CRENZ'S POV
Hindi na naman ako nakatulog nang maayos nitong tatlong araw na lumipas.
Sa totoo lang hindi naman talaga ako nakakatulog nang maayos tuwing gabi kaya medyo bumabawi ako sa umaga.
Sa isang araw sa totoo lang ulit, swerte ko nang makatulog ng limang oras kahit paputol putol pa.
Minsan totoong nakakatulog ako dahil hindi na kinakaya ng katawan ko ang antok.
Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako makatulog ng maayos kapag gabi.
Kaya lagi akong inaantok dahil wala akong matinong tulog. Kahit anong ikot ko sa gabi hindi talaga ako makatulog ng dire diretso.
Nakaalis na kahapon si Yasy at Tyro. Bukas naman aalis na rin kami papunta sa probinsya namin.
Kahapon pagod na pagod ako dahil sa dami naming pinuntahan para sa kasong hawak nila.
Binigyan na namin sila ng pwedeng gawin nila para idiin ang dalawang 'yon. Sila na bahala sa iba.
Sinabihan ako kahapon ni Pula at ng nga kaibigan niya na sasama sila sa pag punta sa probinsya. Ayos lang naman sa'kin dahil nga para hindi lang sa'kin mabaling ang atensyon ni Mama. Pag ako lang kasi, sesermunan niya lang ako araw araw.
*Knock*
Mula sa pag iimpake napatingin ako sa pinto. Bumukas iyon at dumungaw ang kapatid kong mukhang unggoy
"Nasa'n si Nina?"
"Malay, hanapan ba ako ng nawawalang broken?"
Ewan ko ba sa kanila. Namilit kasi 'tong si Nina na huwag nang tumuloy sa ibang bansa dahil hindi raw maganda ang pakiramdam niya sa pag alis ni Tyro. Dahil sa may kailangang tapusin si Tyro sa ibang bansa hindi siya napilit ni Nina tapos umiral ang padalos dalos na desisyon ni Nina, ayon nakipag break siya kay Tyro kaya ngayon nag bi busy busyhan siya.
"May sasakyan na ba kayo papunta sa Pier?"
Syempre naman. Hahayaan ba ng organization na mahirapan si Sandra, Hans at Nemi. Sila ang priority nila 'no kahit pa kaya na nila ang sarili nila.
Isa rin sa magandang benefit kapag member ka, libre na pamasahe. Makakatipid pa ako para sa pag papa opera ni Mama.
"May bus na kami"
"Huwag mo sabihing may kasamang ibang pasahero?"
Inirapan ko siya
"Hindi, bus na private at hindi gaya ng ordinary na bus talaga. May 2nd floor na pwedeng tulugan or pag party-han. Sa yaman ni Sandra at Hans makikipag siksikan pa kami sa ordinary bus?"
Mabuti nalang hindi na siya nag papanggap na bakla. Gustong gusto ko talagang itanong kung bakit siya nag kukunwaring bakla noon.
"'yon na nga, mayaman sila bakit hindi nalang kayo nag eroplano para hindi na kayo matagalan."
Ayoko no'n.
"Ako ang umayaw pero napag isipan na nila 'yon"
"Ay tanga! Bakit ka pa umayaw?"
"Gusto ko maranasan nilang mag travel ng 12 hours mahigit at maka sakay sa lantsa."
Simula nang matamaan ako ng bala sa braso ang bilis ko nang mangawit.
"May i-iimpake ka pa ba? Sabihin mo nalang sa'kin ako nalang ang gagawa."
Napa buga ako ng hangin
"Hays.. sana kanina mo pa sinabi. Huwag na tapos ko na lahat."
Sumakit sugat ko tapos tutulong pala siya. Nakakainis.
"Ang sama pa ng loob mo ah"
Nang aasar na tono niya
Ewan ko ba pero minsan talaga gusto kong sakalin 'tong baklang 'to
"Aalis ka ba?"
Umiling siya nang may pag tataka
"Hindi"
Wow himala ah.
"Kapag umuwi si Nina ng maaga at wala pa ako sabihin mo sa kaniya na kausapin si Arya kung ano nang lagay no'ng kaso nila."
Napakamot siya sa ulo
"Arya? Your Hag?"
Sino pa ba? Isa lang naman ang kilala naming Arya ang pangalan
"Bakit? May iba pa ba?"
"Teka, bumalik na siya?"
Takang takang tanong niya parang hindi makapaniwala
"Bumalik siya? Umalis ba siya? May alam ka sa organization nila?"
Umiling lang siya
"Wala pero isang taon bago ka nawala, nawala muna siya"
Lintek na mayayaman 'yan bigla bigla nalang nag lalaho.
"Marami siyang pera kaya, kayang kaya niyang mag palipat lipat ng bansang titirhan."
Umiling siya kasama pa ang kamay niya
"Nawala siya at maski pamilya niya hindi alam kung saan siya nag punta."
Ibig sabihin almost 5 years ago umalis si Arya kasabay ng aksidente?
"Wala siyang nakasama?"
3-5 years ago maraming nangibang bansa para mag patuloy sa pag aaral at para sa mga career nila.
"Malay"
Kibit balikat niya
Sino pa kaya ang nawala no'ng mga panahong 'yon? Parang may mali sa mga naririnig ko.
Hindi ko muna dapat isipin 'to ngayon dahil marami pa akong kailangan puntahan at asikasuhin.
"Huwag mo nang isipin 'yon. Bumalik siya at mukhang wala namang nangyaring masama sa kaniya dahil nagagawa niya pa akong sungitan"
Natawa siya.
"She's still mad at you?"
Hindi ko masabing galit siya dahil nakakapag pansinan pa naman kami kahit lagi siyang naiinis sa'kin.
"Hayaan mo siya"
"Bakit kasi hindi ka pa nag I explain? Hindi mo kasalanang-"
"Sabing hayaan mo na siya!"
Hindi ko na napigilan ang pag tataas ng boses dahil sa pag uungkat niya sa nakaraan.
Kahit ano namang gawin ko hindi na mababalik ang dati at kahit anong ikot ko pa sa mundo hindi mababagong napaka laki ng kasalanan ko kahit saang anggulo ko tingnan.
"Ok.. calm down"
"Tsk"
Inis na singhal ko
"Kailangan ko ng driver, kung wala kang gagawin baka pwede mo akong-"
"Sure! Saan ba?"
Ang aangas talaga ng mga nakapaligid sa'kin, kahit anong pag susungit ko sa kanila hindi nila ako tinatanggihan.
"Mag papatingin ako sa isang Doctor"
"Gusto mo bang samahan kitang mag patingin-"
"Hindi na. Kapag naihatid mo ako pumunta ka sa store para bilhan ako ng pito para kay Whacky"
Tumango siya
"Mag bibihis lang ako"-Mil
"Antayin kita sa baba"
Nakangiting umalis siya at nag tungo sa kwarto niya.
Bumaba ako para mag suot ng sapatos at nag dala na rin ako ng candy para kahit papaano ay matigilan si Chris mag salita.
Hindi ko alam kung anong ginagawa doon ni Pula pero halos araw araw na siyang nasa studio ni Chris simula no'ng dinala ko siya doon.
Balak na nga ata niyang doon tumira.
Bumaba na si Chiggy na naka pamporma pa.
"May date ka ba pag tapos mo akong ihatid?"
Ngingisi ngisi siya habang proud na nakatingin sa'kin.
Kinginang ngiti 'yan.
"Ngayong araw ako muna ang boyfriend mo. Kailangan kong mag pa pogi lalo dahil maganda ang angkas ko sa motor."
Nice! Ang galing niyang mambola
"Kaya pala hindi ka mapatawad ni Luwei eh"
Nangasim ang mukha niya
"Huwag mo siyang banggitin. Sumama siya sa ibang intsik nang hindi nag papaalam sa'kin"
Hibang!
"Bakit kayo ba?"
"Hindi"
"Oh 'yon naman pala eh"
"Eh basta!"
Maktol niya.
Pfft.. binata na ang Chiggy Mil namin
"Halika na nga, dami mong arte sa katawan"
Lumabas na kami matapos naming I lock ang pinto saka ko binigay sa kaniya ang address ng pupuntahan namin.
Nag suot kami ng helmet at saka sumakay sa motor niya.
"Pumikit ka habang nasa byahe tayo pero huwag kang matutulog"
Alam na alam talaga niya ang gagawin ko.
Yumakap ako sa kaniya nang pina andar na niya ang motor.
Last month, nag kasakit ako dahil hindi maayos na tulog ko at bumigay ang katawan ko sa sobrang pagod, puyat at kawalan ng bitamina sa katawan.
Ang alam ng iba nag kakasakit ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos or nag puyat ako pero hindi gano'n ka babaw ang katawan ko. Idagdag pa na nakakain ako ng may peanut sa cruise ship kaya ang ending boom bagsak at sumama pa ang hallucination.
LIPHYO'S POV
Ilang araw na rin akong pabalik balik dito kay Doc Chris dahil wala akong ibang mapuntahan.
Busy ang mga kaibigan ko dahil sa nangyaring sabugan no'ng nakaraan at si Doc lang ang available anytime kaya siya ang kinukulit ko.
Sa bigat kasi ng atmosphere sa bahay, parang anytime sasabog ang mga nasa loob namin.
Matapos kong aminin ang naramdaman ko noon kay Cathy sobrang kumplikado na ng lahat. Hindi pa sila nag uusap tungkol sa divorce nila (ata) dahil sa tingin ko busy pa silang lahat.
"Malalim na naman ang iniisip mo bata"
Napabuga nalang ako ng hangin. Nakwento ko na lahat lahat kay Doc at napayuhan na rin niya ako pero mabigat pa rin talaga ang lahat.
"Do you think I'm wrong?"
Baka kasi sumobra nanaman ako dahil sa galit ko
"Hindi naman. Ayokong maging bias sa inyong mag kapatid dahil sa ikaw lang ang napakinggan ko at di ko alam ang side niya pero dahil sabi mo nga umamin na siyang nakabuntis siya at talagang mali 'yon pakiramdam ko tama lang naman ang ginawa mo, after all.. you just want his safeness"
Ewan ko ba may pakiramdam talaga akong hindi ako belong sa bahay na 'yon at anytime pwede nila akong tanggalan ng kahit anong meron ako.
Pakiramdam ko talaga may kulang sa'kin na hindi ko maintindihan.
"Huwag ka nang mag paka senti diyan. Papunta na dito si Crenz"
Bigla akong kinabahan.
Tumayo agad ako at humarap sa salamin.
"Doc? Anong itsura ko?"
Shet! Ang gulo ng buhok ko.
"Gano'n mo siya kagusto? Bakit hindi mo aminin sa kaniya?"
Napanguso ako.
Lahat na ata nasabi ko kay Doc
"Kita mo naman ang personality niya, baka ibalibag niya lang ako kapag umamin ako sa kaniya"
Natawa lang siya ng pagak habang umiiling na nakatingin sa papel na nasa ibabaw ng mesa niya
"Walang mangyayari sa inyo kung hindi ka kikilos. Huwag mong i expect na mag kakagusto rin siya sa'yo dahil kung itsura lang ang basehan niya malamang matagal na siyang nag kagusto sa isa sa mga kaibigan niya. Napapalibutan siya ng marami lalaking mas deserve niya kesa sa'yo. Sa lagay ng away niyo dati-"
*Tkiiiiiihhhk!*
Umarte siya pa gilit sa leeg
"-wala ka nang pang laban."
Wow! Moral support ah! Na aappreciate ko 'yan Doc!
"Hindi ako maka amin dahil nga sa kaibigan ko. Hindi ko naman expect na magkakagusto talaga ako sa kaniya, kung alam ko lang di sana hindi na ko nag bitaw ng gano'ng mga salita."
Sobrang haba na ng buhok ko! Ano ba 'to?! Hindi ako makapag pa gupit dahil nakakalimutan ko.
Ilang araw ko na ring hindi na kikita si Crenz.
Hays kung wala sana kasing nag pa sabog di sana nag babangayan kami sa school nitong mga nakaraang araw!
"Mag take advantage ka, diba sasama ka sa pag uwi ni Crenz? Chance mo na 'to since ikaw ang gagawin niyang boyfriend"
Natigilan ako sa pag aayos ng buhok.
"Oo nga pala.. ako nga pala ang boyfriend niya!"
Natutuwang ani ko habang nag iimagine ng mga possible kong gawin.
"Fake lang"
Pambabasag niya sa pangarap ko
"Alam mo Doc minsan naninira ka ng pangarap"
Maasim na singhal ko sa kaniya na ikinatawa lang niya.
"Anong malay mo baka may nagugustuhan na pala siya kaya walang interes sa inyo."
Napatigil nanaman ako sa ginagawa ko. Hindi impossible 'yon ah, pero mukha namang wala siyang interes sa iba bukod sa trabaho niya.
Tama! Laban lang Jhonzel.. wala siyang alam sa mundo ng pag ibig!
*Beep beep!*
Humarap ako kay Doc
"Nandiyan na ata siya"-Doc
Ano? Nag drive siya sa lagay niya?
"Nag drive siya?"
Nag kibit balikat si Doc saka tinuktok ang bungkos ng bond paper para pag pantayin.
"Salubungin mo para malaman mo, may I piprint lang ako saglit."
Nag papa poging nag thumbs up ako sa kaniya
"Akong bahala sa bisita natin Doc"
Kinindatan niya ako saka umalis.
Nag finalize na ako ng itsura ko saka lumabas ng studio para salubungin siya.. na hindi ko na sana ginawa kung alam ko lang na may iba pala siyang kasama.
Pasimple akong napahawak sa dibdib ko.
"Huwag kang mag papagabi dito ah? Gusto mo bang sunduin kita mamaya?"
Nakangiting umiling si Raya
"Hindi na, sayang sa gas. Huwag mong kalimutan 'yong mga sinabi ko sa'yong gawin mo ah?"
Hinawakan ng lalaki ang chin ni Raya at saka sinalubong ang tingin ni Raya. Nakangiting umuo lang ang lalaki.
Napakuyom nalang ako ng kamao.
Sabi niya kasi wala siyang oras sa ganiyang mga bagay.. pero ano ngayon 'to?
Mukhang may sinabi ang itsura no'ng lalaki at mukhang galing sa mayamang pamilya, ano ba namang laban ko?
"Uy Pula"
Napabalik ako sa reyalidad sa tawag sa'kin ni Raya.
Bigla akong naguluhan sa iaakto ko.
Ano bang dapat kong gawin?
"Who is he? Your friend baby?"
Ano?! Baby?!
Ha! Alam mo bang grabe mambalibag 'yang girlfriend mo tapos tatawagin mo ng baby?!
Lintek na buhay 'to oh.
"Friend? Hindi ata, mortal enemy ko"
Anong mortal enemy?! Baka sapakin ako nitong jowa mo sa pinag sasasabi mo!
"Hello kumusta po, schoolmate ako ni Vilarde."
Sa sobrang bigla ko napa yuko pa ako bilang pag bati.
Damn Liphyo! Ano bang ginagawa mo
"Pfft! Anong ginagawa mo Pula?- umalis ka na Mil, natataranta sa'yo 'yong bata"
Sinamaan ko siya ng tingin.
Anong bata! Siraulo 'to ah!
Natawa lang ang lalaki
"Ingatan mo 'tong girlfriend ko ah? Ingat na ingat ako diyan-"
"Opo"
Natatarantang sagot ko
Ano ba Jhonzel! Umayos ka naman!
Natawa siya ng pagak
"Pfft.. anong pangalan mo?"
"Jhonzel Liphyo Attienza po"
Mabilis na sagot ko. Hindi ko mapigilang mataranta sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
"Pula for short"
Nakangising asar ni Raya
Nag init nanaman ang mukha ko. Ano ba naman.. lalo akong nag mumukhang bading!
"I see.."
Tango tangong aniya
"'yong mga bilin ko sa'yo Yara, huwag kang mag papagabi ok? Kung gusto mong sunduin kita tawagan mo lang ako."
"Oo na.. umalis ka na"
Naiiritang sagot niya dito.
Wala palang exception ang ginaganunan niya, kahit boyfriend pa niya.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko NILOKO niya ako.
"See you at home"
Marahan niyang pinalapit ang ulo ni Raya sa kaniya at hinalikan ang noo nito.
(>_< !)
Tinago ko ang kamay ko sa likod ko at saka mariing napa kuyom ng kamao. (>~< ;)
Magkasama sila iisang bahay? Nag lilive in sila?
"Alis na 'ko"
"Mhm.. ingat"
Binuhay na no'ng lalaki ang motor niya at saka nag helmet.
Bago umalis ang lalaki, tumingin muna siya sa'kin kaya tinanguan ko nalang siya.
Pinaharurot na niya paalis ang sakay niyang motor.
Nakatanaw lang ako sa kaniya
"Hoy.. ano pang ginagawa mo? Dito ka lang? Bahala ka."
Nilampasan niya ako.
Saka nag patuloy sa pag pasok sa studio.
Walang katao tao ngayon sa studio dahil sa ibang lugar sila nag photoshoot.
Sinundan ko siya papasok.
"Nasa'n si Chris?"
Lutang lang akong nakatingin sa kaniya
*Snap*
"Hoy.. sabog ka ba?"
Tiningnan ko ang kabuohan ni Raya.
Kumakabog ng malakas ang dibdib ko naiinis at naiinlove ako.
Tangina! Can somebody help me?
I might lose my mind.
"Wala ka talagang kwenta kausap"
Tinalikuran niya ako at saka pumasok sa office ni Doc. Paano ko nga pala sasabihing umalis saglit si Chris para mag print sa kabilang bahay?
Itong utak ko, hindi ata nag fa function ng tama.
Huminto si Raya habang naka sunod ako sa kaniya.
"'yan ba ang napapala mo sa pag sama kay Chris? Para kang nag dodroga"
Kinamot ng hinalalaki ko ang mga daliri ko, tanda na parang may gusto akong gawin na hindi ko maintindihan.
Bigla kong naalala 'yong lalaki kanina. Napapikit ako sa sobrang disappointment.
"Haluh.. nabaliw na ata ng tuluyan"
Bulong niya
Dumilat ako saka tumingin sa kaniya.
Gusto kong burahin ang halik no'ng lalaki sa noo ni Raya.
"Ah."
Pumunta ako sa side table at saka kumuha ng cotton at cleanser ni Doc.
Nilagyan ko ang cotton habang siya ay nag tungo sa isang upuan para mag pahinga.
Lumapit ako sa kaniya
"Oh.. punasan mo ang buo mong mukha dahil ang dungis mo"
Naguguluhang tumingin siya sa'kin
"Madumi ang mukha ko?"
Napahawak siya sa mukha niya.
Lumapit ako sa kaniya
"Ako na ang gagawa baka dumugo lalo ang sugat mo"
"Mhm"
Pumikit lang siya at hinayaan akong linisan ko ang mukha niya.
Inayos ko ng linis ang pisngi niya at saka mariin at ilang beses ko namang pinasadahan ang noo niya.
"Aw! Ako na kung may galit ka sa'kin"
Singhal niya
"Aayusin ko na"
Seryosong sabi ko.
Kinakabahan ako. Hindi naman niya maririnig ang tibok ng puso ko diba?
Para na akong sasabog.
Paano ko ba 'to ikakalma?
Napahinto ako sa pag kilos at pinakatitigan ko nalang ang mukha niya.
"Tapos na?"
Hindi ko siya sinagot.
Nag dilat siya ng mata saka sinalubong ang tingin ko.
Napailing ako sa loob loob ko.
Hindi.. hindi ko na 'to kaya, kung kinakailangan ko siyang agawin sa iba, gagawin ko na kaysa maulit na naman ang nakaraan ko.
Tinawid ko ang maliit na pagitan naming dalawa at saka siya hinalikan sa labi.
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko at parang sasabog sa kaba at excitement.
Kung mabubugbog niya ako pag tapos nito tatanggapin ko ng buong puso dahil ito ang pinili kong daan.
Hindi ko alam ang reaksyon niya dahil naka pikit ako. Dahan dahan kong ginalaw ang labi ko sa labi niya at nilagay ang kamay ko sa batok niya para mas mapalapit siya sa'kin.
Dumilat ako para tingnan siya at nakita kong nakapikit na siya. Mas lumakas ang loob ko nakita ko kaya mas pinalalim ko pa ang halik.
Nasiraan na talaga ako ng ulo. Suicide 'tong ginagawa ko.
Gamit ang kamay niyang walang sugat marahan niya akong tinulak palayo pero hinawakan ko lang ang kamay niya at binaba 'yon.
Naka yuko ako sa kaniya habang siya ay bahagyang naka tingala sa'kin. Hindi siya tumutugon na naiintindihan ko naman.
Naging mapusok ang halik ko na mukhang naging dahilan para gumanti ng halik si Raya. Mas lalo lang ata akong naging matapang sa ginawa niya.
Mas diniinan ko pa ang halik na dahilan ng pag kakasandal niya sa upuan.
Dahil sa hangin ay tumunog ang metal windchime ni Doc. tinulak ako ni Raya kaya naputol ang halik na 'yon.
Tumingin agad siya sa likod ko kung may nakapasok na.
Tinulak niya ako at saka tumayo.
Napa hawak siya sa sentido niya na parang iniisip kung ano ang ginawa niya.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang naka pikit siya nang mariin.
Napangisi ako at saka muling lumapit sa kaniya at hinapit ang bewang niya palapit sa'kin. Naitukod niya agad ang isa niyang kamay para hindi mag lapat ang katawan namin.
"Hoy.. nababaliw ka na ba? Gusto mo na bang mamatay-"
Hinawi ko lang ang kamay niya sa pagitan namin at saka muli siyang hinalikan pero lumanding lang ang labi ko sa pisngi niya dahil sa pag iwas niya. I pinch her chin and made her look at me and I kissed her again.
Napahawak siya sa braso ko ng may kaunting diin.
Dahan dahan ko siyang nilakad paabante habang siya ay dahan dahan ding napapaatras.
Nang wala na siyang maatrasan ay diniin ko siya sa pader.
Nakahanap din ako ng isang kilos na kung saan matatalo ko si Raya at mapapasunod ko siya.
First time ko atang manalo sa tanang buhay ko. Kakaiba ang sayang nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung marunong na talaga siyang humalik o ginagaya niya lang ang galaw ng labi ko. Lumalaban din kasi siya.
Nag iinit ako kaya mukhang kailangan ko nang tapusin.
Dahan dahang bumabagal ang halik hanggang sa mapatigil ako sa pag galaw, naka dikit lang ang labi ko sa labi niya.
Lumuwang ang pagkakahawak niya sa'kin.
Lumayo ako nang bahagya sa kaniya saka ko nakita ang mukha niya habang nakapikit.
Muli ko siyang hinalikan ng ilang segundo sa labi niya saka ko hinalikan ang pisngi niya pababa sa leeg niya.
"Liphyo"
Bulong niya nang may kaba.
Raya please don't say my name baka mas lalo akong mabaliw.
Hinawi ko ang buhok niya para halikan ang leeg niya. Ito na naman ang pabango niyang nakaka adik na kahit saan ako mag punta pakiramdam ko lagi kong naaamoy.
Hinila ko siya at saka pinatalikod sa'kin. Niyakap ko siya at saka kinulong sa bisig ko.
Gusto ko siyang bigyan ng marka bilang tanda na kahit minsan naging akin siya.
Hinawi ko ang buhok niya sa batok.
"Siguraduhin mong hindi 'yan makikita ng kahit sino kundi patay ka sa'kin"
Bigla akong natawa ng pagak sa sinabi niya.
Sa sinabi niyang 'yon binigyan niya lang naman ako ng permiso.
Gaya ng plano ko, binigyan ko siya ng marka sa batok niya. Hindi ko naman kasi pwedeng ilagay sa gilid ng leeg niya, baka makita ng mga kaibigan niya.
Muli ko siyang pinaharap sa'kin at tatlong beses siyang dinampian ng halik sa labi at isang beses sa noo kung saan humalik ang lalaking 'yon sa kaniya.
Matagal akong nag stay sa noo niya saka siya niyakap ng mahigpit.
Kung pwede lang sanang hindi matapos 'tong nakaw na sandaling 'to.
Naisip ko nanaman ang lalaki kanina.
Humiwalay ako sa kaniya at walang lingon lingon na lumabas ng office ni Doc. Kinapa ko ang dibdib ko sa sobrang kaba. Nanlalambot ang tuhod ko at may kung anong kiliti ang nararamdaman ko sa tyan ko.
Tuluyan na nga akong naka labas ng studio saka ko lang nasalubong si Doc Chris.
"Oh bata? Uuwi ka na?"
Ngumiti ako sa kaniya at saka bahagyang tumango
"Pag balik ko galing sa probinsya nila bibilhan kita ng pasalubong."
"Yan naman ang gusto ko sa'yo. Pero sana ipag bake mo ulit ako no'ng ginawa mo no'ng nakaraang araw."
Tumango ako ng ilang beses sa tuwa dahil na gustuhan niya ang tinapay na ginawa ko.
"Gagawan kita pag uwi namin"
Tinapik niya ng dalawang beses ang balikat ko.
"Pakatatag ka, patikim palang 'yang family problem mo, paniguradong may mas mabigat pang dadating kaya pag handaan mo na para hindi ka mabigla"
Yumakap ako kay Doc Chris at saka nag pasalamat
"Aalis na ako, kita tayo pag uwi namin"
"Sige, mag iingat kayo"
Kumaway lang ako sa kaniya at saka nag drive na paalis. Marami pa akong dapat gawin.
THIRD PERSON POV
Napa upo nalang sa sobrang kaba si Crenz matapos siyang iwan ni Liphyo pag tapos ng ginawa nila.
"Bakit ko sinabi 'yon? Arrghhh!!"
Inis na ginulo niya ang buhok niya. Saka napahawak sa batok niya.
"Anong ibig sabihin no'n?! Hayop kang Pula ka! Bakit hindi ko ba siya pinigilan? Ilang beses 'yon! Nag enjoy ka Crenz?!"
Napa padyak siya sa sobrang inis sa sarili niya.
"Tumugon ka pa?! Waaaaah!!"
Para siyang batang nag lulumpasay sa sahig.
Bumukas ang pinto at alam naman na niya kung sino ang pumasok kaya hindi na siya nag aksaya ng panahong tingnan 'yon
"I know you're weird but don't act like that-"
"Chris!"
Tumayo siya saka naiiyak na lumapit at yumakap sa doctor
"Why? May ginawa ba sa'yo si Jhonzel? Sabihin mo sa'kin uupakan ko siya"
"Kasalanan mo kasi eh! Bakit ba kasi wala ka dito?! Sa'n ka ba galing?!"
Kung nandoon lang sana si Chris siguradong walang mangyayaring gano'n sa kanila.
"Nag pa print sa kabila. Binastos ka ba ni Jhonzel?"
Mabilis na umiling si Crenz. Sa lagay niya ngayon nag hahanap lang siya ng masisisi dahil sa biglaang nangyari sa kaniya.
"Eh ano? Ano bang minamaktol mo sa lapag?"
Inayos ni Crenz ang mukha niya at saka humarap sa lalaki
"Kapag wala ako dito huwag kang mag kakaroon ng ibang anak ah"
Natawa bigla ang doktor.
Alam naman ng lalaki na kulang sa atensyon ng magulang si Crenz kaya ginagawa niya ang lahat ng kaya niya para mag paka tatay kay Crenz dahil gusto rin niyang magkaroon ng anak pero hindi siya pinalad.
Sampung taon si Crenz nang magkita silang dalawa. Nang magkakilala sila madalas na siyang puntahan ni Crenz lalo kapag tumatakas si Crenz sa magulang niya. Palagi siyang nag kukwento ng patungkol sa kaniya at gano'n din siya sa bata.
Habang tumatagal nga lang paikli na nang paikli ang kwento ni Crenz at pa sungit na rin siya nang pa sungit pero kapag pumupunta si Crenz sa studio niya ay hinahayaan niya lang ang bata na gawin lahat ng gusto niya. Tinuring na rin niyang totoong anak si Crenz.
Naka punta rin siya sa ibang bansa kung saan pumunta si Crenz mag tatatlong taon na ang nakararaan. Siya lang kasi ang Doctor na pinag kakatiwalaan ni Crenz.
"Pa'no ba yan? Anak ko rin si Jhonzel?"
Napa padyak sa inis si Crenz dahil sa pangalang 'yon. Umalis siya nang hindi man lang sinasabi kung anong ibig sabihin no'ng ginawa niya.
"Ayoko! Gusto ko ako lang!"
Natatawang hinaplos ni Chris ang buhok ng anak anakan.
"Ok.. haha.. ayusin mo na ang sarili mo. Patingin nga ng sugat mo"
Nilayo siya ng matanda para makita ang sugat niya.
"Nag lupasay ka sa sahig alam mo namang may sugat ka"
'hindi ko nga naalalang may sugat ako no'ng hinalikan ako ng diyablong 'yon'
"Ngayon ko lang kasi pinayagan 'yang mga dugong 'yan lumabas. Takot 'yang mga 'yan sa'kin kaya no'ng pinayagan kong lumabas hindi na tumigil"
*Pik*
Pinitik siya ng lalaki sa noo. Agad niyang sinapo ang noo niya.
Noo niyang dalawang beses nahalikan ng mag kaibang tao at dalawang beses ding nasaktan ng dalawang mag kaibang tao rin.
"'yang kayabangan mo ang papatay sa'yo"
"Ayos lang, atleast namatay na cool"
Napakamot ang matanda sa ulo niya sa konsumisyon kay Crenz.
"Ewan ko sa'yo. Halika na linisin natin 'yang sugat mo"
"Ayoko ng alcohol"
Paalala niya.
Pakiramdam niya nararamdaman pa rin niya ang alcohol na nilagay ni Liphyo sa kaniya no'ng tamaan siya ng bala sa balikat.
"Oo na.. upo na"
~~~~~
Sinundo ni Hans si Crenz sa bahay niya para mag sabay na sila papunta sa building nila Sandra. Pag dating nila doon naka abang sa labas si Raffy.
"Anong ginagawa mo dito mabahong bulaklak?"
Seryosong tanong ni Crenz sa kaniya
"Tss.. syempre hindi kita makikita ng mahigit isang linggo kaya hindi ako papayag na hindi ka makita bago ka umalis."
Napangiwi si Crenz sa sinabi ni Raffy.
"Cheesy mo"
Tumulong na si Raffy para ipasok ang mga gamit nila.
"Nasa'n na sila Vizarro?"-Sandra
*Beep beep*
May bumusina sa kanila.
Lumabas doon si Mike at Austin.
"Ang sarap namang almusal niyan"
Sabi ni Raffy na parang nang aakit, siniko siya ng bahagya ni Crenz.
"Sino ba sila?"
"Mga kaibigan ni Pula"
Tumango tango si Raffy na parang kumbinsidong kumbinsido.
"No wonder"
Buong mag damag niyang inisip ang nangyari sa kanila pero isa lang ang inaral niya nang mabuti, ang maging normal matapos ang nangyaring 'yon.
Umarteng walang nangyari.
Umalis saglit si Raffy dahil may nakalimutan siya taas.
"Hi Crenz"-Mike
Tipid na nginitian siya ni Crenz
"Ayos ka na ba? 'yong bugbog sa'yo?"
Hinawakan at sinuri niya nang maayos ang mukha ni Mike.
"Ayos na, hindi ko alam kung bakit wala ka doon kahit narinig ko ang boses mo pero ayos na rin dahil ligtas ka"
Napangiti siya sa hindi pagiging mausisa ni Mike sa nangyari noong nakaraan.
"Anong sinabi sa'yo no'ng mga hayop na 'yon?"
Napakamot siya sa batok niya
"Sabi nila boyfriend mo raw ako kaya kinuha nila ako. Tatay 'yon no'ng humila sa buhok mo, dahil ba 'yon doon?"
Alam niyang dapat siyang mag paliwanag pero hindi ito ang tamang oras para mag paliwanag siya.
"Kapag nakarating na tayo sa'min saka na ako mag kukwento. Makakapag hintay ka ba?"
Nakangiting tumango si Mike
'I guess I don't have a choice'-Mike
Isip isip niya
Pumasok na si Crenz sa bus para iayos ang ilang mga gamit niya.
"Ako na"
Tinulungan siya ni Hans na itaas ang ilang mga gamit niya.
"Hindi ka na naman ba nakatulog kagabi? Baka mag kasakit ka na naman niyan?"
Umiling lang siya
"Ayos lang ako."
Sabay silang napa silip sa labas nang mag hiyawan sa labas.
"Wow! Pogi ni Attienza ah"
Pag kailang lang ang nararamdaman ni Crenz sa kaniya pero hindi niya pwedeng ipakita dahil ayaw niyang malaman ni Liphyo na naapektuhan siya sa nangyari sa kanila.
Sabay na bumaba ng bus si Crenz at Hans saka parehong kinuha ang natitira pa nilang gamit na nasa labas
"Master! Ang gwapo ni Attienza ngayon oh"-Jigs
Habol habol ang kaba ang naramdaman ni Liphyo nang makita si Crenz at sa sinabi ng isa sa kambal.
Tiningnan siya ni Crenz mula ulo hanggang paa na parang iniksamina ang itsura niya.
"Ayos, mukha kang tao."
Seryosong sabi ni Crenz at saka dinala ang dala sa loob ng bus.
'Iyon na 'yon? Wala lang sa kaniya 'yong nangyari sa'min kahapon?'
Maktol ni Liphyo sa isip niya.
"Wala talagang pinag bago si master"-Jigs
"Huwag ka nang umasang mag babago siya, may sarili siyang mundo at hindi niya babaguhin 'yon"-Migs
"WHERE IS THE DRIVER?!"
Natigilan silang lahat nang sumigaw si Sandra.
Maging si Crenz at Hans at napadungaw sa bintana nang sumigaw si Sandra.
"MIGUEL!"
"Pres?"-Migs
Inis na binalingan siya ni Sandra
"What are you waiting for? Find the driver!"
Natatarantang umalis si Migs.
Malakas na napabuga ng hangin si Crenz at saka inutusan si Hans
"Papasukin mo na silang lahat dito."
Tumango si Hans
"Sandra pumasok na kayo, parating na 'yong mga driver"
Hindi lang dalawang ang magiging driver nila, magiging apat ang mag papalitan sa pag dadrive kasama na rin ang mag babantay sa kanila.
Umakyat si Sandra, Hans, Crenz, Liphyo at Nemi sa ikalawang palapag para pag usapan ang gagawin nila sa probinsya.
"Attienza? Binigyan ka ng assignment ni Mr. Tan?"
Nagulat si Crenz sa tanong ni Nemi
"Binigyan ka? Bakit di mo sa'kin sinabi?"-Crenz
Naguguluhang tumingin lang siya sa mga nakapaligid sa kaniya.
"Ang kailangan ko lang daw gawin ay kumbinsihin ang may ari ng lupang sinasakahan niyo na maging supplier ulit para sa organization."
Napabuga ng hangin si Crenz dahil sa inis.
'lintek ka talagang matanda ka, bakit binigyan mo pa ng assignment 'tong bwiset na 'to?!'-Crenz
"Oh? Bakit ba hindi na sila ang nag susupply ng goods for organization? Diba dati naman sila ang nag bibigay?"
Napabuga ng hangin si Crenz habang naka upo sila sa pabilog na mesa na malapit sa bintana.
Tumanaw si Crenz sa labas dahil naiinis siya.
"Baka may alitan?"-Nemi
"Whatever it is I'm sure that the landlord has a reason"-Hans
Natahimik sila kaya tumingin si Crenz sa kanilang lahat at natagpuan niyang nakatingin din sa kaniya ang lahat.
"Ano?"
"Mag papanggap kang boyfriend mo si Liphyo?"-Sandra
"Kung ayaw niya pwede namang si Hans nalang-"
Agad tumutol ang sistema ni Liphyo
"Anong ayaw? Ayos lang sa'kin-"
"Pahihirapan ka nila for sure"-Hans
Napalunok si Liphyo kaya naging interesado naman si Crenz kung papayag siya kahit mahirapan siya.
"Ayos lang.."
Nag iwas ng tingin si Liphyo.
'Umaarte kang walang nangyari? Kaya ko rin yan. Mag away nalang tayo'-Liphyo
"Bawal pabebe sa bukid"
"Bakit sino ba ang pabebe?"
Matapang na tanong ni Liphyo
"Tsk.. huwag kayong mag bangayan sa harap ko, naiirita ako."
Wari mo'y stress na stress na si Sandra sa buhay niyang kung naka hilot sa sentido niya.
"Sa lugar na pupuntahan natin lahat tayo pantay pantay, walang orga organization doon pero aalalahanin pa rin namin ang kaligtasan mo kaya maging maayos sana 'tong bakasyon niyo."-Crenz
Tumango sila
"Crenz! Tawag ka ni Raffy sa labas"
Dumungaw si Crenz sa bintana at saka sinilip ang kaibigan.
Umalis siya sa pwesto niya at saka bumaba.
Lumabas siya ng bus para kausapin si Raffy
"Oh"
Iniabot ni Raffy ang concealer niya para sa kaunting pasa ni Crenz sa mukha
"Balitaan mo ko sa kaso ah"
"Mag bakasyon ka at intindihin mo lang ang isang assignment mo doon. Mag pahinga ka at huwag kang uuwing wala nang buhay ok?"
Napangisi siya sa paalala ni Raffy. Ganiyan naman lagi si Raffy at hindi na mag babago pa.
"Oo na"
"Kapag hindi ka marunong mag lagay mag patulong ka kay Nemi o Sandra. Mag papa deliver ako doon ng lechon para mag party naman kayo kahit papaano"
Naiisip palang niya ay natatakam na siya sa magiging resulta.
"Sige na, pasok na ako. Asikasuhin mo 'yong kaso ah."
Tumango si Crenz at saka muling bumalik sa loob. Nasa taas parin ang apat, hindi na siya umakyat.
Pumasok na ang mga driver at umalis na sila.
"Pinapaalala ko lang sa inyo na hindi lang puro hayahay ang gagawin niyo doon. Pinapunta kami doon para matuto ng mga gawaing pang probinsya. Makakapag liwaliw lang kayo doon kapag tapos niyo na ang gawain doon."
Paalala ni Crenz sa lahat nang nasa Baba.
"Master may ilog ba doon na pwedeng liguan?"-Migs
"Master magiging boyfriend mo talaga si Attienza? Bakit hindi nalang si Mike?"-Jigs
Kinabahan siya sa tanong na 'yon.
"Pahihirapan ng magulang ko ang magiging bf ko kaya si Pula ang mas gusto kong nahihirapan kaysa kay Vizarro. Purong pag papanggap lang 'yon at wala nang ibang kahulugan pa."
Nakangiting tumango si Mike na umaasang magkaroon ng tyansang magkaroon ng sila.
"So ibig sabihin may chance pa rin si Mike?"-Jigs
Inosente lang siyang tumingin sa lahat na nag hihintay ng sagot.
"Dipende 'yan kung kaya akong I handle at kung ma iimpress ako. Wala sa isip ko 'yang sinasabi mo pero sasagutin ko na rin."
Iyon naman ang lagi niyang sinasabi. Kung sa usapang pag ibig doon na siya sa maiintindihan siya kahit kakaiba ang trip niya sa buhay.
Iyong nangyari kahapon ay iisipin nalang niyang trip lang ni Liphyo dahil sinapian siya ng masamang espirito sa katawan.
Hindi niya kailangan ma bother pa kahit aminado siyang mas na gwagwapuhan siya sa bagong gupit na si Liphyo.
"Huwag niyo na ngang kulitin si Crenz sa ganiyang bagay. Hindi umuwi si Crenz para mag hanap ng jojowain sa inyo. Umayos kayo kung ayaw niyong pag sisipain ko kayo palabas ng bus"
Tumingin ang lahat sa nakababa nang si Sandra kasama ang tatlo pang umakyat kanina.
"Pres bakit ba kumukulo ang dugo mo ngayon? May masama bang nangyari?"
Napairap ang dalaga at saka umupo
"Si Ryker pauwi na siya bukas, hindi ko man lang siya makikita"
Maktol niya. Kumabog ang puso ni Crenz sa narinig niyang pangalan.
"Ikaw kaya ang may gustong sumama tayo dito"-Cess
"As if I knew he'll be back when we leave. Let's just enjoy the province"
LIPHYO'S POV
Naiinis lang akong parang wala lang talagang nangyari kahapon kung makangiti siya sa iba.
"Let's play Uno cards upstairs guys"-Nemi
"Sali ako"-Jhom
"Tara"
Tumayo ang mga gustong sumali. Ako wala akong balak mag laro dahil may kakausapin pa ako.
Umakyat si Sandra, Crenz, Princess, Nemi, kambal, Jhom at Austin.
"Hindi ka sasali sa kanila?"-Mike
"May kakausapin pa ako. Sumali ka na sa kanila sa taas."
Nakangiting sabi ko.
"Dito muna ako, antayin na kita"
Aniya saka ako tinapik sa braso
"Ok"
Inilabas ko ang cellphone ko at nag dial ng numero.
Matapos ang pitong ring saka lang nasagot ang tawag ko.
(Hello?)
Pumwesto ako sa pinaka dulong upuan.
"Aizel?"
(Kuya Jhonzel?)
Ngayon ko nalang ulit nakausap ang kapatid ni Austin.
"Anong sabi ni Tito at Tita?"
Tumakas lang kasi si Austin sa kanila dahil sumama sa'min. Hindi siya pinayagan dahil sa nangyari no'ng nakaraan.
(They are mad)
Buntong hiningang aniya
"Anong gagawin namin para hindi mapagalitan si Austin?"
Siraulo kasi 'tong tukmol na 'to eh.
(Safety lang naman ni kuya ang gusto nila. Siguro picture an mo nalang si kuya tapos send mo sa kanila 3 times a day.)
Hayop ka Austin, hanggang probinsya may photographer ka pa rin.
"Uubra ba 'yon?"
(Oo.. gano'n ginawa ni kuya Mike no'ng nasa ibang bansa kayo eh)
Hanep! Hindi ko alam 'yon ah.
"Ok.. baka kasi mabigla nalang kaming hinihila na ng mga tauhan ni Tito si Austin pauwi"
(Don't worry I can handle Dad. Take care Jhonzel)
Kanina may kuya ngayon wala na. Pareho sila ng kapatid niyang may saltik at pabago bago ng isip.
Lumapit ako kay Mike
"Let's go"
Nauna na akong umakyat sa taas.
Nasa pangalawa sa dulo si Raya sa may bintana habang katabi si Hans. Nag lalaro sila ng cards.
Nakatali ang buhok niya na bibihira niya lang gawin at ang ganda niya kahit anong tingin pa ang gawin ko.
"Oh? Kayo nalang nag lalaro.. paikutin niyo naman"-Jm
Nag papalitan lang kasi ng reverse ang kambal at si Jhom na kanina pa tawa nang tawa dahil hindi makapag lapag ang iba.
"As if they chose what card they have"-Nemi
Sarkastikong aniya
"As if they chose what card they have.. ang arte mo. Tingnan mo nga 'yang cards mo oh. Paunahan 'tong maubos, bakit parang nag iipon ka?"
Ang daming card ang hawak ngayon ni Nemi
"As if I wished these"
Kunot noong sagot niya na ginaya lang ni JM para mabwiset siya.
Matatawa na sana ako sa kanila nang maalala ko si Raya
O_0
What the hell Raya, you're clumsy!
Tiningnan ko si Mike na papunta na sa likod ni Raya.
"Mike!"
Sigaw ko.
Tumingin sa'kin ang lahat dahil sa lakas ng boses ko.
Huminto rin si Mike sa pag lalakad at tumingin sa'kin. Para siyang natatawang naiilang.
"Why?"
Nakangiting tanong niya na parang na wiwirduhan sa'kin.
Why? Why?.. c'mon Liphyo, give some alibi!
"Ah-uhm.. ahmm.."
Seryoso lang na nakatingin sa'kin ang karamihan habang ang kambal ay kumukuha ng +4 at +2 sa mga mailapag na habang busy ang iba.
Siraulong kambal talaga.
"What?"
Tumingin ako kay Raya, walang kwenta lang siyang nakatingin sa'kin.
Napaka manhid mo talagang babae ka! Pwede ka namang umarteng walang nangyari pero nakalimutan mo atang may marka ka sa batok mo! Nag tali ka pa talaga!
"Gusto kang makausap ni Aizel- urgent ata."
Kabadong sabi ko.
Lumapit ako sa kaniya at tinulak siya para kumbinsihing kausapin ang kapatid ni Austin.
"C'mon, maybe she needs something to you"
Pamimilit ko sa kaniya.
He can't stay behind Raya's back.
"Dapat kanina mo pa sinabi-"
"Go on.. call her"
Napapailing nalang na bumaba siya.
Nag madali naman akong pumunta sa likod ni Raya saka hinila ang tali sa buhok niya na ikinatigil naman ng iba sa pag lalaro.
Tumingin sa'kin si Raya ng masama
"Ano bang trip mo?"
Seryosong tanong niya
"Ang pangit mo kapag nakatali. Huwag kang mag tali"
Palusot ko.
"Hoy Jhonzel ang weird mo"-Jhom
"Siguro nagagandahan ka na kay master kapag naka lugay 'no? Yiiieeeehhh!"-Jigs
Napangiwi nalang ako. Kahit anong sabihin ko wala rin naman akong kawala.
"Mag laro na kayo"
Sabi ko sa kanila.
Umupo ako sa likod ni Raya.
Mag tatali sana ulit si Raya pero pinigilan ko siya.
"Sige subukan mong mag tali, madadagdagan 'yang kulay Pula diyan sa batok mo"
Bigla siyang natigilan sa binulong ko sa kaniya saka inayos ang buhok niya.
"Nice"
Ginulo ko ng kaunti ang buhok niya at saka tumayo.
"Seriously JL? She's no business with me"
Umarte akong kunwaring nag iisip
"Ah! Oo nga pala, nasabi na pala niya sa'kin lahat. Sorry medyo nalito lang ako. Maupo ka na doon"
Tinuro ko ang likod ni Raya, ngumiti naman siya at saka sumunod sa sinabi ko.
Bahala silang mag harutan ngayon, inaantok ako. Wala pa akong tulog mula kagabi kakaisip ng nangyari. Sakit na nga ng tyan ko sa sobrang butterfly na nararamdaman ng sikmura ko.