30

CRENZ'S POV

Tulog na ang karamihan dahil 11 pm na

Umakyat ako sa pinaka bubong ng bus.

Safe naman dito dahil may railings doon na pwedeng kapitan. Para din siyang pwedeng lagyan ng mga gamit na malaki.

Alam ko naman sa sarili kong hindi ako makakatulog ngayon.

Humiga ako sa doon.

Wala naman na silang poproblemahin sa hihigaan eh. Lahat ng upuan sa baba pwedeng maging higaan dahil nabababa ang sandalan no'n at parehong may double deck sa 1st at 2nd floor at smooth naman ang byahe.

Nilanghap ko lang ang malamig na simoy ng hangin.

November na sa susunod na araw.

"Sabi ko na ikaw nandito"

Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang nag salita.

"Bakit hindi ka pa tulog?"

Umakyat si Hans papunta sa tabi ko at humiga rin siya.

"Kasi gising pa ko"

"Tsk!"

Natahimik kami pareho at tumingin lang sa mga bituin.

Pumikit ako para damhin ang malakas na hangin.

"Nag research ako sa gagawin natin. Nag rerecruit sila ng tao kapalit ang pera at sumasamba sila sa ulo ng baboy"

Ano?

"Yuck.. kadiri naman"

Tumawa siya ng pagak

"Nag tanong din ako kay Darwin"

Dumilat lang ako habang pinoprocess ang sinasabi niya.

"Sabi niya may usap usapan daw na ang tumiwalag sa kulto ay pinapatay ang pamilya at 'yon daw ang dahilan ng pag patay"

Huminga ako nang malalim

"Bakit ba nakikialam si Darwin sa bagay na 'yan?"

"Ayaw niya lang na may mapahamak sa inyo kaya nakikibalita rin siya sa iba para na rin may alam siya."

Naiintindihan ko naman siya pero ayoko ring mapahamak siya

"Salamat sa information pero ayoko munang pag usapan ang gagawin doon."

"Hindi mo ba namimiss ang Mama mo?"

Nasasaktan lang ako kapag naaalala ko siya

"Sino bang matinong anak ang hindi makakamiss sa nanay niya? Paniguradong nag aalala pa rin 'yon."

Natahimik kami saglit.

"Bababa na 'ko"-Hans

"Geh.."

Dahan dahan siyang nag lakad at bumaba mula dito.

Medyo maginaw na dito kaya kailangan ko nang bumaba pero tinatamad ako.

*BLAG*

May tumabing sa mukha ko at medyo nakakabwiset 'yon.

"Aw!"-siya

Napaupo ako habang inaalis ang bagay na 'yon sa mukha ko. Tumingin ako sa taong nag bato sa'kin no'ng jacket.

"Ano ba?"

Nag kakamot lang siya sa ulo niya dahil mukhang tumama 'yon sa kung saan.

Hirap na hirap na umakyat si Pula dito.

"H-hoy! Ano ba?! Kumapit ka siraulo!"

Ako kinakabahan sa ginagawa niya dahil umakyat siya tapos hindi man lang kumakapit dahil naka hawak ang kamay niya sa ulo niya.

"Teka naman! Ansakit bwiset!"

Napaka tanga amp.

"Tanga! Bumaba ka nalang bawal tanga dito!"

"Bakit nandito ka?!"

-_-

"Common sense naman! Syempre hindi ako tanga. Bababa ka o sisipain kita pababa."

Gumapang siya papunta sa'kin kaya wala akong choice kundi ang alalayan siya.

Kingina ako dapat ang inaalalayan sa ganito eh.

Pero dahil bakla nga pala siya hindi na ako mag tataka pa.

Umupo siya sa gilid ko paharap sa'kin.

*PAK*

Hinampas ko ang balikat niya.

"Ah!"

Dalawa na ngayon ang hawak niya, ang ulo at balikat niya

"Bakit kailangan mong ibato 'to?!"

Singhal ko sa kaniya

"Nakita mo namang hindi na ako maka akyat ng maayos."

Reklamo niya

"Sana kasi hindi ka na umakyat!"

Gusto pa niya ng disgrasya?! Bwiset siya! Hindi ko siya kakarguhin kapag may nangyari sa kaniya.

"Sabi ko ingatan mo ang sarili mo! Paano kapag gumulong ka diyan?!"

Inalis niya ang kamay niya sa ulo at balikat niya.

"Yiiehh.. nag aalala ka sa'kin?"

"Sa sarili ko.. sa sarili ko ako nag aalala kapag may nangyari sa'yo baka mapatay pa ako ng org."

Humiga ulit ako at binalot ko ang katawan ko ng jacket.

"Grabe napaka manhid"

Bulong niya

"Naririnig kita. Wala kang aasahan sa'kin dahil may fiancé na ako"

Ani ko habang naka pikit.

"Anong fiance? Ikaw? Sinungaling"

"Nag sasabi ako ng totoo. Malapit na akong ikasal"

Sinilip ko siya at kunot na kunot ang noo niya. Sige lang mabaliw ka lang diyan

"Sino doon? Yung una o pangalawa?"

Ano raw?

Una at pangalawa?

"Ano?"

Naguguluhang umupo ako para makita siya.

"'yong kahapon o 'yong kanina?"

Napangiwi ako at humiga ulit.

Walang kwenta talaga kahit kelan.

Tumalikod lang ako mula sa kaniya

"Sino nga?"

Anong pake niya?

"Hindi ka pwedeng mag pakasal!"

Ano raw?!

Kingina neto hindi naman siya batas.

Tumihaya ako ng higa para makita siya

"At sino ka?"

"A-ako? Ako.."

Hindi napa lagay ang mata niya.

"BOYFRIEND MO KO!"

Taas noong aniya

Tss.. boyfriend amp.. sa harap lang 'yon nila Mama.

"Matulog ka na sa baba-"

"Hindi pwede.. kailangan kitang kilalanin"

"Hindi na kailangan"

"Paano kapag tinanong ako ni Mama?"

Umupo ako at hinarap siya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa sinabi niya

"Mama?"

Nag aalangan siyang tumango

"O-oo.. Mama natin.. boyfriend mo 'ko"

Natatawang napa buga ako ng hangin dahil sa hindi makapaniwala sa kabaliwan niya.

"Pinaninindigan mo talaga 'yan ah?"

"Babawian kita para mapagalitan ka ng Mama mo"

Nginisian ko siya

"Talaga lang ah.. fighting"

Tinaas ko ang kamay ko at inakto ang fighting.

"Seryoso ako.. ilang oras nalang ang meron tayo, kailangan may alam naman ako sayo kahit konti"

Sige na nga.. pag bigyan natin 'yan.. baka umiyak.

"Bukod sa pangalan ko, ano pa ang alam mo?"

"Pangalan mo?"

"Ahh oo nga pala pati pala tamang pangalan ko hindi mo pa alam"

Raya kasi tawag niya sa'kin.

"Tsk.. Crenz Yara Vilarde."

Nice! Alam niya pala!

"Bukod doon meron pa?"

"May iba ka pa bang pangalan?"

Napatampal ako sa noo ko.

Sana si Raffy at Hans nalang kausap ko para may common sense naman

"Alam mo ang bobo mo"

Pinangitan ko pa siya ng mukha dahil nakakabwiset siya.

"Alam kong si Crenz Yara Vilarde ka tapos 3rd year ka at babae ka- wait babae ka?"

Napakamot naman ako ngayon sa leeg ko dahil naiirita na talaga ako.

"Alam mo? Bumaba ka na baka matadyakan lang kita.. Sige na habang mabait pa ko.. dali"

Mahinahong ani ko.

Hihiga na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Teka.. nag effort kaya akong umakyat at hindi ako marunong bumaba kaya mamaya na ako bababa.. Sige na mag pakilala ka na huwag mo na akong tanungin kung anong alam ko sa'yo."

Kelan kaya matatahimik ang mundo ko? Kahit tatlong oras lang.

"Ayoko na ulitin ang alam mo"

"Wala nga akong alam sa'yo"

Huminga ako nang malalim

"Sige na.. pumikit ka"

Kumunot ang noo niya halatang tumututol

"Pipikit ka o iiwan kita dito?"

"Ano ba naman kasi mag papakilala lang ang dami pang alam"

"Ikaw ang may gusto nito"

May binubulong siya pero hindi ko nalang inintindi.

Pumikit siya.

"20 years old, hindi ako pwede sa kahit anong nuts, hobby ko ang pumikit-"

"Bwiset na hobby 'yan"

Psh! Ang daming kontra naman lintek!

"Mananahimik ka o ihuhulog kita dito?"

Napa busangot siya at nanahimik.

"Mahilig ako sa music at gusto ko ang matalim na bagay-"

"Nakakatakot ka"

Ayan nanaman siya

"At matatakot ka kapag sinipa kita diyan."

Bumusangot na naman siya

"Mahilig ako sa candy dahil mas gusto kong hindi nag sasalita, hindi ako sweet kaya huwag ka nang umasang-"

Dumilat siya

"Hindi ako umaasa.. pero tanggapin mo ang lahat ng gagawin ko"

Seryosong aniya habang nakatingin sa mata ko.

Nag iwas ako ng tingin.

"Huwag kang gumawa ng kalokohan kundi ibabalibag kita."

Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko.

Malakas ako pero para akong nanghihina sa kaba.

"Hindi ko na uulitin 'yon lalo na't sinugatan mo ang sarili mo para lang maitago 'yon. Hindi gano'n ang intensyon ko."

Kailangan kong itali ang buhok ko at makakakilos lang ako ng maayos kapag ginawa ko 'yon.

"Hindi ko susugatan ang sarili ko sa walang kwentang dahilan at hindi rin naman ako mag papahuli kung may kalokohan ako"

Para sa'kin kalokohan lang 'yong sa'min. Nagustuhan ko 'yon dahil bago sa pakiramdam ko. Mas lalo kong napatunayang kalokohan lang 'yon nang umalis siya nang wala man lang sinabi.

"Paano mo nagagawang umarte na parang walang nangyari?"

Hindi ko maipaliwanag ang itsura niya para siyang naninisi na nasasaktan.

"Walang nangyari Pula"

Ano ba Crenz! Pinag handaan mo na 'to kagabi na dapat wala kang pake. Umayos ka!

"May nangyari"

Pamimilit niya

"Sige sabi mo eh.. pero para sa'kin wala 'yon"

"Grabe ka"

Reklamo niya habang namamangha

"Umayos ka nga.. nababaliw ka na ba?"

"OO NABABALIW NA AKO"

Sumasakit lang sugat ko dahil sa kaniya

"Bumaba ka na.. itulog mo lang 'yan."

Sinamaan niya ako ng tingin

"Tsk! Boyfriend mo ko kaya habang boyfriend mo pa ako respetuhin mo ako bilang boyfriend mo. Huwag mong subukang makipag relasyon sa iba habang nandito pa 'ko"

ABA! Kanina pa siya ah!

"Ano bang iba? Baliw ka ba?"

"ALAM MO ANG TINUTUKOY KO!"

Napabuga ulit ako sa inis.

"Makinig ka nang mabuti at ayoko nang ulitin pa 'to. Dahil "boyfriend" kita ipapaintindi ko diyan sa utak mong makitid ang lahat.. ok?"

Lumihis lang siya ng tingin habang kunot na kunot ang noo.

Kotang kota niya ang pagiging boyfriend ah?

Sana nag artista nalang siya

"Iyong kahapon pangalawang kapatid ko 'yon-"

Bigla siyang humarap sa'kin. Nabawasan ang pag kakakunot ng noo niya

"'yong kanina?"

Nginiwian ko siya

"Napaka chismoso mo"

"Kasi gusto kita"

Huminto ata ang pag ikot ng mundo ko. Parang wala na akong ibang naririnig kundi ang tibok ng puso ko.

Ito ang unang pagkakataong may nag tapat sa'kin na seryoso at talagang pinaniniwala ako.

"Bakit parang ang init"

Aniya

Siraulo ba siya? Ako 'yong nabigla tapos siya pa ang nainitan?

Ayan nanaman siya, namumula.

"Bakit hindi ka nag sasalita? Nilakasan ko ang loob ko tapos hindi ka man lang mag sasalita? Wala naman akong sinabing dapat magustuhan mo rin ako-"

"Ang dami mong sinabi. Maraming nag kakagusto sa'kin kaya wala na sa'kin kung mag tapat ka. Si Mike nga na mas gwapo pa kesa sa'yo hindi man lang ako na apektuhan-"

Inis na tinitigan niya ko

"Iba si Mike at iba ako"

"Wala naman akong sinabing pareho kayo ah?"

Halos mapa padyak siya sa inis at ang cute niya sa ginagawa niyang pag bulong bulong habang naiinis.

"Iyong kanina? Sino 'yon?"

Ang cute niya

"Panganay namin. Itatak mo sa isip mong wala pa akong panahon para sa mga hinala mo."

"Si bayaw pala 'yon"

Kingina? Bayaw?

Bigla akong natawa.

"Ang kapal ng mukha mo"

Pakiramdam ko ang kalma kalma ko. First time ko 'to naramdaman sa lahat ng mga nakausap ko.

"Nilakasan ko ang loob ko ngayon kaya susulitin ko na kasi baka bukas wala na akong mukhang maiharap sa'yo"

Tumango tango ako.

Naaamoy ko siya sa jacket na naka balot sa'kin.

"Huwag kang mag alala hindi gano'n ka talas ang memorya ko para maalala pa 'to bukas"

Tiningnan ko ang mata niya habang sa iba siya nakatingin, mukhang naiilang sa'kin.

Naalala ko no'ng una kong makita nang malapitan ang mata niya, no'ng niligtas niya ako sa muntik nang sumagasa sa'min ni Hans.

"Ano?! Huwag mong kalimutan, nag effort ako kaya huwag mong kakalimutan"

Sino bang makakalimot kung ganito ka cute ang nag tapat sa'yo? Nag tatapang tapangan pa haha..

"Seryoso ako Pula, malapit na akong ikasal"

Natigilan siya at hindi nanaman mapakali ang mata.

"Bakit mo sinasabi sa'kin 'yan?"

Binigyan ko siya ng maliit na ngiti habang hinahawi ng hangin ang buhok ko.

"Para hindi mo na ibaling 'yang nararamdaman mo sa'kin. Hindi ako basta basta lang na tao.. alam niyo namang mayaman ako diba?"

Natawa ako sa sinabi ko.

May sarili kasi akong mundo kaya mayaman ako.

"Hindi gano'n kadali 'yon. Sana nga kapag sinabi mong huwag akong mag kagusto ay mawala agad eh, pero hindi gano'n eh. Hindi naman kita inoobliga-"

Pinigilan ko siya

"Nag iisip ka ba? Paano 'yong kaibigan mo? Paano kapag nalaman niya? Ayokong maging dahilan ng away niyong dalawa"

"Iyong bagay na 'yon, kami na bahalang mag usap doon."

Kahit na.. lately nagiging malapit sila sa'min kaya more than kakilala ko na sila pero not friend.

"Sabagay.. wala nga pala akong pake"

Kailangan kong ipaalala sa sarili ko 'yon dahil kapag nag ka pake ako maraming maaapektuhan.

"Bakit ba kailangan mong mag pakasal? Dahil ba mayaman 'yon? Dahil mas gwapo 'yon? Mas matalino ba?"

Hindi naman ako mukhang pera.

"Hindi ako mukhang pera"

"Then why?"

Para siyang naiiyak na hindi mo maintindihan.

"Dahil kailangan"

"Bakit nga?"

Huminga ako nang malalim

"Wala ka sa posisyon para tanungin ako ng mga personal na bagay. Naka takda na akong ikasal at kung may reklamo ka, mag reklamo ka sa panganay namin."

Mababakas ang inis sa mukha niya

"Is this déjà vu? Bakit lahat nalang ng babaeng nagugustuhan ko malapit nang ikasal?"

Nakatingin lang siya sa baba at pakiramdam ko ay nasasaktan siya.

Para siyang batang nag mamaktol pero 'yong mata niya punong puno ng sakit.

Hindi ko naman pwedeng baliwalain ang plano.

Natahimik kami pareho.

Nakakatakot na katahimikan.

Hindi na ba siya mag sasalita? Inaantay ko pa ang susunod niyang sasabihin.

Maya maya ay naubusan na ako nang pasensya kakaantay kung may sasabihin siya.

"Sabi mo hindi ka nang u-obliga pero sa katahimikan mo parang sinasabi mong ibalik ko ang nararamdaman mo. Hindi ikaw ang mag dedecide kung papakasalan o magugustuhan ka ng babae. Huwag kang mag paawa sa'kin Attienza dahil hindi uubra 'yan. Hindi ko kasalanan kung dati hindi ka nag lakas loob para sabihin doon sa babaeng 'yon na gusto mo siya bago siya ikasal. Imbes na nag mumukmok ka diyan dapat binabago mo ang plano kong mag pakasal sa iba."

Umangat ang ulo niya sa sinabi ko

"Sinasabi mo bang ligawan kita?"

Napairap ako sa kaniya

"Hindi gano'n.. hindi ako nag papaligaw at ayoko ng nag papaligaw dahil sa ligawan stage nag papakabait ang mga lalaki."

Ngumiwi siya

"Kilala mo na ako at hindi ako gano'n kabait- Pero nag papaligaw ka kay Mike"

"Wala akong sinabing manligaw siya. Nag kukusa siya-"

"Oo na.. huwag kang mag alala sisiguraduhin kong hindi ka ikakasal kahit kanino"

Makulit talaga lahi nito eh.

"Kapag naging maayos ang sitwasyon hindi na ako mag pakasal pero kapag naipit ako, mag papakasal ako."

"Hintayin mo naman akong makapag tapos ng pag aaral"

Napangiwi ako sa sinabi niya

"Sino namang nag sabi sa'yong pakakasalan kita? Mangarap ka"

Ngumiti lang siya nang may lungkot sa mata.

"Uy!"

Hinila ko siya padapa sa'kin dahil sa sign board na muntik nang tumama sa ulo niya.

Siraulo 'yong sign board na 'yon ah!

Tumingin sa'kin si Pula mula sa ibabaw ko.

"Ano 'yon?"

Tiningnan niya ang labi ko.

Hoy! Ano nanaman 'yan?!

Tinulak ko na siya palayo.

"Bababa na 'ko, bahala ka na kung di ka marunong bumaba"

Nag mamadali akong bumaba, mahirap na baka masugatan ko na naman ang sarili ko.

~~~~

NAGISING ako na masakit ang tyan.

May aircon pero pinag papawisan ako.

Wala na akong katabi mukhang 5 na ng umaga.

Hindi maganda 'to, nasusuka ako at sobrang sakit ng ulo ko.

Kinapa ko ang cellphone ko at pinindot ng matagal ang number 1.

Napa baluktot ako para mapigilan ang pag sakit ng tyan ko.

Hans.. nasa'n ka na ba? Ngayon kita kailangan.

Nanghihinang napapikit ako para pakalmahin ang sarili ko.

Hindi talaga ako pag bibigyan ng peanut kapag pumasok siya sa katawan ko. Hindi lason ang papatay sa'kin kundi peanut.

Limang minuto na ata ang lumipas pero hindi pa rin dumadating si Hans.

Sino pa ba ang pwede?

Nasa'n ba siya? Kung makakasigaw lang ako baka natakot na silang lahat.

*BLAG!*

Bumukas ang pinto nang malakas

"Yara? Why? What happened?"

Mabilis na tanong niya

"G-gamot"

Bulong ko.

Alam kong hindi ako tatablan agad ng gamot.

"Haish"

Singhal niya at saka nag mamadaling umalis.

Nasusuka na talaga ako.

Medyo hindi rin ako gano'n ka lakas sa malayuang byahe dahil kapag lumampas sa 15 hours ang byahe ko nasusuka na ako no'n.

Hindi lang naman ako ang ganito, si Jigs at JM din ganito kaya himala nalang kung nag tagal pa sila kakasalita ngayon.

Bumalik siyang may dalang plastik, gamot at pagkain.

Nanghihina na ako kaya wala na akong lakas ng katawan para pagalitan siya dahil ayokong kumain baka isuka ko lang.

"S-si Herik"

Nanghihinang tanong ko

"Si Jerick? Bakit? Nasa taas natutulog pa sa double deck."

Nabawasan ang alalahanin ko.

Pinaupo niya ako.

Kailangan ko 'tong isuka para bumalik ako sa normal.

"Nilalagnat ka-"

Sumenyas akong huminto siya at saka lumabas siya.

"Bakit?"

Sinamaan ko siya ng tingin kahit sukang suka na 'ko. C'mon Crenz pigilan mo muna.

"Bakit nga kasi?"

Tinaas ang kamay ko at nag simulang mag bilang

"O-oo na.. tawagin mo 'ko kapag tapos ka na"

Hindi ako makakapag salita nang maayos kung nasusuka ako baka mamaya masuka lang ako habang nag sasalita.. nakakadiri 'yon.

Pag labas niya ay saka ako nakagawa ng milagro.

Nakakadiri pero pasensiya na tao rin kasi ako at medyo hindi sanay sa matagalang byahe.

Noong nakaraang araw bago pa ang byahe pinakalma ko na ang sarili ko at sinabi kong hindi ako susuka. Pinag diinan ko talaga 'yon pero mukhang hindi talaga kami bati ng mahabang byahe.

Sinuot ko ang jacket ni Pula. Nilalamig talaga ako.

Naka tayo na ako at saka ko nilinis ang kalat ko.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang tyan ko.

May kumatok at pumasok.

"Ayos ka na? Ano pang masakit?"

Inalalayan niya ako pa upo.

"Bakit ang tagal mo?"

Lumuhod siya sa harap ko para mapantayan ako.

"Hindi rin maganda ang lagay ni Jigs at Jm kaya nag kakagulo kami sa taas. Kumusta?"

Sabi ko na eh hindi talaga ako nag kamali ng hinala

"Kailangan ko ng pampainit sa tyan."

"Coffee?  Noodles? Name it."

Pfft si Hans talaga ang totoong boyfriend ko.

"Kape nalang. Kausapin mo 'yong driver na ihinto muna ang bus para makababa kami saglit. Sa tahimik na lugar kamo."

Hinaplos at hinawi niya ang buhok ko

"Dito ka lang"-Hans

"Tss.. sa'n pa ba ako pupunta?"

Tinawanan niya ako

"May sakit ka na lahat lahat nagagawa mo pang mag sungit?"

"Multitasker ako"

Nginitian niya ako sabay ayos sa buhok ko. Tumayo na siya maya maya at lumabas.

Humiga ulit ako dahil sa sakit ng tyan ko. Wala na akong isusuka pa kaya kailangan kong mag pasok ng pagkain.

Maya maya lang ay huminto ang bus kaya nag lakas loob na akong lumabas. Kumuha pa ako ng isang jacket para sa sarili ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang nakalabas ako. Nasa may tubuhan kami at sariwa at malamig ang hangin. Kita rin ang fog sa may tubuhan.

"I check niyo ang paligid, siguraduhin niyong ligtas dito"

Utos ko sa guard at tumango sila sakin.

May kinausap siya sa earpiece niya at lumabas ang mga tauhan ng org sa dalawang kotseng naka sunod samin.

"Ikaw"

Tawag ko doon sa isa pang guard.

"Yes ma'am?"

"Mag labas ka ng kape at mga pagkain at pakainin mo ang mga kasamahan mo. Huminto muna tayo ng isang oras dito. Ilabas lahat ng pagkain at mag tayo kayo ng pwedeng lutuan dito"

Yumuko rin siya sa harap ko

"Thank you ma'am"

Hindi ako mabait tss.. kung hindi lang ako nasusuka hindi ko pahihintuin ang sasakyan.

Nag hoodie na ako dahil nilalamig na ang batok ko.

Sabay na bumaba si Nemi at Sandra.

"Crenz? Ayos ka lang? Namumutla ka"-Nemi

Mga naka jacket din sila

"Ayos lang. Huwag kayong lalayo sa bus ah."

Masayang tumango si Sandra.

Sa ngayon ako ang pinaka mataas sa lahat dahil medyo delikado rin ang sitwasyon. Kapag delikado ang sitwasyon dapat lang na makinig sa'ming mga bodyguard si Sandra. Since samin sila pupunta at ako ang leader ng mga bodyguard dito, ako ang pinaka may kapangyarihan sa kanila. Sakin mag mumula lahat ng utos.

"Crenz diba sabi ko doon ka lang? "-Hans

Ay oo nga pala.. nakalimutan ko.

Tiningnan ko lang siya.

"Umupo ka muna"

Binigay niya sakin ang kape at pinag buklatan ako ng folding chair.

"Salamat"

Pag inom ko ay nainitan agad ang tyan ko at ang sarap non sa pakiramdam.

"Tinapay gusto mo?"

Umiling ako.

Bumaba na ang mga lalaki at ang pinaka huli ay si Jerick. Napatayo ako at tinawag siya

"Hoy.. huwag ka na lumayo, umupo ka nalang dito"

Tumingin ng may pag tataka sila sa'kin.

Ngumiti sakin si Jerick

"Master, dapat ako ang pinapa upo mo diyan dahil masakit tyan ko"-Jigs

Nag papaawa ang itsura niya.

Tss.. ako nga masakit ang ulo at tyan pero naka tayo eh siya pa kaya isa lang ang masakit.

"Mag lakad kayo para umayos ang pakiramdam niyo."

Lumapit samin si Jerick at nag sabi ng thank you ng walang boses at umupo

"Masyado mo namang binibaby 'yang ungas na 'yan"-Austin

Nag tawanan sila.

"Gwapo lang kasi ang inaalagaan ni Crenz"

Hindi nalang ako nag salita o nag bigay pa ng ibang reaksyon.

Nag asaran sila na mas lamang na raw si Jerick kay Mike at Pula dahil sa ginagawa ko.

Ngumiti lang si Mike habang si Pula ay tinataas ang cellphone at mukhang nag hahanap ng signal.

"Mag si layas na kayo-"

"Teka master! Mag picture muna tayo!"-Jigs

Kingina, hyper pa rin siya kahit ganiyan na ang lagay niya? Anong klaseng estamina ba ang meron siya.

"Oo nga tara!"

"Maganda banda doon oh"

"Teka, hindi pa nga gaano sumusikat ang araw eh"

"Maganda nga 'yon eh"

Nag kakagulo na sila dahil gusto nga nila mag picture.

"Mag picture na kayo Hans"

Utos ko sa kaniya

"As if namang tatantanan ka nila kapag hindi ka sumali"

Jusko! Ayoko ng picture picture na ganiyan!

"Ibabalibag ko ang mamimilit"

Seryosong sabi ko.

May humila ng dalawang beses sa laylayan ng jacket ko.

Tumingin ako kay Jerick at halos lahat sila ay naka tingin samin

"I don't want to take a photo too but can we do it? As a remembrance?"

Sa malumanay at maamo niyang mukha nasasaktan ako. Para akong pinupunit sa loob.

"Ayoko"

Tumingin ako sa ibang gawi dahil na nanakit ang lalamunan ko sa pag pigil ng kung ano sa loob ko.

"Dali na master!"-Migs

"Maganda kung 'yong grupo niyo at grupo namin mag sasama sa picture"-Jhom

Bakit ba kasi hindi nalang sila mag picture nang wala ako. Ganoon na rin naman ang ginagawa nila kahapon ah.

Hinila ulit ni Jerick ang laylayan ng jacket ko at saka muli akong nginitian nang may pangungumbinsi.

"Sige na.. ayusin mo muna 'yang itsura mo, mukha kang bangag."

Nag sigawan sila dahil sa pag payag ko.

Lumapit na rin samin sila Nemi.

"Wow.. pumayag ka?"-Hans

"Psh.."

Lumapit sakin sila Sandra at dinumog ako.

"I'll give you a magic"-Sandra

Ano?! Hindi naman ako ganoon ka pangit para kailanganin pa ng himala.

Nag tipon tipon din ang mga lalaki at inubos ata nila ang lip balm ni Jerick hahaha..

"Layuan niyo nga ako"

Singhal ko sa kanila

"Naaah.. stay put, you look pale so we need to give some color on your face"

Teka! Ano?! Ayoko!

Baka mag mukha akong clown!

Umiling ako.

"Just make it simple Sandra. Powder,  liptint and slight blush on"-Nemi

Salamat Nemi! Pero ayoko pa rin mag apply ng kung ano ano sa mukha ko.

Pinaupo nila ako sa inupuan ko kanina dahil tumayo si Jerick para makigulo sa mga lalaki.

Hinawi ni Cess si Nemi at Sandra.

"Maganda na si Crenz kahit walang make up-"

Salamat Cess!!

Tumango tango ako

"-just put powder and lip tint.  Papayag ba kayong mas maganda si Crenz sa picture? "

Nag ka tinginan si Sandra at Nemi.

"Payag!"

Nakangiting bigkas nila nang sabay.

Pwede ko bang itapon sa kanila 'tong kapeng hawak ko?

Nag mumukha silang monster habang lumalapit sa'kin (〒﹏〒)

Sana pwede ko silang sipain (。ŏ﹏ŏ)

"You're hot"

Kinapa ni Nemi ang leeg ko

"Huwag kang malikot baka natapon 'tong kape ko"

Saway ko sa kaniya

"Uminom ka na ng gamot?"

"Because of cookies?"-Sandra

Mga nag aalala ang mga mukha nila

"Lagnat laki lang 'yan. Tapusin niyo na"

Nag kibit balikat nalang sila at nag patuloy sa pag lagay ng kung ano sa mukha ko.

"Done!"

Masayang bulaslas ni Sandra

"Ikalat mo 'yong liptint"-Cess

Gaya ng dati tinikom ko lang ang labi ko.

Mga nag hahanda na sila para sa picture. Nag cross legs lang ako at humigop ng kape kong pa lamig na.

"Wow master! Pwede ba kitang ligawan?!"-Migs

Tumingin ang iba sa'min

"Lumayo ka sa'kin baka sipain ko 'yang utak mo"

Malumanay na sabi

Napabungisngis sila

"Kapag si master naging girlfriend mo, di ka makaka score!"

Sigaw ng kambal niya

Kinginang kambal 'to.

"Where's Jhonzel?"

Pag hahanap ni Jhom sa kaniya.

"May kausap ata nasa likod ng bus"-Jerick

Tumingin ako sa gawing 'yon at ako lang ang pinaka malapit sa pwesto na 'yon.

"Tawagin niyo na"-Hans

Ako na ang tumayo

"Ako na tatawag"

Ani ko saka binigay kay Cess ang inumin ko at nag lakad papunta sa likod ng bus.

"Nasa'n dito?"

Tanong ko sa sarili ko dahil wala siya sa likod ng bus.

"Ano ba naman Mom, ang aga aga pa oh"

Oh? Nasa kabilang side pala ng bus

Lumapit ako doon pero napahinto ako kinalaunan bago ko pa siya makita.

"Arrange marriage? Ako? ..."

Kasal?

Huminga siya nang malalim.

Sinilip ko siya at mukha siyang namomroblema. Sinisipa niya ang maliliit na bato habang napakamot sa likod ng ulo niya.

"Galing naman pala.. ayaw akong ipakasal sa iba tapos siya ipinag kasundo na pala."

Pairap akong napangisi.

Na good time niya ako kagabi ah.. nice! Naniwala naman ako.

Bobo!

Walang emosyong kinuha ko ang kape ko at bumalik sa pwesto ko kanina.

"Oh nasa'n na si Attienza?"-Cess

"Tinangay ng agila *slurp*"

Malumanay na sagot ko

Natatawang napa tanong siya ng ano sa'kin.

"Uy! Dito na kayo.. mangangawit na si kuya sa inyo oh!"-Austin

Lumapit sa'kin si Hans at nilapit ang mukha sa'kin.

Nginitian niya ako at ang sexy niya sa ngiting 'yon.

Nilagay niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa pisngi ko.

Lumapit siya sa'kin at saka bumulong

"You're so beautiful my Princess"

Nakangiting aniya.

Natawa ko at saka pabiro siyang tinulak.

"Hindi mo 'ko maaakit."

Natawa siya nang pagak at ginulo niya ng bahagya ang buhok ko.

"Let's go"

Inalalayan niya akong tumayo at saka nag lakad papunta kina Sandra na nasa harap na ng camera.

"Para kang prinsesa, Crenz"-Jhom

Ngumiti ako ng konti

"Prinsesa naman talaga ako ah."

Malumanay na ani ko

"She's my princess"-Hans

"Hey! I'm Princess!"-Cess

Natawa kami sa sigaw niya. Tama nga naman, she's Princess.

"C'mon guys ayusin na natin 'yong pwesto. Sa gitna ang dalawang babae tapos sa gilid nila dalawang lalaki."-Jm

Umatras na ako dahil ayokong pumagitna. Tiningnan ako ni Nemi.

Nag aalangan lang akong tumingin sa kaniya.

"Kami na ni Pres ang gigitna"-Nemi

Nice Nemi! Aylabyu na!

"Ok!"

Nakaramdam ako ng konting hilo kaya napa pikit ako saglit.

"Uy Jhonzel! Lika dito, tabihan mo si Sandra"

May humawak sa balikat ko.

"Sumandal ka muna sa'kin"

Tumingin ako sa nag salita.

"Ayos lang ako"

Sabi ko kay Mike.

"Para namang hindi ka pa sumandal sa'kin noon"

Naalala ko no'ng nag motor kami.

Napangiti nalang ako at saka ko sinandal ang likod ko sa kaliwang braso niya.

"Mainit ka"

"Alam ko"

"Alam mo?"

"Kasi buhay pa ko. Lalamig lang ako kapag bangkay na ako"

Umalog nang bahagya ang balikat niya tanda na natawa siya nang bahagya.

"Sumandal ka lang hanggat di pa sila tapos mag ayos"

Ano pa nga ba? Kailangan ko ng suporta.

Puro na bangayan ang nasa paligid namin. Dahil sa nag tabi si Pula at Sandra nag iingay nanaman sila, dumagdag pa ang ingay ni JM at Nemi pati na ang asaran ng mga lalaki.

"Hoy kayong love birds diyan dito kayo sa tabi ni Attienza"-Austin

Mukhang ako ang tatabi kay Pula.

Nakaalalay sa braso ko si Mike habang nag lalakad kami.

Nice gentleman talaga siya.

"Sabing manahimik ka!"-Sandra

*PUSH*

Tinulak niya si Pula.

"Wo-woah!"

Mabilis na nilipat ako ng pwesto ni Mike sa kabilang gilid niya para hindi sa'kin matumba si Pula.

Mahinang napadaing sa sakit si Mike. Umalis agad ako sa yakap niya at tiningnan ang lagay nila pareho.

Napangiwi ako nang makitang naka hawak si Mike sa tagiliran niya habang si Pula naman ay sa noo niya.

"Wew.. that must be hurt"-Nemi

Nakangiwing ngumiti si Mike sa'kin na parang sinasabing ayos lang naman siya.

"Sandra! Mind your attitude!"

Pagalit sa kaniya ni Hans.

Agad napa labi naman si Sandra

"Nang aasar kasi siya."

"Bakit? Mamatay ka ba sa asar?!"-Hans

Napanguso nalang si Sandra.

"Attienza, umayos ka rin. Para kayong mga bata"-Hans

Natawa ako nang bahagya.

"Palibhasa menopause ka na"-Jm

Tumawa sila

"C'mon let's take this"

Ang arrangement namin ay

Mike, ako, Pula, Sandra, Nemi, JM, Cess at Jhom

The rest nasa baba..

*CLICK*

Naka tingin lang ako doon na walang emosyon.

"One more time, smile!"

*Click"

Gaya no'ng una wala pa ring pinag bago ang itsura ko.

"Smile naman diyan ma'am Crenz"

Nag ma'am ka pa kung uutusan mo lang din pala ako.

"Master smile naman"

"Master minsan lang 'to"

Napakamot ako sa pisngi ko sa iritasyon. Kumikirot na naman ang sugat ko at nahihilo pa 'ko. Ayoko talaga ng ganitong pakiramdam.

Pinag kaisahan nila ako.

Hindi pa ba sapat 'yong nandito ako?

"Isa pa po!"

Pinag bantaan muna nila ako bago kumuha muli ng panibagong pic.

"Make some happy thoughts in your mind"-Mike

Wala akong naiisip na gano'n ngayon.

"Gwapo ba ako?"-Pula

Bigla akong napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya saka niya ako nginitian.

Ano? Gago ba siya?

(^_^)

"Oo, Gago ka"

Nginitian ko rin siya.

*CLICK*

Uy?! Bakit nag click?.

Hindi ako nakatingin sa camera!!

Siraulong photographer 'to. Sana si Chris nalang ang sinama ko rito para mag picture.

Hindi lang doon natapos ang picture taking na 'yon, grupo namin at grupo nila Pula, isama pa ang puro babae at puro lalaki lang. May dalawahang pic or tatluhan pero hindi na talaga ako pumayag na sumama pa sa iba.

Medyo nag ok ok na rin ang pakiramdam ko, hindi na ako nanghihina at nasusuka.

Tiningnan ko ang phone ko.

"Walang signal?"

Tinaas ko ang cellphone ko.

Ahh.. kaya naman pala lumayo si Pula.

Nag kape na ang mga guard namin at saka kumain sila.

"Ano 'yong mga dala nila Cedric?"

Tanong ko kay Hans habang nakatayo at nag hahanap ng signal. Baka kasi tumawag si Mama tapos hindi ko nasagot, patay ako, malapit na pa naman kami. Halos apat na oras nalang ang biyahe namin. 2 hour lang sa lantsa at papunta sa bahay ay almost 30 minutes lang.

"Coffee, biscuits-"

Natigilan ako sa ginagawa ko.

(ー_ー゛)

"Ano ba 'to? Hindi naman burol pupuntahan natin ah?"

Reklamo ko. Konti nalang parang burol na pupuntahan namin eh.

"Naah.. huwag ka nang mag reklamo. Nag dala rin sila ng rice, adobo, alamang ata 'yong nasa jar-"

Hinawakan ko ang balikat niya.

"Let's eat"

Natatakam kasi ako sa adobo.

"Us?"

Tumingin ako kina Sandra na tawa lang nang tawa at bumaling ulit kay Hans

"All of us"

Nakangiti siyang lumapit sa isang guard para mag patulong.

Ang daming dala nila Cedric buti walang napanis do'n.

Nag patuloy ako sa pag hahanap ng signal. Sumasakit na naman ang tyan ko, mukhang kailangan ko pa ng pampainit sa tyan.

"You're capturing the clouds?"

Hindi ko na siya hinarap at nag patuloy lang sa pag hahanap ng signal.

"Hindi, kailangan ko ng signal."

Sagot ko kay Jhom.

"Thank you about last night"

Last night? Anong ginawa ko?

"Geh"

Kahit hindi ko alam, geh nalang.

"Matalino ka, bakit nag papanggap kang walang alam"

Matalino ako? Weh? Ngayon ko lang nalaman 'yon ah.

"Hindi ako matalino, handa lang akong tumanggap ng kaalaman para matuto pa pero ang nalalaman ko, kulang na kulang pa."

Malumanay na sabi ko sa kaniya.

Oo marami akong alam, kaya lang the more na marami akong alam, the more I wish na sana hindi ko nalang 'yon alam. Kapag alam ko ang isang bagay tapos nag karoon ng problema do'n, 'yong utak ko hindi na hihinto kakaisip sa bagay na 'yon para humanap ng solusyon sa problemang 'yon kahit hindi ko 'yon problema.

Bakit ba?

Pakelamera ako eh.

"Hinahayaan mo silang pag tawanan ka?"

Pag tawanan ako?

Ahhh.. hindi naman gano'n 'yong intensyon ko. Kung sa'n sila masaya edi doon ako.. kung ikakasaya nila 'yong pang aasar na mahina ang utak ko sa academic edi gawin nila.. takot lang nila sa'kin (→_→).. at saka dalawang buwan nalang tapos na ang kontrata ko kay Sandra, dalawang taon ang kontrata ko sa kanila.. wala namang kaso sa'kin 'yong pag tawanan nila ako, kaligtasan lang nila ang priority ko.

"Tumawa lang sila hanggat may hininga pa sila.. sabayan ko pa sila"

Tumingin ako sa kaniya.

Nag aalangang ngumiti siya sa'kin

"Why so serious?"

Nginitian ko siya.

"Sooner or later makakalimutan mo rin ako"

Seryoso ako sa bagay na 'yon.

"Impossible 'yon. Masyado nag ha highlight ang aura mo sa mga isip namin kaya hindi ka gano'n ka daling kalimutan."

Kayang kaya ng organization na burahin kami sa ala ala nila at hindi impossible 'yon though hindi pa nila ata alam na may gano'ng pag mamanipula sa utak natin gamit ang siyensya. Kayang kaya nilang burahin ang ala ala natin.

"Uh.. may signal na"

Natawa siya ng mahina

"Balik na 'ko doon."

Kumaway nalang ako sa kaniya nang hindi tumitingin saka siya umalis.

Inantay ko kung may mag titext.

Limang minuto na ata ang lumipas wala pa rin.

"Hindi na ata ako mahal ng nanay ko ah?"

Tinawagan ko nalang sila para ipaalam na malapit na kami. Ganitong oras gising na sila para sa mga gagawin sa bukid. Gusto ko nang dalawin ang mga tanim na ubas doon at mangga na rin. Hindi ko pa sure kung may bunga na ang rambutan doon.

Nag ring ng tatlong beses.

"Hello"

Babae ang sumagot

"Dana?"

"Ate.. parating na ba kayo? Ingat kayo baka makasalubong niyo ang itak ni Nanay."

May kaba sa boses niya

"Ano na namang kalokohan ang ginawa niyo?"

"Hindi ako ah? Si kuya 'yon. Umalis kaninang 2 am tapos hanggang ngayon hindi pa bumabalik. Nag aalaburoto na si Mama sa galit."

Napahawak ako sa noo ko at saka hinilot nang bahagya

"Pakalmahin mo si Mama baka atakihin 'yan"

Ako kinakabahan sa ginagawa nila eh.

"Pinapakalma na ni Papa"

Darwin! Sabi ko tulungan mo si Mama para bawas stress hindi 'yong ikaw ang maging source of stress!

"Malapit na kami, huminto lang kami saglit para makalanghap ng sariwang hangin."

"Mag luluto ako ng sabaw para mainitan ang tyan mo 'teh."

Alam na alam talaga ng kapatid ko ang kailangan ko ngayon.

"Salamat. Damihan mo na para makahigop kaming lahat."

"Roger that!"

Masayang aniya

"Sige na-"

"Ate.. hehehe.. pasalubong ko ah"

Pfft.. hindi talaga ako lulubayan nito kapag hindi ko dala ang gusto niya.

"Nakalimutan ko 'yong cellphone na 'yon. Si kuya Mil mo kasi ginulo ang pag aayos ko-"

"ATEEEEEEEEEEEE... IIIIIHHHHHH.. Pasalubong ko ah"

"HAHAHAHA oo na.. nasa bag ko na, sarapan mo 'yong sabaw baka mag bago isip kong ibigay 'yon sa'yo."

Narinig kong napa padyak siya sa sahig dahil sa excitement

"Maiinlove sa'kin lahat ng lalaking kasama mo diyan kapag natikman nila ang lulutuin ko.. isama mo na pati babae.."

Lakas ng confidence ah..

Well.. kapatid ko ata 'yan.. may halong kahambugan din.

"Oo na-"

"Ate oo nga pala, ingat kayo kasi maputik ang daan.. umulan kasi kagabi."

"Ok.. Sige na"

"Ingat!"

Siya na ang nag patay ng tawag

Bumalik na ako sa pwesto nila.

"Ubos na kape mo?"-Hans

Kung meron pa ko no'n malamang malamig na 'yon ngayon.

"Ano? Tara na ba?"

Tiningnan ko silang nag kakatuwaan pa habang kumakain ng cup noodles.

"Gusto mo ba ng noodles?"

Napa cross arm ako nang mahigpit dahil sa lamig ng paligid.

"Hindi na, nainitan na ang tyan ko."

Hinintay nalang namin sila hanggang sa matapos at saka kami umakyat muli sa bus para mag patuloy ng biyahe.

Natulog muli ako para hindi mapansin ang byahe.

Pag gising ko katabi ko ulit si Sandra na naka yakap na naman sa'kin. Inalis ko ang kamay niya at lumabas ako para I check ang iba. Tulog ang lahat ng lalaki dito sa 1st floor at nasa upuan na adjustable lahat sila.

Bakit hindi nalang sila sa taas?

Si Jerick din ang sarap ng tulog dito.

Lumapit ako sa driver

"Malapit na ba tayo?"

Tulog ang dalawang guard dahil salitan sila sa pag babantay habang ang dalawa ay gising at nag uusap.

"Mga 30 minutes nalang po ma'am."

Napahilot ako sa nose bridge ko

"Ok, salamat"

Humarap ako sa kanilang lahat.

Hays.. nanghihina pa ako eh.

"Yah yah yah! Gising na.. malapit na tayo"

Napadilat ng isang mata si Hans at nang makita ako ay tumayo agad siya at lumapit sa'kin.

"Ilang oras nalang?"

"30 mins"

Nagising silang lahat at saka inayos ang upo nila.

"Ayusin niyo na ang mga gamit niyo. Lahat ng importante niyong gamit kunin niyo na tapos 'yong matitira mag papatulong nalang tayo sa ibang guard."-Hans

"Buti naman malapit na.. parang masusuka rin ako dahil sa pag uwak nila Jigs"-Austin

"Nakakadiri ka"-Migs

At nanumbalik na ang ingay ng bus.

Nag asikaso na sila ng lahat ng gamit nila.

"Yung bag mo?"-Hans

"Ayos na 'yon."

"Kay Sandra?"

"Ayos na rin 'yon"

Huminga siya nang malalim

"Umakyat ka muna sa 2nd floor para hindi masikip. Gigisingin ko lang sila Sandra"

Tumango lang ako at sumunod sa sinabi niya.

Masakit ang batok ko, balikat, ulo at ang balat ko dahil ramdam kong nilalagnat ako.

Bwiset talaga! Wrong timing