"Ayokong nilalayuan mo ako at naiinis ako sa Kathy na 'yon."
Napahinto ako sa pag lalakad at bumaling sa kaniya.
Ano bang pinag sasasabi niya?
Nag lakad siya palapit sa'kin.
"Wala akong pakealam sa ibang nag kakagusto sa'yo pero ayokong nag kakagusto 'yong babaeng 'yon sa'yo."
She sounds like a jealous girlfriend.
"It's between me and her to talk about it. Hindi natin alam baka may chance pa kami."
Nag igting ang panga niya at tiningnan ako ng masama.
"Kakasabi ko lang."
"Hindi ikaw ang mag dedesisyon, Crenz Yara Vilarde."
Mas lalo niya lang ata ako tiningnan ng masama at nakaka takot 'yon.
*Stamp*
"Ah!"
Inapakan niya ang paa ko.
Pairap siyang nag lakad paalis.
"Te-teka teka. Siraulo ka talaga."
Paika ika akong sumunod sa kaniya.
Shit! Kelan pa siya naging sadista?
HANDRIKO'S POV
Lima kami ngayong nandito sa bahay ni Ryker.
Balak naming uminom hanggang sa ma wasted.
Mag gagabi na rin kaya sinundo na ni Nina si Charrie rito sa'min at hinatid naman sila Tyro kanina no'ng umuwi sila at bumalik din agad si Tyro.
"Cheers!"
Advance celebration na rin namin sa pag babalik nilang lahat.
"Cheers!"
*Clank*
Bottoms up ang ginawa namin.
"Sa'n mo ba kasi pinapunta si Crenz, Handriko?"-Ryker
Kanina pa niya ako kinukulit.
"Basta kasama niya si Liphyo."
"Si Liphyo? Bakit?"
Nag katinginan kami ni Tyro. May napag usapan kasi kami ni Tyro tungkol sa kanilang tatlo.
"Nag away ata sila kaya pinag sama ko para pag batiin."
Kumunot ang noo ni Ryker.
"Ryker bro."-Tyro
Takang tumingin si Ryker sa kaniya.
"Nag sisimula na si Crenz na piliin ang gusto niya."
Nakita namin ang gulo sa itsura ni Ryker.
"Ano? Diba dapat lang naman na piliin niya ngayon ang gusto niya?"
"Kaya nga lang pre humahadlang ka sa gusto niya."
Tiningnan ko ng nanenermon si Tyro dahil sa pag sabi niya no'n na parang wala lang at parang napaka simpleng bagay lang no'n.
"Anong ibig mong sabihin? Gusto ko nga sumaya siya eh."-Ryker
"Pre kasi kita naming nag kakagusto na si Crenz kay Liphyo. Hindi niya alam 'yon kasi bago sa kaniya pero kaming matagal nang nakikita ang kilos nilang dalawa alam na naming unti unti na niyang nagugustuhan si Liphyo."
Lalong kumunot ang noo niya.
"Hindi niya gusto si-"
"Pre naman, para namang hindi mo nakita ang mga nakikita namin? Nag bubulag bulagan ka ba? Nakita mo rin ang pag babago kay Crenz lalo na kapag si Liphyo ang usapan."
"It's just a sense of duty!"
Pinakalma namin si Ryker.
Ayoko namang mag suntukan sila rito dahil kay Crenz at baka madamay ako sa ibabalibag nang isang 'yon.
"Siguro no'ng una sense of duty pa pero bro ilang buwan ang ang lumipas pero mas lalo lang silang napa lapit sa isa't isa. Alam mong hindi mo mapipilit si Crenz at kami bilang kaibigan mo sinasabi lang namin ang napapansin at nakikita namin kay Crenz."-Tyro
"Simula no'ng hindi sila mag pansinan ni Liphyo sa room, hindi na rin siya ginaganahang sumama sa'min mag lunch. Mas tumahimik pa siya lalo at laging wala sa wisyo. Nag simula 'yon no'ng sinabi mo sa'ming umamin ka na kay Crenz."
"Ano naman?"
"May sinabi ba sa'yo si Crenz sa kung anong gusto niya?"
Malungkot siyang yumuko.
"Nakababatang kapatid ang tingin niya sa'kin at hindi pa siya handa sa gusto kong mangyari."
Naaawa ako sa kaniya.
Sinunod niya ang magulang niya para kay Crenz at ngayon pwede na ay hindi naman siya gusto ng gusto niya.
"Totoong hindi pa siya handa pumasok sa relasyon pero hindi ibig sabihin no'n wala siyang nagugustuhan."-Tyro
Kung wala si Tyro, walang mag lalakas loob sa'ming sabihin 'to sa kaniya.
"Gusto naman nating sumaya si Crenz diba? Alam mo naman kung bakit hindi siya sumasaya diba? Kasi nag pumipigil sa kaniya at ngayon ikaw 'yong pumipigil sa kaniyang piliin ang gusto niya. Hindi ka namin sinisisi kasi naiintindihan naman namin, pero bro ngayon lang natin nakitang ngumiti ang mga mata ni Crenz, ngayon lang din nag pakita ng sign na hindi niya gusto ang mga bagay bagay na walang pag aalinlangan, alam niyo naman noon na taliwas sa gusto niya ang pinipili niya pero ngayon gusto niya 'to at hindi magandang pigilan natin ang pag pili niya ng gusto niya para sa gusto natin o mo."-Daniel
Tama.
Ngayon lang nagiging totoo si Crenz at natutuwa ako sa pagiging totoo niya.
Yumuko si Ryker at mabilis pinahid ang luha niya.
Inakbayan ko siya.
"Alam naman naming seryoso ka Pre pero kahit anong seryoso mo sa isang tao kung hindi naman ikaw ang gusto at pinilit mo ang sarili mo mahihirapan lang kayo pareho. Hindi pinipili ni Crenz ngayon si Liphyo dahil sa may kailangan siyang tapusin at dumagdag ka pa sa dahilang 'yon. Pre, bitawan mo si Crenz kung mahal mo talaga siya. Piliin mong maging masaya siya kahit hindi ikaw ang dahilan no'n."
Bilang kaibigan niya gusto naming maging totoo sa kaniya. Gusto naming maging masaya sila, saya na hindi pang sariling kagustuhan lang kundi saya na mas marami ang matutuwa kahit pa pag daanan ng isa madilim na lugar, nandito naman kami para damayan siya kaya hindi siya gaanong mag didilim.
"Tama sila Ryker, wala ka nang magagawa kapag nag decide na si Mister heart sa kung ano ang gusto niya. Ibigay mo na 'to kay Crenz para hindi na siya mahirapan."-Drei
Tahimik na umiyak si Ryker.
Hinayaan lang namin saglit pero maya maya lang ay inasar asar na namin para gumaan naman ang paligid namin.
Ito ang pinag uusapan namin ni Tyro nitong mga nakaraan.
Kailangang sumuko ko Ryker para mabuksan ang pinto para kay Crenz at Liphyo.
May tiwala ako kay Liphyo dahil nakita ko ang sincerity niya. Kapag umiyak na ang lalaki ibig sabihin no'n sobra na talaga at kailangan nang ilabas. Gaya ni Liphyo at Ryker dahil kay Crenz.
Pero sana naliwanagan si Ryker, para rin naman sa kanila ang sinasabi namin.
LIPHYO'S POV
Nasa harap kami ngayon ng mapa kung sa'n kami pwedeng pumunta.
Instant date na sa'kin 'to.
"Gusto mo mag milktea?"
Tanong ko habang naka tingin sa mapa
"Ayoko."
Kanina pa siya tingin nang tingin doon tapos ayaw niya?
Naalala ko ang sinabi ni Tito na taliwas sa gusto niya ang sinasabi niya.
"Sige milktea tayo.. hmmm.."
Tiningnan ko ulit 'yong mapa.
Mukhang tiningnan niya pa ako ng may pag tataka.
"Gusto mong mag arcade?"
"Hindi ba pwedeng bilhin nalang natin yung kailangan natin? Ang dami mong tanong."
Iritang tanong niya.
"Gusto mo na ba umuwi?"
Pwede naman, kung gusto niya na makita 'yong manliligaw niya.
Nakita kong napa isip pa siya.
"Hindi pa."
"Ok."
Tango ko.
"Nag lunch ka na?"
"Hindi pa."
Madali lang malaman kung anong gusto niya at ang kailangan ko lang ay mag tanong.
"Jollibee?"
"Sige."
Nag tatakang tumingin ako sa kaniya.
First time niya tumanggi sa gusto niya.
"Hmm.. pizza?"
"Ayoko."
Ok, 1 down.
Pero ang hirap naman ng ganito.
"Pwede bang maging totoo ka sa'kin kapag ako ang kasama mo? Mahirap hulaan ang gusto mo."
Singhal ko sa kaniya.
"Ba't nang aaway ka?"
"Diretsuhin mo 'ko kapag ako ang kasama mo. Anong gusto mo?"
Kumunot ang noo niya.
"Yung tinapay."
"Anong tinapay?!"
"Yung tinapay na gawa mo."
Mabilis lumambot ang ekspresyon ko at nag iba ng tingin.
Shet! Kinikilig ako.
Bumalik ako ng tingin sa kaniya ng seryoso.
Di ko alam na nagustuhan niya talaga ang gawa kong 'yon.
"Wala tayo sa bahay."
"Kapag umuwi tayo pwede mo akong gawan?"
Seryoso ba siya?
"Gagawa rin naman ako ng gano'n para kay Doc, dadamihan ko nalang."
Pigil na pigil ang ngiti ko.
"Geh."
Geh ampotek.
"Ano na? Kumain na tayo."
"Pizza at milktea lang gusto ko."
"Ok."
Bahagya akong tumalikod sa kaniya at tiningnan ko ang wallet ko kung kakayanin ba ng dala kong pera.
"Pwede naman kasing huwag na tayong kumain."
Mabilis kong tiniklop ang wallet ko at humarap sa kaniya.
"Tara na."
Pag iiba ko ng usapan.
"Busog pa naman ako."
Pahabol niya.
"Halika na."
Kinuha ko pala pulsuhan niya at hinila siya. Ayoko naman ng lumabas kami na hindi ko man lang siya ma pakain sa masarap, minsan lang mangyari 'to.
Pumasok kami sa S&R at pina upo ko siya para pipila na ako.
"Ano gusto-"
"Kahit ano. Alis na."
Napa kamot nalang ako sa ilong ko.
So nag order nga ako ng kahit ano.
Pag balik ko sa kaniya ay naka tutok siya sa cellphone niya.
"Eto na."
Pag baba ko ng tray ay inabot niya sa'kin ang cellphone niya.
"Ano 'yan?"
"Gawan mo ako ng social media account."
Umupo ako sa harap niya.
"Bakit ka sa'kin nag papagawa?"
"Pinag uusapan nila Tyro ang picture mo sa account mo. Gusto ko rin makita."
*DUG DUG DUG DUG DUG DUG*
Wala siyang preno!
Kinikiliti niya ang puso ko!
"At bakit gusto mo makita?"
"Kasi gusto ko."
Napa face palm nalang ako.
"Tigilan mo na 'yan. Kumain ka na."
Binawi niya lang ang kamay niya pero sa cellphone pa rin niya natingin.
Sino ba naman kasing tao ngayon ang hindi marunong gumawa ng account?
Ahh.. right, except to her.
Huminga ako ng malalim.
Hinablot ko ang phone niya.
"Kumain ka na muna bago ka mag cellphone."
"Akina."
Hingi niya sa'kin.
"Ayoko."
*Kick*
"Aw!"
Bago ko himasin ang binti ko sa ilalim ng mesa ay binalik ko muna ang phone niya baka kasi madagdagan pa yung sipa.
"Huwag mong kunin kung hindi mo 'ko tutulungan."
Simpleng aniya at saka tumingin ulit sa phone niya.
"Kumain ka muna, hindi ka pag nag tatanghalian."
"Akala ko ba hihinto ka na sa pag mo modeling."
Umayos ako ng upo at saka tiningnan ang pagkain ko.
"I need money. Ayokong humingi nang humingi kay Mama kaya nag pa part-time pa rin ako ro'n."
Hiniwa ko ang malaking slice ng pizza at kinain na.
"Ok."
Kahit kelan wala talagang kwenta kausap.
"Kumain ka na-"
"Maya."
"Pag hihintayin mo talaga ang pagkain?"
Inabot niya sa'kin ang phone.
"Gawa mo 'ko ng account."
Seryoso talaga siya sa ginagawa niya?
"Oo na. Kumain ka na."
"Gawin mo na."
"Pag tapos mo na kumain."
Nilapag niya ang phone niya at mabilis na sumubo.
"Dahan dahan."
Para siyang nakikipag karerahan ah.
"Turuan mo ako gumamit."
Grabeee ngayon lang ba siya naka baba sa bundok.
"Anong technology lang ba ang kaya mong gamitin?"
"Marami."
Napailing nalang ako.
Mabilis niyang natapos ang pagkain niya habang kalahati palang ang nakakain ko.
"Oh."
Abot niya ulit sa'kin ng phone habang pa subo na sana ako. Binaba ko ang pagkain ko at kinuha nalang ang phone niya para matahimik na siya.
Binubulong ko ang personal info niya like name, age, gender etc..
May acc. naman siyang mag su support sa bagong acc. niya.
"Kailangan ng profile picture."
Tinutok ko sa kaniya ang camera pero agad siyang nag iwas ng tingin at hahawakan sana ang camera pero agad kong nilayo habang naka ngiti at saka
*Click*
Pag tingin ko sa picture
"Nice! Ang ganda ng pag ka kuha ko."
Mas nag focus sa kaniya ang camera kaya blurred ang kamay niya.
"Ayoko niyan-"
"Pero kailangang mag lagay para maaprove ang account mo."
Pang uuto ko sa kaniya.
Nag iwas nalang siya ng tingin saka uminom ng drink niya.
Nice! Ang ganda niya talaga.
*Ting ting ting ting ting ting ting ting ting ting ting ting ting ting*
Muntik ko na mabitawan ang cellphone niya sa sunod sunod na notification.
"Ano 'yon? Sinira mo na cellphone ko?"
Kinuha niya sa kamay ko ang phone niya.
"Daig mo pa artista sa dami at bilis ng notification mo."
Yung kaba ko na baka nasira ko ang phone niya ay nandito pa rin.
"Si Chelsea ang una, Nathalie - ang pangit naman niya."
Napangiwi ako sa panlalait niya sa kaibigan niya.
Kung hindi ko sila sinundan at muntik nang maligaw sa lugar niya, hindi ko malalaman kung saan siya nakatira. Ang alam ko lang kuya niya at si Charrie ang kasama niya sa bahay.
"Napaka sama ng ugali mo."
Singhal ko sa kaniya.
"Nakabawas ba 'yon sa pagkaka gusto mo sa'kin?"
*Cough*
Paano niya nagagawang maging ganiyan?
Mas tumataas ang kumpyansa niya sa sarili.
Seryoso siyang nag tatanong habang naka tingin sa phone niya, no'ng umubo lang ako siya tumingin sa'kin.
Kunot noo lang siyang tumingin sa'kin na parang sinasabi ng mukha niya na ang tanga tanga ko.
"Huwag ka nga bumanat ng ganiyan."
"Mukha ba akong bumabanat? Nag tatanong ako ungas."
Siraulo talaga.
"Ganiyan ka ka hambog? Porqué na gustuhan kita?"
Nginisian niya ako saka tingin muli sa phone niya.
"Add mo sarili mo."
Abot niya ulit sa phone niya.
"Ayoko."
"Sisipain kita."
Mabilis kong kinuha ang phone niya at inadd ang sarili ko.
Matapos kong ibalik sa kaniya ang phone niya ay binulsa niya 'yon.
"Di mo sila i aaccept?"
"I aaccept nila ang sarili nila."
Simpleng tugon niya saka kumuha ng fries.
"Ha?"
"Pinsan ko si Nina."
"Ha?!"
"Kingina, bingi ka ba?"
"Pinsan mo si Nina? Weh?"
Tumango siya pero ang atensyon niya ay nasa pagkain lang.
"Nakatira kami sa iisang bahay. Pinsan ko rin si Yasy."
Mababaliw na ako. Bakit niya sinasabi sa'kin ngayon 'to?
"Wow."
Halata namang mayayaman sila pero di ko akalaing mag kakadugo sila.
Ang gaganda nila.
"Anong wow? Ang papangit nila."
Napangiwi ako.
"Bawas bawasan mo 'yang kayabangan mo sa katawan Ray-"
*Ehem*
Hindi ko tinuloy ang pag banggit sa pangalan niya.
Nang aasar na tumingin siya sa'kin.
Nangalumbaba pa siya at nginisian ako.
"Say it, Raya"
Pang aasar niya.
"Crenz Yara."
Tugon ko.
Inis na ngumisi siya.
See? Noong lumalapit ako sa kaniya ayaw niya sa'kin tapos ngayon lumalayo ako lumalapit naman siya.
"Kunat mo."
Singhal niya.
"Ako pa nga ang makunat?!"
Sarkastikong tugon ko.
"Tss.."
Tinapos ko na ang pagkain ko.
"Mag bus nalang tayo pag uwi."
"Tren na."
"Siksikan."
"Arte mo."
Siya lang inaalala ko.
"Bus na."
"Bahala ka."
Matapos naming kumain ay lumabas na kami at pumunta doon sa store kung saan nag papabili si Hans.
"Swerte niyo po, last na po 'yan sa stock namin."
"Dito lang ba meron niyan?"-Raya
Umiling ang sales lady.
"Every mall po meron niyan, dito lang po talaga sa'min mas maraming bumibili niyan."
"Stupid Handriko."
Muntik na akong matawa. Mukhang sinadya nga ni Hans.
"Sige po, salamat."
Nag thank you rin siya at umalis na rin kami.
"Nag pagod ako ng gano'n kalayo may mas malapit naman pala."
Singhal niya sa sarili niya.
Tag habol tuloy ako sa kaniya dahil naiinis siya.
"Teka."
"Bilisan mo."
Haaaay nakooo..
Hanggang maka labas kami ng mall nag hahabol lang ako sa kaniya.
Nang hindi ko na kinayang habulin siya ay hinila ko ang kamay niya at ako na ang kumaladkad sa kaniya.
Sumakit tagiliran ko dahil sa kaniya.
"Teka naman, kaka kain lang natin."
Napa hawak ako sa tagiliran ko.
"Di ka kasi nag e exercise."
"Baliw ka ba?"
Bakit ba kasi nag kaka gusto ako sa baliw na tulad niya.
Tiningnan niya lang ako.
"Wait 1 minute."
Hinabol ko ang hininga ko at saka siya pinakawalan.
"Tara na."
CHELSEA'S POV
"Rafflesia!"
Sigaw ko habang nasa kusina si Raffy at nag hahanada ng hapunan namin.
Nandito siya ngayon sa unit ko.
"What?!"
Mabilis na tumakbo siya papunta sakin.
"Si Crenz!"
"Ano?!"
Pinakita ko sa kaniya ang cellphone.
Hindi makapaniwalang kinuha niya 'yon.
"Omy- tao na siya."
Naeexcite ako! Sobrang saya ko para sa kaniya.
"Wait, add ko siya."
Binalik niya sa'kin ang phone ko.
"Teka! Nasusunog na 'yong niluluto mo!"
Naaligaga siya sa kung ano ang uunahin niya, ang phone niya o ang niluluto niya.
"Babe! Can you turn it off first?!"
Ang bwiset! Inuna talaga ang phone niya.
Nag madali akong pumunta sa kusina at pinatay ang stove.
Ang bango ah.
"May isa lang siyang friend!"
Sigaw niya sa'kin.
"Ha?"
"Si Liphyo."
Chineck ko ang acc ni Crenz at oo nga tama siya.
"Aalis tayo."
Kakarating lang niya aalis agad?
"Sa'n?"
"Kina Crenz, she won't accept it unless we do it."
Kukunin niya na sana ang jacket niya pero pinigilan ko siya.
"Let her do it. If she's willing to do it then let her be, basta nag request tayo."
Hayaan niya nang mag decide si Crenz on her own. Nag sisimula nang mag pakatotoo si Crenz sa ginagawa niya.
Nag aalala siyang tumingin sa'kin.
"Sooner or later mag kaka boyfriend na si Crenz."
Malungkot na aniya.
Gusto kong matawa sa itsura niya. Ang laki laki niya tapos ganiyan siya.
"Intindihin mo 'yong sa inyo ni Jhom."
Pekeng ngiti ko sa kaniya.
"Nag sisimula ka na naman."
"Bakit? Di pa ba siya nanliligaw? Nag friend request na sa'yo pero di ka chinat?"
Ginulo niya ang buhok ko.
"Manahimik ka na bubwit, hindi ko siya gusto at hinding hindi magiging."
"Don't mess my hair!"
"Don't mess the mood too."
"He likes you-"
"I love you."
*Fast heartbeat*
Ngayon niya lang sinabi 'yan.
Mabilis kong nakagat ang labi ko, nababaliw na ako!
Bakit bigla bigla siyang bumabanat ng ganiyan! Nag iinit ang buo kong katawan lalo na ang mukha ko.
"Hey, tomato. HAHAHAHA.."
*Pak*
Mahina ko siyang hinampas.
"Mag luto ka na nga, kung ano ano sinasabi mo."
Nag iwas ako ng tingin.
"Huwag kasi kung sino sino nililink mo sa'kin. Sa'tin nga nahihirapan na ako tapos mag dadagdag pa ako?"
Oo nga naman, ang hirap ng sitwasyon namin lalo na sa pamilya ko.
"Oo na, alis na."
Pinisil niya ang pisngi ko at saka ako hinalikan sa labi.
"Ang cute mo."
Aniya saka ako nilayasan.
MAMA! MABABALIW NA TALAGA AKO NG TULUYAN SA KANIYA!
LIPHYO'S POV
Pinauna ko siyang umupo sa may tabi ng bintana.
Pag upo palang niya pumikit na agad siya.
See? 'yan ang dahilan kaya gusto kong mag bus nalang kami.
Nilapag ko ang bag na dala ko sa paahan namin.
"Hoy."
Untag niya sa'kin.
"Ano?"
"Lumapit ka, gusto ko matulog."
Ang bossy talaga amp!
Syempre lumapit ako sa kaniya.
"Lapit pa."
"Malapit na 'yan-"
*Sniff sniff*
Inamoy niya ang leeg ko na agad nag palayo sa'kin mula sa kaniya.
"Hoy! Anong trip mo?!"
Mahinang singhal ko sa kaniya.
"Wala, namiss ko lang 'yong amoy mo."
Nag init agad ang tenga ko.
"Huwag ka nga mag salita ng ganiyan."
Tumingin siya sa labas kaya napa tingin na rin ako ro'n.
Milktea ang tiningnan niya.
Oo nga pala! Nakalimutan kong bibilhan ko pala siya no'n.
"Dito ka lang ah."
"Sa'n ka pa pupunta? Aalis na ang bus."
Hindi ko na siya sinagot.
Nag bayad muna ako sa konduktor at nag sabing bibili lang ako sa labas, baka kasi iwan nila ako.
Mabilis naman akong bumili ng milktea.
Nakalimutan ko itanong kung anong flavor ang gusto niya.
"Cookies and cream at isa pong strawberry."
"Any adds on Sir?"
Tumingin ako sa adds on nila.
"Cookie crunch nalang sa cookies and cream and pearl sa strawberry."
Inulit niya ang order ko for confirmation.
"Name Sir?"
Hindi ko naman alam kung anong gusto ni Raya rito kaya binase ko nalang sa magiging color nila.
"Yung cookies and cream po palagay nalang Ash then sa strawberry palagay po Red.,"
Tumango siya sa'kin.
Mabilis namang sinerve sa'kin ang milktea kaya nag madali akong pumasok sa bus kasi mukhang ako nalang ang hinihintay.
"Thank you po."
Sabi ko sa konduktor.
Nag madali akong bumalik sa pwesto ko at naka pikit siya habang naka halukipkip.
"Uy CYV."
Untag ko sa kaniya.
Kunot noo siyang tumingin sa'kin.
"Kung ano ano nalang tinatawag mo sa'kin."
Eh anong magagawa ko? Iniiwasan ko nga tawagin ang pangalan niya.
Umupo ako sa tabi niya.
"Tingnan mo kung anong gusto mo rito."
Tinaas ko ang milktea.
"Panay ka gastos-"
Bigla siyang napahinto at tiningnan ang name ng plastic.
"Nag base nalang ako sa kulay since hindi ko naman alam kung anong gusto mo rito."
Tiningnan niya pareho ang milktea.
"Ash & Red?"
Seryoso lang siyang naka tingin doon.
"Pumili ka na nga ng gusto mo."
Nilabas niya ang phone niya at pinag dikit ang dalawang milktea.
"Ayusin mo 'yong pangalan."
"Kelan ka pa naging ganiyan?"
"Dami mong tanong, ayusin mo na."
Hinarap ko sa camera ang pangalan
*Click*
Binigay niya sa'kin ang Cookies and cream.
Akala ko pa naman iyon ang pipiliin niya.
So binuksan nalang ang CaC para maka inom na ako.
Pag higop ko kinuha niya ang kamay ko at humigop din sa inumin ko.
"Hoy."
Lumunok muna siya bago ako sagutin.
Indirect kiss 'yon!
"Ano?"
"Di ka talaga marunong mahiya 'no?"
Napa maang lang siya.
"Ang arte mo, hinalikan mo nga ako tapos mag iinarte ka riyan?"
*Blush*
(@_@)
Bakit kailangan pa niyang ungkatin 'yon?! Hindi talaga siya marunong makiramdam, hiyang hiya na nga ako tapos kung ano ano pa sinasabi niya.
"Uy kinikilig ka?"
Inosenteng tanong niya.
Umupo ako ng maayos at nag iwas ng tingin sa kaniya.
Uminom nalang ulit ako at hindi na nag salita pa. Napaka galing niyang mambara.
Nanood nalang ako ng palabas sa TV ng bus.
*Plop*
*Plop*
*Plop*
Naiiritang tiningnan ko si Raya kasi kanina pa siya nag iingay.
*Plop*
Sinusubukan niyang butasin yung takip pero hindi niya mabutas.
"Ang galing mong mambalibag tapos simpleng pag tusok niyan 'di mo magawa."
Pinahawak ko sa kaniya ang milktea ko na ininuman na naman niya saka ko binutas ang milktea niya.
"Oh."
Nag palitan kami ng hawak.
"Simpleng bagay di mo magawa."
Bulong ko.
"Para akong may sinasaksak kaya hindi ko mabuksan."
"Ano?"
Grabe 'yong pag ka weird niya.
"Naaawa ako sa takip."
Pfft!
Ano raw?!
Mahina akong natawa dahil sa kawirduhan niya.
"Huwag mo akong tawanan. Laging may taga gawa sa'kin ng gano'n bagay, kung 'di si Hans si Raffy minsan or di kaya 'yong may ari ng Ais Coffee shop."
Sabagay, masyado siyang maraming alalay.
"Pati simpleng pag sisintas ng sapatos?"
"Marunong akong mag sintas ng sapatos, ayoko lang gawin."
Talaga lang ah?
"Kaya puro walang lace mga sapatos mo?"
"May dahilan kung bakit ayaw kong mag sintas ng sapatos."
Seryosong tugon niya.
"Ano naman 'yang dahilan na 'yan? Gaano ba 'yan kalalim at hanggang ngayon di mo ginagawa?"
Nag hahamong tanong ko habang natatawa sa kaniya.
"10 years ago matapos kong buhul buhulin ang sintas ng sapatos ko, kinidnap si Drei, Axel at Arya."
*Cough*
Bahagyang natapon sa'kin ang milktea na iniinom ko.
*Hard coughing*
Grabe! Hindi ko naman akalaing gano'n kalalim! Tinatawan tawanan ko lang tapos gano'n pala ang nangyari?
"Kanina ka pa nauubo."
"Kanina ka pa nambibigla."
Nauubong tugon ko.
"Anong nambibigla? Nag tanong ka, sinagot ko lang."
Bakit ganito siya ngayon? Dati ayaw na ayaw niya akong sagutin ng seryoso pero ngayon sagad hanggang buto ang pag sasabi niya ng totoo.
Akala ko naman kasi mababaw lang, malay ko namang life and death na ang dahilan.
"Bakit nag sasabi ka sa'kin ng totoo ngayon? Nasa'n na 'yong dating laging nambabara?"
"Baliw ka ba o timang? Kakasabi mo lang kanina na maging totoo ako kapag ikaw ang kaharap tapos mag tatanong ka ng ganiyan?"
Singhal niya.
"Malay ko naman kasing may gano'n kang experience."
"Hindi maganda ang childhood memory ko."
"Kaya bumabawi ka ngayon?"
Pansin ko kasing gusto niya ang mga gusto ng mga bata ngayon like Jollibee or amusement park. Para siyang bumabalik sa pagkabata niya.
"Siguro."
*Sip*
Huminga nalang ako ng malalim.
"Bakit pinili mong mawala ang pagkabata mo?"
"Kasi pinoprotektahan ko ang pamilya ko."
Natigilan ako at nag tayuan ang balahibo ko sa katawan. Hindi ko akalaing ganito siya, ang alam ko lang kasi noon ay wirdo siya at malakas ang trip sa buhay.
Kapag talaga pamilya na ang usapan masyado tayong nagiging conscious at pinipilit unawain ang lahat kahit mahirap.
"Eh paano ka?"
"Anong paano ako?"
"Anong nakuha mo sa ginawa mo?"
Pasimple lang siya umiinom.
"Nakuha ko? Buhay ang pamilya ko at nagkaroon ako ng mga kaibigang tulad nila Hans at Raffy."
Ang lalim niya. Sobrang matured niyang mag isip.
After nito hindi ko na alam kung paano siya kakausapin ulit, mukhang ipag papatuloy ko nalang ang pag mo move on.
Napa buntong hininga nalang ako.
"Kaya ligawan mo na 'ko."
0o0!
Ano raw?!
"Ano?!"
Kunot noong tanong ko. Tinakasan na ata siya ng katinuan.
"Sabi mo no'ng nakaraan hihintayin mo 'ko."
"Noon 'yon."
"Bahala ka, sayang ako kapag napunta ako sa iba."
Wow! As in wow! Ang kapal kapal talaga niya! Sinasabi niya 'yon na parang wala lang!
Sabi niya hindi ito ang oras para isipin niya ang bagay na 'yon!
"Ang kapal kapal mo na talaga."
Nag kibit balikat siya habang sumipsip ng milktea niya.
"Nag pahalik ka nga kay Ryker."
Bulong ko.
"Nag pahalik? Kelan ko ginawa 'yon."
"No'ng gabing binalik ko 'yong pagong."
"Siya ang humalik at hindi ko siya inutusan."
Kahit na!
"Mukha namang ang enjoy ka- *kick* aw!"
Sinipa na naman niya ako. Siguradong mapapasaan na talaga ako nito.
"Hindi ko gusto 'yon! Gusto ko 'yong halik mo-"
Mabilis kong tinakpan ang bibig niya.
WAAAAAAAAAAAAAAH!!! TULUNGAN NIYO 'KO!! HINDI KO SIYA KASAMA! NALIGAW LANG AKO NG UPUAN!
Iyong tibok ng puso ko! Sobra na 'to!
Pinandilatan ko siya habang nasa bibig niya pa rin ang kamay ko.
*Bite*
Kinagat niya ang kamay ko.
"Aw!"
Mabilis ko 'yon inalis sa bibig niya.
"Hoy, gusto mo na ba mamatay?"
Seryosong tanong niya.
"Kung ano ano sinasabi mo!"
Singhal ko.
"Sabi mo maging totoo ako. Ano ba talagang gusto mo?"
Hindi naman kasi gano'n ka explicit!
Sobrang prangka niya na parang gusto ko na mag palamon sa lupa.
"But still, mind your words. Nasa public transpo tayo tapos 'yong mga salita mo-"
"Mamili ka nalang kung gusto mo 'kong maging totoo o hindi. Hindi ko kayang makiramdam minsan."
Halata nga.
"Huwag mo na ulit babanggitin 'yong halik na 'yon."
"Ikaw naman nag bring up no'n."
Oo nga naman, kasalanan ko.
"Basta 'yong sa'tin huwag na huwag mong sasabihin sa iba. Matanda ka na, alam mo na 'yon."
"K"
Binaba niya ang milktea niya sa arm rest at hinala ang t-shirt ko.
"O-oy-"
"Matutulog ako."
Humilig siya sa balikat ko kaya wala akong choice kundi ang ibaba konti ang sarili ko para makahilig siya nang maayos.
Maya maya lang ay naging malalim na ang pag hinga niya at mukhang nakatulog na nga talaga siya.
Kinuha ko ang phone ko at nag picture habang nasa balikat ko siya.
Hindi man siya maging akin atleast 'yong taong nagugustuhan ko ay humilig na sa balikat ko para mag pahinga.
Naka limang take ata ako bago 'ko pinasok ang phone ko sa bulsa.
CRENZ'S POV
Ginising niya ako no'ng nasa mall na kami kung saan kami nag kita kanina.
Kinuha ko ang milktea ko at bumaba na kami ng bus.
Sabay din kaming pumunta sa parking lot.
Gabi na rin pala.
Mas matagal pa byahe kesa sa gala namin.
"Akina 'yan, ako na mag bibigay kay Hans."
"Ako na."-Pula
Kelangan ko pa bang makipag talo sa kaniya?
*Ring*
Phone ko.
Caller: Nina
"Bakit?"
"CRENZ! EMERGENCY!"
Bigla akong kinabahan. Nasa kaniya si Charrie.
"Bakit?! Ano 'yon?"
'yong kaba ko halos walang mapag lagyan.
"Nasa hospital kami ngayon."
Umiiyak na aniya.
"SABIHIN MO NA!"
Mas lalo akong kinakabahan sa pag iyak niya.
May humablot sa cellphone ko.
"I'll talk and you calm down."-Liphyo
Lumayo siya sa'kin at kinausap si Nina sa kabilang linya.
Minsan lang ako kabahan at ayoko ng kaba na 'to.
Maya maya ay bumalik si Pula.
"Anong sabi?"
"Naaksidente si Charrie."
Mabilis niyang kinuha ang susi niya at nilagyan ako ng helmet.
"Anong ginagawa mo?!"
"Baka kapag nasa kalsada ka mapahamak ka. Ako mag dadrive."
Sumasakit ang ulo ko sa sobrang kaba.
Mabilis niyang binuksan ang makina ng motor niya at saka ako umangkas.
Tama naman siya, kahit pa sinanay ako sa work under pressure ibang usapan pa rin kapag anak o pamilya mo na ang sangkot.
"Dalian mo!"
Sobrang higpit ng kapit ko sa jacket niya.
"Kumalma ka muna Raya! Ikaw ang nag sasabi sa'min na kumalma kapag nasa delikadong sitwasyon!"
Mabilis naman niyang pinatakbo ang motor.
Naiiyak ako sa sobrang kaba.
Ano ba kasi ang nangyari para mapunta pa sila sa hospital?!
Gaano ba kalala.
*Sobs*
Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Iyong takot ko sobra sobra na walang mapaglagyan.
LIPHYO'S POV
Paano ko siya patatahanin kung nasa bingit ng kamatayan ang anak niya?
Umakyat daw kasi sa sink ang bata dahil may gustong abutin kaya lang ay nahulog siya at ang kutsilyong gustong abutin ng bata ay tumama sa tagiliran nito.
Hindi ko masabi kay Raya ang nangyari dahil baka mas lalo siyang kabahan. Kinakabahan din naman ako pero ipinag papasantabi ko muna dahil ayoko namang magalusan siya o kahit gasgas.
"Raya, stop crying."
Hindi ko na alam ang gagawin pa pahintuin ang pag hagulgol niya.
Naka yuko lang sa likod ko ang ulo niya at sobrang higpit ng kapit niya sa'kin.
Pag dating namin sa hospital ay halos talunin niya ang motor ko para lang makababa.
"Dahan dahan Raya."
Nag aalalang ani ko.
Kinuha ko ang chess board ni Hans at sumunod sa kaniya papasok sa hospital. Sa lobby nandoon si Nina, Yasy, Drei, Raffy at Chelsea.
Umiiyak si Nina habang pinapatahan nila Yasy.
"Crenz-"
Tumayo sila at sinalubong si Crenz.
"Nasa'n si Charrie?"
Seryosong tanong niya na may luha sa mata niya.
"Nasa emergency room siya-"
Nag mamadaling may lumabas na doctor.
"How is she?!"
Kwinelyuhan ni Raya ang Doctor.
"Crenz!"
Nilayo namin si Raya sa Doctor.
"Ano pong nangyari Doc?"-Drei
"We need a blood transfusion. Masyadong maraming nawala sa kaniyang dugo kaya kailangang masalinan agad siya."
"Tara na, ako na ang mag bibigay ng dugo-"-Raya
"Crenz! Your blood type isn't match to her."-Raffy
"THEN WHAT DO YOU WANT ME TO DO?!"
Hindi ko siya malapitan kasi natatakot ako sa kaniya.
Matingnan ka lang niya para ka nang matutunaw.
"She's type AB+"-Doctor
"Crenz is AB-"-Raffy
Nag iisip si Crenz hanggang sa tumingin siya sa'kin.
"Call Chris."
Yeah! The father!
Nag madali akong kinuha ang phone ko at kinontak siya pero-
"Oy, Liphyo! What a coincidence."
Nakangiti siyang lumapit sa'kin dahil nga nag kita pa kami rito sa hospital.
He's a Doctor kaya siguro nandito siya.
"Doc-"
Mag sasalita na sana ako nang biglang lumapit si Crenz sa kaniya at
*BLAG!*
"Argh!"-Doc
"Crenz!"
Awat nila kay Raya.
"Kasalanan mo 'to! Lahat 'to kasalanan mo!"
Hindi mapatid ang luha ni Crenz.
"Don't use violence, Crenz Yara!"-Drei
Tinulungan kong tumayo si Doc.
Inalis ni Crenz ang pagkakahawak sa kaniya at tumingin sa doctor na nag aasikaso kay Charrie.
"He's the father, he's AB+"
Gulat ang rumehistro sa mga mukha nila.
"T-tito Chris?"-Nina
Gulong gulong tanong niya.
"Nathalie, anong- bakit kayo mag kakasama- wait? A-ano ba talagang nangyayari?!"
Gulong gulong tanong ni Doc.
Maging ako ay naguguluhan.
"There's no time for explanation! Your daughter is in critical condition! She badly needs your blood!"-Crenz
Doon lang ako natauhan.
"Doc please mamaya na tayo mag usap tungkol sa mga tanong mo. Kailangan ni Charrie ng dugo mo."
Mag tatanong pa sana siya pero tinulak ko na siya palapit sa Doctor.
"Type AB+ ako."-Doc
"Dito tayo Doc Chris."
Mukhang kilala niya rin ang Doctor.
Nag madali silang mag punta sa kung saan at kami naiwan dito.
Napaupo nalang si Crenz sa sahig habang umiiyak.
"Crenz, sorry *sobs* sorry."
Hagulgol ni Nina.
Lumapit ako kay Drei.
"Nasa'n sila Hans?"
Usually kasi sila ang nauuna rito.
"Nahuli ng pulis, nag maneho kasi kami papunta rito nang naka inom. Naka takas lang ako."-Drei
Gusto kong mapangiwi sa sinabi niya pero hindi ko magawa.
"Naguguluhan ako Crenz, ano bang nangyayari? Tatay ni Charrie si Tito Chris?"-Yasy
Nag angat ng tingin si Raya at tumingin sa mga pinsan niya.
"Guys-"-Chelsea
Hindi niya natapos ang sasabihin niya kasi pinigilan siya ni Raffy.
"Sa tingin niyo may gana pa akong mag paliwanag ngayon?! Ayoko kayong sisihin sa nangyari sa bata kasi may kasalanan din ako! Huwag na kayong mag tanong, gulong gulo na ang isip ko!"
Halos sabunutan na ni Raya ang sarili niya.
"Sorry *sobs* hindi ko dapat siya i-iniwan. Kumuha lang ako ng sinampay tapos pag balik ko *bursting tears*"-Nina
Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung dapat pa bang nandito ako.
"Ayoko ng salita galing sa'yo, ayokong marinig ang boses mo."
Mas lalo lang naiyak si Nina.
"Liphyo."
Untag sa'kin ni Raffy.
"Ha?"
Nag aalangang tanong ko.
"Bigyan mo siya nito."
Nag abot siya sa'kin ng candy. Paborito ni Raya na candy 'to.
"It'll help her to calm down a bit."
Kinuha ko agad 'yon at umupo sa tabi ni Raya.
"Oh."
Abot ko sa kaniya ng candy.
Dahan dahan siyang umangat ng tingin sa'kin at saka sa candy na hawak ko.
"Nasa'n 'yong milktea?"
Napa 'ha?' ako sa isip ko sabay ng pag ngiwi ko.
"Hindi ko alam, baka tinapon mo na."
"Di ko itatapon 'yon, nandoon ang pangalan mo."
'ha?!'
"Anong pangalan?"
"Red, stupid."
Nagawa pa talaga niya akong sungitan.
Haaaay nakooo!
Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang mukha niya.
"Tumahan ka na, magiging ok din si Charrie."
Mali atang nag sabi pa ako no'n kasi tumulo na naman ang luha niya at nasasaktan ako sa luha niyang 'yon.
"Mababaliw talaga ako kapag may mas malala pang nangyari sa kaniya."
Hindi ko mapipigilan ang luha ng nasasaktan na Ina.
Binuksan ko nalang ang candy at binigay sa kaniya na tinanggap naman niya at kinain.
Pansin ko lang din talaga na kapag may candy sa bibig niya bihira siyang mag salita. Ngayon alam ko na kung bakit binigay ni Raffy sa'kin 'yon, para hindi na siya mag salita pa ng kung ano sa pinsan niya.
Pero kahit may kinakain na siyang candy panay pa rin ang pagdantay ng kamay niya nang mariin sa batok niya hanggang sa tenga.
Natahimik ang lahat at nag hihintay nalang kami ng Doctor na lalabas mula sa emergency room.
"Crenz."
Sabay sabay kaming tumingala sa nag salita.
"Chiggy Mil."
Mabilis na lumapit si Raya sa kaniya at niyakap siya.
Napa tayo ako habang naka tingin sa kanila.
"Natatakot ako Mil."-Raya
"Shhh.. everything will be fine."-Chiggy
Matapos niyang aluhin ang kapatid niya ay napa tingin siya sa'kin. Tumango lang ako bilang pag bati.
Hindi ko masabing good evening dahil hindi good 'to.
Lumipas ang maraming minuto at lumabas na ang Doctor kaya lang hindi niya kasama si Doc.
"Anong nangyari?"-Crenz
"Kumusta Doc?"-Chiggy
Mga nag hihintay kami ng sagot.
"Hindi naman na damage ang internal organ niya, 5 stitches ang ginawa namin pero under observation pa rin siya. Hindi ko masasabing ok na siya, mag hintay pa tayo ng ilang oras para masiguradong ok na siya."
"Pwede na ba namin siya makita?"-Chiggy
"Ililipat na siya ng kwarto kaya pwede niyo na siyang makita."-Doctor
Magiging ok na ang lahat.
Magiging ok na ang lahat.
Magiging ok na ang lahat.
Paulit ulit na sabi ko sa utak ko.
Parang kanina lang masaya kami tapos ngayon ito ang pumalit.
"Umuwi ka na."
Untag ni Raya sa'kin.
"Ha?"
"Umuwi ka na sabi ko, baka hinahanap ka na ng Mama mo."
"Pero-"
"Dalawa nalang kayo sa bahay niyo, lagi mong samahan ang Mama mo, hindi ko hinihiling na maaksidente siya pero kailangan mo siyang samahan incase na may hindi inaasahang mangyari sa kaniya."
Matapos niyang sabihin 'yon ay tumalikod na para puntahan ang anak niya.
"Sundin mo nalang siya."-Raffy
She tapped my shoulder 2 times and followed her bestfriend.
"Ingat ka."-Drei
Tumango ako at lumabas na rin ng hospital dala pa rin ang chess board ni Hans.
~~~
Lumipas ang maraming araw at wala akong naging balita sa kanila. Hindi rin ako dumalaw sa hospital dahil mukhang hindi naman ako kailangan doon, nag tanong lang ako kay Hans.
Hindi rin pumapasok si Crenz sa school.
Na mimiss ko na siya.
"Kumusta si Jerick?"
Nasa canteen kami ngayon.
"Makaka labas na rin siya at baka sa bahay nalang nila siya mag papagaling."
Bumibigat pa rin ang pakiramdam ko kapag naaalala kong wala kaming alam sa nangyayari sa kaniya.
Yung guilt ko parang ayaw akong tantanan.
"That's good."
Nawalan na ako ng gana kumain.
"Di mo na kakainin?"-Jhom
Isa pa 'tong baliw na 'to, mukhang gusto na atang mag resign sa pagiging model.
"Tumataba ka na Jhom."
"Huwag kang bastos Attienza."
Natawa kami ng mahina.
"Ang bigat ng atmosphere."-Mike
Pfft..
"Araw araw ba namang may tumingin sa'yo rito."
Ngisi ko sa kaniya.
"Hoy, nakalimutan mo na bang mas marami kang offer sa'min para mag artista? Mas marami kang natanggap na calling card sa'min. Sa'yo sila naka tingin at hindi sa'min."-Mike
No'ng bata talaga ako maraming nag offer sa'kin na mga manager at nasakin pa rin naman ang mga card nila pero nandoon sa malaking bahay.
Nagugulat nalang ako na may lumalapit sa'kin na mga talent manager para mag offer na gawin akong artista. Nasa 200+ offers din ata.
"Talaga? Mas maraming offer sa kaniya?"
Biglang may sumingit sa pagitan namin ni Mike at nag lagay ng upuan doon.
"R-Raya."
"Uy Crenz! Long time!"-Jhom
"Hi Crenz."-Austin
Hindi sila pinansin ni Crenz at kinuha lang ang kutsara ko at sumubo sa lunch ko.
Na miss ko ang amoy niya.
Yung tibok ng puso ko sobrang nag wawala.
"Gaano karami ang naging babae ni Pula?"
Tanong niya habang ngumunguya, halos tunawin na rin siya sa tingin ng ibang mga babae sa ibang table.
Nag bilang si Jhom sa harap ni Raya.
"H-hoy, anong binibilang mo riyan?"
Ang sarap niyang batuhin ng tinidor.
Tinawanan kami nila Mike.
Umabot na sa pito ang binibilang niya.
"Ganiyan karami?"
Maangas na tanong ni Raya.
"H-hoy, a-anong- wala akong babae 'no."
Pinag titripan talaga ako ng mga ugok, pinag tatawanan na nila ako.
"Ano ba kasing ginagawa mo rito?"
Singhal ko sa kaniya.
"Ako?"
Turo niya sa sarili niya.
"Ikaw, malamang ikaw."
"Ahh.. bwiniset ko lang ang buong faculty at mga teacher doon."
0_0 ano na namang ginawa niya?
"Ano na namang ginawa mo sa kanila? Masyado ka nang mainit sa mata ng mga teacher."
"Ahhh.. maliit na bagay lang na medyo pinalaki nila."
Agad lumukot ang mukha ko. Kapag sinabi niyang maliit na bagay malamang siya mismo nag palaki no'n dahil sa way ng pakikipag usap niya.
"Si Charrie? Kumusta si Charrie?"
Mabilis na tanong ko nang maalala ko ang bata.
"Ayun, nag papagaling na sa bahay."
Mabuti naman at ayos na siya.
"Bakit di ka pa dumiretso umuwi? Papasok ka na ba bukas?"
Umiling siya.
"Baka next week na ako makapasok."
Ano?! Next week pa? Antagal naman.
"Ok."
"Sumabay ka nalang kay Hans mamayang Gabi ah."
Mamayang gabi-
Ahhh.. I almost forgot the party.
"Nando'n ka ba?"
Umiling siya.
"Walang Crenz Yara Vilarde doon mamaya kaya mag paka bait ka at huwag kang gumawa ng gulo."
Ako pa talaga ang sinabihan niya.
Pero teka nandoon si Sandra kaya bakit hindi siya pupunta?
"Mabait ako, alalahanin mo ang sarili mo."
Maangas siyang tumayo at binalik sa'kin ang kutsara ko.
"Alis na 'ko. Hintayin mo nalang si Hans mamaya at mag sabay kayong umalis."
Aniya at saka siya nag lakad paalis.
"May party kayo mamaya?"-Jhom
"Para sa family lang nila Sandra."
Ayoko talaga silang madamay kaya ayokong mag sabi ng totoo.
"Bawal sumama?"-Jhom
"Hindi ko alam, sinabit lang nila ako."
Huwag na sana siyang mag tanong pa.
"Ok, enjoy the party, mag dala ka ng plastic at mag balot ka."
"Gago, Igagaya mo pa 'ko sa'yo."
"HAHAHA.."
*Fast Forward*
Nag aayos ako ng suit ko ngayon dito sa harap ng salamin sa sala.
"Alis ka?"
"Opo, niyaya ako nila Hans sa party nila."
"Oh? Mabuti naman may iba ka nang kaibigan. Dalhin mo sila rito minsan para malutuan ko sila."
"Sige po."
Masayang ngiti ko.
"Ako na mag aayos ng tie mo."
Humarap ako kay Mama.
"Pati ba naman simpleng pag tatali nito hindi mo pa rin kaya?"
"May kilala nga po akong hindi nag sisintas ng sapatos eh."
Kakakita ko lang sa kaniya pero namimiss ko pa rin siya. Ang hirap kiligin sa picture lang sa phone, pero kinikilig pa rin ako hahaha..
"Napaka simple ng mga ganitong bagay."
Mabilis natapos ni Mama ang pag tali.
"Ayoko pong matutunan, gusto ko po na kayo lagi ang mag tatali ng tie ko hanggang sa tumanda ako."
"Napaka sweet mong bata ka."
Pinisil ni Mama ang pisngi ko.
"Mama, ano pong gusto niyong pasalubong? Bibilhan ko po kayo."
"Huwag na, bumalik ka lang ng ligtas ayos na ako."
I still see the loneliness in her eyes. Nag woworry rin ako kasi iiwan ko mag isa si Mama rito.
*Beep beep*
Sabay kaming tumingin ni Mama sa labas.
"Nandito na si Hans."
Bumaba si Hans sa kotse niya at sinalubong kami ni Mama.
"Magandang gabi po Tita."
Magalang na aniya.
"Bro/ Magandang gabi rin."
Sabay na sabi namin ni Mama.
"Ang gwapo mo naman Hijo."
"Salamat po Tita."
Nahihiyang ngiti niya.
"Mas gwapo pa siya sa'kin, Ma?"
"Manahimik ka."
Bulong niya sa'kin.
Tinawanan kami ni Hans
"May pupuntahan lang po kaming party, iuuwi ko rin po siya pag tapos no'n."
"Sige lang, mag iingat kayo pareho."
Humalik na ako sa pisngi ni Mama.
"Ma, alis na kami."
"Ingat baby, ingat Hans."
"Opo."-Hans
"Pasok ka na po Ma. I lock niyo po ang pinto, may susi po ako."
Tumango si Mama at saka pumasok na rin.
Humarap sa'kin si Hans at bahagyang pinag pag ang suit ko.
"Ayusin natin 'yang buhok mo."
Napahawak ako sa buhok ko.
"Bakit?"
"Kayang kaya ka nilang matahin kapag nakakita sila ng konting kapintasan sa'yo."
Nakaramdam agad ako ng takot sa sinabi niya.
"Pwede bang huwag na akong tumuloy? Hindi naman pupunta si Raya, nakakatakot sila."
Maisip ko pa lang ang batas ng organization nila nakaka atras talaga ng buntot.
"Pfft.. takot din kami sa kanila kaya nga sama sama tayo doon para may mga sarili tayong kaligayahan."
Ok na rin kasi kasama sila.
"Ito ilagay mo 'to sa buhok mo."
Nag bigay siya sa'kin ng oil para sa buhok.
"Ang bango nito ah."
Amoy ko saka kinalat sa ulo ko.
"Tara na sa loob, may suklay doon."
Pumasok na kami sa kotse at nag drive na siya paalis habang inaayos ko ang buhok ko.
"Mas bagay sa'yo kapag hindi natatakpan ang noo mo. Itaas mo ang pag suklay."
At dahil sinabi niya ay sinunod ko siya.
Kahit anong itsura ko naman gwapo pa rin ako.
THIRD PERSON'S POV
Sinundo muna ni Hans si Sandra at Nemi.
"Wow, ang gwapo mo lalo Attienza."-Nemi
"Mukha kang tao ah."-Sandra
"Ano ba girls, matagal na akong gwapo."-Liphyo
"Talaga? Ngayon ko lang napansin."-Sandra
Nag sukatan ng tingin si Sandra at Liphyo sa rear mirror.
"Handa na ba kayong salubungin si Mr. Tan?"-Hans
"Hindi/No!"-Sandra/Nemi
"HAHAHAHAHA..."-Hans
Nag drive na si Hans papunta sa venue at halos malula sila sa dami ng kotse sa labas ng venue.
"Siguro stress na stress si Nina habang inaasikaso ang party na 'to?"-Sandra
"Oo, kaya nga madalas na bubungangaan ni Nina si Tyro kasi stress na nga siya rito tapos may abnormal pa siya boyfriend."-Hans
Nag tawanan sila at lumabas ng kotse.
"Uy Liphyo!"
Sabay sabay silang lumingon sa pinanggalingan ng boses.
"Chelsea."
Mas lalong gumanda si Chelsea sa dress niya.
"Ang gwapo mo ulit ah? Mas gwapo ka rito kesa sa unang assignment mo kasama namin sa barko."
Inayos ni Chelsea konti ang tie nito.
*Beep beep*
Lumiwanag ang gawi nila dahil sa headlight ng isang sasakyan. Napa takip sila sa liwanag no'n.
Pinatay ng may ari ng sasakyan ang makina ng kotse kaya binaba na nila ang mga kamay nila.
Lumabas sa loob no'n si Arya.
"Arya!"-Sandra
"Hi kiddo."-Arya
Bati nito.
Manghang mangha naman si Hans sa itsura ni Arya dahil sa ganda nito.
"Kung si Sandra pa rin ang trip mo, mag isip ka na."
Bulong ni Nemi kay Hans
"Manahimik ka."
Bulong niya rin dito pabalik.
"Where's Raffy?"-Chelsea
"Raffy? Bakit sa'kin mo hinahanap ang baliw na 'yon?"-Arya
"Sabi niya sabay daw kayo pupunta rito. Hindi siya nag chat or nag update basta ang sabi niya sabay daw kayo."-Chelsea
"Hindi ko pa nararamdaman ang kaluluwa no'n."-Arya
"She lied?"-Chelsea
"Maybe."-Arya
"Haaaay.. makikita rin natin siya mamaya, let's go."-Hans
Excited naman si Sandra dahil makikita niya muli si Ryker na isang beses pa lang niya nakikita simula nang bumalik siya.
Pag pasok nila sa venue ay agad huminto ang tugtog at tumingin ang lahat sa kanila.
Dahil sa presensiya ni Sandra ay lahat sila yumuko bilang mag bigay galing sa mas nakatataas na katungkulan.
Matapos yumuko ng lahat ay yumuko rin bilang pag babalik ng respeto sa kanila.
Nag aalangan pa si Liphyo na gumaya sa kanilang yumuko dahil hindi siya sanay sa tradisyon na meron ang organization na 'to.
Tumugtog muli ang music at nag patuloy sa pakikipag kwentuhan ang mga tao.
"Dito guys!"
Masayang sumenyas sa kanila si Princess na nauna na sa party dahil sa pag tulong kay Nina mag ayos doon.
"Hi Cess."-Liphyo
Tiningnan siya ni Cess mula ulo hanggang paa.
"Mukha kang tao."-Cess
"See? That's what I told him"-Sandra
Nakakaramdam ng init si Liphyo dahil sa mga taong nakatingin sa kanila.
"Hindi ba kayo na iintimidate sa tingin nila?"
Kabadong tanong niya.
"Ha?"
Tanong nila saka tingin sa paligid na nakatingin nga ang iba sa kanila.
"Sanay na kami, hayaan mo nalang sila."-Sandra
"Pres!"
Ngiting ngiti si Jigs na lumapit sa kanila.
"Anong itsura 'yan Jimiel Gil?"
Iritang tanong ni Sandra at saka inayos ang neck ribbon nito na tabingi na sa sobrang kaligaligan niya.
"Kahit anong ayos mo diyan maya maya lang din masisira na 'yan."-Cess
Hinampas ni Sandra si Jigs.
"Aw!"
"Umayos ka, ayokong kwestyunin na naman ako ni Mr. Tan kung bakit may bodyguard akong tulad mo."
Gano'n kasi ang tanong ni Mr. Tan sa kaniya nang dahil kay Crenz.
"Oo na. Napaka sadista mo!"
Singhal niya sa dalaga.
"Pres!"
Lumapit din sa kanila si Migs.
Maayos ang itsura nito pero hindi mawala sa labi ang pilyong ngiti.
"Ano na namang ginawa niyong dalawa? Mukhang may kalokohan na naman kayong ginawa ah?"-Cess
"Ano? Wala ah. Hindi ko nahulog 'yong speaker sa pool."-Jigs
Napa face palm ang iba sa kanila at ang iba naman ay umiling.
"Hoy! Kayong dalawa!"
Mabuti nalang ay malakas ang speaker kundi mapapatingin ang lahat sa kanila dahil sa malakas na sigaw ni Nina.
Inis na inis na lumapit sa kanila si Nina habang ang kambal ay tumakbo na paalis.
"Pfft.. kumusta?"-Hans
"Kapag bumalik dito 'yong dalawang 'yon, siguraduhin mong itatali mo sila ah!"-Nina
Natawa sila sa inis ni Nina.
"Mag pahinga ka naman Nina."-Chelsea
"I can't - where's my boyfriend?"-Nina
Napamaang sila sa tanong niya.
"Hindi bumubuntot sa'yo ngayon si Tyro?"-Chelsea
"Sabi niya sasabay siya kay Arya."-Nina
"Wow! Ano nila ako? Escape plan?"-Arya
Singhal ni Arya dahil sa pag dawit ng mga siraulong nobyo at nobya nila sa pangalan niya.
"Di mo kasama?"-Nina
"Mukha bang ibubulsa ko 'yong siraulo mong boyfriend?"-Arya
"Huwag mong ibubulsa 'yon kung sakali, ilagay mo sa sapatos mo para habang nag lalakad ka na pipitpit siya."-Chelsea
Napangiwi sila sa iniisip ni Chelsea
"Bestfriend nga talaga kayo."
Iling iling ni Nina at Arya.
Mula sa malayo nakita ni Nemi si Jm na kinakausap ang organizer ng venue at may tinuturo sa likod ng malaking bahay.
Pinasadahan niya ito ng tingin at mas lalo niyang napag tantong gwapo nga 'to.
Patuloy na nag dadatingan ang mga bisita.
Kinailangang bumati ni Sandra sa mga bisita kaya sinamahan siya ni Hans para bumati. Maging ang iba ay kailangan ding bumati kaya nag paalam sila kay Liphyo na aalis sila saglit, mabilis namang tumango si Liphyo at sinabing ayos lang siya roon.
Nang maiwan na mag isa si Liphyo ay nag simula na ang program ng party.
Tumayo sa gitna si Mr. Tan kaya lahat sila ay yumuko para bumati sa kaniya, gano'n din ang ginawa ni Liphyo.
"Matalino ka talaga Attienza."
Nagulat siya nang nasa tabi niya na si Tyro.
"Sa'n ka galing? Kanina pa umuusok ang ilong ni Nina dahil sa'yo."
Natatawang tanong niya.
"Lagi naman siyang galit."
"Di ka natatakot?"
"Ikaw ba? Di ka takot sa dragon?"
"Takot hahahaha.."
Kuhang kuha niya ang iniisip ni Tyro.
"Nakita mo na ba akong maging DJ?"
"DJ? Hindi pa."
Tinap ni Tyro ang balikat niya nang dalawang beses.
"Watch and learn."
"I'm here to take your orders."
"Take our orders?-Sandra
"Teka, bakit ikaw?"-Nemi
"Let's just say tumutulong ako."-Shin
Naguguluhan sila ngayon. Ano ba nga ba talagang nangyayari sa kanilang lahat doon?
"We'll get the food."
Gulat silang lahat nang sumulpot ang kambal na namumula ang tenga pero seryoso ang mukha.
"No thanks bro, sabihin niyo nalang sa'kin kung anong gusto -"
Nag kaniya kaniya ng sabi ang mga babae sa mga gusto nila at tumayo naman ang mga lalaki sa mesang 'yon para