Nasa school na ako. Binati ako ng mga tao doon dahil medyo kilala naman ako dito sa'min dahil bukod sa anak ako ng kapitan, active rin ang pamilya namin sa mga pag tulong sa ibang mga tao dito sa lugar namin.
Nirerespeto kami dahil marunong din naman kaming rumespeto.
Pili lang nirerespeto ko pero marunong pa rin akong gumalang.
At dito sa'min kailangan kong maging magalang kahit papa ano kundi lagot ako kay Mama.
Nag simula na ang pag tuturo ng student teacher.
Naka cross arm lang ako habang nakikinig sa sinasabi niya.
Kilala ko 'tong batang 'to. Taga sa'min 'to at talagang ma kwela na siya simula palang noon.
Marunong siyang mag pangiti kahit sobrang badtrip ka na at aaminin kong isa ako sa mga napa ngiti niya.
Napupuno ng halakhalakan ang silid kapag nag papatawa siya.
Rod ang pangalan niya at malapit na rin siyang mag tapos.
Nasa likod ko lang 'yong tatlo habang nanonood sa pag tuturo ni Rod.
Apat kaming nasa mahabang mesa at ako ang pinaka dulo.
Napakamot ako ng ulo gamit ang ballpen na hawak ko at saka iniikot ng bahagya ang swivel chair na inuupuan ko. Ako lang ang malikot sa lahat ng mag eevaluate sa'min.
Maya maya lang ay natapos na ang klase.
Nag paalam sa'min ang mga bata at lumabas na ng room na ito.
"Mr. Layola, I like the way you handle your kids blah blah blah.."
Hindi ko sila pinakinggan ng maiigi at nag sulat lang sa papel na nasakin at saka nag sway sway sa swivel chair.
Pinatong ko ang pisngi ko sa kamao ng kamay kong naka patong sa arm rest ng upuan.
Hindi ko pa tinitingnan ang lalaki.
Halos lahat ng comments nila ay positive which is not very good.
If you're perfect, there's no room for improvement to you. Gusto ko may space pa rin siya sa bagong knowledge kaya hindi ako mag sasalita ng may sugar coating dito dahil mas lalong nagiging easy ang mga bata.
THIRD PERSON'S POV
Nang matapos na ang tatlong evaluators sa comments nila, si Crenz naman ang sumunod.
Maging sila Hans ay kinakabahan sa sasabihin ng kaibigan nila. Alam nilang hindi talaga magaganda ang mga salitang binibitawan ni Crenz kaya sila na ang nag dadasal para sa lalaki.
Huminga ng malalim si Crenz at inayos ang papel niya sa mesa.
"First of all, what are you?"
Napa "ha?" ang iba pero ang tatlo sa likod ay nakikinig lang pero naninibago pa rin kapag nag I english si Crenz, lalo na kanina nang mag salita ito ng english na fluent, kinabigla talaga nila 'yon.
"Po? Student teacher po ako"
Kinakabahan na ang in evaluate nila.
"Student teacher ka pala? Akala ko kasi clown ka."
Hindi alam ni Rod kung papuri ba 'yon o hindi.
Nag aalangang ngumiti siya.
Kilala niya si Crenz at hindi talaga basta basta kung gusto mo siyang makausap. Nang malaman niyang isa si Crenz sa mag eevaluate sa kaniya, kinilabutan agad siya. Bukod sa umuwi na si Crenz after almost 5 years, nakakatakot harapin ang mga tingin ni Crenz.
"Hehehe"
Ninenerbyos na aniya.
"Don't laugh.. according to your papers, you are 23 years old, you're 3 years older than me"
Nabigla si Hans, hindi kasi sinasabi ni Crenz ang tunay niyang edad.
Gusto niyang tanungin si Crenz pero hindi iyon ang tamang oras para doon.
Tiningnan niya ang dalawa na parang wala lang sa kanila ang narinig nila.
"You're not surprised?"
Tanong ni Hans sa katabi niyang si Liphyo.
Umiling si Liphyo
"Sinabi niya na sa'king 20 siya"
Tumingin si Hans kay Crenz
'nag pakilala ka na ba Crenz?'
Gustong gusto niyang itanong.
"How about you Nemi?"
Ngumiti lang si Nemi at nag kibit balikat. Mukhang alam na rin ni Nemi.
'Yara, marami kang dapat sabihin sa'kin'
Bumalik ang tingin niya kay Crenz.
"Yes ma'am"-Rod
Tinukod ni Crenz ang siko niya sa mesa at doon tinukod din ang sa may sentido niya ang kamao niya. Ilang beses niyang tinap ang ballpen sa mesa na parang malalim ang iniisip.
Nanlalamig na si Rod at iniisip kung nasobrahan ba talaga siya sa pagiging kwela niya.
"Actually mas marami pa akong naitawa kaysa sa natutunan sa'yo. Supposedly this must be your best teaching style that can help a student to improve themselves to their academic but this is not what you've actually done. Sana pumasok ka nalang sa showbiz or naging clown ka nalang hindi teacher kung pag papatawa lang ang gagawin mo.."
Sa sobrang kaba ay parang maiiyak na ang lalaki sa kinatatayuan niya.
Nagugulat naman sila Hans sa sinabi ni Crenz at naaawa rin para sa lalaki dahil mukhang ibabagsak siya ni Crenz.
'Bakit ba si Raya ang nandito? For a last section and lowest rank in school, her capability in this matter is questionable'-Liphyo
Hindi niya rin maintindihan kung bakit si Crenz ang niyaya para sa ganito dahil nga may kahinaan si Crenz sa acads.
Si Hans at Nemi ay walang tutol dahil alam nila ang kakayahan ni Crenz.
"..always remember that- Pfft.."
Nagulat sila nang natawa ng mahina si Crenz.
'nababaliw na talaga 'tong isang 'to'-Liphyo
"Ba't siya tumatawa?"
Bulong ni Nemi kina Hans
Nag kibit balikat sila pareho
"I'm sorry, I just remember what Aristotle say"
Nakangiting paumanhin ni Crenz sa kanila
"Do you wanna know what is it?"
May ngiting tanong ni Crenz
"S-sige po"
"Wag mo ko I "po" you're older than me.. anyway Ito 'yong sinabi niya. "Those who know do, those that understand, teach" and now to finish this evaluation, do you really understand what you really want to be? I mean this field"
Namamangha si Rod sa itsura ni Crenz kaya parang hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito.
Pinigilan niyang mapa iling para umayos ang pag iisip niya.
"O-opo- I mean yes ma'am-"
"Kung ako ang tatanungin hindi ka bagay sa field na 'to"
Nagulat silang lahat sa mapangahas na dila ni Crenz.
Nag bubulung bulungan ang ibang evaluators dahil kinikwestyon na nila kung bakit ang isang bata ay naka hilera sa kanila bilang evaluator.
"I'll try to improve myself Ma'am-"
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ito na ang huling pag tuturo mo bilang student teacher tapos hindi pa best ang ginawa mo? Let's be prank here, the path that you're taking is way to the real life, real life which is you're capable to give help to your family financially for your expenses. Kung mag teteacher ka dapat confident ka, confident na parang totoo ka nang teacher at hindi 'yong sasabihin mong you'll try to improve yourself just because you did not give your best shot.."
Nilaro laro ni Rod ang kamay niya dahil pinipigilan niyang maiyak sa harap ng mga professors niya lalong lalo na kay Crenz.
"..future ng mga bata ang hawak mo dito, anong gusto mong ituro sa kanila ang tawanan lang lahat ng academic related nila?"
Bumalik sa pag susulat si Crenz.
Tinapos niya ang papel na binigay sa kanila for evaluation.
"Walang masama sa pag papatawa, ang masama 'yong nag papatawa ka lang nang nag papatawa habang ang mga bata ay walang natututunan. Sa ganitong kaimportanteng bagay sa tulad mong gagraduate na, dapat lang na ibigay mo ang pinaka best mo para makita namin kung may potensyal ka as a teacher, at least 50% act as a teacher so we can determine if you have a potential to improve your teaching style. Ano nalang ang gagawin mo kung ibagsak kita ngayon dito?"
Nag angat sila pareho ng tingin dahil parehong naka yuko si Rod at Crenz. Nag kasalubong ang paningin nila. Namumuo ang luha sa mata ni Rod dahil naiisip niya agad ang pamilya niya.
"K-kung gano'n po, ipag papatuloy ko po ang pag tuturo hanggang sa pumasa ako."
Nag cross arm si Crenz at sumandal sa upuan niya.
Kinakabahan silang lahat sa pagiging seryoso ni Crenz.
"Nakaranas ka na bang hindi makakain sa loob ng tatlong araw?"
Umiling si Rod
"Hindi pa Ma'am"
"Ok, saka mo ako pakitaan ng mga luhang 'yan kapag naranasan mo na 'yon. Hindi kasi ako nadadala sa mga paawa ng mga taong malapit nang mapakinabangan ng lipunan. Kung gusto mo mag survive sa totoong buhay, huwag mong ipakita sa maraming tao ang kahinaan mo."
Tumingin ulit si Crenz sa papel na hawak niya
"Actually wala akong dahilan para ipasa ka"
Halos mapaupo si Rod sa kinatatayuan niya.
"He's smart and he is the best of all student teacher here"
Sabi sa kaniya ng katabi niya
"Oh edi ikaw na mag evaluate sa kaniya"
Binigay ni Crenz ang papel na hawak niya sa matandang babaeng katabi niya.
Natawa nang mahina ang mga nasa likod habang seryoso lang si Crenz na naka tingin sa kaharap niya.
"For a judge, you're rude"
Sabi ng katabi niya
Napangisi lang si Crenz
"For a judge, you're lame."
"Crenz."
May batang tono ni Hans pero pabulong lang, sapat lang para ipaalala niya na nasa lugar siya ng mga magulang niya at hindi niya dapat ginawa ang gano'n kung ayaw niyang magalit sa kaniya ang magulang niya.
Tumingin si Crenz kay Hans at naintindihan niya agad ang gusto nitong ipahiwatig.
Ang sama ng tingin ng babae sa kaniya na pati ang class adviser ay hindi alam kung aawatin sila.
"Kung matalino ka talaga maiintindihan mo ang gusto kong iparating sa'yo. Kahit di na pala talino, kung ginagamit mo ang pag iisip mo maiintindihan mo ko. Kung may sama ka ng loob sa mga sinabi ko nasa'yo na 'yon but I will blame you for not getting ready for this important thing."
Tumayo na si Crenz at saka pinasok nang maayos ang upuang pinag laruan niya kanina.
Tumayo na rin sila Hans.
"Kung na offend kita.."
Pahabol ni Crenz na inabangan nilang lahat.
'mukhang mag sosorry na siya'-Liphyo
"..you deserve it.."
Napahilot nalang si Liphyo sa sentido niya dahil sa mga katagang 'yon.
"I did my part here, we'll get going."
Aniya at lumabas na kasunod ang tatlo.
"Mrs. Reyes? Why did you invite someone like her? She looks student and she's just 20 years old. Mababa na ba ang kalidad ng edukasyon dito at pati evaluator ng school gano'n na?"
Gustong mainis ng teacher sa sinabi ng mas nakatataas sa kaniya, sa pang mamata sa kapit bahay niya.
"She's just 20 years old but she's really smart Ma'am"
Dipensa niya
"By what? By just speaking English?"
'kung mababa ang kalidad ng edukasyon dito at sila ang kinuha as evaluator ibig sabihin mababa rin sila.'-Mrs. Reyes
"Gano'n lang po talaga ang batang 'yon pero mabait po siya"
'Pili lang ang ginagalang ni Crenz at ang ugaling gaya mo, hinding hindi niya talaga gagalangin'-Mrs. Reyes
Nag talo pa sila pero maya maya ay kinuha na nila ang paper.
Inayos ni Rod ang sarili niya dahil handa na siyang bumagsak.
Naguguluhang tumingin ang adviser sa kaniya
"She passed you"
Napatanga silang lahat sa sinabi ni Mrs. Reyes
"P-po?"
"She passed you and she wrote here that you owe her something big. Improve yourself as a teacher and give joy to other people"
Tuluyan nang napa upo si Rod sa sahig at napa iyak nalang sa tuwa.
Taliwas na taliwas 'yon sa inaasahan niya lalo na nang mag labas ng masasakit na salita ang dalaga.
MABILIS na hinabol lang nila Hans ang pag lalakad ni Crenz.
"Talagang ginawa mo 'yon sa kaniya?"
Hindi nalang niya sinagot si Hans
"Sana man lang nag bigay ka ng konting consideration"-Liphyo
Naiinis na huminto si Crenz sa pag lalakad at hinarap sila. Bahagya namang napaatras ang tatlo sa takot nang seryosong mukha ni Crenz.
"Dapat kayo na nag bigay ng grades sa kaniya. Nagawa ko na diba? Kelan ba ako naging sweet talker pag dating sa mga ganiyang bagay?"
Hindi gusto ni Nemi na makialam kaya hinayaan niya nalang na mag sagutan ang tatlo.
"Atleast be gentle with your words"-Hans
"Hindi na ako si Crenz kung gagawin ko 'yon. Hindi ko babaguhin ang sarili ko para lang tanggapin ako ng ibang tao. Kung hindi niyo ako tanggap, hindi ko naman kayo pinipilit mag stay, umalis kayo mas magugustuhan ko 'yon. Atleast walang manggugulo sa'kin."
Nag lakad na ulit paalis si Crenz
"Hindi naman namin sinabing hindi ka namin tanggap-"
Inis na humarap si Crenz kay Hans at saka nag paka wala ng sipa na sakto lang para tamaan silang tatlo pero mabilis nahila ni Hans at Nemi si Liphyo paatras para hindi sila tamaan ng sipang 'yon.
Gulat silang tumingin kay Crenz.
"Ano bang pinuputok ng butsi niyo? Pinasa ko naman siya ah, bakit sa'kin kayo nagagalit? Binigyan ko lang siya ng mga advice na magagamit din naman niya sa future."
Tuluyan nang nag lakad ng mabilis si Crenz paalis.
"Pinasa naman pala eh"-Liphyo
Tiningnan no'ng dalawa si Liphyo
"Muntik ka nang tumilapon kung hindi ka namin nahila. Sa susunod talasan mo ang pandama mo, kaya ka nahuhulog sa putikan eh"-Nemi
"Pfft"-Hans
Kunot noong bumaling si Liphyo kay Hans dahil sa pag gatong pa nito sa asar ng kaibigan.
Tumingin lang siya nang may pag tataka sa dalawa at saka sila humabol kay Crenz.
NAKA-UWI sila nang takip silim na.
Inayos na ng mga lalaki ang matutulugan nila.
Pumasok agad si Crenz para tingnan ang anak niya.
Pag dating niya ay umiiyak na ito at hinahanap siya.
"Dapat sinabi mong nasa labas lang ako."
"Sinabi ko na 'yon, lumabas siya tapos no'ng nakita niyang wala ka doon nag iiiyak na"
Binuhat niya agad ang bata at pinatahan.
"Stop crying Charrie or else I'll be get mad at you."
May bantang aniya pero may lambing na kasama.
"You just got here then you're leaving again? *Sobs* You promised me *sob* 3 days with you every time we- *sobs* we will meet"
Kaya siya nag mamadaling umuwi dahil nga hahanapin siya ng bata. Ang akala naman niya ay magiging mahaba ang tulog nito kaya nanermon pa siya ng college student.
"I'm already here, I'll be away every morning but I'll be back before sunset. You'll be with me for 1-2 weeks I guess.. so be brave and don't cry or else I'll leave you again"
Yumakap lang ang bata sa kaniya at hiniga ang ulo niya sa balikat ni Crenz.
"Sa'n kami matutulog 'te?"
Hindi naman papayag si Charrie na hindi si Crenz ang katabi niya matulog kaya hiwalay muna si Charrie at Dada ngayon matulog.
"Sa'kin tatabi si Charrie at makakatabi ko siya kasama si Sandra, ikaw dito ka na sa loob matulog. Ano bang sabi nila Mama? Sa'n sila matutulog?"
"Sa kabila raw"
Tumango nalang si Crenz.
"Nag luto na ba kayo ng hapunan?"
Umiling lang si Dada kaya pinaningkitan niya ito ng mata.
"Mag luto ka na ano pang inaantay mo? Bukas di mo na sila kailangang pag lutuan dahil sila na ang bahalang humanap ng makakain nila."
"Ok lang naman sa'kin. Ate, kung ang gusto ko babae, tatanggapin mo ba ako?"
Natigilan si Crenz at humarap dito nang may pag tataka.
'parang narinig ko na ang ganiyang salita ah?'
Inaalam niya sa mata ng kapatid kung totoo ba sinasabi nito, at wala siyang ibang maisip na dahilan para mag tanong ito nang gano'ng tanong.
"Nahawaan ka ba ng berdeng dugo ni Raffy?"
Kunot noong tanong niya
"Hindi ah, nag tatanong lang ako."
Tumango si Crenz.
"Raya, may nag hahanap-"
Tumingin si Liphyo sa mag kapatid na seryoso ang tingin sa isa't isa, mukhang nakakaabala pa siya.
"Ano 'yon?"
"Uhmm.. may nag hahanap kasi kay Darwin, mga kaibigan niya ata. Tinatanong kung nasa'n siya"
Nag angat ng tingin ang bata kaya tatlo na silang babae ang nakatingin kay Liphyo.
"Is he my Dad, Mom?"
Gulat namang tumingin si Crenz sa anak
"No, he's just a friend-"
"Mamala said that I will meet your boyfriend, is he your boyfriend?"-Charrie
"Pfft!"
Tawa agad ni Dada.
"No"
Ngumiti ang bata at saka humarap sa ina.
"I'm glad that he is not your boyfriend"-Charrie
Nanlaki agad ang mata ni Liphyo.
'aba! Mag ina nga talaga!'
"What do you mean your glad?"
May ngiting tanong niya sa bata.
"I'm adorable but he is ugly?"-Charrie
Napa bunghalat ng tawa si Dada habang si Crenz pinipigilan ang tawa.
'nice one my Princess!'
"Charrie, that's bad. Even though he's an ugly, don't ever say that in front of that person, you might offend them"-Crenz
Lalo lang ata nag init ang ulo ni Liphyo sa sinabi ni Crenz
"I'm not ugly-"
"I'm really sorry po"
Pa cute na sabi ng bata.
Kinuyog agad siya ni Crenz at Dada dahil sa ka cute an niya.
"Very good Charrie."-Crenz
Very good na dalawa ang ibig sabihin.
"Ako na kakausap sa kanila."
Lumabas si Dada habang tinitigan naman ni Liphyo si Crenz nang masama.
"Parang may kasalanan ako sa'yo ah?"
Nasa loob ang tawa ni Crenz dahil sa itsura ni Liphyo na namumula nanaman.
Masayang tumingin si Liphyo sa bata
"Hello baby, wanna come with me? I will introduce our friends to you"
Mabilis na yumakap ang bata kay Crenz at mukhang ayaw sumama.
"C'mon Charrie, they all my friends and they are all good person as Tita Darrin and Tito Darwin. You should meet them."
Tumingin ang bata sa kaniya.
"Your boyfriend is in there?"
Naiilang na napa tango si Crenz.
"Ok"
Agad tinaas ng bata ang kamay niya para mag pa karga kay Liphyo.
Masayang lumapit ang binata at binuhat siya.
"I'm Jhonzel Liphyo Attienza, what is your name baby?"
May ngiting tanong ng binata habang nag lalakad sila palabas.
"I'm Charrie Vilarde, 5 years old and I want to eat shrimp"
*Chuckled*
"You want shrimp? Why shrimp?"
"I just like shrimp because I can't eat it"
Nawala ang ngiti ni Liphyo sa narinig
"You can't eat? Why? Are allergic to shrimp?"
"Yeees.. the last time I ate shrimp, Mom went here to visit me to hospital"
Nag taka siya sa mga sinasabi ng bata.
"You want shrimp but you're allergic to it? Do you want to make your mom to be worried about you?"
Umiling ang bata
"So I can see my mom often"
Malungkot na napa ngiti siya at hinaplos ang buhok ng bata.
"But you didn't know you're allergic to shrimp?"
Umiling ang bata.
Mas reasonable naman ang mga sinasabi ng bata kesa sa sinasabi ng nanay nito.
Nag tipon tipon sila para gumawa ng bonfire.
"Hi! Can we disturb you all?"-Liphyo
Tumingin sa kanila ang mga kaibagan niya.
"Hello baby!"
Dinumog agad ang bata.
Napa yakap si Charrie kay Liphyo dahil sa nahihiya siya sa mga bisita nila.
"Hello baby, I'm Nemi but you can call me Tita Ganda"
Dahan dahang tumingin ang bata sa kanila.
"I want mom's boyfriend"
Nag katinginan silang lahat at saka tumingin kay Jerick.
"I-I'm your mother's boyfriend"
Kinakabahang aniya.
Ngumiti ang bata at at saka nag pababa.
Binaba naman siya ni Liphyo at tumakbo ito sa likod nila na hindi nila namalayang naka tingin lang pala sa kanila si Crenz.
"What is it?"
Lumuhod si Crenz para pakinggan ang gustong sabihin ng bata.
"He's not your real boyfriend right?"
Bulong nito na ikinagulat naman niya.
"How can you say?"
"I just feel it, you don't like him and he's not your boyfriend. Is Tito Liphyo your boyfriend?"
Napatingin siya sa kasamahan na kunot noo lang ang itsura dahil sa pag tataka.
"No, he's just a friend"
"Then Tito Hans?"
"Nope. You're too young to talk about this matter"
Napa labi ang bata at nag isang guhit ang labi.
"I want to see my father"
May luha sa mata ng bata.
Huminga ng malalim si Crenz at nilabas ang wallet niya. Nasa loob no'n ang picture ng ama ng bata.
Lumapit si Liphyo para kausapin sila pareho.
Pinakita naman ni Crenz sa bata ang picture.
"He is your father"
O_O!
Gulat na tumingin din si Liphyo sa picture. Hindi niya maintindihan ang mararamdaman niya, halo halong emosyon at hindi siya masaya sa nakikita niya.
"S-siya ang tatay ni Charrie?"
Mabilis na pinasok ni Crenz ang picture sa wallet niya dahil na rin sa gulat.
"You'll meet him soon"
Aniya sa bata at saka tumayo.
"Nemi, tulungan mo muna si Dada mag handa ng hapunan"-Crenz
"Ok!"
Umalis na siya.
Hindi nalang pinansin ni Crenz si Liphyo dahil mukhang alam na niya kung ano ang nasa isip nito.
Gusto niyang paliwanag ito pero nangingibabaw sa isip niya na wala namang kinalaman kay Liphyo 'yon kaya bakit naman siya mag papaliwanag?
"Come Charrie"
Pinakilala ni Crenz ang lahat ng kaibigan niya at lahat naman sila ay nagalak na makilala ang bata pwera kay Sandra na tinatago sa loob ang kagalakan.
"Sandra c'mon, don't be mean to a child"-Cess
"Why? I-I'm not mean"
Natawa si Crenz palihim dahil kabisado niya na ang pag iinarte ni Sandra.
Ang nasa isip ni Sandra ay makikihati nalang siya sa atensyon ni Crenz dahil sa bata pero natutuwa pa rin siya sa ka cute an ng anak ni Crenz.
"Let Crenz handle her problem"-Hans
'it's not about her problem, stupid'-Sandra
"Oo na"
Naiiritang sagot niya.
"Hayaan mo na siya Hans"-Crenz
Kahit naman hindi mag salita si Sandra alam naman ni Crenz kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
"Crenz, mukhang naka bingwit ka ng may lahi ah"
Masayang asar ni Jhom
"Di mo sure, malay mo ako talaga 'yong may lahi kaya mukha siyang may lahi"
Nakangiting gatong ni Crenz.
"Wow! Pag Vilarde talaga.."
"MAYABANG!"
Sabay sabay na asar nila kay Crenz.
"Sparring tayo.. lahat kayo, ako lang mag isa"
Natatawang nag atrasan ang lahat.
"Crenz usap tayo"-Jerick
Nag tawanan lang ang iba, lumayo naman sila Crenz at Jerick saglit.
"Bakit hindi mo sa'kin sinabi?"
Napamaang lang si Crenz at saka naintindihan ang gusto nitong ipahiwatig.
"Nakalimutan ko, hindi naman kasi 'to big deal. Fake lang naman tong set up na 'to."
Mahihirapan si Jerick sa mga tanong ng magulang ni Crenz kung hindi sasabihin ni Crenz ang mga dapat niyang malaman bilang boyfriend niya.
"Kahit na.. paano kung mag tanong sila and worst kung itanong nilang willing ba akong mag pakasal sa'yo since I'm your presented boyfriend"
Huminga ng malalim si Crenz.
"Ok, isang beses ko lang 'to sasabihin ah. Anim ang mga kapatid ko, pangatlo ako, 20 years old at-"
"W-wait? Pito kayo? Nasa'n ang iba? Bakit tatlo lang kayo?"
Napangiti nalang ng mapait si Crenz dahil napag uusapan na ang kapatid na salita.
"Basta tandaan mong tatlo ang lalaki at apat na babae. Lalaki, lalaki, babae, babae, lalaki, babae at babae ganiyan ang sequence namin. The rest ng history natin gawin na nating totoo. Sa'n tayo unang nag kita-"
"Una kitang nakita sa labas ng school-"
"Una kitang nakita sa swimming pool area ng dati niyong school"
Napa "ha?" sa isip niya si Jerick dahil hindi niya alam na nakarating doon si Crenz, pero ang alam niya nasa school nila ang grupo nila Sandra.
"Ok?"
"Sa labas nalang ng school"
Sukong sabi ni Crenz.
LIPHYO'S POV
"Ayos ka lang?"-Migs
Sa dami ng iniisip ko hindi ko, nalipasan na ako ng gutom.
"Oo naman, nagutom lang ako."
Nakangiting tinapik ako ni Migs sa balikat ng dalawang beses.
"Gusto rin namin si Crenz"
Kumabog ang dibdib ko nang mabilis at saka bumaling sa kaniya
"Ha?"
"We like Crenz. Me, Jigs, JM and Hans we all like Crenz before not as a friend, as a woman. Si Crenz kasi 'yong tipo ng taong ma chachallege ka at unang tingin palang alam mo nang ma ti thrilled ka pag siya ang girlfriend mo. Me as a Man, I want someone like Crenz, kung wala akong mahal ngayon baka pinursue ko na si Crenz."
Naiilang ako sa sinasabi niya.
Ba't niya sinasabi sa'kin to?
"Ha?"
Natawa siya, 'yong tawang bumalik na naman sa pagiging maligalig na Migs.
"Ang sinasabi ko lang, kung di kapa kikilos mauubusan ka na ng ulam. Takaw kaya ni Jigs"
"Hoowwwy! "
Sigaw ng kambal niya habang puno ang bibig
"C'mon let's eat"
Nauna na siyang tumayo saka ako sumunod.
Kaya pala ang lakas mag yabang ng siraulong babaeng 'yon kasi alam niyang may mag hihintay sa kaniya kahit pa hindi siya mag ka boyfriend ngayon, asawa nga naka pending na sa kaniya eh.
Naki siksik na ko sa kanila at saka nakigulo na sa pag kuha ng pagkain.
Wala akong katabi sa kaliwa ko habang nasa kanan ko naman si Jhom na kain na kain ang porma.
Buddle fight ang ginawa namin para lahat naman ganahan sa pagkain.
Si Sandra, Raya, Nemi at Cess lang ang wala dito saming magkakaibigan, wala ang mga babae kaya sagupang sagupa ang mga lalaki.
"Excuse me"
Halos hindi ko na napansin na may tumabi sa'kin dahil sa ingay nila at nakiki sakay din ako sa mga jokes nila.
*SPARK*
Napa atras ako kay Jhom nang may maramdaman akong kuryente sa kaliwang braso ko.
Tumingin sa'kin si Jhom habang ang iba ay nag aasaran.
"Bakit?"
Bumaling ako sa kaliwa ko at saka ko nakita na si Cess pala ang nandoon.
Bigla akong napailing. Hinawakan ko si Cess sa balikat at wala naman akong naramdaman na kahit ano.
Seryoso lang siyang naka tingin sa'kin
"Anong ginagawa mo?"
"A-ah may chinicheck lang"
Binawi ko agad ang kamay ko
"Sa susunod na hawakan mo ko pipilipitin ko leeg mo"
Napahawak ako sa leeg ko at napalunok.
Mas brutal pa ata siya kay Raya.
"Sorry"
Bumalik nalang kami sa pagkain
Pero bat kasi may gano'n akong naramdaman?
Bumulong sa'kin si Jhom pag ayos namin ng tayo
"Ano ba kasi 'yon?"
Baka mali lang ako ng naramdaman.
"Wala, may problema na ata senses ko Pfft.."
Nag pa tuloy kami sa pagkain. Kumuha lang ng ulam si Cess at umalis na rin.
Kanina ko pa siya hindi nakikita so nag tataka ako kung sa'n siya pumupunta.
Sila Nemi hindi pa tapos sa pag iihaw habang kami kumakain na.
Maya maya ay pumasok sa kubo sila Darrin at ang kapatid niya.
"Wow! Ang ganda mo talaga- AHH!"-Jigs
Mukhang tinapakan ni JM ang paa ni Jigs.
"Haluh?! Bakit?"
Agad lumapit si Darrin kay Jigs pero pinahinto siya ni Jigs bago pa man makalapit sa kaniya.
Natawa kami sa itsura niya
Nahihirapang nag lakad siya palayo kay Darrin at lumapit sa kapatid niya at doon nag patulong.
"Huwag mo pansinin 'yan si Jigs. Kain na kayo, Kain"
Yaya ni Jm sa kanila
Napangiwi nalang si Darrin habang ang kapatid ay naka ngiting natatawa.
"Sige lang kumain na kayo, bukas marami pa kayong trabaho kaya baka maging last supper niyo na 'yan dito"-Darwin
Napa "ha?" Kami
"Ibig kong sabihin, kung hindi kayo mag tatrabaho bukas or tutulong sa mga trabaho dito baka hindi na kayo makapag hapunan. Hindi ba pinaalam ni ate 'yon?"
Sinabi na ni Raya 'yon pero anong gagawin namin?
"Hindi ba kaya ng family niyo na may provide ng pagk-"
Mabilis na umiling si Darwin sa tanong ni Austin
"Hindi gano'n 'yon, lahat kasi kayo kailangang matutong mag pahalaga ng mga maliliit na bagay at mangyayari lang 'yon kapag naranasan niyo na ang pinaka pinag mulan no'n at 'yon talaga ang main objective kaya kayo nandito. Kung sa pagkain lang, kayang kaya namin dahil marami kaming tanim dito pero hindi kasi 'yon ang pinunta niyo dito, sabi ni ate kaya kayo nandito para matuto at ang teacher niyo ay ang mga magsasaka. Naka dipende sa kanila kung makakakain kayo ng tatlong beses sa isang araw."
Naiintindihan ko naman pero-
"May mga pera kami"-Migs
Umiling si Darwin habang nakangiti.
"Kinuha na ni ate. Sabi niya hindi kayo allowed na gumamit ng perang baon niyo. Ang mag inarte raw sa inyo, umuwi na"
Napanganga nalang ako.
Pag kay Raya talaga galing madalas nakakainis.
"Ayos lang sa'min, pero si Sandra?"
Ngumiti si Darwin
"Secured na almusal ni Sandra, mas excited pa siyang mag trabaho kesa sainyo"
Nice! Di ako papatalo sa kaniya.
Mas maganda makipag laban sa taong pikunin.
CRENZ'S POV
Pumasok kami pareho ni Charrie sa tent namin ni Sandra. Air bed naman ang higaan kaya hindi masakit sa likod.
"Here, just stay here ok?"
Pina upo ko si Charrie sa dulo ng higaan.
"Why? Sama akooo.."
Nag paawa ng mukha si Charrie habang nakatingin lang sa'min si Sandra na nag aasikaso ng kung ano ano sa mukha niya.
"Stay with Tita Sandra"
Simpleng tugon ko na mabilis namang inilingan niya
"She's a monster, she don't like me"
Bulong sa'kin ni Charrie kaya napa bunghalat ako ng tawa.
"Talagang aasarin mo ko Crenz Yara Vilarde?"
Seryosong tanong ni Sandra
"Bakit ako? 'yong bata ang nag sabi"
Ang bulong kasi ni Charrie talagang maririnig ng medyo malapit sa'min.
"But you're still laughing, seriously?"
Nag seryoso ako ng mukha.. pero nag tagal lang ata ng limang segundo at natawa na naman ako.
"Stop it *Pak*"
Binato ako ni Sandra ng unan at saka tingnan ako ng masama.
"Wag mo awayin mommy ko!"
Pag mamaldita sa kaniya ni Charrie.
Agad kong tinakpan ang bibig ng bata at apologetic na ngumiti kay Sandra.
"Kailangan niyong mag kasundo kundi hindi ko kayo pareho tatabihan."
Banta ko sa kanilang dalawa.
Halata ang pag tutol sa mga mata nila.
"I'll just get your sweater sweety"
Hinimas ko ang buhok ni Charrie.
"Mommy-"
"Stay"
Tumayo na ako at lumabas.
Sinara ko agad ang tent dahil sobrang lamig sa labas.
Nag kayayaan ang mga lalaki na mag inuman kaya nasa kubo pa silang lahat kasama si Darwin na nakiki pulutan lang sa kanila. Binilinan ko sila na huwag painumin si Darwin pero hindi ko alam kung susundin nila Migs 'yon. Sila pa, matigas pa sa matigas mga bungo no'n.
Pumasok ako sa loob ng bahay at kinuha ang sweater ni Charrie pati na ang magiging kumot namin.
Pag lingon ko palabas ng kwarto naka tukod ang dalawang kamay ni Pula sa pintuan at mukhang lasing na dahil namumula na ang buong mukha at mapungay na ang mata.
Isang maling kilos lang nito patutulugin ko 'to ng suntok.
Nakatitig lang siya sa'kin.
Titig na parang malalim ang iniisip at natatawa pa.
"Nababaliw ka na ba?"
Nag cross arm ako sa harap niya. Ang mga mata at pag higpit ng kapit niya sa pintuan ay nag sasabihing marami siyang mga pinipigilan gustong sabihin kahit pa nasa impluwensya siya ng alak.
Huminga siya ng malalim at saka inalis ang pag kakakapit niya sa pintuan at saka napa yuko nalang.
"I felt like you betrayed me."
Mahinang aniya.
Gumaralgal ang boses niya kaya nasasaktan din ako.
Ayoko talaga sa lahat na gumagaralgal ang boses ng isang tao lalo na ang boses ng isang lalaki. Natutunaw ako.
Naaalala ko si Alexander kapag nakakarinig ako ng boses na gumagaralgal at para akong pinapatay kapag naaalala ko siya.
Nangingilabot ako sa sitwasyon ko ngayon dahil pakiramdam ko naka kadena parin ako sa nakaraang kahit takasan ko hindi ko pa rin magawang kalimutan at kahit tapos na, binabalikan pa rin ako.
"Ano bang sinasabi mo diyan? Matulog ka na hindi 'yong nag mamaoy ka diyan."
Nag lakad na ako para lampasan siya at saka ako nakarating sa may pintuan palabas ng bahay.
"Sabi mo gumawa ako ng paraan para pigilan kang ikasal sa iba? Sabi mo hanapan kita ng rason para hindi ka tuluyang ikasal sa iba?.. lahat nang 'yon kasinungalingan mo lang."
May paninisi sa tono niya.
Bakit parang ako lang ang may kasalanan dito?
Di ba nga ikakasal na rin siya?
Nag lolokohan lang ba kami?
Naguguluhan din ako sa set up namin.
Ano ka ba talaga sa'kin Liphyo? Masyado mong ginugulo ang sistema ko. Yung mundong ginawa ko, pinapasok mo na.
"Kalimutan mo na 'yon, kailangan kong mag pakasal. Wala akong panahon sa ibang bagay na tinutukoy mo"
Sagot ko sa kaniya nang huminto ako bago maka labas sa pintuan.
Sa kwarto lang ang may ilaw kaya siya lang ang naiilawan habang ako ay nasa dilim at tanging ilaw lang ng buwan ang nag bibigay liwanag sa'kin.
"Paano ako-"
"Anong paano ka?!"
Naiinis na nilingon ko siya.
Masyado siyang isip bata para hindi maisip ang tinutukoy ko. Mapapahamak si Charrie at ang tatay ng bata kapag hindi ako nag pakasal.
Marami pang ibang babae diyan kaya huwag niyang sabihin ang mga salitang 'yon na parang ako nalang ang nag iisang babae sa mundo. Maraming mas matalino at mabait kesa sa'kin.
"Itong nararamdaman ko-"
Ano?! Parang kasalanan kong sa'kin siya nag ka gusto!
Tiningnan ko siya sa mata niya.
"Sinabi ko na sa'yong hindi ko obligasyong ibalik ang nararamdaman mo para sa'kin, napaka linaw no'n."
Napayuko nalang siya
"Yara.. para akong unti unting pinapatay."
Rinig ko na sa bawat salita niya ang pag iyak niya at 'yong sakit na nararamdaman niya sa pag pigil ng pag hikbi niya at para akong tinutusok nang paulit ulit ng mga maliliit na karayom habang pinag mamasdan at pinapakinggan siya.
Nararamdaman ko ang pamumuo ng luha ko sa mata.
Pota! Hindi naman dapat ako nasasaktan dahil lang nasasaktan siya!
Hindi ako 'to!
"Lasing ka lang, matulog ka na"
Tumalikod na ako at saka tiningnan ang pabuo nang buwan sa kalangitan para lang pigilan ang pag patak ng luha ko.
Mabilis na yabag ang narinig ko at saka nalang ako natauhan nang may yumakap na sa likod ko.
Nanghihina at naninigas ako sa ginawa niya.
Hindi ito ang unang pag yakap niya sa'kin patalikod pero parang iba ang dating ngayon.
Siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko habang naka yakap siya sa mag kabilaang braso ko.
"Crenz.. I love you"
Mahinang bulong niya sa tenga ko na nag bigay ng kuryente sa buong katawan ko.
Anong gagawin ko?
Natutuwa at natatakot ako.
Dalawang pangalan ko na ang binanggit niya sa usapang 'to. Sapat na 'yon para maramdaman kong nasasaktan at seryoso siya.
"Tumigil ka na"
"Ayoko"
"Bahala ka"
Sinubukan kong kumawala sa kaniya pero mas hinigpitan niya lang pag kakayakap sa'kin at mas siniksik ang ulo niya sa leeg ko.
"I just stole this bravery from alcohol. Let me do this for awhile because tomorrow I will dig my own grave."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis eh.
"Umalis ka na diyan, gusto ko nang mag pahinga. Inaantay na ko no'ng bata sa tent."
Napapagod na ko sa nangyari ngayong araw. Masyado akong naubos sa mga nalaman ko tapos dadagdag pa 'tong isang 'to.
Ganito rin ang isang dahilan kung bakit ayoko ng karelasyon, pakiramdam ko hindi sila makakatulong sa'kin, dadagdag lang sila sa isipin ko.
"Pakakasalan mo ba si Doc. Chris? Kaya ba lagi kang nasa studio?"
Sapilitan ko nang tinanggal ang pag kakayakap niya sa'kin.
As expected nakita nga niya ang picture.
"Ano nanaman ba?"
"Nakita ko.. narinig ko.."
Malungkot na aniya.
"Oh ano naman? Ano naman kung siya ang tatay ni Charrie?"
"So pakakasalan mo nga siya-"
"Ayokong pag usapan 'yan."
"Paano kung agawin kita sa kaniya?"
Determinadong aniya
"Tumigil ka na."
"Yara, gusto kita-"
"Tumigil ka na nga."
"Hindi ako papayag na ikasal ka sa-"
"TUMIGIL KA NA SABI EH!"
Medyo napa lakas ang pag papatigil ko sa kaniya pero ang sigaw na 'yon ay hindi naman aabot sa pwesto ng mga nag iinuman o sa tinutulugan namin.
Napa tahimik siya at umayos ng tayo.
"Matulog ka na"
Utos ko ulit sa kaniya.
Tiningnan niya ako sa mata pero ako naman ngayon ang hindi maka tingin ng maayos sa kaniya.
Pinalayo ko siya gamit ang kanang kamay ko dahil nasa kabilang kamay ko ang mga gamit na kinuha ko.
Kinakabahan ako sa tingin niya. Mukhang mauulit nanaman ang nangyari sa'min no'ng nakaraan. Dapat na talaga akong umalis.
Bago pa ko makahakbang patalikod sa kaniya, mabilis niyang hanawi pa sara ang pinto at saka ako mabilis na isinandal doon.
Ito na 'yon!
Lintek! Heto nanaman kami!
"Tumigil ka na Liphyo! Ibabalibag talaga kita"
Nahinang pagalit ko sa kaniya.
Naninigas ako sa kinatatayuan ko. Mas nangingibabaw ang kaba ko.. sobra sobrang kaba.
Masyadong madilim at kaunting sinag lang ng ilaw sa kwarto ang mayroon sa pwesto namin.
"Natatakot ako sa sarili ko Crenz, hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong gawin para sa'yo"
Mas lalo akong nanigas nang halikan niya ang noo ko.
Tinulak ko siya pero hindi naman siya gaanong napalayo
May namuong ideya sa isip ko sa ginawa niyang 'yon.
Gagana 'yon pero hindi ko alam kung hanggang kailan gagana o kung magiging maayos ba kung gagawin ko 'yon.
Kailangan kong pag isipan ng isang milyong beses.
"Mag papakasal ako-"
Hindi ko na natapos dahil marahas niya na akong hinalikan.
Halik na mapang angkin.
Halik na may inis.
Hinawakan niya ang batok ko at nilaliman pa ang halik.
Napapikit nalang ako ng mariin dahil masyado siyang marahas.
Pumwersa ako para itulak siya palayo at malakas siyang *SLAP* sinampal.
Napabaling ang ulo niya sa kanan niya sa lakas ng sampal na 'yon.
Inis na napahilamos ako sa mukha ko at saka siya sinipa sa binti niya na ikina tiklop ng kaliwang binti niya nang bahagya.
Gusto ko siyang sapakin hindi sampalin.
"Matulog ka na bago ako ang mag patulog sa'yo sa suntok."
Nakailang beses na akong nag sabing matulog na siya pero wala pa ring nangyayari sa'min pareho, nakatayo pa rin kami at nabubwiset pa rin ako.
Parang wala lang nangyaring sampalan nang hilain niya ako at yakapin.
"Tumigil ka na*
"I will.. just for a moment. Please"
May senseridad na aniya.
"Kapag kinasal ka na *sniff* tapos nag sesettle na kayo para sa future niyo, I promise.. hindi mo na ako makikita para hindi ako makagulo sa inyo, kasi alam ko sa sarili ko na hahabulin kita kung mananatili pa ako sa paligid mo."
Para akong pinupunit maisip ko palang na lalayo siya sa'kin.
Nag kakagusto na ba ako sa kaniya?
Ano ba 'tong bago sa pakiramdam ko?
Hindi ko siya kayang protektahan.
Hindi ko sila kayang pag sabay sabayin.
Kahit nandiyan pa si Raffy o Hans hindi ko talaga kaya.. o baka hindi ko pa kaya.
Nilayo ko na siya sa'kin.
"Sa iba mo nalang ibaling 'yan, 10 and 90 percent lang ang chances. 90 for no and 10 for friends."
Pag kasabi ko no'n ay umalis na ako at sa likod nalang dumaan. Iniwan ko siya doong nakayuko.
Hanggat magulo pa ang sitwasyon ko ayoko talagang mag dagdag isipin.
Pag pasok ko sa loob ng tent namin nandoon sa loob si Nemi.
"Ba't nandito ka? Pampasikip?"
Seryosong tanong ko
"That's harsh bitch"
Ayan na naman ang pag mamaldita ni Nemi, mukhang na iimpluwensyahan na talaga siya ni Sandra.
"Bunganga mo, may bata"
Paalala ko sa kaniya.
Binihisan ko na agad si Charrie na pumupungay na ang mata dahil sa antok.
"She's really cute"
Nanggigigil na sabi ni Nemi
"Alam ko"
"Yabang mo"
"Nasa linya na ng dugo namin 'yan"
Ngisi ko sa kaniya
"Alin?"
"Kagandahan at kayabangan"
Nginiwian niya ako
Nag babasa si Sandra habang naka upo naman sa gilid ng higaan si Nemi.
"Bakit hindi si Sandra ang katabi ko?"
Takang tanong niya kasi nga diba madalas si Sandra ang katabi niya matulog.
"Tinakwil ka na niya"
Sinamaan ng tingin ni Nemi si Sandra
"Why?"
"Tsk.. huwag kayong OA hindi malayo ang tent niyo sa'min. Dalawang hakbang ko lang pag labas nasa harap na ko ng tent niyo"
Inirapan niya nalang ako
'Cute'
"Nasa inuman ba si Cess? Wala akong kasama sa tent tapos parang nasa horror film pa ko"
"Pinag sasasabi mo? May bonfire naman ah"
"'yon na nga eh baka may makita akong anino na nag lalakad padaan sa labas ng tent namin, it's scary"
Pwede ko ba siyang sipain?
Nangangati paa ko.
"Alam mo? Lumabas ka na dito, matutulog na 'tong bata"
Wala si Cess dahil inutusan ko. Kanina pa 'yon nandoon.
Inaasikaso ko na rin kasi ang assignment ko dito.
"Anong oras ba uuwi si Cess?"
Alangan na tanong niya
Bigla nalang bumukas ang tent namin at saka sumilip si Cess. Lahat kami nagulat.
"Omy- atleast learn to say your presence 'no?"
Buti nalang tulog na si Charrie at nasa kandungan ko ang bata kundi baka tumilapon palabas si Cess.
"I'm here"
Napakamot nalang sa mukha si Nemi
"Ano ba 'yon?"
"Bakit wala ka sa tent? Halika na, natatakot ako"
Napanganga nalang kami pareho ni Sandra sa dalawang toyoin na 'to.
"Eh natatakot din ako"
Huminga ako nang malalim dahil ang ingay nila, tulog na ang bata.
"Lalabas kayo o sisipain ko kayo pareho?"
Mabilis na hinigit ni Cess si Nemi.
"O-oy maya maya na"
"Maaga pa ako bukas, halika na"
Nag hilaan sila pero mas nanalo pa si nerd haha.. sinara na nila ang zipper ng tent.
"Kailangan mo na mapagod para mapatay na 'yang ilaw."
Puna ko sa kaniya. Hinihila na ako ng higaan.
Hiniga ko na si Charrie sa pwesto niya. Kailangan kong gumitna dahil alam ko namang hindi titigil si Sandra kakaparinig na kailangan katabi ko siya.
"Ok"
*Light's off*
Napahawak ako sa nose bridge ko dahil wala akong makita.
Sana pinatay niya pag naka higa na ako.
Ang ending ko tuloy kapa kapa, pero no'ng hindi ko na matagalan nag flashlight na ko.
Nakita ko siyang naka tukod ang gilid ng ulo sa kamay niya at nakaharap sa'kin.
"Bakit?"
Inayos ko ang higaan ko habang inaantay ang sagot niya.
"Nothing"
Pag sabi niya no'n ay humiga siya at tumalikod mula sa'kin.
Tsk tsk tsk.. bata..