CRENZ'S POV
Gabi na at nasa Kayo ako.
Mas tahimik dito kesa sa baba.
Inaalala ko ang recent assignment ko.
May sinundan ako at nag ka lead ako sa kung sino ang nasa likod ng kulto at napag alaman namin na isa 'yon sa tauhan ng mayor. Noong una akala rin namin kasabwat ang mayor pero nagkamali kami.
Pumapatay sila ng mga taong nakakaalam ng sikreto nila sa baryo namin.
May nag baon ng kayamanan sa baryo namin at iyon ang hinahanap nila.
Ang taong nag baon ng kayamanan sa lugar namin ay tiwalag na sa kultong 'yon kaya ninakaw niya ang mga yaman ng kulto at hindi na muling nag pakita pa. Nag ka lead ang iba na nasa baryo namin naka tago ang kayamanan kaya paisa isa at paunti unti silang nag babawas ng tao para masolo ang yaman na nasa lugar namin.
Hindi sila maka hukay o mabigyan ng permiso ng may ari ng lupa dahil wala silang sapat na dahilan para mag hukay sa lupang gusto nilang butasin.
Tinulungan kami ni Rod na siyang muntik nang bungga sa'min noong nag momotor kami ni Pula at sinadya niya talagang matumba sa libingan ng mga patay.
Ilang bangkay din ang napag alaman naming naka libing doon at bukas huhukayin na rin sila kasama ang yaman na naka baon doon.
Bakit hindi pa nila hinuhukay ngayon? Kasi hindi pa kami nag susumbong sa pulis.
Hanggat hindi pa namin napipiga ang dalawang nag lalaban na mayor dito sa lugar namin hindi namin isusumbong ang mga sindikatong 'yon.
Sa pag kakaalam ko ay kinukuha nila ang lamang loob ng mga biktima nila para ibenta.
Iba na talaga ang nagagawa ng pera sa panahong 'to. Mahahawakan mo ang mundo at batas kapag pera ang usapan.
Ang mga yamang nakabaon sa lupa na 'to ay aabot ng milyon kaya nag kakandarapa sila sa lupain na 'to.
Nag tangka na rin silang bilhin ang lupa na 'to pero hindi sila nag tagumpay kahit pa ginawa na nilang triple ang bayad.
Nag labas ako ng sigarilyo at lighter.
Malamig ngayon kaya kailangan kong mag pausok.
Ang mga mayor na tatakbo ay may kaniya kaniyang baho. Ang isa ay mangurakot na noon at ang isa naman ay nakasuhan na ng possession of illegal fire arms at smuggling. Ang balak lang namin ay ilabas pareho ang baho nila at hayaan na ang mga taong humusga kung sino ang pipiliin nila.
Lahat naman tayo ay may kaniya kaniyang baho dahil walang thrill ang buhay kung lagi kang tama.
Pero hindi ko ipag sasapalaran ang thrill na gusto ko sa kaligtasan ng pamilya ko rito. Sisiguraduhin kong kapag umalis ako dito ay tapos na ang problema rito.
Noong nakaraan lang ay nakipag laban kami sa kulto na 'yon nang kami mismo ang pumasok sa lungga nila.
Aksidente akong nahampas sa likod ng kahoy pero hindi ko naman na ininda 'yon. Naramdaman ko nalang siguro ang sakit nang hawakan ako ni Hans sa likod.
Nakakulong ngayon sa'min ang leader ng kulto at ang mga kasamahan nila.
Pinaubaya ko muna sila sa mga nag babantay sa'min mula sa malayo.
Hindi ko na rin dinamay pa si Papa sa kaso at katulad ng sinabi ko noon kina Nina na hindi na sila dapat mag alala dahil tutulungan na ako ni Zimmer at Pilsamor.
Nakausap ko na rin si Jigs tungkol doon sa nangyari sa kanila ni Yasy nang sundan ko siya sa posohan.
Nag sorry siya sa'kin kahit hindi naman kailangan at sinabi niyang nag bigay lang siya ng hint kay Yasy tungkol sa kasong 'yon at hindi ko alam kay Yasy kung inalam pa niya ang bagay na 'yon pero sana inalam talaga niya.
Hindi biro ang assignment namin sa organization na 'to. Taga tama kami ng mali ng mga opisyal o di kaya ay taga balik ng kaban ng bayan. Nasa pagitan kami ng mabuti at masama kaya nahihirapan din kami sa ginagawa namin.
Humithit ako atsaka inalala ang sinabi ni Nathan.
Bumigat ang dibdib ko kaya napabuntong hininga talaga ako.
Sinabi ko lang na hindi ko siya tutulungan pero hindi rin kaya ng sarili ko na nakikitang nahihirapan ang isa sa pamilya ko. Malapit si Nathalie at Nathaniel sa'kin kaya kapag may problema sila kahit ayokong pag tuunan ng pansin ay hindi ko maisang tabi dahil hindi ko rin kayang nahihirapan sila.
Kaya nga sinasabi kong mas magandang wala nalang akong alam para hindi ako nahihirapan na mag bigay ng solusyon sa kanila o tumulong para maresolba ang problema nila. Ang kaso lang kasi kapag nalaman ko ang problema nila ay nag kakaroon ako ng mga posibleng solusyon sa utak ko at ang dami nang tatakbo sa isip ko kaya nangangati ang paa kong kumilos kahit pa hindi ko naman talaga gustong tumulong. Nag kukusa ang sistema ko at wala akong magawa sa bagay na 'yon.
Malapit na kaming umuwi at pag uwi ko sisiguraduhin kong hindi mamamatay ang pamangkin ko sa sinapupunan ni Rica.
Tsk! Ang bata pa ng isang 'yon! Siraulong Nathaniel!
Buti nalang talaga walang age restriction ang pag bubuntis sa org, as long na may asawa ka ay wala silang pake kung magkaanak ka.
Bukas dadalhin ko naman sila sa Farm.
Gusto ko bago kami umuwi mag enjoy din sila. Hindi ko muna sila pag tatrabahuin bukas.
"Ehem!"
Nagulat ako sa nag ingay na 'yon.
Dumungaw ako sa baba ng puno para tingnan ang siraulong nag nag ingay sa nananahimik kong mundo rito sa itaas. Pinatay ko ang sigarilyo ko.
"Can I join you?"-Hans
Anong ginagawa nitong hinayupak na 'to rito?
Hindi ko makita kung anong dala niya pero sigurado akong may dala siya.
"Hindi."
Simpleng sagot ko saka sinandal ang sarili mo sa puno.
"Ok, aakyat na ako."
Hinayaan ko nalang siya kasi kahit naman umayaw ako aakyat pa rin siya.
Hindi pa buo ang buwan katulad din no'ng gabing nalaman kong may namatay sa Zaylous at sobrang nahirapan siya sa panahong 'yon.
"Here."
May nilapag siya sa lap ko kaya napatingin ano doon.
Buko.
Oh? Nakakuha siya?
"Sa'n mo 'to nakuha?"
"Nag pakuha lang ako kay Darwin."
Ok! Ma fufullfil na ang cravings ko.
Nilantakan ko lang ang buko.
"Tutulungan mo si Kuya Nathan diba?"
"Ayokong pag usapan"
Pero sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Tutulungan mo siya, 'yon ang naririnig ko sa boses mo."
Hindi ko nalang siya pinansin. Alam naman niya ang gagawin ko kaya hindi na kailangang sagutin pa siya.
"Bakit hindi mo atupagin ang problema mo? Bitawan mo si Arya kung hindi mo siya gusto tutal kay Sandra ka naman ipag kakasundo. Saktan mo na ang lahat huwag lang si Arya, baka makialam talaga ako kapag sinaktan mo siya."
Banta ko sa kaniya.
Ayoko talagang pakealaman ang mga problema nila sa love life nila pero kapag dawit ang mahahalagang tao sa'kin ay nag dadalawang isip akong makealam.
"Nahihirapan din ako. Gusto ko sila pareho-"
"Hindi pwedeng gusto mo sila pareho."
Singhal ko sa kaniya
"Alam ko. Gano'n ka rin naman kay Ryker at Attienza ngayon diba? Hindi mo lang alam sa sarili mo pero alam naming gusto mo sila pareho."
"ANO?! HIBANG KA BA?!"
Tinawanan niya ako kaya hinampas ko siya.
Oo aminado akong nakakaramdam ako ng kiliti kapag nag bibigay ng care si Ryker at Pula sa'kin pero palaisipan pa rin sa'kin kung gusto ko ba sila. Hindi pa ako sigurado sa lahat. Hindi sila ang priority ko kaya ayokong pag tuunan sila ng pansin pero lately nakakaramdam ako ng pagka ilang kay Pula kahit pa umaarte na siya nang katulad dati hindi pa rin maalis sa isip ko ang katotohanang nag kakagusto siya sa'kin.
Napahawak tuloy ako sa batok ko. Naalala ko na naman ang araw bago kami umalis papunta rito sa probinsya kung saan sinaniban kami pareho ng kamunduhan.
May kung anong kumiliti sa sikmura ko nang maalala ko 'yon.
"Biro lang."-Hans
"Ang pangit ng biro mo."
"Di rin naman maganda ang mga biro mo."
Alam ko.
"Hindi mo ba alam na maraming nag kakagusto sa'yo kahit hindi maganda ang ugali mo?"
Kinunutan ko siya ng noo. Ang lakas ng loob niyang purihin at asarin ako at the same time.
"Pakealam ko sa kanila."
Kunot noong napakain nalang ako.
Wala akong interes kung mag kagusto man sila o hindi.
"Nag tataka nga ako kung anong nagustuhan nila sa'yo. Bugnutin, mainitin ang ulo, suplada, masama ugali, hindi masarap mag luto, tamad-"
"Isa pang lait ihuhulog kita riyan."
Banta ko sa kaniya.
"Ayaw mo bang mag ka boyfriend?"
Uh? Parang ngayon lang ako nakarinig na may nag tanong sa'kin ng ganiyan.
"Wala akong panahon."
"Pero gusto mo?"
"Hindi pa ngayon."
Hinayaan kong tangayin ng hangin ang buhok kong naka lugay.
Ininom ko ang buko juice.
"Hindi kita sinisisi pero dahil sa'yo baka mag kasiraan si Liphyo at Mike."
Napapikit nalang ako dahil malapit na akong mainis. Isa pa 'yang dalawa sa nag bibigay sa'kin ng problema. Mabait si Mike at kita ko namang seryoso siya pero hindi ang gaya niya ang magiging tipo ko.
Masyado siyang sobra sa isang katulad ko at alam ko sa sarili kong hindi ko siya deserve. Hindi ko rin gustong madamay siya gaya ni Attienza sa pag pasok sa magulong organization.
"Matira matibay sa kanila. Ba busted-in ko rin si Mike kung 'yon ang mag tatapos ng kalokohan nila."
"DIN?!"
Gulat na tanong niya.
Ay oo nga pala hindi niya alam na binusted ko na si Pula.
"Oo."
"You mean kayo ni Liphyo - umamin na siya sa'yo?!"
"Ang ingay ng bunganga mo." Reklamo ko.
Napatakip ako ng tenga na malapit sa kaniya.
"Pero totoo?"
Pangungumpirma niya.
"Oo nga. Nilinaw ko naman sa kaniya na hindi pa ako handa sa mga gusto niyang mangyari. Hindi pakikipag relasyon sa lalaki ang importante sa'kin at alam mo naman 'yon."
Para siyang batang ginulo ang sarili niyang buhok.
"Paano mo na sasabi 'yan na parang wala lang?"
May inis na tanong niya.
"Anong problema mo?"
Kunot noong tanong ko sa kaniya dahil mukha na naman siyang sinaniban ng masamang espiritu.
"Hindi ka ba mag sisisi sa pang ba busted mo sa kaniya?"
"Bakit ko pag sisisihan? Wala akong nararamdaman kaya wala akong pag sisisihan."
Inis na kinamot niya ang ilong niya.
"So kay Ryker ka lang?"
*Pak*
Hinampas ko ulit siya saka siya napa aray
"Sinabi ko na sa'yong wala nga akong oras tungkol diyan sa mga iniisip mo. Tigilan mo na 'yan."
Hinimas niya ulit ang balikat niya.
Sinabi ko naman na sa sarili ko na bago lang sa'kin ang mga nararamdaman ko kaya hindi pa ako sigurado.
"Nag iiba ka kasi kapag si Attienza ang kaharap mo kaya akala namin may chance si Attienza sa'yo."
Alam ko naman 'yon. Hinayaan ko nga siyang gumawa ng kalokohan sa'kin eh.
"Hayaan mo, kapag may nagustuhan ako sa kanila ako mismo ang manliligaw sa kanila."
"Weh? Hindi ko maimagine. Ikaw manunuyo?"
Wala naman kasing kaso sa'kin ang panunuyo. Basta ang mahalaga nag effort ako para sa taong nagugustuhan ko.
"Bakit hindi? Kapag sigurado na akong may nagustuhan ako wala na akong pake sa sasabihin ng iba o kahit pa sa magiging tingin nila sa'kin. Mahirap man o mayaman, gwapo o pangit, makulit o tahimik wala na akong pakealam sa kung anong estado niya basta kapag gusto ko siya, gusto ko siya."
Tumango tango siya. Buti naman at naiintindihan niya.
"Paano kung mag pakasal ka na? Pa'no na yung-"
"Hindi ako mag papakasal."
Naalala ko ang sinabi nila Sandra na gagamitin nila ang special card nila para sa'kin, ayokong gawin nila 'yon.
"Sigurado ka?"
"Gagawa ako ng paraan."
Nag aalangan siyang tumingin sa'kin.
"Hindi mo pa rin ba sasabihin kung sino ang Ama ni Charrie?"
Hindi ko kasi gustong pag usapan.
Wala rin namang alam 'yong isa na nag eexist si Charrie.
"Chris ang pangalan niya."
Nagulat siya nang sabihin ko na sa kaniya ang pangalan ni Ama ni Charrie.
"Seryoso ka? Sinasabi mo talaga sa'kin ngayon."
"Ayaw mo? Edi wa-"
"Hindi, hindi! Gusto ko. Ituloy mo."
Malalaman din naman nila ang totoo kaya hindi ko na ililihim kay Hans.
"Tss.. basta Chris ang pangalan niya at nasa 40's na siya. Bahala ka na kung anong iisipin mo sakin. Hindi alam ni Chris na may nabuong Charrie kaya hanggang ngayon mag kaibigan pa rin kami."
Napa nganga siya.
"Hindi ako makapaniwala. Gano'n na siya katanda? Eh tatay mo na 'yon eh."
Napangisi ako.
"Alam ko."
Ano naman kung matanda na si Chris? Hindi naman halatang nasa 40's na siya.
"Pero bakit? Anong nangyari? Ang bata mo pa no'n."
Oo naiintindihan ko ang sinasabi niya.
Ikukwento lang sa kaniya ang totoong nangyari.
"Nalasing siya at hindi niya alam na may nangyari."
"MYGHAD CRENZ!"
Nagulat ako sa sigaw niya kaya tumilapon ang bukong hawak ko at nahulog sa baba ng puno. Sinundan ko pa ng tingin ang bukong nahulog sa baba bago ko hinampas ulit si Hans dahil sa nasayang na buko.
"Bakit ka ba nang gugulat?!"
Singhal ko sa kaniya.
"Is that rape?"
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.
"Hindi! dalawang beses na nangyari 'yon."
"ANO?!"
Gusto kong matawa sa mga reaksyon niya pero kasi seryoso siya kaya pinigilan ko nalang ang tawa ko.
"Pfft.."-me
"Tell me that you're just lying."
Nag hahamong aniya.
"I won't be here if I'm lying."
Nakangiting sabi ko.
"Crenz naman.. gustong gusto kitang sisihin ngayon."
"Manahimik ka. Wala rin naman akong sinabing subaybayan mo ako pag alis ko dito sa bansa noon. Kung hindi mo ako sinubaybayan edi sana hindi mo alam na may anak ako."
Para siyang kiti kiting nag lilikot sa tabi ko dahil inis na inis siya.
Natatawa nalang ako sa ginagawa niya.
"Ginusto mo 'yong nanyaring 'yon?"
Lukot na lukot ang mukha niya sa tanong niya.
"Noong una syempre hindi pero noong nakita ko na si Charrie parang naging ok na rin sa'kin na nangyari ang gano'n."
Lalo niya lang atang ginulo ang buhok niya.
"Huwag kang mag alala, may hindi ka pa alam kaya huwag ka masyadong mabaliw diyan."
"Edi sabihin mo sa'kin."
Pangungulit niya.
"Sa susunod na. Masasabi ko rin 'yon."
"Bakit hindi pa ngayon?"
"Kasi family first before friends."
Tinapik ko ang balikat niya at saka tumalon mula sa mataas na puno na 'yon.
Nag pagpag ako ng kamay pag baba ko.
"Hoy bakla bumaba ka na rin diyan."
"Mababaliw ako sa'yong babae ka!"
Sigaw niya at saka tumalon na rin.
"Tingnan natin ang ginagawa nila."
"Hindi talaga kami papayag na mag pakasal ka sa matandang 'yon."
Inakbayan niya ako.
"Wala akong balak pakasalan siya."
Nakangiting tugon ko saka ko siniko ang tagiliran niya dahil nga naka akbay siya sa'kin.
Hindi naman malakas pero sakto lang para lumayo siya sa'kin.
Bumaba na kami mula sa bundok na 'yon at nakita namin silang nakatambay lang habang nag cecellphone.
"Master!"-Migs
Oh? Anong problema niya?
"Bakit?"
"Kanina ka pa hinahanap ni Charrie."
Ahh.. oo nga pala. Dito nga pala matutulog ngayon si Charrie.
"Mommy!"
Tumatakbong lumapit sa'kin si Charrie.
"Have you eaten your dinner?"
Masaya siyang tumango sa'kin.
"Tito Mike feed me."
Turo niya kina Mike na nag tatawanan habang may tinitingnan sila ng mga kaibigan niya sa cellphone.
"You shouldn't bother him. Where's your Tito Darwin?"
"He left after we arrived."
Inakay ko nalang si Charrie hanggang sa makaupo ako sa tambayan na ginawa nila. Nandoon sila Nemi, Sandra at Cess at may pinapanood din sila sa cellphone ni Nemi.
"See.. ang ganda ng mga dance steps nila."-Nemi
Pinaupo ko si Charrie sa lap ko habang hawak niya ang isang-
Nanlaki ang mata ko sa hawak niya.
"Charrie!"
Agad kong inagaw ang hawak niya.
Naramdaman kong tumingin sila sa'kin dahil sa pag sigaw ko.
"Why- what happened?"-Hans
Kunot noo akong tumingin sa kaniya at saka hinagis sa kaniya ang hawak kanina no Charrie.
"What is this-"
Pinindot niya ang isang button doon at lumabas ang patalim na nasa loob no'n.
"Shit!"-Hans
Tinakpan ko ang tenga ni Charrie. Siraulong Hans to dito pa nag mura.
Humarap sa'kin si Charrie.
"Mommy what is shi-"
Ngayon naman ang bibig na ni Charrie ang tinakpan ko.
Mababaliw ako sa kanila ARGH!!
Tinatawanan na nila kami dahil sa pinag gagagawa naming mag ina.
"Baby, that's not good."-Nemi
"You shouldn't hold that kind of dangerous thing"-Sandra
"Mama'la using that kind of thing before cooking"
Dahilan ni Charrie.
"Only the adults can use that thing."-Cess
"Manang mana sa ina. Gustong gusto sa delikadong bagay"-Jm
"Manahimik ka."
Bantang saway ko sa kaniya.
"Where did you got that?"
Kunot noong tanong ko.
"Under our bed."
Mukhang kay Darwin 'yon.
"Huwag mo na ulit hahawakan sa susunod 'yon."
May galit na sabi ko sa kaniya.
Ayokong mapahamak siya dahil sa mga gusto niyang bagay.
"Don't get mad Mommy."
Sabi niya at saka ako hinalikan sa pisngi at niyakap ako.
Parang nawala tuloy ang inis ko sa kaniya dahil sa ginawa niya.
"Stay away from dangerous thing Charrie so Mommy won't get mad at you."
Pangaral ko sa kaniya.
"Minsan ang sarap maging si Charrie"-Jhom
"Manahimik ka"-Sandra
Nag tawanan sila.
"Let's play a game!"-Jigs
"Pass"-Pula
"Ano? Naduduwag ka?"-Jigs
Nakipag titigan si Pula kay Jigs at nag sukatan pa ng tingin.
"Game!"-Pula
Tss.. iba talaga kapag natatapakan ang pride ng lalaki.
"Ang grupong matatalo ay sasayaw!"-Nemi
"Hoy! Huwag kang bida bida!"-Jm
"Manahimik ka!"-Nemi
Haaaay nako 'tong dalawang 'to.
Kinuha ni Dada si Charrie para patulugin na sa loob dahil anong oras na rin pala.
"Grupo niyo sa grupo namin."-Hans
"Game."-Mike
Sumandal lang ako habang nanonood sa kanila at gano'n din ang ginawa ng ibang mga babae na nasa tabi ko.
"Anong pag lalabanan nila?"-Nemi
Nakatingin lang kami sa kanila.
"Game na! Pumili na kayo ng best player niyo sa arm wrestling!"-Jigs
Tsk.. akala ko naman kung ano na.
"Sino nga ba ang mananalo sa kanila? Pare pareho naman silang nag gygym."-Sandra
"Let's see."-Cess
Ang panlaban nila Hans ay si Migs habang sa kabila naman nila ay si Austin.
"Handa ka na matalo?"-Migs
Nag hawakan na sila ng kamay.
"Bring it on."
Pang asar ni Austin.
"Woooah! Bring it on daw!"-Jigs
Inasar sila ng mga kasama namin at saka nag tawanan muna bago bumalik ulit sa pwesto nila.
"Ok! Game na ah."
Si Hans ang nag bilang sa kanila.
"1, 2, 3 start!"
Nag patigasan na sila ngayon ng braso nila.
"Wow.. may muscle nga."-Sandra
Dinutdot ni Sandra at Nemi ang biceps ni Migs at Austin.
"Matigas."
Tumango tango silang dalawa at nag palitan ng hinawakan na bicep.
Kita kong medyo na hihirapan na si Austin at medyo nahihirapan na rin si Migs.
"Uy, nanonood ako. Umupo nga kayo."
Saway ko sa dalawa.
"Hawakan mo Crenz."
Kinuha ni Sandra ang kamay ko at pinahawak muna sa bicep ni Austin.
"Diba?"-Sandra
Anong trip niya?
Tatanggalin ko na sana ang kamay ko doon pero hinila pa niya sa bicep ni Miguel.
Naramdaman kong nagulat si Migs kaya agad kong binawi ang kamay ko.
"Uy Sandra! Huwag mo silang I distract."-Jigs
"Oo na!"
Kitang kita na ang ugat sa noo no'ng dalawa pati na ang ugat sa mga braso nila.
Nag loose ng konti si Migs at medyo bumigay si Austin doon na naging dahilan para maisahan siya ni Migs at napa tumba siya.
"WOOOH!"-Jigs
Nang hihinang napa higa nalang si Austin sa braso niya.
"HAHAHA lantang gulay."-Pula
"Huwag mong tawanan, talo kayo."-Hans
"Ayy oo nga pala."-Pula
Natawa kaming lahat.
"Tayo na! Sasayaw na kayo!"-Jm
Lantang umupo rin si Migs sa tabi ko habang hawak ang muscle niya.
"Ang lakas niya master."
Sabi niya sa'kin.
"Nanalo ka diba?"
"Nautakan ko lang siya pero kung purong lakas ang labanan kanina baka ako ang natalo."
Oh? Himala? May kinilalang mas malakas sa kaniya si Migs.
Tumayo na ang apat na lalaki habang si Jerick ay nakikinood lang at kumakain ng binigay kong prutas.
"Galingan niyo!"
Pag chicheer niya sa mga kaibigan niya.
"Hoy baliw! Sumama ka rito!"-Jhom
"Pass! Kumakain ako!"-Jerick
Tinawanan lang nila sila.
Nag labas ng cellphone si Nemi.
"Anong tugtog?"-Nemi
"Tugtog?"-Mike
"Uy, ano bang sasayawin?"-Jhom
"Malay"-Pula
"All about him nalang"-Austin
Nag agree naman ang tatlo at saka sila nag tulakan kung sino ang pupwesto sa harap.
"Uy teka! Likod ako"-Pula
"Ayoko sa unahan."-Mike
Tinulak silang dalawa ni Jhom at Austin.
Nag tatawanan lang kami sa pinag gagagawa nila.
"Game na ah!"
Nag play na ang kanta kaya walang nagawa si Pula at Mike kundi ang tanggapin na mag fo front sila.
~~He said "Excuse me, beautiful, " I said, "Aww, shucks"
And then he asked, "Well, ay, wanna grab lunch? "~~
Nag handa muna sila at saka nag tinginan ang dalawang nasa harap at tumango.
~~Never ever met a guy so fly
Got me hooked like apple pie, I
Think I'm falling and I don't know why
But I won't fight these butterflies~~
Wow.
Ang smooth ng galaw ni Mike at Liphyo sa harap.
Parang iisa lang ang nag papagalaw sa kanilang dalawa. Mula sa pag taas bahagya ng kamay nila, balikat at sa paa nilang parang sinasabing easy lang ang ginagawa nila.
~~~'Cause I'm all about him, him, him, him, him
And he's all about me, me, me, me, me
And we don't give a dang, dang, dang, dang, dang
About nobody-e-e-e~~~
Ang lambot pareho ng katawan nila at confident sila sa ginagawa nila.
Muntik na akong mapa nganga sa galing nila.
"WOOOOOH!!"-Sandra/Nemi
"Ang lambot!"-Jm
"Smooth!"-Migs
Matapos nilang sumayaw ay nag palakpakan kami. Pasimple lang akong pumalakpak dahil kahit papaano naman ay naappreciate at gusto ko ang sayaw nila.
"Ang galing mo pala gumiling Liphyo, bakit hindi ka nalang mag artista?"-Jm
"Mas marami ang nag offer sa kaniya bilang artista kesa sa'min ni Mike."-Austin
"Ahh.. oo, naalala ko 'yon. Noong bata palang kami ilang card na ang natanggap niya sa iba't ibang network at pinilahan talaga siya ng mga manager pero pakikipag basag ulo lang trip niyang gawin."-Mike
Inayos ni Pula ang jacket niya.
"Sisiraan niyo talaga ako?"
"Pinupuri ka kaya namin."-Jhom
Psh!
Parang ang lakas ng dating ni Pula sa paningin ko. Para bang nag unlock ang isang magandang trait sa kaniya.
Hindi naman na kataka takang pilahan siya ng mga manager na gusto siyang gawing artista, pag dating lang naman sa'kin nagiging demonyo ang ugali niya kasi nang dedemonyo rin ako.
Tumayo na ako at saka pumasok sa tent namin ni Sandra. Inaantok lang ako pinag gagagawa nila.
Maaga pa kami bukas at bukas marami akong gagawin.
Pinag paplanuhan ko nang dalhin si Charrie sa Manila at ipaalam kina Mil kung sino siya.
Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero pag gising ko ay nasa tabi ko na si Sandra at yakap yakap na ako habang nakikita ko na ang kaunting liwanag ng araw sa labas ng tent.
Hindi muna ako gumalaw dahil nag iisip pa ako kung ano pa ang dapat kong gawin. Maya maya lang ay huhukayin na ang mga bangkay at ilalabas na rin namin ang baho ng mga mayor ngayon.
Nangangandidato na rin sila kaya dapat lang na ilabas ang dapat ilabas.
Narinig kong may nag lalakad na sa labas kaya dahan dahan kong inalis ang kamay ni Sandra sa'kin at lumabas na rin ako.
May fog pa sa paligid at patay na rin ang bonfire.
"Good morning."
Bati sa'kin ni Hans.
"Uhm. Morning."
Bati ko rin sa kaniya.
May hawak siyang umuusok na kape.
"Doon na tayo."
Sabi niya sa'kin at saka tinuro ang tambayan kung saan nandoon na ang mag pinsan na nakatulala pa.
"Uh.. good morning, Master."-Migs
"Morning Crenz."-Cess
May kape na sa harap nila.
"Sasama kayo sa'kin?"
Tanong ko sa kanila kasi ang aga nila magising hindi ko naman sila pinag tatrabaho ngayon.
"I'm assigned to post the articles online."-Cess
"Sasamahan ko si kuya Rod sa pag susumbong sa pulis."-Migs
May video na kasi kami ng pinag gagagawa ng kulto at sumbong nalang ang kailangan.
"Good morning."
Lumabas ng bahay si Darrin at saka dumiretso siya sa tabi ni Cess at humilig sa balikat nito para doon pumikit.
"Dada, pumasok ka sa loob kung matutulog ka lang."
Sabi ko sa kaniya. Naiirita pa naman si Cess sa kaniya.
Expressionless lang ang mukha ni Cess habang umiinom ng kape niya.
"Saan tayo?"-Hans
Tanong niya sa'kin.
"Kailangan ako doon sa libingan."
"Sa libingan? Anong gagawin mo ro'n?"
"Malalaman mo rin. Asikasuhin niyo nalang ni Darrin sina Sandra. Punta kayong fruit farm."
Umiling si Hans kaya napa inom nalang ako ng kape. Anong iniiling iling niya.
"Sabay sabay na tayo sa fruit farm."-Hans
"Bahala ka."
Walang ibang maagang nagising bukod sa'min.
"Mag aasikaso na 'ko."-Cess
"Sama 'ko-"-Darrin
"Darrin."
Bantang tawag ko sa kaniya.
Anong bang trip niya at gustong gusto niyang lingkisan 'tong nerd na 'to.
"Kabaliktaran mo talaga 'yang ate mo. 'Yang ate mo ayaw mag pasama tapos ikaw sama nang sama."
Pag tataray ni Cess sa kaniya.
"Eh sinabi ko naman sayong gusto kita."
*Buuuft!*-Migs
*Cough*-Hans
Naibuga ni Migs ang iniinom niya habang si Hans ay ubo nang ubo sa sinabi ni Darrin. Ako naman ay painom na sana kaya lang nabitawan ko sa mesa ang iaangat ko na sanang tasa. Medyo nag kalat ako ng konti dahil sa gulat.
Napahilamos ako sa mukha ko dahil mukha ngang may nakuhang ugali sa'kin si Darrin, ang pagiging prangka niya.
"Bakit?"
Inosenteng tanong niya.
Isa rin ata yan sa naadapt niya sa ugali ko. Ang pagiging inosente matapos niyang mang gulat.
"Crenz, ipasok mo sa kahon 'tong kapatid mo, parehong pareho kayo kung mag salita."-Cess
"Kakasabi mo lang na mag kaiba kami?"
Angil ko
"Sa pagiging sociable mag kaiba kayo pero 'yang pagiging inosente niyo at pagiging prangka para kayong pinag biyak na bunga."
Inirapan niya ako bago niya kami nilayasan.
"Ate, ininis mo siya?"
Ha? Ako? Bakit ako?
"Ako ba? Baka ikaw?"
Inosenteng tanong ko
"Bakit ako? Wala akong ginawa sa kaniya."
Naguguluhan nalang kami ni Darrin kung sino ang may kasalanan sa'min.
"Haaaay nako, tama na nga kayo."
Saway samin ni Hans
"Kasalanan ko ba, kuya Hans?"
Parang kasalanan naman ni Darrin 'yon kasi wala naman akong ginawang mali kay Princess.
"Kasalanan niyo pareho."-Migs
"Paano niyo ba nasasabi ang mga gano'ng bagay na parang wala lang sa inyo? Crenz, sinabihan na kita noon na huwag kang mag bibigay ng papuri sa kahit sinong alam mong may gusto sa'yo -"
"Wala naman akong pinuri ah?"
Dipensa ko.
"Pinapaalala ko lang. At ikaw naman bata, anong gusto gusto ang sinasabi mo riyan?"-Hans
Oo nga! Anong gusto ang sinasabi niya?! Siraulo 'to ah.
"Bakit? Gusto ko naman talaga siya eh."
"As a friend?"-Migs
"More than friends."-Darrin
Waaaah mababaliw na 'ko!
Ano ba 'tong nangyayari sa buhay ko.
Nainom ko nalang ang kape ko ng straight kahit pa medyo mainit pa 'yon.
"As a lover?"-Hans
"Lover? Ang ibig kong sabihin ay parang katulad kay ate Crenz."
Parang nakahinga ng maluwag sila Hans.
"Ahh.. as a sister or bestfriend?"
"Yup!"
Masayang sabi ni Darrin.
"'Yang kainosentehan niyo pareho ang mag bibigay ng confusion sa mga taong nandito."
Iling iling ni Hans at saka umalis sa harap namin.
"HAHAHA.. akala ko may gusto ka na sa babae."-Migs
"Gusto ko nga siya-"
"Enough, Darrin."
"Ate?"
Nag tatakang tanong niya.
"Iba ang pag iisip nila sa pag iisip natin. Sa'tin, pinapaalam natin ang totoong nararamdaman natin sa isang tao na walang ibang ibig sabihin pero sa kanila nagiging double meaning 'yon kaya iwasan mong mag sabi ng gusto mo ang isang tao dahil ang pag kakaintindi nila doon ay in the romantic way."
Napatulala lang siya habang nag eexplain ako.
"D'you get me?"
Dahan dahan siyang tumango at ngumiti.
"Naiintindihan ko po."
Haaaay.. mabuti naman.
"Ikaw na ang bahala sa kanila mamaya, Darrin."
"Ok po, ako bahala."
Nakaka stress nga ang may kasamang inosente at prangka. Ngayon ko lang na feel ang na fifeel nila kapag ako ang kasama nila.
Masarap palang ibaon sa lupa ang inosenteng prangka.
THIRD PERSON'S POV
Nang magising ang lahat ay sinabi agad ni Darrin kung saan sila pupunta ngayong araw. Na excite naman sila dahil sinabi rin ni Darrin na pwede silang kumain ng kahit anong gusto nila doon basta huwag lang silang mag uuwi nang walang paalam sa mga nasa farm na tauhan.
"Nasa'n si Raya?"
Tanong ni Liphyo kay Darrin
"Ah, nasa labasan po ata dahil may inaasikaso."
'Ahhh.. akala ko tapos na ang assignment niya.'
Isip isip niya.
"Anong ginagawa mo?"
Nasa kusina sila ngayon habang nag hahanda si Darrin ng makaka kain nila.
"Mag sasangag ako at mag piprito ng tuyo."
Masayang sabi ni Darrin.
Tinutulungan siya ni Nemi ngayon na mukhang excited sa lulutuin nila.
Ang kanin ay nilagyan nila ng ilang itlog.
Hindi na sila bumibili ng itlog sa palengke dahil may itlog na ang mga alaga nilang manok dito.
Lumabas nalang si Liphyo at saka humiga sa mesa.
"Hoy, umalis ka diyan mag pupunas ako."
Sabi ni Sandra sa kaniya.
"Say please Master."
Asar niya sa dalaga.
"Aalis ka diyan o pupunasan ko ng basahan yang mukha mo?"
Agad napatayo si Liphyo dahil sa pananakot ni Sandra.
"Kaya siguro wala kang kapatid kasi mamalditahan mo lang 'yon."
"Heh! Kung may kapatid ako siguradong nang sweet ako sa kaniya. Ikaw 'yong tipo ng kapatid na ayaw kong maging kapatid. Che!"
"Ayaw ko rin naman sa'yo. Pangit!"
Napangiwi nalang si Hans habang tinitingnan mag bangayan si Liphyo at Sandra.
"Dama mo rin?"
Tanong sakaniya ni Mike
"Alin? Ang pagiging childish nila?"-Hans
"Exactly."-Mike
Nag fist bump pa sila dahil naiintindihan nila ang isa't isa.
Nang matapos ang lahat sa paliligo ay kumain na rin sila para pag tapos no'n ay aalis nalang sila.
Boodle fight ang ginawa nila para wala nang hugasin bago sila umalis, kakain nalang sila sa dahon ng saging.
Maagang kinuha naman ni Darwin si Charrie para dalhin sa kabilang bahay.
Noong una ay hindi nila nagustuhan ang ulam pero noong nag tagal na ay halos mag agawan na sila.
*Burp*
"Excuse me, thank you lord."-Sandra
Natawa ang iba pero sobra talaga silang nag enjoy sa pag kain nila.
Iba ang saya kapag maraming kasabay sa hapag kainan.
Nag asikaso muna sila doon at saka nila nakita ang balita sa social media patungkol sa nababalitang pag kidnap sa ibang mga tao dito sa baryo at pati na rin sa katiwalian ng mga opisyales ng lugar na 'yon.
"Uy oh. Dito 'to diba?"-Jhom
"Alin? Patingin."-Jigs
"Oo, dito 'yan"-Darrin
Successful na ang tungkol sa nangangandidato para sa pag upo bilang Mayor ng lugar.
"Tsk.. parang ang daming balita dito sa lugar niyo, nakakatakot."-Jerick
Pero ang isip ni Darrin at mabuti nalang at natuldukan na ng kapatid niya ang problema sa lugar nila. Iyon lang naman ang inaalala niya lalo na't pabalik balik si Charrie dito sa loob at labas ng baryo nila.
"Uy ready na kayo?"-Hans
"Ayos na kami, tara na!"-Jigs
Nasa labas na rin ang lahat at handa nang umalis.
"Let's go!"
Nag simula na silang mag lakad.
Panay lang ang daldal ni Jigs at Darrin habang nag lalakad sila.
Nakabusangot naman si Princess habang nag lalakad sila.
"Anong nangyari sa'yo?"-Nemi
"May sumira ng umaga ko."
Kunot noong sagot niya.
"Huhulaan ko, makulit 'yan at inosente."
Natatawang sabi ni Nemi
"Ang galing mo do'n. Siya nga 'yon."
"Hahaha.. hayaan mo na, bata pa siya. Nature na ng bata 'yon."
'Pero hindi naman siguro nature ng 16 years old ang pabilisin ang tibok ang puso ko sa mga sinasabi niyang hindi niya alam na pwede kong ma misunderstood.'
Singhal ni Cess sa isip niya.
Alam niya sa sarili niyang straight siya kaya hindi niya maintindihan kung bakit nakakaramdam siya ng kakaiba sa batang 'yon.
Nang malapit na sila sa labas ay nakita nila ang media sa labasan at maraming pulis, may mga nag bubungkal pa ng lupa at SOCO.
Naguguluhan man sila ay naki esyoso na sila sa kung ano ang nangyayari doon dahil na rin sa nakita nila si JM at Crenz na nandoon crime scene.
Nabalitaan nila ang nangyari at halos umatras ang sikmura nila nang mahukay nga ang mga bangkay doon.
Puro buto naman na 'yon pero dahil hindi sila sanay na may gano'ng eksena ay para silang nasusuka pwera kay Hans, Jigs, Nemi at Darrin na prente lang na naka tingin sa ginagawa ng mga pulis.
Kausap ni Crenz ang ilan sa mga pulis kasama si Jm at Papa ni Crenz kaya maging sila ay naintriga sa pinag uusapan nila.
"Lalapit ba tayo?"-Sandra
"Gusto ko malaman kung anong pinag uusapan nila?"-Nemi
Bahagya silang lumapit sa caution sign para kahit papaano ay marinig nila ang sinasabi ng mga pulis.
Tanging ang ama lang ni Crenz ang nakikipag usap sa pulis habang si Crenz ay naka halukipkip na nakikinig sa kanila.
"Walang pinag bago." Iling iling ni Liphyo nang makitang hindi man lang nakakaramdam ng kung anong takot o kaba si Crenz habang nasa harap ng mga pulis.
"Atleast alam nating hindi siya peke"-Sandra
Kahit saan kasi dalhin si Crenz ay pinapakita niya kung sino siya at kung paano siya makitungo sa lahat.
"Alam niyo po ba kung kelan nag simula ang pangingidnap dito sa baryo niyo?"-Pulis
"Hindi po ako sigurado kung kelan, pero una kong nalaman na may nawawala sa'min ay may anim na taon na rin."-Crenz father
"Nakausap mo na po ba ang mga suspect sa personal?"-Pulis
Dahil kagawad ang Ama ni Crenz ay kailangan niyang mag bigay ng kaganapan sa nangyayari rito sa loob ng baryo nila.
"Hindi ko sila nakausap pero nakita ko sila nang mag offer sila ng malaking halaga sa may ari ng lupa na 'to para bilhin 'to."-Crenz father
Lahat sila ay nakikinig sa sinasabi ng ama ni Crenz.
"Ang may ari ng lupang 'to?"-Pulis
"Opo, mag a apat na taon na rin po siguro no'ng nakita ko ang isa sa kanila. Iyong kasama naman ni mayor ay hindi nag pakita no'ng nag offer sila na bilhin 'tong lugar na 'to."-Crenz father
Nag sulat lang ang pulis para sa info.
"Pwede niyo po ba sabihin kung sino ang mag ari ng lupang 'to, para makahingi kami ng statement sa kaniya at kung saan siya pwedeng makita?"
Tanong ng pulis kaya nag katinginan sila dahil ito na ang pagkakataon para kay Liphyo na makausap ang may ari ng lupa para sa assignment niya.
"Hindi ako sigurado kung magugustuhan ng may ari ang ideya na 'yon."
Kating kati naman si Liphyo malaman kung saan makikita ang may ari para makipag negotiate siya.
"Sige po, susubukan nalang namin siyang hanapin-"
"Hindi, makikipag cooperate ako."
Simpleng tugon ni Crenz na nag bigay ng kaguluhan sa isip ng mga kaibigan niya.
"Sorry?"
Takang tanong ng pulis dahil maging siya ay naguluhan sa sinabi ni Crenz.
"Sabi ko makikipag cooperate ako."
Muling sabi ni Crenz na may kunot na ang noo.
"May alam ka ba sa nangyayari rito? Pwede ka naman nag bigay ng statement."-Pulis
"Sige, 4 years ago na no'ng lumapit sila sa'kin para bilhin ang buong lupain na 'to. Hindi ako pumayag dahil hindi ko ni minsan naisip na-"
"Sandali- Sandali."
Naguguluhang pinatigil ng pulis si Crenz.
"Sinasabi mo bang ikaw ang may ari ng buong lupain na 'to? Itong malawak na plantasyon na 'to?"-Pulis
Napahawak si Sandra kay Hans dahil sa gulat.
Napanganga naman sila Jigs habang kabang kaba sa sinasabi ni Crenz.
"Is she fooling around?"-Sandra
"Mali ata ako ng narinig."-Jhom
"Uhm. Nag offer sila ng couple of hundred million para bilhin ang lupang 'to. In fact may CCTV footage kami no'ng araw na 'yon at pumirma rin sila sa isang log book namin na gustong mag invest dito sa farm."
"Ikaw ang kausap nila?"-Pulis
Nag aalangan pa rin ang pulis kung totoo ang sinasabi niya.
"May lawyer ako."
Simpleng tugon niya.
Napasabunot nalang si Liphyo sa ulo niya dahil naguguluhan na siya sa mga nangyayari.
"Pwede bang malaman ang pangalan-"-Pulis
"Tatawagan ko ang lawyer niya, makikipag cooperate siya sainyo. May mga gagawin pa siya ngayon."
Seryosong sabat ni Darrin habang naka tingin sa ate niya.
Parang sinasabi ni Darrin na hindi niya dapat sinabi ang mga bagay na 'yon sa klase ng pag tingin niya kay Crenz.
Nakaramdam pa ng gulat si Crenz nang makita niyang nasa likod niya na pala sila Hans at gulat na gulat ang tingin sa kaniya.
"Sige na, ako na ang bahala rito."
Seryosong sabi ng Papa ni Crenz at pinaalis na sila.
Hindi rin alam ng Papa ni Crenz na sasabihin niya ang mga bagay na 'yon samantalang si Crenz mismo ang nag sabi noon na huwag ipapaalam kung sino ang may ari ng lupaing 'yon noon.
"Anong ginagawa niyo rito? Diba pinapa una ko na kayo doon?"
Kunot noong tanong ni Crenz dahil mataas ang sikat ng araw kaya napapa kunot noo siya.
"Sinabi ko naman sabay sabay na tayo- Crenz? Totoo ba 'yon?"
Lahat ng mata nila ay nakatingin kay Crenz at parang inaantay sabihin na nag bibiro lang siya.
"Ang alin?"-Crenz
"Itong lupa."-Hans
Tumingin si Crenz sa lupa.
"Anong meron sa lupa?"
Nag tatakang tanong niya.
"Cut the crap Handriko. Do you really owned this land? I mean this whole place?"-Sandra
Nasa pagitan nila ang yellow caution at alam ni Crenz ngayon na kailangan nga niyang mag sabi ng totoo.
"Uhmm.. dito banda pero 'yong labasan-"
Nag subok mag paliwanag si Crenz na parang wala lang sa kaniya ang lahat at parang isang simpleng bagay lang 'yon.
"Crenz are you kidding me?"-Sandra
Hindi alam ni Sandra kung bakit pakiramdam niya ay niloko siya ni Crenz kahit hindi naman gano'n ang nangyayari.
"Bakit naman ako mag bibiro?"
"You owned this plantation, this whole place."
"Oh tapos?"
Takang tanong ni Crenz
"Wow, I must be dreaming."-Migs
May lumapit sa kanila at hiniram saglit si Crenz kaya nag paalam si Crenz na hintayin sila saglit doon.
"Panaginip ata 'to"-Jigs
"Hindi niyo rin alam"-Mike
"We have no idea"-Sandra
"Bakit? May mali bang si ate ang may ari nito?"
Inosenteng tanong ni Darrin
Tumingin silang lahat kay Darrin
"Mayaman kayo?"-Jhom
"Pero bakit nag tyatyaga kayo rito?"-Austin
Nag hahanap si Darrin ng angkop na sagot sa mga naguguluhan nilang utak.
Naiintindihan niya na kung bakit ganito nalang sila kagulat sa mga nangyayari. Pumasok si Crenz bilang bodyguard ni Sandra kahit pa mukhang mas mayaman pa si Crenz kay Sandra.
"Ahh.. gusto namin dito kasi gusto namin dito. Hindi niyo pa ba alam kung anong meron dito? Masarap ang hangin, tahimik ang paligid-"
"You're just like your sister, you're not taking this as a serious matter."-Sandra
"Wait? Bakit naman kasi masyado kayong seryoso? Hindi naman kasalanan kung may ganito kalawak na lupain si ate. Wala siyang tinatapakang tao, mabait si ate sa mga tao rito at higit sa lahat wala rin namang nakaka alam na siya ang may ari nito pwera sa mga katiwala namin na nag aasikaso ng mga products dito na binibenta namin sa labas ng lugar na 'to."
Napanganga nalang ang iba.
"Bakit siya nag apply bilang bodyguard?"-Sandra
"Ahh.. hindi niya kasi hinahawakan ang perang galing dito. Iyon lang ang pwede kong ishare sa inyo. Kung may mga tanong pa kayo, kay ate niyo nalang itanong."
Maging si Hans ay hindi makapaniwala sa naririnig niya. Akala niya talaga alam niya lahat ng ginagawa ni Crenz pero mukhang may na miss din siyang isang malaking katotohanan kay Crenz. Ulit.
Ngayon alam na nila na hindi nga ordinaryong bodyguard lang si Crenz at hindi ordinaryong anak ng mag sasaka.
'Ang minamaliit kong anak ng mag sasaka noon ay may ari pala ng lupang sinasakahan ng magulang niya'
Isip isip ni Liphyo na mas lalong nag patibay sa loob niyang hindi siya nararapat sa isang Crenz Yara Vilarde.
"Ang laki ng pasabog ni Master."-Jigs
"Yung nilalait mong anak lang ng mag sasaka ibang level pala"
Tinapik ni Jerick ang balikat ni Liphyo.
Tumingin silang lahat kay Liphyo na ngayon ay hindi rin maipinta ang mukha dahil sa takot, hiya at kaba.
"He he?"-Liphyo