Semi squatters area ang lugar.
Kinakabahan ako.
"Ano na?"
"Ha?"
"Katukin mo na."
Napalunok ako.
Hindi ko alam ang sasabihin ko.
*Knock knock*
I clenched my fist.
*Doors open*
"Sino kayo?"
Isang buntis na babae ang bumungad sa'min. Napatingin ako sa kaniya mula ulo hanggang paa. Hindi sa minamata ko siya pero ang isang katulad niya ay hindi dapat nandito sa ganitong lugar.
"Ikaw si Yen Francisco?"
Naguguluhan siyang tumingin sa'kin.
"O-oo."
Tiningnan ko ng masama si Crenz dahil mas nakakatakot pa siyang mag tanong eh.
"Ako na mag tatanong, nakaka intimidate ka."
Inirapan niya lang ako.
Kelan pa 'to natutong mang irap?
"Ako ang kapatid ni Allen Attienza, Liphyo Attienza."
Lalo lang atang kumunot ang noo niya.
"Anong kailangan mo? Hindi ko ipapalaglag ang bata."
Nagulantang ako sa sinabi niya. Sinong mag papalaglag? I mean may nag sabi ba sa kaniya ng bagay na 'yon?
"Nako.. hindi hindi.."
Pigil ko sa kaniya.
"Ilang buwan na 'yan?"
Turo ko sa tyan niya.
"Sa laki niyan malamang ka buwanan na niyan ngayon."-Crenz
"Raya, di ka nakakatulong."
Bulong ko sa kaniya.
"Pinuntahan na ako ng tatay mo rito para sabihing ipalaglag nalang ang bata at mag babayad nalang siya."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Palaglag? Bayad? 'Yon ang naiisip nilang solusyon?
"Hindi ako tulad-"
"Anong pinag kaiba mo sa kadugo mo?"
Pag susungit niya sa'kin.
"Gusto kong makita ang bata, gusto kong tulungan ka para hindi mawala ang bata."
Nalungkot ang mukha niya.
"Pero ang org-"
Natahimik siya, siguro ay dahil mukha kaming hindi taga organization.
"Alam namin ang lagay mo sa Royal organization. Misyon kong ipakasal ka sa isang lalaki para protektahan kayo ng anak mo."
Lalo lang ata siyang nanlumo.
"Gusto kong ipakulong ang kuya mo pero binayaran ako ng Papa mo para manahimik."
"Tinanggap mo?"-Crenz
Yumuko ang babae.
"Nawalan ako ng trabaho kaya wala akong choice kundi ang tanggapin 'yon para na rin mabuhay kaming mag ina."
Napakamot si Raya sa leeg niya, halatang naiirita.
"Anong position ng pamilya mo? Bakit nandito ka sa ganitong lugar?"-Crenz
"Anak ako sa labas ng isang congressman."
"Kingina, politiko na naman."
Bulong ni Raya na rinig naman naming dalawa.
"Ordinaryo lang akong member, hindi ako binibigyan ng mga misyon."
Hinawakan ni Raya ang tiyan niya.
"Ilang taon ka na?"
"23"
Pinakiramdaman niya ang tyan no'ng babae.
"Raya, huwag mong gawin 'yan, tinatakot mo siya."
Saway ko kay Raya.
"Kailangan mo na mag pakasal."-Crenz
Nanlaki ang mata ko. Wala talaga siyang preno sa pag sasalita.
"Ha?"
"Wala ng isang linggo manganganak ka na."
Ano?! Napatingin tuloy ako sa tiyan niya.
"Paano mo-"
"Mahalaga pa ba 'yon? Alam mo naman na sigurong ka buwanan mo ngayon. Sinong kasama mo rito sa bahay?"
Tiningnan ni Raya ang bahay pero mukhang walang siyang ni isang kasama rito.
"Bagong lipat ka rito?"
"U-uh-.. oo."
"May kilala akong doctor, pwede kitang ipa sama muna sa kaniya."
"Ha? Sino ka ba?"
Nag aalalang tanong niya.
"Crenz Yara Vilarde. Under ako ng knaves."
"Kay Handriko Zimmer?"
"Mismo."
Napa tampal nalang ako sa noo ko dahil sa mga sagutan niya.
"Hindi na sapat ang pera-"
"Wala kang dapat alalahanin sa babayaran. Pipigain namin ang tatay ng bata at tutulungan kita."
Nag papalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"A-ah- tutulong din ako-"
Tumingin silang dalawa sa'kin.
"Sabihin mo lang..."
Mahinang sabi ko at nag iwas ng tingin sa kanila. Nakaka intimidate ang tingin ng mga babae.
"Ngayon ba aalis?"
"Kahit kelan mo gusto."
May nakita akong takot sa mata niya at tumingin sa paligid.
"Bakit?"
"Kagabi kasi may kumatok dito sa bahay, mga lasing buti nalang dumating yung mga tanod."
Pumasok si Raya sa bahay niya.
"Raya!"
Saway ko sa kaniya.
Pumasok na rin 'yong babae at sinundan siya.
"Teka? Anong gagawin mo?"
"Nasa'n ang mga gamit mo? Gamit ng bata? Ilabas mo na ngayon para maka alis ka na rito."
Nag aalangan pa siyang tumingin kay Raya.
"Bilis na! Hindi ka ligtas dito."
Nako naman! Raya!
"Kunin mo nalang Miss para maihatid ka na namin sa mas ligtas na lugar."
Medyo natakot siya sa'min.
"Nag aalangan ka pa rin? Anong kailangan kong patunayan para maniwala kang taga R.O ako?"
Napa atras siya mula kay Raya.
"Anong pangalan ng apat na mag kakapatid sa Ace deck?"
Hugot niya ng lakas para itanong 'yon.
"It's confidential."
"Hindi ako naniniwala-"
"Roft Acer, Draig Acer, Bern Acer at Ashariya Acer."
Mabilis na sagot ni Raya na ikinagulat ko.
Wala sa manual book ang mga pangalan na 'yon pero alam niya?
"Paano mo sila nakilala? Confidential ang mga pangalan na 'yon."
Naguguluhan ako sa pinag uusapan nila.
Nag tanong siya tapos pag dududahan naman ang tinanungan niya.
"Sabihin na nating personal bodyguard ako ni Ashariya Acer."
"Si Rafflesia and personal bodyguard niya."
"Kaibigan ko si Raffy."
Napayuko ang babae.
"Kukunin ko lang ang mga gamit."
Tinalikuran niya kami at pumasok sa isang kwarto.
"Totoo ba lahat ng sinabi mo?"
"Alin doon? Marami akong sinabi."
"Yung mga pangalan."
Huminga siya nang malalim
"Totoo 'yon."
"Personal bodyguard ka talaga?"
"Malapit ako sa kaniya."
Iyon lang ang sinabi niya at lumabas ng bahay para kunin ang motor.
Lumabas na ang babae at marami siyang dala kaya agad ko siyang tinulungan.
"Mag drive ka Pula, mag tataxi kami."
Seryosong aniya at saka inistand ang motor.
Pumara kami ng taxi at pinapasok sila.
"Ibalik mo sa'kin ng buo si Blacky."
Napakamot nalang ako sa noo ko.
"Oo na oo na.. pasok na."
Pumasok na siya at saka ko sinara ang pinto.
"Kuya, hinay hinay lang po sa pag dadrive."
Paalala ko no'ng lumapit ako sa driver.
"Ako na ho bahala."
Tinap ko ang bubong ng sasakyan at saka ako mag helmet at sinundan ang taxi na sinasakyan nila.
Kailangan niya talagang mag ingat dahil bukod sa nasa loob ang buntis, nandoon din ang siraulong babaeng kinababaliwan ko.
CRENZ'S POV
Bumaba kami sa studio ni Chris.
Hindi pala ako nag sabing dumating na ako o may kasama akong bisita ngayon.
Gabi na kaya mukhang iilan nalang ang tao sa studio.
"Crenz?"
Dinig kong tawag sa'kin mula sa likod ko.
Si Chris nga 'yon.
"Chris."
Ngiti ko ng tipid sa kaniya.
"A-anong- kelan.. Welcome back!"
Alam kong hindi na niya tinuloy ang itatanong niya dahil mahilig akong umalis ng walang paalam at bumalik na walang pasabi.
"Kumusta?"
Lumabas na si Yen.
"Magandang gabi po."-Yen
"Magandang gabi rin."-Chris
Nag tatakang tumingin sa'kin si Chris at saka siya lumapit sa taxi driver para bayaran ang pamasahe namin. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa niya 'yan. Kapag ako ang lulan ng sasakyang pampasahero at nakita niyang lumabas ako roon ay 'matic nang siya ang mag babayad kahit may pambayad naman ako.
*Beep beep*
Nandito na rin si Pula.
"Liphyo!"-Chris
"Doc Chris!"
Nag iwas nalang ako ng tingin sa gawi nila dahil parang gusto kong ikailang kilala ko sila.
"Nakarating na pala kayo? Pasalubong ko?"
"Sorry Doc, nag ka emergency kaya hindi ako naka bili ng mga souvenirs doon. Mag bibake nalang ako no'ng tinapay na binigay ko last time sa susunod na punta ko rito."
"Hihintayin ko 'yan."
Kinuha ni Pula ang mga gamit sa loob ng taxi.
"Anong nangyari? Bakit nandito kayo?"-Chris
"Sa loob nalang tayo mag usap, mahamog dito."
Nag patiuna akong mag lakad habang nasa likod ko si Yen.
Pag pasok ko sa office ni Chris ay bigla akong naalalang tagpo rito.
Nanlaki saglit ang mata at nag init ang mukha ko.
Pinakalma ko ang sarili ko at saka napa hawak sa batok ko kung saan siya gumawa ng milagro.
"Dahan dahan."
Alalay ni Chris kay Yen since pababa nga ang office ni Chris.
Nag tama ang paningin namin ni Pula kaya mabilis kong binaba ang kamay ko at saka nag iwas ng tingin.
Nababaliw na 'ko!!
Tumigil ka sa kalokohan mo, alalahanin mong ikakasal na rin siya. Itigil mo 'yang nasa isip mo!
"Salamat po."
Umupo ako sa swivel chair ni Chris na parang ako ang boss nila.
"Hanep, kapal talaga ng mukha."-Pula
"Matagal na."
Pinaupo ni Chris si Yen sa sofa habang si Pula ay lumapit na naman sa mga picture na naka sabit sa parang sinulid. Ilang beses na niyang nakita yan pero parang bago pa rin sa kaniya.
Pumikit lang ako.
"Drinks guys?"
"Kukuha nalang ako ng tubig sa taas."
Sabi ni Pula.
Mabilis na lumabas si Pula at sinara ang pinto.
"Bakit napa punta ka rito? Late na ah?"
Dumilat ako at saka siya tiningnan.
"Favor Doc. Chris."
Napamaang siya sa tinawag ko sa kaniya.
"Teka, puro na ata tutuli ang tenga ko."
"Chris!"
Saway ko sa kaniya.
"Hahaha.. sige ano 'yon?"
"Hayaan mo siyang mag stay muna sa'yo hanggang sa maipanganak niya ang bata."
Nawala ang ngiti niya at saka tumingin kay Yen.
"Uhmm.. pwede ko bang hawakan ang tiyan mo hija?"
Tumingin sa'kin si Yen.
"Doctor siya, mukha lang siyang gangster pero licensed Doctor siya."
Pag aassure ko kay Yen kaya tumango siya kay Chris.
Hinawakan ni Chris ang tyan niya.
"5-6 days lalabas na 'to."
See? Tama ang calculation ko.
"P-po?"
Gulat siyang tumingin sa'kin dahil siguro tama ang diagnose ko sa kung ilang araw nalang bago niya isilang ang bata.
"Nasa'n ang tatay ng bata?"
Lumayo na si Chris sa kaniya.
"Huwag mo na itanong Chris, lumalabas pangil ko pag pinag uusapan ang gagong 'yon."
Inis na sabi ko.
"Ok, I understand."
"So ano? Dito muna siya ah? Delikado kasi sa lugar na tinutuluyan niya, may kumatok daw-"
"Kelan ka pa natutong mag explain? Simula pag ka bata mo napaka dalang mo mag explain."
Huminga ako nang malalim.
"May kaibigan ako, sabi niya kung hihingi ako ng pabor matuto akong mag paliwanag para alam ng hihingan ko ng pabor kung bakit niya kailangang gawin 'yon."
Nag iwas ako ng tingin sa kaniya.
Kung hindi lang ako sinigawan no Hans no'n baka nag patuloy pa rin ang ugali kong umaalis at babalik ng walang explanation.
"Wow! Gusto kong makilala 'yang kaibigan mong 'yan."
"Pumapayag ka na ba?"
May inis na tanong ko kasi mas inuuna pa niyang mang asar.
"Oo na, lakas mo sa'kin eh."
Nakahinga ako ng maluwag.
"Thank you po, Doc."-Yen
"No, thank you. Dahil sa'yo may panibagong side ni Crenz akong nakita-"
"Chris!"
Singhal ko sa kaniya na agad niyang kinatawa.
Para siyang si Jigs, gusto ko silang pag untugin.
Bumukas ang pinto at may kasama na si Pula.
"Hi Crenz."
Bati sa'kin ng assistant ni Chris.
"Hi."
Tipid na bati ko.
"Good evening po."-Yen
"Good evening din. Mukhang lalabas na 'yang baby ah?"
"Opo, malapit na nga po."
Pag lapag nila ng mga dala nila at lumabas na rin yung lalaking assistant.
"Ang galing ng kusina niyo, kumpleto ng palaman. Pero walang peanut."-Pula
Tiningnan ko ang tinapay na dala nila. Kaya pala natagalan siya dahil gumawa pa ng sandwich.
"'Yong girlfriend ko kasi noon, allergic sa peanut kaya ayon parang naging hate ko na rin ang peanut dahil hindi pwede sa kaniya."
Nag papalit palit ng tingin sa'min si Pula. Mukhang alam ko na ang nasa isip niya.
Uminom ako ng tubig.
"Ahhh... Ang sweet mo naman Doc. Nasa'n na 'yong girlfriend mo noon?"
*Cough*
Bigla akong napa ubo sa tanong niyang 'yon. Seryoso ba talaga siyang gusto niyang halungkatin pa ang mga bagay na 'yon?
"Are you ok?"
Hinimas ni Chris ang likod ko.
"Ok lang."
Nakatingin lang si Yen sa'min habang kumakain.
"Huwag ka na ngang mag tanong tungkol sa past niya. Dinaig mo pa ako kung mag tanong ka ah."
Singhal ko kay Pula.
"Masama bang malaman."
If I know may hinuhuli lang siya.
"Masama! Sasamain ka sa'kin."
Hamon ko sa kaniya.
"Doc. bakit ba kasi nag tyaga kang mag alaga ng ganiyan? Alam mo ba Doc. sabi niya cute 'yong Winnie na alaga niya pero pagka kita namin sa farm buwaya pala 'yong Winnie. Halos hindi kami makagalaw sa gulat sa tinatawag niyang cute."
Sumbong niya kay Chris habang si Chris ay tawa lang nang tawa sa sinasabi ni Pula.
Para sa'kin cute si Winnie.
"Tss."
I hissed.
"Kelan ka ulit babalik dito Liphyo?"
"Sa susunod na bukas po ata. Bukas kasi kailangan kong mag enroll sa ibang school dahil nga binomba ang school namin."
May gumapang na kuryente sa puso ko.
Naalala ko na naman ang mga katawan na nag bigay ng bangungot sa'kin nang ilang araw.
"Sige inom tayo-"
"Anong inom? Tuturuan mo talagang maging lasenggero 'yang bading na 'yan?"
"Anong bading?!"
Tinawanan kami no'ng dalawang nanonood sa'min.
"Walang iinom, mahihina kayo sa alak."
"Mahina ka sa alak Doc Chris?"-Pula
"Hindi, bata palang ako mahilig na akong uminom."
Impossible.
Bigla akong naintriga.
"Ilang shot ng alak bago ka mawala sa katinuan?"
Takang tanong ko sa kaniya.
"Bote ang itanong mo. Ilang bote ng alak bago ako tumaob. Sa totoo lang, sa mga nakakainuman ko wala pang nakatalo sa'kin sa pag inom."
Bigla akong naguluhan.
"Sigurado ka?"
"Oo naman."
"Wala ka po bang history noon na hindi mo alam ang ginawa mo at kung bakit may ganito o gano'n kasa katawan or napa uwi ka sa bahay nang hindi mo nalalaman o kung anong nahihiwagaan ka?"-Pula
Nice question, 'yan din ang itatanong ko kung hindi siya nag tanong.
"Hmm.. hindi ako sigurado. Siguro 6 or 7 years ago sa pagkakatanda ko ay natulog ako sa pinaka malapit na motel dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Alam ko ang ginawa ko no'n pero no'ng nakatulog ako syempre wala na akong naalala. Pag gising ko nalang magulo na ang kama kung nasa'n ako nakahiga at may mahabang hibla ng buhok ng babae. Pero sigurado ako no'ng nag check in ako, ako lang talaga ang nandoon. Medyo ayaw ko kasi na sobrang gulo ng kamang hinihigaan ko kasi doon ako nagiging meticulous-"
"Che! Bihira ka lang maligo Chris."
Singhal ko sa kaniya.
"Alam ko pero ibang usapan kapag kama ko na ang nagulo. Kapag kasi natutulog ako lagi akong nasa left side ng kama tapos kung anong pwesto sa gabi gano'n din ang nagiging pwesto sa umaga. Lagi akong naka talikod sa left side ko pero no'ng umagang 'yon naka harap na ako sa kaliwang part na 'yon."
Bigla akong natahimik.
Napatingin ako sa kuko ko.
"Baka po nagkataon lang?"-Yen
Tumango si Chris.
"Baka nga."
Tumayo na ako dahil hindi na rin maganda ang pakiramdam ko sa usapan.
"Why?"-Chris
"Aalis na 'ko. Alagaan mo si Yen."
"Wait? Agad?"-Pula
"Mauna na ako sa'yo, mag taxi na nalang. Kung wala kang pera manghingi ka kay Chris."
Mabilis na sabi ko kay Pula.
Hindi ko na sila pinag salita at nag lakad nalang palabas.
Now it makes sense.
Feeling ko may nag sadya sa mga nangyari.
Sino at bakit?
LIPHYO'S POV
Nasa taxi na ako dahil nga iniwan ako ni Raya. Actually hindi naman iniwan, nauna lang siya.
Napahinto kami dahil mukhang nasiraan si Manong.
"Malas."
Bulong ko sa sarili ko. Malayo pa ako sa bahay eh.
Sabi nalang ng driver na humanap nalang ako ng ibang masasakyan dahil matagal pa raw 'yon maaayos.
Nag bayad ako at saka lumabas na ng taxi.
Mabuti nalang at pinag jacket ako ni Raya kundi maninigas ako sa lamig dito. Magiging kalamig na ng probinsya nila Raya itong Manila.
Nag bagal lang ako sa pag lalakad dahil hindi ko pa rin trip umuwi sa bahay.
Napa tingin ako sa isang coffee shop. Mukhang masarap ang kape nila mula sa mga poster nila sa labas.
Paalis na sana ang tingin ko roon nang may matanaw akong pamilyar na pigura.
Napangiti ako pero nag aalangan ako kung lalapitan ko siya. Sabi niya no'ng huling kita namin ay ililibre niya ako ng kape.
Dahil ayaw ko pang umuwi, pumasok na rin ako sa coffee shop na 'yon at natagpuan siyang nag iisa roon o baka may hinihintay.
"Hello po."
Nakangiting bati ko sa kaniya.
Tumingin siya sa'kin. Siguro umabot pa ng limang segundo ang titig niya.
"Oh! Hijo... Kumusta ka?"
Malawak akong ngumiti.
"Ok lang po, kayo po kumusta po kayo Mr. Craig?"
"Mr. Craig? Sinabi ko na sa'yong Craig nalang dahil hindi naman nag kakalayo ang edad natin."
Bigla akong natawa.
Bata pa naman siya, siguro mga nasa 40's
"Hehe sige po Craig."
"Upo ka dito."
Pinaupo niya ako sa tabi niya.
"May kasama po kayo?"
Maganda ang ngiti niyang tumango.
"Ahh.. oo, kaibigan ko, nasa CR lang siya. Anyway order ka muna. Sinabi ko noon na kapag nag kita ulit tayo mag kakape tayo."
Tumango ako.
"Hindi po ba ako nakakaabala-"
"No no.. it's fine."
Tinawag namin ang waiter at nag order ng coffee at cake kasi nag insist si Mr. Craig na mag cake pa kahit sinabi kong kaka kain ko lang kina Doc. Chris.
"Anong year mo na ba ngayon?"-Mr. Craig
"3rd year highschool po."
"3rd year? Akala ko nasa college ka na."
Ngumiti ako.
"May nangyari lang po 3 years ago kaya napa hinto ako sa pag aaral."
Tumango siya.
May umupong babae sa harap namin.
"Sorry natagalan ako."
Sakto dumating din order namin.
Napakusot pa ako ng mata dahil parang nakikita ko si Raya sa kaniya. Gano'n na ba ako kabaliw na baliw sa babaeng 'yon at pati sa ibang tao ay nakikita ko ang itsura niya?
"It's fine."-Mr. Craig
"Ang pogi mo naman, anong pangalan mo?"
Magiliw na tanong no'ng ginang.
"Hailey, mind your tone."
Saway sa kaniya ni Mr. Craig pero maloko pa rin ang naging ngiti ni Ms. Hailey.
"Liphyo Attienza po."
"Nice name, I'm Hailey, a mother of 5."
Medyo nanlaki ang mata ko.
"5 po? Pero ang ganda niyo pa rin po, parang isa o dalawa lang po ang anak niyo."
Tinawanan nila akong dalawa.
"Hayaan mo ipakikilala kita sa isa sa mga dalaga ko next time, siguro mga ka edaran mo lang din 'yon."
"Hailey."
Saway na naman ni Mr. Craig kaya kami naman ngayon ni Ms. Hailey ang natawa.
"Hindi na po, may nagugustuhan na rin po kasi ako."
Tumaas ang dalawang kilay niya na animoy nagulat.
"Talaga? Tama 'yan, pareho kasing may kasungitan ang dalawang anak ko."
Tatawa tawang aniya.
"Mag kaibigan lang po ba talaga kayo?"
Tanong ko sa kanilang dalawa kasi parang sobrang close naman nila kung mag kaibigan lang sila.
"Sinabi niya na mag kaibigan lang kami?"-Ms. Hailey
Tumango ako at saka kumain ng cake.
"Ahh.. he's my ex husband."
Muntik na akong mabilaukan.
"Pfft.. hahaha.. cute."-Ms. Hailey
Humigop ako ng kape ng konti kasi medyo mainit pa 'yon.
"Sorry po."
Pinunasan ko ang ibang tumalsik sa table malapit kay Ms. Hailey.
Napapikit ako konti dahil sa hiya.
"It's fine kiddo."-Ms. Craig
Nag sorry ulit ako.
"Bakit nagulat ka? Mukha bang hindi ako papatol sa ganiyang itsura?" Malokong tanong 'yon.
"Hey? Ang gwapo ko kaya."-Mr. Craig
Ang cute nila kaya medyo natawa ako.
"Nagulat lang po talaga ako kasi sabi po ni Craig kanina na kaibigan lang daw po atsaka kayo lang po siguro ang na encounter kong hiwalay na mag asawa pero parang sobrang close pa rin po."
*Chuckles*
"Kinasal lang kami kasi kailangan."-Mr. Craig
"Yeah."-Ms. Hailey
"Hindi po arranged marriage?"
Bakit ba nakikialam ako sa kanila?
"Hindi, we chose to do it."
Wow! Mutual.
"Ang cool no'n. Ngayon lang po ako nakarinig ng gano'n."
Manghang pahayag ko.
Nag patuloy kami sa pagkain at pag inom ng kape.
Tinanong din nila ako about sa mga mababaw na info sa sarili ko.
"Anong kukunin mong course sa college?"
Bigla akong napaisip.
"Undecided pa rin po ako kasi marami akong gustong gawin pero hindi ko po talaga alam kung ano talaga yung pinaka gusto ko."
Tumango sila.
"Here's my contact number."
Nag bigay si Mr. Craig sa'kin ng card
"Po?"
"Contact me if you need something."
Nag dalawang isip ako kung tatanggapin ko o hindi. Ayoko naman gumamit kasi ng ibang tao para lang sa gusto ko.
"A-ah- hehehe.. tatanggapin ko po to pero hindi po ako cocontact sa inyo kapag may kailangan ako."
Naiilang na sabi ko saka kuha ng card.
"Give me your number then. Papayag ka bang samahan ako kapag may kailangan ako?"
"P-po?"
"Minsan kasi nag gogolf ako mag isa, nakaka bagot naman kapag mag isa lang ako. Samahan mo ako minsan."
Bigla akong na excite.
Gusto ko rin ang golf.
"Sige po."
Masayang tugon ko at saka binigay ang cellphone number ko.
"Yayayain sana kita sa party ng anak namin pero baka ma out of place ka lang."-Ms. Hailey
"Salamat po, marami na rin po akong gagawin kaya baka hindi rin po ako makapunta."
Magalang na tugon ko.
Tumango sila.
Nag bayad na si Mr. Craig ng bill at saka kami lumabas.
"So pa'no? Mauna na kami-"
"Opo opo.. ingat po kayo."
Kumaway ako sa kanila habang sila ay natatawa sa ginagawa ko.
"Ingat ka rin Liphyo."
Bahagya pa akonf tumango sa kanila para mag paalam.
Nang makalayo ang sasakyan nila ay saka na ako tumalikod.
"Kakaiba silang mag ex."
Iling iling ko pero sobrang cool no'ng nangyari sa kanila.
Sarili mismo nila ang inobliga nila.
Pumara ulit ako ng taxi at umuwi na. Habang nasa daan ako ay hindi ko maiwasang isipin ang sinabi kanina ni Ate Yen na binayaran siya ni Papa.
Sumasakit ang ulo ko sa kanila.
CRENZ'S POV
Napapikit nalang ako sa sobrang dami ng tao sa bahay ko.
"Charrie, have this."-Chelsea
"Let's play Charrie."-Drei
"Hoy, natatakot yung bata sa inyo."-Nina
Mariin kong hinilot ang nose bridge ko para hindi sumabog sa ingay nila.
Kumpleto sila, as in!
"Let's drink guys!"-Tyro
"May bata, wag kang bad influence."-Hans
"Kajaaaa!"-Raffy
Bumukas pa ang pinto at pumasok doon si Ryker at Arya.
"What a mess?"-Arya
"Pareeee!"-Hans
Bati ni Hans at saka niyakap si Ryker.
Nag sabi na rin ako kay Ryker na hindi ko gustong mag paliwanag tungkol kay Charrie. Kitang kita ko naman sa kaniya na gustong gusto niyang malaman pero mukhang pinigilan niya ang sarili niya.
"Hi baby, may gift ako sa'yo."
May hawak si Ryker na gift bag.
Tumingin naman sa'kin si Charrie at nangungusap ang mata kung tatanggapin niya.
Sinabihan ko siya na hindi siya pwedeng tumanggap nang tumanggap ng kung ano ano sa mga nakapaligid sa kaniya unless may occasion para hindi siya ma spoiled sa mga material na bagay.
"Why? Does your Mama doesn't allow you to accept gifts?"-Ryker
Tiningnan nila ako.
"Ayaw lang ni Crenzy na ma spoiled niyo si Charrie."-Nina
"Go on accept it. But that'll be the last."
Sabi ko sa bata kaya tumakbo siya kay Ryker at kinuha ang gift at saka nag pasalamat ng may kasamang pag yuko.
"Woooh.. buti nalang hindi nag mana sa Ina."-Daniel
Nag tawanan sila.
Kumpleto kami... Kumpleto nga ba kami?
Bigla akong nalungkot nang makita at mapagtantong wala si Axel.
Nag sabay sabay ang ingay kaya napatingin ako sa kanila.
Ang gugulo nila at ang ingay.
Sampu kaming tao rito sa bahay at nakakabaliw talaga ang kaligaligan nila.
"ISA!"
Sigaw ko sa kanila na agad nakapag patahimik sa kanila at tumingin sa'kin.
Parang may dumaang anghel sa biglang pag tahimik ng paligid.
"Umupo nga kayo, mukha bang party house 'tong bahay ko?"
Singhal ko sa kanila.
"Lagoooot."
Sabi ni Charrie with hand gesture pa.
Muntik na akong matawa pero sila syempre hindi pinalampas ang sandaling 'yon at dinumog si Charrie.
"Upo na guys, huwag niyo na hintaying bumuga ng apoy ang dragon."-Nina
"Kaya pala mag pinsan kayo 'no?"-Ryker
"Alam mo kung wala lang bata rito minura na kita."
Nakangiting anas ni Nina na parang pinapatay si Ryker sa isip niya.
Umupo naman na sila. Yung iba sa sahig at ang iba naman sa hagdan at sofa.
"Uy ambagan niyo 'ko, nag order na ako ng makakain."
Nilahad ni Ryker ang palad niya at parang batang tumingin sa kanila.
"Ano? Bakit pa? Ngayon ka lang umuwi kaya manlibre ka."-Tyro
"Hanggang ngayon kuripot ka pa rin?"-Hans
"Tumigil ka na sa pag hinga Ryker kung sisingilin mo pa kami."-Daniel
Pfft.. kumpleto ang f4 namin.
"Hanggang ngayon binubully ka pa rin ng mga 'yan?" Asar ni Raffy
"Siya pa rin ang iyakin na Ryker namin."-Tyro
"Iwww.. kadiri kayo/Yuck/Gross."-Chelsea, Nina and Arya
Sa tabi ko pala nakaupo si Arya.
Napa tingin tuloy ako sa kaniya.
"What?"
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Wala."
Iwas ko ng tingin.
"Baby, you like the gift? It's from me and your Tita Arya."-Ryker
Si Arya at Axel lang ang hindi nag tanong sa'kin ng tungkol kay Charrie. Dahil ba sa galit pa rin sila sa'kin? Siguro nga. Iyon lang ang naiisip kong dahilan.
*Ring*
Tumingin sila sa'kin.
Kinapa ko ang cellphone ko at saka lumabas, alangan naman sagutin ko sa loob eh maya maya lang mag iingay na sila.
"Chris?"
Bati ko pag sagot ko ng tawag.
"Nasa hospital na kami ngayon."
Bigla akong kinabahan.
Halos araw araw din akong bumibisita kay Chris mula nang dalhin ko doon si Yen. Alam naman na ni Chris kung sino yung babaeng 'yon dahil lagi pala iyon kinukwento ni Pula bago kami pumunta sa probinsya, noong mga panahong araw araw pang tumatambay si Pula kay Chris.
"Bakit? Manganganak na?"
"Labor."
Mas lalo lang ata akong kinabahan.
"Sa tingin mo ba manganganak na siya ngayong gabi?"
"Sigurado na 'to ngayong gabi."
Tinanong ko kung saang hospital para papupuntahin ko na roon si Cess at Nemi.
"Sige, pupunta na ako."
Binaba ko na ang tawag at pag pihit ko patalikod ay nakita ko si Ryker.
"Going somewhere?"
"Hospital."
"Why?"
"May manganganak."
Nilampasan ko siya at saka pumasok sa loob para mag palit ng damit at kunin ang susi ko.
"Sa'n punta Crenz?"-Hans
"Manganganak na si Yen."
"Sama ako Mommy."
Napatingin ako kay Charrie. Hindi na nga lang pala ang iniintindi ko pag balik ko rito sa Manila, pati narin pala si Charrie.
"You can't baby. Stay here with Tita Nina."
"I want to come."
Namumuo ang luhang aniya.
Kinakabahan ako. Nandoon si Chris kaya hindi pwede.
"No, it's already late."
"Baby, let's just stay here, we'll watch your favourite cartoon."-Raffy
Yeah! Buti nalang nandito si Raffy.
"Kayo na bahala sa bahay ah, huwag niyo sunugin."
Lumabas na ako at saka ko nakita si Ryker.
"Bakit nandito ka?"
"What else? Sasamahan kita."
Napailing nalang ako.
Nilabas na namin ang motor at si Tyro ang nag sara ng gate dahil lumabas siya ng bahay para ihatid lang kami sa labas.
"Ryker, ingat sa pag dadrive."
Sumaludo lang si Ryker sa kaniya.
Umangkas na ako sa likod at saka kami nag helmet. Gamit ko ang binigay ni Pula sa'kin.
Kinakabahan ako habang tumatagal ang oras.
"Pihitin mo na."
"Ha?"
"Dalian mo mag drive."
"Pero-"
"Dali!!"
*Brooom!*
LIPHYO'S POV
Pag tawag palang ni Doc Chris nag madali na agad akong pumunta sa hospital.
Muntik muntik pa akong bumangga kaka madali ko.
"Excuse me, Yen Francisco po."
Tanong ko agad pag pasok ko sa hospital.
"Wait po *typing* nasa delivery room po. Diretsuhin mo lang yang hallway tapos sa dulo."
Matapos kong mag pasalamat ay mabilis akong nag lakad doon.
"Attienza."
Bati sa'kin ni Nemi.
Tatlo silang nandoon. Nemi, Cess at Doc.
"Kumusta? Nanganganak na ba siya?"
"Oo, mag lilimang minuto na rin siguro."
Tinawagan ako ni Kathy kanina kasi naaawa din siya sa ginawa ng kapatid ko sa babae. Papunta na 'yon ngayon.
"Jhonny."
Si Kathy.
Mabilis siyang lumapit sa'min.
Pinakilala ko siya kina Nemi.
Natahimik lang sila. For sure kilala na nila Nemi si Kathy dahil assignment nila ang kapatid ko.
"Lumabas na ba?"-Kathy
"Kakasimula lang ata."
Pinaupo ko muna siya sa tabi ni Nemi habang kami ni Doc Chris ay naka tayo.
"Nga pala, gumwapo ka lalo no'ng nag pagupit ka."
Bulong sa'kin ni Doc.
"Dito pa ba tayo mag bobolahan."
Nag tawanan kami ng mahina.
"Pupunta ba si Raya, Doc?"
"Oo, papunta na 'yon."
Buti naman.
Nilapitan ko si Kathy at saka pinatong ko sa balikat niya ang long sleeves ko dahil mukhang galing siyang party at dumiretso rito.
"Thanks Jhonny."
Inayos niya ang damit na binigay ko sa balikat niya.
"Crenz!"
Tumayo si Nemi para salubungin si Crenz. Para akong nanigas dahil sa gulat nang marinig ko ang pangalan niya.
"Ryker?"
Parang disappointed na tanong ni Nemi.
Teka? Kasama niya 'yong Ryker?
Tumingin ako sa kanila at nag tama ang tingin namin ni Raya saka siya tumingin kay Kathy pero saglit lang.
Tumingin din ako sa lalaking kasama niya.
Ang gwapo niya, halatang malinis at mabango at may sinabi sa buhay.
"Chris? Kumusta?" Pag lapit ni Raya kay Doc
"Kakasimula lang."
"Bakit parang disappointed ka?"
Natatawang tanong nung lalaki kay Nemi.
"Para kasing pumangit ka lalo. Namimiss ko ang itsura ng batang Ryker."-Nemi
"Pfft.."-Cess
Tumingin sila kay Cess.
"You're Princess Montemayor diba?"-Ryker
"Ahh yeah."
Tumayo si Cess at bahagyang yumuko kay Ryker.
"No need for that. I don't like that kind of gesture."
Mukha namang mabait siya. Halata naman kasi nag tagal siyang mag kagusto sa Raya.
"Hello, I'm Ryker."
Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko.
Inalis ko lahat ng tanong ko sa isip ko at saka tinanggap ang kamay niya nang may ngiti.
"Liphyo Attienza, madalas kang mabanggit nila Tyro."
"Talaga? Naririnig ko na rin ang pangalan mo sa kanila simula no'ng nakilala ka nila."
Kinukwento ako nila Tyro? Anong paninira naman kaya ang ginawa niya?
Pinakawalan namin ang kamay ng isa't isa at saka siya tumingin kay Kathy.
"Ah, asawa siya ng kapatid ko, Katherine Fernandez."
Kumaway lang si Ryker sa kaniya at gano'n din ang ginawa niya.
"Wait asawa? Diba..."
Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil mukhang alam niyang matatapakan niya ang boundary.
"Yeah."-Kathy
Tango ni Kathy sa kaniya.
"Sorry, mukhang sumobra ako."
Magalang na paumanhin niya at saka tumingin kay Doc.
"Good evening Sir, I'm Ryker Ramson. Nakukwento ka po sa'kin ni Yara, salamat po sa pag alalay sa kaniya habang wala kami, alam ko pong nahirapan kayo-"
*Pak*
Mabilis siyang hinampas ni Raya at napa bungisngis naman kami.
"Nice to meet you. Ang gwapo mo pala talaga sa personal, kaya naman pala bukambibig ka ni Crenz."
Nawala ng konti ang ngiti ko.
"Talaga po? Ano pong sinasabi niya sa'kin?"
"May namimiss daw siyang iyaking kaibigan."
Sinamaan ni Raya ng tingin si Chris.
"Isang beses ko lang sinabi 'yon-"-Crenz
"Sinabi mo pa rin."-Chris
Ayoko na makinig sa kanila. Parang dinudurog lang ako habang tinitingnan sila.
"May kailangan ka?"
Lumuhod ako sa harap niya para tanggalin ang heels niya, hindi kasi sanay sa mga high heels pero mukhang napilitan siya ngayon.
Sinilip din niya ang sakong niya.
"Can you ask for bandaid?"
Tanong niya habang sabay naming tinitingnan ang paltos niya.
"Tsk. Bakit kasi nag ganito ka pa? May flat sandals ka naman diba?"
May inis na tanong ko.
"Sayang yung gift ni Papa kung hindi ko gagamitin."
Hinawi niya ang buhok niya para makita ng maayos ang likod ng paa niya.
"Sige, kukuha lang ako."
Tipid siyang ngumiti sa'kin at saka tumango.
Mabilis akong nag hanap ng pwedeng hingian ng bandaid, siguro naman libre na 'to rito.
Matapos kong maka hingi sa isang nurse ng bandaid babalik na sana ako kung hindi ko lang nasalubong si Raya.
"Sa'n ka pupunta?"
Hindi niya ako pinansin at nag lakad lang kaya ako sinundan ko siya kasi baka may makaharap na naman siyang away dahil sa kakaibang tabas ng dila niya.
Huminto siya sa isang vending machine.
"Ako na."
Nag hulog ako ng pera. Tiningnan niya ako na parang sinasabing may pera naman ako at hindi ko na dapat ginawa 'yon.
Soda ang pinindot niya.
Pag labas no'n ay nag hulog ulit ako para bumili naman ng tubig para kay Kathy.
Nauna nang mag lakad si Raya.
"Wala man lang thank you?"
Habol ko sa kaniya at saka siya sinabayan sa pag lakad.
"Wala naman akong sinabing gawin mo 'yon. Kung nag eexpect ka ng kapalit, mas mabuti nang hindi mo nalang 'yon ginawa."
Napanguso ako.
Wala pa ring pag babago ang ugali niya.
"Oo na. Pero bakit ang tahimik mo?"
"Kelan ba ako nag ingay?"
Oo nga naman.
"Kinakabahan ka ba?"
"Hindi."
"Pero diba napag daanan mo na rin 'yon?"
"Tulog ako no'n."
Ha?! Tulog siya nang manganak siya? Hindi ko gets.
"Bakit? Sobrang hirap ba? Sobrang sakit?"
Nakangiwing tanong ko.
"Malay ko. Tulog ako so paano ko malalaman?"
She's really hopeless.
Sabay kaming lumiko para bumalik sa mga kasama namin.
"Here."
Iniabot ko ang bote ng tubig sa kaniya.
"Thank you."
Ngiti pa niya.
Sa mga ngiting 'yon ako nahulog noon.
Lumuhod ulit ako sa harap niya at kinabit ang band aid sa magkabilaang sakong niya at saka tumingin sa kaniya.
"May slippers ako sa motor, gusto mong kunin ko?"
Napatingin siya sa paligid namin kaya maging ako napa tingin din.
Mga naka tingin silang apat sa'min.
"Ganiyan ka sweet Attienza?"-Cess
"Wow, may panibago na naman akong nakita mula sa pakelamerong Attienza."-Nemi
Natawa nalang ako.
CRENZ'S POV
Pag liko namin ni Ryker mula sa delivery room, nakita ko agad si Pula na may nilalagay sa balikat no'ng babae.
'Gentleman kuno'
Isip isip ko.
Kilala ko siya, ilang beses ko na rin nakita ang mukha niya sa picture at ang dahilan kung bakit nag sisisigaw si Pula sa hospital noon.
Agad kong tinanong kung ano nang nangyayari at nakakuha naman ako ng matinong sagot kay Chris.
Nang asar muna si Chris at Ryker kaya may nahampas ako sa kanila.
Maya maya ay naka tuon na ang tingin nila sa isang bagay kaya maging ako ay napatingin na rin doon.
Mahina silang nag uusap habang naka luhod si Pula sa harap no'ng babae.
Mukhang nasugatan ang babae sa heels niya. Kahit naman ako ay mapapaltusan din dahil hindi ako sanay sa mga heels na ganiyan.
"Sobrang close nila 'no?"-Ryker
"Umiral na naman pagiging chismoso mo."
"Hindi ah, kapatid niya ang asawa pero mukhang mas close sila."
"Bakit? Nakita mo na ba ang closeness no'ng mag asawa?"
"Hindi."
Napairap nalang ako sa hangin.
"Hahaha.. lagi talagang masusupalpal ang makakasama ni Crenz."-Chris
An'tanga lang kasi.
"Bakit pala mag kasama kayo? Matagal na kayong mag kakilala?"-Cess
Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Si Nemi lang pala ang nakaka alam na kilala ko sila Ryker.
"Hindi, pinasama lang ako nila Hans sa kaniya."
Ngiti ni Ryker na parang napaka totoo ng sinasabi niya.
"Ahhh.."
Tsk.. nakalimutan ko talagang hindi siya kilala ni Cess na pinapapunta rito. Bakit kasi sumama sama pa 'to eh.
Inirapan ko si Ryker.
Pag tingin ko kina Pula wala na siya doon.
"Nauuhaw ako-"
"Bibilhan kita-"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ok, go on."
Ngiti niya sa'kin.
Nag lakad na ako papunta sa vending machine na nakita ko tapos nakita ko si Pula tapos daldal siya nang daldal. Wala ako sa mood ngayon. Parang gusto kong batukan si Ryker ngayon.
Pag balik namin doon agad siyang pumwesto sa lapag para asikasuhin 'yong kaibigan niya.
Ang sweet niya ah?
Parang ngayon ko lang siya nakitang naging ganiyan sa isang tao.
'Talaga? Eh 'diba nga halos ipaligo na niya sa'yo ang alcohol'
Bigla akong nag cringe nang maalala ko 'yon.
"Hey? Ok ka lang?"
"May naalala lang akong nakakakilabot na bagay."
"Ha?"
"Alcohol."
"Hahaha.."-Chris
Alam kasi niyang binuhusan ako ng alcohol ni baliw.
Tiningnan lang namin sila habang inaasar sila no'ng dalawa.
"Kunin ko lang."
Umalis ulit si Pula.
"Gusto pa kaya niya?"
Rinig kong bulong ni Chris
"Chismoso ka rin? Lahat nalang ata ng kilala kong lalaki puro chismoso."
Singhal ko sa kanilang dalawa.
"Bulong na 'yon, narinig mo pa?"-Chris
"Pfft.."-Ryker
"Ok lang ba talagang nandito ka?"-Nemi
Tanong niya sa babae.
"O-oo naman."
Bakit feeling ko alangan ang tuwa at lungkot sa mata niya.
"Gusto mo ba talaga si Allen Attienza?"
Walang ka gatol gatol na tanong ko.
"Crenz!"
Saway nila sa'kin.
"Bakit? Kung mahal niya ang asawa niya, bakit siya nandito sa masasabing kabit ng asawa niya?"
Duda ako sa presensya niya.
Yumuko siya at saka pinag laruan ang kuko niya.
"Enough, Crenz Yara."-Ryker
"Napilitan lang ako."
Natigilan kami at tumingin sa babae. Nag salita siya habang naka yuko.
"Ano?"
"Pinag kasundo kami ng mga grandparents namin at wala akong karapatang tumanggi."
Nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Alam ko ang ganiyang pakiramdam dahil pinalilibutan ako ng mga taong pinag kakasundo rin sa mga taong hindi nila gusto at wala silang magawa kundi ang sumunod.
"Hindi ka man lang ba naawa kay Liphyo?"
"Tinanong ko siya noon-"
Humigpit ang hawak niya sa kamay niya.
"-tinanong ko kung gusto niya ako kasi handa akong baliin ang kasunduan na 'yon kung sasabihin niyang gusto niya ako."
Napakuyom ang kamao ko. Pareho lang silang may kasalanan.
"At sinabi niyang hindi?"-Ryker
Tumango 'yong babae.
"Ayaw niya lang maging selfish. Kapatid niya ang maaagawan niya ng mapapangasawa at ayaw ni Liphyo masira pa 'yon dahil sabi niya kita niya namang masaya na kayo pareho."-Nemi
Paano niya 'yon nalaman?
"Paano mo nalaman?"
Hindi ko maiwasang maitanong.
"Nag kwento na siya sa'kin noon. Hindi raw si Allen ang gusto niyang masaktan higit kaninoman. Alam ni Liphyo na gusto ng kuya niya ang babaeng gusto niya kaya nag paubaya na siya."
Kumunot ang noo ko.
Tapos mag mumukmok siya sa ibang bansa?
"Bakit ka pumayag mag pakasal kung ayaw mo?"
Tanong ko ulit.
"Simula pagka bata nasasakal na ako sa kanila, pati course na kukunin ko pinapakelaman ng mga magulang ko. Sabi nila kapag nag pakasal ako kay Allen hahayaan na nila ako sa gusto kong gawin."
Naiinis ako sa kanila pero naiintindihan ko lahat ng nangyayari sa kanila dahil lahat 'yon naranasan ko na kaya gustong gusto kong kumawala sa poder ng pamilya ko.
"Bakit hindi nalang si Liphyo ang pinakasal sa'yo?"
Tumingin siya sa'kin.
"Apat na taon ang agwat nilang magkapatid at masyado pang bata si Jhonny para mag pakasal, hindi rin maganda ang relasyon ni Jhonny sa Lolo nila, mukhang may favouritism ang Lolo nila kaya hindi rin pumayag na si Jhonzel nalang ipakasal sa'kin."
Huminga ako ng malalim, masyado akong nadadala kapag si Pula ang usapan kahit pa past na nila 'yon.
"Nakuha mo ba ang gusto mo?"
Kasi kung hindi, wala ring kwenta ang desisyon niya.
"Nakuha ko ang course na gusto, nakawala ako sa poder ng mga magulang ko pero hindi ko pa nakukuha si Jhonny."
Ramdam ko ang pag init ng tenga ko.
Hindi ko na gustong maaapektuhan sa kanila pero hindi ko rin alam kung bakit nangyayari 'to. Ayokong mag suffer ulit si Pula dahil sa kaniya.
Nag iwas ako ng tingin at saka tumingin kay Ryker.
"Tawagan mo muna sila sa bahay, kumustahin mo 'yong bata."
"Wala kang dalang phone?"
Walang kwenta ko lang siyang tiningnan.
"Wala akong load."
"Pfft.."-Nemi
"Kakasweldo lang namin kay Sandra ah?"-Cess
Tiningnan ko rin yung dalawa.
"Wala akong oras mag pa load."
Buti nalang na iba na ang topic kundi baka may masabi pa akong hindi maganda.
"Here."-Pula
Naka balik na siya dala ang tsinelas.
"Thank you."
Ewan ko ba, natotonohan ko ng landi ang pag sabi ng thank you.
Lumayo konti si Ryker para tumawag.
"You're acting weird."
Bulong ni Chris.
"Anong weird?"
"Namumula lang ang tenga mo kapag inis ka na. Nag seselos ka na?"
Hinarap ko siya.
"Alam mo? Ang tanda tanda mo na para ka pa ring bata."
Singhal ko sa kaniya.
"Hahaha.. ayoko lang mag mukhang matanda gaya mo."
*Kruuuu*
Napa tingin ako sa tiyan ko.
"Hmm.. dragon mo ba 'yon?"-Chris
"Mukhang akin nga."
Hindi pa kaming nag hahapunan eh.
"Kain muna tayo?"-Chris
"Hindi, aantayin ko na lumabas 'yong bata."
Tumingin kami sa delivery room.
"After giving birth to the child, what's our next plan?"-Nemi
Bigla akong na conscious sa mga naka paligid sa'min.
"This is not the right place and time to talk about it."-Cess
Buti nalang to the rescue si nerd!
"Ahh.. sorry."
Tumayo si Pula na nakakuha ng atensyon namin.
"Bibilhan lang kita ng makakakain."-Pula
"Hindi na Pare, ako na ang bahala kay Crenz."
Biglang sabat ni Ryker pag balik niya.
Tumingin sa'kin si Pula pero tumingin lang ako kay Ryker.
"Anong sabi?"
"Ok pa naman daw, kumakain na sila."
Dahan dahan akong napa tango.
"What do you want for a small bite? Kain nalang tayo ng dinner bago tayo umuwi."
"Ham and cheese nalang, may nakita akong tinapay vendor diyan sa tapat nitong hospital."
"Tumango siya."
"Ikaw po Mr. Chris?"
"I'm good, di pa naman ako gutom."
"Nemi, Cess, Katherine, Jhonzel? Kayo? Anong gusto niyo?"-Ryker
Apaka galante ah?
"No thanks, kumain na ako."-Cess
"Kumain na rin ako eh."-Nemi
"I'm good."-Kathy
"Ok lang kami bro, siya nalang ang bilhan mo."-Pula
Tumango si Ryker
"Sasamahan pa ba kita? May sense of direction ka na ba?"
Bigla nalang namula ang mukha niya.
"K-kaya ko. Flaws ko lang ba naaalala mo?"
Hindi naman, pero highlight kasi 'yon no'ng kabataan namin. Wala siyang sense of direction Kaya madalas maligaw. Kailangan munang tatlo o limang beses namin madaanan bago niya makuha kung saan dadaan.
"Dami mong arte. Lakad na."
Bahagya ko pa siyang tinulak.
"Huwag kang aalis ah."
"At sa'n naman ako pupunta?"
"Diyan ka lang ah."
Jusmeee! Para akong nag kausap na kinder.
"Pfft.."-Them