45

RAFFY'S POV

Maaga akong nagising dahil nga susunduin namin sila Crenz but before I went up, I've been mesmerized by the beauty of my naked girlfriend under the blanket while she's hugging me.

I gently gave her a peck on her forehead and on her lips.

"Hmm.."

Did I wake her up?

She hugged me tightly.

I stay a little longer and finally slowly released myself from her.

"Rafhmmm.."

I smiled when I heard that she's still saying my name even on her dreams.

Inayos ko muna ang pag kakakumot sa kaniya at saka lumabas ng bahay niya.

Actually hindi ko talaga alam na may sarili na siyang unit, mukhang wala siyang balak sabihin sa'kin kung hindi ko lang nakitang binuksan niya ang pinto ng bahay na 'to kagabi.

Napatanong pa ako kay Tyro kung bestfriend ba niya ang nag bukas ng pinto saka ko lang nalaman na may iba na siyang tinutuluyan. Trinack namin si Nina gamit ang device na ininvent ko para hagilapin noon si Crenz. That device really pointing where exactly my target is and that's because of their phones.

Bumalik ako sa bahay ko para mag asikaso and I saw Drei just finish taking a bath.

"Where have you been?"

"Somewhere."

Walang ganang tugon ko.

"Somewhere? Are you dating someone?"

"It's none of your business."

"It's my business because you're my sister."

"It doesn't to do anything with you."

"Hey, why are you being like this?"

May inis na tanong niya.

"Do you like Chelsea?"

Walang ka abog abog na tanong ko.

"No."

"Before?"

"No."

Really?

"Then why are you both so close before? You both even have an issue that there's something happening between the two of you."

I looked at him emotionless

"Pfft!"

Seriously? Anong nakakatawa?

Lalo ko lang ata gustong mag taray.

"What?"

"Is this because of Chelsea? Are you two dating now? Really? Wow... She really has a courage now."

I looked at him in puzzled.

"Answer me. I don't want to fight with you over a girl-"

"There's nothing to fight with. She's just came to me before to ask about you. We only talk about you and you and you. I like someone else and Chelsea is just a little sister to me like you."

I cleared my throat.

Atleast we don't need to fight because of a girl.

"It's just because of me? Nothing more?"

Nakangiti siyang ginulo ang buhok ko.

"If it's not you then who else? There's nothing to be worry about Rafflesia. We're living in the new era where people around us are slowly accepting the same sex love. You don't need to choose between whom you're going to protect first if it's Ashariya, Crenz or Chelsea. Leave to us Ash and Crenz besides you've done enough for the both of them. Follow what you want and worry less. We all can give to Ash, Bern and Crenz our lives and that just the proof that in taking care of them you're not alone. Masyado ka nang nag sa stand out sa paningin ni Crenz, bigyan mo naman kami ng chance mag palakas kay Crenz."

I can't help it, masyadong na fa flutter ang puso ko sa sinasabi niya. Ngayon ko naalala na hindi lang ako nag iisa rito, nasanay kasi ako.

"I- I-"

"Why? Wala kang tiwala sa'min? Mas magaling ka lang sa'min pero ang galing namin ay malapit na sa galing mo. Alam mo kung anong sasabihin ni Crenz sa sitwasyon na 'yan?"

"Nakausap ko na siya. She wants me to do what you exactly wanted."

"See? Even Crenz told you so. Bumalik na kami li'l bro, ipaubaya mo sa'min ang ilan sa mga gawain mo. Kahit naman anong sabi namin sa'yo hindi mo pa rin titigilan sundan si Crenz na ok naman pero huwag mo rin kalimutan ang gusto mo. Ayaw ni Crenz magaya tayo sa kaniya na inuuna ang kapakanan ng iba kesa sa sarili niyang kagustuhan."

Hindi ko akalaing darating kami sa ganitong pag uusap. Usually kapag mag kasama kami kung hindi org ang usapan namin, pamilya naman, hindi pa kami nakakapag usap ng masinsinan gaya nito dahil sobrang dalang din namin mag kita o mag usap.

"Can I really have Chelsea?"

"Chelsea is always been into you."

"Can I have her as my girlfriend?"

"You can."

Pag aassure niya sa'kin.

"But-"

"You went through a lot Raffy. Mahirap basahin si Crenz pero kahit hirap ka nag stay ka pa rin sa tabi niya. Stop being paranoid and start to think about yourself, kapag nawala sa'yo si Chelsea baka mabaliw ka."

Kinindatan niya ako bago niya ako tinalikuran.

Mawala siya? Paparusahan ko ang magiging dahilan ng pag kawala niya kung gano'n.

Inasikaso ko na ang sarili ko para sa pag alis namin.

Pag akyat namin sa rooftop ay nandoon na si Tyro kasama ang ilan sa mga pilot.

"Did you talked to Nina?"

"Of course, she almost kill me last night but it's fine I still love her."

Natawa kami ng mahina ni Drei.

Sumakay na kami sa helicopter.

Nag assistant pilot ako sa helicopter na papaandarin ni Tyro while my brother is on other helicopter and being a assistant pilot also.

"Did it well last night?"-Tyro

"All is fine."

"Woah.. you slept on her unit?"

"So what? I'm planning to ask her to be my girlfriend one of these days."

"Woaaah! Did something happened? Who opened your narrowed mind about relationship?"

Manghang tanong niya.

"Just don't spoil anything Tyro."

"I will not. You don't know how much you hurt her before."

"We both hurt."

"Then don't repeat a same mistake. I may be too hard with her but as her bestfriend I don't want her to get hurt by someone she loves. She's too precious to be taken for granted."

Ngayon ko lang narealize na siguro nga sobrang nahirapan siya nang dahil sa'kin noon. Kahit mga kaibigan namin sinasabing nahirapan siya at ayoko na ulit siyang mahirapan ngayon.

"I'll try my best."

"Ask me anything you want to know about her, I might help you."

They really trying to help me.

All of them.

But I don't want to think about it for now, I'll try to figure it out by myself.

Pinaandar na namin ang helicopter at bumyahe rin ng ilang oras.

Pag lapag namin sa probinsya nila nag travel pa kami para pumasok sa baryo nila para sunduin sila.

"Woah halos walang nag bago."-Tyro

"Kumusta naman kaya ang alaga niyang buwaya?"-Drei

Ahhh.. right, si Winnie.

Nag lakad kami hanggang maka rating kami sa bahay nila Crenz.

"They're still fighting?"-Tyro

"As usual."-Drei

Napa iling nalang kami nang makita namin si Nemi at Jm na nag tatalo at binato pa ni Nemi si Jm ng ilang damit.

"Tita Raffy!"

Agad bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang maliit na boses na 'yon.

"Baby!"

Mabilis siyang tumakbo sa'kin at pag lapit niya at agad ko siyang binuhat at saka niyakap.

"Uh?"-Tyro

"Hi baby."-Drei

"Hello Tito Drei."

Kaway ni Charrie sa kapatid ko.

"Hello Tito Tyro."

Kaway din niya kay Tyro.

Yeah, pinakilala naman namin kay Charrie sa pamamagitan ng picture ang mga kaibigan namin na pwede niyang pagkatiwalaan.

"Tito Tyro? Do I know you little- she looks like Crenz."

Takang aniya na may ngiti sa labi niya pero nag tataka pa rin.

"Did she?"

Nakangiting tanong ko sa kaniya.

"Yeah, she resembles a lot with Crenz."-Tyro

See? Kahit sinong makakita sa bata nag sasabing kamukha siya ng ina niya.

"That's because she's my daughter."

May seryosong boses na nag salita sa likod namin.

"Crenz!"

Masayang bati ko sa kaniya.

"Put her down Raffy, she's old enough to be carried."

Yumakap sa'kin si Charrie.

"Pfft.. did you two fight?"

Mukhang magkaaway sila ngayon ah?

"Wait? Your daughter?"

Takang tanong ni Tyro.

"Yeah."

"Wait hahaha I don't understand."-Tyro

Natatawang aniya at saka sumeryoso ng itsura.

"You gave birth to this child?"-Tyro

"That's why she exist."-Crenz

Binaba ko si Charrie.

"CRENZ!"

Nagulat kami sa sigaw ni Tyro maging si Crenz naman ay nagulat din doon.

"C'mon baby, let's go to your house."

Sabi ni Drei para hindi na matakot pa si Charrie. Sumama naman si Charrie kay Kuya.

Nag sukatan ng tingin si Crenz at Tyro.

Paano kapag nagka harap ang dalawang mag kaugali kapag seryoso sila pareho?

Si Tyro ay kaugali talaga ni Crenz sa seryosong bagay. They're both has a killer eyes and both a critical thinker.

"Uhmm.. you should talk about it in a nice way, I'm out of here."

Mabilis ko silang iniwan dahil ayokong maipit sa usapan nila. Pareho silang palaban at ako naman ay titiklop kapag seryoso na sila pareho.

"Drei! Wait."

Humabol ako sa kanila at saka nginitian si Charrie.

"Raffy?"-Sandra

"Hi, Cassie!"

Ngiti ko sa kaniya at saka bumeso sa kaniya.

Hmm.. medyo nangitim siya konti.

"Hey, Cassie."

Bati sa kaniya ni Drei.

Nanlaki ang mata ni Sandra nang makita si Drei.

"Kuya Drei?"

"Annyeong."

Ngiti ni Drei.

"Oh my.."

Naging malikot ang mata niya na parang ang laki ng problema niya.

"Why?"-Me

"So it means Ryker is back?"

Ahhh.. gusto nga pala niya si Ryker.

"Yeah, he's already in the country."-Drei

Nag kamustahan sila habang ako ay umikot lang sa bahay nila at humahanap ng tubig.

"Oh, tubig."

Napatingin ako sa nag salita sa likod ko.

"Princess."

Nakangiting bati ko.

"Hmm.."

Tango niya lang.

Feeling ko napapaligiran ako ng mga ka behaviour ni Crenz.

"Ganiyan ka ba talaga? Ganda mo pa naman sana kung hindi ka lang katulad ni Crenz."

"Kaugali mo rin naman si Crenz, pareho kayo kung paano mag sungit."

"Pero katulad mo siya mambara pati na 'yang katahimikan mo."

Ininom ko ang tubig na binigay niya.

"Talaga? Hindi ko alam."

Pag tapos ko maubos ay nilapag ko lang sa mesa.

"Wash it."

"Ha?"

"Wash the glass you used."

Muntik na akong mapangiwi sa harap niya. Mas strict pa ata siya kay Crenz.

"Ok, where?"

I asked where's the sink.

"Sa dulo-"-Cess

"Ate Raffy!"-Darrin

"Hey Dada, I missed you."

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

Sheeems! Ang bango at ang ganda niya.

"Anong ginagawa mo rito sa likod?"

"Ahh.."

Pinakita ko ang basong hawak ko.

"I drink water."

"Oh? Naka inom ka na?"

"Yeah, I'm just going to wash this."

"Wash what?"

"This cup."

Taas ko sa basong hawak ko.

"Why? Leave it there."-Darrin

Tiningnan ko si Cess tapos tumingin ako kay Darrin.

Seriously? Sinong susundin ko sa kanila?

Nahalata naman nilang nag papalit palit ang tingin ko sa kanila kaya nagka tinginan sila.

"What?"-Cess

"Ikaw nag papagawa no'n kay ate Raffy?"

"It's just a simple task."

Irap niya kay Darrin.

Heeeeeeee?? Bakit parang I smell something fishy about them?

"Hey, don't fight. I can wash this."

Nag tungo ako sa dulo kung saan nandoon ang sink at mabilis na nilinisan ang basong ginamit ko.

Pag balik ko sa kanila ay nginitian ako ni Darrin.

"Mas gumanda ka lalo."

Hindi ko siya nakita noong pumunta kami dito noong nakaraan.

"Mas naging bolera ka lalo."

Nakangiting aniya.

Ginulo ko ang buhok niya kaya lang bigla akong nakaramdam ng malamig ng hangin.

"Parang ang ginaw naman ata rito."

"Ha? Lagi namang maginaw rito."

"Really? Parang ibang lamig ata."

Tumingin ako sa paligid at saka ko nakita si Princess na walang emosyong naka tingin sa'kin.

"Why?"

"Nothing, pumangit ka lang ata sa paningin ko."

Nanlaki nang bahagya at saka napangiti.

"Inaano ka ba ni ate Raffy?"

Inis na tanong ni Darrin sa kaniya.

Sasagot na sana si Cess pero pinigilan ko na sila.

"Puntahan mo muna si ate mo, kakausapin ko lang si Cess."

Ngiting utos ko kay Darrin

Nginitian niya ako at no'ng tumingin siya kay Cess ay inirapan niya 'to nang nakakamatay.

"Woah.."

Manghang ani ko habang tinitingnan ang papalayong si Dada.

"Di ko akalaing susunod ka sa unexpected relationship na meron ako."

Inakbayan ko siya.

"Stop it Rafflesia, hindi ka magugustuhan ni Chelsea."

"Sorry ka, may gusto siya sa'kin matagal na."

Gulat siyang tumingin sa'kin.

"Oh? Bulag siya?"

Sinimangutan ko siya.

Siya ang binilinan kong mag update sa'kin ng mga nangyayari rito para kahit papaano ay malaman kong safe sila.

"Bakit naman inaaway mo si Dada? Buti hindi ka pa binabalibag ng ate niya?"

Inalis niya ang kamay ko.

"Ahh.. naiirita ako sa kaniya."

"Really?"

"Oo nga."

Pero hindi gano'n ang pinapakita niya.

"Gano'n ba talaga? Para kasing nag seselos ka."

Asar ko sa kaniya.

"Shut your mouth stinky flower."

Lumukot ang mukha kasi feeling ko nabahuan nga ako.

"Mukha ngang may something ka sa kaniya."

"Meron man o wala, hindi ko sasabihin sa'yo."

Napaka sungit nito.

"Okay, huwag mo akong sungitan."

Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Are you really sure that there's nothing? I'll hit on Darrin if she turns 18-"

"Cut it out."

See? There's something.

"HAHAHA.. I see.. there's really something. Pareho tayong mahihirapan in future."

"I'll guarantee you that I won't make my life miserable like the choice you chose."

Hindi naman sobrang misirable 'no. Nakasama ko si Crenz at Charrie and I finished my studies.

"Huwag si Darrin, Cess."

"Ano?"

"Pahihirapan mo lang siya at ayaw kong mahirapan ang kapatid ng kaibigan ko."

Sinamaan niya ako ng tingin.

"At sa anong paraan ko siya pahihirapan?"

Hindi niya sinasabi ni explicit way pero gano'n din naman ang lumalabas na gusto niya si Darrin.

"Age gap, your attitude, your behaviour, the organization, your parents and hers, gender-"

"Age gap? 18 ako at pa 16 na siya. Sa attitude at behaviour mabait naman ako -"

Sinong mabait? ಠಿ⁠_⁠ಠ

"Sinong niloko mo? HAHAHA.."

Humalukipkip siya sa harap ko at kunot na kunot ang noo.

"Be faithful to Chelsea if you're really serious about her and hands off to the child."

Woah! She's being possessive.

"Ok, first time mo atang maging interesado sa isang tao."

"Hindi ito first time na naging interested ako sa isang tao, si Crenz, interested ako sa kaniya. She's seems elusive."

Wow! Sa mag kapatid pa siya naging interesado.

"Iba ang tingin mo kay Crenz compare sa pag tingin ko kay Darrin-"

"Mind your own love life, bitch."

Tinalikuran niya ako at nag lakad siya pero inakbayan ko siya at sinabayan siya sa pag lakad.

"You're so mean to me."

Hindi niya ako inimik.

Pag balik namin sa harap ng bahay nandoon na silang lahat at nilalabas na ang lahat ng gamit nila.

"Now this is mess."-Cess

"Mess?"

Huminto kami tapos tiningnan sila.

"Jm likes Nemi while Nemi likes your brother."

Nanlaki ang mata ko.

"Who likes who?"

Gulat na tanong ko.

"You heard me."

Tiningnan ko si Nemi na naka upo lang habang tinitingnan si Drei at Charrie na nag lalaro.

"May nag kagusto sa baliw kong kapatid?"

"Sa'yo nga may nag kamali sa kaniya pa kaya."

Pektusan ko kaya 'to?

"Pero engage sila ni Jm diba?"

"Gusto ni Nemi alisin 'yon. Gumagawa siya ng paraan para sa bagay na 'yon nang siya lang mag isa."

Mahirap nga 'yon. Buti sana kung may batas sa'min na hindi kami pwedeng ipag kasundo o pilitin mag pakasal ng magulang namin.

"Hi Raffy."

Matamlay na bati ni Liphyo sa'kin.

"Annyeong."

Kitang kita sa mukha niya ang eyebags at kaputlaan ng kulay.

"Natulog ka ba?"

"Natulog naman pero hindi gano'n kaayos."

Sabagay, kahit ako kapag may gano'ng nangyari baka hindi na talaga ako makatulog.

"Nag paalam na ba kayo kay tita?"

"Si tita? Ah.. oo kaninang umaga pinuntahan kami kaya nag paalam na kami."-Cess

"Wala kayong pasalubong?"

"Wala, manghingi ka sa may ari ng lupang 'to."

Ha? Sinong may ari?

"Paano ko naman makikilala ang-"

"Si Crenz, kaniya 'tong lupang 'to-"

"HA?!"

Tinakpan niya ang tenga niya dahil nga sa naka akbay ako sa kaniya at sumigaw pa ako sa gulat.

Si Crenz? Kay Crenz 'to? Weh?

"Sarap mong busalan."

"Crenz, as in Crenz ko?"

Paninigurado ko pa.

"Kelan pa naging sa'yo si Crenz? Tsk.. no other one."

Napabitaw ako sa kaniya at saka parang zombie na lumapit kay Drei.

"Crenz owns this rice field and the lot."

Kumunot ang noo ni Drei na mukhang takang taka talaga sa sinasabi ko.

"Ano?"

"Kaniya 'tong buong lupang 'to."

"Alin? Itong tinatayuan ng bahay nila?"-Drei

"Mula sa bukana ng baryo hanggang doon sa dulo, lupain niya."

"As in Crenz Yara?"

"Crenz Yara."

Siguradong sagot ko.

"Holy cow.. ang lawak nito."

Tiningnan niya ang buong paligid.

"Hindi 'yon ang problema. Nabulilyaso kayo noon diba dahil sa lugar na 'to?"

Bigla niya nalang ata naalala no'ng sinabi ko.

"Yeah!"

"Hindi naman na siguro siya tatanungin."

"Wala pa sa org si Crenz no'ng tanggalin niya ang connection niya sa org na 'to, so wala silang karapatang tanungin si Yara."

Maya maya ay bumalik si Tyro at nakakapag takang hindi siya galit ngayon pero hindi rin siya nakangiti.

"Hey? What happen?"

"Let Crenz handle it."

Woah! Bago 'yan mula sa kaniya ah?

"Tyro!"-Sandra

Lumapit sa'min si Nemi at Sandra.

NEMI'S POV

Tiningnan ko siya habang tinitingnan ako ni Sandra at Cess dahil alam nilang si Drei ang gusto ko.

"Di kaya matunaw 'yan?"-Sandra

"Huwag mong tingnan."-Cess

Epal naman nitong mga 'to, pasimple na nga lang ako tumitingin eh. Pasimple pero tumatagal minsan.

"Kapag nakikita ko silang dalawa parang na coconcious ako sa sarili ko dahil ang ganda at gwapo nilang mag kapatid."-Sandra

"Ang sarap mo tuktukan ng kawali."-Cess

"Che! Manahimik ka. Bakit hindi mo sundan si Darrin doon sa likod ng bahay? Protektahan mo muna sa kambal mong pinsan."

Tumayo siya.

"Susundin kita dahil boss kita."-Cess

At saka siya nag lakad palayo.

"Boss daw amp, ginawa pa akong alibi."-Sandra

Ang hirap nga talagang turuan ang puso.

Ayoko rin kasi sa pagmamahal na masasabi kong napilitan lang ako gaya nalang ng malapit nang mangyari sa'min ni Jm na kasal. Kung mag mamahal ako gusto ko yung hindi ako napipilitan or kusa, gaya ng nararamdaman ko kay Drei at ayoko dumating ako sa point na natutunan lang mahalin dahil nandiyan na siya.

Bigla nalang sumulpot si Tyro na medyo kinagulat namin at lumapit kina Raffy.

"Tyro!"-Sandra

Kelan pa siya dumating?

"Hey Cassie, kumusta?"

"Pasalubong ko?"

"Inubos ni Raffy."-Tyro

"What?!"-Raffy

Pfft!

"Ngayon pa talaga kayo mag uusap usap diyan?"

Natigilan kami at humarap kay Crenz na seryosong naka tingin sa'min.

"Ang aga aga Crenz bakit ba inis ka riyan?"-Sandra

"Kailangan kong puntahan si Jerick sa hospital, huwag na kayong mag aksaya ng oras para makaalis na tayo."

Kinuha niya si Charrie kay Drei.

"Go to Tita Darrin."

Utos niya sa bata.

"OK OK! KILOS NA GUYS! AALIS NA TAYO!"-Tyro

Lumabas na rin ang iba at kasama na nila ang mga bag nila.

PRINCESS' POV

Bitbit ko ang mga gamit ko habang nag dadalawang isip kung lalapitan ko pa ba ang batang 'yon o hahayaan nalang, kaya lang ramdam ko sa sarili kong manghihinayang ako kapag hindi ako lumapit sa kaniya bago ako umalis.

Nasa loob ako ng bahay habang sila ay nasa labas at hinihintay nalang si Tito na dumating para sa sasakyan namin.

"Nasa labas na sila."

Nagulat ako nang marinig ko ang boses niya sa likod ko. Nag kunwari akong nag cecellphone at humarap sa kaniya.

"Alam ko."

Masungit na tugon ko.

"Hanggang ngayon susungitan mo pa rin ako?"

"Tsk-"

"Gusto kita."

Nakangiting aniya.

Ayan na naman siya!

"Good for you."

"Eh?"

Lumapit ako sa kaniya at tiningnan siya ng seryoso.

"Huwag mong sasabihin sa iba 'yan kung ayaw mo mamisunderstood kanila."

"Gano'n?"

"Gano'n nga."

"Eh gusto nga kita. Hintayin mo ako sa Manila, huwag kang mag boboyfriend."

*DUG DUG DUG DUG DUG DUG!*

May kung anong lumilipad sa tiyan ko ngayon.

"H-hoy bata mag aral ka at huwag mong isipin ang mga bagay na ganiyan."

"Bakit? May ini entertain ka ba sa Manila? May fiance ka na rin gaya ni ate Nemi?"

Hindi, hindi naman lahat ng pamilya sa org ay gustong ipakasal ang anak nila sa mga kasyoso nila gaya ng pamilya ko.

"Hindi mo na kailangang malaman."

Parang ang init! Kailangan ko nang magpalamig.

"Gusto kong malaman."

Pangungulit niya na para siyang batang nag tatampo.

"Stop it-"

Mabilis siyang naka lapit sa'kin at...

*Tsup*

Nanlaki ang mata ko. She kissed me.

"Tatapusin ko lang ang school year ko rito tapos mag tatransfer na kami ni kuya sa manila. Ah.. oo nga pala, penge akong number mo or social media account? Line o kahit anong pwede kitang ma contact."

Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya, para akong lumulutang ngayon.

"Hey, my Princess."

Tiningnan ko lang siya tapos bigla niyang hinugot sa bulsa ko ang phone ko.

"Kukunin ko ang number mo tapos sabihin mo sa'kin ang pangalan mo sa social media accounts mo or else baka gumawa ako ng malupitang technique para maka kuha ng info sa'yo."

Kumikilos siya na parang walang nangyari at parang wala siyang ginawang kababalaghan kanina. She kissed me on the corner of my lips.

Nag wawala ang puso ko dahil sa kaniya.

Nang matauhan ako ay agad kong kinuha ang phone ko sa kaniya.

"Hey, hindi ko pa tapos kunin ang last number."

Reklamo niya.

"Hulaan mo."

Masungit na sabi ko at saka siya nilampasan pero pinigilan niya ang braso ko.

Mas matangkad ako sa kaniya pero feeling ko may mas itatangkad pa siya.

"Pupunta ka ba sa swimming competition ko next month?"

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"At bakit ko naman gagawin 'yon? Marami akong dapat gawin kesa pumunta-"

"Uh.. okay."

Malungkot na tugon niya.

Bigla akong na guilty.

"Ingat kayo sa byahe."

Binack niya ang phone niya at mukhang wala nang balak isave ang number ko o hulaan pa ang sumunod na numero no'n.

"Sige, thank you sa pag aasikaso sa'min."

Tinanggal niya ang kamay niya para makapag lakad na ako palayo.

"Walang anuman."

Yumuko siya na dahilan nang pag kagat ko sa pang ibabang labi ko.

Hindi dapat ako naging harsh.

"The last number is 7, but since you already erased it there's no need for you to contact."

Umangat ang ulo niya at nag pakita ng ngiti.

"Bwoah.. anong nginingiti ngiti nito?"

Bulong ko sa sarili ko.

"I have a photographic memory, there's no need for the last number nor the rest *recites my number*"

Napanganga ako nang matandaan niya ang number ko sa maikling saglit.

"Ingat ka lagi doon."

Lumapit siya at yumakap sa'kin.

Hindi ako makakilos dahil bukod sa may bag akong dala ay nakakapang hina talaga ang ginagawa niya.

"Ehem.."

Gulat akong napa tingin sa pinto nang may tumikhim doon.

Tumingin din si Darrin sa pinto pero naka yakap pa rin siya sa'kin.

"Nandiyan na ang sasakyan. Mag aral ka nang mabuti Darrin at huwag mong pabayaan si Mama."

Napatingin ako sa mag kapatid nang papalit palit. Hindi man lang ba niya sasawayin ang kapatid niya?

Mas humigpit ang yakap niya sa'kin lalo pa no'ng umalis na si Crenz.

"Get off, aalis na ako."

"Ihhhh..."

Ihh??!! Anong ihhhh?! Baliw ba 'to?

"Alis na, baka maiwan ako."

"Tatawagan kita-"

"Busy ako."

"Edi tawagan mo ako pag free ka na."

"Lagi akong busy."

"Edi tatawag nalang talaga ako."

Lumayo siya sa'kin at saka ako nginitian.

"Pag nag ka boyfriend ka doon sabihin mo sa'kin."

Tinaasan ko ulit siya ng isang kilay.

"Ipapakulam ko siya."

Ngiting aniya.

Bigla akong napangisi.

"Sige na labas ka na."

Teka? Di ba siya lalabas?

"Di ka lalabas?"

"Mamimiss ko lang lalo si Ate, Charrie at ikaw kaya hindi na ako lalabas."

Sasama pala 'yong bata.

Tumango ako.

"Mag ingat ka pa rin dito kahit pa nahuli na 'yong hinuli nila ate mo."

"Marunong akong lumaban."

"Kahit pa, babae ka pa rin."

"Mas magaling ako kay kuya lumaban."

Nag yayabang ba siya o nag sasabi lang siya ng totoo.

"I'll make myself free in your competition, but don't expect too much."

Sabi ko sa kaniya tsaka ako nag lakad palabas.

Atleast naka usap ko siya bago ako umalis.

"I'll make myself free but don't expect too much chuchuchu.."

Nasa labas pala si Nemi at ngayon ay inaasar ako.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Ano? Nabaliko ka na niya? Pareho kayong straight diba?"

Asar niya.

"Sinasabi mo?"

"Hahaha.. lika na pinapatawag ka na ni Crenz."

Inakbayan niya ako at saka ako hinila papunta sa jeep na mag hahatid sa'min.

CRENZ'S POV

Wala pa ring kibo si Hans. Nag aalala na ako sa kinikilos niya dahil mukhang sinisisi na naman niya ang sarili niya.

"Hey, Hans? Hindi ka ba natuwang bumalik na ako?"

Tanong Tyro habang nag ooperate ng helicopter.

"Asshole."

Sabi ni Hans na ikinatawa naman ng mga kasama ko.

Si Charrie, Sandra, Hans, Mike at Austin ang kasama namin dito habang ang iba ay nasa ibang helicopter. Mga artista at mga VIP ang nilagay dito sa helicopter na 'to tutal nandito naman ako, Raffy at Tyro.

"There's a kid." Paalala ni Raffy.

"Aww.. sorry baby."

Paumanhin ni Hans na bahagyang ngumiti kay Charrie.

"Mommy, will I see Daddy?"

Tumingin ako sa kaniya. Mukhang heto na naman kami.

"It depends on your behaviour."

"Ibig sabihin hindi ko talaga makikita si Daddy."

Ha? Sabi ko depende diba?

"Why? I told you it depends."

"Pinagalitan ako ni Mama'la last night."

"Why?"

Seryosong tanong ko.

"I drunk the green bottle on our shelve."

Green bottle? May green bottle ba sa-

Nanlaki ang mata ko nang maintindihan ko kung ano ang sinasabi niya.

"It's a wine."

Gulat na bulaslas ko sa kaniya.

"It's delicious."

Jusko pooo!

"HAHAHAHA.."-Raffy/Hans

"May pinag manahan talaga ang bata."-Raffy

"Manahimik ka."

Banta ko.

"How did you reached that?"

Bakit ba kasi sumusunod to sa kalokohan ko no'ng bata ako.

"I pulled a chair."

Nga naman Crenz, alangan namang may nag buhat sa kaniya para gumawa ng kalokohan.

"It's not good for you, don't ever try to do it again."

"Mama."

Masiglang aniya.

Ganiyan siya kapag pinapagalitan na siya.

"What is it?"

"Can I stay to Tito Hans tonight?"

Napatingin ako kay Hans na gulat lang ngayon dahil nadamay ang pangalan niya.

"Did he invite you?"

"No Mom, I invited myself."

Ngiting aniya.

"HAHAHAHA.."

Tawanan ng lahat nang marinig nila 'yon.

Naiiritang kinamot ko ang leeg ko. Hindi ko siya gustong pagalitan kaya sa balat ko nalang binaling.

"Sure, you can."

Hinimas ko ang ulo niya.

"Teka? Pumayag ba ako?"

Gulat na tanong ni Hans.

Lalo lang atang nag tawanan ang mga kasama namin.

Malilibang si Hans kapag nakasama niya ngayon si Charrie at hindi gaanong sisisihin ang sarili niya sa nangyari kay Jerick.

"Kailangan mo pa palang pumayag?"-Me

"HAHAHA.."

"Mag inang desisyon."

Komento nila.

"Dalhin mo muna sa inyo Hans, aayusin ko lang ang bahay ko."

Sabi ko sa kaniya.

"Sama ako."-Raffy

Si sama na naman, pero ok lang para may katulong ako. Hindi ko na sinagot si Raffy at tiningnan lang si Hans.

"Ok."

See? Papayag din pala.

THIRD PERSON POV

Matapos nilang lumapag ay may mga naka abang na sa binabaan nila na nga mag susundo sa kanila.

Nag paalam na sila sa isa't isa at nag si alis na rin.

"Hans, mas mahal ko pa 'yan kesa sa buhay ko kaya huwag mong gagalusan 'yan."-Crenz

"Ako na bahala, dalhin ko nalang sa bahay mo bukas."

'Mabuti naman'-Crenz

Hinatid muna ni Crenz, Raffy, Tyro at Drei si Hans at Charrie sa sasakyan nila.

"Behave baby."

Paalala niya sa anak niya

"I will mommy! See you tomorrow."

Paalam niya at saka kumaway sa mga kasama ng Mama niya bago sila umalis ni Hans lulan ang isang kotse.

"I have to tame a dragon now."-Tyro

Aniya habang nakatingin sa cellphone niya.

"Sino?"-Drei

"Si Nina?"-Raffy

Tatlo silang nakatingin lang at nag aantay sa sasabihin ni Tyro.

"No, Mr. Tan. Hindi pa ako nakakapag report sa kaniya."

Aniya at saka pinakasok sa loob ng bulsa ang cellphone.

"I'll visit your house some other time, I'll go ahead."

Mabilis na pumara ng taxi si Tyro at saka umalis na rin.

"Tara na."-Crenz

"Taxi tayo?"-Raffy

"Di, lilipad tayo."-Crenz

Natawa ang kapatid niya sa inasal ng dalawa.

Pumara si Drei ng taxi at saka sila sumakay.

Pag dating nila sa bahay ni Crenz ay nandoon si Nina at naka taas ang isang kilay habang pinag mamasdan si Crenz.

'Galit pa rin siya.' isip ni Crenz kaya ang ginawa niya ay lumapit siya sa pinsan niya at hinalikan ito sa noo na ikinagulat ni Nina.

Iyon ang isang alam ni Crenz para mawala ang inis ni Nina sa kaniya.

Matapos niyang gawin 'yon ay iniwan niya ang mga kasama nila sa baba at umakyat sa kwarto niya para ilagay ang mga gamit niya sa taas.

"Woah.. ang galing"-Raffy

"Ewan ko nalang kung hindi ka pa nalusaw sa ginawa niya."-Drei

Napahawak si Nina sa noo niya.

"Did she kissed me?"

"Ngayon lang ako nainggit sa'yo."-Raffy

Malawak na ngumiti si Nina.

"Mag oorder ako ng Jollibee."

Masayang aniya.

"Nakela Hans yung bata."

"WEEEH? Sinama niya?"

"Alam niyo na kung sino ang babantayan natin bukod sa mga mission natin."-Raffy

Nag dabog si Nina.

"Bakit kay Hans? Dapat dito."

Tukoy niya sa bata.

"Hans is still blaming himself to what happened to Liphyo's friend."-Raffy

"Na naman?"-Nina

Nag alala na naman sila dahil gano'n na naman ang pinag dadaanan ni Hans.

"Kaya hayaan mong alisin ni Charrie ang isip niya sa bagay na 'yon. Kaya ni Charrie 'yon, nag mana ba naman sa Nanay niya."-Drei

Matapos nilang mag usap ay dumiretso ang mag kapatid sa ref nila para tumingin kung may maiinom.

Bumaba naman si Crenz matapos niyang ayusin ang gamit niya.

"San si Nina?"

Tanong niya at saka pumunta sa ref para kumuha ng maiinom.

Lumabas si Drei para may tawagan habang si Raffy ay naka kuha ng prutas na makakain.

"Nag order ng favourite mo."

Hindi sumagot si Crenz at nilabas ang pitsel na may tubig at kumuha ng baso.

Pumasok na si Nina matapos ang ilang minuto at saka nag tungo rin sa kusina at uminom ng tubig.

Uminom si Crenz at saka kumuha ng plato sa cabinet nila para ilapag doon ang junk food na trip niyang kainin ngayon.

"Nina! Nina!.."

Humahangos na pumasok si Chiggy Mil habang hinahanap si Nina, hindi niya alam na uuwi ngayon si Crenz.

"Couz.. what happened?"

Takang tanong ni Nina, ni hindi nga napansin ni Chigs si Raffy na nakatayo lang sa may pader habang kumakain.

"Sino 'tong kasama ni Crenz?! May alam ka ba? Sabi nila anak daw ni Crenz?"

Mabilis na tanong nito at saka nilapag sa mesa ang picture na nakuha niya kung kanino.

Inosenteng tumingin si Crenz sa gawi nila at saka lumapit sa kanila habang umiinom ng tubig.

Gulat na tumingin si Chigs sa kaniya dahil hindi niya inaasahang nandoon ang kapatid niya. Dinampot ni Crenz ang picture at saka nilapag ang baso.

"Uhhh.. kamukha ni Charrie diba?"

Inosenteng tanong ni Crenz kay Nina.

"Stupid, that's your daughter."

Pag susungit ni Nina nang hindi siya tinitingnan at naka tingin lang sa picture.

"Parang hindi, tingnan mo ang pangit niya."

Turo ni Crenz sa picture.

"Baliw ka ba? Kamukha mo si Charrie, so pangit ka rin?"

Napa tampal si Raffy sa noo niya habang tinitingnan ang mag pinsan.

"Hindi ah, bumabase ako sa tingin ng ibang tao sa'kin at sa mata nila maganda ako kaya for sure maganda ako."

Hindi intensyong pag yayabang ni Crenz

"This is your daughter-"

"Haish! Tumigil nga kayong dalawa. Naguguluhan si kuya Mil oh."

Saway ni Raffy sa kanila.

"Oh, Chiggy Mil, nandito ka pala? Kelan ka dumating?"-Crenz

Napakamot naman ngayon si Raffy sa ulo niya dahil sa stress sa kaibigan niya.

Gulong gulo naman si Chiggy Mil dahil mismong kapatid na niya ang nag kumpirmang may anak nga siya.

"Anak mo 'to?"

"Oo, anak niya."-Nina

Parang mababaliw si Chiggy habang tinitingnan ang picture at si Crenz.

"Nag ka anak ka? Paano? Sinong tatay? Totoong anak mo ba?"

Halo halong emosyon ang naramdaman ni Chigs.

"Hindi ba halata sa itsura? Sabi nila kamukha ko naman siya ah?"-Crenz

"Crenz, naririnig mo ba ang sarili mo?"

"Ayokong mag paliwanag ngayon Chiggy Mil. Nangangawit na ang panga ko kakasalita."

"Kapatid mo ko!"

Natahimik sila.

Pasimpleng lumayo si Nina sa mag kapatid dahil natatakot siya sa dalawa.

"Eh anong gusto mong gawin ko? Ibalik sa tiyan si Charrie?"

Pabalang na tanong niya.

"Yara!-"

"Hintayin mo 'ko!"-Crenz

Natahimik si Chiggy sa sigaw ng kapatid niya at saka hinintay ang susunod nitong sasabihin.

"Hintayin mo akong mag sabi ng totoong nangyari 5 years ago. Hindi pa ako handa ngayon."

Mahinahong pakiusap niya.

"Pero may bata nang involved-"

"Ako lang ang makakagawa ng paraan sa bagay na 'yon, hayaan mo akong gumawa ng solusyon sa problema ko."

Nag susukatan ng tingin ang mag kapatid.

Wala namang magawa si Chiggy dahil tama ang kapatid niya, hindi na niya maibabalik sa tiyan ang bata.

"Sagutin mo lang ang isang 'to."

Huminga nang malalim si Crenz

"Ano?"

"Was it rape?"

"Ano?"

Hindi iyon ang unang beses na narinig niya ang tanong na 'yon pero hanggang ngayon nagugulat pa rin siya.

"Rape ba?! Papatayin ko ang gumawa no'n kung rape 'yon."

Natahimik si Crenz saglit at saka yumuko saglit at tumingin sa mata ng kapatid.

"Hindi, hindi rape 'yon-"

"But you're still young."

"And so? Is it a sin to bare a child at a young age?!"

"It's not a sin! But in organization it's a sin to raised a child without a father!"

"Stay out of the organization! You're Chiggy Mil!"

"But you're in organization even though you're already Crenz Yara!"

Nag tindigan ang balahibo ni Nina at Raffy at dahan dahang nag lakad papunta sa may pinto.

Nakita nilang nandoon si Drei at nakikinig lang din sa mag kapatid kaya bahagya silang nag tago sa likod ni Drei.

"Now this is about the names."-Drei

Bulong niya

"Pagod ako Chiggy Mil."

Sukong sabi ni Crenz habang kinakamot ng mga daliri niya ang hinlalaki niya na ang ibig sabihin ay hindi niya komportable o hindi siya mapakali sa mga nangyayari at wala siyang magawa sa sitwasyong 'yon kundi ang mag stay.

"Where's the kid?"

"Hans."

"Hans? What I mean is where did you hide the kid?"

"Hindi ko siya tinago."

"Eh ano lang? Hindi mo lang pinaalam?"

"Wala namang nag tanong sa inyo-"

"Kasi wala namang nag eexpect na mag kakaanak ka sa ugaling meron ka at yang pagiging mailap mo sa mga tao!"

Naiintindihan niya nang sobra ang kuya niya dahil lahat naman ng mga sinabi nito ay pawang katotohanan lang.

"Awatin mo sila."

Bulong ni Nina kay Drei.

"I don't like the idea."

"Nado."-Raffy

(Me too)

Napailing nalang si Nina sa magkapatid.

"Nakila Mama!"-Crenz

"Kela Mama mo pinabantay ang bata tapos hindi ka man lang nag paliwanag sa kanila kung bakit nag dala ka ng bata sa kanila? Kelan ka nabuntis at kung sino ang ama ng bata?!"

"CHIGGY MIL!"

Lalong napaatras ang tatlo maging si Chiggy sa sigaw ni Crenz.

"Can't you just accept the kid? She's not a fruit of sin."

Malumanay na dugtong ni Crenz.

Natahimik si Chiggy dahil mukha ngang hindi pinag sisisihan ni Crenz na nagkaroon siya ng anak.

"Did you leave the country because of her?"

"She's one of the thousands reasons."

Napaupo nalang si Chiggy dahil sobrang nang hihina siya ngayon.

"Sinustentuhan ka ba ng tatay niyan?"

"He doesn't know Charrie exist."

Lalong napakuyom ang kamao ni Chiggy dahil hindi niya talaga alam kung anong kabaliwan ang pumasok sa isip ng kapatid niya sa edad na 15 years old. Given na sakit na talaga ng ulo simula pag kabata si Crenz dahil bata palang may pagka rebelde na si Crenz pero hindi niya akalaing darating sa point na mag dadala siya ng bata sa mura niyang edad.

Gustong gusto niyang pumatay ngayon.

"15 years old Crenz? My ghad.."

Napahawak nalang si Chiggy sa ulo niya dahil sa frustration.

"It's not about the age, Mil. Charrie is a lovely kid, huwag mong ipapakitang ayaw mo sa kaniya-"

"At bakit ko naman gagawin 'yon?! Walang kasalanan ang bata sa kalokohang ginawa niyo."

Handa si Chiggy Mil na harapin ang bata at alam niyang magiging magaan ang loob niya sa bata dahil bukod sa mahilig siya sa bata ay dugo pa rin ni Crenz ang nasa bata kaya hindi na dapat mag alala si Crenz sa gagawin niya kapag kaharap niya ang bata.

"Malapit na."

Tumingin silang lahat kay Crenz

"Malapit na matapos ang lahat nang 'to pero mag sisimula na ang panibagong kaguluhan sa pamilya natin."

"Hindi alam ni Cedric?"

"Dalawang linggo palang simula nang may makaalam na may anak ako. Wala pa silang alam."

Tumayo si Chiggy Mil.

"May aasikasuhin ako. I lock niyo nang maayos ang pinto bago kayo matulog."

Sinundan lang nila ng tingin ang paalis na si Chiggy Mil.

"Ok ka lang Crenzy?"-Nina

"Gisingin niyo ako kapag dumating na 'yong order niyo."

Napangiwi sila dahil mas inalala pa nito ang Jollibee na inorder ni Nina.

"Hanep."-Raffy

LIPHYO'S POV

Nasa waiting room ako habang hinihintay ang Doctor at si Tita na matapos sa pag uusap sa loob ng kwarto kung nasa'n si Jerick.

Hindi ako mapakali kasi hindi pa rin nagigising si Jerick hanggang ngayon, mag tatatlong araw na siyang tulog.

"Umuwi ka na muna Jhonzel."

Nagulat ako sa biglang tumabi sa'kin.

"Jhom, anong ginagawa mo rito?"

"Asikasuhin mo ang pag aaral mo, mag enroll ka na."

Ang dami ko pang dapat asikasuhin pero nandito ako at nag hihintay sa walang kasiguraduhan.

"Hindi ako sanay."

Maikling tugon ko.

"Ano?"

"Hindi ako sanay na hindi ko kasama si Jerick. Simula pagka bata natin lagi na siyang nakabuntot sa'kin. Hindi ko alam na may gano'n siyang sakit. Masyado akong naging selfish dahil sarili ko lang iniisip ko."

Mabilis kong pinahid ang luha ko habang wala akong emosyon. Sobrang nasasaktan ako.

"Hindi siya mawawala-"

Tumayo ako at bahagya siyang nagulat doon.

"Aalis muna ako. Balitaan mo nalang ako."

Mabilis akong nag lakad palayo sa kaniya. Punong puno na ako ngayon kailangan ko nang ilabas 'to.

Mabilis akong nag drive papunta sa bahay.

"Jhonny."-Mama

"Maya nalang po Ma."

Nilampasan ko si Mama at saka pumunta sa kwarto ni Allen. Wala siya doon kaya sigurado akong nasa study room siya.

Pag bukas ko nga no'n ay nandoon siya at kunot noong naka tingin sa monitor ng computer.

"Oh?"

Bati niya sa'kin habang naka kunot noo.

"Ilang linggo na ang lumipas, anong balak mong gawin?"

Seryosong tanong ko.

"Wala, wala akong gagawin."

ANO?!

Ano bang akala niya? Na nakikipag biruan ang org sa kaniya?

"Hahayaan mong mamatay ka at ang mag inang 'yon?"

"That's not mine."

Napakuyom ako kasabay ng pag iinit ng katawan ko na parang gusto kong sapakin siya ngayon mismo.

"May bayag ka pa bang gago ka?"

Inis na tanong ko.

Tumingin siya sa'kin at saka binaba ang salamin niya.

"Anong sinabi mo?"

Tumayo siya.

"Ginalaw mo 'yong babae tapos sasabihin mong hindi sa'yo 'yong bata?"

"Malay ko ba kung ilang lalaki na ang-"

*PUNCH*

Binigay ko ang buo kong pwersa sa suntok na 'yon.

Bumulagta siya at mukhang napatulog ko.

"MYGOD!!"

Bulaslas ni Mama habang nakatingin kay Allen na nasa lapag.

*Pak*

Hinampas ni Mama ang balikat ko pero parang namamanhid lang ako.

"Bakit ba tuwing mag tatagpo nalang kayo nag aaway kayo?! Pag usapan niyo nang mabuti!"

"Wala siyang balak panindigan ang babae."

Simpleng tugon ko.

"Bakit masyado mong iniisip ang problema ng kuya mo-"

"Ma! Papatayin siya ng pamilya no'ng babae kapag hindi niya pinanagutan ang bata. Kitang kita sa CCTV kung paano niya hinila yung babae at pinasok sa kwarto tapos itatanggi niyang kaniya ang bata? Anytime pwede siyang damputin ng pulis pero binibigayan siya ng pagkakataong panagutan ang ginawa niya. Kailangan niyang makipag divorce kay Kathy, nasa'n ba si Kathy -"

*SLAP*

Nayanig ata ang utak ko sa lakas ng sampal ni Mama.

"Tumigil ka na."

Natahimik ako. May galit na gustong kumawala sa loob ko pero ayokong may masabing mali kay Mama, ayoko na dagdagan ang kasalanan ko ngayon.

"Ma-"

"Hayaan mong Papa mo ang umasikaso ng ginawa niya. Umalis na si Kathy dito at may papel na rin ng divorce, kuya mo nalang ang hindi pumipirma."

Mariing aniya.

*Ring*

Mabilis kong pinahid ang luha akong hindi ko alam na tumulo na pala.

*Caller: Kathy*

Lumapit si Mama kay Allen at sinubukan itong gisingin.

"Kathy?"

"Naka uwi ka na?"

Malungkot na boses na tanong niya.

"Uhm.. yeah."

"Favor."

Pumunta ako sa terrace para mag pahangin.

"Ano 'yon?"

"Kumbinsihin mo ang kuya mong pirmahan na ang divorce paper."

Nalulungkot din ako sa nangyayari sa kanila. Hindi ko rin naman gustong saktan ang kuya ko pero nangyari na.

"Kathy?"

"Pipigilan mo rin ba ako?"

Saglit akong natahimik. Hindi ko rin naman gustong mag hiwalay sila ni Allen pero 'yon ang dapat para walang mamatay sa kanila.

"Hindi."

"Help me Jhonny."

Wala akong magagawa sa bagay na 'yon. Hinding hindi ko makukumbinsi si Allen kahit anong mangyari.

"Pag usapan niyo nang masinsinan Kathy, hindi ko makukumbinsi si kuya. Hindi na rin kami maayos dahil sa ginawa niya."

Ang daming problema. Para akong sasabog sa kanila.

"Sinubukan ko siyang kumbinsihin pero nag iinsist lang siya na huwag ko 'yon gawin."

May kasalanan din si Kathy, 3 years na sila pero ang balita ko wala pang nangyayari sa kanila. Dapat nga ba siyang sisihin? Parang ang tanga ko naman kung sisisihin ko siya, hindi naman kasi dapat pinipilit ang babae makipag sex kung hindi pa siya handa.

"Hindi ako ang makakatulong sa'yo Kathy. Kausapin mo sila Mama baka maliwanagan pa ang kapatid ko kapag sila Mama na ang nag sabi sa kaniya."

"Jhonny -"

"Sorry."

Pinatay ko ang tawag.

Napa upo nalang ako sa sahig, gusto ko nalang mawala sa mundo. Nag sabay sabay ang problema at wala akong masandalan, ayoko namang mag pabigat pa sa problema ng mga kaibigan ko kasi may kaniya kaniya rin silang pressure sa mga magulang nila.

*Ring*

Hindi ko na tiningnan kung sino ang caller basta sinagot ko nalang.

"Hello?"

"Natuluyan ka na bang naging bading?"

Napa dilat ako habang naka yuko ako sa mga tuhod ko.

Raya!

"Ano?"

"Mukha kang bakla diyan sa taas."

Mabilis akong tumingin sa baba at nakita ko siya doon sa may gate namin.

"A-anong ginagawa mo rito?"

Bigla akong napatayo.

"Bumaba ka na, mag suot ka ng jacket dahil malamig sa labas."

"Ha?"

"Sabi mo samahan kita doon sa mag ina?"

Mabilis akong pumasok muli sa loob at kumuha ng jacket.

"Palabas na ako."

Pinatay niya ang tawag.

"Sa'n ka pupunta?"

Inis na tanong ni Mama.

"Pupuntahan ko ang binuntis ni Allen."

Hindi ko gustong mag tonong bastos pero kusa siyang tumotono ng gano'n.

Tinawag pa niya ako pero hindi na ako humarap pa sa kaniya.

Patakbo akong lumabas dahil bukod sa ayaw ko muna silang makita ay gustong gusto ko na makita si Raya nang malapitan.

Lumabas ako ng gate namin.

"Tagal mo."

"Wala pang tatlong minuto."

Hinagis niya sa'kin ang helmet na madalas niyang sinusuot habang suot naman niya ang helmet na binigay ko sa kaniya.

"Dala mo lisensya mo?"-Crenz

"Oo- uhmp!"

Hinagis niya sa'kin ang susi niya na muntik ko pang hindi masalo.

"Pwede bang ibigay mo nang maayos?"

Singhal ko sa kaniya.

"Ayoko."

Umupo ako sa motor niya matapos kong mag helmet.

Magalaw naman siyang umupo sa likod ko.

"Hoy, dahan dahan naman, baka bumagsak tayo."

"Di mo pwedeng itukod ang paa mo?"

Teka? Ano 'to, deja vu? Ganito rin kami sa school eh.

"Kapit na- ah, right. Kaya mo pala kahit walang-"

Bigla siyang kumapit sa may tiyan ko at hinilig ang ulo niya sa likod ko.

Nanigas ako ng konti. Anong meron at ganito siya ngayon?

"Andar na."

"H-hindi ko alam kung sa'n tayo."

May sinabi siyang address

"Huwag kang matutulog diyan."

"Alam ko ginagawa ko- amoy gamot ka."

Amoy niya sa'kin, bigla na naman akong na conscious.

"H-ha-"

"Galing kang hospital?"

Ahh..

"Yeah."

Hindi na siya nag tanong pa.

Hindi pa nga ako nakakapag sorry sa kaniya sa mga sinabi at ginawa ko. Tama lang talagang sinuntok ako ng kaibigan niya.