54

Pinatay ko ang makina ng motor ko at humarap sa isang palapag na bahay. Simple lang ang itsura at may mini garden sa harap ng bahay.

6 years na no'ng huli akong naka punta sa bahay na 'to. Hindi nga rin ako sigurado kung nasa loob ang pakay ko.

*Beep beep*

Mabilis akong gumilid nang may bumusinang kotse.

Pinatay ng taong 'yon ang kotse niya at lumabas doon.

It's Vanessa.

"What are you doing here?"

Alam ko namang matagal na niyang alam na naka balik na ako kahit hindi pa ako bumalik bilang Ashariya.

"To ask a favour."

"Ayoko."

Nilampasan niya ako at binuksan ang gate niya.

Teka? Walang guard na nag babantay sa kaniya? Nasa'n pala si Vandro? Nakay Cedric ba?

Kinuha ko ang helmet ko at pumasok din sa loob ng gate.

"Huwag ka na sumunod-"

"Nakita mo 'ko 'diba?"

Bago siya maka pasok sa bahay niya humarap siya sa'kin nang may gulat.

"H-hindi-"

"Thanks for not spitting it out."

Ngisi ko sa kaniya.

Kinuha ko ang susi niya at ako na ang nag bukas ng pinto.

She's 7 years older than me.

"Pasok ka."

Nang aasar na yaya ko sa kaniya nang may seryosong tono.

"Mahiya ka naman."

Pfft! Para siyang si Pula in a nice way. Kung si Pula kasi sasabihan agad ako no'n nang makapal ang mukha ko.

"Mukha pa bang may hiya pa ako sa katawan?"

"We're not close."

Irap niya sa'kin.

Napangisi nalang ako.

Mas close sila ni Crescia pero dahil buntot ako ni Crescia ay nakikilala ko rin ang mga kaibigan niya at medyo kabaliktaran ko ng ugali ang kambal ko pero pag dating sa kalokohan para kaming iisa.

"Of course we are. Galit ka lang naman sa'kin dahil sinabi ko kay Cedric na tatakas ka bago ka manganak."

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Nag tiwala ako sa'yo na wala kang pag sasabihan. Tinago ko rin ang katotohanang nagising ka na after your coma. Paano mo 'ko nagawang isumbong."

Inis na aniya.

"I might be not in the legal age but I'm looking for the future in a matured way. Sobrang delikado sa'yong mag travel pa at takasan sila gayong manganganak ka na. Cedric might be a busy and serious person but deep inside him he was thinking about your both betterment."

Halos lahat naman ata ayaw nilang ma involve sa organization ang anak nila kaya gusto ni Vanessa na lumayo at sa ibang lugar manganak at hindi na bumalik sa organization.

Ayokong mamatay sila dahil walang nakakatakas sa organization lalo pa't ang dala dala niyang bata ay isa sa pinaka iniingatan ng organization dahil isa 'yon Acer.

"Kung hindi ka nag sumbong-"

"Kung hindi ako nag sumbong baka pinatay ka na nila sa pag tatakas sa isang importanteng tao. Alam mo namang wala silang sasantuhin and they just thinked of you as a heir producer. Ginawa ko 'yon dahil gusto pa kitang makita pag balik ko."

Bago ako tumakas dala si Charrie inayos ko muna ang posibleng gusot na maaring ikapahamak ng mga taong naka paligid at importante sa'kin.

"Sooner or later they will going to make my son miserable the way they make your life miserable too. Alam mong ayokong danasin ng anak ko 'yon."

Sinong Ina ba ang gusto?

"Wala tayong choice dahil pinanganak tayo sa loob ng organization. Mag handa ka nalang o turuan mo nang mas maaga si Vandro. Walang magagawa 'yang pag aalala mo, mas lalo lang mahihirapan si Vandro sa ginagawa mo."

Inis na tinalikuran niya ako at nag tungo sa kusina niya, syempre sinundan ko siya.

"Alam mo naman siguro 'yong nangyari kay Yen Francisco diba?"

Hindi na ako nag aksaya ng panahon.

"Yen Francisco?"

Hindi niya kilala? Nag usap na sila dati kasama si Crescia.

"Yung babaeng bumibisita dati sa bahay na kaibigan ni Cresia."

Binuksan niya ang ref niya pero natigilan siya.

"What happened to her? Tinakwil siya ng magulang niya 5 years ago dahil hinayaan daw niyang mapahamak si Crescia dahilan para mahospital hanggang ngayon si Crescia."

Tinakwil?

Ang kakapal talaga ng mukha.

Nang gigigil talaga ako sa mga gano'ng magulang. Ang kapal talaga! Naiinis na naman ako.

"Wala naman si Yen no'ng na aksidente kami."

"Iyan nga mismo ang dahilan. Nasa'n daw siya no'ng mga panahong 'yon."

Napa kuyom ako ng kamao.

Mukhang nakita niya 'yon kaya nag offer nalang siya ng tubig sa'kin.

"Paparusahan ko ang magulang niya. Huwag mong tangkaing pigilan ako."

Inis na tingin ko sa kaniya pero nginitian niya lang ako.

"Kahit samahan pa kita."

Pag inom ko ng tubig medyo lumamig naman ang ulo ko pero naiinis pa rin ako.

"Yung pinsan mo."

Panimula ko.

"Who? Liphyo?"

Bakit siya agad ang naisip niya.

"Bakit siya agad naisip mo?"

"Kasi close kayo. What about him?"

Umiling ako.

"It's Allen Attienza. He raped Yen Francisco and now the baby was born-"

"RAPED?! BABY?! WAIT!"

Nag takip ako ng tenga, ang lakas ng boses niya. Nakakabasag eardrums.

"Oo nga. This week na ang registration ng bata at hindi gusto ni Allen panagutan ang ginawa niya."

"Is that the reason why Tita and Tito Ben separated?"

Tumango ako.

"Bwiset."-Vanessa

"Can you talk to him? Handa si Liphyo mag pakasal kay Yen kung hindi pananagutan ni Allen si Yen."

Umupo siya sa upuan at napa hilot sa noo niya habang nag iisip.

"So wala na si Allen at Katherine?"

Nag iinit talaga ang buong kalamnan ko kapag naririnig ko ang pangalan ng bruhang 'yon.

"Hindi ko alam kung pumirma na ang pinsan mo pero may paper na for divorce."

"Divorce? Walang divorce rito sa bansa."

Takang aniya.

"Sa ibang bansa naka rehistro."

Pakiramdam ko nga humahanap lang ng timing 'yong babaeng 'yon para si Liphyo naman ang mahulog sa kaniya at kapag nangyari 'yon ay madali nalang ang divorce nilang mag asawa.

Pero sana hindi gano'n.

"Ayoko talaga sa babaeng 'yon."

Inis na singhal ni Vanessa

"Same." Simpleng tugon ko.

"Kasi nag seselos ka?"-Vanessa

"Oo."

Gulat siyang napanganga habang nakatingin sa'kin.

Napa kamot ako sa ulo ko.

"May sinabi ba ako? Parang wala naman."

Nag kunwari akong tumingin sa ibang bagay para lang maiwasan ang mata niya.

Tama nga si Hans, walang preno ang bibig ko.

"You like Jhonzel?"

Bulong niya.

"Kelan ka pa naging chismosa?"

Irap ko sa kaniya.

Akala ko galit siya tapos ngayon gusto na niya ng chismis.

"Wow.. I mean you finally -"

"That's not the reason why I am here."

Umupo na rin ako sa harap niya.

"But he's partially the reason."

Oo na!

"Hindi ako pwedeng mangumbinsi sa kaniya kasi baka masaktan ko ang pinsan mo. Kung ayaw mo siyang mamatay baka pwede mong pakiusapan dahil hindi ako papayag na si Liphyo ang ikasal kay Yen. May apat na araw nalang bago ang registration."

"Ang galing mo talaga humingi ng pakiusap 'no, may banta pa."-Vanessa

Eh gano'n eh.

Wala akong magagawa ro'n.

"Would you help me? Again?"

Tumayo siya at bumalik sa ref saka nag labas ng isang ice cream container.

"Eat."

Nag bigay din siya ng kutsara.

"I'll take that as yes."

Ngiti ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako.

LIPHYO'S POV

"Hindi mo naman kailangang gawin 'to."

Naiiyak na si ate Yen habang kausap ako.

Wala si Doc dito sa bahay. Madalas ko na rin hindi naaabutan si Doc dito.

"It's fine with me-"

"Taking this responsibility means losing your dreams and giving up on your studies, you will start finding job and it will took 10 years to finally separate with you."

Pinag isipan ko na rin naman 'yon.

"Ako na ang bahala, basta buhay kayo ni Yohan. Don't cry, I don't want to stress you out."

Kahit galit ako sa ginawa ng kuya ko ay ayoko pa ring mapahamak siya at mawala sa'min dahil sa pag gawa niya ng batang wala sa plano niya.

"Hindi gano'n kadali 'yon. The banned marriage to new generation wasn't lifted yet."

Dumating na si Raya kaya paniguradong pwede na mag pakasal.

"Dumating na si Ashariya-"

"I know, but still it wasn't officially announced."

Naiintindihan ko.

*Beep beep/Ting*

Parehong tumunog ang phone namin.

Pag bukas ko ng message ay bigla nalang akong napangiti.

From organization, hindi na naka ban ang marriage.

New generation can marry anytime.

"They favouring us."

Pakita ko sa kaniya.

Nag aalangan pa rin siya. Alam kong tutol siya dahil concern siya sa'kin pero hindi ko rin kasi maaatim na masaktan si Yohan o kaya siya, hindi ko kaya. Naging mahalaga na sila sa'kin.

"Mag pakasal na tayo-"

"Liphyo! Pakinggan mo nga muna ang sarili mo. Hindi pa nga alam ng Mama ang gusto mong pasukin."

Nag halo halo ang emosyon ko.

Gusto nila Mama na makatapos na ako ng highschool dahil sobrang late na ako tapos ngayon mapapahinto pa ako sa pag aaral at ang bumalik sa pag aaral ay walang kasiguraduhan.

"May iba ka pa bang naiisip na paraan?"

Nag hahamong tanong ko sa kaniya.

Hindi niya pa kayang mag trabaho pero ako kahit papaano ay masusuportahan ko sila.

Natahimik lang siya sa tanong ko.

"Huwag na ako ang problemahin mo. Isipin mo si Yohan. Masusuportahan ko kayo kahit papaano. Buhay na ang usapan dito."

"19 ka pa lang Liphyo-"

"BASTA!"

Gusto kong umagree nalang siya.

Mahirap para sa'min pareho pero pwede naman naming pag tulungan.

Nangingilid ang luha niyang tumingin sa'kin.

"Ako na ang bahalang mag handa sa mga kakailanganin natin sa kasal. Civil Marriage ang gagawin natin. Mag papasa na tayo ng requirements at mag pakasal tayo ASAP."

Para akong dinudurog sa loob loob ko dahil sa mga sinasabi ko pero hindi ko pwedeng ipakita sa kaniya dahil ayokong mas lalo siyang pang hinaan ng loob.

Hindi siya dapat ma stress pero heto ako pinag iisip siya ng sobra sobra.

"I-ihahanda ko."-Yen

Mag dodrop out na rin ako bukas sa school.

Si Mama ang pinaka iniisip ko ngayon, si Allen, mas lalo lang ata akong nainis sa kaniya dahil irresponsible siya.

HANDRIKO'S POV

Tumayo ako sa upuan ko habang nakatingin sa paper ko at nag lakad papunta kay Crenz na ngayon ay naka halukipkip at naka tingin sa kung saan.

"Yara, patulong nga ulit dito. Paano ko ulit 'to i sosolve?"

Tanong ko habang nahihirapang nakatingin sa paper ko. Madali naman akong maka pick up pero dipende pa rin kasi kung paano mag turo ang teacher. Yung teacher kasi namin parang ang daming paligoy ligoy.

Hindi nag salita si Crenz kaya bumaba ang tingin ko sa kaniya.

She's looking at the empty seat of Liphyo.

Kahapon pa siya hindi pumapasok.

Tulala na rin madalas si Crenz.

Napa buntong hininga ako at umupo sa harap ng desk niya.

"Bukas na mag papa register si baby Yohan."

Tumingin siya sa'kin with her expression less look.

"Alam ko."

Bakit nakakaramdam na naman ako ng awa sa kaniya?

"Balita ko rin nag drop out na siya."

"Pumunta ka ba rito para mang inis?"

Hindi ah, under ko na si Liphyo at sinasabi ko lang sa kaniya ang mga nalalaman ko tungkol sa alaga ko.

"Hindi ah."

"Anong oras na?"

Tumingin ako sa relo ko

"12:32 pm"

Bigla siyang tumayo.

"U-uy teka, sa'n ka pupunta?"

Sinundan ko siya hanggang sa labas ng room.

"Sa'n punta niyo?"-Cess

Oh! Buti nandito siya!

"Hindi ko alam dito, bigla nalang umaalis eh."

Turo ko kay Crenz

"Crenz-"

"Call Raffy, sabihin mo kailangan ko siya ngayon."

Ano 'to, emergency?

Bihira niyang ipatawag si Raffy lalo na ngayong nag tatrabaho si Raffy.

"Hello! Bakit nag mamadali kayo? Sa'n kayo pupunta?"-Migs

"Mag ca cutting class ako, sasama kayo?"

Seryosong tanong ni Crenz.

"Sure!"-Migs

"Pwede."-Cess

Ano bang nasa isip niya?

Tinawagan ko si Raffy at mabilis naman siyang sumagot.

"Crenz need you now daw."

"Ahhh.. ok ok.. papunta na 'ko."

Alam niya ang gagawin? Bakit hindi ko man lang alam!

Binaba niya na ang tawag at nag lakad kami hanggang parking lot.

"Crenz, anong gagawin natin?"

"I need your car."-Crenz

Masyado siyang seryoso at siguro kapag hindi ko siya pinag bigyan ay masasaktan niya ako nang pisikal.

Inabot ko sa kaniya ang susi.

Pumasok kami sa kotse ko.

"This is gonna be fun!"-Migs

"Shut up."-Cess

Dalawa silang nasa back seat habang ako ay nasa passenger seat.

Nag seatbelt kaming lahat.

"We have no gate pass, it's not time yet for dismissal."

Hindi niya ako pinakinggan at nag maneho lang siya papunta sa gate.

Sana lang hindi niya ibunggo ang kotse ko. Kakaiba pa naman ang toyo niya.

Huminto naman siya sa gate nang harangin kami.

Binaba niya ang bintana at may pinakita siya sa guard.

"May pinapabili sa'min."

Sabi niya habang tinitingnan ng guard ang ID.

Kinakabahan ako, lalo pa no'ng sinilip kami sa loob.

"Good afternoon, Sir."-Migs

Tiningnan niya si Migs at saka umayos ang tayo muli.

"Ok. Mag iingat ka sa pag dadrive."

Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ni Manong at naka hinga lang ako nang maluwag nang itaas na muli ni Crenz ang bintana.

Hinagis niya sa harap ang ID na pinakita niya.

"Sabi ko na, thrilling 'to."

Kinuha ko 'yon at tiningnan.

"Crenz!"

Hindi niya ako kinibo at nag patuloy lang sa pag mamaneho.

"Bakit?"-Cess

Pinakita ko sa kanila ang ID.

"Ohshiii- ang galing mo Master! Paano mo nakuha 'yan?"-Migs

Tanging ngisi lang ang nakita ko kay Cess.

"ID 'to ng guidance counselor. Paano mo 'to nakuha?"

Mabuti na nga lang at hindi ID ng principal eh, nag papasalamat pa ako ng konti.

"I snatched it."-Crenz

Simpleng tugon niya na ang mata at nasa daan pa rin.

Baliw na nga talaga siya.

"Nasa'n na si Raffy? Sabihin mo kapag dumating ako nang wala pa siya, ako mismo ang mag lilibing sa kaniya."

Nakakatakot ang tono niya.

Ano ba kasing nangyayari?

"O-oo eto na."

Tinext ko nalang si Raffy.

Natatakot na akong mag salita dahil nakikita ko sa kay Crenz ay ang nag iigting niyang panga at ang diin ng pagka hawak niya sa manubela.

"Nasa'n na?"

Mahinahong tanong niya pero halata ang diin at inis.

"Sinusundo na raw niya."

'Yon lang ang sinabi ni Raffy.

Sino ang susunduin no'n?

"Sa'n ba kasi tayo pupunta?"

Hindi ko na talaga matagalan.

"Puputol ng kalayaan ng iba."

Ha?! May ipapakulong kami?

"Maging specific ka naman."

"Ang dami mong daldal, manahimik ka nalang pwede? Nag sisisi na tuloy akong sinama kita."

Singhal niya sa'kin.

Eh kasi worried talaga ako sa ginagawa namin.

"Malapit na ba?"

*Beep beep!*

"Lintek! Nag traffic pa!"

Hinampas niya ang manubela kaya bahagya akong napa sandal sa bintana.

Ayoko na mag salita pa. Malapit siya sa'kin kaya madali niya lang mapupulupot ang leeg ko ng mga kamay niya.

"Nasa'n na siya?"-Crenz

Nangangatog na tiningnan ko ang phone ko at nahulog pa sa panginginig ko.

"Shet."

Bulong ko sabay unbuckle ng seatbelt at kuha ng phone ko sa lapag, binalik ko ulit ang seatbelt.

Tawag nalang ngayon ang best choice ko.

Tatlong ring bago niya sinagot.

"Malapit na kami."

Bungad niya.

"Sino kasama mo?"

"Chelsea, Tyro and a visitor."

A visitor?

"Sige, kahit di ko maintindihan kung anong gagawin niyo."

Binaba ko na ang tawag.

"Malapit na sila."

Sabi ko kay Crenz.

Pag ka go ng traffic light ay mabilis niyang pinatakbo 'yon.

"May hinahabol ba tayo?"-Cess

"Oras."-Crenz

"Mahirap habulin 'yon."-Migs

Sinamaan ko ng tingin sa rear mirror si Migs, kahit kelan talaga wala siyang matinong sasabihin.

Anong lugar ba 'to?

Ahh.. this is a Judges chamber.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Ahh.. parang gets ko na."-Cess

Huminto sa parking lot si Crenz at pag baba namin ay ang biglang pag dating naman ng kotse ni Raffy.

Mabilis na lumapit doon si Crenz at binuksan ang backseat.

"Ahhh.. tama nga ako."-Cess

Nakangiting aniya.

"Who is that?"

RAFFY'S POV

Parang batas na pumasok sa loob ng hallway si Crenz.

Nag tanong si Chelsea sa desk information kung saan ang ikakasal ngayong alas dos ng hapon.

Itinuro naman sa'min no'ng nasa D.I.

Nauna nang mag lakad si Crenz.

"She's mad."-Chelsea

"Indeed."

Ngisi ko.

Hindi pa naman kami late at hindi rin sila mapapayagang mag pakasal dahil iba ang pangalan na nilagay namin sa registration.

"Lakad na."

Turan ko sa bisita namin.

"Be polite, bitch."-Chelsea

Nakita kong nag madali ng pag lakad si Crenz kaya kaming nakaka kilala sa ganiyang lakad ni Crenz mabilis na humabol sa kaniya.

"Slow down, Crenz."

Habol ko sa kaniya.

"Yara, teka naman."-Hans

Mabilis na binuksan niya ang dulong pinto sa pasilyo at bumungad sa'min si Liphyo na pinupunasan ang pawis niya habang naka upo si Yen na halatang malungkot ang mukha.

"Raya."-Liphyo

Mabilis na lumapit si Crenz kay Liphyo at pinaka titigan ang mukha nito bago niya tiningnan ang kabuohan ni Liphyo.

Wala pa ang judge na mag kakasal sa kanila.

"Sinabi kong hindi, diba?"

Seryosong tono ni Crenz.

Nakita ko ang takot sa mata ni Liphyo at ang pag lunok niya.

"Liphyo? What's this?"-Hans

Hindi pwedeng mag pakasal si Liphyo nang hindi alam ng nag a under sa kaniya dahil may karapatang tumutol ang nag a under sa kanila sa mga gagawin nilang pasya lalo na kung hindi makakatulong sa organization o walang concrete na dahilan, lalo na 'tong pilit na kasal.

Mukhang hindi alam ni Liphyo ang patakarang 'yon.

"K-kase-"

Hinawakan ni Crenz ang unang butones ng barong ni Liphyo at tinanggal ang pagkaka kabit no'n, pero noong patungo na siya sa pangalawang butones at hinawakan ni Liphyo ang kamay niya.

"Crenz-"

"Hindi ako marunong mag biro Jhonzel Liphyo Attienza, huhubarin mo 'to o patutulugin kita rito? Mamili ka."

Nakita ko ang pag aalangan sa mukha ni Liphyo pero sa takot niya ay lumupaypay nalang ang kamay niya at hinayaang gawin ni Crenz ang pag tanggal sa mga butones niya. Tumingin siya kay Yen na parang wala siyang magawa.

Pag tapos niyang matanggal 'yon ay ang saktong pag dating naman nila Chelsea.

Lahat kami ay napa tingin sa pintong 'yon.

"A-Allen."-Liphyo

Hindi ko alam kung anong nag pabago sa isip ni Allen Attienza at pumayag na siyang mag pakasal kay Yen. Dahil ba kay ate Vanessa? Sa anak niya? O baka dahil kay Liphyo?

Marahas na hinugot ni Crenz ang barong na suot ni Liphyo.

"Aw."-Liphyo

Mukhang nasaktan nga siya sa pag hugot na 'yon dahil kung ako ang nasa lagay niya ay masasaktan din ako.

"Isuot mo, parating na ang judge."

Hinagis ni Crenz kay Allen Attienza ang barong na suot kanina ng kapatid niya.

Tumama muna 'yon sa mukha ni Allen bago niya mahawakan.

Naaawa ako sa ganitong tagpo dahil nakita no'ng makita ni Liphyo ang kapatid niya ay nangungusap ang mga mata nito na parang nanghihingi ng tulong o di kaya ay nag susumbong.

Nakita ko rin ang gulat sa magandang mukha ni Yen.

"Wow! Muntikan ka na palang ikasal pre, dapat ininvite mo-"

Tinakpan ni Cess ang bibig ng pinsan niya. Kinindatan ko si Princess dahil alam niya kung ano ang gagawin sa mga gano'ng sitwasyon.

May pumasok na matandang lalaki sa loob ng kwarto.

"Handa na po ang lahat? Nandito na po si Ms. Yen Francisco and Mr. Allen Attienza?"

Nakangiting tanong no'ng lalaki, mukhang siya ang judge na mag kakasal.

Nagulat si Yen at Liphyo sa pangalang nabanggit.

Hinila lang ni Crenz si Liphyo paalis sa harap ng bride para bigyan ng daan si Allen.

"Nandito na po kami."-Allen

Tinulungan siya ni Migs mag ayos ng damit niya.

May kinuha silang dalawang witness sa kasal nila at hindi namin kilala ang mga 'yon.

"May sampung minuto pa tayo bago nag simula ang kasal. Lahat ba ng nandito ay-"-Judge

"Hinatid lang namin ang groom. May gagawin pa kami-"-Crenz

"Lalabas na po kami. Hindi po kasi kami naka proper attire at mag hahanda pa po kami sa reception."-Liphyo

Napangiti sa kanila ang judge.

Hindi talaga pwedeng si Crenz ang kumausap sa ibang tao dahil lagi lang siyang makaka hanap ng away.

"Excuse us, Sir."

Bahagya akong yumuko para mag paalam sa kaniya.

"Sure."

Mabuti nalang mabait siya.

Bago kami lumabas ay nag katinginan muna ang mag kapatid.

Mabuti nalang din talaga at hindi na pumasok si Tyro.

Pag sara namin ng pinto ay saka pinagalitan ni Hans si Liphyo.

"Namumula si Crenz."

Bulong sa'kin ni Chelsea.

Ang liit niya talaga HAHAHA.. di ko siya maasar dahil seryoso siya baka kasi hampasin niya ako bigla.

"Seryoso siya eh."

Pinatahimik muna ni Liphyo si Hans at sinabayan sa pag lalakad ang naiinis na si Crenz.

"R-Raya k-kasi-"

"Huwag mo akong kausapin."

Hindi naman alam ni Liphyo ang gagawin kung tatahimik siya o mag sasalita hanggang sa maka labas kami ng building at nag lakad papunta sa parking lot.

Kumunot ang noo ni Liphyo.

"Mag sisimula na."

Bulong ko.

"Ha?"-Cess

Nginuso ko 'yong dalawa.

"Bakit ba nagagalit ka?! Sinabi ko naman sa'yo na kailangan ko 'yon gawin para kay Yohan!"

"Sinabi ko ring ayokong gawin mo 'yon!"

Huminto na kami na medyo may kalayuan sa kanilang dalawa.

Nakita rin namin si Arya at Tyro na naka tingin ngayon kay Crenz at Liphyo na nag aaway.

Walang mag tatangkang umawat sa kanila kasi kapag umawat kami baka pag sisihan namin.

"Hindi ka pwedeng mag desisyon para sa'kin! I'm not under your care anymore!"-Liphyo

"Lumayo ka na sa'kin baka masapak kita."-Crenz

Seryoso lang kaming naka tingin sa kanila.

Sinubukan niyang buksan ang pinto ng kotse ni Hans pero mukhang nakalimutan niyang na kay Hans ang susi.

Inis na hinampas niya ang bintana ng kotse ni Hans.

Wala namang magiging damage 'yon dahil hindi naman gano'n kalakas si Crenz para maka sira ng bintana ng kotse gamit lang ang kamay niya.

"Bakit ba kasi nagagalit ka?! Dahil ba muntik mo nang hindi maipakasal si Yen at Allen?!"-Liphyo

Minsan na papa hiling na lang ako na huwag na siyang mag salita para hindi na mas lalong mainis pa si Crenz.

"Tumabi ka."

Seryosong nilampasan siya ni Crenz at palapit na sana sa'min para kunin ang susi ng kotse.

"EH BAKIT BA KASI NAGAGALIT KA?!"

Mabilis na humarap si Crenz sa kaniya at kinuha ang braso niya saka siya...

*BLAG!*

"KINGINA! SINABI KO NA SA'YONG GUSTO KITA!

KUNG HINDI KO PA NALAMANG NAG PASA KA NA NG MGA REQUIREMENTS PARA SA KASAL MUNTIK KA NANG IKASAL SA IBA!"-Crenz

Natigalgal kaming lahat sa sinabi ni Crenz.

Ako na literal na napa nganga at si Hans na biglang napa upo nalang sa sahig.

Hindi ko akalaing sa ganitong paraan aamin si Crenz na gusto niya si Liphyo.

Inapakan niya ang dibdib ni Liphyo.

"HUWAG NA HUWAG KA NANG MAG PAPAKITA SA'KIN!

SASAPAKIN TALAGA KITA KAPAG LUMAPIT KA PA SA'KIN! NAIINTINDIHAN MO?!"

Hindi ko alam ang reaksyon o nararamdaman ni Liphyo.

Umalis sa ibabaw niya si Crenz at kinuha ni Crenz ang nakaparadang kotse ko. Na kay Tyro kasi ang susi no'n saka nag drive si Crenz paalis.

Grabe, nakakapang hina siya.

Lumapit kami kaniya at pinalibutan namin siyang lahat.

"Ok ka lang?"-Cess

Bigla nalang ngumiti si Liphyo at tinakpan niya ang sinag ng araw na sumisilaw sa mata niya.

"Parang ang ganda ng araw diba?"-Liphyo

Natatawang aniya.

Napatingin tuloy kaming lahat sa araw at saka bumalik ang tingin sa kaniya.

"Ikaw lang kilala kong masaya pa matapos ibalibag ni Crenz Yara Vilarde."-Arya

"Sino bang hindi sasaya kung maririnig mo sa taong gustong gusto mo na gusto ka rin niya?" Sabi ko

"Agree."-Chelsea

"Kahit tatlong beses ata akong ibalibag ni Crenz ngingiti pa rin ako basta marinig kong lang 'yong mga salitang 'yon."-Hans

Tumango kami.

Crenz Yara na 'yon, syempre mababaliw talaga kami kapag sa isa sa'min ang nagustuhan niya.

Ako nga na crush ni Crenz halos mabaliw na no'ng narinig ko 'yon mula sa kaniya no'ng na hostage sila, ano pa kaya 'tong naka higa sa sahig? Kanina pa nga 'to tumatawa mag isa.

"Itayo na natin 'to, nasisiraan na ng bait 'to."-Tyro

"'Lika na Pre, mukha ka nang basurero diyan sa lapag."-Migs

Siraulo HAHAHAHA..

Tinayo ng mga lalaki si Liphyo.

"Pagpagan mo 'yang-"-Tyro

"Wag!"-Liphyo

Isa rin 'tong wirdo.

"Ano?"-Tyro

"Souvenir 'yan."-Liphyo

Napahagalpak kami ng tawa.

Grabe na talaga sila HAHAHAHAHA..

CRENZ'S POV

Dumiretso ako sa studio ni Chris at pumasok nang walang katok katok sa office niya.

Naka yuko siya na parang may inaasikaso at saka nag angat ng tingin sa'kin.

"Alam mo ba 'yon? Muntik na mag pakasal si Pula kay Yen. Sinabi ko naman na sa kaniya na gusto ko siya tapos pinili niya pa ring mag pakasal kay Yen. Alam ko naman kung anong dahilan kung bakit niya 'yon gagawin pero sinabi ko naman na sa kaniya na gagawa ako ng paraan. Kung na late ako ng dating kanina baka nga kinasal na sila. Pero hindi rin pala kasi ibang pangalan 'yon. EWAN! NAIINIS AKO!"

Nag labas agad ako ng hinanaing nang maka upo ako sa sofa. Sobrang sama ng loob ko talaga, nakaka bwiset talaga siya!

"Sino ka?"

Natigilan ako at nanlambot ang ekspresyon ko nang maalala ang estado namin ngayon.

Ilang linggo ko rin siyang iniwasan.

Hindi namin pareho kinontak ang isa't isa.

"Ano?"

"Sino ka? Anak ka ba talaga ni Craig at Hailey?"

Iniwasan ko ang tingin niya at napa kamot sa ulo ko.

Mali ako nang napuntahang lugar. Nasanay kasi akong pumupunta rito kapag may problema ako.

"Si Charrie? Paano ko siya naging anak?"

Mukha namang nag pa DNA test na siya sa dugo nila pareho ni Charrie.

"Malay ko kung anong ginawa niyo ni M'Hailey."

Napa face palm siya.

Bakiiiit?! Ano bang mali sa sinabi ko? Hindi ko naman talaga alam kung paano nila 'yon ginawa para magkaroon sila ng Charrie.

"Wala akong maalalang may nangyari sa'min ni Hailey pero yung DNA result-"

"Edi may nangyari nga kung anak mo talaga si Charrie. Alangan namang maging biological father ka ni Charrie nang walang nangyayari sa inyo ni M'Hailey."

Napakamot siya sa ulo niya at mukhang na fufrustrate na na kausap ako.

"Ang hirap mo talagang kausapin sa seryosong bagay."

"Hindi ako ang dapat na kinakausap mo. Kausapin mo si M'Hailey. As soon as possible kailangan mo na mag paka ama kay Charrie. Kapag pinatagal mo pa alam mo naman siguro ang pwedeng mangyari sa kanila."

Mukha namang hindi si Chris ang tipo ng taong pababayaan ang responsibility niya.

"Isang beses lang nangyari 'yon diba?"

Umiling ako.

"Actually dalawang beses."

"ANO?!"

Napa ngiwi ako

"21 years ago and 5 years ago."

"Tu-21 years ago?"

Tumango ako.

Ayoko talaga ng ma dramang mga tagpo kaya sinusubukan kong ayusin ang tibok ng puso ko at ipakitang parang simple lang ang sinasabi ko at hindi ako naapektuhan no'n.

"Si M'Hailey ang kausapin mo. Pakasalan mo na rin siya."

Nag tataka siya kung bakit parang ang simple simple lang para sa'king sabihin ang mga bagay na 'yon.

"Hindi gano'n kadali-"

"Nang hingi ako ng permiso kay Mr. Acer at Mrs. Acer na kapag hindi mo pinakasalan si M'Hailey ay susunugin kita ng buhay."

"Ano?!"

"Iyon lang ang mga pwede kong sabihin sa'yo. Di ko obligasyon mag paliwanag ng mga nangyari noon since nangyari ang mga bagay na 'yon no'ng wala pa ako sa mundo."

Tumayo na ako.

"Ipasyal mo muna si Charrie bago mo harapin si M'Hailey. Charrie's longing for a father so make a move. Matagal nang divorce si P'Craig at M'Hailey."

"Ha?"

Naguguluhang tanong niya.

"Bakit ba ako nagkaroon ng ganitong Ama?"

Naiiritang tanong ko sa sarili ko na mukhang narinig naman niya.

"A-ama-"

"Sige na, alis na 'ko. Hanapin mo nalang ang bahay ko."

Hindi ko na siya nilingon kahit pa ilang beses niya akong tinawag.

Atleast may idea na siya.

~~~~

Maaga akong pumasok at wala pang tao sa room.

Hindi pa ako nakakalipat dahil mali ako ng napag pakisuyuan ng bahay na titirhan ko, napaka metikuloso ni Cedric at lagi siyang naka "Di safe doon", "Pangit 'yong interior design." O di kaya "Maliit at masikip doon."

Nakakabaliw ang pagiging perfectionist niya sa mga bagay bagay kaya humingi na rin ako ng tulong kay Vanessa na samahan si Cedric hanapan ako ng bahay kasi baka mag bagong taon na ay hindi pa rin ako nakakalipat. Kay Vanessa umaatras ang buntot ni Cedric at mag lo loosen up ang pagiging perfectionist niya.

Natulog lang ako.

Wala si Charrie sa bahay ko kasi gusto ni M'Hailey doon na muna siya sa tabi niya pero naka dipende pa rin 'yon kay Charrie dahil kapag tinoyo 'yong batang 'yon, wala silang magiging choice kundi ang ibalik siya sa bahay ko na hindi pa naman nangyayari.

Nagising ako nang medyo dumadami na ang tao sa paligid ko.

Nag angat ako ng ulo nang hindi pa minumulat ang mata ko.

"Good morning."

"Morni-"

Natigilan ako at nag dilat ng mata.

Yung boses na 'yon!

Tumingin ako sa tabi ko at nangangalumbabang tumingin sa'kin ang katabi ko.

"Gusto mo ng sapak?"

Sinabihan ko na siyang huwag mag papakita sa'kin. Siraulo siya!

"Sige, dito."

Tinuro niya ang pisngi niya.

Pinatunog ko ang leeg ko at inestretch ang kamay ko.

Hinahamon niya ako ah?

Nakita kong pinag pawisan ang gilid ng mukha niya.

"G-gagawin mo talaga?"

"Mukha ba akong marunong mag biro?"

Nakatingin sa'min sila Hans na pinag tatawanan kami nang mahina.

"A-ahck!"

Pag daing niya habang naka hawak sa balikat niya.

"Hindi pa kita sinasapak at hindi sa balikat ang pag sapak."

Seryosong sabi ko sa kaniya.

"Masakit yung balikat ko kasi napwersa mo no'ng nakaraan."

Para siyang tanga.

*PIK*

Imbes na sapak ay pinitik ko nalang ang tenga niya.

Akala ko papasok na siya kahapon pero mukhang kinausap niya lang ang adviser namin para iurong ang pag dodrop out niya.

"Aray!"

Kasabay ng pamumula ng tenga niya ay ang pamumula ng mukha niya.

"Umalis ka rito, bumalik ka sa pwesto mo."

"Ayoko, simula ngayon babakuranan na kita."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong sinasabi mo?"

"Gusto mo 'ko diba? Hindi ka na pwedeng mag paligaw sa iba at kikilalanin pa kita gaya ng gusto mo."

Ang lakas naman ng loob niya.

"Kelan ko 'yon sinabi?"

Kunot noong tanong ko.

"When I'm baking."

Oo na! Pero hindi pa pwede! Ayoko muna!

"Wala akong maalala kaya alis na."

"Nag dala pala ako ng tinapay."

Parang naging alert ang tenga ko at pasimpleng sinilip ang bag niya.

"Pfft!"

Nakangiti siyang nag labas ng baunan at binuksan 'yon.

Hinawakan ko iyon at mukhang bagong luto pa.

Kinain ko 'yon at para akong nabubuhayan sa sarap.

"Parang hindi naman gano'n ka sarap 'yang tinapay na 'yan para kuminang ang mata mo nang ganiyan."-Pula

"Hinihingi ko ba ang opinyon mo?"

Tanong ko habang ngumunguya.

"Oo na, kain pa."

Inuuto niya ako ah!

Well, nauuto naman ako.

Nakatitig lang siya sa'kin.

"Wag mo 'kong titigan baka kiligin ka."

"Kinikilig na nga ako eh."

Natigilan ako sa pag tangka kong pag subo dahil this time parang ako naman ngayon ang nasusupalpal.

"Don't look, sisipain kita."

"Pfft!"

Masaya lang siyang tumingin sa harapan.

Pakiramdam ko ang init ngayon.

"Woah, ano 'yan? Kayo na-"-Jigs

"Alis"

Paupo na sana siya sa harap namin nang sabihin ko 'yon.

"Sabi ko nga."

At umalis nga siya.

"Here."

Nag labas siya ng chocolate milk drink.

"Ikaw ba ang madalas nag lalagay ng inumin dito kapag break time?"

Kunot noo siyang napatingin sa'kin.

"May nag bibigay sa'yo?"

So hindi siya.

"Akala ko ikaw."

Lalo lang nangunot ang noo niya.

"Mag lunch break ka kasi kasama nila Hans."

Singhal niya sa'kin.

"Lakas mo mang utos ah."

Maangas na sagot ko.

Kaya lang naman ako hindi suma sama kina Hans dahil nawawalan ako ng ganang makita pa siya sa canteen. Halos mag kalapit lang ang madalas naming tinitable-an.

"Iluwa mo."

"Alin?"

Yung tinapay? Baliw ba siya?

"Yung binigay sa'yong inumin ng kung sino man 'yon."

Bigla akong nawalan ng gana kumain dahil sa tangang kausap ko.

"Lumayas ka nga rito. Nawalan na ako ng gana kumain."

Binalik ko sa kaniya ang baunan.

"Nawalan? Eh isa na nga lang 'to oh."

Sinilip ko ang baunan.

Oo nga isa na nga lang.

"Nag aaral ka ba ng science? Hindi na tutunaw ang inumin kaya malamang after 30 minutes to 1 hour after I consumed it, nailabas ko na 'yon."

Iluwa amputcha, ano kami bata?

"Buti naman nilabas mo."

Lalo lang nag init ang ulo ko sa kaniya.

Anong gusto niya? I stock ko 'yon sa pantog ko?

"Mag aral ka nang mabuti bata, sayang pinapabaon sa'yo ni Mama."

Namula na naman ang mukha niya.

"Kinikilig ka ulit?"

"A-ano? Hindi 'no."

Sabay hawak niya sa parehong pisngi niya.

"Bumalik ka na sa upuan mo."

Umiling siya.

"Baka may mag lagay na naman ng inumin mo rito sa table mo."

Tss!

"Ayoko ng may katabi, alis na."

Nilayasan nga ako no'ng seatmate ko dapat dahil natatakot madamay kapag pinagalitan ako ng Teacher.

"No, I'll stay here."

Niyakap pa niya ang bag niya.

"Huwag na huwag mo lang akong gigisingin kapag natutulog ako. Ayoko ng maingay at malikot."

Tango tango lang ang ginawa niya.

Good! Ang cute niya.

"Uubusin ko na."

Kinuha ko ang nag iisang tinapay doon.

"Gusto mo ba?"

Alok ko sa kaniya.

Nakangiwi siyang umiling.

Inubos ko nalang 'yon at uminom ng binigay niya.

Sakto pala dahil hindi ako nag almusal kanina.

"Everyone, go back to your seats!"

Dumating na ang Teacher.

Pinasok na niya ang baunan niya.

"Mr. Attienza, welcome back. Antagal mong absent ah, wala man lang excuse letter?"

Nahihiyang napa kamot si Pula sa batok niya habang prente akong sumipsip at nag papalit palit ng tingin sa kanilang dalawa.

"Sorry, Ma'am."

Tumayo si Pula dala ang isang papel na mukhang excuse letter niya.

"Sa susunod mag text o mag chat ka sa mga teacher mo. Anong silbi ng mga social media accounts niyo kung hindi kayo makikipag communicate or mag a update? Muntik ka na naming I drop Mr. Attienza."

Mukhang hiyang hiya na ngayon 'tong Pulang 'to.

"Ikaw naman Ms. Vilarde, kung hindi ka tulog sumisipsip ka naman diyan."

Langya, nadamay pa.

"Kasalanan mo 'to Pula."

Pasimpleng bulong ko sa kaniya.

"Wala naman akong sinabing uminom ka sa harap niya, sana man lang nag pasimple ka."-Liphyo

"Paano ako mag papa simple kung nasa katabi ko ang atensyon niya."

Bulong bulong namin

Nagawa pa talaga namin pasimpleng mag bangayan habang nabulong.

"I need energy kaya umiinom ako ngayon."

Sabi ko.

Pasimple akong sinipa ni Pula.

Pinandilatan pa ako ng mata.

"Energy for what? Buong mag hapon ka ngang tulog kaya paano mababawasan ang energy mo?"

"Energy to breath, Ma'am."

Nag tawanan ang mga kaklase ko lalong lalo na si Jigs na pasimuno.

"Quiet! Kung hindi ka lalabas ng klase ko pwede bang matulog ka nalang. Baka gayahin pa nila 'yang hindi magandang ugali mo."

Nag kibit balikat nalang ako at humalukipkip.

Di pa ako makakatungo dahil busog ako.

Nag simula na siyang mag lecture.

For the first time nakinig ako nang hindi naka tungo pero nangangalumbaba naman ako at naka tulala.

May mga matang pasimpleng tumitingin sa gawi namin lalo na kay Pula na mukhang hindi naman napapansin ang mga matang 'yon.

Pag tapos ng unang klase agad akong tumungo.

"Wala raw si Sir!"

Sigaw ng isa naming kaklase.

LIPHYO'S POV

Hanggang ngayon hindi pa rin mapalis ang ngiti ko dahil sa sinabi niya sa'kin noong nakaraan.

Para akong binubomba sa tuwa.

Gusto niya ako?

Weh? Hindi naman siya nag bibiro diba?

Bwiset! HAHAHA..

Kahapon kinausap ko ang adviser namin tungkol sa drop out letter ko na mukhang hindi naman niya natanggap kaya ang ending ko ay nag sorry nalang ako at nag dahilan kung bakit ako ilang araw nang absent.

Gusto ko siyang maging girlfriend pero mag hihintay lang ako hanggang sa gusto na rin niyang pumasok sa relasyon. Ang pinaka mahalaga sa'kin ay ang katotohanang gusto niya rin ako.

Napahawak tuloy ako sa tenga kong pinitik niya at saka napa ngiti.

"Mapag kakamalan ka nang baliw diyan."-Hans

Lumapit siya sa'kin at umupo sa tawid ng upuan ko.

Humarap ako sa kaniya.

"Halata ba?"

Bulong ko.

Tumango siya.

Sinenyasan niya akong may itetext siya sa'kin.

Nag hintay akong matapos ang typings niya.

From: Hans

~Huwag ka masyadong malapit sa kaniya sa public o maging clingy dahil ayaw niyang ipakita ang totoong siya sa maraming tao. Pretend like you less care so in that way she'll voluntarily come to you.~

Unti unti akong napangiti.

Ganito ang nangyari sa'min no'ng ako ang lumayo, siya ang lumalapit sa'kin.

Tumango ako saka nakipag fist bump sa kaniya bago siya lumayo.

Tumataas na ang sikat ng araw at medyo umiinit na side niya kaya kumuha ako ng libro at sumandal sa may bintana para mag basa at matakpan siya ng sinag sa araw.

Napangiti nalang ako habang nag babasa.

Nagustuhan ko ang kwento ng libro kaya habang kahit nakatayo ako dito ay hindi ko napapansin na lumipas na pala ang isang oras.

"Hoy."

Binaba ko ang librong hawak ko.

Naka angat na ng ulo si Raya at halos hindi pa mabuksan ang mata sa sobrang liwanag.

"Bakit?"

Seryosong tanong ko.

"Bakit nandiyan ka?"-Raya

"Gusto ko lang. Masakit sa pwet pag laging naka upo."

"Umupo ka na."-Raya

"Mamaya na kapag nandiyan na si Ma'am."

After ng next subject ay break time na rin naman.

"Bahala ka."

Kinuha niya ang phone niya at saka niya tinutok sa'kin.

Anong ginagawa niya.

*Capture*

Seryoso siya? Lantaran talaga siyang kukuha ng picture ko?

"Anong trip mo?"

Kunwaring inis na tanong ko.

"Mukha kang model diyan. Mas magaling pa rin akong kumuha ng picture kesa sa mga kumukuha ng picture sa'yo sa pictorial, pero mas gusto ko sana kung crime scene ang pipicture an ko."

(⁠⑉⁠⊙_⊙⁠)

Dapat talaga sanay na ako eh, pero ewan ko ba. Kahit alam kong malakas talaga ang sapak niya pati na ang toyo niya ay hindi ko pa rin magawang masanay, pero may improvement naman, medyo konti nalang ang gulat ko unlike noong mga una na mapag kakamalan ko talagang galing siyang mental.

"Kung anu ano nalang sinasabi mo."

Pinakita niya sa'kin ang picture at mukha nga akong nag eendorse ng libro roon at maganda rin ang pag kakakuha unlike ng mga kuha namin ni Sandra sa isa't isa na parang kahapon lang kami pinanganak.

"Pwede mo na i represent ang Dia University sa swimming competition or maging ambassador ka."

Kung hindi lang sumabog ang school nila Sandra parang mas magiging komportable pa ako roon kesa rito.

"Matulog ka nalang."

Bumalik ako sa pag babasa saka napangiti.

Ang ganda niya talaga.

Napaupo nalang ako no'ng dumating ang Teacher namin at nag pa quiz.

Nag pakuha ng papel at nag pasulat ng 1-20.

Yumuko lang si Raya pero ako sinulatan ko ang papel namin pareho ng 1-20.

Madali lang naman siya kabisaduhin.

Mag aangat lang siya ng ulo kapag number 17-18 na at mag simulang ma sulat.

So dictation lang ang ginawa sa'min at nag sagot lang kami sa papel, at no'ng nasa 17 na nga ay nag angat na ng ulo si Raya at nag simulang mag sulat. Kung hindi mo siya kilala baka maiisip mong nanghuhula siya sa ginagawa niya ngayon pero ang level ng utak niya ay ibang iba talaga.

No wonder nakapag tapos siya agad ng pre med niya at nag Doctor agad sa murang edad.

Nag sulat lang siya at nakasabay din sa'min sa pag papasa ng papel. Nag pa quiz lang talaga si Ma'am at umalis na ng room kaya mahaba ang breaktime namin.

Natulog lang ulit si Raya at ako ay nag patuloy sa pag babasa. Hindi kami pwedeng mag lunch agad dahil may mga hinihintay kaming mga nasa kabilang section.

"Hoy."

Napakunot noo ako. Pang ilang beses na ba niya akong tinawag ng "Hoy" ngayong araw? Ang ganda ganda ng pangalan ko tapos i ho hoy niya lang ako?

"Stop calling me 'Hoy' "

>_<

Naka tungo pa rin siya pero naka tingin sa side ko.

"Arte mo."

Tiningnan ko lang siya habang nakangiwi.

"Huwag kang tatanggap ng assignment ah."-Raya

Ano?

"Sa org."-Raya

Lumambot ang mukha ko.

"Pwede ba 'yon tanggihan?"

"Malamang, sumabit ka lang naman kaya walang pwedeng pumilit sa'yong gumawa no'n."

Totoo ba?

Pinilit kasi ako noon ni Mr. Tan na gawin ang assignment na binigay sa'kin bago kami umalis papunta ng probinsya. Natatakot kasi akong hindi ko 'yon magawa.

"Huwag ka na ulit tatanggap. Ginamit ka ni Tanda para mapa payag ako, alam niyang wala akong magagawa kundi ang pumayag. Ayokong ikaw ang maging dahilan para pumigil sa'kin sa mga gagawin ko sa future, ayoko ng sagabal."

Napalunok ako kasabay ng pag sakit ng dibdib ko sa mga sinabi niya.

Kahit naman noon palang sagabal at pakelamero na ang tingin niya sa'kin.

Nag iwas ako ng tingin at tumingin nalang sa libro.

Masakit pa rin talaga siya mag salita, wala pa ring preno ang bibig niya. Sasabihin niya ang gusto niyang sabihin kahit makasakit siya ng damdamin ng ibang tao. Hindi ko siya pwedeng baguhin, hindi ko siya nagustuhan dahil gusto ko siyang baguhin pero sana mapalambot ko siya kahit papaano. Mag aadjust ako para sa kaniya pero sana "if ever" totoong gusto niya ako, gusto ko rin sanang mag adjust siya, pero hindi ko siya pipilitin dahil gusto kong mag kusa siya.

Hindi na ako muling kumibo matapos niyang sabihin 'yon.

Sana lang talaga hindi siya gano'n ka manhid.