HANDRIKO'S POV
Lahat kami ngayon ay nasa bukid, as in lahat dahil tapos na ang trabaho ni Crenz kaya nakakasama na siya sa'min.
"Tamo yung dalawang tukmol, parang kagabi lang nag susuntukan sila pero ngayon nag paka anak na naman ni Lucifer."
Untag sa'kin ni Jonmar habang nag lalagay ako ng palay sa lupa.
Tinaas ko ng konti ang sumbrero ko para tingnan sila at kitang kita naman namin kung paano nag bulungan ang kambal at saka may binungkal sa ilalim ng lupa.
"It's a worm."
Sabi ni Austin na nasa tabi ko. Napapagitnaan nila akong dalawa ni Jm.
Matapos nilang makabungkal ay hinagis nila 'yon kay Princess.
"KYAAAAH!"
Mabili na tumayo si Cess at sa pag tayo niya ay na stuck sa putik ang suot niyang tsinelas kaya na out of balance siya at napa upo sa putikan.
Sabay sabay kaming tumayo ni Jm at Austin para sana agapan ang pag bagsak niya pero it's too late at medyo may kalayuan kami konti.
"Pfft.. tulungan na kita."
Sabi sa kaniya ni Darrin pero may pigil na tawa.
"No thanks. Mag kapatid talaga kayo ni Crenz, pareho kayong saltik."
Irap ni Cess sa kaniya.
Tumawa kaming lahat.
Tumayo naman mag isa si Cess na puro putik ang pwetan saka niya binato ng putik ang mga pinsan niya.
"Hey! Stop- hey Montemayor!"
Apila ng kambal sa pinsan nila.
"Ano?! Bwiset talaga kayo!"
Sigaw ni Cess sa kanila.
"Wait! We're not done yet."
Sabi ni Jigs saka hinagisan ulit siya ng uod.
"KYAAAAAAH!!"
Napaatras si Cess at ang naatrasan niya ay muntik nang dumapa sa putikan.
"HAHAHAHAHA.."-Jhom/Jerick
Si Mike kasi ang naatrasan ni Cess kaya kahit kami ay hindi na makapigil sa pag tawa.
Kunot noong winisik ni Mike ang putik sa kamay niya at tinanggal ang putik sa tuhod niya.
Makulimlim ang kalangitan at mukhang maya maya lang ay bubuhos na ang ulan. Walang araw kaya hindi kami masyadong naiinitan.
"Hey! Nakaka damay na kayo-"-Sandra
Pero maging si Sandra at hindi pinatawad ng kambal at hinagisan din ng uod.
"KYAH! I WILL BOTH KILL YOU!"
Sabi ni Sandra at hinabol ang kambal.
Mabilis na tumakbo paalis ang kambal habang nag tatawanan.
"Uy pre may dumi ka sa mukha mo."
Sabi ni Jm naman kay Austin at saka hinawakan ang mukha ni Austin ng kamay niyang may putik.
"Natanggal mo na?"
Tanong ni Austin na nakapagpa hagalpak sa'kin ng tawa.
"HAHAHAHA.. ang cool mo diyan Pre."
Sabi ko kay Austin habang tinuturo ang mukha niyang may putik.
Pinahid naman niyang ang nasa mukha niya at nakita niyang may putik.
"PILSAMOR!"
Sigaw niya at hineadlock niya si Jm habang ako tatawa tawa lang.
Tiningnan ko naman sila Crenz, Liphyo at Darrin na nag uusap usap ngayon habang nag tatrabaho.
Mukhang nag tatalo pala si Crenz at Liphyo dahil mukha na namang iritado ang itsura ni Crenz.
Tumayo si Crenz at nag lakad palampas kay Liphyo kaya lang bago siyang maka lampas ay sinipa niya muna ang pwetan ni Liphyo gaya nang ginawa niya no'ng unang araw namin dito.
"Hoy!" At gaya nga noong una ay nag swimming na naman si Liphyo sa putikan.
Natigilan ang lahat at tumingin sa kanila.
"Pfft.."
No'ng una ay nag pigil pa kami ng tawa kaso lang....
"HAHAHAHAHA!"
Sobrang lakas ng tawa ng kambal na anak ni Lucifer kaya maging kami ay nahawa sa tawa nila.
"Kakaiba ka talaga Crenz!"
Sigaw ni Austin
"What the hell Raya!"
Sabi ni Liphyo habang tinitingnan ang damit at kamay niyang punong puno ng putik, mabuti nalang ay nai iwas niya ang mukha niya at konti lang ang tumalsik.
"Ano? Wala akong ginawa sa'yo ah."
Inosenteng sabi ni Crenz at saka lumapit kay Nemi na tatawa tawa lang habang tinitingnan sila.
"Tsk tsk.. sabi ko na, saltikin talaga kayong mag kapatid."-Cess
"Ba't nadamay ako?"-Darrin
"Ano ka? Mabait na demonyo? Tutulungan mo nga ako pero tawang tawa ka naman."
Singhal ni Cess kay Darrin.
"Oh bakit nadamay din ako?"-Crenz
HAHAHAHA tinatanong talaga nilang mag kapatid kung bakit ganiyan si Cess sa kanila.
"Tama na 'yan, durog na pananim nila Tito dahil sa inyo-"
*Plok*
*Bug*
*Sclitch*
Binato nila ako ng putik sa katawan ko.
Napapikit nalang ako para hindi mapasukan ang mata ko.
Mga walang hiya!
"Ahh.. ganiyan gusto niyo ah."
Binato ko rin sila ng putik at doon na nga nag simula ang mud war naming lahat.
Kaniya kaniya kaming batuhan at luging lugi kami kay Crenz dahil asintado sa pag bato.
Bato dito at bato doon pero ang pinaka pinuntirya namin ay ang kambal. May nag wrestling sa putikan at may nag tulakan pa. Isa naman ako sa nahila nila at napa upo sa putik. May time pa na si Crenz naman ang tinarget nila at dahil mabait akong kaibigan ay sinalo ko ang iba at ang dumaplis ay kaniya na.
"HOY!"
Natigilan kaming lahat nang may sumaway sa'min mula sa malayo at pinapatigil kami sa pag babatuhan.
Binantaan niya kaming isusumbong kami kina Tito kaya wala kaming nagawa kundi ang tumigil at umalis sa rice field.
Nag kaniya kaniya kaming pagpag ng putik.
Lumapit si Nemi sa mga gamit namin at nag labas ng phone.
"Let's take a picture guys!"
At kahit mga dugyutin kaming tingnan ay nag picture kaming lahat kasama nga si Crenz na walang kwenta ang tingin sa camera.
Buti naman at hindi na kami nahirapang pilitin siya.
Naka ilang take din kami at saka kami natapos.
"Tara sa ilog."-Crenz
"Waaah!! May ilog dito?!"-Sandra
"Oo, malapit lang 'yon dito."
Sabi ko naman dahil kahit papaano ay nalibot ko na rin 'to dahil nga ang hirap hanapin ni Crenz noong mga bata pa kami.
Nag kagulo na nga sila dahil mga excited maligo sa ilog.
Sabay kaming nag lakad ni Crenz.
"Patingin nga ng mukha mo."
Tumigil kami para ipakita ang mukha niya.
"Walang masakit sa'yo?"
Inayos ko ang hibla ng buhok niya papunta sa likod ng tenga niya gamit ang hinliliit ko kasi 'yon lang ang medyo wala ng putik.
"Wala."
"Patay tayo kay Tito."
"Ikaw ididiin ko"
"Bakit ako?"
Nag kibit balikat siya.
"HOY! KAYONG MAG JOWA DIYAN! MAMAYA NA KAYO MAG LANDIAN!"
Sigaw sa'min ni Sandra.
Si Sandra lang naman ang may kakayahang sabihan kami ng gano'n.
"Bakit ba niya dinidiin na jowa kita?"
Walang emosyong tanong niya.
"Malay ko."
Sinabayan ko siya sa pag lalakad.
Inalalayan ko nalang ang bandang likod niya but she immediately flinch.
Nagulat ako sa ginawa niya.
"Bakit?"
Gulat na tanong ko.
Para siyang nagulat pero bumalik din sa inosenteng mukha niya.
"Wala."
Wala? Ganiyan siya maka react tapos wala lang?
"Patingin."
Mabilis siyang umiwas sa'kin.
"Patingin!"
Mariing sabi ko dahil mukhang may naging mintis akong tulong sa kaniya.
"Wala-"
Tinaas ko ang damit niya sa likod at lumatad sa'kin ang malaki niyang pasa sa likod.
Agad nag init ang mukha ko.
"Is this from the assignment?"
Seryosong tanong ko habang tinitingnan ang likod niyang nag violet na ang color. Maputi si Crenz at kitang kita sa katawan niya ang kahit anong kakaibang kulay.
"Tigilan mo na Hans, naka tingin sila satin."
Binaba ko ang damit niya sa likod at tumingin sa mga kasama namin.
"Gusto mo akong manahimik pero hindi ka nag ingat?"
Inis na tanong ko sa kaniya.
"Aksidente-"
"I'll kill them."
Pinaleng pasya ko dahil nasaktan nila si Crenz.
"Handriko! Tumigil ka na. Tapos na nga diba?"
"Pero may pasa ka-"
"Gagaling din yan."
"At kelan?!"
"Tatlong araw lang wala na 'yan."
"Nasasaktan ka."
Nag aalalang tingin ko sa kaniya.
"Mas mabilis akong gagaling kung titigilan mo yang ginagawa mo at kukuhanan niyo ako ng buko."
Medyo nawala ang kunot ng noo ko.
Mukhang she's in her cravings again.
"*Sigh* Tatlong araw lang 'yan ah. Kapag chineck ko yan dapat wala na yan."
Paano siya nasaktan samantalang hindi ko naman inalis ang paningin ko sa kaniya habang nakikipag laban kami.
"Tinitingnan nila tayo."
Paalala niya.
Kelan pa siya naging conscious sa sasabihin ng iba?
"Tara."
Nag lakad na kami palapit sa kanila.
Si Darrin naman ang nag guide sa'min papunta sa ilog.
"Wooooh!"
Sigaw agad ng mga siraulong lalaki sa'min.
"Bantayan niyo sila nang maigi."
Tatlo kaming sinabihan ni Crenz.
Ako, Migs at Attienza para mabantayan ang mga kasama namin.
"Bakit? May pupuntahan ka?"-Liphyo
Seryoso siyang tiningnan ni Crenz
"Meron. Bantayan mo rin siya Hans*pointing to Liphyo* malapit sa disgrasya yan."
Aapila pa sana si Attienza pero nilayasan na siya ni Crenz at tinangay si Darrin.
"Bakit sinama 'yong isa."
Tanong ni Attienza na medyo ikinatawa ko. Masyado siyang curious kay Crenz kaya napag hahalataang gustong gusto niya si Crenz eh.
Tinapik ko siya sa balikat.
"Mag banlaw ka na muna, dungis mo."
Asar ko sa kaniya.
Nag si lusungan na ang lahat kaya pati rin ako lumusong na.
"Nasa'n si Crenz?"-Jm
"Nilayo niya muna si Darrin kay Jigs."
Tumingin sa'min si Jigs.
"Sa'kin? Ang bait ko kaya."
"Ulol!"-Migs
Tinawanan namin siya
"Uy, nandiyan na sila."
Sabi ni Cess sa'min.
Tiningnan namin kung nasa'n sila at na kabilang dulo sila ng ilog.
May pinag uusapan sila at saka sila lumusong hanggang sa umabot na ng bewang nila ang tubig.
"Anong ginagawa nila."-Mike
Huminto kasi ang dalawa sa pag lalakad at nag uusap ulit.
May ngisi sa mga mukha nila.
"Mag cocompet sila."
Naiusal ko.
Lahat kami nakatingin ngayon sa kanila.
"Ha?"-Nemi
Hindi namin inalis ang paningin namin sa magkapatid.
Nag tali ng buhok si Crenz.
"It's starting."-Sandra
Nagiging competitive si Crenz kapag nag tali na siya ng buhok.
Nag tinginan muna ang mag kapatid at saka...
*Splash*
Nag simula silang lumangoy papunta sa'min.
"Wow! Ang galing nila pareho."-Cess
"Nag champion na dati si Crenz sa swimming competition."
Sabi ko sa kanila.
"Totoo?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Liphyo.
Akala niya siguro pagano'n gano'n lang ang sinasabihan niya ng hampaslupa.
"Yep, and si Darrin naman mag lalaro rin ng swimming competition for finals ngayong December."
"WEEEH?!"
Sabay sabay na tanong nila.
"Oo, athletic kaya 'yang mag kakapatid na 'yan."
Ang layo ng nilangoy nila at naramdaman ko nalang na may humawak sa damit ko at saka inahon ang sarili nila mula sa tubig.
*FAST HEARTBEATS*
Halos mawala ako sa katinuan nang umahon silang dalawa sa harap ko.
"Nauna ako."-Darrin
"Nakita ko, nauna ako"-Crenz
Mag kaharap sila ngayon sa harap ko.
Hindi ba nila maramdaman na nanginginig ako ngayon sa kilig, gulat at nerbyos dahil sa kanila?
Para tuloy akong na estatwa habang nasa harap ng dalawang dyosa.
Imaginin mo nalang na biglang may umahon sa harap mo na dalawang magandang babae.
Isang naka tali ang buhok pero ang ilang hibla ng buhok niya na nasa gilid ng pisngi niya at nagpa tingkad lalo sa ganda ng mukha niya at isang naka lugay na effortless ang ganda.
"Wow."
Mukhang natigilan din ang mga lalaki sa'min.
"Mag tatalo talaga kayo sa kung sino nauna sa inyo?"-Sandra
"Oo naman, it's a competition."-Crenz
Hindi ko mapigilan ang pag tibok ng puso ko ng sobrang bilis.
"Nauna ako, sigurado ako ro'n"-Darrin
"Nauna nga ako."-Crenz
"Itanong nalang natin sa nakaramdam. Kuya Hans, sinong mas nauna."
Untag nila sa'kin. Tumingala sila para tingnan ako pareho.
"Hoy, sino?"
Nag hahamong tanong ni Crenz.
"A-ano-"
Nag papalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Sino?"-Darrin
"Baka nakalimutan nang huminga ni Hans HAHAHAHA"-Jm
"Ano? Nakakalimutan ba ang pag hinga?"
Inosenteng tanong ni Crenz
"Sa ganda ba naman ninyong dalawa tapos sabay pa kayong umahon sa harap niyan, baka nga kahit ako makalimutan kong huminga."-Cess
"Totoo? Maganda ako?"
Excited na tanong ni Darrin kay Cess halatang nangaasar.
Tinulak ako nang bahagya ni Crenz para umayos ako.
"Nagagandahan ka raw sa'kin Hans?"
Prangkang tanong ni Crenz.
"Oo- I-I mean HINDI."
Mabilis na sagot ko sabay iling.
Malakas na tumawa ang nasa paligid namin.
Nginisian ako ni Crenz.
"Nainlove na naman siya sa jowa niya."-Sandra
"Yiiieeeh! Si Hans."
Asar ng kambal.
"Mag silayo nga kayo."
Hinawi ko ng madiin ang dalawang nasa harap ko kaya na out of balance sila at nahulog sa tubig.
"Wooooh ang tapang!"
"May ibabalibag si Master!"-Jigs
Huminga ako ng malalim para patigilin ang puso kong nababaliw ngayon.
"Di makapaniwala si Zimmer!"-Austin
"Gago!"
Sigaw ko sa kaniya.
"HAHAHAHA"-all
Umahon muli ang dalawa at pinag tulungan naman akong itulak din sa tubig kaya ayon bumagsak naman ako. Pag ahon ko nag cross arm ang dalawa at tiningnan ako ng seryoso.
"Sino nauna?"-Crenz
"Ako diba?"-Darrin
Akala ko tapos na sila sa issue na 'yon.
"Sabay."
Sabi ko kasi naramdaman kong sabay nila akong nahawakan.
"Ano?! Hindi pwede 'yon"-Darrin
"Tama, di ako payag."-Crenz
Ehhhhhh? Anong magagawa ko kung sabay nga kasi sila.
"Basta nauna ako."-Darrin
"Nauna ako."-Crenz
"Ako."
"Ako."
"Ako!"
"Ako!"
"He-he-heh! Manahimik na kayong dalawa."
Pumasan si Sandra sa likod ni Crenz at hinawakan ito sa noo.
May binulong si Sandra kay Crenz na nakapag pa ngiti ng konti kay Crenz.
"Pasan mo rin ako."
Sabi ni Darrin kay Princess.
"Abot mo ang sahig, bat kita ipapasan?"
Pag tataray ni Cess.
"Pfft."-me
"Pasan din ako!"
Nag kaniya kaniya silang pasanan at ang ending no'ng mga lalaki ay nag lunuran na ata sila.
Pinasan din naman ni Cess si Darrin kahit pa napipilitan siya.
Naging mukhang tao naman kaming lahat dahil nakaligo na kami.
Umuwi kami at nag hinatayan para maliligo sa CR.
Sila Jigs ay pumunta sa posohan at mukhang wala namang takot sa kaniya kasi may araw pa. Iilan lang kaming nag hihintay dito sa labas kasi sampung taon talaga maligo si Sandra.
"Eto na."
Nilapag ni Darrin ang mangga na may kasamang asin na may halong sili.
"Ayun!"-Mike
Mike, Liphyo, Crenz, ako, Cess, Nemi at si Darrin lang ngayon ang natira rito.
"May sugat pala ako."
Sabi ni Nemi habang tinitingnan ang sugat niya sa siko niya.
"Linisin nalang natin pag tapos mo maligo."-Darrin
Narinig naming may papalapit kaya tiningnan naming lahat 'yon.
Isang binatilyo ang lumapit sa'min at nag sabing may nag hahanap daw kay Crenz.
"Sino?"
Inosenteng tanong ni Crenz habang ngumunguya.
"Pinsan daw eh."
"Hm?"
Nag tatakang sambit ni Crenz pero tumayo na rin siya.
Gano'n din ang ginawa ko.
"Excuse me guys."
Paalam ko sa kanila.
Pasimple akong sumunod kay Crenz.
Isang naka talikod na lalaki ang nakita niya tapos iniwan na rin sila no'ng batang lalaki.
"Sino-"
Natigilan ako nang humarap 'yong lalaki.
"Kuya Nathan."
Sambit ko.
Maging si Crenz ay nagulat sa presensya nga ng pinsan niya.
Gusto kong lumapit pero feeling ko hindi naman nila ako kailangan or makakaabala lang ako sa pag uusapan nila. Medyo malayo sila kaya hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila.
"Anong-"
Natigilan si Darrin sa pag tatanong nang makita niya agad ang tiningnan ko.
"Kuya Nathaniel?"
Takang tanong niya.
"Alam mo bang pupunta rito?"
"Hindi, anong ginagawa niya rito?"
Mukhang may problema nga siya. Hindi siya mag tatravel ng sobrang layo at hahanapin ang isang tao kung hindi seryoso ang pakay niya.
"Isa lang ang naiisip kong dahilan."
"Alin? 'yong kasal nila ni ate Rica?"
"Alam mo?"
Hindi niya dapat alam ang mga bagay na 'yon labas siya sa organization kahit pa alam nila na may nag eexist na organization at may ganitong patakaran.
"U-uh-"
"Paano mo nalaman?"
Nanumbalik sa'kin ang problema noong nakaraan sa organization.
"Huwag mong sabihin ikaw ang pumasok na server sa system ng organization?"
Gulat na tanong ko sa kaniya.
Sobrang talino rin kasi ni Darrin kaya impossibleng hindi niya kaya 'yon.
"Kuya, let me explain -"
"Explain."
Humalukipkip ako sa harap niya para sabihing seryoso ako ngayon. Delikado na ngayon ang buhay niya kapag nalaman ng org na isa siya sa pumasok sa system nila.
"May chineck lang ako, lagi naman akong maingat kapag may chinicheck ako, tungkol kay Charrie 'yon, inaalam ko kung alam na ba ng org ang tungkol kay Charrie pero hindi ako nag check ng ibang file doon or kahit ano pa, tapos nagulat nalang ako na may nag kick sa'kin sa system nila, nadetect ng system na 'yon na may nakapasok."
"System ng org?"
"Hindi eh, ibang system din. Parang tinatry nilang I hack at kunin ang info ng organization. Na kick nila ako ng tuluyan kaya mukhang hindi alam ng system ng organization na nakapasok ako dahil kinick nga 'yong server ko. Ang talino no'ng nang hack sa system ng organization pero hindi umubra sa computer wizard ng organization niyo."
Tama nga ako ng report kay Crenz, parang 'yong taong 'yon ay alam ang pasikot sikot sa organization at tinuturuan ang mga kasama niya kung paano papasukin ang system ng organization.
"Nag sasabi ka ba ng totoo?"
Nag taas siya ng kanang kamay.
"Promise 'yon lang talaga."
Huminga ako ng malalim pero mali pa rin talaga ang ginawa niya.
"So anong nalaman mo pa tungkol kay Charrie?"
"Mukha namang hindi pa alam ng organization. Tanong ko lang kuya kung noon bang buntis si ate nakita mo siya?"
Kinabahan ako sa usapan namin.
"Hindi. Noong time na buntis siya wala akong naging balita sa kaniya kahit isa basta ang alam ko may nangyaring aksidente tapos hindi na ulit kami nagkaroon ng balita sa kanila ni Crescia."
"Si ate Crescia ba nasa hospital pa?"
"Hindi ko rin alam. Walang na nga akong balita. Bakit ba? Anong nalaman mo?"
Napatulala siya na parang iniisip ang nakita niya.
"Nawala rin 'yong Mama ni kuya Chiggy Mil at walang naging balita sa kanila. Tatlo silang nawala that year tapos noong sumunod na taon ay lumitaw ulit ang Mama ni kuya Mil tapos parang nawala ulit sila tapos wala na namang balita."
Oo medyo nabalitaan ko nga 'yon.
"Nag layas si kuya Mil diba?"
"Oo, ayaw niyang nasasakal siya sa gusto ng magulang niya."
Napakamot siya sa sentido niya.
"Ayoko na pag usapan, sobrang gulo nila."
"Bakit parang sa'kin ka nag rereklamo eh pamilya mo 'yon."
Reklamo ko rin sa kaniya.
"Oo nga 'no?"
Ginulo ko ang buhok niya saka kami tumingin sa dalawang nag uusap ngayon.
"Pumunta ka doon sa kanila, huwag mong hayaang may maka lapit dito."
Utos ko nalang sa kaniya.
"Hindi mag papahawak si ate."
"Ha?"
Tumingin ako sa kaniya saka balik kina Crenz.
"Kapag hinawakan siya ni kuya baka maya maya wala nang hininga si kuya."
"Ha?"
Ulit ko muli.
Nginitian niya lang ako atsaka tinapik ako sa balikat.
"May cravings ba si ate ngayon?"
Nag aalangan akong tumango.
"Good. Bigay mo 'yon sa kaniya para mag pagaan sa loob niya."
Matapos niyang sabihin 'yon ay iniwan niya ako. Akala ko kilalang kilala ko na si Crenz pero parang hindi pa pala.
CRENZ'S POV
"Nathaniel."
Bati ko sa kaniya dahil naka talikod siya, iniwan naman kami no'ng batang nag hanap sa'kin.
"You're still Crenz, right?"
Kumunot ang noo ko.
"CYV. Anong kailangan mo?"
Hindi ko maipakitang na miss ko siya dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa biglang pag bisita niya sa'kin nang hindi ko alam ang dahilan.
Para siyang si Daniel nang biglang nagpakita sa labas ng school namin para humingi ng favour.
"Y-yung mata mo."
Ganiyan ba talaga ang dapat nilang sabihin kapag nakita nila ako.
"Oo alam kong may mata ako kaya sabihin mo kung anong sadya mo. Alam ba ni Nina na pumunta ka rito?"
Kunot noong tanong ko.
"Yung mata mo. Bakit nag iba ang kulay ng mata mo?"
Hindi niya talaga pinansin ang tanong ko at pinag patuloy ang tanong niyang gustong gusto niyang malaman ang sagot.
"Mata lang 'yan-"
"MATA LANG?! You know how important your eye is."
Nag init ang mukha ko sa inis dahil sa sinabi niya.
"Iyan ang pinunta mo rito?"
Napa hawak siya sa batok niya at tumingin sa ibang lugar na parang pinipigilan ang inis niya.
"Iya!-"
"CRENZ YARA! NATHANIEL."
Pag tatama ko sa kaniya.
Sobrang naiinis na talaga ako sa inaasta niya ngayon. He's invading my privacy.
"Yara.."
Parang nag susumamong tawag niya sa'kin. Namumuo na ngayon ang luha niya sa mata.
"Huwag kang tumingin sa'kin"
Utos ko sa kaniya dahil hindi ko talaga gusto kapag lalaki ang umiiyak sa harap ko.
Nag iwas siya ng tingin at tumingin sa taas para hindi pumatak ang nasa mata niya. Ilang segundo lang ang lumipas ay tumingin siya sa'kin.
Pumunta lang ba siya rito para iyakan ako?
"Alam naman kung gaano ka kaimportante."
"Importante lang ako kasi kailangan nila ako."
Walang emosyong sagot ko.
"Ikaw ang pumili no'n!"
Mahinang sumbat niya sa'kin. Natigilan ako kasi tama naman siya mahilig akong umako ng responsibilidad ng iba pero tinatawag nila akong selfish.
"Umalis ka na-"
"Yara-"
Tuluyang tumulo ang luha niya at para akong pinupunit sa luha niyang 'yon. Ang lalaki kasi minsan lang umiyak pero kapag umiyak na sila alam mo nang mabigat ang dinadala nila.
"Ano ba kasi 'yon Nathan?!"
Inis na ring tanong ko. Gusto kong mag dabog para pigilin din ang luha ko. Sinabi ko naman sa kanila na huwag silang haharap sa'kin kapag iiyak sila!
"Muntik ka na mawala sa'min matapos 'yong aksidenteng 'yon tapos nilalagay mo na naman ang sarili mo sa panganib?"
Iilan lang naman kaming nakakaalam kung anong hiwaga ang meron sa mata ko at gulat na gulat silang nag iba ang kulay nito.
Ang kulay ng mata ko noon ay Ash gray tapos nag bago ito papunta sa itim kaya hindi nila maiwasang hindi pansinin 'to nang makita nila ako muli.
"Tigilan mo na 'to Nathan."
Seryosong saway ko sa kaniya. Ayokong ibalibag pa siya bago niya ako sundin. Gusto kong tumigil na siya sa sinasabi niya dahil wala naman iyong magandang idudulot sa'kin.
"Alam mo namang hanggang ngayon sinisisi ka pa rin si Arya sa pagkamatay ni Alexander. Si Axel hanggang ngayon hindi pa rin kayo ayos tapos ngayon nilagay mo ang sarili mo sa kapahamakan? Sinasayang mo ang pagkamatay ni-"
*PUNCH*
Isang malakas na suntok ang binigay ko sa mukha niya dahil sa mga sinasabi niya. Napaupo siya sa sobrang lakas no'n at napa dura ng dugo.
Naiinis ako!
Gusto kong makasama si Arya pero hindi ko magawa dahil galit siya sa'kin!
Gusto kong makatabi kahit saglit si Axel para sabihing nandito lang ako sa tabi niya pero yung guilt ko nilalamon ako!
Gusto kong mag sumbong kay Drei pero nahihiya at natatakot ako!
Gusto kong isumbat lahat ng nasa isip ko sa harap ni Nathaniel para alam niya kung gaano kahirap ang pinag dadaanan ko.
"Stop before I kill you too."
Nangilid ang luha ko at nanginginig na rin ngayon ang tuhod ko dahil sa halo halong emosyong nararamdaman ko.
"I'm protecting you Yara."
Mahinang aniya habang naka upo sa sahig at pinupunasan ang labi niya.
"Protecting me? Alam mo naman kapag wala na ako sa organization na 'yan doon lang ako magiging ligtas. Bakit ka ba nandito?! Diba para idiin na naman ako sa organization na 'yan?!"
Napayuko siya.
See! Tama nga ako, mag katulad lang sila ni Daniel ng pakiusap.
"Crenz, gustong gusto ko si Rica-"
"Pero mali 'yang ginawa mo! Gusto mo siya kaya itinali mo agad siya sa'yo nang magkaroon ka ng chance. Gusto mo siya pero hindi mo siya binigyan ng kalayaan Nathaniel!"
Yumuko siya at ginulo ang buhok niya at medyo sinabunutan pa.
"Nilagay mo sa panganib si Rica. Nasa new generation ba siya or nasa generation mo?"
Inis na tanong ko.
Alam ko naman na ang sagot pero bakit pa ako nag tatanong?
"Tulungan mo 'ko Crenz, may sumabutahe sa birth certificate ni Rica."
Ano?
Kunot noong takang taka ako sa sinabi niya. Normal pa bang problema 'yan?
"Nasasabutahe ba ang birth certificate?"
"Nagawa nila kaya possible 'yon. Nasa generation ko dapat naka bracket ang edad niya pero may nag bago sa birth certificate niya. Nasa new generation siya ngayon."
Ang new generation ay nag start kina Alexander, kung ikaw ang simula ng new generation dapat 24 ka na ngayon.
"Ilang taon na ba siya?"
"25 na siya pero naging 24 siya sa birth certificate niya. May maraming connection lang ang makakagawa no'n."
Nakaupo pa rin siya lapag.
"Tumayo ka na."
Pasimple kong pinahid ang luha ko.
Simula noong umuwi ako rito napapadalas ang pag luha ko. Sinusubukan talaga ako ng mga taong naka paligid sa'kin.
"Crenz, she's pregnant."
Para na naman akong tinambol ngayon.
Sabi ko na nga ba't mangyayari 'to.
"My ghaaad Nathan!"
Masisiraan na ako ng bait sa kanila!
"Ayoko silang mawala."
Umiiyak na sabi niya.
Hindi ko siya pwedeng basta basta nalang sundin. Utos lang ng organization ang legal sa'min, kapag sinunod ko ang gusto niya kahit pa sinabutahe nga ang papel no'ng babae, pwede kaming parusahan dahil parang kinakalaban namin ang organization.
It's unfair but it's a law.
"Help me Crenz. Just this one."
Kulang nalang ay lumuhod siya sa harap ko.
"H-hindi ko alam kung matutulungan kita-"
"Crenz."
Nag mamakaawang tawag niya sa'kin.
"Labag sa rules ng organization 'yon. Alam mo namang utos lang ng organization ang pwede nating sundin."
Tumayo siya nang dahan dahan at parang hinang hina siya.
"Kung mamamatay ang mag ina ko, mamamatay nalang din ako."
Gusto kong mapakamot sa noo ko dahil sa inaasta niyang pagiging childish.
"Bahala ka, mag sama kayo."
Naiinis na sabi ko.
"Sabihin mo sa'kin kung anong kailangan mo, ibibigay ko lahat lahat basta tulungan mo lang ako."
Gusto kong mag reklamong hindi naman talaga gano'n kasimple ang gusto niya.
"Make Tyro and Nathalie split with each other."
Nag hahamong utos ko sa kaniya.
Alam naman naming hindi niya magagawa 'yon at hindi niya rin kaya, kaya iyon ang pinili kong kondisyon.
"W-what?"
"Iyon lang ang kondisyon ko. Kaligayahan mo o kaligayahan ng kapatid mo, mamili ka lang saka ko pag iisipan 'yang sinasabi mo."
Tutol na tutol ang itsura niya.
"How can you be this cruel?"
Nag kibit balikat ako.
"This is how my life created me."
Gusto ko lang naman ipaintindi sa kanila na kung may kasalanan silang mabigat dahil sa kamunduhan nila, harapin nila 'yon. Alam kong lahat tayo ay may pag kakamali gaya nalang din no'ng akin, pero sinusubukan kong sulosyunan ang problema ko nang ako lang mag isa dahil kasalanan ko 'yon at gusto kong matutunan nila 'yon.
Isa rin siya sa hindi alam na may anak ako. Paano pag nalaman niya ang tungkol kay Charrie, baka mabaliw siya ngayon.
"Then maybe, I'll just find someone to help me."
Bulong niya
"Mas ok 'yan. Marami rin akong problema kaya huwag ka na dumagdag Nathan."
Tinalikuran ko siya at iniwan mag isa roon.
Nakita ko pa si Hans na naka tingin sa'min mula sa malayo kaya nang makalapit ako sa kaniya ay tinapik ko ang sikmura niya dahil naging chismoso na naman siya.
"Puntahan mo siya, I entertain mo kung mag sistay pa o pauwiin mo na. Ayoko pa siyang makita ulit."
Sabi ko sa kaniya habang hawak niya ang sikmura niya at saka ko na rin siya nilampasan.
"I'm done!"
Sigaw ni Sandra
"Tuyo na kami!"-Pula
"Ano namang pake ko sa'yo? Kahit magka pneumonia ka pa diyan baka tawanan pa kita"-Sandra
Grabe, ang tagal talaga niya maligo.
"Mauuna na ako"-Mike
"Hep!"
Hinila ko ang likod ng damit niya at saka siya pinaupo.
"Ako muna, mainit ulo ko baka ipulupot ko sa'yo si Cess."
Sabi ko sa kaniya
"Bakit nadamay ako?"-Cess
"Wala, nakita lang kita. Kasama ka pala namin?"
Inosenteng tanong ko.
Para kasi siyang invisible kasi mas bihira pa siya kesa sa'kin mag salita.
"Great."
Irap niya sa'kin.
Hindi ko na sila pinansin pa at pumasok na sa CR dala ang mga gamit ko.
LIPHYO'S POV
"Hala? Nabaliw na naman siya?"-Nemi
Sinundan lang namin ng tingin si Raya pa pasok ng bahay.
"Dada, may saltik talaga ate mo 'no? Umamin ka na."
Sabi ko sa kaniya.
"Pfft.. Baka ibalibag ka no'n kapag narinig ka."
Ang hirap lang kasi basahin ng mood ni Raya.
"Maraming problema si Crenz -"
"Oo naman, sabay ba naman kayong intindihin ni Crenz malamang dadami ang problema niya"-Cess
"HAHAHAHA"-Nemi
"Hey! I'm not a problem."
"Of course you're not."
Pang uuto ni Cess
Simula no'ng araw na busted-in ako ni Raya hindi ko na ulit brining up ang feelings ko. Siguro nga hindi talaga siya pwede at hindi niya pa naiisip ang mga bagay na 'yon kahit pa gaano ako ka seryoso kung hindi pa handa ang isang tao wala pa ring mangyayari.
Pwede naman akong mag hintay, mag hintay hanggang sa dumating ang araw na ikasal nga siya sa iba at iwan ako na durog na durog.
Nag aadjust na ako ngayon gaya ng sinasabi niya, hindi ko na ipipilit ang sarili ko at hindi ipapakitang gusto ko siya kahit mahirap sa'kin.
Nagiging tulad na lang ako ng dati na magiging kaaway niya atleast in that way makaka usap ko siya nang hindi ako naiilang.
"Nangingitim na 'ko."-Nemi
"Mas kami kaya ang nangitim."-Ako
Naranasan namin ditong magutom, masaktan, mangalay, mapagod, matulog sa maduming lugar, maging utusan, at marami pang ibang bagay na hindi namin gaanong nararanasan sa Manila pero may improvement sila gaya ng nasa isip ni Raya nang dalhin niya kami rito.
Kapag kumakain sila simot na na ang pagkain sa Plato kasi naranasan naming mag tanim ng Palay at magutom nang tanghaling tapat. Tumutulong sila sa mga matatanda lalo pag alam nilang mabigat at mahirap ang bagay na 'yon.
Binibigyan kami ng pera kapag nakakatulong kami at hindi namin pwedeng tanggihan kasi sa lugar na 'to kung hindi ka maparaan hindi ka mag kakapera at wala kang pang gastos sa sarili mo.
Na gi gets ko na ngayon kung bakit dito dinala ni Raya ang mga kaibigan niya. Nadamay lang naman kami rito dahil kina Mike at dahil na rin sa'kin kasi obligasyon ang tingin niya sa'kin.
Si Sandra na mapili sa pagkain ay kumakain na ngayon ng kung ano ang nasa hapag.
The best pa rin kapag boodle fight.
May ilang araw nalang kami rito pero feeling ko gusto ko pang mag stay dito.
Sariwa ang hangin, tahimik ang paligid, mababait ang mga kapitbahay kahit malalayo sila at sobrang ganda ng tanawin.
Napakamot ako sa palad ko.
"Aray."
Bulong ko dahil parang may kakaiba akong nakamot.
"May gasgas ka rin?"
Tingin ni Mike sa'kin.
"Mukhang sa pag sipa ni Raya sa'kin kanina."
Nag swimming na naman ako sa putikan matapos kong kulitin siya na dalhin na ako sa may ari ng lupa na 'to para tapos na ang assignment ko.
Pero syempre hindi talaga 'yon ang dahilan kung ba't niya ako sinapa. Nang asar pa ako ng kung ano ano matapos niya akong tanggihang dalhin ako sa may ari ng lugar na 'to kaya napikon sa'kin at sinipa ako.
Naalala ko rin ang ginawa ko sa kaniya no'ng nakaraan.
Hays.. mali akong hinalikan ko na naman siya nang gano'n gano'n lang. Nababaliw kasi ako no'n nang malaman kong mag papa kasal din siya.
"Pfft.. seriously? Napikon mo talaga siya?"-Nemi
"Hindi ko alam, baka wala lang sa hulog kanina."
Mukha rin kasing malalim ang iniisip niya kanina nang i approach ko siya.
"Akala ko ba mag papahinga siya rito? Parang mas na stress pa siya nang umuwi siya rito."
Naalala ko tuloy ang sinabi ng magulang niya noong araw na wala siya rito at nag papagaling siya.
~FLASHBACK~
Nag luto kami ng biko, mga ulam at iba't ibang kadalasang hinahanda kapag Halloween.
Matapos naming kumaing lahat nag tipon kami sa may bonfire na ginawa namin. Halos gabi gabi naman kaming nag bobonfire.
Nag kukwentuhan sila sa mga creepy experience nila habang ako ay naka siksik lang kay Jigs at si Jigs naman ay naka siksik lang din sa'kin.
Oo duwag na kung duwag pero minsan talaga inaatake ako ng kaduwagan kapag gano'n na ang usapan.
"Tama na 'yan mga bata."
Umupo si Tito sa harap din ng apoy habang binibigay ang isang bilao na may lamang biko at pinag pasa pasa namin sa lahat kahit pa mga busog na kami.
Sinusulit na rin namin dahil hindi na 'yon mauulit.
"Pinapahirapan ba kayo ni Creya?"
"Creya? Si Crenz po ba 'yon?"-Sandra
"Oo, pinaikling pangalan niya 'yon."
Natatawang sagot ni Tito.
"Ahh.. hindi naman po, kami po ata nag papabigat sa kaniya kaya po dapat siya ang tanungin niyo ng ganiyan hehe"-Jm
Natawa ang Papa ni Raya.
Nag labas si Darrin ng maraming baso at nag labas naman si Darwin ng maraming bote ng alak.
"Woah! Thank you sa blessings!"-Jigs
Nag tawanan kaming lahat.
Kahit sino nga ata talaga ang makaharap ni Jigs talagang mapapa ngiti at tawa niya.
Binigyan kaming lahat ng alak ni Tito pwera kay Jerick at Sandra.
Si Jerick kasi hindi naman talaga umiinom, may pagka kj nga siya diba HAHAHA..
"Masarap uminom ngayon dahil malamig ang panahon-"
"Pa, laging malamig ang panahon dito."
Reklamo ni Dada
"Kaya nga lagi akong umiinom diba? Kasi nga malamig."-Tito
"Tama po kayo Tito!"-Jhom
"HAHAHA "-all
Beer ang binigay sa'min kaya ayos lang kahit hindi mo ubusin agad.
"Uminom lang kayo at uubusin natin ang mga alak na binili ko. Kailangan niyo ring mag saya kapag nandito kayo kasi malamang nahihirapan na kayo dahil sa mga pinapa gawa sa inyo ni Creya."-Tito
Tumango ang iba.
"Tito kabaliktaran niyo ng ugali si Crenz."-Austin
"Ahhh.. gano'n lang talaga ang batang 'yon. Sobrang tahimik niya at kahit kami noon ay hindi niya madalas kibuin. Marami rin siyang hirap na pinag daanan no'ng bata siya kaya siguro gano'n siya lumaki."
"Dahil po ba rito sa lugar na 'to?"-Mike
"Oo, pero siya ang pumili ng lugar na. Dito niya gustong tumira kaya hindi maintindihan kung bakit parang ayaw niya sa bagay na pinili niya."
Oo nga, sobrang weird niya nga. Paanong aayawan mo ang bagay na pinili mo?
"Pero masipag naman po ba siya?"-Jerick
"Oo masipag siya na minsan kinaayawan naming maging ugali niya kasi kapag nagiging masipag siya halos hindi niya na gustong mag pahinga, kumain o kumausap ng iba basta gagawa lang siya nang gagawa, hanggat di niya tapos ang ginagawa niya ay hindi siya hihinto."
Tinuro ni Tito ang palayan.
"Noong bata pa siya, sobrang nainis siya sa'min at 'yang palayan na yan ay tinamnan niya nang tinamnan ng palay. Hihinto siya ng isang minuto tapos babalik na naman siya sa pag tatanim. Itataboy niya ang lahat ng mag tatangkang lumusong doon at natapos niya 'yon buong mag hapon."
Gulat kaming lahat.
"Iyan po?! Sa lawak niyan nakatapos siya?"-Sandra
Turo rin niya sa palayan.
"Oo, matapos niyang gawin 'yon pumunta naman siya sa farm para mag pakain ng mga hayop at hindi namin siya magawang pahintuin kasi maging kami ay natatakot sa kinikilos niya. Noong unang nagka gano'n siya ay nag aalala kami pero no'ng kinatagalan hinayaan nalang namin siya. Nangyayari ang mga bagay na 'yon kapag naiistorbo siya sa tulog niya kaya kapag tulog siya diyan sa loob ng bahay, lahat kami ay aalis para walang makaka istorbo sa kaniya."
Hindi ko alam kung tanga siya o talagang hindi ko lang siya gets. Anong trip niya at ginawa niya 'yon?
Mukha namang walang nag utos sa kaniyang gawin niya 'yon.
"Paborito niya po talagang gawin ay matulog. Kapag po may pupuntahan kami, kailangan pa naming umikot ng tatlong beses sa lugar na pinanggalingan namin hanggang sa pupuntahan namin, huwag lang siyang magising agad."-Hans
Tinawanan siya ni Tito.
Ngayon ko lang napag tanto na beer ang hawak namin habang biko naman ang pulutan namin.
Wow. Ngayon lang ata ako naka encounter ng ganito.
"Kaya niya po atang matulog buong maghapon kung wala lang iistorbo sa kaniya."
Umiling si Tito habang natatawa.
"Hindi, mali kayo riyan. Ang Creya na kilala ko ay hindi nakakatulog ng limang oras mahigit."
Mapait siyang ngumiti.
"Baka po nag bago na siya"-Cess
"Hinding hindi mag babago ang batang 'yon. Mukha lang siyang natutulog kapag pikit siya pero hindi talaga. Sobrang lalim at marami siyang iniisip kaya mukha lang siyang tulog. Kaya niyang pumikit ng buong araw pero hindi niya kayang matulog ng limang oras mahigit. Dahil gano'n nga siya noong bata siya, may pagkakataon naman na dalawang araw siyang tulog lang dahil siguro pagod na ang mata niya at katawan dahil hindi nga siya nakakatulog ng maayos."
Hindi nga talaga normal ang kinalakihan niyang habit.
"Pero bakit po gano'n siya? Anong iniisip niya?"
"Hindi rin namin alam dahil mukha namang ayaw niyang pag usapan ang tumatakbo sa isip niya. Hindi naman siya laging gano'n, may pagkakataon din na maganda ang buong araw niya at kapag ayos ang buong araw niya doon kami nag lalakas loob na itanong ang mga naiisip niya."
"Sinasagot naman po ba niya kayo?"-Cess
"Oo, minsan oo minsan hindi. Pero nang mag tagal medyo nakukuha na rin namin ang ugali niya at alam na namin kung ano ang ayaw at gusto niya."
Parang hirap na hirap sila sa sarili nilang anak ah? Grabe naman si Raya kung gano'n nga siyang anak.
"Paano niyo po naintindihan ang trip ni Master, Tito?"-Jigs
Uminom muna si Tito bago siya nag salita.
"Lahat ng inaayawan niya ay binibigay namin at lahat ng magugustuhan niya ay nilalayo namin."
ANO?!
"Bakit ang weird naman po ata hahaha"-Austin
Alam kong weird siya pero mukhang may pinag manahan naman talaga siya.
"Hindi wirdo 'yon, nag laan talaga kami ng panahon para intindihin siya. Anak ko siya pero kahit ako ay na wiwirduhan sa kaniya. Si Creya ay 'yong tipo ng batang umuoo sa bagay na hindi niya gusto at tumatanggi sa bagay na gusto niya. Kabaliktaran ng nararamdaman niya ang sinasabi niya kaya nakuha namin kung anong gusto niya."
Uh?
Nag simulang tumindig ang balahibo ko dahil sa pag ka amaze. Mukha ngang gano'n si Raya.
"Na kumpirma namin 'yon no'ng tanungin namin siya kung gusto niya bang kumain ng lechon noong bata siya. Tinanggihan niya 'yon pero kita naman namin na gustong gusto niya. Kaya nalaman nga namin na kabaliktaran ng sinasabi niya ang gusto o ayaw niya. Pinilit naman niyang gawin ang ino oo han niya."
Bakit parang ang saklap naman ng ginagawa niya sa sarili niya?
"Pero close naman po kayo sa kaniya?"-Sandra
"Close? Hindi ko rin alam. Kapag kasi nag uusap kami lagi lang siyang umiiyak kaya hindi ko rin alam kung nakakatulong ba ako sa kaniya o na kakadagdag lang sa isip niyang maagang namulat sa reyalidad."
Na bottoms up ko ang beer ko dahil parang naiinis at naaawa ako kay Raya. Hindi naman kasi gumagawa ng bagay na walang malalim na dahilan.
"Sigurado po akong napapagaan niyo ang loob niya dahil may naiiyakan siya."-Hans
"Kami rin naman ang nag papahirap sa kaniya"-Tito
Nararamdaman kong sinisisi ni Tito ang sarili niya.
Bakit gano'n? Parang ang hiwaga naman ng pamilya ni Crenz. Bakit kung ikwento ni Tito si Crenz ay parang kamakaylan niya lang nakasama ang anak niya para kilalanin pa nilang ng lubusan at alamin nila ang ugali ni Raya.
"Pero Tito paano niyo naman po nasasabing good mood si Crenz?"-Jm
Ngumiti si Tito.
"Kape."
Simpleng tugon niya.
"Kape?"
Kaniya kaniya naming tanong kasi parang bitin ang sagot.
"Pfft.. oo haha.. kapag good mood si ate nag titimpla siya ng kape. Ang babaw niya lang ma good mood diba?"-Darwin
"Pero bihira lang din mabawasan ang kapeng para sa kaniya kasi bihira lang siyang ma good mood."-Darrin
Nag tawanan kami.
Kahit papaano ay gets naman namin 'yon.
"Bibigyan ko kayo ng konting kaalaman lang kung paano niyo siya mapapakisamahan o mababasa kahit papaano. Kapag gumawa siya ng mga bagay na bihira niya lang gawin ibig sabihin ay nasa magandang mood siya at kapag naman gumawa siya ng mga bagay na nakaugalian niya ibig sabihin lang no'n ay hindi niya rin alam ang nararamdaman niya kung gusto niya 'yon o hindi kasi iba 'yong bagay na gusto mo sa nakaugalian mo lang."
"Ibig po bang sabihin ay yung pag babantay niya sa'kin ay nakaugalian niya nalang din? At hindi siya masaya?"
"Hindi naman sa hindi siya masaya, hindi lang talaga matutukoy kung gusto niya o hindi 'yon kasi nakaugalian nalang niya."
Paliwanag ni Tito
"Paano niyo naman po masasabing bad mood siya?"
"Kapag humikab siya."
"Po?"
Nag kaniya kaniya na namang kaming react gaya kanina.
"Kapag nakikipag talo siya at humikab siya ibig sabihin no'n pinipigilan niya na ang mga masasakit na salita sa utak niya para hindi lumabas 'yon."
Nag hikab siya?
May naalala akong nag hikab siya.
Nag hikab siya no'ng pinilit namin silang mag modeling para sa'min, ibig palang sabihin no'n ay nag pigil pa siya no'n?
Nakita ko rin siyang humikab sa harap no'ng Angela na nakaaway niya sa school.
Wow... Di ako makapaniwala.
"Ano pa po ba?"-Sandra
"Mahinahon siya pero may diin ang mga sinasabi niya kapag inis na siya."-Darwin
Naalala ko rin 'yon. Noong nasa assignment kami sa barko, gano'n niya kausapin si Sandra no'ng nag aaway sila tungkol sa plano. Para siyang kalmado pero may diin.
"Pa'no pag seryoso siya?"-Jm
Kahit ako mapapa tanong ng ganiyan kasi parang iisa lang ang nakikita naming emosyon sa kaniya, laging galit.
"Tumataas ang boses niya/Sumigaw na siya/Sigaw." Sabay sabay na sagot nina Tito, Dada at Darwin.
Natawa naman kami sa pag sabay sabay nila.
"Wow. Gano'n pala mag seryoso si Crenz."-Jhom
"Paano pag ngumiti siya?"-Jerick
"Iyon ang tinatawag na himala."-Darwin
"Nginitian kayo ni ate? Congrats kung gano'n."-Dada
"Eh paano naman po kapag mukha siyang seryoso pero na bobored din ang itsura?"-Hans
"Ahh.. may kalokohan sa isip niya. Hindi niya ipapahalatang may kabaliwan siya sa utak niya kaya mukha siyang seryoso."-Darrin
"Pfft.."
"Gets ko yan."-Cess
"Malamang, halos pareho kayo ng kabaliwan ni Master eh."-Jigs
Tinakpan ni Migs ang bibig ng kambal kasi syempre tatay ni Raya ang nasa harap namin.
"Sorry po"-Migs
"Ayos lang.. haha.."-Tito
"Paano naman po kapag seryoso siyang tumanggi sa'yo?"
Tanong ko.
"Kapag seryoso siyang ayaw niya titingnan ka niya sa mata at kapag seryoso siyang umuo siya makikita mo ang tuwa sa mga mata niya at excitement."-Darrin
Pamilya mo talaga ang nakakaalam kung anong klase ka ba talaga at makaka predict ng gusto at ayaw mo.
"Parang hindi ko pa siya nakitang na excite."
"Nakita ko na siyang na excite. Noong gusto niyang palitan ang sagot doon Candlier na nilaro natin sa bus. Gusto niya atang matry kung anong klase ng parusa ang ibibigay sa talo."-Sandra
"Buti nalang bawal palitan."-Jhom
Natawa kami, kasi kapag pinalitan nila matatalo sila at dahil 'yon sa kagustuhan ni Raya na makita ang parusa.
"Nakita ko lang siyang na excite noong kaharap niya ang Jollibee niya."-Mike
"Ahh.. mababaw lang naman talaga si Crenz. Sa sobrang babaw niya muntik niya na akong ibalibag kasi nakain ko ang Jollibee niya."-Hans
"HAHAHAHA.."-All
Nakita ko na siyang ma excite. Noong binigay ko sa kaniya ang regalo kong helmet na kaming dalawa lang ang pwedeng gumamit. Pinag ipunan ko talaga 'yon para mabigyan siya ng astig na bagay na madalas niyang pwedeng gamitin.
"Kung may mag tangkang mag kagusto sa anak ko, gusto ko sana eh yung mahaba ang pasensya para maintindihan niya ang ugali ni Creya at kayang tanggapin si Charrie."
Kumuha ako ng panibagong salin ng alak at saka tinungga, mukha namang walang nakakapansin sa ginagawa ko.
"Sigurado pong may taong gano'n."
"Aba dapat lang, hindi pangit o mahirap ang anak ko. Medyo hindi maganda ang ugali pero pwede pang mag bago."
Natawa kami ng mahina.
"Ginagawa namin ang lahat para hindi maliitin ang anak namin kahit mag sasaka lang kami."
Naguilty na naman ako.
Ang ilang mga mata ay tumingin sa'kin kaya mas lalo akong napakuha ng beer para inumin. Alam ko naman ang mali ko. Ilang beses ko na rin naman pinag sisihan 'yon.
"Marangal po ang trabaho niyo kaya huwag niyo pong I "lang" ang trabaho niyo."-Sandra
"Pero kahit na ganiyan ang sabihin mo ay may mga tao pa ring mamatahin ka sa katayuan mo sa buhay."
Namamanhid ang mukha ko sa sobrang pag inom ng beer.
"Hindi rin po magandang tingnan kapag ang lahat ng tao ay pantay pantay ng katayuan sa buhay. Sino nalang po ang mag tatanim ng mga pagkain sa ganito kalawak na lupain kung lahat ay mayaman na."-Jm
Tama nga naman siya. Sobrang kitid lang talaga ng utak ko noong mga panahong 'yon.
"Uminom lang kayo diyan."
Tumayo si Tito at tumalikod na sa'min pero bago siya tuluyang umalis ay may pahabol pa siyang sinabi.
"Si Creya mukhang matigas lang siya sa panlabas niya pinapakita sa inyo pero ang loob niya ay sobra sobra sobrang lambot. Medyo mahirap siyang intindihin pero sana alagaan niyo rin siya gaya ng pag aalaga niya sa inyo."
"Opo Tito."-Sandra
"Kami po ang bahala sa kaniya"-Hans
"Makakaasa po kayo Tito."-Migs
Tuluyan na kaming iniwan ni Tito at sa pag alis niya ay saka ko na alala ang bagay na ginawa ko kay Raya noong unang gabi namin dito. Pamilyar kasi sa'kin ang pamamanhid ng mukha ko kaya naalala ko ang pakiramdam na gano'n.
"Shit."
Bulong ko sa sarili ko at napa sabunot nalang sa sarili ko.
Anong mukha nalang ang maihaharap ko sa kaniya?
~END OF FLASHBACK ~
Napatingin nalang ako sa sugat ko sa palad.
Kahit kami ni Mike at hindi pa nag uusap tungkol sa nararamdaman namin pareho kay Raya. Alam kong alam niyang gusto ko si Raya.
Kung alam ko lang na magugustuhan ko si Crenz, sana hindi ko na hinayaan si Mike na ligawan si Crenz noong una palang.
"Why are looking at me?"-Mike
Hindi ko pa rin siya natatanong kung anong insight niya tungkol sa pagkakaroon ng anak ni Crenz.
"May anak si Raya, gusto mo pa rin siya?"
Natigilan siya sa pagkain ng mangga at mukhang nakuha ko ang atensyon ng mga kasama namin kaya lahat sila ay tumingin sa'min.
"Hey, hahaha.. what's with sudden question?"
Natatawang tanong niya sabay kain ulit ng mangga.
Si Jerick na katabi niya ay inosenteng nakatingin lang sa'ming dalawa.
"Gusto ko lang malaman kung anong nararamdaman mo."
Kasi lahat naman kami nagulat noon.
"Syempre nagulat ako. Marami rin akong gustong itanong sa kaniya pero hindi ko magawa kasi wala namang "kami" haha.."
"Tapos?"
Lahat kami ay tutok na tutok lang sa kaniya.
"Tapos na."
Lumaylay nalang ang balikat ko sa sagot niya.
"Do you still want to pursue Crenz?"-Cess
Nag papalit palit ang tingin namin sa kanila. Sa totoo lang natatakot ako sa sasabihin niya. Siya ang pinaka matino sa'ming lahat kaya ni minsan hindi ko siya ginustong kalabanin dahil ang taong tulad niya ay tinitingala ko bilang isang role model at kuya na rin.
Pero sadyang susubukin ka talaga ng tadhana.
"Nothings changed. I still like her and if she badly needs a groom I can be her groom if she wants it."
Lalo lang akong pinanghinaan ng loob.
"Boto ako sa'yo kuya."-Darrin
Muntik na akong mapabusangot sa sinabi ni Darrin.
"Even if Tito disowned you?"-Jerick
"Yeah."
"Wow! Ganiyan ka manindigan?"-Sandra
Natawa si Mike.
"Kung darating man ang mga bagay na sinasabi niyo handa akong mag paka ama kay Charrie. Charrie is a sweet child despite of being weird like her mother but it doesn't lessen my admiration to Crenz. Lalo ko lang ata siyang nagustuhan nang malaman kong may anak siya at kinakaya niyang maging solo parent kay Charrie but syempre may guidance nila Tito. She's working while studying, she's a fighter and I like her even more with those traits."
Halos mapa nganga ako sa sinabi niya.
Mas bagay nga siya kay Raya. Mahabang pasensiya ang kailangan ni at mukhang hindi ko kayang ibigay 'yon kasi madalas kaming nag tatalo.
"Wow. *Clap* kung gano'n lang talaga ka simple ang sitwasyon baka nirecommend na kita sakaniya na pakasalan ka."-Sandra
"Hey stop it, don't make it sounds so easy"-Nemi
"I know, bitch."-Sandra
Napakain nalang ako ng hindi oras ng mangga.
Ang magagawa ko lang ay mag hintay, hintaying siya ang lumapit sa'kin dahil siguro naman alam niyang nag hihintay ako. Hahayaan kong dumiskarte si Mike sa kaniya dahil mas deserve ni Raya ang mga katulad ni Mike...
Kahit masakit.
Mag papaubaya ako..