53

CRENZ'S POV

Kaharap ko ngayon ang isang katutak na papers na kailangan kong pirmahan para sa organization at kaharap ko rin ang mga matatandang kina aayawan ko sa lahat. Nasa tabi ko naman si Cedric.

"Ano 'to? Para ba talaga sa organization 'to o para sa bansa? Daig niyo pa gumawa ng isang milyon batas ah?"

Singhal ko sa kanila habang tinitingnan ang papel sa harap ko. Nakakabaliw 'to!

"Was it out fault? You left without giving us notice-"

"Alam niyo nang umalis ako tapos gawa pa kayo nang gawa ng batas."

Seryosong tinignan ko silang lahat.

Nandito rin sa loob ng meeting room si Mr. Tan pero hindi na nag abalang pag sabihan ako basta seryoso lang siya.

"It's for the betterment of the member kiddo."

Ngisi sa kaniya ng pinaka ayaw niyang tao sa lahat si Mr. Satens.

"Kelan pa naging better ang pumatay kapag walang Ama ang isang bata?"

Bulong niya sa sarili niya.

Bahagya siyang tinapik ni Cedric sa ilalim ng mesa na kinakabahan na ngayon sa ginagawa niya.

Hindi niya man lang ito tinapunan ng tingin.

"Alangan namang antayin ka pa namin bago kami gumawa ng batas?"-Mr. Elliott

"As if namang ma aapprove ang gagawin niyo nang wala ako?"

Hindi kasi pwedeng maging batas ang isang batas nang hindi ko na aapprove. Gano'n ako kaimportante sa kanila.

"Nandiyan din ang logbook, transaction ng org at mga ginastos ng organization sa bawat taon. May mga upcoming project din na kailangan mong ireview."

"And don't tell me nandito rin ang mga pera at yaman na nakuha ng organization sa mga mission?"

Ngumisi ang mga matatanda.

"Syempre nandiyan."-Mr. Satens

Kampon nga talaga ni Santanas 'tong bwiset na 'to, nagawa pa niyang ngumiti ngiti!

Ahh.. nang aasar pa sila ah?

"Ok, tatapusin ko muna 'to lahat bago ko titingnan ang mga ginawa niyo batas."

Ngiti ko sa kanila.

Mabilis na tumutol ang mga mukha nila.

"What?! Gawin mo muna ang mga batas."-Satens

"Why? May batas bang nag sasabing kailangan kong unahin ang mga ginawa niyo? May batas bang nag sasabing kailangan kong gawin agad ang lahat nang 'to?"

Ngisi ko sa kanila.

Pasimpleng napa hilamos ng mukha si Cedric.

"ASHARIYA!"

"Wag mo 'kong sisigawan dahil nasa batas na ginawa niyo na kapag sumigaw kayo sa mas mataas sa inyo pwede ko kayong sipain sa loob ng kulungan."

May gigil na pag papaalala ko sa kaniya.

Sila mismo ang gumawa ng batas na 'yon, mga kagaguhang batas nila na nakaka bwiset!

"Ano bang ginawa niyo no'ng wala ako? Wala namang nag bago sa organization ah? Panay kayo utos sa mga bata tapos ibubulsa niyo ang pera-"

"Stop accusing us-"-Mr. Brown

"1.7 million ang binulsa mo sa ship mission nila Zimmer. Nasa'n 'yong kwintas sa assignment na 'yon?"

Tiningnan ko silang lahat pero karamihan sa kanila ay nag iwas ng tingin.

"Anong sinasabi mong nasa'n? Nasa organization safe."-Mr. Satens

Siraulo. Iba talaga kapag nakita mong nag sinungaling ang isang tao sa harap mo habang alam mo ang totoo.

"Nasa OS? Limang taon niyo nang hindi nabubuksan 'yon diba?"

Nag katinginan silang lahat.

"Paano ko nalaman? Syempre kailangan muna ng identification ko ro'n bago iyon mabuksan. Dinagdagan ko ang security no'n dahil wala akong tiwala sa inyo."

Tiningnan ko silang lahat ng masama.

"Ash-"

"Kaya paano niyo ilalagay sa safe na 'yon ang mamahaling kwintas na 'yon? Magic ba 'yon na papasok sa loob ng kusa?"

Gustong gusto ko talaga silang asarin.

"Kapag hindi niyo binalik ang kwintas na 'yon sa organization, makaka abot sa organization court 'tong ginawa niyo at alam niyong pwede kayong tanggalin at ipapatay dipende sa bigat ng kaso niyo."

Banta ko sa kanila.

Sinabi ko naman sa kanilang susupalpalin ko sila ngayong bumalik na ako.

"May hanggang bukas kayo, naka handa na ang paper for investigation ko. Isang pirma ko lang do'n alam niyong hahalughugin ng mga pulis natin ang mga bahay niyo at uumpisahan ang interrogation sa inyo."

Tumayo na ako.

Ito lang naman ang pinunta ko rito, ang mang asar sa kanila.

"Crenz."

Bulong ni Cedric sa'kin.

Alam kong takot 'tong isang 'to sa mga bwiset na 'to.

"Tara na."

Untag ko sa kaniya.

Nag lakad na ako palabas ng meeting room at hinabol naman ako ni Cedric.

"Baliw ka talaga 'no?"

"Ngayon mo lang nalaman?"

Bigla niya akong inakbayan.

"Palaban talaga ang kapatid ko."

Hindi naman na mag babago na mag kapatid kami kahit pa nalaman na niyang si Chris ang Ama ko at hindi ang Tatay niya.

"Ikaw lang naman ang duwag."

Ginulo niya nang bahagya ang buhok ko at saka siya dumistansya.

"Sa'n ka ngayon?"

"Mag hahanap ng bahay."

"Bahay?"-Cedric

"Ayos naman ako sa apartment na nirent ko kaya lang nag woworry ako sa safety nila Nina lalo kapag nasa bahay ko sila. Nasa squatters area ang bahay ko at ginagawa nilang tambayan. Maraming siraulo sa lugar na 'yon."

Kailangan ko ng mas malaking space.

"Hanapan kita?"-Cedric

Tumango ako, mas may tiwala ako sa kanila pag dating sa safety ko.

"Huwag sobrang layo sa school, huwag ding sobrang layo at lapit sa mansion."

Tinawanan niya ako.

"Bakit hindi ka nalang sa bahay, mas malapit sa school 'yon."

"Ayoko do'n, ayoko nang laging pinupuna ang galaw ko."

Tumango siya sabay sabing "sabagay"

"Ikaw na bahala sa bahay ah, kukunin ko si Charrie at may pupuntahan kami."

"Ok."

Sinundan niya ako hanggang parking lot.

"Ingat ka ah."

"Alis na."

"Sa'n mo isasakay si Charrie?"

"Baka mag taxi nalang kami."

"Gamitin mo 'yong kotse mo."

"Ok!"

Ang alam ko ay hindi nila pinakelaman ang gamit ko no'ng umalis ako.

"Sa'n ka ba pupunta?"

Binuksan ko ang makina ng motor ko.

"Kay Pula. Alis na ako."

Hindi ko na siya hinintay sumagot at pinaharurot na paalis ang motor ko.

Yung cravings ko hindi pa natutuldukan.

Umuwi muna ako sa mansion nila Cedric at kinuha si Charrie.

"Charrie, mag behave ka sa pupuntahan natin ah?"

"Where are we going."

"We're going to eat."

Pinasok ko siya sa kotse na niregalo sa'kin ni Lolo 6 years ago.

Mukhang bago pa rin, minsan naman daw ginagamit ni Cedric to para i test kung ayos pa.

Sa back seat ko siya pinaupo at kinabitan ng seatbelt.

Mas doble ingat ako ngayong nandito si Charrie.

Pag pasok ko sa driver seat mag susuot na sana ako ng seatbelt nang may biglang pumasok sa passenger seat ko.

"So cold."

Aniya habang kinikiskis ang kamay niya sa braso niya.

"Bakit nandito ka?"

Tumingin siya sa'kin.

"Hatid mo 'ko."

"Kelan pa ako naging driver mo?"

Pag susungit na tanong ko kay Arya.

Ano bang ginagawa niya rito sa bahay?

"Ngayon lang. Huwag mo nga pakitaan ng masamang ugali mo ang bata."

Hindi maka paniwalang napabuga ako hangin.

"Ako pa raw ang masama ang ugali."

Iling ko at saka pinaandar ang kotse.

"Sa'n ka ba bababa?"

"Kasasakay ko lang pinapa baba mo na 'ko?"-Arya

"Mukha ba akong babyahe habang buhay?"

Yung katarayan naming dalawa hindi na nag bago.

"Tsk! Ihinto mo bababa na 'ko."

Nanlaki ang mata ko.

"What?"

Nag tatampo ba siya?!

"Kelan ka pa nabingi?"-Arya

"Galit ka ba?"

Nag aalalang tanong ko.

Papalit palit ang tingin ko sa kaniya at sa kalasada.

"Lagi naman akong galit sa'yo."-Arya

Talaga ah? Kaya pala pumasok siya rito?

"Sa'n ka ba kasi pupunta?"

No choice naman ako kundi ang ihatid siya kesa naman mas mainis pa siya lalo sa'kin.

"Sa mall nalang."

"Sino kasama mo?"

"Mukha ba akong may kasama?"

Bakit ba sinasagot namin ang isa't isa ng tanong?!

"Then hindi ka pwedeng mag mall."

"Ano ka Nanay ko?"

Mapapahilamos talaga ako sa mukha dahil sa inis sa kaniya.

"Mag hanap ka muna ng kasama mo bago ka pumunta sa mall."

Pinaleng ani ko.

"Don't you think I'm too old for that thing?"-Arya

"Don't you think you're twined with misfortune?"

"Mommy, are you both fighting?"-Charrie

Napatingin ako sa rear mirror.

"No baby."

Seryosong sagot ko.

Ayaw kasing makinig nitong babaeng 'to.

"Then I'll call Nina-"

"Nina is on school."

"Then Yasy."

"They're both in school, they're college."

"It's Sunday Crenz Yara, vacant nila."

Sunday pala ngayon?

"Nasa school daw sila."

Sabi kasi ni Nina kanina aalis siya at pupuntang school bago siya umalis ng bahay.

"Then Nemi. I'll call Nemi. Ok ka na?"

Much better.

Tinawagan niya si Nemi pero ang sabi ni Nemi at may ginagawa siya at 3 hours pa bago siya matapos.

"Pupunta kami kina Liphyo, doon ka nalang mag hintay."

"Gagawin niyo pa akong 3rd wheel?"

"3rd wheel? Kasama si Charrie tapos may pa 3rd wheel 3rd wheel ka pang nalalaman."

Pasimple lang kaming nag tatalo hanggang sa makarating kami sa bahay ni Pula.

Pinindot ko ang doorbell nila.

"Wait lang."

Boses ng babae ang nasa loob at hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon.

Lumabas si Kathy na medyo magulo ang buhok.

Mabilis niyang inayos ang buhok niya.

"Crenz, ikaw pala."

Tiningnan ko siya.

"Nandiyan si Tita?"

Seryosong tanong ko.

Binuksan niya ang gate.

"Oo, nasa loob. Pasok kayo."

Hinawakan ko ang kamay ni Charrie at hinila papasok sa bahay nila Pula.

Saktong pag pasok namin ay ang pag labas naman sa CR ni Pula na naka tapis lang.

"W-woah!"

Gulat na aniya at saka tinakpan ang katawan niya.

Naboboring na tinitigan ko siya.

Alam niyang nandito si Kathy pero anlakas ng loob niyang ibalandra ang katawan niya.

Bumukas din ang isang kwarto at lumabas ang Mama niya Pula na agad napa tingin sa kaniya.

"Sinabi ko na sa'yong mag damit ka agad pag labas mo ng CR." Singhal sa kaniya ng Mama niya.

"Good afternoon po."

Magalang na bati ni Arya.

Nag tama ang tingin namin ni Ms. Tissue.

"Good afternoon po."

Bati rin ni Charrie.

"Good afternoon din mga hija."

Saka siya bumaling sa anak niya

"Ano pang tinatayo tayo mo diyan? Mag bihis ka na!"

"O-opo."

Mabilis na pumasok sa loob ng kwarto si Pula.

"Ito ba 'yong anak mo?"

Tanong sa'kin ni Ms. Tissue

Hindi ako sumagot at tumingin lang kay Charrie.

"Kamukhang kamukha mo-"

"Wala po siyang anak, Tita."-Arya

Nawala ang ngiti ni Ms. Tissue.

"Ma! Huwag mo na sila tanungin nang tanungin!"

Sigaw ni Pula sa loob ng kwarto.

"Hindi mo 'to anak?"-Ms. Tissue

Umiling ako.

"Wala kang anak?"

Umiling ulit ako.

Mukhang nasabi na ni Pula na may anak ako sa Mama niya.

"Ma? Why are you asking her that question?"-Kathy

Ma?

Sabagay, asawa pa rin pala siya ng anak niya.

"Ano naman? Ikaw hija? Anong pangalan mo?"

Tanong niya kay Arya.

"Arya Felendez po, kaklase po ako ni Liphyo."

"Ahhh.. kaklase? Mabuti naman napadaan kayo. Upo muna kayo."

Naka amoy kami ng ulam.

"May niluluto po kayo? Pwede ko po kayong tulungan. Magaling po akong mag luto."-Arya

"Ah talaga? Sige, halika."

"Sama po ako."-Charrie

"Oo sige, halika ipapatikim ko sa inyo ang luto ko."

Hawak ni Ms. Tissue si Charrie sa kamay habang tinatanong ang pangalan at edad nito. Kinakausap din ni Arya si Ms. Tissue ng tungkol sa niluluto niya.

"Alam ba ni Jhonny na pupunta kayo rito?"

Hindi ko talaga gusto ang tono ng boses niya, at ano? Jhonny? Tss!

Umupo ako sa ginawa nila Hans na mahabang upuan.

"Hindi."

Simpleng tugon ko

"Pero bakit pumunta ka nang hindi nag sasabi sa kaniya?"

"Bakit inaalam mo? Bisita ka lang din."

Nakakaramdam ako ng kakaibang threat sa kaniya.

"I'm part of this family."

"Hindi ba nga mag didivorce na kayo? Anong part pa yang sinasabi mo?"

Bigla niya akong sinamaan ng tingin.

"Kahit wala na kami ni Allen magiging parte pa rin ako ng pamilya nila dahil kay Jhonny."

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

At sino namang nag sabi sa kaniyang papatulan siya ni Pula?

"Tutuhugin mo ang mag kapatid?"

"Jhonny likes me."

"Who told you that? He used to likes you, but not anymore."

Nakita ko ang pag kuyom ng kamay niya.

"Wala kang alam sa relasyon namin. He still looked at me the way he looked at me before."

May kung anong kumirot sa dibdib ko.

Possible 'yon.

Nakita ko kung gaano mag alala si Pula kapag siya na ang usapan.

"Really? Sige, sabi mo eh."

Ngisi ko sa kaniya.

Bumukas ang pinto sa kung saan, hindi ko nakita kasi nakatalikod ako sa gawi no'n.

"Jhonny."

Nakangiting bati ni Kathy kay Pula.

Ang bilis niya mag palit ng mood ah?

"Bakit nandito ka? Wala kang duty?"-Pula

"Meron, paalis na rin ako."-Kathy

"Ikaw? Bakit nandito ka?"

Naka pamewang na pag harap niya sa'kin.

"Naligaw ako."

Tugon ko.

"Sa susunod na maligaw ka, mag sabi ka muna sa'kin."-Pula

Nagawa pa talaga niya akong sermunan.

"May ginawa kayo?"

Hindi na mapigilang mag tanong.

Kung wala ang Mama niya baka maisip ko talagang may kababalaghang nangyari sa kanila.

"Ginawa?" Takang tanong niya.

"Sinabunutan mo ba siya kaya magulo ang buhok niya?"

Turo ko kay Kathy

"Sinabunutan? Ano ako babae? Hindi ko nga alam na dumating siya tapos mananabunot pa ako?"

Medyo naka hinga ako ng maluwag.

Mabuti naman kasi baka maibalibag ko siya.

"Defensive ka masyado."

"Baliw ka kasi."-Pula

"Aalis na 'ko."-Kathy

"Agad?"-Pula

Woah? Balak pa niyang pag stay-in ang babaeng 'yan?

"Balik ako sa susunod-"

"Kahit huwag na."

Bulong ko na mukhang narinig ni Pula kaya saglit niya akong sinamaan ng tingin.

"Tara, hatid na kita sa labas."-Pula

Wow, ang bait ah.

"Sige."

Napangisi nalang ako sa bilis niyang mag palit ng emotions niya.

Lumabas ang dalawa at bago pumasok sa taxi ang bruha nakita ko pa siyang tumingin sa'kin bago niya hinalikan sa pisngi si Pula.

Mabilis nangunot ang noo ko.

Hindi man lang natinag si Pula na parang sanay na sanay nang ginagawa no'ng babaeng 'yon ang pag halik halik sa kaniya.

Bumalik nalang ako sa upuang inuupuan ko kanina at saka pinatong ang siko ko sa arm rest no'n at hinilot ang noo ko habang naka pikit.

Naiinis ako.

Sobrang naiinis ako.

"Anong nangyari sa'yo?"

Narinig kong nakapasok na siya pero hindi ko siya tiningnan. Mukha namang nilampasan niya lang ako at pumasok muli sa kwarto niya.

"Masakit ulo mo?"

Tanong niya nang makabalik siya sa harap ko.

Kunot noong nag dilat ako ng mata at tumingin sa kaniya.

Kaagad lumambot ang ekspresyon ko nang makita kong pinupunasan niya ng wipes ang pisngi niyang hinalikan ni Kathy.

"Kulang lang ako sa tulog."

"Dapat nag pahinga ka nalang sa inyo, ba't gumagala ka pa?"

Kunot noong tanong niya.

"Kasi hindi ka pa rin nag bi bake, sabi mo mag bibake ka?"

"Mag bi bake na ako ngayon. Masyado kang excited."

Talaga? Mag bi bake na siya?!

Matutuldukan na ang cravings ko.

"May nabili ka na for baking?"

"Meron na pero wala pang oven, baka kay Doc nalang ako mag bake."

Kaya pala siya naligo kasi aalis siya.

"Huwag na, may parating na ritong convection oven."

Gulat siyang tumingin sa'kin.

"C-convection- are you showing me your money?"-Liphyo

"If I'm showing you my money, I might bought this house than giving you a convection oven. Tss.. house warming gift ko sa inyo 'yon."

Nakita ko kasing naka maliit na gasul lang sila kapag nag luluto at feeling ko nahihirapan sila ro'n.

Actually ang inorder ko talaga ay pinag halong gas stove at sa baba no'n ay oven.

Kaninang umaga ko pa 'yon inorder kaya baka nandito na 'yon.

"It's too much for-"

*Ding Dong*

"Baka nandiyan na."

Nauna pa akong lumabas sa kaniya at nandoon na nga ang inorder ko.

Tinawag muna ni Pula ang Mama niya bago siya lumabas.

Gulat din sila sa malaking bagay na 'yon at halos hindi magkanda ugaga ang Mama niya kung saan ilalagay ang bagay na 'yon.

Matapos nilang mailabas ang stove na 'yon, sobrang laki ng ngiti ng Mama niya.

"Para talaga sa'min 'to?"

Halos ikutan pa ng Mama niya ang stove na 'yon.

"Ma, pinapahiya niyo ko."

Nahihiyang reklamo ni Pula.

"Thank you sa pa gift Hija."-Ms tissue

"Akala ko po you hate me?"

Nang aasar na tanong ko.

"Crenz/Raya!"

Saway sa'kin ni Arya at Pula.

"Yeah, and I hate you even more."

"Ma!"-Liphyo

Pfft.. she likes me.

"Ang ganda nito ah? Kelan ka pa natutong mag order?"-Arya

"Kanina lang. Gusto ko ng tinapay na gawa ni Pula pero wala siyang oven kaya nag order ako."

Tumingin sa'kin si Ms. Tissue.

"Gusto ko ang taste mo sa tinapay, masarap talagang mag bake si Jhonny."

"Oo nga po, Ma."

Pag sang ayon ko.

"Ma?! H-hoy, anong m-ma ma sinasabi mo diyan?"

Singhal sa'kin nang namumulang mukha ni Pula.

"Level up ah? Pfft!"-Arya

"Bakit bawal ba? Si Katherine pwede siya tawaging Mama tapos ako hindi?"

Inosenteng tanong ko kasi hindi ko alam kung ano ang mali.

"Pwedeng Tita pero kapag Ma-"

"Pwede ko naman kayong tawaging Mama di po ba?"

"Kahit Mommy pa ayos lang sa'kin."

"Ma!"

Saway na naman ni Pula

"See? Pwede kong itawag 'yon kay Mama."

Lalo lang atang namula ang mukha niya.

"Tita lang ang itawag mo sa kaniya?"-Liphyo

"Bakit hindi nalang kaya ikaw ang tumawag sa kaniya ng Tita?"

"HAHAHAHA!"-Arya

Make sense, right?

"Tumigil na kayong dalawa, kumain na kayo. Lalabas muna ako."-Mama

"Sa'n ka pupunta Ma?"

"Mag mu mall, bibili ng ulam."-Mama

"Sama ako Tita, pupunta rin po ako ng mall."-Arya

"Kumain ka na muna."-Mama

"Hindi na po Tita, may store po kami sa mall, pwede ko po kayong dalhin doon, libre na po 'yon tsaka masarap ang pagkain doon."

Mukhang nag kakasundo si Arya at ang Mama ni Pula.

Sa huli ay sabay nga na umalis sila Arya.

Naiwan kaming tatlo rito sa bahay.

Pinanood muna namin si Charrie ng TV habang nag hahanda si Pula.

"Kumain ka muna."

Untag ko sa kaniya.

"Feel at home ka talaga ah?"

"Makapal nga kasi ang mukha ko."

Ako na ang sumagot para sa kaniya

"Kunin mo si Charrie kain muna tayo."

Utos niya sa'kin.

Baka nga gutom na rin si Charrie.

"Baby, let's eat first."

Sabi ko sa kaniya.

"Ok mommy, where should I wash my hands?"

"C'mon baby, I will lift you on the sink."

Binuhat siya ni Pula at pinag hugas ng kamay sa lababo.

Matapos mag handa ay kumain na kami.

Pag tapos kumain ako na ang nag hugas ng pinag kainan kasi pinapa prepare ko na siya sa gagawin niya.

"Uubusin ko 'tong lahat?"

Tanong niya habang nakatingin sa ingredients niya

"Oo, kulang pa nga 'yan."

"Kulang?!"

Ang dami nang bag ng harina sa mesa.

"Nag aalala ka ba sa gastos? Papalitan ko."

Sinamaan niya ako ng tingin.

"It's not about the money, paano mo kakainin lahat 'yon?"

"Mukha bang ako lang kakain no'n? Papatikimin ko buong pamilya ko."

"Edi kulang pa 'to."-Pula

See? Sabi ko naman sa kaniya kulang pa 'yon.

"Mag oorder ako next time, kung ano lang kaya ngayon 'yon muna gawin mo."

"Haneeep, boss na boss ah?"

Reklamador talaga.

"Bilisan mo na."

"Hindi ka ba marunong mag bake?"-Liphyo

"Marunong, lahat naman kaya kong gawin."

"Ang yabang mo."

"Nag tatanong tanong ka tapos mag gagaga ganiyan ka?"

Pag tapos ko mag hugas umupo ako sa bandang harap niya.

"Masarap?"

Tanong ko.

"Ang alin? Luto ni Mama? Syempre oo."

Napa takla ako.

"Yung halik ni Kathy tinatanong ko kung masarap."

Tiningnan niya ako habang nag mamasa siya.

"Kelan ka pa naging chismosa?"

"Kanina lang. Sinabi ko naman sayong ayaw ko sa kaniya."

"At sinabi ko rin na labas ka na sa bagay na 'yon."

Bakit ba siya ganiyan?

"Do you really hate me?"

"If I hate you, you probably not sitting in that chair anymore nor stepped on my house."

Then why he's being mean to me?

Akala ko ba gusto niya ako?

"Eh bakit ka ganiyan?"

"Ayokong pag usapan. Akala ko ba hindi lovelife ang priority mo? Bakit ang dalas mo atang mabanggit 'yon?"

Bakit nga ba?

Mag huhulaan pa ba kami?

Kung hindi niya ako nilayuan o gustong putulin ang ugnayan namin, hindi ko ata maaamin sa sarili kong gusto ko rin siya.

"Hindi ko na pina priority ah?"

"Huwag kang mag bigay ng motibo tapos sa huli mag papakasal ka lang sa iba o di kaya iba ang magiging boyfriend mo, pinapahirapan mo lang ako."

Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"Then ligawan mo 'ko."

Napa hinto siya sa ginagawa niya.

"What?!"

"Ahhh.. right, ayoko palang mag paligaw. Kilalanin mo ako kung interesado ka pa sa'kin."

Tama ba 'tong sinasabi ko?

"Sabi ko tigilan mo 'yang sinasabi mo."

Inis na aniya.

So ayaw niya na sa'kin?

"Ok."

Simpleng sagot ko.

Nawala ang kunot ng noo niya napalitan ng seryosong mukha saka siya nag patuloy sa ginagawa niya.

Mukha ngang may chance na sila no'ng babaeng 'yon o baka naman kasi talaga hindi naman nawala ang pag kagusto niya roon?

Anyway I won't settle for less.

Kung ayaw niya na sa'kin ngayong gusto ko siya edi titigil ako. Hindi ko gustong mahirapan pa siya.

"Baka pumangit ang lasa niyan kapag naka busangot ka?"

Nag aalala ako sa tinapay.

"Tigilan mo na mang asar para hindi maapektuhan ang ginagawa ko."

Ngumiti ako at tumango.

"Oo na, hindi na ako mangaasar."

Hindi naman kasi asar ang ginawa ko.

Haaaaay...

Tiningnan ko ang kamay niya at mukhang pa galing naman na. Naka plastic gloves kasi siya kaya Hindi ko makita kung kumusta ang kamay niya.

"Ihahatid ko ang iba kay Doc, sasama ka ba?"

Sasama ba kami?

"Hindi ko alam."

Hindi ko pa rin gustong makita si Chris dahil sa kabaliwang ginawa niya noon kahit wala naman siyang maalala.

"Hindi ba hinahanap ni Doc si Charrie?"

Nag kibit balikat ako.

Wala akong idea sa tumatakbo sa isip ni Chris ngayon.

"Siguro nag hahanda siyang humarap sa pamilya niya."

"Pamilya niyo."

Pag tatama niya sa'kin.

Inirapan ko lang siya.

"Akala ko isa ka lang simpleng anak ng mag sasaka-"

"Kaya anlakas mong manlait?"

"Sinabi ko nang huwag kang mang asar."

Ahh.. oo nga pala.

Tumango nalang ulit ako habang natatawa.

Pikon siya.

"Nag sorry na rin ako no'n, ang sama kasi ng ugali mo kaya wala na akong maisip na pang asar sa'yo."

See? Pikon nga.

"Ok."

"Nang aasar ka pa rin."

"Ano?"

"Tsk!"

"Umaagree na nga ako sa'yo tapos sa tingin mo pa rin nang aasar ako?"

Kakaiba siya ah?

"Para kasing karamihan sa sinasabi mo hindi totoo."

Ginawa pa akong sinungaling.

"Tama ka, gusto nga kita eh."

Napa hinto siya sa pag mamasa at sinamaan ako ng tingin.

Atleast hindi niya alam kung totoo o hindi ang sinasabi ko kasi para sa kaniya niloloko at inaasar ko lang siya.

"Oo na, titigil na 'ko."

Pag aassure ko sa kaniya saka siya bumalik sa ginagawa niya.

"Anyway, you're more than above average. Pero bata ka pa kaya career muna unahin mo Doc. Acer."

Malakas na kumabog ang puso ko sa tinawag niya sa'kin. Ngayon ko nalang ulit narinig na may tumawag sa'kin ng Doc. Acer.

"Grabe yung talino mo, kaya naman pala tinutulugan mo lang ang mga klase. Ang angas mo nga no'ng sinagot mo 'yong isang subject teacher natin eh, pero hindi ko naman sinasabing ulitin mo 'yon kasi pareho lang kayong may profession, kahit naman siguro ikaw hindi mo magugustuhan kung may gagawa sa'yo no'ng ginawa mo kay Ma'am."

Ang talino ng dila niya.

Nagagawa niyang pumuri at manaway at the same time. Hindi siya nangungunsinti pero hindi niya rin sinasabing mali ang ginawa ko. Nag se set lang siya ng example para ilagay ako sa posisyon ng iba.

"Hindi ko rin naman gusto yung ginawa ko pero yung sitwasyon ang nag udyok sa'kin para gawin 'yon. Unfair kasi."

"You want a fair treatment pero ikaw mismo sa sarili mo hindi rin fair. Natutulog ka lang sa klase at hindi fair 'yon sa'ming nakikinig sa lecture niya at napupuwing na kakatitig sa kaniya."

Napa tulala nalang ako sa kaniya.

Anlakas talaga ng loob niyang pag sabihan ako na hindi nagagawa nila Cedric sa'kin.

"I work smarter and all of you working harder. Hindi naman ako tulog, nakikinig ako habang naka tungo. Kapag nag papa quiz sila nalalaman ko naman diba kasi nga hindi ako tulog."

"Mag aangat ka lang ng ulo kapag quiz na."

"Nag aangat din naman ako kapag may recitation ah?"

Masyado akong kilala ng mga kaklase ko dahil sa ugaling meron ako kaya hindi na ako nag tataka kung bakit alam niya ang mga ginagawa ko sa room.

"Sinasadya mo lang din ba na sumabit ka sa passing score?"

"Ano?"

"I mean yung mga quiz kasi 12/20 which is the passing score at lahat ng passing score 'yon mismo ang score mo."-Liphyo

Wow.. alam niya? Napapansin niya.

"Aanhin ko naman kasi ang pag sobra sa passing score? Ang kailangan lang naman doon ay nasa passing score ka para pumasa ka, mali ba ako?"

Umiling siya at saka nag rolling pin na.

"Hindi pero bakit feeling ko nilalaro mo lang ang pag aaral."

Napasinghal ako ng tawa.

"Paano mo ba nalalaman ang score ko?"

"Kasi inutusan kami no'ng nakaraan tungkol sa pag eencode ng quizzes. Nakita ko yung mga papel mo, 12 numbers lang ang may sagot sa papel mo at ang remaining 8 ay blank pero yung 12 na 'yon lahat naman tama."

Ahh.. sinadya ko 'yon.

Kung sasabihin nga ng teacher na bawal ang walang sagot sa papel baka sulatan ko ng number ang mga blank space doon.

"Ang mahalaga pumasa."

"Nag lalaro ka lang."

"Sa tingin mo?"

Tumingin siya sa'kin at pairap na tumango.

"Walang thrill kapag walang halong laro ang mga ginagawa ko. Mahilig akong mag oppose ng mga policy, pero mga policy lang na hindi ko ikapapahamak to the point na dadamputin ako ng pulis ng bansa."

"Bakit hindi mo nalang tapusin ang fellowship mo kung mag do Doctor ka?"

Hindi naman gano'n kadali 'yon sa sitwasyon ko ngayon. Ibig kong sabihin ay magulo pa ang pamilya ko pati na ang org kaya hindi ako makakakilos nang maayos kung hindi pa maayos ang org. Baka maging isipin ko lang 'yon kapag nag bukas na ako ng tao.

"Hindi pa oras."

Natahimik siya na parang may inaalala.

"Kaya pala."-Pula

"Kaya pala?"

"Sinabi mo na sa'king Doctor ka."-Pula

"Sinabi ko?"

Kelan?

"Oum, no'ng na hospital si Kathy dahil sa appendicitis niya."

Inalala ko 'yon at napatango ako.

Iyon 'yong time na nasa assignment ako para hulihin ang pumatay kay Phalyn Zaylous.

Coincidence lang naman na nakita ko siya doon.

Naka sapak pa ako ng Doctor kasi inuuna pa nila ang meeting nila kesa sa gumamot ng may mga sakit. Iyong Doctor na 'yon ay kasama rin sa organization.

"Oh tapos?"

"Nag rereklamo ako dahil sa hospital tapos hinanap mo lang si Kathy then I told you that I need a Doctor and you said that you're a Doctor."

Kasi Doctor naman talaga ako.

"Kaya pala hindi ka nag deny."-Pula

"Deny?"

"I made fun of you when you told me you're a Doctor, you just asked me if it's not funny then I answered 'Never' kasi hindi naman sumagi sa isip kong may batang Doctor na kagaya mo."

Tumango ako.

Hindi naman kasi ako nag dedeny ng totoo pero nililihis ko 'yon para hindi na pag usapan.

"Hindi maganda ang ugali ko pero hindi ako sinungaling."

"Alam ko."

"Alam mo pero hindi ka naman naniniwala."

Gaya no'ng sinabi ko kanina, I told him I like him but he just made me stop talking about it. As you can see I didn't take back my words nor say I'm kidding, I just bounced in the topic as he wanted.

Gano'n din naman ang ginawa ko no'ng kay Charrie na, I even told them to think what they want to think of me 'cause I really don't care.

"Masyado ka kasing magaling mag tago."

Tumango ako.

Sabagay, tama naman siya.

"Ano pa? May rant ka pa?"

Lahat na ata binalikan niya para sabihin sa'kin.

"Wala na."

Tapos mamaya bibira na naman siya nang may paninisi?

CHELSEA'S POV

"Let's be casual when we are in school. Remember that I'm a Professor and you're a student."

Ayan ang sinabi sa'kin ni Raffy no'ng mag simula siyang pumasok sa school namin. Wala kaming subject na may kaugnay sa kaniya kaya hindi ko rin naman siya makaka usap o makikita dito sa school.

Hindi pa ata siya nag tuturo in classes at more on advising lang ang ginagawa niya or seminar na siya ang emcee.

Nasa iisang school lang naman kami ni Nathalie kaya kapag may free time mag kasama kami.

Sa ngayon kahihiwalay ko lang sa ibang kaibigan ko kasi may klase na sila at ako may 1 hour pa akong vacant.

"Chelsea."

Mabilis akong napa lingon sa pinanggalingan ng boses.

Mabilis na kumabog ang puso ko sa kaba.

"Daniel."

May ngiting bati ko.

"Sa'n ka pupunta?"

"Hindi ko alam eh, may 1 hour pa akong vacant."

After ng break up namin hindi na ulit kami nag usap ng ganito. Ayos lang sa'kin na mag usap kami pero binibigyan ko siya ng time para maka move on.

"Samahan muna kita, wala na rin naman akong klase."

Bigla akong nakaramdam ng pag aalangan. Ok lang kaya 'to? I mean ok lang sa'kin pero sa kaniya ba ayos lang kahit pa siya ang nag yaya?

"Sige, ikaw bahala."

"Sa quadrangle nalang tayo."

Tambayan din 'yon no'ng mga nag papalipas ng oras.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nag kunwari nalang akong nag cecellphone habang nag tatanong sa kaniya kung kumusta naman siya.

Sabi niya ok naman siya at busy pa rin.

Pag upo namin sa ilalim ng puno may sinabi siyang nakakuha talaga ng atensyon ko.

"May nagugustuhan na ako."

Tiningnan ko siya nang may gulat.

Good news 'yon, ibig sabihin lang ay naka move on na siya kahit papaano.

"Oh? Niligawan mo na?"

Umiling siya.

"Walang chance para gawin ko 'yon."

"Paanong walang chance? Torpe ka pa rin?"

Bigla siyang natawa nang mahina at tumanaw sa malayo.

"Hindi sa gano'n pero may mga bagay na komplikadong hindi ko dapat pasukin at ang isipin nga lang 'yon ay kasalanan na."

Napalunok ako.

Seryoso siya sa sinasabi niya.

"Kaya ikaw."

Tumingin siya sa'kin.

"Kung may gusto ka at hindi naman gano'n ka komplikado, huwag mo na itago. Maging proud ka kasi walang sabit ang nagugustuhan mo."

Mukhang may ideya na siya. Possible kayang sinabi ni Tyro ang tungkol sa'min no Raffy o halata talaga kami?

"Hindi rin madali."

"You're both working naman diba? Pareho kayong nasa iisang relasyon kaya dapat mag work kayo pareho para sa gusto niyo. Rafflesia is a very strong and independent woman, huwag mong ikakahiyang nagustuhan mo siya kahit pa sa family mo. Wala namang nag babawal sa organization na gano'n kaya mag out kayo. Alam naman ng mga kaibigan natin ang meron sa inyong dalawa."

Napatungo ako.

"How about our marriage?"

Isa rin 'yon sa iniisip ko.

"Mag hintay ka lang at may milagro ring mangyayari sa organization. Malay mo bukas I ban na ang force marriage sa organization or di kaya mag sabi ka na kina Tita na break na tayo at si Raffy ang gusto mo."

Sana nga gano'n kadali.

Ayoko kasing pag isipan nila ng masama si Raffy, ang alam nila bestfriend ko si Rafflesia.

"Hindi tayo pwedeng umasa sa milagro."

"Feeling ko naiisip na ni Crenz ilaban sa court ang bagay na 'yon."

"Ang?"

"Banning the force marriage for business purposes."

Pakiramdam ko may kuryenteng dumaloy na naman sa sistema ko. Lagi nalang ba kaming sasaluhin ni Crenz? Wala kaming magawang mapapakinabangan niya, palagi nalang kaming pabigat sa kaniya.

"Mahihirapan na naman siya."

May lungkot na bulong ko.

"Doon siya masaya, kapag natutulungan tayo kahit mahirap at nakakapagod sa kaniya. Simula pa noon gano'n na siya."

Kung pwede nga lang gawing topic sa research si Crenz baka ginawa ko na.

"Let's work for it."-Daniel

"Work for what?"

"Let's break the marriage."-Daniel

Hindi ko akalaing sa kaniya mismo manggagaling 'yon.

Nag aalangan akong tumingin sa kaniya.

"What?"-Daniel

"You're really inlove with that girl?"

"Why? Are you jealous?"

Natatawang tanong niya.

Bigla akong natawa.

"Sira, hindi. Far from what I expected."

"Ineexpect mo na I pupursue ko pa yung marriage?"

Nag aalangan akong tumango ako.

"Bago naging tayo kaibigan muna kita at dahil wala na tayo ayoko namang pahirapan ang kaibigan ko. Alam ko naman kung bakit tayo nag break, nag self reflect din naman ako kaya nalaman ko. Sorry sa ginawa ko, sorry talaga."

Na guguilty ako sa sorry niya.

"Sorry because I can't give you what you-"

"It's not supposed to be give too. Tama lang na nakipag break ka kasi naging gago ako."

Alam ko namang mahal niya ako at sa sobrang pag mamahal niya nasakal din ako. Hindi siya seloso or kung ano man, may mga bagay lang siyang gustong makuha na kung hindi ako nakapag isip ng matino ay baka nga naibigay ko na.

"I'm sorry."

May kasalanan din naman ako.

Siguro may nagawa akong bagay na nag bigay sa kaniya ng opportunity na maka gawa ng gano'ng bagay or false hope.

"It took me a month to finally talk to you about us. Sorry natagalan."

Naguguilty talaga ako kapag nag sosorry siya.

Para ring hinahaplos ang puso ko.

"I understand. We can still be friends, right?"

"Of course."-Daniel

That's good. I feel relief.

Tumayo siya kaya napa tayo na rin ako.

"Sa'n ka pupunta?"

Akala ko kasi sasamahan niya ako, may 30 minutes pa ako.

Kinabig niya ako at biglang niyakap.

"D-danny?"

"She's looking here."

Natatawang aniya.

"She? Who?"

"Raffy."

Nanlaki ang mata ko at nanigas sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko tinutunaw niya na ako mula sa malayo.

"Bumitaw ka na, ang hilig mo talagang mang asar."

"Hahaha.. nakalimutan mo ba? Close kami ni Raffy."

Oo alam ko 'yon pero ayaw kong mag away sila nang dahil sa'kin.

"Bitaw na."

Banta ko sa kaniya.

"Thank you for 5 years, Chelsea."

Nanlambot nalang ang katawan ko at namuo ang luha sa mata ko.

Hindi lahat ng tao nakakatanggap ng ganitong closure pero salamat na rin at tinapos niya nang maayos ang sa'ming dalawa.

"Thank you for being understanding boyfriend, Danny. I hope you will find your happiness soon."

Ilang beses akong kumurap para mawala ang pamamasa ng mata ko.

Umalis siya sa pag kakayakap sa'kin at ginulo ng konti ang buhok gaya no'ng ginagawa niya noong mga bata pa kami.

"Huwag mo masyadong pagalitan nang pagalitan si Raffy baka atakihin ng toyo 'yon. Kapag narindi siya at nag walk out na ibig sabihin you've already crossed the line. Huwag mo na papaabutin sa point na gano'n."

Close friend nga sila, may alam siyang importanteng bagay patungkol kay Raffy.

"I'll try, mahirap, magulo at walang kasiguraduhan ang babaeng 'yon kaya hanggang ngayon nangangapa pa ako sa kaniya."

Tumango siya habang may ngiti sa labi niya, ngiting naka accomplish ng something.

"Alis na 'ko. Suyuin mo muna siya bago ka pumasok sa next class mo."

Oh right! Sabi nga pala niyang naka tingin sa'min si Raffy.

"Sige, bye."

Kumaway ako sa kaniya at gano'n din ang ginawa niya habang labas ang biloy niya sa pisngi niya.

Isa 'yon sa dahilan kung bakit tinitilian siya ng ibang mga babae rito. He's a true Prince Charming and the Prince Charming like him is not suitable for the lowclass like me.

Pag layo niya ay hinanap ko kung nasa'n si Raffy at nang mag tama ang mga tingin namin ay agad akong kinabahan sa mata niyang walang emosyon.

Nag iwas na siya ng tingin at nag lakad paalis.

"Hays.."

Hindi ko pa naman siya nakikitang mag selos at mukhang ngayon pa lang.

Nag madali akong nag lakad para abutan siya pero ang bilis niyang mag lakad.

Nasa'n na 'yon?

Iilan ilan nalang din ang nasa labas dahil may mga klase sila.

"Why are you here, Miss?"

Gulat akong napa atras at napa hawak sa dibdib ko dahil sa biglang pag sulpot niya sa likod ko.

Ano na bang lugar 'to?

Tiningnan ko ang paligid at mukhang nasa teritoryo na niya ako.

May sarili siyang room para sa research niya at gumagawa rin siya ng medical book. By next sem baka mag start na rin siyang mag turo sa mga nursing students.

Nakakatakot yung mata niya.

"I think I'm lost."

Nag kunwari akong tumingin sa paligid.

"Tss.."

Tinalikuran niya ako at pumasok sa room niya. Sabi niya sa'kin may ka share siya roon at 'yon at ang kasama niya sa pag gawa ng medical book.

Hindi niya sinara ang pinto na parang sinasabi niyang pumasok ako, at dahil masunurin ako ay pumasok nga ako sa loob no'n.

"Who told you to get inside?"

Pag tataray niya.

"The door is welcoming me."

Simpleng tugon ko at sinara ang pinto na may kasamang sobrang ingat na pag lock no'n para hindi niya marinig.

Tumalikod naman na siya after niya mag tanong.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid.

The room looks relaxing and comfy in the eye of the beholder. Imposibleng siya ang gumawa nito dahil kung siya baka puro dark ang ambiance ng room gaya ng trip ni Crenz.

"Go back to your class, Ms. Niveda."

"Nandito nalang din ako mag papa advise na ako."

Umupo ako sa harap ng table niya habang nakatalikod siya sa'kin at may inaayos na nga papers.

"It's not my time for advising, I'm on my break."

Break ba tawag diyan?

"Then you're supposed to be in canteen or eating right now."

"I don't have any appetite."

Lagi ko nalang ba siya kailangang sabihan na kumain sa tamang oras? Para talaga silang kambal ni Crenz.

"Why? Diba hindi ka rin nag breakfast kanina?"

"We're in school."

Paalala niya sa'kin.

Parang may inis na gustong sumabog sa loob ko.

Hindi niya rin ako hinaharap.

"Rafflesia -"

"Ms. Fistorn."

Pag tatama na naman niya sa'kin.

"Damn! What's wrong with you?!"

Kahit sino naman siguro sasabog sa ginagawa niya.

"Get out of here if you're just going to shout."

Seryosong aniya nang tumingin na siya sa'kin.

"You're being sarcastic."

Gigil na ani ko.

Inis na umupo siya sa swivel chair niya.

"ANO BANG PROBLEMA MO-"

"ANO BANG PINAG USAPAN NIYO?!"-Raffy

Natunaw nang paunti unti ang inis kong bumabalot sa'kin kanina.

"Wala."

Deny ko. Nag pigil akong mapa ngiti.

"Leave."

Matigas na aniya.

"I won't."

Umikot ako sa kinauupuan niya at hinarap ang swivel chair niya sa'kin at tinukod doon.

"You can tell me if you're jealo-"

"I. AM. NOT."

Lalo lang lumawak ang ngiti ko.

Lalapit na sana ako sa kaniya para halikan siya nang biglang may mag salita sa labas.

Nanlaki ang mata ko.

Bigla niya akong hinila at pinatago sa ilalim ng mesa niya.

*POK*

Awww!

Bumukas ang nilock kong pinto.

"Mr. Reymundo."

Bati ni Raffy.

Napa kamot naman ako sa ulo ko kasi tumama iyon sa mesa nang hilain niya ako.

"Ms. Fistorn, akala ko lunch break mo?"

"Tatapusin ko po muna 'tong papers bago kumain."

Narinig ko ang pag punta niya sa kabilang desk at tumunog ang ilang mga papel.

"Huwag mong gutumin ang sarili mo, kumain ka na agad."

Paalala no'ng matandang lalaki kaya napa tango tango ako.

"Sa'n niyo dadalhin 'yang mga paper, Sir?"

"May urgent meeting kami kaya binalikan ko 'tong mga 'to. Akala ko nasa labas ka kaya binuksan ko na ang pinto."

"Nilock ko po ba?"

Tanong ni Raffy saka ako saglit na tiningnan ng masamang tingin.

"Oo, kaya akala ko nasa labas ka pa. Maiwan na kita, isasara ko na rin 'tong pinto tutal hindi mo pa time para mag entertain ng students."

Nag lakad na palabas ang lalaki.

"Sige, Sir. Ingat po sa byahe."

Narinig ko nalang ang pag lock ng pinto at pag sara no'n.

Parang pagod na pagod siyang napasandal sa swivel chair habang ako ay lumuhod lang sa harap niya.

"It's thrilling right?"

Nang aasar na tanong ko.

"This is the reason why I told you to be casual when we're on school."

I poke her tummy and gentle stroking it.

"I'm being casual but you're so jealous -"

"Stop it."

Inis na puna niya sa pag lalaro ng daliri ko.

Natawa ako nang mahina at saka tumayo at hinalikan siya.

"Chel-"

I shut her mouth again.

Pwede siyang mag tanong ng maayos, pwede siyang maging mahinahon kung nag seselos siya kaya hindi dapat lahat idadaan niya sa init ng ulo niya.

I unbuttoned her long sleeves and gentle put it aside as I slowly kissing her jaw down to her neck.

"Babe..."

She moaned

Mas lalo lang akong ginaganahan sa tinawag niya sa'kin.

I suck her shoulder and gave her a mark.

As I finish my mission I arrange her buttons while smirking.

"Chelsea."

Seryosong aniya.

"Hmm?"

Nakangiting tanong ko habang nakatingin sa ginagawa ko.

"Be my lunch."-Raffy

The smirk on my lips slowly fades away.

CRENZ'S POV

"Buhay pa ba 'to?"

Dinig kong tanong ni Sandra habang naka tayo sa gilid ko.

Natutulog kasi ako sa desk ko.

"Humihinga pa naman siya, buhay pa 'yan."-Hans

Nag angat ako ng ulo at saka tumingin sa kanila.

Tingin na inaantok.

Nakausap ko na si Sandra at sinabi ko naman sa kaniya na walang mag babago sa'min since ako pa rin naman si Crenz Yara pero hindi na ako mag rerenew ng contract.

"Anong oras na ba?"

Tanong ko sa kanilang apat na nasa magkabilaang gilid ko.

Arya, Hans, Sandra at Jigs

"Master, lunch na kaya. Tulog ka nang tulog."-Jigs

"Heeeey! Wazzup!"

Napadako ang tingin naming lahat sa pumasok sa room.

Si Migs 'yon kasama si Cess at Nemi na nag kukwentuhan.

"Kumusta kayo!"

Bati niya sa mga kaklase namin.

Mas close pa ata niya ang mga kaklase namin kesa sa'ming mga nandito sa room na 'to.

"Manahimik ka nga."-Cess

Ahh.. oo nga pala, kailangan ko ng balita kay Dada.

"Anong balita sa probinsya? Kumusta sila?"

Tanong ko kay Cess na parang walang tao sa paligid namin.

"Si Tita ok lang naman at sila Tito naman nakipag usap na kila Mr. Tan atsaka-"

Napatahimik siya nang mapag tanto niyang naka tingin sa kaniya ang lahat.

"Bakit pala ako ang tinatanong mo?"

Iwas niya ng tingin sa'kin.

Ngayon ko lang din naramdamang ma ha hot seat siya.

"Uhmm.. hindi ba kita sinabihang alamin 'yon?"

Napatulala ako na kunwaring nag iisip habang napapahimas sa gilid ng pisngi ko gamit ang hintuturo ko.

"Pfft.."-Hans

"A-ahh- oo- ok naman sila. This month na ang swimming competition ni Darrin."

Oo nga pala, hindi ko namalayang December na.

"Pang ilang week?"-Migs

"Saan ba gaganapin?"-Nemi

"Baguio, 2nd week."-Cess

"Oh? Malapit nalang 'yon, punta tayo?"-Jigs

"Bakit hindi?"-Nemi

Napaka gala nitong mga 'to.

Tumayo na ako at nag simulang mag lakad palabas. Nakasabayan ko pang mag lakad palabas si Pula pero parang hindi niya ako napansin at dire diretso lang habang busy sa tinitingnan niyang papers.

"Master, sa'n ka punta?"-Migs

Hinabol nila ako.

"Nasa'n si Jm?"

Mag end na ang contract namin last week pero syempre mag kakasama pa rin kami. Hindi madaling baguhin ang nakasanayan naming pag tulong kay Sandra at pag protekta sa kaniya pero may iilang nag bago pa rin. Lumayo sa'min si Jonmar, tinapos niya lang ang contract at hindi na siya madalas sumama sa'min.

Gusto ko siyang pagalitan sa ginagawa niyang pag layo sa'min pero may rights siya para gawin ang gusto niya tutal natapos naman niya nang maayos ang mission niya bilang bodyguard ni Sandra.

"May gagawin daw siya."-Migs

"Lagi naman siyang may gagawin."-Hans

Maging si Hans ay naiinis na rin sa ginagawa ni Jm.

Alam ko naman kung bakit siya lumalayo, dahil nalaman naming anak siya sa labas ng Ama niya.

Kung hindi ko lang siya masasaktan kung paparusahan ko ang Papa niya baka nga tinuloy ko ang nasa isip ko.

Problema rin 'yong assignment namin nila Cess at Nemi na si Yen. Kilala ko si Yen dahil minsan na siyang nakapunta sa bahay at medyo close sila ni Cresia, hindi niya ako ni minsan nakita dahil nga hindi ako pwedeng mag pakita in public. Masyadong maraming mag tatangkang dukutin ako noon kaya sila Mr. Acer (Lolo) at Mrs. Acer (Lola) pinasok ako sa mahirap na training na sobrang hirap pa sa training na ginagawa nila Tyro. Minsan ang kasalanan nila Tyro ay binibigay sa'kin nang hindi nila nalalaman kaya ako ang pinaka nag hirap lalo.

Buti na nga lang at hindi ako nagkaroon ng split personality no'ng tinapon ako sa kasukalan nila Mr. Acer. Halos tatlong gabi at araw din ako doon.

Pinaka bilin sa'kin ay kailangang buhay pa ako pag tapos ng tatlong araw.

Bata palang ako tinuturuan na akong mag paliyab nila Mr. Tan ng apoy gamit ang kiniskis na kawayan. Noong first time ko roon nasa isang puno lang ako at mangga ang kinakain ko tapos umiinom ako ng tubig sa kung sa'n sa'n, naka survive naman.

Pero hindi rin ako satisfied no'n kaya bago nila ulit ako sipain at iwan sa kasukalan, sinigurado ko nang may alam ako kung paano makaka survive roon.

"Anong pinag kakaabalahan ni Pula?"

Tanong ko kay Hans

Simula no'ng kumain kami ni Charrie sa bahay nila hindi ko na naman ulit siya naka usap.

Sobrang busy naman ata niya?

Akala ko ba ok na kami?

Dati madalas niya pa akong buntutan pero ngayon napaka layo niya lagi.

Nag kakasama naman kami minsan sa community service namin pero ang layo niya or di kaya naka earphones naman kapag malapit sa'min.

"Hindi ko alam, pero nag offer ang swimming team sa kaniya na sumali siya, I'm not sure if he accepted it."

Mukhang hindi niya tatanggapin 'yon dahil kay Yohan. Malapit na siyang irehistro at kailangan na ng Ama sa kaniya.

Nakaka stress sila.

Nag simula na akong maglakad.

Lunch time kaya sa canteen kami.

"Si ate Vanessa."

Bulong sa'kin ni Hans

"Anong meron?"

"Let's ask her to talk about her cousin."-Hans

"Allen?"

"Oum.. mukha namang mapapaliwanagan niya ang pinsan niya sa nga possible na mangyari sa mag ina."

Napaisip ako kasi possible nga 'yon.

"Pupuntahan ko siya."

Ngayong week naka taya ang kalayaan ni Pula.

Lahat na ng possible solution susubukan ko. Kung pwedeng may pakiusapan ako na umako sa responsibility ni Allen Attienza baka gawin ko na rin basta huwag lang si Pula.

"Sure ka?"

"Mukha pa ba akong mag dadalawang isip?"

"Eh baka mailang sa'yo si ate Vanessa?"

"Pake ko? Labas ako away nila ni Cedric."

Hindi ko alam ang reaction niya pero mukhang napapa iling na siya sa'kin.

"Nakakaramdam ka pa ba ng hiya?"

Oo naman.

"Minsan."

Ahh.. oo nga pala, may naiwan ako sa locker area.

"Una na kayo-"

"Sama-"-Hans

"Balibag?"

Bahagya siyang napa atras.

"Sunod ka agad sa canteen ah."

Mukha pa ba akong bata?

Nag madali akong nag lakad papunta sa locker area.

Pansin kong pinag titinginan nila ako.

May dumi ba ako sa mukha?

O baka sa suot kong itim?

"May butas ba?"

Tiningnan ko ang damit ko. Wala namang butas ah.

Napailing nalang ako habang nag papatuloy sa pag lalakad.

Pag dating ko sa locker area medyo kinabahan pa ako kasi nandoon si Pula at seryosong nag hahalungkat sa locker niya.

Ilang linggo ko na rin hindi nakikita ang librong babahasin ko palang at nilagay ko lang 'yon sa locker ko.

Tumingin siya sa'kin pero hindi ko siya tiningnan at nag patuloy lang sa pag bubukas ng locker ko.

*Falling cards*

Pag bukas ko no'n ay bigla nalang may nahulog na mga papel, cards or envelope. Sobrang dami.

Naestatwa ako habang tinitingnan ang locker ko na marami pa ring papel at saka dahan dahang tumingin sa baba kung saan nahulog ang ibang mga papel.

Napansin ko pang nagulat din si Pula sa mga nahulog na papel.

"Basurahan ba 'tong locker ko?"

Bulong ko sa sarili ko at saka kinuha ang libro ko sa ilalim no'ng mga cards.

So anong gagawin ko sa sandamakmak na papel nandito?

"Love letter ata 'yang mga 'yan."-Pula

"Love letter? Baka death threats."

Halos mapuno ng mga papel na 'yon ang locker ko.

Sinipa ko ang ibang papel na nasa paahan ko kasi naiinis ako. Sobrang kalat.

"Tsk! Hindi ka man lang marunong umappreciate ng effort ng iba?"

Gusto ba niyang sipain ko siya?

"Kailangan ba laging may kapalit? Hindi ko hiningi sa kanila kaya huwag silang umasa ng kapalit."

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Ang sama talaga ng ugali mo."

Paulit ulit? Sinabi ko naman nang alam kong masama ang ugali ko.

Napa dako ang tingin niya sa envelopes na nasa sahig at halos baliktarin pa ang leeg niya para tingnan 'yon.

"Artista 'to ah?"

Dinampot niya ang isang papel.

"Ito pa, tapos itong isa famous vlogger- sigurado kang hindi mo titingnan ang sinulat nila?"

Pake ko sa mga 'yan? Di ko naman kilala 'yang mga 'yan.

"Kung interesado ka sa kanila edi ikaw nalang mag basa."

Lahat ng letter sa locker ko ay hinulog ko lahat sa lapag. May mangilan ngilang tumitingin sa gawi namin dahil sa ginawa ko.

"U-uy-R-raya-"

"Pam pasikip."

Pag tapos kong ilabas ang lahat nang 'yon ay nilock ko ang locker ko.

Bahala na sila kung sino ang kukuha niyang mga basurang 'yan, hindi basurahan ang locker ko.

Walang kwenta ko siyang tiningnan.

"Wala akong pake kung kanino 'yan. Basahin mo kung trip mo."

Lumabas na ako ng locker area at nag tungo sa canteen.

Pinag titinginan na naman ako ng mga tao.

"Crenz! Dali dito."-Nemi

Tumabi na ako sa kanila.

Agad nilang pinakita sa'kin ang video ko nakaka upload lang sa social media. About 'yon sa nangyari sa locker area.

"Wow.. gano'n karami admirers mo?"-Sandra

Hindi ko sila pinansin at tumingin lang sa pagkain inorder sa'kin ni Hans.

"Nag kalat ka sa hallway."-Cess

"Wala akong pake. Hindi naman basurahan ang locker ko."

Simpleng tugon ko.

Tinawanan nila ako at sinabihang I'm so hopeless.

"Hindi naman tatanda mag isa 'yang si Crenz, hayaan niyo na. Maraming nag aabang sa kaniya."-Hans

Sige pag chismisan niyo lang ako kahit kaharap niyo 'ko.

"Isa ka na sa naka pila, 'no?"-Sandra

"Issue ka na naman."-Hans

"Ako, isa ako sa nag hihintay kay Master."-Jigs

"Tumigil ka, gusto pa kitang makita tumanda."-Migs

"HAHAHAHAHA..."-Sila

Walang kwenta ko silang tiningnan.

"Unahin kaya kitang burahin sa mundo?"

Maangas na tanong ko kay Migs.

"Hehe.. joke lang.. di ka na mabiro."

Pairap lang na inalis ko ang tingin ko sa kaniya.

"Hans, favour."

Hindi ko siya tinapunan ng tingin habang nag sasalita ako.

"Wow- oh- I mean, ano 'yon?"-Hans

Excited siya? Para siyang tanga.

"Linisin mo 'yong mga papel na nandoon."

"Di na kailangan. Nililinis na ni Liphyo."-Cess

Ha?!

Naka tingin si Cess sa cellphone niya nang may pinapanood saka niya hinarap sa'kin ang phone niya.

He's collecting the papers and putting it on the plastic that I think he borrowed from the cleaning staffs.

"Kilos na Zimmer."

Untag ko sa kaniya.

"Let him finish his food first."-Arya

Oh shoot! He's still eating.

"Forget about that."

Simpleng tugon ko.

"Forget about what?"-Sandra

"Food?"-Nemi

"Or the cleaning?"-Arya

Masyado silang concern sa tukmol na 'to.

"Eat, hayaan mo siyang mag linis."

Kumuha ako ng pagkain sa kutsara ko at akto na sanang susubo nang may lumapit sa'min.

"Excuse me."

Lahat sila naka tingin sa lalaking nasa gilid ko at naririnig ko na rin ang bulung bulungan ng mga tao sa paligid.

I didn't bother to look and just continue eating.

"Kyle."-Nemi

Kinikilig sila ni Sandra habang si Cess ay nag aayos lang ng salamin niya.

"Oy, artista. Anong ginagawa mo rito sa table namin?"-Jigs

Sino na namang artista.

Bahagya akong tumingala para makita 'yon.

He's holding a bouquet.

Mukhang kinakabahan pa siya.

Napatingin ako sa paligid at halos lahat sila naka tingin sa'min na parang kinikilig pa.

"This is for you."

Kumabog ang dibdib ko pero hindi ko pinahalata. Ayoko ng ganito, dahil ayoko rin namang may ipahiya sa harap ng maraming tao. Artista siya at ang rejection ko ngayon ang mag papahinga sa kaniya kahit pa hindi ko siya kilala.

Tumingin ako kay Hans at sinenyasan ko siyang kunin niya ang flowers.

"Akina pre, ako na mag hahawak. Kumakain si Crenz eh."

Nang kunin ni Hans ang bulaklak ay nag tilian ang mga taong nakaka kita.

"Iba ka talaga, Master!"

Pang aasar pa ng kambal.

"Pwede ba kitang yayain mag dinner mamaya?"

Lakas naman ng loob niya. Saan niya nakuha 'yan? Di ba siya aware na demonyo ang niyayaya niya?

Nag labas ako ng card.

"Text me in this number, I'll give you my answer there."

Mabilis niya 'yon tinanggap at hindi maipinta ang ngiti niya.

Atleast I didn't reject him in public.

"Kumain ka na rin."

'Para matauhan ka.'

Dagdag ko sa isip ko habang nag papatuloy sa pagkain.

"I'll contact you in this number, ok?"

Tumango lang ako.

Malaki ang ngiting umalis siya sa table namin.

"What was that? Did you just gave him a chance?"-Sandra

"No."-Hans

"Eh ano 'yon?"-Nemi

"Hindi niya lang nireject si boy sa harap ng maraming tao."-Arya

Napatingin ako kay Arya.

Kilala niya talaga ako kahit pa galit siya sa'kin.

"Wow, nakokonsensya pala ang anak ni Lucifer."-Migs

Siraulo talaga 'tong tukmol na 'to!

"Pag nawalan ako ng konsensya baka una kitang binaon sa lupa."

Tinawanan nila ako at saka sila napa hinto sa pag tawa at tumingin sa likod ko.

Tumingin din ako sa likod ko.

Nakita ko si Pulang naka kunot ang noo at binagsak sa gilid ko ang plastic na may lamang papel.

"Sa susunod huwag kang mag kakalat sa hallway. Matuto kang umappreciate ng effort ng iba at huwag kang maging pabigat sa iba."

Umalis siya at pumunta sa table ng mga tropa niya.

"He's mad."-Nemi

"Baka nag seselos?"-Jigs

"Ang hilig niyong mag lagay ng malalim na dahilan sa mga bagay bagay. Hindi ba pwedeng nahiya siyang dumampot ng mga cards kanina at nag sayang talaga siya ng oras?"-Cess

Wala naman akong sinabing damputin niya. Dapat hindi siya nag kusang pulutin 'yon kung magiging ganiyan siya.

Baliw na nga talaga siya.