42

CRENZ'S POV

Pumitas ako ng strawberry sa Yabe plantation, pangalan 'to ng lugar kung saan ko sila dinala.

"Mukhang masarap ka."

Ngumanga na ako para sana isubo ang strawberry nang dumating si Hans.

"Tinago mo talaga 'yon sa'kin?!"

Inis na tanong niya sa'kin. Naudlot ang pag kain ko dahil sa kaniya.

"Ang alin?"

"Na ikaw ang may ari ng lugar na 'to."

"Oh alam mo naman na diba?"

Pag tataray ko.

"Nang iurong ng lugar na 'to ang pag bibigay ng produkto sa organization halos mabaliw kami kung saan kukuha ng goods."

Oh? Ano namang pakealam ko sa organization nila? Ako si Crenz Yara at si Sandra lang pati na siya ang nag uugnay sa'kin sa organization.

"Edi good, atleast alam niyo kung anong pakiramdam ng gipitin ng sitwasyon."

Kakainin ko na sana ulit ang strawberry pero hinawakan niya ako sa balikat. Medyo nagulat ako sa ginawa niya kaya kunot noong sinalubong ko ang paningin niya.

"They want Yabe to be the producer of the goods again, alam mo naman ang assignment ni Liphyo diba?"

Paalala niya sa'kin.

Inalis ko ang pag kakahawak niya sa'kin.

"Bitaw nga. Alam ko ang ginagawa ko."

Kunot noong sabi ko.

"So anong gagawin mo?"

Nag aalangang tanong niya.

"Bahala na si Gaston doon."

Kinain ko na ng tuluyan ang strawberry baka kasi masipa ko pa siya sa pangungulit niya.

Si Gaston ay ang lawyer ko na nag aasikaso rito.

"Who's Gaston?"

"Lawyer."

"Yung tinutukoy ni Darrin kanina?"

"Uhm."

Simpleng tugon ko.

"Eh bakit ka pa nag bodyguard?"

Singhal niya sa'kin.

"Binubuhay ko si Charrie diba?"

"Then? Buhay na buhay na siya sa laki ng lupain mo rito."

Sarcastic na tugon niya.

"Bakit? Lupa ba ipapakain ko sa anak ko?"

"Pfft!"-sila

Nagulat nalang kami pareho nang makitang malapit lang pala sa'min ang mga kasama namin at mukhang nakikinig na sa usapan namin nitong mga huling pinag uusapan namin.

Hindi kami pwedeng mag banggit ng tungkol sa org sa harap ng sibilyan.

"Crenz, be serious."

Nag lakad ako palayo pero sinundan niya lang ako.

"Seryoso naman ako ah."

"No, you're not. You're taking this lightly."

"Because I know what I'm doing."

Simple lang naman 'yon.

Kumuha ulit ako ng strawberry at lumapit sa nakatalikod na si Pula.

Huminto ako sa likod ni Pula kaya napahinto rin si Hans.

Pinindot ko ang likod ni Pula.

Humarap siyang may kinakaing ubas.

Uy! Parang trip ko 'yang ubas ngayon.

Tinaas ko ang kamay niyang may hawak na tangkay ng ubas at saka kinain 'yon.

"Hmmm.. mas masarap 'to kesa sa kahapon kong nakain."

Tahimik lang 'tong dalawang nakatingin sa'kin na parang natitigilan.

"Bakit?"

Inosenteng tanong ko sa kanila.

*Pik*

Pinitik ako ni Hans sa noo.

"Aray! Bakit ba?"

Hinimas ko ang noo ko.

"Sinabi ko na huwag kang gumawa ng kawirduhan sa mga may gusto sa'yo."

Bulong niya sa'kin.

"Hans, sana hindi mo na binulong."-Pula

Mukhang dinig na dinig naman ni Pula 'yon.

"Weird ba 'yon? Kumain lang naman ako."

Dipensa ko.

"Edi sana pumitas ka nalang kung gusto mo kumain."

Hindi ko siya pinakinggan at tinaas ulit ang kamay ni Pula para kumain ulit ng ubas.

"Inulit pa nga."

Bulong ni Hans.

"Pfft.. hayaan mo na siya."-Pula

Matapos kong lunukin ang ubas ay pinakain ko naman sa kaniya ang strawberry na hawak ko. May gulat man ay nginuya nalang niya ang sinubo ko sa kaniya.

"Haaaay nakooo.. you're so hopeless."

Iling iling ni Hans at saka siya tumalikod at iniwan kami.

"Anong balita sa kuya mo?"

Tanong ko sa kaniya.

Medyo kumunot ang noo niya sa tanong ko.

"Hindi ko alam."

"Hindi pa rin siya nakikipag divorce?"

Ang pogi niya ngayon ah. Mukha naman lagi siyang pogi di ko lang na aappreciate.

"Hey, huwag mo nga sabihin yan na parang napaka simpleng bagay lang no'n."

May pagalit na tono niya.

"Sinabi ko naman na sa'yong hindi ako papayag na may mamatay sa mag ina-"

"Ayoko rin sila mamatay."

Nag iwas siya ng tingin nang sabihin niya 'yon, mukha namang naiintindihan niya ako.

"Tanungin mo na ang kuya mo kung mag papakasal siya sa babaeng 'yon o-"

Huminto ako kasi alam kong medyo sensitive siya sa usapang patayan lalo na kung sa kapatid niya.

"Alam mo na 'yon."

Dugtong ko pa.

"Samahan mo ako, Raya."

"Ha? Sa'n?"

Pumitas ako ng strawberry at saka kinain ulit.

Nag eenjoy naman ang iba sa dami ng prutas dito.

"Doon sa mag ina."

Bahagya akong natigilan pero hindi ko pinahalata.

"Sige."

"Talaga?"

"O edi huwag na-"

"Umoo ka na."

Pumitas ulit ako at saka humarap sa kaniya.

Nilapit ko ang strawberry sa kaniya at agad naman niyang tinanggap 'yon.

Para sa'kin wala lang ang pag subo ko sa kaniya ng mga iyon kaya sana huwag niyang bigyan ng ibang meaning.

Inakbayan ko siya at saka kinaladkad sa kung saan.

"Uy- uy teka-"

"Manahimik ka, iinom tayo ngayon."

Hindi ako marunong mag comfort ng tao pero kaya ko naman pasabugin ang tiyan nila sa pagka busog dito sa teritoryo ko.

"Iinom? Tanghaling tapat?"

Reklamo niya pero kinaladkad ko pa rin siya sa isang bahay doon.

"Ano 'to?"

Mukhang luma sa labas pero pag pasok namin ay malinis at punong puno ng estante na may mga wine.

"Wine cellar."

Nilibot ko ang paningin ko doon.

Natakam tuloy ako sa mga nandoon.

"Dito 'to ginawa?"

Manghang tanong niya.

"May kapatid akong babae bukod pa kay Darrin, noong bata kami madalas kami pumasok dito para tikman ang lahat ng wine collection dito."

Habang inaalala ang nakaraan ay napapangiti nalang ako.

"Gaano ka ba ka pilya noong bata ka?"

Napangisi ako.

"Gaano nga ba? Gumawa ako ng malaking gulo na nadamay pati ibang baryo."

Hindi ko alam kung anong itsura niya pero mukha namang gulat siya ngayon.

"Ito, paborito ko 'to."

Yabe G04 ang pangalan ng wine.

Humarap ako sa kaniya para ipakita 'yon.

"Bakit tayo iinom?"

"Di ko alam kung anong nararamdaman mo sa sitwasyon niyo sa bahay niyo kaya mag enjoy ka ngayon dahil baka bukas isumpa mo na naman ako."

Ngiti ko sa kaniya.

Napakamot siya sa tenga niya at mukhang namumula na naman siya.

"Kinikilig ka na naman?"

"Tumigil ka nga."

"Ba't na mumula ka?"

"Naaalala ko kasi 'yong pag sasabi ko sa'yo na hampaslupa ka."

Pahina nang pahinang sambit niya.

Mapapangisi ka nalang talaga sa itsura niya.

"Wala namang nag bago ah? Ako pa rin si Raya mo na hampaslupa at anak lang ng mag sasaka."

Uh? Tama bang nag sabi pa ako ng "Raya mo?"

Mukhang kailangan ko talaga sa lahat ng oras si Hans.

Napa tagilid ang ulo ko habang inaanalyze kung tama ba ako.

Kumuha na ako ng baso para sa'min.

"Pwede ba talaga tayo uminom dito?"

"Bakit hindi?"

"Collection 'to at mukhang mamahalin?"

Ano naman?

"Edi mag tatago tayo kapag may papasok."

"Ano?!"

Binuksan ko ang wine.

"Ayan."

Nilagyan ko siya sa baso niya at gano'n din sa'kin.

"Inom na."

Inamoy muna niya ang wine.

"Ang bango."

"Syempre, ako mismo ang gumawa ng flavor na 'yan."

Ininom ko na ang akin habang siya ay naka tingin lang sa'kin.

"Bakit?"

"Sino ka ba talaga?"

*Dug dug dug dug dug dug dug dug*

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko mapigilan ang kabang nararamdaman ko.

Nabigla ako sa tanong niya dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko.

"I mean ang dami mong revelation. Noong una bodyguard ka lang tapos kanina may ari ka ng sobrang laking lupain tapos ngayon vintner ka na."

(Vintner - winemaker)

Nag iwas nalang ako ng tingin.

Hindi ko talaga napapansin ang sarili kong nag papakilala sa kaniya nang hindi ko namamalayan.

Kapag siya ang kasama ko nagiging totoo ako sa sarili ko at nakakagawa ako ng mga bagay na gusto ko na parang sobrang laya ko kahit hindi.

"Uminom ka nalang, bakit ang dami mong tanong."

Nilapag ko sa mesa ang wine at saka umikot para tingnan ang ibang collection.

"Napapaisip tuloy ako kung gaano ka kayaman-"

"Hindi ako mayaman."

Singit ko sa kaniya habang tumitingin ako ng ibang bote.

"Pero 'yong mga tanim dito tapos ito pang mga wine-"

"Bakit ba masyado kang interesado?"

Uh? Tama ba naging tanong ko ngayon?

Alam ko naman ang sagot pero bakit tinatanong ko pa?

"Wala lang, habang tumatagal mas nagiging deserving ka para kay Mike."

Dinig kong bulong niya.

"Mike?"

Bahagya pa siyang nagulat nang mapagtantong narinig ko siya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"No one deserves me, I'm too good for anyone."

Unti unting lumukot ang mukha niya na parang isa akong nakakadiring bagay.

"Ang kapal ng mukha mo."

Sinimangutan niya ako kaya bahagya akong natawa.

"Ang cool ko ba?"

"Patawa ka?"

Sarkastikong aniya.

Gusto kong buksan 'to lahat kaya lang baka pukpukin na ako sa ulo ni Mama dahil gumawa na naman ako ng gulo rito.

"Iyong kapatid ba na tinutukoy mo ay 'yong Cresia?"

*Planks*

Nabitawan ko ang bote na hawak sa tanong niyang 'yon.

"Uy!"

Para akong na estatwa sa kinatatayuan ko.

Naguguluhang tumingin ako sa kaniya.

Paano niya nakilala si Crescia? Hindi ko ni minsan nabanggit ang pangalan niya sa kahit sino sa kanila.

"Don't move."

Dahan dahan siyang lumapit sa'kin at nilayo sa bandang paa ko ang ilang piraso ng bubog na nasa lapag.

"Hays! Bodyguard ka pero may pagka clumsy ka."

He carried me without a notice and placed me to desk.

Nasa likod ko lang ang desk kaya hindi na siya masyadong nahirapan.

Ako lang naman ang gulat na gulat sa'min.

Natahimik nalang ako habang nag lilinis siya ng mga bubog sa lapag.

"Nag sayang ka pa ng bote ng wine. Baka pag bayarin nila tayo dahil sa damage rito. Huwag ka munang bababa baka may bubog pa sa lapag mo."

Naka talikod lang siya sa'kin habang nag wawalis siya.

"Paano mo nakilala si Crescia?"

Simpleng tanong ko.

"Ahh.. ikaw nag banggit sa'kin no'n, no'ng nag dedelihiryo ka at yumakap ka kay Mike."

Iyon ba 'yong may video kami ni Mike?

"Ikwento mo."

Napahinto siya sa pag wawalis pero hindi pa rin siya humarap sa'kin.

"Nag lalakad ka na parang zombie no'n tapos niyakap mo si Mike. May binanggit kang pangalan ng lalaki-"

"Ryker?"

"Iyon!"

Masayang tugon niya tapos humarap siya sa'kin nang naka kunot noo.

"Tapos?"

Seryosong tanong ko.

"I stopped you then you clinged to me and ride on my back."

Ginawa ko 'yon? Hindi ko nakita ang video dahil ayoko na ng kahihiyan pa.

"Nakilala kita?"

"Oo, nginitian mo ako tapos tinawag mo ang pangalan ko."

"Weird."

Mabilis na sabi ko.

"Ha?"

"Hindi ako nakaka kilala ng kung sino kapag nag delihiryo ako tapos sinasabi mong nakilala kita?"

Napakamot siya sa ilong niya naparang naiinis siya.

"Basta sumampa ka sa'kin bago ka nawalan ng malay."

Oh eh bat siya naiinis?

"Tapos?"

"Half way na ata papunta sa parking lot bigla kang umiyak. Nag sasalita ka ng alien language habang Crescia ang binabanggit mo."

Tinapos niya ang pag lilinis niya.

Kasalanan ko naman pala kung bakit niya nakilala si Crescia.

"Tapos dumating si Hans at kinausap ka rin ng alien language tapos huminto ka na sa pag iyak."

Iba iba ang impact sa'kin ng sinasabi niya.

Natatawa ako pag sinasabi niya ang alien language na mukhang napa salita talaga ako ng ibang lenggwahe.

Nalulungkot dahil gano'n ang nangyayari noong may sakit ako.

Nahihiya dahil sa ginawa ko at natatakot sa dumadaming nalalaman ni Pula.

"Who's Ryker?"

"Just someone."

"Special someone?"

Yeah, I think so. Lahat naman sila special sa'kin.

"Siguro."

Tumango tango siya.

"Where is he?"

"Bakit ba naging interesado ka sa kaniya?"

"Wala lang."

"Huwag mo na baklain 'yon baka bumigay 'yon."

Nginisian ko siya.

"But that Cresia is your sister?"

Tiningnan ko siya. Mukhang seryoso siyang malaman kung sino si Crescia.

"She's my wife."

Nginiwian niya ako.

"Nice joke."

"Tss.. she's my sister."

Ako naman ngayon ang nginisian niya. Parang sinasabi niya na sasagot din pala ako pinapa tagal ko pa.

"Huwag ka na ulit mag tatanong ng tungkol sa kaniya, huwag mong babanggitin kahit kanino at huwag mo na rin I open ang tungkol sa kaniya. Huwag ka na rin mag tanong kung bakit."

Natigilan siya dahil mukhang mag tatanong sana siya kung hindi ko lang siya pinigilan.

RAFFY'S POV

Nilapag ko sa mesa ang papel na hawak ko.

"Ayokong maniwala."

*Pak*

Bigla nalang may humampas sa'kin ng papel sa balikat ko kaya medyo nagulat ako.

"Iyan ang totoo tapos ayaw mong maniwala? Nababaliw ka na ba talagang bata ka?"

Tiningnan ko ulit ang papel at saka huminga ng malalim.

Paano bang naging ganito ka brutal ang organization na 'to?

Kaharap ko ngayon si Mr. Tan at pinakita niya lang naman sa'kin kung sino sino ang sampung nasa special mission gaya ko.

Iyong tatlong hindi ko pa nakikita ang mukha ay nakita ko na ngayon kung sino sila.

"Paanong napabilang ang isang 'yan sa mga taong may special mission dito?"

Kung kilala niyo lang talaga kung sino siya baka ikagulat niyo rin.

"Basta nasa mission siya at mula pagka bata niya ay nasa mission na siya."

Hinawakan ko ang magkabilaang sentido ko.

May na mi miss kaming importanteng bagay.

"Iyon lang ba talaga? Parang may hindi ka pa sinasabi sa'min."

Nag sukatan kami ng tingin ni Mr. Tan.

Halatang may hindi pa siya sinasabi sa'min at kapag may nalaman si Crenz at nalaman niyang may kinalaman si Mr. Tan baka magka gulo sila kahit pa hindi talaga pwedeng sabihin ni Mr. Tan.

"A-ano-"

"Sabihin mo na kasiiii.. kulang ang information kaya paano tayo uusad nito?"

Na i stress din siyang tumingin sa'kin.

Halatang hindi pwedeng sabihin pero konting pangungumbinsi ko pa ay bibigay na siya.

"Confidential 'yon."

"Lahat naman ng info natin confidential, hindi naman lalabas dito 'yan kaya sabihin mo na sa'kin."

Kinamot niya ang ulo niya.

"Kilala ko na kung sino si Jared."

Nanlaki ang mata ko.

"Ano?!"

"Shhh!"

Nasa coffee shop kami kaya pinatahimik niya ako.

Ang Jared na tinutukoy niya ay iyong anak ni Mr. Homer na nawala noong sanggol pa siya.

Tumingin ako sa paligid na medyo napatingin sa'min kaya tumango ako at mahinang nag sorry sa mga naistorbo ko.

"Kilala mo na siya?"

"Oo nga, and the worst of all I think Mr. Homer knew who he is."

Nanlaki lalo ang mata ko.

"Then bakit niya pa pinapahirapan si Crenz na ipahanap ang anak niya?"

"I don't know but I think he's taking advantage about it."

"What?"

Humalukipkip si Tanda at saka tumingin sa ceiling.

"Mula pagka bata kilala niya na ang anak niya. Mukhang sinadya niyang hindi ibalik ang anak niya dahil alam niya kung gaano ka brutal ang organization. Hindi mo rin masisisi si Homer kasi kung may anak din ako baka gawin ko ang ginawa niya."

Naiintindihan ko ang sinasabi ni Mr. Tan dahil ilang beses ko rin nakitang parusahan siya ng organization nang dahil sa'min noong mga bata pa kami pero kahit kelan hindi namin narinig na sinumbat na 'yon sa'min.

"What should we do about this?"

"I don't know. Kung gusto mong matulungan si Crenz kailangan mo munang ibalik si Ashariya."

Parang tumitigil ako ang mundo ko sinasabi niya.

Alam ko namang kailangan ko na ibalik ang alaga ko pero kasi mahirap talaga pabalikin si Ashariya at Bern sa organization. Gusto ko rin sila mapabalik para matulungan ko si Crenz pero kung hindi pa gustong bumalik ni Ashariya sa organization, wala akong magagawa kundi ang mag hintay na siya mismo ang mag kusang bumalik. Babalik lang siya kapag bumalik na si Bern at ang pag balik ni Bern ay wala ring kasiguraduhan.

"Kung gano'n lang kadaling pabalikin si Ash baka matagal ko na ginawa para matulungan ko na si Crenz."

"Gumawa ka na kasi ng paraan-"

"Kahit anong paraan ang gawin ko, kung hindi niya gustong bumalik hindi talaga siya babalik. Kilala mo naman si Ashariya. Kailangan ko pa bang ipaalala ang ugali niya?"

"Haaaay.. oo na, alam ko na."

Napasuko rin siya sa pinipilit niya dahil kilalang kilala naman niya si Ash.

*Cling*

Tumunog ang pinto ng store as sign na may pumasok.

Tumingin ako sa pumasok kasi feeling ko kilala ko siya.

"Arya?"

Takang tanong ko

"Arya?"

Tanong din sa'kin ni Mr. Tan habang sa'kin naka tingin.

"Ayun oh."

Tumingin siya sa likod niya para kumpirmahin.

Walang emosyong lumapit sa'min si Arya.

Tiniklop ko naman ang folder na nasa harap namin dahil nga confidential ang nandoon.

Umupo siya sa tabi ni Mr. Tan na parang nanggaling lang siya sa CR.

"Did you invite her?"-Mr. Tan

"Mag iimbeta pa ba ako ng isa pang sakit sa ulo? Sa'yo palang pumuputok na ang ulo ko."

Reklamo sa'kin ni Mr. Tan.

Tiningnan ko si Arya at syempre kagandahan muna niya ang una kong napansin.

"Why are you here?"

Simpleng tanong ko.

"Don't stare at me like I did something wrong, it's Ryker who's been in trouble now."

Nanlaki ang mata ko.

Paano niya nasasabi 'yan na parang wala lang?

"Ryker? What did he do?"

"Messing up with some gang. Anyways, Crenz will comeback here 2-3 hours from now."

Mas lalo lang atang nanlaki ang mata ko sa kaniya.

"Ano?! Bakit?"

"Hmm.. because of Ryker I guess?"

Patay na.

"He just came back here and now he's already in trouble?"-Mr. Tan

"Mag hehelicopter si Crenz?"

"Yeah, she's with Hans."

Sagot niya saka kinuha ang inumin ko.

Mapapa hilamos ka talaga sa mukha kapag pinag sama sama sila. Ako ang pinaka bata sa kanila sa grupo namin pero parang nanay ako ng mga sutil na bata.

"But I'll borrow Crenz first."

Dugtong pa niya.

Himala 'yan. She'll stay with Crenz? Talagang himala 'yon.

"That's good! Can you hold her until we fixed Rykers mess?"

Ngiting tanong ko sa kaniya.

"Of course not, I'll just borrow her for an hour."

I grimaced for lost of hope.

"Why? What will you do with her?"

"You'll see."

She stood up and left us.

"She really will come and go as she wants."-Mr. Tan

"Neeh? Everyone leaves you, can't you not get use to it?"

*Pak*

Hinampas naman niya ako ng folder ngayon.

"Aw!"

CRENZ'S POV

Pumikit lang ako habang nasa byahe.

Babalik ako ng Manila kasama si Hans dahil may sasabihin daw sa'kin si Arya na importanteng bagay tapos nag padala siya ng helicopter.

Effort din ng piloto kaya sumama na rin ako.

"Ryker create a mess."

Sabi sa'kin ni Hans habang prente akong naka pikit sa byahe namin.

"Give me something new."

"Pfft!"

Tawa niya. Kilala namin si Ryker at talagang gumagawa siya ng bagay na hindi namin inaakalang gagawin niya. Parang ako lang siya pero mag kaibang gender.

"You look excited? Was it because of Ryker?"

"Si Arya ang dahilan kung ba't ako sumama at hindi si Ryker."

Totoo naman eh. Kahit naman namimiss ko si Ryker mas mahalaga pa rin sa'kin si Arya and she needs something from me kaya ako sumama.

"Anong kailangan ni Arya sa'yo?"

"Wala akong ideya kaya manahimik ka muna, gusto kong matulog."

Hindi na nga siya nag salita.

Na tulog naman ako saglit bago kami lumanding sa isang building sa rooftop.

"Thank you Sir!"

Sigaw ni Hans sa piloto na nag ok sign lang sa'min. Nag thank you naman ako sa pamamagitan ng pag tango.

Bumaba na kami ng building na 'yon and guess what? Nandoon si Arya sa lobby at mukhang hinihintay kami.

Nakaramdam ako ng excitement nang makita ko siya pero hindi ko pinahalata.

"We don't need you here, get lost."

Mataray na taboy niya kay Hans.

Oh? Anong meron sa kanila? LQ?

"Hello rin."

Bati sa kaniya ni Hans at saka napapailing na iniwan kami.

"Handa ka na?"-Arya

"Anong kailangan mo?"

Hinawakan niya ako sa balikat at pinatalikod sa kaniya.

"Hey?"

Saway ko sa kaniya.

Tinulak niya ako hanggang sa makarating kami sa isang classy restaurant sa loob ng hotel na 'yon.

"Sit."

Sapilitan niya akong pinaupo.

Nilugay niya ang buhok ko at saka ako nilagyan ng kung ano ano sa mukha.

"Tumigil ka na, itigil mo na 'yang ginagawa mo."

Banta ko sa kaniya.

"Just a minute more."

Nanghingi pa talaga siya ng palugit!

"Ano bang kailangan mo sa'kin?"

Inis na tanong ko.

Lumayo siya sa'kin at bahagyang tiningnan ang kabuohan ko kahit pa nakaupo ako.

"You look simple yet elegant, that's perfect."

"Ano?"

Kunot noong tanong ko

"He's here, I gotta go."

"Ano- teka-"

Mabilis siyang nag lakad palayo.

Susundan ko na sana siya pero may lumapit sa table kung nasa'n ako.

"Hi, you're Arya Felendez?"

Kingina, mukhang ako pa ang pina set up sa date niya. Makakalbo ko talaga siya kapag natapos 'tong kalokohang 'to.

"No, I'm not."

Patayo na sana ako nang bigla siyang umupo. Naguguluhang tumingin ako sa kaniya. Nasa'n ba ang utak ng isang 'to? Sinabi ko nang hindi ako si Arya.

"Sinabi ko na sa'yong hindi ako si Arya."

"You told me in chat that if you told me you're not Arya it means you're just shy to introduce yourself."

ANOOOOOO?!

ANONG KALOKOHAN NA NAMAN BA ANG GINAWA NUNG BWISET NA 'YON!

BAKIT BA AKO NANDITO?!

"Shy? Do I look like a shy person?"

Umupo ako para makausap siya ng maayos.

Parang gusto ko tuloy mang bara ng tao ngayon dahil naiinis ako at ang malas niya dahil siya ang nasa harap ko.

"Konti."

"Hindi ka ba nag kamali ng table?"

Taas kilay na tanong ko.

"No, a beautiful girl in a black t-shirt, it's exactly you are when you're describing yourself in the text message."

Pinakita pa niya sa'kin ang conversation nila ni Arya.

Lalo lang akong napa pikit sa inis.

Pasok na pasok ako sa ginawang bitag ni Arya.

Mukhang pinipilit na naman siya ng magulang niyang makipag blind date sa mga kasyoso nila sa business kaya ako ngayon ang hinarap niya rito.

"This is the last time I'll meet you-"

"Why?"

Anong why? Hindi pa ba halata sa kilos ko?

"I don't like you."

Prangkang sabi sagot ko.

Wala akong pakealam kung magustuhan niya ang sasabihin ko o hindi, dahil wala akong pake.

Lumalabas ang pagiging maldita ko sa hindi ko gustong pag kakataon.

"Did you have a rough day?"

I gave him a silent treatment. Ayoko nalang talaga mag salita dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kaniya.

I know Arya is somewhere out there watching us from a far. After this bullshit I'll strangle her neck with my own hand.

HANDRIKO'S POV

"Where's Crenz?"

Mabilis na tanong ni Raffy pag lapit niya sa'kin.

"She's with Arya."

Naiiritang nag kamot siya ng ulo niya.

"They are both hopeless."

Nasa labas kami pareho ng isang hotel.

"Where's Ryker?"

Medyo na excite ako kasi after how many years mag kikita kita na ulit kami.

"I don't know, he's with my brother."

"How about Chelsea?"

Ngiting tanong ko.

May progress na kaya sila sa relationship nila?

"I don't know, hindi ako hanapan ng nawawalang bubwit."

Hmmm.. it's looks like they're having a quarrel.

"Inis ka na naman. Sungit mo."

"Bago?"

Irap niya sa'kin.

Inakbayan ko siya.

"Kung ikaw ang may kasalanan, bigyan mo lang siya ng milktea magiging ok na siya."

Nakangiting advice ko sa kaniya.

"Effective ba 'yon- HAY! Anong sinasabi mo diyan? Wala akong kasalanan 'no."

Singhal niya at saka inalis ang braso ko sa balikat niya.

HAHAHAHA halatang halatang interesado naman sa advice ko.

"Just a milktea don't put some pearl, she won't like it."

"Stop it Handriko."

Irap niya.

Mukhang siya ang under HAHAHAHAHA.. iba ka talaga Chelsea.

"I can make her go here."

"She won't come."

Kontra niya agad

"Of course she will. Let me handle this."

Lumayo ako sa kaniya at saka tinawagan si Chelsea.

After ng ilang ring ay sinagot na 'yon na parang boring na boring na.

"Hello?"

"Where are you?"

"House."

"Nasa Dil hotel kami ni Crenz."

Narinig kong may kumalat sa paligid niya

"You're already back?!"

"Not really, bukas babalik kami sa province. Anyway, Raffy is being surrounded by many guys here. She's really a head turner-"

"WHAT?!"

Nilayo ko sa tenga ko ang cellphone.

Ang sakit sa tenga ng boses niya.

"Pupunta ka o wala ka na sa buhay niya bukas?"

"I'll kill you Handriko if you let other touch my property!"

*Toot toot toot*

What? Bakit parang kasalanan ko?

Pag balik ko sa pwesto namin ay wala na si Raffy.

"What the fuck?"

Iniwan nila ako dito? Really?

CRENZ'S POV

Naiirita na talaga ako sa boses niya. Kwento siya nang kwento ng kung ano ano kahit hindi ako interesado sa sinasabi niya.

Harap harapan na nga akong humihikab sa harap niya pero bakit hindi niya maramdamang ayoko ng presensya niya?

"Hey."

Untag ko sa kaniya kaya napatigil siya sa pag kuda.

"Listen. I'm not Arya Felendez. Na appreciate ko ang kwento mo kahit wala akong interes pakinggan lahat 'yan. You can stop talking now and eat quietly, I'll wait here until you finished your food."

Mukha naman siyang respetadong lalaki dahil sa suit and tie niya pero hindi ko talaga gusto ang sitwasyon.

"What made you upset?"

Nag aalalang tanong niya.

"I told you already, I'm not Arya Felendez. You can text me for confirmation."

"Ha?"

"Hindi ako ang katext mo, na set up lang ako ng isang babaeng gusto kong sakalin ngayon kaya I text mo na siya ng kahit ano."

Seryosong banta ko.

Nag labas siya ng phone at nag text saka niya tiningnan ang phone ko.

"See? Hindi ako ang ka text mo."

Gulong gulo siyang tumingin sa'kin.

Kung pwede ko lang siyang pektusan ngayon baka ginawa ko na.

Ginawa na rin sa'kin ni Arya to noon. Kapag hindi niya gusto ang manliligaw niya noon kahit pa mga bata pa kami ako ang pinapaharap niya.

"The who are you?"

"Don't ask, finish your food. I still have a lot of things to do."

Daldal kasi siya nang daldal habang ako ay kain naman nang kain.

Wala akong pambayad dito at kapag hindi 'to binayaran ni Arya o nitong tukmol na 'to baka pareho ko silang ibalibag.

"You're weird."

Kunot noong aniya.

Ako pa ngayon ang weird?

"Marami nang nag sabi niyan."

"Why did you stay?"

Alangan naman iwan ko siya habang dumadaldal siya? Sayang din pagkain, gutom na 'ko though inaantok na ako ngayon.

I crossed my arms on my chest and raised my left eyebrow.

"I still have a manner. Hindi kita iiwan sa gitna ng pagdaldal mo diyan na parang tanga. Atleast I told you to finish your food first before I leave."

Proud na sabi ko.

Swerte nga niya sa part na 'yon eh. Kung hindi si Arya ang nag dala sa'kin dito baka nabastos ko na siya ng malala.

"Then where's the real Arya?"

Tumingin ako sa paligid at hindi ko rin ma sense ang presence niya sa kahit saang lugar.

"Just somewhere. Tatapusin mo ba 'yan?"

Tukoy ko sa pagkain niya.

"I think I'm full."

Ahh.. great.

Tumayo ako at saka tinupi ko ng isang beses ang steak niya.

Kung hindi niya uubusin sayang naman kaya ako nalang uubos.

Tinaas ko steak para ipaalam na akin na lang yun kahit gulat siya sa ginawa ko.

"Pay the bills, I don't have a money."

Umalis ako sa mesa namin at nag lakad pa labas ng restaurant. At least tapos na siya nang umalis ako.

Ngayon, kailangan ko nalang hanapin si Arya.

Inubos ko ang steak at saka sumaglit sa banyo para mag hugas ng kamay at mag hilamos.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Bumabalik na ang kulay ng mata ko. Nakikita ko na ng konti ang pagka gray nito.

Tsk!

Lumabas na ako ng CR para hanapin si Arya at mabuti nalang ay hindi na ako nahirapan na hanapin siya dahil sa labas ng CR ay prente siyang naka tayo doon habang may ngisi sa labi niya.

Mabilis ko siyang hineadlock dahil sa ginawa niya sa'kin.

"Pinag kanulo mo na naman ako kaibigan."

Mariing sabi ko sa kaniya.

Syempre hindi madiin ang ginawa ko.

Katangkaran ko lang din naman siya.

"Stop it."

Saway niya at sinusubukang tanggalin ang kamay ko sa leeg niya.

Ginulo ko ang buhok niya ng sobrang lala.

"Kook! Hey- I said stop."

"Ginawa mo na naman akong panangga sa mga lalaki mo ah *messing the hair* "

Siraulo siya ah, bumalik lang siya dito para gawin akong substitute niya sa dates niya.

Huminto ako nang may maramdaman akong presensiya.

It's Hans, Raffy and Chelsea palapit sila sa'min.

"Why?"

Tanong niya nang huminto ako.

Nakakapit siya braso ko.

"Yung crush mo tinitingnan ka ngayon."

Bulong ko sa kaniya mula sa likod niya.

"Ha?! Si Hans?!"

Malakas na bulong niya na sakto lang para marinig ko.

"You look literally hag right now."

Hinampas niya ang braso ko.

"You mess my hair!"

Singhal niya.

Hindi niya makita ang tiningnan ko dahil ang buhok niyang magulo ay nasa harap ng mukha niya.

Tinitingnan kami ni Hans at Raffy ng may pag tataka habang si Chelsea ay parang batang umiinom ng something na nasa kamay niya.

"Uh! Hi Crenz!"

Bati sa'kin ni Chelsea nang mapansin niya ako.

"I swear! I'm going to kill you Kook!"

Singhal sa'kin ni Arya.

"Let's turn around."

"What?!"

Bulungan naming dalawa.

"Ako dapat ang mag sasabing I'm going to kill you dahil pinag kanulo mo na naman ako sa mga lalaki mo. Patas na tayo."

May ngising sabi ko.

"Let's just turn around."-Arya

Pag talikod namin mula kina Hans ay tinulak ko siya.

"Mukha kang mangkukulam!"

Sigaw ko sa kaniya nang pakawalan ko siya.

Naka talikod naman siya sa'kin habang sobrang gulo ng buhok.

"Argh! Damn you Crenz Yara!"

Nag madali siyang tumakbo papasok sa CR.

Gustong lumabas ng tawa ko dahil sa itsura niya. Gano'n siya ka conscious sa harap ni Hans?

HAHAHA.

"Di kaya mas lumala ang away niyo?"

Tanong ni Raffy sa'kin nang malapitan nila ako.

"Patas lang kami. Ginawa na naman niya akong proxy para sa mga blind date niya."

Ngayon ay medyo umokay na ang mood ko kasi kahit paano ay nakabawi ako.

Tiningnan ko sila.

"Anong ginagawa niyo rito?"

Tanong ko saka kinuha ang iniinom ni Chelsea at saka sumipsip doon.

Ahhh.. milktea.

Hindi na kasi ako naka inom matapos kong kainin ang steak no'ng lalaki kanina.

"Susunduin kayo."-Raffy

Binalik ko kay Chelsea ang milktea niya.

Ininom naman niya 'yon ng walang arte.

Mabuti nalang talaga kapag ako kaharap nila di sila nag iinarte.

"Sabihin niyo nalang sa'kin kung saan kayo pupunta. Hindi lalabas yung bruhang 'yon kapag nandito pa si Hans."

Kilala ko na si Arya kapag nahihiya siya.

"Ok, text ko nalang sa'yo."-Raffy

"Take care."-Hans

"See you."-Chelsea

At nag lakad na nga sila paalis.

Maya maya lang ay nag kabaliktaran na kami ng sitwasyon, ako na ngayon ang naka ngisi habang naka sandal sa pader nang lumabas siya.

"Kook stupid black lady with an ugly face!"

Singhal niya sa'kin.

Natawa ako ng mahina.

Siya naman ang may kasalanan nito.

"Hey? Kasalanan mo 'to diba?"

"Asshole!"

Nauna na siyang mag lakad kaya sinundan ko lang siya.

"Tumangkad ka."

Sabi ko sa kaniya. Noon kasi ay mas matangkad ako sa kaniya.

"Don't talk to me."

"Ikaw ang nag dala sa'kin dito."

"Whatever."

Sinundan ko siya hanggang parking lot at nang pumasok siya ay pumasok din ako sa passenger seat.

"Who told you to enter my car?!"

Singhal niya kaya napa takip ako ng tenga.

"You don't have to say it-"

"Kapal mo!"

"I know."

She started the engine and drove away.

See, ang dami niyang sinasabi mag dadrive rin pala siya at isasama ako.

"He's in trouble."

"I know."

Si Ryker ang pinag uusapan namin.

"It's Pigo gang."-Arya

"Pigo gang?"

Teka parang familiar.

"Yan ba 'yong gang 6 years ago?"

"Exactly."-Arya

Napahilot nalang ako sa sentido ko.

Bakit nag krus na naman ang mga landas nila?

"Ano bang ginawa ni Ryker?"

Seryosong tanong ko. Kapag ganito ang tono ko lahat ng nakakakilala sa'kin ay na titense gaya nalang niya ngayon na feeling ko kinakabahan na.

"Sinusundan siya ng gang na 'yon, kaya rin siguro pinaalis siya ng bansa ng Papa niya dahil puro gulo ang nangyayari rito sa kaniya."-Arya

Kababalik lang niya tapos may gulo na agad siyang nagawa rito? Hindi ba pwedeng umiwas siya?

THIRD PERSON POV

Napapaligiran na ngayon sina Hans, Raffy, Ryker, Chelsea, Daniel, Axel at Drei ng mga taong may dalang mga dos por dos.

"Wow Ryker, dapat bang ipag pasalamat kong bumalik ka?"

Tanong ni Hans habang nagiging alerto sa paligid niya.

"Oo naman, mukhang wala na kayong practice eh. Mag practice muna tayo."

"Naiihi ako."-Chelsea

Reklamo niya na kanina pa umiinom ng milktea niya.

"Sino ba kasing tuloy tuloy mong inumin 'yan?"

Pangaral sa kaniya ni Raffy.

"Why? I like the flavor."

Ganitong ganito rin ang eksenang nangyari noong kinidnap sina Hans at pinasabog ang school nila.

Nag uusap sila na parang walang panganib sa paligid. Ugaling ugali talaga nila 'yon kapag nasa panganib sila.

"This is your fault."

*Pak*

Binatukan ni Raffy si Ryker.

Muntik na si Hans matawa.

"Aw."

Himas niya sa ulo niya.

"Crenz is currently on vacation but she was forced to come here because of you."-Raffy

Sumilay ng konti ang ngiti ni Ryker nang marinig niya 'yon.

"She'll come?"

May excite na tanong niya.

"Don't be excite, she won't open arms welcome you back."-Raffy

Wala pang sumusugod sa mga nasa paligid nila at parang nag hihintay pa sila.

Wala pa rin ang leader ng gang nila kaya siguro mga naka porma palang sila.

Ayos lang kay Ryker na hindi gano'n si Crenz dahil alam naman niya ang ugali ni Crenz. Ilang araw na rin niyang gustong makita si Crenz mula no'ng dumating siya kaya lang noong dumating siya ay nasa probinsya naman si Crenz.

May pinag uusapan naman si Drei at Axel sa likod na medyo may pagka seryoso kaya hindi nakikipag asaran sa iba.

"Does she have a boyfriend?"

Ngiting tanong niya sa kanilang lahat.

"Wala pero maraming umaaligid."-Daniel

Nawala ang ngiti ni Ryker.

Alam niyang walang boyfriend si Crenz pero hindi niya alam na may mag kakagusto kay Crenz kahit gano'n ang ugali niya. Hindi niya sinasabing masama ang ugali ni Crenz pero sa hirap intindihin ng ugali ni Crenz ay parang himalang may nag ka gusto sa kaniya.

"I'm sure I'm better than them."

"Tigas naman ng mukha mo. Kahit better ka sa kanila hindi mo pa rin alam kung magugustuhan ka ni Crenz dahil nga diba saltik 'yon. Gumagawa ng bagay na unexpected."

"We're destined kung gano'n."

*Pak*

Hinampas naman siya ngayon ni Chelsea sa balikat niya.

"Proud ka pa rito sa ginawa mo? Mag simula ka nang mag dasal kung ako sa'yo."

'ah! Napaka amazona nilang dalawa. Buti wala si Nina.' isip isip ni Ryker habang hinihimas ang balikat niya.

"Long time no see Ryker!"

Lahat ng atensyon nila ay nabaling sa isang maitim at medyo may katabaang lalaki.

"Wow Pigo, parang mas lalo kang lumiit at umitim."

Pang aasar niya sa lalaking leader ng gang.

"Hanep din talaga yang bunganga mo ah wala pa ring preno."

"Well, hindi naman kasi sasakyan ang bibig ko para prumeno."

"Pfft.."-Drei/Axel

"Balita ko umalis ka ng bansa. Bakit? Natatakot ka sa'kin?"

Ngising tanong ni Pigo. Drigo ang pangalan pero dahil mataba ay Pigo ang tawag ni Ryker sa kaniya.

Nag simula iyon no'ng tawagin siyang Pigo ni Crenz 6 years ago dahil hindi narinig nang maayos ni Crenz ang pangalan niya.

"Mukha ka lang pang horror film pero hindi ka nakakatakot na pang action film."

Sa isang abandonadong eskenita sila nag kayayaan na mag usap dahil pag tapak palang ni Ryker sa bansa ay gang na agad nila ang na engkwentro nila ni Drei.

"Ahh talaga? Kaya pala para kang batang sumbong sa tatay niyang mayaman."

Nag tawanan ang mga kasama ni Drigo bilang suporta sa amo nila.

"Hindi kita sinumbong ah, pinag tatanggol pa nga kita para hindi ka nila ikulong."-Ryker

Ngisi niya sa harap ni Drigo.

"Sinong maniniwala sa'yo? Dinampot ako ng pulis-"

"Dahil nang rape ka. Nakakaawa 'yong babaeng ni rape mo. Paano ka nakalaya? Iba talaga pag may kapit sa politika ang pamilya."

Napayukom ng kamao si Raffy at gano'n din si Drigo.

"Gago ka ah! Hindi ako nang rape!"

"Sinong niloko mo? Kaka droga mo nakalimutan mo na ang ginawa mo?"

Kating kati na si Drigo na sugurin sila dahil sa pinag sasasabi ni Ryker.

"Get out of here, Chelsea."

Bulong ni Raffy kay Chelsea.

"I'll stay."

Simpleng tugon lang nito.

"No, I won't let anyone to touch you."

"As if I'm going to let them."

Gaya nga nang sinabi nila Nina noong nasa barko sila para sa assignment, pinagsama si Chelsea at Liphyo dahil si Chelsea ang pinaka magaling lumaban sa mga babaeng nandoon sa kanila.

Kahit pa kayang lumaban ni Chelsea ay natatakot pa rin si Raffy na masaktan 'to.

"But-"

"Professional tayo, Raffy, nakalimutan mo na ba?"

Ngisi ni Chelsea.

Naiintindihan niya ang gustong iparating ni Raffy pero trabaho tong ginawa nila.

Trabaho nilang protektahan si Ryker kahit pa kaya na ni Ryker mag isa at protektahan ang mga Jovian group.

Kasama sa Jovian group si Axel, Drei, Daniel, Ryker, Raffy at Arya na papunta palang at sinanay si Chelsea para pag silbihan ang Jovian group at samahan sila sa mga delikadong misyon.

"Just be careful, I'll kill them if they touch you on the parts that only me has an access."

Bulong ni Raffy sa kaniya na ikinapula ng pisngi niya.

'May oras pa akong kiligin sa gitna ng peligro?'-Chelsea

*Beep beep*

Natahimik ang lahat nang may dumating na sasakyan.

Medyo pa gabi na kaya nasilaw sila sa liwanag ng headlights ng sasakyan.

"Ito na ba ang baliw mong girlfriend?"

Ngisi ni Pigo sa kaniya.

Walang pumansin sa sinabi niya dahil lahat sila ay naka tingin sa kotse. Pinatay ni Arya ang headlights.

Nakatoon lang ang pansin nila sa sasakyan.

"She's here."

Ngiti ni Ryker nang makita niya si Crenz sa passenger seat.

Lumabas si Crenz na nag pakabog ng matindi sa puso niya. Hindi pa rin nag babago ang dating ni Crenz sa sistema ni Ryker, nababaliw pa rin siya kapag si Crenz na ang nakikita niya at ang tibok ng puso niya ay sobrang nag wawala ngayong halos abot kamay na muli niya ang babaeng naging dahilan para sundin niya ang Ama niyang pumunta ng ibang bansa at saka siya nito papayagang ligawan ang isang katulad ni Crenz.

Walang emosyon ang itsura ni Crenz nang bumaba siya.

"She've grown."

Wala sa sariling sabi ni Axel.

"Hanep, ganda ng reunion nila."

Iling ni Raffy.

Nag lakad si Crenz papalapit kay Ryker habang si Ryker at hindi alam ang gagawin. Sobrang na eexcite ang puso niya sa presensya ni Crenz.

"A-ah-"

Nang makalapit si Crenz kay Ryker ay walang ano anong hinawakan niya ang braso nito at...

*BLAG!*

Napadaing si Ryker dahil sa sakit ng pag tama ng katawan niya sa simentong sahig.

Gulat naman sila Drei sa ginawa ni Crenz.

Matapos siyang ibalibag ni Crenz ay inapakan ni Crenz ang dibdib ng binata.

Walang nag tangka isa man sa kanila na umawat sa takot na ibalibag din sila ni Crenz.

Maging ang kaaway nila ay natakot sa ginawa ni Crenz.

"Hoy? Nag iisip ka ba?"-Crenz

Seryosong tono ni Crenz na may halong inis.

Napa ubo si Ryker habang iniinda ang sakit sa likod niya mula sa pagkakabalibag.

"H-ha- *cough*"

Pinilit ni Ryker sumagot kahit medyo nahihirapan siya. Alam niyang magagalit sa kaniya si Crenz pero hindi niya akalaing ibabalibag siya nito sa una nilang pag kikita.

"Bumalik ka ng bansa para lang mag hanap ng gulo?"

Seryosong tanong ni Crenz dahil naiinis siyang ito ang ma eencounter niya sa muli nilang pag kikita.

"Iniwasan ko sila, sila ang lumapit sa'kin."

Nahihirapang paliwanag niya.

Inalis ni Crenz ang pagkaka apak niya sa dibdib ng binata. Agad naman tinulungan ni Daniel tumayo si Ryker.

"Hahaha.. ang sweet niya mang welcome back diba?"

Nang aasar na tanong ni Dan may Ryker.

"Masakit siyang bumati."-Ryker

Tinatawanan lang sila nila Raffy nang palihim.

Tiningnan ni Crenz ang mga kasama doon. Ngayon niya lang napansin ang isa pang importanteng taong gustong gusto niyang lapitan pero 'yong guilt niya ay pinipigilan siya.

Limang segundo sila nag katitigan ni Axel.

Nakabisado niya muli ang itsura ni Axel sa maikling oras na 'yon. Mas naging manly ang itsura ni Axel at mas lalo itong tumangkad.

Si Crenz ang unang nag bawi ng tingin at saka tumingin kay Chelsea.

"Hoy, alis dito."

"Ha?"

"Labas ka sa away na 'to, si Arya ang samahan mo."

Palihim namang nag pasalamat si Raffy nang marinig niya 'yon. Professional siya sa ginagawa niya pero dahil pumasok si Chelsea sa buhay niya muli ay nababahiran ng emosyon ang trabaho niya na ayaw niya sanang mangyari kung hindi lang dahil kay Chelsea.

Napakagat ng labi si Chelsea.

"Pero-"

"Aalis ka o ibabalibag ko ulit si Ryker?"

Gulat na tumingin si Ryker sa kanila.

"Ba't ako?"

Turo niya sa sarili niya.

"Pfft!"-Drei/Hans

"Pwede bang ibalibag mo nalang ulit si Ryk-"-Chelsea

"CHELSEA!"-Ryker

Gulantang na sigaw ni Ryker.

'Hindi pa nga ayos ang likod ko tapos ipapabalibag niya ulit ako?' reklamo ni Ryker sa isip niya.

"Hahaha.."

Tawa ng iba sa kanila.

Gusto lang naman ni Crenz na maging ayos ang pakiramdam ni Raffy dahil isa sa kinatatakutan ni Raffy ay ang masaktan si Chelsea na nagiging dahilan kung bakit ayaw sundin ni Raffy ang puso niya dahil sa takot na gano'n nga ang mangyari kay Chelsea nang dahil sa kaniya.

"I can fight."

Naguguluhang sabi ni Chelsea

"Pero labas ka sa away na 'to."-Drei

"But it's my job."

"There's no such job if you are with us. Lahat kami kayang lumaban at pag mag kakasama tayo walang mataas at mababa sa'tin, alam mo 'yan."-Hans

Lumaylay nalang ang balikat ni Chelsea.

"Mag hahanap nalang ako ng CR, pinag tutulungan niyo na ako."

Nag tatampong aniya at saka pumasok sa passenger seat ng kotse ni Arya.

"Wait? Is that Felendez?"

Tanong ni Ryker sa kanila nang makita niyang nakasandal si Arya sa labas ng kotse niya at nakatingin sa kanila.

"Wala nang iba pa."-Raffy

"Wow, she's stunning."-Ryker

"More than Crenz?"

Nang aasar na tanong ni Raffy.

"Yara is exceptional."-Ryker

"Yiiieeeh!"

Pang aasar ng mga kaibigan nila.

Tiningnan lang ni Crenz si Ryker ng walang kwenta look dahil sa kakornihan nito pero deep inside parang hinahalukay ang sikmura niya ng kung ano.

"Bato pinatamaan mo HAHAHA."-Raffy

Hindi na 'yon pinansin ni Ryker at tiningnan niya si Arya.

"Hi Arya! Long time no see. Kayo na ba ngayon ni Riko?"

Lalo lang atang nag tawanan ang mga kaibigan nila dahil parang si Crenz ang kasama nila in a lively mood version. Parehong inosente at walang pake sa tinatanong nila basta mailabas lang ang tanong sa isip.

Namula pareho si Hans at Arya.

"STUPID!"

Singhal ni Arya at saka pumasok sa loob ng kotse at nag drive paalis sa lugar na 'yon.

"Anong maling ginawa ko?"

Takang tanong niya sa kanila.

"Sinabi mo lang naman sa lahat na may gusto si Arya kay Hans."-Raffy

"Bakit? Hindi niyo ba alam? Secret ba 'yon?"-Ryker

"Alam namin syempre kaya lang malamang nahihiya 'yon dahil sinigaw mo pa sa'min. Pareho kayo ni Crenz, di kayo nag iisip."-Raffy

Tumaas ang tenga ni Crenz nang marinig niya ang pangalan niya at nasabihan pang hindi nag iisip.

"ANO TO REUNION NIYO?!"

Sigaw ni Pigo nang makitang mas masaya pa sila kesa matakot.

"Oo, reunion din natin kasi mukhang sasabog na naman ang mukha mo."-Crenz

"Pfft.. still don't have a sense of tense."

Iling ni Ryker

Easy lang silang mag kakaibigan pero pasimple nilang pinalibutan ang dalawang babae, ayaw nilang lumaban si Crenz at Raffy dahil nandoon naman sila.

Kahit pa mas magaling si Raffy at Crenz sa kanila ay lumalabas pa rin ang pride nila bilang lalaki na kailangan nilang protektahan ang babae kahit na sino pa sila at isa pa ay may kaso na si Drigo bilang rapist noon pero nakalaya lang siya dahil sa koneksyon at pera. Ayaw nilang pahawakan ni dulo ng kuko ng dalawang babae hanggat humihinga pa sila.

"They're in guard position."

Iling ni Raffy nang makitang pinalibutan silang dalawa ng mga lalaki.

"Minamaliit ba nila tayo?"-Crenz

"No, it's just they're balls will get hurt if they let us fight."-Raffy

Napangiwi si Crenz sa sinabi ni Raffy.

"Bantot ng explanation mo."

Nag prente lang silang tumayo at wala na ring balak lumabas para lang pagbigyan ang mga lalaki sa gusto nila.

"Let's just see who improved more among them."-Raffy

May isang sumugod sa kalaban nila kaya nag simula na ang gulo sa pagitan ng mga kaibigan ni Crenz at sa gang na kaaway nila.

"But I won't stay still if someone attack us."-Crenz

"Obviously, who would just stand?"-Raffy

Napakamot nalang sa ulo si Crenz.

Hampas, ilag, suntok, sipa, ganoon ang nangyari sa buong labanan nila.

Kung hindi pa nag patunog ng malakas na serine ng pulis si Arya ay baka hindi pa sila natapos.

Tumakbo paalis ang gang nang marinig 'yon kaya naiwan sila Hans doon na pagod na pagod.

"Ang dami nila, medyo nahampas ako sa likod."-Hans

"Nasapak ako."-Drei

Napa upo nalang ang mga lalaki habang si Crenz at Raffy ay may pinag uusapan na mukhang seryoso, hindi na nga ata nila napansin na tapos na ang away basta naka tayo lang sila habang nag papaliwanag si Raffy sa kaniya at siya ay tumatango tango lang.

"Hindi ka pa ba sanay? Hindi nakakaramdam ng takot 'yan pareho."-Chelsea

Sabi niya kay Arya na nag tataka ngayon sa kinikilos no'ng dalawa.

"Wow, this is nothing new but I can't still get used to it."

Nilabas ni Chelsea ang plastic na may lamang inumin at saka lumapit sa kanila.

"Oh, inom muna."

Binigay ni Chelsea kay Ryker ang plastic at saka pinag pasa pasahan nila ang plastic matapos nilang maka kuha ng inumin doon.

"Masyado kayong busy diyan."

Untag ni Ryker kay Crenz at Raffy.

Doon lang nakita nila Raffy na tapos na ang away.

"Tapos na?"-Raffy

"Grabeeee.. gaano ba ka seryoso ang usapan niyo para hindi makitang kanina pa natapos ang away?"-Drei

Napakamot si Crenz sa sentido niya.

"May assignment tayo."-Crenz

"Assignment?"-Axel

Tumayo sila at lumapit kina Crenz.

"Kailangan nating tulungan si Nathaniel tungkol sa problema niya ngayon. Aware ba kayo?"-Raffy

"Ahh.. sa birth certificate?"-Daniel

"Yeah. Hindi utos ng organization pero kikilos tayo ng palihim. Buntis si Rica kaya kailangang gawan na 'yon ng paraan."-Raffy

"Buntis?!"-Drei

"Kaya pala wala si Nina ngayon"-Chelsea

"Tutulong ba kayo o ako nalang mag isa?"-Crenz

"At least convince us?"-Arya

"Hindi ko gagawin 'yon. Kapag nangungumbinsi ako parang lalo lang hindi papayag ang taong kukumbinsihin ko."

Naiintindihan nila 'yon dahil sa klase ng ugaling meron siya.

"I'm in, but in return let's have a date."-Ryker

Tiningnan ni Crenz si Ryker mula ulo hanggang paa.

Nag ka muscle si Ryker at tumangkad talaga siya ng sobra.

"Date?"-Crenz

"Walang bwelo bwelo Ryker? Bira agad?"-Raffy

"Yeah, let's talk and eat something delicious."

Masayang paanyaya ni Ryker.

"Something delicious? Jollibee?"

"HAHAHAHA.."

Natawa sila sa tanong ni Crenz.

"Kahit ano, basta sumama ka lang."

Pinag tututulak nila si Ryker dahil sa ka kornihan at ka sweetan nito.

"Kahit sa amusement park?"

Naniniguradong tanong pa ni Crenz kahit sa loob loob ay naeexcite na siya.

"We can do what you want, just name it."

Paninigurado ni Ryker.

Ang iba ay natatawa sa kanila pero si Arya, Drei at Axel ay nag kakatinginan na may awa sa mukha nila. Alam nila ang pag hihirap ni Crenz higit pa sa alam nila Hans dahil mas naunang makilala nila Drei si Crenz.

Alam nila kung bakit ganito katigas si Crenz.

Pero si Arya talaga ang totoong nakakaalam ng halos lahat kay Crenz. Tungkol kay Charrie, childhood ni Crenz, death of Axel's brother at marami pang bagay dahil kasama siya ni Crenz sa lahat ng oras na 'yon pero may pagkakataon din na hindi alam ni Crenz na kasama niya Arya ngunit alam ni Arya ang mga nangyayari.

"Count me in."-Drei

"I'll help"-Chelsea

Lahat naman sila ay nag sabing tutulong sa kaniya.

"Ok fine, I'll help."

Irap ni Arya at saka sila tinalikuran para pumasok sa kotse niya.

"Let's have a dinner."-Axel

"Game! Sa usual place."-Hans

Matapos nilang sumang ayon lahat ay nag kaniya kaniya nga sila ng sakay sa mga sasakyan nila.

Hinila ni Ryker si Crenz papunta sa motor niya.

"Woah, nice bike."

"Ang cool diba?"-Ryker

Inikutan pa ni Crenz ang motor ni Ryker.

"Yeah."

May ngiting tugon ni Crenz.

"Halika na dito."

Pinalapit siya ni Ryker para sana suotan ng helmet pero bahagya niyang tinabig ang kamay ng binata.

"Why?"

Natatawang tanong nito.

Kumabog nang mabilis ang puso niya nang makita niya nang malapitan ang mukha ni Ryker.

"Nag mukha kang lalaki."-Crenz

"Pfft.. mukha ba akong bading noon?"-Ryker

"Oo."

Napa simangot si Ryker.

"Masama pa rin ugali mo."-Ryker

"Alam ko."-Crenz

Pinindot ni Ryker ang ilong no Crenz na madalas niyang gawin noon lalo kapag nag lalambing siya sa dalaga o pinapagaan ang loob niya.

"Na miss kita, Creya."

Unti unting sumilay ang ngiti ni Crenz nang marinig niya ang pangalan niya sa bibig ni Ryker.

Hindi niya mapigilang yakapin ang binata dahil namiss niya rin talaga ng sobra sobra si Ryker.

"Hey hahaha.. ganiyan mo ko ka miss?"

"Dacheo."

Pinatahimik niya ang binata.

Sobra sobrang naman ang galak ni Ryker habang tinitingnan niya ang dalagang naka yakap sa kaniya.

"Tell me everything again like you did before, I'll listen carefully."

Ito ang dahilan kung bakit sinabi noon ni Crenz na safe place niya si Ryker dahil kay Ryker nakakapag labas siya ng sama ng loob na hindi naiilang o kahit ano pa mang pwedeng mag pahadlang para hindi niya mailabas ang saloobin niya.

"Welcome back."

Bulong niya sa binata.

Parang hinahagod ang puso ni Ryker sa mga salitang 'yon.

"Thank you."

Pasimple niyang kinintilan ng halik ang ulo ni Crenz.

Para siyang sasabog sa tuwa nang magawa niya 'yon.