28

CRENZ'S POV

"Ayoko na"

Sabi ko sa kanila. Hindi naman ako natalo sa laro namin sadyang nakaka boring lang. Gusto kong matulog para maka bawi sa mga tulog na hindi ko pa napupunan.

"Daya mo naman master"-Jigs

"Mahaba pa ang araw. Huwag niyo akong gigisingin ah, matutulog ako"

Paalala ko sa kanila.

Sa baba, dulo nitong bus may kwarto at double deck na pwedeng tulugan. Meron din dito sa taas, pero ayoko dito dahil ang iingay nila. Nag mumurahan pa ang kambal kapag dinadaya nila ang isa't isa.

Bigla akong nangati

Tiningnan ko ang cookies na kinakain namin.

Tinaas ko 'yon para ipakita sa kanila.

"May peanut ba dito?"

Iilan lang ang pumansin sa'kin

"I don't know, ask Princess"-Nemi

Tumingin ako kay Princess na nasa gilid lang at nag cecellphone. Tumingin naman siya sa'kin

"Hindi ako ang kumuha niyan, si Pres tanungin mo"

Kingina, pinag pasa pasahan na ako.

"Sandra"

Untag sa kaniya ni Nemi

"Uh?"

Mula sa pakikipag tawanan ay tumingin sa'kin si Sandra

"May peanut ba 'to?"

May ngiti ngunit bahagyang naka kunot ang noo niyang sumagot sa'kin ng

"Yeah?"

Biglang lumingon sa'kin si Hans

"Go to bed, I'll look for a medicine."

Pinigilan ko siyang tumayo

"Iinom ako mamaya pag gising ko."

Nahilo ako sa epekto ng peanut sa katawan ko.

Kasalanan ko 'to hindi ako nag tanong tapos hindi ko nalasahan ang peanut doon.

"Are you sure?"

Tumango lang ako saka tumingin sa likod ko.

"Ikaw nalang mag laro nito"

Nakangiting sabi ko kay Mike

Nag taka lang siya

"Huwag mong ipapatalo ah, hindi pa ako natalo ngayon"

Pag papatuloy ko.

Tumango siya nang ilang beses habang nakangiti.

Para siyang timang.

Umalis na ako sa mesa para makapasok naman si Mike.

"Oh! Oh! Mag padaan ka Hans para makapasok ang player natin!"-Migs

Tawanan lang sila nang tawanan.

Bumaba nalang ako.

Nakita ko sa baba si Jerick at JM na bumaba pala kanina dahil panay lang ang pag tatalo nila ni Nemi. Nag uusap silang dalawa.

Parang tuwang tuwa sila pareho sa tinitingnan nila sa cellphone.

Napakapit ako sa upuan dahil sa bahagyang pag ka hilo.

"Oh? Crenz? Ayos ka lang?"

May ngiti sa labing tanong ni JM.

"Uhm.. inaantok lang ako, paalalahanan mo silang huwag akong gisingin ah"

Tumango si JM.

Tumingin naman ako kay Jerick

"Ikaw? Nag dala ka ba ng prutas? 'yong mga dapat mong dalhin, dinala mo ba? Baka mamaya duguin ka na naman."

Nakangiti ring tumango siya sa'kin.

"Kumpleto lahat boss"

Boss bossin ko ulo mo eh, tigas ng ulo mo. Dapat nag stay ka nalang sa bahay mo!

Kung pwede ko lang sana sabihin.

"Ok.. huwag ka masyadong mag kikikilos sa'min at saka-"

"Gagawin ko na 'yong sinasabi mo sa'kin, pag uwi natin galing sa inyo gagawin ko na 'yon"

Naguguluhan lang sa'min si JM. Panay siya tanong kung anong pinag uusapan namin.

Ginulo ko ang buhok ni Jerick ng bahagya

"Good.."

Napa ngiti ako sa sinabi niya.

"Ano ba kasi 'yon? Bakit ayaw niyong I share?"

"JM, kailangan nasa malamig si Jerick ah, itutok mo sa kaniya ang aircon-"

"Ayoko.. baka manigas naman ako sa lamig"

Bata pa nga talaga 'tong isang 'to.

"Sige bahala na kayo. Huwag niyo akong gigisingin ah"

"Ako bahala"-Jm

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa hilo.

Binuksan ko ang pinto at nakita kong walang tao doon.

Humiga na ako saka nag talukbong ng kumot. Sana pag gising ko maging ok na 'tong pagka hilo ko.

CASSANDRA'S POV

"Uno!"

Mabilis na sigaw ko pag baba ko ng isang card.

"Pres ilabas mo na, alam naming may tinatago ka"-Jigs

Tumatawang ginatungan siya ng iba.

Halos hindi naman ako maka pag salita sa kakatawa dahil sa mga sinasabi nila.

Alam mo 'yong hindi ka makapag explain o madipensahan ang sarili mo dahil tawa ka nang tawa? Gano'n ang nararamdaman ko ngayon.

Bahagya kong hinampas si Jigs dahil kanina pa niya ako sinasabihang nandaya ko.

"Oh ano to?"

May kinuha mula sa gilid ng upuan ko si Migs.

"Ni! That's not mine.. NAPAKA DAYA MO MIGS THAT'S YOURS!"

Tawa lang nang tawa ang kambal habang kanina pa nila ako pinag didiskitahan.

'yong tungkol kay Jigs at Yasy ayos na 'yon dahil kinausap na kami ni Yasy na napag sisihan naman na raw 'yon ni Jigs kaya huwag na naming pahirapan pa at saka kulang ang tawanan kapag wala ang isa sa kambal.

Maayos na rin naman ang sugat ni Jigs dahil sa balang tumama sa kaniya, 'yon nga lang nag iwan ng pilat.

"Ito na ang lunch!"-Nemi

"Wooooooh!!"

Nag hiyawan sila dahil sa dami ng pagkain namin.

"Alisin niyo na yang mga cards diyan sa mesa."

Inayos nila ang mesa para lapagan ng mga pagkain.

Medyo smooth naman ang byahe kaya ayos lang na mag tatatayo kami.

"Should I wake Crenz?"-Hans

Nag aalala kasi siya sa lagay ni Crenz na may nararamdaman ata ngayon dahil sa peanut. Kung alam ko namang may allergy siya sa peanut, hindi ko na siya papakuhanin no'ng cookies na 'yon.

"Pwedeng pwede.. basta salagin mo ang bawat sapak niya ah"-Migs

Nag tawanan kami.

Hindi mo talaga pwedeng gisingin si Crenz unless sobrang importante ng sasabihin mo.

"Nasa'n si Attienza?"-Cess

Biglang nag katinginan si JM at Jerick.

"Patay! Nakalimutan nating nasa kwarto pala si Jhonzel."-Jerick

Napakagat siya sa kuko niya.

"What's the matter? Double deck 'yon and they know what they're going to do. Si Crenz naman ang huling pumasok diba? Di niyo ba alam na ayaw na ayaw ni Crenz nang may katabi. No need to worry"

Pangungumbinsi ko sa kanila

Napa oo naman sila dahil tama naman ang sinabi ko. Ayaw ni Crenz ng may katabi kaya imposibleng mag katabi sila. Kung sakaling mag katabi sila, dapat may bugbugan na ngayong nagaganap.

"Tama naman. Hayaan niyo na mag pahinga 'yong dalawa. Check ko nalang later after lunch. C'mon dig in"-Nemi

Masayang nag kuhanan sila ng pagkain. Dumampot lang ako ng grapes at Apple.

"It's lunch time, don't just eat fruits. Eat this"

Inagaw ni Hans ang kinakain ko

"Kahit kelan ka talagang bakla ka, napaka kontrabida mo."

Pag susungit ko sa kaniya

"You need enough energy. Don't be so stubborn or else I'll call other guard to sent you home. Diba gusto mo rin naman makita ang pag dating ni Ryker?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"I smell bitterness"

Parinig ni Nemi

"Ayiiieeeh!"

Asar nila

"Mag si tigil kayo or else-"

"Or else what?"

Pang gagatong pa ni Cess na pinalaki ang boses kaya mas lalong nag tawanan sila.

"Shut up"

Naiiritang sabi ko sa kanila.

Kumain nalang ako kahit may sama ako ng loob dahil sa pang aasar nila.

*Beep Beep*

Mula sa labas, may nag iingay na mga sasakyan kaya sumilip kami.

"Anong meron?"

Para kaming mga chismosong nakikibalita.

Ilang beses ba sila bumusina.

Puro itim na kotse ang nakapaligid sa'min. Lima atang itim na kotse.

"Kotse 'to ng org."

Pabulong ni Hans

Ng org?

Bigla nalang huminto ang sasakyan kaya halos lahat kami kamuntik nang sumubsob. Agad na may sumalo sa'kin.

Si Hans na naka kapit sa isang bakal habang ang isang braso niya ay nasa bewang ko.

Oh?

Namamalikmata ata ako. Sa paningin ko ang gwapo ni Hans.

Inayos niya ako ng tayo.

"Ayos ka lang?"

Seryosong tanong niya. Ayan na naman ang kunot na noo niya.

Hindi ko nalang siya sinagot saka tinginan ang mga kasamahan namin.

Si Nemi napasubsob sa dibdib ni Jhom na kaagad namang nag sorry at ang iba ay katatayo mula sa lapag.

"Ano ba 'yon?"-Cess

May mangilan ngilang natapon na pagkain sa lapag dahil sa impact.

Tumingin kami sa labas saka nag silabas ang mga unipormadong lalaki.

"Arya?"-Jigs

"Ha? Arya?"

Tumingin ulit kami sa labas.

Nakababa na si Arya sa kotse habang naka suot ng shorts na itim at sweater na gray, naka tuck in siya at pinarisan pa ng rubber shoes.

Nag tanggal siya ng sun glasses at saka ngumiti sa'min.

Kaniya kaniya nang papuri ang mga kasama naming lalaki.

Ang ganda naman kasi niya.

"Bababain ko siya-"

Pinigilan ako ni Hans

"What?"

Tiningnan ako ni Hans nang napaka seryoso.

"Ako na ang bababa"

Kinunutan ko siya ng noo

"Ano?"

Hindi ko alam ang dahilan pero huminga siya nang malalim

"She's my girlfriend"

Nawala ang ngiti sa labi ko saka tumingin kay Arya at sa kaniya nang papalit palit.

Wow! Hans really have something.

Tinapik ko ng dalawang beses ang pisngi niya.

"You're awesome to have her"

Bigla akong natuwa HAHAHAHA ang galing may boyfriend na si Arya.

Tinulak ko siya papunta sa hagdan

"C'mon! Talk to her first then I'll talk to her after you"

Nag kaniya kaniya sila nang asar kay Hans.

LIPHYO'S POV

Nagising ako sa impact ng pag hinto ng bus.

Napaupo ako nang di oras.

"Ano ba 'yon?"

Nakatalukbong naman sa gilid ko si Jerick.

Tumingin ako sa wrist watch ko. Lunch time na pala.

"Ano 'yon?"

May biglang umupo sa tabi ko na gulo gulo ang buhok.

"WAAAAAAAAHHH!!!"

Nag kakarerahan sa pag tibok ang puso ko dahil sa iba na ang katabi ko.

Si Jerick ang nandito kanina bakit nandito siya sa tabi ko.

Bigla niyang tinakpan ang bibig ko sa naiiritang kinamot ang tenga niya.

"Ako ang babae, ako dapat ang sumisigaw, bakla!"

Inalis ko ang kamay niya

"Ano bang ginagawa mo rito?!"

Kabadong tanong ko.

"Ano ring ginagawa mo rito?

Balik niya

"Natutulog!"

"Oh edi natutulog din"

Napa buga ako ng hangin dahil sa hindi makapaniwala ang sistema kong nakakaya pa rin niyang umakto nang parang walang nangyari kahapon at ngayon.

Bumukas ang pinto kaya sabay kaming napa tingin.

"Bakit may sumigaw?!"

Kabadong tanong ni Hans habang hinihingal.

"Yung bakla sumigaw"

"Anong bakla! Pag gising ko nasa tabi na kita sinong hindi magugulat?!"

"Pareho lang tayo. Pag gising ko nasa tabi kita, sa pag kakaalala ko ako lang ang nandito kanina."

Ano?! Ako nauna dito!

"Nag lalaro ka sa taas kaya ako ang nauna dito!"

"Pag pasok ko walang tao dito."

"Imposible! Kanina pa ko dito!"

"Tsk! Tumigil na kayong dalawa.. si Arya nasa labas, tara na"

Masamang tingin ang pinukol sa'kin ni Raya.

Tumayo siya saka bumaling sa'kin at inambahang susuntukin kaya napa shield ako sa unan na nasa gilid ko.

Matapos kong umarteng aping api lumabas na silang dalawa.

Sino naman kaya si Arya?

Sinundan ko sila hanggang sa may pinto ng bus.

No'ng una ay mag kasama pa silang dalawa bumaba pero kinausap si Raya ng isang bodyguard saka umalis sa tabi ni Hans.

Sumunod si Raya sa isang bodyguard at dahil nga chismoso ako ay sumunod din ako at nag tago mula sa malayo.

May bumaba sa isang kotse na lalaki. Isang magandang lalaki na naka suit and tie.

Lumapit siya kay Raya at nag tangkang halikan si Raya sa pisngi pero bumaling lang pakaliwa si Raya at inilayo ang lalaki.

Malakas na pinukpok ko ang dibdib ko dahil may kirot akong nararamdaman.

"Ilang boyfriend ba ang meron ka?"

Bulong ko sa sarili ko habang naka kubli sa likod ng isang sasakyan.

Seryoso lang na naka tingin si Raya sa kaniya saka siya niyakap no'ng lalaki. Sa pag kakataong 'yon hindi na siya tinulak ni Raya.

Nag iinit ang ulo ko. Gusto kong manapak dahil sa nakikita ko.

Akala ko 'yong lalaking nag hatid sa kaniya kahapon ang boyfriend niya, di ko akalaing two timer pala siya.

"At talagang mayaman pa ah?"

Napangisi ako sa inis.

Gold digger ba siya?! Alam ko namang mahirap siya pero huwag niya naman sanang ipahalata na kailangan niya ng pera at magagawa niya lang mag kapera dahil sa mga lalaki niya.

Nag tagal ang yakap nila ng mahigit isang minuto.

Mas mahal ba niya 'to kesa doon sa isa?

No'ng nag hiwalay sila ay pumasok saglit ang lalaki saka may iniabot na gamot sa kaniya at tubig.

Kinuha naman ni Raya 'yon at ininom. Habang iniinom niya ay hinahawi no'ng lalaki ang hibla ng buhok ni Raya na tumatabing sa mukha niya.

Bruha kasi.. hindi kaya uso suklay sa kaniya.

May sinabi ang lalaki sa kaniya pag tapos niyang uminom at humalik na nga sa noo ni Raya.

"Fuck!"

Mag nanakaw lang talaga ako ng tyansa kahit pa 'yong nagugustuhan ko two timer!

Gusto ko pa rin siya kahit ganito ang nakikita ko!

Sa inis ko ay bumalik na ako doon sa bus at umupo sa bukana ng pinto ng bus.

Kunot noong nahihintay doon.

Napa hinto si Hans sa pinto nang makita ako at ang paa niyang hinakbang sa isang hagdan ay agad niyang binaba saka napa hawak sa dibdib niya.

Nagulat ko ata.

"Ano bang ginagawa mo diyan Attienza?"

Kunot noong tanong niya

"Organization ba 'yon?"

Patungkol ko sa mga lalaking nasa labas.

"Oo.. bakit?"

Naging interesado ako

"Pati 'yong kayakap ni Raya kanina nasa organization din?"

Kumunot ang noo niya

"Hindi pa bumabalik si Yara?"

Tumango ako

"May naka yakap kay Yara?"

Hindi makapaniwalang tanong niya

"Oo.. magandang lalaki tapos medyo bata pa at mukhang mayaman."

Nangalumbaba ako habang naka tingin sa kaniya.

"Ok? Let me check"

Umalis siya at mukhang tiningnan si Raya.

Buti nalang walang bumababa ni isa sa kanila.

Maya maya lang ay napa baling ako habang nanganglumbaba sa mga taong nasa harap ko.

"Bakit may imapakto diyan sa hagdan?"-Raya

Kinunutan ko siya ng noo.

Parang ang ganda ng awra niya at parang good mood siya.

"Cheater ka Raya"

Sabi ko sa kaniya habang nag kukuyakoy pa kaliwa at kanan nang tuhod ko at naka ngalumbaba.

"Cheater? Anong sinasabi mo diyan? Player ako hindi ako cheater"

Umakyat siya at saka pa sipang inurong ako sa pag kaka harang ko sa daan.

"Ang sama talaga ng ugali"

Sabi ko habang masamang tingin ang pinukol sa kaniya habang nag lalakad siya.

"Pfft.. hindi mo masisisi ang mga lalaki na mag ka gusto sa kaniya Attienza, sobrang ganda ni Yara at..

at..

Basta maganda siya"

Nakangiting sabi ni Hans.

"Ano hindi mo masabing matalino?"

Tumawa siya sa harap ko habang ako seryoso lang na naka tingin sa kaniya. Gusto ko siyang sipain paalis sa harap ko dahil ang tawa niya ay may halong pang aasar.

"Mayaman din naman si Yara ah!"

Bwelta niya

"Dahil may sarili siyang mundo."

Sagot ko

"Tama! Ang galing mo do'n ah!"

Kulang nalang palakpakan niya ako.

"Tapos na ba kayong makipag usap sa labas?"

May bitterness sa boses ko

"Oo.. umakyat ka na para maka byahe na tayo."

Tumayo na ako. Pag tayo ko nakita ko ang ilang guard nila na may hawak ng sobrang daming plastic.

"Ano 'yan?"

Tanong ko kay Hans habang naka tingin sa mga palapit sa'min.

"Pasalubong at makakain natin. Huwag kang magugutuman ah, para hindi laging mainit ulo mo"

Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo kapag gano'n ang makikita mo

"Sira"

Sabi ko nalang sa kaniya..

Umakyat kami at gano'n din ang mga guard saka inakyat sa 2nd floor ang mga bag.

Nag ingay naman sa taas dahil sa dami ng pagkain.

Mula sa pinaka dulo ng upuan at nakita ko si Raya na naka ngiti at naka tanaw lang sa labas ng bus.

"Mad dog!"

Singhal ko saka umakyat na rin sa taas.

CRENZ'S POV

Nagising ako dahil sa biglang pag preno no'ng driver. Kung hindi pa ako naka naka hawak sa hinihigaan ko baka nahulog na ako.

Hindi ko alam kung hallucination lang 'yon o baka may nag salita talaga sa tabi ko.

Napaupo rin ako at napa tanong ng tinanong niya tapos biglang may sumigaw.

Lintek! Anong ginagawa dito ng bwiset na 'to?!

Tinakpan ko ang bibig niya dahil sa ingay niya. Natulilig ata ang tenga ko.

Hindi ako nag kamali 'no. Pag pasok ko talaga walang tao kaya humiga ako doon atsaka kung alam ko lang na tumabi siya sa'kin baka sinipa ko na siya.

Lakas ng loob niyang sumigaw ah, ako kaya ang babae sa'min dapat ako ang nagiging conscious.

Pumasok na si Hans tsaka kami inawat at niyaya akong lumabas.

Seryoso lang akong lumabas habang tinitingnan ang mga itim na kotse na naka paligid sa'min.

Ano nanamang trip ng organization nila? Bigla bigla nalang nang haharang. Mabuti nalang at sa dinaanan namin wala masyadong dumadaan dahil mukhang kalilipat lang namin sa daan na 'to mula sa national road.

"Arya? What are you doing here?"

Takang tanong ni Hans

"You didn't tell me that you're going to leave. I'm your girlfriend, atleast learn how to say goodbye for awhile?"

Napa cross arm nalang ako sa usapan nila.

"I don't know anything about being in relationship"

Inosenteng sagot ni Hans

"Ow? Then I'll give you a assignment. Learn how to move on first from Sandra then comeback to me later. Let's break"

Nakangiting sabi ni Arya

"Wow.. para ka lang humiga sa kama at bumangon then that's it, you've done it"

Sarkastikong sabi ko sa kaniya na may ngisi sa labi.

Para lang siyang gumawa ng isang bagay tapos, tapos na.. ang galing.

"I want to slap the pain I'm feeling right now to you but I can't because this is my choice"

Eh? Kingina.. sa'kin pa isasampal.

"Tsk.."

Sinipa ko ang pwet ni Hans.

"Ayusin mo 'yan"

Tumalikod na ako sa kanila saka ako nilapitan ng isang bodyguard.

"Ma'am, may gusto pong kumausap sa inyo."

Seryoso lang akong nag lakad

"Sino?"

"Dito nalang po"

Tumingin ako sa lalaki saglit saka bumalik sa pag tingin sa dinadaan namin.

Bakit kasi hindi pa sabihin kung sino.

Napa hawak ako sa ulo ko dahil may kaunting hilo akong nararamdamang.

Medyo naka layo na kami kela Hans at dito sa pwesto namin may apat pa palang sasakyan na naka paligid sa isang sasakyan.

Nasa siyam na itim na kotse pala ang huminto sa'min.

Iniwan ako no'ng guard at saka lumabas ang isang lalaki.

Lalo lang ata akong nahilo no'ng makita ko siya.

"Who are you?"

May pag aalangang tanong niya.

"CYV.. bakit nandito ka?"

Halos mag ningning ang mata niya saka ako tinangkang yakapin pero umiwas lang ako at pinigilan ko siya.

"Umalis na kayo dito."

"You don't know how much I missed you"

Napabuga ako ng hangin.

Syempre na miss ko siya pero delikado 'tong ginagawa niya.

"Hindi ito oras para diyan Ced. Umalis ka na bago ka makita no'ng mga bata."

Nalungkot ang mata niya

"Sorry Yara.. from not protecting you"

Parang pinukpok ng malakas ang dibdib ko sa sinabi niya. Wala naman siyang kasalanan at never ko siyang sinisi sa nangyaring insidente. Sa totoo lang, ayokong madamay sila kaya ayokong makikialam sila sa mga kamalasan ko.

"Tama ang ginawa mo Cedric. Mas magagalit ako kung nakialam ka sa'kin"

Mas napahawak ako sa ulo dahil sa hilo.

"Ayos ka lang? May sakit ka ba?"

Bigla niya akong niyakap.

Hindi ko na siya pinaalis pa dahil kailangan ko ng suporta ngayon.

"You're hot. Did you ate nuts?"

Napayakap nalang ako sa kaniya dahil gusto ko rin.

Ganitong yakap din ang binigay niya sa'kin 5 years ago bago ang aksidente.

Huwag muna sana matapos ang sandaling 'to.

"I miss you Ced"

Bulong ko.

Mas lalo niya lang ako niyakap nang mahigpit.

"Hindi ka ba inaalagaan ni Hans?"

Sabi na mag ka kuntyaba na naman sila

"Kelan mo pa malamang bumalik ako?"

"Never kong inalis ang paningin ko sa'yo. Mula no'ng umalis ka hanggang sa maka balik ka. Lahat ng kilos mo alam ko at kung saan ka pumupunta."

Kinurot ko ang tagiliran niya.

Napa aw siya at natawa

"Sino informant mo? Sabihin mo"

Tumawa lang siya. Dinampian niya ng halik ang buhok ko.

Pero ramdam ko pa rin ang hilo. Sana pala uminom muna ako ng gamot na sinasabi ni Hans kanina.

"Wait.. stay there"

Kumalas siya sa yakap at saka binuksan ang kotse niya. Lumabas siyang may hawak na gamot at tubig.

"Kelan ka pa nag ka allergy?"

Nginisian niya ako. Sa pag kaka alala ko wala naman siyang allergy.

"The one who really cares about you have these stuffs in case of emergency, specially a candy."

Bigla akong napangiti.

Ininom ko na ang gamot na binigay niya.

Hinawi niya ang mga hibla ng buhok kong tumatabing sa mukha ko.

Pag tapos kong uminom lumapit siya para dampian ako ng halik sa noo.

"Next time beware on what you eating young lady"

Napangiti ako. Heto na naman siya at binibaby na naman ako.

Hindi naman na ako mag tatakang alam niya kung saan pumunta noon dahil may mga kasama akong traydor na kahit sabihin kong huwag sabihin kahit kanino, sinasabi pa rin nila.

"Wala kang pinag kaiba sa bakla mo kapatid"

Pang aasar ko sa kaniya

"Does Chiggy take a good care of you or he just spend his entire time to chase that Chinese woman?"

Bigla akong natawa.

"Nag kita na kayo?"

"Of course, all of my siblings can't ran away from me. Lumayo man kayo sisiguraduhin kong hindi ako mawawalan ng balita sa inyo."

"Nababaliw ka na"

Ginulo niya nang bahagya ang buhok ko.

"Lalo na sa'yo, sobrang nababaliw ako"

Napangisi nanaman ako.

Kung ako talaga ang iintindihin mo malamang mabaliw ka talaga.

"Alam ng pamilya niyo?"

Nakangiti siyang umiling

"Alam ko kasing ayaw mo no'n."

Tumango ako.. tama siya do'n.

"Bakit ka ba nandito? Bakit kasama mo si Arya?"

Tumingin siya sa gawi nila Arya pero hindi niya makikita dahil may mga sasakyan na naka harang.

"Uuwi ka pala hindi man lang ako sinabihan ng bakla mong kapatid"

Bigla akong napaisip sa sinabi niya.

Tiningnan ko siya nang nanghuhusga at kunot ang noo.

"Sabihin mo, may kinalaman ka sa pag bakla baklaan ni Mil 'no?"

Humawak siya sa batok niya at tumingin sa paligid, halatang iniiwasan ang tingin ko.

"Sagutin mo ako Cedric"

Utos ko sa kaniya

"Mag kuya ka naman, mas matanda kaya ako sa'yo ng walong taon."

Pakealam ko naman kung mas matanda siya sa'kin? Ibalibag ko pa siya.

"Sagutin mo"

"Oo na. Alam na kasi naming darating 'yong oras na mag lalayas ka. Hindi papayagan nila Lolo na umalis si Chiggy kaya pwersahan na ang ginawa namin para may mag babantay sa'yo"

Lintek na mag kapatid 'yan! Dati pa pala ako na momonitor nitong Cedric na 'to at kasabwat pa ang baklang 'yon.

"Sagutin mo na kung bakit ka nandito?"

Ewan ko ba.. hindi siya mag papakita nang walang mabigat na dahilan.

"Nag aalala ako sa inyo ni Papa, binigyan daw kayo ng assignment ng organization?"

Bakit ba napaka big deal sa kanila nito.

"Oh ano naman?"

"Kung papayagan mo ako, mag rerequest ako ng tauhang tutulong-"

"Tantanan mo na. Balak kong tahimik na tapusin ang binigay sa'kin. Tutulungan na ako ni Zimmer at Pilsamor. Hanggat kaya ko, aayusin namin 'to nang hindi kasama si Papa."

Ayokong malagay sa alanganin ang isa sa pamilya ko. Kung may dapat mamatay sa mga ganitong klaseng misyon, ako lang dapat 'yon dahil pinanganak ako para mag buwis ng buhay para sa iba.

"Hindi basta bastang kulto ang haharapin mo. 23 na pamilya na ang napapatay nila, 7 years ago until now."

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"Bakit hindi pa kumikilos ang mga opisyal? Gusto ba nilang maubos ang tao sa baryo?"

Umiling siya. Nangangamba rin ang itsura niya.

"May hinala pero walang pruweba"

Aabutin ako ng isang linggo para pag aralan ang sitwasyon sa baryo.

"Ako na ang bahala. Hindi rin ako papayag na may umaaligid sa pamilya ko na mgga mamamatay tao."

Hinawakan niya ang balikat ko

"Kailangan mong pumatay sa pag kakataong 'to-"

"Kaya kong iwasan"

"Sindikato sila"

Tinapik ko ang braso niya.

"Kung mamamatay ako dahil sa kalaban matagal na sanang nangyari. Huwag ka nang mag alala, hindi ako pababayaan ni Hans."

Huminga siya nang malalim.

"Huwag ka na kayang tumuloy"

Pfft..

Bigla kong naalala si Nina sa kaniya

"Pabalik na ako, kailangan kong mag bakasyon bago sumabak sa gyera. Mas magandang mamatay sa utos ng organization kaysa bumalik sa organization-"

"Shut up Yara"

Natawa ako sa kunot noo niyang mukha. Halatang inis sa sinabi ko.

Inipit ko nang dalawa kong kamay ang magkabilaang pisngi niya.

"Nasa'n na ang Cedric naming chubby? Bakit nag ka muscle ka?"

Nakangiting tanong ko

"I want to see you in white"

Napaka swerte ko sa mga nag mamalasakit sa'kin, hindi kasi sila nag kukunwari at makikita sa mata ang sinseridad.

"Sige pag naka burol na ako-"

"Stop mentioning about death!"

Pfft!!

Galit na siya

"Makikikain pa ako sa birthday mo kaya kalmahan mo lang. Promise babalik ako ng buhay."

Diyan lang naman siya hihinto eh kapag nangako na ako. Alam kasi niya na kapag nangako ako matutupad 'yon.

Masarap pa rin siyang asarin.

Narinig naming may papalapit sa gawi namin kaya sabay kaming tumingin sa pinanggagalingan ng mga yabag.

"Kuya Cedric.."

Bati ni Hans nang may ngiti sa labi saka nakipag man to man hug kay Cedric.

"Long time.."-Hans

"Sobrang busy eh. Ang gwapo mo ah? No wonder nagustuhan ka ni Arya"

Nahihiyang tumawa si Hans

"Plastik"

Parinig ko sa kanila saka bumaling sa iba.

Siniko naman ako ni Hans.

Napa aw ako nang walang boses.

"Pa bata nang pa bata ang itsura mo kuya Cedric.. kaya pala sabi ni Attienza may kayakap daw si Crenz na magandang lalaki at medyo bata pa."

Si Pula?

Napaka chismoso talaga niya.. gagawin niya pa akong maharot sa isip niya.

"Attienza? Ah.. right, Jhonzel Liphyo Attienza, 'yong inunder sa inyo?"

Natatawang aniya

"Hayaan mo siya napaka chismoso niya."

So sinundan pala kami no'ng kulugong 'yon dito?

Baliw na siya.

"Crenz kailangan na nating bumalik."-Hans

Tumingin ako kay Cedric, umuo naman siya

"I'm always watching you Crenz, remember that. Hindi na ako papayag na may mangyari ulit sa inyo ng mga kaibigan ko na masama."

"Oo na. Umalis na kayo"

Hinigit niya ako saka niyakap ulit.

Napangisi ako sa ginawa niya

Napaka clingy ng mga kapatid ko.

"Keep safe.. papasabugin ko ang buong mundo kapag may nangyaring masama sa'yo"

Pfft..

"Oo na.. alis na"

"Wait lang"

Kumalas ako sa yakap

"Ano?"

"Think about my proposal before, it'll help you"

Nawala ang ngiti sa labi ko. Wala pa talaga sa isip ko ang gusto niyang mangyari pero magandang option din 'yon para sakin.

"May nahanap ka na?"

Huminga siya nang malalim

"Mr. Joe really needs you right now. You don't need to do something you don't want, just take care of him because his child's slowly killing him."

Gusto kong mapag padyak sa inis.

Mga walang kwentang anak 'yon. Yaman lang ng tatay nila ang binabantayan nila.

"Kapag wala na akong choice pwede ko siyang maging option. Salamat sa pagpapaalala"

"Before you do my proposal, make sure I'll meet that rat"

Pfft..

Nag basic sign ako.

"Nag pahanda ako ng mga pasalubong at makakain niyo sa byahe at ipapasama rin ni Arya ang dalawang kotseng itim para bantayan kayo."

Gusto ko pa sana mag reklamo pero pinigilan na ako ni Hans.

"Salamat kuya Cedric- halika na"

Kumaway ako kay Ced habang hila hila ako ni Hans.

Pag dating namin sa labas ng bus nasa may hagdanan si Pula at nangangalumbaba habang nangunguyakoy.

"Bakit may imapakto diyan sa hagdan?"

Hindi ko mapigilang humanga sa itsura niya ngayong mukha na siyang tao.

Sinamaan niya ako ng tingin.

Anong problema nito? Baliw ba siya?

"Cheater ka Raya"

Ano raw? Napa buga ako ng hangin habang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Cheater? Anong sinasabi mo diyan? Player ako hindi ako cheater"

Hindi ako magaling nandaya pero masarap mandaya minsan.

Umakyat na ako. Sinipa ko siya para patabihin siya dahil napaka laki niyang harang sa daan.

Chismoso!

"Ang sama talaga ng ugali"

Rinig ko aniya nang maka layo na ako sa kanila. Bahala kayo basta maayos na ang pakiramdam ko.

Umakyat na rin silang lahat dahil sa dalang pagkain no'ng mga bodyguard.. iba talaga pag malakas sa organization.

Bumalik ako sa hinigaan ko kanina at natulog muli pag gising ko may katabi na naman ako at naka yakap pa sa'kin.

Si Sandra. Matatalino talaga 'tong mga 'to eh 'no? Alam na alam nilang hindi ako magagalit pag si Sandra ang katabi ko.

Hindi pa muna ako tumayo dahil pinag masdan ko muna ang mukha ni Sandra.

Sayang si Sandra, gusto niyang maging model o artista pero hindi pwede dahil sa katayuan niya. Kapag pinilit niya ang gusto niya maraming mamamatay na nakapaligid sa kaniya.

Dahan dahan kong inalis ang pag kayakap niya sa'kin. Pareho kami ni Sandra na hindi nakaka tulog nang walang yakap pero kapag wala na talagang choice matutulog nalang nang may sama ng loob..

Biro lang.

Pag tayo ko nakita ko sa taas si Cess at Nemi na tulog naman sa taas.

Anong oras na ba?

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras.

7pm

Nice! Mahaba haba rin ang naging tulog ko.

Hindi pa pala ako kumakain kaya kumukulo ang tyan ko.

Pag labas ko ng kwarto nakita kong papunta sa'min si Hans

"Gising ka na pala, gigisingin palang sana kita."

May dala siyang pagkain.

Loko 'to ah, gusto akong gisingin

"Ano 'yan?"

"May note sa mga dinala nila na para sa'yo. Jollibee"

Iniabot niya sa'kin

Bwiset natakam nanaman ako.

"Tara kain tayo"

Kinuha ko na 'yon.

"Sakto may kinakain akong lumpia"

Tiningnan ko ang loob saka kinuha ang note

For CYV

Napakunot noo ako.

"Hindi 'to sulat kamay ni Ced"

Tiningnan din niya

"Baka pinasulat niya lang"

Tiningnan ko nang maayos ang pag kakasulat

"Pfft.. sulat kamay 'to ni Arya"

Napa 'ha?' siya saka muling tiningnan ang note

"Baka inutos ni kuya Ced"

Sa sama ng ugali ni Arya susunod siya kay Ced? Himala 'yon.

"Basta pag nalason ako alam mo kung sino sisisihin ah"

Nginitian niya ako

"Buti nga sana kung tinatablan ka."

Pareho kaming napangisi saka umakyat sa 2nd floor.

Nag kakagulo ang mga lalaki sa taas dahil nag bobomba sila ng air bed nila. 'yan kasi sabi ni Mama eh, na mag dala ng matulungan nila, gusto rin naman nila para raw camping buti sana kung waterproof ang mga tent nila.

"Waterproof 'yan"-Hans

Ano? Paano niya nalaman ang iniisip ko?

"Alam ko na iniisip mo"

Nakangiting aniya

"Paano?"

"Minamata mo ang gamit nila kaya alam ko na 'yon"

Napa iling nalang ako.

Umupo na kami sa may mesa

"Hoy kayo diyan.. Kain tayo"

Yaya niya sa kanilang lahat. Ewan ko ba kapag lalaki, ang bibilis nilang makipag palagayan ng loob sa isa't isa pwera nalang kung karibal mo ang isang lalaki.

"Kakatapos lang namin- hi master! Gud murning!"-Jigs

Tinawanan nila ang sinabi niya.

Seryoso lang akong tumingin sa kaniya tapos bigla niya akong kinindatan.

Napaisip tuloy ako bigla.

"Tssssk.. Hoy ikaw dakilang babaero"

Tumingin ang lahat sa'kin. Ako lang ang nag iisang babae dito.

"Ako?"-Jigs

"Sino pa ba?"-JM

Tumayo si Jigs at tinuro ang sarili niya. Pinaningkitan ko siya ng mata.

Kumuha ako ng disposable na bread knife sa center table at saka patusok na sinaksak sa table kaya nabali.

Napa atras ang apat na mga lalaki namin nang bahagya.

"May kapatid akong babae at 16 years old. Maganda, Matalino, Mabait at Maagap, huwag na huwag ko lang malalaman na sinusubukan mo siyang landiin kundi puputulin ko 'yang kaligayahan mo"

Bantang sabi ko sa kaniya.

"Pwede bang ako nalang?"

Presinta ni Jhom

Kumuha ulit ako kutsilyo, tunay na kutsilyo na mukhang pinanggamit nila sa pag tatalop ng mansanas.

Gaya nang ginawa ko no'ng una inulit ko 'yon at bumaon sa mesa.

"J-joke lang hehehe"

Kabadong aniya.

Matalim na tingin ang pinukol ko sa kanilang lahat.

"Hindi ko kayo pinayagan sumama para mag hanap ng babae doon, sinama ko kayo para matuto"

Napakamot sila ng noo at ulo nila saka nag kaniya kaniya nang bulungan.

"S-syempre hindi ako ang teacher.. tss!"

Mga siraulong 'to! Aangal agad eh.

"Ayown! Dapat sinasabi nang maaga master"-Migs

"Pero pwede kayong mag hanap ng lalaki"

Saka ko sinamaan ng tingin si Migs

"Dapat pala si Migs nalang ang sumama, siya lang mag eenjoy sa gano'n-"

*Bug*

Binato siya ng kambal niya ng unan.

Sa lahat sa kanila, si Migs lang ang hindi ko talaga nakakitaan ng interes sa babae, baka nga lalaki ang gusto niya? Pero impossible..

Tumawa sila, napangiti naman ako.

"Bakla ka ba Migs?"

Diretsong tanong ko

"Ano?!"

Gulat na tanong niya.

Lumayo naman sa kaniya ang ibang mga lalaki

"Pre, kaibigan kita pero hanggang kaibigan lang 'yon"-Jm

"Pfft!"-sila

"Pakyu! Ano ba naman master? Hindi ako bakla"

Baling niya sa'kin kaya nag kibit balikat lang ako at saka inayos ang mesa at kumain.

"Biro lang 'yon, di bakla ang kambal ko. Sa totoo lang kasi- ano ikwento ko ba bal?"

Pag bibida bida ni Jigs

Siraulong Jimiel talaga 'to. Uunahan pa ang kuya niya.

"Ituloy mo na, malapit mo na nga matapos huminto ka pa"

Nag kaniya kaniya naman sila ng komento.

Kumain lang ako habang nakikinig sa kanila.

"May babaeng nagugustuhan si Migs ang kaso lang may Mahal nang iba"

Napa awwww naman sila bilang simpatya sa pagiging broken no'ng isa.

"Agawin mo, life is short so be happy"-Austin

Baliw din 'tong isang 'to.

Hindi sa lahat nang oras applicable ang mga ganiyang kasabihan.

If it'll just give a harm or pain, better not to gamble.. tss..

Malayong malayo talaga sila sa mundo ko.

Ako kasi walang nararamdaman kaya madali lang 'yan para sa'kin na sabihin.

"Iyon nga ang mahirap kakaiba kasi ang kalaban niya"-Jigs

Tumingin lang ako sa kanila habang nag aayos pa rin sila ng hihigaan nila at nag bibigay ng side comment.

Tumingin ako kay Pula na kunot noo lang na naka tingin sa cellphone niya habang nakikinig sa kanila.

"Ano ba kaagaw niya, sobrang yaman ba? Sobrang laki ba o ayaw lang talaga ng magulang no'ng babae sa kaniya?"-Mike

Umiling si Jigs habang naka tingin kay Migs na mapait ang mga ngiti.

"Kung sa magulang lang, pasado ka naman kay Tito diba 'bal?"

Tanong niya kay Migs. Nakangiti parin nang mapait si Migs habang tumatango.

"Oh? Laking points na no'n"-Austin

"Palibhasa ekis ka kay Lovely eh"-Jerick

Gigil na dinuro ni Austin si Jerick

"Manahimik ka. Nakalimutan mo atang wala ka ring girlfriend simula pa noon"

Tumingin ako kay Jerick.

Ewan ko ba, may hindi lang karaniwan akong nararamdaman kay Jerick. Iyong tipong hindi mo aakalain pero imposible, masyadong mahinhin na lalaki si Jerick para sa mga naiisip ko at saka mahina siya.

"Baka ikaw talaga ang totoong bakla"-Jhom

Nag tawanan sila

"Heh! Manahimik ka, tigilan mo na kakahanap sa babaeng nakilala mo sa states ng dalawang araw lang."-Jerick

Nag kantyawan na sila

"Tigilan niyo na 'yan"-Mike

"Oh isa ka pa-"-Jerick

"Bakit? Alam naman ng taong gusto ko na gusto ko siya ah, diba Crenz?"

Biglang kumabog nang mabilis ang dibdib ko.

Bumaling ako sa kaniya habang ngumunguya ako at saka tiningnan siya nang walang kwenta.

Kaya kong itago ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng nakaugalian ko nang itsura.

Hindi naman pwedeng malaman nilang naapektuhan ako sa mga pahaging nila dahil kahit sinong babae matutuwa kapag nag parinig nang gano'n ang isang Mike Vizarro sa'yo.

At babae ako.

"WOOOOH!!"-Kambal

"Lintek ang lakas ng loob!! *CLAP*"-Jhom

"Harap harapan!! *CLAP*"-Austin

"Nice one! Three points for Vizarro! YESSUR!"-JM

"Konting hiya nomon dyoooon!!"-Jerick

Hiyawan nila habang tumatawa. Nag sasabay sabay silang mang asar kaya ang ingay namin dito sa 2nd floor.

Humarap ako kay Hans, may mapang asar siyang ngiti nang tingnan ko siya.

Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa at pinandilatan.

"Sige, gatungan mo pa"

Bulong ko sa kaniya saka sumubo ng pagkain ko.

*Shrugged*-Hans

"Anong masasabi mo master?"-Jigs

Nilunok ko ang nginunguya ko

"Mababawasan ng magandang lalaki sa mundo kapag hindi mo pa pinaoperahan 'yan mata mo"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"-Sila

Mas lalong malakas ang tawa no'ng tatlong kulugong lalaki namin.

Si Hans naman pasimpleng tumatawa.

"Mga hunghang.. hindi ako nag bibiro.. tsk"

Bulong ko.

"Paano kung si Liphyo ang manligaw sa'yo master?"

Tumahimik silang lahat sa tanong ni Jigs.

*Tug*

Dumausdos pababa ang siko ko. Muntik ko pang mabitawan ang chicken ko.

"Bakit mo inurong ang mesa?!"

Bulyaw ko kay Hans.

Well.. hindi naman talaga niya inurong palusot ko lang 'yon para hindi nila makitang apektado ako.

Nakangising tinitigan ako ni Hans

"Mian"

Paumanhin niya.

Tinitigan ko siya ng masama.

Ito ang maganda kay Raffy at Hans, mabilis silang maka gets ng sitwasyon.

"Tumigil ka na nga sa kabobohang tanong mo Jimiel Gil Wade"

Sabi ng kambal niya

"Wow full name Miguel Gio Wade"

Sarkastikong balik niya sa kambal niya

"Ituloy mo na Jigs kung anong yung sinimulan mo"-Jm

Nag bomba si Jigs ng tatlong beses saka huminto at tumingin sa kawalan.

"To make story short 'yong karibal niya matagal nang patay"

Huminto ata ang puso ko sa sinabi niya.

Bigla akong natulala at ang lakas lakas ng tibok ng puso ko.

Napatigil ako sa pagkain at saka nag hintay sa susunod na sasabihin ni Jigs.

"Patay na 'yong karibal mo?"-JM

"Patay na pala eh-"-Hans

Huminga ng malalim si Migs at sinenyasan silang huminto muna sa pag sasalita.

"'Yong lalaking namatay parang kuya ko na siya, kaedaran siya ng kuya namin, 5 years older than me at mag bestfriend sila. Bago pa siya mamatay may girlfriend siya and about 1 and a half year younger than him. Humanga ako sa babae dahil kakaiba siyang mag alaga at puro talaga. Gustong gusto no'ng babaeng 'yon ang mga bulaklak kaya gumawa ang bestfriend ni kuya ng flower garden tapos nag pupunta sila doon kapag gusto nila ng tahimik na lugar. Until one day mag isa nalang siyang pumupunta doon at 'yong may ngiting mga mata niya napalitan ng sakit at pag luha. Nabalitaan naming namatay ang lalaki dahil pinatay siya ng isang kaibigan pero hindi ko na alam kung bakit o kung ano pang nangyari basta lumapit ako doon sa babae tapos pinapagaan ko ang loob niya tapos gustong gusto ko talaga siya at sumasaya siya sa'kin then after two years sa gano'ng sitwasyon sabi niya alam niya ang nararamdaman ko at masaya siyang nasa tabi niya ako pero hindi pa rin daw niya talaga kayang mag mahal ng iba dahil pakiramdam niya niloloko niya ang namatay na niyang boyfriend."

Nasasaktan ako sa kwento niya. Hindi mo talaga aakalain na sa likod ng mga ngiti at pag papatawa ni Migs may gano'n pala siyang kwento.

"Yung lalaki ba sikat?"-Hans

Napakuyom ako ng kamao

"Oo sikat siya at bantay sarado ng mga gwardiya-"

"Tama na"

Utos ko sa kaniya

"Ha? Bakit?"-Jigs

"Baka pumutok na 'yang airbed niyo, bomba ka nang bomba tingnan mo 'yang ginagawa mo.. chismoso"

Nagulat nalang siya sa ginagawa niya at inayos 'yon.

"Ayos lang 'yan pre, malay mo magustuhan ka no'ng babae"-Austin

"Gusto niya ako pero hindi pa siya ready. Kaya nga pakiramdam niya na nag tataksil siya dahil sa nararamdaman niya at kaya rin lumayo siya sa'kin"

Lintek.

Kinomfort nila si Migs pero dinadaan lang ni Migs sa biro ang sinasabi nila.

"Ayos ka lang?"-Hans

"Bakit naman hindi?"

"Para ka kasing mag kakasakit, uminom ka na ba ng pang sa allergy mo?"

Nilaro ko ang kutsara sa kamay ko

"Pinainom na 'ko ni Ced-"

*SKREEEEEETCH*

Bigla nalang huminto ang sasakyan namin.

"Ano na naman 'yan?"

Nahihirapang sabi ko dahil tumama sa mesa ang tyan ko at napuruhan ata ang ribs ko.

Bwiset! Ang sakit!!

Tumayo si Hans at lumapit sa'kin..

"Ayos ka lang? Sa'n masakit?"

Hinawakan niya ako pero inalis ko lang ang kamay niya.

Umakyat ang isang bodyguard

"Sorry po, may aksidente po sa labas kaya napa preno kami"

Mag bow siya sa'min

"Ayos lang kuya"

Magalang na sagot ni Jhom

Nang hindi na gaanong masakit ang buto ko ay inutusan ko sila

"Walang bababa sa inyo. Delikado sa labas"

"Teka master delikado pala bakit ka pa bababa"-Migs

Binulungan ko si Hans

"Dito ka muna at bantayan mo ang bus, walang bababa isa sa inyo."

Pinigilan niya ang braso ko

"Paano ka? Huwag ka na lumabas"

Nag aalalang aniya

"May bodyguard sa labas, si Sandra I check mo muna"

Tinapik ko siya nang dalawang beses saka bumaba pero nakasunod naman siya sa'kin.

"Bumalik ka ng buhay"

Utos niya

Nag ok sign lang ako sa kaniya at saka huminto sa may pinto

"Wag niyo silang palalabasin kahit anong mangyari. Kayong dalawa, mag bantay kayo sa labas tapos kayong dalawa bantayan niyo ang mga bata"

Tumango sila sa'kin at saka kumilos.

Dalawa ang lumabas kasabay ko pero naka bantay lang sila sa labas.

Lumapit sa'kin ang isang bodyguard

"Ma'am may car crush po kaya medyo matatagalan pa bago maka daan"

"Tumawag na ba ng rescuer?"

Tumango siya

"Yes ma'am papunta na sila. Pumasok nalang po kayo sa loob"

Tinabig ko siya palayo

"Kung pipigilan mo ko lumayo ka na sa'kin"

"Pero ma'am-"

"Huwag mo akong paulitin"

Tumango siya

"Marami po ang sugatan at isa sa kanila malala ang lagay."

Tinali ko ang buhok ko saka pinakiramdaman kung nasaan ang kabaliwan namin kahapon ni Pula at saka sinugatan 'yon.

Tiningnan ko ang daliri kong dumugo dahil doon sa sugat.

"Anong ginagawa mo ma'am?"

Gulat na sabi ng guard habang palayo kami sa bus

"Kunan mo ako ng bandage at iba pang emergency tools at pababain mo si Nemi, may alam din siya sa first aid. Bilis!"

"O-opo!"

Nag mamadali siyang umalis sa tabi ko.

Medyo mahapdi ang sugat na 'yon pero wala akong ibang pag pipilian. Makikita nilang may kalokohan akong ginawa o sugat ang makikita nila?