NEMI'S POV
Alam na namin noon na may matagal nang nagugustuhan si Ryker at alam din ni Sandra 'yon, mukhang si Crenz ang sinasabi nilang matagal nang gusto ni Ryker. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Sandra sa mga 'to, baka mag ka siraan pa sila ni Sandra kapag nalaman ni Sandra.
Mukhang hindi rin naman alam ni Crenz na may gusto sa kaniya si Ryker dahil gano'n talaga ka manhid si Crenz, kung hindi nga siguro umamin ang mga lalaking may gusto sa kaniya ay hindi niya mahahalata.
"Mag boyfriend ba sila?"
Tanong ng isa kong katabi.
"Kathy, stop asking that."-Liphyo
"Why? I just want to know. They're look good together."
Sobrang maasikaso si Ryker kay Crenz. Para tuloy kaming mga chaperone ng mga mag jojowa rito.
Hmm.. amoy jealousy si Liphyo.
Pasulyap sulyap siya sa gawin no'ng dalawa at napapansin ko namang pangisi ngisi si Mr. Chris.
Bumukas ang pinto.
Agad kaming napa tayo.
Nakangiti naman kaming sinalubong ng Doctor.
"How is she?"-Mr. Chris
"Malusog ang bata at ligtas sila pareho. Ililipat nalang namin sila ng kwarto tsaka na kayo pwedeng dumalaw."
Nakahinga ako nang maluwag.
"Ang gwapo mo pa rin, Chris."
Ngiti no'ng Doctora kaya nanlaki ang mata namin. Halatang nakikipag flirt kasi 'yong babae.
"Nothings changed."
Ngisi ni Doc.
Pa fall din siya sa mga ngitian niya.
"Wala ka na bang gagawin?"-Crenz
"Crenz!"
Gulat na bulaslas namin. Pa'no ba naman, tanong 'yon sa babaeng Doctor.
"Anak mo?"
Tanong ng Doctor kay Mr. Chris nang may nakakailang na ngiti.
"Girlfriend niya ako kaya huwag mo siyang ngitian ng ganiyan-"
"Crenz!"
May bantang tono ni Mr. Chris.
Ano bang ginagawa niya? Anong pinag sasasabi niya?
Kelan pa siya natutong bakuranan ang isang tao.
"She seems too young to be your-"-Doctora
"Pardon her, selosa talaga siya."-Mr. Chris
Napanganga nalang ako.
The Doctor excused herself and left.
"Crenz?"
Ang dami kong tanong. Mali ba ako? Si Mr. Chris ba talaga ang ama ng bata?
Tumingin sila sa'kin.
"Is he the father of Charrie?"
Gulong gulong tanong ko.
"NEMI!/NEMI!"
Sabay na sambit ni Liphyo at Crenz.
Nagulat pa ako sa sigaw nila.
"Why?"
Inosenteng tanong ko pero gulong gulo pa rin ang isip ko.
Sabi niya sa'min iniingatan niya ang ama ng bata at halata namang iniingatan niya si Mr. Chris.
"What Father? Who's Charrie?"
Takang tanong ni Mr. Chris.
Isa rin 'yon sa sinabi niya sa'min, hindi alam ng ama niya na nag e exist si Charrie.
"Her daughter."-Cess
"PRINCESS!/CESS!"-Liphyo/Crenz
Sabay na naman na bulaslas nila.
"Why? Dapat ba secret lang 'yon?"
Inosenteng tanong niya.
Tiningnan siya ng masama ni Crenz, actually kaming dalawa ang tinutunaw niya ng tingin.
"Ok, kalimutan niyo na 'yong sinabi ko."
Nag zip ng labi si Cess at saka nag iwas ng tingin.
"You have a daughter?"-Mr. Chris
Halos ilang segundo rin silang nag katitigan ni Mr. Chris.
"Crenz Yara."
May diing sambit niya.
Nakikita ko ang pag aalangan sa mata ni Crenz, kung sasabihin ba niya o itatago niya pa.
So totoo nga? Siya nga ang tatay ng bata?
Tiningnan ko ang kabuohan ni Mr. Chris. May dating siya kung sa pagiging lalaki dahil gwapo siya at mukhang ma tikas ang katawan.
Pumikit si Crenz.
"I think she doesn't want to talk-"-Ryker
"Yeah."
Tugon ni Crenz
Para akong nakipag karera sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko.
"May anak ka? As in baby? Your own flesh and blood? From your womb?"
Gulat na gulat na tanong ni Mr. Chris
"Excuse me Ma'am, Sir, padaan lang po kami ng pasyente."
Lumabas na ang nasa loob ng delivery room kaya nawala saglit sa isip namin ang pinag uusapan namin.
Tulog na ata siya.
"Nasa'n po 'yong-"-Kathy
Natigilan siya nang makita na rin ang bata.
Gusto kong lumapit para makita 'yon pero baka madumi ako at marumihan ko pa 'yong bata.
Napa sunod nalang kami ng tingin ba baby at mukhang pwede na rin siyang isama sa kwarto kasama ng Ina niya.
"The baby really looks like Allen."-Liphyo
Ah! Isa pa 'yan, muntik ko na rin makalimutan na nasa assignment pala kami.
Parang hinahaplos ang puso ko habang nakikita ko ang bata.
"Indeed."-Kathy
Napa tanga nalang kami habang sinusundan ng tingin 'yong bata hanggang sa hindi na namin sila nakita.
"Anyway-"
Natigilan ako sa sasabihin ko nang makitang wala na si Crenz sa tabi namin.
"Uh? Nasa'n si Crenz?"
Sabay sabay kaming nag palinga linga sa paligid.
"Ang galing talagang tumakas."-Ryker
"Ayaw niyang na ho hot seat."-Mr. Chris
Napakamot nalang ako ng noo.
"Puntahan na natin sila."
Yaya ko sa kanila.
"Tara na."-Cess
Nauna na kaming mag lakad ni Cess bago pa kami tanungin ng kung ano ano o gisahin ni Liphyo.
"He's the father, right?"-Cess
"60% sure ako."-Me
"Don't you think he's old enough to have Crenz? 15 years old lang si Crenz no'n."-Cess
"So what? He's still oozing in sex appeal. Hindi ba halata sa itsura ni Charrie? Maganda si Crenz at gwapo si Mr. Chris."
Umiling si Cess na parang hindi maimagine
"Ayoko na isipin."
"Ako rin"
Bulungan namin habang bumubungisngis at saka mabilis nag tungo sa kwarto ng mag ina.
Kami na muna bahala rito Crenz, galingan mo mag explain sa kanila.
CRENZ'S POV
Noong nawala sa'kin ang atensyon nila ay dahan dahan na akong nag lakad patalikod.
Ang dadaldal kasi no'ng dalawang 'yon!
Alam mo yung tipong ayaw mong mag sinungaling pero ayaw mo ring ipaalam. Mas ok na ako sa hindi na mag explain pa o ipaalam ba ang ibang detalye kesa itanggi ko si Charrie, hindi naman ako sinungaling na tao.
Nang alam kong hindi na nila maririnig ang footstep ko at mabilis na akong nag lakad nang maayos at lumabas sa kabilang exit ng hospital.
Bahala na 'yong dalawa doon (Nemi and Cess) tutal napag usapan naman na namin ang bagay na 'to.
Paano ba ako makakatakas nito kung nakay Ryker ang Susi.
Nilabas ko ang phone ko at tinawagan si Raffy.
"Punta ka sa malapit na park dito sa hospital, kung hindi ako nakakaistorbo sa inyo ni Chelsea."
Iba na ang estado niya, ayoko namang maka abala.
"Of course not."
Binaba ko na ulit ang tawag at nag text kay Ryker na umuwi nalang siya nang diretso dahil may pupuntahan ako.
Ayokong magisa ni Chris!
Parang hindi kaya ng pride ko.
Nag lakad ako ng mabilis kasi baka hinahanap na ako ni Ryker. Sanay naman na siyang madalas ko siyang layasan nang walang paalam simula pa noon.
Gusto ko na umuwi sa bahay para makita si Arya.
Bigla akong nalungkot at napabagal ang pag lakad ko dahil sa ala alang 'yon hanggang sa napahinto na nga ako.
"Huminto ka?"
Bahagyang nanlaki ang mata ko sa boses na 'yon at saka mabilis na humarap sa likod ko kung nasa'n siya.
Nanigas ako nang mapag tantong tama ang hinala ko kung sino 'yon.
"Axel"
Bulong ko habang kaharap ang lalaking isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko pwedeng piliin ang sarili kong kagustuhan. Kinukulong ko ang sarili ko para parusahan sa mga naging desisyon ko noon.
Nag sisimula nang sumakit ang dibdib ko. Kapag nakikita ko siya lagi nalang nangyayari 'to.
"B-bakit ka- a-anong-"
Hindi ako maka hanap ng tamang salita para kausapin siya.
Namalayan ko nalang ang sarili kong kinakamot ng hintuturo ko ang gilid ng hinlalaki ko. Kapag gano'n ako ibig sabihin ay hindi ko alam gagawin ko, nag dadalawang isip ako o kinakabahan ako.
Bakit biglaan naman siyang nag paparamdam?
"Masusugatan ka."
Aniya habang naka tingin sa kamay ko.
"H-ha?"
Huminga siya nang malalim at hinawakan ang kamay ko.
"Tsk!"
Tiningnan niya 'yon at may dugo na nga.
Kuko na pala ang kumakamot sa balat, akala ko balat pa kasi wala naman akong maramdamang sakit.
"C'mhere."
Hinila niya ako habang hawak niya ang kamay ko.
Malapit na rin kami sa park at may malapit doon na pwedeng pag hugasan ng kamay.
Marahas niya akong pinalapit sa faucet at saka hinugasan 'yon.
"Pwedeng dahan dahan?"
Mahinang tanong ko. Ngayon lang ata bumahag ang buntot ko.
"Wala kang karapatang mag reklamo, ikaw ang gumawa nito."
Napatulala lang ako sa kaniya.
Hindi ko alam kung yung sugat ko pa ba ang tinutukoy niya o 'yong mga nangyari na noon.
Matapos niyang hugasan ay nag labas siya ng panyo at pinulupot 'yon sa sugat ko.
"You know how important your hand is. Don't ever try to hurt yourself again."
Matapos niya 'yon sabihin ay naayos na rin niya ang pag kakabuhol sa panyo.
Tiningnan niya ako at mabilis naman akong nag iwas ng tingin. Lalo lang akong kinakabahan.
"Axel!"
Sabay kaming tumingin sa tumawag sa kaniya.
Si Drei 'yon at kasama niya si Arya.
Bahagya akong napa atras. Hindi pa ako handang kausapin sila nang sabay sabay.
Nag lakad sila palapit sa'min
"What happened here?"-Drei
Hinawakan niya ang kamay kong may panyo.
Binawi ko agad iyon.
"Kasama mo ba si Raffy -"-Me
"Bakit hindi ka lumapit?"-Axel
*Dug dug dug dug*
Natahimik ako kasabay ng panlalambot ng tuhod ko.
Lumayo sa'min ng ilang metro si Arya at Drei.
Gusto ko mapa hawak sa dibdib ko kasi ano mang oras alam kong mapapaluha ako pero nantili lang ako at pasulyap lang na tumingin sa kaniya at saka tingin sa ibang bagay.
"Sinisi ba kita?"
Narinig ko ang pag crack ng boses niya na isa talaga sa kahinaan ko.
Ayoko dito, sana pala nag stay na lang ako kina Chris.
Wala na gaanong tao dahil nga gabi na.
Street lights nalang ang ilaw namin.
Sumasakit ang lalamunan ko kakapigil sa gustong gustong kumawa sa'kin.
"Pero hindi mo rin naman sinabing hindi mo ako sinisisi."
Sagot ko.
Iyon ang pinaka mahirap sa lahat eh, 'yong wala kang sinabi kaya nahihirapan kang mangapa.
"Inaasahan mo pa akong mag salita matapos kong makitang mamatay sa harap ko ang kapatid ko?"
Tiningnan ko siya at nakita kong kumislap ang luha niya dahil sa reflection ng liwanag ng street lights.
Nag iwas ulit ako ng tingin.
"At sa tingin mo may lakas pa ako ng loob lapitan at kausapin ka matapos kong patayin sa harap mo ang kapatid mo?"
Gusto ko siyang sigawan pero dinudurog na rin ako. Nag papaunahan na sa pag landas sa pisngi ko ang mga luha ko.
Sobrang nanlalambot na rin ang tuhod ko. Gustong gusto ko 'yon pukpukin.
"This is pathetic."
Singhal sa'min ni Arya at saka nag madaling nag lakad palayo.
Wala ni isang nag salita sa'min nang umalis siya. Gaya niya ayoko rin 'to mangyayari ngayon. Pero iniisip ko kung hindi ngayon, kelan pa ako mag kakalakas ng loob na kausapin sila? Ayos na rin na sila ang lumapit dahil kung hihintayin nila ako baka mas mauna pa akong lumayo.
"Hindi naman ako gano'n ka selfish Crenz. *Sob* Hindi mo man lang ba naisip na inaalala rin namin ang nararamdaman mo?"
Tuluyan na akong napa upo.
Tapos na ang nangyari pero feeling kahapon lang nangyari 'yon.
Napahagulgol ako ng iyak dahil itong mga luhang 'to ang pinigilan ko ng sampung taon dahil ayaw kong nakikita nila akong mahina.
Sumasabog din ako kasi tao lang din ako gaya nila.
Nagiging mahina rin ako sa mga oras na mahahalaga na sa'kin ang nasa linya ng panganib.
"HININTAY KITANG LAPITAN AKO CRENZ! ALAM KONG MAY SARILING KANG MUNDO! ALAM KONG MAY MGA GINAGAWA KANG PATAKARAN SA SARILI MO! Pero ni minsan ba Yara inisip mong kaibigan mo kami? Naisip mo bang kaibigan mo kami at hindi isang pabigat sa'yo?"-Axel
RAFFY'S POV
Gustong gusto ko silang lapitan pero sinasabi ng isip ko na huwag na huwag kong gagawin. Nasabi ko na noon na si Drei, Arya at Axel ang mas naunang makilala ni Crenz kesa sa'min nila Hans. May naging issue na naging dahilan ng parang pag buwag ng grupo nila. Simula no'n hindi na nag nag usap si Crenz, Arya at Axel. Si Drei naman ay neutral lang sa kanila.
Hindi ko alam kung sa'n pumunta si Arya, nandito ako sa kotse malapit sa kanila dahil sabi ni Drei at Arya pupuntahan daw nila si Axel, malay ko bang mag papang abot sila.
This is the first time i saw Crenz cry on her knees.
Ibig sabihin si Crenz ang pumatay kay Alexander Vermon?
Simula nang mamatay ang taong 'yon, pinag bawal nang pag usapan ang tungkol sa bagay na 'yon. Hindi ko akalaing involve si Crenz doon, kaya naman pala nadamay ang friendship nilang apat.
"Hindi mo ba talaga naisip 'yon Crenz? Hindi ka naman bobo para hindi 'yon ma isip! No'ng unang taon pinalampas ko pa, sa pangalawang taon nag hintay na talaga ako kasi kahit papaano natatabunan na ng ibang bagay 'yong nangyari kay Kuya pero TANGINA CRENZ! Sampung taon na! Sampung taon na pero parang balak mo pa ring takbuhan kami! WALANG SUMISI SA'YO SA NAGING DESISYON MO NO'NG GABING 'YON KASI ALAM NAMIN HIGIT KANINOMAN MAS NAHIHIRAPAN KA KESA SA'MIN! *Sobs* Alam naman namin kung gaano ka kalambot sa loob mo Crenz, alam namin kasi tinuturing ka naming kaibigan. MAS NAGING BATO KA LANG KAKASUNOD MO SA MGA PATAKARANG GINAWA MO!"
Tumingin ako sa taas para hindi tumulo ang luha ko at saka humawak sa lalamunan ko dahil sa pag pigil ng luha ko.
"Enough, Axel."
Saway ni Drei
"Bakit? Lahat naman tayo nahihirapan diba?! *Sobs* Pero hindi ko maintindihan diyan sa babaeng 'yan kung bakit kailangan niyang sarilihin lahat-"
"PARA HINDI KAYO MAHIRAPAN!"
Crenz pulled herself to stand.
Lumabas na ako ng sasakyan para kung sakaling may away makakaawat ako na mukhang hindi naman mangyayari.
"TAPOS SASARILIHIN MO 'YONG HIRAP?!"-Axel
"ANG MAHALAGA LANG SA'KIN HUWAG KAYONG MAPAHAMAK AT MAHIRAPAN! Tinatanong mo kung tinuring ko man lang ba kayong kaibigan? OO! KINGINA! HIGIT PA SA KAIBIGAN ANG TURING KO SA INYONG LAHAT! TO THE POINT NA KAYA KONG MAMATAY PARA SA INYO!"
Natigalgal ako.
Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mata ko at nag simula na ring maiyak. Hindi lang para kina Drei ang sinasabi ni Crenz pati na rin sa'min nila Tyro.
"HINDI PAGIGING KAIBIGAN YANG GINAGAWA MO! NAG PAPAKA SUPERHERO KA-"
"IBA ANG IBIG SABIHIN NG KAIBIGAN SA'KIN! ALAM MO KUNG SAAN AKO LUMAKI! ALAM NIYO KUNG ANONG RESPONSIBILIDAD ANG MERON AKO! AYOKONG MAPALAPIT SA INYO DAHIL BAKA DUMATING NA NAMAN SA PUNTONG MAY ISAKRIPISYO AKO SA INYO! GUSTO KONG MAGING MAKASARILI! Gusto kong ako naman *sobs*, hindi ko magawa. Hindi ko kayang m-makita kayong pinapahirapan nila *sobs*. Sana nga hindi nalang ako napalapit sainyo para hindi ganito kasakit. HINDI AKO PWEDENG MAGING MAHINA!"
Lalong tumindi ang iyak niya.
"Kapag naging mahina ako natatakot akong may mawala na naman sa inyo."
Pahina nang pahinang aniya.
Pakiramdam ko namumula na ang mata ko.
Tumingin ako sa likod para mag punas ng luha kaya lang pag tingin ko nandoon pala sina Tyro, Chelsea at Daniel.
"Hinihintay kitang lapitan ako sa loob ng sampung taon na 'yon."
"Hindi ko pwedeng gawin 'yon."
Napalingon ulit ako sa kanila.
"Alexander died!"
"Pahihirapan ka nila at gagamitin ka bilang kahinaan ko! Ayaw na ayaw kong mag paliwanag lalo na kung tungkol sa mga desisyon ko pero dahil hindi mo maintindihan sasabihin ko na! Kinailangan kong maging ganito para kayanin lahat! Kinailangan kong maging bato at matigas sa panlabas ko para hindi nila kayo pakelaman! HINDI AKO GUMAGAWA NG MGA DESISYON NA PANSARILI KO LANG! LAGI KONG INIISIP ANG MGA TAONG MALALAPIT SA'KIN! KAYO! SILA CHIGGY! WALA AKONG PAKEALAM KUNG ANONG ISIPIN NIYO SA'KIN! Ang mahalaga lang naman sa'kin hindi kayo mapahamak sa gagawin kong desisyon. Since buhay pa naman kayo, mukha namang tama ang mga naging desisyon ko."
May ngising pag singhal pa ni Crenz.
Humarap palikod si Axel para punasan ang luha niya.
"Hayaan mo kaming harapin ang consequence ng mga ginagawa namin Crenz. Choice naming mapalapit sa'yo kaya huwag mong isipin ang gagawin nila sa'min. Huwag mo rin kaming tingnan bilang kahinaan mo. Gumawa ka ng sa'yo, piliin mo ang sarili mo ngayon, maging totoo ka nalang sa sarili mo. Pangako, hindi kami mag bibigay ng rason para magamit nila kami laban sa'yo."-Drei
Parepareho lang kaming hindi pinipili ang sarili naming kagustuhan dahil takot na may mawala o may mapahamak. Pero ibang usapan 'yong may Crenz, halos mamatay na siya no'ng bata kami para lang isalba kami. Hindi lang kasi isang beses nangyari 'yon, sobrang daming beses pero wala kaming narinig na reklamo mula sa kaniya.
"H-hindi ko pwedeng gawin 'yon."
"Crenz, may kahinaan ka na rin. Nasa mundo na si Charrie. Hayaan mo kaming tumulong naman sa'yo this time. Tapak na tapak na ang pride namin-"
"This is about life, Drei! This is not about your balls!"
Napatampal nalang ako sa noo ko. Sinabi ko naman sa kaniyang huwag sasabihin 'yon o gagamitin ang term na 'yon.
"Let us help you Crenz! Hindi mo ba alam na nag bubunyi ang loob namin kapag humihingi ka ng tulong sa'min? Kahit maliit na utos mo sumasaya kami. Alam mo kung bakit? In that way nakakatulong kami sa'yo. Oo, hindi namin kaya yung nga sacrifices mo, ako, bilang kapatid ni Rafflesia, sobrang thankful ako sa ilang beses mo nang pag liligtas sa kaniya nang hindi niya alam. Gusto ko rin naman bumawi sa'yo. Let us help you, tumanggap ka ng tulong mula sa'min Crenz. Hindi ka naman mag isa rito eh, ang dami naming nag aabang sa'yo."
Nakayuko lang si Crenz.
Anong mga kalokohan ang ginawa ko na kinailangan ko ng tulong ni Crenz?
Biglang nag flashback sa'kin ang sangkaterbang kalokohan ko. Mabilis akong napailing.
Kung lahat yun plinantsa ni Crenz malamang mukha na siyang matanda.
"Hindi ko pwedeng piliin ang sarili ko pero pwede akong humingi ng tulong sa inyo. Ipangako niyo lang na hindi kayo mamamatay, kapag nangyari 'yon hindi na ako mag papakita sa inyo."
Tumingin ako kina Tyro at mga naka yuko sila.
Hindi ko na kailangan mag kwento sa kanila dahil mukhang narinig naman nila ang lahat.
"Kapag bumalik ka na sa pamilya mo siguraduhin mong hindi ka na nila mapapahirapan."
"Handa na akong harapin sila."
Mabuti nalang humupa na ang tensyon sa kanila.
"Huwag ka nang mawawala Crenz, kapag may hindi ka kaya mag sabi ka sa'min. Buo na tayong lahat kaya sigurado akong magagawan natin 'yan ng paraan."
Tama, mag sabi lang siya at kami na ang kikilos.
"Pag iisipan ko."
Humarap muli si Axel sa kanila.
"What did my brother said to before he die?"
Ano ba kasing nangyari no'n? Bakit ba dumating sa point na kailangan mamili ni Crenz?
"Pinaalala niya sa'kin ang pinangako ko sa kaniyang na kung darating ang oras na kailangang mamili kung siya o ibang tao, piliin kong isakripisyo siya lalo na kung ang taong 'yon ay ikaw o ang isa sa importanteng tao sa nakararami. Sa madaling salita lagi ko siyang piliing isakripisyo. Hindi madali pero pinilit niya akong mangako hanggang sa dumating ang araw na 'yon. Ayokong gawin pero nag mamakaawa siya sa'kin, iniisip ko rin kayong tatlo, hindi ko rin kaya na mawala kayo nila Arya kaya kahit hindi ko gusto, kahit sobrang ayaw ko, sinunod ko siya para mabuhay kayo."
Katamtaman lang na lakas na pahayag niya.
"You let that decision torment you for 10 years?"-Axel
"Desisyon ko 'yon kaya dapat lang na ako ang mahirapan sa bagay na 'yon."
"Na pwede mo naman sanang sabihin sa'min para hindi mo lang sinasarili."
"ANO BANG GUSTO MO?! GUSTO MONG DUMAGDAG PA AKO SA PROBLEMA NIYO?! NASA BINGIT NG PAG HIHIWALAY ANG MAGULANG NI ARYA AT HINDI STABLE ANG FINANCIAL NILA, NAG KAKAGULO KAYO DAHIL NGA SA PAGKAWALA NI ALEXANDER AT WALA AKONG LAKAS NG LOOB LAPITAN KA O ITANONG MAN LANG KUNG ANONG NARARAMDAMAN MO! SI DREI! MAY NAG PAKAMATAY SA PAMILYA NIYA! IDAGDAG PA 'YONG SUTIL NIYANG KAPATID NA MUKHANG NAG MANA SA KANIYA SA GALING MAKIPAG BASAG ULO."-Crenz
Teka? Ako ba 'yon?
Napaturo ako sa sarili ko nang tumingin ako kina Tyro. Dahan dahan silang tumango.
(。ŏ﹏ŏ)
"Tapos gusto mong mag open up ako sa inyo? Hindi ko ugali 'yon at lalong lalong hindi ako mag papabigat sa inyo."-Crenz
Nakita ko ang pag hinga nang malalim ni Drei.
"Mag ayos na kayo, mag bati na kayo. Siguro naman tapos na kayong ilabas ang mga gusto niyong sabihin sa isa't isa? Hindi na tayo mga bata."-Drei
Hindi gagalaw 'yang dalawang 'yan kung walang pukpok.
Nag lakad ako palapit kay Crenz at saka siya binalya nang bahagya ang balikat niya para mapalapit siya kay Axel.
Nang makita ako ni Axel na palapit feeling ko naging alerto siya sa mga gagawin ko kaya nang ginawa ko 'yon kay Crenz ay kaagad niyang sinalo si Crenz.
Napangisi nalang ko.
"Raffy!"
Bantang tono ni Drei.
"Huwag mo nang asahang mag first move si Crenz, hindi ka isang mission para mag first move siya."
Sinamaan ako ng tingin ni Crenz.
Umayos ng tayo si Crenz.
"Ayos ka lang?"-Axel
"Y-yakapin mo 'ko."
Mahina at nakayukong sabi ni Crenz.
Napa hawak ako kay Drei. Ngayon ko lang narinig si Crenz humingi ng gano'ng bagay.
"H-ha?"
Ang bobo mo Axel! Yumakap ka na!
"Huwag mo akong ipahiya sa harap nila-"
Kinabig siya ni Axel at niyakap ng mahigpit.
"I miss you, I-I really really miss you."
Walang naging tugon si Crenz at tanging madiin lang ang pag kakahawak niya sa likod ng damit ni Axel.
"Sa Arya nalang ang problema niya sa'min."
Inakbayan ako ni Drei
"Ang galing mo do'n kanina."
Nilahad niya ang kamay niya para makipag apir.
*Clap*
"Patay naman ako mamaya."-Me
"Iyon lang."-Drei
See? Kahit siya hindi niya ako maipag tanggol.
LIPHYO'S POV
Pagod na pagod akong humiga sa kama ko.
Ang gwapo no'ng bata. Kung wala lang organization baka hindi na kailanganin pa ni Yen ng katulong sa pag papalaki ng bata.
Pwede ko naman siyang tulungan.
Nag search ako sa internet ng mga dapat gawin sa sanggol, iyong mga proper at kung paano siya magiging healthy.
Biglang bumukas ang pinto.
Kaya bahagya akong nagulat.
"Pa?"
Lumapit siya sa'kin at...
*SLAP*
Napabaling sa gilid ng ulo ko dahil sa lakas no'n.
"BEN!"
Bulaslas ni Mama na mukhang kasunod lang niya sa pag pasok dito SA kwarto.
"Nababaliw ka na ba talagang bata ka?! Pinuntahan mo 'yong babaeng 'yon?! Sinabi na ng kuya mo na hindi kaniya ang bata!"
Nag init ang buong katawan ko.
Paano nila maitatanggi 'yon? Kahit mag pa DNA test pa sila baka mapahiya lang sila sa mga kagaguhang sinasabi nila.
"Hindi kayo naniniwala na anak niya 'yon? Pero bakit niyo siya binayaran para manahimik?"
Lumuluhang tanong ko. Sobrang sama ng loob ko sa kanila.
"Hindi ko ginawa-"
"Sinabi niya sa'min ang lahat. Binayaran niyo siya para ipalaglag ang bata. Kung hindi kayo naniniwalang kay Allen 'yon bakit niyo siya gustong bayaran para gumawa ng krimen?!"
*PUNCH*
Napa salampak ako sa sahig at medyo tumama rin ang ulo ko sa gilid ng table ko.
"BENEDICT!"
Sigaw ni Mama.
"Huwag kang makealam dito-"
*SLAP*
Sinampal ni Mama si Papa.
"Kinukunsinti mo si Allen sa kababuyang ginawa niya sa babaeng 'yon. Handa ka pang mag bayad para pag takpan ang kalokohan ng anak mo?! NAG IISIP KA PA BA?!"-Mama
Mabilis akong tumayo para ilayo si Mama kay Papa.
Ang bilis ng mga pangyayari.
"PARA SA ATIN ANG GINAGAWA KO!"
"PARA SA SARILI MO 'YON! TAKOT NA TAKOT KANG MADUNGISAN 'YANG PANGALAN MO KAYA KAHIT ILLEGAL AY GAGAWIN MO! HINDI KA GANIYAN BEN! ANO BANG NANGYAYARI SA'YO?!"
Namumula si Papa sa galit.
"Wala kang karapatang kwestyunin ako."
"At bakit wala?! Asawa mo ako!"
"Kung ikaw lang ang magiging dahilan para bumagsak ang mga pinag hirapan ko, mabuti pang umalis ka na lang dito. UMALIS NA KAYONG DALAWA!"
Hinawakan ko si Mama.
"TALAGA! AALIS KAMI! MAG SAMA KAYONG MAG AMANG HINDI NAG IISIP NG MATINO!"
Inis na nag lakad si Papa palabas ng kwarto ko.
"Ma, bakit mo sinabi 'yon?"
Umiiyak na tanong ko dahil ayaw ko naman siyang mahirapan kung aalis siya rito.
"It's fine baby. We can make it through. Ayos ka lang? Nasa'n ang masakit?"
Inalis ko lang ang kamay ni Mama.
"Ma, you'll stay here, ako nalang po ang aalis."
"No! I won't let you. Pack your things and we'll leave here."
"Ma-"
"Huwag na matigal ang ulo. Kukuha lang ako ng damit tapos aalis na tayo rito."
Pinunasan muna ni Mama ang luha ko bago siya lumabas ng kwarto ko.
Gaya nga ng sinabi ni Mama nag ligpit ako ng mga gamit ko. Mukha ring umalis si Papa kaya kahit papaano ay napanatag ako habang nag iimpake.
"Dapat ikaw lang ang lumayas, bakit idadamay mo pa si Mama?"
Nakita ko si Allen na naka sandal sa gilid ng pinto ko habang nakatingin sa'kin.
"Dapat nga ang rapist ang pinapalayas dito."
Ngising tugon ko sa kaniya.
"ANONG SINABI MO-"
Lumapit siya sa'kin para sapakin ako pero mabilis akong humawak sa sahig at sinipa ang dalawang paa niya dahilan para matumba siya patalikod at lumapat ang buo niyang katawan sa sahig.
Napa daing siya habang hawak niya sang bewang niya at ulo.
"Huwag mo akong susugurin Allen, bata palang mahilig na akong makipag basag ulo at kahit kapatid pa kita hindi ako mag dadalawang isip na patulan ka lalo na kapag naalala kong nang hila ka ng babae para galawin dahil lang hindi ka pinag bibigyan ni Kathy. Hindi ako mag dadalawang isip na patulugin ka ulit gaya ng ginawa ko no'ng nakaraan."
Bantang paalala ko sa kaniya.
Nawala na ang respeto ko sa kaniya. Kahit pa pamilya ko siya, hindi ko siya dadamayan sa kagaguhang ginawa niya.
Kinuha ko ang mga bag ko pati na ang mga importante kong gamit.
"Tandaan mo Liphyo, marami ka pang hindi nalalaman."
Tinatamad na bumaling ako sa kaniya.
"Wala akong pakealam sa sinasabi mo. Handa ang utak kong umalam ng mga bagong bagay."
"Talaga lang ah."
Ngising aniya.
Kinakabahan ako sa ngisi niya. Anong meron sa mga ngisi niyang 'yan.
"Asikasuhin mo ang sarili mo at huwag mo akong pakelaman. Siya nga pala, kamukha mo siya at may nunal din siya sa sentido mo gaya mo."
Nawala ang ngisi niya.
"Iyon nga lang, kapag nalaman ng organization na nabuhay sa mundo ang batang 'yon, baka mamatay din siya gaya ng gusto mo."
Sinamaan ko siya ng tingin bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Nasa baba na si Mama.
"Yung mahahalagang papel ba nakuha mo?"
"Nandito na po, Ma."
"Yung mga damit mo? Lahat ba nakuha mo?"
Umiling ako.
"Iniwan ko na po doon ang mga hindi ko ginagamit na nga damit."
Tumango si Mama.
"Ilagay mo na 'yan sa kotse ko."
"Po?"
"Gamitin mo ang motor mo, wala namang gagamit niyan dito."
Ahhh..
Mabuti naman.
Nakita namin sa hagdan si Allen pero agad nag iwas ng tingin si Mama.
"Ma."
"Tara na."
Kahit naman papaano ay inaalala ko pa rin si Allen.
Lumabas na kami ng bahay. Bahala na kung sa'n kami mapadpad basta makaalis lang SA bahay na 'yon.
Pakiramdam ko talaga ako ang sumira sa pamilya namin.
Huminto kami sa isang hotel at doon muna nag palipas ng gabi. Nginingitian ako ni Mama pero alam kong malungkot siya.
Napatingin ako sa singsing na nasa kamay ko.
Si Crenz lang ang hinahanap ko ngayon.
"Jhonny, take a rest. May pasok ka pa bukas."
Oo nga pala nakapag enroll na ako. Recommended ng school namin noon ang Dia University kaya doon kami nag enroll nila Austin. Katulad lang din siya ng school namin noon pero ang kaibihan lang ay mas maraming mga celebrity ang nag aaral doon.
"Pahinga ka na rin Ma."
Sabi ni Mama kukuha kami ng apartment bukas pero siya nalang daw, kaya kung kaya ng schedule ko bukas uuwi ako ng maaga para matulungan si Mama.
CRENZ'S POV
Pumasok ako sa parking lot ng Dia University.
Nag hanap ako ng pwedeng parkingan at nang makahanap na ako ay mabilis akong nag drive doon kaya lang bigla nalang may sumalubong sa'kin na muntik ko nang maka banggaan.
Sabay kaming nag tanggal ng helmet.
"Raya?"
"Pula?"
Dito siya nag enroll?
Mukhang napapabayaan ko na rin siya. Ayos lang 'yon, mukha namang ok lang siya dahil buhay pa siya.
"Nauna ako rito." Sabi ko sa kaniya
"Ano? Nauna kaya ako."
Balik niya.
*Beep beep*
May pamilyar na motor ang bumusina sa'min.
"Hi Crenz."
Bati niya sa'kin.
"Gian."
Kunot noong sambit ko.
"Boyfriend mo?"
Turo niya kay Pula kaya napa tingin ako sa baliw na batang 'yon.
"Bakit ka nandito?"
"Ahh.. parking space ko 'to."
Aniya saka pinark ang motor niya.
Ehhh??
"Tara, sumama kayo sa'kin kung kailangan niyo ng parking space."
Nauna siyang nag lakad kaya kami ni Pula ay nag motor habang naka sunod sa kaniya.
"Bakit hindi ka nag sabing dito ka mag aaral?"
May inis na tanong ko sa kaniya.
"Bakit kailangan kong sabihin?"-Pula
Bakit nga ba? Siguro dahil under ko siya?
"Hindi ko alam."
Kibit balikat ko.
"Tsk! May sira na talaga tuktok mo."
Uh? Ngayon niya lang nalaman?
"Dito."
Napahinto kami sa guard house.
"Kausapin niyo nalang si Sir para mag pa reserved kayo ng parking space. Una na ako."
Inistand namin ang motor namin.
"Huwag ka na mag salita, ako na kakausap kay Kuya."
Kunot noong aniya.
Mukhang alam niyang hindi ako magaling kumumbinsi ng tao.
Nakita ko sa bulsa niya ang keychain na pagong na binili ko sa kaniya.
"Excuse po...."
Kinausap niya nga ang guard at mukha namang smooth ang usapan nila.
Pina sulat ang plaka ng sasakyan namin at saka kami ginuide kung saan kami pwedeng mag park.
Masyadong malayo nga lang sa entrance ng school.
"Thank you po."-Pula
Bahagya lang akong tumango kay Manong guard para mag pasalamat.
Nag lakad na kami papasok.
"Nasa'n si Charrie?"
"Bakit? Ineexpect mo bang isama ko siya rito?"
Napangiwi siya.
"Pwede bang sagutin mo nalang ang tanong ko?"
May inis na aniya.
Anong meron sa kaniya parang ang bilis niyang mainis?
"Ayoko nga."
Lalo lang atang kumunot ang noo niya.
"Bahala ka sa buhay mo."
Nag lakad siya nang mas mabilis.
"Alangan namang ikaw ang bahala sa'kin - Hoy! Teka antayin mo na 'ko!"
Ang sungit naman nito, ang aga aga.
Sinabayan ko siyang mag lakad.
"Anong sabi ng kuya mo? Papakasalan niya na ba si Yen?"
"Hindi, ako na lang mag papakasal kay ate Yen."
Kumunot ang noo ko.
Biro ba 'yon?
"Mukha ba akong nag bibiro?"
Tanong ko atsaka huminto sa pag lalakad kaya siya ay huminto rin at dahan dahang pumihit pa tingin sa'kin.
Maraming estudyanteng nag lalakad at mukha namang sanay sila sa presensya ng mga artista at model dito.
"Ang kailangan lang naman ng organization na 'yan ay ama ng bata diba? Hindi ko hahayaang mamatay ang pamangkin ko."
Napalunok ako kasi pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko.
Nainis din ako noon no'ng narinig kong nakikipag talo siya sa Mama niya dahil gusto siyang ipag kasundo sa hindi niya gustong babae.
"Sigurado ka? May isang buwan nalang bago iparehistro ang anak niya sa org. Kailangan bago irehistro 'yon ay may asawa na si Yen."
Nag titigan kami pero nauna siyang mag bawi ng tingin.
"Para kay Yohan at huwag niyo na rin galawin si Allen."
Parang may masakit na gumuhit sa puso ko. Na encounter ko na ang ganitong tagpo. Siya nag sa suffer sa kalokohang ginawa ng kapatid niya, kahit pa hindi alam ng gumawa ng bagay na 'yon na may nalabag siyang patakarang pinaka bawal.
"Magiging masaya ka ba?"
Hindi ko alam kung saan galing 'yon.
"Wala na akong pakealam sa bagay na 'yon basta buhay sila pareho."
Nakikita ko rin ang sarili ko sa kaniya.
"Ang pag ako sa responsibilidad na 'yon ay hindi madaling bagay, kailangan mong huminto sa pag aaral at mag simulang mag trabaho para sigurado silang may maipang papakain ka sa mag ina mo."
"Edi hihinto ako-"
"Bakit parang ang dali lang sa'yong sabihin 'yan?"
"Gano'n ka rin Crenz, nag bitaw ka ng salitang mag papakasal ka para kay Charrie, na parang napaka simpleng bagay lang no'n."
Iba naman ang sitwasyon ko sa gusto niyang mangyari.
"I can provide for Charrie, eh ikaw?"
"Mag papa full time ako sa modeling."
Gusto ko siyang dagukan. Kinabukasan niya 'to, bakit parang tinatapon niya ang buhay niya?
"Hindi, ayoko."
"Anong ayaw mo? Desisyon ka?"
Sarkastikong tanong niya.
"Oo kasi responsibility pa rin kita."
"Ilalagay mo sa alanganin ang buhay ni Yohan?"
"Syempre hindi! Gawin nating last option 'yang iniisip mo."
Kailangan makahanap kami ng ibang tao na willing o di kaya mapilit si Allen Attienza na panagutan ang mag ina niya.
*Riiiing*
Napa tingin si Pula sa paligid at nag mamadali na ang mga estudyante na pumasok.
"Shit! We're late."
Hinila niya ako at saka pinatakbo.
"H-hoy! Ayokong tumakbo!"
Pinilit kong alisin ang kamay niya.
"First day natin tapos mag papaka late ka?"
Hinayaan ko nalang siyang kaladkarin ako.
"Atsaka 'yang damit mo- wala na tayo sa dating school natin, bakit naka itim ka na naman. Kaya pala pinag titinginan tayo."
Umakyat kami ng hagdan.
"Anong room mo ba?"
Hindi ko siya sinagot.
Halos naka sara na ang mga pinto ng classroom as sign na nag sisimula na ang mga klase.
Huminto kami sa isang room.
"Dito ako, ikaw sa'n ka?"
Tumingin siya sa'kin.
Kinuha ko lang ang papel na binigay sa'kin ni Hans kahapon. Nandoon daw ang section ko.
"Amina."
Inagaw niya 'yon sa'kin.
"Pumasok ka na nga lang."
Singhal ko sa kaniya at saka binawi ang papel.
Pag tingin ko no'n.
3-C
Tiningnan din 'yon ni Pula at saka kami sabay napatingin sa taas ng pinto kung saan nandoon ang letra ng mga section.
"Mali ata yung naka sulat."
Kinuha niya 'yong papel at saka pinitik pitik na parang may mag babago pa ro'n.
"Tama na 'yan, late na diba?"
Paalala ko sa kaniya.
Doon lang siya natauhan.
"Mauna ka na."
Nag tago siya sa likod ko.
Ano?! Ayoko nga!
"Sige."
Binuksan ko ng konti ang pinto at saka siya hinila mula sa likod at tinulak papasok ng classroom.
*Bog*
Tumama pa ang mukha niya sa pinto dahil nga konti lang ang pag kakabukas ko doon at biglaan din ang pag tulak ko.
"Ah!"
Daing niya at saka napa hawak sa doorknob para mabawi niya ang balanse niya.
Mukhang nakuha niya ang atensyon ng lahat.
"Excuse me? Who are you? Are you belong to this class?"
Lalaki ang teacher.
"A-ah-.. sorry I'm late Sir."
Yumuko ako at dahan dahang pumasok sa likod habang abala ang teacher kay Pula.
"Don't you know how to knock?"
Mag galit sa tono niya habang ako ay nag tago sa likod ng mga nakaupo sa likod.
"A-ah-"
"YOU!"
Natigilan ako kasi sa'kin na nakatingin ang iba naming kaklase. Tumingin ako kay Pula na parang sinasabing "Huli ka na, huwag ka na gumapang diyan."
Walang emosyon akong tumayo at medyo napahikab pa.
"Uhmp.. sorry."
Napigilan ko ang kalahati ng hikab ko sa pag takip ng bibig ko.
Bumubungisngis ang iba naming kaklase.
"Bastos ka!"
Tumingin ako sa paligid ko kasi parang sa'kin niya sinabi 'yon.
Tinuro ko ang sarili ko.
"Ako ba?"
Inosenteng tanong ko.
"YES, YOU!"
Nice! First day of school na pagalitan agad.
"Yes, me."
Bulong ko at saka tingin sa gilid ko para kunware walang nangyari.
Nag pigil mag hagikhikan ang mga kaklase namin dahil din siguro sa galit na tono ni Sir.
"What is your name?!"
Kinuha ko ang bag ko sa likod ko at saka nag labas ng papel at pentelpen at sinulat ang pangalan ko saka pinakita sa kaniya.
Kunot na kunot ang noo niyang tumingin sa'kin.
"Hindi mo ba pwedeng sabihin ang pangalan mo?! Nang aasar ka ba?!"
Nag sulat muli ako sa papel at pinakita sa kaniya.
(Bad breath)
Sulat ko doon sa papel.
Ang iba ay natawa pero ang iba nag takip ng bibig.
"Stop that Crenz Yara."
Tumingin ako sa nag sabi no'n.
Kinabahan ako sa babaeng nakikita ko ngayon.
So totoo ngang dito siya mag aaral.
'Arya'
Bulong ko sa sarili ko.
"You know her Ms. Felendez?"
"Kakasabi ko lang po ng pangalan niya, Sir."-Arya
"Nag po ka nga pero binastos mo rin ako."
Singhal ng teacher.
"Get your things and stand beside them!"
Singhal niya ulit.
Pairap na tumayo si Arya at kinuha ang bag niya saka lumapit sa'min ni Pula. Si Pula naman ay naka hawak sa noo niya na mukhang napuruhan nga.
Namumula na naman siya.
Bigla akong napa ngisi sa itsura niya.
"Aba! May gana ka pang ngumiti!"
May binato siya sa gawi naming bagay na agad ko namang nasalo kahit pa nakatingin ako sa gawi ni Pula.
Nagulat ang buong klase sa ginawa ng teacher at lalong lalo na sa pag salo ko ng bagay na 'yon. Chalk pala 'yon.
"Crenz."
Kabadong sambit sa'kin ni Arya.
Binitawan ko ang bag ko dahil parang nandidilim ang paningin ko sa kaniya. Nag iinit ako sa inis ngayon.
Paano kung hindi ko nasalo, pwedeng tamaan si Arya ng binato niya.
Matalim kong tiningnan ang lalaking 'yon.
"What?! Nagagalit ka sa'kin?! BASTOS KA-"
*POK*
"Sir!"
Binato ko rin sa kaniya ang chalk na binato niya sa'kin at natamaan siya sa gitna mismo ng noo niya.
Nagkaroon ng violent reaction ang mga kaklase namin dahil sa ginawa ko.
Nanginginig ako, gusto ko siyang ibalibag.
"CRENZ!"-Sandra
Doon ko lang napansin na nandoon si Hans, Sandra at Jigs.
Tiningnan ko lang sila ng seryoso, alam nila ang ugali ko, hindi ako matinong estudyante lalo na sa mga taong bigla bigla nalang mananakit. Sanay akong mapahiya pero kung masasaktan ang mga kaibigan ko ibang usapan 'yon.
"Raya, bakit mo ginawa 'yon? Hindi mo dapat ginawa 'yon."
Dinampot ko ang bag ko.
Halos mukhang kaedaran lang namin ang mga tao rito. Pero lamang pa rin ang mga bata pa ang itsura.
"LABAS! SA GUIDANCE KAYO PUMUNTA! LABAS!"
Sigaw niya sa'min.
"Look what you've done, Crenz."
Bulong na singhal sa'kin ni Arya.
"He used violence first."
"You provoked him."
Nauna nang mag lakad si Arya palabas.
"Tsk."
Inirapan ko muna yung teacher saka ako lumabas.
Ang aga aga ang dami daming nag papainit ng ulo ko.
"HOY HANS!"
Napahinto kami pareho ni Arya nang sumigaw si Pula no'n.
Nag katinginan kami at saka nag madaling bumalik sa room.
Nakita naming nasa lapag yung Teacher at dumudugo ang ilong tapos inaawat nila si Hans na gusto pang sugurin ang Teacher.
"Tama na 'yan!"
"Uy! Ano ba?!"
Nag kakagulo sa boong room.
"Pwede mo silang pag sabihan pero huwag na huwag mo silang babatuhin o sasaktan!"
Ayaw mag paawat ni Hans kaya wala akong nagawa kundi patabihin ang mga tao at...
*BAG!*
Binalibag ko si Hans.
Hindi niya dapat ginawa 'yon dahil nandito pa si Sandra. Hanggat hindi pa tapos ang kontrata namin hindi kami pwedeng mawala sa tabi ni Sandra.
Napa atras ang iba sa kanila sa ginawa ko.
Dumaing lang sa sakit si Hans.
"Crenz!"-Sandra
"Hindi ka dapat gumagawa ng bagay na pare pareho nating ikapapahamak. Anong gagawin mo kapag sabay tayong na expel dito?"
Malumanay na tanong ko nang nakatingin sa kaniya.
Mabilis siyang tinayo ni Jigs at pinagpag ang likod.
"Tara nalang sa guidance, Pre."-Jigs
Hinila ko ang kwelyo ni Jigs dahil mukhang sasama pa siya sa trobol namin.
"Dito ka, nandito si Sandra."
Makahulugang sabi ko sa kaniya.
Nag aalangan siyang sundin ako pero sumunod pa rin siya.
Nag lakad kaming apat palabas ng room.
Nag iinat na ngayon si Hans at minamasahe ang likod at balikat niya.
"Ilang kilo ba ang kaya mong ibalibag Yara? Ang sakit ng likod ko."-Hans
Pinag patuloy niya lang ang pag hilot sa sarili niya.
"Solid ba?"
Tanong ko.
"Oo, may nabungi atang ngipin sa kaniya."-Hans
That's good!
Great job!
"Lagot na, napapaligiran ako ng sadista at pala sagot."
Sabi ni Pula na nasa tabi ni Arya ngayon, mukhang iniisip din niya kung paano siya gagraduate nang kami ang kasama.
"Mag apply ka sa Accelerated Learning Program, makakapag College ka na agad kapag naipasa mo 'yon. Hindi ako nakiki usap sa'yo tutal sasabihin din naman ng organization 'yan bandang December. Inuutusan kita. Sabihin mo rin sa mga kaibigan mo."
Masyado na siyang matanda para dumaan pa sa Senior Highschool.
"Oo nga 'no."
Ngek, hindi niya naisip 'yon?
"Sa edad mo dapat nasa 1st year College ka na."-Hans
"Eh bakit kayo?"-Pula
"Nasa College na kami, huminto lang ako ng dalawang taon para sa kontrata namin kay Sandra."-Hans
"Paanong nandito kayo sa highschool?"
Gulat na tanong niya.
"Ahhh.. Organization na ang umasikaso ng paper namin. Lahat naman yata possible sa org. pwera lang sa bumuhay ng patay."-Hans
Tumango si Pula.
"Ikaw rin Raya? College ka na?"
"Hindi."-Me
"Pwera sa kaniya. Nahinto talaga siya."-Hans
"Ibig sabihin sasamahan mo kami sa pag Accelerate?"
"Syempre hindi."
"Crenz."-Hans
"Mag tatrabaho na ata ako pag tapos ng kontrata."
Kung hindi siguro ako bumilis sa pag lakad baka huminto na sila para komprontahin ako.
"Crenz, alam mo namang gusto nilang nakakuha ma ng diploma, lalo na si Tita."-Hans
"Edi gagawan ko sila ng diploma."
"Crenz -"
"Stop it Handriko, let her do what she wants. Alam naman na siguro niya ang ginagawa niya."-Arya
Buti may isa akong kakampi.
"Kailangan mo makapag tapos."
Nginisian ko lang siya. Kung alam lang nila.
Dumating kami sa guidance at tinanong agad kami kung anong ginagawa naming apat doon.
"Kaming dalawa nalate, siya nanapak ng Teacher at siya sinagot niya ang isang Teacher."
Paliwanag ko sa mukhang head ng mga Teacher dito.
"Bakit naka itim ka? School 'to hindi 'to galaan."
"Gusto ko 'to."
"Crenz." Saway sa'kin ni Hans
Bumukas ang pinto at pumasok doon 'yong Teacher na kaaway naming apat. Tatlo lang pala kasi mukhang wala namang galit si Pula sa kaniya.
"Gusto kong gawan niyo nang paraan para ma expel sila rito. Tingnan mo ang ginawa nila sa'kin."
May maliit na bukol sa noo niya pero sobrang liit lang talaga tapos hawak niya ang isang ngipin niya.
"Gross."
Bulong ni Arya at saka lumihis ng tingin.
Bahagya akong napangiti.
"Natanggalan ako ng isang ngipin tapos umuuga pa yung dalawa."
Wow! Ang lakas talaga ng Hans namin.
Tinapik ko ang balikat niya para sabihing proud ako sa kaniya na kaagad binaba ni Pula at tiningnan ako na huwag muna ako gumawa ng kalokohan ngayon.
"Deserve."
Bulong ulit ni Arya na nasa likod ko habang nasa likod naman ako no'ng dalawa.
"Ano ba kasing nangyari? Kayo ba 'yong galing sa nasirang school?"-Ms. Guidance
"Opo."-Hans
"Kaka transfer niyo lang tapos nakagawa na agad kayo ng gulo?"
"Dapat ba palipasin pa namin ang isang buwan bago kami gumawa ng gulo?"
"Kook/Yara!"-Hans and Arya
What?
"See? Ayoko sa mga estudyanteng walang galang!"
"Huminahon ka Mr. Silupo"
"Ayaw din naman namin sa Teacher na bastos. Pwedeng pwede ka naming kasuhan sa ginawa mong pambabato sa'min ng chalk. Hindi rin naman kayo matinong Teacher sa ginawa niyo."
Tama naman ako doon ah. Hindi naman siya masusuntok ni Hans kung wala siyang kagaguhang ginawa.
"It's against the rules to harm or use force to our student. Pang ilang beses mo na 'to ginawa?"
"She teased me!"
"For goodness sake Mr. Silupo, they are kids, you need to learn to hold back your anger. Pang ilang beses mo na 'to ginawa sa ibang estudyante. Alam mo namang may warning ka na diba?"
"I am the victim here!"
What the?
"Pa victim pa nga."-Arya
Puro comment sa likod ko 'tong bruhang 'to.
Huminga nang malalim yung Counselor.
"Pumasok na kayo sa next sub niyo, but I want your parents or guardians tomorrow. Kundi simula bukas hindi na kayo makaka pasok pa rito."
Kaka rehistro lang namin ng parking space tapos mawawala agad?
"Wala man lang silang parusa?"
"Bukas natin malalaman."
Hinila ko na si Arya paalis doon.
"Papasok na po kami Ma'am."
Paalam nila Hans.
"Don't touch me Kook."
"Arte mo."
Pag tataray ko rin.
"Crenz, matulog ka nalang please, hindi ko rin mapipigilan ang sarili kong labanan sila kapag may kumanti pa sa'yo."
Naiiritang nag hand gesture ako ng "oo na at huwag na siyang mag alala"
Pag dating namin sa room natahimik sila.
Dumiretso ako sa dulong upuan malapit sa bintana at tiningnan ang babaeng nakaupo doon.
"Pwede bang ako diyan?"
Gusto ko ng malapit sa bintana kasi matutulog lang naman ako.
Humalukipkip ako sa harap niya.
"Ha? May ibang upuan pa naman."
"Edi doon ka-"
May biglang humila sa'kin.
"Huwag ka ngang bully diyan, dito ka umupo."
Hinila ako ni Sandra at pinaupo sa 3rd row na nasa bintana rin.
"Crenz please."
Gaya ng ginawa ko kay Hans ay sinenyasan ko lang siya na "oo na" at saka lumuklok sa desk ko.