25

LIPHYO'S POV

Gulat man ako sa pag talon nilang dalawa sa mataas na bakod ng mansion, laking pasasalamat ko pa rin at buhay sila at hindi kritikal ang mga buhay nila na lumabas sa impyernong 'yon.

Nag bigay ng address si Raya kung saan kami pupunta at heto na nga kami sa harap ng isang photography studio.

"Anong ginagawa natin dito? Pipicturean mo ba 'yang sugat mo? Dapat sa hospital na tayo dumiretso"

Nilampasan niya lang ako at saka pumasok sa bakuran no'n. Iniwan ko na sa labas ang motor dahil hindi naman pwedeng ipasok 'yon dahil ang nakapaligid sa labas ng bahay ay puro bulaklak.

"Hoy.. ano bang ginagawa natin dito? Mag picture nalang tayong dalawa kung gusto mo lang palang mag pa pic."

Hinabol ko siya.

Nakakamangha ang paligid at ang lugar. Sa harap ng parang bahay na 'to ay kalsada na good for two ways lang at sa tawid no'n ay picnic area katabi ang isang maliit na lawa.

Mukhang bigatin ang may ari ng studio na 'to dahil nasa village pa na sikat ang location niya at mukhang hindi pa basta basta lang ang kinukuhang costumer.

Pansin ko lang na puro mayayaman ang nakapaligid kay Raya. Ang galing dahil pareho kami ng lagay, mayaman kasi sila Austin lalo na si Mike samantalang kami, sakto lang pero thankful naman ako sa gano'n dahil napag aral ako nila Papa sa mamahaling school at nabibigyan ako ng pocket money na medyo malaki rin.

Pumasok siya sa pinto kaya hinabol ko siya dala namin pareho ang helmet namin, mahirap na baka ma dekwat pa sa labas.

Pag pasok namin ay parang nag kakagulo sa loob dahil sa dami ng taong nag pi pictorial at mga camera man, may nag papalit ng costume at nag uutos ng gagawin nila.

Lumapit sa'min ang isang lalaki.

"Ano po sa kanila?"

Tanong no'ng lalaki sa'min

"Sabihin mo kay Chris nandito si Crenz"

Ngumiti ang lalaki at saka imwinestra ang dalawang kamay papunta sa hagdan pababa.

"Ms. Crenz bumaba lang po kayo diyan sa hagdan at makikita niyo na si Sir Chris"

Nag taka ako sa ganda ng ngiti no'ng lalaki kay Raya.

Huwag mong sabihing kursunada pa niya 'tong babaeng 'to?

Iniharang ko ang sarili ko sa gitna nilang dalawa at saka hinarap si Crenz.

Kunot noong nag taka lang siya sa inasal ko.

"Sa baba raw. Tara na"

Dahan dahan ko siyang pinaharap patalikod at saka tinulak pa alis. Humarap ako saglit sa lalaki para tumango ng bahagya at saka nag pasalamat. Nginitian niya lang kami.

"Huwag mo akong hawakan"

"Tss.."

Napaka sensitive naman niya.

Walang katok katok na binuksan niya ang pinto.

"Hoy! Wala ka ba talagang manners na matutunan simula pagka bata mo?"

Singhal ko sa kaniya

"Marami akong matutunan na gano'n, ayoko lang I apply. Nangingialam ka?"

Sarkastikong tanong niya.

Bakit kasi dinadala niya kahit saan mag punta ang ganiyang ugali niya.

Diri diretso siyang pumasok kaya sinara ko nalang ang pinto pag pasok ko.

Punong puno ng iba't ibang picture ang paligid at may mga drawing din.

"Wow"

I exclaimed

Mangha akong tumingin sa paligid dahil sa astig ng mga nakasabit doon.

Isang lalaki ang lumabas mula sa isang kurtina.

"Damn?! Naligaw ka ata Vilarde?"

Isang mid 40's ang bumati sa'min.

Natigilan ako dahil parang familiar ang itsura niya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.

Tinanggal ni Raya ang coat ko at saka pinakita ang sugat niya.

"Kailangan ko ng libreng tahi kaya gamutin mo na ko"

Seryosong utos niya sa lalaki na nawala ang ngiti sa labi.

Nako! Baka mapaaway nanaman 'tong babaeng 'to!

Hindi ba uso ang makiusap para sa kaniya?

"A-ah- sa hospital nalang tayo Raya"

Singit ko sa kanila.

Doon lang ata ako napansin no'ng lalaki

"Nerbyoso 'tong kasama mo Crenz ah"

Natatawang sagot niya.

Ha? Akala ko ba galit siya.

Bakit ang weird nila?

"Hayaan mo siya, tahiin mo nalang 'tong sugat ko"

Utos na naman ni Raya.

Gustong gusto ko siyang busalan dahil sa masamang ugali niya pero hindi ko magawa dahil ayaw kong mabalibag niya.

"Oo na.. antayin niyo ko dito"

Masayang lumabas ng silid ang lalaki

"Hoy! Baka naman uso sa'yong mag please man lang hindi yung para kang batas kung mag utos. Tsaka sino ba 'yon? Pa'no mo na dadarag daragan 'yon?"

Inirapan niya lang ako at umupo sa isang silya sa harap ng table.

"Siya? Siya ang may ari nitong studio."

"Eh bat nag papatahi ka sa kaniya ng sugat mo?"

"Ah.. doctor kasi 'yon"

"Wow.. talaga?"

Manghang tumingin ako sa kaniya.

Bakit naman wala siya sa hospital kung doctor siya?

"Tss.."

"Ka ano ano mo siya?"

Masayang tanong ko.

Ngayon lang kasi ako nag karoon ng kaibigang Doctor ang isa sa mga kakilala niya at malalapitan kahit ganito ang sitwasyon.

"Kakilala"

Lumaylay ang balikat ko sa sagot niya.

Paanong nag titiwala siya sa kakilala niya lang?

"Tara na sa hospital"

Nilapitan ko siya para hilain pero inambahan niya lang ako ng suntok.

"Sige subukan mong lumapit ibabalibag kita"

Maangas na aniya.

Napaatras naman ako sa ginawa niya.

Huhuhu.. I'm just tryin' to help. Why is she like this?

"Woooh hahaha.. boyfriend mo ba 'yan Crenz?"

Bumalik na si Chris at may dala siyang mga gamot at kung ano anong bagay sa isang tray.

"Boyfriend? Uy-"

Maangas na untag niya sa'kin.

Kinabahan naman ako sa kaangasan na naman niya.

"Boyfriend ba kita?"

*LAB DUB LAB DUB LAB DUB LAB DUB*

Tanging sariling puso ko nalang ang naririnig ko.

Bakit kailangang ganito ang gawin mo sa'kin? Sabi ko lalayo ako sa'yo para maagapan ko pa 'tong nararamdaman ko pero parang huli na ako.

"Hoy!"

She snap her finger in front of me that makes me came back to reality.

"Lintek HAHAHAHA namumula ka bata. Easyhan mo lang sa tanong Crenz, nagulat ata sa tanong mo hahaha"

Natatawang sabi ni Doc. Chris

Sino bang hindi magugulat?

Kapag sinabi ko bang boyfriend niya ako magiging totoo ba 'yon?

"Anong klaseng tanong 'yan?! "

'yon nalang nasabi ko.

Jhonzel mag isip ka, mag isip ka!

Natatawang lumapit sa kaniya si Doc. Chris at inalis ang panyo ko sa sugat ni Crenz.

May tinurok sa kaniya si Doc.

"Sasama ka ba sa probinsya namin?"

Nakapikit na tanong niya.

"Aalis ka na naman bata? Ang galing mong gumala ah parang balak mo pang daanan lahat ng kalsada sa mundo"

"Pinapauwi ako ng nanay ko sa'min. Sakto lang 'yon dahil galing ako sa laban ngayon gusto ko ng malamig at sariwang hangin sa probinsya."

Tumango tangong sumangayon sa kaniya si Doc.

Saka nilinisan ang sugat ni Crenz.

"Kailangan ko ng boyfriend"

Wait-what?!

Anong akala niya laro lang 'yon?

"Kailangan mahal mo 'yong lalaki hindi 'yong para kang namimili ng damit."

Pangaral ko sa kaniya.

"Tss.. 'yong mag papanggap lang na boyfriend ko. Kailangan kong may ipakilala sa magulang ko dahil apat na taon na akong hindi umuuwi doon"

Ano?! Anong klaseng anak ang apat na taon nang hindi umuuwi sa magulang niya?

Anong klaseng tao 'to?

"Ang galing mo ah Pfft.."

"Naman.. mana ako sa tatay ko eh"

Nakanino ba ang usapan?

Parang nasa'kin kanina tapos ngayon nasa kanila nanaman.

"Alin? 'yong tatay mong sabi mo siraulo at wirdo? 'yong tatay mong baliw na baliw sa Mama mo? 'yong tatay mong hindi nag iisip at hindi rin marunong mag paliwanag na namana mo?"

Nag simula siyang tahiin ang sugat ni Raya

"Marunong na akong mag paliwanag ngayon-"

"Pero nakikipag away ka muna?"

"Kasalanan nila 'yon. Isa lang dapat ang isipin ko dito sa Manila, ngayon dalawa na sila"

Tumawa lang si Doc habang ako nakatingin sa ginagawa niya. Medyo nandidiri ako dahil laman ng tao ang nakikita ko pero parang nagiging matapang ako dahil parehong matapang din ang nasa harap ko.

"Ano 'yon nag duplicate? Pfft.."

"Parang.. pareho silang pakelamero at parehong inuuna ang emosyon kapag nag desisyon. Ang hirap nilang bantayan, para akong nag babantay ng bata"

ABA! Ano raw?!

"Anong bata?!"

Maangas na tanong ko

"Oh? Siya ba 'yong isa?"-Doc

"Siya nga. Pero hindi naman sila sobrang nakaka stress. May magandang side pa rin sila, pareho silang marunong makipag usap ng matino, mahinahon at may sense-"

"Pag dating sa'yo nawawalan ng sense ang sinasabi nila kasi pilosopo ka?"

"Tama po"

Malakas na bulong ko kay Doc

"Di naman lagi, madalas lang."

Natawa si Doc sa seryosong sabi ni Raya.

"Good side na nila 'yon? Kahit sino naman kayang makipag usap ng mahinahon, may sense at matino-"

"Hindi niya po kaya 'yon"

Sabi ko kay Doc.

May dinampot na kung ano si Raya at binato sa'kin na agad ko namang inilagan.

"Hey hahaha stay out of motion, baka mag kamali ako ng pasok"

Siraulo 'yon ah!

"Umalis ka nga sa paningin ko Pula, nandidilim paningin ko sa'yo."

Gigil na aniya kaya dumila nalang ako para mang asar.

"Sure kayong hindi kayo?"

Nakaka kaba naman ang ganiyang tanungan.

"Hindi nga"-Raya

"Hindi pa?"-Doc

"Marunong ka pa?"-Raya

"Hindi na nga"-Doc

Hanep.. nag kakasundo sila ah.

"Hindi naman kayo mag ama diba?"

Tanong ko sa kanila. Para kasi silang mag ama

"Ang gwapo ko naman para mag karoon ng ganiyan ka pangit na anak"-Doc

"Napaka ganda ko para mag karoon ng unggoy na tatay"

Bawi ni Raya

Ngayon ko lang nakita at narinig na makipag usap at makipag palitan ng asar si Raya sa ibang tao. Kahit sa kaibigan niya hindi naman siya ganito makipag usap. Madalas seryoso siya at walang pake pero ngayon seryoso nga ang mukha niya pero nakikipag asaran siya.

"Sino namang nag sabing maganda ka?"

"Tatay ko"

"Eh syempre doon ka galing. Kapag nilait niya ang ginawa niya edi sa kaniya rin babalik 'yon."

"Tsk.. pangit ka pa rin"

May kumatok sa pinto at pumasok, may dalang in can juice.

"Inom muna kayo"

Masayang sabi no'ng lalaki. Siya 'yong napag tanungan namin kanina.

"Salamat po"

Ani ko nang iabot sa'kin ang juice.

Maangas na tinaas naman ni Raya can na hawak niya na nag papasalamat din ang dating.

Napailing nalang ako sa kabaitan niyang taglay.

Lumabas na 'yong lalaki kaya lumapit ako sa kanilang dalawa.

Kinuha ko ang inumin no Raya at saka binuksan. Hindi niya maiinom 'yon dahil tinatahi ang sugat niya at hindi siya makaka kilos ng maayos ngayon.

Inagaw ko sa kaniya ang juice na hawak niya sa kabilang kamay niya at..

"Oh"

Abot ko sa kaniya nang mabuksan ko na

"For being a friend, you're so sweet"

May halong asar na sabi sa'kin ni Doc

"For being a doctor, you're so loud and nosy"

"Matagal na akong hindi pumapasok sa hospital at ikaw lang naman 'tong bukod tanging pumunta dito para gawin akong doctor, photographer na 'ko-"

Inirapan siya ni Raya

"Sayang naman lisensya mo kung hindi ka mang gagamot."

Ngumiti si Doc

"Kapal ng mukha mo"-Doc

Nagulat ako sa sinabi niya.

Hindi naman sila mag aaway diba?

"Manang mana lang sa'yo"

Sarkastikong balik niya kay Doc.

Napangiwi ako sa kanila

"Uhm.. may tatawagan lang ako"

Nag aalangang paalam ko sa kanila

"Ok.. take your time"-Doc

"Huwag kang lumayo"-Raya

"Oo na"-ako

"Protective"-Doc

Bulong ni Doc pero rinig naman namin

"Shut up"-Raya

Napa iling nalang ako saka lumabas ng studio para tawagan sila Mama. Paniguradong nag aalala na sila dahil naibalita na ang pag sabog sa school.

Nakakapang hina dahil maraming namatay na nadamay lang.

Sana hindi na sila makalabas sa bilangguan.

RAFFY'S POV

Dalawang araw na ang lumipas matapos ang pag sabog na nangyari. Dahil sa trauma ng mga studyante sa school, pansamantalang isinara ang school dahil sa mga nadamage na rin na building at para na rin makiramay sa mga kaanak na namatayan.

Sa ngayon ay hindi namin hawak ang mga kidnapper nila Crenz pero hindi kami papayag na within November ay hindi namin makukuha ang mga hayop na 'yon.

Malakas ang kutob kong may mali sa mga nangyari dahil parang ang bilis ng lahat. Hindi ko alam kung nag plano ba sila o sadyang gano'n talaga ang nangyari dahil tanga sila.

Humigop ako ng kape. Nasa condo lang ako kasama si Chelsea na mukhang wala na talagang balak pumasok sa school.

"Look.."

Iniharap niya sa'kin ang laptop niya

"What's that?"

It's a chat convo with her mom

"She wants to see Crenz"

Tiningnan ko ulit ang usapan nila

Pinapapunta kami sa bahay nila. Kaming dalawa lang ni Crenz.

"Have they met?"

"Yeah, 7 years ago?"

Hindi siguradong sagot niya

"Should I tell it to her or you will?"

*SLURP*

"I don't know, who among us can convince her to come?"

Lumaylay ang balikat ko saka napahigop ulit.

99% sure akong hindi ako ang makakapag papayag sa kaniya at ang 1% ay awa nalang niya.

"You tell her"

Irap ko sa kaniya

"Ok.. let's meet tomorrow-"

"Convince her first before planning"

Paalala ko sa kaniya

"Arasseo!"

Oh ba't naiinis siya?

"Hey? Don't you have a class? You're always here. You're just giving me an headache every time you show your face"

Inambahan niya ako ng suntok at kumagat sa labi niya na parang nang gigigil.

"It's better to have me here than talking to yourself, freak"

Napairap nalang ako. Kapag kinakausap ko ang sarili ko ibig sabihin nag coconcentrate ako. Paano ako makakapag isip kung lagi siyang nanggugulo dito.

"Why can't you just wait patiently to Drei and stop bothering me here. Pauwi naman na 'yon kaya antayin mo nalang."

Walang emosyong tumingin siya sa'kin.

"Whatever"

Aniya saka bumalik sa laptop niya.

Hindi ko pa nakikita si Crenz matapos ang nangyari sa kanila. Ang alam ko pinatawag sila sa organization pero hindi ko alam kung bakit.

*TING*

Tumunog ang cellphone niya. Tiningnan ko lang siya. Kung hindi sa organization, school at pamilya niya wala na akong maiisip na ibang mag tetext sa kaniya.

Ngumiti siya, kumunot ang noo ko.

Anong nginingiti ngiti niya? May iba na ba siyang kadate ngayon? Isang buwan palang silang break ni Daniel tapos ngayon para siyang tangang naka ngiti.

"Hey, who's that?"

Usisa ko. Nakangiting bumaling siya sa'kin.

"They created a group chat"

Group chat?

Tiningnan ko ang phone ko

"Bakit wala ako?"

"Sabi ko wag kang I add"

"What?!"

"So I can stay longer here for updates"

Napairap nalang ako saka tumayo at hinugasan ang ininuman ko.

Bigla akong may naalala. Kailangan kong kausapin ang mga supplier.

Bumalik ako sa inupuan ko at saka kinuha ang cellphone ko.

"Sa'n ka pupunta?"

Tanong niya

"None of your business"

Irap ko sa kaniya

"Hey!"

Tinalikuran ko na siya at saka pumasok sa kwarto ko. Well ayan na naman siya at naka sunod hawak ang laptop niya at saka dumapa sa kama ko.

Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa kakulitan niya.

Nag bukas din ako ng laptop.

"I want Ice cream"

Parinig niya

"Then buy one for yourself"

Hindi ko na siya pinansin at nag suot ng earphones.

Mamaya ko na kakausapin si Hans, mag coconference call muna ako sa pinag kukuhanan namin ng supply for industrial materials.

*TALKING IN KOREAN BUT TRANSLATED TO TAGALOG/ENGLISH*

"Hello"

"You still look beautiful"

Pabungad sa'kin ni Mr. Kim

Korean supplier namin.

"Hindi na ako si Rafflesia kung hindi ako maganda"

Natawa sila sa kabilang linya.

Mukhang nag mimeeting sila dahil lahat sila ay nasa meeting room nila.

Lumingon sa'kin si Chelsea at saka lumapit sa'kin

"Sino 'yan?"

Tanong niya pero hindi ko siya pinansin.

"I just want to follow up my order for industrial materials. Mukhang busy kayong lahat sa kasal ni Shim eun ah."

"Not really, naging busy kami sa dami ng ipapaexport namin dahil sa'yo hahaha.. for update uhmm.. I think 2-3 days nandiyan na ang mga materials."

Lumapit si Chelsea sa tabi ko at saka tiningnan ang kausap ko.

Nagulat naman ang mga ka call ko.

"Wow! Beautiful.. who's that? Can I have her name?"

Tinulak ko si Chelsea para hindi makita sa camera. Potek! Napaka ligalig naman nito.

"Shut up Mr. Kim, stop being womanizer"

Mangha naman silang natawa sa'kin.

Tinanggal ni Chelsea ang earphone.

"Mas marami ka namang babae kaysa sa'kin"

Napatingin ako sa laptop at kay Chelsea. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.

Binalik ko ang earphone sa pag kakakabit.

"Shut up. Hindi ko na kayo aabalahin pa, bye. Paki sabi congratulation sa kasal nila Shim eun."

"Sure! Take care"

Kumaway nalang ako sa kanila at saka pinatay ang tawag.

"Ano bang problema mo?"

Nag cross arm siya sa'kin at saka tinaasan ng isang kilay.

"So kaya ka umuwi sa Korea para mambabae? Kung pambababae lang pala ang gagawin mo bakit ka pa lumayo marami namang babae dito"

Ano?!

Anong babae! Sira talaga tuktok nito.

"Baliw ka ba? Anong babae pinag sasasabi mo diyan? Nag aaral ako ng mabuti sa med school at hindi nag papaka saya roon."

At babae pa talaga ang nililink sa'kin ah?

"May I remind you that you're not friendly Ms. Fistorn"

Oh ano naman?

Friendly kaya ako.. sa magagandang babae HAHAHAHA..

"So what?"

"So what?!"

"Nababaliw ka na ba? Kaya nga ako single para mag saya kasi malaya ako. Ano naman kung makipag meet ako sa iba't ibang tao?"

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Ano 'yong nangyari sa'tin no'ng nakaraan?"

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"There's nothing happened to us"

"And now your denying?"

Sinara ko ang laptop ko. 'yon ba ang dahilan kaya pabalik balik siya dito?

"Nasa katinuan ka ngayon, siguro naman maiisip mo na wala lang 'yon. Bakit kasi uminom ka no'n, kasalanan mo 'yon. I told you to stop"

Naiinis ako. Pakiramdam ko may pananagutan pa ako sa halik na siya naman ang gumawa.

Hindi sumagi sa isip ko na makipag agawan sa kapatid ko para sa isang babae.

Like duuuh.. I'm into both gender at mas gusto ko 'yong thrilling relationship pero hindi kasali doon ang makipag agawan sa kapatid ko for God sake.

Manlalalaki nalang ako jusme..

"What the hell?"

She exclaimed

"I don't want to talk about it. It's just a kiss for God sake. Even if I kiss Yasy it's nothing for the both of us"

Gigil na tiningnan niya ako.

"You kissed Yasy?"

The hell! No! Baka patayin ako ni Crenz pag ginawa ko 'yon. Wala rin naman akong balak.

"Of course not. I'm just saying that we're both liberated and kiss is nothing to be worry about"

Inis na tiniklop niya ang laptop niya at nag dabog palabas. Sinundan ko naman siya.

"What the hell is wrong with you?!"

"Don't talk to me!"

Inayos niya ang gamit niya at mukhang aalis na. Bakit parang kasalanan ko ngayon?!

"I don't get you-"

"You almost make me naked Rafflesia!"

It's because she tempted me.

"It's just almost, does it not happened to you and Daniel?!"

*SLAP*

Natigilan ako sa malakas niyang sampal

"I'm pure as Crenz. Don't question that thing as if I'm not thinking about my own future!"

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa sinabi niya.

Bumalik siya sa pag ayos ng gamit niya.

Hindi na rin makagalaw ang paa ko sa kinatatayuan ko.

Nag lakad na siya paalis.

"Wait"

Hinawakan ko ang wrist niya para pigilan pero malakas niya 'yong winaksi

"Even before Raffy, you're confusing me with your actions! I'm being unfair to Dan because of you! Stop giving motives if it's nothing for you! Don't worry, everything is clear now."

Naiwan akong nakatanga lang sa kinatatayuan ko. Ang gulo! Ano bang nangyari?!

I thought it was Drei.

CRENZ'S POV

"Anong gusto mo? Jollibee? Sisig? Bicol express? Sabihin mo lang at bibilhin ko"

Kanina pa ako kinukulit ni Chiggy Mil dito sa kwarto ko.

"Ayoko ngang kumain"

Nag laro lang ako sa cellphone ko ng piano tiles.

Natutuwa talaga ako sa larong 'to. May tugtog na nakakakaba pa. Best game para sa tulad kong may saltik at abnormal.

"C'mon-"

*BLAG*

Sinipa ko siya papunta sa sahig nang umupo siya sa gilid ng kama ko.

Sinabi ko na sa kanila na ayokong may ibang uupo o hihiga sa kama ko pwera nalang kung may pahintulot ko.

Hindi ko na nga pinapatulog dito si Yasy eh, simula no'ng mag kasugat ako sa balikat.

Tumunog ng di ka aya aya ang nilalaro ko.

Kingina! Natalo na!

Sinilip ko siya sa baba dahil mukhang napuruhan ata ang pwetan niya.

"Huwag mo akong sisihin ikaw ang umupo dito kahit alam mo ang ayaw ko"

Tumayo siya habang himas ang pwet niya

"That's ouch"

Kunot noong aniya

Bigla akong napangiti sa sinabi niya.

"Ayoko nga kasing kumain"

"Hindi ka kumain ng maayos kahapon- mali.. no'ng nakaraan pa pala. What's wrong with you? Ngayon mo lang ata tinanggihan ang Jollibee"

Sumandal ako sa dash board.

"Gusto kong mapag isa Chiggy Mil"

Napatingin nalang ako sa kawalan. No'ng nakaraan pa rin kasi mabigat ang pakiramdam ko at panay ako buntong hininga. Parang naninikip ang dibdib ko.

"Ayan.. ganiyan ka.. ganiyang ganiyan ka rin 8 years ago. Why you're always blaming yourself for the misfortune of the others? Anong malay mo, makasalanan sila sa past life nila kaya pinaparusahan sila"

Humiga nalang ako at tumingin sa kisame.

"Ano namang kinalaman ng past life nila? Kung makasalanan man sila noon, nabayaran na nila 'yon no'ng namatay sila"

Kinginang topic, life and dead

"Maybe their life is not enough for paying on what they've done"

Na aappreciate ko ang presensiya ni Mil at pag subok niyang pagaanin ang loob ko, pero pakiramdam ko nag babago ang kapalaran nila kapag nasasama ang pangalan ko sa usapan. Dalawa lang ang kahihinatnan nila, maging miserable o mamamatay. Ano bang kasalanan ko at pinapahirapan at sinasaktan ako ng buhay ko ngayon.

"Naniniwala akong ang kamatayan nila ay sapat na para pag bayaran ang kasalanan nila. Wala nang sasakit pa sa pag tanggal ng pakpak sa paru parong gustong lumipad. Dahil sa'kin kaya naputulan ng pakpak ang mga studyanteng namatay-"

Nag simulang mamuo ang luha ko.

Naalala ko nanaman ang mga lasug lasog na katawan na kumalat sa sahig dahil sa pag sabog. Kumalat ang mga dugo nila at hiwa hiwalay ang parte ng mga katawan nila.

Nag sisimula na rin akong bangungutin sa mga tagpong'yon.

"-sa pag gawa ko ng dapat lang na gawin, maraming napapahamak sa paligid ko. Kingina"

Pumikit ako ng ilang beses para hindi tumulo ang luha ko.

"Sabi mo ang organization na ang bahala sa kanila? Hayaan mo na sila ang umasikaso sa gumawa no'n"

Seryoso akong bumaling kay Chiggy

"Gusto kong pumatay Mil."

Nginisian niya ako

"Alam ko"

"Sana hindi nalang ako mabait"

"Pfft!.."

Kunot noong sinamaan ko siya ng tingin

"Ano?! Mabait ako ah!"

"I know, kapag tulog"

"Tss.."

Mula noon hanggang ngayon takot pa rin akong pumatay kahit nasa alanganing sitwasyon na ako. Hindi kaastigan ang pumatay. Hanggat kaya ko, ayaw kong makapatay.

Gusto ko ng tahimik na buhay at ordinaryong pamumuhay lang, di baleng mahirap huwag lang patayan.

"Nag pabili pa ako ng pasalubong para sa pag uwi niyo kina Mama. Always take care grumpy"

Kinakabahan ako sa mga magiging lakad namin. Hindi sa lahat ng oras kaya kong lumaban at hindi sa lahat ng oras matino ang utak ko para mag desisyon.

"Gusto mo bang ihatid ko kayo hanggang sa lantsa?"

Umupo ako at tumingin sa kaniya. Pasimple kong pinunasan ang luha kong biglang tumulo.

May naisip akong magandang idea kaya lang involved ang pera kaya lumaylay nalang ang balikat ko. Ayoko talagang manghingi ng tulong sa kanila lalo na kapag may kinalaman sa pera.

"Why- why? Ano 'yon? Sabihin mo sa'kin gagawin ko"

Humiga nalang ako sa kama at tumalikod sa kaniya.

Nilalamon ako ng pride ko.

"C'mon tyanak, spill it out"

"Huwag mo akong inglishin. Nasa Pilipinas ka kaya mag tagalog ka"

Ewan ko ba. Gusto ko kasing solohin namin ang lantsa pag uwi sa'min para makapag enjoy naman kami sa byahe.

"Di ka rin naman pure mag tagalog."

"Hindi naman ako nag i English-"

"Kasi-"

"Manahimik ka na"

Seryosong sabi ko sa kaniya.

Ang bilis mag bago ng mood ko.

"Sabihin mo na kung ano 'yang nasa isip mo"

Umupo ulit ako at humarap sa kaniya.

"Gusto ko ng Sisig at Jollibee. Pagawan na rin ng paraan para ma solo namin ang lantsa, babayaran kita paunti unti"

Yumuko siya para pantayan ang mukha ko saka niya ginulo ang buhok ko.

"Very good. Sabihin mo lang sa'kin ang mga nasa isip mo, hindi kita pipiliting hindi pag bayarin dahil ikaw pa rin naman ang nasusunod."

Humalik siya sa ulo ko at saka tumingin sa'kin.

Napangiti ako sa ginawa niya.

Wala nang sasarap sa pakiramdam na alam mong may taong handa kang damayan at nag mamalasakit sa'yo.

Bihira lang maging ganito si Chiggy sa'kin pero alam ko namang may ganitong side siya kaya hindi na nakakagulat. Kapatid ko siya at masaya akong kasama ko siya dito sa bahay ko. Pakiramdam ko nga ako na ang nakikitira dito dahil ang pagkain at renta dito sa bahay ay sila na ni Nina ang sumasagot.

"Huwag ka nang malungkot ha? Nag mumukha ka kasing malungkot na mangkukulam"

Nawala ang ngiti sa labi ko saka sinipa siya ulit pero mabilis naman siyang umatras habang natatawa.

"Siraulo, anong mangkukulam"

Bulong ko sa sarili ko habang gigil na nakatingin sa kaniya.

"Always remember that this Dragon loves you tyanak"

Paalam niya saka labas ng pinto.

Humiga ako at saka pumikit. Ang sarap talagang matulog.

*RING*

Kinapa ko lang ang gilid ng unan ko saka sinagot ang tawag nang walang tingin tingin.

"Hell-"

"My Mom invite you and Raffy for lunch tomorrow. If you don't want to come then don't-"-Chelsea

Bigla akong napadilat sa sinabi niya.

Kingina? Bakit parang sa'kin siya nagagalit?

Wala pa naman akong sinasabi nagagalit na agad siya?

"That's all-"

Nilayo ko ang cellphone at papatayin na sana pero nag salita pa siya kaya binalik ko sa tenga ko.

Baliw ba siya? Bakit ako pinag iinitan niya? Sino nanaman kayang kaaway nito? 70% sure akong si Tyro, 50% sure kay Daniel at 30% kay Hans.

"If you'll come, bring a flower seed or a pot flowers, my Mom like it. Oh by the way I have a question."

Ang bilis niyang mag salita parang may lakad na hindi mo malaman.

"HM?"

Simpleng tanong ko

"If I will like a girl as my future partner, would you disgust me?"

Napaisip nalang ako.

Wala namang kaso sa'kin 'yon.

"Hindi.. teka-"

"Natanong ko lang"

"Huwag ako ang alalahanin mo sa bagay na ganiyan. Nakalimutan mo bang nag break lang kayo ni Daniel pero hindi pa kayo malaya sa isa't isa dahil engaged pa kayo."

Ang kumplikado naman nila.

Huminga siya ng malalim

"Come if you'll come, don't come of you don't want, bye!"

*Toot toot toot*

Lintek?! Sino bang kaaway niya?

Hindi naman gano'n si Chelsea ah.

Mahaba naman kahit papaano ang pasensya niya pero ngayon parang ubos na ah.

*Knock*

"Bakit?"

Bumukas ang pinto at pumasok si Nina.

"Sino kausap mo?"

Dala niya ang isang basket na nag lalaman ng bagong labang mga damit.

Tumingin ako sa cellphone ko.

"My Mom invite you and Raffy for lunch tomorrow. If you don't want to come then don't"

Pag ulit ko sa sinabi ni Chelsea habang iniisip pa rin kung sadyang sa'kin siya may galit o nadamay lang ako.

"Ha?"

Tumingin ako kay Nina nang may pag tataka

"Nag away ba si Tyro at Chelsea?"

Napaisip siya at saka umiling

"Si Chelsea 'yon? So pupunta ka?"

Tanong niya saka nag salansan ng mga damit ko sa damitan ko.

"Sa tono niya parang wala akong karapatang humindi eh"

Nginisian ako ni Nina

"Kailan ka pa natutong matinag?"

Nag kibit balikat lang ako.

Ang isip ko madalas ay diretsong hindi kapag hindi naman tungkol sa organization. Pero minsan nag dadalawang isip din ako lalo na kapag hindi nangungulit ang nag sabi sa'kin.

"Bakit kayong dalawa lang ni Raffy ang niyaya?"

Kinunutan ko siya ng noo.

Malay ko ba kung bakit kami lang, may sayad talaga mga nakapaligid sa'kin eh 'no?

Kung gusto niyang malaman, itanong niya kay Chelsea kung bakit.. lintek nawawalan ako ng pasensya sa kanila.

"Ako na mag aayos niyan, lumabas ka na lalong nananakit sugat ko sa'yo eh.. labas"

"Ha?"

Tumayo ako at tinulak tulak siya palabas.

"Hoy bakit ba?"

"Labas"

"Ano 'yon?"

Nailabas ko siya sa kwarto ko saka malakas na sinara ang pinto.

Nakarinig ako ng yabag

"Hello cousin! What's wrong?"-Yasy

Ayan na nag usap na naman silang dalawa.

"Pinilosopo na naman ata ako ni Crenzy sa isip niya"

Mataray na sagot niya.

Minsan nag eenjoy din akong pakinggan 'yang dalawang yan. Isang tanga at isang maldita.

"The most important is she tried to hold back her thoughts. Naalala mo dati? Paprangkahin ka niya kahit matino tanong mo hahaha.. atleast she learned how to hold back her tongue."

Gano'n na ba ako ka grabe noon?

"Minsan masarap kang isako"-Nina

"Masarap din ako"

Nang aakit na tono ni Yasy

"Ano raw?"

Tanong ko sa sarili ko

"Baliw"-Nina

Narinig ko ang yabag nilang pababa ng hagdan.

Bumalik nalang ulit ako sa kama at humiga.

Ewan ko ba sa kanilang lahat, pinag tulungan pa talaga nila ako para hindi ako pumasok sa trabaho ko.

Nasa bahay ng mga Montilla ngayon si Sandra kasama si Nemi at nakikipag tulungan naman ang iba sa pag asikaso ng mga papers ng mga studyante. Maraming nag protesta dahil sa nangyari samantalang wala namang alam ang school na may gano'n pala. Kung alam naman ng school na mangyayari 'yon, malamang hindi na talaga sila pinapasok.

Tumingin ako sa salamin.

"Haist! Bwiset!"

Puro na kasi pasa ang mukha ko.

Di pa nga nag hihilom 'yong sa matabang lalaki tapos ngayon may panibago pa.

"Bakit kasi parehong kanan ang ginagamit nilang pansampal?! Aish! Hindi pwede makita nila Mama na may pasa ako."

Napa aray nalang ako nang mahawakan ko ang pasa ko.

Pero ayos lang naman. Balita ko wala naman akong napatay sa mga hayop na 'yon. Nakakaginhawa sa pakiramdam.

*RING*

Haist!! Ano bang problema nila at tawag sila nang tawag sa'kin?!

Buti pa sila maraming load!

Pag sagot ko ay hinintay kong mag salita ang nasa kabilang linya.

"Hello?"

Uh? Sino 'to? Hindi ako masyadong pamilyar sa boses.

Tiningnan ko ang name kung sino.

"Sino ka?"

Unknown kasi

"Ako si Gianna Baolfe-"

"Bantot"

Bulong ko

"Yeah I know"

Huminga ako nang malalim dahil wala naman akong maisip na business sa hindi ko kilala tulad niya.

"Hindi ko alam kung kanino mo nakuha ang number ko pero wala akong oras makipag usap sa-"

"I'm from 9th deck family."

"So?"

Tumaas talaga ang kaliwang kilay ko dahil sa mga sinasabi niya.

"Inutusan ako ni Mr. Homer na papuntahin ka dito sa Dia University bukas para sa pag transfer niyo dito sa pasukan."

Transfer?

Ahh.. kasama pala kami?

Tinatamad na kasi akong mag aral eh.

Kapag nalaman ni Mama 'to paniguradong hahampasin ako no'n, kaya kailangan ko ng school para kunware studyante.

"Bakit? Anong gagawin ko diyan? Kung sa papers lang, pwede ko namang ipasuyo nalang 'yon sa iba-"

"Isama mo raw si Hans kapag pumunta ka dito. May gagawin ata kayo sabi ni Mr. Homer."

Napabuga nalang ako nang hangin.

"Lintek sayang sa gas"

Sobrang hinang bulong ko

"Sige bukas"

Pinatay ko na ang tawag.

Hindi pa ayos ang sugat ko tapos ganito pa ang nakatenggang lakad ko.

Pwede bang mag pahinga?

Haaaaay..

RAFFY'S POV

Gamit ang kotse ko, sinundo ko si Crenz sa bahay nila. Tumawag ako sa kaniya kahapon at sabi niya sabihin ko raw kay Chelsea na bandang hapon nalang kami dadaan sa kanila dahil may aasikasuhin sila ni Handriko ngayon.

"Let's go"

Masayang sabi ni Hans habang nasa passenger seat, si Crenz naman ay nasa likod kasama ang isang bundle ng envelop. Hindi ko na tinanong kung para saan dahil malalaman ko rin yan kapag nandoon na kami sa pupuntahan namin.

"Don't you have a car Handriko?"

Masungit na tanong ko

"Nag commute lang akong pumunta dito at saka sira pa yung kotse kaya hindi ko pa pwedeng gamitin."

Tumango nalang ako.

Marami rin akong nabalitaan sa krimen ng mga myembro ng organization sa batas nitong bansa.

Mukhang may hinala na ako kung bakit si Crenz at Hans ang pina punta ni tanda doon.

"Nag breakfast na ba kayo?"

Tiningnan ako ng masama ni Crenz mula sa rear mirror.

"Wae? Baegopeu ni?"

(Why? Are you hungry?)

Tumawa lang si Hans sa gilid ko

"Wae?"

Ano bang nangyayari sa kanilang dalawa? Kanina pa kunot ang noo ni Crenz ah.

"Kinuha ko 'yong fried chicken niya that's why she's upset-Pfft"

Hindi ko malaman kung papaandarin ko na ba 'to o makikipag usap pa sa kanila.

"Ninakaw mo"

"Ano? HAHAHAHA nag paalam ako kay Nina, sabi niya ayaw mo raw kainin 'yon kaya kinuha ko nalang"

Mas lalong sumama ang tingin ni Crenz sa kaniya.

"Ang sabi niya 'yong nasa baba ang kunin mo, bakit kinuha mo 'yong nasa taas?! Sabi mo matalino ka, bakit taas at baba lang hindi mo alam? Alam mo ang bobo mo.. naiinis ako sa mukha mo Handriko, takpan mo nga 'yang mukha mo. Nag iinit buong kalamnan ko sa'yo eh."

This is it, she's sulking.

She's throwing tantrums at this stage.

"Guemanhae.."

Pinaandar ko na ang sasakyan.

"Hindi ko rin alam kung paanong 'yon ang nahawakan ko. May iniisip ako tapos nakita ko nalang 'yon sa kamay ko."

*BUG*

May hinagis si Crenz sa kaniya kaya napahawak siya sa ulo niya.

"Huwag ka nang mag salita, mas lalong nag iinit ulo ko sa'yo"

Tinawanan lang siya ni Hans.

Pogi rin nitong si Hans ah, ba't kaya hindi siya type ni Sandra?

Pero feeling ko hindi rin bagay si Hans kay Sandra.

Pero anong magagawa namin, si Sandra ang gusto ni Hans at hindi pa alam ni Sandra na si Hans ang ipinag kakasundo sa kaniya ng Papa niya kaya itong si Hans, hindi na rin gumawa ng paraan para mapaamo si Sandra dahil kampante na siyang ang ending ni Sandra ay sa kaniya.

"Punk"

Mahinang singhal ko habang may ngiti sa labi.