31

THIRD PERSON'S POV

Kasalukuyan silang lahat na tatawid sa tulay na ilang metro lang ang haba para maka tawid papunta sa de motor na bangka.

"Oh dahan dahan lang baka mag swimming kayo-"-Austin

"Wo-woooh!"

"Woy!"

Kamuntik nang mawalan ng balanse si Mike ngunit agad naman siyang nahawakan ni Cess.

Hinila siya nang maayos ni Cess at naka tayo naman agad siya nang matuwid.

"Thank-"

"Hindi babae ang dapat umaalalay sa inyo."

Pag susungit ni Cess at saka nag patiuna sa pag tawid ng tulay.

"Is she mad?"-Jhom

Nag kibit balikat nalang siya habang ang kambal ay palihim na pinag tatawanan sila.

"Mag pinsan nga kayo, may pag ka bugnutin din siya gaya mo"-Jigs

"I just want to remind you that we're twin-"

"I'm not grumpy, I much more like to have fun than to waste my time from being a grumpy"

Tumawa nang tumawa ang kambal niya

"Asshole"-Migs

Mas madalas ang pagiging bugnutin ni Migs kaysa sa kambal niya na isang beses sa isang taon lang ata nagiging seryoso, minsan pa nga ay isang beses sa tatlong taon kung mag seryoso.

Ngayong taon ay patungkol sa nagawa niya kay Yasy ang nakakitaan ng kapatid niya ng pagiging seyoso niya. Hindi niya rin gustong nakikitang seryoso ang kapatid dahil kapag seryoso na ito ay siguradong may mabigat na problema ang dala nito.

"Just cross the bridge"-Migs

"You first"-Jigs

"No way"-Migs

"Then let's just stay here- a-ahhhhh!!"-Jigs

Hinila ni Sandra ang tenga ni Jigs at saka pinasunod sa kaniya patawid sa tulay.

"Pres-Pres.. awww.. kaya ko namang tumawid-"

Sa gitna ng tulay ay huminto si Sandra at Jigs.

"I won't tolerate your childish behaviour in this vacation. Act as 19 year old man and not as 8 year old boy."

Mag init ang tenga ni Jigs sa lakas ng pag pingot ni Sandra. Sinapo niya ito at saka tumango ng tatlong beses.

Inis na tumalikod si Sandra at nag lakad.

*WOOSH!*

Umalon ng malakas kaya napakampay sa hangin si Sandra na malapit nang mahulog.

"Si Sandra!"

"Sandra!"

Sigaw nila.

Agad namang lumapit si Jigs para agapan ang pag kuha sa kamay ni Sandra na malapit na talagang mahulog.

"Sana nag lagay sila ng pwedeng hawakan"

Bulong ni Crenz sa sarili niya.

Una siyang tumawid kasama si JM para tingnan kung safe na ba ang bangka o kung may hindi magandang bagay doon na maaaring ikapahamak nila.

"Dapat sinabihan mo sila, hindi ka ba natatakot sa pag galaw ng tablang 'yan at pag alon?"-Jm

Naisip ni Crenz na dapat nga silang I train para masanay sila sa ganitong simpleng bagay

"Nakita mo namang mas malakas ang alon kanina no'ng tumawid ako, nakita mo ba akong huminto man lang?"

Naalala ni JM kanina ang pagka mangha sa kaibigan dahil hindi man lang natinag sa mga alon kahit lasug lasog na ang katawan.

"Yabang mo master"

Asar niya

"Palibhasa kumapit ka pa sa tabla no'ng tumawid ka"

Pairap na nilayasan siya ni Crenz

"Buti hindi ako nakita ni Nemi"-JM

Iling iling na aniya.

Agad na binawi ni Sandra ang kamay niya kay Jigs nang makaayos siya ng tayo.

Ngumiti si Jigs sa kaniya

"Wag kang mahihiyang mag pasalamat Pres"

Taas noong sabi ni Jigs

"Why should I? That's your job and you're paid"

Nilayasan siya ng dalaga habang nag dadabog sa bawat pag hakbang palayo.

"Woooh.. bal, HAHAHAHAHA epic fail ba? Bobo mo kasi, that's your job. Kung gusto mong pasalamatan ka niya, quit your job HAHAHAHAHA"

Malakas na pang aalaska ng kakambal niya sa kaniya.

"Bal demonyo ako, lumayo ka sa'kin baka ikaw ang itulak ko-WAAAAAAAH!"

Pabirong tinulak ni Migs ang backpack ni Jigs pero hinawakan niya rin pabalik.

"HAHAHAHAHA"-Migs

"Damn you asshole! U-ma-lis-ka!"

Sinisipa niya ang kambal niya kaya umatras din ito hanggang sa makabalik si Migs sa pinanggalingan niya.

"Stop that morons, quick, I'm hungry"

Hinila ni Hans ang backpack ng dalawa at kinaladkad sila patawid ng tulay.

"Woow! You're still alive Migs"

"I crossed the bridge without anyone's help"

Taas noong sabi naman ni Migs.

"Hoy kayong dalawa, umupo na kayo doon bago ko kayo ihulog dito."-Crenz

"Master! Ang ganda mo pa rin master"

'Pinag sasasabi nitong mga kulugong 'to?'-Crenz

"Kilos na"

Malumanay na utos niya

Nag tulakan naman ang dalawa kung sino ang mauuna.

"Mom I'm tired, I don't want to talk about marriage- I know what I'm doing- of course I love you- it's not that simple, this matter talks about my future- I know but let me choose on who's going to be my wife."

Padabog ding nag lalakad si Liphyo pa tawid habang kasunod si Jerick na pinag tatawanan lang siya. Sila na ang huling nakatawid.

"I'll hang this up.. bye"

Binaba niya ang tawag at sinilip ang sinasakyan nila.

'Wow this is cool'-Liphyo

Kapag naka tayo sila ay hanggang bewang nila ang bubong ng bangka at sa baba naman no'n ay ang upuan. Lahat ng upuan ay pahabang tabla. May sandalan din naman kaya walang problema.

Pwedeng pwede nilang tambayan ang bubungan.

"Pass me your things"-Mike

Lumapit sila sa kaibigan at binigay ang mga gamit nila.

"What happen to them?"

Nginuso ni Liphyo ang gawi ng kambal na maamong tupang nakaupo.

"Pinagalitan ni Sandra kaya nag papakabait."

"Pfft!"

"Attienza! Can you give me a hand?"-Hans

"Ok!"

Lumapit siya kay Hans.

Nakatawid na ang lahat ng gamit nila at kasama nila ang apat na bodyguard na mag babantay sa kanila hanggang sa nakarating sila sa bahay nila Crenz. Tatlong crew lang ang nasa bangka dahil sa ayaw ni Crenz na makakuha pa ng maraming atensyon.

"Ate, mag suot na raw po kayo ng life vest dahil aalis na raw po tayo."

Untag kay Nemi ng isang mas bata pa sa kanilang lalaki.

"Ok.. sasabihan ko sila."

Nakangiting aniya na kinakiligan naman no'ng bata at saka umalis.

"Hoy mga animalism, mag suot na raw kayo ng life vest bago kayo ihulog ni Crenz!"

Sigaw niya sa mga kasama niya.

"Nag mumukha akong masamang tao sa pag sasabi mo"

Nakangiting inakbayan siya ni Nemi

"Crenz, hindi ka mabuting tao, wala sa'ting mabuti dito."

'Ano 'yon? Pampalubag loob?'

"Mag suot ka na, baka mauna kang mahulog dito."

Nilayasan niya si Nemi na ngumingisi pa nang makatalikod siya at nag tungo siya sa kinaroroonan nila Hans na nag aayos ng kung ano sa may lutuan ng bangka.

Apat ang nandoon, si Mike, Liphyo, Hans at isa sa crew.

"Anong ginagawa niyo?"

Lumapit din sila Cess sa kanila.

"We're trying to fix the signal pole"

Napaisip si Cess kung anong signal pole

"Signal for phone or signal for a guards?"-Cess

Tiningnan siya ng lahat

"For the guards."

'Ang laki ng problema nila samantalang may mga helicopter naman na sasabay sa pag alis namin'-Crenz

"Hey, itigil niyo na 'yan. Ilipat niyo nalang 'tong mga tubong 'to sa safe na lugar. May helicopter na naka sunod sa'tin, hindi na kailangan 'yang pinag gagagawa niyo."-Crenz

Umalis siya para I check ang iba

*STARTING ENGINE*

Lumapit sa kaniya si Migs at sinuotan siya ng life vest.

"Masyado mo kaming inaalala pero hindi mo inaalala ang sarili mo, sino nalang mag aalala sa'min kung wala ka na?"

Sinigurado ni Migs na maayos ang pag kakakabit ng vest ni Crenz.

Ayaw ni Crenz na may ibang humahawak sa kaniya pero nabigla kasi siya sa pagiging concern sa kaniya ni Migs na bibihira lang mangyari kaya hindi na siya nag reklamo.

Nakatanaw ang tatlong lalaki kay Crenz at Migs na nag uusap sa gilid ng railings.

"That's so close"-Mike

"Uh?"-Liphyo

"Sweet asshole"-Hans

Nag kaniya kaniya sila ng react.

Ngumiti si Crenz na ikina gulat naman nila.

"She actually smile?"-Liphyo

Natawa si Hans sa napalakas na boses ni Liphyo na may halong sarkastiko.

'Pfft.. seloso'

"C'mon let's just move this"-Hans

Natatawang aniya at saka kinuha ang mga tubong mukhang kalalagay lang ng mga nag babantay sa bangka.

"Why it's so heavy?"-Liphyo

"Pero 'yong barbell sa gym magaan lang sa'yo"

Ngising asar ni Mike sa kaniya

"Di kasi labag sa loob kong mag buhat sa gym"

Pabiro lang siyang hinampas ni Mike at saka tumulong sa pag bubuhat.

Nag simula nang umandar ang bangka nag tipon tipon sila dahil may ipapaliwanag si Hans sa kanila.

"Una, hindi kayo kilala ng mga tao doon dahil hindi uso ang TV doon kaya para sa kanila ordinaryo lang kayo, pangalawa, tayo ang hahanap ng sarili nating makakain dahil nasa training tayo."

Nag reklamo sila

"Ang hirap naman no'n"-Migs

"Buti nga sinabi namin agad sa inyo kung anong gagawin doon kaysa mangapa kayo"-Hans

"Bakit naman ganiyan?"-Cess

"Utos ng org."

Simpleng sabi ni Hans.

"May reklamo kayo? Umuwi na kayo"-Crenz

Sabay sabay silang nag sabing wala silang reklamo.

Alam na nilang pahihirapan sila ng organization pero hindi sa ganitong paraan.

"Can we eat na?"-Jigs

Napatingin silang lahat sa kaniya.

Medyo mainit na nga sa labas at mukhang pa tanghali na rin.

"Nag luto ang kapatid ko ng makakain, siguraduhin niyo lang na kakain kayo pag dating doon, ayokong masayang effort niya at ang pagkain"

Paalala ni Crenz sa kanila

"Yes Master!"-Kambal

Pag pagkain talaga patakawan sila.

Nag kagulo na sila dahil sa pagkain.

Pati si Hans nakikigulo na rin.

Napailing nalang si Crenz.

Lumabas siya para mag pahangin. Para sa kaniya mabango ang amoy ng dagat at relaxing. Napaisip siya ng kung ano anong mga bagay.

"You still sick?"-Sandra

"Uh? Makigulo ka na sa kanila"

Aniya kay Sandra

"I'm full. Take a rest for the meantime-"

"Malayo sa bituka 'to. Puro nalang tulog nagawa ko"

Gustong tanungin ni Sandra kung anong nasa isip ni Crenz pero baka mabaliw lang siya kapag nalaman niya kung anong iniisip nito.

'Sige na nga let's try, it might be important to make her expression like that' -Sandra

"What are you thinking"

Kaagad na humarap sa kaniya si Crenz.

"Medyo weird na bagay"-Crenz

'lagi ka namang weird, ano bang bago?' -Sandra

"What is it?"

'Siguro importante 'to, c'mon Crenz teach me whatever knowledge you have'

"Pwede bang mag soft drinks kapag water break?"

Kamuntik nang mapa dabog si Sandra sa disappointment.

Kinalma niya ang sarili niya at saka nilapat ang kamay sa balikat ni Crenz.

"'Pag balik natin sa Manila mag patingin ka na sa psychiatrist, don't worry sagot ka na ng RO. Maganda ka pa rin Crenz, don't worry"

Umalis si Sandra nang may alanganing ngiti.

"Huh? Ano 'yon? Seryoso ako sa tanong ko tapos hindi niya sinagot?"

'Hirap talaga magkaroon mg kaibigang siraulo' -Crenz.

Tumunog ang cellphone niya.

Hindi pa nakakalayo sa ang bangka sa pier kaya may signal pa siyang nasasagap.

"Uhm Darrin?"

Aniya pag sagot niya ng cellphone.

"Excited na sila Mama na makita ang boyfriend mo kaya lang sabi niya hindi kayo pwedeng pag tabihin dahil baka may mangyari raw na hindi pa dapat sa inyo-"

'Kingina'

"-Sila na raw bahala sa boyfriend mo at ang kailangan mo lang gawin ay turuan sila kuya Hans"

Masayang sabi ng kapatid.

Nag putol putol na ang sinasabi ng kapatid niya tanda na malayo na sila sa signal kaya pinatay na rin niya ang tawag.

"Si Jerick"

Ang binata lang ang naisip niyang pwedeng alagaan ng Mama niya.

Pumunta siya sa loob at saka kinausap si Jerick

"Ayos lang ba sa'yong mag panggap na boyfriend ko?"

Nagulat si Jerick sa tanong niya

"Ha? Akala ko ba si Jhonzel na?"

"Mali nasa isip ko, hindi pahihirapan ni Mama ang magiging boyfriend ko at ayaw kitang mahirapan."

Napatango siya nang dahan dahan dahil naguguluhan pa rin siya.

"I'll ask Jhonzel"

Napakamot nalang sa ulo si Jerick habang lumalayo sa kaniya.

Umakyat siya sa bubong ng bangka at saka sinamyo ang hangin.

Hindi pwedeng mag dididikit sa Hans sa kaniya dahil kailangan niyang bantayan si Sandra, ang kambal naman ay kailangang bantayan ang mga lalaki, si JM naman ang reponsable sa pag babantay kay Nemi at si Princess ang leader sa pag aayos ng mga gamit at makakain, si Crenz lang ang kailangang mag pahinga dahil tiyak na napapagod siya mamaya pag dating nila doon.

*PAK*

Mabilis na napabaling siya sa kaliwa niya nang makarinig siya ng malakas na hampas.

"Pres! Aw! Aw!"

Dalawang beses pang hinampas ni Sandra si Jigs.

Tatlo lang silang nasa labas ngayon. Masyadong maulap para masunog sila sa sinag ng araw.

"I told you to behave! Mas matanda ka sa'kin pero para kang mas bata kung mag isip!"

Curious lang na tumingin siya sa dalawa.

"Di naman mawawala sa'kin 'yong pagiging maligalig. Di na ako si Jimiel Gil Wade kung hindi ako makulit-aw! Napaka sadista mo!"

"Sinisigawan mo ko?!"

"Hindi hehe"

"At proud ka pa talaga?!"

'Ano bang problema nitong mga 'to?'

"Pres-"

Inis na inis si Sandra dahil ka kakulitan ni Jigs, muntik nang mahulog sa dagat ang kinakain nila dahil sa kaharutan ni Jigs at Jhom. Si Jigs dapat ang nag aalala sa kaligtasan ng mga lalaking kasama nila pero ang kinakalabasan ng mga nangyayari ay Jigs pa ang mag papahamak sa mga ito.

Inagapan kasi ni Mike ang pagkaing mahuhulog sana sa dagat. Kamuntik pang mahulog din si Mike kung hindi lang din siya nahila agad ni Princess.

Piningot ni Sandra si Jigs.

"Pres-Pres- a-awww.."

Napangiwi nalang si Crenz dahil pakiramdam niya ay nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman ngayon ni Jigs.

"Haaay.. Tama na yan"

Saway niya sa dalawa. Bumaling naman sa kaniya ang dalawa.

Binitawan na rin ni Sandra si Jigs.

"Pasalamat ka pinigilan ako ni Crenz. Ihuhulog na sana kita"

Mariing ani ni Sandra at saka nag lakad paalis.

"Jigs umayos ka, delikado ang kakulitan mo dito sa gitna ng dagat"

"Master, salamat sa pag pigil sa sadista nating President"

Umupo ito sa tabi ni Crenz at saka tumanaw din sa kawalan.

Hindi nalang siya inimik ni Crenz

"Naranasan mo naman na sigurong makumpara diba?"

Hindi pa rin siya kumibo. Alam na alam na niyang mag oopen up sa kaniya si Jigs at isa rin 'to sa paraan para makilala niya si Jigs.

"Simula pag ka bata madalas na akong naiikompara kay Migs, masyado kasing athletic si Migs at marami siyang naiuuwing medal kaya proud na proud sila Daddy sa kaniya habang ako madalas akong sabihan ng hindi maganda kasi wala pa raw ako sa kalingkingan ni Migs. Masyado akong tahimik no'ng bata ako at mahiyain kaya hindi na ako mag tataka sa comparison nila. Tapos may bata akong nakilala sabi niya ayos lang daw umiyak o ilabas ang hinanakit mo-"

"Si Yasy?"

Umiling siya

"Hindi ko magustuhan si Yasy dahil sa batang babaeng nag sabi sa'kin no'ng bagay na 'yon. Sabi ko sa sarili ko kung hindi ako sa bahay makakakuha ng motivation na kailangan ko to move forward and be happy maybe sa kaibigan pwede kong makuha 'yon. Then I met Axel Vermon naging mag kaibigan kami at sinabi niya sa'kin na ang negativity ng pamilya ko dapat sa'kin ang maging motivation ko to improve myself then tinulungan niya ako. Habang bata kami iba't ibang sandata ang pinag aralan namin then sumali ako sa target shooting and fortunately I won. You know what the surprising part? My parents is present that moment, they cheering on me"

Mapait na ngumiti si Jigs

"They present on my best while they are missing at my worst"

May hinanakit na sabi ni Jigs.

Alam na alam ni Crenz ang gano'ng pakiramdam dahil 'yon mismo ang nararamdaman niya kaya siya lumalayo sa iba. Ang pinag kaiba lang nila ni Jigs ay tinatawa ni Jigs ang problema niya at dinadaan sa kakulitan at nilalayuan o iniiwasan naman ni Crenz ang problema niya.

"Lesson learned?"

"Ha?"

"Kung hindi ka swerte sa atensyon ng pamilya mo mag hanap ka ng ibang pamilya"

Natawa si Jigs.

"Ano ba master hindi naman ako nakikipag biruan."

Tiningnan siya ni Crenz ng walang kwentang tingin.

"Stupid, pamilya rin ang kaibigan. Kung hindi ka swerte ngayon edi kapag gumawa ka ng sarili mong pamilya alam mo na kung anong gagawin mo. 'yon ang tinutukoy kong lesson learned."

Ngumiti si Jigs

"Wow master! Ang galing mo talaga!"

"Huwag kang OA"

Huminga nang malalim si Jigs.

"I want to build a family with Yasy before, kung kailan naka alis na siya saka ko lang nakita 'yong halaga niya."

'before? Paano naman ngayon?'-Crenz

"Before? Nag bago na ang nararamdaman mo?"

"Yasy is a great woman and a person like me doesn't suit her greatness. 'Yong first love ko bumalik and I still feel the same way for her. Nakausap ko si Yasy bago siya umalis, we both bring up that we both loved someone else and we settle for being a friends- wait? Kilala mo ba ang tinutukoy ko? Baka mamaya salita lang ako ng salita pero hindi mo naman pala kilala"

'malamang! Kadugo ko 'yon tsk!'

"Stupid, may book manual tayo kaya kilala ko 'yon"

'katabi ko pa nga 'yon matulog no'ng nakaraan'

Tumango tango si Jigs.

"Oo nga 'no? HAHAHAHAHA"

"Sige tawanan mo katangahan mo"

Nakangiting nag patuloy si Jigs

"'yong babaeng gusto kong makuha ngayon at naiimagine kong magiging Ina ng mga anak ko, impossibleng maging akin. I'm trying to give a hint for so many years but it can't reach her. Nakikita niya lang ako as a brother and that's sucks"

Napatango tango si Crenz

"Bata ka pa naman, baka hindi lang talaga siya para sa'yo"

"Sana pwedeng mag twist ang tadhana at mapunta siya sa'kin"

Umiling lang si Crenz bilang Hindi pag sangayon sa sinabi niya

"Bakit?"

"Paano kung sa tadhana pala niya ngayon ikaw ang end game niya? Edi napunta siya sa iba kung nag twist pa 'yon?"

Naguguluhan si Jigs

"Ang lalim"

"Stupid, napaka babaw lang no'n. Gumawa ka ng paraan para makuha siya, sabi nga nila give your best shot para makuha mo siya. Hindi naman kailangang great ka rin gaya ng taong gusto mo eh, ang mahalaga lang naman doon at the end of the day may balikat siyang masasandalan kapag pagod na siya."

Parang hinahaplos ang puso ni Jigs sa mga sinasabi ni Crenz.

Hindi pala kada buka ng bibig ni Crenz ay puro di magandang salita lang ang lalabas dito, may mga aral din talaga.

"Paano kung sa iba niya gustong mag pahinga?"

Isa sa kinakatakutan ni Jigs ay ang bagay na 'yon.

"'yon lang.. Tsk tsk tsk.. ang magagawa mo nalang ay gawing available ang sarili mo sa lahat ng oras para hintayin siyang lumapit sa'yo at mag pahinga sa'yo. Marami pang mag babago Jigs, malay mo sa pag babagong 'yon sumama rin ang nararamdaman mo sa kaniya."

Umiling si Jigs

"Kung gustong mag bago ng nararamdaman ko siguro dapat dati pa no'ng nakilala ko si Yasy. Hindi naman nag bago ang nararamdaman ko eh, nangalahati lang at si Yasy ang kalahati. Kaya hindi ako compatible kay Yasy, deserve niya 'yong taong Mahal siya ng buong buo hindi 'yong may kahati."

Naiinis siya kay Jigs pero humahanga pa rin siya sa desisyon nito kahit nasasaktan siya sa dalawang babaeng hindi pwedeng mapunta sa kaniya. Isang ayaw niya nang masaktan at isang hindi niya makuha.

"Alam mo 'yong worst doon? Maraming naka pila sa kaniya at two great person pa ang kaagaw ko at ang swerte no'ng isa dahil gusto niya 'yong isang 'yon."

Tinapik nalang ni Crenz ang balikat ni Jigs.

"Ayos lang 'yan. Talon ka nalang diyan oh, kesa mag bigti ka. Atleast diyan wala nang kailangang kabaong pa, lulubog ka nalang tapos-"

"Master namaaan.."

Reklamo niya

"Pfft.. kesa nag iinarte ka diyan bakit hindi ka nalang mag isip ng paraan kung paano mag papalakas sa babaeng 'yon kesa tinitiis mo 'yong pambubugbog sa'yo ni Sandra"

Biglang napa hawak si Jigs sa tenga niya napakiramdam niya ay nandoon pa rin ang pag pingot sa kaniya ni Sandra.

"Tsk.. masakit pa pala tenga ko, kaya pala mainit. Napaka sadista!"

Sigaw niya nang may pag paparinig kay Sandra.

Narinig naman 'yon ni Sandra kaya napatingin siya sa taas.

"HAHAHAHA"

Nag tawanan silang mga nakarinig habang nakabusangot naman si Sandra.

"Yaan mo siya Pres, deserve niya 'yon"-JM

"Mas deserve mo 'yon, huwag kang mag papatalo"-Nemi

"Luh.. papansin."-JM

Nag simula na namang mag asaran ang dalawa.

"Ayos na ba ang tiyan mo? Hindi ka na nasusuka?"

Malumanay na tanong ni Crenz sa kaniya.

"Sariwa na ang hangin at hindi na pahinto hinto ang sinasakyan natin kaya ayos na ako. Ikaw master? Nilalagnat ka pa ah? Dapat nag papahinga ka na"

"Nag papahinga ako bago ka pa pingutin ni Sandra"

Natawa si Jigs

"Papatulong sana ako kung paano bawas bawasan ang pagiging sadista ni Pres pero sa isang sadista rin pala ako mag tatanong"

Inosenteng tiningnan siya ni Crenz.

Bumaba na sa bubong si Jigs at pinag pag ang kamay niya.

"Alright! I will follow your advice.. you're still cool master, kaya crush kita eh"

Sabi ni Jigs at saka bumaba para manggulo ulit kasabay na ngayon ang kambal niya.

Namula naman si Crenz sa sinabi nito dahil nabigla siya.

"Eh ano naman? Masyado akong maganda para hindi ako hangaan."

Pag susupil niya sa puso niyang nagiging malambot ata at napapadalas kiligin 'pag may nag ta tapat sa kaniya ng pag hanga.

Lumipas ang ilang minuto at natahimik na silang lahat. Mga nakaupo at naka sandal sila sa upuan at nag lalaro ang mga lalaki habang ang mga babae naman ay nag pipicture sa labas habang naka bantay sa kanila si Migs at Liphyo in case of emergency. Parehong swimmer si Migs at Liphyo kaya sila ang inutusan ni Hans na mag bantay kina Sandra ngayon.

Tinabihan lang ni Hans si Crenz na natutulog sa bubong dahil baka gumulong ito pababa na hindi naman mangyayari dahil bukod sa patag ang bubong, hindi rin malikot si Crenz matulog.

Nag babasa lang si Hans pero hindi makapag concentrate dahil iniisip niya rin ang sinabi sa kaniya ni Arya kahapon.

'Gusto ko si Sandra, pero-'

Sa pag iisip na may 'pero' doon niya napapatunayan na hindi buo ang puso niya para kay Sandra dahil bumalik ang nauna niyang nagustuhan kaysa kay Sandra.

Mag ka pareho sila ng sitwasyon ni Jigs na kailangang may piliin pero kung ang pipiliin nila ay ang babaeng walang interes sa kanila, baka pag sisihan nilang hindi nila pinili ang taong nandiyan para sa kanila habang sila ay walang pake at dina daandaanan lang ang mga ito.

'Kailangan kong timbangin ang nararamdaman ko.. kung puro ang nararamdamanan ko kay Sandra, hindi ako maguguluhan ng ganito.'

'Pero-'

Ang dami niyang problema kaya kailangan niyang mag isip. Ang iniisip niya ay sigurado siyang minahal niya si Sandra pero naging tagilid lang ang lahat nang bumalik si Arya.

Binaba niya ang libro niya saka siya nasilaw sa sinag ng araw kaya napa tingin siya sa gawi ni Crenz na tulog na tulog.

Tumagilid siya at tiningnan ang mukha ni Crenz at napangiti. Isinilong niya ang mukha ng dalaga gamit ang librong binabasa niya kanina para hindi mainitan ang mukha nito. Maya maya lang ay kumulimlim ulit kaya binaba na niya 'yon.

'Hinding hindi ako mag sisising ikaw ang una kong minahal Yara, pero ngayon i guide mo ako kung kanino ko dapat ibigay ang natitirang espasyo sa puso ko. May porsyento ka dito sa puso ko at hinding hindi mawawala 'yon. Poprotektahan kita kahit kapalit pa no'n ang buhay ko.'

Sa isiping 'yon ay napangiti siya at saka naka tulog din paharap kay Crenz.

Napakamot naman sa ulo si Migs habang tinitingnan ang dalawang tulog sa bubungan.

"Pareho talaga kayong wirdo"

Napa iling nalang siya at saka sumampa sa itaas at siyang naging bantay ng dalawang tulog.

Habang nag lalaro siya ay maya't maya naman ang tingin niya sa dalawa dahil baka mahulog ang mga ito.

'Hindi ako makasigaw sa inis.. bwiset! NAPAKA BANO MO MAG LARO JONMAR!!'

(ノಠ益ಠ)ノ彡┻━┻

Inis na sigaw niya sa utak niya.

Nag ngingitngit naman sa inis si Liphyo habang iniisip na hindi siya ang magiging boyfriend ni Crenz mamaya.

'Pero nag sabi na siyang ako ang gagawin niyang boyfriend! Nakakainis talaga 'yong pag iisip niya! Pa palit palit!'

"Kunan mo nga ako ng picture"

Utos sa kaniya ni Sandra.

Kinuha niya lang ang camera at pinicture an si Sandra.

Binalik niya ang camera saka excited namang tiningnan ni Sandra 'yon.

"Ano 'to?! Hindi ka ba marunong kumuha ng picture? Sa'kin ka mag focus. Ano 'to?! Dagat na may konting ako?!"

Inis na singhal sa kaniya ni Sandra

"Ang dami mong reklamo ang mahalaga nakita ka sa picture"

Singhal niya rin sa dalaga.

"Putol 'yong sa balikat ko, titingin ka nalang pa mali mali pa!"

"Mas maganda naman ang dagat kesa sa'yo. PHOTO BOMBER!"

"You're so stupid!"

"Nyenyenye"

Pang aasar niya sa dalaga.

"Hindi ka na nga mabait wala ka pang talent sa photography"

Nasa wisyo ngayon si Liphyo para makipag asaran.

"Yabang mo, pakitaan mo nga ako ng photography na sinasabi mo"

Binigay niya kay Sandra ang camera at saka nakipag palitan ng pwesto dito.

"Dalian mo, kahit anong itsura ko naman diyan gwapo pa rin ako"

Taas noo namang pinorma ni Sandra ang camera niya

"Makikita mo kung gaano ka worst 'yong pag picture mo sa pag picture ko. Ipapakita kita pati na ang magandang background. Gano'n dapat, wala ka talagang alam!"

Pumorma sila pareho.

"1,2,3..*click*"

Lumapit siya kay Sandra at sabay nilang tiningnan ang picture.

"Damn! You're so good.. Pfft!"

Nahihiya namang lumingon sa ibang gawi si Sandra para hindi masalubong ang tingin ni Liphyo.

"Mas worst 'tong kuha mo. Bakit ganito?"

Hanggang noo lang ang pinakita sa camera at putol din ang balikat nito habang whole body naman ang pag kuha sa kaniya. Nakatagilid ang camera at mas lamang ang pag kuha sa dagat.

"Anong sinasabi mo?! Sadyang pangit ka lang talaga!"

Kahit nahihiya ay nilakasan niya ang loob niya para makipag talo kay Liphyo.

"Ito ba 'yong pinag mamalaki mong photography? Sa susunod huwag kang mag tuturo ng bagay na hindi mo alam"

"Ang kapal mo!"-Sandra

"Ang pangit mo!"-Liphyo

"Mas pangit ka!"-Sandra

Tinalikuran siya ni Liphyo at saka nag lakad paalis pero maya maya rin ay bumalik.

"Oh bakit ka pa bumalik?"

Pag tataray ni Sandra

"Hindi nga pala kita pwedeng iwan"

(^ – ^ !)ゞ

"Freak!"

"Sadista!"-Liphyo

*PAK!"

"Aw!"-Liphyo

HINDI malaman ni Crenz kung maiinis siya dahil sa ingay nila Sandra o matatawa dahil sa itsura ni Hans na tulog na tulog sa harap niya.

"Master gising ka na pala. Kanina ko pa gustong murahin si JM pero natutulog kayo kaya nanahimik nalang ako, ang galing ko ba master?"

( ~_^ )

*Wink*

"Nakakaasiwa mukha niya"

Bulong niya sa sarili niya habang nakatingin kay Migs.

"Hahaha.. bababa na ako ah, may mumurahin lang ako"

Kinumpas niya lang ang kamay niya para itaboy si Migs.

Umupo siya tsaka tiningnan si Hans na tulog at bumaling sa pwesto nila Sandra sa unahan ng bangka.

Nag tatawanan na sila ni Sandra habang nag aasaran.

*Bell's ring*

Napatingin silang lahat sa nag patunog ng maliit na bell

"Ma'am, sir paki ayos nalang po ng mga gamit niyo dahil pa baba na po tayo"

Dumungaw sa labas ang mga nasa ibaba. Nagising naman si Hans at saka sinilip ang paligid.

"Yey! Nandito na tayo! Wooh- a-ah aray aray preeees.. masakit.."-Jigs

"Lumapit ka pa talaga dito para sumigaw"

Kumilos naman na ang mga gwardiya para sa mga gamit nila. Naka abang na rin sa daungan ang iba pang guard.

"Face mask Austin, Mike"

Paalala ni Jerick

Agad naman silang nag suot no'n.

"So? Sino boyfriend mo?"

Nagulat siya sa bulong ni Hans

"Ilayo mo mukha mo, napaka pangit"

Sabi ni Crenz at saka tiningnan kung may signal na.

Pag ka rating ng signal sa cellphone niya ay agad na may tumawag.

"Oh?"

"Ate, nasa'n na kayo?"

Tiningnan niya ang bangkang ilatag ang tulay na kawayan para makadaan sila.

Pumunta siya sa bungad ng bangka at saka pinatigil silang lahat bago tumawid kaya napa atras naman sila.

"Nasa bayan na. Nakapag luto ka na?"

"Opo pero may problema ate."

Kinabahan siya sa tono ng kapatid

"Ano? Sabihin mo na"

Tiningnan lang siya ng lahat

"Ano.. lasing si Papa"

Nag taka si Crenz dahil lagi namang lasing ang tatay nila at wala nang bago doon.

"Oh tapos? May bago ba?"

Kunot noong tanong niya

"Susunduin daw kayo, nasa labas na ng baryo kasama si kuya"

"Ano?! Hinayaan niyo lang?!"

Masama ang tingin niya sa lahat kaya nag kaniya kaniya ng linga sa paligid ang mga kasamahan niya.

Kinuha naman niya ang atensyon ng kambal at saka sinenyasang mauna na tumawid.

"Kasama niya si kuya, tumingin ka sa paligid mo kapag nasa daan na kayo. Walang dalang cellphone si kuya kaya tingnan niyo nalang ang gilid niyo sa daan para maisabay niyo pauwi si Papa."

'Ang aga aga! Sino naman kayang lintek ang nag painom ng alak kay Papa gantong tirik na tirik ang araw.'

"Sige titingnan ko-"

"Nga pala 'te, kukunin ka raw na evaluator sa mga student teacher dito"

Napa himas nalang siya ng noo. Mukhang pinag kalat na ng Mama niya na pauwi na siya.

"Hindi naman yan gaganapin ngayon 'no?"

Pina sunod niyang pinalabas si Hans at Sandra. Todo asikaso naman si Hans kay Sandra.

"Mamayang 4pm pa naman hehehe.."

'hindi ba ako pwedeng mag pahinga?'

Isip isip niya.

Sunod sunod na niyang pinababa ang mga kasama niya at nahuli lang si Liphyo habang naka tingin sa kaniya.

"Sige na, bababa na kami"

"Ingat!"

Pinatay na ng kapatid niya ang tawag saka siya tumingin kay Liphyo na nakatingin lang sa kaniya.

"Anong tinitingin tingin mo?"

May iritasyong tanong niya dahil hindi pa rin niya makalimutang ipag kakasundo na pala si Liphyo sa iba, lakas pa ng loob niyang mag drama sa harap niya.

"Kahit nakaka bwiset ka nagagandahan pa rin ako sa'yo."

Sarkastikong tono niya at saka tumalikod para umalis

"What's wrong with my eyes?"

Dinig pa ni Crenz na sabi ni Liphyo.

"Ano 'yon? Maganda naman talaga ako ah."

Humarap siya sa mga guard na kasama nila.

"Kayo na bahala sa mga gamit ah? Ingatan niyo, baka may masira kayo"

Tumango sa kaniya ang mga gwardya.

Tinawid na rin niya ang tulay saka huminto sa pababang harang na bato.

Nakaabang si Liphyo, Mike at Hans sa kaniya, sabay sabay na inabot ang kamay nila para alalayan siya.

Nag katinginan silang tatlo habang ang mga kasamahan nilang nakaka kita sa kanila ay nag hiyawan sa pang aasar sa kanila.

"HAHAHAHAHA ang ganda mo Master!"

Tiningnan ni Crenz ng may pag tataka ang tatlong 'yon.

"Anong ginawa niyo?"

Tumalon si Crenz sa harang na 'yon saka tumingin sa tatlo.

"HAHAHAHA"

Humalakhak sa tawa sila JM

Napakamot naman sa ulo si Mike habang napapahiyang natawa, tumalikod naman si Liphyo at saka nag lakad paalis habang si Hans ay inakbayan siya.

"Maging mabait ka naman minsan, tanggapin mo naman ang tulong ko"

Natatawang sabi nito.

Siniko lang ni Crenz nang mahina ang tagiliran nito para alisin siya sa pag kaka akbay sa kaniya.

"Kaya ko naman, ba't naman ako mag papatulong sa inyo?"

"Pfft.. paano pag may boyfriend ka na? Kailangan mong ibaba ang pride mo"

Umiling nalang si Crenz

"Kung mag kaka boyfriend man ako sisiguraduhin ko nang siya mag aadjust sa'min."

Pinisil lang ni Hans nang bahagya ang pisngi ni Crenz

"Kapag nag ka boyfriend ka sigurado akong mas mahal mo siya kesa sa mas mahal ka niya. Ibababa mo rin 'yang pride mo kaya ngayon palang pag aralan mo na kung paano mag baba ng pride at tumanggap ng tulong kahit kaya mo na, maraming nag eeffort na masasaktan mo kapag lagi kang ganiyan."

Napairap nalang si Crenz sa mga pangaral ni Hans. Wala nga si Nina nandito naman si Hans para sermunan siya.

"Oo na oo na. Nasa'n na ang bus?"

*Beep beep*

Tumingin sila sa bumusina.

Narating na rin ang bus nila kaya nag si pasok na silang lahat.

Lumapit siya sa driver

"Anong pangalan mo?"

Seryosong tanong niya.

"He's kuya Henry"-Sandra

Taka siyang tumingin kay Sandra

"Anong ginagawa mo dito? Umupo ka na sa upuan mo."

Seryosong sabi niya kay Sandra

"Nasa labas pa sila Hans at kambal, dito nalang muna ako mag aantay kasi ako, nag pabili rin ako ng pasalubong."

Hinila niya si Sandra at saka pinaupo sa unang upuan at nilagyan niya ng seatbelt.

"Huwag kang tatayo diyan. Baka mamaya nasa labas ka na agad nalingat lang ako saglit."

Nginusuan lang siya ng dalaga.

Bumalik naman siya sa driver saka niya ininstuctionan patungkol sa tatay niya.

"Ihinto mo nalang kapag sinabi ko"

"Yes ma'am"

Tiningnan niya si Sandra na halos humaba na ang leeg kaka tingin sa labas kung nandoon na sila Hans.

"Crenz, nasa'n si- ayan! HAHAHAHA kala ko ba lalabas ka? Ba't parang ginapos ka diyan? Sabi ko naman sa'yong di ka palalabasin ni Crenz."

Pang asar ni Nemi

"Shut up"

Umupo lang sa tabi ni Sandra si Nemi.

May nag dadabog na lumapit naman sa kanila.

"Cess? What's wrong?"

"Those crazy jerk emptied my wallet, argh!"

Inis na aniya.

"HAHAHAHA.. pupusta ako, si Jigs 'yon."

"Si Migs 'yon, nakita ko siya kanina"-Sandra

Tumingin sa kaniya ang lahat

"Bakit hindi mo pinigilan?"

"Sabi niya pinayagan mo raw siya."

"Professional liar!"

Inis na aniya at saka padabog na umalis.

"Nasa'n na ba sila? Kailangan na nating umalis"

"Sunduin ko ba?"-Jm

"Edi mas lalong napatagal"-Nemi

"Kontrabida talaga"-Jm

"Pfft!"-Sandra

Tumingin si Crenz sa labas para tingnan kung naka balik na ang tatlo.

Matapos ang limang minuto at naka balik na rin sina Hans.

"Tara na Henry, dali"

Nasa hagdan palang ang mga lalaki ay sinara na ang pinto at pinaandar na ang sasakyan.

"Master! Hayaan mo muna kaming maka upo"

*Pak*

Tumama ang ulo ni Hans sa isang handle.

Muntik pang matawa si Crenz sa pag pagatok nun.

"HAHAHAHA!"-Kambal

'ay oh, mga demonyo, tinawanan pa'

Isip isip ni Crenz

"Ouch"

Sabi nalang ni Hans at saka kumapit sa handle na nasa gilid sa taas niya.

"Bat pina andar mo agad?"

Tanong ni Hans

"Sabi po kasi ni ma'am Crenz."

"Kanina ko pa kayo hinahanap, nasa labas si Papa, lasing at susunduin daw tayo, kailangan kong makita agad sila Papa, baka mapahamak sila sa labas"

May kaba na sa tono ni Crenz

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"-Hans

Hindi na siya tiningnan ni Crenz at tinutok nalang ang paningin sa daan.

"Dalhin niyo 'to doon, may hahanapin pa kami"

Utos ni Hans sa kambal

Parehong nasa harap si Hans at Crenz at tumingin sa dinadaanan ng sasakyan para mahanap agad ang kapatid at tatay niya.

*BLAG*

Nag tawanan naman sila Sandra nang madapa si Migs dahil hindi siya naka hawak sa kahit saan bukod sa mga hawak niyang plastic.

"Hahaha pre, tulungan na kita"-Austin

"Alam mo para kang anghel na demonyo"

"HAHAHAHAHA"-lahat

Nakaupo na rin nang maayos ang kambal saka naman pinag hahampas ni Cess si Migs.

"Ano? Bakit?"

"Bakit mo pinakelaman pera ko?!"

Nag simula na siyang pagalitan ng pinsan niya.

"Nakita mo na?"-Hans

"Kung nakita ko na malamang pinahinto ko na 'to"

Nag pigil sa tawa ang driver nila

'pilosopo nga pala si Yara'-Hans

After 10 mins nakita na niya ang tatay niya at si Darwin.

"Hinto!"

Halos masubsob silang lahat sa lakas ng preno ng driver.

"Manong, dahan dahan naman"

Reklamo ng kambal

"Pasensiya na po-"

"Buksan mo na ang pinto."

Utos ni Crenz.

Bumukas naman ang pinto at susunod na sana si Hans sa kaniya.

"Mag bantay ka lang dito, Di pwedeng wala isa satin ang maiiwan kay Sandra"

Matapos niyang sabihin 'yon ay tumakbo na siya palapit sa kinaroroonan ng tatay at kapatid niya habang si Hans ay walang nagawa kundi sundin ang sinabi ni Crenz.

"Ate!"

Kumaway sa kaniya ang kapatid niya habang inaalalayan ang tatay niya.

"Bakit hinayaan mong makarating pa kayo dito?"

Seryosong tanong ni Crenz sa kapatid niya.

"Kasi si Papa gusto ka nga raw makita agad, gusto raw niya siya ang unang sasalubong sa'yo"

"Uhm? Ikaw ba si Creya? Hindi ikaw si Creya, ipakita niyo sa'kin si Creya"

Halos hindi na maidilat ng maayos ng tatay niya ang mata niya.

Napakamot ng ulo si Crenz sa inis.

"Tara na sa bus"

Inalalayan nila pareho ang tatay nila papunta sa bus habang paulit ulit nitong sinasabing gusto niyang makita ang anak niya.

Binati ng mga kaibigan ni Crenz ang tatay niya.

"Good morning Mr. Vilarde"-Liphyo

"Oo ako nga si Vilarde at sino ka naman? Nasa'n ba ang anak ko? Creya! Creya!"

Gustong mapa padyak ni Crenz sa inis dahil sa panggugulo ng tatay niya.

"Umupo na kayo."

Sapilitan namang pinaupo nila Crenz ang papa niya sa isang upuan at sineatbelt-an ito.

"Gaano ka ba kahina para hindi mahila pabalik si Papa?!"

Bulyaw niya sa kapatid.

"Sinubukan ko naman kaya lang pinipilit niya talagang sunduin ka."

*Pak*

Hinampas niya ang braso ng kapatid.

"Aww.."

Reklamo ng kapatid niya habang hinihimas ang hampas ni Crenz.

Inasikaso ni Crenz ang natutulog niyang tatay habang nililibot naman ni Darwin ang paningin niya sa mga kasamahan ni Crenz.

"Uh? Diba ikaw 'yong artista?- wow! Ate may kasama ka palang artista?! Hello! Darwin Vilarde po"

Masayang bati ni Darwin kay Mike.

"Hello, nice to meet you"

Nakangiti ring bati ni Mike

Umakbay si Migs kay Darwin

"Hello, ako nga pala ang boyfriend ng ate mo"

Agad tumingin si Darwin kay Migs.

Saka umiling

"Ate ayos lang namang wala kang maipakilalang boyfriend kay Mama, wag mo lang ihaharap 'tong isang 'to"-Darwin

Tinulak siya nang bahagya ni Migs

"Aba bastos 'tong batang 'to ah!"

Nag kukunwareng aambahan ni Migs si Darwin pero tinatawanan lang siya ng binata.

Nangingibabaw naman ang tawa ni Jigs na agad ikina lukot ng mukha ni Migs.

"Jimiel Gil, huwag kang tumawa.. kambal tayo, hairstyle lang pinag kaiba ng itsura natin"

Tinawanan naman sila ng mga tao doon at nag patuloy ang byahe nila, malapit na rin sila sa baryo nila Crenz.

"Hans huhuhu ang gwapo mo talaga pre! Bakit hindi nalang maging kayo ni ate? Opposite attracts naman diba? Gwapo ka, pangit si ate-"

Nakuha ni Darwin ang atensyon ni Crenz. Umangat ata ang tenga niya dahil sa sinabi ng kapatid.

"-mahaba pasensiya mo, sing nipis naman ng sinulid ang kay ate-"

Tiningnan niya ang kapatid na nag eenjoy pa sa sinasabi niya habang ang iba ay nag pipigil na ng tawa.

Kunware namang seryosong nakikinig si Hans na patango tango pa.

"-masipag ka, saksakan naman ng tamad si ate-"

"She's going to explode"

Bulong ni Jigs kay JM saka sila sabay na bumungisngis.

Tiningnan ng masama ni Crenz ang kapatid na hindi makuha sa tingin. Hindi rin naman kasi pansin ni Darwin ang tingin ni Crenz dahil busy ito sa pag tingin kay Hans

"-may sense ka kausap, walang kwenta naman kay ate, baka tulugan ka lang niya-"

Pabulong bulong pa si Darwin habang patango tango naman ang kausap.

Tumayo na si Crenz para iparamdam ang presensya niya.

"Pfft.. they're so cute"-Sandra

"-mayaman ka, mahirap si ate-"

Pinag patuloy pa ng kapatid niya ang pag cocompare sa dalawa.

Kumuha na ng pwedeng ibato si Crenz sa paligid niya.

Pero wala siyang mahanap

"Tumigil ka na Darwin"

Malumanay na aniya pero mukhang hindi iyon narinig ni Darwin.

"-masarap kang mag luto- *PAK!* AW!"

Nagulat si Darwin dahil may lumipad nalang sa kaniyang sapatos.

"Owshiiiii-"

"That hurts"

"He's doomed"

"HAHAHAHAHA"

Kaniya kaniya sila ng tawa

"Ano ba 'yon 'te? Sasabihin ko pa namang mas masarap kang mag luto"

Reklamo ni Darwin

"Ahh.. gano'n ba? Hindi ko kasalanan kung mas mabilis ang sapatos ko kesa sa pag sasalita mo. Binili 'yan ni kuya Chigs mo kaya siguro mabilis ding lumapat sa mukha mo."

Malumanay na aniya.

"Nandito na po tayo"

Nag si tayuan sila at saka tiningnan ang labas

"Omy- what's that?"-Sandra

Natigalgal nalang sila sa nakita nila.

"Bakit ganito?"-Crenz