32

Kinakabahan nang tumingin si Darwin at Crenz sa labas.

"Huwag mong sabihing kasama ako sa matatamaan niyan?"-Crenz

Nakatingin sila pareho sa nanay nilang may hawak na walis tingting at mukhang handang handa na ipalo sa kanila.

"Iiwan mo kami ni Papa? Salubong sa'yo 'yan ni Mama"

*PAK*

Hinampas nanaman niya ang kapatid.

Gulat namang hinimas ng kapatid niya ang braso niya at nakangiwing tumingin sa kaniya

"Lumabas ka na, isama mo si Papa. Sabihin mo wala ako dito sa bus-"

"Ano?! Eh nandito ka."

"Kaya nga sabihin mong wala ako. Sabihin mong nag paiwan ako saglit para mamili sa bayan tapos akayin mo na paalis si Mama, kita mong nag aalburoto na 'yan oh baka atakihin 'yan"

Napakamot ng ulo si Darwin.

"Hans, samahan mo nga si Darwin sa baba, sabihin mo wala ako, tulungan mo na ring ibaba si Papa"

Utos niya kay Hans.

Natatawang tumango naman si Hans.

"Sa'yo ba dapat tatama 'yong hawak niya?"

Inosenteng tanong ni Sandra

"Pfft.."

Nag pigil silang lahat sa pag tawa

"Para kay Papa dapat 'yan. Pag nalaman niyang nandito ako, malamang tatamaan din ako niyan"

Aniya habang patingin tingin sa labas.

Nakatingin lang sila sa labas habang nag aayos ng gamit nila.

"Owshiiiii- HAHAHAHA"-Jigs

Gulat sila nang hinampas ng nanay ni Crenz si Hans habang akay akay nito ang papa ni Crenz

"Hahaha.. now I'm nervous"

Tatawa tawang sabi ni Sandra at saka sumeryoso.

Napa hampas nalang sa noo si Crenz sa ginawa ng nanay niya.

Nakumbinsi naman ni Hans na umuwi na sila Darwin para makapag pahinga na ang Papa ni Crenz.

"Sorry ikaw pa tinamaan"

Bulong sa kaniya ni Darwin

Nag ok sign lang si Hans kahit medyo nahihiya siyang nakita siya ng mga kasama nila na hinampas siya nito sa pwetan.

Nang makalayo na sila ay bumalik naman na siya sa bus.

"Kawawa naman 'yong bata, hinampas ni Mama huhuhu"

Malakas na asar ni Jigs

"Mukhang araw araw kang mahahampas ni Tita kung mag tatagal ka dito"-Hans

Nakangiting tumango naman si Crenz na kumbinsidong kumbinsido sa sinabi ni Hans.

"Ayos na ba kayo? Tara na"

Isa isa na silang bumaba dala ang mga importante nilang gamit.

Pag labas nila ay ang pag pasok naman ng ibang guard na naka sunod sa kanila para kunin pa ang iba nilang gamit.

Pinangunahan ni Crenz ang daan papunta sa kanila.

Napatigil si Crenz sa pag lalakad nang may maalala siya saka tumingin sa mga kasama niya

"May dalawa tayong pwedeng daanan, isang short cut o long way. Sa short cut, mapapadaan tayo sa gubat pero may mga ahas kasi doon kaya iilan lang ang dumadaan do'n o kung gusto niyo sa may palayan tayo dadaan medyo may kalayuan nga lang"

"Short cut na"-Jigs

"Sa mahaba nalang safe pa"-Cess

Hati ang opinyon ng iba dahil mga pagod na rin sila.

"Mike, decide"-Sandra

Nag tanggal ng mask si Mike

"Sa safe way nalang, isa lang din naman ang kalalabasan ng dadaanan natin eh, bahay pa rin naman nila Crenz kahit mag short cut pa tayo. Mas maganda na 'yong safe"

Matapos niyang sabihin 'yon ay nag takip na siya ulit ng facemask.

Tumango si Crenz

"Ok, sa palayan tayo"

Sinabayan ni Hans si Crenz mag lakad at nag usap sila sa mangilan ngilang pag babago sa lugar na 'yon.

Maligalig na nag habulan naman ang kambal nang pitikin ni Jigs ang tenga ng kapatid niya.

"Tama ba 'tong dinadaanan natin?"

Nasa palayan na sila.

"Tama 'to"

Nag mamadali namang binalikan ni Darwin sila Crenz.

"Ate ang ganda ng mga kasama mong babae"

Bulong nito sa kaniya tsaka siya nilampasan at tumulong sa mga bitbit ng mga babae, lalong lalo na kay Sandra.

"Anong sabi?"

"Pantasya niya raw mga babaeng kasama natin"

Natawa naman si Hans saka tumingin sa gawi nila Sandra.

"Saglit lang mag huhugas lang ako ng kamay"-Liphyo

Tumingin sila pareho kay Liphyo

"Dude sa bahay ka na mag hugas"-Hans

"Saglit lang talaga"

Kumuha ng mineral water si Liphyo at binaba ang gamit na dala niya.

"Stupid"

Bulong ni Crenz

Humarap si Crenz kina Darwin

"Mauna na kayo"

Tumango naman sila at nauna na ngang mag lakad papunta sa bahay nila.

Naiwan si Hans at Crenz habang inaantay si Liphyo.

Sa gilid nag hugas ng kamay si Liphyo kung saan ang binabagsakan ng tubig na pinag huhugas niya ay putikan na hinanda na para lagyan ng mga palay.

Lumapit si Crenz sa likod ni Liphyo at sinipat ang ibabang bahagi ng hinuhugasan niya.

Taka namang nakisilip din si Hans kung ano ang tinitingnan ni Crenz. Matapos niyang makitang walang kakaiba doon ay tumingin siya kay Crenz.

*Kick push"

"Wo-woah! *Plaksh*"

Tutulungan pa sana ni Hans na mahabol si Liphyo para hindi mahulog sa putikan pero nahulog na ito.

Inosenteng tiningnan ni Crenz si Liphyo sa baba

"Ba't mo ginawa 'yon?"-Hans

Hindi alam ni Hans kung matatawa o maiinis siya sa ginawa ni Crenz.

"Ang alin? Tinutulungan ko lang siyang hindi na mahirapan mag linis sa konting dumi lang"

Kunot noong tumayo si Liphyo at saka tumingin sa pinanggalingan niya.

"Hoy! Anong ginawa mo?!"

Tinaas niya ang putikan niyang mga kamay at saka pinahid sa damit niya ang mangilan ngilang putik na napunta sa mukha niya.

"Di mo ba alam na bawal mag hugas agad ng kung ano ano pag galing sa byahe? Mapapasma ka raw"

Mahinahong paliwanag niya

"Kadiri"

Bulong ni Liphyo habang winawaksi ang mga putik sa kamay niya.

"Pfft.."-Hans

"Tinatawa tawa mo diyan"

"Magiging ok lang naman siya diba?"

Nakangiting tanong ni Hans

"Wala pa naman akong nabalitaang namatay dahil nahulog sa putikan dito sa'min."

Lalo lang atang natawa si Hans

"Hoy Pula! Anong ginagawa mo diyan sa baba?!"

Sigaw ni Crenz

"Anong anong ginagawa ko dito?! Ikaw nag hulog sa'kin dito!"

"Alam ko! Pero wag mo na I feel 'yang putik diyan, umakyat ka na dito o iiwan ka namin!"-Crenz

"Baliw ka!"

"Alam ko!"

Sinipa ni Crenz si Hans sa may binti niya nang mahina

"Ano?"

"Ikaw mag dala ng gamit niya, mukhang hindi marunong umakyat 'yan"

Natatawang kinuha lang ni Hans ang gamit ni Liphyo

"Aalis na kami!"

"Teka! Saan ako dadaan?!"

Nag bubunyi sa tuwa si Crenz habang nakikitang mukhang batang yagit si Liphyo pero hindi niya maialis sa isip ang gwapong itsura nito kahit pa punong puno na ng putik ang itsura nito.

"Baybayin mo lang 'yang gilid may mababaw na daanan paakyat sa patag!"

Inis na tumingin kay Crenz si Liphyo.

Kumuha siya ng putik at ibabato sana kay Crenz

"Sige subukan mo! Ihuhulog ko lahat ng gamit mo diyan sa putikan"

Napabitaw agad si Liphyo sa putik na hawak niya.

'RAYAAAAAAAA!!'

Sigaw niya sa isip niya.

"Huwag ka nang umarte, ang init init may nalalaman ka pang hugas hugas, mag lakad ka na o maliligaw ka kapag nawala kami sa paningin mo"-Crenz

"Makakabawi rin ako sa'yo!"

"Asa ka!"

Walang nagawa si Liphyo kundi baybayin ang gilid ng pinag bagsakan niya para maka punta sa dulo ng palayan.

"Napaka sama talaga ng ugali, panay na nga panlalalaki tapos nan titrip pa. Sabi niya ako gagawing boyfriend, nakakainis! Nakakadiri, parang ang baho pa sa lugar na binagsakan ko"

Bulong bulong niya

Nang makarating siya sa dulo ay dinaanan lang siya ni Crenz na parang walang nangyari.

"Buhay ka pa dude? HAHAHAHA"-Hans

Umarte siyang papahiran niya si Hans ng putik kaya agad umatras si Hans

"Huwag ako bawian mo HAHAHA.. dapat pinahiran mo na siya pag ka akyat mo dito."

Tiningnan niya ang sarili niya

"Bakit di mo man lang sinabing sinapian 'yang kaibigan mo?"

Nag kibit balikat siya habang natatawa

"Kahit medyo kabisado ko si Yara minsan hindi ko pa rin alam ang tumatakbo sa isip niya. Pero kanina medyo may idea na ako kung anong gagawin niya pero wala eh, nasa putik ka bago ko pa mapigilan"

Tuwang tuwa pa si Hans sa kwento niya.

"Damn, ang init tara na"

Nag lakad na sila pahabol kay Crenz.

LIPHYO'S POV

Nakarating na kami sa bahay nila. Malaki ang space ng bakuran nila at mukhang doon nga kami sa labas matutulog dahil napaka liit lang ng bahay nila.

"Dude anong nangyari sa'yo?"

Nakuha ko ang atensyon nilang lahat sa dungis ko.

"Tinoyo si Raya, tinulak ako sa putikan"

Sa una ay nag pigil sila ng tawa pero nung tumawa ng malakas si Jigs

"Demonyo talaga"

Iling iling ko.

Tumawa na rin silang lahat.

Binati ko agad ang Nanay ng babaeng nagugustuhan ko kahit may sayad sa utak.

"Good afternoon po"

Magalang na pag bati ko.

Naiilang na tumingin naman siya sa'kin

"A-ah.. teka.. KURING!"

"Pfft!"

Hindi ko mapigilan ang mahinang pag tawa ko nang marinig ang tinawag sa kaniya ng nanay niya.

Tumingin naman sila sa'kin kay kinagat ko ang labi ko kahit ang hirap pigilan ng tawa ko.

"Ma?"-Raya

*PAK!*

"Aw!"-Raya

"Anong ginawa mo sa kaniya? Tingnan mo 'yang kapilyahan mo, hindi ka na nag tino!"

Hinimas ni Raya ang hampas sa kaniya ng Mama niya.

"Ma, may gumalaw ng paa ko kaya nasipa ko siya"

Dipensa niya

Nakita kong natawa nang mahina si Hans

"Sino naman gagawa no'n sa paa mo aber?! Tingnan mo itsura niya!

Mukha pa bang tao yan?!"

Nanlaki ang mata ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHA"

Nag palakasan pa talaga sila ng tawa

"Teka tao pa po ako"

Bulong ko nalang sa sarili ko pero sila-

Sana pala di na ko sumama.

"Pasensiya ka na toto at may kabaliwan ang anak ko, kaya lang hindi ka pa pwedeng mag basa ngayon dahil galing ka sa byahe."

"Po?"

Napatingin ako sa itsura ko.

"Ayos lang pong pasmahin basta malinis-"

*Pak*

"Aw!"

Reklamo ko

"Ma.. hindi mo naman anak 'yan para hampasin mo"-Raya

"Aba'y kahit na, kaibigan mo siya at ayokong mawalan ka ng kaibigan dahil lang napasma sa katigasan ng ulo"

Gusto kong mapakamot sa ulo pero andumi ng kamay ko.

"Huwag nga muna kasi pre"-Jhom

Nag pigil sila ng tawa kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Nasa'n ang kapatid mo?! Akala niya nakalimutan ko ang atraso niya ah!"

Tumango tango lang si Raya na mukhang gagatungan pa ang kasalanan ng kapatid niya.

"Darwin! Lintek kang bata ka! Halika dito!"

Sigaw ng nanay niya habang pumasok sa loob.

"Pasensiya na kayo kung medyo sadista si Tita, ganiyan talaga siya lalo pag mali ka. Kaya kung ayaw niyo mahampas mag tino kayo"-Hans

Nag asikaso na sila ng gamit nila

"Ma naman.."

Naririnig naming katwiran ni Darwin

"Ano ma?! Gustong gusto mo talaga yung pinag aalala kami kung buhay ka pa 'no?!"

"Tama tama.."-Raya

Hindi na ako sumilip dahil mag mumukha na naman akong chismoso.

"Ginagatungan pa ni Yara hahaha"-Hans

"Saglit lang naman ako sa labas nun Ma tapos-"

"Mag dadahilan ka pa!"

"Tama tama"

Mukhang tumatango tango pa si Raya habang nakikinig sa kanila.

"Hindi naman sa gano'n-"

"Nag paka hirap kaming palakihin ka tapos magiging sakit sa ulo at suwail ka lang dito sa'min?!"

"Tama tama.."-Raya

Nag simulang mag hagikhikan ang mga kasama namin dahil sa ginawa ng mag iina.

"Sampung buwan kitang dinala dito sa sinapupunan ko tapos lalaki ka lang na siraulo?!"

Natahimik ang loob.

"Ma, siyam na buwan lang ma"-Raya

Natawa kami

"Hindi anak eh, kuwan oberdyu siya kaya sampung buwan"

Sinilip ko si Raya at mukhang gulat siya

"Sampung buwan?! Oo- Tama tama.. over due siya- oh ano ka ngayon labas pa sa madaling araw"-Raya

Sinamaan ng nanay nila ng tingin ang lalaki habang ang lalaki ay masama ang tingin kay Raya.

Hinawakan ni Hans ang balikat ko agad naman akong tumingin sa kaniya.

"Kakain na tayo.. anong balak mo?"

Natatawang tanong niya

"Ano bang gagawin ko?"

"Pfft.. pahinga ka muna tapos after 30 mins mag ayos ka na ng sarili mo. Baka hampasin ka ni Tita pag nag basa ka ngayon."

"Nabasa rin naman ako ng saltikin mong kaibigan ah?"

"Iba si Yara iba rin si Tita. Pili ka nalang kung kanino ka papa hampas, pero payong kaibigan, mas sumunod ka kay Tita"

Dalawang beses pa niya akong tinapik sa balikat.

Pinagpag ko nalang ang natuyong putik sa kamay ko.

Gaya ng sinabi ni Hans kumain na nga sila sa isang kubo na mukhang ginawa talaga para kainan.

Hindi pa ako makakain dahil bukod sa hindi pa naman ako nagugutom madumi pa ako.

Pero kanina ko pa hindi nakikita si Raya, nasa'n na kaya 'yon?

Tinawag ko si Hans pag labas niya sa kubo at tinanong kung nasa'n si Crenz.

"Baka nasa tambayan niya 'yon. Gusto kasi no'n na mapag isa muna, medyo may problema kasi 'yon."

Problema?

Sabagay, ang daming nangyari noong nakaraan sino ba namang hindi namomroblema?

"Sa'n siya pwedeng makita?"

Napatingin siya sa lapag habang nag iisip.

"Minsan kasi nasa ubasan 'yon, minsan nasa kwadra ng mga kabayo pero minsan nasa Kayo 'yon, malaking puno 'yon na bumubunga ng cotton baka nandoon siya."

Ang hilig niya sa puno, unggoy ba siya?

"Saan makikita 'yong Kayo na sinasabi mo?"

Agad siyang tumuro sa likod ng bahay.

"Sa likod niyang bahay may daan paakyat sa pabundok na 'yan. Diretsuhin mo lang tapos pag akyat mo do'n may malaki nang puno doon. Hindi ka naman na mahihirapan kasi 'yon 'yong pinaka malaking puno doon."

Ang galing niya, matapos niyang sulsulan ang Nanay niya bigla nalang siyang lalayas?

"Pupuntahan mo ba siya? Pag pinuntahan mo siya yayain mo na siyang kumain dito, nagugutom na 'yon"

Tsk tsk.. hindi pa naman maayos ang pakiramdam niya tapos nag papagutom siya.

Nag pasalamat ako at sinunod ang instructions niya.

Pag akyat ko nga doon ay natanaw ko agad ang medyo may kalayuan malaking puno na tinutukoy ni Hans.

"Kasama ka ni ate?"

Nagulat ako nang may lumapit sa'king magandang babae.

Ang ganda niya. Kung itsura ang usapan mas maganda siya kay Raya pero syempre sa paningin ko sobrang ganda ni Raya at walang makakapantay doon.

"Kapatid ka ni Raya?"

Natatawa siyang napa kunot noo at saka tumango

"Opo? Pfft.. ikaw pala 'yong sinasabi ni ate na bulol"

Nabigla ako sa sinabi niya.

"Ako? Bulol?"

Tinuro ko ang sarili ko para kumpirmahin.

Natatawang tumango nanaman siya

"Hindi mo raw mabigkas ng tama ang pangalan niya"

Napa buga ako ng hangin at tumingin saglit sa ibang bagay at bumalik ang paningin sa kaniya.

"Sinabi niya talaga 'yon?"

"Uhm! Masasabi ko ba 'to kung hindi niya sinabi sa'kin?"

Pilosopo.

No wonder mag kapatid nga kayo.

"Ok ok.. nasa'n ba siya?"

Umiling siya sa'kin.

"Ayaw niya pa istorbo"

"Bakit?"

"Gusto niya raw ng katahimikan"

May lungkot sa mata ng kapatid niya.

"Ako bahala, hindi naman ako mapapatay ng kapatid mo. Hindi niya kaya 'yon"

Ngumiti siya sa'kin at saka tinuro ang malaking puno.

"Nandoon siya, mukhang masama ang pakiramdam kaya nag papahinga. Tree house 'yan pero di ko alam kung pumasok na siya sa loob o nasa baba lang ng puno. Bababa na ko mag papakainin ko pa si Wacky

at susunduin ko pa si Charrie. Goodluck!"

Umalis na siya.

Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa pag baba niya dahil kakaiba talaga ang ganda niya, hindi mo aakalaing may gano'ng kagandang babae. Maganda na sila Sandra pero 'tong isang 'to parang too good to be true.

Napa iling ako. Kay Crenz lang dapat ang paningin mo kahit sobrang ganda pa ng kapatid niya.

Nag lakad na ako papalapit sa puno.

Natanaw ko siya mula sa kinatatayuan ko, naka sandal siya sa puno at mukhang natutulog.

Hindi pa ako sobrang nakaka lapit nang bigla siyang tumingin sa gawi ko.

Kinabahan naman ako sa tingin niya.

Pag dating ko umupo ako paharap sa kaniya.

"Nasa malayo ka palang naaamoy ko na 'yang pagiging hampaslupa mo. Amoy lupa ka"

Sinamaan ko siya ng tingin

"Ikaw may kasalanan kung bakit-"

"Hindi naman kita sinisi ah"

Parang nangasim ang mukha ko sa sinabi niya, napaka sama talaga ng ugali niya.

"Nababaliw ka na talaga!"

"Wag kang sumigaw! Ang lapit mo lang sa'kin!"

"Ikaw din naman sumisigaw!"

"Eh sumigaw ka eh!"

Nag sukatan kami ng tingin.

"Bumaba ka na nga doon, ambaho mo"

Matamlay na naman na sabi niya

"Ayoko nga"

Mag tiis siya sa amoy ko ABA siya nag hulog sa'kin sa putikan.

Pumikit siya.

"Umalis ka na, matutulog ako"

"Matulog ka, dito lang ako"

Mag patigasan tayo ngayon.

"Mag papahinga ako dahil mamaya uuwi na ang anak ko"

Huminto ata ang mundo ko sa sinabi niya.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya.

"Anak mo?"

Dumilat siya at tumingin sa'kin.

"Anak ko, as in kapareho ng dugo at laman ko. Hindi mo ba 'yon maintindihan? May nanay ka naman ah? Anak ka rin"

Kumabog nang mabilis ang dibdib ko.

May anak siya?

May anak na siya!

"Binibiro mo lang ako diba?"

Hindi ko na alam kung matatawa ako o maiiyak

Kunot noo lang ang sinagot niya sa'kin.

"Hindi ko kailangan mag paliwanag sa'yo"

Pakiramdam ko pinag taksilan niya ako.

Natawa nalang ako nang pagak at saka humiga sa damuhan at nag patuloy lang sa pag tawa.

"Masama lang ugali mo pero hindi ka sinungaling"

Bulong ko

"Oo at hindi ako yung tipo ng taong ikinakaila ang sariling dugo ko"

Natawa na naman ako

"Hahahaha"

"Ba't ka ba diyan tumatawa?"

Bakit nga ba?

Baka kasi lahat nalang ng mahalin ko kumplikado lahat. HAHAHAHA!

Kinasal 'yong una tapos 'tong pangalawa may anak na.

"S-sino ang tatay?"

Tanong ko habang nakatingin sa mga ulap.

Pinatatag ko ang boses ko para hindi mahalata ang sakit na nararamdaman ko.

Ang dami kong tanong. Paanong buhay pa siya kung may anak na pala siya at hindi sila kasal.

Ano ba talaga?

"Huwag mo na alamin, wala rin akong balak na ipa alam sa kahit kanino kung sino ang ama"

Hindi ko alam pero sobrang sakit. Namumuo ang luha ko pero pinipigilan ko.

"Pero b-buhay ka pa"

Kunwaring pinipicture-an ko ang puno para malibang ko ang sarili ko.

"Kasi nandoon na ang bata bago pa ako maka pasok sa organization kaya wala silang karapatang parusahan ako"

Lalo lang akong nasasaktan sa sinasabi niya.

"Nakikita mo pa rin 'yong ama ng bata?"

"Oo naman, madalas ko naman puntahan 'yon."

"Does he treat you right?"

Ayoko siyang tingnan dahil base sa pag sagot niya nakangiti siya. Kapag tiningnan ko siya baka lalo lang akong masaktan at tumulo ang luhang pinipigilan kong tumulo.

Binagsak ko ang mga braso ko sa damuhan.

"Oo naman, sobra"

"Bakit hindi niya kasama ang bata?"

Napa 'hmm' siya

Pumikit nalang ako. Sana kayanin ko pa

"Kasi pinoprotektahan ko sila pareho. Ayokong masabit sila sa pangalan ng organization kaya nilayo ko ang bata sa'kin nang pumasok ako sa organization"

Bigla nalang akong napa upo patalikod sa kaniya.

Sana naisip niya rin 'yan bago niya ako pinasok sa organization nila, sana inisip din niyang huwag ako idawit sa pangalan ng organization nila, sana sinabi niya agad sa'kin ಥ_ಥ para hindi ako nag mukhang tanga at umasang may pag asa pa.

Ano yung sinabi niya sa'kin na gumawa ako ng paraan para pigilan siyang ikasal sa iba.

"Hoy? Nababaliw ka na ba? Anong nangyari sa'yo at bigla bigla kang umuupo?"

Huminga ako nang malalim saka kumawala ang luha ko.

HAHAHAHA tangina hindi ko mapigilan, pakiramdam ko pinag taksilan ako kahit hindi naman talaga gano'n.

"Naalala ko may sinabi nga pala si Hans. Baba ka na raw at kakain na tayo- I mean kumain ka na raw tapos na sila."

Tumayo na ako at hindi na humarap sa kaniya dahil mamumukha lang akong bakla kapag ginawa ko 'yon.

"Bumaba ka na ro'n, huwag mo na antaying may iba pang sumundo sa'yo ah!"

Kunwaring asar ko

"Oo na, ingay mo"

Nag lakad na ako paalis.

Nag madali akong bumaba at saka nilinis ang sarili ko sa likod ng bahay nila dahil may tubig doon na naka stock.

Nag hilamos ako pag tapos kong mag hugas ng kamay.

Hinubad ko ang pang itaas ko at saka nilinisan na rin ang leeg ko. Naiinis ako, pakiramdam ko ang dumi dumi ko.

"Jhonzel, nandiyan ka pala? Parang naligo ka na diyan ah?"-Austin

Winisikan ko lang sila ng tubig.

Nandito silang apat at nakatingin lang sa'kin habang inis na inis akong nililinis ang sarili ko.

"Ba't nandito kayo?"

"Pinapasundo ka sa'min nila Darwin, kukuha raw tayo ng buko.. Dalian mo na, mag palit ka na rin ng damit."-Jhom

Napangiti ako at saka winisikan ulit sila

"Stop it"

"Parang gago naman eh"

"Ano ba"

"Dalian mo na"

Kaniya kaniyang komento nila na ikina ngiti ko lang.

Ngayon ko lang naalala na nung broken din ako kay Kathy sila rin ang nasa tabi ko.

"Huwag mo kaming tingnan lang diyan, lalo kang nag mumukhang bakla"-Mike

Nag lakad na rin ako papunta sa mga gamit ko.

"Wow! Bold star!"-Jigs

"Naks binabalandra na 'yong abs niya"-Migs

Bigla akong napa takip ng katawan gamit ang damit ko.

"Hoy Pilsamor 'yang tingin mo nakakadiri"

Natatawang saway ko sa kaniya

"Koyaaa ehe.. pa isa naman"

Bakla baklaan niya na ikinatawa naming lahat.

Inayos ko na ang sarili ko at nag simula na rin kaming mag lakad paalis.

"Malayo ba?"-Jigs

"Hindi, malapit na lang. Ayun na oh"

May tinuro siyang puno ng buko.

Maraming mga puno ng buko dito at may iba't iba ring mga puno.

"Ah- Darwin."

Lumapit ako sa kaniya

"Bakit?"

"Sino ang may ari ng lupang 'to? Sino 'yong nag dedesisyon kung kanino ibabagsak ang mga tanim dito?"

Syempre may assignment pa rin ako at kailangan ko 'yon gawin.

"Si ate Yara nalang ang tanungin mo, wala rin akong alam dito eh basta marunong lang akong tumulong at mag tanim."

Pero matagal na siya dito. Hindi man lang ba niya natanong sa isip niya kung sino ang may ari ng lupa na tinatamnan ng mga mag sasaka dito?

"Tinanong ko na rin 'yong saltikin mong kapatid pero wala naman akong matinong sagot na nakuha galing sa kaniya."

Natawa siya

"Ganiyan lang si ate pero malay mo tinutulungan ka na niya."

Sana nga mag dilang anghel ka

Lumapit ako lalo sa kaniya

"May anak na talaga si Raya?"

Bulong ko sa kaniya

Natawa nanaman siya sa'kin.

"Ah si Charrie? Oo, sa ngayon susunduin na 'yon ni Dada para pumunta dito, nandoon kasi sa kalaro niya kaya hindi muna pumunta dito."

Nag kukulitan lang ang mga kasama namin

"Ilang taon na siya?"

Napaisip naman siya

"Sa pag kaka alala ko nasa 5 na ata si Charrie."

Babae ang anak niya tapos parang inieasy easy niya lang ang lahat samantalang muntik na siyang mamatay.

Paano kung namatay siya? Paano na ang bata? Hindi niya ba 'yon naisip?

"Alam ba nila Hans na may anak siya?"

Napangiti siya habang nakatingin lang sa daanan namin

"Si kuya Hans oo, pero 'yong mga kasama niyo ngayon na kasali sa organization, hindi."

Ang dami dami kong gustong itanong pero naduduwag ako.

Napatingin ako kay Mike. Ano nalang ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang may anak na si Raya.

NINA'S POV

Ilang araw na rin akong tinatawagan ni Tyro pero hindi ko sinasagot.

Umiiral nanaman kasi ang pride ko. Saka ko na siya kakausapin kapag naka uwi na siya.

Kasama ko ngayon si Chelsea sa isang coffee shop at nag papalipas ng oras. Wala akong makulit sa bahay dahil wala si Crenzy.

"I just called Raffy to come over"

Mula sa pag kakayuko habang may binabasang libro ay tumingin siya sa'kin pero mata niya lang ang gumalaw.

"You did what?"

"Pfft.. you heard me"

Bigla siyang napa atras na ikinaingay ng upuan niya.

"Hey, nakakahiya ka, huwag kang gumawa ng eksena mo"

"You should tell me soon"

Aligagang aniya habang may hinahalungkat sa bag niya.

Hindi ko alam pero natatawa ako sa reaksyon niya.

"For what?"

Inirapan niya ako

"So I can fix myself and won't look stupid in front of her"

"Gano'n mo siya kagusto?"

Nangaasar na tanong ko.

"Stop it."

Inis na saway niya sa'kin.

Nakita kong papasok na si Raffy habang may katawagan sa phone.

Wow.. she's really charismatic, ang lakas ng sex appeal ni Raffy kaya hindi na ako mag tataka kung bakit maraming bumubuntot sa kaniya.

"Hahaha.. go on fix yourself, she's already there"

Tumingin si Chelsea sa entrance at saka napa takip ng mukha at tumayo.

"Damn you Nathalie"

Sambit niya at saka nag madaling umalis para pumunta sa CR.

"HAHAHAHA"

Maya maya lang ay naka lapit na sa pwesto ko si Raffy.

"Hold on for second-"

Sabi niya sa kausap niya at tumingin sa'kin

"Why there's so many guard outside?"

Seryosong bulong niya sa'kin.

"I'm with Chelsea"

Tumango lang siya at bumalik sa kausap niya.

Nag order na ako ng maiinom namin.

Maya maya lang mukha lumabas na si Chelsea at mas nag mukhang presentable.

Hinigit ko lang kasi siya paalis kanina dahil wala akong makasama, ayaw pa sana niyang pumayag dahil may exam daw siya bukas kaya nang hilain ko siya palabas ng bahay nila ay kinuha niya agad ang libro niya.

Maluwang na jacket at shorts lang ang suot niya pero bagay naman kasi sa kaniya kahit ano ang isuot niya, maganda siya. Kung si Raffy ay may pagka boyish ang ganda, kay Chelsea naman babaeng babae ang ganda niya.

Umupo lang siya sa tabi ni Raffy habang ako nang aasar na nakatingin sa kanila. Hindi naman kami pinapansin ni Raffy dahil kunot noo na siyang nakikipag usap sa cellphone niya, mukhang seryosong seryoso ang usapan. Korean language ang ginagamit niya kaya minsan hindi ko siya maintindihan. Limited lang din ang alam ko sa Korean while Chelsea.. Ewan ko ba sa kaniya, inaral niya talaga ang Korean language. Hindi ko alam kung para sa org. o para maintindihan niya si Raffy.

Dumating na ang order namin.

Nasa coffee shop kami pero ang inorder ko ay bottled juice.

Nasa harap ni Chelsea ang Orange juice, kay Raffy ay Cranberry juice and sa'kin ay Pineapple juice.

Natutuwa lang akong tingnan sila. Para kay Raffy wala lang ang lahat ng 'to, simpleng bonding lang with friends pero para kay Chelsea chance na 'to.

Uminom na ako ng akin habang may tinitingnan din sa mga update ng organization.

Nag aalangan namang kinuha ni Chelsea ang Orange juice niya at ininom. Nangasim ang mukha niya na medyo ikinatawa ko.

"Ne, Arrasseo.. Ne.. uhm.."-Raffy

Gamit ang isang kamay ni Raffy binuksan niya ang juice niya habang naka tingin siya sa ibang lugar.

"Ok.. yup..-"-Raffy

Matapos niyang buksan ay dahan dahan niyang nilagay sa harap ni Chelsea at kinuha ang Orange juice ni Chelsea.

Sa madaling sabi, pinag palit niya ang dalawa.

"I'm listening, go on.."-Raffy

Napangiti nalang ako sa ginawa niya HAHAHAHA bwiseeeet! Kinikilig ako sa kanila! Kyaaaah!!

Kunot pa rin ang noo ni Raffy samantalang si Chelsea ay pigil na pigil ang ngiti.

Ininom ni Raffy ang Orange juice na pinag palit niya.

Mukha wala lang talaga 'yon kay Raffy.

Kami lang ata talaga ang nag lalagay ng malisya.

Hindi kami makapag usap dahil nga sa may kausap pa si Raffy, kaya ang ginawa nalang ni Chelsea ay nag basa at ako naman nag hahanap ng references para sa thesis ko.

Maya maya na hulog ang ballpen ni Chelsea kaya kaagad siyang yumuko pa tagilid para abutin ang ballpen niya.

Raffy hold the edge of the table so Chelsea won't hurt if she'd accidentally bump her head in the table.

Pag angat ni Chelsea ay nakita rin niya ang kamay ni Raffy na nasa gilid ng mesa.

Tinaasan ko siya ng dalawang kilay nang dalawang beses.

Nang makaayos na ng upo si Chelsea ay inalis na rin ni Raffy ang kamay niya at nag cross arm nalang.

Kunot noo na kinikilig na sinaway ako ni Chelsea sabay irap.

"Ok, I get it. I'll send it to you now."

Tumingin sa'min si Raffy.

"Excuse me, I'll be back"

Paalam niya sa'min.

Hindi na nga niya ako inantay sumagot at umalis na, mukhang pupunta sa kotse niya.

"Ang gaga oh, kilig na kilig."

Ngumiti siya ng parang pilit.

"Ganiyan naman siya eh, tapos wala rin naman sa kaniya 'yon kaya ako na mimisinterpret ko 'yong mga kilos niya."

Naiintindihan ko si Chelsea. Natural na caring talaga si Raffy, kahit kaninong babae ganiyan siya kaya maguguluhan ka talaga. Kaya minsan naaawa na rin ako kay Chelsea, nagiging unfair siya kahit gusto niyang maging fair lalo na no'ng sila pa ni Dan.

"Sabagay, hayaan mo na ang mahalaga-"

"I can't just let her, I mean soon if I have a guts to ask her of my real score to her maybe I can move forward if she's really not into me."

Diyan, 'yan mismo ang problema. She's stuck with Raffy, kaya walang ibang daan ang ibang tao sa puso niya dahil nandoon pa rin si Raffy.

"Then ask her now"

Umiling siya

"Maaapektuhan 'tong exam ko sa kahit anong magiging sagot niya kaya huwag muna ngayon."

Sabagay. Joy and pain lang 'yan, kahit sabihin mong maliit na bagay lang, pag taong mahalaga sa'yo ang gagawa, talagang malaki ang magiging epekto.

Tumango nalang ako bilang pag sang ayon.

Pero naka ngiting ininom niya ang cranberry juice na kay Raffy sana.

"Why? Don't you like oranges?"

Nag kibit balikat siya

"Sobrang dalang kong uminom ng orange juice, ewan sa panlasa ko pero hindi ko talaga type ang lasa ng orange juice."

'Pfft.. Raffy ah, ba't alam mo 'yon?'

Nang aasar na tanong ko sa sarili ko.

"How's Yara?"

Pag iiba niya ng tanong.

"I don't know, they'll be fine for sure. Maraming guard daw ang sumunod sa kanila sabi ni Hans sa'kin kahapon."

Tinatawagan ko si Crenzy pero hindi niya sinasagot.

"Tawagan mo, baka naka rating na sila"

Napa irap nalang ako saka nilabas ang cellphone ko.

"I don't want to sit here anymore, let's go there"

Turo ko doon sa may upuang comfy, mas maganda mag basa doon.

"Ok"

Tumayo na kami pareho at pumunta doon. Hindi naman gano'n karami ang tao at wala naman naka upo rin doon.

"Do you want coffee?"

"I'm expecting that you would order coffee"-Chelsea

"Why didn't you tell me?"

"The juice is already there"

Napa irap nalang ako.

Umupo siya sa single na upuan at doon nag basa, ako naman nag order ng coffee.

Maya maya habang nag oorder ako may lalaking lumapit kay Chelsea.

Nakipag kilala then shake hands.

Naks! Ang ganda, nilalapitan.

Umupo muna ako sa may counter, ayoko lang maistorbo muna sila.

Nakangiti lang si Chelsea habang kausap 'yong lalaki.

Hindi naman ka pangitan 'yong lalaki pero hindi rin siya gano'n ka pogian.

"May boyfriend ka na ba?"

Nag aalangan umiling si Chelsea.

Naka upo ang lalaki sa tabing upuan ni Chelsea.

Mukhang inosente si Chelsea ngayon pero bungangera rin naman HAHAHAHAHA..

"Sa ganda mong 'yan wala kang boyfriend?"

Lintek! Linyahan ng mga lalaki susko!

"Actually kabibreak ko lang sa ex ko. A few months ago"

Pfft.. nakakamiss din palang maging single.

Wait! I'm single!

I can do what I want.

Nawala ang ngiti ko nang makita kong nag lalakad na si Raffy pa punta sa kanilang dalawa.

"This is exciting"

Bulong ko sa sarili ko.

Umikot si Raffy at inupuan ang arm rest ng inuupuan ni Chelsea.

She crossed her arms and gentle push the man's chair using her right foot.

Nagulat si Chelsea at yung lalaki pareho.

"This dwarf is mine."

Seryosong sabi ni Raffy.

Napa takip ako sa bibig gamit ang dalawa kong kamay.

HAHAHAHA..

Nag sukatan lang sila pareho ng tingin.

"She told me she's not in relationship."

"You only ask if she has a boyfriend, she answered you that they already broke up, but you didn't mention about GIRLfriend."

Pfft.. woah! She even shrug to tease the guys

"Find your own dwarf because she's off limits"

Na mamanghang tumingin ako kay Chelsea na mapang asar habang siya hindi alam ang sasabihin.

"Miss?"

Nag tatanong na pukaw no'ng lalaki kay Chelsea

"U-uh..-"

Tumingin sa'kin si Chelsea na parang nag tatanong kung ano gagawin niya.

I just winked at her.

"Y-yeah, s-she's my girlfriend"

KYAAAAAAAAAHH!!!

WAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Napa tanga nalang 'yong lalaki saka nag sorry at umalis.

"Here's your coffee Ma'am"

Nag bayad ako at pumunta sa kanila.

"What a scene?"

Nag pipigil na tawa ko.

Umalis sa pag kakaupo si Raffy sa arm rest ni Chelsea at kinuha ang upuan na inupuan no'ng lalaki at doon umupo.

Nag pindot lang siya ng kung ano sa cellphone niya at saka nilagay sa may tenga niya.

Teka? Magiging call center lang ba siya ngayon?

Binigay ko na sa kanila ang mga kape nila.

"How are you my girlfriend?"

Masayang bati ni Raffy sa kausap niya.

Nag katinginan nanaman kami ni Chelsea.

"That's ouch.."

Pag papatuloy niya.

Lumapit ako at saka pinakinggan kung sino kausap niya.

"Inaantok ako Raffy-"

Pag ka rinig ko palang no'n inagaw ko na ang cellphone ni Raffy.

"Hi Crenzy!"

Masayang bati ko. Huminga lang nang malalim ang nasa kabilang linya.

Tinuro ko ang cellphone at sinabing si Crenz 'yon kay Chelsea.

Kumuha ako ng isang upuan at umupo paharap sa kanilang dalawa at ni loud speak ang cellphone.

"Hi Yara!"-Chelsea

(Bakit mag kakasama kayo? Chelsea, lumayo ka na kay Raffy)

Natawa ako sa sinabi niya

"Hey, that's so mean of you"-Raffy

"Nakarating na ba kayo?"-me

"How are you?"-Chelsea

(Hm.. nakarating na kami, buhay pa naman sila)

So sweet nakaka ngilo.

"I already miss you babe, I might fly next to you if I lost my patience"

Tumingin lang si Chelsea kay Raffy. Selos yern? HAHAHAHA

(Hindi kita kailangan dito)-Crenz

"HAHAHAHAHA"

Napalakas ata tawa ko dahil doon HAHAHAHA.

She's really a savage queen HAHAHAHA..

"Pfft.."-Chelsea

"Hey, don't be too mean. You're breaking my heart"

What the fuck? Hahahaha..

(Kumusta 'yong case?)

Eto na nag open up na siya. Medyo intense rin ang trial.

"They're already in jail."

Naiintindihan kong gumati lang ang kambal na 'yon sa tita ni Arya pero ang pag patay, ibang usapan na 'yon.

(Anong nangyari sa trial?)

"Diba? Kapag umamin 'yong isa ibig sabihin may naganap talagang pag patay kahit pa na dismiss ang mga evidence at ang hindi umamin kahit napatunayan na may napatay nga sila ang siyang makukulong at ang umamin ay maaabswelto sa charge. Na trigger 'yong isa nang malaman niyang makukulong siya kaya umamin din siya, ang ending nag labasan sila ng totoong nangyari. Then the end"

Kwento ko.

(*Sigh* ok, ayos na 'yon.)

Alam kong minsan sumusobra rin ang ibang members ng organization namin kung maka hamak ng iba.

Masasabi kong karma ng tita ni Arya 'yon sa lahat ng kasalanang ginawa niya.

Nag pa patay siya ng isang matandang babae dahil lang sinaway siya ng matanda sa kung saan siya naka park na pwede naman sanang pag usapan.

(Nag away lang ang kambal? Wala nang iba?)

Hindi ko pwedeng sabihing umiyak ang dalawa habang nag tatalo sila sa court dahil ang gusto lang naman ng dalawa ay hustisya na pinag kait ng batas nila dahil ang kalaban ay isang mayaman.

Kapag sinabi ko 'yon, baka maki alam si Crenzy at madawit ang pangalan niya sa gusot ng organization.

"Nag away lang sila, galit sila pareho"

Tumingin sa'kin ang dalawa at hindi ko maintindihan kung tutol sila sa sinasabi ko ayos lang sa kanila na gano'n ang sabihin ko.

Kahit kasi matigas si Crenzy sa pan labas, napaka lambot niya sa loob at kapag lumambot siya, yung emosyon niya lagi ang nauuna.

Nawawalan ng balanse ang organization kapag emosyon ang nangunguna sa'min.

(Ok)

*Toot toot toot*

WTF?! Binabaan niya kami ng tawag?

"She's really impossible"

Bulaslas ko saka binalik kay Raffy ang phone niya

"Gano'n siya maging astig"-Raffy

Ngayon kinakabahan na ako, baka mamaya alamin talaga niya ang nangyari sa court at may gawin siyang hindi dapat.

C'mon Crenzy, don't make it too complicated. Raffy can't always defend us.

CRENZ'S POV

"I heard you, talking to Attienza awhile ago"-Hans

"Oh? Bakit di kita napansin?"

"Umalis na rin ako agad, seryoso kasi usapan niyo"

Kararating lang nila galing sa pag kuha ng buko

"Anong seryoso do'n?"

Wala naman akong naramdamang seryoso sa pinag usapan namin kanina.

"You shouldn't said that thing"

Ano? Ano nanaman ba 'yon?

Saglit kong binitawan ang sandok na hawak ko at napa kamot sa gilid ng leeg ko dahil parang may kasalanan nanaman akong ginawa.

"Ang alin ba?"

"Na anak mo si Charrie"

Ahh.. ano naman kung sabihin kong anak si Charrie?

"Mali ba? Kailangan ko bang ideny?"

Napailing nalang siya

"Nakakasakit ka sa pagiging inosente mo."

"So? Ako pa ba mag aadjust? Siya ang umalam, masaktan man siya o hindi wala na akong pakealam doon"

Napatanga nalang siya sa harap ko

"Yeah you're right, pag tumanda ka mag isa wag kang mag tatanong kung bakit walang pumapatol sa'yo ah"

Napa singhal ako

"Masyado akong maganda para mamroblema sa bagay na yan. Vilarde kaya ako"

Nginisian ko siya

Confidence level 1,000,000x

Napa hilot nalang siya sa noo niya.

Nawalan na ako ng gana kumain.

"Wala pa ba sila Charrie? Aalis pa ako ngayon, pinapapunta ako sa school dito"

"Ha?"

"Mag papaka judge ako"

"Sama ako"

"Ayoko ng buntot"

Napa nguso siya

"Ano ka pato?"

"Isama mo na ko"

Nag kibit balikat lang ako.

"Ikaw bahala, di ko naman hawak paa mo. Pwera nalang kung ikakadena kita"

Kumuha nalang ako ng tubig.

Narinig kong nag kagulo ang labas kaya sumilip kami.

"Wow! Ang cute niya"

"Hello baby"

Hawak ni Dada si Charrie na nag pupunas pa ng mata at mukhang inaantok pa.

Nakatingin lang sa'kin si Pula na mukhang alam na itong bata ang tinutukoy kong anak ko.

"Mommy.."

Dahan dahang nag lakad papunta sa'kin si Charrie at saka nag pa buhat at doon natulog sa balikat ko.

"Mommy?"-Sandra

"Mali lang ata tayo ng pag kaka rinig"-Migs

"Ano lahat tayo mali?"-JM

"O malay niyo mali lang ng pag kakasabi 'yong bata"-Austin

Mga nag tatanong ang mga mata nila.

Hindi naman ako mamamatay kung nalaman nilang batang ina ako ah? Anong problema nila kung mag karoon ako ng anak sa mura kong edad.

"Did you follow your Tita's order?"

Inaantok na tumango siya

"Did you eat well here?"

"Mommy I want Daddy"

Pag iiba niya ng usapan.

Hindi siya tonong namimilit na ipakita sa kaniya ang tatay niya, tonong ipinapaalam niya lang na gusto niya ng tatay.

"You'll see him soon."

"Uhm-k"

Tapos natahimik na naman siya na ang ibig sabihin ay tulog na naman siya.

Takang taka ang mga pag mumukha nila dahil sa batang buhat ko.

"C'mon I can hold her for awhile then explain this to them"-Pula

Bakit kailangan kong mag explain? It's my fuckin' life and I hate to explain something that is really obvious.

"Just a brief explanation, I think they deserve to know a little about this child"-Hans

Gano'n ba talaga ako kamanhid at talagang dalawa pa silang nag sasabing kailangan kong mag explain kahit wala naman dapat kinalaman 'yon sa kanila.

Huminga ako ng malalim.

Pina buhat ko muna si Charrie kay Pula.

"Ingatan mo 'yan, mas mahalaga 'yan kesa sa buhay ko"

Sinamaan niya lang ako ng tingin na parang tutol sa sinabi ko.

Binigay ko na si Charrie at buti nalang hindi nagising.

"Siya si Charrie, anak ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong sabihin or mag explain sa inyo pero ayan na nga anak ko siya. Itsura palang makikita niyo nang dugo ko 'yan."

Gulat lang ang expression nila sa'kin

Siniko ako patulak ni Hans.

"Ano ba?!"

Mahinang tanong ko sa kaniya habang pigil na pigil ang boses.

"Atleast say the basic info"

Bulong niya rin.

Huminga nalang din ako nang malalim at ngumiti ng pilit sa kanila

"5 years old na siya at sila Mama ang nag aalaga sa kaniya. Dinadala siya minsan ni Darwin or Darrin sa bahay ko or ako nakikipag meet sa kanila para makita ang bata. 'yong tatay niya buhay pa naman, malakas pa."

Ano pa bang idadagdag ko?

"Ah- nga pala, nandiyan na si Charrie bago pa ko maging guard mo Sandra so kung 'yong tanong niyo kung bakit nandito pa ko, nasagot ko na."

Hinila ko nalang si Pula papasok para mapahiga si Charrie sa loob.

"Masyado kang misteryoso, ano pa bang revelation ang dapat pa naming ikabigla?"-Pula

"Marami pa, mag hintay ka lang"

Inayos ko ang mahihigaan ng anghel ko at saka siya pinababa sa higaan.

Tinawag ko nalang si Dada para bantayan si Charrie.

"The kid is really just look like you. I'm still doubting when you told me you already have a child but now that I can see her face, your blood is roaring on her"-Pula

Napangiti ako habang tinitingnan ko ang bata. Namimiss ko pa rin siya kahit nasa harap ko na siya.

"Vilarde ata 'yan"

May pag malaking sabi ko.

Pumasok si Hans at mukhang seryoso.

"We have a meeting Yara, Liphyo"-Hans

Mukhang seryoso ang itsura niya.

"Darwin, ipasyal mo muna ang ibang lalaki sa farm. Hindi naman na mainit at nakapag pahinga na sila. Sige na"

Pag tukoy ko kina Mike.

"Ok"

Lumabas na si Darwin sa unahang pinto samantalang kami ay lumabas sa likod na pinto.

Nasa kubo ng kainan sila at naka upo.

Mga seryoso ang itsura nila, maging ang kambal na maligalig ay tahimik lang.

Si Nemi lang ata ang nakikitaan ko nang mukhang ayos lang kahit paano.

May tanong sa mata pero hindi naman gano'n ka seryoso.

"I just want to confirm something- I mean, yeah she's really look like you as hell we can't doubt it that she's your child but for God sake Crenz you're still part of organization and having a child without a father is forbidden. Kahit pa sabihin mong nandiyan na 'yong bata bago ka pa sumali sa organization, you're still holding the org's name."

Kailangan ba 'yon?

"And according to our law- yeah, ayos lang na may anak ka bago ka pumasok sa organization pero kailangan may ama ang bata kundi pwedeng may mamatay isa sa inyo or the child's biological father might die"

Ano? May batas na gano'n?

Wala akong nabasa

Kumunot lang ang noo ko

"Bakit buhay pa sila ngayon?"

Nag katinginan sila.

"For the new comer that already has a child but not married, she/he must be married before 3 years after she got in the org. May isang taon ka nalang para mag pakasal"

Naiinis ako, naiipit ako sa salitang kasal.

Simula nang banggitin ni Cedric 'yon masyado na akong na expose sa salitang kasal.

"Edi mag papakasal ako"

Nagulat sila

"With the child's biological father?"-Jigs

Ngayon ko lang ata nakita ang tanong na pag tutol kay Jigs na seryoso.

"As easy as that? You will just throw your freedom?"-Sandra

Ang gulo nila

"Ang gulo niyo, kayo nag sabing mag pakasal ako tapos tatanungin niyo ko ng ganiyan? Ano ba talaga ang gusto niyong makuhang sagot?"

Magulo na nga ang pag iisip ko tapos magulo rin sila, paano nalang kami?

"I'm sayin' that you must think before having that child-"

"Wa-wait wait haha.. parang wala ka sa posisyon para sabihin sa'kin ang ganiyan. Wala pa kayo sa buhay ko at wala pa ako sa buhay niyo para pasukin niyo 'yang mga salitang 'yan?"

Napa hilot nalang si Sandra sa noo niya

"Nemi, say something"-Sandra

Nag katinginan lang kami ni Nemi.

"Well-uhmm.. sinabi naman na ni Crenz that she's willing to be married, I think that's all matter and this conversation is done- what yah think?"-Nemi

Nag aalangan din siya sa mga isasagot niya

Natawa ako ng sarcastic.. grabe na 'tong organization na 'to.

"For my child and for her father's life, I'm willing to do something that can ruined my very own world. I can marry someone that can fulfill the word "father" to stand by her side and just to fulfill your nonsense law. Besides, Charrie's looking for a father that she can call "Daddy" so I won't oppose to the marriage if it will save my daughter and her father's life and if it is what your organization want"

Inis na sabi ko sa kanila na ikinabigla lang nilang lahat.

Did I just got irritated?

What the hell?

"Sshibal.. this is not the out come that I expected"

Hindi ko alam na gano'n pala ka big deal ang mag ka anak na hindi ka kasal.

Marahas akong napa kamot sa ulo ko at saka umalis sa kubo.

"Crenz nandito ka na pala! Ready ka na? Sinabi ba ni Dada sa'yo na may gagawin ka sa school?"

Sabi ng isang teacher na dito rin sa baryo namin nakatira.

Napangiti ako.. limang taon na rin nang huli kong makita ang mga tao dito pero kilala pa rin nila ako.

"Sunod nalang ako, mag bibihis pa ako"

Umoo siya at nag paalam na aalis na siya.

Pag talikod ko nauntog ako sa isang tao kaya napa hawak ako sa noo ko habang 'yong taong 'yon ay napa hawak sa ilong niya.

"Fudge!"

Uh? Si Pula?

"Ano bang ginagawa mo? Tumabi ka nga"

Hinawi ko siya sa dadaanan ko saka nag lakad papunta sa loob para mag ayos at mag bihis.

"Aalis ka? Sama ako"

Ano bang trip nila? Panay sila sama.

"Bahala kayo sa buhay niyo"

"Sama ako ah, sa'n ka ba pupunta?"

"Mag tatapon ng basura"

May inis na sagot ko.

"Sa'n nga?"

Pamimilit niya.

"Tsk.. sa school, bantayan mo nalang mga kaibigan mo kesa sumama ka"

Pumasok na ko sa loob ng bahay.

Nag lalaro lang si Dada habang binabantayan ang bata.

"Malaki na sila, sama na 'ko"

Huminto ako at humarap sa kaniya.

"Mag bibihis ako, susunod ka pa rin?"

Ayos lang naman sa'kin dahil maganda ang katawan ko pero siya, bakla siya.

"Ok, I'll wait outside"

Lumabas na siya.

Sinundan ko lang siya ng tingin palabas at napa iling nalang.

"Nasa'n sila Mama?"

Pag baba ko kasi mula sa kayo wala na dito sa bahay sila Mama.

"Nasa bukid saglit may kailangan daw silang gawin."

Kumuha ako ng damit at nag palit na.

Sana nga nauutusan ko si Mama na pumirmi nalang dito sa bahay pero ang sasabihin lang niya mas mamamatay siya kapag wala siyang ginawa.

"Hindi mo talaga siya boyfriend ate? Mukha naman siyang mabait"

Pang ilang tanong na rin niya simula no'ng umakyat ako kanina sa Kayo.

"Hindi nga, paulit ulit? Aalis muna ako, ikaw na muna bahala dito ah. Kung kanina naka ligtas ka dahil nabaling nila sa'kin at sa bata ang atensyon nila, ngayon na alam na nila ikaw na ang kukulitin nila lalo na no'ng kambal"

Paalala ko sa kaniya

"Ako bahala sa kanila ate"

"Huwag kang lalandi sa mga 'yon ah, kukurutin kita sa singit mo"

Natawa siya

"Ano ka si Mama?"

"Edi kukunin ko nalang 'yang cellphone mo"

Bigla niyang niyakap ang cellphone niyang binili ko. Nginisian ko siya, ngayon alam na niya.

"Hindi naman talaga eh, pero ate may artista kayong kasama"

Impit na napatili siya

Inambahan ko siya kasi baka magising ang bata

"Umayos ka, kakasabi ko lang"

"Ang gagwapo naman kasi ng mga kasama mo, halatang anak mayaman lahat. Nakakatakot pag binully ka nila- joke pala, sila pala ang dapat matakot"

Nawala ang excitement sa mukha niya nang sabihin niya ang mga huling salitang 'yon.

Sila talaga dapat dahil nambabalibag ako.

"Wala namang nag sabi sa'yong anak ka lang ng magsasaka? O sinabihan ka ng hindi magandang salita?"

Nako, perfect score agad si Pula pag 'yan pag uusapan.

"Meron syempre. Sinong hindi ka mamaliitin kung naka pasok ka sa sikat na school kahit anak ka lang ng mag sasaka?"

Natawa siya nang mahina

"Galing mo mag tago ng pasa sa mukha ate, sa'n ka na naman nakipag away?"

Hindi mo talaga mauuto ang mga mas bata sa'yo kapag gumamit ka ng mga pampaganda ngayon. Halata agad nila

"School niyo ang sumabog diba? Kasama ka ba sa mga na hostage?"

Mahinang tanong niya. Natatarantang pinatahimik ko siya.

"Ano ba? Baka dumating sila Mama at marinig ka"

Saway ko sa kaniya.

"So kasama kayo?"

Napa irap nalang ako.

"Sa ibang araw at lugar na natin pag usapan 'yan. Kailangan ko nang umalis. Bantayan mo nang maayos 'yang bata, kapag nabangasan 'yan, babangasan din kita"

Ngumiti siya ng pilit sa'kin

"Napaka considerate mo at ang sweet mo ate. Minsan masarap kang ibaon sa lupa"

Nag salita ang isa pang sweet.

"Sige na, bantayan mo sila."

Tumango siya at saka ako lumabas.

Pag labas ko nandoon na si Pula, Hans at Nemi.

"Anong ginagawa niyo?"

"Sasamahan ka"

Ano?! Nababaliw na nga talaga sila.

"Manahimik na kayo dito"

"Habang nag papalamig pa si Sandra sama muna ako."-Nemi

"Nag sabi na kami sa'yo"-Hans

Sabagay, hindi na kailangan pang bantay sarado si Sandra dahil ligtas ang baryo namin.

"Bahala nga kayo."

Nag lakad na ako paalis at naka sunod naman sila sa'kin.

"Para akong nakikipag usap sa mga bata"

Napa kamot nalang ako sa ulo dahil sa iritasyon.