Pinapasok na nila kami para kumain.
Nag kaniya kaniya sila ng kuha at syempre gano'n din ako.
Si Crenz nasa labas at may kausap sa phone at para talaga kaming nasa palengke dahil kay Axel, Tyro at Ryker, para silang version no'ng kambal at ni Jm.
Mukha namang sobra sobra pa sa'min ang pagkain sa sobrang dami no'n, para silang nag pa fiesta.
"Bro, chat mo nga si Aizel, lowbatt ako eh. Sabihin mo kasama kita."
Nilapitan ako ni Austin sa may pinto, dito ako pumwesto dahil ang dami na sa loob.
Mukhang tumakas na namang 'tong kulugong 'to.
Tumango ako sa kaniya.
Kinagat ko ang lumpiang kakainin ko na sana saka nilabas ang phone ko sa bulsa habang ang paper plate ay nasa kabila kong kamay.
"Sabihin mo ah."
"Urr.."
Tango ko sa kaniya atsaka binuksan ang phone ko para i chat ang kapatid niya.
Matapos kong isend ay naamoy ko ang amoy ni Raya. Patingin na sana ako sa labas pero nandoon na pala siya sa harap ko habang nakatingin siya sa mga kaibigan niya.
Napahinto ako kasi feeling ko mas lalo lang siyang gumanda sa paningin ko.
Tumingin siya sa'kin matapos niyang suriin ang mga kaibigan niya.
"Crenz, nandito 'yong pag-"-Yasy
Natigilan kaming lahat sa sunod na ginawa ni Raya.
Humawak siya dalawang balikat ko at kinagat ang dulong bahagi ng lumpiang nasa bibig ko.
Tumango tango siya na parang nasarapan siya sa lumpiang 'yon.
"Hmm.. masarap 'to. Meron ba kayong nilagay sa plato ko?"
Parang wala lang sa kaniya ang ginawa niya dahil lumapit siya kay Yasy habang ngumunguya at kinuha ang pagkain niya samantalang ako bahagyang nanigas sa ginawa niya.
Nang matauhan ako ay nakita ko silang naka tingin lang sa'kin na parang nagulat din.
Dahan dahan kong kinain ang lumpiang natira sa bibig ko.
"Bakit ang tahimik niyo?"
Tanong ni Crenz habang ngumunguya.
"Yara, sinabi ko na sayong huwag mong gagawin 'yon."-Hans
Napanguya lang ako habang tinitingnan sila at nag panggap na parang wala lang 'yong nangyari pero kabang kaba ako at pinipigilan ko lang mangatog ang tuhod ko.
Iniwasan ko talagang tingnan ang gawi nila Mike, ayokong makita ang reaksyon niya.
"Ang alin?"
"Sabi ko kunin mo sa kamay, hindi 'yong nganga ka lang nang nganga."-Hans
"Ahhh.. ok na 'yon."
Sagot niya habang ngumunguya.
"Ok lang 'yon guys, wala lang kay Crenz 'yon."-Ryker
Nakaramdam ako ng konting kirot sa dibdib dahil sa sinabi ni Ryker. Sigurado talaga siyang wala lang 'yon kay Raya dahil mukhang alam niyang in the end sa kaniya rin mapupunta si Raya.
Nag simula na naman silang mang asar at ako ang puntirya nila.
"Does she makes your heart flatter?"-Raffy
Tanong niya sa'kin na talagang nilapitan pa ako.
"H-hindi 'no."
"Talaga? Hahaha.. pero namumula ka."
Napahawak ako sa mukha ko at ang init nga no'n pati na rin ng paligid ko.
"Nilalagnat ata ako?"
Bulong ko.
"Lovenat 'yan hahaha.."
Ang lakas din niyang mang asar.
"Umamin ka na?"
Pasimple akong nag iwas ng tingin.
Anong gusto niyang isagot ko diyan? Dapat ba ideny ko? Waaaah!
"Kung ano ano nalang sinasabi mo. *Ehem*"
"Alam mo, kung balak mong i deny si Crenz bilang nagugustuhan mo di ka deserving para sa kaniya."
Ayokong pag usapan ang deserve namin pareho, halata namang hindi ako deserving kahit saang anggulo ko pa tingnan.
"No comment."
Ngiti ko sa kaniya.
"Pfft.. hindi effort ng mga lalaki ang nakikita ni Crenz. Nakaka appreciate siya ng effort pero in the end siguro 'yong taong pwede niyang lapitan anytime ang pipiliin niya, gaya ni Ryker -"
Napayuko ako at napalunok kasabay ng pag lambot ng ekspresyon ko.
"-pati na ikaw."
She left me dumbfounded.
She'll drag me down and raise me later on.
Binibigyan niya ako ng lakas ng loob sa walang kasiguraduhang bagay.
Nag check nalang ako ng email matapos kong kumain at madalas ko pang makita ang pag lapit ni Mike kay Crenz na ang ending ay si Ryker ang nakakausap niya dahil parang bantay sarado si Crenz kay Ryker.
"Nakaka stress."
Bulong ko at saka lumabas ng bahay.
Gabi na at maya maya lang ay uuwi na kami. Naka gawa kami ng apat na single chair at bukas matatapos na namin ang mesa mag sisimula rin kami bukas ng bed frame.
"Jhonzel."-Mike
Hindi ko siya tiningnan pero tumabi siya sa'kin.
"Bakit?"
Hindi maganda ang mood ko ngayon dahil sa selos.
Bakit ba kasi kahit ang pangit ng ugali niya ang dami pa ring nag kakagusto sa kaniya?
"Gusto mo siya diba?"
Nag init ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa hiya. Hindi na rin ako sumagot pa.
"Tinanong kita noon kung gusto mo siya pero sinabi mong-"
"Hindi ko alam na magugustuhan ko rin siya."
'Yon naman kasi ang totoo.
Huminga siya ng malalim.
"Iniisip mo rin na hindi ka niya deserve? Naiisip ko 'yon. Mayaman siya kahit bata palang siya, sa pera pa lang lugi na tayo kay Ryker."
"Mayaman ka rin."
"Alam mong iba ang ugali ni Papa, sobrang conscious niya sa lahat ng bagay kaya ang estado ni Crenz ngayon ang pinaka tututulan niya kung sakaling mag sabi ako sa kaniya."
Oo, hawak na hawak sila sa leeg ng papa niya.
"Anong gusto mong iparating?"
"Wag kang mag give way sa'kin o kahit kay Ryker, labanan mo kami ng patas. Threat ka rin sa'min ni Ryker at alam kong nararamdaman ni Ryker 'yon. Huwag kang papayag na susuko ka na naman nang hindi lumalaban gaya ng ginawa mo kay Kathy."
Na guguilty ako sa sinasabi niya.
"Mukha namang hindi ako ang magugustuhan ni Crenz at ramdam ko 'yon. Gusto ko lang sulitin ang oras na gusto ko pa siya bago ako mag move on."
Doon lang ako tumingin sa kaniya.
Nasa isip niya na ang pag suko.
"Anong iniisip mo?"
Curious na tanong ko.
"May babae nang pinakilala si Papa sa'kin at mukhang hindi mag tatagal uutusan niya na akong kilalanin 'yon gaya ng ginawa niya sa mga kapatid ko."
Gustong gusto ko siyang payuhang lumayas pero mukhang choice rin naman niyang mag stay kasi kung tutuusin kaya na niyang buhayin ang sarili niya dahil sa mga commercial at series na pinag bibidahan niya.
Hindi siya tumatanggap ng lead role ngayon pero hindi niya tinatangihan ang endorsement ng mga products.
"Sa tono mo parang sumusuko ka na?"
"Hindi pa naman, manliligaw pa rin ako pero kapag nakita ko na talagang walang chance syempre hihinto na ako."
"Pero wala akong balak gumawa ng paraan para sa sinasabi mo. Hindi ko siya liligawan."
"Ano?!"
Kunot noong tanong niya.
"Sooner or later ikakasal na siya para kay Charrie, ayoko na pahirapan pa siya."
Naging malinaw naman na sa'kin na hindi lovelife ang gusto niyang unahin. Kung pwede nga lang umalis na sa organization na 'yan matagal ko na sana ginawa para hindi na nag kukrus ang landas namin at nang makapag move on na 'ko.
Kahit ilang beses ko naman sabihing last na 'to at mag momove on na ako, nabubuksan ang puso ko sa mga bagay na hindi niya namamalayang pwedeng makapag pa fall sa isang tao gaya nalang ng ginawa niya kanina.
"Bahala ka."
"Salamat sa sinabi mo, nabawasan ang guilt ko na nag kakagusto ako sa gusto ng kaibigan ko."
Natawa siya at inakbayan ako.
"May the best man win?"
"Pfft.. di ako lalaban pero may the best man win."
*Fist bump*
Di nag tagal ay umuwi narin kami matapos ayusin ang kalat namin at bukas babalik ang iba sa kanila pero ang iba ay may mga pasok na.
"Thank you guys!"
Paalam ko sa kanila nang nasa kotse na sila.
"Sige Pre, ingat sa pag uwi."
Kumaway ako sa kanila at sunod sunod namang nag si alis ang mga kotse nila.
Pag tingin ko sa likod ko naka tingin sa'kin si Ryker at Raya.
"Kayo? Anong balak niyo?"
"Ihahatid ka pa namin."
Ano?! Ihahatid?! Ano 'ko bata?!
Ayoko!
"No, thanks."
Tanggi ko.
"Pareho lang naman tayo ng dadaanan. Tara na."
Sabay nilang binuksan ang makina ng motor at gano'n din ako matapos kong masiguradong naka lock na ang bahay.
Naunang mag paandar si Raya kaya sumunod lang kami. Ang bilis pa naman ng pag papatakbo niya.
Pag dating namin sa guard house ng village kung sa'n kami pinapatuloy ni Raya ay huminto rin sila.
Tinaas ni Ryker ang shield ng helmet niya.
"Salamat."
"Sige Pre, pasok ka na."
Binaba niya na ulit 'yon at umandar konti.
Si Raya hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Ang bigat sa pakiramdam. Haaaay..
Sumaludo ako sa guard ng village at gano'n din ang ginawa niya saka ako pinapasok. Pinakilala naman kami ni Raya sa kanila.
CRENZ'S POV
Hinatid ako ni Ryker sa bahay.
Bubuksan ko na sana ang gate nang tawagin niya ako.
"Crenz."
Seryoso akong tumingin sa gwapo niyang mukha.
"Can we talk?"
"Nag uusap na tayo."
"This is serious matter."
Bahagya akong lumapit sa kaniya.
"Ano 'yon?"
Baka kasi tungkol sa organization.
Tumingin siya sa sahig na parang hindi alam kung paano sisimulan ang sasabihin.
"Ano nga?"
"You know that I like you."
Ano?
"I like myself too."
Kumunot ang noo niya saka kinamot iyon. Para bang na I stress siyang kausap ako.
"Ano ba 'yon?"
Naiinis na rin na tanong ko.
"I like you as a woman not as a friend."
Bigla nalang akong kinabahan.
Pang ilan na rin siya sa umamin sa'kin na nagugustuhan ako.
Pero nag kunwari akong hindi ko siya gets.
"Kapag naging lalaki ako you like me as a man na, not as a friend?"
Nafufrustarte na kinamot niya ang batok niya.
"I want to be Charrie's father."
Literal na natigilan ako.
Iba ang hinihingi niya.
"Crenz, I really really like you- no, I love you."
Iniwasan ko ang tingin niya.
Isa lang ang sumagi sa isip ko ngayon, kung anong sasabihin ni Pula o mararamdaman kapag hinayaan ko si Ryker na ligawan ako samantalang binusted ko siya.
Bakit ngayon pa siya sumagi sa isip ko?
"Crenz?"
Utag niya sa'kin
"Ha?"
"We knew each other for so long-"
"Ayoko muna pag usapan 'yan Ryker."
"I can feel that you like me too."
"Gusto ko kayong lahat, nag kataon lang na mas nasandalan kita no'ng down na down ako but it doesn't mean I like you. I'm comfortable with you pero 'yong gusto mo ayaw ko pang isipin."
Nalungkot ang mukha niya.
"Ryker, hindi kita gustong mawala bilang kaibigan-"
"I'll stay... Forever."
Hindi niya alam kung gaano niya ako pinapakaba ngayon.
"Ryker-"
"Just let me court you then I'll prove myself to you."
Parang hindi niya talaga ako naiintindihan.
"Iyang stage na 'yan ang pinaka ayoko sa lahat. Diyan lang nag papaka tino ang lalaki at sobra sobrang nag eeffort. Ayoko ng puro good side lang ang nakikita ko, hindi ko rin trip ang mga mababait."
Masyadong mabait at gentleman si Ryker, hindi sa gaya ko ang gusto kong makatuluyan niya. Ayaw ko siyang pahirapan kahit pa kilala niya ako.
"I'm not that good-"
"Ryker, ibabalibag kita kapag hindi ka pa tumigil."
Banta ko.
Ayoko na nga kasi pag usapan pa.
"Then I'll decide. I'll court you no matter what."
Desisyon siya?
Bahala na nga siya.
"Wala kang aasahan sa'kin."
"Alam ko, I can still wait."
"Nag sasayang ka lang ng oras."
"Marami na akong nasayang na oras simula no'ng umalis ako. Inipon ko na lahat ng lakas ng loob ko para sabihin 'to sa'yo sa loob ng napaka habang panahon."
Hindi ko siya ramdam dahil ang turing ko lang naman sa kanila ay nakakatanda kong kapatid at kay Ryker na parang nakababatang kapatid.
"Umuwi ka na."
"Liligawan kita ah?"
"Uwi na sabi."
"Basta liligawan kita."
"Isa-"
Bibilangan ko na sana siya nang bigla niya akong
*Kiss*
Hinalikan sa pisngi ko.
"KINGINA -"
"Bye!"
Mabilis siyang sumakay sa motor niya at pinasibad paalis, ni hindi pa nga siya nakakapag helmet.
Nag nakaw pa talaga ng halik.
Binuksan ko na ang gate, buti nalang walang chismosa sa may gate kaya walang mang aasar.
Pag pasok ko ng motor napa hinto ako kasi feeling ko may hindi tama.
Tiningnan ko ang sarili ko pati na ang motor, ayos naman lahat.
*Knock*
Tumingin ako sa may gate.
Bumalik ba si Ryker?
Kumunot ang noo ko.
Inis na binuksan ko ang gate.
"IKAW, SIRAULO KA-"
Napahinto ako nang makita ko kung sino ang nasa gate.
"Oo nga, mukha ngang siraulo na ako."
"Liphyo."
Bulong ko.
Hindi ko siya matawag sa usual na tawag ko sa kaniya dahil kita at dinig ko sa kaniya na may nakita o narinig siya sa'min ni Ryker.
"Ibabalik ko lang 'to."
Kinuha niya ang kamay ko at saka nilapag doon ang keychain na binili ko sa kaniya noong nasa probinsya pa kami.
Naguguluhang tiningnan ko 'yon at siya.
Kumirot ng sobrang ang puso ko pero hindi ko pinakita sa kaniya.
"Anong gagawin ko rito?"
Seryosong tanong ko.
"*Sniff* Itapon mo, sunugin mo, ipamigay mo o sirain mo, bahala ka na."
Binitawan niya ang kamay ko.
Sa pag bitaw na 'yon alam kong may natapos na sa'min.
"Bigyan mo pa ako ng dalawang araw bago umalis sa bahay ni Ate Yasy. Salamat din sa tulong."
Huminga ako nang malalim.
"Ano na naman ba 'tong arte mo?"
Naiintindihan ko ang ginagawa niya pero hindi ko gustong intindihin kasi sobra akong nasasaktan ngayon.
Medyo madilim sa pwesto namin kasi hindi naman bukas ang ilaw sa labas at mukha ring nasa taas na sila Nina.
Nakita ko ang ngiti niya.
"Huwag na tayong mag usap bilang Raya at Pula, mag usap tayo bilang Attienza at Vilarde."
Naguguluhan ako, ayoko siyang intindihin.
Gusto niyang tapusin ang pagitan na meron kami at maging pormal sa isa't isa.
Gusto kong tumutol pero hindi ako makapag salita dahil sa sakit ng lalamunan ko. Pinipilit kong mag pakita ng walang emosyon kahit sobrang sakit ng lalamunan ko dahil sa isang bagay na hindi ko gustong ipakita sa kaniya.
"Iyon lang ba? Mas pabor 'yon sa'kin."
Nag iwas siya ng tingin.
"Aayusin namin ang bahay bago kami umalis. Huwag na nating lapitan ang isa't isa kung hindi sobrang kinakailangan."
Matapos niyang sabihin 'yon nag lakad na siya paalis at sumakay sa motor niya. Nang makalayo na siya ay saka ko lang tiningnan ang pagong na nasa kamay ko.
Nilock ko ang gate at saka napa upo nalang pasandal doon. Niluklok ko ang mukha ko sa mga tuhod ko.
Gustong kumawala ng luha ko pero pinipigilan kong tumulo.
Bakit ganito ang epekto niya?
Maraming beses akong nag dudududa sa nararamdaman ko dahil bago 'yon kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito kasakit.
Parang kanina lang ayos pa kami pero ngayon tapos na ang lahat.
Hinawakan ko ng dalawang kamay ko ang buhok ko at saka bahagyang ginulo.
"Umayos ka, Crenz."
Pangaral ko sa sarili ko pero hindi ko magawa!
"Crenz Yara!"
Singhal ko sa sarili ko.
Inisip ko ang mga responsibility ko kaya tumayo ako ng tuwid at mabilis na sinupil ang sakit na naramdaman ko kanina.
"Good."
Gumaan ang pakiramdam ko na paniguradong panandalian lang.
I'm still craving for his homemade bread.
THIRD PERSON'S POV
Hindi narinig ni Liphyo ang mga sinabi ni Ryker pero nakita niya ang pag halik nito kay Crenz. Hindi niya sigurado kung sa labi ni Crenz o sa pisngi lang.
Lumupaypay ang kamay niya at saka niya na natabig ang binigay ni Crenz sa kaniyang keychain.
Ayaw niyang umiyak dahil sobra na siyang nababaklaan sa sarili niya. Pinili niyang mag stay sa taong alam niyang masasaktan lang siya kaya wala siyang karapatang mag reklamo.
May tumulong luha sa mata niya na agad niyang pinunasan at pinatatag ang sarili niya.
Nag lakad siya palapit sa bahay ni Crenz at saka kumatok. Ineexpect pa ni Crenz na si Ryker ang kumatok kaya mas lalo lang siyang nasaktan doon.
Tinapos niya ang lahat at umalis sa lugar na 'yon.
Sa sumunod na araw ay nag kita sila sa parking lot ng school pero parang walang nakita si Liphyo at walang emosyong nag lakad papasok sa school.
Normal lang ang kilos ng binata pero sa normal na 'yon ay hindi nag eexist si Crenz.
Kahit nang natapos na ang klase ay normal na nakikipag asaran at nakikipag usap si Liphyo sa iba pero hindi na siya muling ginulo pa ng binata.
'Mukha ngang seryoso siya sa gusto niyang tapusin'-Crenz
Tumutulong pa rin sina Hans kay Liphyo pero hindi na muling bumalik si Crenz sa bahay na 'yon dahil na rin sa sinabi ng binata. Kung iyon ang hiling ng binata ay gusto nalang din niyang sundin para hindi na mahirapan si Liphyo dahil alam ni Crenz na gulo at sakit lang ang dala niya para sa binata.
Gaya pa rin ng dati ay natutulog lang si Crenz sa mga klase at wala na ni isang teacher ang sumaway sa ginagawa niya. Mag aangat lang siya ng ulo kapag may quiz, breaktime o dismissal na.
"Bakit parang hindi na kayo nag kakasama ni Liphyo?"
Tanong ni Jm kay Crenz nang minsang mag lunch sila sa canteen.
"Baka LQ?"-Arya
"Nag away kayo, Master?"-Migs
Tiningnan niya ng masama ang mga chismoso niyang kaibigan. Kumpleto silang lahat sa lunch time.
"Kumain kayo huwag kayong puro chismis."-Hans
"Pinag tatanggol mo na naman 'yang girlfriend mo."-Sandra
"Ito naman si girlfriend."-Hans
"Ang ingay niyo naman. Hindi ba tayo pwede magkaroon ng tahimik na tanghalian?"
Singhal ni Crenz.
"Mukhang bang matatahimik tayo? Tingnan niyo na 'yong dalawa."-Cess
Sabay nguso niya kay Nemi at Jm na nag babangayan.
Napabuntong hininga nalang si Crenz.
Kung may puno lang sana doon na pwede niyang puntahan at matulugan baka matagal na niyang iniwan 'tong mga kasama niya.
"Pakopya ako ng notes sa math Pres."-Jigs
"Sinabi ko na sa'yong mag take down notes ka kanina."-Sandra
"Sige huwag na."-Jigs
Napansin nilang may pagka seryoso si Jigs ngayon kaya naninibago sila sa kinikilos niya.
"Ang arte mo. Mamaya na."-Sandra
"Anong problema mo 'bal?"-Migs
Lumaylay ang balikat ni Jigs.
"May babae kasi at kinukulit pa akong makipag date sa kaniya tapos hinalikan pa ako."
Napangiwi si Crenz habang sila ay nanlaki ang mata.
"Sa labi?"-Nemi
"Oum."-Jigs
"Hanep! Iba ka talaga!"-Jm
"Ayoko ng gano'n, ayoko ng babaeng deperada sa lalaki."-Jigs
"Patayin ko na ba?"-Cess
"Princess!"
Saway nila
"Joke pala."-Cess
"Dito sa school?"-Migs
"Oo, 'yong babaeng pinaalis ni Master sa likod."
"Yuck."
Maarteng sambit na Sandra dahil para sa kaniya ay walang ka dating dating ang babaeng 'yon.
"Pakiramdam ko nga may metal disorder 'yon."-Crenz
"Lahat naman sa'yo may metal disorder."-Arya
"Oo at ikaw ang pinaka paborito ko sa mga 'yon."-Crenz
"Hahahaha..."-Sila
Inirapan siya ni Arya.
"Magaling humalik bro?"-Jm
"Iww!"-Cess
"Gross"-Sandra
"Stop it"-Arya
"Kadiri."-Nemi
Sabay sabay na pag iinarte ng mga babae habang si Crenz ay naka tingin lang sa kanila.
"HAHAHAHAHA.."-boys
Nag patuloy lang sila sa pag kain hanggang matapos ang lunch break.
"Tara na Migs, Nemi, Jm, terror next"-Cess
Nag paalam na sila para makabalik na sa next subject nila habang sina Crenz ay nag lalakad lang ng pasimple hanggang makarating sa room.
Pag dating ni Crenz sa room at automatikong tiningnan niya ang gawi ni Liphyo at nakita nga niya ang binata na natutulog sa desk niya.
Hindi niya maiwasang maisip ang huli nilang pag uusap. Ang binalik nitong palawit ay nilagay niya sa table niya.
Pag upo niya sa pwesto niya at tumingin muna siya sa bintana at pinag masdan ang malayang pag galaw ng mga dahon dahil sa ihip hangin.
Noong una ay may katabi siya sa pwesto niya pero lumipat din ng upuan na mas pabor sa kaniya dahil kung hindi aalis ang katabi niya noon ay siya ang mag sasabing umalis na 'to sa tabi niya.
Nakalipat na ng bahay sina Liphyo. Si Crenz ang nag utos kay Yasy na tulungan sila para hindi na sobrang mahirapan ang mag ina.
Nag pasalamat naman sina Liphyo sa pag papatuloy ni Yasy sa kanila sa loob ng ilang araw para matapos ang kailangang gawin sa inuupahan nilang bahay.
Madalas naman dalawin ni Liphyo si Yen at Yohan na pansamantalang tumutuloy ngayon kina Doctor Chris.
"Hindi na dumadalaw si Crenz dito, isama mo naman minsan."-Chris
"Baka maraming ginagawa 'yon, pupunta rin 'yon kapag gusto niya."-Liphyo
Agad na nag alcohol si Attienza at lumapit sa bata.
"Alam mo bang mas ngini ngitian niya ako kesa sa Mama niyang bugnutin."-Chris
"Doc Chris hindi ako bugnutin."-Yen
"Gusto ko siyang buhatin pero natatakot ako."-Liphyo
"Pareho tayo."-Chris
Napailing nalang si Yen sa kanilang dalawa dahil totoo namang parehong takot ang dalawa na mag hawak ng bata.
Nag hire pa si Chris ng nurse na mag aalaga kay baby Yohan dahil nga hindi pa pwedeng mag kikikilos si Yen dahil baka mabinat siya at matagal na ring gusto ni Chris na magkaroon ng anak, mabuti nalang at dumating si Crenz 10 years ago at pinunan nito ang pangarap niyang maging isang ama.
Sa bahay mismo ni Chris niya pinatuloy ang mag ina at mas gusto niyang nandoon ang mag ina dahil mas nabubuhay ang bahay niya kumpara no'ng siya lang mag isa ro'n.
"Hoy kayong dalawa, umatras nga kayo, ini stress niyo 'yong bata."
Singhal sa kanila ng nurse na kinuha no Chris.
Kaibigan siya ni Chris kaya may tiwala siya sa babae.
"Ang gwapo namin, nakaka stress ba 'yon?"-Chris
"Ang galing mo mag biro."
Sarkastikong ngisi sa kaniya ni Risa.
"Hahaha.."-Yen
"Ate Yen, gusto mo bang tumira na sa'min?"-Liphyo
Nawala ang ngiti ni Yen sa tanong ng binata.
"Napag usapan na namin ni Mama, gusto niyang makilala si Yohan."
Nagkatinginan si Yen, Risa at Chris.
"Biglaan naman yata?"-Chris
"Nakwento ko kay Mama ang lagay nila."
"Mag hahanap kami ni baby ng matitirahan kapag pwede na ako mag kikikilos."
Agad tumutol ang loob nilang lahat.
"Hindi, kahit pa kaya mo na kailangan pa rin ni baby ng mag aalaga at susuporta sa inyo."-Chris
Naguguilty at nahihiya na kasi si Yen na ibang tao ang nag poprovide sa mga kailangan nilang mag ina.
"Pamangkin ko naman siya, mas better na doon kayo sa'min titira. Mas mapapanatag kami kapag sa'min."
"Hindi sa ayaw ko Liphyo pero ayaw ko naman mag pabigat pa-"
"Sinong pa bigat? Dahil naman sa kapatid ko kaya nabuo si Yohan."
Kunot noong tanong ni Liphyo.
"Liphyo, ok naman na sigurong sinabi mo sa kaniya ngayon, hayaan mo siyang makapag isip muna at huwag mong binatin si Yen."-Risa
Biglang na guilty si Liphyo.
"Haluh, sorry sorry."-Liphyo
Mabilis na paumanhin niya.
"Mag silabas nga kayo."-Risa
"Bakit? Si Liphyo lang palabasin natin, siya lang nang iinis."-Chris
"Doc naman."-Liphyo
"Labas na, kailangan na kumain ni baby."-Risa
Mabilis na tumalikod si Liphyo
"Ha? Bakit kailangan naming lumabas-"-Chris
"Tara na Doc."
Namumulang hila ni Liphyo sa kaniya.
"Hahaha.."-Yen
Mabilis na sinara ni Liphyo ang pinto.
"Kakain lang naman si baby ah?"-Chris
"It's breastfeeding Doc."
Doon mabilis nag iwas ng tingin si Chris.
"Parang may juice pa rito sa ref. Gusto mo ba ng juice?"
Pag iiba ni Chris ng usapan.
"Parang nanuyo nga po ang lalamunan ko."
~~~
SA eskwela ay nilapitan ni Sandra Liphyo para bigyan ng isang invitation card.
"Ano 'to?"
"Required pumunta diyan, sa organization 'yan. Mag sabay na kayo ni Hans pumunta."
Sinilip niya ang card.
"Nakakatakot naman pumunta rito."
"Kahit naman kami natatakot din. Basta susunduin ka nalang ni Hans."
Tumango nalang siya bilang tugon.
Pasimple naman silang sinisilip ni Crenz habang nag uusap sila.
Mag iisang linggo na simula nang mangyari 'yon at napag tanto niyang totoo nga ang sinabi nito.
Simula rin no'ng gabing 'yon ay madalas na siyang puntahan ni Ryker sa bahay nila o kung sa'n man siya mag punta basta hindi sasakto sa oras na may ginagawa ang binata.
Wala naman kaso sakaniya ang presensya ng binata dahil parang wala pa rin namang nag bago at madalas pa rin itong sumunod sa kaniya simula pa noon.
Lumabas na si Liphyo para mag lunch kasama ang mga kaibigan niya at si Crenz naman ay nawawalan lalo ng gana kumain.
"Tara na kasi Crenz, bumaba na tayo."-Hans
Nakayuko pa rin siya at ayaw umalis ng room kahit kanina pa siya pinipilit nila Hans nag lunch.
"Dala ko ba paa mo?"
"No'ng nakaraan ka pa ganiyan."-Hans
"Wala nga akong gana kumain."
"Let her be Hans. Stop wasting your time."-Arya
Pag tataray niya.
"Bakit ba kasi ayaw mo-"
"Maingay kayo, layo na 'yan."
Turo ni Crenz kay Arya
"Gusto ko matahimik dito."
Inirapan siya ni Arya.
"Ano ba kayo riyan? Nag wawala na alaga ko."-Sandra
"Alis na."
Sabi ni Crenz at lumuklok ulit sa desk niya.
Bumuga si Hans ng hangin para pakalmahin ang sarili.
"Hays."
Wala silang nagawa kundi ang umalis na nga.
"Bakit ba siya gano'n?"-Hans
"Lagi naman siyang gano'n."-Arya
"Hindi, kahit papaano naman hindi siya gano'n katigas yayain."
"Matagal na siyang matigas!"
Napa layo si Hans sa kaniya baka kasi mamaya sakmalin na siya nito.
"Tumigil na kayo."-Sandra
Iyon na ata ang papel ni Sandra sa kanila, ang awatin sila na parang mas bata pa sa kaniya kung mag bangayan.
"Yes, Ma'am!"-Hans
Umiling nalang si Arya sa kaniya.
Habang mag isa si Crenz sa room at may nag lagay ng inumin sa desk niya.
Hindi niya iyon napansin dahil totoong nakatulog siya ngayon. Nagising lang siya nang umingay na muli ang paligid.
Pag angat niya ng ulo niya ay may inumin na doon at ang akala niya ay galing kay Hans kaya ininom niya 'yon.
Selyado ang inumin kaya panatag siya. Matapos niyang inumin 'yon ay yumuko na ulit siya.
Dumating ang teacher nila at kay Crenz agad na pako ang tingin kay Crenz.
Ibang teacher naman ngayon ang hindi na natiis ang pag tulog tulog lang ni Crenz sa klase nila.
"Everyone, quiz!"
Nag reklamo sila.
Nag angat ng ulo si Crenz dahil quiz nga raw.
"Except to Vilarde."
Natigilan silang lahat at tumingin kay Crenz na parang nasisilaw pa sa liwanag ng araw dahil ka angat lang ng ulo.
Humawak na agad si Sandra sa noo niya dahil alam na niyang may sagutang magaganap.
"Bakit ako?"
"Dahil hindi ka karapat dapat mag take."
"Bakit? Anong basehan?"
"Kasi ayaw ko."
"Ayaw ko rin ng ayaw mo."
Pahikab na sagot ni Crenz at nag unat pa.
"Hindi ko tatanggapin ang papel mo!"
Nangalumbaba si Crenz at saka ngumiti sa kaniya na agad nakapag pa init sa buong katawan ng Teacher.
"Bakit naman? May discrimination ka at namamahiya ka ng estudyante, pwede ako ma expel at mas pwede kang mawalan ng license sa pag tuturo-"
"BINABANTAAN MO 'KO?!"
Mabilis na umiling si Crenz habang pinalobo niya ang dalawa pisngi niya na halatang nang aasar.
"Hindi ah, sinasabi ko lang ang pwedeng mangyari sa'ting dalawa."
Ngiti niya sa Teacher.
Hindi niya alam kung ba't pinapakelaman siya ngayon.
"Wala akong pakealam basta hindi ka pwedeng mag take ng quiz na 'to."
Nag tatakang dahan dahang tumango si Crenz.
"Sige, edi sasabihin ko nalang ang sagot sa quiz mo kung hindi ako pwedeng mag sulat sa papel."
Mabilis nag labas si Hans ng papel.
"Hoy, anong ginagawa mo?"-Sandra
"Masaya 'to."
Excited na sabi ni Hans.
"Edi isigaw mo ang mali mali mong sagot!"
"Masusunod!"
Bahagyang natawa si Hans at Jigs na bukod tanging hindi nakakaramdam ng tensyon sa loob ng room.
Tahimik lang si Arya at nag labas din ng papel na mukhang hindi rin nakakaramdam ng kaba sa nangyayari.
"PAPEL!"
Sigaw ng Teacher kaya nag madali ang iba sa pag kuha ng papel.
"Kaya ayaw sa'yo ng lahat ng Teacher dito!"
Sigaw niya kay Crenz.
Tumayo si Crenz at bahagyang umupo sa desk niya paharap sa mga kaklase niya at saka nag kibit balikat sa Teacher niya habang naka ngisi.
Kung pwede lang manakit ay baka ginawa na ng Teacher iyon kay Crenz dahil sa inis niya rito.
"Number 1!"
Sinabi ng Teacher ang tanong at pag tapos no'n ay nag salita si Crenz.
"Ang sagot ay *Answered the question with explanation*"
Matapos niyang sabihin 'yon ay humikab siya.
Napa tango ang kaklase niya dahil tama ang sinabi niya at kung bakit iyon ang sagot.
Lalo lang nainis ang Teacher.
"Number 2!"
Sinabi ulit ng Teacher nila tanong at sa pangalawang pagkakataon ay sinagot niya ng tama ang tanong na may kasamang explanation.
Sinusunod siya ng mga kaklase niya dahil nakukumbinsi sila sa explanation na ginagawa niya.
May isang estudyante ang nag nag sumbong sa guidance ng nangyayari sa section nila Crenz kaya nag madali ang guidance counselor sa para puntahan sila.
Iniisip nito na gumawa na naman si Crenz ng kalokohan kaya nainis na naman ang Teacher nila.
Pag dating niya room ay nakaupo sa desk si Crenz habang nahihikab tapusin ng Teacher ang susunod na tanong.
Nasaksihan lahat ng counselor kung paano sagutin ni Crenz ang mga tanong na binabato ng Teacher sa kanila, humantong pa sa mga tanong na hindi naman nila pinag aralan at maging ang college student at hindi masasagot ang tinatanong ng Teacher. Nang mapag tanto ni Crenz ang ginagawa ng Teacher na pag tatanong ay napa ngisi siya.
Sinagot muna niya ang tanong saka niya sinabing.
"Wala na sa mga tinuro mo ang tinatanong mo pero sige lang sasagutin ko."
Ngisi niya sa Teacher.
Napa tanga si Liphyo nang marinig niya ang mga tanong at sagot sa mga tanong na sinasagot ni Crenz.
Doon napag tanto ng guidance counselor na may isang bukod tangi sa talino na estudyante ang nakapasok sa school nila. Hindi lang siya ang nakakaramdam no'n pati na rin ang mga kaklase ni Crenz at ang Teacher niyang bumabato ng tanong.
Natigilan ang Teacher nang maubusan siya ng tanong.
"Meron pa ba?"
Naiinip na tanong ni Crenz.
"BASTOS KA TALAGA!"
"Paanong bastos? Mag papa quiz ka tapos hindi mo ako isasama? Estudyante rin ako rito."
Ngayon napag tanto ng guidance counselor kung bakit lumabas ang sungay ni Crenz. Nakausap na siya ni Homer Montilla sa ugali ni Crenz, noong una ay hindi niya talaga nagustuhan pero sinusubukan niyang intindihin.
"Ganiyan ka ba pinalaki ng magulang mo?! Puro kabastusan!"
Nag init ang ulo ni Crenz sa pandadamay nito sa magulang niya.
"Nakinig naman, ayoko lang iaapply sa mga taong hindi deserving sa respetong ibibigay ko."
"ANO BANG PINAGMAMALAKI MO?! ANAK KA LANG NAMAN NG MAG SASAKA!"
Lahat sila ay natigilan habang si Hans ay naiinis na ngayon.
"Excuse me, Ma'am."
Tumayo si Hans na agad nakapag pa irap kay Crenz.
"Sabi ko na nga ba at hindi niya talaga kayang manahimik nalang sa upuan niya."
Bulong niya sa sarili niya.
"Bakit po parang minamaliit niyo ang trabaho ng magulang niya?"
"AT BAKIT NANGINGIALAM KA?!"
"2,398 Hectares po ang pag mamay ari ng taong minamaliit niyo na anak lang ng mag sasaka. Sariling lupa po nila ang sinasakahan nila."
Umugong ang bulong bulungan sa boong room maging sa labas ng room na dumami na rin pala ang tao para maki esyoso sa kanila.
Natigilan ang subject Teacher nila at parang hindi na alam ang sasabihin, doon na pumasok ang guidance counselor dahil alam niyang sobrang napahiya ang kapwa niya Teacher.
"Ma'am, usap po muna tayo sa labas."
Untag niya sa subject Teacher.
Pinukulan muna ng masamang tingin ng Teacher si Crenz at Hans bago siya lumabas.
"Nakakadugo ng utak ang tanong niya."
Bulong ni Crenz na naramdaman ang hirap ng mga mabibigat na tanong na binato sa kaniya. Pati kasi math pinasok na rin ng Teacher.
Bumalik siya sa upuan niya at parang walang nangyaring natulog ulit.
Napailing nalang si Liphyo habang nakatingin kay Crenz na natutulog na ulit.
'May mali kaya akong naisagot? Ano kayang iniisip ni Pula sa'kin ngayon?'
Iyon ang nasa isip ni Crenz habang mariing nakapikit sa desk niya.
Ngayon lang siya kinabahan nang dahil sa sasabihin o iisipin ng isang tao.
*Knock*
Kinatok ni Jigs ang desk ni Crenz at umupo sa tabi niya.
Kunot noong nag angat ng tingin si Crenz at sumandal ng maayos.
"Kaya pala nanalo ka ng candlier sa bus. Andaya mo Master matalino ka pala."
Iyak iyakan ni Jigs.
"Ang galing Crenz paano mo nasagutan 'yon?"-Sandra
Pinalibutan si Crenz ng mga kaibigan niya.
"Ang ingay na naman, mag si alis kayo."
Taboy niya sa kanila.
"Master anong IQ mo?"-Jigs
Naiiritang kinamot ni Crenz ang sentido niya.
"Ang galing mo mag explain ah, dapat mag teacher ka."-Hans
Mukhang hindi niya mapipigilan ang bibig ng mga kaibigan kaya nakinig nalang siya sa mga sinasabi nila.
LIPHYO'S POV
Sabado ngayon at nag papasama sa'kin si Hans at hindi ko alam kung saan basta raw may bibilhin siya.
Nasa labas na ako ng mall at hinihintay siya.
Medyo antagal niya.
"Hoy."
Nag tindigan ang balahibo ko sa boses na 'yon.
*DUG DUG DUG DUG*
Dahan dahan akong humarap sa likod.
"Anong ginagawa-"
"Nasa'n si Hans?"
Seryosong tanong niya at namumula ang mukha niya dahil siguro sa init ngayon.
"Hindi ko alam, hinihintay ko siya."
*Ting*
Tumunog ang phone niya at saka siya mas lalong napa kunot noo.
"Oh."
Binigay niya sa'kin ang phone niya para ipakita ang text.
From: Hans
~Di ako makakapunta ngayon kasi may emergency. Pasuyo naman pabili ako ng bagong labas na chess game board sa Market market doon lang 'yon available. Nandiyan si Liphyo siya muna pag bayarin mo.~
Napangiwi ako.
Buti nalang nag dala ako ng extrang pera.
Binalik ko ang phone niya.
"Sasama ka ba o uuwi ka na?"
Seryosong tanong niya.
Nag effort pa akong pumunta rito tapos uuwi lang pala ako?
"May pera ka ba?"
"Wala."
Napa pikit ako at napahilot ako sa nosebridge ko sa frustration sa kaniya. Aalis siya at pupunta doon ng walang pera?
"Tara na."
Nag simula akong mag lakad.
"Hindi diyan, mag tren tayo."
Huminto ako at humarap sa kaniya.
"Tren? May bus or van naman."
"Mag tipid ka, di ka mayaman."
Oh see? Napagalitan pa nga.
Nag simula siyang mag lakad ng mabilis kaya ako hinabol ko siya.
"Teka, ba't nag mamadali ka?"
"Iniexpect mo bang mag lalakad ako sa buwan habang tirik na tirik ang araw?"
Para akong humahabol ng nag tatampong jowa.
Sinabayan ko nalang siya sa pag lalakad. Mabuti nalang talaga mahaba ang biyas ko.
Maya maya lang ay nakarating na kami sa terminal.
"Mag bayad ka doon sabihin mo kung saan tayo pupunta."
Tumango ako at pumila sa likod ng mga tao. First time ko lang sasakay dito.
Matapos kong mag bayad ay bumalik ako sa kaniya pero agad siyang nag lakad paalis.
"Teka."
Habol ko sa kaniya.
Bakit ba kasi siya nag mamadali?
"Dalian mo nga, siksikan dito at agawan ng pwesto."
Bumukas ang tren at nakipag siksikan kami.
"O-oy- excuse me po- t-teka lang po- aw- wait-"
Hinawakan niya ang kamay ko na parang bata akong mawawala sa tabi niya.
Sa sobrang siksikan wala na agad kaming naupuan.
Dahil sa pag dagsa ng mga tao ay naurong kami nang naurong sa pinaka gilid.
Mabilis kong naitukod ang siko ko sa gilid ng ulo niya para hindi ako maurong nang maurong at hindi ko siya maipit siya.
Tiniis ko ang pag tulak nang pag tulak sa likod ko at minsang pagsiko pa.
"Aw."
Daing ko.
Narinig ko ang mahina niyang pag tawa pero hindi ko siya masinghalan dahil busy ako sa pag protekta sa kaniya.
May bigla nalang pumasok at lahat ng nasa likod ko ay umatras kaya may pwersang naitulak nila ang likod ko.
*Kiss*
Nanlaki ang mata ko at mabilis nag lagay ng distansiya sa pagitan namin. Nahalikan ko ang noo niya.
"H-hindi ko sinasadya- sila- I mean tinulak nila ako- Oy."
May pumasok pa ulit at naurong na naman ako pero this time dalawang siko ko na ang tinukod ko sa kaniya.
"Shet."
Bulong ko.
Mas lalo akong kinakabahan ngayon eh, sobrang lapit niya at ilang pulgada lang ang layo sa'kin. Mabuti nalang talaga at naka yuko siya.
Hinawakan niya ang bulsa ko.
"U-uy-anong ginagawa mo?"
Kung wala lang kami sa ganitong posisyon baka kanina pa ako napaatras.
"Hahawakan ko ang bulsa mo, baka mawala wallet mo."
Mali nga talaga atang sumama ako rito. Kasalanan 'to ni Handriko!
Sumara na ang pinto kaya kahit papaano ay nag karoon kami ng kaunting space, pero sobrang konti lang talaga.
Lalayo na sana ako nang hilain niya ang t-shirt ko.
"Anong ginagawa mo?"
Gulat na tanong ko.
Yumuko siya sa balikat ko.
"Kapag naka limang hinto 'tong tren ibig sabihin kailangan na natin bumaba."
Naiilang ako, baka marinig niya ang tibok ng puso ko.
"Matutulog ka?"
"Uhm."
Parang wala lang sa kaniya 'yong sinabi ko noon ah.
"Ayoko ng ginaga-"
Hinapit niya ako bago ko pa matapos ang sasabihin ko.
"Uy."
"Inaantok ako, wala pa akong tulog ng maayos simula no'ng bumalik tayo."
Ano ba 'tong ginagawa niya? Gusto niya ba talaga akong mahirapan mag move on?
Kung hindi nga lang kami pareho ng school baka nagawa ko nang mag move on sa kaniya.
Joke pala, hindi gano'n kadali.
Nakalapat ang katawan ko sa katawan niya at naka yakap niya sa'kin.
Sigurado na akong naririnig niya ang bilis ng tibok ng puso ko.
Hindi nalang ako nag salita.
*Ring*
Nag ring at nag vibrate ang phone ko.
"Pwedeng pakuha ng phone ko?"
Bulong ko sa kaniya.
Kinapa niya ang bulsa ko.
"Dahan dahan baka may iba kang makapa."
Mahinang ani ko.
"Alin? Bulate?"
Nanlaki ang mata ko.
"B-bulate?"
Bahagya siyang natawa at saka niya hinugot ang cellphone ko.
Kung ano ano nalang talaga ang sinasabi niya.
"Kinikilig ka sa'kin."
Aniya.
Ibig sabihin ay namumula ako.
Sinamaan ko siya ng tingin at sinagot ang tawag.
Bumalik naman si Crenz sa pag yakap at sa pag tungo sa balikat ko.
"Kathy?"
Sagot ko sa tawag.
"Where are you? I'm in your place, wala kayo ni Tita."
"Umalis ako, may pasok naman si Mama. Bakit? May kailangan ka?"
"Dumadalaw lang-"
*Click*
Pinatay ni Crenz ang tawag.
"Hoy, bakit mo pinatay?"
"Hindi ako makakatulog kung nag sasalita ka."
Ano?!
*Ring*
Phone niya naman ang tumunog. Pag kuha niya roon ay *Caller: Ryker*
Mabilis na demonyo ang kamay ko at pinatay ang tawag na 'yon.
Tumingin siya sa'kin nang nakakunot noo.
"Ano? Patas na tayo."
Ngisi ko sa kaniya.
"Nasa kaniya si Charrie ngayon dahil sa bwiset na Hans."
"Silang dalawa lang?"
"Kasama si Nemi at Drei. Tsk!"
Malay ko ba? Kung alam ko naman hindi ko papatayin 'yon.
Siya na mismo ang tumawag kay Ryker.
"Ano?"
Bungad niya.
"Nasa tren.. anong kailangan mo?... Anong ginagawa ni Charrie?... Hindi ko pa alam baka abutin ng gabi... Uhm... Sige, sabihin mo kay Nina huwag na ako antayin bago sila kumain... Uhm, ok."
Pinasok niya sa bulsa niya ang phone habang ako ay nakakunot noo dahil nag ngingitngit sa selos. Hindi ba siya nakakaramdam? Dahil kay Ryker kaya ko tinapos ang lahat sa'min tapos ang cute niya pa sumagot ng tawag, para siyang may batang kausap.
Tumingin siya sa'kin.
"T-tinanong niya lang kung anong oras ako uuwi-"
"Hindi mo kailangang mag paliwanag."
Seryosong sabi ko.
"Pero yung tingin mo."
Nag iwas ako ng tingin.
"Tsk, mas maganda talaga matulog kesa kausapin ka."
Hinila niya ng konti ang damit ko at nag patianod naman ako.
Simpleng malandi lang din ako.
Pag may bababa may papalit naman kaya sobrang effort ko para hindi magalaw si Raya. Naka kapit ako sa stainless bar na nasa tabi ko at nakatukod sa gilid ng ulo niya ang kamay ko bilang suporta.
Binilang ko ang bawat pag hinto hanggang sa maka apat na hinto na.
"Uy, next stop na tayo bababa."
Untag ko sa kaniya pero mas lalo lang humigpit ang yakap niya.
"Uy, umayos ka na."
Pero hindi ako naka tanggap ng response sa kaniya.
Medyo lumuwag na nga ang paligid pero heto pa rin siya.
Pag ka limang hinto ay umangat ang ulo niya at saka ako pinalayo sa kaniya.
"Uy teka."
Hinila niya ako palabas ng tren.
"Hindi ka ba pwedeng mag dahan dahan?"
"Maiiwan ka sa loob kung gagawin ko 'yon."
Edi ok. Thank you ah?
Binitawan niya na ako at nauna na naman siyang mag lakad.
Mabilis lang akong sumunod sa kaniya, baka mawala pa ako rito eh.
Sumakay kami sa Jeep at bumaba sa isang malaking mall.
Napaka lawak naman nito.
"Hoy huwag kang bakla diyan, ayokong hanapin ka mamaya dahil wala ka na sa tabi ko. Tara na."
Sinundan ko siya hanggang maka pasok kami sa mall.
Maraming kainan doon at medyo na takam ako.
"Kumain muna tayo."
Sabi ko sa kaniya.
"Ayoko kung hindi mo 'ko tatawaging Raya."
Agad nanlambot ang tuhod ko.
Pasimple ko iyon pinukpok.
"Ok Vilarde, kumain muna tayo."
Seryoso kami parehong tiningnan ang isa't isa.
"Bakit ka ba kasi nang aaway?"
Anong klaseng tanong 'yan? Para siyang bata sa tanong na 'yon.
"Hindi kita inaaway, hindi lang kita pinapahirapan at kinukulit. Pabor 'yon sa'yo diba?"
"Hindi ako sanay."
Kinagat ko paloob ang labi ko dahil hindi ko inaasahan ang sagot niya.
"Huwag mo na ako pahirapan, nag momove on na 'ko."
Nakikiusap na sabi ko sa kaniya.
"Bakit ka nag momove on?"
Ano?! Ano bang klaseng tanong 'yan?!
"May boyfriend ka na-"
"Wala akong boyfriend."
"Edi sabihin nalang nating ikakasal ka na kaya lumalayo na ako. Gusto mo ba talaga akong pahirapan?"
Dahan dahan siyang tumango.
"Yeah, gusto kitang pahirapan kaya ayaw kong mag move on ka."
Nababaliw na talaga siya. Gano'n niya talaga ako gustong pag tripan? Masakit ang gusto niya.
"Pwes, ayoko ng gano'n."
"Ayoko no'ng hindi kita nakikita, lapitin ka ng gulo kaya kapag may nangyari sa'yo pati ako madadamay."
Lintek!
"Kita mo na? Obligasyon lang ang tingin mo sa'kin."
Mabilis siyang nag iwas ng tingin.
"Pula naman-"
"Attienza."
Pag tatama ko sa kaniya.
"Kingina. Pula gusto ko-"
"Crenz Yara please!"
Nag susumamong ani ko.
Nag pa process na 'ko sa pag mo move on marami na akong balak gawin para lang makalimutan siya kaya sana pag bigyan niya na ako.
"Ayoko na masaktan o mag selos sa kanila. Huwag ka namang maging selfish, gusto ko na humanap ng iba na ako naman ang pipiliin -"
"Bakit kailangan mo pang humanap ng iba?"
"Nakikinig ka ba? Wala sa inyo ni past (Kathy) ang pumili sa'kin. Hayaan mo na ako at huwag mo na akong pahirapan."
Para lang kaming tangang nag uusap dito sa gitna habang marami ang nag lalakad na mga tao sa paligid.
"Sumuko ka rin naman sa kaniya diba?"
"Dahil ikakasal na siya."
"Pero tinanong ka niya kung gusto mo siya, handa siyang talikuran ang kasal kung sasabihin mo lang na gusto mo siya. Ikaw ang nag taboy sa kaniya."
Alam ko 'yon. Ayokong makasira ng relasyon kaya umatras ako.
"Mas better si Ryker, pwede siyang maging Tatay ni Charrie at mas bagay kayo."
"Bakit ikaw mag dedesisyon sa bagay na 'yan."
"Di ako nag dedesisyon sinasabi ko lang ang nakikita ko. Lahat na ng magagandang katangian nasa kaniya na."
"Eh ano naman?"
See kahit naman siya sang ayon sa sinasabi ko.
"Siya ang pag tuunan mo ng pansin at huwag ang isang batang gaya ko kaya let's call each other on the surname bases."
Mariin pero dahan dahan siyang nag kamot sa noo niya gamit ang palad niya.
"Ayoko."
"Bahala ka kung ayaw mo, basta ako tapos na."
Tinalikuran ko na siya at nag simulang mag lakad.
"Ayokong nilalayuan mo ako at naiinis ako sa Kathy na 'yon."