't just do whatever we want this time"
Halos mapa suntok sa pader si Raffy dahil sa inis
"Ok, just standby. Kapag may gustong pumatay sa kanila barilin mo agad"
"Roger that.. but Crenz is on danger. Should I kill them all-"
"No no.."
Tiningnan niya ang sitwasyon. Nasa gitna lang si Crenz at nakatayo lang na parang may hinihintay.
"I want to watch if they can lose the leader of the Special Royal Guard"
Nakangiting aniya saka bumalik ang tingin sa kanila.
"Anong dala mo?"
Tanong ni Jigs kay Raffy habang nakakubli sila sa isang madilim na parte ng mansion.
"This? A needle gun. Kaya nitong patulugin ang kalaban dahil sa bala nitong may lason. Masakit ito at nakamamatay, once na pumasok 'to sa katawan ng tao, swerte mo na kung hindi tatamaan ang importanteng organ mo."
Namangha si Jigs sa hawak niyang bagay.
"Edi kaya mo pala silang patulugin ngayon, as in lahat sila."
Masayang aniya at saka sinuri nang maayos ang baril.
"Sino naman gumawa nito?"
Ngumisi si Raffy nang may naalala mula sa kabataan niya.
"Just a kid"
"Really? A kid but came up with this brilliant thing?"
Galak na tanong ni Jigs na gusto nang hawakan ang baril na maliit na hawak ni Raffy.
"Sobrang talino ng batang 'yon at marami pa siyang na imbentong mga bagay na hindi mo mahahalatang iba sa normal na itsura no'n"
Agad inatake ng kuryosidad si Jigs dahil sa pagka mangha niya sa batang 'yon
"What is her name? Is she part of organization?"
Nginitian siya ni Raffy at saka tumingin muli sa baril.
"Her name is Ashariya, 20 years old, my mission."
Namangha siya sa murang edad nang bata ay marami na siyang naimbentong bagay at namangha siya dahil 'yong babaeng 'yon pala ang misyon nang isang Rafflesia Fistorn.
"HINDI ko ma contact sina Raffy"
Nag aalalang nakatingin si Cess sa cellphone niya
"Even Nina?"-Chelsea
Nawawalan nang pag asang bumagsak ang balikat ni Princess habang nag aalalang tumingin sa mga kasama niya.
"SHIYA! We're doomed!"
Napatayo si Nemi sa silyang kinauupuan niya habang nasa harap siya ng computer.
Lumapit sa kaniya ang dalawa.
"Why?"
Tinuro ni Nemi ang monitor at agad namang sinubaybayan ng dalawa ang tinuturo ni Nemi.
"Is that Liphyo?"
Napatakip ng bibig si Chelsea habang tinitingnan ang screen.
"Ngayon ba 'to?"-Chelsea
"No.. kanina pa 'yan, nag backward ako dahil may hinahanap ako tapos nakita ko siya na naka sunod kina Nina"
'This is a mess'-Chelsea
Sinubukan nilang tawagan sila Nina pero ang signal sa lugar kung nasaan ang mga kaibigan niya ay nawalan nang signal. Sinubukan ding tawagan nila Yasy sina Chelsea kaya lang ay wala silang masagap na signal mula sa loob ng bahay.
NAG simulang sumugod ang mga kalaban pero umatras at umilag lang si Crenz dahil alam na alam niya sa sarili niyang may mapapatay na siya sa puntong 'yon. Kapag pikit ang mga mata niya ay mas nagiging aware siya sa paligid niya. Dumudoble ang mga pandama niya dahil sa training niya noong bata siya.
Yuko, atras at ilag sa kaliwa't kanan ang madalas na ginagawa niya hanggang sa maramdaman niyang may gustong sumuntok sa mukha niya.
"Wow!"
Natigilan ang lahat nang masalo ni Crenz ang kamao nang taong 'yon.
"Alam mo bang mahirap gumawa nang panibagong ako?"
Inikot niya ang braso nito kaya nag kagulo na sa loob. Isang lalaki ang kumuha ng kahoy para ipang hampas sa kaniya kaya naalarma ang sistema niya nang may marinig siyang bagay na mabilis nakagawa nang matunog na paghampas sa hangin, bago pa nito mahampas kay Crenz ang kahoy ay nasipa na siya sa tiyan ni Crenz na ikina talsik naman niya.
"Bilangin mo kung ilang beses masasaktan si Crenz."
Nakangising utos ni Tyro kay Hans.
"Ryker will kill us"-Hans
"Wala pa naman siya, we should enjoy for awhile"-Tyro
"Asshole.. you just went to bar last night to enjoy, remember?"-Hans
Napailing si Tyro.
"Bawasan mo pag susungit mo. Baka hindi ka magustuhan ni Sandra dahil sa kasungitan mo."
Sa puntong 'yon, hindi man lang sumagi sa isip niya si Sandra at tanging kaligtasan lang ni Crenz ang nasa isip niya.
"Should I help her?"
Nakangiting tanong ni Migs
"Pwede naman.. kung handa kang mamatay kapag naka ligtas tayo dito."
Nakangiti ring sagot ni Tyro.
"Pfft.. I'll just stay here"
Parang baliw na tugon ni Migs at saka nag enjoy muli sa panonood sa kanila.
WALA nang awang nararamdaman ngayon si Crenz. Mula sa pakikiramdam nang mga susunod na gagawin nang mga kalaban ay sinunod na niya ang plano niyang pag papatulog sa mga 'to.
"They've done a wrong thing hahahaha.. they should not blindfolded her"-Raffy
"Wae?"
"In her strength and strong senses while in the blindfold, she can actually kill someone "
Nakangising sabi paliwanag ni Raffy habang nakatingin sa nag lalaban sa loob.
Mula sa earpiece ay nag salita si Yasy.
"Someone's going to pull out a gun, should I kill him?"
Seryosong tanong ni Yasy na ikinatindig naman nang balahibo ng lahat nang nakikinig pwera kay Raffy. Tumingin sa kaniya si Nina na may gulat sa mukha.
Hindi na bago ang ganitong bagay sa kanila pero kapag si Yasy ang nag sasabi nang seryoso parang nakakagulat. Kilala kasi si Yasy bilang mataray o di kaya'y sobrang kulit na babae at bibihira sa kaniya ang mag seryoso. Sa tagpong 'yon, masasabing gustong gusto nang kalabitin ni Yasy ang gatilyo nang hawak niyang armas dahil sa sitwasyon ni Crenz.
"I can handle"
Raffy point the gun into the targets body and because of the noise around, they did not hear the man's body fall to the ground.
"Daebak"
Manghang reaction ni Jigs nang makitang tinamaan ni Raffy ang target niya.
"I'm from Jovian Royal, remember?"
Mayabang na paalala ni Raffy sa kaniya.
NAKITA ni Hans, Tyro at Migs ang pag bagsak nang isang lalaki sa sahig sa hindi malamang dahilan.
"Oh?"
They exclaimed due to shock.
"Inatake ata?"-Hans
Napa ngiwi nalang sila dahil sa pag bagsak nito.
"Ilan na Tyro?"-Hans
Nag bibilang pa rin sila kung ilang beses na natamaan si Crenz.
"8 na- oh! 9"-Tyro
"Huwag lang sila bubunot ng baril dahil ibang usapan na 'yon"-Hans
Wala silang nararamdamang kaba sa dibdib nila dahil nag eenjoy sila sa pinapanood nila at alam nilang naka bantay lang sila Raffy sa kanila.
"Si Raffy 'yong tumira sa bumagsak. Hindi ko alam kung paano niya napatulog pero may tinutok siya kanina"
Bulong ni Migs kay Hans kaya lumingon si Hans kay Tyro.
"She's using the needle gun"
Bulong din ni Hans kay Tyro.
"What?! It can paralyze someone"
May gigil na paalala niya kay Hans.
"Deserve"
Nakangising tugon ni Tyro.
PITO na ang napapatulog ni Crenz habang ang energy niya ay parang hindi nauubos. Ilang beses na rin siyang nasapak at na sipa pero kailangan niyang tiisin ang sakit dahil kung hindi sabay sabay silang mapapahamak.
May sumuntok sa kaniya pero hinila lang niya iyon at binalibag at saka sumipa patalikod para sa lalaking susugod sa kaniya.
"ANO BA KAYO?! KALALAKI NIYONG TAO WALA KAYONG PALAG SA BABAE?!"
Napapanting ang tenga niya at sumugod siya sa kinaroroonan ng boses ng matanda.
Sinugod siya ng mga tauhan nito para protektahan ang matanda. Hindi na rin niya mabilang kung ilan ang nabalibag niya dahil sa dami nila.
Dose na ang tulog sa lapag dahil tinitira niya ang delikadong parte ng leeg para makatulog sila.
Sa pag kakataong iyon ay napag tanto ni Mr. Corpus na mali ang ginawa niyang pag papa takas sa babae para labanan sila. Ang bilis at lakas ng babae ay walang katulad lalo na ang pandama nitong hindi maipaliwanag kung paano naging gano'n kalakas.
*Police serine*
Natigilan sila kaya natigilan din si Crenz.
"Corpus! Mga pulis kami! Dala na namin ang hinihingi mo! Pakawalan mo na ang mga bata!"
Sigaw ng pulis sa labas.
"Bwiset! Nasa'n si Dondon?! Akala ko ba kinausap niya ang mga pulis kung saan kikitain ang mga hayop na 'yan?!"
Galit na sigaw ni Mr. Corpus saka sinenyasan ang mga bata niya na pumunta sa likod ng mga bihag nila. Nag labas ng mga patalim ang mga lalaki sa likod nila at saka tinutok sa leeg nila.
Sinubukan nilang lapitan si Crenz pero lumaban si Crenz hanggang sa hindi na siya malapitan ng kahit sino sa kanila.
"Hoy! Gusto mo bang patayin ko 'tong mga kasama mo?!"
Tanong ni Corpus.
Mula sa seryosong mukha dahan dahang ngumiti si Crenz.
"Patayin mo"
Nakangiting aniya habang nakaharap sa gawi ng mga kalabang nasa gilid at likod nila Hans.
Sumenyas si Migs sa kambal niya gamit ang pagkagat niya sa labi at pag taas ng pag galaw ng kilay.
Tatlong beses niyang tinaas ang kaliwang kilay niya.
"Dimwit?! What's that?"
Takang tanong ni Raffy habang tinitingnan ang parang tangang mukha ni Migs.
"Sabi niya patulugin mo rin daw 'yong nasa likod ni Tyro. Mukhang wala na siya sa pagkakagapos"
Nag aalangan pa siyang sumulyap dito.
"Are you sure?"
"Hundred percent"
"When?"
KAHIT na sinabi ni Crenz na patayin ang mga kasama niya, hindi pa rin niya inalis ang pagkakapiring sa kaniya.
"You'll sit here or we're going to kill them?! I'm not kidding"
"Nado! Nongdam-i anya"
(Me too! I'm not kidding)
*BANG!*
Nag pa putok paitaas ang matanda at saka tinutok sa kaniya ang baril. Hindi niya pwedeng patayin ang bihag dahil hindi nila ibibigay ang anak niya.
"He's pointing the gun to Crenz, should I kill him?"-Yasy
Tanong niya kay Raffy.
"No. Let me handle him"
Sagot niya sa kabilang linya.
"CORPUS! Nandito na ang anak mo! Huwag mong saktan ang mga bata!"
Kinakabahang tumingin sa pinto si Corpus dahil sa sinabi ng mga pulis.
"HOY IKAW! TINGNAN MO KAMI! TANGGALIN MO 'YANG NASA MATA MO!"
Gigil na sigaw sa kaniya ng matanda kaya dahan dahan niyang tinanggal ang pag kakapiring niya at saka siya nasilaw sa liwanag na tumatama sa gawi niya.
"Ano?"
Kunot noong tanong ni Crenz sa kaniya. Pinunasan niya sang gilid ng labi niya saka niya nakita ang dugo sa likod ng palad niya.
Napangisi siya dahil sa dugong 'yon.
MULA sa itaas ay naka antabay lang sila Raffy at Jigs sa magiging hudyat ng pag pasok nila at mula rin sa malayo ay nag hihintay si Liphyo na lumabas ng ligtas sila Crenz at hindi siya mapakali dahil doon.
Nandoon na ang mga pulis at napapaligiran na ang buong lugar.
Alam niya ring nasa harap ng mansion sina Nina pero hindi niya pinuntahan dahil ang sasabihin lang nila sa kaniya ay umalis na siya.
Kaba, takot, pag sisisi at panghihinayang ang nararamdaman niya. Sana hindi nalang niya hinayaang umalis kanina si Crenz.
NAKA-ANTABAY din mula sa taas sina Nina at handang handa nang bumaril para maligtas ang mga kaibigan pero inaalalayan pa rin nila ang sitwasyon dahil ayaw nilang mahuli sila o mapahamak ang nasa loob kung mag papa putok sila. Hanggat kaya ay ipapaubaya nila ang pag baril kay Raffy.
Dumating din ang media sa location kung saan nagaganap ang pang hohostage sa kanila.
Nag tali ng buhok si Crenz at saka tumingin sa kanila at kumuha ng isang tapyas ng kahoy na muntik nang ipalo sa kaniya kanina.
Pinag kamot niya sa likod niya iyon at saka nag isip ng plano.
Dahil sa ginawa niya ay bumaon sa leeg ni Tyro ang patalim na hawak ng isang lalaki sa kaniya.
Ngumisi si Tyro kay Crenz na parang sinasabing ayos lang siya at hindi naman gano'n kalalim.
"Kahit patayin niyo pa sila sa harap ko tatawanan ko lang kayo. Tss.."
Aniya saka kumuha ng upuan at umupo siya paharap sa sandalan habang naka harap sa kanila.
"Hindi niyo ako mapapatay dahil hindi naman ako tao HAHAHAHA.. iyong anak mo? Imposibleng buhay pa 'yon matapos niyang patayin ang isang batang walang muwang sa mundo. Huwag kang maniniwalang dala ng mga pulis ang anak mo, pain lang nila 'yon para lumabas ka. Kapag nag pa putok ka pa ng isang beses, mauubos kayong lahat at kami? Mananatiling naka gapos habang wala na kayong hininga. Kung sino ang pumatay sa inyo? Well.. I don't know, it's either his twin *pointing Migs* o di naman ay 'yong dalawang cool na babaeng sumusunod sa yapak ko."
Matamis niyang ngumiti sa kanilang lahat.
"Wow.. she's really cute"-Hans
Gulat namang tumingin sa kaniya ang may hawak sa kaniya na mukhang na mangha rin sa pag ngiti ni Crenz.
"Can I have her?"-Tyro
"No.. you have Nina. I can court her"-Hans
Natawa nang pagak si Tyro
"No, you have Sandra"
Inis na tumingin ang matanda sa kanilang dalawa at saka tinutukan ng baril si Hans sa ulo.
Kanina pa nakakaramdam ng kaba Crenz na hindi niya maipakita dahil ayaw niyang mag pakita ng kahinaan sa kanila.
"Bakit naman ganiyan Corpus? Bakit iilan lang sa inyo ang may baril? Hindi mo ba alam na tulog na ang mga tauhan mo sa labas? Tinira na kasi sila no'ng crush ko."
Nag papa cute na ngumuso siya sa kanila.
"ANG DAMI MONG SINASABING BOBA KA! *BANG*"
Pina putukan siya ni Corpus at dumaplis lang 'yon sa gilid ng braso niya kaya dumugo 'yon.
Matalim na tumingin siya kay Corpus dahil sa ginawa niyo.
"HANA! DHUL! SEHTT!"
*BLAG*
*PSIHK*
*BOGSH!*
Dahil sa inis niya sa pag kakabaril sa kaniya at sa kaalamang makakapatay na si Raffy dahil sa kaniya, mabilis na siyang kumilos para hindi makapatay si Raffy.
Binato niya ang hawak niyang tapyas ng kahoy sa lalaking may hawak kay Migs na dahil napansin na niya kanina na wala na ang pag kakagapos nito, matapos niyang batuhin 'yon ay sinipa ni Migs ang ulo ng lalaking may hawak kay Hans at kasabay no'n ang pag baril ni Raffy sa lalaking may hawak kay Tyro.
Nakatulog ang dalawa habang binato ni Crenz kanina ay namilipit sa sakit dahil ang mata niya ang tinamaan ng kahoy.
Mabilis na sinipa ni Migs ang kamay ni Corpus para mabitawan ang baril na hawak niya.
Pag sipa niya ay tumalon siya ng mataas at saka kinuha ang baril na tumilapon sa ere at pinaputok sa paa ni Corpus.
*BANG*
"AHHHH!!"
Halos maiyak sa sakit si Corpus dahil sa tama ng bala sa paa niya.
Sobrang bilis ng mga nangyari at hindi namalayan ng mga lalaki ang naganap sa paligid. Wari mo'y nanood sila ng palabas na Flash dahil sa sobrang bilis ng mga kilos ng mga bata.
Tinutok ni Migs ang baril sa mga lalaki na kinaatras naman nila.
Mabilis niyang pinaputukan ang tali sa likod nila Hans at matapos niyang magawa 'yon ay tinutok niya muli ang baril sa kanila.
"CORPUS! KAPAG MAY NAPAHAMAK KAHIT ISA SA MGA BATA HINDI NA NAMIN ALAM KUNG MABUBUHAY KA PA SA LOOB O LABAS NG KULUNGAN! HUWAG MONG SAKTAN ANG MGA BATA!"
Sigaw ng mga pulis sa labas.
'This is insane! Mukhang kami pa ang papatayin ng mga batang 'to!'-Corpus
Umalis sa pag kaka tali si Hans at Tyro.
"Wow! So fast!"-Tyro
Lumapit silang tatlo papunta kay Crenz na nakaupo pa rin sa upuan habang hinahayaang umagos ang dugo niya sa braso niya.
"Sinabi ko na sa'yong huwag mong hahayaang maubusan ka ng dugo"
Pangaral sa kaniya ni Hans
"Hinihintay ko lang kayong mag asikaso sa'kin."
Masayang ngiti niya kina Hans.
Nag labas ng panyo si Hans at saka tinalian ang sugat ni Crenz.
Mula sa malayo ay nag labas ng laser sina Daniel bilang panakot.
Nakita nila Tyro ang laser sa mga katawan ng mga kidnapper nila.
"Pfft! Tingnan niyo! May laser na ang mga katawan niyo, ang ibig sabihin lang niyang ay isang kilos niyo lang mula sa kinatatayuan niyo ay mamamatay kayo"
Takot na tumingin sila sa mga katawan nila dahil may mga laser na ngang nakatutok sa kanila.
Bumulong si Migs kay Tyro
"Pre, wala na 'tong bala"
Pasimple lang tumikhim si Tyro at hindi na pinansin ang sinabi ni Migs.
"Sige patayin mo na 'ko!"
Sigaw ng matanda. Gulat ding tumingin ang mga tauhan niya sa kaniya na halatang ayaw pang mamatay.
"Ay hindi! Bawal 'yon! Walang thrill!"
Sigaw ni Crenz sa kaniya.
"Kayo diyan? Sinong gusto pang mabuhay? Kunin niyo ang packing tape at tape an niyo ang paa at kamay niyo"-Hans
Kabado pa ang iba dahil hindi nila alam ang gagawin nila.
"C'mon, wala na kayong choice! Wala kayong baril!"
Nag madali ang iba sa pag kilos nang ikasa ni Migs ang baril na hawak niya.
"Anong ginagawa niyo?!"
Gigil na tanong ng matanda sa kanila.
Natutuwa naman si Crenz sa inaasal ng mga tauhan ng matanda. Halatang mahal pa nila ang mga buhay nila.
"Sino ba naman kasing matalinong kidnapper ang walang baril ang mga tauhan niya? Kidnapper kayo pero mahihina at matatakutin kayo.. hello? Wala kaya kayo sa palabas."
Sarkastikong sabi ni Crenz.
RAFFY'S POV
"Ano? Ayos lang na si Crenz? Anong lagay nila?"
Aligagang tanong ni Nina sa kabilang linya.
"Just point the laser to them, it scares them"
Seryosong sagot ko sa kanila habang nag papalit palit ang tingin ko sa mga kasamahan nila.
"C'mon Crenz, ppalli"
Kinakabahan ako, baka mamaya pumasok ang mga pulis at mabaliktad ang mga pangyayari.
Kung wala lang kami sa seryosong sitwasyon baka nag bunyi na ang loob ko dahil tinawag niya ako crush hihihi..
Pero 50/50 pa ngayon ang pangyayari at hindi ko rin alam kung buhay pa ang mga naka bulagta sa baba. Sa'kin ayos lang kung makapatay ako dahil alam ko sa sarili kong may dahilan ako para kumitil ng buhay, pero si Crenz kapag nakapatay siya, mag iiba na naman ang personality niya dahil sa trauma o di kaya dahil sa guilt. Iniiwasan ko 'yon mangyari ulit sa kaniya.
Tumunog ang linya namin sinyales na may pumasok sa communication namin.
"Hello?!"
Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Chelsea na may pag aalala.
"Yeah?"
Sagot ko.
"Si Liphyo nandiyan sa inyo. Sinundan kayo kanina ni Liphyo at ngayon nandiyan siya malapit sa inyo. Nina! Mag bigay ka ng mag hahanap kay Liphyo."
Nang hina ang mga kamay ko at dahan dahang naibaba ang baril na hawak ko.
Nag katinginan kami ni Jigs.
"Bakit?"
Tanong niya sa'kin nang harapin niya ako.
"Si Attienza nandito lang sa malapit"
Nag papalit palit siya ng tingin sa'kin at kina Crenz.
"Nandito si Mike kaya paniguradong pupunta 'yon dito"
Bwiset!
Tiningnan namin ang gagawin nila.
Sinabihan ni Crenz si Hans at Migs na kunin si Mike sa isang kwarto doon na agad namang sinunod nila.
Naka tape na ang mga kamay ng mga lalaki doon pati na ang paa liban sa isang lalaki at sa matandang may pakana ng lahat.
"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? PUMATAY KA NG MGA BATANG WALANG KINALAMAN SA KA DEMONYOHAN NG LAHI MO! SISIGURADUHIN KONG IKAW MISMO ANG KIKITIL NG BUHAY MO KAPAG TAPOS NITO! PAHIHIRAPAN NAMIN ANG PAMILYA MO LALO NA ANG ANAK MONG BABAE!"
Nakaupo sa sahig ang matanda dahil sa tama nito sa paa.
"Ha! Haha! HAHAHAHAHAHAHA wow! Ang tapang mo talaga. Manang mana ka talaga ng tatay mong basagulero."
Ano raw?
Natigilan si Crenz sa sinabi niya.
"Kilala ko ang tatay mo at simula palang talaga noon hindi na talaga kami nag kakasundo sa mga opinion ng isa't isa. Kilala ko ang pamilya mo at ang organisasyong nag pahirap sa'min simula pag ka bata ko. Mahuhuli niyo ako pero sinasabi ko sa'yong hindi ito ang huli nating pag kikita."
Nag tangka siyang bumunot sa tagiliran niya pero-
*Ping*
Tinamaan na siya ng bala ni Yasy.
Tumingin sa gawi namin si Crenz dahil sa pag kakabaril sa kamay ng matanda.
"Don't be mad at me.. he's triggering my patience"
Masayang saad ni Yasy sa kabilang linya.
Tumawa ang matanda habang natakot naman ang mga tauhan niya dahil sa pagkakabaril sa kaniya.
Nilabas nila si Mike sa isang kwarto na wala pa ring malay.
"Hoy ikaw lumabas ka doon at sabihin mong sumusuko na kayo. Corpus, nasa sasabihin mo ang magiging buhay ng mag iina mo. Pa'no ba 'yan? Exit na kami ah"
Teka? Ano?! Exit?!
Hindi pwede!
Lumapit si Migs at si Hans sa kaniya dahil pinalapit ni Crenz ang dalawa at saka..
*PAK*
*PAK*
"Aw!"
Napangiwi kami pareho ni Jigs nang patulugin ni Crenz ang dalawa at saka tinali sa dalawang silya, tinali niya rin doon si Mike.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit niya 'yon ginawa.
"Anong ginagawa niya?"-Jigs
"Hindi naman alam ng mga pulis na kasama silang dalawa eh, tatlo lang ang report sa kanila kaya lalabas na si Tyro at Crenz diyan."
Kinuha ni Crenz ang baril na hawak kanina ni Migs at saka binato sa isang hindi nakatali.
"Sabihin mo sa mga pulis na tumiwalag ka sa kanila.. hehe di biro lang.."
Napaupo ako sahig mula sa semi upong luhod kong itsura dahil sa sinabi niya.
"Michin"
(Crazy)
Bulong ko habang hindi makapaniwalang nagawa pa niyang mag biro doon na parang nasisiraan na nga ng bait.
"Sabihin mo ikaw ang bumaril sa boss mo dahil *PAK!*"
Sinipa niya ang lalaki.
"Tangina.. nabungi ata"
Ngiwing sabi ni Jigs habang nanonood.
Dumugo ang bibig ng lalaki saka siya tinalikuran.
"Sabihin mo sinapak ka kaya mo binaril. Bahala ka na mag palusot, kapag hindi mo ginawa papatayin ka ng mga tauhan ng mga pinatulog ko. Oo nga pala, kapag ginalaw mo ang isa sa mga 'yan, iyong bumaril sa boss mo papatayin ka no'n. Jalga!"
Hinila na niya palabas sa likod si Tyro.
Kami ay nag bantay pa rin.
Nag dadalawang isip lumabas ang lalaki.
"Yasy, barili mo nga ang gilid niya, mukhang wala pang balak gumalaw eh"
Binaril niya ang bandang paanan ng lalaki kaya napatalon ito at nag mamadaling lumabas para sumuko.
"Bakit walang thrill?"
"They're stupid.. wala silang baong baril, masyado nilang inestimate ang mga kikidnappin nila dahil lang sa highschool lang sila Crenz"
Pumasok ang mga pulis at pinag huhuli silang lahat.
"We're done"
Nag apir kami at saka hinintay nalang mawala ang mga tao para makababa na kami dito sa pinag tataguan namin.
CRENZ'S POV
Pag talon namin ni Tyro mula sa mataas na bakod ng mansion ay nagulat kami sa nakita namin sa pag lapag namin.
Gulat na mga mata ni Pula ang bumungad sa'min.
Para siyang nag tataka na tumalon kami sa mataas na bakod na 'yon samantalang parang kanina lang ay kinidnap kami.
"Aalis na ako- *BLAG!* ARGH!"
Mabilis kong binalibag si Tyro dahil sa kasalanan niya sa'kin kanina. Hindi niya dapat ako pinapa piring dahil nagiging mas bayolente ako kapag nakaka rinig ako ng kaunting ingay lang.
Humawak siya sa balakang niya at saka parang uod na gumalaw sa damuhan dahil sa sakit ng pag kakabalibag ko sa kaniya.
Bakanteng lote ang kaliwa't kanan ng mansion kaya puro damo ang nakapaligid doon.
"Sinabi ko sa'yong ako ang papatay sa'yo kapag nakalabas tayo ng buhay doon diba?"
Tumango siya habang nasasaktan pa rin ang itsura niya.
Tinulungan siya ni Pula na tumayo saka siya tinangay paatras mula sa'kin ni Pula.
Tama 'yan, matakot kang Pula ka
"Huwag ka ngang bayolente Raya, kita mo namang maraming sugat si Tyro tapos binalibag mo pa!"
Pangaral niya sa'kin.
Nag thumbs up naman si Tyro sa kaniya nang nag papaawa.
"Kingina"
Bulong ko sa sarili ko
Lumapit ako sa kanila para sana sapakin si Tyro pero agad na itong tumakbo palayo dahil sa takot.
"Raya si Mike?"
Nag aalalang tanong niya
"Bakit nandito ka? Ano bang sabi ko sa'yo?"
Kunot noong tanong ko
"Pinauwi nila ako pag tapos kunin si Mike no'ng mga lalaki."
Hindi ko alam kung dapat kong ipag pasalamat na si Mike ang kinuha at hindi si Pula eh. Alam niyo namang may responsibilidad ako sa lalaking 'to kaya hindi siya pwedeng mapahamak.
"Makakalabas ba ako kung hindi ko sinigurado ang kaligtasan ng mga nasa loob? Nakalimutan mo bang nasa loob din si Hans.. common sense nalang"
Tinitigan niya ang buo kong pigura.
"B-bakit may sugat ka?"
Lumapit siya sa'kin at tiningnan ang tinalian kanina na sugat ko sa braso. Literal na daplis ang nangyari at sa balat lang talaga tumagos.
Kailangang tahiin ang sugat ko.
Si Nemi agad ang unang pumasok sa isip ko.
"Nasa'n si Nemi?"
"Ha? Ang alam ko nandoon sila sa secret room niyo"
Nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin.
Nag labas siya ng panyo at saka inalis ang pag kakatali sa sugat ko.
"Napaka pakelamero mo"
Singhal ko sa kaniya
"Dapat sinapak mo ang gumawa nito sa'yo. Dapat sinipa mo, binasag mo sana ang mukha"
Naiinis siyang tumingin sa sugat ko
Anong trip niya
Lumapit siya sa motor niya at may hinalungkat samantalang ako ay tiningnan ang lampas taong pader na tinalon namin ni Tyro.
*SPRAY SPRAY*
Halos tumigil ang mundo ko ng maamoy ko ang inispray niya at saka unti unting humapdi ang braso ko.
Nag kakarerahan sa pag tibok ang puso ko at gustong gusto ko nang sumigaw sa hapdi.
Mabilis akong lumapit sa kaniya at saka kinuha ang braso niya sabay kagat habang sumisigaw sa hapdi.
"Ahhhhhrrrrrrrr!"
Sigaw ko habang kagat ko siya
"A-ah- ahhhhh-pppp"
Tinakpan niya ang sarili niyang bibig dahil sa pag sigaw niya rin.
Gagong Pula 'to! Taena! Napaka hapdi! Anong akala niya sa'kin bato?!
Tanggap ko pa ang batadine na panlinis atleast hindi masakit, pero ang alcohol?! Shutangina!
Wala pang sampung segundo ay inalis ko na ang pag kakakagat ko sa kaniya at saka hinipan ang sugat kong kumikurot pa hanggang ngayon.
"Ang sakit! Aso ka ba?!"
"Kingina? Anong akala mo sa'kin may CIPA? Ano na namang tinira mo at nang sispray ka ng alcohol? Inubo na naman ba 'yang utak mo?!"
Hinawakan niya ang kinagat ko.
Lintek! Tanghaling tapat pinapainit niya ang ulo ko
"Nililinis ko 'yang sugat mo"
"Bwiset ka! Kita mong halos makita na ang laman diyan sa sugat na 'yan tapos pabasta basta mo lang lalagyan ng alcohol!"
Heto nanaman kami at nag tatalo na naman.
Kunot noong nakikipag labanan talaga siya sakin ng tingin.
"Bakit?! Kapag ba nag paalam ako mag papa spray ka?"
Gusto niya bang bangasan ko siya ngayon?!
"Hindi!"
"Oh kaya nga hindi na ako nag paalam eh!"
Naiinis na lumapit siya sa'kin na kinaatras ko naman.
"Huwag kang lumayo! Kasalanan mo 'yan kung bakit may sugat ka!"
Inis na aniya saka lumapit sa'kin at binalutan ng panyo ang sugat ko.
Seryoso lang siyang nag aayos no'n.
"Dahan dahan"
Singhal ko sa kaniya
"Huwag kang malikot"
Inis na napangiwi nalang ako habang inaantay siyang matapos sa ginagawa niya.
Bumalik na siya sa motor niya kaya bawat kilos niya ay tinitingnan ko dahil baka kung ano nanamang kademonyohan ang gawin niya, nakaka dala.
Kinuha niya ang helmet at saka sinuot sa'kin.
Itim 'yon na may dragon na design kaya black red ang pinaka kulay niya.
"Ikaw at ako lang ang mag suot niyan kasi promise mo 'yon."
Pinasuot niya sa'kin ang coat niya, hindi naman ako makapag react dahil sa ginagawa niya dahil bukod sa mga kaibigan kong lalaki, siya lang ang nakakagawa sa'kin ng ganito na hindi ko sinasaway at tinatanong ko rin kung bakit. Baka siguro mag iingay lang siya kaya hinahayaan ko siyang gawin ang gusto sa'kin. Nakakalapit sila Tyro sa'kin pero hindi gaya ng ginagawa ni Pula ngayon sa'kin. Bukod kay Pula si Ryker lang din pala ang hinahayaan kong umasikaso sa'kin ng ganito.
"Huwag mong tanggalin, baka mamaya kapag nakita ka ng mga tao tapos puro ka dugo, mapag kamalan pang binugbog kita."
Tinap niya ang ulo ng helmet at saka yumuko para napantayan ako. May face shield naman at itim iyon kaya hindi niya makikita ang itsura kong medyo nagulat sa ginawa niya dahil ngumiti rin siya sa pag yuko niya sa'kin.
"Thanks for being cool. Yabangan mo lang ako hanggat kelan mo gusto basta buhay kang babalik sa'kin, ayos lang"
Aniya saka tinap nang dalawang beses ang ulo ng helmet at nag start ng motor niya.
Sinuot ko ng maayos ang coat niya at saka humarap sa kaniya.
Nag suot na rin siya ng helmet at saka tumingin sa gawi ko.
Tinaas niya ang face shield niya at saka niyaya ako.
"Let's go"
Hindi ko alam kung nag dadalawang isip ba ako o naiilang ako?
Kakaiba kasi ang pinapakita niya. Kakaiba ang mga kilos at pananalita niya at mas kakaiba ang ngiti niya.
Parang di siya nainis sa'kin kanina ah?
Umangkas na ako sa likod niya. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at niyakap sa tyan niya.
"Next time huwag kang tatalon sa ganiyang kataas na bakod"
Tss..
"Mali, dapat ang sinabi mo next time huwag akong aakyat sa ganiyan kataas na bakod para hindi ko talunin. Tss akala ko ba matalino ka?"
Siraulo pala 'to eh?
Eh? Siraulo nga pala talaga siya.
"Pilosopo ka lang!"
Pfft.. nag susungit nanaman.
Yumakap at humilig ako sa likod niya. Pakiramdam ko safe na ako sa ganitong posisyon. Masyado akong napagod kakasapok at kaka sipa, gusto ko nang matulog.
"May pupuntahan tayo."
Sabi ko sa kaniya
"Ok.. tell me the address and we'll go there. Hold on tight"
Mas lalo kong siniksik ang sarili ko sa kaniya at saka pumikit. Gusto ko lang ngayon ay pumunta sa silong para hindi mainit at matulog.
Mamaya ko na iisipin ang sinasabi ng matandang 'yon tungkol sa tatay ko.
Wala man lang akong candy.. haaaay.. malas talaga.