48

*BAM*

*BAM*

*BAM*

Seryoso akong napatingin kay Mr. Homer, Papa ni Sandra.

"First day na first day gumawa agad kayo ng gulo?! My goodness Crenz, ikaw na naman."

Sukong sukong sabi ni Mr. Homer.

Nag ngisian ang kambal.

Nandito kami sa may penthouse nila Sandra.

"Gusto mo pa ba alamin ang side ko o hindi na?"

Walang nag tangka sa kanilang mag salita o kontrahin man lang ako.

"See, that attitude of yours is always attracting the trouble."

Hindi na ako umapila pa dahil totoo naman 'yon.

Hindi naman ako 'yong tipong kakalabanin ang nag papa sweldo sa'kin.

"Where's Attienza?!"-Mr. Homer

"May kailangan pa daw po siyang gawin ngayong araw."-Hans

"Dapat nakikinig din siya ngayon dito Crenz! Nasa'n ba 'yang isa mo pang binabantayan?!"

Napa hawak ako sa sentido ko at saka tumingin sa kaniya.

"Tsk.. pahiram ako."

Hinarap ko sa'kin ang laptop ni Mr. Homer na nasa harap niya kanina.

Hindi na siya nag salita pa pero halata sa kaniya na na di disappoint ko na naman siya sa bagay na kagagawa ko lang.

Hindi ko nalang siya pinansin at nilocate ko ang location ni Pula.

"Paano mo siya ma lolocate niyan?"

Lahat kaming nasa harap ni Mr. Montilla ay nakatingin lang sa ginagawa ko.

"Nahanap mo na?"

"A few minutes more, Sir."

Tugon ko.

Mukha namang hindi na siya nainip pa.

Sobrang nag mamadali rin siya kanina sa pag alis, iniisip ko rin kung sa'n siya pupunta.

Lumabas na ang location at kung nasa'n siya banda.

"Uh? Taga diyan ba siya?"-Sandra

"Hindi."

Anong ginagawa niya sa lugar na 'yan?

Malapit lang 'yon sa school at bahay 'yon. Bakit feeling ko may masamang nangyayari?

"Maraming upahan diyan sa lugar na 'yan. Safe naman diyan."-Jm

"Madalas ka ba rito?"

Tanong ko habang kunot ang noo ko.

Hindi ako pamilyar sa lugar pero mukhang malapit sa panganib ang ganitong mga lugar eh.

"Nakipag meet lang ako sa isang buyer-"-Jm

"Illegal drugs?!"-Nemi

"Hahahaha."-kambal

"Anong illegal drugs?! PS4 ko! Napaka sama talaga ng utak mo."

Napatingin ako kay Mr. Montilla.

"What?"

"Nakaka stress 'tong lalaking 'to."

"Ano?"

"Yung anak ni Yen Francisco, irerehistro na ang pangalan niya sa organization sa December at kailangan may Ama na ang bata. Hindi siya balak panindigan ng kapatid ni Liphyo kaya ang sabi niya pakakasalan niya si Yen Francisco at aakuhin niya ang responsibilidad."

Kumunot ang noo niya.

"Ano? Pinaintindi mo man lang ba sa kaniya kung ano 'yong gagawin niyang desisyon?"

"Syempre pinaliwanag ko."

"Oh, anong desisyon mo?"

Huminga ako ng malalim at saka tumingin sa laptop.

"Sinabihan ko siya na gagawin namin 'yon na last option. Nag pa plano akong humanap ng taong pwedeng mag pakasal kay Yen, 'yong may trabaho na at kaya silang alagaan."

"Mahirap 'yan. It will took 10 years before married couple in our organization to separate legally."-Hans

"Plus, may balita ngayon na hihigpit ang organization. Baka three years from now i di DNA na ang mga bagong silang na sanggol kung sa kanila ba talaga 'yon."-Cess

Ano?! Ano na naman bang trip nila?

"Both Mother and Father?"-Nemi

"Yeah, both of the parents."-Cess

"Lakas ng toyo ng organization niyo 'no?"

Tanong ko sa kanila.

"Crenz."

Saway ni Hans kasi nga nandito si Mr. Montilla, pero kasi wala naman akong pake kung sino ang nasa harap ko. Tama ang sinabi ko at paninindigan ko 'yon.

"Don't let him marry that woman."

"As if I would."

Nginisian ako si Mr. Montilla at kinuha ang jacket ko na nakasabit sa upuan.

"Sa'n ka pupunta Crenz?"-Nemi

"Hans, sabihin mo sa'kin kung aalis siya o lumalayo siya ah? Ikaw na muna bahala rito."

Feeling ko talaga laging kailangan ng bantay nitong isang 'to.

"Mag paalam ka naman ng maayos."-Sandra

Inayos ko ang jacket ko.

"Paalam."

Sabi ko nang binuksan ko ang pinto at saka nag madaling lumabas

~~~

Tinawagan ko na si Hans para itanong kung saan ang exact location ni Pula.

Nag drive ako roon pag kakuha ko ng location.

Huminto ako nang makita ko ang motor ni Pula.

Ano bang ginagawa niya sa bahay na 'to?

Tama si Jm mukha namang safe rito. Apartment 'to at malaki rin.

Nag doorbell ako at may lumabas si Pula.

"Yara?"

Oh? Himala, hindi na siya bulol.

Seryoso lang akong tumingin sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan, anong ginagawa mo rito? Kaninong bahay 'to?"

Sumilip silip pa ako sa likod niya bago niya buksan ang gate.

"Pinalayas kami ni Papa."

"Layas? Sino kasama mo?"

"Mama."

Nandito Mama niya?

"Mag sabi ka sa'kin kung may nangyayari sa'yo."

Naiinis na napakamot siya sa ulo niya.

"Oo na, pumasok ka na nga, pinuntahan mo lang talaga ako para sermunan."

Talaga! Pinalayas pala sila wala man lang siyang sinasabi sa'kin. Paano kapag may hindi magandang nangyari sa kaniya, patay kami pareho.

"May chocolate milk ba kayo?"

Tanong ko pag pasok ko sa gate.

"Luh, ang kapal mo talaga 'no? Hayaan mo akong mag offer sa'yo."

"Mag ooffer ka rin naman, inuunahan na kita."

Hindi talaga natatapos ang araw na hindi niya ako nasasabihan ng makapal ang mukha ko dahil sa mga ginagawa ko.

Kumportable ako sa kaniya eh kaya siguro kung ano ano nalang pinag gagagawa ko.

Nasasabi ko lahat ng ayaw at gusto ko.

"Meron ba?!"

"Haluh.. siya pa galit. Wala kaming gano'n! Kita mo namang nag aayos pa kami nitong bahay. Wala pa kaming upuan o kung anu anong appliances dito."

Ahhh.. oo nga pala.

"Akina na number mo."

"Bakit?"

"Basta!"

Daming satsat.

Maya maya ay tumunog ang cellphone niya dahil sa notification.

"Hmk!"

Gulat na tingin niya sa cellphone niya.

"Sweldo mo bilang bodyguard ni Sandra."

Gulantang siyang tumingin sa'kin.

"Kelan pa ako naging bodyguard ni Sandra?!"

"Simula no'ng pinasok ka ni Mr. Montilla sa organization at i under ka sa'kin.

"Ano?! Wala naman akong ginawa kay Sandra, hindi ko naman siya nababantayan."

"Tandaan mong lagi kitang sagot kapag organization na ang usapan kaya mag sabi ka sa'kin ng mga bagay na nangyayari sa'yo, huwag mo akong pakapain sa mga balak mo sa buhay mo."

Tumingin siya sa'kin at sa cellphone niya.

"Hindi ko 'to matatanggap."

"Edi bigay mo sa Mama mo."

"I mean wala naman akong ginawa para mapabuti si Sandra."

Hindi kaya.

"Kapag nasa tubig tayo, lagi kong pinag kakatiwala ang buhay ni Sandra sa'yo kaya huwag mo sabihing wala kang ginawa."

Iniwan ko siya at nag lakad lakad sa paligid. Wala pa ngang mga gamit.

"Ang laki nito. Ngayon lang ako nakahawak ng ganito kalaking pera."

"Mabuti 'yan, bumili ka ng gamit-"

Bigla nalang siyang yumakap mula sa likod ko.

"Thank you, Raya."

Para akong tinakasan ng lakas at kaluluwa sa yakap niya. Hindi ako makapag salita sa gulat at kaba.

"H-hoy, alis nga."

Siniko ko siya at pinalayo sa'kin.

"Tyansing ka na naman."

Singhal ko sa kaniya.

"Gusto mo ba akong hatian dito? Deserve mo naman ng hati-"

"Barya lang 'yan."

Bigla siyang napa ngiwi.

"Ang yabang mo."

Hindi naman, totoo lang.

"Tara sa mall Raya."

"Ayoko nga, anong gagawi ko ro'n?"

"Samahan mo akong bumili ng sofa, TV, kitchen stuffs, dining set-"

"Matuto kang mag budget Pula. Wala na kayo sa poder ng Tatay mo kaya maging wais ka sa pag gastos ng pera."

Pangaral ko sa kaniya.

"Anong bibilhin ko?"

Tiningnan ko ang paligid.

"Kahoy."

"Kahoy? Mano mano ang gusto mong gawin ko?"

"Tutulungan ka namin."

Napangiwi siya.

"Mang aabala ka pa ng iba?"

"Eh ano naman? Pagkain na pambawi lang ok na sa mga 'yon."

Taka siyang napatingin.

"Sino tinutukoy mo?"

"Sila Tyro, Ryker, Hans, Daniel, Jm, Kambal at Raffy. Kami nila Tyro mga bata pa lang kami pinakilala na kami sa iba't ibang klase ng mga kahoy at pinagawa kami ng bahay nang kami kami lang na giniba rin di kalaunan."

Napag patuloy ako sa pag tingin sa paligid.

"Mahihirapan si Mama, gusto ko malambot ang hihigaan o uupuan niya."

"Sundin mo lang lahat ng sasabihin ko sa'yo para mas mapamura ka."

"Baka lumabas na ginagamit kita para mapasunod sila."

Napa ngisi ako.

"Baka pasalamatan ka pa nila."

Mukhang hindi sila ngayon matutulog dito. Wala pang kama ang kwarto o kahit anong tulugan.

"Sa'n kayo matutulog."

"Hindi ko pa alam kay Mama."

Tsk.. halatang Mama's boy.

"Kung papayag kayo pwede ko naman kayong tulungan sa matutulugan niyo ngayong gabi hanggang sa matapos niyo ang kailangan niyo rito sa bahay niyo."

Natahimik siya kaya lumingon ako sa kaniya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Jhonny."

Sabay kaming napa lingon sa may pinto, mukhang nandito na ang Mama niya.

Mabilis siyang pumunta sa may pinto at kinuha ang mukhang pinamili ng Mama niya. Hindi ko tuloy makita ang itsura ng Mama niya.

Nag lakad ako sa likod ni Pula at sinilip ang Mama ni Pula mula sa likod niya.

"Kanino yung motor doon sa-"

Natigilan siya nang makita ako.

Unti unti umarko ang ngiti sa labi ko nang makilala ang Mama niya.

"Mama mo?"

Naka ngiting tanong ko kay Pula.

"O-oo, huwag ka ngang ngumiti, nakaka kilabot ka."

Singhal niya sa'kin.

Pinaurong ko ng konti si Pula.

"Good evening Ms. Tissue."

Ngiti ko sa kaniya.

Feeling ko namula siya sa sinabi ko. Siya yung umagaw sa cubicle na papasukan ko sana kasi bawas na bawas na siya.

"Y-you!"

"Hindi ako nakapag pakilala no'ng nakaraan. I'm Crenz Yara Vilarde, sobrang nag mamadali ka PO kasing umalis."

Tiningnan niya ako tapos tingin sa anak niya at nag papalit palit.

"She's my classmate Mom."

Pumunta na sa kusina si Pula.

Sumenyas ako sa Mama ni Pula habang naka ngiti na pumasok siya.

Ang kapal ba ng mukha ko? HAHAHAHA natutuwa lang talaga akong makita siya.

Dumiretso lang siya sa loob

Nag tataka rin ako kung kelan pa ako natutong ngumiti sa estranghero.

"Miss, sa'n kayo matutulog ngayon."

Pumunta ako sa harap niya nang may ngiti.

"Hotel."

Napalabi ako.

"Pero mahal mag stay sa hotel."

Ganito pala ako mang asar sa taong mukhang ayaw sa'kin.

"Raya, huwag mo na kulitin si Mama, huwag ka ring ngumiti di bagay sa'yo."-Pula

Hindi ko tinapunan ng tingin si Pula at tumingin lang ako sa Mama niya na nag lalabas ng pagkain sa plastic.

"Kung papayag kayo, may bahay akong alam na pwede niyong pag stay han habang nag aayos kayo rito sa bahay niyo."

Tumingin siya sa'kin.

Mukhang gusto niyang tanggapin pero nag aalangan siya sa'kin.

Pinag patuloy niya ulit ang ginagawa niya.

"Malapit lang 'yon dito. Mapapamahal kayo sa hotel at mapapalayo pa kayo. Nag mamagandang loob lang naman ako."

Ngiti ko sa Mama niya.

"Ma, tama naman siya. Punta na ba tayo?"

"Baka hindi safe ang lugar."

"100% sure akong ligtas doon dahil may madalas umiikot na security guard sa lugar na 'yon."

"Raya, ngayon lang kita nakitang mangumbinsi."

"Ngayon ko lang din nalaman na marunong pala akong mang asar."

"Ayoko sa'yo."

Sabi ng Mama niya na hindi na nakapag pagulat sa'kin.

"Ma!"-Pula

"Mas lumalapit ako sa mga taong ayaw sa'kin *smile*"

Kulang nalang ay irapan ako ng Mama niya.

Totoo naman kasing mas gusto ko sa mga taong ayaw sa'kin gaya ni Arya.

"The more you hate, the more you love. Love mo ako Miss? Aww.. nakaka touch naman."

"Raya, huwag mo nga asarin si Mama."

Kunot noong saway sa'kin ni Pula.

Ok, oras na para mag seryoso.

"Tatawagan ko na si Yasy kung papayag kayo sa offer ko. Wala pa kayong matutulugan dito."

Seryosong ani ko.

"Mag babayad kami."-Ms. Tissue

"Hindi na PO kailangan Miss."

Nginitian ko siya bago ako lumabas ng bahay.

See? papayag din pala.

LIPHYO'S POV

Lumabas na si Raya.

"Ma, bakit mo sinabi 'yon?"

Nag apologetic smile siya sa'kin.

"Hindi ko lang gusto ang first encounter namin."

Oo nga pala, gustong gusto ko itanong kung saan sila nag ka kilala.

"May ginawa po ba siyang masama sa'yo? Sinaktan ka niya?"

Mukha namang hindi gano'n si Raya sa matatanda.

"No, actually she helped me."

Ok? Weird.

"Tinulungan naman po pala, bakit-"

"Sa CR."

Natigilan ako.

Maraming pwedeng mangyari sa CR.

"Paanong CR?"

"Hinila ko siya no'ng papasok na siya ng cubicle."

Ahhh.. gets.

"Then what she did next?"

"Offer me a tissue."

Natigilan ulit ako para isipin ang tumatakbo sa isip ni Raya nang mga sandaling 'yon saka ako napangiti.

"She teased you with that tissue?"

"Ayoko na pag usapan."

Tinawanan ko si Mama.

Halata namang nahihiya siya kaya ayaw niya kay Raya.

"Ma, don't be mean to her. Malay niyo po future daughter in law niyo siya."

Sabi ko saka nag iwas ng tingin.

*Pak!*

"Aw!"

"Anong future future ka diyan? Mag aral ka, puro ka kalokohan."

Napa himas ako sa balikat ko.

"Ma, gusto ko lang siya pero hindi ko naman siya pwedeng maging girlfriend."

"At bakit hindi?! Sinabi ba niyang pangit ka?! Sinabi ba niyang mahirap ka lang?!"

Napangiwi ako.

"Parang ako ata ang nag sabi sa kaniya ng gano'n."

*Pak!*

"Aray, Ma."

"Gusto mo tapos sinabihan mo ng gano'n?"

"No'ng sinabi ko po 'yon hindi ko naman alam na magugustuhan ko siya."

Ang sakit.

"Bakit hindi pwedeng maging kayo?"

Napa yuko ako.

"May anak na siya."

Napa singhap si Mama.

"Siya? May-"

"Ma!"

Kailangan pa ba niyang sabihin? Baka marinig kami ni Raya.

Natahimik siya.

"Sobrang komplikado niyang tao."

Bulong kong sabi kay Mama.

Pumasok na si Raya.

"Kunin niyo nalang PO lahat ng kailangan niyo gamit, hintayin ko nalang kayo sa labas."

Napangiwi ako. Nae emphasize ang po niya, halatang hindi sanay.

"Sige."

Sagot ko.

Lumabas na ulit si Raya.

"Kumilos ka na."

Untag sa'kin ni Mama.

"Uh.. ah, opo."

Nag asikaso na ako ng mga dadalhin ko tapos nilock namin ang bahay.

"Kung wala lang siyang anak, boto ako sa kaniya."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama.

Buti nalang talaga malayo si Raya.

"Maaaaa!"

Bwiseeeet! Nahihiya tuloy ako!

"What?"

"Parang kahapon lang pinipilit mo kong nag pakasal doon sa- kung sino mang babae 'yon."

"Sinabihan lang ako ng Papa mo na kumbinsihin ka."

"Basta Ma, ayoko mag pakasal sa di ko kilala."

"Bahala ka, wala naman na tayo sa poder ng Papa mo. Tayong dalawa nalang ."

Narinig ko ang lungkot sa boses ni Mama.

Kung wala lang akong hawak ngayon baka inakbayan ko na si Mama.

Bigla kong naalala na kailangan pala ng parents bukas sa guidance.

Napapikit ako kasabay ng pag kagat ko sa labi. Patay talaga ako.

RAFFY'S POV

Kasama ko si Yasy ngayon dito sa unit ko.

"Sino 'yon?"

Pag balik ko kasi kagabi mula sa kusina para kumuha ng makakain namin ay katatapos niya lang kumausap sa cellphone niya.

"Ang alin?"

"Yung kausap mo kagabi."

"Ahh.. Crenz."

"Bakit?"

"Hihiramin niya raw bahay ko."

"Hinihiram ba 'yon? Bakit? Lilipat sila?"

"Nahihiram 'yon."

Lumukot ang mukha ko. Sabagay, mag pinsan pala sila kaya nag kakasundo sila.

"Grabe.. kaninong side nga ulit kayo naging mag pinsan?"

"Her Dad and my Mom."

"Mukha namang hindi slow si Tita ah?"

"Hoy! Ang sama ng ugali mo!"

Singhal niya sa'kin.

"HAHAHAHA.."

"Pa tutuluyin niya muna raw si Attienza at ang Mama niya sa bahay ng mga ilang araw."

Oh? Anong meron?

"Bakit?"

"Mukhang dahil sa kuya ni Liphyo kaya umalis sila do'n sa bahay nila."

Ahh.. problema rin ni Crenz 'yon.

"Eh ikaw? Sa'n ka ba tumutuloy?"

"Kina Crenz."

Wow! Sana all nakakasama sa isang bahay si Crenz.

"Pinayagan ka?"

"Di ko pa nakikita 'yong bata."

Parang ako ang na eexcite kapag nakita niya si Charrie.

"Kahit picture?"

"Sa picture lang."

Ahhh..

"Bakit kasi dito ka natulog kagabi?"

"Pagod ako, ito lang ang pinaka malapit sa airport."

"Bakit di kayo sabay ni Tyro umuwi?"

Umayos siya ng upo saka humigop ng gatas na nasa harap niya.

"Nag background check kasi ako sa mga Kings Deck tapos lately ko lang nalaman na may kapatid pala si Mr. Homer na namatay 25 years ago pero hindi tinala sa history book ng kings deck."

Oh?

Kapag pa naman may mga bagay silang hindi sinusulat sa libro lalo na anak ka ng mataas na tao sa organization ibig sabihin lang no'n ay may bagay na iniiwasan nilang malaman ng iba.

"Ano pang nalaman mo?"

"Siya dapat ang successor ng kings deck at hindi si Mr. Homer."

"Weh?"

Tumango siya sa'kin.

"Tapos?"

"Pinag kasundo na 'yong babae sa isa sa Ace deck pero ayaw no'ng babae kasi may boyfriend siya sa labas ng organization at yung lalaki sa Ace deck naman ayaw rin dahil may girlfriend din 'yon."

Napaka gulo talaga ng organization lalo na kapag usapang kasalan na.

Bakit kasi kailangan mamilit sa kung sino ang ikakasal sa kanila, pinapahirapan nila ang anak nila.

Kami ni Drei hindi kami pwedeng mapilit ng magulang namin kasi mas matigas pa sa bato ang ulo namin. Ayaw din nila ng gano'ng patakaran ng organization.

"Tapos?"

"Sinusubukan ko kasing alamin kung paano namatay 'yong babae pero isang info lang ang nakuha ko sa sobrang higpit at secured na file na 'yon."

"Ano?"

"Hindi pa patay 'yong boyfriend ng kapatid ni Mr. Montilla pero hindi pa rin siya natatagpuan hanggang ngayon."

Kinilabutan ako.

"May kinalaman kaya ang organization sa pagkawala niya?"

"Mukhang wala. Simula no'ng araw na namatay 'yong babae parang bulang nawala 'yong lalaki na kahit mga pag rehistro ng mga pangalan niya government o kung nasa'n siya ay walang lead."

Bakit ba kasi inaalam niya ang bagay na 'yon?

"Sino 'yong lalaki sa Ace deck? Kilala mo?"

"Hindi eh. Kamamatay lang no'ng babae pero after 4 years namatay din ang Lola ni Sandra."

Ahh..

"Parang ang dami nang nangyari sa kings deck. Namatay ang anak na babae pati ang Nanay tapos nawala pa ang anak ni Mr. Montilla tapos lagi pang may nag tatangka sa buhay ni Sandra."

Bakit nga ba namin pinag uusapan ang problemang 'yan.

"Bakit ba kasi naisip mong mag background check?"

"Na boring ako kaya nag try akong mag open ng mga file sa base."

Napa iling nalang ako.

*Ting*

Tumunog ang cellphone namin ni Yasy at may tumunog din sa labas ng unit ko kaya nag katinginan kami.

"May bisita ka?"

Tumayo kami pareho at binuksan ang pinto.

Nakita namin ang naka yukong si Chelsea na binabasa ang text.

"Che?"

Naka tungo lang siyang nag babasa at saka pumasok sa unit ko.

"Hindi niyo pa ba nabasa? Kailangan daw tayo ni Crenz mamaya."

Pasimpleng aniya at saka umupo sa sofa.

Sinara ko ang pinto at saka kami sabay nag shrug ni Yasy.

Tiningnan din namin ang text.

"Pinapadala tayo ng hammer?"-Yasy

"That's great. Opportunity na 'yon para mapukpok ko ang ulo ni Tyro."-Chelsea

Lumukot ang mukha ko sa mga iniisip niya.

"Bakit hindi ka nag text na pupunta ka ngayon?"

"Nag text ako, check mo."

Nag text siya?

Tiningnan ko ang inbox.

"Ok, ngayon ko lang nabasa."

"Halata nga."-Chelsea

"Tara, mall."-Yasy

Nag tinginan kami ni Chelsea

"Nag titipid ako/Gastadora ka."

Sabay na sabi namin kay Chelsea

"Wow! Ang kakapal naman pala.. mas marami kayong nakukuha kesa sa'kin."

"Kung hindi ka kasi pasok nang pasok sa mga store hindi kami mapapabili."

Gano'n kasi ang nangyari sa'min bago siya umalis dito last 3 weeks.

"Mas gastadora kayo 'no. Tara na, may bibilhin ako. Palamig muna tayo bago tayo pumunta kay Crenz."

Palusot.

"Mauna ka na maligo."

Sabi ko sa kaniya.

"Ok!"

Umalis siya at pumasok sa kwarto ko. Nandoon lang kasi ang mga sabon ko.

"Wala kang pasok ngayon?"

"Kung meron edi wala sana ako rito."

Irap niya sa'kin.

"Halika rito."

I stretch my arm to reach her for a hug.

She rolled her eyes and hug me, I gave her peck on her head.

"Nag susungit ka na naman, ano na namang nangyari sa'yo?"

She's really short HAHAHA..

"Nakita ko lang 'yong lalaki mo."

"Lalaki ko?"

"Yeah, that Jhom."

Muntik na akong matawa pero pinigilan ko kasi mas lalo lang siyang maiinis.

"Sa'n mo siya nakita?"

"Bakit interesado ka?"

Tiningnan ko siya.

"Kasi malakas toyo mo. Minsan ilang araw na ang lumipas pero ngayon ka lang maiinis."

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Halata kasing gusto ka niya."

Impossible 'yon, close lang talaga kami ni Jhom no'ng nag tatrabaho kami.

"Nag ooverthink ka lang."

Ngumuso siya sa'kin.

Pfft! HAHAHA..

*Kiss* *Door's opened*

Sabay nangyari ang kiss at pag bukas ng pinto.

"Uh- sorry, kunin ko lang 'yong damit ko."

Sinundan lang namin ng tingin si Yasy.

Hindi ako nakakaramdam ng kaba kasi alam naman ni Yasy na may something kami ni Chelsea pero itong bubwit na 'to ang higpit ng hawak sa damit ko, mukhang nahihiya.

"Tuloy niyo lang."

Sabi ni Yasy at saka sinara ang pinto ng kwarto ko.

"Haaah!"

Singhal niya na parang nag pigil ng pag hinga.

"Hoy hahaha.. anong nangyari sa'yo."

"Nakakahiya!"

Binuro niya ang mukha niya sa dibdib ko.

HAHAHAHAHA..

HANDRIKO'S POV

Nasa harap namin ang mga guardian namin kuno.

Nag hire lang ako ng mag papanggap na guardian ko, malay ko bang gano'n din ang gagawin ni Arya.

Si Crenz naman kasama niya si Kuya Chiggy at si Nina naman ang tumayong guardian ni Attienza.

Ang cool talaga ng mga tropa ko.

"Biglang parusa, 10 hours of community service."

Napangiwi ako.

"Paano naman po si Sir?"

Tanong ko kasi unfair kung kami.

"May warning na siya, kapag nanakit ulit siya mapapatalsik na siya rito."

Haaaay.. ang aga aga sermon agad sa school.

"Thank you Ma'am."

Tumayo na si kuya Mil dahil tapos na rin naman ang litanya niya, mukhang nakausap na rin siya ni Mr. Montilla kagabi.

"Pumunta kayo sa cleaning room at ipalista sa janitor natin kung naka ilang oras na kayo. Ako mismo ang nag utos sa kaniya."

Tsk! Napaka segurista.

"Thank you Ma'am."-Nina

Tumayo na kaming lahat at lumabas ng room.

Buti nalang at hindi nag salita si Crenz kanina kundi baka di lang 10 hours.

Hinatid namin sila sa may gate habang nag lilitaniya si Nina kay Crenz, 'matic na 'yan.

"Crenz, huwag masyadong matabil ang dila."

Paalala ni Nina

"Hans! Isa ka pa, huwag kang sadista!"

Singhal niya sa'kin.

"Oo na, ang daldal mo."

Reklamo ko.

"Mag pakabait ka Crenz."-Mil

Tinanguan lang siya ni Crenz

Nag paalam na kami sa kanila at nag pasalamat kami sa mga binayaran namin.

"Mukha namang wala nang sasaway sa'yo."

Untag ko kay Crenz.

"Pero naging matunog agad ang pangalan niyong dalawa sa buong school. Transferee na nang bato ng chalk sa noo ng teacher at isang nanapak ng Teacher."-Arya

Hindi makapaniwalang pahayag niya.

"Kahit saan naman makikilala si Raya."-Liphyo

"Kasi masama ugali niya."-Arya

"Wow, hiyang hiya naman ugali ko sa'yo ah."-Crenz

Nag turuan pa eh pareho namang masama ang ugali nila.

"Nag tuturuan pa kayo?"

"Manahimik ka, sadista ka."-Arya

"HAHAHA.."-Liphyo

Hindi ko maasar si Liphyo kasi nadamay lang naman 'yan dito.

"Kain muna tayo-"

*Bag*

Biglang may bumatok sa'kin.

"Aww.." himas ko sa batok ko.

"Sabi ko mag pakatino ka. Wala pang breaktime kakain ka na?"-Crenz

"Natikman ko yung siomai nila doon kahapon, masarap."

Pang eenganyo ko sa kaniya.

"Teka, mag kano ba pera ko dito?"-Crenz

Napa kamot sa noo si Arya sa inis at kumunot naman ang noo ni Liphyo.

HAHAHAHA..

"Akala ko pa naman matino ka na rin."-Liphyo

"Alam mo ba kung ano ang sinabi ng mga ninuno namin?"

"Ha? Ano?"

"Kapag gutom ka, kumain ka."

"HAHAHAHAHA.."

Hindi ko napigilan matawa na pati si Arya ay natatawa na rin sa sinabi ni Crenz.

"Wow, nandamay ka pa ng ninuno."-Liphyo

Sanay na ako sa ganiyang ugali ni Crenz na lalong nag papa cute sa kaniya.

"See.. pati ikaw humanga ka sa kanila."

Lalo lang ata akong natawa.

Pero natatawa pa rin ako sa ginawa niya kahapon na halos gumapang na siya matapos siyang pahalikin sa pinto si Liphyo.

Ang epic talaga ng ginawa nila kahapon, literal na grand entrance.

Pag dating namin sa room ay pinag tinginan kami pero syempre wala na kaming pake doon.

Dumiretso si Crenz sa pinaka dulong upuan.

"Gusto ko sa pwesto mo, palit tayo."

Kinamot ni Sandra ang bandang sentido niya.

"She's persistent."

Lalapitan na sana siya ni Sandra pero pinigilan ko siya.

"Hindi rin hihinto 'yan hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya."

Babalik balikan ni Crenz 'yan hanggang sa makuha niya ang pwesto.

Wala pang teacher kaya maingay pa sila.

Sumandal si Crenz sa may pader na naka harap pa rin sa babae.

"Kayo ba ni Attienza?"

Tanong no'ng babae sa kaniya.

"Kapag humindi ako makikipag palit ka na sa'kin?"-Crenz

"Sige, tsaka papayagin mo siyang makipag picture sa'kin."

Pfft! Ang gwapo naman ni tisoy HAHAHA.

"Ok."

Tumingin si Crenz sa gawi ni Liphyo.

"Hoy, Pula!"

Kunot noong tumingin si Liphyo

"Ano?"

"Lika muna."

Sinenyasan pa siya ni Crenz

"Mali talagang inunder siya ni Papa kay Crenz. May na aadopt na si Liphyo na ugali niya."

Halata nga.

"Ano ba 'yon."-Liphyo

"Akina cellphone mo."

Untag ni Crenz sa babae na mabilis namang binigay 'yon.

Pinaupo ni Crenz si Liphyo sa desk no'ng babae.

"Ngiti."

Walang kwentang aniya.

*Cliiiiiiiiiiccccckkkk*

Marami siyang tinake na picture.

Nakangiti iyong babae pero si Liphyo ay seryosong naka tingin kay Crenz.

"Ok na, lipat na."

Binigay ni Crenz ang cellphone no'ng babae.

Masayang umalis ng pwesto niya ang babae at lumipat ng ibang upuan.

Pag lipat ni Crenz pinalayas niya na si Liphyo at lumuklok sa desk niya.

"Wow, buti nakaka pasa pa siya."-Sandra

"Ang cool niya diba?"

"Cool talaga 'yan, Master ko 'yan eh."-Jigs

Kumakain si Jigs kaya nanghingi na rin ako since hindi nila ako sinamahan pumunta sa canteen.

Dumating na ang teacher kaya mabilis kaming umayos ng upo.

Nag attendance siya at pag dating kay Crenz.

"Vilarde, Crenz Yara."

Nag taas lang si Crenz ng kamay habang naka tungo.

Napailing nalang ang Teacher at nag proceed na sa lesson niya.

LIPHYO'S POV

Hindi na ako nag taka na pinaka last si Raya sa former school namin sa ranking dahil sa ugali niya.

Naka yuko lang siya buong oras ng klase at nag angat lang ng ulo no'ng breaktime at no'ng uwian na.

Noong uwian na ay umuwi agad ako dahil pupunta sa bahay sila Tyro para tulungan ako sa paggawa ng upuan.

Sinunod ko ang instruction sa'kin ni Tyro sa kung ilan ang bibilhin, size, saan binili at kung ano ano pa.

Kinontak ko ang mag dedeliver para ideliver na sa bahay ang mga 'yon.

"Bro!"

Napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Jhom.

Hindi ko sila pinapunta rito kasi ayokong mag kita si Mike at Crenz, selfish na kung selfish pero ayoko talagang makita silang mag kasama sa harap ko, ok lang kung hindi sa harap ko at hindi ko alam.

"Paano niyo nalaman?"

Nakangiting tanong ko. Gusto ko rin naman silang makasama.

"Sabi ni Tita."-Austin

Pinapasok ko agad sila kasi baka may makakita sa kanila at pag pyestahan sila.

Tinanong nila ako sa kung ano ang nangyayari at napa kwento naman ako. Sinabi ko rin sa kanila nag mag titake kami ng test for acceleration at pumayag naman sila.

"Kumusta si Jerick?"

"Mukhang hihinto na muna siya sa pag aaral niya at mag fofocus nalang sa pag papagaling."-Jhom

Na dapat lang naman.

Kung alam ko lang nang mas maaga sana hindi ko na siya pinayagan samahan ako sa ibang bansa o sa mga trip ko.

*Beep beep*

Napatayo agad ako at lumabas.

Tatlong kotse at dalawang motor ang dumating.

Sa isang kotse ay puro babae at sa kabila ay puro lalaki. Si Ryker at Crenz ang naka motor.

Mas matanda sila sa'kin pero feeling ko mga kaedaran ko lang sila.

Pinapasok ko sila at nakipag kilala ang iba sa hindi nila kilala.

"Axel Vermon Pre."

Pakilala sa'kin no'ng isang bago sa kanila.

"Hello, Liphyo Attienza po."

Magalang na pakilala ko.

"Iba talaga pag good boy, nag po Po."-Tyro

"Manahimik ka."

Nakangiting ani ko sa kaniya.

"Good boy? First day of school napa guidance agad?"-Hans

"Kala mo siya wala do'n."

Irap ni Arya sa kaniya.

"Nainggit lang ako kaya sumama ako sa inyo sa guidance."

"Yabang mo!"-Daniel

Nag tawanan kami.

Bago kami mag simula chineck muna nila ang mga gamit.

"Uy! Mag ambag kayo, bibili tayo ng pagkain."-Ryker

Natawa ako ng mahina kasi para siyang bata.

"Ganiyan talaga siya, huwag mo nalang pansinin. Bunso namin 'yan eh."-Daniel

"Pero baka kailangan niya talaga ng pera?"

May biglang umakbay sa'kin.

"Mas mayaman pa 'yan sa'min at saka may trabaho na 'yan."-Axel

Wow!

"Tapos na siya sa pag aaral?"

"Oo, last year pa. Galing 'no? Kaya maraming babae ang nag kakandarapa sa kulugong 'yan eh."-Axel

Tapos gusto ko pa suyuin ang babaeng gusto niya? Ano nalang ako? Muta niya?

"Hoy, Ryker."

*Pak*

Sinipa siya ni Raffy sa may bandang pwet niya.

"Bakit ba?"-Ryker

"Teritoryo mo ba 'to? Lakas ng boses mo ah."-Raffy

"Mag ambag ka."-Ryker

Saka nilahad ang kamay niya.

"Gusto mo upakan kita?"

Inambahan siya ni Raffy na balak naman niyang sanggain.

"Ang panget niyo pareho-"-Yasy

"Mas pangit ka!"-Ryker/Raffy

Nag tawanan kami.

Tinuon nalang naming ang pansin namin sa pag susukat ng mga kahoy at ang iba ay nag lagare na.

May dala silang mga tools. Mukhang ngang ready sila.

"Lalabas lang kami, bibili kami ng softdrinks."-Chelsea

Kasama niya si Nina.

"Samahan mo, Raffy."-Raya

"Ayoko nga! Sisiraan ko si Raffy tapos papasamahin mo pa siya?"-Nina

Hindi ko nakikita ang ginagawa ng mga babae kasi nga busy kami sa pag susukat at kung paano ang gagawin namin.

"Hans! Samahan mo."-Raya

Mabilis na tumayo si Hans at pinuntahan ang mga babae.

"Tara na."

Narinig ko nalang ang pag sara ng gate.

"Bumili ka ng barnis?"-Tyro

"Oo, nandiyan."

Tumango siya.

Kinakausap naman nila Axel, Drei, Raffy at Daniel ang mga kaibigan ko habang gumagawa rin sila.

Matapos malagare ang mga kahoy ay inuna muna ni Tyro gumawa ng upuan habang si Ryker, Drei at Daniel nag simula na ring gumawa ng mesa.

Halos mag iisang oras na rin kami, buti nalang wala na gaanong init dahil mag gagabi na.

May pumaradang dalawang delivery vehicle sa harap ng bahay.

"Ayan na."

Lumapit si Ryker at Drei doon at kinuha ang mga pagkain.

"Nakakatakam!"-Tyro

"Matakam ka lang, di ka makaka kain dahil hindi ka nag ambag."-Ryker

"HAHAHAHA.."-sila

Pinasok nila ang pagkain doon tapos bumalik na rin sila Hans.

"Ang tagal niyo."-Raya

"Sarado yung malalapit na tindahan."-Hans

Pumasok na rin sila sa loob.

Hinayaan ko nalang silang mag asikaso doon dahil assistant ako ni Tyro habang nakikipag kwentuhan ako kung paano siya natuto ng mga ganitong bagay.