26

CRENZ'S POV

Pag dating namin sa school ay inabangan na kami ng isang babae sa parking lot.

"Hi babe!"

Masayang lumapit si Raffy do'n sa babae at nakipag beso.

"Long time no see Raffy"

Masayang bati nito pabalik.

"You're still beautiful Gian-"

"Baka ma fall ako niyan"

Nakangiting sagot no'ng babae sa kaniya

"I will gladly catch you"

Hinila ni Hans si Raffy paalis doon sa babae at siya naman ang bumati.

"Hi *ehem* want to hang out with me sometime? My treat"

Nag papa pogi points naman 'tong isa.

Ano bang mga trip nila

"Wala pa rin kayong pinag bago. Puro kayo pambobola."

"Ako may bola, siya wala kaya sa'kin ka nalang sumama"-Hans

*PAK*

Malakas na binatukan ni Raffy si Hans.

Maging ako ay napangiwi dahil lakas ng tunog nang pag kakabatok ni Raffy sa kaniya.

Gulat namang tumingin 'yong babae sa kanilang dalawa.

"Aw.."

Mahinang reklamo ni Hans

"Sparring tayo Hans-"

"He-he-heh! Tumigil nga kayong dalawa."

Saway ko sa kanila

Mas sumasakit sugat ko kapag kasama ko sila.

"Hi! You are Vilarde, right? I'm Gianna"

Iniabot niya sa'kin ang kamay niya.

Tiningnan ko lang 'yon at tumingin sa kaniya.

Si Raffy ang umabot ng kamay niya para hindi mapahiya.

"Your hands is so soft. Let's go"

Lumawak ang ngiti ni Gianna at saka sabay silang nag lakad palayo.

"Pwede ka bang maging tao minsan?"-Hans

"Pwede ka bang maging lalaki minsan?"

Nag katinginan kami.

Nginiwian niya lang ako saka kami sumunod sa kanila.

Pinapasok kami ng mga gwardiya at dinala niya kami sa office para ipasa ang mga papers namin nila Sandra.

Maganda ang school, malawak at maaliwalas. Sabado kasi ngayon kaya wala gaanong studyante.

Bukas pala aalis si Yasy at Tyro. Makauwi sana silang buhay mula sa assignment nila.

Pumasok kami sa isang classroom.

"Pinapunta kayo ni Mr. Tan dito dahil sa isang kaso"

Napa alis ako sa pag kakasandal dahil sa kuryosidad.

"Kaso? Sinong may kaso?"-Hans

Huminga nang malalim ang babae.

"Kaso ito ng dalawang mag nanakaw na pumatay ng isang 40's na babae."

Thief and murder?

"Oh? Ano kinalaman namin sa kanila?"

"Nahirapan silang malaman kung sino sa dalawa ang nakapatay at kung sino sa kanila ang umawat doon sa isa. Nakita 'yon ng CCTV. Hihingi kami ng tulong sa inyo dahil may alam kayo sa batas ng organization-"

"Halos pareho lang nang batas ng bansa ang batas ng organization"

Singit ko

"Sandali ano bang gagawin? I dedefend yung dalawang 'yon o ipapakulong sila? Tsaka ba't hindi niyo ma define kung sino ang sumaksak sa biktima?"

Tahimik kaming nag antay ng sagot niya

"Kasi identical twin sila"

Parang kumabog ang puso at namangha sa kakaibang kasong 'to.

Mahirap ngang madefine kung sino ang gumawa no'ng gano'n.

"Ano sabi ng prosecution?"-Raffy

"Hinatulan sila ng sabwatan"

"Sabwatan? Sabi mo pumigil ang isa, bakit sabwatan?"

Bigla akong napaisip sa kasong 'to. Parang nakukuha ko kung anong gusto nilang ihingi ng tulong sa'min.

"Feeling ko, nahihirapan ang prosecutor na ituro ang totoong salarin kaya kinasuhan niya ang dalawa ng conspiracy and murder para hindi makalabas ang dalawa."-Gianna

Oo, kung ako rin ang prosecutor baka pareho rin ang magiging paraan ko para makakuha ng sapat na ebidensiya para idiin ang dalawa.

"Gusto niyong mapatunayan sa lahat na nag sabwatan sila, gano'n ba?"

Tanong ko.

Tumingin silang tatlo sa'kin

"O-oo"

May kabang sagot niya

"Ipaliwanag mo ang status nila"

Utos ko sa kaniya para alam ko kung anong ipapayo namin sa kanila.

"Yung biktima, kabilang siya sa organization natin pati na 'yong prosecutor at ang lawyer nila, sibilyan naman ang kambal. Alam naman ninyo na batas ng bansa ang gagamitin nila diba?"

Oo alam ko 'yon. Kapag may kinalaman sa sibilyan, laging batas ng bansa ang gagamitin.

"Ok"

Tumingin silang tatlo sa'kin

"'yon na 'yon?"

Tumayo ako at pumunta sa pinto.

"Hingin mo ang number ng lawyer Hans pati na ang address kung saan siya pupuntahan. Dadaanan natin siya ngayon-"

"Pwede ko kayong samahan sa kaniya ngayon"

Presinta ni Gianna

"At sa'n ka uupo? Sa gulong?"

Kunot noong tanong ko.

"Pfft.."-Hans/Raffy

"Kami na mag humihingi ng paunawa sa ugali niya. Ayaw niyang may katabi sa upuan"-Hans

Parang kasalanan ko pa ah?

"I have a scooter I can drive on my own, I'll just lead you."

Nakangiwing aniya

Medyo napahiya ako sa part na 'yon.

"Are you sure?"-Raffy

"Oo naman, hindi ako uupo sa gulong 'no"

May ilang na sagot niya kay Raffy

"Bwoah"

Singhal ko nang may ngisi.

Nag lakad na ako palabas ng classroom na 'yon habang sila ay naka sunod lang sa'kin.

"Itong kaso lang na 'to ang hihingian niyo sa'min ng tulong?"-Hans

"Oo, hindi lang kasi basta bastang member lang 'tong pinatay. Nabibilang siya sa Queens deck circle. Pero since ang batas ng bansa ang masusunod, hindi gaanong nangingialam ang organization."

Nasa Q deck?

Sana mali ako ng naiisip na tao.

"Sino? Walang sinasabi sa'min sila Mr. Homer or Mr. Tan"-Raffy

"She's Arya's Auntie"

Napa hinto ako sa pag lalakad at saka nag paligsahan sa pag tibok ang puso ko.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil para na itong sasabog sa pag tibok.

"Uh? Crenz, bakit?"-Hans

"Sino?"

Wala ka abog abog na tanong ko na kinagulat ni Gianna

"Ah- si Arya-"

"Woah! Buhay pa pala 'yong bwiset na 'yon"

Napasinghal ako saka nauna muling mag lakad sa kanila.

RAFFY'S POV

Si Arya?

Sobrang tagal ko nang hindi naririnig ang boses niya.

Matagal nang hindi nag kakasundo si Arya at Crenz, bata pa lang kami hindi na talaga sila nag kakatagpo nang walang bangayan o parinigan.

Si Crenz mag paparinig lang ng ilang salita dahil noong maliliit palang kami madamot na talaga mag salita si Crenz.

Si Arya naman ay nuknukan ng sungit.

Ano nang mangyayari kung mag tagpo na naman ang landas nila?

Hindi ko alam kung bakit para silang aso't pusa dahil nauna silang mag kakilala at no'ng nakilala ko sila hindi na maganda ang trato nila sa isa't isa.

"Ano nang ginagawa ni Arya ngayon?"

Usisa ko kay Gianna. Namimiss ko na rin si Arya. Naging crush ko rin si Arya noon.

Bago kami dumating nila Hans, Ryker, Tyro at Daniel, nauna munang makilala ni Crenz sina Arya, Drei at Axel.

Hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung bakit pinag hiwa hiwalay silang apat. Palaisipan pa rin sa'min ang bagay na 'yon kahit ilang taon na ang lumipas. May kinalaman ba doon kung bakit hindi mag kasundo si Crenz at Arya?

"Hindi ko rin alam. Nag pakita lang siya sa'min kung kelan may namatay na sa pamilya niya."

Ano? Wala kaming nabalitaang pati ang pamilya nila ay umalis. Pare pareho kami ng circle pero hindi ko alam na umalis din siya.

"So recently lang?"

Tumango siya.

"Wow.. now this is fun"

Nakangiting pahayag ni Hans habang nakatingin sa gawi ni Crenz.

"Uh? Arya"

Bulong ko

Nasa parking lot na kami at lahat kami ay napahinto sa pag haharap ni Arya at Crenz.

"She's really beautiful"

Para akong na eestatwa dahil napapaligiran ako ng mga dyosa.

Maganda si Crenz, Gianna at Arya. Syempre maganda rin ako!

Mas swerte ata si Hans dahil apat na magaganda ang kasama niya.

Nag katinginan si Crenz at Arya.

Hindi ko mabasa ang mga nasa isip nila.

"Long time. Arya"

Bati ko sa kaniya at saka siya nginitian

Seryoso lang ang tingin niya habang nakatingin kay Crenz.

Bakit parang ang init ng atmosphere?

"Hi Arya!"-Hans

Wala ni isa sa'min ang nag tangkang lumapit kay Arya dahil sa seryosong mukha niya.

"Look who's here, the farmer's daughter flew to another country just to escape from the crime she'd committed. What happened to your eyes?"

Tinaasan ng kilay ni Arya si Crenz.

Hindi naman namin makita ang itsura ni Crenz dahil nakatalikod siya sa'min.

"Walang nangyari sa mata ko at wala akong naaalalang krimeng ginawa ko-"

"That's really you.. a professional liar"

Tiningnan ko si Hans para patigilan ang dalawa pero umiling lang siya nang may pangamba sa mukha.

Sariwa pa rin ang mga sugat nila sa mukha kaya medyo pangit sila ngayon.

"Mag kaiba ang nag sinungaling sa nag lihim."

Sinamaan siya ng tingin ni Arya

"Nag papalusot ka pa"

Nakakatakot naman 'tong ganitong klaseng awra nila.

"Isipin mo ang gusto mong isipin. Tinatamad akong mag salita"

Nag lakad na si Crenz papunta sa kotse ko saka lang kami napansin ni Arya.

"Nandiyan pala kayo?"-Arya

Napangiwi ako sa sinabi niya. Masyadong nakatuon ang pansin niya kay Crenz, pero sobrang ganda ko para hindi niya ako mapansin!

Lumapit ako sa kaniya at nakipag beso.

Wow! Ang bango niya! Lalong dumadagdag sa kagandahan niya.

"5 years ago may nakalap akong balita tungkol kay Hans at Arya"-Gianna

Mabilis akong tumingin kay Hans.

Namumula na ang mukha niya.

"Hans? May something kayo?"

Umiling si Hans

"Something? Kami ni Hans? Patawa ka? Simula noon, ako lang ang may something kay Hans."-Arya

*Jaw dropped*

Wow! Ano?!

Nananaginip ba ako?

"Sabi mo sa'kin kaibigan lang kaya hindi ko na tinuloy"-Hans

*Pak*

Hinampas ko si Hans.

"Bakit ka huminto? Baliw ka ba? Felendez 'yang sinukuan mo-"

"Back then, she pushed me onto Cassandra Montilla"

Dipensa niya

"Did I do that? Here"

Iniabot ni Arya ang cellphone niya kay Hans

Naguguluhang tinanggap niya 'yon.

"W-what?-"

"From now on you'll be my boyfriend-"

*Another jaw dropped*

Nag papalit palit lang kami ng tingin sa kanilang dalawa.

"-dito ka mag aaral? Then susundan kita. Would you mind?"

Tulalang umiling si Hans

"Nice shotgun proposal"

Mula sa pagkakasandal ni Crenz sa kotse ko tumingin siya sa'min nang may ngisi sa labi.

"Talk to ant bitch"-Arya

"Hi Arya, how are you? Long time no see, it's not so very nice to meet you again"

"Pfft!"-ako

Ako lang ang nag react dahil si Hans at Gianna naguguluhan pa.

Sumama lang ang tingin ni Arya kay Crenz.

"ANO NA?!"

Umangat pare pareho ang mga balikat namin dahil sa gulat.

Nag madaling kinuha ni Hans ang cellphone ni Arya at tinype ang number niya.

"Good boyfriend, from now on don't you dare to lay your eyes on other woman or else blood will shed"

Nag taas ako ng kamay.

"Ako! Ako nalang jowain mo.. free ako!"

Tiningnan ako ni Arya nang may pag aalangan.

"If Chelsea will hear you, she'll kill you"

What?! Paano niya nalaman?

"Chelsea?"-Hans

Umiling ako.

"N-no, that's not-"

"Psst! Rafflesia, pasok"

Mas lalo akong kinabahan nang si Crenz na ang kumausap sa'kin. Wala pa namang ganap sa'min ni Chelsea ah?

"Crenz this is nothing-"

"Hindi mo gugustuhing ulitin ko ang sinabi ko"

Kabadong dahan dahan akong lumapit kay Crenz.

"Arya kapag ayaw sa'yo ni Hans nandito pa ako- hmmmp!"

Tinakpan ni Crenz ang bibig ko saka ako sinipa papasok sa back seat.

"ARAY"

Reklamo ko saka umayos ng upo.

Pumasok din siya at seryoso akong tiningnan.

Kinakabahan ako, hindi malabong bugbugin niya ako sa lagay ko ngayon.

"Ano ginawa mo kay Chelsea kahapon? Ikaw pala ang dahilan kaya naiinis siya no'ng tinawagan niya ako kahapon"

Napanguso nalang ako.

Gaya ni Crenz, ayoko rin nang kahinaan lalo na at madalas kaming malagay sa panganib.

"Something happened to us the day you visit my condo with Attienza- *kick* aw!"

Sinipa niya ako nang mahina

"Ipaliwanag mo kung bakit may gano'n"

Seryosong tanong niya.

Tumingin ako sa gawi nila Hans.

Wala na doon si Gianna at nakatingin silang dalawa sa'min.

Halatang natatakot din si Hans para sa'kin.

"HOY!"

Mabilis na kumabog ang puso ko at umangat ang balikat ko sa gulat.

"AYTULONG!-"

Napa takip ako sa bibig ko pag kasabi ko no'n.

Ano ba?! Wag ka nga manggulat Crenz! Kinakabahan kaya ako.

"Sasagutin mo ko o babalatan kita nang buhay dito?"

Nag itsura akong naiiyak para mag paawa sa kaniya.

"She's drunk that time, she came after me and I almost lost my control. I admit it, she's one of the reason why I chose to live in Korea for the past years. Believe me, it's just a kiss"

*Tok*

Pinitik niya ang noo ko agad ko namang sinapo 'yon.

"Sundin mo na 'yan ngayon. Walang mangyayari kung pareho kayong nag aantayan."

Aniya nang sumandal siya at pumikit.

"He he he.. hindi mo na ako gugulpihin?"

"Bakit? Gusto mo?"

Mabilis akong umiling.

"Ani.. gwaenchana"

"Kung inaalala mo 'ko, kalimutan mo na, mas kaya ko ang sarili ko kaysa sa'yo"

Sumandal din ako at tumingin sa taas.

"Ayokong dumating sa point na mamili ako kung sino ang ililigtas ko sa inyong dalawa- *PAK!* Ah!"

Minsan hindi magandang offguard ka kapag kasama mo siya

"Sinabi kong kaya ko ang sarili ko. Hanapin mo 'yong assignment mo at nang hindi ako ang kinukulit mo"

Isa pa 'yon! Lintek sila pareho ni Crenz! Parehong matigas ang ulo!

"Ayoko rin kasi mag girlfriend dahil sa sasabihin ng iba, hindi sa'kin kundi sa kaniya. Kapag ayos na ang lahat at hindi na tayo nalalagay sa kapahamakan gaya no'ng nakaraan. Ayokong matali at mapag bawalan sa mga bagay na gusto ko. Gusto ko nang malaya at walang istorbo. Gaya ng dati babantayan ko siya mula sa malayo at magiging masaya nalang sa gusto niya."

Masakit din pala hahaha..

Natatakot kasi ako para sa kaniya. Marami ring nag tatangka sa buhay ko at ayokong malaman nila ang kahinaan ko.

"Pa'no ka?"

"Pfft.. I'm beautiful"

Hinilot niya ang sentido niya

"Doon ka na sa passenger seat at tawagin mo na sila"

Ngumiti ako kay Crenz.

Akala ko hindi niya ako matatanggap dahil sa gender preference ko.

"Katabi mo si Arya?"

"Kung wala siyang sasakyan sumabay siya kay Gianna, ano siya sinuswerte?"

I chuckled.

Lumabas na ako ng pinto at niyaya sila na pumasok na.

Dire diretso lang si Arya sa backseat kung saan naka upo si Crenz. Nag ka tinginan naman kami ni Hans.

"Wow.. buhay ka pa"-Hans

"F*CK Y**"

Singhal ko sa kaniya na ikinatawa niya lang.

Pumunta siya sa may driver seat.

Hindi pa muna kami pumasok.

"Kayo na talaga?"

Nag alangan ang mukha ni Hans

"Marunong bang mag biro si Arya?"

Umiling ako

"Ayos na 'yan. Wala ka rin namang pag asa kay Sandra."

Sinamaan niya ako ng tingin.

Kailangan nilang mag kausap dahil hindi basta basta mawawala ang nararamdaman ni Hans para kay Sandra.

Pumasok na kaming dalawa ni Hans sa loob.

"Huwag ka ngang maarte!"-Arya

Napahinto kami sa pag kabit ng seatbelt namin at sabay kaming tumingin sa dalawa.

"Huwag kang sumigaw"

Simpleng sabi lang ni Crenz

"Why would I put my purse between us?! GRUMPY!"

Hinilot ko ang noo ko at saka napahilamos sa mukha dahil sa dalawa.

"Nasa Pilipinas ka, mag Tagalog ka"

Mahinahong paalala ni Crenz habang naka pikit at naka cross arm.

Grabe.. wala pa ring pinag bago talaga, kaya pala maagang naubusan ng buhok si Tanda. Ngayon gets ko na.

"Shut up Kook!"

Napa kagat ako sa labi ko dahil sa bansag ni Arya kay Crenz. Simula pa noon Kook na ang tawag ni Arya kay Crenz which means strange and eccentric person. Well described for Crenz personality.

Dumilat si Crenz at saka bumaling sa kaniya.

"Mahigit apat na taon ko rin hindi narinig 'yang salitang 'yan ah. Ang galing-"

Ngumiti si Crenz at saka tumingin sa dalawang braso niya na parang namamangha.

"-buhay pa pala ako?"

Nag katinginan kami ni Hans at saka nag apir.

Alam na, umatake nanaman ang pagiging siraulo ni Crenz.

"What the fuck are you doing?"

Naguguluhang tanong ni Arya.

Pinaandar na ni Hans ang sasakyan at sinundan si Gianna na naka sakay sa scooter.

"Wow.."

Mangha pa ring bulaslas ni Crenz.

Bumungisngis lang kami ni Hans dahil mukha namang nang aasar lang si Crenz.

Kunot na kunot ang noo ni Arya.

"Stop being stupid Kook!"

*RING*

Tumunog ang cellphone ko.

Hinayaan ko lang silang gawin ang trip nila ngayon. Reunion lang ang ganap namin HAHAHAHA..

"Hello?"

Hindi ko naintindihan kung ano yung nabasa kong pangalan basta ko nalang sinagot.

"Sabi ni Mr. Tan daanan niyo raw muna si Yuna dahil nasa kaniya ang papers na kailangan niyo ngayon"

Si Nemi pala.

"Arasseo.. sasabihin ko sa kanila"

Pinatay ko na ang tawag.

"Sino 'yon?"-Hans

"Si Nemi, sabi niya daanan daw muna natin si Yuna dahil nandoon ang papers na kailangan natin. By the way, who's Yuna?"

Natigilan sa pag aasaran ang dalawa kaya tumingin ako sa kanila.

Pareho silang nakatingin sa labas ng bintana na parang walang nangyari.

"Hans? Who's Yuna?"

Umiling lang si Hans.

Anong klaseng sagot 'yan?

"Sinong pupunta kay Yuna para kunin 'yong papers?"

*Woosh*

Para akong nakarinig ng hangin sa bilis mag turuan ng dalawa.

Bigla akong naguluhan sa dalawa.

Sino ba 'yong babaeng 'yon at ganiyan sila mag si pag react.

"Let this Kook handle her"

"Let this Hag handle her"

Pang gagaya naman ni Crenz

"What the hell was wrong with the both of you?"

Ano bang problema nila?

"Kook has a same personality with her, they will bond well"-Arya

Natitigilang umiling si Crenz at saka nag rebut

"Hag really look like her, they can bond much very well"

Wow! Nag I English si Crenz ko ah..

"I'm not Hag!"

"I'm Kook"

Konti nalang mapapatakip na ako sa tenga ko sa sobrang lakas ng boses ni Arya.

Arya is the real grumpy.

Bagay nga sila ni Hans, kaya ni Hans na makapag pangiti ng tao kahit makita mo lang ang ngiti niya.

"Stop repeating my words"

"My words, my words, my words, my words"

Pfft.. HAHAHAHAHA..

"What?!"-Arya

"Yung kakornihan ni Yara minsan kailangan mong pag isipan kung ano 'yong joke niya para maka relate ka."-Hans

Inirapan kami ni Arya.

"Pumunta nalang tayong apat doon sa Yuna na 'yon"

Ngumisi si Crenz

"Sa sobrang pag ka duwag ng bruhang 'to, huwag niyo nang asahang sasama siya."

Pang aasar niya kay Arya

"Wow! Coming from you? You're the biggest coward that I've met in my entire life."

May halong panunumbat na ang tono ni Arya kaya nag katinginan kami ni Hans.

Pareho kaming nag tatanungan kung anong sinasabi ni Arya.

"Hanggang kailan mo ako susumbatan?"

"Until you suffer from the same situation."

Matapos masabi ni Arya ang mga salitang 'yon ay natahimik ang buong kotse.

Hindi ko talaga alam kung ano ang ibig nilang sabihin pareho pero sana maayos pa talaga nila.

"Nandito na tayo"

Pinark na ni Hans ang kotse.

Nasa Royal corporation kami dahil sa sinabi ni Nemi.

"Sinabi ba ni Nemi na nandito ngayon si Yuna?"

Nag kibit balikat ako

"Itanong nalang natin sa 1st floor"

Tumango siya at saka pumasok kami sa elevator para umakyat ng isang palapag.

Nasa likod pareho namin si Arya at Crenz

*Ting*

Lumabas kami at nag tungo sa information desk.

"Excuse me, pumasok ba si Yuna?"

Nag bow sa'min ang babae saka pumindot sa computer.

"Yes Sir pumasok po siya, nasa 7th floor po ang editing room"

Tumango kami at nag pasalamat sa kaniya.

"Let's go"

Tinatamad na sumunod lang sa'min ang dalawa.

Pumasok na kami ulit sa elevator.

Nasa likod namin sila pareho

"Nasa'n si Gianna?"

"Sa parking lot nalang daw siya"

Napa tango nalang ako.

"TEKA! PAPASOK AKO"

Uh? Si Mr. Tan

Nagulat kami pareho nang hilain kami pareho ni Crenz at Arya at sabay nilang pinindot ang close button ng ilang beses.

"C'mon close close close.."-Arya

"Sumara ka na, bilis"-Crenz

Mga pasimple lang silang pumipindot sa mag kabilaang gilid.

Nag ka tinginan lang kami ni Hans

*Click click click click click*

Pasara na ang pinto habang tumatakbo naman si Mr. Tan para maka pasok.

"Ah"

Hinarang ni Mr. Tan ang kamay niya sa pinto

Sabay na pinindot ni Arya at Crenz ang open door na bottom at saka nag kunwareng walang nangyari. Si Arya nag ayos kunware ng buhok at si Crenz naman nag tap ng paa sa sahig habang naka halukipkip.

Bumukas ang pinto at saka pumasok si Mr. Tan na naka ngiti sa'min.

"Salamat sa pag hihintay sa'kin"

Nakangiting aniya.

"Tss.."-Crenz

Tumingin si Mr. Tan kay Arya

"Condolence Arya"

"I don't want condolence, I want justice"

*Lunok*

Nakaka kaba talaga ang boses niya

"You'll get justice with the help of Vilarde and Zimmer."

"Really?"

Sarcastic na tanong niya

"Of course"

*Yawn*-Crenz

Ayan na nag simula nang antukin si Crenz.

"Mr. Tan, bakit sa'min niyo binigay 'yon? Matalino naman ang lawyer at prosecutor nila ah?"

*Pak*

Pinukpok sa ulo ni tanda si Hans gamit ang dalawang papel na hawak niya.

"Ano kung matalino sila? Mag kaaway sila sa korte, nag iisip ka bang bata ka?"

Napakamot sa sentido si Hans.

HAHAHAHA.. ang cute ni Hans

"Hindi pa maayos sugat niyan, baka lalong ma bobo 'yan"-Crenz

May panggigigil na tumingin din sa kaniya si Mr. Tan.

Hinampas naman ni tanda si Crenz sa balikat

"Isa ka pa, masyado mo silang pinuruhan"

Gulat na napahawak naman si Crenz sa braso niya at tumingin ng masama kay tanda

"Eh anong gusto mong gawin ko? Sabihing ako ang bumugbog sa mga tauhan nila?"

Humalukipkip si tanda

"Bakit kasi pinuna mo pa ang sugat ni Hans-"

"Hindi lang naman ako ang may gawa niyan ah. Bangas na ang mukha ni Hans simula pag ka bata namin"

Gulat na napatingin si Hans kay Crenz

"Hoy.. hindi totoo yan ah"

"She's a professional liar, don't mind her words"

Mataray na sabi ni Arya

*Pak*

Hinampas din siya sa balikat ni tanda.

UY GAGO! PARANG AKO NA KASUNOD NITO AH?!

HINDI NA AKO MAG SASALITA.

"Iyang attitude mo ayusin mo na dahil mag sisemi private ka ng school. Tsaka bakit nasa galaan ka? Na cremate na ba ang tita mo?"

"ARAY! Yeah, she's in the urn. I came because-"

"Nye nye nye.."-Crenz

Ano bang trip mo Yara? Gusto mo talaga ng gulo?

"Shut the hell up!"

"Hey! Huwag kang sumigaw, masakit sa tenga"

Napatakip ako sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya. Kulob pa naman kaya kahit pag hinga mo naririnig nila.

*PAK*

Hinampas ako ni Tanda

"Wae?"

Reklamo ko dahil wala akong maalalang mali ko.

"Nakapag report ka na ba?"

"Tapos na"

Inosenteng sagot ko

"Nag pakita ka na kay Gaspar?"

"Hindi pa"

*PAK*

NAKAKADALAWA NA SIYA AH!

"Ano inaantay mo? Ibalik mo na ang personal bodyguard mo-"

"Kaya ko ang sarili ko tsaka ibabalik ko rin siya next month kaya huwag mo na akong hampasin."

Napahimas ako sa pinag paluan niya.

Hindi masakit pero syempre 'yong piltik no'n makati.

Alam ko naman ang gagawin ko. Next month ibabalik ko na rin si Ashariya para maputol na 'tong habulan portion namin.

*TING*

Bumukas ang pinto kaya medyo naka hinga ako ng maluwag.

"Puro kayo sakit sa ulo"

Lumabas na si Tanda.

Teka? Diba sasabay siya sa'min?

Nag shh sign sa'kin si Arya at Crenz saka sabay na pinindot ulit ng ilang beses ang close button.

"Bye!"

Sigaw ni Arya nang kaunti nalang ang awang ng pinto.

Nakahinto lang si Tanda na parang inaalala kung saan nga ba siya pupunta.

Tawa nang tawa si Hans habang ngiting ngiti naman si Arya.

"He's getting old"-Arya

Kakaiba rin tong isang to. Imbes na nag luluksa sa pagkamatay ng mahal sa buhay nagawa pang gumawa ng kalokohan.

"Pareho kayo ni Yasy, masyado kayong demonyo"

Nakangiting sabi ko sa kaniya

"Yashica came back?"

Takang tanong niya

"Yeah, a few days ago?"

'yon nga ang mahirap eh, kararating niya lang tapos may panibago na siyang assignment.

"Where can I visit her?"

Naiilang na tumingin ako kay Crenz.

Tumingin din si Arya kay Crenz nang tumingin ako.

"She's staying with Kook?"

Dahan dahan akong tumango.

Hindi na lang kumibo si Arya.

*TING*

Bumukas na ang pinto.

Lumabas na kaming apat at sumunod lang ako kung saan sila pupunta.

Huminto sila sa isang pinto.

"Wae? Wae geurae?"

Seryosong tiningnan ako ni Crenz habang si Arya ay sumiksik sa likod ni Hans.

"Ano ba kayo?"

Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan ang pinto.

"WHOAH!"

Bulaslas ko at saka napaatras dahil sa mga nakita ko.

"Oh diba? Kamukha siya ni Arya?"

Bulong sa'kin ni Crenz

"Yah! Stop dragging my name!"

Mahinang pagalit ni Arya kay Crenz.

Hinila ko si Crenz papunta sa harap ko atsaka ako nag tago sa likod niya.

"Hoy! Bakit ako? Ibabalibag kita"

"Is this hell? Why it's look like Satan's cave?"

"Gaga.. nakita mo na ba ang kweba ni satanas?"

"Oo"

Para kaming tangang nag bubulungan dito.

"Jinjja? When?"

Lumaylay ang balikat ko dahil sa katangahang tanong niya.

Parang umatras ang takot ko sa katangahan ni Crenz jusko!

"Ikaw na ang pumasok."

Utos ko sa kaniya

"Ayoko nga"

Pinag palit niya ang pwesto namin at ako na ngayon ang nasa harap ulit niya.

"Arya, pumasok ka na"

"W-what? No way"

Bulong niya.

"ANONG GINAGAWA NIYO DITO?"

//OoO//

"WAAAAH!"

Sabay sabay kaming apat na umatras dahil sa nag salita sa harap namin.

Damn you Hans.. mas malayo pa ang naiatras mo saming mga babae.

"A-ano raw- Kook!"

"B-bakit ako? Hoy"

Siniko ako ni Crenz

"Y-yung papers na kailangan namin. Pinapunta kami ni Tanda- Este ni Mr. Tan dito."

Bwiset ka talaga Handriko!

Napaka bakla mo! Mas matapang pa kaming mga babae sa'yo, though tapang tapangan lang talaga 'yon.

Tinulak ako nang bahagya ni Crenz

"Ano ba?!"

Mariing bulong ko sa kaniya

"M-may i-ipis"

Turo ni Crenz doon banda sa babae.

Lalo akong napaatras kay Crenz nang makita ang ipis sa balikat no'ng babae.

"Y-yung ipis.. yung ipis mo may balikat-"

*PAK*

Tinulak nang bahagya ni Crenz ang ulo ko.

"Umayos ka nga"

Napaisip ako sa sinabi niya

"Dang it! Baliktad"

Saka ko lang naisip ang sinabi ko.

Seryoso lang na tumingin ang babae sa'min habang kami ay kabado sa mga susunod niyang gagawin.

Pinakatitigan niya ang ipis sa balikat niya at saka

*PIK*

"YAY!/ IW!/ GROSS!"

Kaniya kaniya naming reaction

Pinitik niya na parang wala lang nangyari ang ipis sa balikat niya.

Nakakadiri 'yon tapos para pa siyang bruha dahil sa buhok niyang mukhang sampung taon nang hindi na huhugasan.

"Kayo? Sino kayong dalawa? Ngayon ko lang kayo nakita"

Kinamot niya ang ulo niya habang nakatingin kay Crenz at Arya

"Nasa J and Q deck sila- can we get the papers now?"-Hans

Tumingin ako ng masama kay Hans dahil ngayon niya lang naisipang mag salita at ang malala pa sa lahat, nasa likod siya ni Arya.

"Asshole!"

Mariing bulong ko sa kaniya

"Ok.. pero hindi niyo makakausap ang lawyer ngayon dahil nasa hearing siya. Bukas nalang kayo pumunta sa kaniya."

Tumalikod ang babae habang kinakamot ang ulo.

Nakahinga ako nang maluwag.

"Sandali!"

Kumabog muli ang puso ko dahil sa sigaw ni Crenz.

Pabulong ko siyang pinagalitan dahil sa pag papahinto sa babae.

"Ilang taon ka na?"

Ano?! Bakit naman niya itanong 'yon?!

Kunot noong tumuro sa sarili niya ang babae.

Bwiset ka Crenz! Alam kong wirdo ka at bibihirang makausap nang matino pero sana tinikom mo nalang ang bibig mo!

Huhuhuhu..

"23 bakit?"

Tinulak ako nang bahagya ni Crenz

"Bakit daw?"

TANGINA?!

BAKIT AKO ANG TINATANONG MO! IKAW NAG PAHINTO SA KANIYA! HUHUHUHU .·´¯`(>▂<)´¯`·.

"Sa tanang buhay ko, ngayon lang kita hindi ginustong makasama!"

Ewan pero kung Catholic lang ako, napa sign of the cross na ako nang di oras.

Sinagot ko ang babae na wala naman kaya bumalik na sa lungga niya ang babae.

Napa sandal kami sa pader dahil sa kaba.

"What the hell was wrong with you Kook?!"

Heto nanaman sila

"She's terrifying, you should let her go"

Inis na napakamot sa tenga niya si Crenz dahil sa ingay ni Arya.

"Hans, iuwi mo na 'yan ah? Mababasag eardrums ko sa girlfriend mo"

Nag katinginan lang kami ni Hans saka napakibit balikat nalang.

Mag kaibigang desisyon sa buhay.

*PLAK*

May envelope na napunta sa paahan namin.

Napa angat kami ng paa pareho ni Arya dahil sa gulat saka malakas na lumagabog pasara ang pinto.

*BUG!*

"Hindi na talaga siya mag babago"

Iling iling ni Hans at saka pinulot ang envelope.

"Tinatapon talaga niya kahit kanino?"

Tumango si Hans saka sinilip ang envelope.

"R-r-r-run.."-Arya

Kabadong sabi sa'min ni Arya habang nakatingin sa likod namin.

"What?"

"Takbo na dali!- DAMN!"

Mabilis niyang tinanggal ang heels niya.

Tumingin kami ni Crenz sa likod namin at-

"PPALLI!!"

Nakayapak na tumakbo si Arya habang kami ni Crenz ay nag hihilaan kung sino ang mauuna.

"Pinapagod ako ni Tanda!"

Hingal na sabi ni Crenz.

"Don't talk just keep running!"

Galit na humabol sa'min si Mr. Tan pero dahil matanda na siya hindi niya kami basta basta maaabutan.

"Humanda kayo sa'kin sa susunod! PAHIHIRAPAN KO KAYO!"

Pahabol na sigaw sa'min ni Tanda.

CRENZ'S POV

Pinauwi na namin sila Hans para sa ikatatahimik ng mundo ko.

Nasa harap kami ngayon ng bahay ni Chelsea.

"Ayusin mo kilos mo Rafflesia Fistorn, kung hindi naman pala magiging kayo huwag kang pa fall"

Never sumagi sa isip ko na mag kakaroon ako ng kaibigang mag kakagusto sa babae. I mean ayos lang naman sa'kin kung sino pa 'yon pero si Raffy kasi 'to eh. Maraming naging lalaki si Raffy o baka rin babae, pero yung mag kagusto siya at seryosohin niya ng ganto? Dang! Parang ibang Raffy ata 'tong kasama ko.

"Anong alam mo?"

Nakangising tanong niya

"Marami na akong nalaman simula no'ng mag ka cellphone ako."

"Wow.. good for you"

Talaga!

*Ding dong*

Sapilitan akong pinaharap ni Raffy sa kaniya

"Look? How do I look?"

Napakunot noo ako dahil sa sikat ng araw at idagdag na rin ang pagiging iba niya sa harap ko.

"Ano ba dapat itsura mo?"

Seryosong tanong ko

"Gorgeous"

"Pa'no pag hindi?"

Seryosong tanong ko saka siya tiningnan ng maiigi.

"Uwi na tayo"

"Oh tara uwi nalang tayo"

"Para namang wala tayong pinag samahan niya eh."

Lalo lang ata uminit ang ulo ko sa sinabi niya.

"Tss.. ayos na 'yan, mukha kang Aso"

Bumukas ang gate at pinapasok kami ng maid nila

"Ano ba Crenz?"

Hinawakan niya ako sa balikat pero hinawi ko lang siya

"Bahala ka sa buhay mo, humanap ka ng salamin"

Masyado silang conscious sa itsura nila eh madalas naman silang mag kita dahil trip nila akong dayuhin sa bahay ko o di naman kaya ay bumuntot sa'kin.

Pumasok na kami habang siya ay naka tingin sa cellphone niya upang makita ang repleksyon niya.

Napahinto ako sa pag lalakad saka siya bumangga sa likod ko.

Aww.. medyo masakit 'yon ah, may pasa pa ako sa likod.

"Wae geurae?"

Humarap ako sa kaniya

"Nakalimutan nating mag dala ng halaman"

Binaba niya ang kamay niyang may hawak na cellphone.

Napa isip siya

"Ibigay nalang natin sa susunod. Hindi naman iiyak si tita kung wala tayong dala"

Nice.. very good suggestion..

"Look? Maganda na ba ako?"

Napa kamot ako sa tenga ko. Naiinis na ako ah.

"Halika nga dito"

Hinead lock ko siya

"Crenz! Stop it! You're ruining my hair!"

"Sabi ko diba ayos nga lang ang itsura mo"

Gigil na sabi ko. Nakakainis na kasi ang paulit ulit. Hindi pa naman siya titigil hanggat hindi accurate ang sagot mo sa gusto niyang marinig.

"Oo na- bitaw na!"

"Ayoko! Tigilan mo na ang pag tatanong mo, naiintindihan mo?"

Nahihirapang umuo siya.

"What are you doing?"

Napahinto kami pareho ni Raffy at saka tumingin sa hagdan pataas kung saan nandoon ang pinto ng bahay nila Chelsea.

Lumuwang ang pag kaka lock ko kay Raffy at saka siya umalis sa braso ko.

"Look at what you've done to me"

Inis na reklamo niya sa'kin

"Mukha ka ng si Yuna"

Nag lakad na ako papunta kay Chelsea habang si Chelsea ay naka tingin ng kunot noo kay Raffy.

"Nasa'n si tita?"

"Nasa loob kasama si Kenzie"

Tinapik ko lang ang balikat niya at saka pumasok. Bahala silang mag patayan diyan ni Raffy.

Sinundan ko lang ang tunog kung saan may tao.

"Crenz hija"

Natagpuan ko sila sa kusina habang nag hahanda si Tita ng pagkain.

Yumuko lang ako bilang pag bati.

Sinabi ko naman noon pa na may konting galang naman ako pero sa mga piling tao lang.

Lumapit siya sa'kin at nakipag beso.

"Long time no see.. kumusta? Nag punta ka na ba sa hospital? Dapat pina check mo 'yang mga sugat mo. Balita ko nabaril ka?"

Oo at sobrang sakit pa rin ng laman ko simula kanina.

"Ayos lang Tita nag pa tingin na ako sa doctor"

Ngumiti siya sa'kin

"Tita huwag mo siyang alalahanin dahil na headlock pa niya ako sa lagay niyang 'yan at nakakapag cross arm pa siya sa sugat niya sa braso. Sasabihin lang niyang malayo sa bituka 'yang sugat niya"-Raffy

"Rafflesia.. Wow! Tumangkad ka lalo"

Niyakap ni Raffy si Tita.

"Sorry Tita for visiting you without largesse. Galing pa kasi kami sa company ng Montilla and we forgot"

Natatawang ngumiti si Tita

"It's ok, your presence is enough to make me happy"

"Dear Mother in law"

Parinig ko kay Raffy. Kinindatan niya lang ako.

ABA.. gustong gusto talaga.

"C'mon let's seat. Nag prepare ako ng seafoods"

Sobrang laking pasasalamat ko talaga na hindi ako allergic sa mga seafood.

Humarap na kami sa mesa saka napatigil sa pag lakad nang makita namin ang kapatid ni Chelsea. Masama ang tingin sa'kin.

"Loko kang bata ka ah, bakit ang sama ng tingin mo?"

Nag hahamong tanong ko

"Aalis alis ka tapos babalik ka na parang walang nangyari? "

Sarkastikong aniya

"Anong alam ng 12 years old noong mga panahong 'yon?"

Nakangising tanong ko

"Tsk.. huwag mo nang kausapin 'yang spoiled brat na 'yan"-Chelsea

"I am not"-Kenzie

Hinila nalang ako ni Chelsea at saka pina upo.

Mukhang hindi talaga maayos ang relasyon nilang dalawa.

Pero bakit gano'n? Para akong nagagalak sa loob ko tuwing may nakikita akong may mutual feelings sa isa't isa pero hindi maipag tapat tapos nag aaway pa sila. Mukha na nga talaga akong kontrabida o baka kinikilig ako sa kanila.

The more na komplikado ang relasyon mas masarap at exciting ipag laban. Kapag pinag hihiwalay mo sila, lalo lang silang magiging matatag at minsan nakakainis 'yon sa pakiramdam ng iba.

"Kumusta ang bukid hija?"

Nakaupo na ang lahat

"Anihan na sa susunod na buwan. Marami na ring trigo doon at iba't ibang gulay. Ang balita ko sa November lahat maiaangkat."

Natutuwang ngumiti sa'kin si Tita.

"Ang magulang mo?"

"Hindi ko na masyadong nakakamusta si Mama nang siya mismo ang kausap ko, pero sabi ng mga kapatid ko malapit na rin ang operation ni Mama para sa puso niya. Nag iipon pa ako para pandagdag sa gastusin"

Napahinto ang tatlo at saka tumingin sa'kin imbes na sa mga pagkain nila.

"I can lend you a money"

Maarteng sabi ni Raffy

"I have my savings-"-Chelsea

"Kung gano'n lang sana ka simple ang lahat. Hindi tatanggap si Mama ng pera na galing sa hindi namin pinag hirapan. Feeling ko nga kalkulado rin ni Mama ang lahat ng sweldo ko at expected niya kung mag kano ang ipapadala ko."

Ngayon na lang talaga ako nag kukwento nang patungkol sa magulang ko.

"Pwede mo naman akong bayaran-"

Sana nga pwede 'yon. Pakiramdam ko naaamoy ni Mama ang pera kung galing sa pag tatrabaho o hindi.

"Kaya ko namang kumita ng pang pa opera ni Mama at saka apat kaming nag tatrabaho para masuportahan si Mama. Salamat nalang sa offer niyo"

Kumuha ako ng pusit at hipon. Ang kahel na kulay ng hipon at ang malambot na pusit.

Natatakam ako lalo sa pagkaing nasa harap ko.

"If you need anything else just come to me"-Tita

Napangisi nalang ako.

Hindi naman kasi ako sanay na tumanggap ng tulong sa iba dahil mas sanay akong tumutulong sa kanila.

Nag usap sila patungkol sa materials na ihatid dito ng mga supplier ng organization kaya nanahimik nalang ako at bukod doon, nagugutom na ako.

Nabwiset kasi ako kanina kaya hindi na ako kumain. Si Hans kasi kinain 'yong fried chicken ko.

Sobrang dami ko atang naubos.

"Crenz hija can you do me a favor?"

Inosenteng tumango lang ako

"Paki diligan ng tanim sa labas dahil naka limutan ko kanina diligan"

Ahh.. madali lang pala eh.

"Ma? Gabi na, bakit kailangan pa niyang diligan"

"Huwag ka ngang mag reklamo, ikaw ba mag didilig?"-Kenzie

*Pak*

Hinampas ni Chelsea ang balikat ng kapatid niya.

"Manahimik ka"

Bantang aniya

"Ayos lang Tita kailangan din ng exercise ng balikat ko."

Tumayo na ako

"Mauna ka nalang doon, susunod ako para diligan ang hindi pa nadidiligan"-Chelsea

Masarap ang hangin sa kanila kaya ayos lang sa'kin sa labas at saka nakakamiss maka langhap ng amoy ng basang mga dahon at lupa.

Tumayo ako at saka dumiretso sa labas.

Kumuha ako ng hose at saka nag simulang mag dilig.

*RING*

Wala sa sariling sinagot ko ang tawag habang iniisip ko kung bakit pinatay ang tita ni Arya.

Hindi ako nag hello dahil hindi ko naman kadalasang ginagawa 'yon, bibihira lang. Hinintay kong mag salita ang kabilang linya dahil siya naman ang tumawag.

"Hoy walang magulang"

Takang tiningnan ko ang caller.

Sira ulo 'to ah!

"Hermit?"

Si Doc Chris 'to. Ano na naman kayang problema niya at napatawag siya?

"Gusto ko lang ipaalam sa'yo na kasama ko ang kaibigan mo"

Kaibigan ko? May kilala siya sa kaibigan ko?

"Ano?"

"Si Attienza"

Kunot noong nag patuloy lang ako sa pag didilig.

"Anong ginagawa niya diyan?"

"Umiinom"

Alak? Sabagay, hindi naman na siya under age. Pero bat kasama niya si Chris?

"Niyaya mo?"

"Hindi ah, sabi niya may problema siya sa bahay nila kaya makikitulog daw muna siya sa'kin"

Teka? Kelan pa sila naging close?

"Bahala kayo-"

Papatayin ko na sana

"Teka Crenz!"

Takang binalik ko sa tenga ko ang cellphone

"Ano?"

"Sinusunod mo ba 'yong mga bilin ko sa'yo? Ipag pahinga mo 'yang balikat mo"

Napairap ako sa kawalan

"Kailangan ko ng exercise, hindi nakakamatay ang pag didilig"

Suminghal siya sa kabilang linya. Kapag ganiyan ang tono niya, wala na siyang magagawa pa.

"Huwag mong pahawakan ng kahit anong delikadong bagay 'yang kasama mo diyan. Tanga 'yan at sobrang kailangan mong intindihin dahil nag dedisisyon 'yan nang padalos dalos-"

"Sigurado ka bang hindi mo 'to boyfriend?"

Sa sobrang dami na nang nag tanong sa'kin niyan hindi na ako nag taka pa.

"Hindi nga"

Simpleng ani ko

"Ayaw mo sunduin dito?"

"Ayoko, may ginagawa ako. Alam kong may saltik ka Chris pero huwag mong pabayaan 'yan ah. Kapag may nangyari diyang hindi maganda ako ang mapuputukan"

Nag patuloy lang ako sa pag didilig.

Mukhang hindi talaga maayos ang lagay ng pamilya nila ngayon dahil sa nakabuntis nga ang kuya niya. Isa pa 'yon sa assignment namin na inaalala ko. Kapag hindi pinanagutan ng kuya niya 'yong babae, malilintikan kami at pwedeng mamatay ang pamangkin niya.

"Oo na. Dumalaw ka dito bago ka umalis pauwi sa probinsya niyo para mabigyan kita ng gamot"

"Libre ba 'yan?"

"Oo naman. Malakas ka sa'kin eh"

Napangiti ako sa sinabi niya. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag kausap ko siya.

May sense siya kausap at may similarities kaming weird sa paningin ng ibang tao.

Kapag talaga matanda ang kasama mo at may alam sa estado ng iba't ibang mga bagay, marami kang matututunan.

Pinatay ko na ang tawag.

Nakarinig ako nang yabag palapit sa'kin.

"Ako na"-Chelsea

"Ako na muna"

Nag patuloy lang ako sa ginagawa ko

"May gusto ka bang kainin o inumin?"

Kapag sila kasama ko, tataba talaga ako pag hindi ko kinontrol ang mga pinapasok ko sa katawan. Bigay sila nang bigay na maganda naman sana kung hindi lang ako ma pride.

"Kaaalis ko lang nang hapagkaininan, hindi pa sumasagi sa isip ko ang pagkain"

Gano'n kasi ako, kapag busog ako hindi ko naiisip na mag crave sa kahit anong pagkain dahil yung utak ko punong puno pa ng laman at walang space para mag isip ng ibang ipapasok sa tyan.

"Crenz"

"Hmm?"

"Gusto ko si Raffy"

Muntik na akong matigilan sa sinabi niya pero pinigilan ko lang din ang sarili ko at inalis ang gulat sa sistema ko. Expected ko naman na pero iba pa rin pag actual na.

"Tapos?"

Walang kwentang tanong ko

"Sa tingin mo magugustuhan niya ako?"

Umikot ako para diligan ang kabilang parte ng dinidiligan ko.

"Hindi ka ba nahihiya?"

Ayaw kasi ni Raffy na maging katawa tawa o mailang ang ibang tao sa kaniya dahil sa gender preference niya.

Gusto ko ring malaman kung kaya bang panindigan ni Chelsea 'tong mga pinag sasasabi niya.

"Hindi"

"Paano mo nasabing gusto mo siya? Kabibreak niyo lang ni Dan"

Pare pareho silang mahalaga sa'kin kaya ayokong may isang hindi masaya sa kanila lalo na kapag ganito na parang sulutan ng karelasyon kahit pa sabihing tapos na. Ano nalang ang maiisip no'ng isa? Na inintay lang ni Chelsea na magkaroon ng butas sa kanila para makipag break siya at pumunta sa kaibigan niya?

Close si Dan at Raffy at ayokong mag kasira sila dahil kay Chelsea.

"Matagal ko na siyang gusto, alam ni Tyro at Nina 'yon kaya natuwa ako no'ng bumalik siya. Minahal ko si Daniel-"

"Wala sa'kin kung maging kayo ni Raffy o hindi, ang inaalala ko baka mag kasiraan ang dalawa dahil sa'yo. Alam mo namang malapit si Raffy at Daniel diba? Ikaw ang pinaka kumplikado kahit saan mo tingnan, sa pamilya mo, sa kaibigan mo, sa mga kakilala mo at sa ex mo. Si Raffy? Si Raffy na siya eh, nag hihintay nalang 'yon nang tatanggap sa kaniya ng buo. Kung ikakahiya mo siya at hindi mo siya kayang ipag laban sa iba, huwag mo na siyang kausapin sa gano'ng bagay. Alam mo namang hindi basta bastang member lang si Raffy."

Gusto ko talagang linawin ang lahat. Ayokong dumating sa point na masaktan si Raffy dahil hindi niya deserve masaktan emotionally.

Baka rin hindi ko mapigilang makialam sa kanila kung masasaktan si Raffy. Si Raffy ang nasasandalan ko no'ng walang wala ako kaya kung may mananakit man sa kaniya baka hindi ko rin mapigilan ang sarili ko.

Mabigat ang tungkulin ni Raffy kaya huwag na sanang mas bumigat pa ang pasanin niya.

"Nauna kong magustuhan si Raffy. Her serious face, her lovely smile and her sweetness towards girls haha. Akala ko no'ng una sa'kin lang siya sweet, sa lahat pala ng babae. Ako naman tong hangang hanga sa kaniya dahil bukod sa matalino siya, napaka friendly pa niya kahit minsan nag tataray siya. Naging malapit kami 5 years ago na parang may mutual understanding tapos natakot ako no'ng nalaman ko ngang sa lahat gano'n siya. We're just 15 back then, lumayo ako sa kaniya dahil mali itong nararamdaman ko kasi hindi normal. 'yong mga ginagawa namin noon hindi na namin nagawa dahil nga sa natakot ako sa sasabihin ng iba. Sweet din si Dan kahit madalas kaming mag away kaya sinubukan ko kasi baka pag hanga lang talaga 'yon kay Raffy. Umalis si Raffy naging ayos naman ako tapos naging kami ni Daniel pero hindi ko alam kung bakit parang may nakalimutan ako at parang may kulang. Lagi kong nararamdaman 'yon, para akong may maling ginagawa kahit wala naman. No'ng narinig kong pabalik na si Raffy doon ko lang nasagot ang mga katanungan ko sa sarili ko.

Hindi ako nahihiya pero hindi pa rin ako handa sa sasabihin ng pamilya ko, sa pamilya ko lang ah, wala na akong pake sa sasabihin ng ibang tao. Gusto ko lang malaman ngayon kung pareho ba kami ng nararamdaman, parang assurance na kapag ready na ako, magugustuhan na ba niya ako? Ang dami kong tanong pero naduduwag ako"

Wala akong masabi sa mga sinasabi niya. Naiintindihan ko siya at si Raffy lang talaga ang makakasagot ng tanong niya kahit alam ko ang magiging sagot ni Raffy.

Dalawa lang ang common nila.

Pareho silang hindi pa handa pero pareho nilang gusto ang isa't isa.

"Parang halaman lang 'yan, kailangan ng tamang panahon para makita ang bunga ng tinanim mo. Kung hindi ka pa handa maging mag kaibigan kayo, dipende nalang 'yan sa mapag uusapan niyo. Kampante ako sa inyo dahil wala naman kayong mabubuong bata"

Sinamaan niya ako ng tingin.

Bakit totoo naman ah?

"Sa tingin mo magugustuhan niya ako?"

Bakit naman hindi?

Cute si Chelsea at malambing, medyo maingay nga lang kapag madumi ang paligid niya.

"Baka"

"Baka?"

Ano ba?! Bakit ba kasi ako ang tinatanong? Ayoko naman unahan si Raffy 'no.

"Bakit ba kailangan ng halaman ng dilig?"

Nag taka siya sa tanong ko

"Para tumubo at lumaki"

"Anong height ni Raffy?"

"5'9"

Lintek naman kasi sa pagiging halimaw tong si Raffy eh.

Tinutok ko kay Chelsea ang hose at saka siya binasa

"WHAT THE FUCK CRENZ?!"

Seryoso lang akong tumingin sa kaniya

"Kailangan mo rin ng dilig para lumaki ka, baka sakaling magustuhan ka ni Raffy"

Para sa'kin maliit pa si Chelsea kahit mas malaki siya sa mga hindi member ng R.O.

Nag maktol siya dahil kaliligo lang daw niya at sinira ko raw ang make up niya.

"I hate you Crenz!"

"Kailangan mong lumaki"

Nakangiting asar ko sa kaniya

"Di ka sana makakain ng masarap. Di sana masarap ulam niyo!"

Sigaw niya habang papasok siya ng bahay

"Bastos"-ako