29

NEMI'S POV

*Tug*

*BLAG*

"Ah!"

Napahawak ako sa mukha ko nang tumama sa harang ng 2nd deck. Natutulog kasi ako tapos biglang hihinto ang bus? Tumama pa sa likod ng ulo ko ang noo ata ni Princess.

Inis na umupo ako at hinawakan ang ulo ko, gano'n din ang ginawa ni Cess habang himas ang noo niya.

"Awwww.."

Tumingin kami sa sahig dahil sa nag reklamo

"Sandra!"

Naka dapa siya sa sahig at mukhang hindi rin maganda ang bagsak.

Nag mamadali akong bumaba at tinulungan siya.

"Nasa'n si Crenz?"

Kanina bago kami matulog katabi pa niya si Crenz ah? Kaya pala tumalsik 'tong batang 'to, wala palang harang.

"Sa'n masakit Pres?"-Cess

Siniko ko siya

"Sabi ko diba huwag mong inaamo ng ganiyan?"

Bulong ko sa kaniya.

Nasuspoiled kasi si Sandra kapag ganiyan lagi ang kumausap sa kaniya, iniiwasan ko na rin ang babyhin siya.

She mouthed the word sorry

"May gasgas siya sa braso, sandali kukuha ako ng first aid"

Lumabas si Cess

"What the hell was wrong with that driver?! This is the second time!"

Muntik na akong mapatakip sa tenga ko sa lakas ng boses niya.

"Calm down, patingin muna ng sugat mo"

Winaksi niya ang balikat niya sa'kin

"What?"

"Heal the lump on your forehead first"

Irap niya sa'kin.

Kinapa ko ang noo ko.

May maliit na bukol nga kaya pala medyo makirot at mainit sa noo ko.

"I'm fine, you first before other that's the rule"

Hinayaan niya lang akong tingnan ko ang sugat niya.

"Here!"

Pumasok na si Cess kasama si Hans at saka ibinigay sa'kin ang kit.

"This is just a simple scratch so it will fade before a week"

Nilinisan ko ang sugat niya at inayos ang bandage doon.

"Done"

"Ano bang nangyari sa labas Handriko?!"

"May accident kaya medyo matitigil tayo dito."

Inayos ko ang kit

"Si Crenz? Nasa'n si Crenz?"-Sandra

"Lumabas"-Hans

"Sino kasama?"-Sandra

"Mga bodyguard sa labas"

Nag ingay ang labas kaya naalarma kami.

"Ma'am Nemi! Ma'am Nemi!"

May humahangos na guard ang lumapit sa'min

"Nasa'n si Ma'am Nemi?"

Tanong niya kay Hans since siya ang nasa may pinto.

"I'm here.. why?

"Ma'am pinapatawag po kayo ni Ma'am Crenz sa labas at mag dala raw po ng first aid"

Nice! Maganda 'to!

"Ok, ihahanda ko lang ang mga gagamitin"

Nag madali akong tumayo at tiningnan sa isang box ang mga pwedeng gamitin sa pang gagamot. Marami na akong alam sa mga paunang lunas pero nagagamit ko lang sa mga kasamahan namin kaya walang thrill.

Tinulungan ako no'ng guard na mag pack ng mga kakailanganin at saka binuhat niya na rin.

"Nemi! It's dangerous!"-Sandra

"I love it"

Sarkastikong sagot ko

"Ako nalang ang lalabas"-Cess

"No, stay here with Sandra baka may iba pang sugat si Sandra kaya I check mo ulit. Babalik kami ni Crenz don't worry"

Nakalabas na ang guard kaya lumabas na rin ako at patakbong pinuntahan ang aksidente.

Nandoon din ang iba naming tauhan at tumulong sa mga nadaganan at mga biktima na nasa loob pa ng naka baliktad na sasakyan.

Napahinto ako sa sobrang laki ng damage ng lahat. May naka helmet pa sa lapag pero duguan.

"Bloody hell.."

Hinanap ng mata ko si Crenz.

"Nasa'n na si Crenz?"

Tanong ko sa guard

Tumingin siya sa paligid at saka may tinuro

"Ayon po"

Sinundan ko ang tinuturo niya.

'Si Crenz, pero sino 'yon? Bakit parang nakikipag away siya?'

Kunot noo akong lumapit sa kanila at sa malayo pa lang dinig na dinig ko na ang sigawan nila pareho. Bago 'to, si Attienza lang ang narinig kong nasigawan niya noon.

"Doctor ako Miss kaya alam ko ang lagay niya!"

"Ah doctor ka? Kaya pala nag CPR ka taong mabubulunan?! Ni hindi ka nga marunong mag diagnose ng maayos tapos ipag mamalaki mong Doctor ka?!"

Inis na sigaw sa kaniya ni Crenz habang may lalaking naka higa sa pagitan nila. Naka hawak sa dibdib ang lalaki na parang nahihirapan na hindi mo maintindihan.

"Tao rin ako-"

"Lintek! Ano bang klase yang lisensya mo?! Papel na pang display para masabing Doctor ka?! Tumabi ka bago kita sipain diyan"

"Bars!"

Singhal ko sa narinig ko.

Masakit talaga minsan mag salita si Crenz kaya minsan ayaw rin naming nag sasalita siya eh, kasi bawat salitang sasabihin niya siguradong ikababago ng mood mo, kung hindi matatag ang loob mo baka mag suicide ka sa mga sasabihin niya dahil medyo nakaka depress nga naman talaga.

Nag mamadali akong lumapit sa kanila.

"Abot hanggang bus ang bibig mo Crenz"

Saway ko sa kaniya

"Boses 'yon.. hindi bibig"

Aniya saka ako inirapan

"Ow.. my bad"

Hinablot niya ang dala namin.

"Ano hinahanap mo?"

Tatlo kami ngayong naka tingin sa kaniya.

"Kailangan na niyang madala sa hospital!"

Sigaw no'ng lalaki.

Kwinelyuhan siya ni Crenz

"Hindi ka ba nag iisip o talagang walang laman 'yang bungo mo?! Hindi na aabot ng hospital 'yang isang 'yan!"

Pa tulak niyang binitawan ang lalaki kaya napa upo ito sa sahig. Mag patuloy siya sa pag kalkal ng mga gamit.

*Breathing heavily*

Kinakapos na sa hininga ang lalaki na para bang nag hahabol sa hininga.

Teka?! Anong gagawin ko?!

Anong ginagawa ni Crenz?

Ano ring ginagawa ng isang 'to kung Doctor talaga siya?

Ano bang ginagawa namin?!

"Papatayin mo ba siya?! Anong gagawin mo?!"

Pati ako nag panic sa kinikilos ni Crenz.

Nang hindi niya mahanap ang hinahanap niya ay nag labas siya ng balisong mula sa may sapatos niya.

"ISIPIN MONG MABUTI KUNG ANONG LAGAY NIYA! KUNG IKAW NALANG ANG DOCTOR SA MUNDO, WALA NANG MABUBUHAY!"

Sigaw ni Crenz sa kaniya at saka umalis na parang may hinahanap.

"Kuya?! Kuya?!"

Untag sa kaniya no'ng lalaki

Pinulsuhan niya ang pasyente.

Maya maya dumating si Crenz na may hawak na alak at saka ibinuhos sa balisong niya.

"Tangina?! Anong ginagawa mo?!"

Tinulak siya no'ng lalaki. Natigalgal lang ako sa ginagawa nila pareho.

Napaupo sa sahig si Crenz at nang makatayo ito ay sinipa niya ang mukha no'ng Doctor.

Sabay kaming napa atras no'ng bodyguard dahil papunta sa'min ang bagsak no'ng lalaki.

Hinagis ni Crenz sa kaniya ang wallet niya at hindi ko alam kung bakit.

"Wala kang kwentang doctor"

Seryosong sabi ni Crenz at saka binuhusan ulit ng alak ang kutsilyo niya.

"Crenz anong gagawin mo?"

Kabadong tanong ko.

"Humanap ka ng tube diyan"

Utos niya sa'kin

"I swear I'm gonna sue you!"

Sigaw sa kaniya no'ng lalaki

"Sige.. kung sa'n ka masaya"

Humanap ako ng tube na sinasabi niya pero walang tube doon.

"Walang tube.. hintayin nalang natin ang ambulansya Crenz!"

Kinakabahan ako sa mga ginagawa niya.

"Hoy anong ginagawa mo?!"

"Crenz!"

Sinira niya ang damit no'ng lalaki at kinapa niya ang dibdib nito.

"Tumahimik nga kayong dalawa!"

Paano ako tatahimik kung may kakaiba siyang ginagawa.

"Kapag namatay 'yan makukulong ka!"-Stranger

"Crenz parating na ang ambulansya, alam kong mahilig ka sa thrill pero buhay na ng tao ang nakasalalay dito"

Para na akong maiiyak sa ginagawa niya.

Gustong gusto ko siyang pigilan pero hindi ko siya pwedeng hawakan kasi baka masipa niya rin ako gaya no'ng ginawa niya sa lalaki.

"Anong diagnosis mo?"

Tanong niya sa doctor habang nag hihinalo naman ang pasyente. May patuloy lang na kinakapa siya Crenz sa lalaki.

"ANO BANG GUSTO MO?!"-Stranger

"UMALIS KA DITO KUNG WALA KANG ALAM!"

Tumataas ang balahibo ko

"ANONG BANG ALAM MO?!"

"MATULOG!"

What the hell Crenz HUHUHUHU

Maiiyak ako sa ginagawa nila.

Mamamatay na ang lalaki sa sahig pero nag tatalo pa sila

"MATULOG KA NALANG KAYSA MAGING MAMAMATAY TAO KA! ALAM MO BA GINAGAWA MO?! KABATA BATA MO PA KUNG ANO ANO NA GINAGAWA MO!"

"KUNG HINDI AKO ANG KIKILOS, IKAW BA ANG GAGAWA?!"

Nag pataliman sila ng tingin sa isa't isa

"IMBES NA NANG IINIS KA DITO BUMALIK KA NA SA PINANGGAGALINGAN MO!"

Mas lalo lang nahirapan sa pag hinga ang pasyente

"WALA KANG ALAM!"-Crenz

"AT IKAW MERON?!"

"ANO BA?! MAMAMATAY NA ANG PASYENTE! DOCTOR IKAW NA ANG GUMAWA!"

Sigaw ko sa Doctor.

Tumingin sa'kin ng may pag aalangan ang lalaki

"Gawin mo na!"

Sigaw ko sa kaniya

Pare pareho kaming nag hihintay sa magiging sagot niya.

Maya maya binasag ni Crenz ang katahimikan namin.

"TINGNAN MO! WALA KANG ALAM!"

"TIGILAN MO NA KAKASABI NG WALA AKONG ALAM!"

Konti nalang papatulan na si Crenz no'ng lalaki.

May natutunan naman kasi kami ni Crenz sa ganito.

Marami rin kasing Doctor ang nakapaligid sa'min kaya medyo may idea na ako sa gagawin ni Crenz.

"SIGE! ANONG DIAGNOSIS MO SA PASYENTE?!"

"TIGILAN MO NA!"

"WALA KANG KWENTANG DOCTOR!"

May hinahanap siya sa gilid ng dibdib at hindi ko alam kung ano 'yon pero may kutob akong may hinahanap siyang perfect spot.

"May pneumothorax siya"

Bulong niya sa sarili niya.

Crenz please stop it!

Ang bibilis ng mga sagutan nila.

"Ano? Pneumothorax? SINO KA BA SA TINGIN MO?!"

"DOCTOR AKO! Don't ask me who I am if you still want to wear your gown!"

'DOCTOR AKO!'

'DOCTOR AKO!'

'DOCTOR AKO!'

'DOCTOR AKO!'

'DOCTOR AKO!'

'DOCTOR AKO!'

Napanting ata ang tenga ko.

Ano raw siya? Mali lang ako ng pag nakarinig diba?

Ano raw siya? Doctor siya?

HAHAHAHAHAHA

Anong kalokohan 'yon? Si Crenz? Doctor?

Parang hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi dahil sa pagka bigla.

Si Crenz ang tipo ng taong masama ang ugali at walang galang pero hindi sinungaling.

Tiningnan ni Crenz nang mabuti ang katawan ng pasyente at akmang hihiwaan na niya pero nanginig ang kamay niya.

"Wo-woah!"-Stranger

May sugat pa si Crenz at hindi pa rin maayos ang lagay niya simula no'ng nabaril siya kaya siguro nangangatog pa siya.

Mariin siyang napapikit at hinawakan ang kamay niyang nanginginig.

Tagaktak na ang pawis niya.

"Jebal"

(Please)

Bulong niya habang nakapikit nang mariin.

Dumilat siya at kinalma niya ang kamay niya sa pamamagitan ng tatlong beses na pag ikot ng dalawang kamay niya.

Huminga siya ng malalim at bumuga nang malakas.

Gamit ang kutsilyong hawak niya hiniwaan niya ang lalaki matapos niyang buhusan ng alak ang kinapa niya sa may ribs nito.

"Hindi ako naniniwalang doctor ka?!"

Seryoso lang na naka tingin si Crenz sa ginagawa niya. Maya maya tumingin siya sa'min

"Akina 'yang ballpen mo"

Kalmadong utos niya sa lalaki.

"Ano?!"

"Akina!"

Siya na mismo ang humablot sa ballpen no'ng lalaki at tinanggal ang naka paloob sa tube ng ballpen at binuhusan din ng alak ang ballpen case.

Tama nga, pwedeng gamitin 'yon.

Kinikilabutan ako sa mga nakikita ko.

Ibang tao 'tong nasa harap ko ngayon.

Hindi ito ordinaryong tao.

Parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba.

"Sinabi ko na sa'yong Doctor ako, may lisensya ako"

Aniya habang patuloy na inaayos ang ginagawa niya.

Nanginginig ang mga kamay na dinampot no'ng lalaki ang wallet na binato kanina ni Crenz.

Lumapit din ako doon.

Nilabas no'ng lalaki ang isang ID at..

Sabay kaming tumingin kay Crenz.

*Ambulance serin*

Lumapit siya sa tube at hindi ko alam kung hinipan niya ba ang tube to hinugop basta lumapit siya doon.

May lumabas na dugo sa tube at maya maya ay naka hinga ng maayos ang pasyente.

Tindig na tindig pa rin ang balahibo ko sa ginawa niya at sa nalaman ko ngayon.

Tumayo si Crenz at tumingin sa lalaki.

Kinuha ni Crenz ang wallet niya at lisensya niya.

"Emergency patient 'to kaya unahin mo siyang dalhin sa hospital"

Seryosong sabi niya sa lalaki.

Kumapit ang pasyente sa paahan ni Crenz

"S-salamat po"

Halos pa bulong na aniya pero naka poker face pa rin si Crenz.

"Mag pagaling ka"

Utos ni Crenz sa pasyente at saka umalis.

Gano'n din ang ginawa no'ng doctor na lalaki umalis din siya para sabihan ang mga nasa ambulance.

Sinundan ko si Crenz sa kung san-san at naging assistant niya sa pang gagamot. Nanginginig siya pero titigil lang siya saglit at babalik din. Bukod sa pag tatanggol sa'min at sa pag tulog wala na akong ibang alam pa tungkol sa kaniya. Tahimik lang ako buong oras ng pang gagamot namin dahil hindi pa nag sisink in sa utak ko ang mga nangyari.

Doctor siya at hindi mahina ang utak niya.

Bakit nag papanggap siya?

Ano pa bang tinatago niya?

Matapos naming tulungan ang mga nangangailangan doon ay sabay kaming nag lakad pabalik sa bus.

Habang nag lalakad kami huminto siya

"Anong iniisip mo?"

Kinabahan ako sa tinanong niya

"A-ano? H-ha?"

Hinawakan niya ang wrist ko at tinaas hanggang sa balikat namin pareho

"Viennemi Larson, 3rd year college and nursing student. Hindi ko alam kung bakit huminto ka pero alam kong may dahilan ka. Gaya mo may dahilan din ako para itago ang mga nalaman mo ngayon, pero hindi ibig sabihin no'n nag sinungaling ako."

Sasabog na ata ang puso ko.

Iba iba na pinuproduce ng Endocrine glands ko dahil halo halo ang nararamdaman ko.

Binitawan niya ang kamay ko kaya lupaypay lang 'yon sa gilid ko. Nang hihina ata ako.

Naka tingin lang ako sa kaniya saka napaluhod sa harap niya.

"NEMI.. anong ginagawa mo!"

Mariing aniya

"Hindi ko alam, sorry hindi ko alam"

Naiyak nalang ako sa kaba, takot, saya at pangamba

Pinantayan niya ako.

"Tumayo ka na, huwag kang gumawa ng eksena dito.. nakikita tayo ni Sandra"

Tumingin ako may bus at halos lahat nga sila ay nakatingin sa'min.

"Anong gagawin ko?"

Kabadong tanong ko.

"Wala kang gagawin, maging normal ka lang nang gaya ng dati."

Pero natatakot pa rin ako.

"Walang makakapanakit sa inyo hanggat nandito ako"

Napahagulgol ako ng iyak dahil sa kabang nararamdaman ko at niyakap niya lang ako.

"Wala ka muna sanang pag sabihan kasi kapag nalaman nila mag iiba rin sila ng pakikitungo sa'kin gaya mo."

Tumango ako.

Umalis siya sa pagkakayakap sa'kin at saka pinunasan ang mukha ko.

"Huwag kang umiyak baka pumangit ka"

Tumayo siya at iniabot sa'kin ang kamay niya.

Tiningnan ko 'yon. Nag dadalawang isip ako kung tatanggapin ko.

"Ako si Crenz Yara Vilarde kaya wala kang dapat ipangamba Nemi"

Nanginginig na inabot ko ang kamay ko sa kaniya at saka tumayo.

"A-alam ba ni Hans?"

Tumingin siya sa likod at saka tiningnan si Hans

"Walang nakaka alam sa inyo"

Hinila niya ang wrist ko at nag mamadaling nag lakad

"Teka, may nakaharang pa naman na nga sasakyan kaya huwag kang mag madali"

"Hindi pwedeng mag mabagal dahil 'yong Jollibee ko sa taas hindi ko alam kung lumipad din ba"

Napangiti ako at saka natawa at nag patianod nalang sa hila niya.

CRENZ'S POV

Pag pasok namin ay nilapitan agad nila Sandra si Nemi.

"Why did you cry?"

Pinunasan ni Sandra ang mukha ni Nemi ng wipes.

"Naawa lang ako sa isang pasyente sa laba-"

Hindi ko na sila pinakinggan at umakyat sa taas.

Naabutan ko si Pula doon na nag lilinis. Nakita ko ang chicken ko sa mesa kaya napangiti ako at kinuha 'yon para kainin.

"H-hoy! Sandali!"

Pakagat na sana ako nang pigilan niya ang kamay ko.

Nakanganga akong humarap sa kaniya

"Ano ba?"

Naiiritang tanong ko

"Huwag mo na kainin 'yan, nahulog na 'yan kanina"

Nanlulumong tumingin ako sa manok

"Ayos lang, sanay ako sa hirap"

Kakagatin ko na sana ulit pero pinigilan niya ang noo kong lumapit doon sa manok.

"I don't care if you've grown up in filthy place but good health is a must so-"

Kinuha niya ang manok ko sa kamay ko.

"Manok ko.."

Naaawa ako sa manok na mukhang itatapon na niya.

Lukot ang mukhang parang gusto kong tumutol sa ginagawa niya.

"-this must be thrown out"

"Huwag! Ayokong may nasasayang na pagkain kaya ibalik mo na yan sa'kin"

Nakangiting sabi ko sa kaniya

Nilapit niya ang mukha niya sa'kin kaya halos maduling ako sa lapit niya.

"In your dreams"

Bulong niya saka humarap sa likod at

*Shoot!*

Pumasok 'yong manok sa basurahan.

Tiningnan ko siya nang sobrang sama

"Tandaan mong gugutay gutayin din kita at itatapon sa basurahan! Tandaan mo 'yan!"

Nag bago bigla ang ekspresyon niya at napalitan ng takot.

Marahas niya akong pinatalikod at saka may tiningnan sa likod ko.

"Anong ginagawa mo?"

Hinawakan niya ang batok ko.

"Anong ginawa mo?!"

Doon ko lang naalala ang sugat ko sa batok.

"Wala akong choice-"

"Fuck! Sandra! Nemi!"

Lumagabog paakyat ang mga paa nila. Parang nag uunahan sila sa pag akyat.

"What?!"-Sandra

"Anong nangyari?!"

Nag mamadaling lumapit sa'kin si Nemi at tiningnan din ang tinutukoy ni Pula

"Kukunin ko lang 'yong kit"

Ano ba? Simpleng sugat lang 'yon.

"Umupo ka muna Crenz"-Hans

Pinaupo nila ako

"Ano ba? Ayos lang ako, huwag niyo ako dumugin para akong hindi makahinga"

Nangangatog na hinawi ni Hans ang mga lalaki.

"Layo muna, layo"

Nababaliw na ba sila?

"Simpleng sugat lang 'to-"

Natahimik ako nang lumapit si Pula kay Nemi na nag mamadaling may hinanap sa loob.

Parang nahuhulaan ko na kung ano ang hinahanap niya.

"Gio lapit"

Kabadong untag ko kay Migs

"A-ako?"

"Lumapit ka na!"

Mariing ani ko. Hindi na mapakali ang mga paa ko.

"B-bakit ako?"

Lumayo lalo si Migs.

Inaantabayanan ko ang ginagawa ni Pula no'ng tumigil siya sa pag hahalungkat alam ko na nakuha na niya ang hinahanap niya.

Tumayo ako at nang hila nalang ako ng kahit sino dahil naka tingin ako sa gawi ni Pula eh kaya hindi ko nakita kung sino ang hinila ko.

"H-hoy! Ibaba mo 'yan!"

Nag tago ako sa likod ng hinila ko at pinaharap sa kaniya si Pula na papalapit na sa'kin.

"WOOOOH.. Crenz- ahk.. nasasakal ako"

Sa boses niya si Austin 'yon.

"Itago mo muna ako sa malupit mong kaibigan"

Bulong ko sa kaniya.

Narinig kong napasinghal siya ng tawa.

Tinawanan din kami ng iba.

Hindi pa rin nawawala ang trauma ko sa ginawa niya sa sugat ko no'ng kinidnap kami. Dahil may kirot pa rin ang balikat ko ngayon pakiramdam ko ramdam ko pa ang hapdi ng pag lagay niya ng alcohol sa sugat ko.

"Kailangan linisan ang sugat mo"

Mariing aniya

"O-oo nga.. oo.. pero si-"

Tumingin ako ng pwedeng gumamot sa'kin, si Nemi, kambal at Cess lang ang nakikita kong pwedeng makagawa pero ayokong mag pahawak ngayon.

"-si Nemi nalang"

No choice ako, kung siya lang ang hahawak sa'kin lalo lang sasakit ang sugat ko.

Mas lalo kong hinigpitan ang kapit ko kay Austin nang tangkain niyang lumapit.

Nakahawak ako sa likod ng t-shirt niya habang siya ay tumatawa at nag papadala sa pag hila ko sa kaniya.

"Jhonzel, sundin mo siya dahil ako ang nahihirapan sa inyo."

"Pfft.."-sila

Sumilip ako mula sa balikat ni Austin at nakita kong kunot na kunot ang noo ni Pula tapos ang mga siraulo kong kaibigan nag ngingisian.

"Lumapit ka na dito Raya"

Utos niya sa'kin.

Mabilis akong umiling.

"Alcohol lang 'yan Crenz-pfft.."

Bulong sa'kin ni Austin

"Talupan kaya kita tapos lagyan ko ng alcohol sugat mo"

Banta ko sa kaniya.

"Joke lang pala"

"Ayusin mo nalang pag tayo mo diyan."

Utos ko sa kaniya

"Say please master"

Teka? Ano raw?

"Anong please master? Gusto mong upakan kita?"

May mga toyo 'tong mga kasama ko.

"Teka? Ano 'yan?"

Hinablot ni Hans ang braso ko at tiningnan ang bulsa ko.

'yong balisong na ginamit ko sa pag hiwa doon sa lalaki.

"Ano 'to?"

Kabadong sabi ko at binitawan si Austin. Kinuha niya ang kutsilyo at tiningnan nang maayos.

"Amoy alak? Ba't may dugo 'to?"-Hans

Walang emosyon lang akong tumingin doon pero sa loob loob ko ay kabado na ako.

Nabablangko ako ngayon dahil naalala ko nanaman ang ginawa ko kanina.

Natulala nalang ako.

Hindi ko gustong gawin 'yon kaya lang hindi ko rin gustong may mamatay sa harap ko kahit alam ko namang may magagawa ako.

"Sa lalaki 'yan kanina.. may tumaob kasing sasakyan doon tapos hindi maalis ang seatbelt niya. Nahanap 'yan ni Crenz kasama ang basag na bote ng alak at ginamit namin para pantanggal ng seatbelt tapos hiniram no'ng duguan na lalaki sa loob no'ng tumaob na sasakyan dahil ang kasama niya sa loob ay hindi rin makaalis."

Tumingin ako kay Nemi sa sinabi niya.

"Dapat tinapon niyo na"-Hans

Kinuha ko ang balisong ko sa kaniya. In case of emergency ko 'yon eh

"Alam mong gusto ko ang mga matutulis na bagay"

I don't know but I like the sound of violence and I like sharp and pointed things.

Kapag nahahagip ng mga pandama ko 'yong mga 'yon pakiramdam ko kumakalma ako.

Sorry ah.. ganito kasi ang nabuo kong mundo.

Pinalapit ako ni Hans sa kaniya at umarteng may ibubulong kaya lumapit ako

"Sundin mo ako ngayon kundi matatakot sila sa'yo"

Tumingin ako sa limang kasama namin.

Syempre ayoko namang matakot sila sa'kin 'no.

"Sige.. itapon mo na"

Napaupo nalang ako sa upuan at saka na tulala.

*Pssf*

Teka? Amoy alcohol.

Doon ko lang naalala ang lagay ko.

Dahan dahang humapdi ang sugat ko sa batok

"ATTIENZA!!"

Hinawakan ko ang sugat kong kumikurot at hinabol siya.

"Tatapyasan kitang bwiset ka!"

Tumakbo siya at nag tago sa likod ni Sandra.

Diyan pa talaga siya nag tago ah?

Bukod sa'kin, si Sandra ang isa pa niyang kabangayan.

"Get off me!"

Hindi siya pinakinggan ni Pula at nag tago lang sa likod niya.

"Hey.. stop that, halika na dito Crenz may pag uusapan tayo"

Hinila na ako ni Hans pero galit pa rin akong nakatingin kay Pula at pinag babantayan siya tapos nag bangayan na ang dalawa.

Bumaba kami ni Hans habang hawak niya ang first aid kit.

Pinaupo niya ako.

"Let me see"

Tumalikod ako sa kaniya.

Sabi ko nga no'ng una, ayokong may humahawak sa'kin pero kung importante sa'kin at mag bebenefit ako ay ayos lang

"How did this happen?"

"Nakamot ko no'ng may nakilala akong Doctor kanina sa labas. Wala siyang alam at mali mali ang diagnosis niya."

Reklamo ko

"Mag pupulis ka diba? Bakit nakikialam ka sa trabaho ng Doctor?"

"Tss! Mamamatay ang pasyente sa kaniya. Alam mo namang ayokong may namamatay sa harap ko. May alam naman ako kahit papaano sa first aid-"

Huminga siya nang malalim

"Sa susunod huwag mo na silang pakealaman. Hindi pwedeng mapahamak ka kaya huwag mo silang pakelaman. Mag uundergo pa sa surgery si Tita kaya huwag mong hayaang madawit ka sa problema ng iba."

Napabuntong hininga ako

"Bakit? Bukod kay Mama, bakit?"

May dinampi siya sa sugat ko

"Dahil gano'n ka Crenz, hindi ka nakikialam sa iba dahil ayaw mo ring may nangingialam sa'yo. Nakalimutan mo na ba ang sarili mong patakaran?"

Oo nga pala.. Tama siya, gano'n nga pala ako.

Pero bakit pakiramdam ko nag babago ako?

Hindi ako pwedeng nag bago dahil magiging selfish ako.

"Oo na.. tatandaan ko"

Mabuti nalang naayos agad ni Hans kundi sobrang hahapdi 'to.

"Anong sabi ni kuya Ced?"

"Binanggit niya ang dating plano"

Humarap ako sa kaniya matapos niyang tapusin 'yon

"Plano? Kanino naman?"

Nag kibit balikat ako. Hindi ko rin alam kung kanino.

"Huwag mo nang isipin 'yon. Gagamitin ko lang 'yon kapag urgent na talaga. Ayoko ngang may nag nag uutos sa'kin sa mga dapat kong gawin."

Umupo siya nang maayos medyo maingay na sa taas dahil nag simula na naman ata ang kambal ng kaguluhan.

"Si Ryker"

Bumaling ako sa kaniya nang marinig ko ang pangalang 'yon. Kumabog nang mabilis ang puso ko.

"Hindi ako ang sisira sa buhay ni Ryker 'no. Hindi.. hindi si Ryker"

"Paano kung siya ang lumapit sa'yo para sa bagay na 'yon?"

Natahimik ako bigla.

Napapadalas na ang nararamdaman kong kakaiba sa puso ko. Para akong kinikiliti.

"Ayoko pa rin"

Pero baka mag bago 'yon 'pag kaharap ko na siya.

"Isa nalang ang choice mo"

Kunot noo akong bumaling sa kaniya

"Sino?"

"Attienza"

*Rapid heartbeat*

Maisip ko palang parang nag wawala na ang sistema ko.

"Ayoko na siyang madamay"

"Matagal na siyang damay, pag dala mo palang sa kaniya sa org, damay na siya."

Pero ayoko na dagdagan pa

"Ayoko muna pag usapan at pag isipan."

Tumayo siya.

"Tara akyat na tayo sali tayo sa laro nila."

Sumunod ako sa kaniya pero naiisip ko pa rin ang last suggestion niya.

Hindi..

Ayokong si Pula 'yon at ayoko ring si Ryker. Hindi talaga.. ayoko muna!

"Game! Math lang pala eh."-Jigs

Inirapan siya ni Nemi

"Ok.. 3 players per team then apat na grupo ang mag lalaro, ang matalo may parusa at bawal KJ"-Nemi

Anong nilalaro nila?

"Ano 'yan?"

Tanong ni Hans kay JM

"Ah.. find candlier"

Ano raw?

Anong Candlier?

"May laro bang gano'n?"-Hans

"Mag bibigay siya ng product then tayo hahanap ng multiplier and multiplicand. Bawal gamitin 'yong 1-10 as multiplier."

Lintek na math 'yan.

Bakasyon na tapos paduduguin pa nila utak nila?

"May 1 minute lang kayo para mag brainstorm, ang pinaka malapit sa final answer 'yon ang mananalo"

Nakangiti sabi ni Nemi.

"Teka! Lugi kami kay Mike, Jhonzel, at sayo. Dudurugin niyo lang kami."-Jm

Reklamo niya.

"To be fair hindi kayo pwedeng maging team. Kayo na mauna.. teka sino 'yong isa?"-Sandra

Bahala kayo diyan, gusto kong humanap ng makakain dahil masama ang loob ko.

"Si Crenz!"-Cess

Napatigil ako sa pag hakbang nang marinig ko ang pangalan ko.

"Si master? HAHAHAHA.. Sige ba! Alam na kung anong kalalabasan"-Jigs

ABA tarantado 'to ah!

Napangisi ang iba.

"Gusto mo na ba mamatay?"

Maangas na tanong ko sa kaniya.

"Joke lang hahaha"

Alam ko namang minamaliit nila ako.

Mga siraulo!

Kumuha ako ng candy

"Kukuha na ako ng bunutan tapos kada team captain bubunot ng dalawang nakakasama. Remember na isang grupo lang ang matatalo dito. Ang pinaka malayo ang sagot. 5 set lang"-Cess

Nirumble niya 'yon sa kamay niya at pinabunot muna si Nemi.

"Austin and Hans"

Pumalakpak sila at nag sigawan.

Paniguradong ngayon hinihiling na nilang hindi sila mapunta sa'kin.

Kinuha ni Cess ang mga cellphone namin para raw walang dayaan.

Tama lang 'yan.. huwag kayong mapupunta sa'kin dahil tinatamad ako.

"Sandra and Migs"-Pula

At ayon nga nag bangayan ulit sila. Ang hirap nilang pag samahin minsan dahil pareho sila ng takbo ng isip at kapag nag desisyon sila pareho mukhang gulo lang ang resulta no'n.

Bumunot na si Mike

"Jigs and JM"

Nako disaster na grupo.

Pag bunot ni Mike ay umalis na si Cess dahil syempre dalawa nalang naman ang tira sa kanila, si Jerick at Jhom.

Si Jhom ang pinaka unang sinumpa ko sa kanila at hindi ko makakalimutan 'yon habang si Jerick naman ang pinaka baby ng grupo nila. Hindi mahirap tandaan ang grupo nila dahil may kaniya kaniya silang highlight.

Jhom- malakas mang asar

Austin- taga tawa at gatong sa asar

Mike- simpleng siraulo lang

Jerick- mukhang inosente pero nakikitawa

Pula-

Pass na kay Pula dahil demonyo na 'yon kaya sobrang daling maalala.

"Ok! Let's start!"

Lumapit sila sa kaniya kaniya nila grupo.

Umupo lang ako at nag cross arm at pumikit.

Narinig ko ang pag lapit no'ng dalawa.

"Ako bahala sa inyo"

Bungad ni Jhom pag lapit sa'kin.

"Yabang mo"-Jerick

"Oh bakit? Nakalimutan mo bang mataas ako sa math lagi"

"Syempre nangongopya ka"

"Pfft!"

Bigla akong natawa do'n.

Hinilot ko ang nose bridge ko habang naka ngiti.

"Boss.. huwag kang mag alala, ako bahala sa'yo"-Jerick

Kumuha sila ng upuan at humarap sa'kin.

"Wow.. ang popogi niyo ah"

Nahihiyang napakamot si Jerick sa batok niya habang si Jhom proud na proud.

"Pwede mo akong ligawan kung type mo 'ko, hindi bago sa'kin 'yon"

Kinindatan ako ni Jhom

*Bug*

May tumama sa ulo ni Jhom

"Ahck.."

Tumingin siya sa naka gawa no'n

"Sorry.. tinulak ako ni Migs"-Pula

Nasiko niya kasi ang ulo ni Jhom

"Haist mag ingat naman kayo"

Nag sorry ulit si Pula ng walang boses.

Ngumingisi naman si Jerick sa gilid namin.

"Balik tayo Crenz.. as you know I'm still single and walang sabit so- AWW!"

Napangiwi ako sa sigaw niya dahil ang mukha niya ay halatang nasaktan talaga.

"Hala sorry dude.. hindi ko nakita ang paa mo"-Mike

Lumakas ang bungisngis ni Jerick.

Naguguluhang tumingin sa tumatawa at sa nag sosorry.

"Hi Crenz"

Kaway sa'kin ni Mike

"Hi"

Naguguluhang bati ko tapos umalis na siya

"Ayoko na! Ang sasama nila.. wag mong sasagutin kung sino man ang manligaw sa kanila dahil masama ang mga ugali nila"

Parang batang nag susumbong sa'kin si Jhom

"Ano ha? Popormahan mo pa eh alam mo naman sitwasyon nila"-Jerick

Ano raw? Anong sitwasyon?

"OK GUYS LET'S START!"-Cess

Binigyan ang bawat grupo ng dalawang papel at isang ballpen.

Isa sa pag compute at isa sa sulatan ng final answer.

"Here's the product!"

Tinaas niya ang papel

4,459

"Timer starts now!"

Nag timer siya sa phone niya.

Tumingin sa'kin 'yong dalawa.

"Huwag niyo akong asahan. Nasa lower section ako"

Pumikit ako at humilig sa mga bintana.

Nag simula silang mag usap.

"May alam ka sa math dude?"-Jhom

"Wala hehe.. plus at minus alam ko. Bakit kasi ganito ang laro na trip nila?"-Jerick

"Anong isusulat ko dito?"

Napabuga nalang ako ng hangin at saka kinuha ang papel ng final answer.

"Boss nanghuhula ka?"

Nag sulat ako doon.

"Ang mahalaga may sagot tayo"

Tumingin lang sila sa'kin

7³x13

Pag tapos ko 'yon isulat biglang nag time na

"Ok! Lahat ng unang sagot dito na ilagay"

Tumayo ang isa sa mga grupo at nilagay sa mesa ang sagot nila.

Pinunit ko ang piraso ng papel na sinulatan ko at niroll 'yon.

"Boss ayokong maparusahan. Ano 'yong sinagot mo do'n?"

"Hindi ko alam. Ang mahalaga lang naman ay hindi blangko ang papel na binigay niya."

Nag bigay ulit ng product si Cess at ako lang ang nag sagot sa'min.

Kabadong kabado ang dalawa dahil ako ang may hawak ng ballpen.

Napansin kong tinatawanan naman kami nang iba.

Napanguso nalang ako.

Nang matapos ang laro ay nag tatawanan na sila.

"Uy patingin ng solutions niyo"

Untag sa'min ni Migs

"Oo patingin"-Jigs

Napabuga nalang ako ng hangin at saka pumikit.

Ako lang naman ang nakakaalam ng pinag susulat ko doon dahil habang nag sasagot ako nag uusap lang si Jhom at Jerick sa tabi ko.

Tinaas ni Jhom ang papel na 'yon

"Gago HAHAHAHA! Ano 'yan? Nanghula ba kayo?"

Pinag tawanan nila ang papel na 'yon.

"Alam niyo ba ang parusa? Pahihirapan namin kayo"

Bigla akong napa tayo

"Pwede bang baguhin ang sagot"

Tanong ko kay Cess

"Woy madaya!"

"Bawal!"

Nag protesta sila

Umupo nalang ako.

"Sayang gusto ko pa naman malaman kung anong klaseng pahirap"

Bulong ko

Nang asar pa talaga ng sobra ang kambal sa grupo namin at pinag paplanuhan na ang pag papahirap na gagawin.

"100 push up and 10 mins plank" masayang sabi ni Jigs na ginatungan pa ni JM

"Ang ingay niyo"

Reklamo ko.

Kunot noong ako tumingin sa kanila

"Tama na 'yan may result na"-Cess

"Oh result na! Master tumayo na kayo"

Pairap akong tumayo at yung dalawa naman pakamot kamot lang ng ulo. Para silang pinag sakluban ng langit at lupa.

Nakatingin sa'min ang lahat.

"Ito na ang result"

Pinigilan ko si Cess mag salita

"Sandali"

Hinarap ko ang dalawa

"Ano pang hinihintay niyo? Mag warm up na kayo"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA.."-sila

Tiningnan ko si Cess na pangisi ngisi lang

Nag simula mag mag warm up ang dalawa.

"Anong warm up yan? Mali 'yan dapat ganito"

Pinasway ko pa kaliwa ang kamay ko at gano'n din ang kanan ko at yung paa ko inexercise ko rin mula sa likod pa harap.

"Gano'n dapat"

Turo ko sa kanila at ginaya naman nila.

"Ayan tama 'yan"

"Ang ganda ng exercise niyo ah"-Jigs

Tinawanan nila kami

"Tss.."

Singhal ko sa kaniya

"Kukunin ko na ang parusa ni Crenz"-Mike

Ano?

"Ayiiieeeh"

Hindi makapaniwalang hinarap ko si Mike habang ang iba ay inaasar na kami.

"Masyado niyo naman akong minamaliit- Cess game na"

Tumahimik ang lahat

"Winner natin ay ang grupo ni-"

*Drum roll*

"Panalo ang grupo nila Jhom"

Napanganga ang lahat.

Malapit na rin naman ako sa katotohanan bakit pa ako mag tatago?

"I double check mo Cess"-Jigs

"Ilang beses ko na rin chineck pero grupo niyo talaga ang talo"

"HAHAHAHAHAHA ANG BILIS NG KARMA!"-Migs

Lumapit ako kay Mike

"Ano 'yong sinasabi mong sasaluhin mo ang parusa ko? Sana sinalo mo muna ang kagrupo mo"

Bulong ko sa kaniya

Nag tatatalon sa tuwa si Jhom at Jerick

"C'mon boys 10 mins plank muna then 100 push up 5 sets!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"-sila

Nangunguna sa lakas ng tawa si Migs

"Master joke lang naman 'yon"

Paawa ni Jigs

"Hindi ako mahilig mag joke eh pero marunong naman akong mag sorry kaya pasensiya ka na. KILOS NA!"

"WOOOOOOH!!"

Habang ginagawa nila 'yon ay pinag lalaruan sila ng mga nanalong grupo. Hindi na ako nakigulo sa kanila at nanood nalang sa isang tabi.

"Nilalabas mo na ang totoong ikaw?"-Hans

"Hindi pa"

"Eh 'yong kanina?"

"Hula ko lang 'yon"

Nginisian niya lang ako.