43

LIPHYO'S POV

Nag wawalis ako sa labas para abangan ang pag uwi ni Raya at Hans.

Akala ko maaga silang uuwi kinabukasan pero mag tatakipsilim na wala pa rin sila.

"Sinong-"

Gulat siyang napatingin sa nag salita sa likod niya.

"-hinahanap mo?"-Darrin

"H-ha-? Wala 'no, sino namang hahanapin ko."

Pinag patuloy niya lang ang pag wawalis niya.

"Nawalis mo ang mga dahon at ilang mga kalat dito, balak mo rin bang alisin ang mga buhangin dito?"

Nag hahanda na ang lahat para sa hapunan. Nakakuha sila ng pera sa pag tulong nila sa pag haharvest ng mga prutas at gulay doon kaya bumili sila kanina sa palengke ng mga karne.

"Hindi, may tira pa kaya."

Nag bisi busyhan siya.

"Heeee.. inaantay mo si ate eh."

"Ano? Bakit ko naman aantayin 'yang ate mong baliw?"

Tinawanan niya ako ng mahina.

"Huwag ka sa kaniya Kuya JL, may Kuya Ryker na siya."

Gusto kong mapahawak sa dibdib ko dahil para akong pinompyang.

"Ryker?"

Iyon ang lalaking pinag uusapan namin noong nakaraan.

"Uhm-o. Childhood friend ni ate 'yon tapos sobrang close ni ate kaya lang tinapon si kuya Ryker ng tatay niya sa ibang bansa no'ng sabihin niyang gusto niyang ligawan si ate at napapadalas din ang pakikipag away ni kuya dito kaya ang sabi ng Papa niya ay kailangan munang may mapatunayan siya bago niya payagan si kuya manligaw kay ate. 5 or 6 years na rin ata simula no'ng umalis si kuya."

Kunot noong hindi ako makapaniwala sa kwento niya. May taong gano'n kalalim ang pag mamahal kay Raya para sunding saktan ang sarili at mag hintay ng ilang taon?

"Baka naman iba nang gusto 'yong lalaki?"

Nangungumpirmang tanong ko.

"So interesado ka nga kay ate?"

Pang asar niya.

"Hindi na importante 'yon."

Tumingin ako sa paligid kasi baka may makarinig sa'min.

"Hindi eh, si ate pa rin ang hinahanap ni kuya Ryker kahit pa ilang taon na siya sa ibang bansa. Mukha ngang naka uwi na 'yon ngayon."

Mas lalo lang ata akong nasaktan. Para bang kinukuryente ang puso ko.

Kahit anong gawin ko sobrang dami pa rin hadlang.

Si Mike na alam kong mas better para sa kaniya, 'yong Ryker na mukhang hindi malayong makatuluyan niya at ang kasal na mukhang mangyayari nga.

Alam mo 'yong tipong tanggap mo na may anak siya pero kahit gano'n ay marami pa ring pintong nakasara para makuha mo siya.

Ramdam ko na nga ngayon ang pagitan naming dalawa.

Dati sabi ko sa sarili ko na iaahon ko siya sa buhay na meron siya kung kami ang magkakatuluyan, mag sisikap talaga ako para bigyan siya ng magandang buhay kasi gano'n ako mag mahal. Ngayon parang hindi ko na siya makita sa layo ng agwat naming dalawa.

"Ayos ka lang kuya?"

Napayuko nalang ako at saka huminga ng malalim.

"Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging ok?"

Tumingin siya sa likod ko.

"Oh nandiyan na sila ate."

Para akong namamanhid sa sobrang sakit.

Narinig ko na nga ang boses nila ni Hans pero wala akong maramdaman.

Hindi ko na sila hinarap kasi parang lumulutang ako ngayon. Mukha namang alam ko na kung bakit sila bumalik sa Manila.

Nag lakad ako papunta sa likod ng bahay kung saan nandoon ang kusina.

Kumuha ako ng tubig kahit pa parang wala ako sa sarili ko.

"Uy- apaw na."

May tumapik sa'kin na nag pa balik sa'kin sa katinuan.

"Ops."

Agad kong sinara ang gripo.

"Lutang ka?"

Mataray na tanong sa'kin ni Princess.

Ininom ko nalang ang tubig para hindi na matapon lalo.

"Wala na palang tubig pang hugas mamaya-"

"Ako na."

Presinta ko nang makita kong nag aalala siya sa tubig na meron dito sa'min.

Minsan lang kasi may tumulong tubig sa gripo kaya kailangan naming mag igib.

"Ikaw? Sige, isama mo 'yong kambal para may kasama ka."

"Hindi, kaya ko na."

Ngiting tugon ko.

Sinisipag ako ngayon dahil may inis sa dibdib ko at sakit. Sinisipag din ata akong umiwas.

Matapos kong ubusin ang tubig ay kinuha ko ang galon na kaya kong dalhin para makakuha ng tubig sa posohan.

Ang bilis ng lakad ko at alam ko sa sarili kong kapag mabilis ang bawat hakbang ko ay gusto kong mapag isa at ayaw ko ng manggugulo sa'kin.

Ilang araw na kami dito kaya may alam na rin ako sa lugar na 'to.

Wala na akong takot takot ngayon sa multo dahil mas natatakot ako sa sarili ko.

Pag dating ko doon ay may isang babaeng may dala rin na tatlong galon.

Pag lapag ko ng mga galon na hawak ko ay nag offer ako sa kaniyang tulungan siya.

"Ako na."

Sabi ko sa kaniya.

"Hindi na, kaya ko na."

"Sige na, ako na. Medyo nag papakondisyon kasi ako ng katawan."

Mukhang nahihiya siya pero umalis din siya at hinayaan akong bumomba sa poso.

"Isa ka rin sa nag babakasyon dito? 'yong kasama nila Darrin?"

Tanong niya.

Pilit akong napangiti. Mukhang kaedaran siya ni Darrin.

"Oo."

"Artista ka rin ba gaya ni Austin Benzo?"

Medyo nagulat pa ako nang makilala niya si Austin.

"Ah, hindi."

"Si Mike Vizarro ang isa niyo pang kasama diba?"

Natawa ako kasi mukhang nanonood siya ng mga drama sa TV.

"Oo. Hindi namin pwedeng ipag kalat dahil baka dumugin sila-"

"Pwede akong humingi ng autograph sa kanila?"

Nag bomba lang ako.

"Sige, sasabihan ko sila. Bukas, punta ka rito ng mga ganitong oras para isasama ko sila."

"Talaga?! Thank you."

Matapos kong mapuno ang mga galon niya ay tinawag niya ang isang lalaki at pina buhat 'yon sa kaniya.

"Thank you."

Sabi niya sa'kin at saka umalis.

Ngayon ako nalang ulit mag isa rito.

Naalala ko na naman kung bakit ako nandito.

Gusto kong sumigaw pero baka maalarma pa ang mga taong nandito.

Ilang beses ko na bang sinabi na lalayuan ko na siya?

Alam kong kahit mag hintay ako ang ending niya pa rin ay ikakasal siya sa iba.

Matapos kong lagyan ng tubig ang mga dala ko ay hindi ko namalayang mag tubig na ring umagos sa pisngi ko.

Nababaklaan ako sa sarili ko. Sobrang nanghihina ako kasi nasasaktan ako.

Hindi ko alam kung ilang sakit ba ang inipon ko sa loob ko at napa hagulgol nalang ako ng iyak habang naka harap sa mga galon at timbang pinuno ko.

Gusto kong dukutin ang puso ko para mawala 'yong sakit pero wala akong magawa kundi ilabas ang pagod kong sa pag luha ko lang mailalabas.

Pagod na akong maging anak dahil may pinipilit silang kasal sa'kin na hindi ko gusto.

Pagod na akong maging kapatid dahil kailangan kong intindihin ang kapatid ko kahit pa kasalanan niya at maipit sa kagaguhan ginawa niya.

Pagod na akong maging kaibigan para unawain sila at mag paraya.

Pagod na akong maghintay, mag mahal ng walang kasiguraduhan.

Tama nga sila, ang pawis at luha ay parehong tumutulo kapag pagod ka na.

HANDRIKO'S POV

"Nasa'n si Liphyo?" Tanong ni Jhom

"Nasa posohan, nag igib."-Cess

"Inutusan mo?"-Jigs

"Hindi, nag presinta siya."-Cess

Ahh.. mukha ngang wala na kaming tubig.

"Pupuntahan ko do'n."-Jerick

Tumingin ako kay Crenz nang mag presenta si Jerick.

Ang alam ko ayaw niyang mapagod 'tong isang 'to.

"Tara, sama na 'ko."

Sabi ko at saka tumayo.

Kararating lang namin pero kasi ayoko namang mabadtrip si Crenz may nangyari na naman sa duguin na 'to.

"Kailangan niyo pa 'ko don?"-Jm

"Huwag na."

Sagot ko.

Kaya na namin 'to ni Liphyo.

Hindi naman namin pwedeng pag buhatin 'tong isa.

"Alam mo bang may bagong labas na Fuendigo ngayon?"

Gulat akong napatingin sa kaniya. Brand ng sapatos ang tinutukoy niya at kilalang kilala 'yon sa bansa dahil sa tibay no'n at may iba't ibang branches na rin nationwide.

"Oh?"

"Pfft.. shoe collector ka pa rin?"

Natatawang tanong niya.

"Ang cool kaya-"

"Alam ko kaya nag pa order na 'ko."

Pag yayabang niya.

"Ubusan 'yan pag bago diba?"

"Oo, pero si Mama naka hanap siya at naka order na, mukhang last na stock na lang 'yon-"

"Andayaaaa.. gusto ko rin no'n, baka naman meron pang ibang pwedeng orderan?"

Tinawanan niya ako.

"Wala na. Limited edition yung bagong 'yon."

Kinulit ko siya nang kinulit para maka avail din ako ng limited edition na sapatos na 'yon.

Bigla siyang huminto at hinarap ang kamay niya sa dibdib ko kaya nag taka ako sa ginawa niya.

"Bakit?"

Nakatingin lang siya sa posohan kung saan nandoon si Liphyo at naka semi upo sa harap ng isang timba.

Narinig ko ang boses niya na mukhang umiiyak. Kumunot ang noo ko sa awa sa nakikita ko.

Lalapitan ko na sana siya pero hinila at pinigilan ako ni Jerick.

"Huwag mo siyang lalapitan."

Seryosong sabi niya.

"Bakit? Baka may masakit sa kaniya na hindi niya sinasabi."

Pinaatras lang ako ni Jerick.

Kitang kita ko kung paano gumalaw ang balikat ni Liphyo at parang pinipigilan din ang pag iyak niya pero hindi niya magawa.

"Nakita ko na 'to dati."

"Ha?"

"No'ng sinamahan namin siya papunta sa ibang bansa no'ng kinasal sa kapatid niya ang babaeng gustong gusto niya."

Parang may gumuhit na kung ano sa puso ko nang marinig ko 'yon.

"Hindi naman dahil kay Crenz 'yan diba?"

Nag kibit balikat siya.

"Siguro dumagdag nalang din ang kay Crenz na sitwasyon. Kita naman namin kung gaano niya kagusto si Crenz pero pinipigilan niya ang sarili niya dahil gusto ni Mike si Crenz. May problema na siya sa pamilya niya dahil gusto na siyang ipakasal ng magulang niya sa isang di niya kilalang babae at na pipressure siya doon. Balita ko rin na nagkaroon ng kabit ang kuya niya tapos mukhang mauulit na naman ang dahilan kung bakit siya nag layas noon kaya siguro sumabog na siya."

Awang awa akong tumingin sa kaniya. Mahirap talaga kapag mahahalagang tao na ang nakakalaban mo at ayaw mong may masira kaya kinikimkim mo nalang sa loob mo.

Alam ko naman ang assignment ni Crenz tungkol sa kuya ni Liphyo. Hindi ko lang din alam na para na palang apoy sa mitsa si Crenz para sumabog si Liphyo.

"May ugali siyang gaya ng ugali ni Crenz sa kwento ni Tito. Magiging masipag siya at papagurin niya ang sarili niya hanggang sa hindi kayanin ng katawan niya at makatulog nalang para hindi niya maisip ang mga gumugulo sa kaniya."

Magkakaiba ng level sa pag hahandle ng problema ang mga tao. Yung problema ni Liphyo at wala pa sa kalahati sa bigat ng pasanin ni Crenz. Pero hindi ko sila masisi kung gano'ng level lang ng problema ang kaya nilang pasanin.

"Anong mangyayari sa kaniya?"

"Hindi ko alam. Iba iba ang trip niya kapag pagod siya. Tara na."

Naguluhang tumingin ako sa kaniya.

"Bakit? Tutulungan ko pa siya."

"Hayaan mo na siyang mapag isa, hindi niya mailalabas ang nasa loob niya kung bigla tayong papasok."

Nag lakad na siya pabalik sa bahay kaya wala akong choice kundi ang sundan siya.

Kahit naman din siguro ako, hindi ko rin gustong may makakakitang umiiyak ako, pwera nalang no'ng gabing 'yon na sumabog ako dahil sa sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay ng pinsan ko.

Pag balik namin doon ay tinaasan lang ako ng kilay ni Crenz na parang tinatanong kung nasa'n na 'yong isa.

"Siya na raw bahala doon."

Tumayo nalang si Crenz at pumasok sa loob ng bahay. Mukhang hindi naman dito matutulog Charrie.

Ilang minuto ang lumipas ay nakita naming nag bubuhat nga si Liphyo at basa ang mukha niya, mukhang nag hilamos muna bago bumalik dito. Kunware nalang ay hindi naman siya napansin para hindi na rin siya makahalata.

CRENZ'S POV

Pag labas ko pa lang ng tent namin ni Sandra nakita ko na si Pula na maganda ang ngiti habang kausap si Mang Isko.

Tiningnan ko kung anong oras na dahil halos pa sikat palang ang araw.

Alas singko pa lang.

Anong ginagawa niya ng ganitong oras?

Aalis siya nang hindi nag sasabi sa'kin?

"Nag sabi siya sa'kin. Sasama raw muna siya kay Mang Isko para dalawin ang pamangkin ni Mang Isko sa may bundok."-Darrin

"Bundok? Ano namang ambag niya doon?"

"Taga buhat. Marami silang bitbit na prutas at pasalubong."

Napakamot ako sa kilay ko dahil sa stress sa kaniya. Kapag bumalik siyang walang buhay dito baka I double dead ko pa siya.

"Kumilos na naman siya nang mag isa, hindi na naman siya nag iisip."

Ang aga aga binubwiset niya ako.

May pupuntahan pa naman sana kami ngayon kaya rin ako gumising ng maaga.

"Hayaan mo na siya 'te tutal good mood ka naman kasi nakita mo na si Kuya Ryker."

Bulong niya.

"Anong kinalaman no'n?"

Irap ko sa kaniya at saka kami nag lakad papunta sa tambayan para umupo.

"Mag kwento ka 'te."

"Para namang hindi mo 'ko kilala."

Simpleng tugon ko.

"Tss.. tamad mo. Gusto mo ng kape?"

Tumango lang ako at umalis siya.

Mag papasama kasi dapat ako kay Pula pumunta sa taniman ng mga herbs at tea. Malay ko bang gumawa siya ng sarili niyang schedule.

Nangalumbaba nalang ako sa mesa.

Gusto ko rin kasi tikman ulit yung tinapay na binake niya. Iyon ata ang cravings ko ngayon.

Lumipas ang oras at nagising silang lahat tapos nag kayayaan lang na mag palipad ng saranggola sa may Kayohan.

Malawak ang space doon at mahangin.

Humiga lang ako sa taas ng puno habang hinihintay ang pag dating ni Pula.

Alas tres na pero wala pa rin siya. Pinagalitan ko rin si Hans dahil hindi niya inalam na may sarili na palang lakad si Pula ngayon.

Hindi naman na kami aalis kasi nga umalis na siya pero siguro inaalala ko lang din kung safe siyang makakauwi.

Ilang minuto rin ata akong naka pikit nang

"Uy Jhonzel!"

Napa dilat ako at agad na tiningnan ang baba kung nandoon na nga ba si Pula.

"Binigyan ako ng kaimito ni Mang Isko."

Tinaas niya ang dalawang plastic na dala niya. Dinumog naman agad siya nila Jm.

Napanatag na rin akong buo siyang bumalik dito sa'min.

Kung pwede ko lang siyang saktan ngayon ginawa ko na, tinatamad kasi akong mag salita at kumilos ngayon eh kaya dibale na, hihingalin lang ako pag binalibag ko siya.

"Yara, kaimito."

Alos sa'kin ni Hans sa baba ng puno.

"Ayoko."

"Masarap siya at sobrang tamis."

Kahit gaano pa kasarap yan kung wala ako sa mood ngumuya ng kung ano ano, hindi rin ako kakain.

"Ubusin niyo na."

Tugon ko at saka pumikit at sinamyo ang malinis at sariwang hangin dito sa taas.

"Mag titira nalang ako para sa'yo."

Nag lakad na siya palayo.

Gusto ko ng tinapay, yung gaya ng tinapay na ginawa niya.

Buong araw ata akong wala sa mood dahil sa tinapay na 'yon. Hindi ko naman masabi sa kaniya na gusto ko no'n at gawan niya ako.

Hanggang mag gabi ay tahimik lang ako na wala namang pinag bago.

"Saan tayo pupunta bukas Crenz?"-Nemi

Hindi na ulit pinaapak sa rice field dahil sa kalokohan na ginawa namin noong nakaraan.

"Hindi ko alam."

Walang ganang sagot ko.

Naka baluktot lang akong nakaupo dahil sa lamig.

Lagi namang malamig pero ngayon feeling ko mas lumamig pa.

"Ate."

Lumapit sa'kin si Darrin at saka niyakap ang sarili niya sa gilid ko. Mas ok 'to, nawawala ng konti ang lamig dahil sa kaniya.

"Bakit?"

Tanong ko sa kaniya habang naka hilig siya sa balikat ko.

"Bisitahin natin yung farm."

Oo nga pala, nandoon si whacky at ang iba ko pang alaga.

Wala ang mga lalaki dahil nasa posohan at nag iigib at ang mga babae naman ay nandito at kumakain ng mga prutas.

"Sige, gusto kong makita si Winnie."

Nag ligalig sa tabi ko si Darrin dahil sa excitement.

"Winnie? Sounds cute."-Nemi

"Pfft."-Darrin

Bakit? Cute naman si Winnie ah.

Nag kwentuhan sila Nemi at si Sandra parang nag tatampo pa rin sa'kin na nag lihim ako tungkol sa lupang 'to.

Actually hindi ko naman nililihim 'yon, hindi lang sila nag tanong dahil naka set na ang utak nilang hindi ko magiging lupa ang ganito kalaking hectares dahil nga sa klase ng pamumuhay namin.

"Ate."

"Ano?"

Mukhang may kailangan kaya grabe maka yapos.

"Sa Manila ako pinag aaral ni Mama."

Malungkot na balita niya.

"Oh? Anong problema mo?"

"Gusto ko rito para mabantayan ko siya."

Lalo niya lang ata siniksik ang sarili niya sa'kin.

"Hindi ka pwedeng mag stay dito kasi kapag ayos na ang pera sa operation ni Mama, sa Manila siya mag papa confine at doon mag a undergo ng surgery."

Mabilis niya akong tinignan.

"Talaga?"

Tumango ako.

"Ibig sabihin pinapauna niya lang kami ni kuya dito?"

"Uh? Kasama si Darwin?"

Isa rin kasi ang batang 'yon na ayaw pumunta sa Manila para doon mag aral.

Tumango siya.

"Tapusin niyo na ang school year niyo rito tapos sa Manila na kayo mag patuloy."

Humilig muli siya sa'kin.

"Ate."

Bulong niya sa'kin.

"Kung gusto ko si ate Cess ok lang ba sa'yo?"

Para akong nag loading sa sinabi niya.

Napatingin pa ako sa mga dahon sa taas namin para lang i absorb ng utak ko ang gusto niyang iparating.

"Ha?"

Baka talaga may mali lang sa narinig ko.

"Iibahin ko ang tanong. Kapag ba nagka gusto ako sa babae, ok lang sa'yo?"

Bulong lang niya 'yon at kahit naman mag normal voice lang siya at hindi siya maririnig nila Nemi dahil sa tawanan nila.

Kumunot ang noo ko at saka tumayo.

Mag lalakad na sana ako kaya lang naalala kong slow din ang kapatid ko kaya ang ginawa ko ay hinawakan ko ang hood ng jacket niya at saka siya pinasunod sa'kin.

Mukhang nag tataka ang iba pero hindi ko na sila pinansin.

"Sa'n tayo pupunta?"

Takang tanong niya.

Hindi ko alam kung bakit ganito sila. I mean ok lang sa'kin ang gusto nila pero ang complicated naman kasi nila gaya ni Raffy at Chelsea tapos dadagdag pa siya?

Huminto kami sa tuktok ng parang bundok kung saan nandoon ang Kayohan.

"Ulitin mo nga ang tanong mo?"

"Narinig mo naman ako diba?"

"Gusto ko lang linawin dahil parang mali ang pagkaka rinig ko-"

"Tama ang narinig mo. Gusto ko si ate Cess."

Nakayukong pag amin niya.

Walang kaso talaga sa'kin ang gusto niya kaya lang si Mama kapag nalaman 'to baka mas lalong atakihin sa kaniya.

Para sa mata ng ibang tao ay immoral ang ganitong bagay. Ayokong husgahan siya ng iba, sila ni Raffy ayokong masaktan dahil sa matabil na dila ng ibang tao.

"Tigilan mo, Darrin Vilarde."

Yumuko siya at saka kinagat ang hintuturo niya. Ganiyan siya kapag alam niyang pagagalitan siya.

Huminga ako ng malalim dahil kahit anong isip ko ay hindi ko maintindihan kung bakit.

"Kaya ba nag tanong ka sa'kin no'ng nakaraan kung ayos lang sa'kin na mag kagusto ka sa babae?"

"Naitanong ko 'yon dahil hindi pa ako nag kakagusto sa lalaki-"

"Hindi naman kasi dapat 'yon ang inaatupag mo ngayon. Mag aral ka lang gaya ng gusto ni Mama at Papa."

"Nag aaral naman ako. Normal lang sa ganitong edad ang dumiscover ng kung ano ano. Gaya nalang ng ginawa mo kaya nabuo si Charrie-"

Muntik nang lumaki ang mata ko sa ginawa niyang example.

*Pak*

"Siraulo ka ba?"

"Aw."

Himas niya sa braso niya nang hampasin ko.

"Iba ako at iba ka, huwag kang gagaya sa mali ko o ng iba-"

"Hindi ko naman gagawin 'yon, ang point ko lang nasa age ako kung saan nag a adventure ako at alam ko naman ang limit ko. Nakakakita naman ako ng mga maiitsurang lalaki pero hindi ko sila magawang maappreciate."

Hinilot ko ang sentido ko.

"Kaya naisip mo na babae ang gusto mo?"

"Unang beses ko lang 'to naramdaman. Noong una sabi ko dahil gusto ko lang siyang I entertain habang nandito kayo, masyado siyang tahimik at may pagka misteryosa gaya mo pero habang tumatagal may mga kiliti akong nararamdaman sa loob ko."

Hindi ko naman sila masisisi pero natatakot ako para sa kanila.

"Straight si Princess."

"Alam ko."

"Tigilan mo na."

"Ateeee.."

Umiiyak na aniya.

Nahabag ang loob ko sa pinapakita niya ngayon.

"Gusto mong saktan ang sarili mo? Nasa organization siya, alam mo kung anong effort ang ginagawa ko para lang ilayo kayo sa organization na 'yan."

Kaya nawala ang goods producer ng organization ay dahil pinull out ko lahat ng kahit anong mag uugnay sa kanila mula sa organization. Ayokong umalis noon na alam kong may koneksyon sila sa organization kaya ngayong bumalik ako, kaya ko na silang I manage at papayag akong umangkat muli sila sa'min.

"Ate, alam naman natin na kahit anong takbo natin palayo sa organization na 'yan didikit pa rin tayo sa kanila. Ikaw mismo alam mo sa sarili mo kung bakit."

"Pero iba kayo at iba ako-"

"PAMILYA TAYO! ANO BANG IBA ANG PINAG SASASABI MO?! Lumaki akong nakikita lahat ng pag papahirap sa'yo, ikaw si Crenz Yara Vilarde at kung hindi ka Vilarde sa tingin mo may kaugnayan pa kami sa'yo?"

Nanlalambot ang tuhod ko sa pinag uusapan namin. Lahat ng sinasabi niya ay totoo.

Napahilamos ako sa mukha ko.

"Darrin, sa ginagawa mo ikaw mismo ang lumalapit sa kanila. Naiintindihan mo ba?"

"Sa'yo na nanggaling na straight siya. Hindi siya mag kakagusto sa'kin."

Nakayukong sagot niya.

"Karamihan naman straight no'ng una pero nag kagusto rin sa kapwa nila. Anong mangyayari kung magkagusto rin siya sa'yo?"

Wala namang dapat sisihin dito kasi alam ko namang hindi mo mapipigilan ang puso mo kapag ganito na ang usapan. Napatunayan ko na 'yan sa magulang ko mismo kaya hindi ko siya masisi pero natatakot pa rin ako. Lumiliit na ang mundo namin ng organization.

"Hayaan mo lang akong mag kagusto sa kaniya. Kung magustuhan niya ako wala akong gagawin na sobra pa sa pagkakagusto sa kaniya. Gusto ko lang siyang magustuhan, ibalik man niya o hindi."

Tinalikuran niya ako para ayusin ang sarili niya at nag simulang mag lakad.

Inis na napa buntong hininga ako.

"Sandali!"

Hinabol ko siya at pinaharap ulit sa'kin.

Gulat siyang tumingin sa mata ko.

"Gawin mo kung anong gusto mong gawin PERO!"

Kunot noong inantay niya ang susunod kong sasabihin.

"Pero?"

"Hanggat hindi pa tapos ang operation ni Mama, huwag kang gagawa ng ikagugulat at ikasasama ng loob niya. Lagi mong isipin unahin ang pamilya bago ang gusto mo. Sa amin ka pa rin tatakbo kapag nahihirapan ka gaya ng ginagawa ko kapag nahihirapan ako."

Nag liwanag ang mga mata niya.

"Talaga?! As in? Payag ka na?"

"Yung sinabi ko."

Paalala ko ulit.

"Opo.. basta payag ka na ah, wala nang bawian."

Mga segurista ang mga nakapaligid sa'kin jusme.

"Oo na, ngayon ikwento mo sa'kin kung bakit."

Eto lang din ang naiisip kong way para mapalapit ulit sa mga kapatid ko, ang alamin kung ano ang nasa isip nila.

Bumaba na kami habang nag kukwento siya.

Sinasabi niya na cute si Cess at kung ano ano pa kahit masungit ito. Ngayon palang gusto ko na sipagin si Princess maiisip ko palang na masasaktan niya si Darrin nang hindi niya alam.

Hindi ko naman siya masisisi kasi choice 'yon ni Darrin.

Sinalubong ako ni Charrie pag baba namin at kasama niya si Princess. Nawala ang ang ngiti ni Darrin.

"Kanina pa niya kayo hinahanap."

Walang emosyong pahayag ni Cess.

"Akina si Charrie papakainin ko na."

Nag palitan ang tingin ko sa kanila.

Mukhang umiiwas ngayon si Darrin, nahihiya ba siya dahil sa'kin?

"Nag away ba kayo?"

"Hindi/No"

Mabilis na sagot nila.

"Dibale na, ako na bahala kay Charrie."

Inakay ko si Charrie hanggang sa tambayan at nag handa ng kakainin niya. Bahala silang mag away doon.

~~~

11pm at gising pa rin ang iba pero ang iba rin naman ay nasa tent na.

"Milk."

Nilapag ni Princess sa harap ko ang gatas at kasama niya si Nemi.

"Bakit hindi pa kayo natutulog?"

"Si Cess kasi ayaw pa matulog."-Nemi

"Dala ko ba ang higaan?"-Cess

"Ihhh.. alam mo namang natatakot ako mag isa."-Nemi

"Di pa ako inaantok."

Reklamo ni Cess.

Umupo sila sa harap ko.

"Ikaw? Bakit hindi ka pa tulog?"-Nemi

"Sasabihin lang niyan 'kasi gising pa ako' huwag mo siyang tanungin ng ganiyan."-Cess

Woooh.. kilala na ako ni Cess.

"Ang galing mo ah."

Puri ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako.

"Ano bang iniisip mo?"-Nemi

"Marami."

"Mag bigay ka ng isa."

"Bakit? Aakuhin mo ba problema ko kapag sinabi ko sa'yo?"

Seryosong tanong ko sa kaniya.

"Haist."-Cess

Natatawa talaga ako sa itsura nila. Gusto kong makita ang sarili ko sa paningin ng iba kung pwede lang sana.

"Ang sipag ng alaga mo ngayon ah."-Nemi

"Sinong alaga?"-me

"Attienza."-Nemi

Ahhh.. that stupid freak.

"Hayaan mo siya."

"Diba umalis siya kaninang umaga tapos pag balik niya sinamahan pa niya si Darwin umakyat sa puno ng buko tapos pag uwi niya tumulong pa siyang mag igib ng tubig kaya ayon bagsak siya."-Nemi

"Sino ba kasi nag sabing gawin niya 'yon? Hindi ko naman inutos na gawin niya 'yon kaya huwag siyang mag rereklamo."

Ininom ko nalang ang gatas. Kung wala si Nina may papalit naman sa kaniya para pa inumin ako.

"May problema siya?"-Nemi

"Baka sa assignment natin."-Cess

"Ahhh.. yung sa kuya niya."-Nemi

Muntik ko na makalimutang kasama ko sila sa assignment na 'yon.

"Kumusta pala 'yon? Malapit na manganak yung babae."-me

Ang nagawa ko pa lang ay ihanda si Pula.

"Hindi pa alam ng elders 'yon."-Nemi

"Alin?"-Cess

"Na may buntis sa org at walang Ama ang bata."-Nemi

Ano ba kasing iniisip nung kuya ni Pula? Gano'n ba talaga ang tawag ng laman?

"Pag balik natin asikasuhin na agad natin. Kapag namatay ang babae 'yon baka isumpa na talaga ako ni Pula."

"Heee.. mahirap yan, inaalam mo na ang mararamdaman ni Attienza."-Cess

"Na attach ka na sa kaniya."-Nemi

"Pinag sasasabi niyo?"

*Slurp*

"Pero mukhang andami niyang problema 'no?"-Nemi

"Parang wala namang nag bago sa kaniya."-Cess

"Anong wala? Palibhasa nag papakulit ka lang nang nag papakulit kay Darrin kaya hindi mo nakikita ang iba."

Nginiwian siya ni Cess.

"Hindi ako nag papakulit sa kaniya."

"Pag pasensyahan mo nalang siya. Konting tiis nalang aalis na rin naman tayo rito."-me

Inaalam ko kung anong magiging reaksyon niya mula sa mata niya.

Mukhang wala lang sa mukha niya ang sinabi ko pero may something sa mata niya.

Nag iwas lang siya ng tingin sa'min.

Hmmm.. hindi ko siya makuha kasi normal lang ang lahat ng kinikilos niya.

"Wala sa'kin 'yon. Bakit ba ako na ang pinag uusapan? Balik tayo sa assignment natin."-Cess

Inasar muna siya ni Nemi bago bumalik sa topic namin.

"Rape na ba ang nangyari?"

"I don't think so."

"Pero parang gano'n."

Hinayaan ko silang mag usap.

"Yung babae nag tatrabaho sa bar tapos suki ng bar yung Attienza at nalasing si lalaki pero sumama si babae sa kaniya. Matagal nang may gusto ang babae sa kaniya. Hindi naman siya nag pumiglas no'n."-Nemi

"Alam pa ng lalaki-"

"Mali sila pareho. Huwag niyo na pag talunan kung sino ang mali."

Ang pangit naman na isisilang ang bata na magiging bunga ng pagkakamali.

"Ikaw Crenz? Paano na buo si Charrie?"-Cess

Mula sa pag inom ay umangat ang tingin ko sa kanilang parehong naka abang sa'kin.

"May love ba?"-Nemi

Binaba ko ang iniinom ko.

"Oo naman, may love."

"Marunong kang mag mahal?"-Cess

*Pak*

Hinampas siya ni Nemi.

"Mahirap siyang i explain."

"O baka tinatamad ka lang i explain?"-Nemi

"Complicated siyang i explain."

"Bakit? Gaano ka complicated? Pati pamilya mo hindi alam kung sino ang tatay ng bata."-Cess

"Soon.. maipapaliwanag ko rin. Malapit na 'yon, kung interesado kayo mag antay nalang kayo sa soon na 'yon."

Nag katinginan sila.

"Ok, we'll wait for that soon."

Pfft.. gano'n sila ka interesado na soon na 'yon?

PRINCESS' POV

Nasa isang taniman na naman kaming lahat.

"Ano 'tong mga 'to?"- Nemi

Inamoy ko ang dahon.

"Tea."

"Ha?"

"Ginagamit to sa pang tsaa."

"Weeh? Ito 'yon?"

Tiningnan ko siya ng walang kwenta look

"Paulit ulit?"

Bago kami pumunta sa farm na sinasabi nila kagabi idinaan muna kami ni Crenz dito sa malawak na lupain na 'to.

"Kay Crenz din ba 'tong lupa?"-Sandra

"Hindi, sabi niya yung baryo lang nila ang kaniya."-Me

"Hoy nerd! Tawag ka ni Tita!"

Sigaw sa'kin ni Migs.

Siraulo talaga!

Sinabing hindi nga ako tatanggap ng tawag mula kina Mama kasi hindi nila ako pinayagan pero no choice sila.

Sinenyasan ko siyang sabihing wala ako at nag ok sign naman siya.

"Tita sabi niya wala raw po siya rito."

Nakangiting sagot ni Migs sa cellphone niya.

"HAHAHAHAHA.."

Tawanan ng mga siraulo naming lalaki at syempre kasama na yung limang sabit dito sa byahe.

"Sige po Tita.. ok po."

Pag baba niya ng cellphone niya ay agad ko siyang binato ng maliit na batong dinampot ko.

"Uy!"-Migs

"Wala ka talagang kwenta!"

Tinawanan lang nila ako. Oo lahat sila.

"Tara doon tayo. Bean coffee 'yon diba?"-Nemi

Yay! Ang ganda rito sa kanila.

Pumunta kaming mga babae sa tinuro niya.

"Ang galing."-ako

"Ngayon palang ako nakakita nito na nasa puno pa niya."-Sandra

"Picture tayo!"-Nemi

Ang taas ng storage ng phone nila ah. Halos lahat ata ng madaanan namin simula no'ng dumating kami rito puro picture na.

"Kukunan ko kayo."-me

"Sumama ka."-Nemi

"Sige, next time."-me

Inirapan nila ako pareho.

Ayaw ko no'ng kada puntahan ay picture nang picture hindi ako sanay ngumiti.

Kinunan ko sila ng picture.

Natinag nalang kaming tatlo nang marinig namin ang boses ni Hans parang stress na stress sa kinakausap niya.

"Blood."-Nemi

Ha? Blood?

Sa'n?

Mabilis lumapit si Nemi kina Crenz na ngayon ay nag aaway.

"Crenz Yara please!"-Hans

"Ok lang ako!"

Nag papamatigasan sila.

Lahat tuloy kami ay lumapit na sa kanilang dalawa.

"What happened?"-Sandra

Nakita naming may tumulo sa mula sa kamay ni Crenz.

"Blood!"-Sandra

Tulo lang iyon nang tulo.

"Ano bang nangyari?!"

Gulat na tanong ni Nemi at saka hahawakan sana si Crenz pero tinabig niya ito.

"Ngayon lang ba kayo na nakakita ng sugat na dumudugo?"

Singhal ni Crenz sa'min.

"You need to clean it up."

"Kailangan ko lang ng panyo para di umagos ang dugo."-Crenz

"Kukuha ako ng kit"-Liphyo

Nag madaling umalis si Liphyo at hindi ko alam kung saan pumunta.

"Wag nga kayong OA."-Crenz

"Ano bang nangyari?"-Jm

"Nabagsakan siya ng ibang tool sa loob pero hindi naman sa katawan, may dumaplis lang na matulis na bagay sa may siko niya."-Darrin

At bakit naman kasi nasa delikadong lugar siya?

Nakita naming bumalik si Liphyo na may dalang kit at hawak niya ang alcohol.

"Alis na tayo rito, punta na tayong farm."

*Pssft pssft!*

Dahil nakatalikod si Crenz ay hindi niya nakitang nasa likod na niya si Liphyo.

Gulat pa kami sa ginawa ni Liphyo dahil alam kong sobrang hapdi no'n kapag alcohol ang inispray.

Natigilan si Crenz at parang inaamoy pa niya ang mabangong amoy na sumama sa hangin.

Maya maya lang ay napayukom siya ng kamao niya at saka tumingin sa likod niya.

Nagulat kami nang yakapin niya si Liphyo at binuro ang mukha niya sa may balikat nito.

Nanlaki ang mata ni Liphyo at napa hawak kay Jm na pinaka malapit sa kaniya.

"AHHHHHHHH!!"-Jm

Napangiwi kami nang mapag tantong kinakagat ni Crenz si Liphyo dahil sa hapdi at si Liphyo naman ay humawak kay JM para may mapag kapitan dahil sa sakit. Kahit walang kahit anong boses na nag mula kay Liphyo ay alam namin kung gaano kasakit ang tinitiis niya ngayon.

"Nag sama sama ang mga weird."-Nemi

"Ang sakit no'n."

Naiimagine ko palang nasasaktan na 'ko.

Sobrang hapdi no'n for sure.

"Ouch."-Jhom

"Woooh HAHAHA deserve"-Austin

Mga ilang segundo rin bago paunti unting lumuwang ang pagka kapit ni Liphyo kay Jm.

Nakangiwi lang kami sa kanila.

"Ano Attienza? Hindi na madiin?"-Hans

"M-masakit."-Liphyo

"Pfft! HAHAHA malamang, kanina ka pa nasasaktan ngayon ka lang nag salita?"-Migs

In fairness kay Crenz ah, alam niya kung saan haharap at kung sino ang parurusahan.

Nanghihinang lumupaypay din ang kamay ni Crenz as sign na bearable na ang pain.

"Dahil sa alcohol tatlo silang nasaktan HAHAHAHA *Pak* aray."

Hinampas ni Darwin si Darrin.

Lumayo si Crenz at mukhang tiningnan nang masama si Liphyo.

"Hoy... PANG ILANG BESES MO NA 'TO GINAWA! *Pak* SIRA BA TALAGA TUKTOK MO?!"

Hindi na kami nagulat nang sigawan siya ni Crenz kasi kahit ako baka bugbugin ko pa siya sa ginawa niya.

"Aray.. hindi ka naman mag papalagay ng alcohol sa sugat mo diba? Bakit pa ako mag papaalam?!"

"Pfft.."

Nag pigil kami pare pareho ng tawa dahil sa kanila.

"Heh! Manahimik na kayong dalawa. Tara doon sa kubo. Nemi samahan mo ako."-Hans

Nag lakad si Hans at Nemi papasok sa isang bahay habang yung dalawa...

"Doon daw-"-Liphyo

"Bitiwan mo ko! Wag mo 'kong hawakan baka mawalan ka ng hininga diyan!"-Crenz

Haaaay.. kung hindi si Nemi at Jm, sila naman ang mag babangayan.

"Nasaktan din ako."-Liphyo

"Deserve mo 'yon!"-Crenz

Inis nag marcha si Crenz papunta sa lugar kung saan sinabi ni Hans na pumunta sila. Nag try mag explain si Liphyo pero binabara lang siya ni Crenz.

"Nasa'n -"

"Sumama kina kuya Hans."

Hinahanap ko si Sandra dahil nawala sa paningin ko.

Agad napako ang tingin ko sa kamay niyang may dugo rin.

"Ano yan?"

"Ha?" Tumingin siya sa kamay niya.

"Wala 'to-"

"Patingin."

Kukunin ko sana ang kamay niya pero nilayo niya lang sa'kin nang mabilis.

"Wala nga 'to."

Kinamot ko ang kilay ko dahil medyo nakakainis.

Nag lakad siya konti para tingnan ang ilang mga coffee beans.

"Linisan mo ang sugat mo Darrin -"

"Ayos lang ako-"

Mabilis kong kinuha at tinaas ang kamay niya.

Dumudugo ang kamay niya tapos sasabihin niyang ayos siya?

Gulat siyang tumingin sa'kin

"Hindi ayos ang masugatan dahil sa aksidente."

Nakipag patalasan siya sa'kin ng tingin.

"Sounds funny but I prefer this open wound of mine."

"Ano?"

Gulong tanong ko.

Siya lang ata ang nakilala kong gusto ang sugat niyang ganiyan.

"Niligtas ko si ate sa pamamagitan ng kamay na 'to."

Yung knuckle niya ang may sugat, mukhang nadaplisan din siya no'ng mga bagay na nahulog kay Crenz pero ang kay Crenz ang malala.

"That's why I'm telling you to clean -"

"I'm estimating my pain."

Ano bang pinag sasasabi niya? Pareho sila ng ate niyang sobra sobra pa sa'kin ang pagka wirdo.

"Pain for what?"

Naiiritang tanong ko.

"If what's hurting me the most. My knuckle or the pain in my chest because of you."

Napa pikit nalang ako sa inis. Ayan! 'yan mismo ang nag papagulo sa utak ko. 'yang mga sinasabi niyang hindi naman niya maintindihan o hindi niya mean sabihin.

"Stop saying again that you like me or whatever that you don't mean to say. Ayoko ng mga salita mong binibigyan ako ng double meaning kahit hindi gano'n ang pinaparating mo. Na mimisunderstood kita at ng mga nasa paligid natin."

Paliwanag ko habang tinatago ang inis kong gustong gusto kumawala.

The last time I checked I'm still straight as ruler. I liked a couple of guys before and it's beyond my imagination to have a girlfriend.

"Sige po."

Nakayukong aniya.

See hindi niya mean 'yon.

Nag lakad siya palayo sa'kin. May ilang araw na rin ata niya akong hindi kinukulit kaya naninibago ako.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa bahay na pinasukan ni Liphyo kanina.

She's really a good catch.

Humble, kind, gentlewoman, respectful, beautiful, caring, intelligent and athletic. Kailangan niya lang ng kaliwanagan ngayon dahil bata pa siya. She's like Sandra for me. Nakababatang kapatid lang ang pwede kong maibigay sa kaniya...

Ata?

She's slowly bending my gender preference.

I must wake up.

She's straight Princess Montemayor for goodness sake! Don't ruin a relationship!

Pero kasi siya-

Nakaka confuse 'yong batang 'yon. Nababaliw na nga talaga ako.